Download - Book-bata Bata Summary
NAUUKOL SA NOBELA
Pamagat
BATA BATA PAANO KA GINAWA
MAG-AKDA
LUALHATI BAUTISTA
Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati
Bautista ay isa ring manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging
sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdang-
pampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo),
isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng
katayuan at pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap
ng pagkilala at parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa
Panitikan ng Pilipinas, maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa
noong 1987. Ilan sa mga ginantimpalaang sulating-pampelikula niya
ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984),
Sex Object (1985). Para sa pagsusulat para sa pelikula, nakatanggap
siya ng pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival (best story-best
screenplay), Film Academy Awards (best story-best screenplay), Star
Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS (finalist para sa best
screenplay), at mga gantimapalang URIAN. Dalawa sa kaniyang mga
maiikling kuwento ay nagwagi rin mga gantimpalang Carlos Palanca
para sa Panitikan: ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra,
unang gantimpala, 1982, at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng
Sundang, pangatlong gantimpala, 1983. Sumulat rin si Bautista ng
mga dramang pang-telebisyon: ang Daga sa Timba ng Tubig (1975) at
Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo
ang huling akda ng pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa
telebisyon mula sa Catholic Mass Media Awards.
Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Women’s Writings
(Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong Marso
10, 2004 habang idinaraos ang ika-8 Taunang Panayam sa Panitikang
Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika.
Amg mga maiikling kuwento na isinulat ng mga kababaihang
Pilipino ay inilimbag sa Finland ng The Finnish-Philippine Society (Ang
Samahang Pinlandes-Pilipino, o FPS), isang hindi-pampahalaang
organisasyon na itinatag noong 1988. Pinatnugutan at isinalin ni Riitta
Vartti, at iba pa, ang Tulikärpänen. Sa Firefly: Writings by Various
Authors (Alitaptap: Mga Sulatin ng Iba't Ibang May-akda), ang
bersiyong Ingles ng kalipunang Pinlandes, ang sipi mula sa nobelang
Pilipinong Gapô (daglat ng Olongapo) ay pinamagatang The Night in
Olongapo (Ang Gabi sa Olongapo) samantalang ang sipi mula sa Bata,
Bata, Pa'no Ka Ginawa? ay pinamagatan namang Children's Party
(Handaang Pambata).
Ang buong salinwika ng mga pinakamahahalagang akda ni
Bautista ay maaaring makabuwag sa hadlang sa palimbagang
pansandaigdigan, bagaman may mga nagsasabi na ang dahilan kung
bakit walang nasasagawang pagsasalinwika ay ang paggamit ni
Bautista ng payak ngunit makabuluhang wika para maisalarawan ang
ang mga masasalimuot na katayuang panlipunan at pangkaluluwa sa
Pilipinas, isang katangian palagiang ipinagsasawalang-bahala ng mga
samahang pampanitikan.[
TAUHAN
Lea – ang bida at bayani sa nobela
Maya – anak na babae ni Lea
Ojie – anak na lalaki ni Lea
Ding – lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya
Raffy – unang asawa ni Lea, ama ni Ojie
Johnny – kaopisina at matalik na kaibigan ni Lea
PAKSA
Umiinog ang katha sa pambungad na pagtatapos ng kaniyang
anak na babaeng si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng
palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay
ni Lea – ang buhay niya na may kaugnayan sa kaniyang mga anak, sa
mga kaibigan niyang mga lalaki, at sa kaniyang pakikipagtulungan sa
isang samahan na pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki na ang
mga anak niya – at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito.
Naroon na ang mga hakbang sa pagbabago ng mga pag-uugali ng mga
ito: si Maya sa pagiging paslit na may kuryosidad, samantlang si Ojie
sa pagtawid nito patungo sa pagiging isang ganap na lalaki.
Dumating ang tagpuan kung kailan nagbalik ang dating asawa ni
Lea upang kunin at dalhin sana si Ojie sa Estados Unidos. Naroon ang
takot niyang baka kapwa kuhanin ng kani-kanilang ama ang kanyang
dalawang anak. Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa
trabaho at sa samahang tinutulungan niya.
