kasaysayang pulitika ng greece

20
Kasaysayang Pulitika ng Greece Ni Jerome D. Binarao III-Love

Upload: jerome-binarao

Post on 23-Jun-2015

411 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kasaysayang pulitika ng greece

Kasaysayang Pulitika ng Greece

Ni Jerome D. Binarao III-Love

Page 2: Kasaysayang pulitika ng greece

Mga Dapat Malaman:

Bago pa magsimula ang magsasalaysay, huminga muna kayo nang malalim. Siguraduhin ninyong hindi mapuputol ang hinga niyo.

Maaari kayong mag-takenote para sa mga impormasyon.

Walang maingay dahil kung maingay kayo, tiyak di itutuloy ng nagsasalita.

May mga bagay na dapat subaybayan:

1. Anong mga uri ng pamahalaan ang Greece?

2. Ano ang dalawang lungsod-estado ng Greece at ang uri ng pamamahala.

3. Mga tao/aristokratang nagpabago sa daloy ng pulitikal ng Athens.

4. Mga sakop ng Greece.

5. Ano ang Assembly, tyrant, junta, strategi at helot.

Page 3: Kasaysayang pulitika ng greece

Sa Greece nalinang ang unang konsepto ng demokrasya, bagaman nagsimula ito sa pamahalaang MONARKIYA.

MONARKIYA DEMOKRASYA

ARISTOKRASYA

Page 4: Kasaysayang pulitika ng greece

Pinamumunuan ng Hari ang lungsod-estado.

Isa lamang ang mga unang hari sa Greece sa mga maharlikang pamayanan at nahahadlangan ng kaugalian ang kanilang kapangyarihan.

Mga kaugalian:

a. nag-uutos sa hari na sumangguni sa isang konseho ng mga maharlika kung gumagawa ng mahahalagang pasya.

b. Magpasya sa isang kapulungan na binubuo ng lahat ng mamamayang lalaki.

c. Matapos makinig sa mga salita ng hari, inaatasan ang mga maharlika na magpahayag.

PANAHON NG MONARKIYA

Page 5: Kasaysayang pulitika ng greece

“pamumuno ng pinakamahuhusay”.

Inihahalal ang mga opisyal ng lungsod taun-taon mula sa mga kalalakihang nakaaangat sa lipunan.

Nag-uugat ito sa malalaking ari-ariang pamilyang pinagmulan. Sila ang mayayamang uri ng lipunan nam may kagamitang pandigma-ang KABAYO at KALASAG. Kaya tinagurian silang “kabalyero”.

Aristokrasya

Page 6: Kasaysayang pulitika ng greece

PANAHON NG PANANAKOP

Sinimulan ng mga lungsod-estado ang pagpapadala ng mga mandarayuhan sa ibang lupain.

Noong 500 BCE nakapagtatag ang mga Griyego ng mga kolonya katulad ng:

1. Timog Italy

2. Sicily

3. Timog France

4. Baybay-dagat ng Africa sa gawing Kanluran ng Egypt

5. Mga kipot patungong Black Sea

6. Baybay-dagat ng Black Sea

Nauugnay lamang ang mga ito sa pinagmulang lungsod-estado(metropolis o mother city).

Page 7: Kasaysayang pulitika ng greece

Sa pagkatuklas ng mga ruta ang naging sanhi ng pagiging kolonyal ng Griyego. Ito ang naging daan ng pakikipagpalitan ng mga produkto sa kanyang kolonya.

Naging maunlad na ekonomiyang komersyal at industriyal ang sumibol sa mga daungang-lungsod ng Aegean.

May mga bunga ng kolonisasyon ng Greece:

1. Ang pagkabuo ng damdamin ng pagkakaisa ng iba’t ibang pangkat ng lahing Griyego.

2. Napuna ang mga Griyego ang kaibahan ng kanilang wika, kaugalian at institusyon sa ibang lahi.

3. Nagpapahiwatig ang pagkakaibang ito ng mga Griyego sa pamamagitan ng pagbansag na “barbaro” sa lahat ng Griyego at Hellenes sa lahat ng Griyego at Hellas sa maalamat na ninuno ng mga Griyego.

