art 3 lm tagalog yunit 1

32
DEPED COPY 3 Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Art All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Upload: jennifer-tuazon

Post on 19-Feb-2017

1.164 views

Category:

Education

28 download

TRANSCRIPT

Page 1: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

3 Kagamitan ng Mag-aaral

Tagalog

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinas

Art

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

HP
Typewritten Text
HP
Typewritten Text
Yunit 1
Page 2: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

Music, Art, Physical Education and Health – Ikatlong BaitangKagamitan ng Mag-aaral sa TagalogUnang Edisyon, 2014ISBN: 978-621-402-032-4

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Rex Bookstore, Inc.Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072E-mail Address: [email protected]

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Mga Manunulat: Music – Amelia M. Ilagan, Maria Elena D. Digo, Mary Grace V. Cinco, Fely A. Batiloy, Josepina D. Villareal, Ma. Teresa P. Borbor, Fe V. Enguero, Josephine Chonie M. Obseñares, Arthur M. Julian; Art – Cynthia T. Montañez, Adulfo S. Amit, Benjamin M. Castro, Vi-Cherry C. Ledesma, Larry Canor, Nelson Lasagas; P.E. – Voltair V. Asildo, Rhodora B. Peña, Genia V. Santos, Ma. Elena Bonocan, Urcesio A. Sepe, Maribeth J. Jito, Lorenda G. Crisostomo, Virginia T. Mahinay, Sonny F. Meneses Jr.; Health – Rizaldy R. Cristo, Minerva C. David, Aidena Nuesca, Jennifer E. Quinto, Gezyl G. Ramos, Emerson O. Sabadlab

Mga Konsultant: Music – Myrna T. Parakikay; Art – Charo Defeo-Baquial; P.E. – Salve A. Favila, PhD, Lordinio A. Vergara, Rachelle U. Peneyra

Mga Tagasuri: Music – Chita E. Mendoza, Victorina E. Mariano, Narcie Fe M. Solloso; Art – Rosel Valenzuela, Juan Gepullano; P.E. – Francisco J. Gajilomo Jr., Sonny F. Meneses Jr.; Health – Mark Kenneth S. Camiling

Mga Tagasalin: Music, Art, P.E. – Fe V. Enguero; Art – Arlina I. Lagrazon; P.E. – Rhodora B. Peña; Health – Minerva David; Agnes G. Rolle (Lead Person)

Mga Tagaguhit: Fermin M. Fabella, Eric S. de Guia Gerardo G. Lacdao, Raemon C. Dela Peña Mga Tagatala: Music – Phoebe Kay B. Dones; Art – Arvin Fernandez; P.E. – Bryan Simara, Leo

Simara; Health – Danica Nicole G. Baña Mga Tagapamahala: Marilyn D. Dimaano, PhD, Marilette R. Almayda, PhD Music – Maria Blesseda

Alfonso Cahapay; Art – Marilou Gerero-Vispo; P.E. – Jenny Jalandoni Bendal; Health – Nerisa Marquez Beltran

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 3: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

iv

ARTYuNiT 1 – PAgguHiT

Aralin 1 : Uri ng Linya at ang Katangian Nito ........... 112Aralin 2 : Iba’t Ibang Laki ng Tao sa Larawan ......... 116Aralin 3 : Ilusyon ng Espasyo ...................................... 119Aralin 4 : Teksturang Biswal ......................................... 123Aralin 5 : Pagguhit ng Tanawin .................................. 127Aralin 6 : Tekstura at Hugis .......................................... 130Aralin 7 : Pagguhit Gamit ang Lapis o Anumang Uring Panulat .......................... 133Aralin 8 : Pagguhit ng mga Makasaysayang Bahay at Gusali ........................................... 137

Talaan ng Nilalaman

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 4: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

Yunit 1

Pagguhit

Art

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 5: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

112

ARALin1

Uri ng Linyaat ang Katangian Nito

LayuninNakalilikha ng disenyong geometric sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang uri ng linya ayon sa katangian ng mga ito.

Pag-isipan Mo Ito

Ang linya ay nabubuo mula sa dalawang tuldok na pinagkabit o pinag-ugnay. May dalawang uri ng linya, tuwid at pakurba. Ang tuwid na linya ay maaaring pahiga, pataas, pahilis, at putol-putol. Ang pakurbang linya ay maaaring paalon-alon at paikot. Ang isang linya ay maaaring makapal, manipis, malawak, at makitid.