Sa bandang huli, nagpasya ang mga anak niyang piliin siya –
isang pagpapasyang hindi niya iginiit sa mga ito. Isa ring pagtatapos
ng mga mag-aaral ang laman ng huling kabanata, kung saan
panauhing pandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa
ay kung paano umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kay bilis ng
panahon, na kasingbilis ng paglaki, pagbabago, at pagunlad ng mga
tao. Nag-iwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula
sa paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang
mga bagay sa buhay ng isang tao.
BUOD
Nagsimula ang katha sa pambungad na pagtatapos ng anak
niyang si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at
pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay ni Lea, ang buhay
niya ay may kaugnayan sa kanyang mga anak, mga kaibigang lalaki at
sa pakikipagtulungan niya sa isang samahan na pangkarapatang-
pantao. Subalit lumalaki na ang mga anak niya at nakikita niya ang
mga pagbabago sa mga ito.
Naroroon ang mga pagbabago ng mga ugali ng mga ito: si Maya
isang paslit na may kuryosidad at si Ojie na nasa pagtawid bilang isang
ganap na lalaki.
Di inaasahang bumalik ang dating asawa ni Lea na si Raffy na
ama ni Ojie na nagbabalak sanang kunin ito at dadalhin sa Estados
Unidos. Naroon ang takot niyang baka kunin na ng mga ama ito ang
kanyang mga anak ng mga ama nito. Kailangan niya ring gumugol ng
panahon para sa trabaho at samahan na kanyang tinutulungan.
Sa banding huli, nagpasya ang magkapatid na piliin siya, isang
pagpapasyang hindi niya giniit sa mga ito. Isa pa ring pagtatapos ng
pag-aaral ang laman ng huling kabanata kungsaan kinuhang
panauhing pandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa
ay kung paano umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kaybilis ng
panahon na kasing bilis ng paglaki, pagbabago, at pag-unlad ng mga
tao. Nagiwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa
paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang
pagsubok sa buhay ng isang tao. Dala ang inosenteng tanong na..
“Bata, bata pa’no ka ginawa?”
Ang simula ng mga napiling mga kabanata ay sinimulang ng mga
matitinding mga pangyayari sa kanilang kapaligiran na lubos na
nakaapekto sa kanilang katauhan sa nobela. Pinakita nito ang mga
naging gawain ng mga mamamayan at mga di magandang gawain ng
mga politiko at mga namumuno. Naririto ang ilang patunay na ang
nobela ay sinimulan nga ng mga ganoong pangyayari:
“T.V. agad ang hinarap ni Lea pagdating ng bahay pero maski anong
pihit ang gawing niya sa selector ay puro statics na lang ang
lumalabas.
Alas-dose pasado na, sign-off na lahat ng estasyon. Nagpasya na
lang siya sa pagtingin ng diyaryo na sa mga oras na ito’y balitang
balita na:
“….shot dead seconds after he stepped off a China Airlines Plane..
Assasin still unidentified.”
(kabanata 22: talata 1, pp.167)
“Headlines sa lahat ang nangyayari. Ang balita ay hindi na pambansa
kungdi pandaigdig.”
(kabanata 23:talata 5, pp.173)
Ang mga suliranin sa mga napiling kabanata ay pinasimulan ng
mga komosyon tungkol sa mga bata, lipunan, politika at pamilya na
gigising sa kanilang kamalayan ukol sa mga pangyayari.
Naririto ang ilang patunay na ito ang naging suliranin sa nobelang
binasa:
“Pumwesto na si Lea para matulog. Nang maulinigan niya ang
kalansing ng susi sa labas ng pinto.
Bumukas ang pinto. Si Ding. Mainit agad ang salubong:
“Asan ang mga bata?”
“Naroon pa kina Raffy.”
Napahindig si Ding “Doon?.. eeh.. si Maya?”
“Ando’n din..”
Lalong napahindig si Ding. “Pati si Maya? Naloloko ka na ba?”
Naalala ni Lea na may atraso nga pala si Ding; hindi siya sinipot nito
kaya siya napilitang gumawa ng ibang paraan.”
