ang pagsisimula ng kasaysayang pilipino

22
Ang Pagsisimula ng Kasaysayang Pilipino: Mula Panahong PreHistoriko Hanggang Panahong Proto-Historiko JHONNA AMUTAN & MARIZHEL MEDRANO F1B

Upload: jpaxx123

Post on 18-Aug-2015

342 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Ang Pagsisimula ng Kasaysayang Pilipino: Mula Panahong PreHistoriko Hanggang Panahong Proto-

HistorikoJHONNA AMUTAN & MARIZHEL MEDRANO

F1B

Paghubog sa Arkipelago

Pre-History

Itinuturing ang panahong prehistoriko (o Pre-history) ng Pilipinas bilang pinkaunang panahon ng pagkabuo ng arkipelago at tradisyong pangkultura na mahihinuha sa mga nakalap ng ebidensiya.

Tinatayang sa loob ng mahabang panahong ito, nabuo ang kasalukuyang anyo ng archipelago at lumitaw ang mga likas na yamang pisikal at biyolohikal na nagbigay ng kakanyahan sa grupo ng mga pulo.

Dalawang paghahati sa panahong Pre-historiko, na ibinatay sa antas ng teknolohiya ng mga nabuhay na sa mga panahong ito:

Panahon ng Lumang Bato Panahon ng Bagong Bato

Pro-History

Ito ang panahong pinakamalapit sa kasalukuyang anyo ng Pilipinas at sistemang pangkalinangan nito, kaya’t tinatawag rin itong Proto-Philippine. Sinasabong dito nagsimula ang pagsisimula ng panahon ng metal at paglaganap ng kalakalan sa karagatan. Ito rin ang panahon ng pagkabuo ng rehiyonal na karakter ng TimogSilangang Asya at para sa archipelago ang paglitaw ng mga kalipunang etniko, kasama ang paglaganap ng tradisyong Islamiko na naging elemento ng pangkultura sa arkipelago. Kaya’t matatayang nagsimula ito sa 500 BC., hanggang ika-16 dt nang nakamit ang integrasyong pangkultura na may anyong Filipino bago maimpluwensiyahan ng kanlurang kultura.

A.Mula Paleozoic hanggang pagsisimula ng Mesozoic period: Mga unang anyo ng buhay sa archipelago, Pagkakaugnay sa Ibang Kontinente.

Sa panahong ito, ipinapalagay na napakalaki ng kaayusan ng kapuluan ng Pilipinas kaysa sa kasalukyang lokasyon ng mga pulo nito. Mga 30-45 mt na ang nakalilipas nan gang kasalukuyang itsura ng archipelago ay nakapahalang kung susundin ang wastong direksyon ng hilaga. Gayundin sa bandang silangan ng kasalukyang lokasyon nito ang ngayo’y hilagang Luzon at nakapahalang din. Samantala, nakalugar naman sa bandang kanluran ngayon ay kabisayaan at Mindanao noon. Higit pang interesante, nakadikit ang Palawan at Mindanao sa kapuluan ng Tsina.

Paghubog sa Arkipelago: Yamang Pisikal at Biyolohikal ng Pilipinas (Panahong Prehistoriko)

B. Mula Mesozoic hanggang Tertiary ng Cenozoic: Paghihiwalay ng Ibang Kontinente; Pagkabuo ng Hugis, Anyo ay Yamang Likas ng Arkipelago

• yamang mineral • Yamang biyolohikal• mangrove, agoho, pandan, pako• fern, conifers, cycad at mga palmos (palm) na katulad ng nito, uway (o

rattan) at sago. • punong dipterocarp (mababang lugar) at mossy forest (mataas na

kabundukan)

Paghubog sa Arkipelago: Yamang Pisikal at Biyolohikal ng Pilipinas (Panahong Prehistoriko)

Mahalaga din ang period na ito sa pagbubuo ng mga yamang mineral at para sa enerhiya.