Ang mga disenyong geometric ay mula sa simpleng hugis na parihaba, tatsulok, bilog, at tuwid na linya.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 6: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

113

Maging Malikhain

Gawain 1

Paggawa ng Pambalot ng regalo

Mga Kagamitan: oslo paper, lapis, krayola, pastel colors, ruler

Pamamaraan:

1. Ihanda ang mga gamit na kailangan para sa gawaing ito.

2. Umisip ng disenyo na maaaring gawing pambalot ng regalo.

3. Pagsama-samahin ang iba’t ibang uri ng mga linya para sa iyong disenyo.

4. Kulayan ang iyong ginawa para ito’y maging kaakit-akit.

5. Sikaping maging malinis at maayos ang iyong likhang sining.

tandaan

Nagagawa ng isang pintor na maging kaakit-akit at makabuluhan ang kaniyang likhang sining gamit ang iba’t ibang uri ng linya.

Subukin Mo

Gawain 2

Malikhaing Paggawa ng Bag na Papel

Mga Kagamitan: papel na may kulay, glue, pambalot ng regalo, glitters, pangkulay, mga pananda

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 7: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

114

Pamamaraan:

1. Gumupit ng isang papel na may kulay na may sukat na 9.5 x 15 pulgada.

2. Pagdikitin ang dalawang dulong bahagi. (Humingi ng tulong sa guro kung kinakailangan.)

3. Siguraduhing madikitan o malagyan ng glue ang gilid pababa.

4. Itupi ang ilalim na bahagi ng papel na may sukat na 2 pulgada at muli itong itupi nang patusok.

5. Ituping muli ang dalawang gilid paloob upang lumikha ng isang akordiyon.

6. Dikitan ang ilalim na bahagi ng bag upang tumayo ito.

7. Gawin ang magkabilang hawakan.

8. Idikit ang ginawang pambalot ng regalo sa papel na bag.

9. Ayusin ang paggamit ng glue upang hindi masayang.

10. Lagyan ng dekorasyon ang bag na papel gamit ang glitters, pangkulay, at iba pang pananda.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 8: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

115

Ipagmalaki Mo

Gamitin ang talahanayan sa ibaba upang malaman ang kakayahan mo sa paglikha ng paper bag. Lagyan ng tsek (4) ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Pamantayan

ISKOrKitang-

kita5

Kita

3

Hindi Kita

1

1. Ang aking likhang sining ay kakaiba at malikhain.

2. Ang mga uri ng linya at katangian nito ay nagamit ko sa aking ginawa.

3. Ang mga disenyong geometric ay ginamit ko rin sa aking sining.

4. Natapos ko ang aking ginawa nang tama sa oras.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 9: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

116

ARALin2

Iba’t Ibang Laking tao sa Larawan

Layunin Nakikita ang pagkakaiba-iba ng laki ng mga tao sa larawan upang malaman ang distansiya nito sa tumitingin

Pag-isipan Mo Ito

Sa larawan, ang laki ng mga tao ay magkakaiba. Ipinakikita nito ang distansiya ng tumitingin. Maliit tingnan kung ito ay malayo sa tumitingin at malaki naman kung ito ay malapit.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 10: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

117

tandaan

Ang larawan ng tao na malapit sa tumitingin ay iginuguhit nang malaki at maliit naman kung ito ay malayo.

Maging Malikhain

Gawain 1

Pagguhit ng Iba’t Ibang tao sa Larawan

Mga Kagamitan: lapis, bond paper, krayola

Pamamaraan: 1. Umisip at gumuhit ng isang lugar na malapit sa sakahan o

taniman.2. Dagdagan ito ng larawan ng mga tao na iba’t iba ang laki

ayon sa layo o distansiya ng tumitingin.3. Kulayan ang iyong iginuhit.4. Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong natapos na

likhang-sining.5. Ipakita mo ito sa iyong mga kaklase at isalaysay ang tungkol

sa iyong iginuhit na larawan.

Pamagat

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 11: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

118

Ipagmalaki Mo

Tingnang muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Lagyan ng bituin ( ) kung ito ay iyong nagawa at tatsulok ( ) kung hindi. Gawin ito sa sagutang

papel.

