book-bata bata summary

23
NAUUKOL SA NOBELA Pamagat BATA BATA PAANO KA GINAWA MAG-AKDA LUALHATI BAUTISTA Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa ring manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo), isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng katayuan at pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala at parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas, maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan sa mga ginantimpalaang sulating- pampelikula niya ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Sex Object (1985). Para sa pagsusulat para sa pelikula, nakatanggap siya ng pagkilala

Upload: marvin-sanchez

Post on 04-Apr-2015

8.670 views

Category:

Documents


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: Book-bata Bata Summary

NAUUKOL SA NOBELA

Pamagat

BATA BATA PAANO KA GINAWA

MAG-AKDA

LUALHATI BAUTISTA

Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati

Bautista ay isa ring manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging

sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdang-

pampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo),

isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng

katayuan at pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap

ng pagkilala at parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa

Panitikan ng Pilipinas, maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa

noong 1987. Ilan sa mga ginantimpalaang sulating-pampelikula niya

ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984),

Sex Object (1985). Para sa pagsusulat para sa pelikula, nakatanggap

siya ng pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival (best story-best

screenplay), Film Academy Awards (best story-best screenplay), Star

Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS (finalist para sa best

screenplay), at mga gantimapalang URIAN. Dalawa sa kaniyang mga

maiikling kuwento ay nagwagi rin mga gantimpalang Carlos Palanca

Page 2: Book-bata Bata Summary

para sa Panitikan: ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra,

unang gantimpala, 1982, at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng

Sundang, pangatlong gantimpala, 1983. Sumulat rin si Bautista ng

mga dramang pang-telebisyon: ang Daga sa Timba ng Tubig (1975) at

Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo

ang huling akda ng pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa

telebisyon mula sa Catholic Mass Media Awards.

Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Women’s Writings

(Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong Marso

10, 2004 habang idinaraos ang ika-8 Taunang Panayam sa Panitikang

Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika.

Amg mga maiikling kuwento na isinulat ng mga kababaihang

Pilipino ay inilimbag sa Finland ng The Finnish-Philippine Society (Ang

Samahang Pinlandes-Pilipino, o FPS), isang hindi-pampahalaang

organisasyon na itinatag noong 1988. Pinatnugutan at isinalin ni Riitta

Vartti, at iba pa, ang Tulikärpänen. Sa Firefly: Writings by Various

Authors (Alitaptap: Mga Sulatin ng Iba't Ibang May-akda), ang

bersiyong Ingles ng kalipunang Pinlandes, ang sipi mula sa nobelang

Pilipinong Gapô (daglat ng Olongapo) ay pinamagatang The Night in

Olongapo (Ang Gabi sa Olongapo) samantalang ang sipi mula sa Bata,

Bata, Pa'no Ka Ginawa? ay pinamagatan namang Children's Party

(Handaang Pambata).

Page 3: Book-bata Bata Summary

Ang buong salinwika ng mga pinakamahahalagang akda ni

Bautista ay maaaring makabuwag sa hadlang sa palimbagang

pansandaigdigan, bagaman may mga nagsasabi na ang dahilan kung

bakit walang nasasagawang pagsasalinwika ay ang paggamit ni

Bautista ng payak ngunit makabuluhang wika para maisalarawan ang

ang mga masasalimuot na katayuang panlipunan at pangkaluluwa sa

Pilipinas, isang katangian palagiang ipinagsasawalang-bahala ng mga

samahang pampanitikan.[

Page 4: Book-bata Bata Summary

TAUHAN

Lea – ang bida at bayani sa nobela

Maya – anak na babae ni Lea

Ojie – anak na lalaki ni Lea

Ding – lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya

Raffy – unang asawa ni Lea, ama ni Ojie

Johnny – kaopisina at matalik na kaibigan ni Lea

PAKSA

Umiinog ang katha sa pambungad na pagtatapos ng kaniyang

anak na babaeng si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng

palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay

ni Lea – ang buhay niya na may kaugnayan sa kaniyang mga anak, sa

mga kaibigan niyang mga lalaki, at sa kaniyang pakikipagtulungan sa

isang samahan na pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki na ang

mga anak niya – at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito.

Naroon na ang mga hakbang sa pagbabago ng mga pag-uugali ng mga

ito: si Maya sa pagiging paslit na may kuryosidad, samantlang si Ojie

sa pagtawid nito patungo sa pagiging isang ganap na lalaki.

