ang manggagawa july 2010

4
Ito ang tanong nating mga manggagawa at mamamayan simula nang maupo si Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III. Pag-aaralan daw niya ang mga datos ng pinalitang rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo, na totoo namang nambaluktot sa mga ito. Pag-aaralan daw niya ang kawalang-trabaho, pampulitikang pagpaslang at iba pang isyu. Hinay-hinay lang daw, mahina ang kalaban. Nagbuo ng “Truth Commission” para umano sarhan ang mga kontrobersya sa rehimeng Arroyo. Pero ilang kaso ng katiwalian lang ang binanggit, hindi ang matitinding krimen. Sa harap ng publiko, nagbigay ng mga pangkalahatang pangako at ipinakitang pag-aaralan ang mga isyu. Sa aktwal, nagtulak ng mga patakarang kontra-manggagawa at kontra-mamamayan at hindi umaksyon sa mga panawagan ng sambayanan. Ito ba ang “daang matuwid” at “pagbabago”? Hindi si Noynoy ang mapagpasya pagbabago Ang mamumuno pa, si dating Chief Justice Hilario Davide Jr. na may utang na loob sa dating rehimen.Ipinagbawal ang “wang-wang,” tong at counter-ow – simbolikong hakbangin na hindi makakabawas sa gutom at kahirapan. Samantala, sa kasalukuyan, limang aktibista na ang biktima ng ekstrahudisyal na pagpaslang. Ang tugon ni Aquino: sinabing hindi niya ito patakaran, binalaan ang militar, at sinabi ring “personal” ang dahilan ng marami sa mga pagpatay. Wala pa ring opisyal- militar ang nasuspinde, nilitis at pinarusahan. Hindi rin tinutukoy ang Oplan Bantay Laya ng rehimeng Arroyo bilang ugat ng mga pagpaslang. Sinusugan pa nga ang militar na pabilisin ang pagtapos sa “rebelyon.” sa sundan sa pahina 2 TOMO XIII Blg. 1 Hulyo 2010

Upload: kilusang-mayo-uno

Post on 13-Mar-2016

254 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

Opisyal na pahayagan ng Kilusang Mayo Uno

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Manggagawa July 2010

Ito ang tanong nating mga manggagawa at mamamayan simula nang maupo si Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III. Pag-aaralan daw niya ang mga datos ng pinalitang rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo, na totoo namang nambaluktot sa mga ito. Pag-aaralan daw niya ang kawalang-trabaho, pampulitikang pagpaslang at iba pang isyu. Hinay-hinay lang daw, mahina ang kalaban.

Nagbuo ng “Truth Commission” para umano sarhan ang mga kontrobersya sa rehimeng Arroyo. Pero ilang kaso ng katiwalian lang ang binanggit, hindi ang matitinding krimen.

Sa harap ng publiko, nagbigay ng mga pangkalahatang pangako at ipinakitang pag-aaralan ang mga isyu.

Sa aktwal, nagtulak ng mga patakarang kontra-manggagawa at kontra-mamamayan at hindi umaksyon sa mga panawagan ng sambayanan. Ito ba ang “daang matuwid” at “pagbabago”?

Hindi si Noynoyang mapagpasya pagbabago

Ang mamumuno pa, si dating Chief Justice Hilario Davide Jr. na may utang na loob sa dating rehimen.Ipinagbawal ang “wang-wang,” tong at

counter- ow – simbolikong hakbangin na hindi makakabawas sa gutom

at kahirapan.

Samantala, sa kasalukuyan, limang

aktibista na ang biktima ng ekstrahudisyal na pagpaslang. Ang tugon ni Aquino: sinabing hindi niya ito patakaran, binalaan ang militar, at sinabi ring “personal” ang dahilan ng marami sa mga pagpatay. Wala pa

ring opisyal-militar ang

n a s u s p i n d e , nilitis at

p i n a r u s a h a n . Hindi rin tinutukoy

ang Oplan Bantay Laya ng rehimeng Arroyo bilang ugat ng mga pagpaslang. Sinusugan

pa nga ang militar na pabilisin ang pagtapos sa “rebelyon.”

sa

sundan sa pahina 2

TOMO XIII Blg. 1 Hulyo 2010

Page 2: Ang Manggagawa July 2010

Sina Noynoy at Juan at Maria Obrero

Hindi si Noynoy...

