anyo ng pagpapahag
DESCRIPTION
Ano ang Diskurso o Pagpapahayag? Iba't ibang Anyo ng Pagpapahayag: -Paglalarawan -Pagsasalaysay -Paglalahad -PangangatwiranTRANSCRIPT
“Ikaw pala. Ikaw pala ang sinasabi ng asawa ko na asawa mo na asawa ng
bayan!”
-Laurice Guillen, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi (1983)
“Simple lang naman ang hinihingi ko. Kung hindi mo
ako marespeto bilang asawa, respetuhin mo naman ako bilang kaibigan. Kung hindi naman, respetuhin mo ako
bilang tao.”
-Vilma Santos, Relasyon (1982)
“Ayoko ng tinatapakan ako. Ayoko ng masikip,
ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng
putik!“
-Maricel Soriano, Kaya Kong Abutin ang Langit (1984)
“Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako'y sa iyo. Ayoko lang naman na sa harap ng maraming tao, ganun mo
na lang ako itatanggi!”
-Utot
Anyo ng Pagpapahay
agPaglalarawanPagsasalaysay
PangangatuwiranPaglalahad
G. Merland A. MabaitPhilippine Science High School-Main Campus
DISKURSO
Diksyunaryong Ingles-Filipino (1984)
- nangangahulugang magsulat o magsalita nang may katagalan o kahabaan.
Anyo ng Pagpapahayag
DISKURSO
Webster’s New Dictionary (1995)
- isang pormal na pagtalakay sa isang paksa,
pasulat man o pasulat.
Anyo ng Pagpapahayag
DISKURSO
- ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang
paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.
Anyo ng Pagpapahayag
Ilarawan mo ang pook-pasyalan na
napuntahan mo na, ipahula sa mga kamag-aral ang
bagay/lugar na iyong inilalarawan.
Anyo ng Pagpapahayag
PAGLALARAWAN• Anyo ng diskurso na
nagpapahayag ng sapat na detalye o katangian ng isang tao, bagay, pook, damdamin o
teorya upang ang isang mambabasa o tagapakinig ay makalikha ng isang larawang
mental kung ano man ang inilalarawan.
KARANIWANG
DESKRIPSYON
MASINING NA
DESKRIPSYON
ang layunin ay makapagpabati
d o makapagbigay
ng dagdag kaalaman.
ang guni-guni ng bumabasa
ay pinagagalaw upang makita
ang isang buhay na buhay na larawan
DALAWANG URI NG DESKRIPSYON
1. Pagpili ng Paksa • Isinasaalang-alang ang
malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na Ilalarawan; tulad sa
ibang uri o anyo ng sulatin, ang paksa ang laging unang
isinasaisip
2. Pagbuo ng Pangunahing Larawan
• ito ang pangkalahatang kabuuan ng isang tao, hayop, bagay, pook, o
pangyayari na nais agad maitanim sa isip ng
mambabasa o tagapakinig.
4. Pagkakaroon ng Kaisahan
• bawat detalyeng babanggitin sa
paglalarawan dapat ay tumutulong sa pagbuo o
kabuuan ng isang pangunahing bagay o
anupamang inilalarawan.
5. PAGPILI NG MGA SANGKAP
• sa paglalarawan, mahalaga ang mga maliliit na sangkap o detalye dahil ito ang nagiging
basehan ng tagapakinig o mambabasa upang mag-iba ang bagay na inilalarawan sa
iba pang bagay.
5. PAGPILI NG ANGKOP NA PANANALITA
• may kasanayan sa pagpili ng mga salitang maaaring magpagalaw
ng imahinasyon ng kanyang tagatanggap.
PAGSASALAYSAY
• Anyo ng diskurso na nagpapahayag ng mga
magkakaugnay na pangyayaring may tiyak na pinagmulan tungo sa isang
tiyak at makabuluhang wakas.
• Pangunahing layunin: mailahad ang mga detalyeng kalakip ng
isang pangyayari sa isang maayos at sistematikong
kaayusan.
PAGSASALAYSAY
• Nagiging daan ito sa upang ating makilala nang lubusan
ang ating kalinangan.