Inuugat sa prosesong oroheniko (orogenic) ang pagbubuo ng pisikal na karakter ng archipelago, na humantong sa paghihiwalay sa ibang kontinente (Continental Drift) at paglaganap ng sahig ng karagatan (sea-floor spreading).

Nagresulta ng mga prosesong heomorpolohiko na ito sa pagkakabuo ng gma deposito ng langis, halimbawa sa silangang bahagi ng Palawan.

Sa huling bahagi ng Cenozoic, nangyari ang paglubig sa tubig ng halos kalahato ng erya ng archipelago. Naganap din ang sedimentasyong nagong dahilan ng pagliit ng kalupaan ng Sierra Madre range bunga ng paglawak sa silangan.

C. Epoka ng Pleistocene sa Period ng Quaternary: Pagbubuo ng mga Glacier sa Hilaga, Bulkanismo sa Arkipelago, Dagdag ng Pagpapayamang Biyolohiko at Heopisiko ng Kapuluan.

Sa paglaki ng mga glacier, pag-iiba iba ng temperature at pagbabago sa ilalim ng dagat, umiwas ang maraming hayop mula sa matinding kalagayan pahilaga at lumikas patungong timog. Kaya’t nakarating sa Pilipinas ang maraming mga hayop at halaman na dala dala ng mga paglikas na ito, maaaring mula sa Asya sa pamamagitan ng mga tulay na lupa sa ruta sa Taiwan, o sa pamamagitan ng ruta sa timog, partikular sa Borneo, Palawan, at Mindoro.

Paghubog sa Arkipelago: Yamang Pisikal at Biyolohikal ng Pilipinas (Panahong Prehistoriko)

Sa mga huling bahagi ng Quartenary, minsan pang nakaranas ng matitinding hamon ng kalikasan ang arkipelago, nang nangyari ang pagsabog ng mga bulkan. Dahil dito, lalong kumalat sa arkipelago ang mga yamang biyolohikal na ngayo’y nagkaroon ng pagkakataong patuloy na mabuhay sa higit na matabang lupa para sa dagdag na mga strata ng mineral at iba pang likas yamn gaya ng aluminum, nickel, zinc, at geothermal energy.

Sinaunang Kasaysayan ng Tao sa Filipinas (Panahong Pre-Historiko muka sa Lumang Bato hanggang Neolitiko)

-Katangian ng tao o homo ang pagkakaroon ng kultura. Makikita iyon sa kakayanan niyang gumamit ng mga kasangkapan upang tiyakin ang kaniyang ikabubuhay at kaligtasan. Para sa Pillipinas ay masasabing pinakamahalagang tunguhing pangkultura ang naganap noong Piocene hanggang huling bahagi nga epoka ng Pleistocene, o sa Panahon ng Lumang Bato. Ito ang proseso ng homonisasyon at sapientisasyon, o ang pagiging tao ng mga ninuno ng tao.

Proseso ng Homonisasyon at Sapientisasyon

Australopithecus

Ipinapalagay na pinakamalapit na maaaring pinagmulan ng tao, na may mga ebidensya nakita hindi sa Pilipinas kundi sa ibang bahagi ng daidig. Isang “primate” na ang ibig sabihin ay nilalang na may katangiang pinakamalapit sa kasalukuyang itsura ng tao.

Ang Australopithecus na nanirahan sa Aprika ay ipinapalagay na nabuhay mahigt 1.4 mt.na ang nakalilipas, at maaari ring nawala ng bandang 1.5 mt ang nakaraan.

Dalawang uri nito:

Australopithecus Robustus Australopithecus Africanus- ang marunong ngang gumawa at gumamait

ng gamit bato.

Sa Ethiopia natukalasan ang isang kalansay ng A. afarensis na nahukay ni Leakey noong 1974 at tinwag na Lucy dahil ipinalagy itong kalansay ng isang babae.

