ang osteoporosis: pagkaraan ng iyong pagbisita · gumawa ng ilang uri ng ehersisyo na dinadala mo...

3
Ang Osteoporosis: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita Ang Osteoporosis: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita Ano ang osteoporosis? Ang osteoporosis ay isang kondisyon na nagiging sanhi upang ang iyong mga buto ay humina at madaling mabali o mapilay. Lahat tayo ay nawawalan ng ilang bone mass habang tumatanda. Ang mga buto ay natural na numinipis habang tayo ay tumatanda dahil mas mabilis ang pagkasira ng kasalukuyang buto kung ihambing sa dalas ng paggawa ng bagong buto . Habang numinipis ang buto at humihina, tumataas naman ang ang panganib na ito at mabali o mapilay. Ang osteoporosis ay mas karaniwan sa mga babae kaysa mga lalaki. Kadalasan ay walang mga sintomas, kung kaya’t maaaring hindi mo malalaman na mayroon ka na pala nito hanggang sa mayroon ka ng bali na buto. Paano mo maiiwasan ang osteoporosis? 1. Uminom ng calcium at bitamina D bawat araw. Karamihan sa mga taong higit sa edad na 50 ay kailangan ng 1,200 mg ng calcium at 1000 hanggang 2000 IU ng bitamina D (mas mabuti kung bitamina D3) bawat araw. Dahil sa karamihan sa mga karaniwang pagkain ay hindi nagbibigay ng sapat na

Upload: dohanh

Post on 29-Aug-2019

244 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Osteoporosis: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita · Gumawa ng ilang uri ng ehersisyo na dinadala mo ang iyong timbang (weight-bearing exercise (paglalakad, pagjogging, pagsasayaw) sa

Ang Osteoporosis: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

Ang Osteoporosis: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

Ano ang osteoporosis? Ang osteoporosis ay isang kondisyon na nagiging sanhi upang ang iyong mga buto ay humina at madaling mabali o mapilay. Lahat tayo ay nawawalan ng ilang bone mass habang tumatanda. Ang mga buto ay natural na numinipis habang tayo ay tumatanda dahil mas mabilis ang pagkasira ng kasalukuyang buto kung ihambing sa dalas ng paggawa ng bagong buto . Habang numinipis ang buto at humihina, tumataas naman ang ang panganib na ito at mabali o mapilay. Ang osteoporosis ay mas karaniwan sa mga babae kaysa mga lalaki. Kadalasan ay walang mga sintomas, kung kaya’t maaaring hindi mo malalaman na mayroon ka na pala nito hanggang sa mayroon ka ng bali na buto.

Paano mo maiiwasan ang osteoporosis? 1. Uminom ng calcium at bitamina D bawat araw.

Karamihan sa mga taong higit sa edad na 50 ay kailangan ng 1,200 mg ng calcium at 1000 hanggang 2000 IU ng bitamina D (mas mabuti kung bitamina D3) bawat araw. Dahil sa karamihan sa mga karaniwang pagkain ay hindi nagbibigay ng sapat na

Page 2: Ang Osteoporosis: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita · Gumawa ng ilang uri ng ehersisyo na dinadala mo ang iyong timbang (weight-bearing exercise (paglalakad, pagjogging, pagsasayaw) sa

Ang Osteoporosis: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita calcium at bitamina D, pinakamabuti ang uminom ng di kukulangin sa 500 hanggang 600 mg araw-araw ng suplementong calcium at 1,000 IU araw-araw na suplemento ng bitamina D.

Ang mga berdeng gulay, mga almond, at tofu ay natural na mga mabuting pagkukunan ng calcium. Ang mga pagkaing mula sa gatas na mababa sa taba (gatas, keso, at yogurt) ay mabuti ring pagkukunan.

2. Gawing bahagi ng bawat araw ang gawain at ehersisyo. Ang araw-araw na gawain ay nakakatulong na mapanatiling matibay ang iyong mga buto at ginagawa silang di-gaanong malamang na mabali kapag bumagsak ka. Gumawa ng ilang uri ng ehersisyo na dinadala mo ang iyong timbang (weight-bearing exercise (paglalakad, pagjogging, pagsasayaw) sa loob ng 30 minutos kadalasan sa mga araw. Gumawa ng ehersisyong pang-resistensya na may mga pabigat o mga band 2 hanggang 3 bawat linggo.

3. Huminto sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nagpapataas sa panganib na magkaroon ng osteoporosis. Magtanong sa iyong doktor o iba pang propesyonal na tagapangalaga ng kalusugan para matulungan kang huminto.

