ang manggagawa volume 2, issue 1 (january 2013)

8
Parish Priest | Rev. Fr. Gilberto Fortunato II C. Dumlao This Month‘s Contributors | Bro. Eloi Calimoso, Sis. Alyzza Mae F. Dayego, Sis. Julieta P. Dizo, Bro. Ferdinand R. Marcelo, Bro. Mark Angelo A. Ordonio, Sis. Mary Grace F. Pablo, Bro. Daniel Stephen S. Reyes, Bro. Danilo A. Reyes Lay-out | Bro. Mark Angelo A. Ordonio Ang Manggagawa Buwanang Paglilimbag ng Parokya ni San Jose ang Manggagawa Cloverleaf, Balintawak, Quezon City TINAPAY NG BUHAY Ang Manggagawa Ang Manggagawa Buwanang Paglilimbag ng Parokya ni San Jose ang Manggagawa Cloverleaf, Balintawak, Quezon City, Telepono Bilang 361-5840 JESUSMARIAJOSEPH!!! Naalala mo ba ang katagang ito na minsan sumasam- bulat sa pananalita ng ating mga nakatatanda? Kapag nagulat ay tila baga pananalitang may kaakibat na panghihinayang, para pa ngang mura kung kadalasan. JesusMariaJoseph! Ano nga ba talaga ang kahala- gahan? Sa simula ng taong ito nais nating simulan ng puno ng pag-asa at paninindigan. Bago pa dumating ang simu- la, ang huling Linggo ng taong 2012 ay pinagdiwang bilang kapistahan ng Banal na Pamilya nina Jesus, Maria, at Jose. Magandang magsimula sa tunay nating pinagmulan. Magiging maayos ang ating taon kung sa tahanan tayo bumalik at tumuon. Sina Jesus, Maria, at Jose ay patnubay ng ating buhay at bahay. Hesus. Ating kaligtasan at higit sa lahat kinatawan ng lahat ng mga Anak sa mundo. Naging masunuring anak, naging matapat na anak, magalang sa kanyang mga magulang dito sa lupa sina Jose at Maria. Inaala- la natin ang ating pagiging anak sa ating mga magu- lang. Maging mabuti naman tayong mga anak. Re- speto sa magulang, pagsunod at pagpapasaya sa ating mga pinagmulan ay dapat nating muling simulan. Si Hesus ang pumagitna nawa sa pagsasama ng mag- anak. Tapusin na ang pagigigng suwail. Maging mabuting anak nawa tayo na may pananampalataya kay at tulad ni Kristo. Maria. Stella Maris. Liwanag at tala ng sanlibutan. Kinatawan ng mga ilaw ng tahanan. Inaalala natin ang ating mga nanay. Sa tulong ni Maria, damahin at pahalagahan natin ang mga ina. Ang pinandigan nilang pagdadalang-tao sa atin ay huwag nating bali- walain. Maging tunay silang ningning ng ating buhay. Walang masamang ina, (sundan sa Pahina 2) Tomo 2 Isyu 1 Enero 2013 DEAR JOE ~ PAHINA 3 NEW YEARS RESOLUTION ~ PAHINA 4 CATHOLIC VOTE ~ PAHINA 5 GINTO ~ PAHINA 6 SJWP BY THTE NUMBERS ~ PAHINA 8 PATIKIM NG LANGIT ~ PAHINA 11 ALTA PRESYON ~ PAHINA 12 Tampok sa isyung ito: TATLONG HARING MAGO Binanggit sa Ebanghelyo ni Mateo ang kwento ng mga magong dumalaw sa pastulan para sambahin ang tagapagligtas, si Hesus. Sa gabay ng bituin mula sa silangan, natunton ng mga mago ang tinutuluyan ng banal na pamilya, at inalay ang dala nilang mga yaman: ginto, na sumasa- gisag sa pagkahari ni Hesukristo; kamanyang, tanda ng Kanyang pagka-Diyos; at mira, simbolo ng paghihirap at pagkamatay ni Hesukristo. Sa isang panaginip, nagbabala ang Diyos sa kanila na huwag babalik kay Herodes dahil sa masamang pakay nito sa bata. ni Rev. Fr. Gilberto Fortunato II C. Dumlao

Upload: ang-manggagawa

Post on 18-Apr-2015

87 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

Ang "Ang Manggagawa" ay ang buwanang publikasyon ng Parokya ni San Jose Ang Manggagawa, Cloverleaf, Balintawak, Quezon City. Nilalayon nitong magbahagi ng katesismo at mga balitang may kaugnayan sa ating Simbahan para sa mga nasasakop ng parokya.

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Manggagawa Volume 2, Issue 1 (January 2013)

16 - Ang Manggagawa

Parish Priest | Rev. Fr. Gilberto Fortunato II C. Dumlao

This Month‘s Contributors | Bro. Eloi Calimoso, Sis. Alyzza Mae F. Dayego, Sis. Julieta P. Dizo, Bro. Ferdinand R.

Marcelo, Bro. Mark Angelo A. Ordonio, Sis. Mary Grace F. Pablo, Bro. Daniel Stephen S. Reyes, Bro. Danilo A. Reyes

Lay-out | Bro. Mark Angelo A. Ordonio

Ang Manggagawa Buwanang Paglilimbag ng Parokya ni San Jose ang Manggagawa

Cloverleaf, Balintawak, Quezon City

Ang Manggagawa -

TIN

AP

AY

NG

BU

HA

Y

Ang ManggagawaAng Manggagawa Buwanang Paglilimbag ng Parokya ni San Jose ang Manggagawa

Cloverleaf, Balintawak, Quezon City, Telepono Bilang 361-5840

JESUSMARIAJOSEPH!!!

Naalala mo ba ang katagang ito na minsan sumasam-

bulat sa pananalita ng ating mga nakatatanda? Kapag

nagulat ay tila baga pananalitang may kaakibat na

panghihinayang, para pa ngang mura kung kadalasan.

JesusMariaJoseph! Ano nga ba talaga ang kahala-

gahan?

Sa simula ng taong ito nais nating simulan ng puno ng

pag-asa at paninindigan. Bago pa dumating ang simu-

la, ang huling Linggo ng taong 2012 ay pinagdiwang

bilang kapistahan ng Banal na Pamilya nina Jesus,

Maria, at Jose. Magandang magsimula sa tunay nating

pinagmulan. Magiging maayos ang ating taon kung sa

tahanan tayo bumalik at tumuon. Sina Jesus, Maria, at

Jose ay patnubay ng ating buhay at bahay.

Hesus. Ating kaligtasan at higit sa lahat kinatawan ng

lahat ng mga Anak sa mundo. Naging masunuring

anak, naging matapat na anak, magalang sa kanyang

mga magulang dito sa lupa sina Jose at Maria. Inaala-

la natin ang ating pagiging anak sa ating mga magu-

lang. Maging mabuti naman tayong mga anak. Re-

speto sa magulang, pagsunod at pagpapasaya sa ating

mga pinagmulan ay dapat nating muling simulan. Si

Hesus ang pumagitna nawa sa pagsasama ng mag-

anak. Tapusin na ang pagigigng suwail. Maging

mabuting anak nawa tayo na may pananampalataya

kay at tulad ni Kristo.

Maria. Stella Maris. Liwanag at tala ng sanlibutan.

Kinatawan ng mga ilaw ng tahanan. Inaalala natin

ang ating mga nanay. Sa tulong ni Maria, damahin at

pahalagahan natin ang mga ina. Ang pinandigan

nilang pagdadalang-tao sa atin ay huwag nating bali-

walain. Maging tunay silang ningning ng ating buhay.

Walang masamang ina, (sundan sa Pahina 2)

Tomo 2 Isyu 1

Enero 2013

DEAR JOE ~ PAHINA 3

NEW YEAR‘S RESOLUTION

~ PAHINA 4

CATHOLIC VOTE ~ PAHINA 5

GINTO ~ PAHINA 6

SJWP BY THTE NUMBERS

~ PAHINA 8

PATIKIM NG LANGIT ~ PAHINA 11

ALTA PRESYON ~ PAHINA 12

Tampok sa isyung ito:

TATLONG HARING MAGO

Binanggit sa Ebanghelyo ni Mateo

ang kwento ng mga magong

dumalaw sa pastulan para sambahin

ang tagapagligtas, si Hesus. Sa gabay

ng bituin mula sa silangan, natunton

ng mga mago ang tinutuluyan ng

banal na pamilya, at inalay ang dala

nilang mga yaman: ginto, na sumasa-

gisag sa pagkahari ni Hesukristo;

kamanyang, tanda ng Kanyang

pagka-Diyos; at mira, simbolo ng

paghihirap at pagkamatay ni

Hesukristo. Sa isang panaginip,

nagbabala ang Diyos sa kanila na

huwag babalik kay Herodes dahil sa

masamang pakay nito sa bata.

ni

Re

v. F

r. G

ilbe

rto

Fo

rtu

nato

II C

. Du

mla

o

Page 2: Ang Manggagawa Volume 2, Issue 1 (January 2013)

2 - Ang Manggagawa

(JESUSMARIAJOSEPH!!!, mula sa pahina 1) nagkakamali man pero hindi ibig sabihin ipagkakanulo

ka na nila. Alagaan natin ang ating mga nanay. Ipagdasal din po natin ang mga yumao na. Hanapin

natin ang mga nawawalang nanay. Patawarin natin ang ating nanay na nakasamaan natin ng loob.