2 ANG MANGGAGAWA

Tunay. Palaban. Makabayan!

Ano ang kongkretong tugon sa daing ng mga magsasaka para sa reporma sa lupa? Ano ang gagawin sa pangakong ipapamahagi ang Hacienda Luisita? Ano ang kongkretong hakbangin sa giit ng mga manggagawa para sa dagdag-sahod, seguridad sa trabaho at pagtigil sa paglabag sa mga karapatan? Sa kahilingan para sa mas malaking subsidyo sa edukasyon, kalusugan, pabahay at iba pang serbisyong panlipunan? Sa panawagang palayasin ang mga tropa at baseng Kano sa bansa? Wala.

Ang masahol pa, pumopostura man siyang kontra-Arroyo, malinaw na ipagpapatuloy niya ang mga patakaran nito. Magiliw siya sa mga kinatawan ng gobyernong US at mga negosyanteng Amerikano at dayuhan. Todo-pakinig siya sa dikta ng malalaking burgis-komprador at panginoong maylupa. Tinadtad nga niya ang gabinete niya ng mga kinatawan at tagasuporta nila.

Ang pinakamahalagang patakarang pang-ekonomiya niya: pag-akit sa dayuhang pamumuhunan at pagpapahusay sa pag-eksport ng lakas-paggawa sa ibang bansa. Ang interes ng mga dayuhan, pangunahin ng mga Amerikano, pa rin ang sisikapin niyang maghari sa bansa. Hindi ang kapakanan ng mga Pilipino, kundi

ang tubo at interes ng mga dayuhan at iilan. Walang nagbago, walang pagbabago sa patakaran ng rehimeng Arroyo – at ng lahat ng nauna rito.

Pero sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 26, pagmumukhain niyang mayroon at may darating pa. Katuwang ang burgis na masmidya na todo-sunod sa bagong rehimen, muli na naman tayong babahain ng ilusyon ng pag-asa at pagbabago.

Kaya mahalaga ang SONA para sa atin hindi dahil sa mga maririnig natin, kundi dahil kailangan nating magparinig dito – ng ating tunay na kalagayan. Kailangan nating iparinig ang ating mga panawagan na dapat niyang sundin at ang mga kongkretong hakbangin na dapat niyang ipatupad.

Sa tinatakbo ng kanyang rehimen, malinaw na hindi ibibigay ni Noynoy Aquino ang gusto nating pagbabago. Tayo ang kailangang kumilos para makamit ito. Hindi si Aquino ang mapagpasya sa pagbabago, kundi tayo. Kailangan nating tuluy-tuloy na magmulat, mag-organisa at magpakilos sa ating hanay para ipaglaban ito, at ipakita ang kakayahan nating lumaban sa mga humahadlang sa tunay na pagbabagong nararapat sa ating mga manggagawa at mamamayan.

Ang hinaharap ng kilusang paggawa kay AquinoKung babaybayin ang mga pahayag ni Noynoy Aquino noong kampanya at sa kanyang inagurasyon, malinaw na ang “Daang Matuwid” na paulit-ulit niyang binabanggit ay patungo sa higit na pagsasamantala at kahirapan.

Sa ilalim ng kanyang administrasyon, sinabi ni Aquino na patuloy na iaasa ang paglikha ng trabaho sa pag-akit sa mas maraming dayuhang mamumuhunan. Gagawing mas aktibo pang katuwang ang gobyerno ng mga kapitalista sa pagpapalago ng negosyo.

Tampok din sa kanyang mga pahayag at 22-puntong direktiba sa Department of Labor and Employment ang patakarang pag-eksport ng lakas-paggawa (labor-export policy) at ang kanyang layunin na gawing “makatao” at “episyente” ang pagmimigrante sa ibang bansa.