4. Magbawas sa caffeine, sodium at alkohol. Ang caffeine, sodium, at alkohol ay nakakabawas sa tibay ng buto. Ingatan ang iyong mga buto sa pamamagitan ng paggamit ng mas kaunting caffeine at sodium sa iyong pagkain. Limitahan ang alkohol sa isang beses na pag-inom sa isang araw para sa mga babae; dalawang beses na pag-inom o mas kaunti para sa mga lalaki.

5. Kumuha ng bone mineral density (BMD) na pagsusuri kung ikaw ay isang babae na ang edad ay higit pa sa 65 o isang lalaki na higit sa 70. Tinatantiya ng pagsusuring BMD ang tibay ng iyong mga buto sa pamamagitan ng pagsukat sa density ng mga mineral sa iyong mga buto. Ang mga resulta ay makakatukoy kung gaano karaming bone mass ang nawala sa iyo.

Ano ang mga salik ng panganib para sa osteoporosis? Mahalagang malaman kung ikaw ay nasa panganib. Kabilang sa mga salik ng panganib ang • Pagkakaroon ng pilay pagkaraan ng edad 50 dahil sa “marupok” na mga buto. • Paninigarilyo. • Pagkakaroon ng timbang na mas mababa sa 127 pounds o pagkakaroon ng body mass

index (BMI) na mas mababa sa 21. • Pagkakaroon ng magulang, kapatid na babae o kapatid na lalaki na nagkaroon ng bali

sa balakang. • Pagkakaroon ng kasaysayan ng mga pagkahulog sa nakalipas na 12 buwan.

Page 3: Ang Osteoporosis: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita · Gumawa ng ilang uri ng ehersisyo na dinadala mo ang iyong timbang (weight-bearing exercise (paglalakad, pagjogging, pagsasayaw) sa

Ang Osteoporosis: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

Paano maiiwasan ang mga pagkahulog? Sa mga mas matatanda, ang mga pagkahulog ang karaniwang sanhi ng mga bali. Ang mga simpleng hakbang ay makakaiwas sa mga bali.

• Maging aktibo upang mapanatili ang balanse, tibay at koordinasyon.

• Magsuot ng mga sapatos na mababa ang takong na may di-nakakadulas na mga suwelas.

• Regular na patingnan ang mga mata at magsuot ng salamin o contacts kung kinakailangan.

• Maglagay ng mga hawakan ng kamay at di-nakakadulas na mga banig sa inyong bathtub o shower at sa tabi ng kubeta.

• Sabihin sa iyong doktor kung nakakaramdam kayo ng pagkahilo o parang lumulutang. Maaaring sanhi ito ng gamot na iyong iniinom.

Panatilihing libre sa panganib ang inyong bahay:

• Panatilihing maliwanag ang inyong bahay para makaiwas na mabunggo sa mga bagay.

• Iwasang gumamit ng mga throw rug at gumamit ng mga alpombrang may nakalagay na non-slip backing.

• Panatilihin na walang nakaharang sa mga sahig at mga daraanan para makaiwas na matisod.

• Tiyakin na madaling maabot ang lahat ng mga bagay sa kusina.

• Iwasan ang pagtayo sa mga upuan, mga bangkito, o mga akyatan (ladder).

Iba pang mga mapagkukunan • Bumisita sa home page ng iyong doktor sa kp.org/mydoctor upang magamit ang mga online na

kagamitang pangkalusugan, matingnan ang mga paalala sa iyong Preventive Services (mga Serbisyong Pang-iwas), ma-tsek ang karamihan sa mga resulta ng laboratoryo at marami pa.

• Makipag-ugnay sa iyong Kaiser Permanente Health Education Center o Departmento para sa impormasyong pangkalusugan, mga programa, at iba pang mga mapagkukunan.

• Kung ikaw ay sinapok, sinaktan, o binantaan ng iyong ka-partner o asawa, makaaapekto ito nang malubha sa iyong kalusugan. Mayroong tulong. Tumawag sa National Domestic Violence Hotline sa 1-800-799-7233 o makipagkonekta sa ndvh.org.

Ang tagubilin sa pangangalagang ito ay para gamitin kasama ang iyong lisensyadong propesyonal na tagapangalaga ng kalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang kondisyong medikal o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal na tagapangalaga ng kalusugan.

© 2011, The Permanente Medical Group, Inc. All rights reserved. REGIONAL HEALTH EDUCATION. PI0067 (revised 7-11) Osteoporosis