Nawa‘y si Maria ang manghikayat sa atin na kalingain ang mga ina natin.

Jose. Haligi ng banal na tahanan. Simbolo ng mga Ama. Ang Manggagawa. Pinagdarasal din natin ang

ating tatay. Ang pananahimik nila dahil sa paghahanapbuhay, ang pagtitimpi nila at pagkakamali din

sa tuwing tinataguyod ang ating pamilya ay huwag na nating pabigatin pa. Tulungan natin ang ating

mga ama na maipagmalaki ang buhay na dapat nilang inalagaan. Sa mga sakit na naidulot nila at sa

mga pananakit din natin sa kalooban nila, mahalin natin, patawarin, at tanggapin ang ating ama. San

Jose, tulungan niyo po kaming maalala sila sa aming buhay.

Nagsisimula na naman ang taon at mahirap magsimula kung wala kang kinatatayuan, pinaninindigan.

Naipasa na bilang batas ang RH Bill. Hamon ito sa ating pamilya. Nagbabadya na sirain ang ating

pinagmulan. Nais pigilan ang paglago at paglaki ng buhay pamilya. Huwag nating hayaan na was akin

nito ang sinimulan nina Hesus, Maria, at Jose.

Magsimula kang muli sa iyong mag-anak. Sa pagmamahalan ng Banal na Pamilya, hanapin mo ang

iyong ina, ang iyong ama, ang iyong mga kapatid, yakapin mo sila at doon ka magsimula; sa kanila

tayo magsimula, sa pamilya naman talaga tayo nagsimula. At sa pagbati natin ng Manigong Bagong

taon, tumibay nawa lalo ang ating tahanan. May mga hirap at pagsubok tayong siguradong pinag-

daraanan sa pamilya, ngunit huwag mag-alala, unahin at ipagitna si Hesus. Sundin ang alaala at pana-

langin ni Mariang ating Ina. Patnubayan tayo ng buhay ng ating Patron na si San Jose. Ibuntung-

hininga natin ito para sa panibagong buhay at taon ng ating pamilya: JesusMariaJoseph!!!

Maligayang bagong simula po sa ating pamilya!

Nais na ipaalam ng ating Parokya na ang KASAMA ang siyang pangunahing pinagkukunan ng pondo sa

pagpapalimbag ng babasahing ito. Tinutustusan ito sa halagang P1,400.00 para sa mass reproduction ng

ANG MANGGAGAWA sa bawat buwan.

Kaugnay nito, inaanyayahan ang sinumang may butihing kalooban na mag-ambag sa pagpapalimbag nito o

maging bahagi ng KASAMA upang lalo pa nating maipalaganap ang mga programa ng ating Parokya

gayundin ang Salita ng Diyos at iba pang mga mahahalagang gawain ng Simbahan at maibahagi ito sa bawat

Parokyano.

Maaaring maging sponsor upang maipagpatuloy ang mabuting simulain ng pagpapalaganap ng Salita ng

Diyos sa pamamagitan ng bagong uri ng media. Maari ring maging bahagi ng KASAMA. Ang regular na

pag-aambag sa KASAMA ay malaki ang naitutulong upang maipagpatuloy ang mga programa ng Parokya

kabilang na ang paglilimbag sa buwanang isyu ng ANG MANGGAGAWA. Maaari ring mag-sponsor sa nasa-

bing buwan ang mga indibidwal, BEC Kawan o mga samahan. Maaari ring maghati-hati upang makalikom

ng sapat na halaga sa pagpapalimbag at ibahagi ito sa KASAMA. Walang sino man ang maaaring tumang-

gap ng sponsorship maliban sa tanggapan ng ating Parokya at KASAMA booth. Ipalagay po ito sa account

ng KASAMA. Salamat po! Para sa iba pang mga katanungan, magsadya lamang o tumawag sa tanggapan ng

ating Parokya.

Ang Manggagawa - 15

_____ 1. Tungkol saan ang iyong nabasa?

_____ 2. Saan nagmula ang lalaking naglalakad?

_____ 3. Saan patungo ang lalaki?

_____ 4. Sino ang naunang mapadaan sa kinalalagyan ng

sugatang lalaki?

_____ 5. Sino ang pangalawang lalaking napagawi sa kinal-

alagyan ng sugatang lalaki?

_____ 6. Iniwan ng mga tulisan ang lalaki na?

_____ 7. Ano ang binuhos ng Samaritano sa mga sugat ng

lalaki?

_____ 8. Ang lalaki ay napasakamay ng mga?

_____ 9. Saan dumaan ang saserdote?

____ 10. Saan dinala ng Samaritano ang lalaking sugatan?

____ 11. Ano ang ibinilin ng Samaritano sa tagapamahala ng

bahay-tuluyan?

____ 12. Ano ang ginawa ng Samaritano sa sugatang lalaki sa

loob ng bahay-tuluyan?

____ 13. Ano ang binigay ng Samaritano sa tagapamahala ng

bahay-tuluyan?

____ 14. Ano ang ginawa ng Levita nang makita ng sugatang

lalaki?

____ 15. Ano ang pakiramdam ng sugatang lalaki?

____ 16. Sino ang pangatlong napadaan sa kinalalagayan ng

sugatang lalaki?

____ 17. Sino ang nagsasalaysay ng kwentong ito?

LIB

AN

GH

EL

YO

n

i Sis

. Aly

zza

Ma

e F

. Da

ye

go

Panuto: Basahin ang Lucas 10:25-37 at sagutin ang mga sumusunod. Ilagay ang titik ng tamang

sagot sa patlang at buuin ang kautusan ng Diyos sa baba upang malaman kung ano ito.

A. Kabilang tabi

B. Levita

C. Inapi at Iginapos

D. Ang Dakilang Utos at ang Sa-

maritano

E. Kinantahan

F. Judea

G. Bahay-tuluyan

H. Angel

I. ―Alagaan mo siya. Anumang

iyong magugugol ng higit ay ba-

bayaran ko sa iyo sa aking

pagbabalik.‖

J. Tulay

K. Inalagaan

L. Nag-aagaw buhay

M. Langis at alak

N. Jerusalem

O. Saserdote

P. Samaritano

Q. Tinapay

R. Hesus

S. Dalawang Denaryo

T. Jerico

U. Tulisan

V. Galilea

W. Tinignan at dumaan sa ka-

bilang tabi

X. Magnanakaw

Y. Hubaran at Sugatan

Z. Nagmemeryenda

― __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

11 5 11 10 11 2 7 4 9 2 10

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

16 9 2 10 11 2 4 4 2 10 1 11 6 4 13 2 10

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

5 8 4 2 10 16 8 13 4 7 4 9 3 2 10

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

5 8 4 2 10 12 9 15 8 15 8 14 9 7 4 9 3

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

2 10 15 9 12 9 13 7 4 9 3

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __.

2 10 5 8 4 2 10 11 13 11 16 7 4

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

11 5 11 10 11 2 7 4 9 2 10 11 6 4 2 10

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

12 9 16 14 9 3 8 15 9 1 2 10 11 6 4 2 10

__ __ __ __ __ __.‖

13 9 17 11 15 11

Ang Pagdalaw

kay Hesus

1. Herodes

2. Bethlehem

3. Silangan

4. Sambahin

5. Ginto, In-

senso, Mira

6. Tala

Isang Lalaking

Matuwid

1. Magpakasal

2. Espiritu

Santo

3. Hiwalayan

4. Anghel

5. Emmanuel

SAGOT SA NAKARAANG LIBANGHELYO

(Isyu Bilang 14 - Disyembre 2012):

Page 3: Ang Manggagawa Volume 2, Issue 1 (January 2013)

14 - Ang Manggagawa

Ang OSSUARIO DE SAN JOSE

ay bukas para sa lahat ng

gustong magpalaan ng

lugar ng paghihimlayan.

