aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd yr.)

52
Mga Panahong Paleolitiko at Neolitiko Aralin 4

Upload: kheesa

Post on 12-Jun-2015

8.944 views

Category:

Education


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Mga Panahong Paleolitiko at Neolitiko

Aralin 4

Page 2: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Pag-aaral ng Prehistory

Page 3: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

PrehistoryAy yugto sa mahabang nakaraan

ng sangkatauhan na nag-ugat halos 2.5 milyong na ang nakalipas o bago pa ang paglikha ng isang sistematikong pagsusulat at pagtatala.

Ito ay hinggil sa mga pangyayari bago naitala ng mga sinaunang tao ang kasaysayan.

Page 4: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Kasaysayan o HistoryAy ang pag-aaral hinggil sa

nakaraan ng tao batay sa mga nasusulat na dokumento.

Ang pag-aaral ng prehistory ay isang larangang pinagtutulungang buuin ng mga arkeologo at mga siyentista mula sa iba’t-ibang disiplina.

Page 5: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

BIOLOGY – o pag-aaral ng mga halaman.

ZOOLOGY – o pag-aaral ng mga hayop.

PALEONTOLGY – o pag-aaral ng mga fossil ng mga hayop at halaman.

GEOGRAPHY AT GEOLOGY.

Page 6: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

ARCHAEOLOGY – pangunahing pinagmulan ng kaalaman tungkol sa prehistory.- Isang sangay ng agham na nag-aaral ukol sa kultura at pamumuhay ng sinaunang tao sa pamamagitan ng paghuhukay at pagsusuri ng mga artifact at mga labi o remians.

Page 7: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

2 mahalagang proseso ang naganap at nararapat pagtuunan ng pansin sa panahong prehistoriko:

1. SAPIENTIZATION- ang mga pagbabago naganap sa aspektong biyolohikal ng tao hanggang sa pagkamit ng katalinuhang naghihiwalay sa kanya sa mga hayop

Page 8: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

2. Ang pagkakaroon ng kasalukuyang uri ng tao ng kakayahan na makagawa o makalikha ng mga bagay. Kabilang dito ang kakayahang gamitin ang kapaligiran ayon sa kanyang pangangailangan nang sa gayon ay hindi lamang umasa sa mga bagay na makukuha mula sa kalikasan.

Page 9: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Mga Paraan sa Pagtatakda ng Petsa sa Prehistory

Dokumentong historikal at mga kagamitang batid ang panahon.

- Ang tinatayang panahon ay mula 3000 B.C.E. hanggang sa kasalukuyan sa ilang mga lugar. Ito ang pangkaraniwang pamamaraan ng pagpepetsa.

Page 10: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Dendrochronology o Tree-ring Dating

- isang siyentipikong pamamaraang ginagamit upang matukoy ang gulang p edad ng isang puno.

- ang madalas at regular na pagbabago ng klima sa isang lugar ay nagdudulot ng pagdaragdag sa growth ring ng puno bawat taon.

Page 11: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Radiocarbon (C14) Dating- sinusuri ang mga isotope

carbon 14 upang matukoy ang edad ng mga materyales na may carbon o carbonaceous materials. Sinusuri ang natirang isotope carbon14 sa isang organic na labi.

Page 12: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Potassium-Argon Dating- ginagamit upang tukuyin

kung gaano na katagal ang mga sinaunang depositong mineral o mineral deposits

Sa pamamagitan ng nabanggit na mga paraan, nalalaman ng kung kailan nagsimula ang isang pamayanan, at kailan nabuhay ang isang prehistorikong tao.

Page 13: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Panahon ng Paleolitiko

O panahong ng Lumang Bato ang pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao.

Nagmula sa katagang Greek na “paleos” o matanda at “lithos” o bato.

Pleistocene, ang pinakamaagang bahagi ng Panahon ng Bato (Stone Age) at pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Page 14: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Sa panahong ito, nakatira ang unang tao sa yungib upang pangalagaan ang sarili sa malamig na panahon. Katatapos pa lamang ng panahon ng pagyeyelo at maaring kasalukuyan pang nagyeyelo sa ibang bahagi ng daigdig) at walang permanenteng tirahan ang mga tao sa panahong ito.