• Maraming dalubhasa ang sumasang-ayon na mayroong
kalikasang dualistic ang naratib, ang ANO at PAANO.
a)Orihinal at Kawili-wili ang paksa
b)Mapanghikayat na pamagatc)Mapagganyak na panimulad)Kapana-panabik, di maligoy at
magkakaugnay na daloy ng pangyayari
e)Angkop at interesanteng wakas
f)Makabuluhang karanasang pantao
g)Angkop na bokabularyo o pananalita
h)Malinaw at tiyak na punto de bista sa pagsasalaysay o paningin
Kahingian ng Epektibong Naratib
a)Maikli o mahabang kwento/nobela
b)Talambuhayc)Kasaysayand)Kwento ng paglalakbaye)Kwento ng pakikipagsapalaran
f)Balitag)Alamat, leyenda, epiko, at kwentong-bayan
Iba’t ibang Uri ng Naratib
a)Banghayb)Tauhanc)Tagpuand)Suliranine)Himigf)Solusyong)Kasukdulanh)Resolusyoni)wakas
Mga Elemento ng Naratib
PAGLALAHAD• Anyo ng diskurso kung saan nagpapahayag ang isang tao ng
mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng
kanyang kaalaman na inihanay sa isang maayos at malinaw na
pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago at/o dagdag na kaalaman ng
ibang tao.
a)Mahalagang mayroong sapat na kaalaman.
b)May kakayahang ihanay ang kaniyang kaisipan sa isang pamamaraan na mauunawaan ng mambabasa o tagapakinig.
c)Kawalan ng pagkilingd)Mahalagang nagbabasa ang
isang taoe)Maging mapagmasid
Kahingian ng Epektibong Eksposisyon
a)Malinaw-agad na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig at kanyang maikakapit ang kaalaman.
-mahalagang gumamit ng mga salitang tiyak at tuwirang maghahatid ng mensahe.
Katangian ng isang mahusay at epektibong Eksposisyon
b) Tiyak-ang mismong tagapahayag ay magagawang mapanindigan ang kanyang pahayag.
-kailangang ituon ang atensyon s paksang tinatalakay.
Katangian ng isang mahusay at epektibong Eksposisyon
c) May Kohirens-sa ano mang uri ng pagpapahayag, mahalaga ang maayos na daloy ng kaisipan.
Katangian ng isang mahusay at epektibong Eksposisyon
d) Empasis -kailangang hindi malunod sa mga ideya ang mambabasa o tagapakinig.
-hindi dapat matakpan ang pangunahing ideya na ipinaliliwanag.
Katangian ng isang mahusay at epektibong Eksposisyon
a) Pagbibigay-depinisyon-karaniwang pamamaraan ng
pagbibigay ng eksposisyon
Pamamaraan ng Epektibong Eksposisyon
b) Pag-iisa-isa-pagtalakay sa pangunahing
paksa kasunod ay ang pagbanggit nang isa-isa ng
mga kaugnay at mahahalagang kaisipan.
c) Pagsusunud-sunod o order-nararapat na isaayos ng isang
tagapahayag ang kaniyang kaisipan, mula sa panimula
hanggang sa pagwawakas ng kaniyang akda.
Pamamaraan ng Epektibong Eksposisyon
Ang Pagsusunuod-sunod ay maaaring:
*Prosidyural-nagbibigay halaga sa wastong
order ng mga hakbang tungo sa tiyak na katapusan upang magawa ang isang bagay.
*Sikwensyal-kaayusang nakabatay sa mga
pangyayaring magkakaugnay-ugnay sa isa’t isa.
*Kronolohikal-pagsasaayos batay sa isang tiyak
na baryabol tulad ng edad, distansya, halaga, lokasyon, dami at iba pa.
d) Paghahambing at pagkokontrast
-ang dalawang ideyang ito ay karaniwang hindi naipaghihiwalay.
Pamamaraan ng Epektibong Eksposisyon
e) Problem at Solusyon-ang pagtukoy ng suliranin o
problema ang unang hakbang sa pagbibigay
solusyon.
f) Sanhi at bunga- walang pangyayari na hindi naging kahihinatnan ng isang
pangyayari, at ang bawat pangyayari na nagbibigay
daan sa iba pang pangyayari ay nagiging simulain ng
panibagong pangyayari at patuloy ang walang
katapusang siklo ng sanhi at bunga.
Pamamaraan ng Epektibong Eksposisyon
*Simula-magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa ng katha (Katanungan,Pangungusap na makatawag-pansin, Pambungad na pasalaysay, Isang salitain, Isang sipi, Mabatas na pangungusap,Tahasan o tuwirang simula)
*Katawan- nilalaman ng isang pahayag*Wakas- maaaring buod, tanong, panghuhula sa
maaaring mangyari, pagsariwa sa suliraning binanggit sa simula, pagamit ng kasabihan o siping angkop sa akda
Bahagi ng Eksposisyon
PANGANGATWIRAN
• Anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng
isang isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig.
a)Pagkilala ng paksa at pagsasagawa ng maayos na pangangalap ng datos ukol dito
b)Pagkilala sa mga proposisyon ukol sa paksa upang matiyak ang angkop na argumentong gagamitin
c)Pagtukoy sa angkop na pamamaraan ng argumentasyon kaugnay ng napiling proposisyon
d)Pagkalap ng impormasyon upang mapatibay ang argumento
e)Pag-iwas sa maling pangangatwiran
Kahingian ng Epektibong Argumentasyon
MATIBAY NA
PANINIWALA
MAHATAK NA
PANGHIKAYAT
Ang kaisipang ito ay nagmumula sa
pagkakaroon ng isang tao ng malinaw na pag-iisip na maipapamalas
niya sa pagbuo ng mahusay na argumento upang magawa niyang umapila sa isipan ng
tao.