Tinatawagan po ang mga

nagmamay-ari, may reser-

vation, at mga may kata-

nungan, na sumangguni sa

booth sa patio ng ating

simbahan tuwing Linggo.

TA

NG

KIL

IK

IN

NA

TIN

ABANGAN NATIN!

Jan. 4 (Fri) Holy Hour; PAKISAMA and Parish Christmas

Party

Jan. 7 (Lunes) Solemnity of the Epiphany of the Lord

Jan. 13 (Linggo) Baptism of the Lord

Jan. 20 (Linggo) KASAMA Sunday; Feast of Sto. Niño; Blessing

of Children and Sto. Niño images

Ang Manggagawa - 3

Dear Joe,

Kumusta ka na? Balita ko nanganak na ang misis mo. Congrats! Panalo! Astigin ka talaga sa lahat.

Patahi-tahimik ka lang, pero tingnan mo... Maligayang bati!

Matagal-tagal na rin kitang hindi nakasama. Wala eh, kailangan munang umuwi at baka mapa-

galitan. Haha! Heto, ayos naman ang lahat. Kasama ko rin ang pamilya ko at kami nga ay lubos

na nagalak sa balitang nanganak na ang misis mo. Nagsimba at nagkaroon din kami ng salu-salo

para sa iyong anak bilang pasasalamat na dumating siya sa buhay ninyong mag-asawa. Namigay

din kami ng regalo sa mga bata dito sa amin. O, ‗di ba bongga?! Dikit tayo eh. Haha!

Naaalala ko tuloy mga nangyari noong magkasama pa tayo diyan. Unang-una na nung

nagpapaayos ka ng iyong bahay. Kahit papaano, malaki na rin ang pinagbago. Marami nga ang na

-eengganyong puntahan ang bahay mo kasi maaliwalas ng tingnan. Astig ka din kasing magcom-

mercial eh. May pa-52BC at 353MBPS ka pang nalalaman ah. Haha! Saan mo nahugot yun? Pero

ang galing! Ang daming tumulong.

Noong minsang nagcelebrate ka naman, ang haba ng selebrasyon! Siyam na araw! Ay bale sampu

pala. Hahaha! Ang dami mo kasing ka-Facebook at followers eh. Sabagay, nagpabasbas ka din kasi

ng second floor ng bahay mo. Pero iba ka talaga... May dedication ‗yung second floor ng bahay

mo? Para pala yun kay Monsignor Espenilla? Galing ah! At isa pa, kasama din sa pagdiriwang ng

araw ng mga manggagawa. O ha, may celebration na, may rally pa! Tapos nung ika-53 anibersar-

yo ng bahay mo tatlong obispo ba naman ang imbitahin mo! Hindi lang ‗yun, may special guest

pa! Naimbitahan mo nga din pala noon ang Mahal na Poong Nazareno ng Quiapo ano? Kaya

mahal na mahal ka ng mga tao eh.

Si misis mo naman, ibang klase din pala. Akalain mo, isang buwan pala siyang nagdiriwang! Bilang

pagtatapos ng isang buwang pagdiriwang, inalayan pa siya ng mga bata ng maraming bulaklak!

Naks talaga! Kayo na! At noong kaarawan nya, ang daming pumunta para batiin siya. Ang ganda

nga ng bahay nyo noon at tuwang tuwa ang mga bisita nyo nung araw na iyon.

Bago naman ako umalis, inimbitahan mo naman ang Mahal na Birhen ng Manaoag. Close din

kayo nun di ba? Hehe! Napahanga talaga ako sa ganda niya. Speaking of visitors, hindi ba binisita

ka na rin ng Birhen ng Katotohanan? Kelan na nga yun? Tsk! Nagiging malilimutin na talaga ako...

Ngayon naman, bago isilang ang anak mo, matindi na raw ang pagdiriwang diyan sa bahay mo

ah. Nagpailaw ka raw diyan at nagdagdag ng palamuti sa bahay mo. Nagpacontest ka pa sa mga

bata para sa mga palamuting stars ha. At hindi lang yan, may drama effect ka pa raw ng pan-

uluyan niyo ni misis mo. Kayo na talaga!

May mga napagdaanan din tayong mga pagsubok noon, naalala mo pa? Una na sa mga krisis eh

noong habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha sa kalakhang Maynila. Buti na lang kahit

papano, naayos na ang bahay mo. Pangalawa na riyan eh nung nagkaroon ng sunog sa isang ba-

ranggay. Tapos ngayon naman, ‗yung matagal na nating ipinaglalaban na sana hindi maisabatas

ang RH bill, ayun naipasa rin at pirmado na. Pero ganun pa man, nalampasan din naman ang

lahat ng mga pagsubok, di ba? Noong habagat ang humagupit, nakapagpadala ng tulong sa mga

kapitbahayan mo. Ganun din noong nagkaroon ng sunog. Buti na lang napabasbasan mo na yung

second floor. Kahit papaano may natuluyan yung ibang nasunugan. Sa RH bill naman, hindi na-

man siguro tayo nagkulang sa pakikibaka. Kaya, iyang mga problema, (sundan sa Pahina 16) LA

RA

WA

NG

BU

HA

Y

ni

Bro

. Rya

n C

ha

ve

nia

Page 4: Ang Manggagawa Volume 2, Issue 1 (January 2013)

4 - Ang Manggagawa

NEW YEAR‘S RESOLUTION

Sa pagsalubong natin ng bagong taon, inaasahan ang lahat na magbagong buhay, maaring

magkaroon ng bagong bahay, bagong gamit, bagong katauhan at kung anu-ano pang bago,

pero ano na nga bang ginagawa ng mga kabataan sa tuwing dadating ito?

―Oy Kuya, anong New Year‘s resolution mo?‖ Ito ang mga salitang naririnig natin ngayon sa

mga kabataan tuwing dadating ang bagong taon, ngunit sa paglipas naman ng taon nalilimutan

na natin ang ganitong gawain. Sa mga hindi nakakaalam, ang New Year‘s resolution ay isang

listahan ng mga pagbabago na gusto mong maganap sa buhay mo sa darating na taon. Anong

mga pagbabago ba ito? Para ba sa nakabubuti o nakasasama? Maraming mga tao ang gumaga-

wa ng kanilang New Year‘s Resolution para sa ikabubuti nila ngunit nagagawa ba nila ito? O

kaya‘y ayos lang ba kung hindi nila ito magawa?

Ang simpleng listahan ng mabuting gawain ay nakakalimutan din pagdating ng panahon. Mapa-

pansin natin na ilang linggo pa lamang ay wala na sa isipan nila ang mga nakalagay sa listahan

na iyon. Ang mga madalas na nasa ganitong listahan ay ang mga salitang ―Magpapakabait na

ako,‖ ―Mas magiging malapit na ko sa Diyos,‖ ―Gaganda ang buhay at bahay ko,‖ at ang pin-

akasikat na ―Magbabago na ako.‖ Ang hirap isipin na ang mga simpleng bagay na ito‘y nakakali-

mutan natin kahit ilang beses na tayong pinaaalahanan ukol dito. Kahit na gaano tayo pag-

bigyan at paalalahanan ng Panginoon na ―kailangan mong magbago para sa ikabubuti mo,‖

bakit pilit nating iniiwasan ito? Sadya bang iniiwasan nating gumawa ng mabuti at magbago?

Para matiyak natin na matutupad natin ang ating mga New Year‘s Resolution, mainam na mag-

simula sa mga short-term goal o iyong mga pagbabagong madaling gawin sa maikling panahon

lamang. Halimbawa, kung nais pumayat sa taong ito, maaring magsimula muna sa pagbawas sa

mga pagkaing matataba o pagbawas ng pagkain tuwing may handaan. Maganda ring maging

straight to the point o tiyak tayo sa ating mga resolution para malaman natin agad kung anong

mga hakbang ang dapat gawin para masunod o matupad ito. Halimbawa, kung nais magkaroon

ng matataas na marka sa paaralan, mainam na magsimula sa pagiging masigasig sa pagbabasa ng

aralin bago matulog.

Bukod sa totoong buhay, magagawa din ba natin ang New Year‘s resolution sa pamamagitan ng

makabagong teknolohiya? Mahirap isipin ano? Paano makakatulong ang teknolohiya dito?