Malinaw samakatwid na walang plano ang administrasyong Aquino na lumikha ng trabaho sa bansa sa sariling pagsisikap ng gobyerno ng bansa. Itataguyod ng bagong rehimen ang lumang dikta ng imperyalistang globalisasyon na higit pang ibuyangyang ang bansa sa pagsasamantala ng mga dayuhang kapitalista. Patuloy na papasanin nina Juan at Maria Obrero ang mababang

pasahod, malawakang tanggalan, malaganap na kontraktwalisasyon at matinding panunupil.

Kongkretong makikita ang mga diktang ito sa mga panawagan kay Aquino ng mga grupo ng malalaking negosyante na todo-suporta sa kanya noong eleksyon: barat na sahod, pagpapatindi ng pleksibleng paggawa at pagtanggal sa mga benepisyo. Laman ang mga panawagang ito hindi lang ng simpleng wishlist kundi pati ng panukala nilang baguhin ang mismong Labor Code.

Kung papansinin ang mga bumubuo sa kanyang gabinete, malinaw na makikita kung gaano ka-imposibleng tumindig si Aquino para sa mga manggagawa. Nakatanim sa mahahalagang ahensya ng gobyerno ang apat na bigating negosyante sa bansa na pangunahing tutol sa anumang umento sa sahod ng obrero at tagapagtulak ng higit pang pagpapalobo sa tubo ng mga kumpanya.

Hindi rin maikakaila na galing sa naghaharing uri si Aquino. Galing siya sa pamilya ng mga asyendero na kumokontrol sa Hacienda Luisita sa Tarlac. Ang kanyang tito naman,

si haring burgis-komprador Danding Cojuangco, ang may

Hulyo 2010

mula sa pahina 1

kontrol sa samu’t saring negosyo, bangko at planta ng kuryente sa bansa.

Ibig sabihin, hindi pwedeng umasa ang mga manggagawa at mamamayan sa pangako ng “pagbabago” ni Aquino. Patuloy siyang popostura na iba kay Gloria Arroyo, kahit wala namang tunay na pagkakaiba ang mga patakaran ng kanyang administrasyon sa mga patakaran ni Arroyo. Naglilingkod pa rin ang kanyang mga patakaran sa interes ng imperyalismong US at mga naghaharing uri.

At dahil lugmok pa rin sa papatinding krisis ang pandaigdigang sistemang kapitalista, asahan natin na raragasa ang mas malupit na mga neoliberal na iskema para umano ibsan ang krisis. Tiyak na ipipilit ng administrasyong Aquino ang mga bagong buwis at iba’t ibang pagtaas ng singil sa mga serbisyong panlipunan tulad ng kuryente at transportasyon.

Nagbibigay ang rehimeng US-Aquino ng mainam na pagkakataon para magmulat, mag-organisa at

sundan sa pahina 4

Page 3: Ang Manggagawa July 2010

3

Kung si Big Brother ay may kakayahang mag-force evict ng mga lumalabag sa house rules niya, higit na masahol ang mga Big Boss sa ABS-CBN sa isa-isa nilang pagtanggal sa mga manggagawang sumuway sa patakaran nilang kontraktwalisasyon at pagdurog sa unyon.

Aabot na sa 31 manggagawa ang bigla na lang tinanggalan ng schedule sa trabaho at akses sa pasilidad, o kaya nama’y pinag-force leave, mula noong Hunyo 15. Ito’y dahil ayaw nilang tanggapin ang mga kontratang gagawin silang kontraktwal sa loob ng ilang taon o, mas masahol, tumagal lang nang kasing-haba ng partikular na programa sa TV na pinagtatrabahuan nila.

Kalakhan ng mga manggagawa ay nakapaloob sa IJM (internal job market), na itinuring ng manedsment na mga hindi empleyado ng ABS-CBN mula nang magsampa sila ng petisyon para sa isang certi cation election. Sa kabila ito ng katotohanang ABS-CBN ang direktang

‘Forced eviction’ ng higit 30 manggagawa sa Kapamilya

nagpapasweldo at nagpapataw ng company rules and regulations sa kanila.

