kulturang paleolitiko (converted)
DESCRIPTION
TRANSCRIPT
“Kulturang Paleolitiko”• Nilikha ito ng mga Homo sapiens
noong 400,000-8,500 B.C.E.
• Ang terminong ito ay mula sa Greek na palaios (matanda) at lithic (bato).
• Ito ay tumutukoy sa Old Stone Age.
• Ang mga taong paleolitiko ay umaasa nang malaki sa kanyang kapaligiran.
Panahong Paleolitiko
Ang mga lalaki ay
nangangaso.
Ang mga babae ay
nangangalap ng pagkain at nagbabantay
ng apoy.
• Apoy ang mahalagang tuklas sa panahong ito.
ApoyGinagamit
sa pagluluto.
Nagsisilbing proteksyon sa mababangis
na hayop.
Nagbibigay ng init.
• Ang mga nakitang larawang ipininta sa kweba ng Altamira, Spain at Lascaux, France ay tanda ng mataas na antas ng ispiritwalidad ng mga taong paleolitiko.
• Ilan sa mga larawan ay bison, reindeer, stegodon at iba pang hayop na wala na ngayon.
• Ang pagguhit ng mga hayop na ito ay tanda ng paniniwala niya sa kanyang kapangyarihan sa mga hayop na kanyang hinuhuli bilang mga pagkain.
• Naniniwala rin ang mga taong paleolitiko na ang buhay ay magpapatuloy sa kabilang buhay.• Mababaw ang pagkakalibing nila sa
mga bangkay sa paniniwalang ang init ng lupa ay makapag-iinit sa malamig na bangkay.• Pinababaunan din nila ng mga gamit
ang yumao.
• Sa Asya, ang mga nahukay na Taong Java at Taong Peking ay may tiyak na kaalaman na sa paggamit ng apoy, pangangaso ng malalaking hayop, at pagtira sa kweba.
• Ayon sa aklat na Kabihasnang Asyano ng historyador na si Zeus Salazar, may 2 tradisyon sa paggawa ng kagamitang bato- ang core tool o kasangkapang buod at flake o tinapyas.
• Ito ay nabuo sa India, China, at ilang bahagi ng Timog Silangang Asya.