Gumawa ng liham? Ng talata? Sa simpleng artikulo, liham, talata o iba pa ay maaari ka ng

makahawa ng kabutihan sa tao. Sa isang simpleng post at tweet malaki ang posibilidad na

maantig sila sa makabagbag-damdaming sining na gawa mo na malaking tulong sa New Year‘s

Resolution mo. Tulad na lang nung tungkol sa bata na humihingi ng 25Php kahit may pera na

siya para lang mabili ang oras ng kanyang ama. Dahil sa simpleng istoryang ito nabago ang

panananaw ng mga tao at may kabutihan nang nagawa gamit ang teknolohiya. Kaya sa sim-

pleng click lang maaari kang gumawa ng mabuti. Kaya ang New Year‘s Resolution ko ―Gumawa

ng mabuti hanggang sa abot ng makakaya kahit click lang basta‘t kaya pa.‖

Kung gusto niyong makita ang istorya ito ang link na pwedeng puntahan:

http://www.greatdad.com/tertiary/47/3443/can-i-borrow-25.html

Maligayang Pasko po at Ligtas at Masayang Bagong Taon sa ating lahat!

SU

LO

KA

BA

TA

AN

n

i Bro

Da

nie

l Ste

ph

en

S. R

eye

s

Ang Manggagawa - 13

SALAMAT, SAN JOSE!

Gloria, San Jose, mapagmahal at masunuring

lingkod ng ating Panginoong Hesukristo:

Itaas natin ang ating mga kamay sa Kanyang

makapangyarihan at mapagkaloob na gawa.

Oh San Jose, ikaw ang aming sandigan sa lahat

ng bagay; ikaw ang huwaran ng lahat na Ama

dito sa mundo.

Mahal na mahal Ka namin.

Bukod-tangi Ka naming inibig nang dahil sa

Iyo, lumaking mabuti, magalang, at mapagma-

hal ang Anak ng ating Amang nasa langit.

Ikaw ang Gloria, San Jose, ang iyong pangalan

ang pinakamataas na Gloria.

San Jose ang Manggagawa, ang aming patrong

puspos ang pagmamahal at pag-ibig sa amin:

Maliban sa ating Panginoong Hesus, ikaw

aming patron, San Jose, aming mapagmahal na

Ama, at ang iyong pagmamahal ay makasampu

naming susuklian sa kaibuturan ng aming puso.

Ikaw, San Jose ang nag-iisang mapagpakumba-

bang tumanggap sa ating Inang Maria at sa

mahal na Panginoong Hesus.

Maraming-maraming salamat po sa Inyo, ma-

hal na San Jose ang Manggagawa. Mahal na

mahal po namin kayo.

TU

NG

KO

D N

I S

AN

JO

SE

ni

Sis.

Ju

lieta

P. D

izo

JANUARY

20, 2013

KASAMA

SUNDAY

(DEAR JUAN, mula sa Pahina 3) wala yan.

Bring it on! Haha! Ang buhay nga naman...

Masaya riyan sa bahay mo. Ngayon pa na

may kakulitan ka na. Hahaha!

O, paano, hanggang dito na lang muna. Balik

ako diyan matapos ko ring magbakasyon dito.

Ingatan mo ang pamilya mo ha.

Ang iyong kaibigan,

Juan

P.S.: Patulong ulit sa mga gagawin diyan sa

bahay mo ha. ‗Yung pinaglalaanan ng proyek-

tong 353MBPS hindi pa tapos. Nakabili na ng

mga upuan pakunti-konti pero ‗yung mga dati,

ipa-repair na lang. ‗Yung isang kwarto, sana

abutin ng budget para may maayos na

mapagpahingahan ang anak mo. At syempre,

para sa mga parokyano, may proyekto ang

obispo para sa kanila. Kailangan din natin sa

kanilang tumulong kahit papaano, ‗di ba?

May mga bibisita nga pala ulit sa bahay mo

ngayong darating na taon. Yung isa, nag-

confirm na. May tatlo pang napapabalitang

gusto ding pumunta. At may bago pala tayong

programa mula sa obispo, yung 8 point priori-

ty agenda. Pagtulungan din natin ‗yun ha.

Salamat!

Page 5: Ang Manggagawa Volume 2, Issue 1 (January 2013)

12 - Ang Manggagawa

ALTA PRESYON

―HB ka na naman?!‖

―Presyon mo tumataas!‖

Mga katagang madalas sabihin ng iyong kaibigan kapag napapansin niyang ikaw ay naka-

karamdam ng pagkainis, pagkairita o kaya ay galit sa isang sitwasyon o sa tao mismo na karani-

wan ng iniuugnay ng karamihan sa pagkakaroon ng sakit na alta presyon o dagliang pagtaas ng

presyon ng dugo.

Taliwas sa ganitong maling paniniwala, ayon sa mga eksperto ang pagkakaroon ng ganitong

karamdaman ay tumutukoy sa isang talamak na kondisyong medikal na kung saan tumataas ang

presyon ng dugo sa arteries na siyang nagpapahirap sa puso na gumana ng normal. Sinasabing

nakakaranas ng altapresyon ang isang tao kung ito ay may mga sintomas na gaya ng mga su-

musunod; pananakit ng batok, madalas na pagkahilo at pagkakahimatay. Karagdagan pa nito,

ang mga taong may ganitong uri ng karamdaman ay maaaring mauwi rin ng iba‘t ibang uri ng

komplikasyon kung hindi agad ito maaagapan tulad ng pagkabulag, pagkakaroon ng sakit sa

bato, at stroke na magiging dahilan ng pamamamaga ng puso at ugat sa utak na maaaring ikapa-

ralisa nito. Ang maaaring makaranas ng ganitong sakit ay ang mga taong nasa edad na, mga ta-

ong mabibigat na timbang, maaari ring magkaroon ng ganitong uri ng karamdaman ang mga

kababaihang nagdadalantao na gumagamit ng kontraseptibo. Maari rin itong manahin ng sinu-

man sa pamilya kung ang isa sa mga miyembro ay mayroong kasaysayan ng ganitong uri ng

karamdaman.

Ngunit huwag mabahala dahil may mga ilang mahahalagang hakbangin upang maibsan o hindi

naman kaya ay makontrol ang pag-atake ng nasabing karamdaman. Gawin lamang ang mga

sumusunod na pamamaraan:

Magbawas ng timbang.Magsimulang magkaroon ng oras para magehersisyo.

Bawasan ang pag-inom ng alak at iwasan ang paninigarilyo.

Inumin ang gamot na makakatulong upang hindi tumaas ang presyon.

Iwasan o bawasan ang pagkain ng maaalat at mamantikang pagkain

Panatilihing maging mahinahon.

Katulad nga ng nabanggit sa itaas, karamihan sa atin ang naniniwalang may kinalaman ang ating

mga iba‘t ibang emosyon sa pagkakaroon ng ganitong uri ng karamdaman. Kung ating susuriin

ay may punto ang ganitong panuntunan pero kung makikilala lamang natin ang ating pagkatao,

madali para sa atin ang baguhin ang mga bagay na alam nating lalong makakapagpalala ng sit-

wasyon kaya ipinapayo ng mga eksperto na gumawa ng bagay na kapaki-pakinabang at maka-

katulong sa atin upang maging mahinahon gaya ng pageehersisyo ng yoga, pakikinig ng

musikang klasikal, pagiisip ng mga positibong bagay sa buhay at higit sa lahat ay pagdarasal.

KA

LU

SU

GA

N A

T K

AP

AL

IG

IR

AN

n

i Sis

Ma

ry G

race

F. P

ab

lo

Ang Manggagawa - 5

CATHOLIC VOTE?

Naging mainit na talakayan kamakailan ang tinatawag na Catholic Vote. Kaugnay kasi ito sa isa

pang mainit na usapin, ang RH Bill (na sa panahong isinulat ito ay kapapanalo pa lamang sa ikat-

long pagbasa sa Kongreso at Senado). Bigo mang maituturing ang Simbahang Katoliko sa puntong

ito, hindi pa naman lubos na nagapi ang paninindigang ipaglaban ang buhay, lalo na para sa ating

mga Katoliko. Mangyari pa, kahit ito'y maisabatas na, tayo pa rin ang magdedesisyon kung ano

ang ating pipiliin sa pagpaplano ng pamilya. Tamang gabay, kaisipan at paninidigan lamang ang

kailangan upang lubusang magtagumpay ito. Hindi nga ba't noong panahon ng ating Panginoon,

panandalian ding nagtagumpay ang mga Hudyo sa pagpapapako sa krus ng ating Panginoon?

Subalit hindi dito nagtapos ang kwento; bagkus, sa pamamagitan ng pangyayaring ito, napag-

tagumpayan din sa huli ang kamatayan at tayo ay nailigtas. Maaaring nanalo sila sa ngayon, pero

ang plano ng Diyos para sa kanyang pinakamamahal na bayan ang siya pa ring magtatagumpay,

hanggat may mga taong ipinaglalaban ang tama at sumusunod sa kalooban ng Ama.

