ano ang dengue (autosaved)

3
Ano ang Dengue? Ang dengue ay sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok na Aedes aegypti. Tinatawag din itong break bone fever dahil isa sa mga sintomas nito ang matinding pananakit ng katawan. Sa panahon ng tag-ulan, Hunyo hanggang Setyembre, dumarami ang mga kaso ng dengue sa Pilipinas. Ito’y endemic o lumalaganap sa loob ng isang rehiyon, lugar o populasyon Ano ang Aedes Aegypti? Ang Aedes Aegypti ay isang uri ng babaeng lamok na siyang nagdadala ng dengue. Ito ay kadalasang nangingitlog sa tubig na hindi dumadaloy Halimbawa nito ang mga timba, lumang gulong, drum, bote, plorera, lata, palayok at planggana. Kaya laganap ito sa tag-ulan dahil naiipon ang tubig ulan at baha sa maraming lugar. Ito ay nangangagat sa araw. Kapag sa loob ng bahay, namamalagi sila sa mga aparador at madidilim na lugar. Kapag sa labas ng bahay, sa malalamig at malililim na puwesto naman sila tumitigil Paano kumakalat ang dengue? Ang dengue ay kumakalat sa pamamagitan ng lamok na nabanggit. Nadadala niya ang virus kapag nakakagat siya ng infected na tao. Hindi ito naipapasa ng direkta mula sa isang tao direkta sa isang tao. Sino ang kadalasang nagkakaroon ng dengue? Kadalasang nagkakaroon nito ay mga bata lalo na ang mga pumapasok sa eskuwela dahil sila ay malilikot at kadalasang sumisiksik kung saan saan. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay ligtas na ang mga nakatatanda. Maari pa din silang dapuan ng sakit na ito. Kung ikaw o may kakilala ka na nakakaramdam ng mga sumusunod: Mataas na lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw Pagkahilo at pagduduwal ng kulay kapeng suka Pananakit ng kalamnan, kasu- kasuan at likod na parte ng mata Panghihina Pagkakaroon ng maliliit at pulang pantal sa balat na tinatawag na petechiae Balinguyngoy kasabay ng pagbaba ng lagnat Maitim na dumi Siguraduhin lamang na: Punasan ng padampi dampi lang gamit ang bimpo ang nakakaramdam nito. Huwag magbibigay ng Aspirin dahil ito ay maaaring magdulot ng mas maraming komplikasyon. Painumin o uminom ng madami at malinis na tubig sa simula pa lamang ng lagnat. Sumangguni sa doctor upang malapatan ng karampatang lunas at maagapan ang iba pang komplikasyon. Mga paraan upang makaiwas sa Dengue

Upload: rajah-maldito

Post on 02-Apr-2015

563 views

Category:

Documents


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ano ang Dengue (Autosaved)

Ano ang Dengue?

Ang dengue ay sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok na Aedes aegypti. Tinatawag din itong break bone fever dahil isa sa mga sintomas nito ang matinding pananakit ng katawan.

Sa panahon ng tag-ulan, Hunyo hanggang Setyembre, dumarami ang mga kaso ng dengue sa Pilipinas. Ito’y endemic o lumalaganap sa loob ng isang rehiyon, lugar o populasyon

Ano ang Aedes Aegypti?

Ang Aedes Aegypti ay isang uri ng babaeng lamok na siyang nagdadala ng dengue.

Ito ay kadalasang nangingitlog sa tubig na hindi dumadaloy Halimbawa nito ang mga timba, lumang gulong, drum, bote, plorera, lata, palayok at planggana. Kaya laganap ito sa tag-ulan dahil naiipon ang tubig ulan at baha sa maraming lugar.

Ito ay nangangagat sa araw. Kapag sa loob ng bahay, namamalagi sila sa

mga aparador at madidilim na lugar. Kapag sa labas ng bahay, sa malalamig at malililim na puwesto naman sila tumitigil

Paano kumakalat ang dengue?

Ang dengue ay kumakalat sa pamamagitan ng lamok na nabanggit. Nadadala niya ang virus kapag nakakagat siya ng infected na tao. Hindi ito naipapasa ng direkta mula sa isang tao direkta sa isang tao.

Sino ang kadalasang nagkakaroon ng dengue?

Kadalasang nagkakaroon nito ay mga bata lalo na ang mga pumapasok sa eskuwela dahil sila ay malilikot at kadalasang sumisiksik kung saan saan.

Ngunit hindi ibig sabihin nito ay ligtas na ang mga nakatatanda. Maari pa din silang dapuan ng sakit na ito.

Kung ikaw o may kakilala ka na nakakaramdam ng mga sumusunod:

Mataas na lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw

Pagkahilo at pagduduwal ng kulay kapeng suka Pananakit ng kalamnan, kasu-kasuan at likod na

parte ng mata Panghihina Pagkakaroon ng maliliit at pulang pantal sa balat

na tinatawag na petechiae Balinguyngoy kasabay ng pagbaba ng lagnat Maitim na dumi

Siguraduhin lamang na:

Punasan ng padampi dampi lang gamit ang bimpo ang nakakaramdam nito.

Huwag magbibigay ng Aspirin dahil ito ay maaaring magdulot ng mas maraming komplikasyon.

Painumin o uminom ng madami at malinis na tubig sa simula pa lamang ng lagnat.

Sumangguni sa doctor upang malapatan ng karampatang lunas at maagapan ang iba pang komplikasyon.

Mga paraan upang makaiwas sa Dengue

Wala talagang payak na paraan upang magamot ang dengue. Mainam na magpahinga nang mabuti at uminom ng maraming tubig and taong may sakit na dengue. namatay dahil sa sakit na ito. Ang patuloy na paglaganap nito ay dulot na rin ng ating maruming kapaligiran at kakulangan sa mga pamamaraan ng pagkontrol sa dami ng mga lamok.

Gawin lamang ang mga sumusunod:

Tanggalin lahat ng mga kagamitan na maaaring pagmugaran ng mga lamok tulad ng mga lumang gulong, mga lata, mga bote at mga paso.

Takpan lahat ng mga lalagyan ng tubig upang maiwasan ang pangingitlog ng mga lamok dito.

Linisin ang mga gutter ng bubong upang matanggal ang mga naipong tubig na dulot na pag-ulan.

Laging palitan ng malinis na tubig ang mga vase. Huwag hayaang mabara ang mga estero. Linising mabuti ang kapaligiran. Maglagay ng mosquito repellant o panangga at

kung maaari ay magsuot ng mga long-sleeved na mga damit.

Kapag matutulog tayo ay maglagay tayo ng kulambo.

Page 2: Ano ang Dengue (Autosaved)

Asia Pacific Collegeof Advanced Studies

City of Balanga, Bataan

“ Palawakin ang kaalaman, simulan ang

pag-iwas sa iyong tahanan. “

Inihanda nina:

Malit, Mary RoseManlapaz, Nico

Manrique, AileenMendoza, Jayson ConradMendoza, Leo Angelico

Noquera, DarenPaloga, Mark

Punzalan, Joana Marie Reyes, Sheila

Sacdalan, JoanneUbana, Ezequiel Den

BSN III- Orlando Group 3

Mr. Marc Anthony LacsonClinical Insrtructor

Mr. Tomson A. Yam, RN, MANSLH Clinical SInstructor

Aming paalala:“ Wastong paglilinis ng

kapaligiran at pangangalaga sa katawan ang susi upang dengue ay

maiwasan.”

Maraming Salamat po!