antas ng pagpapahalaga

10
Antas ng Pagpapahalaga; Gabay sa Pagpapakatao Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Upload: billy-rey-rillon

Post on 21-Jan-2018

438 views

Category:

Education


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Antas ng pagpapahalaga

Antas ng Pagpapahalaga;Gabay sa PagpapakataoEdukasyon sa Pagpapakatao 7

Page 2: Antas ng pagpapahalaga

Herarkiya ng Pagpapahalaga

Pandama

Interpersonal

Espiritwal

Banal

Page 3: Antas ng pagpapahalaga

1. Pandamang Pagpapahalaga

Sinasakop ang pagpapahalag parasa kalusugan tulad ng pagkain ngmasustansiyang pagkain, pag-inomng malinis na tubig at inumin, pagsusuot ng damit na angkop sapanahon. Ang taong malusog ay higit na nakagaganap sa mgakinakailangang gawain sa araw-araw.

Page 4: Antas ng pagpapahalaga

2. Interpersonal na Pagpapahalaga

Sakop nito ang mga pagpapahalagana lilinang sa mga katangian ng taopara sa pagpapatuloy at pagpapabuti ng sibilisasyon. Angtuon nito ay ang bahagingsikolohikal ng ating pagkatao. Ito ay tumutuon din sa maayos napakikipag-ugnayan, pakikipagkapwa, at pagigingkatanggap-tanggap sa pamayanan o lipunan.

Page 5: Antas ng pagpapahalaga

3. Espiritwal na Pagpapahalaga

Ito ay mas mataas kaysa sa 2 nauna. Ito ay kaugnay ng kabutihangpanlahat. Kasama rito angpagpapahalagang katarungan, katotohanan, kapayapaan, kalayaan, at pangkagandahan at pangkaayusang pagpapahalaga. Ang mga ito ay bahaging espititwalna ipinunla ng Diyos sa atingpagkatao.

Page 6: Antas ng pagpapahalaga

4. Banal na Pagpapahalaga

Ang pagpapakabanal ang siyangrurok ng pagiging ganap na tao. Ang tao sa ikaapat na antas ay may malakas na determinasyon namaabot ang kaniyang tunay nakaganapan. Maliwanag sa kaniyaang mga sagot sa mga tanong na; “Bakit ako nilikha ng Diyos?”

“Ano ang misyon ko sa buhay?”

“Ano ang mga paraan ngpagpapakabanal?”

Page 7: Antas ng pagpapahalaga

Paano Malilinang ang mga Pagpapahalaga sa Bawat Antasng Herarkiya?

A. Pandama

1. Panatilihing malinis at maayos ang pangangatawan.

2. Magkaroon ng masayang pananaw pagkagising sa umaga.

3. Simulan ang araw na may tamang agahan.

4. Kumilos! Gamitin ang katawan.

5. Maging snack smart.

6. Matulog nang maaga.

7. Iwasan o harapin ang mga sanhi ng stress.

8. Magpa-check up nang regular.

Page 8: Antas ng pagpapahalaga

Paano Malilinang ang mga Pagpapahalaga sa Bawat Antasng Herarkiya?

B. Interpersonal

1. Maging palangiti at masayahin.

2. Maging mapagpahalaga o appreciative.

3. Bigyan ng oras at atensyon ang kapwa

4. Iwasan ang away at di pagkakaunawaan

5. Pag-aralan ang tamang paraan ng pakikipagtalastasan.

6. Iwasang magreklamo kung may tungkuling dapat gawin sa pangkatanggawain.

Page 9: Antas ng pagpapahalaga

Paano Malilinang ang mga Pagpapahalaga sa Bawat Antasng Herarkiya?

C. Espiritwal

1. Pagsisimba/pagsamba sa itinakdang araw

2. Pagtulong sa kapwa nang walang inaasahang kapalit

3. Pagiging kuntento sa bunga ng pagsisikap

4. Pagkontrol sa labis na hangad sa materyal na bagay

5. Paggawa ng tama sa mabibigat na sitwasyon

6. Pag-iwas sa bisyo

Page 10: Antas ng pagpapahalaga

Paano Malilinang ang mga Pagpapahalaga sa Bawat Antasng Herarkiya?

D. Banal

1. Pagkilala na may Diyos na nakaaalam ng lahat sa daigdig at sanlibutan

2. Pag-unawa sa kahulugan ng buhay na ibinigay ng Diyos

3. Paniniwala na ang mga pangyayari a buhay ay alam ng Diyos

4. Pagiging tapat sa pagtupad sa tungkulin

5. Pagsunod sa Banal na kalooban ng Diyos

6. Pagsunod sa mga itinuturo ng kabutihan ng pananampalataya

7. Pagiging mabuting tao ayon sa 4 na kardinal na birtud