Balikan muli natin ang tanong: may Catholic Vote nga ba?

Hinihikayat ang mga mananampalatayang katoliko na sumali sa Catholic Vote sa ating Parokya o

barangay. Ang dahilan: ang ating simbahan ay tinutuligsa at nahaharap sa matinding pagsubok at

may ilan pang nangangamba na ito ay nasa panganib. Ito ay dahil na rin sa ilang pinuno ng go-

byerno at politika na nagsasabing "Huwag kayong makinig sa mga Obispo... Walang Catholic

Vote..." Ang naturang pahayag ay nakakainsulto at tanda ng kawalang paggalang sa ating simba-

han at sa mga namumuno nito. Tahasan nila itong sinasabi sa TV, sa radyo, at sa mga pahayagan.

Hindi nila pinakikinggan ang ating mga Obispo. Nakatatawa pa ngang isipin na ang mga tao ring

ito ang siyang nakikinig at humihingi ng basbas mula sa mga Iglesia ni Kristo tuwing eleksyon.

Kailangan nating pangalagaan ang paggalang hindi lamang sa ating mga Obispo, kundi lalo't higit

sa ating simbahan. Ang mga Obispo kasi ang mga taong hinabilinang gumabay sa ating lahat, at

ang ating simbahan naman ay ang tunay na itinatag ni Kristo.

Maraming pinuno rin ng ating pulitika at gobyerno ang nagsasabi na ang RH Bill ang makasasagot

sa suliranin sa kahirapan at populasyon ng bansa. Itinuturo nila ang simbahan na siyang may kasa-

lanan kung bakit ―daw‖ naghihirap ang ating mamamayan at ang ating bansa. Pero gaano nga ba

ito katotoo? Hindi kaya ang tunay na sanhi ng kahirapan ay ang pagiging tiwali at pagkagahaman

ng mga taong nasa gobyerno, sa kanilang walang patumangging korupsiyon at kawalan ng kakaya-

nang mamuno sa ating lipunan? Hindi nila dapat itinuturo ang simbahan.

At ano ang magagawa ng tinatawag na Catholic Vote? Ilan sa maaaring magawa nito ay pigilin sa

paglaganap ang tinatawag na political dynasty sa Pilipinas. Maaari rin tayong maghalal ng mga

pinunong tunay na paglilingkod ang mithiin, pamumuno na may dignidad, may mabuting pama-

mahala, at may moralidad na tumutugon sa tunay na tawag ng Panginoon.

Tunay nga bang may Catholic Vote? Maaaring sa pakiramdam ng marami ay wala nga ito.

Maaaring tama sila, sa ngayon, subalit kung tayo'y magkakaisa, maaaring magkatotoo nga ang

Catholic Vote. Ang layunin nito ay hindi mag-endorso ng kandidato, kundi ang magkaroon ng

pamantayan para sa mga taong mamumuno sa ating bayan nang may kababaang-loob at isaalang-

alang ang tunay na panawagan ng ating Panginoon para sa atin.

Nasa ating mga kamay ang pagpapasya; malakas ang panawagan sa inyong pakikiisa, lalo't higit at

parating na ang susunod na eleksyon. Paano natin ito isasagawa? (sundan sa Pahina )

PA

MP

AM

AY

AN

AN

G K

AT

OL

IK

O

ni

Bro

Da

nilo

A. R

eye

s

Page 6: Ang Manggagawa Volume 2, Issue 1 (January 2013)

6 - Ang Manggagawa

GINTO

Ginto na nga marahil ang kalimitang naiisip natin at naiuugnay sa kayamanan. Bagamat hindi ang

ginto ang may higit na halaga sa lahat ng uri ng metal, ito pa rin ang kadalasang naiisip natin at

inihahalintulad sa isang uri at sumisimbulo ng kayamanan ng isang tao. Ano nga ba ang kaugna-

yan ng ginto sa kayamanan ng isang tao? Ano nga kaya ang halaga nito sa buhay at sa ating

pagkatao?

Ang ginto ay isang uri ng metal na kadalasang ginagamit na sangkap sa mga palamuti na gi-

nagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang yamang tinataglay. Ginto rin ang malimit na iniha-

handog sa matandang panahon sa mga maharlika ng bawat tribu o bansa. Ito rin ang isa sa mga

handog ng tatlong haring Mago para sa ating Panginoong Hesu Kristo noong Siya ay ipinanganak

sa isang abang sabsaban. Ano nga ba ang taglay ng isang ginto at bakit nga ba ito ang karaniwang

ibinibigay sa isang mahalagang tao sa lipunan? Bakit nga kaya ginto rin ang karaniwang iniaalay

ng mag-sing-irog sa kanilang pag-iisang dibdib upang ipahayag ang kanilang dalisay na pag-ibig?

Ano nga ba ang halaga ng ginto sa buhay na bawat tao? Bakit nga ba ito ang simbulo ng kaya-

manan ng isang tao at ng mundo?

Madali tayong makapagbibigay ng isang hatol kung gaano kayaman ang isang tao sa lipunan base

na rin sa gintong kanyang nalikom at iniingatan. Sa matandang daigdig, ginto ang karaniwang

ibinibigay sa mga hari at maharlika, maging sandata man ito, baluti, mangkok o ginintuang kopa.

Ano nga ba ang katangian ng ginto at ano-ano ang mga bagay na naidudulot nito sa mga tao?

Ang ginto ay isang uri ng malambot na metal na madaling ihubog at dinadalisay ng panahon at

ng kalikasan bago niya makamit ang angking ganda at natatanging kinang. Isa rin itong bagay na

ginagamit bilang isang sangkap upang padaluyin ang pwersa ng kalikasan tulad ng kuryenteng

nagbibigay ng buhay sa ibang mga bagay at liwanag sa kapaligiran. Ang bola ng isang

panulat ay may gintong sangkap din upang padaluyin ang tinta at ito ay maka-

panulat. Ginto rin ang kalimitang ginagamit na palamuti sa ating katawan

maging sa ilang mga bagay upang ipahayag ang ating yaman.

Bago pa man kamtin ng ginto ang kayang angking gandang taglay, ito ay

dinadalisay ng kalikasan sa mahabang panahon mula sa iba‘t ibang sangkap

sa sinapupunan ng inang kalikasan. Pinatitibay ito ng panahon, pina-

kikinang ng apoy at saka hinuhulma upang maging palamuti at maging

ganap na kayamanan. Kabilang din sa kanyang katangian ay ang hin-

di ito kapitan ng kalawang maging mga bagay na tumutubo sa

ilalim ng dagat tulad ng mga talaba, korales at hindi rin ito

basta na lamang natutunaw maliban sa apoy na sa kanya ay

humuhubog at dumadalisay.

Hindi lang sa kayamanang materyal ang tunay na

ganda at yaman ng isang ginto. Marahil ay batid

natin ang mga dakilang tao na nagbahagi ng

kanilang ginintuang kaisipan at karunungan

na patuloy na pinagyayaman, tinatago at

pinagiingatan sa ating kaisipan at sa ating mga

kalooban. Gintong aral din ang ibinigay ng ating SA

NG

KA

PA

YA

PA

AN

n

i Bro

. Fe

rdin

an

d R

. Ma

rce

lo

Ang Manggagawa - 11

PATIKIM NG LANGIT

Ang buhay may-asawa, sabi ng munting aklat ni Frank Padilla sa Families in the Holy Spirit, ay

patikim ng makalangit na kapayapaan at kaligayahan (―a foretaste of heavenly peace and joy‖).

Huwag nating kalilimutan na nang ikasal tayo sa Simbahan, ang

Diyos ang nagkasal sa atin at pinagpasyahan ito sa langit gaya ng

sinabi ni Raquel kay Tobias. (Tb 7:12) Dahil pinag-isa Niya tayo,

hindi ginusto ng Diyos na dumanas tayo ng hirap at sakit sa ating

buhay mag-asawa; hindi Niya nais na malagay ang mag-asawa sa

sitwasyong walang katapusang pagbabangayan hanggang sa mauwi

sa pagtitikisan ng isa‘t isa, at sa dakong huli, paghihiwalay.

Ang gusto Niya‘y maranasan natin ang pagsasamang may ganap na kaligayahan (marital bliss), at

makakamit lamang natin ito kung tayong mag-asawa at ang ating pamilya ay malapit sa Kanya at

bawat isa‘y may matibay na relasyon sa Kanya.