Dahil hindi empleyado ay hindi sila pwedeng kilalanin na may karapatang mag-unyon, at kapag naging kontraktwal na ang istatus nila, mawawala na sila sa IJM Union at lalo silang mahihirapang mag-unyon dahil laging may bantang hindi na ma-renew ang kontrata.

Naglunsad na ng mga piket sa compound ng ABS-CBN ang mga manggagawa, na binigyan naman ng simpatya

2,600 empleyado ng PAL, nanganganib matanggal

Hulyo 2010ANG MANGGAGAWA

Tunay. Palaban. Makabayan!

P22 dagdag-sahod ng wage board, pang-blackmail sa CBAMumo na nga lang ang P22 dagdag-sahod na ibinigay ng NCR Wage Board pagkatapos ng halos tatlong taon, ginagamit pa itong pansumbat ng mga kapitalista para lalong baratin ang mga manggagawa. Ganito ang ginagawa ngayon ng pinakamalaking kumpanya ng shing hook sa mundo, ang Mustad Terminal Tackle na may pabrika sa Novaliches.

Nauna nang iginiit ng manedsment na mag-moratorium sa CBA dahil malaking pasanin na umano sa kanila na tumalima sa pinakahuling P22 wage order. Pero noong Pebrero pa nagsimula ang negosasyon, at muntik pa itong paabutin sa lampas anim na buwan – panahong wala nang mapapakinanabangan ang mga manggagawa kung may makuha man sa CBA.

Kaya naman naglunsad ng halos araw-araw na noise barrage ang mga manggagawa rito. Ngunit mas

nakakainsultong P8 lang (P4 kada taon) ang ibinigay ng manedsment nitong kalagitnaan ng Hulyo.

Sinasabi rin ng manedsment ang gasgas nang palusot na nalulugi raw ito. Ayon nga sa balatengga ng unyon sa kanilang inilunsad na piket kamakailan, “Panahon ng CBA: panahon ng litanya ng pagkalugi.”

Nalulugi raw ang kumpanyang patuloy na nagtatayo ng mga branch sa iba’t ibang panig ng mundo. Tuluy-tuloy rin ang pagkuha nito ng mga manggagawang sub-contracted para mas marami pang produktong maibenta. Lagi ring may pwersahang pagpapa-overtime sa mga manggagawa, at dinadamihan ang shift sa trabaho nang walang abiso – lahat para lumikha ng mas maraming produkto.

Nanganganib matanggal ang 2,600 empleyado ng Philippine Airlines (PAL) matapos katigan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang planong spin-off at outsourcing ng kumpanya sa tatlo nitong departamento.

Sa desisyong inilabas noong Hunyo 15, sinabi ng DOLE na “managerial prerogative” o nasa desisyon ng manedsment ang malawakang tanggalan kahit pa ibig sabihin nito ang pagsibak sa mahigit kalahati ng kasapian ng lokal na unyon.

Giit ng mga empleyado, hindi totoo

ang idinadahilang pagkalugi ng PAL dahil lumobo ang yaman ni Lucio Tan, may-ari ng kumpanya. Anila, nakabili pa nga ang kumpanya ng mga bago at modernong eroplano.

Layon din umano ng planong spin-off/outsourcing na wasakin ang lokal na unyon, na mahigit 60 taon nang nakatindig.

Plano ng PAL na i-spin-off sa mga service providers ang mga departamentong Call Center Reservations, In- ight Catering at Airport Services.

Patuloy ang pagpaslang sa mga aktibistaTatlong aktibista na ang pinaslang ng mga militar sa unang dalawang linggo pa lang ng administrasyong Aquino.

Sila ay sina Fernando Baldomero, coordinator ng Bayan Muna sa Aklan; Pascual Guevarra, miyembro ng Anakpawis Party-list sa Nueva Ecija; at Mark Francisco, miyembro ng Act Teachers Party-list sa Masbate.

Wala pa ring kongkretong hakbangin si Presidente Aquino para pigilan ang mga pagpaslang.

ng publikong nanonood ng kanilang produkto. Ayon sa isang bitbit nilang bandera, “Ma’am Charo at Boss Gabby, alam naming hindi kayo kapuso, pero wala pala talaga kayong puso!”

