btec sheera level 0111

65
SEERAH

Upload: christian-abdulrahman-ramos

Post on 02-Feb-2016

282 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

BTEC Sheera Level 0111

TRANSCRIPT

Page 1: BTEC Sheera Level 0111

SEERAH

Page 2: BTEC Sheera Level 0111
Page 3: BTEC Sheera Level 0111

3

NILALAMANPahina

Kabanata 1

Ang angkan ng Propeta 5

Kabanata 2

Ang kuwento ng elepante 6

Kabanata 3

Ang kamatayan ni Abdullah, ang ama ng Mensahero ng Allah 10

‘Abdul Muttalib, ang lolo ng Mensahero ng Allah 11

Abdullah, ang ama ng Mensahero ng Allah 15

Kabanata 4

Abu Talib, ang amain ng Mensahero ng Allah 17

Ang paglalakbay niya sa Ash-Sham at ang pagpapakasal niya kay Khadija 19

Kabanata 5

Ang pag-iisa sa kuweba ng Hira 21

Ang pagtatayong muli ng Ka’bah 21

Kabanata 6

Ilan sa mga paniniwala ng mga tao ng Jahiliyyah (kamangmangan) 26

Si ‘Amr bin Luhayy ay ang una sa nagbago ng relihiyon ni Abraham 27

Kabanata 7

Ang panimula ng paghahayag 33

Mga uri ng Kapahayagan 36

Ang unang naniwala 38

Ang kuwento ni Zaid bin Haritha 38

Sumayyah, ang unang martir 40

Page 4: BTEC Sheera Level 0111

4

Kabanata 8

Ang panimula ng panawagan (para sa Allah) 42

Kabanata 9

Ang unang paglikas sa Abyssinia 46

Ang pangalawang paglikas sa Abyssinia 47

Kabanata 10

Yumakap sa Islam si Hamzah bin ‘Abdul Muttalib 53

Yumakap sa Islam si ‘Umar 53

Ang pangangalaga ni Abu Talib sa Mensahero ng Allah 55

Kabanata 11

Ang boykot ng Banu Hashim sa may Bangin 57

Ang pagpapawalang-bisa ng Kasulatan 60

Kabanata 12

Ang kamatayan ni Khadijah at Abu Talib 64

Page 5: BTEC Sheera Level 0111

5

KABANATA - 1

Ang AngkAn ng ProPetA

Muhammad bin Abdullah bin Abdul-Muttalib bin Hashim bin Abdi Manaf bin Qusai bin Kilab bin Murrah bin Ka’b bin Lu’ayy bin Ghalib bin Fihr bin Malik bin An-Nadr bin Kinanah bin Khuzaimah bin Mudrikah bin Ilyas bin Mudar bin Nizar bin Ma’ad bin Adnan. Napag-alaman na ito ay tama hanggang sa puntong ito. Mayroong kaunting pagtatalo tungkol sa angkan na pinagmulan ni Adnan. Nguni’t walang sinuman ang nakipagtalo na si Adnan ay nagmula sa angkan ni Propeta Ismail, at si Propeta Ismail ang inalay ng kanyang ama na si Propeta Abraham. Ang sinasabing si Propeta Isaac ang inalay ay isang maling salaysay.

Subali’t walang pinagkaiba sa kanilang mga palagay tungkol sa katotohanan na ang Propeta ay ipinanganak sa Makkah noong Taon ng Elepante. Ang pangyayari tungkol sa mga elepante ay ang panimula na ginawa ng Allah upang sundan nang kapanganakan ng Kanyang Propeta at ng kanyang pamilya; at kung hindi, magkagayon ang kasama ng mga elepante ay mga Kristiyano, mga Angkan ng Kasulatan, na ang kanilang relihiyon ay mas mabuti kaysa sa mga mamayan ng Makkah. Sila ay sumasamba sa mga diyus-diyusan, subali’t tinulungan sila ng Allah hindi dahil sa mga tao doon sa halip ay bilang panimula sa pagdating ng Propeta , na pinalayas ng mga Quraish mula sa Makkah, at para sa pagbibigay-galang sa Sagradong Siyudad.

Page 6: BTEC Sheera Level 0111

6

KABANATA - 2

Ang kuwento ng elePAnte

Ang dahilan sa kuwento ng mga Kasamahan ng Elepante – sang-ayon sa naiulat ni Muhammad bin Ishaq.1 – na si Abrahah Ibn As-Sabah, na kumakatawan kay Negus, ang hari ng Abyssinia sa Yemen ay nakita ang mga tao na naghahanda sa panahon ng Hajj upang maglakbay sa Makkah. Nagtayo siya ng simbahan sa San’a at sumulat siya kay Negus, “Nagpatayo ako ng simbahan para sa iyo at hindi ako titigil hangga’t hindi nababaling ang paglalakbay ng mga Arabo dito.” Isang lalaki mula sa tribu ng Banu Kinanah ang nakarinig nito. Isang gabi ay pinasok niya ito at pinahiran niya ng dumi ang altar. “Sinong malakas ang loob na gumawa nito?” ang sabi ni Abrahah. “Isang lalaki na naninirahan sa Bahay na iyon na nakarinig ng iyong sinabi,” ang sagot sa kanya. Dahil dito ay sumumpa si Abrahah na lulusubin niya ang Ka’bah at wawasakin ito. Sumulat siya kay Negus upang ipaalam ang nangyari at hilingin sa kanya na ipadala ang kanyang elepante. Mayroon siyang isang elepante na ang pangalan ay Mahmud. Ang kahalintulad ng sukat at lakas nito ay hindi pa natatagpuan. Ipinadala niya ito kay Abrahah.

Sumugod si Abrahah sa Makkah at nabalitaan ito ng mga Arabo kaya’t sila ay labis na nabahala. Naisip nila na siya ay kinakailangang labanan. Isa sa mga hari ng Yemen na tinatawag na Dhu Nafar ay nakipaglaban sa kanya. Subali’t tinalo siya ni Abrahah at ginawang bilanggo. “O Hari! Pakawalan mo ako, mas makabubuti para sa iyo,” ang sabi niya. Kaya’t pinakawalan siya ni Abrahah at ginawa na lang niyang alipin ito sapagka’t si Abrahah ay isa ring maginoo.

Siya ay nagpatuloy hanggang sa makarating siya malapit sa lupa ng Khath’am. Lumabas sa kanya si Nufail Ibn Habib Al-Kath’ami na kasama ang mga umaalalay sa kanya mula sa mga tribu ng Arabo. Nakipaglaban sila sa mga ito. Tinalo sila ni Abrahah at nabihag si Nufail. “O Hari! Ako ang maggagabay sa iyo sa lupa ng mga Arabo at ang kapangyarihan na mapakinig at mapasunod ang aking mga tao ay nasa aking mga kamay. Kaya’t pakawalan mo ako at magiging mabuti ito para sa iyo,” ang sabi ni Nufail. Pinakawalan niya ito at umalis sila na kasama siya bilang gabay sa kanilang paglalakbay.1 Muhammad bin Ishaq: Siya ay nagsulat ng Seerah na hindi na hindi na matatagpuan. Ibinatay ni Ibn Hisham ang kanyang Seerah dito. Sang-ayon sa mga iskolar ng Hadith, palagi siyang nakagagawa ng Tadlis (pagtatakip sa mga kahinaan sa daloy ng mga tagapagsalaysay) na mahina rin.

Page 7: BTEC Sheera Level 0111

7

Nang mapadaan sila sa At-Ta’if, lumabas si Mas’ud bin Mu’tab na kasama ang ilang mga kalalakihan mula sa Thaqeef. “O Hari! Kami ay iyong mga alipin at dapat kaming magpasama ng isang tao upang gumabay sa inyo,” ang kanyang sinabi. Kaya’t ipinasama nila si Abu Righal na kanilang alipin. Sila ay nagpatuloy sa paglalakbay hanggang sa umabot sila sa Al-Mughammas, kung saan namatay si Abu Righal na ang kanyang libingan ay pinagbababato. Pagkatapos ay nagpadala si Abrahah ng isang lalaki mula sa Abyssinia na ang pangalan ay Al-Aswad bin Mafsud. Siya ang tagapamahala sa mga pulutong na sumasalakay. Inutusan siya na salakayin ang hayupan ng mga tao. Natipon ni Al-Aswad para kay Abrahah ang mga ari-arian ng Sagradong Pook. Nakuha niya ang dalawang daang kamelyo na pag-aari ni ‘‘Abdul Muttalib.