(kabanata 22: talata 3, pp. 168)
“Marcos Resign! Iisang tinig ngayon ng bayan. “katarungan!
Katarungan!” Giniling ang mga dilaw na pahina ng PLDT directory para
pangconfetti ay nagpa-fasting ang mga bilanggong pulitikal.
Humahaba ang listahan ng estudyanteng wanted ay humahaba rin ang
mga nabubunyag na secret decrees. Magpapalabas ng pahayag ang
simbahan laban sa PCO ay tinanggal bigla ang PCO… pinalitan lang
pala ng PDA na pareho din ng kahulugan. “Nagalit na ang bayan sa
haba ng lokohan” at kabit ng galit ng bayan, isinilang ang alyansa ng
mga bagong mamamayan.”
(kabanata 23: talata 11, pp.175)
Ang kasukdulan sa nobelang ito ay nagpapakita ng tunggalian ng
tao sa tao. Ipinakita rito ang tunggalian sa pagitan ni Raffy at Lea
tungkol sa anak nilang si Ojie at tungkol rin sa paratring paggugugol ni
Lea sa pag tatrabaho. Habang sa sumunod naman na kabanata ay
matutunghayan ang tunggalian sa pagitan ng Punong-Gurong si Mrs.
Zalamea at Lea tungkol naman sa legal na kasal o pagkakasal na
gigising sa damdamin at magmumulat sa bida ng nobela.
Naririto ang ilang patunay na ito ay nagpapakita ng tunggalian ng tao
sa tao:
“Nag-uusap-nag-aaway-nag-dedebate… hindi pa din tayo
nagkakasundo.” Mainit na sagot ni Lea. Alam niyang tinititigan na sila
ng babae sa counter pero walang bale sa kanya. Dinukwang pa niya
ng bahagya si Raffy. “Gusto mong sustentuhan ko si Ojie? Akina!
Katungkulan mo kung tutuusin. Pero kahit gawin mo wala ka pa ring
karapatang sabihin kung anong gagawin ko sa buhay ko! Asawa mo
ako nung araw pero hindi na ngayon!”
(kabanata 22:talata 38, pp. 171)
“Nonono… Mrs! Em-ar-es. Mrs. Not Em-es. I am safety married, you
know?” at sa unang pagkakataon nginitian siya ni Mrs. Zalamea; ngiti
ng isang nagmamalaki, at nadidiin sa utak niya, na ito’y kasal. ay para
lamang sa mga kababaihan na hindi alam kung sila’y dalaga o
walang asawa!”
(kabanata 23: talata 30, pp. 178)
Ang wakas ng mga napiling kabanata sa nobela ay nagwakas na
may tumitindi pa ring komosyon saisip ng mga pangunahing tauhan
na nakapagpabago sa nangingibabaw na emosyon ng bida sa nobela.
Nang dahil din sa mga pagbabagong ito ay tumimo rin sa damdamin
ng iba ang kwento ng buhay ni Lea.
Naririto ang ilang patunay tungkol sa mga pangyayari na
nangyari sa wakas ng napiling kabanata:
“ Pauwi dala ang mga anak, nararamdaman din ni Lea ang sakit na
iniwan sa kanya ng pagsasagutan nila ni Raffy. May epekto pa rin sa
kanya ang galit ng walang hiya hanggang ngayon! Masaya siya….
Sina
na nga ang may bagong anak , siya pa ang may ganang mang away!
Tumawid din sa isipan niyang huwag nang umuwi kung para man
lang makaiwas sa away na iniwan niya kanina na baka may
continuation pa. Pero san naman sila pupunta sad is-oras na ito?
Kanino sila matutulog? Nasaisip niya na silang mga lalaki noon,
ngayon, at kailanman, ay pampagulo lang sa buhay ng isang babae.
Kung maari lang isumpa niya ang mga puyetang lalaki. Kungdi nga
lang sa kabila ng mga pait, minsan-minsang may naiibibigay din silang
tamis.”