Naranasan na ba ninyo na kahit pana-panahong kapos kayo sa badyet, baon kayo sa utang, o

may problema kayo sa opisina, panatag pa rin ang inyong isipan at mahimbing pa rin ang in-

yong tulog? Buo ang tiwala ninyo na ―God will provide or God will make a way.‖

Minsan siguro‘y nasabi natin na ―Wala na akong mahihiling pa sa Diyos.‖ Ibig sabihin niyon,

maligaya at mapayapa ang inyong buhay may-asawa. Patikim na ito ng buhay sa langit. Pero

hindi ibig sabihin nito na hindi na tayo makararanas ng pagsubok. Makakaranas pa rin, kaya nga

patikim lamang, wala pa tayo sa langit. Gayunman, bakit tila hindi ito natitikman ng marami?

Bakit hindi iilan ang nagsasabing impyerno ang buhay nila sa piling ng kanilang asawa? Mina-

matamis pa nilang makipaghiwalay kaysa ayusin ang kanilang pagsasama. Nakakalungkot na

malaganap ang gayon pangyayari sa ating palagid; maging ilang lay leader natin sa Parokya ay

nalalagay din sa gayong sitwasyon.

Nagkamali ba ng pasya ang Diyos nang ikasal Niya tayo? Hindi. Nasa atin ang problema. Ang

Diyos ang tumawag sa ating sa buhay may-asawa, pero matapos tayong manumpa sa Kanya na

magsasama sa hirap at ginhawa, ―in sickness and in health, till death do us part,‖ iniwan na natin

Siya sa Simbahan. Lumayo tayo sa Kanya at namuhay nang tayo na lamang dalawa ng ating

kabiyak.

Ito — ang paglayo sa Diyos — ang pinaka-

ugat ng kaguluhan ng buhay ng marami sa

ating may asawa. Makikita ang paglayong

ito sa Diyos sa paggawa natin ng marital sins:

pangangaliwa, aborsyon, hindi pagganap ng

tungkulin ng mag-asawa, atbp. Kaya paano

magiging patikim sa langit ang ating buhay

may-asawa?Impyerno ba ang buhay mo sa

iyong asawa?

―Ang kapalalua'y humahantong sa pagka-

wasak, at ang mapagmataas na isipan ay

ibabagsak.‖

GOSPEL READINGS:

Jan. 6- Matthew 3: 13-!7

Jan. 13- Mathew 4: 12- 17

Jan. 20- Luke 17: 12-19

Jan. 27- Luke 19: 1-10

US

AP

IN

G P

AM

IL

YA

n

i B

ro E

loi C

alim

oso

(CATHOLIC VOTE, mula sa Pahina 5) Simple

lamang. Narito ang simula: upang maging bahagi

ng Catholic Vote, mangyari lamang na sumulat sa

[email protected] at ibigay ang mga

sumusunod na impormasyon: pangalan, telepono

(landline at cellphone), email address, at home o

office address. Maaari rin namang bumisita sa

website na www.catholicvotephils.org.

Huwag nang magatubili. Makiisa at ipadama na

mayroon ngang tinatawag na Catholic Vote, para

sa tunay na pagbabago. Maligayang Bagong Taon

po sa ating lahat!

Page 7: Ang Manggagawa Volume 2, Issue 1 (January 2013)

10 - Ang Manggagawa

Ang santong tampok natin ngayon ay ang representasyon sa batang Hesus, kung saan ang kanyang

pangalan ay nangangahulugang "holy child."

Unang nagsimula ang debosyon lalo ng mga Pilipino sa santong ito sa iniwang marka ng mga

Kastila sa ating bansa. Ang pagdating ni Ferdinand Magellan at mga kapisan sa dalampasigan ng

Cebu ang pinagmulan ng relihiyosong tradisyon sa Pilipinas sa pagsamba at paggunita sa santong

ito, natinutukoy na pinakamatandang relihiyosong imahe sa Pilipinas. Ibinigay ang kahoy na

imahe ng santo bilang handog kay Hara Amihan (Reyna Juana), kabiyak ni Rajah Humabon

(Haring Carlos), dalawa sa unang Pilipinong nabasbasan ng pananampalatayang Katoliko.

Ang imaheng ito ng batang Hesus ay kadalasang nakikitang may

suot na pulang roba habang may hawak na globo sa kanang ka-

may at setro o baston sa kaliwang kamay. Sa Pilipinas, dala na

rin ng pag-usad ng modernong panahon, dinadamtan ang imahe

ayon sa kagustuhan ng may-ari: magsasaka, mangingisda, bum-

bero, tsuper, atbp.

Siya ang kasalukuyang patrong santo ng mga Cebuano. Ginugunita

ang kanyang kapistahan tuwing ikatlong Linggo ng Enero,

aprubado ng Holy See. Iba-ibang porma ng pagdiriwang ang gina-

gawa sa ating bansa sa kanyang karangalan: Sinulog Festival sa

Cebu, Dinagyang Festival sa Ilo-Ilo, at Ati-Atihan Festival sa

Aklan, ang pinakamailap ngunit pinakamarangyang pagdiri-

wang sa ating bansa. Kung papansinin, ang kanyang

kapistahan ay parang pinahabang pagdiriwang ng

Pasko, hindi lang sa Pilipinas kundi sa maraming

bahagi pa ng mundo.

Sino siya? Abangan ang kasagutan sa susunod

na isyu ng ANG MANGGAGAWA.

Tampok sa nakaraang isyu (Isyu Bilang 14 –

Disyembre 2012): San Francisco Javier

SIN

O S’Y

A?

AT

IN

G T

AN

DA

AN

Jan. 1- Pilar Mendoza, Artemio Nepomuceno|

Jan. 3- Joey Nathan Tamondong| Jan. 4- Camille Mari Dimaano, Jennica Mae Cabuhat, Janice

Sucgang, Mark Rainier Ignacio| Jan. 5- Adriel James Restar, Belen Rosas| Jan. 8- Jose Dela Cruz|

Jan. 10- Nerie Lariza, Liway Ma. Carmela Berja, Francis Solas| Jan. 11- Honorata Reyes |Jan. 12-

Ma. Teresita Aguila | Jan. 13- Vivian Velasco | Jan. 14- John Jay Nueza, Juvi Nathan Tamondong

|Jan. 15- Josephine Sipada, Lourdes Delfin| Jan. 17- Marcelo Cordoves, Willy Napulis, Alison Or-

donio | Jan. 18- Hazel Palad, Babylonia Culdora, Liberty Garcia | Jan. 19- Arlene Gumapac | Jan.

20- Julieta Dizo, Lourdes Pilares, Maritess Ricohermoso| Jan. 22- Ma. Luz Pascual |Jan. 23- Mela-

ni Derder |Jan. 24- Mercy Mercadejas| Jan. 25- Antonio Gelua |Jan. 26- Remedios Molina,

Jacqueline Ravelo |Jan. 27- Ricardo Regoso, Vitaliana

Tamondong | Jan. 28- Romar Mariano, Jude Cialbo| Jan. 29- Mera Carido, Jay Maglunob, Juvy

Bender, Jairus Daluz

ni B

ro. M

ark

An

ge

lo A

. Ord

on

io

Ang Manggagawa - 7

Panginoong Hesu Kristo sa bawat Kristiyano maging ang ibang mga pilosopo ng kasaysayan na nagnanais ng

tunay at ganap na pagbabago patungo sa kabutihan at ipahayag ang kabuluhan ng tunay na buhay. Taong

may ginintuang puso rin ang tawag natin sa mga nagpapahayag at nagbabahagi ng kanilang buhay para sa

kapwa tao upang maiangat ang antas ng buhay at kaisipan ng isang tao.

Ano nga ba ang iba pang mga katangian ng ginto at bakit siya kakaiba sa iba pang uri ng mga metal sa ating

mundo?

Sa isang madilim na kapaligiran, kung ang isang ginto ay masinagan ng isang maliit na liwanag, ito ay

kikinang at magpapahayag ng kakailang ganda at liwanag. Ito ang isa sa kanyang mga katangian na kakaiba

sa iba pang mga uri ng metal na ating nalalaman.

Naaalala ko pa matagal na panahon na ang nakalilipas, habang kaming mag-anak ay masayang nag-

tatampisaw sa isang malawak na dagat na tanyag sa Pilipinas, sa aking pagsisid sa malawak na karagatan ay

may isang bagay na kuminang at nakita ko ang gintong singsing ng aking kabiyak noong kami ay ikinasal.

Dalawang beses itong naulit at nakita ko ang gintong singsing ng aking kabiyak dahil sa kanyang taglay na

kinang pumailalim man ito sa buhangin ng malawak na dagat.