Pagkatapos ay nagpadala siya ng isang tao mula sa Himyar patungo sa mga naninirahan sa Makkah. “Sabihin sa kanilang mga pinuno na hindi ako naparito upang makipaglaban; naparito lamang ako upang wasakin ang Bahay,” ang kanyang utos. Kaya’t ang lalaki ay nagtungo kay ‘Abdul Muttalib at sinabi ito. Sumagot si ‘Abdul Muttalib, “hindi namin siya kayang pigilan; dapat kaming umiwas mula sa pagitan niya at ng kanyang hangarin, sapagka’t ito ang Bahay ng Allah at ang Bahay ng Kanyang Khalil, (Abraham), kaya’t kung nanaisin Niya na pigilan siya sa kanyang binabalak dito, ito ang Kanyang Bahay at kung hahayaan Niyang makalapit siya rito, sumpa man sa Allah, wala kaming kakayahan na pigilan siya.” Sinabi niya, “Sumama ka sa akin sa Hari at sabihin mo ito sa kanya.” Si Dhu Nafar ay isang dating kaibigan ni ‘Abdul Muttalib kaya’t siya ay nagtungo sa kanya. “O Dhu Nafar! Maaari mo bang kaming tulungan sa mga nangyayari sa amin?” ang kanyang pakiusap. “Walang mapapala mula sa isang bihag, na hindi ligtas na mapatay sa umaga o sa gabi, subali’t magpapadala ako ng mensahe sa Unais, ang tagapag-alaga ng elepante, sapagka’t siya ay aking kaibigan at pakikiusapan ko siya na ipaalam ang kahalagahan mo sa Hari,” ang sabi niya. Kaya’t nagtungo siya kay Abrahah at sinabi, “Siya ang pinuno ng mga Quraish, humihingi siya ng pahintulot na makita ka at dumating siya na wala siyang sama ng loob sa iyo. Wala siyang plano na suwayin ang iyong mga kautusan, kaya nga’t hinahangad ko sana na pagkalooban mo siya ng pahintulot.”

Si ‘Abdul Muttalib ay isang lalaki na mayroong matipunong pangangatawan at makisig na hitsura. Pagkakita ni Abrahah sa kanya ay nirespeto siya nito at pinakitunguhan ng mahusay. Si ‘Abdul Muttalib ay nakiusap na isauli sa kanya ang dalawang daang kamelyo na inagaw niya mula sa kanya. “Sabihin sa kanya: ‘Ako ay natuwa sa iyo ng makita kita, at ngayon ay wala akong

Page 8: BTEC Sheera Level 0111

8

anumang gagawin sa iyo.’” ang ipinasabi ni Abraha sa kanyang tagasalin. “Bakit?” ang tanong ni ‘Abdul Muttalib. “Pinuntahan ko ang Bahay – na

siyang sentro ng inyong relihiyon at ng inyong mga ninuno, dito nagmumula ang inyong karangalan at ito ay nasa ilalim ng iyong pangangalaga – upang wasakin ito at wala ka man lamang sinabi sa akin, subali’t nakikipag-usap ka sa akin tungkol sa dalawang daang kamelyo?” ang sabi ni Abrahah. Si ‘Abdul Muttalib ay sumagot, “Ako ang may-ari ng mga kamelyo at ang Bahay ay may Isang nagmamay-ari na siyang magtatanggol nito mula sa iyo. “Walang makapagtatanggol nito mula sa akin!” ang sabi ni Abrahah. Siya ay sumagot, “Tignan na lang natin.” Kaya’t ang hari ay nag-utos na isauli ang mga kamelyo sa kanya. Si ‘Abdul Muttalib ay lumisan at ipinaalam niya sa mga Quraish ang balita at sinabihan sila na humayo patungo sa mga daanan ng bundok at magtago sa mga tuktok nito, sa takot na baka sila ay mapahiya o kaya ay gambalain ng mga hukbo. Ginawa nila ito habang si ‘Abdul Muttalib ay nagpunta sa Bahay at inalis ang anilyo (ring) mula sa pintuan nito at nagsabi:

O Panginoon! Hindi ako umaasa ng tulong laban sa kanila malibang mula sa Iyo,O Panginoon! Kaya’t pigilan mo sila

sa pamamagitan ng Iyong Pagtatanggol,Katiyakan, ang mga kaaway ng Bahay ay yaong mga sumasalungat sa Iyo,

Kaya’t pigilan sila mula sa paninira ng Iyong Siyudad.

Sinabi rin niya:

O Allah! Katiyakan na ang isang tao ay ipagtatanggol ang kanyang sariling ari-arian,

Kung kaya’t pangalagaan ang Sarili Mong Ari-arian,Ang kanilang krus at ang kanilang lakas

ay hindi kailanman madadaig ang Iyong Lakas,Dala nila ang kanilang mga hukbo kasama lahat ng kanilang mga mamamayan, at ang elepante,

Upang bihagin ang mga naninirahan sa Iyong Bahay,Kung pababayaan Mo sila at ang Iyong Ka’bah, ito ay Nasasaiyo.

At siya ay nagtungo papunta sa bundok kasama ang kanyang mga mamamayan, samantala si Abrahah ay dumating sa Al-Mughammas at naghahanda na lusubin ang Makkah kasama ng kanyang mga tropa at ang kanyang elepante. Lumapit si Nufail sa elepante at bumulong sa tainga

Page 9: BTEC Sheera Level 0111

9

nito: “Lumuhod ka, Mahmud, sapagka’t ikaw ay nasa Sagradong Siyudad ng Allah.” Kaya’t ang elepante ay lumuhod. Sinikap nilang pasulungin ito subali’t ang elepante ay tumanggi. Pagkatapos ay iniharap nila ito patungo sa Yemen at ang elepante ay tumayo at tumakbo, at iniharap nila ito patungo ng Ash-Sham at ang elepante ay tumakbo rin, at iniharap nila ito patungo ng silangan at ang elepante ay tumakbo rin, pagkatapos ay iniharap nila ito patungo sa Sagradong Bahay subali’t ang elepante ay lumuhod. Si Nufail ay nagmamadaling umalis hanggang sa maakyat niya ang bundok. Pagkatapos ay nagpadala ang Allah ng mga ibon mula sa direksiyon ng dagat at ang bawa’t isa sa kanila ay may dalang tatlong mga bato, dalawa sa bawa’t paa at isa naman sa tuka nito. Nang matapatan nila ang mga tao ay inilaglag nila ang mga bato at walang hindi namatay sa mga tinamaan ng mga ito, subali’t hindi tinamaan ang lahat sa kanila. Nakatakas ang mga natira na hinahanap si Nufail upang igabay sila sa daan patungo ng Yemen. Nagkagulo silang lahat, nagsisipagtakbuhan sa bawa’t direksiyon at namamatay sa bawa’t malaglagan na kanal. At nagpadala ang Allah ng karamdaman kay Abrahah na pumipinsala sa kanyang katawan, nagiging dahilan ng pagkaputol ng kanyang mga daliri, hanggang sa marating niya ang San’a’, na noong mga sandaling iyon, ay para siyang isang ibon na nalagasan ng mga balahibo at hindi siya namatay hanggang sa ang kanyang dibdib ay nabiyak upang lumabas ang kanyang puso, pagkatapos siya ay tuluyang namatay.