PAGTATATAG NG IMPERYONG GRIYEGO

Page 8: Kasaysayang pulitika ng greece

ANG ATHENS Ang Athens ay ang sentro ng Kolonya ng Greece. Ito ay

isa sa mga pinakamatandang lungsod sa buong mundo at tinatayang may 3,400 na taon.

Ang lugar na Athens ay hango sa griyegong pangalan na Ἀθῆναι, pangalan ng isang dyosa nilang si ATHENA, ang diyosa ng pagbabayani

Ito ang sentro ng mga sining,pag-aaral, at pilosopiyanoong unang panahon. Ito ang tahanan ng mga magigiting na pilosopo at sikat na tao sa mundo, kabilang dito sina Plato at Aristotle .

Isa sa maraming lungsod-estado sa distrito ng Attica ang Athens na siya ring kinalalagyan at pangalan ng isang lungsod sa kasalukuyan.

Page 9: Kasaysayang pulitika ng greece

Kasaysayang Pulitikal Athens Sa simula, nasa pamumuno ng hari o monarkiya ang

Athens (1200 BCE-800 BCE). Pero unti-unting nalipat ang kontrol ng pamahalaan sa isang Aristocratic Council na pinamumunuan ng siyam na opisyal na may bansag na archon.

Ang Athens ay kabilang sa walong rehiyong yunit ng Attica:

1. North Athens (Urban Area)

2. West Athens (Urban Area)

3. Central Athens (Urban Area)

4. South Athens (Urban Area)

Page 10: Kasaysayang pulitika ng greece

Kasaysayang Pulitikal Athens

ASSEMBLY- isa sa mga sangay ng pamahalaan. Ito ay bukas sa lahat ng mamamayang may ari-arian. Ngunit lubhang limitado ang kapangyarihan nito.

Dahil naaapektuhan ang buhay ng mga magsasaka, mangangalakal at manggagawa sa mga batas ng aristokrata, humingi sila ng repormasyon kasabay ng bantang pag-aaklas.

Ngunit hindi nagtapos ang maling pagpapatakbo sa pamahalaan at pag-aalipin sanhi ng pagkakautang. Bilang panlunas, humirang sila ng isang tagpamagitang may lubusang kapangyarihang humawak sa lahat ng mga problema ng mga Athenians.

Page 11: Kasaysayang pulitika ng greece

Mga Maharlika/Aristokrata na Nagpabago ng Daloy ng

Gobyerno ng Athens

Page 12: Kasaysayang pulitika ng greece

1. SolonSiya ang nagpawalang-bisa sa pagkakautang. Nagtalaga siya ng limitadong sukat ng lupa na maaaring ariin ng isang mamamayan.

Sa ilalim ng kanyang pamamalakad, bumuo siya ng bagong Saligang Batas na nagbibigay-kapangyarihan sa Assembly, na gumawa ng mga batas at maghalal ng mga pinuno ng pamhalaan sa halip na konseho ng aristokrata.

Ayon sa saligang batas, lahat ng uri ng mamamayan ay may karapatang ipahayag ang kanilang saloobin sa pamahalaan bagaman iniaayon ang mga pribilehiyo, buwis at obligasyong militar sa halaga ng kanilang ari-arian.

Page 13: Kasaysayang pulitika ng greece

2. Pisistratus

Siya ang pumalit kay Solon matapos siyang namatay.

Itinuring siyang isang tyrant.

TYRANT- ito ay tumutukoy sa isang tao na humwak ng katungkulan sa pamahalaan sa paraang hindi naaayon sa batas o kaugalian. Kasingkahulugan din nito ang “pinunong maulpit o mapaniil.

Pinatunayan niyang kahit isa siyang tyrant ay hindi ibig sabihin ay malupit, bagkus ay ipinakita niya ang tunay na kakayahan sa pamamahala at pagpapaunlad ng lungsod estado.