Pagala-gala sila sa paghahanap ng pagkain. Namimitas silang mga bungangkahoy, nanghuhuli ng mga hayop sa lupa at mga isda sa tubig sa pamamagitan ng mga kamay lamang. Kung minsan naman, gumagamit sila ng batong panghampas o pambato at sanga ng kahoy upang maging madali ang panhuli.

Page 15: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Sa panahong din ito natuklasan ang gamit ng apoy. Maaring sa hindi sinasadyang pagkakataon, tinamaan ng kidlat ang isang puno. Nasunog ito at nagbigay ng init sa paligid. Maganda ang epekto ng init sa panahon ng taglamig

Page 16: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)
Page 17: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Pinakamahalagang katangian ng panahong ito ay ang pagbabagong-anyo ng tao mula sa malabakulaw na nilalang hanggang sa pagiging isang HOMO SAPIENS.

Page 18: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)
Page 19: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)
Page 20: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

3 Dibisyon ng Panahong ng Paleolitiko

Lower PaleolithicMiddle PaleonlithicUpper Paleonlithic

Page 21: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Lower Paleolithic Period

Panahong ng pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig simula nang maitala sa arkeolohiya ang kanyang pamumuhay.

HOMO HABILIS – ay mas mukhang tao kung ihahambing sa mga mas nauna sa kanila.

Page 22: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Nangangahulugang able man o handy man dahil sila ang unang species ng hominid na marunong nang gumawa ng kagamitang bato.

Gumamit ng mga kasangkapan Olduvan o kagamitang bato na maliliit.

Page 23: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Ang sinundan naman ng Homo habilis ay Homo Erectus.

Nagpamalas ang HOMO ERECTUS ng higit na kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato. Sila rin ang ipinapalagay na unang gumamit ng apoy at pangangaso.

Page 24: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)
Page 25: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Middle Paleolithic PeriodPanahon kung kailan higit pang

nakontrol ng mga unang homonid ang kanilang kapaligiran.

Pino na rin ang paggawa nila ng mga kagamitan.

Pangunahing pinagmulan ng pagkain ay ang pangangaso.

Sinubukan narin nilang kumain ng Selfish.

Page 26: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)
Page 27: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)
Page 28: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)
Page 29: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Maaring pinasimulan na rin ang presersyon ng pagkain sa pamamagitan ng pagpapausok at pagpapatuyo ng karne.

Sa kauna-unahang pagkakataon umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pamamagitan ng pagpipinta sa kanilang katawan at ilang mga guhit na bato.

Page 30: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Nagkaroon na rin ng paglilibing ng mga patay na nagpapahiwatig ng mga kaparaanang relihiyoso at ritwal noon pa mang sinaunang panahon.

Page 31: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Upper Paleolithic PeriodAng mga makabagong tao na

lumisan ng Africa, noong Middle Paleoithic Period ay nagsimulang bumuo ng kanilang saraling kulturang panrelihiyon sa mga panahong ito.

Unang pamayanan sa anyong campsite at kadalasan matatagpuan sa mga lambak, upang mapadali ang kanilang pangangaso at pagpapastol.

Page 32: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)
Page 33: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Isang patunay ng pagiging artistiko ng mga taong nabuhay sa Upper Paleolithic Period ay ang kanilang mga nalikhang Venus Figure na sumusimbolo sa kakayahang magkaanak.

Page 34: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)
Page 35: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Ang paggamit ng mga simbolo at pagkakaroon ng mga ritwal ay naging mahalaga sa makabagong pag-uugali ng mga tao.

CRO-MAGNON- hango sa lugar sa katimugang France kung saan natuklasan ang mga labi nito noong 1856.

Ang mga naiwang nilang pinta ng mga hayop ay matatagpuan sa mga yungib ng Altamira sa hilagang Spain at

Page 36: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Lascaux sa timog kanlurang France.

Maaring ito ay iginuhit bilang bahagi ng isang ritwal paea sa isang matagumpay na pangangaso.

Page 37: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)
Page 38: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Perigordian- Kutsilyong bato na tanging isang

bahagi lang ang may talim.