Page 10: BTEC Sheera Level 0111

10

KABANATA - 3

Ang kAmAtAyAn ni AbdullAh, Ang AmA ng menSAhero ng AllAh

Ang mga iskolar ay nagkakaiba kung ang kamatayan ba ng ama ng Propeta ay nangyari bago o matapos siyang ipinanganak, subali’t marami sa kanila na pinanghahawakan na siya ay namatay noong hindi pa siya isinisilang. Gayunpaman ay walang pag-aalinlangan na ang kanyang ina ay namatay sa pagitan ng Makkah at Al-Madinah, sa Al-Abwa’, nang siya ay dumadaan mula sa Al-Madinah galing sa pagbisita sa mga kapatid ng kanyang ina. Noong mga panahong iyon ang Propeta ay nasa ikaanim na taong gulang pa lamang.

Ang kanyang lolo na si ‘Abdul Muttalib ang kumalinga sa kanya at minahal siya nito ng isang pagmamahal na hindi niya naipakita sa sarili niyang mga anak. Hindi niya ito inaalisan sa kanyang tabi at wala sinuman sa kanyang mga anak ang umuupo sa kanyang kama dahil sa kanilang paggalang sa kanya, maliban sa Mensahero ng Allah .

Nang makita siya ng ilan sa mga taong nagpupunta sa Makkah mula sa tribu ng Banu Mudlij sa Al-Qafah, sinabi nila sa kanyang lolo: “Alagaan mo siya, wala pa kaming nakitang paa na kahalintulad ng paa sa Al-Maqam2 ng higit dito.” “Pakinggan mo ang sinasabi ng mga taong ito”, ang sabi niya sa kanyang apo. At siya ay inalagaan nito.

Namatay ang kanyang lolo noong siya walong taong gulang. Iniwan siya sa pangangalaga ni Abu Talib at sinabi niya dito na:

O Abdu Manaf! Inihahabilin ko sa iyo ang nag-iisang bata kung ako ay mamamatay,

Na nag-iisa matapos mamatay ang kanyang ama,At parang ako na ang kanyang ina,

Kung kanino siya naging malapit kaysa sa atay at mga bituka ng kanyang ina,

At ikaw ang aking paboritong anak,Sapagka’t ipanagtatanggol mo ang naaapi

at tinutulungan ang mga iba.

2 Al-Maqam: Maqam Al-Ibrahim, ang lugar na tinatayuan ni Ibrahim.

Page 11: BTEC Sheera Level 0111

11

Abdul muttAlib, Ang lolo ng menSAhero ng AllAh

Si Ibn Ishaq ay nagsabi: Si ‘Abdul Muttalib ay isa sa mga pinuno ng Quraish, siya ay tumutupad sa mga kasunduan, nakapagpakita ng isang marangal na katauhan, minamahal niya ang mga mahihirap at nangangailangan, ginawa niyang hanapbuhay ang paglilingkod sa mga naglalakbay para sa Hajj, nagpapakain sa mga taong nasalanta ng kalamidad, at nilalabanan niya ang mga nang-aapi. Palagi rin siyang nagpapakain ng mga maiilap na mga hayop at ibon sa mga tuktok ng mga kabundukan. Mayroon siyang mga anak, ang pinakamatanda rito ay si Al-Harith, na binawian ng buhay ng kanyang kapanahunan. Ang mga anak ni Al-Harith na yumakap sa Islam ay sina Ubaidah (napatay sa labanan ng Badr), Rabi’ah, Abu Sufyan at Abdullah.

Isa rin sa kanyang mga anak ay si Az-Zubair bin ‘Abdul Muttalib, ang buong kapatid ni Abdullah, na naging pinuno ng Banu Hashim at Banu Al-Muttalib noong labanan ng Al-Fujjar (ang mga mapaniil),3 isang marangal at isang makata, subali’t hindi na niya inabutan ang Islam. Ang mga yumakap sa Islam sa kanyang mga anak ay sina Abdullah (napatay sa labanan ng Ajnadain4 - Duba’ah, Majl, Safiyyah at Atikah.

Kabilang din sa mga ito na yumakap sa Islam ay sina Hamzah bin ‘Abdul Muttalib at Al-‘Abbas.

Ang iba pa sa mga anak ay si Abu Lahab, na namatay ilang sandali makalipas ang labanan ng Badr. Ang kanyang mga anak: Utaibah, kalaban ng Propeta at napatay ng mabangis na hayop. Siya ay mayroong dalawang anak, sina Utbah at Mut’ab, na yumakap sa Islam sa araw ng pananakop sa Makkah.

Kasama sa kanyang mga anak na babae: Arwa, na napangasawa ni Karaz bin Rabi’ah bin Habib bin Abdi Shams na naging anak nila sina Amir at Arwa. Napangasawa ni Arwa si ‘Affan bin Abil-‘As bin Umayyah na naging anak nila si Uthman, pagkatapos ay nag-asawa siyang muli kay ‘Uqbah bin Abi Mu’it na naging anak nila si Al-Walid bin ‘Uqbah, at nabuhay siya hanggang sa panahon ng pamamahala ng kanyang anak bilang isang kalipa, si Uthman.

3 Ang Labanan ng Al-Fujjar ay naganap sa pagitan ng Quraish at kanilang mga kakampi sa isang panig at Hawazin sa kabilang panig. Ito ay tumagal ng dalawampung taon.4 Ang labanan ng Ajnadain: Naganap sa taong 13 A.H. (634 C.E.) sa ilalim ng pamamahala ni Kalipa Umar bin Al-Khattab

Page 12: BTEC Sheera Level 0111

12

Gayundin ay kabilang sa kanyang mga anak na babae is Barrah bint ‘Abdul Muttalib, ang ina ni Abu Salamah bin ‘Abdul Asad Al-Makhzumi.

Kabilang din sa mga ito si ‘Atikah na ina ni ‘Abdullah bin Abi Umayyah. Siya ang nanaginip bago ang Araw ng Badr. Kung siya ba ay tumanggap ng Islam o hindi ay mayroon pa ring pinagtatalunan tungkol dito.

Kabilang din sa mga ito sina: Safiyyah na ina ni Az-Zubair bin Al-‘Awwam, yumakap siya sa Islam at lumikas sa Al-Madinah; Arwa na ina ng pamilya Jahsh – ‘Abdullah, Abu Ahmad, ‘Ubaidullah, Zainab at Hamnah na ina ni ‘Abdul Muttalib na ang pangalan ay Salma bint Zaid mula sa tribu ng Banu An-Najjar. Ang kanyang ama ay si Hashim bin ‘Abdi Manaf. Nagtungo si Hashim sa Ash-Sham at iniwanan ang asawang si Salma sa kanyang pamilya dahil kapapanganak pa lamang niya kay ‘‘Abdul Muttalib, tinawag niya itong Shaibah Al-Hamd. Namatay ang kanyang ama sa Gaza at si Abu Ruhm bin ‘Abdul ‘Uzza ay nagbalik sa Al-Madinah na dala-dala ang kanyang pamana at kanyang asawa. Kinagigiliwan si ‘‘Abdul Muttalib ng kanyang mga amain sa ina. Kapag siya ay nakikipagtalo sa ibang mga bata ay palagi niyang sinasabi, “Ako ang anak ni Hashim!” Isang araw, isang lalaki na mula sa Quraish ang nakarinig sa kanya at sinabi nito sa kanyang amain, Al-Muttalib: “Napadaan ako sa pintuan ng Bani Qailah at narinig ko ang isang batang lalaki na nagsasabing siya raw ay anak ng iyong kapatid. Hindi nararapat sa isang bata na katulad niya ang mapabayaan na malayo mula sa kanyang tahanan.” Kaya’t naghanda si Al-Muttalib patungo ng Al-Madinah sa paghahanap sa bata. Nang makita niya ito ay napuno ng luha ang kanyang mga mata. Niyakap niya ang bata at binigkas ang sumusunod na mga tula:

Batid ko ang Shaibah at ang Banu An-Najjar ay naglagay Ng kanilang mga anak na lalaki sa paligid niya Na may mga pana at handang makipaglaban, Batid ko ang halaga niya sa amin at ang kanyang katangian, At ang aking

luha ay bumuhos na parang ulan para sa kanya.