Dumating ang tagpuan kung kailan nagbalik ang dating asawa ni

Lea upang kunin at dalhin sana si Ojie sa Estados Unidos. Naroon ang

Page 5: Book-bata Bata Summary

takot niyang baka kapwa kuhanin ng kani-kanilang ama ang kanyang

dalawang anak. Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa

trabaho at sa samahang tinutulungan niya.

Sa bandang huli, nagpasya ang mga anak niyang piliin siya –

isang pagpapasyang hindi niya iginiit sa mga ito. Isa ring pagtatapos

ng mga mag-aaral ang laman ng huling kabanata, kung saan

panauhing pandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa

ay kung paano umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kay bilis ng

panahon, na kasingbilis ng paglaki, pagbabago, at pagunlad ng mga

tao. Nag-iwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula

sa paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang

mga bagay sa buhay ng isang tao.

Page 6: Book-bata Bata Summary

BUOD

Nagsimula ang katha sa pambungad na pagtatapos ng anak

niyang si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at

pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay ni Lea, ang buhay

niya ay may kaugnayan sa kanyang mga anak, mga kaibigang lalaki at

sa pakikipagtulungan niya sa isang samahan na pangkarapatang-

pantao. Subalit lumalaki na ang mga anak niya at nakikita niya ang

mga pagbabago sa mga ito.

Naroroon ang mga pagbabago ng mga ugali ng mga ito: si Maya

isang paslit na may kuryosidad at si Ojie na nasa pagtawid bilang isang

ganap na lalaki.

Di inaasahang bumalik ang dating asawa ni Lea na si Raffy na

ama ni Ojie na nagbabalak sanang kunin ito at dadalhin sa Estados

Unidos. Naroon ang takot niyang baka kunin na ng mga ama ito ang

kanyang mga anak ng mga ama nito. Kailangan niya ring gumugol ng

panahon para sa trabaho at samahan na kanyang tinutulungan.

Sa banding huli, nagpasya ang magkapatid na piliin siya, isang

pagpapasyang hindi niya giniit sa mga ito. Isa pa ring pagtatapos ng

pag-aaral ang laman ng huling kabanata kungsaan kinuhang

panauhing pandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa

ay kung paano umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kaybilis ng

Page 7: Book-bata Bata Summary

panahon na kasing bilis ng paglaki, pagbabago, at pag-unlad ng mga

tao. Nagiwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa

paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang

pagsubok sa buhay ng isang tao. Dala ang inosenteng tanong na..

“Bata, bata pa’no ka ginawa?”

Ang simula ng mga napiling mga kabanata ay sinimulang ng mga

matitinding mga pangyayari sa kanilang kapaligiran na lubos na

nakaapekto sa kanilang katauhan sa nobela. Pinakita nito ang mga

naging gawain ng mga mamamayan at mga di magandang gawain ng

mga politiko at mga namumuno. Naririto ang ilang patunay na ang

nobela ay sinimulan nga ng mga ganoong pangyayari:

“T.V. agad ang hinarap ni Lea pagdating ng bahay pero maski anong

pihit ang gawing niya sa selector ay puro statics na lang ang

lumalabas.

Alas-dose pasado na, sign-off na lahat ng estasyon. Nagpasya na

lang siya sa pagtingin ng diyaryo na sa mga oras na ito’y balitang

balita na:

“….shot dead seconds after he stepped off a China Airlines Plane..

Assasin still unidentified.”

(kabanata 22: talata 1, pp.167)

“Headlines sa lahat ang nangyayari. Ang balita ay hindi na pambansa

Page 8: Book-bata Bata Summary

kungdi pandaigdig.”

(kabanata 23:talata 5, pp.173)

Ang mga suliranin sa mga napiling kabanata ay pinasimulan ng

mga komosyon tungkol sa mga bata, lipunan, politika at pamilya na

gigising sa kanilang kamalayan ukol sa mga pangyayari.

Naririto ang ilang patunay na ito ang naging suliranin sa nobelang

binasa:

“Pumwesto na si Lea para matulog. Nang maulinigan niya ang

kalansing ng susi sa labas ng pinto.

Bumukas ang pinto. Si Ding. Mainit agad ang salubong:

“Asan ang mga bata?”

“Naroon pa kina Raffy.”

Napahindig si Ding “Doon?.. eeh.. si Maya?”

“Ando’n din..”

Lalong napahindig si Ding. “Pati si Maya? Naloloko ka na ba?”