Solutrean- Mga mangangaso na nagtungo sa

Europe mula sa silangan at pinalitan ang mga naunang nanirahan dito.

Page 39: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Mga iba’t-ibang Kulturang Yumabong

Aurignacian-gumawa ng mga kagamitang bato na tinapyas.

Gravettian-kilala sa mga kagamitang bato na may maliliit at matutulis na talim.

Page 40: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Madalenian- Isang pamayanan ng mga

mangingisda at mangangaso ng mga reindeer.

Page 41: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Ice AgePagbabago sa temperatura na

nagdulot ng mahabang panahon ng taglamig na tumaggal nang halos libo-libong taon.

Page 42: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Panahong NeolitikoHuling bahagi ng Panahong Bato.

Neolithic Period o Panahong ng Bagong Bato (New Stone Age)

Hangoo sa mga salitang Greek na neos o “bago” at lithos o bato.

Page 43: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Ang terminong “neolitiko” ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbababo sa pamumuhay at teknolohiya.

Page 44: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Nahubog ang Panahong Neolitiko sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hayop na kinakain at ng pagtuklas sa pagtatanim. Ang pagtatanim o

pagsasaka ang pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito.

Page 45: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Nagsimula rin sa panahong ito ang pagpapalayok. Natutunan ng taong gumawa ng

mga bagay na yari sa putik tulad ng laryo (bricks) na pinatitigas sa init ng araw gaya ng sa India, o kaya ay pinatitigas sa pugon, gaya ng sa Mesopotamia. Ginagamit ang laryo sa paggawa ng bahay.

Page 46: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Sa Panahong Neolitiko, malaki ang naging pagbabago sa kasangkapan ng tao. Pinakinis ang dating magagaspang na bato at ginawang iba’t ibang hugis at laki ayon sa kanilang gamit: pamutol ng kahoy, gamit sa pagsasaka, panghiwa, pang-ahit, pamutol ng buhok, pamatay ng hayop, armas, at marami pang iba

Page 47: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Lalo pang pinag-ibayo sa panahong ito ang pag-aalaga ng hayop na nasimulan

noong Panahong Mesolitiko. Sa kalaunan, ginamit na nila itong sasakyan o tagahila ng behikulo katulad ng paragos at karwahe. Kabayo, baka at aso ang mga hayop na ginagamit para rito.

Page 48: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Nabago rin ang mga tirahan sa panahong ito. Bagamat nagsimula ang pagkakaroon ng permanenteng tirahan noong Panahong Mesolitiko, higit pa itong nalinang noong Panahong Neolitiko. Dahil ito sa pag-unlad ng pagsasaka, at pag-imbento ng asarol at iba pang gamit sa bukid. Kailangang tumira ang tao sa isang lugar habang hinihintay niyang

Page 49: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

tumubo at maani ang kanyang pananim. Habang wala pa ang tag-ani, gumagawa naman siya ng mga palayok at iba pang gamit na yari sa putik. Natuto siyang maghabi ng banig,

basket at tela dahil mahirap umasa sa mga balat ng hayop upang gawing damit.

Page 50: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Walled city ng JerichoMatatagpuan sa Jordan ValleyIsa sa mga pinakaunang pamayanang

Umusbong sa daigdig.Nakasalalay sa pagtatanim ng trigo at barley ang kanilang pamumuhay. May katibayan din ng pangangaso at pakikipagkalakalan.

Page 51: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Catal HuyukAng kabahayan ay hugis

parihaba at patag ang bubungan.Ang bubungan ay gawa sa roble

o oak at mga ladrilyo o brick mula sa pinatuyong luwad.

Mayroon ng paniniwala sa kabilang buhay dahil inililibing ang kanilang yumao sa loob ng bahay at nilalagyan ng pagkain ang mga pinaglibingan.

Page 52: Aralin 4 panahong paleolitiko at neolitiko (3rd Yr.)

Pamayanan ng sakahan at mga artisano ay mahusay sa paghahabi at paggawa ng mga alahas, salamin at kutsilyong gawa sa obsidian.

OBSIDIAN- isang batong mula sa bulkan na mistulang kristal.