At isinakay niya ito sa kanyang likuran sa sasakyan niyang hayop. “O aking amain! Kailangan mong pumunta sa aking ina,” ang sabi ng bata. Kaya’t pinuntahan niya ang ina ni ‘‘Abdul Muttalib upang sabihan siya na ipasama sa kanya ang bata, subali’t tumanggi ang ina ng bata. “Aalis lamang siya upang manahin ang pamumuno ng kanyang ama at ang Sagradong Bahay ng Allah,” ang katuwiran ni Al-Muttalib. Pumayag siya at dinala ang bata sa Makkah. “Ito si ‘‘Abdul Muttalib!” ang sabi ng mga tao. “Kapighatian sa inyo! Siya ang nag-iisang anak ng aking kapatid – si Hashim,” ang kanyang

Page 13: BTEC Sheera Level 0111

13

sinabi.

Nanirahan siyang kasama nila hanggang sa siya ay lumaki at ipinagkaloob sa kanya ang pamamahala sa Banu Hashim na kasama ang mga ugnayan tungkol sa Sagradong Bahay, pagpapakain sa mga naglalakbay ng Hajj, pagbibigay ng inumin sa kanila, ang mga ugnayan ng mga naglalakbay ng Hajj at ang iba pang mga bagay.

Si ‘Abul Muttalib ay isang marangal, sinusunod siya ng kanyang mga mamamayan. Tinatawag siyang Al-Fayyad (ang bukas-kamay) ng mga Quraish dahil sa kanyang kabutihang-loob.

Siya ang nakipagkasundo sa Negus para sa mga Quraish. Ang kanyang mga anak na lalaki ay sina Al-Harith, Makhramah, ‘Ibad, Anees, Abu ‘Umar, Abu Ruhm at mga iba pa.

Nang binawian ng buhay ang amain niyang si Al-Muttalib, si Nawfal bin ‘Abdi Manaf ang nag-angkin ng kanyang pamamahala sa pagbibigay pasiya sa pagitan ng mga pamilya, na ang pag-aangking ito ay isang labag sa batas.

Humingi siya ng tulong sa ilang mga kalalakihan mula sa Quraish. “Hindi kami makikialam sa inyo ng iyong amain,” ang kanilang sinabi. Kaya’t sumulat siya sa kanyang mga amain sa ina mula sa Banu An-Najjar ng isang tula:

Gaano kahaba ang aking mga gabiDahil sa kalungkutan at pag-aalala,

Mayroon bang mensahero na magpapabatidNg aking kalagayan sa An-Najjar,

Ang aking mga amain? Banu ‘Adiyy, Dinar, Mazin at Malik,Upang pangalagaan ako mula sa kalituhan ng aking kalagayan?

Kung kasama sila ay hindi kinatakutan Ang mga pang-aapi ng sinumang palalo,

Sapagka’t ako’y isang minamahal at pinangangalagaan na nabubuhay ng isang buhay na walang pag-aalala,

Hanggang sa ako ay maglakbay sa aking mamamayan at aking amin, si Muttalib

Na nagpagulo sa akin ng ako ay dalhin doon,At nang wala na ang aking amain,

Sa napakalalim na bakas ng kamatayan,Biglang dumating si Nawfal at inangkin ang aking mga ari-arian,

Page 14: BTEC Sheera Level 0111

14

Nang makita niya ang isang lalaki na ang kanyang mga amain sa ama ay nagsilayo, at ang kanyang mga amain sa ina ay napakalayo,

Iniwanan siyang walang kahit na sinong tagapangalaga,Kaya’t halina at itigil ang pang-aaping ito mula sa anak ng inyong kapatid

na babae,At huwag ninyo siyang pababayaan, sapagka’t batid ko na hindi ninyo ako

pababayaan.

Nang mabasa ito ni Abu Sa’d bin ‘Adiyy bin An-Najjar, siya ay nanangis at naghanda mula sa Al-Madinah na binubuo ng walumpung mangangabayo hanggang sa sila ay makarating sa Makkah. Siya ay huminto sa Al-Abtah kung saan niya natagpuan si ‘Abdul Muttalib. “Doon tayo sa bahay ko, O aking amain,” ang sabi niya. “Hindi, sumpa man sa Allah, gusto ko munang makita si Nawfal,” ang sagot ng kanyang amain. “Iniwanan ko siyang nakaupo sa may Itim na Bato kasama ng ibang matatandang kalalakihan mula sa kanyang tribu,” ang paliwanag ni ‘Abdul Muttalib. Nagpatuloy si Abu Sa’d hanggang sa makaharap niya sila. “O Abu Sa’d! Pinagpala ng Allah ang umagang ito,” ang sinabi ni Nawfal habang siya ay papatayo. “Hindi pinagpala ng Allah ang umaga para sa iyo!” ang kanyang isinagot. Hinugot niya ang kanyang espada, “Sumpa man sa Panginoon ng Bahay na ito, kung hindi mo ibabalik sa anak ng kapatid kong babae ang inagaw mo mula sa kanya, papatayin kita ng espadang ito,” ang pagalit niyang sabi. “Ibinalik ko na ito sa kanya,” ang kanyang paliwanag. Tinawag niya ang matatandang kalalakihan ng Quraish upang sumaksi sa kanyang mga salita. Pagkatapos nito ay nagpunta siya kay Shaiba at nanatili sa kanyang tahanan sa loob ng tatlong araw. Bago siya umalis ay nagsagawa muna siya ng Umrah at bumalik sa Al-Madinah. Sinabi ni ‘Abdul Muttalib:

Mazin, Abu ‘Adiyy at Dinar Ibn TaimillahIwinaksi ang pang-aapi laban sa akin,

Sa pamamagitan nila, ibinalik sa akin ng Allah ang aking mga karapatan

At ang ugnayan ko sa kanila ay labas mula sa aking tribu.

Nang mangyari ito, gumawa si Nawfal ng pagkakasundo sa pagitan ng Banu ‘Abdi Shams bin ‘Abdi Manaf at Banu Hashim. Ang Banu Hashim ay gumawa ng pagkakasundo sa pagitan ng Khuza’ah at Banu ‘Abdi Shams at Nawfal; at ito ang naging dahilan ng pananakop sa Makkah, na ating matutunghayan.

At nang makita ni Khuza’ah ang pagtataguyod ng Banu An-Najjar para kay

Page 15: BTEC Sheera Level 0111

15

‘Abdul Muttalib, sila ay nagsabi, “Sa angkan natin siya nagmula kaya’t mas may karapatan tayo sa pagtataguyod sa kanya.” Ito ay sa dahilan na ang ina ni ‘Abdu Manaf ay nagmula sa kanila. Kaya’t pumasok sila sa Bulwagan ng Pagpupulong at nagkasundo na sumulat ng isang kasunduan sa pagitan nila.

AbdullAh, Ang AmA ng menSAhero ng AllAh

Ang tungkol naman kay ‘Abdullah na ama ng Propeta , siya ang dapat na inalay sa kadahilanan na si ‘Abdul Muttalib ay inutusan sa kanyang panaginip na hukayin ang Zamzam na kung saan ay itinuro sa kanya ang lugar nito. Sa mga nakalipas na taon, ang Jurhum ay pumalit sa pamilya ni Ismail bilang mga tagapangasiwa ng Makkah. Pinangasiwaan nila ito sa mahabang panahon, subali’t sila ay nakagawa ng mga katiwalian sa Sagradong Pook ng Allah at ang digmaan ay naganap sa pagitan nila at ng Khuza’ah na mula sa mga tribu ng Yemen na mga naninirahan sa Saba’ (Sheba) at wala ni isa man mula sa Banu Isma’il ang nakapag-asawa na taga kanila. Tinalo sila ng Khuza’ah at pinalayas sila sa Makkah. Sa paglisan ng mga Jurhum ay inilibing nila ang Itim na Bato, Maqam Ibrahim at ang balon ng Zamzam. Nang si Qusai bin Kilab ang pumalit sa pamamahala ng Makkah ay naibalik sa kanya ang mana ng Quraish. Ang iba sa kanila ay nanirahan sa Makkah, at sila ay ang mga Quraish ng mga lambak. Samantalang ang iba ay nanirahan sa labas ng Makkah, at sila ay ang mga Quraish na nakatira sa paligid ng Makkah. Kaya’t ang Zamzam ay nanatiling nakabaon sa lupa hanggang sa panahon ni ‘Abdul Muttalib. Nang makita niya sa kanyang panaginip ang lugar nito ay nag-umpisa na siyang maghukay hanggang sa matagpuan niya ang mga espada na nakabaon dito kasama ang mga alahas at usa na yari sa ginto na may mga palamuti ng perlas, isinabit ito ni ‘Abdul Muttalib sa Ka’bah. Wala siyang ibang anak na lalaki maliban kay Al-Harith kaya’t ang mga Quraish ay nakikipagtalo sa kanya, “Paghatian natin,” ang sabi nila sa kanya. “Hindi ko ito gagawin! Ito ay isang gawain na tanging ako lamang ang napili na gumawa, kung gusto ninyo ay maghanap kayo kung sino ang gusto ninyong mamagitan sa atin.” ang kanyang pangangatwiran. Sa mga sandaling ito, si ‘Abdul Muttalib ay gumawa ng isang panata na kung siya ay pagkakalooban ng Allah ng sampung mga anak na lalaki at sila ay lumaki upang pangalagaan siya, iaalay niya ang isa sa kanila na susunod sa Ka’bah. At nang umabot sa sampu ang bilang nila at batid niya na sila ay nasa tamang gulang na upang siya ay pangalagaan, ipinabatid niya sa kanila ang kanyang panata at siya ay kanilang sinunod; ang bawa’t isa sa kanila ay nagsulat ng kanilang pangalan sa kanya-kanyang pana

Page 16: BTEC Sheera Level 0111

16

at pagkatapos ay ibinigay nila ang mga ito sa tagapangalaga ni Hubal, sapagka’t palaging siya ang nagpupukol ng mga pana, at ang pana ni

‘Abdullah ang nangibabaw, kaya’t kinuha ni ‘Abdul Muttalib ang kutsilyo niyang pangkatay upang ialay siya, subali’t lumapit ang mga Quraish mula sa kanilang pagtitipon at pinigilan siya sa kanyang gagawin. “Ano ang dapat kong gawin sa aking panata?” ang sabi niya. Iminungkahi nila sa kanya na mag-alay na lamang ng sampung kamelyo kapalit ni ‘Abdullah. Kaya’t siya naghagis ng palatandaan kung alin ang iaaalay sa pagitan ni ‘Abdullah at ng mga kamelyo. At ito ay sumalungat sa kanya na kanyang kinainis, patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga kamelyo ng tagsasampu. Patuloy na sumasalungat ang palatandaan kay ‘Abdullah hanggang sa ang bilang ay umabot sa isang daang kamelyo. Pagkaraan ay tumigil ang palatandaan na salungat sa mga kamelyo at kinatay ang mga ito, bilang kapalit niya, na ito ay naging isang pangkaraniwang gawain.

Naiulat mula sa Propeta na siya ay nagsabi:

“Ako ay anak ng dalawang mga alay.”5

(halimbawa ay sina Propeta Isma’il at ang kanyang ama na si Abdullah)

Pagkatapos ay pinabayaan ni ‘Abdul Muttalib ang mga kamelyo at pinagbawalan niya maging ang mga tao o mababangis na hayop na kumain mula rito. At ang garantiya sa bawa’t pagdanak ng dugo sa mga Quraish at sa mga Arabo ay nagpatuloy na kapalit ng isang daang mga kamelyo. Ipinatupad ito ng Mensahero ng Allah sa Islam at si Safiyyah bint ‘Abdul Muttalib ay nagsabi:

Hinukay namin ang Zamzampara sa mga naglalakbay ng Hajj,Ang matubig na lugar ng Al-Khalil

at kanyang marangal na anak (Isma’il)Si Jibril ay hindi masisisi,

Ang Zamzam ay gamot sa karamdaman at isang pagkain.

5 Iniulat ni Al-Hakim sa kanyang Mustadrak, na: “Isang Bedouin ang nagsabi sa Propeta, ‘O anak ng dalawang mga alay!” na binanggit sa Kashf Al-Khafa ‘Anil-Maqasid

Page 17: BTEC Sheera Level 0111

17

KABANATA - 4

Abu tAlib, Ang AmAin ng menSAhero ng AllAh

Ang tungkol kay Abu Talib, ginampanan niya ang tungkulin sa pagpapalaki sa Mensahero ng Allah pagkatapos ng kanyang lolo. Inaruga siya nito ng labis na pagmamahal, kahit na ipagpalit pa niya ang sarili niyang mga anak para lamang sa Mensahero ng Allah .

Si Al-Waqidi6 ay nagsabi, “Mula sa ikawalong taon matapos ipanganak ang Mensahero ng Allah hanggang sa ikasampung taon ng Pagkapropeta, siya ay pinangalagaan ni Abu Talib, inako ang tungkulin para sa kanyang kapakanan, ipinagtanggol siya at naging mabuti sa kanya.”

Si Abu Muhammad bin Qudamah ay nagsabi, “Pinatotohanan niya ang Pagkapropeta ng Propeta at sa ganitong punto ay lumikha siya ng isang tula:

Ipabatid kay Lu’ayy ang tungkol sa akin, Lalo na si Lu’ayy mula sa Banu Ka’b,Na natagpuan namin sa Kasulatan na si Muhammad ay isang Propeta,

Katulad ni Moises, at siya ay nabanggit sa mga naunang mga Kapahayagan

At ang mahalin siya ay isang tungkulin ng sangkatauhan,Sapagka’t wala nang hihigit pa sa isang pinili ng Allah upang mahalin.

- at:

Napag-alaman ng mga mahuhusay na tao na si MuhammadAy isang ministro para kay Moises at sa Mesiyas, anak ni Maria,

Kaya’t huwag magbigay ng mga katambal sa Allah at maging Muslim.Sapagkat hindi madilim ang Landas ng Katotohanan

Subali’t tinanggihan niya ang pagsunod dito sa takot na mawalan siya ng paggalang (sa kanyang mga ninuno) at nang dalawin siya ng Mensahero ng Allah sa higaan na kanyang kinamatayan habang naroroon si Abu Jahl at ‘Abdullah bin Abi Umayyah, siya ay nagsabi:6 Sang-ayon sa mga iskolar ng Hadith, si Al-Waqidi ay isa sa mga bantog sa kasamaan na mapaggawa ng Hadith. Sinabi ni Ash-Shafi’i, “Mayroong pitong tao sa Al-Madinah na palaging ginagaya ang mga daloy ng tagapagsalayasay. Ang isa sa kanila ay si Al-Waqidi.” (Tahzeeb Al-Kamal, Aklat 26 p. 194)

Page 18: BTEC Sheera Level 0111

18

“o aking amain! Sabihin, ‘la ilaha illallah (walang sinuman ang may karapatan na sambahin maliban sa Allah) – ang salita na maaari kong

gamitin na patunay para sa iyo sa pagharap sa Allah.”

Subali’t sila ay sumalungat, “Itatakwil mo ba ang relihiyon ni ‘Abdul Muttalib?” Ipinagpatuloy ng Propeta ang pag-ulit sa pagsasabi nito sa kanya subali’t nagpatuloy din sila sa pag-uulit ng kanilang pagsalungat. Hanggang sa si Abu Talib ay nagsalita, “Ako ay nasa relihiyon ni ‘Abdul Muttalib.” Kapagdaka ay nagsalita ang Mensahero ng Allah :

“Dapat kong ipagpatuloy na ipanalangin ka para sa iyong kapatawaran hangga’t hindi ako binabawalan na gawin ito.”

Pagkatapos ay inihayag na:

“Hindi nararapat sa isang Propeta at sa mga nananampalataya na hingin ang kapatawaran ng Allah para sa mga Mushrikun (politista, sumasamba sa diyus-diyusan, pagano, di-naniniwala sa Kaisahan ng Allah), maging sila man ay kamag-anak, matapos na maging malinaw sa kanila na sila

ay mga mananahan ng Apoy (dahil namatay sila sa kalagayan ng di-paniniwala).” Surah At-Tawbah 9:113

At ang mga Salita ng Allah, ang Pinakamataas ay naihayag:

“Katotohanan, ikaw (O Muhammad) ay hindi makapaggagabay ng sinuman na iyong naisin, subali’t iginagabay ng Allah sinuman ang Kanyang naisin. At kilala Niya nang lubos yaong mga ginabayan.”7

Surah Al - Qasas 28:56

Si Ibn Ishaq ay nagsabi, “At ang kanyang anak na si ‘Ali ay nagdalamhati sa kanya sa pagbigkas ng tula, katulad ng sumusunod:

Hindi ako makatulog dahil sa awit ng mga ibon sa huling bahagi ng gabi,Ipinaaalala nito ang labis na kalungkutan na nagbabalik sa akin,

Si Abu Talib, kanlungan ng mga mahihirap, isang taong may mabuting kalooban,

Bukas-palad, kapag siya ay pinakiusapan, gagawin niya ito,Masaya ang mga Quraish matapos siyang pumanaw,

7 Surah Al-Qasas 28:56. Ang kuwento ng kamatayan ni Abu Talib ay iniulat ni Al-Bukhari at Muslim, sa kapahintulutan ni Sa’id bin Al-Musayyib mula sa kanyang ama na ito ay naiulat nina Ahmad, Muslim at At-Tirmidhi, sa kapahintulutan ni Abu Hurayrah.

Page 19: BTEC Sheera Level 0111

19

Subali’t wala pa akong nakita na isang tao na nabuhahay magpakailanman,

Sila ay nagnananasa dahil sa pang-aakit ng kanilang mga isipan,Na nagiging sanhi ng pagtahak nila sa landas ng pagkakasala,

Hinahangad nilang itatwa at patayin ang Propeta,At siraang-puri siya at itakwil siya,

Nagsinungaling kayo, sumpa man sa Bahay ng Allah,8

(Maghintay) hanggang parusahan namin kayo… sa pamamagitan ng isang espadang Indiano.

Naulila ni Abu Talib ang apat na anak na lalaki at dalawang babae; ang mga lalaki (ayon sa pagkakasunod) ay sina: Talib, ‘Aqil, Ja’far, at ‘Ali na lahat sila ay sampung taon ang mga agwat sa bawa’t isa.

Ang tungkol kay Talib, pinilit siya ng mga pagano na makipaglaban na labag sa kanyang kalooban sa araw ng Labanan ng Badr. Nang mapalibutan ang mga pagano, siya ay hinanap, subali’t wala siya sa mga namatay o di kaya ay sa mga nabihag, ni hindi rin siya nagbalik sa Makkah at wala nang narinig muli tungkol sa kanya.

Ang tungkol kay ‘Aqil, siya ay nabihag sa araw na iyon. Wala siyang salapi o ari-arian kaya’t ang kanyang amain na si Al-‘Abbas ang tumubos sa kanya.9

Nagbalik si ‘Aqil sa Makkah at nanatili dito hanggang sa ikawalong taon matapos ang Hijrah. Siya ay lumikas sa Al-Madinah at nakibaka sa Labanan ng Mu’tah na kasama ang kanyang kapatid na si Ja’far; at ito ay tungkol sa kanya ng ang Propeta ay nagsabi, “May itinira pa ba si ‘Aqil para sa atin?”10

Ang PAglAlAkbAy niyA SA ASh-ShAm At Ang PAgPAPAkASAl niyA kAy khAdijAh

Nang sumapit sa ikadalawampu’t limang taong gulang ang Propetar, siya ay nagtungo sa Ash-Sham upang mangalakal para kay Khadijah, na

8 Maliban sa katotohanan na si Ibn Ishaq ay mahina, ang patunay sa kahinaan ng salaysay na ito ay nakasalalay sa pagsasabi na si ‘Ali ay sumumpa sa Bahay ng Allah, sapagka’t ito ay Shirk, samantala naiulat sa kapahintulutan ni Ibn ‘Umar na siya ay tinanong ng isang lalaki na kung kasalanan ba ang sumumpa sa Ka’bah, at sa halip ay sinabihan siya na sumumpa sa Panginoon ng Ka’bah, sinasabi niya na sinabi ng Propeta na, “Sinuman ang sumumpa sa iba maliban sa Allah ay nakagawa ng isang Shirk.” (Iniulat ni Ahmad)9 Iniulat ni Anas bin Malik, “Ang ibang mga kayamanan ay dinala sa Propeta mula sa Bahrain. Si Al-‘Abbas ay lumapit sa kanya at nagsabi, “O Mensahero ng Allah! Bigyan mo ako (ng ilan sa mga ito), dahil binayaran ko ang aking pantubos at ang kay ‘Aqil.” Sinabi ng Propeta, “Kunin mo,” at ibinigay niya ang galing mula sa kanyang bulsa.” 10 Iniulat ni Al-Bukhari at Muslim sa kapahintulutan ni Usamah bin Zaid.

Page 20: BTEC Sheera Level 0111

20

kasama niya si Maisarah na alipin ni Khadijah. Narating niya ang Busrah at ilang araw pagkalipas ng kanyang pagbabalik ay pinakasalan niya si

Khadijah bint Khuwailid. Siya ang unang babae na kanyang pinakasalan at ang una sa kanyang mga asawa na namatay. Hindi nag-asawa ng iba ang Propeta habang sila ay nagsasama. Ang anghel Gabriel ay nag-utos sa Propeta na bumigkas ng mga pagbati mula sa kanyang Panginoon para kay Khadijah at bigyan siya ng mabubuting balita ng isang tahanan sa Paraiso na gawa mula sa perlas.11

11 Iniulat ni Al-Bukhari, Muslim, At-Tirmidhi, Ibn Majah at Ahmad

Page 21: BTEC Sheera Level 0111

21

KABANATA - 5

Ang PAg-iiSA SA kuwebA ng hirA’

Nagsimula ang pagnanais niya na mapag-isa at sambahin ang kanyang Panginoon. Palagi niyang inihihiwalay ang kanyang sarili sa Kuweba ng Hira’ at dito siya sumasamba.12 Ang mga diyus-diyusan at relihiyon ng kanyang mga mamamayan ay kasuklam-suklam para sa kanya at wala ng iba pa siyang kinasusuklaman. Ginawang dahilan ng Allah na lumaki siya sa pinakamahusay na paraan, upang nang sa gayon siya ang maging pinakamahusay sa kanyang mga mamamayan sa dangal at kabutihang-loob at ang pinakamabuti sa kanila sa pag-uugali. Siya ang pinakamarangal na tagapagtanggol at kasama, ang pinakadakila sa kanila sa pagiging malumanay at paghuhunos-dili. Ang pinakamatapat sa kanila sa pananalita at ang pinakamaingat sa pagbabantay ng mga ipinagkatiwala, higit pa dito na siya ay binansagan nilang Al-Amin (ang mapagkakatiwalaan), dahil sa mabubuti niyang pag-uugali at kalugud-lugod niyang mararangal na mga katangian.

Ang PAgtAtAyong muli ng kA’bAh

Nang ang Mensahero ng Allah ay tatlumpu’t limang taong gulang na, isinagawa ng mga Quraish ang pagtatayong muli ng Ka’bah nang ito ay humantong sa pagkakasira. Ang mga iskolar ng Seerah ay nagsabi na matapos bawian ng buhay si Ismail, ang pamamahala ng Bahay ay nasa mga kamay ng kanyang mga anak na lalaki, pagkatapos ay pinalayas sila ng Jurhum at nanatili ito sa kanilang pamamahala hanggang sa lumabag sila sa kabanalan nito at gamitin kung anuman ang inalay para rito, sila ay nakagawa ng mga karahasan laban sa mga pumapasok sa Makkah. Pagkatapos nila, nakuha ng Khuza’ah ang tungkulin para dito, maliban na ang tribu ng Banu Mudar ay mayroong tatlong mga tungkulin:

12 Ang pagsamba niya ay tanging sa pamamaraan ng pagninilay-nilay sa kadiliman ng kamangmangan na kung saan ang kanyang mga mamamayan ay papaurong, na itinanggi ng tamang kaisipan at mabuting Fitrah (ang likas na katayuan kung saan ipinanganak ang tao) at kung papaano sila ililigtas sa ganitong nakasisirang mga karamdaman. Ito ay pinatunayan ng Salita ng Allah, ang Pinakamataas: “At natagpuan ka Niya na ligaw at iginabay ka Niya.” (Surah Ad-Duha 93:7) at Kanyang Salita: “Hindi ba Namin binuksan ang puso mo para sa iyo, at inalis sa iyo ang bigat na magpapababa sa iyong likod?” (Surah Ash-Sharh 94:1-3)

Page 22: BTEC Sheera Level 0111

22

Ang una: Pahintulutan ang mga tao na pumunta mula ‘Arafah patungo ng Muzdalifah sa panahon ng Hajj, na binabantayan ng Sufah.

Ang Pangalawa: Ang pag-alis ng sabay-sabay mula sa Muzdalifah sa Araw ng Pag-aalay patungo ng Mina, ito ay tungkulin ng Yazeed bin ‘Adwan. Ang panghuli na humawak ng tungkuling ito ay si Abu Sayyarah.

Ang Pangatlo: Ang pagpapaliban ng Ipinagbabawal na mga Buwan. Ito ay tungkulin ng isang lalaki mula sa Banu Kinanah, na tinatawag na Hudhaifah, pagkatapos ay napunta ito kay Junadah bin ‘Awf.

Si Ibn Ishaq ay nagsabi, “Nang umabot sa tatlumpu’t limang taong gulang ang Mensahero ng Allah , nagtipon ang mga Quraish upang itayong muli ang Ka’bah. Nag-aalala sila sa paglalagay ng bubong dito subali’t nangangamba sila sa pagwasak nito. Binubuo lamang ito ng mga hanay ng mga bato na pinagpatong na mas mataas lamang sa sukat ng isang tao. Nais nila itong itaas at takpan ito ng bubong. Ito ay sa dahilan na ang ilang mga tao ay ninakaw ang mga kayamanan ng Ka’bah, na nailagay sa isang balon sa loob ng Ka’bah.

Samantala, isang barko na nagkawatak-watak na pag-aari ng mga mangangalakal na Romano ang inanod ng dagat patungo ng Jeddah. Kinuha nila ang mga kahoy nito at ginamit upang bubungan ang Ka’bah.

Mayroong nakatira sa Makkah na isang maparaan na karpintero na naghanda sa kanila kung ano ang mapakikinabangan mula rito.

Mayroong isang ahas na palaging lumalabas mula sa balon ng Ka’bah, araw-araw ay inihahagis dito ang mga alay. Pinaaarawan ng ahas ang sarili mula sa mga pader ng Ka’bah, ito ay kanilang kinatatakutan sa dahilan na kapag mayroong isang lalapit dito, iniaangat nito ang kanyang ulo, gumagawa ng ingay ng kaluskos at ibinubuka ang kanyang bibig. Isang araw habang ito ay nagpapaaraw sa pader ng Ka’bah, nagpadala ang Allah ng ibon sa ahas at dinagit niya ito, na kasama niyang lumipad. Sinabi ng mga Quraish, “Ngayon ay masasabi natin na nagalak ang Allah sa binabalak natin. Mayroon tayong kaibigan na mahusay na karpintero, mayroon tayong mga kahoy, at inalis para sa atin ng Allah ang ahas.”

Nang napagpasiyahan nilang alisan ng kasangkapan at itayo itong muli, si Abu Wahb bin ‘Amr bin ‘A’id Al-Makhzumi ay kumuha ng bato mula sa Ka’bah, subali’t ito ay lumundag mula sa kanyang kamay at nagbalik sa

Page 23: BTEC Sheera Level 0111

23

dati nitong lugar. Dahil dito, kanyang sinabi, “Oh mga mamamayan ng Quraish, huwag kayong maglagay sa gusaling ito ng anuman maliban lamang sa mga kinita ninyo sa tamang pamamaraan, hindi ang mga kinita sa prostitusyon, o di kaya ay ang mga kinita sa pagpapatubo, o anumang bagay na nakuha dahil sa panlalamang laban sa kaninumang tao.”

Matapos ito, hinati ng mga Quraish ang paggawa sa pagtatayong muli ng Ka’bah; ang bahagi kung saan naroroon ang pintuan ay ipinagkatiwala sa Banu ‘Abdi Manaf at Zahrah, samantala ang nasa pagitan naman ng panulukan ng sulok kung nasaan ang Itim na Bato at sulok na Yemeni ay ipinagkatiwala sa Banu Makhzum at sa ilang mga tribu mula sa Quraish na kabilang sa kanila. Ang pagtatayong muli sa likuran ng Ka’bah ay ipinagkatiwala sa Banu Jumh at Banu Sahm. Ang tungkulin para sa bahagi kung saan ilalagay ang Bato ay ipinagkatiwala sa Banu ‘Abdid-Dar, Banu Asad bin ‘Abdil ‘Uzza at Banu ‘Adiyy – at ito ang pader na bumabagsak.

Takot ang mga tao na gibain ang Ka’bah, subali’t si Al-Walid bin Al-Mughirah ay nagsabi, “Ako ang mauuna sa inyo na magsisimulang gibain ito.” Kinuha niya ang palakol at nagsimula itong gibain habang sinasabi na, “O Allah! Hindi kami lumihis (mula sa Iyong relihiyon), O Allah! Nais lamang namin na gumawa nang mabuti,” at nagiba niya ang gilid ng dalawang sulok. Ng gabing iyon, naghintay ang mga tao at nagsasabi na, “Anuman ang mangyari sa kanya, hindi na natin dapat gibain ang anuman dito at ibalik natin ito sa dati, subali’t kung walang nangyari, ang ibig sabihin ay nagagalak ang Allah sa ating nagawa.” Maaga nang kinabukasan, ipinagpatuloy ni Al-Walid ang paggiba ng nakaraang gabi at ang mga tao ay tumulong sa kanya.

Nagpatuloy sila sa paggiba hanggang sa umabot sila sa mga pundasyon – ang mga pundasyon ni Abraham na binubuo ng mga berdeng bato na kung tingnan ay parang hinabi na magkakakadugtong. Isa sa kanila ang nagsingit ng kanyang bareta sa pagitan ng dalawang bato upang pilitin na matanggal ang isa sa mga ito, subali’t nang magalaw ang isang bato, ang buong Makkah ay nayanig. Kaya’t hinayaan na lamang nila ang mga pundasyon.

Nagtipon ng mga bato ang tribu ng Quraish upang itayo itong muli. Ang bawa’t isa sa kanila ay kukuha mula dito at mag-isa nilang itatayo, hanggang sa ang gusali ay umabot na sa taas na kahanay ng Itim na Bato. Sila ay nagtalo tungkol dito, ang bawa’t isang tribu ay nagnanais na mailagay ito sa lugar. Nagpatuloy ang kanilang di-pagkakaunawaan na umabot hanggang sa bumuo sila ng mga alyansa at naghanda na magsagupaan sa bawa’t isa

Page 24: BTEC Sheera Level 0111

24

para dito. Ang Banu ‘Abdid-Dar ay nagdala ng isang lalagyan na puno ng dugo, sila at ang Banu ‘Adiyy bin Ka’b ay gumawa ng kasunduan na

sila ay handang mamatay (para sa karangalan) at inilubog ang kanilang mga kamay sa dugong ito na tinawag nilang “La’qah Ad-Dam”13. Nanahimik ang mga Quraish sa loob ng mga apat o limang mga gabi. Pagkatapos ay nagtipon sila sa masjid at nagbigayan ng payo sa bawa’t isa.

