ano ang dengue fever
TRANSCRIPT
Ano ang Dengue Fever?
Ang dengue ay isang sakit na sanhi ng mikrobyong “dengue virus
Paano nakukuha ang
Dengue?Ang dengue ay nakukuha sa kagat ng
lamok, na tinatawag na AEDES AEGYPTI at AEDIS ALBOPICTUS, na kumagat ng taong may sakit na dengue.
Ano oras umaatake ang
DENGUE?
Ang mga lamok na ito ay nangangat tuwing may araw.
Dalawang oras pagkatapos ng pagsikat ng araw
Dalawang oras bago lumubog ang araw
Nabubuhay ito sa malinis, malinaw at hindi umaagos na tubigoFlower vase oLata
oBote odi ginagamit na gulong
Ano ang mga paltandaan ng
DENGUE?
Lagnat na tumatagal ng 3-5 araw, matinding sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, panghihina, at walang ganang kumain.
Kasabay ng pagbaba ng lagnat, ay paglitaw ng mapupulang butlig “rashes” sa iba’t ibang part eng katawan.
Maaaring magkaroon ng pagdurugo ng ilong at
gilagid o pagsuka o pagdumi nang maitim.
Ano ang dapat gawin sa may
DENGUE?Para sa lagnat, punasan ang pasyente ng bimpo na
binasa ng tubig-gripo para maginhawahan ito.
Huwag painumin ng Aspirin. Maaaring maging sanhi ito ng pagdururugo.
Kumunsulta sa doctor sa pinakamalapit na health center.
Paano maiwasan ang DENGUE?
Ang mabisa at pangmatagalang pagsugpo ng Dengue ay ang pagpapanatiling malinis ng ating kapaligiran.
Gawin ang mga sumusunod
Itapon ang mga lata, bote, at iba pang kalat sa paligid na maaring pangitlugan ng lamok kapag naipunan ng tubig
Butasan ang mga lumang gulong na ginagamit na pabigat sa bubungan ng buhay.
Linisin ang alulod ng bahay upang hindi
maipunan ng tubug at pamahayan ng kiti-kiti.
Linisin at kuskusin ang gilid ng mga lalagyan ng tubig minsan sa isang lingo. Ang mga itlog ng lamok na nagiging kiti-kiti
ay kumakapit sa mga gilid nito.
Takpan maigi ang mga drum, timba at iba pang ipunan ng tubig upang hindi pamahayan ng kiti-kiti.
Palitan ang tubig ng plorera minsan sa isang lingo.
Gumamit ng kulambo sa pagtulog o lagyan ng “screen” ang bintana at pinto ng bahay.