Dinala na rin nila ang kanilang mga pagkilos sa Department of Labor and Employment, na kumatig lang sa manedsment sa argumentong hindi sila empleyado, at maging sa bahay ng bagong pangulo na kilalang malapit sa pamilya Lopez na may-ari ng ABS-CBN.

Pag-imbestiga ng CHR sa Dole l, hiniling

Dinagsa ng mga lider ng iba’t ibang pederasyon at unyon ng KMU ang bahay ni Noynoy Aquino noong Hunyo 25 para ipanawagan ang pagsasabatas ng P125 na dagdag-sahod.

Nagsampa ng reklamo noong Hunyo 29 ang Amado Kadena–National Federation of Labor Unions-KMU (AK-Na u-KMU) sa Commission on Human Rights (CHR) para pa-imbestigahan ang pagharas ng Dole l sa mga lider-unyon at paglulunsad ng 27th Infantry Battalion ng AFP ng kontra-unyong mga seminar sa loob ng 24,000 ektaryang plantasyon ng pinya.

“Hinihimok namin ang CHR na siyasatin ang lantarang pag-atake ng Dole l sa mga karapatan ng mga manggagawa na mag-organisa at magtayo ng unyon, at ang paglabag nito sa mga pamantayan ng International Labor Organization,” sabi ni Lito Ustarez, executive vice-chairman ng KMU.

Dagdag ni Ustarez, inaakusahan ng Dole l at militar ang mga opisyal ng unyon ng pagrerekrut sa NPA at pagsuporta sa mga komunista. Aniya, katulad ang hakbanging ito ng kampanya ng paninira ng militar sa mga militanteng manggagawa sa ibang pagawaan.

Isinama rin ng AK-Na u-KMU ang anti-komunistang grupong Anad Partylist sa reklamo, na ayon dito’y nakipagsabwatan sa militar kontra sa KMU.

Lupon ng mga patnugotElmer Labog | Roger Soluta

Ang aming opisina ay nasa 2/F Balai Obrero Foundation, 63 Narra St., Proj. 3, QC | Telefax: 416-0986 | E-mail: [email protected]

Page 4: Ang Manggagawa July 2010

Unang anibersaryo ng pagpanaw ni Ka Wilson, ginunitaBuhay na buhay ang kayayao lang na pangkalahatang kalihim ng KMU na si Ka Wilson Baldonaza noong Hulyo 1, bagamat isang taon na siyang wala. Nakangiti siya sa malaki niyang larawan na nasa harap ng maraming tao, pinababango ng mga bulaklak, iniilawan ng mga kandila. Sa isang parangal ay sinariwa ang kanyang kadakilaan ng mga awit at testimonya.

Ngunit higit na naging buhay ang kanyang mga adhikain dahil sa tinalakay ng mga manggagawa ang kalagayan ng mga pakikibaka para sa paglaya ng mga manggagawa at mamamayan ng daigdig. Isang pagtatalakay sa internasyunal na sitwasyon at kilusang proletaryo sa iba’t ibang panig ng mundo ang naganap pagkatapos ng liturhiya at mga testimonya.

Ginanap ang parangal sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, pagkatapos ng isang mobilisasyon sa Mendiola sa unang araw ni Noynoy. Sa pagtatalakay ng internasyunal na sitwasyon, na

pinangunahan ni Rita Baua ng International League of People’s Struggle-Philippines, napagtibay ang pangangailangang wasakin ang kaayusang kapitalismo sa buong daigdig na siyang ugat

4 ANG MANGGAGAWA

Tunay. Palaban. Makabayan!

Serye ng welga, yumanig sa dayuhang kumpanya sa TsinaIpinutok ng mga manggagawang Tsino ang sunud-sunod na welga sa mga dayuhang kumpanya ng kotse mula Mayo hanggang Hunyo para igiit ang dagdag-sahod at makataong kalagayan sa paggawa.

Tampok ang welga sa isang transmission plant ng Honda sa lungsod ng Foshan na nilahukan ng 1,900 manggagawa na matagumpay na nagpatigil ng produksyon. Nakamit ng mga manggagawa ang dagdag-sahod na 24 hanggang 32 porsyento matapos ang dalawang linggo.