Naalala ni Lea na may atraso nga pala si Ding; hindi siya sinipot nito

kaya siya napilitang gumawa ng ibang paraan.”

Page 9: Book-bata Bata Summary

(kabanata 22: talata 3, pp. 168)

“Marcos Resign! Iisang tinig ngayon ng bayan. “katarungan!

Katarungan!” Giniling ang mga dilaw na pahina ng PLDT directory para

pangconfetti ay nagpa-fasting ang mga bilanggong pulitikal.

Humahaba ang listahan ng estudyanteng wanted ay humahaba rin ang

mga nabubunyag na secret decrees. Magpapalabas ng pahayag ang

simbahan laban sa PCO ay tinanggal bigla ang PCO… pinalitan lang

pala ng PDA na pareho din ng kahulugan. “Nagalit na ang bayan sa

haba ng lokohan” at kabit ng galit ng bayan, isinilang ang alyansa ng

mga bagong mamamayan.”

(kabanata 23: talata 11, pp.175)

Ang kasukdulan sa nobelang ito ay nagpapakita ng tunggalian ng

tao sa tao. Ipinakita rito ang tunggalian sa pagitan ni Raffy at Lea

tungkol sa anak nilang si Ojie at tungkol rin sa paratring paggugugol ni

Lea sa pag tatrabaho. Habang sa sumunod naman na kabanata ay

matutunghayan ang tunggalian sa pagitan ng Punong-Gurong si Mrs.

Zalamea at Lea tungkol naman sa legal na kasal o pagkakasal na

gigising sa damdamin at magmumulat sa bida ng nobela.

Page 10: Book-bata Bata Summary

Naririto ang ilang patunay na ito ay nagpapakita ng tunggalian ng tao

sa tao:

“Nag-uusap-nag-aaway-nag-dedebate… hindi pa din tayo

nagkakasundo.” Mainit na sagot ni Lea. Alam niyang tinititigan na sila

ng babae sa counter pero walang bale sa kanya. Dinukwang pa niya

ng bahagya si Raffy. “Gusto mong sustentuhan ko si Ojie? Akina!

Katungkulan mo kung tutuusin. Pero kahit gawin mo wala ka pa ring

karapatang sabihin kung anong gagawin ko sa buhay ko! Asawa mo

ako nung araw pero hindi na ngayon!”

(kabanata 22:talata 38, pp. 171)

“Nonono… Mrs! Em-ar-es. Mrs. Not Em-es. I am safety married, you

know?” at sa unang pagkakataon nginitian siya ni Mrs. Zalamea; ngiti

ng isang nagmamalaki, at nadidiin sa utak niya, na ito’y kasal. ay para

lamang sa mga kababaihan na hindi alam kung sila’y dalaga o

walang asawa!”

(kabanata 23: talata 30, pp. 178)

Ang wakas ng mga napiling kabanata sa nobela ay nagwakas na

Page 11: Book-bata Bata Summary

may tumitindi pa ring komosyon saisip ng mga pangunahing tauhan

na nakapagpabago sa nangingibabaw na emosyon ng bida sa nobela.

Nang dahil din sa mga pagbabagong ito ay tumimo rin sa damdamin

ng iba ang kwento ng buhay ni Lea.

Naririto ang ilang patunay tungkol sa mga pangyayari na

nangyari sa wakas ng napiling kabanata:

“ Pauwi dala ang mga anak, nararamdaman din ni Lea ang sakit na

iniwan sa kanya ng pagsasagutan nila ni Raffy. May epekto pa rin sa

kanya ang galit ng walang hiya hanggang ngayon! Masaya siya….

Sina

na nga ang may bagong anak , siya pa ang may ganang mang away!

Tumawid din sa isipan niyang huwag nang umuwi kung para man

lang makaiwas sa away na iniwan niya kanina na baka may

continuation pa. Pero san naman sila pupunta sad is-oras na ito?

Kanino sila matutulog? Nasaisip niya na silang mga lalaki noon,

ngayon, at kailanman, ay pampagulo lang sa buhay ng isang babae.

Kung maari lang isumpa niya ang mga puyetang lalaki. Kungdi nga

lang sa kabila ng mga pait, minsan-minsang may naiibibigay din silang

Page 12: Book-bata Bata Summary

tamis.”