Ang kaisipang ito ay nakatuon sa
damdamin ng manunulat sa
kanyang pinaninidigang
argumento na kanya namang
maipapamalas sa kanyang argumento upang mapukaw ang
damdamin ng mambabasa.
DALAWANG BAGAY NA DAPAT ISAALANG-ALANG PARA MAGING MATAGUMPAY ANG
ARGUMENTASYON
Argumentum ad hominem
• Isang nakakahiyang pag-atake sa personal na
katangian/katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay
o pinagtatalunanHalimbawa:
Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali gayong hindi siya naging pinuno ng
kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de saya pa yata!
Argumentum ad baculum
• Pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan
ang isyu at tuloy maiplano ang argumento.
Halimbawa:Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang magsalita sa akin nang ganyan!
Baka sampalin kita at nang makita mo ang hinahanap mo!
Argumentum ad misericordiam
• Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga
nakikinig/bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga
salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan.Halimbawa:
Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba natin nakikita ang marurumi
nilang damit, payat na pangangatawan at nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang limos bilang pantawid-gutom?
Non sequitur• Sa ingles ibig sabihin nito ay
It doesn’t follow. Pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayang
batayan.Halimbawa:
Ang santol ay hindi magbubunga ng mangga. Masamang pamilya ang pinagmulan niya.
magulong paligid ang kanyang nilakhan. Ano pa ang aasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi
kawalang-hiyaan!
Ignoratio elenchi• Gamitin ito ng mga Pilipino
lalo na sa mga usapang barberya, wika nga. Ito ay kilala sa Ingles na circular reasoning o paliguy-ligoy.
Halimbawa:Anumang bagay na magpapatunay sa aking
pagkatao ay maipapaliwanag ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya sapagkat naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sila ngayon.
Maling Paglalahat• Dahil lamang sa ilang
aytem/sitwasyon, nagbibigay na agad ng isang
konklusyong sumasaklaw sa pangkalahatan.
Halimbawa:Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang panunugkulan. Ang artista namang iyon ay
maraming asawa, samantalang bobo naman ang isang ito na tumatakbo bilang konsehl. Huwag na
nating iboto ang mga artista.
Maling Paghahambing• Karaniwang tinatawag na
usapang lasing ang ganitong uri pagkat mayroon ngang
hambingan ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon.
Halimbawa:(sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako
patutulugin agad? Kung kayo nga ay gising pa!
Maling Saligan• Nagsisimula ito sa maling akala
na siya namang naging batayan. Ipinapatuloy ang
gayon hanggang magkaroon ng konklusyong wala sa katwiran.
Halimbawa:Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa
pag-aasawa, kailangan ang katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat
lamang na maging tapat at masipag ang mga kabataan.
Maling Awtoridad
• Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isyung
kasangkot.Halimbawa:Ang Kristyanismo ay pananampalataya ng mga mahihina. Iyan ang ipinahayag ni Karl Marx
Dilemma• Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para bang iyon lamang at
wala nang iba pang alternatibo.Halimbawa:
Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang gawin mo: huwag ka nang pumunta o kaya ay magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng
iyong pag-urong.
*Simula- Malinaw na maipakilala ng manunulat
ang kanyang pangkalahatang paksa at ang proposisyon niya kaugnay nito. Dapat
ay tiyak at tuwiran ang paglalahad ng proposisyon.
*Katawan- isa-isang ilalatag ng manunulat ang
mga argumento na siyang magpapatatag ng kanyang
proposisyon.*Wakas
- Mahalaga na magsimula ang pagwawakas sa pagbibigay ng buod
ng mga naunang ipinahayag.- Pagbibigay konklusyon.
Tekstong Argumentatib
a)Pabuod na pangangatwiran-nagsisimula sa isang maliit at
ispisipik na halimbawa o katotohanan at magtatapos sa
isang panlahat na simulain. Itinuturing na makaagham ang
pamamaraang ito dahil makailang ulit dumaraan sa iba’t ibang
obserbasyon at pagsusuri bago ang paglalahat.
Dalawang Uri ng Argumentsayon
b)Pasaklaw na pangangatwiran
-ang isang masaklaw na katotohanan ay ikinakapit sa isang tiyak na pangyayari. Nagsisimula sa maikling kaisipan patungo sa paghahati-hati nito sa maliliit na
kaisipan.
Dalawang Uri ng Argumentsayon