Tulad ng isang ginto, tinatawag tayo ng Diyos upang magningning at kumislap sa gitna ng isang magulong

mundo. Hayaan nating padaluyin ng Diyos sa ating pagkatao ang Kanyang dakilang pag-ibig na sasakop sa

puso at isipan ng tao. Papandayin ito ng mga hamon, lilinangin ng panahon at dadalisayin ng Banal na

Espiritu upang ang ningning ay hindi maglaho. Tulad ng ating Panginoong Hesu Kristo, ang bawat Kristi-

yano ay tinawag upang maging ginto ng kasalukuyang panahon upang magningning at ihatid ang liwanag ni

Kristo sa madalim na mundo.

Gaano man ang halaga ng isang ginto sa buhay ng bawat tao, hindi ito magiging isang bagay na kapaki-

pakinabang kung hindi ito hahalo sa iba pang uri ng metal tulad ng bakal, pilak o tanso. Ito‘y kailangang

maging sangkap din ng buhay ng ibang tao upang maging higit na matibay at maging palamuting tunay

na maghahatid ng kakaibang saya at kinang. Nawa‘y maging gintong sangkap ang bawat Kristiyano

upang pag-alabin at pakinaning ang pag-ibig ni Kristo. Kailangan tayong umugnay sa ating

Panginoong Hesu Kristo upang padaluyin ang pag-ibig Niya sa tao at sa buong mundo.

Sinu-sino ang ginto sa ating buhay? Anong mga ginintuang kaisipan at aral ang

ating natutunan mula sa ating mga magulang at mga nakakatandang kapatid,

kamag-anak, guro at mga kaibigan? Paano tayo magiging mga gintong

kikinang at magbibigay ng kakaibang liwanag at angking liyag sa

buhay ng ibang taong naglalayag? Paano natin maipapahayag ang

ginintuan puso at diwa para sa ating kapwa? Paano kikinang ang

ating Panginoong Hesu Kristo sa pamamagitan ng ating mga

kaisipan at mga gawain?

(Inaanyayahan ang lahat na magmasid sa kapaligiran. Sa

maraming simpleng bagay, hanapin ang kahulugan ng

buhay. Sa susunod na isyu ng Ang Manggagawa na

tampok sa Sangkapayapaan: SINO SI MANONG?)

Page 8: Ang Manggagawa Volume 2, Issue 1 (January 2013)

8 - Ang Manggagawa

1 - Ayon sa statistics (at kay Fr. Gilbert), ang SJWP ang nag-iisang sim-

bahan ng parokya na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA. (Ang EDSA

Shrine ay hindi parokya).

2 - Bilang ng Pilipinong naging Santo na: San Lorenzo Ruiz at San Ped-

ro Calungsod na itinanghal bilang santo noong 2012. Dalawa rin ang

bilang ng ating full-time catechists sa ating parokya. Ang aking pana-

langin, sana ay madagdagan pa sila. Ito rin ang bilang ng taon bago

maitatag ang Children‘s Ministry sa ating parokya.

3 - Bilang ng ating kaparokya na ngayo‘y ganap nang mga pari: Sina

Fr. Winnie at Fr. Philip (mga dating sakristan) at Fr. Chris (na dati na-

mang Tiples). Tatlo din, sa kauna-unahang pagkakataon, ang bilang ng

mga bisitang Obispo natin na nanguna sa atin sa triduum masses

noong Setyembre.

4 - Bilang ng taon na kapiling natin ang ating Kura Paroko, Si Fr. Gil-

bert. Hindi naman mabibilang ang biyayang ibinuhos niya sa ating

pamilya lalo na sa ating simbahan sa kanyang pananatili. Ika-4 din ng

Pebrero ang kanyang kaarawan, at si Fr. Gilbert ang panganay sa 4 na

anak nina Mommy Flor at Daddy Narc. Apat din ang bilang ng kapilya

na pinagmimisahan niya na nasasakupan ng ating parokya. Ito rin ang

bilang ng pilgrim images na bumisita sa ating Parokya noong 2012:

Birhen ng Katotohanan (Hunyo), Poong Nazareno (Setyembre), San

Jose de Troso (Nobyembre) at Birhen ng Manaoag (Disyembre).

5 - Bilang ng baranggay ang sakop ng ating parokya: Baesa, Balumba-

to, Unang Sigaw, Balingasa at Pag-ibig sa Nayon. Limang pampub-

likong paaralan din ang sakop natin, at ito ay may mahigit na 7,000

mag-aaral. Sabi na sa inyo, lubhang kulang talaga ang 2 katekista para

sa mga ito. Hindi bale, nariyan naman ang mga kabataan na nagka-

roon na ng 5 Batches ng Jammers. Sa isang banda, limang sena-

dor lang din ang bumoto kontra sa RH Bill: Senate President Juan

Ponce Enrile, Aquilino "Koko" Pimentel III, Gregorio Honasan, Jinggoy

Estrada at Majority Leader Vicente Sotto III.

6 - Bilang ng Vicariato sa ating Diyosesis, kabilang na ang San Pedro

Bautista kung saan ang ating Parokya ay napapabilang. Anim na taon

na rin ang itinagal ng Junior Lectors sa ating parokya. Anim na rin ang

distrito sa ating lungsod, at ang apektado ay ang Barangay Baesa at

Balumbato na ngayo‘y sakop ng District 6.

7 - Bilang ng bagong EMHC na naitalaga noong ika-16 ng Setyembre.

8 - Ang Priority Agenda ng ating diyosesis. Walo rin ang bilang ng

Misa tuwing Linggo sa ating Parokya. Walo rin ang simbahang nasasa-

kop kasama na ang St. Joseph sa Vicariato ng San Pedro Bautista na

sama-samang nagdiriwang ng Christ the King taon taon.

9 - Bilang ng parish priest na naging haligi ng ating parokya bago ang

kasalukuyang Kura Paroko na si Fr. Gilbert (pangsampu siya).

10-11-12 – Ang petsa ng paglulunsad ng Year of Faith ng ating simba-

han na magtatapos sa 2013.

11 – Bilang ng taon ng paninilbihan ng SEC Choir sa ating parokya.

13 – Bilang ng koro (sama-awit) sa ating parokya.

15 – Bilang na isyung nailalabas ng Ang Manggagawa kabilang na ito.

18 – Bilang ng PPC heads na namuno sa ating Pastoral Council mula

nang ito ay matatag.

19 - Bilang ng kawan ng BEC sa ating Parokya.

21 – Bilang ng batches na nabuo sa programang Sower Parish Evangeli-

zation School (SPES) ng parokya. Ito na lamang ang nag-iisang Bible

Study School na natitira sa buong Maynila nang ito ay sinimulan ma-

higit 20 taon na ang nakalilipas.

25 – Bilang ng taon ng pagkakatatag ng Tiples de San Jose .

30 – Ang taong paninilbihan ng St. Joseph Voice Choir at Knights of

Columbus sa ating Parokya.

33 – Bilang ng taong lumipas (mula pa noong panahon ni Fr. Egos

noong 1979) nang maitatag ang samahan ng Sinag ng Panginoon.

35 – Bilang ng taon ng paninilbihan ng Catechetical Ministry sa ating

parokya.

39 – Bilang ng taon ng anibersaryo ng St. Joseph Choir (SJC), ang kau-

na-unahang sama-awit ng Parokya.

41 – Lantana St. Cubao, QC ang address ng ating Diyosesis.

46 – Bilang ng parokya na nasasakop sa ating Diyosesis. 46 na taon

din nang maitatag ang Cursillo Movement.

50 – Bilang ng mga kabataang nabigyan ng Scholarship ngayong 2012.

52 – Bilang ng taon mula nang maitatag ang Legion of Mary.

53 – Bilang ng taong pagkakatatag ng ating parokya.

353 – MBPS – Ang proyektong isinasagawa ngayon ng ating Parokya.

413 - Bilang ng available slots sa ossuary para sa mga abo ng mahal

nating yumao.

449 – Bilang ng kasapi sa ating Stewardship Program, ang KASAMA.

1,400 - Pesos ang budget ng pagpapalimbag ng Ang Manggagawa

kada buwan.

5,000 – Ang downpayment na kailangan para magkaroon ka na ng

isang SLOT sa ating OSSUARY. Napakamura hindi ba? Maganda na

ang lugar, madali pang puntahan at higit sa lahat hindi na nga siksikan,

may siguradong misa pa tuwing panahon ng Undas!

129,000 – Bilang ng mga taong naninirahan na nasasakupan sa ating

Parokya. Ganyan karami ang kaluluwang nangangailangan ng pag-

gabay. Mahirap para sa nag-iisang Kura Paroko. Subalit makakayanan

kung tayo ay makikiisa at mapapabilang sa mga manggagawang

gumagawa para sa kanyang kawan. Halina‘t makiisa at mapabilang sa

banal na Misyong Ito.