(kabanata 22: talata 40-41, pp 171-172)

“ Nata-touch si Lea. Hindi na, hindi na niya gusting alaskahin, pagalitin

ang taong ito. Ngumiti siya ‘t inabot ditto ang kamay na mabilis

naming hinagip nito’t ginanap ng mahigpit. Biglang- bigla sa di

inaasahang lugar at pagkakataon, kapwa sila nakakatisod ng isang

bagong kaibigan.”

Page 13: Book-bata Bata Summary

URI NG NOBELA

Ang nobela ay isang

NILALAMAN

Panlipunan

Ipinakikita rito ang makabagong galaw ng mga Pilipino at ang

epekto ng pagiging isang dalagang ina.

Kulturang pilipino

Sa mga nakalipas na panahon, sunud-sunuran lamang ang mga

kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at iba pang

mga kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na

gumagawa lamang ng mga gawaing pambahay, tagapag-alaga ng mga

bata, at tagapangalaga ng mga pangangailangan ng kanilang mga

esposo. Wala silang kinalaman, at hindi nararapat na makialam – ayon

sa nakalipas na kaugalian – hinggil sa mga paksa at usaping

panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit nagbago ang gawi at

anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa lipunang kanilang

ginagalawan, sapagkat nagbabago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga

pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa, nagkaroon

ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing

hinggil sa kanilang mga karapatan, na buhay ang kanilang isipan, na

may tinig sila sa loob at labas man ng tahanan.

Page 14: Book-bata Bata Summary

IMPLIKASYON

Panlipunan, Pangkabuhayan at Pansarili

Ito ang paksang tinatalakay at inilalahad sa nobelang ito na may

32 kabanata. Sinasalaysay ng katha ang buhay ni Lea, isang

nagtatrabahong ina, may dalawang anak – isang batang babae at

isang batang lalaki – kung kaya’t makikita rito ang paglalarawan ng

pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina, at ang kung

paano ganapin ng ina ang kaniyang pagiging magulang sa

makabagong panahon

Ang nobelang “Bata, Bata.. Pa’no ka Ginawa” ay nahahanay sa

genre na ekonomyang-pampolitikal o sosyo-politikal sa kadahilanan na

nailantad nito ang panlipunan, kultural, politikang pamamalakad,

teorya at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o

pantay na kalagayan ng kasarian.

  

Naririto ang ilang patunay na itong nobelang ito ay nahahanay nga sa sosyo-politikal.  “Dinukwang pa niya ng bahagya si Raffy. “Gusto mong sustentuhan ko si Ojie? Akina! Katungkulan mo kung tutuusin. Pero kahit gawin mo wala ka pa ring karapatang sabihin kung anong gagawin ko sa buhay ko! Asawa mo ako nung araw pero hindi na ngayon!” 

Page 15: Book-bata Bata Summary

                          (kabanata 22:talata 38, pp. 171)  “Kinondena ng US State department ang pagpatay. Nagdemo ang mga taga-San Francisco California laban sa US-Marcos dictatorship. Nagprayer vigil sa New York, pinaliligiran ng mga tao ang Philippine Consulate General sa Honolulu bilang protesta”.                            (kabanata 23:talata 6, pp. 173)

Page 16: Book-bata Bata Summary

MATALINHAGANG PAHAYAG

Page 17: Book-bata Bata Summary

REKOMENDASYON

Ang “Bata, Bata.. Pa’no ka Ginawa” ay isang nobelang isinulat ng batikang babaeng manunulat na si Lualhati Bautista. Tungkol ito sa mga dating Filipinong babae na dating pinaiinog lamang ng mga kalalakihan. Ito ang naibigang suriin dahil naagaw nito ang pansin ng mga maraming mambabasa lalo na ang mga magulang. Sa mga nakalipas na panahon sunud-sunuran lamang ang mga kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at mga kaibigang kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na gumagawa lamang ng mga gawaing bahay, taga pag-alaga ng mga pangangailangan ng esposo. Wala silang kinalaman, at hindi nararapat na makielam. Ayon sa nakaugalian hinggil sa paksa at usaping panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit nabago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa lipunang kanilang ginagalawan sapagkat nagbago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga  babaeng manggagawa, nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing hinggil sa kanilang 

Page 18: Book-bata Bata Summary

mga karapatan, na buhay ang kanilang kaisipan na may tinig sila sa loob at labas man ng tahanan.           Sinalaysay sa nobelang ito ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina na may dalawang anak, -isang lalaki at isang babae. Kung kaya’t makikita rito ang paglalarawan ng pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina at kung paano gaganapin ng ina ang kanyang pagiging magulang sa makabagong panahon.