Nagwelga rin ang mga manggagawa sa isa pang planta ng Honda na gumagawa ng lock ng kotse sa lungsod ng Zhongshan bilang protesta sa napakababang pasahod. Sinundan ito ng welga ng

1,300 manggagawa sa pabrika ng Toyota para igiit ang 20 porsyentong dagdag-sahod.

Pag-aari ng mga Hapon ang mga kumpanyang Honda at Toyota, na may mahabang rekord

ng paglabag sa mga karapatang pang-manggagawa.

Nakamit naman ng mga manggagawa sa isang pabrika ng exhaust at muf er systems ang $19 na dagdag-sahod at pagbubuo ng independyenteng unyon matapos ang kanilang welga.

Samantala, nagsagawa ng sit-in ang 10,000 manggagawa sa harap ng tanggapan ng lokal na gobyerno matapos magsara ang kanilang pinagtratrabahuan.

Pinagalitan ni Noynoy ang mga opisyales ng Pag-asa dahil hindi nila nahulaang tatama ang bagyong “Basyang” sa Metro Manila. Lalo pang nagalit si Noynoy noong sumagot ang isang taga-Pagasa ng “Sorry po, Pangulong Arroyo.” ***Sabi ni Ombudsman Merceditas Guiterrez na gusto niyang personal na makausap si Noynoy para ilahad ang kanyang mga nagawa o accomplishments. Sagot ni Noynoy, “Nang-iinsulto ba siya?” ***Dadalo ang mga miyembro ng gabinete ni Noynoy sa isang seminar tungkol sa kung paano makitungo sa midya. Paano sila aakitin, paano kukuhanin ang atensyon nila, paano isusustine ang interes nila, at papaniwalain sila sa lahat ng sinasabi. Mangunguna sa seminar si Kris Aquino. ***Noong inagurasyon ni Noynoy, masayang-masaya si Gary Valenciano. Sabi niya, “Lahat ng ‘K’ narito: Kapamilya, Kapuso, Kapatid, Kabayan, Kaibigan at Kundirama.” Pagkatapos, nakita niya sa malayo si Gloria, isang Kawatan. ***Matapos isalin ang pagkapangulo kay Noynoy, nagmadaling tumungo si Gloria sa Pampanga. Kailangan niyang makarating sa Lubao para

ng kahirapan ng mga manggagawa’t mamamayan ng daigdig. Ang pagiging edukador at internasyunalista ang dalawa sa pinaka-kilalang katangian at Ka Wilson. Kaya naman, sa naganap na pagdiriwang, buhay na buhay ang kanyang diwa sa araw na iyon.

personal na piliin ang mananalo sa espesyal na pa-jueteng para sa araw ng inagurasyon. ***Sa harap ng kalahating milyong Pilipino, sinabi ni Noynoy, “Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw.” Sa madaling salita, walang Ramos, Estrada, at Arroyo. ***[Galing sa professionalheckler.wordpress.com]

magpakilos tayong mga manggagawa at mamamayan sa hanay natin para sa tunay na pagbabagong panlipunan. Kailangan nating maghanda sa maraming labanan para ipagtanggol ang mga nakamit na nating tagumpay at para isulong ang ating mga

Sina Noynoy at Juan... mula sa pahina 2

panawagan at interes.

Higit na mapapatunayan natin sa ilalim ng rehimeng US-Aquino na tanging ang pambansa-demokrat ikong pakikibaka ang magbibigay ng magandang kinabukasan sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino.

Bukas na bukas ang patnugutan at staff ng Ang Manggagawa sa inyong mga komento, mungkahi at lalung-lalo na sa inyong ambag sa nilalaman ng ating pahayagan. Mangyaring ipaabot lamang ito sa [email protected] o sa address na nasa editorial box sa pahina 2. Umasa kayong magiging mainit ang aming pagtanggap kahit walang kasamang pang-meryenda ang inyong paabot.

WELKAM ANG KONTRIBUSYON, PUNA, ETC.

Hulyo 2010