Marami pang bilang at Organisasyon ang hindi kasama

rito, subalit sa puso ng Panginoon, ang bawat isa rito ay

mahalaga at alam kong napapabilang sa binibigyan

Niya ng walang hanggang pagpapala na hindi kayang

bilangin ninuman.

Maligayang 2013 po sa ating

lahat!

2013… Sabi ng kakilala ko, ang darating na 2013 daw ay ―Year of the

Snake.‖ Naalala ko bigla ang sermon ng isang pari tungkol sa

pagpasok ng bagong taon, at sinabi ko tuloy sa aking kaibigan,

―Hindi! Ang 2013 ay isa na namang ―Year of the Lord.‖

Sa tuwing pumapasok ang bagong taon, maraming tao ang

nagpapalitan ng kanilang kuro-kuro, paniniwala, pamahiin, at mga

usapang masarap din namang pagnilayan tungkol sa darating na taon.

Isa na rito ang tinatawag na numerology, isang pag-aaral tungkol sa

mga bilang. Hindi nga ba‘t marami ang nagpakasal noong 12-12-12

dahil sabi nila, swerte daw ang petsang ito. Naging inspirasyon ko

tuloy ito para sa isang artikulo ngayong Enero: ang mga bilang na

malaki ang kinalaman sa ating Parokya. Halina‘t magbalik-tanaw at

tumingin sa hinaharap sa pamamagitan ng mga bilang.

BU

TIL

NG

KA

AL

AM

AN

n

i Bro

Da

nilo

A. R

eye

s

Ang Manggagawa - 9

SJWP

BY THE NUMBERS

(Para sa Taong 2012 – 2013)

1 - Ayon sa statistics (at kay Fr. Gilbert), ang SJWP ang nag-iisang sim-

bahan ng parokya na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA. (Ang EDSA

Shrine ay hindi parokya).

2 - Bilang ng Pilipinong naging Santo na: San Lorenzo Ruiz at San Ped-

ro Calungsod na itinanghal bilang santo noong 2012. Dalawa rin ang

bilang ng ating full-time catechists sa ating parokya. Ang aking pana-

langin, sana ay madagdagan pa sila. Ito rin ang bilang ng taon bago

maitatag ang Children‘s Ministry sa ating parokya.

3 - Bilang ng ating kaparokya na ngayo‘y ganap nang mga pari: Sina

Fr. Winnie at Fr. Philip (mga dating sakristan) at Fr. Chris (na dati na-

mang Tiples). Tatlo din, sa kauna-unahang pagkakataon, ang bilang ng

mga bisitang Obispo natin na nanguna sa atin sa triduum masses

noong Setyembre.

4 - Bilang ng taon na kapiling natin ang ating Kura Paroko, Si Fr. Gil-

bert. Hindi naman mabibilang ang biyayang ibinuhos niya sa ating

pamilya lalo na sa ating simbahan sa kanyang pananatili. Ika-4 din ng

Pebrero ang kanyang kaarawan, at si Fr. Gilbert ang panganay sa 4 na

anak nina Mommy Flor at Daddy Narc. Apat din ang bilang ng kapilya

na pinagmimisahan niya na nasasakupan ng ating parokya. Ito rin ang

bilang ng pilgrim images na bumisita sa ating Parokya noong 2012:

Birhen ng Katotohanan (Hunyo), Poong Nazareno (Setyembre), San

Jose de Troso (Nobyembre) at Birhen ng Manaoag (Disyembre).

5 - Bilang ng baranggay ang sakop ng ating parokya: Baesa, Balumba-

to, Unang Sigaw, Balingasa at Pag-ibig sa Nayon. Limang pampub-

likong paaralan din ang sakop natin, at ito ay may mahigit na 7,000

mag-aaral. Sabi na sa inyo, lubhang kulang talaga ang 2 katekista para

sa mga ito. Hindi bale, nariyan naman ang mga kabataan na nagka-

roon na ng 5 Batches ng Jammers. Sa isang banda, limang sena-

dor lang din ang bumoto kontra sa RH Bill: Senate President Juan

Ponce Enrile, Aquilino "Koko" Pimentel III, Gregorio Honasan, Jinggoy

Estrada at Majority Leader Vicente Sotto III.

6 - Bilang ng Vicariato sa ating Diyosesis, kabilang na ang San Pedro

Bautista kung saan ang ating Parokya ay napapabilang. Anim na taon

na rin ang itinagal ng Junior Lectors sa ating parokya. Anim na rin ang

distrito sa ating lungsod, at ang apektado ay ang Barangay Baesa at

Balumbato na ngayo‘y sakop ng District 6.

7 - Bilang ng bagong EMHC na naitalaga noong ika-16 ng Setyembre.

8 - Ang Priority Agenda ng ating diyosesis. Walo rin ang bilang ng

Misa tuwing Linggo sa ating Parokya. Walo rin ang simbahang nasasa-

kop kasama na ang St. Joseph sa Vicariato ng San Pedro Bautista na

sama-samang nagdiriwang ng Christ the King taon taon.

9 - Bilang ng parish priest na naging haligi ng ating parokya bago ang

kasalukuyang Kura Paroko na si Fr. Gilbert (pangsampu siya).

10-11-12 – Ang petsa ng paglulunsad ng Year of Faith ng ating simba-

han na magtatapos sa 2013.

11 – Bilang ng taon ng paninilbihan ng SEC Choir sa ating parokya.

13 – Bilang ng koro (sama-awit) sa ating parokya.

15 – Bilang na isyung nailalabas ng Ang Manggagawa kabilang na ito.

18 – Bilang ng PPC heads na namuno sa ating Pastoral Council mula

nang ito ay matatag.

19 - Bilang ng kawan ng BEC sa ating Parokya.

21 – Bilang ng batches na nabuo sa programang Sower Parish Evangeli-

zation School (SPES) ng parokya. Ito na lamang ang nag-iisang Bible

Study School na natitira sa buong Maynila nang ito ay sinimulan ma-

higit 20 taon na ang nakalilipas.

25 – Bilang ng taon ng pagkakatatag ng Tiples de San Jose .

30 – Ang taong paninilbihan ng St. Joseph Voice Choir at Knights of

Columbus sa ating Parokya.

33 – Bilang ng taong lumipas (mula pa noong panahon ni Fr. Egos

noong 1979) nang maitatag ang samahan ng Sinag ng Panginoon.

35 – Bilang ng taon ng paninilbihan ng Catechetical Ministry sa ating

parokya.

39 – Bilang ng taon ng anibersaryo ng St. Joseph Choir (SJC), ang kau-

na-unahang sama-awit ng Parokya.

41 – Lantana St. Cubao, QC ang address ng ating Diyosesis.

46 – Bilang ng parokya na nasasakop sa ating Diyosesis. 46 na taon

din nang maitatag ang Cursillo Movement.

50 – Bilang ng mga kabataang nabigyan ng Scholarship ngayong 2012.

52 – Bilang ng taon mula nang maitatag ang Legion of Mary.

53 – Bilang ng taong pagkakatatag ng ating parokya.

353 – MBPS – Ang proyektong isinasagawa ngayon ng ating Parokya.

413 - Bilang ng available slots sa ossuary para sa mga abo ng mahal

nating yumao.

449 – Bilang ng kasapi sa ating Stewardship Program, ang KASAMA.

1,400 - Pesos ang budget ng pagpapalimbag ng Ang Manggagawa

kada buwan.

5,000 – Ang downpayment na kailangan para magkaroon ka na ng

isang SLOT sa ating OSSUARY. Napakamura hindi ba? Maganda na

ang lugar, madali pang puntahan at higit sa lahat hindi na nga siksikan,

may siguradong misa pa tuwing panahon ng Undas!

129,000 – Bilang ng mga taong naninirahan na nasasakupan sa ating

Parokya. Ganyan karami ang kaluluwang nangangailangan ng pag-

gabay. Mahirap para sa nag-iisang Kura Paroko. Subalit makakayanan

kung tayo ay makikiisa at mapapabilang sa mga manggagawang

gumagawa para sa kanyang kawan. Halina‘t makiisa at mapabilang sa

banal na Misyong Ito.

Marami pang bilang at Organisasyon ang hindi kasama

rito, subalit sa puso ng Panginoon, ang bawat isa rito ay

mahalaga at alam kong napapabilang sa binibigyan

Niya ng walang hanggang pagpapala na hindi kayang

bilangin ninuman.

Maligayang 2013 po sa ating

lahat!