Page 14: Kasaysayang pulitika ng greece

2. Pisistratus

Ipinagpatuloy niya ang mga nagawa ni Solon sa pagbuo ng mga alyansang komersyal sa ibang lungsod-estado

Naglunsad siya ng programang pagpapautang sa mga mahihirap, pagpapatupad ng mga gawaing pampubliko upang matiyak na may hanapbuhay para sa lahat.

Nagbigay siya ng subsidy o tulong na salapi mula sa pamahalaan para sa pagpapaunlad ng sining at marangyang pagdiriwang ng estado kaugnay ng relihiyon.

Page 15: Kasaysayang pulitika ng greece

3. Cleisthenes

Noong 508 BCE, siya ay naging aristokrata at ipinangako niya sa mga Athens ang pagrereporma sa saligang batas.

Siya ang nagtatag ng demokrasya sa Athens. Ginawa niyang bukas ang Assembly sa lahat ng kalalakihang malaya, may ari-arian man o wala.

Binigyan niya ng pagkakataon na maging mamamayan ng lungsod-estado ang mga dayuhang mangangalakal at manggagawang may kasanayan na napadpad sa Athens upang mapasulong ang kalakalan sa ibang lugar.

Page 16: Kasaysayang pulitika ng greece

Nagpupulong ang Assembly minsan sa isang linggo sa isang bukas na teatro (amphitheater) sa labas ng Athens. Pinasisimulan ito ng isang pagdadasal bago magumpisa ang pagpupulong.

Walang karapatang magmungkahi ng batas ang Assembly sapagkat hawak ang pribilehiyong ito ng Council of Five Hundred na pinili mula sa lahat ng mamamayan sa pamamagitan ng palabunutan.

JUNTA- ang humahawak sa mga nauukol sa depensa at ugnayang-panlabas.

STRATEGI- sila ang mga bumubuo ng sampung heneral na pili ng Assembly.

Page 17: Kasaysayang pulitika ng greece

ANG SPARTA

Hango sa salitang Σπάρτα sa Doric at Σπάρτη Spártē sa Attic. Tinatawag din itong

Lacedaemon.

Isang lungsod sa Laconia, Timog Greece kung saan dito tumira ang mga Griyegong

mula sa lahing Dorian.

Isang estado na naiiba sa iba oang lungsod-estado sa Greece sa uri ng

pamahalaan at sa paraan ng pamumuhay.

Sinakop ng mga Spartan ang iba pang nainirahan sa Laconia at sisnanib din ang

Messenia.

Page 18: Kasaysayang pulitika ng greece

Isang mabigat na suliranin sa Sparta ang pananakop nito sa may 250,000 tao sapagkat ang Sparta ay isang maliit na pamayanan lamang na binubuo ng 12,000 hanggang 15,000 tao. ¾ ng populasyon nito ay pawang mga sundalong propesyonal na may katungkulan sa pangangalaga ng kanilang lungsod.

Bilang solusyon, sinanay nila ang lahat ng mamamayan mula sa gulang na 7 hanggang 60 taon na maging militar sapagkat itinuon ng estado ang lakas na kakayahan.

Pinagbabawalan ang mga mamamayan ng Sparta na makipagkalakalan at pinagamit sila ng salaping yari sa bakal (iron money) na walang halaga sa ibang estado.

Page 19: Kasaysayang pulitika ng greece

Mainam ang buhay ng mga Spartan dahil hindi na nila kailangang maghanap-buhay sapagkat may malalawak na estado ang maharlikang angkan ng Sparta at sa lahat na may sapat na gulang ay nakakatanggap ng bahagi sa lupang pampubliko. Ngunit hindi ito pwedeng ipagbili ang bahaging ito pero maaari niyang ipapamana sa kanyang mga anak.

HELOT- ang tawag nila sa mga alipin ng mga Spartan. Karamihan sa mga nasakop ng Sparta ang mga helot nila. Sa may 250,000 taong sakop nito, 180,000 ang mga helot.

Page 20: Kasaysayang pulitika ng greece

THANK YOU!!!

Jerome

Binarao