Pamantayan /

1. Nakagawa ako ng iba’t ibang laki ng tao sa komposisyon ayon sa distansiya o layo nito sa tumitingin.

2. Nakagawa ako nang maayos at malinis.

3. Nalagyan ko ng angkop na pamagat ang aking ginawa.

4. Nakaramdam ako ng pagmamalaki at kasiyahan habang ginagawa ko ito.

5. Nakatapos ako nang tama sa oras.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 12: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

119

ARALin3 Ilusyon ng Espasyo

LayuninNaipakikita ang ilusyon ng espasyo sa pagguhit ng mga bagay at mga tao na may iba’t ibang laki o sukat

Pag-isipan Mo Ito

Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan o teknik ng pintor upang ipakita ang layo o distansiya, lalim, at lawak sa kaniyang likhang-sining. Kung malayo sa tumitingin ang isang bagay, maliit itong tingnan. Malaki naman kung ito’y malapit sa tumitingin.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 13: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

120

Maging Malikhain

Gawain 1

Pagguhit ng Isang Pamayanan

Mga Kagamitan: lapis, bond paper, krayola

Pamamaraan: 1. Lumabas ng silid-aralan at humanap ng isang lugar na

makikita ang palibot ng iyong paaralan.2. Ihanda ang mga kagamitan.3. Gumuhit ng pahigang linya sa bond paper.4. Maglagay ng tuldok sa gitna, kaliwa, o kanang bahagi ng

papel.5. Mula sa tuldok, gumuhit ng dalawang pahilis na linya pababa

upang lumikha ng isang daan ng pamayanan.6. Gumuhit muli ng dalawang pahilis na linya sa ibabaw ng

guhit-tagpuan upang maging gabay sa pagguhit ng mga tao at iba pang bagay na matatagpuan sa paaralan.

7. Tiyaking maiguhit nang mas malaki ang mga bagay na malapit sa tumitingin kaysa sa mga bagay na malayo sa tumitingin.

8. Kulayan at lagyan ng angkop na pamagat ang iyong ginawa.

9. Maging malikhain sa paggawa ng iyong sining.

tandaan

Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan upang maging makahulugan ang isang likhang sining. Sa pagguhit, kailangang maiguhit nang malaki ang mga bagay na malapit sa tumitingin at maliit naman kung ang mga ito ay malayo sa tumitingin.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -

electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 14: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

121

Subukin Mo

Gawain 2

Pamamaraan:Lagyan ng tsek (4) ang patlang sa bawat bilang kung ang

larawan ay nagpapakita ng ilusyon ng espasyo. Gawin ito sa sagutang papel.

1. _____ 2. _____

3. _____ 4. _____

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 15: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

122

Ipagmalaki Mo

Tingnang muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga

tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng ( ) bituin kung

ikaw ay nakagawa nang maayos at ( ) bilog kung hindi.

Gawin ito sa sagutang papel.

Pamantayan

1. Naiguhit ko ba ang mga bagay na matatagpuan sa aming pamayanan?

2. Naiguhit ko ba nang tama at maayos ang mga bagay ayon sa layo o distansiya ng tumitingin upang maipakita ang ilusyon ng espasyo?

3. Nakagamit ba ako ng tamang kulay upang maging kaakit-akit ang aking likhang sining?

4. Nagawa ko ba ang aking likhang sining nang malinis at tama sa takdang oras?

5. Nakadama ba ako ng kasiyahan sa aking pagguhit?

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 16: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

123

ARALin4 teksturang Biswal

Layunin Napahahalagahan na ang isang pintor ay nakalilikha ng teksturang biswal gamit ang mga linya, tuldok, at kulay upang bigyang buhay ang kaniyang likhang sining

Pag-isipan Mo Ito

Ang still life drawing ay isang pamamaraan ng pagpapakita ng pagiging malikhain sa pagguhit ng mga bagay na walang buhay. Nakalilikha ang isang pintor ng teksturang biswal gamit ang cross hatch lines at pointillism upang maging makatotohanan ang tekstura ng kaniyang likhang sining. Ang cross hatch lines ay tanda ng dalawa o higit pang intersecting parallel lines. Ang pointillism naman ay ang paglalagay ng maliliit na tuldok upang makabuo ng larawan.

Ang mga mata natin ang tanging nakaaalam ng teksturang biswal sapagkat hindi ito maaaring hipuin o maramdaman. Nakikita natin ang kaibahan ng tekstura ng isang bagay sa larawan sa pamamagitan nang masusing pagtingin dito.

