anyong lupa.docx
TRANSCRIPT
![Page 1: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/1.jpg)
Kapatagan (plains)isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng
mga palay,mais,at gulay. Halimbawa: Kapatagan ng Gitnang Luzon
![Page 2: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/2.jpg)
Tabing-dagat (beach)
pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
![Page 3: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/3.jpg)
Sabak (canyon)Ang sabak (Ingles: canyon, gorge) ay tumutukoy sa
makipot na daanang pangkailugan na mayroong matarik na gilid. Isa itong uri ng landasing may kakitiran at
napapalagitnaan ng dalawang mga matatarik na mga bangin. Maaari rin itong tumukoy sa isang makitid na
daanang matatagpuan sa likuran ng isang kuta o kaya malaking bagay na nakahandlang sa makipot na daanan.
![Page 4: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/4.jpg)
Disyerto (desert) mainit na anyong lupa
![Page 5: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/5.jpg)
Kagubatan (forest)Ang mga gubat o kagubatan ay isang lugar na may
malalaking bilang ng mga puno. Ang gubat ay isang lugar na tinitirhan ng mga hayop, dito rin nakikita ang iba't ibang
uri ng mga halaman at iba't ibang mga likas na yaman.
![Page 6: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/6.jpg)
Bundok (mountain)— isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na
bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol.
![Page 7: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/7.jpg)
Bulkan (volcano)— isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang
tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi
ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo.
Halimbawa nito ay ang bulkang Pinatubo.
![Page 8: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/8.jpg)
Burol (hill)— higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang
halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw
ay nagiging kulay tsokolate.
![Page 9: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/9.jpg)
Lambak (valley)— isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani,
mais, at palay ang maaaring itanim dito.
![Page 10: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/10.jpg)
Baybayin (coast)— bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
![Page 11: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/11.jpg)
Pulo (island)— mga lupain na napalilibutan ng tubig.
![Page 12: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/12.jpg)
Bulubundukin (mountain range)
— matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
![Page 13: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/13.jpg)
Yungib (cave)— mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na
maaaring pasukin ng tao at hayop.
![Page 14: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/14.jpg)
Talampas (plateau)— patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda
ring taniman dahil mataba ang lupa rito.
![Page 15: anyong lupa.docx](https://reader030.vdocuments.pub/reader030/viewer/2022033004/563db93c550346aa9a9b5e4d/html5/thumbnails/15.jpg)
Tangway (peninsula)
— isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig.