btec fiqh-fl3

Download BTEC Fiqh-FL3

If you can't read please download the document

Upload: christian-abdulrahman-ramos

Post on 02-Feb-2016

10 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Fiqh-FL3 BTEC 11102015

TRANSCRIPT

  • BTEC Batha Training & Education Center

    1

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    NILALAMAN

    Pahina

    Aralin 1 Faraid

    Mga batas sa pagmamana 2

    Aralin 2

    Mga kondisyon ng mana 6

    Aralin 3

    Mga uri ng mana 11

    Aralin 4 Halimbawa ng mga suliranin at ang mga kasagutan

    Suliranin 1 16

    Suliranin 2 17

    Aralin 5

    Suliranin 3 18

    Suliranin 4 19

    Aralin 6

    Suliranin 5 20

    Suliranin 6 21

    Aralin 7

    Karunungang pangkabuhayan na pang-Islamiko 22

    Kapitalismo 22 Komunismo 25

    Aralin 8

    Ekonomiyang pang-Islamiko 28

    Pribadong pagmamay-ari 31

    Pampublikong pagmamay-ari 32

    Aralin 9

    Kalayaang pang-ekonomiya 34

    Pang-ekonomikong pagsulong 35

    Katarungang panlipunan 36

    Aralin 10

    Riba (interes o pagpapatubo) 38

    Aralin 11

    Pagbabangkong Islamiko 43

    Aralin 12

    Mga katanungan at kasagutan na may kinalaman sa 47

  • BTEC Batha Training & Education Center

    2

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    pagbabangkong Islamiko

  • BTEC Batha Training & Education Center

    3

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Aralin 1

    Faraid (Mga batas sa pagmamana)

    Kahulugan

    Ang Faraid ay isang pag-aaral ng mga uri ng tagapagmana, ang kanilang

    nakatakdang mga bahagi, at ang mga batas na namamahala sa paghahati na rin ng mga mamanahin. Ang kaalaman sa mga batas ng faraid ay

    itinuturing na isang fard kifayah, na nangangahulugan na ito ay obligado (fard) sa buong komunidad. Gayunpaman, kung mayroong isa mula sa

    kanila ang nakababatid nito o pinag-aaralan ito, magkagayon ang buong

    komunidad ay pinalaya mula sa tungkuling ito. Kapag walang sinuman ang nag-aral nito, ang buong komunidad ay magtataglay ng kasalanan ng

    hindi pagtupad ng obligadong tungkulin. Sa mga pangkasalukuyang mga panahon ang agham na ito ay napabayaan na at ang lahat ay tuluyan

    nang nakalimutan sa halos lahat ng mga bansang Muslim dahil sa pananakop at ang ibinubunga ng pagpapakilala ng mga sistemang legal

    ng mga taga-Kanluran.

    Kahalagahan ng Fara'id

    Ang Islamikong sistema ng mana ay isinasaalang-alang ang ekonomiya,

    panlipunan at pangkaisipan (psychological) na pangangailangan ng isang lipunan, sa pamamagitan ng pag-uutos ng pagpapatupad ng mga likas at

    ma-sistemang daloy ng kayamanan mula sa mayayamang mga miyembro

    ng pamilya kapag ang kamatayan ay nangyari. Ang partikular na sistema ng mga batas ng pagmamana ay pinili ng Allah batay sa Kanyang ganap

    na kaalaman sa kalikasan ng tao at mga pangangailangan ng tao sa loob ng anyo ng isang lipunan. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga

    pamamaraan na ang mga batas na ito ay nangangalaga sa mga karapatan ng miyembro ng pamilya at isaayos ang pamamahagi ng

    kayamanan.

    Pangangalaga sa mga likas na mga tagapagmana

    Sa mga hindi Muslim na bansa, ang tanggap na kagawian ay ang may-ari

    ng kayamanan ay ganap na malaya na ibigay ang lahat ng kanyang mga kayamanan sa kaninuman na kanyang nais, sa kabila ng pagkakamag-

    anakan o mga tungkulin sa pamilya. Ang pag-uugaling ito ay nakabatay

  • BTEC Batha Training & Education Center

    4

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    sa pananaw ng mga taga-Kanluran ukol sa mga pribadong pag-aari ng

    mga kayamanan. Ang pribadong pagmamay-ari ay kinikilala ng husto na ang mga karapatan ng pamilya ay nababalewala. Ang agarang bunga ng

    pananaw na ito ay ang palagiang pang-aapi sa iba, kung hindi man lahat, na mga miyembro ng pamilya sa huling habilin. Halimbawa, hindi

    pangkaraniwan na makarinig ang mga tao na ang lahat ng kanilang mga kayamanan ay iwanan sa mga kapisanan para sa mga hayop o sa

    pagpapanatili ng kanilang mga alagang hayop na hindi isanasaalang-alang ang kanilang malalapit na mga kamag-anak. Noong Pebrero 9, 1981,

    nabalita na ang isang taong nagngangalang Peter Sellers ay namatay at nag-iwan ng $10 milyon sa kanyang huling asawa, Lynne Fredrick, na

    hindi ina ng kanyang mga anak at kanya lamang pinakasalan sa loob ng ilang mga taon. Samantala, sa kabilang dako, ay nag-iwan siya sa

    kanyang sariling dalawang anak na babae at isang anak na lalaki ng halagang $2 libo bawat isa. Ang mga anak ay tiyak na sumama ang loob

    at nauwi sa paghahabol sa huling habilin upang makuha ang karapatan sa

    malinaw na hindi makatarungang sistema ng mana.

    Sa sistemang Islamiko, ang kayamanan ay itinuturing na tiwala mula sa Allah na magbabalik sa Allah, sa halos lahat na bahagi, sa kamatayan ng

    Kanyang katiwala sa mundo. Gayunpaman, ang isang-katlo (1/3) sa kayamanan ng nagmamay-ari ay maaari niyang ipagkaloob sa kaninuman

    na kanyang naisin, subalit maging ang bahaging ito ay pananagutan sa Allah. Ang Islam ay ipinirmi ang halaga ng pamamahagi ng mana sa mga

    miyembro ng pamilya sa pamamaraan na ang hindi makatarungang pamamahagi ay hindi mangyayari kailanman.

    Pangangalaga sa mga papel ng lalake at babae

    Isinasaalang-alang ng batas Islamiko ang mga likas na papel ng mga

    lalake at babae sa isang pangkaraniwang lipunan. Sa kabilang dako, ang ibang mga pamahalaang komunista ay nag-aangkin ng pantay na

    pagbabahaginan ng kayamanan sa mga tagapagmana sa ngalan ng pagkakapantay-pantay. Ito ay ginagawa sa pagnanais na malunasan ang

    pighati ng kalayaang kapitalista sa batas ng pagmamana. Gayunpaman, ang ganitong sistema ay hindi alintana ang likas na mga papel ng mga

    lalake at babae sa lipunan. Sa Islamikong pagbabahaginan ng mga mamanahin, ang lalaking mga tagapagmana ay binibigyan ng mas higit

    na dalawang ulit ng bahagi na katumbas ng mga babaeng tagapagmana upang masuportahan ang kanilang papel sa lipunan bilang tagapanustos

    at tagapangalaga ng mga kababaihan. Ang mga kababaihan ay hindi kinakailangang tustusan ang kanilang mga sarili sa isang Islamikong

    lipunan. Kapag ang isang babae ay walang asawa, ang kanyang ama ang may tungkulin para sa kanya at kapag ang kanyang ama ay walang

    kakayahan o patay na, ang kanyang mga kapatid, mga tiyuhin, mga

  • BTEC Batha Training & Education Center

    5

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    pamangkin o ang anak na lalaki ang nagkakaroon ng tungkulin. Ang

    Islamikong pagbabahaginan ng mana ay isinasaalang-alang ang mga pangangailangang panlipunan ng mga lalake at babae sa pamamaraan na

    positibong nagdaragdag sa kaunlaran ng isang maayos na lipunan. Sa mga sistemang Kanluran, ang ama ay maaaring mag-iwan ng kanyang

    kayamanan sa isang anak na babae o ang pamahalaan ang magbabahagi ng kanyang kayamanan sa batayan na hating-kapatid (50/50) sa pagitan

    ng babae at lalaking tagapagmana, na siyang nagpapagulo sa likas na katiwasayan ng isang lipunan. Ang ganitong paraan ng pagbabahaginan

    ay nagbabanta sa mga likas na simbuyo ng mga papel ng mga kalalakihan at kababaihan na siyang nagdudulot ng pagkagulo ng lipunan.

    Pagpapaikot ng kayamanan

    Ang pagtitipon ng kayaman sa isang maunlad na maliit na bahagi ng

    lipunan ay iniiwasan din sa Islamikong pamamaraan ng pagbabahaginan. Ang mayayaman, bilang batas, ay nangyayaring nag-aasawa lamang ng

    mula sa kanilang uri at karamihan sa mga hindi Islamikong mga sistema ng pagmamana, ang pinakamalaking bahagi ng mamanahin ay kalimitang

    napupunta sa panganay na anak na lalaki. Magkagayon ang ganitong mga sistema ay pinananatili ang kayaman ng lipunan sa mga kamay ng maliit

    na grupo sa bawat lumilipas na henerasyon. Ang ganitong uri ng pamamaraan ay itinataguyod ang pagkakaiba sa uri ng mga tao at

    pinalalawak ang puwang sa pagitan ng mayaman at mahirap. Ito ay nagbibigay ng isang batayan para sa di pagkakaunawaan ng mga uri sa

    lipunan na nauuwi sa di-pagkakaunawaan. Subalit sa isang Islamikong sistema, ang mga kayamanan ay kusang naibabahagi sa lahat ng mga

    anak na lalake at babae ng yumao, kasama na rin ang ibang mga miyembro ng pamilya, maging anupaman ang kanilang edad o katayuan,

    iniiwasan ang mainitang takbo ng pagkakawatak-watak ng uri ng mga

    tao.

    Ang pagpipigil sa kawalan ng kasiyahan

    Sa katotohanan na ang mga batas Islamiko ng pagmamana ay inilaan ng

    Allah, ang Pinakamakatarungan, at hindi ng mga tao, ay tinutulungan ang mga magmamana na masiyahan sa kung ano ang itinalaga sa kanila. At

    dahil sa batid ng mga tagapagmana na ang mga batas na ito ay hindi gawa ng tao, na kumikiling sa mga iba, sila ay mas handa na tanggapin

    ang mga itinakda ng Allah. Ang banal na mga batas ay isinasaalang-alang ang lahat ng mga pangangailangan ng lahat ng uri ng tao. Marami sa mga

    pangangailangang ito ay hindi mawari ng siyensiya, kahit na sila pa ay napakalapit ang pagkakaugnay sa ating pinagmulan. Tanging ang

    Tagapaglikha lamang ng masalimuot na nilikhang ito, ang mga tao, na

  • BTEC Batha Training & Education Center

    6

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    siyang nakababatid kung ano ang higit na mahusay sa mga

    pangangailangan ng mga tao, maging anupaman ang panahon o lugar. Sa hindi Islamikong sistema, ang pagbabahaginan ng mga mana ay batay

    lamang sa mga kapakahulugan ng mga batas na gawa ng tao o di kaya ang pagbabaligtad ng mga batas sa korte upang mapagbigyan lamang

    ang kapakanan ng ilang grupo. Kapag minsan ang kawalang-kasiyahan ay nauuwi sa pagsusumite ng panibagong mga batas upang makatiyak ng

    mga bagong karapatan para sa kanilang mga sarili, subalit sa proseso nito ay kaakibat ang pang-aabuso at pang-aapi sa iba. Ito ay nauuwi sa

    walang katapusang mga pagtatalo at pagbabago na siyang nagdudulot sa lipunan ng isang paulit-ulit na kaguluhan.

    Mga karapatan sa ari-arian para sa mga kababaihan

    Ang Islam ay nagtaguyod ng karapatan ng kababaihan upang magmana

    at mag-angkin ng ari-arian labing-apat na daang taon na ang nakalilipas. Sa panahong yaon, ang kababaihan sa ibang mga lipunan ay itinuturing

    na pag-aari ng kanilang mga asawa na kahalintulad ng mga bahay, hayop at iba pang mga ari-arian na kanilang taglay. Sa panimula lamang ng ika-

    20 siglo na ang mga kababaihan ng Amerika, Inglatera, at iba pang mga bansa sa Kanluran nagkaroon ng karapatan na mag-angkin ng mga ari-

    arian. Bago pa mangyari ito, ang mga kababaihan ay hindi maaaring kumatawan sa kanyang sarili sa anumang ugnayan ng pananalapi at ang

    kanyang mga kayamanan ay kalimitang nagiging bahagi ng kayamanan ng kanyang asawa kapag sila ikinasal. Halimbawa, maaring sabihin na

    ang mga batas ng pagmamana sa Islam ay nagkakaloob at patuloy na nagkakaloob ng isang matibay na batayan sa pagtataguyod ng

    karapatang kababaihan na mag-angkin ng mga kayamanan na malaya mula sa mga kalalakihan.

    Pag-iwas ng mga pag-aantala

    Ang mga batas ng pagmamana sa Islam ay nagkakaroon kaagad ng bisa

    sa pagkamatay ng isang tao, maging siya man ay nakapag-iwan ng habilin o hindi. Sa ganitong pamamaraan, ang lipunang Islamiko ay

    iniiwasan ang mga di-kinakailangang mga pag-aantala sa pagbabahaginan ng mana, gayundin sa idudulot nitong pagkalito at

    pagtatalo sa pagitan ng mga tagapagmana. Dahil sa ang mga hindi Islamikong lipunan ay umaasa lamang sa mga pinirmahan at sinaksihang

    mga habilin upang ang pagbabahaginan ay maganap, ang mga kayamanan ay kalimitan nabibimbin ng maraming taon habang ang ibat

    ibang mga habilin at paghahabol ay inaapila.

  • BTEC Batha Training & Education Center

    7

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Aralin 2

    Mga kondisyon ng mana

    Upang ang tagapagmana ay maging karapat-dapat na magmana, ang mga sumusunod na kondisyon ay kinakailangang makamit:

    1. Bago mangyari ang pagbabahaginan ng mana, ang kamatayan ng

    gumawa ng habilin, maging ito ay sa tunay o sa inaasahan, ay kinakailangang itatag. Ang tunay na kamatayan ay nangangahulugan na

    ang isang tao ay pinanindigang clinically dead. Sa mga pagkakataon na kung saan ang korte ay nagpahayag na ang isang tao ay namatay dahil

    sa kanyang pagkawala sa haba ng panahon, ang kanyang kamatayan ay

    tinuturing na kamatayan sa pamamagitan ng pagtatakda. Sinuman ang lumisan sa Islam ay tinutukoy rin bilang isang patay sa pamamagitan ng

    pagtatakda sapagkat ang kanyang pagbalikwas ay nagpapawalang-karapatan sa kanya mula sa mga ari-arian sa isang pamahalaan ng mga

    Muslim. Ang pagkakalaglag ng isang sanggol pagkatapos ng ikaapat na buwan ng pagbubuntis ay ipinapalagay na ang bata ay buhay sa

    sinapupunan ng kanyang ina bago mangyari ang pagkakalaglag at ang kamatayan nito ay tinuturing na isang kamatayang inasahan. Ang

    katapusan ng ikaapat na buwan ay kung saan ang buhay ng tao ay nagsisimula, batay sa hadith ni Ibn Masud na kung saan ay isinalaysay

    ng Propeta:

    Katotohanan ang pagkakalikha ng bawat isa sa inyo ay magkakapareho na dinalas sa sinapupunan ng kanyang ina sa loob

    ng apatnapung mga araw bilang isang patak na animoy langis,

    pagkatapos ay bilang isang animoy linta na namumuong dugo sa magkahalintulad na panahon, pagkatapos ay bilang isang kumpol

    ng laman sa magkahalintulad na panahon. Pagkaraan ay isang anghel ang ipadadala upang ihipan ang kaluluwa nito sa kanya. Bukhari at Muslim 2. Upang ang isang tao ay maging karapat-dapat na magmana,

    kailangan na siya ay buhay pagkamatay ng kanyang pagmamanahan,

    kahit na ito ay panandalian lamang. Halimbawa, kapag ang amat anak ay namatay na magkasama sa sakuna, kinakailangan na maipakita ng higit

    pa sa pag-aalinlangan na ang anak na lalaki ay namatay matapos mamatay ang kanyang ama upang ang mga tagapagmana ng anak (ang

    mga apo) ay maging karapat-dapat na tagapagmana mula sa kanyang ama (ang kanilang lolo). Ang buhay ng tagapagmana ay ipinapalagay sa

    pagkakataon na siya ay itinuturing na apat na buwan pa lamang sa

  • BTEC Batha Training & Education Center

    8

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    sinapupunan sa panahon na ang kanyang ama ay namatay, kahit pa na

    ang tagapagmana ay ipinanganak na patay.

    Mga sanhi ng pagkakaroon ng karapatan Upang ang tagapagmana ay magkaroon ng karapatan na magmana ng

    bahagi o ng kabuuan ng kayamanan ng namatay, isa sa mga sumusunod na mga sanhi ay kinakailangang nasa kanya:

    1. Nikah (Kasal)

    Ang kaparehang legal ay may karapatan na magmana kapag ang alinman sa mga sumusunod na kondisyon ay tinataglay:

    1.a. Kung siya ay mayroong kapani-paniwalang kasal sa kamatayan ng kanyang asawa (kapag ang kasal ay hindi isang uri ng ipinagbabawal).

    1.b. Kung ang babae ay nasa iddah (paghihintay) ng isang talaq raji

    (baligtarang diborsiyo, na kung saan ang lalaki ay maaaring makapamili na makuhang muli ang kanyang asawa o pakasalan siyang muli), sa

    panahon ng kanyang kamatayan o kaya naman ay sa kamatayan ng kanyang kapareha.

    1.k. Kung ang kanyang kapareha o kapareho ay namatay bago ang

    kaganapan ng kanilang kasal.

    2. Qarabah (pagka-kamag-anak)

    Ang tagapagmana ay kinakailangang isa sa mga sumusunod na tatlong kaurian ng Qarabah - pagka-kamag-anak, upang maging karapat-dapat

    na makibahagi sa mana:

    2.a. Usul: Mga magulang ng namatay at ang kanilang mga magulang

    2.b. Furu: Mga anak ng namatay at ang kanilang mga anak

    2.c. Hawashi: Mga kapatid ng namatay, maging sa ama, ina o anak ng asawa ng kanyang tatay o nanay, at ang mga pamangking lalaki, tiyuhin

    sa tatay ng namatay at ang kanilang mga anak na lalaki (mga pinsang lalaki ng namatay).

  • BTEC Batha Training & Education Center

    9

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    3. Dhawil-arham (mga hindi nakasamang kamag-anak)

    Kung walang nabubuhay na kamag-anak na tagapagmana o kaya naman

    ay mayroon pang ibang mamanahin na natitira matapos ang pagbabahagi ng mga nakatalagang mga bahagi, ang natitira ay ibibigay sa

    pinakamalapit na mga lalaking hindi tagpagmana, halimbawa, ang tiyuhin sa nanay ng namatay. Kung walang nabubuhay, ito naman ay ibinibigay

    sa mga babaeng hindi tagapagmana, halimbawa, mga pamangking babae ng namatay, ang anak na lalaki ng anak na babae ng namatay o kaya

    naman ay ang anak na lalaki ng kapatid na babae ng namatay.

    4. Bayt al-Mal (Islamikong ingat-yaman)

    Kung walang mga kamag-anak na nabubuhay, malapit o malayo, o kaya

    naman ay may iba pang mga mana na natitira matapos ang bahaginan,

    ang natitira ay kinakailangang isalin sa Bayt al-Mal ang Islamikong ingat-yaman. Ito ay batay sa hadith ng Propeta, na kung saan ay

    kanyang sinabi:

    Ako ang tagapagmana ng sinuman na walang tagapagmana; babayaran ko ang kanyang mga pagkakautang at magmamana

    ako mula sa kanya. Abu Dawud at Muslim

    Mga sanhi ng pagkawala ng karapatan

    Mayroong mga sanhi na kapag ito ay tinataglay ay nagpapawala ng

    karapatan ng isang tagapagmana na magmana mula sa namatay. Ang lahat ng mga sanhi ng pagkawala ng karapatan na ito ay kinakailangang

    wala bago maganap ang pagbabahaginan ng mana.

    1. Qatl (sadyang pagpatay)

    Ang isang mamamatay-tao ay hindi magmamana mula sa kanyang pinatay. Ang batas na ito ay batay mula sa pangungusap ng Propeta:

    Ang mamamatay-tao ay walang mamanahin. Abu Dawud

    2. Ikhtilaf al-Adyan (pagkakaiba ng Relihiyon)

    Kapag ang namatay ay iba ang relihiyon mula sa kanyang tagapagmana, ang tagapagmana ay hindi pinahihintulutang kumuha mula sa mana. Ang

  • BTEC Batha Training & Education Center

    10

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    batas na ito ay batay sa hadith ng Propeta na kung saan ay kanyang

    sinabi:

    Ang isang Muslim ay hindi maaaring magmana mula sa kafir, ni ang kafir ay magmana mula sa isang Muslim. Bukhari, Muslim at Abu Dawud

    Ito ay ang, kapag ang isang Muslim ay namatay na iniwanan ang mga

    malapit na kamag-anak na siyang magmamana mula sa kanya (tatay,

    nanay, kapatid na lalaki, kapatid na babae, anak na lalaki, anak na babae at patuloy pa...), subalit mga hindi mga Muslim, ang Islamikong

    pamahalaan ay hindi ibibigay ang kanilang mga bahagi sang-ayon sa mga Islamikong batas ng mana. Gayunpaman, kapag ang pamana o habilin

    (wasiyyah) ay ginawa, magkagayon ang mga kamag-anak na hindi Muslim ay magkakaroon ng karapatan na makatanggap ng nasasaad na

    bahagi habang ito ay hindi lumalagpas sa isang-katlo (1/3) ng kayamanan na naiwan ng namatay.

    3. Talaq bain (diborsiyong di mababawi)

    Kapag ang babae at lalaki ay nag-diborsiyo na di mababawi (ang diborsiyo na kung saan ang lalaki ay di na muling makukuha ang asawa),

    wala sa kanila ang makakapagmana mula sa isa.

    Mayroong tatlong mga karapatan na may kaugnayan sa kayamanan ng namatay na kinakailangang ibawas mula sa kabuuan ng mana bago ang

    pagbibilangan ng mga bahagi ng mga tagapagmana sa mana ay umpisahan.

    1. Panustos sa pagpapalibing: Ang bahagi ng mana ay dapat na itabi

    upang mapunan ang mga gastusin para sa paghahanda at paglilibing sa namatay.

    2. Mga pagkakautang: Mga paninda, ari-arian o salapi na inutang ng

    namatay sa panahon ng kanyang pagkamatay ay kinakailangang ibalik bago ang anumang pagbabahaginan ng mana. Ang mga pagsasauli o

    pagkakautang na kinakailangang bayaran ng namatay sanhi ng

    pagkakasira o sakuna ay kinakailangang bayaran ng lubos bago ang pagbabahaginan ng mana, kahit na ang kanilang pagbabayad ay ang

    kabuuan ng mana.

    3. Pamana (Wasiyyah): Ang namatay ay pinahihintulutan na mamigay ng isang-katlo (1/3) ng kanyang kayamanan sa iba maliban sa kanyang

    mga likas na tagapagmana sa isang isinulat na huling habilin na tinatawag

  • BTEC Batha Training & Education Center

    11

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    na wasiyyah. Bago dumating ang mga talata ng kapahayagan tungkol sa

    mana, ang pagpapamana ay ang tanging pamamaraan ng mana at ito ay kinakailangan gawin sa mga malalapit na miyembro ng pamilya. Subalit,

    nang dumating ang mga talata ng Quran na nagpapaliwanag ng pagbabahagi ng mana, ang Propeta ay nagsabi:

    Ang lahat ng may mga karapatan ay naipagkaloob na sa kanila,

    kayat wala na ang pagpapamana para sa kanyang mga tagapagmana. Abu Dawud at Bukhari

    Higit pa sa isang-ikatlo (1/3) ng mana ang maaaring ipamigay na

    mayroong pahintulot ang mga tagpagmana. Ang mga makatatanggap ng wasiyyah ay maaaring mga kamag-anak o hindi kamag-anak, mga Muslim

    o hindi.

    Ang pagbabayad ng pagkakautang ay binibigyan ng pagkauna kaysa sa

    mga pagpapamana sapagkat ang pagbabayad ng pagkakautang ay obligado samantala ang pagpapamana ay iminumungkahing gawa

    lamang. Hindi magdarasal ng Janazah ang Propeta sa mga namatay na may pagkakautang at walang paraan na mabayaran

    niya ito.1 Ipinabatid din niya sa atin na ang lahat ng mga kasalanan ng isang martir na namatay sa landas ng Allah ay mapapatawad maliban sa

    kanyang mga pagkakautang.2

    Kaalaman ng mga miyembro ng pamilya na may karapatang

    magmana

    Kinakailangan na ang isang tao ay mayroong ganap na kaalaman sa mga batas ng mana upang makita niya ang pinagkaiba sa pagitan ng mga

    miyembro ng pamilya na hindi angkop magmana at doon sa mga

    magmamana. Kung hindi man, ang pagbabahaginan ng mana ay hindi maayos na magagawa. Ang mga miyembro ng pamilya na karapat-dapat

    magmana ay ang mga sumusunod:

    1. Mga lalaking tagapagmana: mga anak, apo, ama, lolo sa ama, mga kapatid, mga pamangkin, tiyuhin, pinsang lalaki at asawa.

    2. Mga babaeng tagapagmana: mga anak, mga apo, ina, mga lola,

    kapatid at mga asawa.

    1 Muslim, Vol. 3, hadith bilang 3944

    2 Muslim, Vol. 3, hadith bilang 464

  • BTEC Batha Training & Education Center

    12

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Aralin 3

    Mga uri mana

    Sa mga batas ng mana sa Islam ay mayroon lamang dalawang

    pamamaraan na kung saan ang mana ay maaaring bilangin at ibahagi sa mga tagapagmana. Ang dalawang pamamaraan ng pagbibilang na ito ay

    tinutukoy bilang fard o obligadong mana at tasib na mana.

    Ang obligadong mana ay binibilang sang-ayon sa mga nakatalaga at mahigpit na ipinaliwanag na mga bahagi. Ang karamihan sa mga

    tagapagmana na magmamana sa ganitong paraan ay ang mga kababaihang kamag-anak. Sang-ayon sa batas ito ang unang bahagi ng

    mana na kinakailangang ipamahagi. Ang prinsipyo ay batay sa hadith na iniulat ni ibn Abbas na kung saan ang Propeta ay naiulat na nagsabi,

    Ibigay ang mga fard na bahagi ng mana sa mga nagmamay-ari at

    ibigay ang natitirang mga mana sa mga kalalakihang may karapatan. Bukhari, Muslim at Abu Dawud

    Ang mga pangunahing bahagi ng fard ay binubuo ng anim: kalahati (1/2), isang-kapat (1/4), isang-kawalo (1/8), dalawang-katlo (2/3), isang-katlo

    (1/3), at isang-kanim (1/6). Ang bahagi ng mga tagapagmana na magmamana sang-ayon sa pamamaraang fard ay nagpapalit mula sa

    isang bahagi papunta sa iba batay sa mga magmamana na kasama nila. Halimbawa, ang anak na babae ng namatay ay dapat makatanggap ng

    kalahati (1/2) ng mana kung wala siyang nabubuhay na kapatid na lalaki o babae. Kung mayroon siyang kapatid na babae o mga babae,

    paghahatian nila ang dalawang-katlo (2/3) ng mana.

    Ang tasib na pamamaraan ay ang pagtanggap ng natira sa mana matapos maibahagi ang mga fard na bahagi o ang pagtanggap ng lahat

    ng mga mana kung walang tagapagmana ng mga bahaging fard ang nabubuhay. 1 Ang karamihan sa mga tagapagmana na nagmana sa

    pamamagitan ng ganitong paraan ay mga kalalakihan. Sa mga

    pangyayari kung saan ang lalaki at babaeng mga tagapagmana ay magkakasamang nagmana sang-ayon sa tasib, ang mga kalalakihan ay

    makatatanggap ng dalawang ulit ng bahagi ng para sa kababaihan, sang-ayon sa pangungusap ng Allah:

    1 Halimbawa, kung ang mga tagapagmana ay binubuo ng ina, dalawang anak na babae at isang apo na lalaki, ang nanay sa pamamagitan ng fard ay makatatanggap ng isang-kanim (1/6), ang dalawang anak na babae sa

    pamamagitan ng fard ay dalawang-katlo (2/3), at ang apo na lalaki ay makatatanggap ng natira sa pamamagitan

    ng tasib, na sa pagkakataong ito ay isang-kanim (1/6).

  • BTEC Batha Training & Education Center

    13

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Ipinag-utos sa inyo ng Allah ang tungkol samana ng inyong mga anak, ang lalaki ay nararapat na tumanggap ng isang bahagi na

    katumbas ng sa dalawang babae... Surah al-Nisa 4:11

    Halimbawa, kung mayroong isang lalaki at tatlong mga babae na mga anak na maghahati sa mana sa pamamagitan ng tasib, ang lalaki ay

    tatanggap ng dalawang-kalima (2/5) nito, samantala ang bawat isang anak na babae ay makatatanggap ng isang-kalima (1/5).

    Ang mana ng mga Furu, Usul at mga asawa

    Furu

    1. Ang anak na lalaki

    Ang anak na lalaki ng namatay ay magmamana sa pamamagitan ng pamamaraan ng tasib at hindi sa pamamaraan ng fard. Ang mga

    sumusunod ay ang mga pangkaraniwang pangyayari ng pagmamana at

    ang mga katumbas na bahagi.

    1.a. Kung siya lamang ang tanging nabubuhay na tagapagmana, mamanahin niya ang lahat ng mga mana.

    1.b. Kung wala siyang nabubuhay na kapatid na babae, subalit

    mayroong mga kamag-anak na tagapagmana, mamanahin niya ang natitira sa mana matapos na maibahagi ang mga fard na bahagi.

    1.k. Kung mayroon siyang kapatid na babae (o mga babae), mamanahin

    niya ang natitira sa mana na kasama siya o sila (mga kapatid na babae) sa proporsiyon na 2:1 matapos na maibahagi ang mga fard na bahagi.

    1.d. Kung mayroong higit sa isang anak na lalaking tagapagmana, sila ay

    maghahati ng mga bahagi ng isang anak na lalaki na magkakatumbas na

    kahalintulad ng mga pagkakataong nabanggit.

    1.e. Kung ang mga anak na lalaki ay nabubuhay, ang mga apo ay hindi makakukuha ng mana.

    1.g. Kung walang nabubuhay na anak na lalaki, ang mga apo ay

    magmamana sa pamamagitan ng tasib sa parehong pamamaraan kung papaano ang mga anak na lalaki ay magmamana. Sila ay maghahati ng

  • BTEC Batha Training & Education Center

    14

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    mana sa mga apo na babae sa pamamaraan na ang mga anak na lalaki

    ay maghahati kasama ng mga anak na babae (2:1), maliban na sila ay hindi nabago ang bahagi dahil sa anak na babae o grupo ng mga babae

    na nagmana sa pamamaraan ng fard.

    2. Ang anak na babae

    Ang anak na babae ay magmamana sa parehong pamamaraan ng fard at

    tasib sa mga sumusunod pagkakataon:

    2.a. Kung siya lamang ang tanging nabubuhay na tagapagmana, siya ay magmamana ng kalahati (1/2) ng kabuuan ng mana sa pamamaraan ng

    fard.

    2.b. Kung walang nabubuhay na anak na lalaki, siya ay makatatanggap

    ng parehong bahagi na kalahati (1/2) ng kabuuan ng mana sa pamamaraan ng fard.

    2.k. Kung mayroong higit sa isang anak na babae at walang mga anak na

    lalaki ang nabubuhay, silay ay magkatumbas na maghahati ng dalawang-katlo (2/3) ng kabuuan ng mana sa pamamaraan ng fard.

    2.d. Kung mayroon lamang isang anak na babae at apong babae (o mga

    babae), ang anak ay makatatanggap ng kalahati (1/2) ng mana at ang apo ay makatatanggap ng isang-kanim (1/6) upang mabuo ang fard na

    bahagi na dalawang-katlo (2/3) na itinabi para sa mga anak na babae.

    2.e. Kung mayroong dalawa o higit pang mga anak na babae ang nabubuhay, ang mga apong babae ay walang pagkakataon na magmana

    ng alinman.

    2.g. Kung mayroong mga anak na lalake na nabubuhay, ang anak na

    babae (mga babae) ay maghahati sa natitira ng mana na kasama ang kanilang mga kapatid na lalaki sa proporsiyon na 2:1 sa pamamagitan ng

    tasib matapos na maibahagi ang ibang mga fard na bahagi.

    Usul

    1. Ang ama

    Ang ama ay magmamana sa pamamagitan ng pamamaraan ng fard at

    tasib sa mga sumusunod na pagkakataon:

  • BTEC Batha Training & Education Center

    15

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    1.a. Kung ang anak na lalaki o mga apo na lalaki ay nabubuhay, ang ama

    ay magmamana ng isang-kanim (1/6) ng mana sa pamamagitan ng pamamaraan ng fard na paghahati.

    1.b. Kung ang anak na babae o ang anak na babae ng anak na lalaki ay

    nabubuhay, ang ama ay magmamana ng isang-kanim (1/6) ng mana sa pamamagitan ng pamamaraan ng fard na paghahati, karagdagan pa ang

    natitira sa pamamagitan ng tasib, kung mayroon mang natitira matapos na maipamigay ang ibang mga bahagi ng fard.

    1.k. Kung walang anak na babae o lalaki, apong lalaki o babae ay

    nabubuhay, ang ama ay magmamana ng natitira sa mana sa pamamagitan ng tasib matapos na maibahagi ang fard na bahagi.

    1.d. Kung ang tatay ang tanging nabubuhay na tagapagmana,

    mamanahin niya ang lahat ng mana sa pamamagitan ng tasib.

    2. Ang ina

    Ang ina ay magmamana lamang sa pamamagitan ng pamamaraan na fard sang-ayon sa mga sumusunod na pagkakataon.

    2.a. Kung walang tagapagmana na anak na lalaki (o mga) o apong lalaki

    (o mga), o anak na babae (o mga) o apong babae (o mga), o mga kapatid na lalake o babae, ang ina ay magmamana ng isang-katlo (1/3)

    ng kabuuan ng mana.

    2.b. Kung mayroong anak na lalaki (o mga) o apong lalaki (o mga), o anak na babae (o mga) o apong babae (o mga), o mga kapatid na lalake

    o babae, ang ina ay magmamana ng isang-kanim (1/6) ng kabuuan ng

    mana.

    Mga Asawa

    1. Ang asawang lalaki

    Ang asawang lalaki ay magmamana sa pamamagitan ng fard sa sumusunod na dalawang pamamaraan:

    1.a. Kung walang anak na lalaki o babae, apong lalaki o babae na

    nabubuhay, mamanahin niya ang kalahati (1/2) ng kayamanan ng namatay na asawa.

  • BTEC Batha Training & Education Center

    16

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    1.b. Kung mayroon mang anak na lalake o babae, apong lalaki o babae,

    mamanahin niya ang isang-kapat (1/4) ng kayamanan ng namatay na asawa.

    2. Ang asawang babae (o mga)

    Ang asawang babae ay magmamana sa pamamagitan ng fard sa sumusunod na tatlong mga pagkakataon:

    2.a. Kung walang mga anak o mga apo, mamanahin niya ang isang-

    kapat (1/4) ng kayamanan ng namatay na asawa.

    2.b. Kung mayroong mga anak o mga apo, mamanahin niya ang isang-kawalo (1/8) ng kayamanan ng namatay na asawa.

    2.k. Kung mayroong higit sa isang biyuda, ang bawat isa ay maghahati sa isang-kapat (1/4) o isang-kawalo (1/8) sang-ayon sa mga nabanggit

    na kondisyon.

  • BTEC Batha Training & Education Center

    17

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Halimbawa ng mga suliranin at ang mga kasagutan

    Aralin 4

    Dapat nating tandaan na ang mga suliranin ng mana, tagapagmana at

    ang kanilang mga bahagi ay matutugunan sang-ayon sa kanilang kaugnayan sa namatay.

    Suliranin 1: Ang ama ng isang batang lalaki ay napatay, naiwan lamang

    ang batang lalaki at ang kanyang kapatid na babae mula sa mga

    nabubuhay na kamag-anak ng ama. Naiwanan din niya ang ari-arian na

    nagkakahalaga ng 600,000 piso. Magkano ang dapat na matanggap ng

    batang lalaki at ng kanyang kapatid na babae?

    Sagot:

    Halaga ng mana: 600,000 piso

    1. Hatiin ang 600,000 piso sa dalawang tao na may kaparti na 2:1.

    2. Kabuuang bilang ng mga bahagi: 2+1=3(2 bahagi para sa anak na

    lalaki, 1 bahagi para sa anak na babae).

    3. Halaga ng bawat bahagi: 600,000 hatiin sa tatlo = 200,000 piso

    4. Ang anak na lalaki ay tatanggap ng 2 X 200,000 = 400,000 piso

    5. Ang anak na babae ay tatanggap ng 1 x 200,000 = 200,000 piso

  • BTEC Batha Training & Education Center

    18

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Suliranin 2:

    Isang babae ang namatay sa sakuna at naiwanan ang kanyang asawa,

    tatlong mga anak na babae at isang anak na lalaki. Kung ang kanyang

    mga alahas na naiwanan ay nagkakahalaga ng 200,000 piso, magkano

    ang dapat na matanggap ng bawat tagapagmana?

    Sagot:

    Halaga ng mana: 200,000 piso

    1. Ang asawang lalaki ay magmamana ng sa pamamagitan ng fard

    sa halip na dahil sa pagkakaroon ng anak na naiwan.

    Makakukuha siya ng ng 200,000; X 200,000 = 50,000 piso.

    Natitirang halaga ng mana: 150,000 piso

    2. Ang natitirang mana ay hahatiin sa 5 bahagi sa kaparti na 2:1:1:1

    (2 bahagi para sa anak na lalaki at 1 bahagi sa bawat anak na

    babae)

    3. Halaga ng bawat bahagi: 150,000 hatiin sa 5 = 30,000 piso

    4. Ang anak na lalaki ay tatanggap ng 2 X 30,000 = 60,000 piso

    5. Ang bawat anak na babae ay tatanggap ng 30,000 piso sa

    pamamagitan ng tasib.

  • BTEC Batha Training & Education Center

    19

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Aralin 5

    Suliranin 3:

    Ang anak na lalaki ng isang ina ay nalunod, naiwanan sa kanya ang 2

    anak na babae, ang apo mula sa isa sa mga anak na babae at ang kapatid

    na babae ng ina kasama ng mga nabubuhay na mga kamag-anak. Kung

    siya ay nag-iwan ng habilin ng isang-kanim (1/6) para sa kapatid na

    babae ng ina at dalawang mga bahay na nagkakahalaga ng 1.8 milyong

    piso bawat isa, magkano ang dapat na matanggap ng mga

    tagapagmana?

    Sagot:

    Halaga ng mana: 2 X 1,800,000 = 3.6 milyong piso

    1. Ang bahagi ng tiyahin sa pamamagitan ng wasiyyah ay

    kinakailangang ibigay ng una, pagkatapos ay hatiin ang natitirang

    mana sang-ayon sa pamamaraan ng fard at tasib. Ang tiyahin ay

    tatanggap ng 1/6 ng 3.6 milyong piso; 1/6 X 3,600,000 = 600,000

    piso.

    Natitirang halaga ng mana: 3 milyon

    2. Ang ina ay makatatanggap ng 1/6 sa pamamagitan ng fard sa halip

    na 1/3 dahil sa pagkakaroon ng mga anak na babae at apong lalaki

    na tagapagmana. 1/6 X 3,000,000 = 500,000 piso.

    3. Ang dalawang anak na babae ay tatanggap ng 2/3 sa pamamagitan

    ng fard (na kanilang paghahatian) sapagkat sila ay higit sa isa at

    walang anak na lalaki na makahahati nila sa pamamagitan ng

    tasib. 2/3 X 3,000,000 = 2,000,000 piso; ang bawat isang anak

    na babae ay tatanggap ng 1,000,000 piso.

    4. Ang apo ay hindi kasing-uri ng ng mga anak na babae,

    magkagayon hindi siya makikibahagi sa kanila sa pamamagitan ng

    tasib. Tatanggapin niya ang natitira sa mana (500,000 piso) sa

    pamamagitan ng tasib.

  • BTEC Batha Training & Education Center

    20

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Suliranin 4:

    Ang anak na babae ng isang babae ay namatay sa pagbagsak ng eroplano

    na kasama ang apo sa kanyang anak na babae. Ang kapatid na lalaki ng

    babae ay namatay din. Naulila ng anak na babae ang kanyang ina,

    kanyang asawa, kanyang anak na babae at anak na lalaki ng kanyang

    anak na lalaki. Kung ang namatay na babae ay ang nag-iisang anak at

    ang kanyang ama ay namatay isang taon na ang nakalilipas na nakapag-

    iwan ng mamanahin na 1.92 milyong piso, magkano ang dapat na

    makuha ng bawat tagapagmana?

    Sagot:

    Halaga ng mana: 960,000 piso (tignan ang # 1 sa baba)

    1. Kung ang namatay na babae ay nag-iisang anak, ang kanyang

    mana sa namatay na ama ay X 1,920,000 = 960,000 piso.

    2. Ang kanyang ina ay magmamana sa kanya ng 1/6 sa pamamagitan

    ng fard sa halip na 1/3 dahil sa pagkakaroon ng babaeng namatay

    na isang anak na babae at isang apo na lalaki. 1/6 X 960,000 =

    160,000 piso.

    3. Ang asawa ng babaeng namatay ay makatatanggap ng sa

    pamamagitan ng fard sa halip na dahil sa pagkakaroon ng isang

    anak na babae at isang apo na lalaki. X 960,000 = 240,000

    piso.

    4. Ang kanyang anak na babae ay tatanggap ng sa pamamagitan

    ng fard sapagkat walang anak na lalaki na makahahati niya sa

    pamamagitan ng tasib. X 960,000 = 480,000 piso.

    5. Ang natitirang 80,000 piso ay mapupunta sa kanyang apo na lalaki

    sa pamamagitan ng tasib

  • BTEC Batha Training & Education Center

    21

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Aralin 6

    Suliranin 5:

    Ang lolo ng isang babae ay namatay, naiwan siyang kasama ang kanyang

    lola, ang kanyang lolo sa tuhod at ang kapatid na babae ng kanyang ama.

    Kung ang lahat ng kanyang naiwanang kayamanan ay nagkakahalaga ng

    4.8 milyong piso, magkano ang dapat na matanggap ng bawat

    tagapagmana?

    Sagot:

    Dahil sa kaugnayan sa namatay, ang babae ay isang apo, ang kanyang

    lola ay asawa ng namatay, ang kanyang lolo sa tuhod ay ang ama ng

    namatay, at ang kapatid na babae ng kanyang ama ay anak ng namatay.

    Halaga ng mana: 4.8 milyong piso

    1. Ang asawa ay makatatanggap ng 1/8 sa pamamagitan ng fard sa

    halip na dahil sa pagkakaroon ng anak na babae at apong babae

    na nabubuhay. 1/8 X 4,800,000 = 600,000 piso.

    2. Ang anak na babae ay makatatanggap ng sa pamamagitan ng

    fard sapagkat walang anak lalaki na makahahati niya sa

    pamamagitan ng tasib. X 4,800,000 = 2,400,000 piso.

    3. Ang apo na babae ay makatatanggap ng 1/6 sa pamamagitan ng

    fard, na bumubuo sa fard na bahagi ng 2/3 itinabi para sa mga

    anak na babae. 1/6 X 4,800,000 = 800,000 piso.

    4. Ang ama ay magmamana ng 1/6 sa pamamagitan ng fard dahil sa

    pagkakaroon ng isang anak na babae o apong babae (1/6 X

    4,800,000 = 800,000 piso) at mamanahin pa niya ang natitirang

    200,000 piso sa pamamagitan ng tasib.

  • BTEC Batha Training & Education Center

    22

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Suliranin 6:

    Isang lalaki ang namatay at nakapag-iwan ng kayamanang

    nagkakahalaga ng 7.2 milyong piso para sa kanyang ina, ama, asawa,

    apat na anak na babae, dalawang anak na lalaki, dalawang apong mga

    babae at isang apong lalaki.

    Sagot:

    Halaga ng mana: 7.2 milyong piso

    1. Ang ina ay makatatanggap ng 1/6 sa pamamagitan ng fard dahil sa pagkakaroon ng mga anak na lalake o babae o mga apong

    babae at apong lalaki. 1/6 X 7,200,000 = 1,200,000 piso.

    2. Ang ama ay makatatanggap ng 1/6 sa pamamagitan ng fard dahil

    sa pagkakaroon ng mga anak na lalaki. 1/6 X 7,200,000 = 1,200,000 piso.

    3. Ang asawa ay makatatanggap ng 1/8 sa pamamagitan ng fard dahil sa pagkakaroon ng mga anak o apo. 1/8 X 7,200,000 =

    900,000 piso

    Natitirang halaga ng mana: 3.9 milyong piso

    4. Upang matuos ang mana ng dalawang anak na lalake at apat na

    babae, hatiin ang natitirang mana sa walong bahagi sa parti na 2:2:1:1:1:1 (dalawang bahagi sa bawat anak na lalake at 1

    bahagi naman sa bawat anak na babae). 3,900,000 hatiin sa 8 = 487,500 piso.

    5. Bawat isang anak na lalaki ay makatatanggap ng 2 X 487,500 = 975,000 piso sa pamamagitan ng tasib.

    6. Bawat isang anak na babae ay makatatanggap ng 487,500 sa pamamagitan ng tasib.

    7. Ang mga apo na babae ay walang matatanggap dahil sa pagkakaroon ng dalawa o higit pa na mga anak na babae.

    8. Ang mga apo na lalake ay walang matatanggap dahil sa pagkakaroon ng mga anak na lalake.

  • BTEC Batha Training & Education Center

    23

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Aralin 7

    Karunungang Pangkabuhayan na pang-Islamiko

    Bago natin tignan ang sistemang pangkabuhayan na iminumungkahi ng Islam at ang kasalukuyang mga sistemang pangkabuhayan sa ilalim na

    kung saan ang mundo sa ngayon ay gumagalaw, kinakailangan munang unawain ang kahulugan ng salitang karunungang pangkabuhayan. Kahit

    na ang orihinal na kahulugan ng salitang ekonomiya (pangkabuhayan) ay ang pamamalakad ng mga gawaing pantahanan, 1 ito ay napunta sa

    pagtukoy ng maalam na pamamalakad ng salapi, mga kagamitan, mga mapagkukunan at ang mga kahalintulad. Tumutukoy din ito sa mga

    praktikal na pamamalakad ng mga materyal na mapagkukunan ng bansa,

    komunidad o mga establesimyento. Samakatuwid, ang salitang karunungang pangkabuhayan ay tumutukoy sa agham na sakop ang

    produksiyon, distribusyon at kunsumo ng mga kalakal at serbisyo at ang mga pamamaraan na matustusan ang mga materyal na pangangailangan

    ng mga tao. Ang bahagi ng huling kahulugan na nauukol sa ating lahat dito ay: ang mga pamamaraan na kung saan ang mga materyal na

    pangangailangan ng tao ay natutustusan. Upang mapag-aralan ang mga pamamaraan sa kalaliman nito, kinakailangan na tingnan ang

    produksiyon, distribusyon at kunsumo ng kayamanan sa ilalim ng iminumungkahing sistema.

    Ang dalawang mga pangunahing sistemang pang-ekonomiya na nasa

    puwersa sa pangkasalukuyan, na tinatangkilik ng halos lahat ng mga bansa, ay ang kapitalistang sistema ng mga bansa, na pangkalahatang

    tinutukoy bilang ang Kanluran, at ang kumunista o soysalistang sistema

    ng Silangan. Sa sumusunod na bahagi, ang dalawang mga sistema na ito ay bibigyan natin ng maikling analisis.

    Kapitalismo

    Ang kapitalismo ay maaaring bigyan ng kahulugan bilang sistemang

    pangkabuhayan na kung saan ang pamamaraan ng produksiyon at distribusyon ay, sa halos pangkalahatang bahagi, mga pribadong pag-aari

    at pinatatakbo para sa pribadong kita. Ang pinakatanyag na mga katangian ng ganitong sistema ay ang mga sumusunod:

    1 Ang salitang ekonomiya ay nagmula sa salitang Latin na oeconomia na pinagyaman mula sa Griyegong

    oikonomiya. Ang anyo ng Griyego ay maaaring hatiin sa dalawang mga bahagi, oikos, na

    nangangahulugan ng tahanan, at nemein na pamamalakad.

  • BTEC Batha Training & Education Center

    24

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    a. Ang Karapatan sa Pribadong Ari-arian: Kinikilala ng pamahalaan

    ang karapatan ng bawat mamamayan na mag-ari ng legal, bumili o magbenta ng anumang ari-arian na kanyang nais na walang

    anumang paghihigpit; ang mag-ari ng legal na mga pamamaraan ng produksiyon at distribusyon at ang malayang pagpili ng uri ng

    hanap-buhay.

    b. Ang Karapatan sa Kalayaang pang-Ekonomiya at Malayang Kompetisyon: Ang lahat ng mga mamamayan ay malayang

    magtatag at magpatakbo ng anumang negosyo na kanilang nais at kumita ng labis na walang pakikialam ang pamahalaan, habang

    ang mga ito ay legal.1

    c. Ekonomiyang Pagka-di-pantay-pantay: Ang likas na kahahantungan ng mga naunang karapatan ay ang ibang mga

    mamamayan ay magtataglay ng higit na kayamanan kaysa iba

    dahil sa mga likas na pagkakaiba ng mga tao sa kanilang mga pisikal at mental na kakayahan.

    Ang mga kagalingan ng kapitalismo

    Ang mga pakinabang ng kapitalismo na nagmula sa mga nabanggit na katangian ay ang mga sumusunod:

    a. Ang hindi sinasaklawang karapatan na kumita at mag-ari ng mga kayamanan ay nagdudulot ng makapangyarihang pangganyak sa

    bawat isa na maghanap-buhay hanggang sa hangganan ng kanilang mga kakayahan, na siya namang mag-aakay sa

    pinakamataas na produksiyon ng lipunan.

    b. Ang malayang kompetisyon sa bawat isa ay nagpapanatili ng mga

    halaga ng mga kalakal sa mga makatuwirang halaga, mga kita at

    mga sahod ay katamtaman at ang dami at uri ng kalakal at serbisyo ay mataas. Ang kalayaang pang-ekonomiya, tinatawag

    na likas na batas ng karunungang pangkabuhayan, ay malaki rin ang naidudulot sa pag-angat ng produktibong kakayahan ng

    pamahalaan at ang pangkalahatang kayamanan nito.

    c. Ang ekonomiyang pagka-di-pantay-pantay ay nagdudulot ng mga

    pansariling pangganyak sa isang tao upang paghusayin ang kanyang katayuan sa lipunan at upang makipagpaligsahan sa iba

    upang manguna. Ang ganitong mga pagpupunyagi naman ay pinasisigla ang ekonomiyang pambansa, na pinananatili itong

    sapat na mataginting at mahalaga sa buhay upang matagumpay

    1 Economic Doctrines of Islam, Afzal ur-Rahman, vol. 1 p.1-2

  • BTEC Batha Training & Education Center

    25

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    na makipagpaligsahan sa ibang mga bansa sa pandaigdigang

    pamilihang pang-ekonomiya.

    Ang mga kasamaan ng kapitalismo

    Sa kabaligtaran, ang mga naunang nabanggit na mga katangian ng

    kapitalismo ay nagbubunga rin ng mga kasamaan na ikinapapahamak ng kalusugang pang-ekonomiya at ang pagsibol na panlipunan ng anumang

    lipunan. Ang mga pangunahing kasamaan ng kapitalismo ay maaaring buurin sa mga sumusunod:

    a. Ang hindi sinasaklawang karapatan ng isang tao na mag-ari ng sariling ari-arian ay nag-aakay sa konsentrasyon ng kapital na

    mapunta lamang sa ilang mga kamay. Samakatuwid, ang pantay na distribusyon ng kayamanan ay hindi makakamit.1 At habang ang

    konsentrasyon ay nadaragdan, ang puwang sa pagitan ng

    mayaman at mahirap ay higit na lumalawak.

    b. Sa malayang kompetisyon kapag ang kayamanan ay natipon

    lamang sa ilang mga kamay ay mag-aakay sa monopolisasyon at ang mas maliliit na mga sariling negosyo ay nabibili at ang

    naglalakihang multinasyonal na korporasyon ay nabubuo. Ito ay magdudulot sa pangmalawakang nakararami sa lipunan na

    humantong bilang mga pasahurin tagagamit na mayroong katiting o walang masabi tungkol sa dami, o uri ng mga kalakal na

    naipalabas at naipamahagi.

    c. Ang ekonomiyang pagka-di-pantay-pantay ay nagbubunga ng

    pagka-di-pantay-pantay sa lipunan, dahil sa ang kapital ang pinagkukunan ng mga karapatan, at ang mga nagtataglay ng mas

    maraming kapital ay nagkakaroon ng mas maraming mga karapatan sa edukasyon at sa mga ginhawa sa buhay. Ito ay nag-

    aagwat sa lipunan na magkaroon ng magkaibang mga uri: ang

    nakatataas na uri ng mga namamahala at ang nakabababang uri ng mga manggagawa. Ang puwang sa pagitan ng mayaman at

    mahirap ay higit na lumalawak hanggang sa ito ay hindi na nakagaganyak. Pagkabigo at pagkamuhi ang umaakay sa mga

    manggagawa na ipahamak ang produkto at gumawa sa mas mababang uri ng kanilang kakayahan.

    d. Mataas na halagang moral katulad ng pagkakapatiran, pagtutulungan, pagmamahal, kabutihan, katapatan at pagiging

    mapagbigay ay nawawalang lahat ng kanilang kagalingan at ang mga ito ay napapalitan ng mababang uri ng katangian katulad ng

    pagiging makasarili, poot, pagkainggit, pandaraya, atbp. Ito ang mga likas na kahahantungan kapag ang mga tao ay nagahahanap-

    1 Economic Doctrines of Islam, vol. 1 p. 3

  • BTEC Batha Training & Education Center

    26

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    buhay lamang para sa kanilang mga pansariling pangangailangan

    at walang hangarin o kapangyarihan ang makapaggagawa sa kanila na gumawa para sa mas dakilang kabutihan ng lipunan. Ang mga

    natipon na kayamanan sa isang sangay lamang ng lipunan ay magbubunga ng katiwalian.

    e. Ang hindi sinasaklawang kalayaang pang-ekonomiya ay nag-aakay din sa labis na produksiyon ng mga kalakal, na nagbubunga naman

    sa malakihang pag-aaksaya ng mga pambansang kayamanan. Ito rin ay nagtataguyod ng produksiyon at distribusyon ng mga

    nakapipinsalang mga produkto na pambansa katulad ng pornograpiya.

    Komunismo Ang komunismo ay maaaring bigyan ng malayang kahulugan bilang isang

    teoriya ng pagbabagong lipunan na binuo ni Karl Marx (1818-1883), na nagtuturo ng uliran na isang lipunang walang-uri ang mga tao. Habang

    pinaunlad sa pamamagitan ni Lenin (1870-1924) at iba pa, ito ay nagtaguyod ng mga batas ng proletariat (mga manggagawa), na kung

    saan ay mayroon isang pagmamay-ari na sentral sa halos lahat na produktibong ari-arian at ang pagbabahaginan ng mga produkto ng

    pinaghirapan. Sosyalismo, ang sistemang pang-ekonomiya ng

    komunismo, ay binigyang kahulugan bilang sama-samang pagmamay-ari na pampubliko o kontrol sa mga pangunahing pinagmulan ng

    produksiyon, distribusyon at pagpapalitan. Ang sinumpaang layunin ay upang patakbuhin para sa paggamit kaysa sa kikitain at ang siguruhin sa

    bawat kasapi ng lipunan ang isang patas na bahagi ng mga kalakal, serbisyo at kapakinabangan ng kapakanan. Ang pangunahing mga

    prinsipyo ng komunistang sistema na pang-ekonomiya ay ang mga sumusunod:

    a. Pagsasabansa ng Ari-arian: Lahat ng pamamaraan ng produksiyon at mga pinagkukunan ng kinita ay pag-aari at pinangangasiwaan

    ng pamahalaan, na hindi kumikilala sa karapatan ng bawat isa na mag-ari ng ari-arian.

    b. Ekonomiyang Pagkapantay-pantay: Ang karapatang pang-ekonomiya ng bawat tao sa pagkain, pananamit, tahanan,

    serbisyong medikal at transportasyon ay ginagarantiyahan na

    naaayon sa kanilang mga pangangailangan. Walang sinuman ang pinahihintulutang na magkaroon ng higit sa iba maliban na lamang

    sa pamamagitan ng katotohanan ng kanyang mga pangangailangan.

    c. Pinamamahalaan: Ang kalayaang pang-ekonomiya at ang malayang kompetisyon ay pinapalitan ng isang ekonomiya na

  • BTEC Batha Training & Education Center

    27

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    maingat na pinagplanuhan na kung saan ang bawat kasapi ng

    lipunan ay may kanya-kanyang papel na gagampanan, at ang kompetisyong pang-ekonomiya ay ganap na tinatanggal.

    Ang mga kagalingan ng ekonomiyang komunista

    Ang malilinaw na mga pakinabang na masasabing dulot mula sa sosyalistang sistema na pang-ekonomiya na naipaliwanag ay ang mga

    sumusunod:

    1. Ang mga kinita sa ibat ibang mga pamamaraan ng produksiyon at

    distribusyon, na kung saan ay inambagan ng buong lipunan, ay ginagamit para sa kapakinabangan ng lipunan at hindi lamang sa

    iilang mga tao. Ang lipunan ay nagiging malaya sa nakasasamang dulot ng paglalaban ng mga uri sa pagitan ng mga may-kaya at

    ng mga maralita. Walang puwang ang maaaring mamagitan sa

    sa mga mayayaman at mga mahihirap sapagkat ang pambansang yaman ay hindi maaaring pagsamahin sa mga kamay ng iilang

    mga mamamayan.

    2. Ang lahat ng kasapi ng lipunan ay mayroong pantay na

    pagkakataon sa edukasyon at sa mga ginhawa sa buhay dahil sa ang kapital ay hindi batayan ng mga karapatan. Ang bawat

    mamayan sa lipunan ay binibigyan ng hanapbuhay at ang mga mahihina at may sakit ay pinangangalagaan ng pamahalaan.

    3. Ang pinangasiwaang ekonomiya ay tinitimbang ang produksiyon at paggamit na nag-iiwas sa mga suliranin ng labis na produksiyon at

    pagkasayang. Ang mga kalakal na pinalalabas ay yaong mga pakikinabangan at kinakailangan ng komunidad. Sa gayon, ang

    mga likas na yaman ay hindi humahantong sa mga di-kinakailangang produksiyon. Sa ganitong pamamaraan, lahat ng

    mga mamamayan ay ginagarantiyahan ng pantay-pantay na

    bahagi ng kayaman ng bansa.

    Ang mga kasamaan ng ekonomiyang komunista

    Upang makamit ang mga pakinabang na ito, ibayong pagsasakripisyo ng karapatang pantao ay ginagawa, na nagbubunga ng mga sumusunod na

    kapintasan:

    1. Sa pagsasabansa ng mga pribadong ari-arian, ang mga

    pangganyak upang kumita ay nawawala at pipiliin ng mga tao na kumilos sa pinakamababang uri ng kanilang kakayahan sapagkat

    wala namang matatanggap na pabuyang materyal para sa kanilang mga pagsisikap. Ito ay humahantong sa mga mabababang antas

    ng produktibidad sa parehong dami at kalidad. Magkagayon, ang

  • BTEC Batha Training & Education Center

    28

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    mga kakulangan ay pangkaraniwang tampok ng ganitong uri ng

    mga sistema at ang pagpila sa pagbili ng kahit na mga pangunahing pangangailangan ay nagiging pamantayan.

    2. Ang pinilit na ekonomiyang pagka-pantay-pantay ay nagpapawalangbisa sa sarili at personalidad ng bawat isa. Ang

    mga pangunahing pangangailangan ay ipinagkakaloob sa mababang antas na mayroong kakaunti o walang mga pagkakaiba-

    iba upang maiwasan ang pag-iinggitan at pagpapangagawan. Ang mga kasuutan ay magkakapareho na mapanglaw sa paningin at

    ang mga bahay ay monotonong magkakamukha sa anyo at kulay.

    3. Dahil sa pagtatanggal ng malayang kompetisyon, ang mga kalidad

    ng kalakal na naipapalabas ay mababang uri at ang mga halaga ng mga mararangyang mga paninda ay napakamahal. Ang mga

    produkto ng ganitong ekonomiya ay hindi maaaring makipagtagisan sa pandaigdigang pamilihan. Tanging ang mga

    kalakal na itinuturing ng mga opisyal na kinakailangan ang

    maaaring ipalabas at ang pagkakaiba-iba ng mga uri ay iniiwasan, sapagkat ito ay mga karagdagan lamang sa mga gastusin.

    4. Dahil pag-aari ng pamahalaan ang lahat ng mga kagamitan ng produksiyon, ang kapangyarihan ay nakapisan lamang sa mga

    kamay ng mga namumuno ng pamahalaan. Ang komunismo ay nag-aakay sa ibat ibang mga pamahalaan ng totalitaryo, na

    nagkakait sa mga karapatan ng kanilang mga mamamayan sa malayang pananalita, pagsalungat, at matiwasay na pagkilos.

    5. Sapagkat ang mga kalakal ay ipinalabas lamang sa pamamagitan ng kautusan ng pamahalaan at hindi sa pangangailangan ng

    pamilihan, ang ekonomiyang komunista ay humahantong sa pagpapalabas ng mga kalakal na ayaw ng mga tao at hindi

    nagpapalabas ng mga kalakal na nais ng mga tao. Walang kaparusahan para sa walang saysay na paggawa sa mga

    ekonomiyang pangkomunista.

    6. Ang mga pribilehiyong nakakamit ng mga uri ng kapitalista sa mga sistemang kapitalista ay nakakamit ng mga uri ng namamahala sa

    mga sistemang komunista. Nakakukuha sila ng pinakamahusay na pabahay, sasakyan, at mga kagamitan, at ang kanilang mga anak

    ay nakapapasok sa mga pinakamahusay na mga paaralan at mayroong pinakamagagandang pagkakataon na makakuha ng

    pinakamahusay na mga hanapbuhay.

  • BTEC Batha Training & Education Center

    29

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Aralin 8

    Ekonomiyang pang-Islamiko Malinaw na ang pagsubok na ginawa ng mga tao upang mabigyang lunas

    ang mga suliranin sa pagtustos ng mga pangangailangang materyal ay nag-akay sa kanila na maging labis. Sila ay humantong din sa labis na

    pangangalaga sa mga karapatan ng bawat isa samantalang nababalewala ang mas maraming nakabubuti sa lipunan. Ang ekonomiyang pang-

    Islamiko ay likas na naiiba mula sa parehong kapitalismo at komunismo. Ang parehong mga sistemang ito ay nakabatay sa mga materyosong

    pilospiya na kung saan ang pagkakamal ng yamanmaging sa

    pamamagitan ng isa o para sa proletariat (mga manggagawa)ay ang tanging layunin ng buhay at ang sukatan ng tagumpay. Ang pilosopiya na

    kung ano ang kapaki-pakinabang ay mabuti (utilitaryanismo) ay ang pinagkukunan ng mga kahalagahang moral sa parehong kapitalismo at

    komunismo.1

    Ang katapatan ay kapaki-pakinabang sapagkat ito ay nakasisiguro ng tiwala; gayundin ang pagiging maagap, masikap at masinop.2

    Sa Islam, sa kabilang banda, ang tagumpay ay nakasalalay sa pagiging

    mabisa. Habang ang pag-uugali ng isang tao ay sumusunod sa mga pamantayang moral, siya ay nagiging mas nakahihigit at mas

    matagumpay. Ang bunga sa pagpili sa dapat gawin ay binubuo ng dalawang bahagi: ang agarang ibinubunga nito dito sa mundo at ang

    ibubunga nito sa buhay na darating. Isinalarawan ng Allah ang

    kaparusahan sa mga makasalanan ang sumusunod:

    ... Para sa kanila ay mayroong kahihiyan dito sa mundo, at sila ay magtatamo ng malupit na kaparusahan sa kabilang buhay. Surah

    al-Baqarah 2:114

    Sa kabila nito ay ang Kanyang pagkilala sa mga matatapat na tumatangkilik sa mga nakalipas na mga propeta:

    1 Monzar Kahf, The Islamic Economy (Plainfield, Indiana: M.S.A., 1978), p. 16.

    2 Max Weber, The Prostestant Ethic and the Spirit of Capitalism (NewYork: Charles Scribners Son, 1958), p.

    26

  • BTEC Batha Training & Education Center

    30

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Ginantimpalaan sila ng Allah dito sa mundo, at ang kahusayan ng

    gantimpala sa Kabilang buhay. Sapagkat minamahal ng Allah yaong mga gumagawa ng mabuti. Surah 3:148

    Inatasan tayo ng Allah na magsumikap dito sa mundo:

    Siya ang namamahala sa mundo para sa inyo, kayat tumahak sa

    landas ng mga purok nito at kumain mula sa Kanyang mga

    panustos, at nasa Kanya ang Pagkabuhay na muli. Surah 67:15

    At inatasan Niya tayo na magsumikap sa kabilang buhay:

    Magmadali sa paghingi ng kapatawaran mula sa inyong

    Panginoon, at para sa Paraiso na ang lawak ay katumbas (ang

    kabuuan) ng mga kalangitan at ng mundo, na hinanda para sa mga matutuwid. Surah al-Imran 3:133

    At nilinaw Niya ang dapat unahin sa pagitan ng dalawang pagsisikap na ito sa mga sumusunod na mga talata:

    Hanapin, ang kayamanan na ipinagkaloob ng Allah sa inyo, ang

    tahanan ng kabilang buhay, at huwag kalimutan ang inyong

    bahagi rito sa mundo... Surah al-Qasas 28:77

    Sa parehong mga sistema ng komunista at kapitalista, tanging ang

    kalalabasan lamang dito sa mundo ang siyang kahahantungan; samakatuwid, ang mga sistemang ito ay parehong puro materyoso.

    Hindi kailanman maihihiwalay ang anumang sistemang pang-ekonomiya

    mula sa mga doktrinang panlipunan at pilosopiya na nakasalalay dito.

    Anumang pagsubok na gagawin ay magdudulot ng pagkawasak at hindi makatotohanang larawan ng sistemang ito mula sa mga nasasaad dito.

    Sa Kapitalismo ay ipinapalagay na ang bawat isa ay hindi maaaring pakialaman na kung saan ang kanyang kalayaan ay hindi dapat saklawan.

    Ito ay nauuwi sa pagpapahintulot nito ng mga di-masaklawang pribadong pagmamay-ari. Sa kabilang banda, ang komunismo ay

    pinangangatawanan na ang komunidad ay ang pundasyon at ang bawat isa ay walang nakahiwalay na sariling pananatili. Ito ay nagbubunga ng

    isang sistema na kung saan ang lahat ng mga ari-arian at mga

  • BTEC Batha Training & Education Center

    31

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    pamamaraan ng produksiyon at distribusyon ay pag-aari ng gobyerno.

    Ang gobyerno naman ang kumakatawan para sa komunidad.

    Pinananatili ng Islam na ang bawat isa ay mayroong magkaagapay na mga kakayahan; ang kanyang kakayahan bilang isang tao na may

    kasarinlan at ang kanyang kakayahan bilang kasapi ng komunidad.1 Ang kanyang pagtugon sa alinman mga kakayahang ito ay maaaring mas higit

    kaysa sa iba, subalit ang pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa pagitan nila ay isang mahalagang bahagi ng isang maligayang buhay.

    Ang sistemang pang-ekonomiya ng Islam ay pangunahing nakabatay sa

    mga nabanggit na mga konsepto ng mga katunayang panlipunan ng sangkatauhan at ang pinakalikas na katangian ng tagumpay. Ang

    pangatlong pundamental ay maaaring ang pananaw ng Islam patungkol sa kayamanan. Tinatanaw nito ang lahat ng nasa daigdig na pag-aari ng

    Allah at ang kayamanan bilang mga biyaya mula sa Allah, na kung saan

    ang mga tao ay itinalaga bilang mga katiwala. Winika ng Allah:

    Sa Allah nabibilang ang lahat ng nasa mga kalangitan at ng

    mundo... Surah an-Najm 53:31

    Magkagayon ay ipinayo ng Allah ang pagkakawanggawa:

    Bigyan sila ng anuman mula sa kayamanan na ipinagkaloob ng

    Allah sa inyo. Surah an-Nur 24:33

    Sa pangkalahatan ay inatas sa sangkatauhan:

    Maniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo at gumugol mula sa

    anupamang ipinagkatiwala Niya para sa inyo... Surah al-Hadid 57:7

    Samakatuwid, hindi dapat makalimutan ng isang Muslim na anuman ang

    mayroon siya ay tunay na ipinagkatiwala lamang na ibinigay ng Allah sa kanya upang subukin kung papaano niya ito gugulin.

    Ang pangunahing mga katangian ng sistemang Islamiko, sa liwanag ng

    mga sistemang nabanggit, ay maaaring ipakilala bilang sumusunod:

    1 Muhammad Qutb, Islam: The Misunderstood Religion (Kuwait: I.I.F.S.O., 1977) p. 77-8.

  • BTEC Batha Training & Education Center

    32

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Pribadong pagmamay-ari

    Kinikilala ng Islam ang karapatan ng bawat isa na magkaroon ng kasarinlan na magmay-ari at pamahalaan ang ari-arian, gayundin ang

    pagkita ng maraming kayamanan kung maaari. Winika ng Allah:

    O kayong naniniwala, huwag ninyong lustayin ang inyong mga

    ari-arian sa iba na walang kapararakan; sa halip ay ikalakal ninyo ito na pinagkasunduan ng magkabilang panig. Surah an-Nisa 4:29

    Binigyang diin ng Sugo ng Allah ang prinsipyong ito sa mga sumusunod na pangungusap:

    Ang pag-aari ng isang Muslim ay hindi legal maliban sa kung ano

    ang kusa niyang ipinagkasundo (na ipalit o ibigay). Imam Ahmad

    Ginamit ng Propeta ang pagkakataon ng Hajj ng Pamamaalam upang

    bigyang kaganapan ang pinakamahalagang mga prinsipyo ng relihiyon.

    Sa araw ng Arafah ay kanyang sinabi:

    Katotohanan ang inyong buhay at ang inyong ari-arian ay sagrado at di-malalabag kagaya ng kabanalan ng araw ninyong

    ito, ng buwan ninyong ito, at ng bayan ninyong ito. Muslim

    Katulad ng mga pangkalahatang mga pangungusap sa Quran at Sunnah,

    mayroong mga hindi sakop ng batas na ito. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi na sinuman ang magpahayag na walang karapat-dapat sambahin maliban

    sa Allah at si Muhammad ay ang Sugo ng Allah ay maggagawa sa kanyang buhay at ari-arian na di-malalabag, maliban lamang sa

    pamamagitan ng karapatan ng Islam.1 Kayat kapag ang isang tao ay nagbibinbin ng Zakah na kinakailangan na niyang ibigay, ang pamahalaan

    ay may karapatan at may tungkulin na kunin ito sa kanya sa

    pamamagitan ng lakas. Ito ay isang bagay na napagkasunduan ng mga Kasamahan ng Propeta.

    Ang Shariah ay naglagay ng ibang mga hangganan sa pribadong

    pagmamay-ari. Ang karapatan ng bawat isa sa pagmamay-ari ay hinihigpitan kung saan ito nagbibigay ng banta sa kapakanan ng

    nakararami. Ang pamahalaan ay pinahihintulutan na makialam at

    1 Muslim, Vol. 1, p. 15-6, blg. 29-33

  • BTEC Batha Training & Education Center

    33

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    magtalaga ng isang katiwala upang mamahala ng kayamanan ng isa na

    inabuso o sinayang ito. Winika ng Allah:

    At huwag ninyong ipamana ang inyong mga ari-arian sa may mahinang pag-iisip na ipanagkaloob ng Allah bilang Kanyang

    panustos para sa inyo... Surah an-Nisa 4:5

    Kahit na ang kayamanan na nabanggit sa talata ay nabibilang, sa madaling salita, sa mga taong may mahihinang pag-iisip, tinukoy ito ng

    Allah bilang amwalakum, hal. ang inyong kayamanan sa pinagsama-samang pang-unawa.1

    Naiulat na ang Propeta ay nagsabi:

    Ang mga tao ay sama-samang maghahati sa tatlong mga bagay:

    damo, tubig at apoy. Abu Dawud

    Ang damo ay tumutukoy sa mga pakain sa hayop sa mga lupa na hindi pribado ang pagmamay-ari. Ang apoy ay tumutukoy sa panggatong na

    kung saan ang apoy ay sinisindihan. Sa kapanahunan ng Propeta ito ay

    ang mga kahoy na panggatong. Si Abyad ibn Hammal ay nag-ulat na siya ay nagtungo sa Propeta na kasama ang delegasyon at hiniling sa kanya

    ang mina ng asin sa Marib, na kanya namang ibinigay. Gayunpaman, noong sila ay pabalik na, ang isa sa mga delegasyon ay nagsabi, Sugo

    ng Allah! Naisip mo ba na ang ibinigay mo sa kanila ay ang dumadaloy na tubig? Kinuha itong muli ng Propeta.2 Batay dito at sa iba pang mga

    hadith, ang karamihan sa mga hukom ng Islam ay pinagpasiyahan na ang lahat ng mga mineral ay dapat na ituring bilang pag-aari ng pamahalaan

    at walang sinuman ang dapat na bigyan ng karapatn na mag-ari at makinabang mula sa mga ito.3

    Pampublikong pagmamay-ari

    Ang mga bagay na ginagamit panlahat ay pinananatili sa pangangalaga

    ng komunidad, at sinuman ay hindi pinahihintulutan na mag-ari ng mga ito. Si az-Zuhayli ay nagbanggit ng mga kalsadang pampubliko, riles ng

    tren, mga tulay, mga ilog, mga daungan, aklatang pampubliko, mga museo at mga liwasan bilang mga halimbawa ng ganitong mga ari-arian.

    Magkagayon sa Islam, samantala kinikilala ang mga pangunahing karapatan ng isa na mangari ng ari-arian, ay sa ilang mga globo ng 1 Ibn Kathir, Vol. 2

    2 Abu Dawud, Tirmidhi, Ibn Majah at ad-Darimi

    3 Wahbah az-Zuhayli, al-Fiqh al-Islami wa Adillatuh (Damascus: Dar al Fikr, 1997)

  • BTEC Batha Training & Education Center

    34

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    gawain ay nagturing na ang pagmamay-aring indibidwal ay hindi

    kinakailangan o makasasama sa lipunan sa pangmalawakan, at mas pinipili ang prinsipyo ng pagmamay-ari ng pamahalaan. Ang lahat ng

    mga lupain na nasakop ng mga Muslim na hindi sa labanan ay inihayag na pag-aari ng pamahalaan ng kalipa. Ang panuntunan ay batay sa

    sumusunod ng talata ng Quran:

    Kung ano ang ipinagkaloob ng Allah sa Kanyang Sugo (at kinuha)

    mula sa mga tao ng bayang nasakop, ay nabibilang sa Allah, sa Kanyang Sugo at sa mga kaanak niys, at mga ulila, mga

    nangangailangan at mga naglalakbay; upang hindi ito maging

    kayamanan na gagamitin ng ilang mayayaman mula sa inyo. Surah al-Hashr 59:7

    Ang iba sa mga lupang ito ay ibinahagi sa mga tao, na tumatamasa ng karapatan ng pagmamay-ari, pagbibili, pagbebenta at minana, subalit, sa

    pangkalahatan, ito ay mga itinuturing na pampublikong ari-arian at maaaring bawiin sa kanila sa pagkakataon na ang kabutihang

    pangnakararami ay nangangailangan nito.

  • BTEC Batha Training & Education Center

    35

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Aralin 9

    Kalayaang pang-Ekonomiya

    Katulad ng kapitalismo, ang Islam ay nagpapahintulot sa malayang

    kompetisyon, na nagpapanatili ng mataas na kalidad at mababang halaga ng mga kalakal. Nang ang ilang mga tao ay nagreklamo sa Sugo ng Allah

    tungkol sa pagtaas ng mga halaga ng bilihin at hiniling sa kanya na isaayos ang mga halaga siya ay sumagot:

    Katotohanan, ang Allah ang siyang nagsasaayos ng mga halaga.

    Ginagawa Niyang mahigpit ang mga bagay at pinaglalawak sila. At umaasa ako na makahaharap ang Allah na walang sinuman ang

    may hinaing laban sa akin mula sa mga hindi makatarungang pakikitungo. Iniulat ni Abu Hurayrah at Anas ibn Malik, kinalap nina Abu Dawud, Tirmidhi, Ibn Majah at Ahmad.

    Sa ibang pagkakataon ay kanyang sinabi:

    Hayaan ang mga tao, tutustusan sila ng Allah sa pamamagitan ng

    bawat isa. Muslim, Tirmidhi, Ibn Majah, Nasai at Ahmad

    Gayunpaman, ang Shariah ay salungat sa monopolisasyon at pinipigalan ang pagtitinggal ng kayamanan. Ang Sugo ng Allah ay nagsalaysay na

    ang mga nagtitinggal ay makasalanan. 1 Ang mga nagtitinggal ay

    kahalintulad ng mga monopolista. Nais niyang masakop ang merkado upang nang sa gayon ay makapagtataas siya ng mga presyo ng mga

    bagay na kinakailangan ng mga tao. Sa magkahalintulad na kadahilanan, ipinagbawal ng Propeta sa mga mangangalakal na salubunging ang mga

    karabana bago pa ito umabot sa mga pamilihan. 2 Ang sinumang mangangalakal na ganito ang ginagawa ay nagnanais na makalamang sa

    kompetisyon. Maaari niyang bilhin ang buong kargamento at makuha nito ang presyo na mas mababa kaysa sa kanyang babayaran kapag

    mayroong ibang mangangalakal na makikipagtawaran para sa mga kalakal. Batay dito, ang pangangalakal ng mga stock market ng mga

    tagaloob ay labag sa batas, sang-ayon sa Islam. Sa nabanggit na talata (7) ng Surah al-Hashr, binanggit ng Allah na ang kadahilanan ng

    kautusan ay upang ang mga bagong nakuhang kayamanan ay huwag matipon sa ilang mga pangkat ng lipunan.

    1 Muslim, hadith bilang 3910.

    2 Iniulat ni Abdullah ibn Umar at Abu Hurayrah at kinalap nina Bukhari at Muslim

  • BTEC Batha Training & Education Center

    36

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Ang mga tao ay hinihikayat na samantalahin ang napakalawak na mga

    pagkakataon ng produktibong gawain na makikita sa napakaraming mga biyaya ng Allah. Winika ng Allah:

    Kapag natapos ang pagdarasal, humayo sa lupain at hanapin ang

    biyaya ng Allah... Surah al-Jumuah 62:10

    At kung inyong subukan na bilangin ang mga biyaya ng Allah,

    kailanman ay hindi ninyo ito makakaya... Surah Ibrahim 14:34

    Gayundin, ay ipinag-utos sa kanila ang pagtutulungan sa bawat isa sa pagsasagawa ng mga huwaran ng buhay sa mundo na naaayon sa

    kagustuhan ng Allah. Ipinag-utos ng Allah sa mga mananampalataya na:

    Makipagtulungan sa bawat isa sa kabutihan at kabanalan,

    subalit huwag makipagtulungan sa kasalanan at pagsuway... Surah al-Maidah 5:2

    Ang ugnayang pang-ekonomiko, lalo na doon sa mga produksiyon at pagpapalitan ng yaman, ay nararapat na nagtutulungan sa kanyang

    kalikasan. Ang kompetisyong pang-negosyo na ikalulugi ng iba ay walang saysay sa nilalaman nito. Ang pagtutulungan sa gayon ay ang

    pangunahing halaga ng pilosopiyang pang-ekonomiko sa Islam. Ito ay

    hindi, gayunpaman, nagpapawalang-saysay sa malaya at patas na kompetisyon sa pamilihan, kapag ang mga panuntunang moral na

    ipinagkaloob ng Islam ay pinanghahawakan. Ang kompetisyon ay iniaangat sa lugar ng monopoliya, na ang pagtanggal nito ay

    kinakailangan upang makamit ang katarungan.1

    Pang-Ekonomikong Pagsulong

    Pinapanigan ng Islam ang pagkakapantay-pantay hanggat sa abot na ang

    kayamanan ay huwag manitili sa ilang mga partikular na pangkat, subalit nararapat na ibahagi sa komunidad upang nang sa gayon ang bawat isa

    ay dapat na magkaroon ng pantay na pagkakataon na makahanap ng mapapasukan o makapagtayo ng negosyo na kanyang nais.2 Subalit,

    ang mahigpit na pagkakapantay-pantay na pang-ekonomiko ay di-likas at

    kontraproduktibo; kayat sa pagpapahintulot ng pribadong pagmamay-ari,

    1 Muslim Economic Thinking, pahina-10

    2 Economic Doctrines of Islam, Vol. 1, Pp 82-3

  • BTEC Batha Training & Education Center

    37

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    sa Islam ay pinahihintulutan din ang ekonomikong pagkadi-pantay-

    pantay, na kinakailangan sa pag-unlad ng personalidad ng tao. Hinahayaan ang mga tao na makamit ang pinakamataas na maaaring

    maging adhikain sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa bawat isa na hindi naghahangad ng anumang gantimpala maliban lamang sa ikalulugod

    ng Allah. Kung ang kayamanan ng isa ay kakaunti, natututo siyang magtimpi at makuntento, at kapag ang kanyang kayamanan ay

    napakarami, kinakailangan niyang maging mapagpasalamat at mapagbigay.1 Tinukoy ng Allah ang katotohanang ito sa Quran:

    ... Ipinamigay Namin ang kanilang mga bahagi dito sa mundo,

    inangat ang ilan mula sa mga iba sa antas, upang ang ilan sa kanila ay magkaloob ng hanap-buhay sa iba... Surah al-Zukhruf 43:32

    At Siya itong gumawa sa inyo na kahalili sa lupa at inangat ang ilan sa inyo sa antas mula sa iba, upang masubukan Niya kayo sa

    kung ano ang ipinagkaloob sa inyo... Surah al-Anam 6:165

    Katarungang Panlipunan

    Ang pagtatatag ng pagkakapantay-pantay na panlipunan ay higit na

    mahalaga kaysa sa pagkakapantay-pantay na pang-ekonomiko, sapagkat madaling magkakaroon ng mga uri ng mga mamamayan mula sa mga

    naunang panahon sa loob ng lipunan na kung saan nanatili ang teoriyang pang-ekonomikong pagkakapantay-pantay. Ang katarungang panlipunan

    ang siyang bumubuo ng haligi ng sistemang ekonomiyang pang-Islamiko. Dahil ang bawat nilalalang ay mayroong pare-parehong ugnayan sa Allah

    at sa Kanyang kalawakan, ang ugnayan sa pagitan ng mga tao ay kinakailangan na isa sa pagkakapatiran at pagkakapantay-pantay. Walang

    magiging tunay na katarungan kung ang lahat ay hindi pantay sa ngalan

    ng batas. Magkagayon, ipinag-utos ng Allah sa mga nilalang na maging lubos na patas sa pagpapairal ng katarungan.

    ...Maging matatag sa katarungan, sumaksi para sa Allah, maging ito man ay laban sa inyong sarili, sa inyong mga magulang o

    1 Ibid, Pp. 85-6

  • BTEC Batha Training & Education Center

    38

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    inyong mga kamag-anak, maging sa pangyayari ng isang

    mayamang tao o isang mahirap na tao, sapagkat ang Allah ang nakahihigit na tagapagtanggol sa kanilang pareho kaysa sa iyo...

    Surah al-Nisa 4:135

    Winika din ng Allah sa mga mananampalataya:

    Huwag ninyong kunin ang mga bagay na nararapat para sa mga

    tao... Surah ash-Shuara 26:183

    Ito ay nagpapahiwatig na ang bawat tao ay kinakailangang kunin kung ano ang para sa kanya, at hindi hihigit pa sa pamamagitan ng pagkakait

    ng bahagi ng iba. Ang Propeta ay bagay na nagbabala:

    Mag-ingat sa kawalan ng katarungan, sapagkat ito ang magiging

    tabing ng karimlan sa Araw ng Paghuhukom. Bukhari at Muslim

    Ang babala na ito laban sa kawalan ng katarungan at panggagamit ay upang pangalagaan ang mga karapatan ng bawat isa sa lipunan

    maging mga mamimili, mangangalakal, tagapamahagi, may-ari ng pagawaan, o mga manggagawa, at upang iangat ang pangkalahatang

    kapakanan na siyang pinakasukdulang adhikain ng Islam. Batay sa mga katuruang ito, ang pagtatakda ng pinakamababang sahod at

    pinakamahabang oras ng pagtatrabaho, paglikha ng mga naaangkop na mga kalagayan sa pagtatrabaho at ang paggamit ng mga makabagong

    teknolohiya upang maibsan ang kahirapan ay nararapat na sumang-ayon nang lubos sa diwa ng katuruang pang-Islamiko.

    Ang kalidad ng katarungang panlipunan ay nasusukat sa pamamagitan ng antas ng edukasyon na mayroon ang lipunan. Sa katayuan ng Islam, ang

    pandaigdigang edukasyon ay ang pangunahing layunin na kinakailangang itaguyod at sa tamang kaparaanan ay maging walang bayad. Ang

    ganitong mga panuntunan ay kinakailangan sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan sa mga darating na panahon. Sa pagsisimula

    mula sa isang kalagayan kung saan ang mga tao ay pambihirang pinagkalooban ng kayamanan at ari-arian, ang edukasyon ay nagdudulot

    ng pagkakapantay sa distribusyon ng mga kita. Sa ganitong paraan, ang edukasyon ay nakatutulong na mapanatili ang balanse. Ito ay

    nagtataguyod ng kalayaang pantao at naghahatid ng uri ng mga tao na hindi lamang nalalaman ang kanilang kalayaan, subalit handa rin upang

    dalhin ang mga nakaatang na mga tungkuling panlipunan.

  • BTEC Batha Training & Education Center

    39

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Aralin 10

    Riba (Interes o Pagpapatubo) Ang mga nabanggit na simulain ng katarungang pang-ekonomikong

    panlipunan, isa sa mga di matatawarang katangian ng isang ulirang lipunan ng mga Muslim, ay kinakailangang manatili sa lahat ng mga

    daigdig ng pakikipag-ugnayan ng tao, sapagkat ang kawalan ng katarungan saanmang bahagi ay makapipinsala sa ibang mga bahagi.

    Isa sa pinakamahalagang katuruan ng Islam sa pagtatatag ng katarungan at pagwaksi ng pang-aabuso sa transaksiyong pang-negosyo ay ang

    pagbabawal ng lahat ng pinagmulan ng mga di-makatarungang pagyaman. Ang Quran at ang Sunnah ay nagkaloob ng mga simulain na

    kung saan ang mga pamayanang Muslim ay maaaring malaman o pagbatayan kung ano ang bumubuo sa mga makatarungan o di-

    makatarungan pinagmulan ng mga kinita. Isa sa mga kilalalang pinagmulan ng mga di-makatarungang kinita ay ang pagtanggap ng mga

    salapi ng kalamangan sa isang transaksiyong pang-negosyo na hindi nagbibigay ng isang patas na kasing-halaga. Riba pagpapatubo ay

    kumakatawan sa isang malaking pinagmulan ng di-makatarungang panlalamang sang-ayon sa Islamikong sistema ng kahalagahan.

    Ang pagbabawal sa Riba

    Mayroong apat na mga talata sa Quran na kung saan ay nabuo ang

    pagbabawal sa riba. Ang una sa mga talatang ito ay inihayag sa Makkah, at ipinagdiinan na habang ang pagpapatubo ay ipinapagkait ang

    kayamanan na biyaya ng Allah, ang kawanggawa naman ay nagdaragdag dito. Winika ng Allah:

    Na kung ano ang inyong ibinigay na pagpapatubo para sa

    pagdaragdag sa pamamagitan ng ari-arian ng ibang tao ay hindi

    magkakaroon ng karagdagan mula sa Allah. Subalit ang inyong

    ibinigay para sa kawanggawa, sa paghahangad na ikalulugod ng Allah, ay madaragdagan. Sa ganito sila makakukuha ng kabayaran

    na pinarami. Surah ar-Rum 30:39

  • BTEC Batha Training & Education Center

    40

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Ang pangalawang talata, inihayag noong mga unang panahon sa

    Madinah, mahigpit na kinondena ang pagpapatubo bilang ipinagbawal sa mga naunang kasulatan at isinasama ang mga tao na gumagawa nito na

    kabilang sa mga tao na kumita ng hindi tama sa kayamanan ng iba. Isinalaysay ng Allah:

    Sapagkat sila ay kumuha ng pagpapatubo, gayong sila ay

    pinagbawalan, at kinamkam ang yaman ng mga tao, Kami ay

    naghanda para sa ilan sa kanila na nagtatakwil ng pananampalataya ng isang malupit na kaparusahan.

    Surah an-Nisa 4:161

    Ang pangatlong pagbabawal sa riba, inihayag noong ikatatlong taon

    matapos ang Hijrah, inatasan ang mga Muslim na iwasan ang pagpapatubo para sa kanilang sariling kapakanan:

    O mga mananampalataya! Huwag mangamkam ng pagpapatubo,

    dinoble at pinarami, subalit katakutan ang Allah upang kayo ay

    sumagana. At katakutan ang Apoy na inihanda para sa mga di-mananampalataya. At sundin ang Allah at ang Sugo upang

    makamit ninyo ang habag. Surah al-Imran 3:130-132

    Ang huling pagbabawal ay dumating sa ilan sa mga huling talata ng Quran na ihahayag. Dito ay mahigpit na kinondena ang mga kumukuha

    ng pagpapatubo, at kinilala ang kalakal mula sa pagpapatubo:

    Yaong mga nakikinabang mula sa pagpapatubo ay ibabangon (sa Araw ng Paghuhukom) katulad ng mga pinagpapalo ni Satanas

    hanggang sa sila ay mawalan ng katinuan. Iyan ay sapagkat

  • BTEC Batha Training & Education Center

    41

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    kanilang sinasabi na ang kalakal ay katulad lamang ng

    pagpapatubo, nang pinahintulutan ng Allah ang kalakal at ipinagbawal ang pagpapatubo. Kayat sinuman ang makatanggap

    ng babala ng kanyang Panginoon at tumigil ay maaaring magkaroon ng kung ano ang naipasa na at ang kanyang katayuan

    ay sa kapasyahan ng Allah. Subalit yaong mga nagsibalik (sa riba) ay makakasama sa mga maninirahan sa Impiyerno. Sila ay

    mananahan doon... ang pagpapatubo ay pinagkakaitan ng Allah ng lahat ng mga biyaya, subalit binibiyayaan ang kawanggawa. Hindi

    Niya minamahal ang mga lapastangang makasalanan... O mga mananampalataya, katakutan ang Allah at itigil ang mga

    natitirang pagpapatubo kung kayo ay totoong mananampalataya. Kung hindi ninyo ito ititigil, ang Allah at ang Kanyang Sugo ay

    nagpahayag ng kanilang pakikipagdigma laban sa inyo. Subalit kapag kayo ay nagsisi, makukuka ninyo ang puhunan. Hindi kayo

    dapat gumawa ng mga pang-aapi o di kaya ay sumang-ayon dito. Surah al-Baqarah 2:275, 276, 278 at 279

    Pinalawig ng Propeta ang usaping ito, kinukondena kahit na ang mga saksi at tagpagtala ng transaksiyon. Iniulat ni Jabir na:

    Sinumpa ng Propeta ang tumatanggap at nagbabayad ng

    pagpapatubo, ang nagtatala nito at ang dalawang saksi sa

    nasabing transaksiyon, Sila ay magkakahalintulad (sa pagkakasala). Muslim, Tirmidhi at Ahmad

    Upang higit na bigyang-diin ang kasalanan ng pagpapatubo, ipinantay

    niya ito sa pangangalunya at insesto sa pagsasabi na:

    Ang salapi ng patubo na nababatid ng isang tao at kanya itong tinatanggap ay mas lalong masama kaysa sa pangangalunya ng

    tatlumput anim na ulit. Iniulat ni Abdullah ibn Handhalah at tinipon ni Ahmad at ad-Daraqutni

    Sa ibang pagkakataon ay kanyang sinabi:

    Ang pagpapatubo ay mayroong pitumpong mga bahagdan, ang pinakamaliit na panganib nito ay katumbas ng isang tao na

    nakikipagtalik sa kanyang sariling ina. Iniulat ni Abu Hurayrah at tinipon ni Ibn Majah

    Sa Arafah noong Hajj ng Pamamaalam, ilang panahon bago pumanaw ang Propeta, pinawalang-bisa niya ang lahat ng mga natitirang patubo.

    Iniulat ni Jabir na ang Propeta ay nagsalita sa mga tao:

  • BTEC Batha Training & Education Center

    42

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Lahat ng mga natitirang patubo ng mga panahon bago dumating ang Islam ay pinawalang-bisa. Ang unang patubo na aking

    pinawawalang-bisa ay ang nauukol kay Abbas ibn Abdul-Muttalib. Ito ay ganap na pinawalang-bisa. Muslim at Ahmad

    Ang kahulugan ng riba

    Sa literal na kahulugan ay pagdaragdag, pagdami, o paglago. Gayunpaman, hindi lahat ng uri ng pagdaragdag ay ipinagbabawal sa

    Islam. Sang-ayon sa Shariah (batas Islamiko), ang riba ay tumutukoy sa tubo na ibinayad ng nangutang sa nagpautang na kabilang ang halagang

    inutang bilang kondisyon ng pagpapautang o para sa paglagpas ng takdang panahon ng pagbabayad. Samakatuwid, ang riba ay kasing-

    kahulugan ng patubo sang-ayon sa napagkasunduan ng mga iskolar na

    Muslim na walang pagtutol.

    Sa pagtatalakay ng riba, dalawang uri ang karaniwang nababanggit: riba nasiah, na kung saan ang pagbabayad ng tubo ay ipinapagpaliban, at

    riba fadl, na kung saan ang tubo ay binabayaran kaagad. Ang riba fadl ay maaari lamang sa transaksiyon ng pagpapalitan ng magkaparehong uri

    paninda.

    Ang riba nasiah ay tumutukoy sa tubo ng mga pautang na kung saan ang positibong pagbabalik sa inutang ay itinakda na ng una bilang gantimpala

    sa paghihintay. Wala itong pinagkaiba maging ang ibabalik ay nakatakda o may dagdag na patong sa halagang inutang o kaya ay sa

    pinagkasunduang halaga, o kaya naman ay regalo o serbisyo na matatanggap bilang kondisyon ng inutang. Ang usapin ay ang kasunduan

    na ginagarantiyahan ang nagpapautang ng dagdag na tubo mula sa

    kanyang kapital. Sang-ayon sa batas Islamiko, ang paghihintay ay hindi binibigyang katuwiran ang isang positibong gantimpala. Kapag ang

    umutang ay pinili na bayaran ang utang sa mas mataas na halaga mula sa kanyang inutang, ito ay legal, hanggat sa ang karagdagan ay hindi

    nakasaad mula sa kasunduan. Minsan ang Propeta ay kumuha ng isang kamelyo bilang isang utang. Nang dumating ang panahon na ito ay dapat

    ng bayaran, ang Propeta ay nag-utos sa isa sa kanyang mga kasamahan na bumili ng kamelyo na kasing-gulang ng kamelyong inutang. Ipinabatid

    niya sa Propeta na hindi siya nakakita ng kamelyo na ganito ang halaga noong panahon na iyon, kayat ang Propeta ay nag-utos sa kanya na

    bumili ng hayop na mas malaki ang halaga upang ipambayad sa utang.1 Gayunpaman, kung ang ganitong mga pagdaragdag ay pangkaraniwan sa

    isang lipunan, kayat ito ay hindi na kinakailangan pang isulat sa

    1 Iniulat ni Abu Hurayrah at Abu Rafi at tinipon ni Bukhari at Muslim

  • BTEC Batha Training & Education Center

    43

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    kasunduan sapagkat ito ay inaasahan na, ito ay dapat na iwasan. Ang

    prinsipyong ito ay batay sa mga pangungusap ng ilan sa mga Kasamahan ng Propeta. Si Abu Burdah ay nag-ulat na noong siya ay dumating upang

    manirahan sa Madinah, ang Sahabi na si Abdullah ibn Salam ay nagsabi sa kanya:

    Ikaw ay naninirahan sa isang bansa na ang pagpapatubo ay

    laganap, kayat kung sinuman ang nagkautang sa iyo ng isang bagay at nagbayad sa iyo na may karagdagang dayami o sebada, o

    kahit na ang lubid na panali, huwag mo itong tanggapin, sapagkat ito ay riba. Bukhari

    Ang kahalintulad na mga pangungusap ay natipon mula kay Umar at Ali:1

    Ang pagbabawal ng riba fadl ay sa kadahilanan na ang patas na halaga ng

    pagpapalitan ay mahirap mapagpasiyahan kapag ang dalawang uri ng magkaparehong produkto ay pinagpalit. Upang maiwasan ang ganitong

    gawain ang Propeta ay nagsabi:

    Magpalitan ng katulad sa katulad, kapantay sa kapantay. Muslim

    Sa gayon, kahit na ang trigo na mataas na uri ay ipagpapalit sa mas mababang uri, ang transaksiyon ay nararapat na pantay sa dami ng

    bilang sa dalawang magkaparehong uri ng trigo. Upang itaguyod ang katarungan, pinigilan ng Propeta ang transaksiyon ng pagpapalitan, na

    mas naisin na makakuha ng salapi mula sa kalakal at ang salapi ay gamitin sa pagbili ng mga ninais na kalakal. Si Abu Said ay nag-ulat na si

    Bilal ay nagdala ng ilang magandang uri ng dates sa Propeta. Nang tanungin kung saan niya ito nakuha, si Bilal ay sumagot: Ako ay

    mayroong mababang uri ng dates na aking ipinalit para sa mga

    ito; dalawa para sa isang salop. Ang Propeta ay nagsabi:

    O hindi, ito ay nagmula sa riba, kayat huwag itong gawin. Kapag nais mong bumili, ibenta ang mababang uri ng dates at bilhin ang

    mas mataas na uri ng dates mula sa halaga na iyong napagbilhan. Muslim at Ahmad

    1 Tinipon ni Ibn Abi Shaybah

  • BTEC Batha Training & Education Center

    44

    Fiqh /

    Level 3 - Filipino

    Aralin 11

    Pagbabangkong Islamiko Noong unang ipinanukala ang pagbabangkong Islamiko ng panimula ng

    dekada 70, nilibak ng maka-Kanlurang daigdig ng pananalapi ang planong ito. Ang plano ng pagbabangko na walang interes ay hindi nila mawari,

    kahit na ito pa ay kilala sa mga ekonomista na mas mababa ang halaga ng interes ay mas malusog ang ekonomiya. Subalit ang walang interes ay

    hindi nila napag-isipan.

    Sa kasalukuyan ang pagbabangkong Islamiko ay kinilala bilang isang

    tumatatag na simulaing pananalapi, at ang karamihan sa mga pangunahing bangko na pandaigdig ay mayroong mga Islamikong

    pamumuhunan at portpolyo. Ito ay hindi sinimulan maliban na mapanatili lamang ang kanilang mga kliyente na Muslim. Kapag ang kanilang mga

    salapi ay nangangahulugan ng pagkalugi, hindi sila pakikialaman ng mga bangko. Subalit sa kabaligtaran, sila ay napag-alaman na kapaki-

    pakinabang at pagkakakitaan. Humigit sa 200 surian ng Islamikong pananalapi sa buong mundo ang namamahala ng mga pondo na humigit

    sa 150 bilyong dolyares. Kahit na sa mahigpit na pamamaraan nito, ang pagbabangkong Islamiko ay lumalago sa mabilis na proporsiyon nito na

    15 porsiyento taun-taun sa mga nakalipas na dekada. Sa pangkasalukuyang mga taon, ang Iran, Sudan at Pakistan ay ipinagbawal

    ang pangkaraniwang pagbabangkong komersiyal at sinunod ang mga

    huwaran ng pagbabangkong Islamiko.

    Pagpapautang na pang-produksiyon

    Ang mga tao ay umuutang ng pera sa dalawang mga kadahilanan:

    produksiyon at kunsumo. Ang mga inutang na pang-produksiyon ay ginagamit upang ilaan sa mga proyekto na magbabalik ng mga kita. Ang

    dalawang mahalagang sangkap ng anumang negosyo ay ang kapital (puhunan) at mga manggagawa. Ang kapital ay ginagamit na pambili ng

    mga kagamitan, makinarya, atbp. at a