Cross Hatching and Pointillism

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 17: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

124

Maging Malikhain

Gawain 1

Still Life Drawing na Ginagamitan ng Cross Hatch Lines at Pointillism

Mga Kagamitan: lapis, colored pencils, bond paper

Pamamaraan: 1. Ihanda ang mga kagamitan sa pagguhit.2. Ayusin ang mga bagay na iguguhit (hal. iba’t ibang uri ng

prutas, mga bote, atbp.) sa tamang pagkakahanay upang gamiting modelo.

3. Gumamit ng lapis sa pagguhit. 4. Pumili kung ano ang teknik o pamamaraang gagamitin, cross

hatch lines o pointillism, para makita ang tekstura ng mga bagay na iguguhit. Gumamit ng isang teknik lamang.

5. Humingi ng tulong sa guro kung kinakailangan.6. Lagyan ng pamagat ang iyong natapos na likhang sining.

Pamagat

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 18: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

125

Ang teksturang biswal ay mapapansin lamang sa pamamagitan ng masusing pagtingin sa isang bagay. Hindi ito nahihipo o nararamdaman.

tandaan

Subukin Mo

Pamamaraan: Umisip ng isang hayop na lumilipad o lumalangoy. Iguhit ito

at gamitan ng mga cross hatch lines at pointillism para makita ang teksturang biswal. Gamitin mo ang iyong imahinasyon sa pagguhit. Gawin ito sa bond paper.

Ipagmalaki Mo

Lagyan ng bituin ( ) ang bilog kung ang iyong sagot ay oo

at buwan ( ) kung hindi. Ipaliwanag ang iyong sagot. Gawin ito

sa sagutang papel.

1. Gumamit ba ako ng cross hatch lines at pointillism sa aking iginuhit?

Bakit?_______________________________________

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 19: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

126

2. Naging malikhain ba ako sa paggawa ng aking likhang sining?

Paano?_____________________________________

3. Gumamit ba ako ng mga linya at kulay para makalikha ng teksturang biswal sa aking iginuhit?

Paano?_____________________________________

4. Napahahalagahan ko ba ang aking ginawang sining at gawa ng iba?

Paano?_____________________________________

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 20: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

127

ARALin5 Pagguhit ng tanawin

LayuninNasasabi na sa isang larawan ng tanawin, ang harapang bahagi ang pinakamalapit; ang mga bagay na kasunod nito ang gitnang bahagi, at ang bahaging likuran ang pinakamalayo

Pag-isipan Mo Ito

Napalalaki o napaliliit ng isang pintor ang mga bagay sa larawan ayon sa kanilang kinalalagyan o layo sa tumitingin.

Ang mga bagay na nasa harapan at malapit sa tumitingin ay malalaki samantalang ang nasa likuran ay maliliit lamang dahil malayo ito sa lugar ng tumitingin. Ang iba pang mga bagay ay nasa pagitan ng harapan at likuran.

Ang balance ay naipakikita sa larawan sa pagkakaroon ng harapan, gitnang bahagi, at likuran ng larawan.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 21: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

128

Maging Malikhain

Pagguhit ng tanawin

1. Umisip ng magandang tanawin sa inyong lugar na gusto mong iguhit.

2. Pag-isipan kung ano ang mga bagay na dapat isama sa iguguhit.

3. Gumuhit ng tanawin na nagpapakita ng sumusunod: harapan, gitna, at likuran.

4. Iayos ang mga bagay sa larawan upang maipakita ang balance sa kaayusan ng larawan.

5. Kulayan ang iyong iginuhit at lagyan ng pamagat.

tandaan

Mayroong balance sa kaayusan ng larawan kapag may harapan, gitna, at likurang bahagi.

Subukin Mo

Ituro ang harapan, gitna, at likurang bahagi ng sumusunod na larawan.

1.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 22: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

129

2.

Ipagmalaki Mo

Lagyan ng masayang mukha () kung oo ang iyong

kasagutan at malungkot na mukha () kung hindi. Gawin ito sa

sagutang papel.