Homo habilis

Hiwalay na genus ng Homo na lumitaw. Sa ngayon sinasabing ang Homo Habilis ang unang tunay na tao.

Mga katangian ng Homo Habilis, ayon sa mga Ebidensiya:

Pagkakaroonng utak na may bolyum na 500-800 cc.

Pagkakaroon ng estruktura ng pamumuhay

Kaalaman sa paggawa ng gamit na bato

Pangangaso ng malalaking haypop batay sa mga naiwang edidensiya ng buto ng malalaking hayop

Homo Erectus

• Nakatitindig na sila ng tuwid • Maaring may kakayahan na rin silang mag salita dahlia

ang bahagi ng kanilang utak para sa pagsasalita ay matambok na ng kaunti.

 • Nakakagawa na sila ng kasangkapan. Ang kanilang mga

kagamitan ay mga tinapyas na bato. Maaring pinag-uumpog nila ang mga bato upang makagawa ng iba pang kasangkapan

 • Nangangalap at nangangaso lamang sila ng kanilang

kinakain.

Sa Asya nakita ang pinakamatandang H. Erectus ang H.E. Modjokertensis.

Dagdag pa ang nahukay noong 1891 sa Java sa Indonesia (o ang Java man)

Zhokoipidian malapit sa Beijing sa Timog Tsina o Peking man na maaaring nabuhay mula 500-100 libong taon bago ang ngayon.

Homo Sapiens Neanderthalensis

ay isang hindi na umiiral ngayong espesye o subespesye sa loob ng henus na Homo at malapit na nauugnay sa mga Homo sapiens(modernong tao). Ang mga ito ay alam mula sa mga specimen ng fossil na may petsa sa panahong Pleistocene at natagpuan sa Europa at sa mga bahagi ng kanluaran at sentral na Asya. Ang terminong Neanderthal na pagpapaikli ng taong Neanderthal ay minsang binabaybay na Neandertal na modernong baybay ng Lambak na Neander sa Alemanya kung saan ang espesyeng ito ay unang natuklasan.

Homo Sapiens Sapiens

Naging Homo Sapiens Sapiens ang Homo Sapiens may 90 libong taon na ang nakaran. May ebidensiya ng Homo sapiens sapiens sa Asya; ang nakita sa Niah at ang Tabon cave sa Palawan (may 30 libong taon na ang nakaraan)

Sapientusasyon

Ang sapientisasyon ay tumutukoy sa proseso ng pagiging “nakakaalam” ng kasalukuyang panahon (Homo sapiens sapiens) at nagkakaroon ng kapasidad sa produksiyon, ibig sabihin, may kakayahang gumamit ng mga instrument upang aktibong harapin ang hamon ng kalikasan sa paglitaw ng mga pangangailangan sa buhay. Kaiba ito sa dating kakayahan ng pagkuha lamang mula sa kalikasan ng mga batayang pngangailangan. Di lamang consumer, kundi producer na ang tao. Kaya’t humantong ang proseso ngn sapientisasyon sa tinatwag ding rebolusyong Neolitiko (o Panahon ng Bagong Bato) kung kalian umiral ang pangangalaga ng hayop at pagtatanim ng halaman. Ang pamamastol at agrikultura, kung gayon, ang siyang naging batayan ng unang mga kabihasnan ng tao sa Asya.

Katangian ng teknolohiya habang nagaganap ang proseso ng sapientisasyon ang paglikha ng mga kagamitang yari sa bato ma ibat iba ang anyo maging sa gamit (di lamang tinapyas, kundi pinatalas pa, o kayay dinugtungan ng kahoy). Malawak ang naging distribusyon ng mga ebidensiya para ditto, kayat mahihinuha na likas sa kanilang kaligiran, gaya ng kahoy at shell. Dagdag pa ang pagkakaroon ng tradisyon ng palayukan at paglilibing sa tapayan at pagisismula ng pag-aalaga ng halaman at hayop.