(kabanata 22: talata 40-41, pp 171-172)
“ Nata-touch si Lea. Hindi na, hindi na niya gusting alaskahin, pagalitin
ang taong ito. Ngumiti siya ‘t inabot ditto ang kamay na mabilis
naming hinagip nito’t ginanap ng mahigpit. Biglang- bigla sa di
inaasahang lugar at pagkakataon, kapwa sila nakakatisod ng isang
bagong kaibigan.”
URI NG NOBELA
Ang nobela ay isang
NILALAMAN
Panlipunan
Ipinakikita rito ang makabagong galaw ng mga Pilipino at ang
epekto ng pagiging isang dalagang ina.
Kulturang pilipino
Sa mga nakalipas na panahon, sunud-sunuran lamang ang mga
kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at iba pang
mga kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na
gumagawa lamang ng mga gawaing pambahay, tagapag-alaga ng mga
bata, at tagapangalaga ng mga pangangailangan ng kanilang mga
esposo. Wala silang kinalaman, at hindi nararapat na makialam – ayon
sa nakalipas na kaugalian – hinggil sa mga paksa at usaping
panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit nagbago ang gawi at
anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa lipunang kanilang
ginagalawan, sapagkat nagbabago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga
pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa, nagkaroon
ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing
hinggil sa kanilang mga karapatan, na buhay ang kanilang isipan, na
may tinig sila sa loob at labas man ng tahanan.
IMPLIKASYON
Panlipunan, Pangkabuhayan at Pansarili
Ito ang paksang tinatalakay at inilalahad sa nobelang ito na may
32 kabanata. Sinasalaysay ng katha ang buhay ni Lea, isang
nagtatrabahong ina, may dalawang anak – isang batang babae at
isang batang lalaki – kung kaya’t makikita rito ang paglalarawan ng
pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina, at ang kung
paano ganapin ng ina ang kaniyang pagiging magulang sa
makabagong panahon
Ang nobelang “Bata, Bata.. Pa’no ka Ginawa” ay nahahanay sa
genre na ekonomyang-pampolitikal o sosyo-politikal sa kadahilanan na
nailantad nito ang panlipunan, kultural, politikang pamamalakad,
teorya at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o
pantay na kalagayan ng kasarian.
Naririto ang ilang patunay na itong nobelang ito ay nahahanay nga sa sosyo-politikal. “Dinukwang pa niya ng bahagya si Raffy. “Gusto mong sustentuhan ko si Ojie? Akina! Katungkulan mo kung tutuusin. Pero kahit gawin mo wala ka pa ring karapatang sabihin kung anong gagawin ko sa buhay ko! Asawa mo ako nung araw pero hindi na ngayon!”
(kabanata 22:talata 38, pp. 171) “Kinondena ng US State department ang pagpatay. Nagdemo ang mga taga-San Francisco California laban sa US-Marcos dictatorship. Nagprayer vigil sa New York, pinaliligiran ng mga tao ang Philippine Consulate General sa Honolulu bilang protesta”. (kabanata 23:talata 6, pp. 173)
MATALINHAGANG PAHAYAG
REKOMENDASYON
Ang “Bata, Bata.. Pa’no ka Ginawa” ay isang nobelang isinulat ng batikang babaeng manunulat na si Lualhati Bautista. Tungkol ito sa mga dating Filipinong babae na dating pinaiinog lamang ng mga kalalakihan. Ito ang naibigang suriin dahil naagaw nito ang pansin ng mga maraming mambabasa lalo na ang mga magulang. Sa mga nakalipas na panahon sunud-sunuran lamang ang mga kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at mga kaibigang kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na gumagawa lamang ng mga gawaing bahay, taga pag-alaga ng mga pangangailangan ng esposo. Wala silang kinalaman, at hindi nararapat na makielam. Ayon sa nakaugalian hinggil sa paksa at usaping panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit nabago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa lipunang kanilang ginagalawan sapagkat nagbago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa, nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing hinggil sa kanilang
mga karapatan, na buhay ang kanilang kaisipan na may tinig sila sa loob at labas man ng tahanan. Sinalaysay sa nobelang ito ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina na may dalawang anak, -isang lalaki at isang babae. Kung kaya’t makikita rito ang paglalarawan ng pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina at kung paano gaganapin ng ina ang kanyang pagiging magulang sa makabagong panahon.