1. Naiguhit ko ba ang harapan, gitna, at likurang bahagi ng larawan upang maipakita ang timbang?

2. Naiguhit ko ba ang tanawing matatagpuan sa aming rehiyon?

3. Naipagmamalaki ko ba ang aking naiguhit na tanawin sa pamamagitan ng pagpapakita nito sa iba?

4. Natapos ko ba sa oras ang aking likhang sining?

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 23: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

130

ARALin6 tekstura at Hugis

Layunin Nakaguguhit ng halaman, bulaklak, o puno na nagpapakita ng iba’t ibang tekstura at hugis ng bawat bahagi gamit ang lapis o itim na krayola o bolpen

Pag-isipan Mo Ito

Ang sketching ay mabilis na pagtatala ng mga bagay na iyong nakikita sa paligid. Ang mga guhit na ito ay kadalasang simple ngunit maganda. Samantalang ang pagpipinta o drawing ay kalimitang tapos at nagpapakita ng buong larawan ng isang tagpo o paksa at nangangailangan ng maraming biswal na detalye.

Sa pagguhit at pagpipinta, ang tekstura at hugis ay mahalaga. Ang tekstura ay isang elemento ng sining na naglalarawan ng bagay at tao ayon sa kaniyang katangiang pisikal. Ang hugis naman ay naglalarawan sa pisikal na porma ng isang bagay.

Maging Malikhain

Gawain 1

Pagguhit ng Halaman, Bulaklak, o Puno

Mga Kagamitan: bond paper, itim na krayola, lapis, recycled na karton

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 24: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

131

Pamamaraan:

1. Humanap ng isang halaman, bulaklak, o puno na gusto mong iguhit.

2. Iguhit at ipinta ang mga detalye nito.

3. Ipakita ang tekstura gamit ang cross hatch lines.

4. Kulayan ito at pagandahin pa.

5. Ipakita mo ang iyong ginawa sa klase at ibahagi ang iyong naramdaman habang ginagawa mo ang iyong likhang sining.

tandaan

Ang mga linya at hugis ay ginagamit sa paggawa ng mga sketches. Ang sketch ay hindi kongkretong likhang sining. Kulang ito sa detalye at kulay. Ito ay nagsisilbing gabay ng isang pintor para makabuo ng isang kongkretong likhang-sining.

Subukin Mo

Pamamaraan:Gumawa ng sketch ng isang bagay na makikita sa loob ng

silid-aralan.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 25: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

132

Ipagmalaki Mo

Bigyan ng marka ang iyong ginawa batay sa pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Pamantayan

ISKOr3

Kitang-kita

2Kita

1Hindi kita

1. Gumuhit ako ng isang likas na bagay na makikita sa labas ng silid-aralan.

2. Gumawa ako ng sketch ng isang bagay upang matapos ko ang aking likhang sining.

3. Ang tekstura at hugis ay ginamit ko sa aking drawing.

4. Ibinahagi ko sa aking mga kaklase ang aking nadarama habang ako’y gumagawa.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 26: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

133

ARALin7

Pagguhit Gamit ang Lapiso Anumang Uring Panulat

LayuninGamit ang lapis o anumang uri ng panulat, lumikha ng isang larawan na magpapakita ng mga hanapbuhay sa isang probinsiya o rehiyon sa pamamagitan ng kanilang pang-araw-araw na gawain. Ilarawan ang pamumuhay ng mga tao sa isang pamayanan

Pag-isipan Mo Ito

Ang trabaho o hanapbuhay ay mahalaga upang ang bawat mamamayan ay kumita ng pera para sa ikabubuhay ng kaniyang sarili at pamilya.

Ang bawat probinsiya o rehiyon sa ating bansa ay may natatanging hanapbuhay o trabaho na angkop sa uri ng klima, topograpiya, at kultura ng isang lugar.

Narito ang ilang uri ng trabaho o hanapbuhay sa Pilipinas.

Paglililok sa Paete, Laguna Paglalala sa Aklan

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 27: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

134

Paggawa ng Banga sa Ilocos Pagpipinta sa Angono, Rizal(Source: En.wikipedia.org; stella-arnaldo.blogspot.com; rizalprovince.ph)

Maging Malikhain

Gawain 1

Pangkatang Gawain

Mga Kagamitan: lapis o pen, krayola o iba pang pangkulay, manila paper

Pamamaraan:Ang bawat pangkat ay bibigyan ng activity card at

pagkatapos ng limang minutong talakayan at paghahanda, ipakikita ng mga miyembro ng bawat pangkat ang kanilang ginawa.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 28: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

135

Alamin ng bawat miyembro ang mga

gawain o hanapbuhay ng mga tao sa kanilang

lugar.

Pag-usapan ang mga gawain o trabaho na ginagawa sa kanilang

lugar.

