mkbyn anyong tubig
TRANSCRIPT
Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon
Regiyon IV-A Sangay ng Batangas Purok ng San Jose Paaralan Elementarya ng Pinagtungulan
Banghay Aralin sa MAKABAYAN
I LayuninNaibibigay ang naiibang katangian ng mga anyong tubing
II Paksang AralinMga Anyong TubigSanggunian: BEC PELC I. B. 1
Batayaang Aklat sa Sibika at Kultura 3
III Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balitaan
Napapanahong balita na may kaugnayan sa aralin
Ipaaayos ang mga sumusunod na titik upang makabuo ng pulong matatagpuan sa Pilipinas
1. T L E Y E LEYTE Tumpak! Tumpak!
2. U B E C CEBU Tumpak! Tumpak!
3. L O H O B BOHOL Tumpak! Tumpak!
4. M A N I D O N A MINDANAO Tumpak! Tumpak!
5. Z O L U N LUZON Tumpak! Tumpak!
Pagsasanay
Balik-aral
Ano ang pulo?
Anu-ano ang malalaking pulo na bumubuo sa ating bansa?
Ano ang pinakamalaking pulo?
Ano ang kapuluan?
Bakit tinatawag na kapuluan ang
Pilipinas?
B.Pagsasanay1. PagganyakLaro: Pabilisan ng pagsagwan
Maglagay ng apat na silya na may 10 metro ang layo sa panimulang guhit kung saan nakapila ang apat na pangkat. Sa hudyat, lalakad nag mabilis ang batang kunwariay sumasagwan pakanan at pakaliwa hangang makabalik siya sa pila.Kakabit siya sa likuran ng susunod habang lumalakad sla paikot din sa silya pabalik. Ang Ang ikalawang bata ay kakabit din sa likuran ng ikatlo hanggang ang lahat ay makatapos. Ang pangkat na matatapos na di naghihiwalay ang siyang mananalo.
2. PaglalahadPagmamasid sa mga larawan ng mga anyong
tubig. Ipatukoy ang ngalan o tawag ng bawat isa.a. Pagbubuo ng Suliranin
Anu-ano ang mga anyong tubig? Ano ang katangian ng bawat isa?
b. Pangkatin ang bawat bata sa tatlo. Bigyan sila ng mga katanungan tungkol sa iba’t ibang anyong tubig.
Ipahanap sa aklat ang mga kasagutan.
Pangkat I Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Guhitan
A. B. 1. Anyong tubig na pinakamalawak a. ilog
sa lahat
2. Nanggagaling sa ilalim ng lupa ang b. look tubig nito
3. Anyong tubig na katulad ng look c. golpo ngunit higit na malaki
4. Anyong tubig na daungan ng mga d. karagatan barko
5. Anyong tubig na dumadaloy at e. lawa tiyak na patutunguhan
f. Bukal
Pangkat IIIguhit ang mga sumusunod
na anyong tubig.
1. Dagat2. Ilog3. Talon4. Lawa5. Sapa
Pangkat III
Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Ito ay napakalawak na bahagi ng tubig. a. dagat c. ilog b. talon d. karagatan2. Ito ay anyong tubig na hindi dumadaloy at may tiyak na patutunguhan. a. dagat c. talon b. ilog d. look3. Ito ay anyong tubig na hindi dumadaloy na maaaring likas o likha na tao.
a. lawa c. ilogb. talon d. look
4. Ito ay anyong tubig ng malawak ngunit higit na mas maliit kaysa karagatan.a. dagat c. ilogb. talon d. look
5. Ito ay anyong tubig na daungan ng mga barko.a. dagat c. lookb. ilog d. talon
C. Pag-uulat ng bawat Pangkat
3. Pagtatalakay Itanong: Anu- ano ang mga anyong tubig? Ano ang katangian ng bawat isa? Dito isulat ang mga sagot ng mga bata
Mga Anyong Tubig Katangian
Karagatan
Lawa
Look
Talon
Ilog
Sapa
4. PaglalahatAng karagatan, ilog, lawa at look ay mga anyong tubig. Iba iba at katangi-tangi ang mga ito. Ang bukal ay anyong tubig na nagbubuhat sa ilalim ng lupa.
Ang sapa ay sanga ng ilog. Maliit ito kaysa ilog. Nagmumula ito sa pangunahing daloy ng ilog o isang bukal.
Ang talon ay umaagos na tubig na nagmumula sa mataas at matarik na bahagi ng bundok o bangin. Karaniwang nasa gilid ng bundok ang talon.
5. Paglalapat
Anu-anong mga anyong tubig ang matatagpuan sa inyong pamayanan?
B. Pangwakas na Gawain
Pag-aaral ng isang tula.
Mga Anyong Tubig
Ang asul na dagat kay gandang pagmasdan,Sa kailaliman may mga nakatagong yamanSa berdeng ilog kay inam sumagwan,Dito pinaanod trosong galing sa kagubatan
Sa mga lawa at sapa naman,May mga hipon at isdang tabang Ang mga mapuputing baybayin ,Ang nagpapaganda ng kapaligiran.
IV. Pagtataya
Punan ng wastong sagot ang bawat patlang.
1. Ang pinakamalawak na anyong tubig ay ang ____________.
2. Ang anyong tubig na umaagos mula sa mataas at matarik na bahagi ng bundok o bangin ay ang _____________.
3. Ang anyong tubig na hindi dumadaloy na maaaring likas o gawa ng tao ay ang _______________.
4. Ang anyong tubig na daungan ng mga barko ay ang _______________.
5. Ang anyong tubig na nagmumula sa pangunahing daloy ng ilog o isang bukal ay ang _______________.
V. Kasunduan
Magdala ng larawan ng iba’t ibang anyong tubig.
Prepared by:
P.Ulan Elem. School