Ipaliliwanag ng lider saklase ang kanilang

ginawang mga larawan.

Sumulat ng maikling awitin na may kaugnayan sa

hanapbuhay o trabaho at lapatan ng tono mula

sa alinmang awitin.

Pumili ng tatlong hanapbuhay na gusto

ninyong ipinta.

Pumili ng lider na magpapakita ng output

sa klase.

Ipakita sa harap ng klase ang nabuong awit na

nilapatan ng kilos.

Ang bawat miyembro ng pangkat ay

magtutulong-tulong upang maiguhit nang

maganda at malagyan ng kaakit-akit na kulay

ang mga ito.

Pangkat 2

Pangkat 1

Gawain 2

Gumuhit ng isang uri ng hanapbuhay na matatagpuan sa iyong probinsiya o rehiyon. Gawin ito sa bond paper gamit ang lapis o anumang panulat.

tandaan

Ang paglililok, paglalala, pagpipinta, paggawa ng banga at mga basket, pag-aanluwage, at iba pa ay mga uri ng trabaho o hanapbuhay sa ating bansa na dapat kilalanin at ipagmalaki. Malaking bahagi ng ikinabubuhay ng tao ay galing dito.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 29: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

136

Ipagmalaki Mo

Pamamaraan:

Bigyan mo ng iskor ang iyong pangkat gamit ang pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Pamantayan

ISKOrKitang-

kita3

Kita

2

Hindi kita

1

1. Nagbahagi ng kaalaman ang bawat miyembro ng aming pangkat.

2. Napanatili naming malinis at maayos ang lugar na aming pinaggawaan.

3. Nakabuo kami ng larawan ng mga hanapbuhay sa aming lugar gamit ang lapis at iba pang panulat.

4. Nakinig kami at nagbigay respeto sa ideya at gawa ng iba.

5. Ipinagmamalaki namin ang mga hanapbuhay sa aming rehiyon o lugar.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 30: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

137

ARALin8

Pagguhit ng mga Makasay-sayang Bahay at Gusali

Layunin Nakaguguhit ng larawan ng makasaysayang bahay o gusali gamit ang foreground, middle ground at background

Pag-isipan Mo Ito

Sa pagguhit, mahalaga ang iba’t ibang uri ng linya at hugis sa pagbuo ng makabuluhang larawan. Kailangan ding tandaan ang paggamit ng foreground, middle ground, at background. Ang foreground ay ang unahang bahagi ng larawan. Malapit ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay dito ay mukhang malaki. Ang background naman ay ang bahaging likuran ng isang larawan. Ang middle ground ay makikita sa pagitan ng foreground at background ng tanawin.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 31: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

138

Maging Malikhain

Gawain 1

Pagguhit ng Makasaysayang Bahay o Gusali

Mga Kagamitan: krayola, lapis, bond paper

Pamamaraan:1. Pumili ka ng isang makasaysayang bahay o gusali sa inyong

probinsiya o lugar.2. Iguhit ang napiling makasaysayang bahay o gusali gamit ang

iba’t ibang uri ng linya at hugis.3. Dagdagan ng kakaibang istraktura ang iyong disenyo.4. Gumuhit ng mga bagay na gusto mong ilagay sa foreground,

middle ground, at background.5. Lagyan ito ng kulay at ipaskil sa pisara.

Subukin Mo

Tukuyin kung foreground, middle ground, o background ang itinuturo sa larawan. Isulat sa patlang ang sagot.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 32: Art 3 lm tagalog   yunit 1

DEPED COPY

139

tandaan

Makaguguhit tayo ng isang larawan ng makasaysayang bahay o gusali gamit ang iba’t ibang linya at hugis na may foreground, middle ground, at background upang higit na maging maganda ang ating iginuhit na larawan.

Ipagmalaki Mo

Pagmasdan muli ang natapos mong sining. Sagutin ang mga

tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng puso ( ) kung Oo

at tatsulok ( ) kung hindi.

Gawin ito sa sagutang papel.

1. Napanatili ko ba ang balanse sa aking sining sa paglalagay ng foreground, middle ground, at background?

2. Naiangkop ko ba ang paggamit ng mga hugis, linya, at kulay sa aking ginawa?

3. Nagawa ko ba itong kakaiba at maganda?

4. Napanatili ko ba itong malinis at maayos?

5. Nakaramdam ba ako ng kasiyahan o pagmamalaki sa aking ginawa?