Ang ilan sa mga manunulat ay nagsabi na si Abu Umayyah bin Al-Mughirah bin ‘Abdullah bin ‘Amr bin Makhzum Al-Makhzumi – na noong panahon na iyon ay ang pinakamatanda sa mga Quraish – ay nagsabi, “Bakit hindi natin pagkasunduan na kung sino ang unang papasok sa pintuan ng masjid, siya ang magpapasiya sa pagitan ninyo.” Kaya’t sila ay nagkasundo at ang unang taong pumasok ay ang Mensahero ng Allah . Nang makita siya nila, sila ay nagsabi, “Siya ang Al-Amin! Tinatanggap namin siya. Siya si Muhammad!” Nang umabot siya sa kanila, ipinaalam nila sa kanya kung ano ang nangyari. Sinabi niya na, “magdala kayo sa akin ng isang tela.” Dinala ito sa kanya at kinuha niya ang Pansulok na Bato at inilagay ito dito sa pamamagitan ng kanyang mga kamay, kanyang sinabi:

“Ang bawa’t tribu ay hahawak sa isang dulo ng tela, pagkatapos ay sabay-sabay itong bubuhatin ng lahat.”

Ginawa nila ito hanggang sa mailagay nila ang Bato sa lugar nito, pagkatapos ay itinulak niya ito papasok sa lugar sa pamamagitan ng sarili niyang mga kamay – kapayapaan at mga pagpapala ng Allah ay mapasakanya… at nagpatuloy sila sa pagtatayo ng Ka’bah.

Habang itinatayo ang Ka’bah, kasama ng mga tao sa paglalagay ng bato ang Mensahero ng Allah , isinasabit nila ang suot nilang tela na pang-ibaba sa ibabaw ng kanilang mga balikat na ginawa rin ng Mensahero ng Allah . Subali’t siya ay yumuko at may isang sumigaw, “Takpan mo ang iyong mga pribadong bahagi!” Matapos ito, ang mga pribadong bahagi niya ay hindi na muling nakita.

Nang maabot nila ang labinlimang pulgada, nilagyan nila ng bubong ang itaas nito na may anim na mga biga ang umaalalay dito.

Ang Ka’bah ay nabalutan ng Qabati,14 pagkatapos ay binalutan ito ng Burud.15 Ang unang tao na nagpalamuti nito ng makakapal na telang binurda ay si

13 La’qah Ad-Dam, sa literal na kahulugan ay ang Pagdila sa Dugo.14 Qabati; puting tela mula sa Ehipto15 Burud; ang uri ng tela mula sa Yemen

Page 25: BTEC Sheera Level 0111

25

Al-Hajjaj Ibn Yusuf.

Inalis ng mga Quraish ang bato dahil sa kakulangan ng pondo at itinaas nila ang pintuan ng Ka’bah mula sa lupa upang walang sinuman ang makapasok dito maliban sa kanilang pahintulutan. At kung sinuman ang magnais na pumasok dito na hindi nila ninais na makapasok, hahayaan nila hanggang sa maabot niya ang pintuan at saka nila pagbabatuhin.

Nang abutin niya ang ikalimampung taong gulang, ipinadala siya ng Allah bilang tagahatid ng mabuting balita, ang tagapagbabala at tagatawag sa landas ng Allah sa pamamagitan ng Kanyang kapahintulutan at ng isang gabay sa liwanag.

Page 26: BTEC Sheera Level 0111

26

KABANATA - 6

ilAn SA mgA PAniniwAlA ng mgA tAo ng jAhiliyyAh (kAmAngmAngAn)

Bago ito, kinakailangan muna nating banggitin ang ilan sa mga gawain ng Jahiliyyah at kung ano ang kanilang mga paniniwala bago ipinadala ang Mensahero ng Allah .

Si Qatadah ay nagsabi, “Nabanggit sa atin na ang pagitan ni Adan at Noah ay mayroong sampung siglo, na noong kapanahunan na iyon ang mga tao ay matuwid na nagabayan at sumusunod sa batas ng katotohanan. Pagkalipas, sila ay nagkaroon ng pagkakaiba kaya’t ipinadala ng Allah si Noah. Siya ang unang Mensahero sa sangkatauhan ng mundo.” Sinabi ni Ibn Abbas ang tungkol sa Salita ng Allah:

ة واحدة مكن انلاس أ

“Ang sangkatauhan ay iisang pamayanan.” Surah Al-Baqarah 2:213

- “Lahat sila ay sumunod sa Islam.” Ang unang bagay na pinanglinlang ng Satanas sa mga tao ay ang pagsamba sa mga matutuwid na tao. Binanggit ito ng Allah sa Kanyang Aklat, sa Kanyang mga Salita.

ا ا ول سواع ول يغوث ويعوق ونسر وقالوا ل تذرن آلهتكمر ول تذرن ود“At kanilang sinabi: ‘Hindi ‘nyo dapat iwanan ang inyong mga diyos, o di kaya’y iwanan si Wadd, o kaya si Suwa, Yaghuth, Ya’uq, Nasr’ (ito ang

mga pangalan ng kanilang mga diyus-diyusan.” Surah Nuh 71:23

Si Ibn Abbas ay nagsabi, “Ang mga taong ito ay mga matutuwid na tao at nang sila ay yumao ng isang buwan, ang kanilang mga kamag-anak ay nagdalamhati sa kanila kaya’t gumawa sila ng mga larawan nila.” At ito ay naiulat sa kahit na saan na ang kanilang mga kasamahan ay nagsabi, “Kung tayo ay gagawa ng mga larawan nila, mas magiging deboto tayo sa ating pagsamba.” Sinabi ng nag-ulat, “Ang isang lalaki ay magpupunta sa kanyang kapatid na lalaki at sa kanyang pinsang lalaki at sasamba sa kanya hanggang sa maubos ang henerasyong ito, pagkatapos ay panibagong

Page 27: BTEC Sheera Level 0111

27

henerasyon ang darating at sasamba sa kanila ng mas higit sa antas ng pagsamba sa mga nauna sa kanila, pagkatapos ay darating ang ikatlong henerasyon at sila ay magsasabi, ‘Ang mga naunang henerasyon sa amin ay hindi sumamba sa kanila maliban lamang sa paghingi ng pamamagitan para sa Allah,’” kaya’t sila ay kanilang sinamba.

Nang ipadala ng Allah si Noah sa kanila – at yaong mga nilunod ng Allah ay naglaho – inanod ng tubig ang mga diyus-diyusan at tinangay ang mga ito sa iba’t ibang mga lugar, hanggang sa ito ay matangay sa lupa ng Jeddah. Nang humupa na ang tubig, nanatili ang mga ito sa tabing-dagat at hinipan ng hangin ang buhangin na napunta sa mga ito hanggang matabunan.

Si ‘Amr bin luhAyy Ay Ang unA SA nAgbAgo ng relihiyon ni AbrAhAm

Si ‘Amr bin Luhayy ay pinuno ng Khuza’ah. Isa siyang manghuhula at may kaugnayan sa Jinn na nagpunta sa kanya at nagsabi:

Madaliin mo ang iyong paghakbang at magtungo sa Tihamah,Na mayroong mabuting kapalaran at kaligtasan,At matatagpuan mo ang mga diyus-diyusan na naghihintay doon,Dalhin ang mga ito sa Tihamah at huwag katakutan,Manawagan sa mga Arabo na sambahin sila at sila ay tutugon.

Kaya’t nagpunta siya sa Jeddah at natagpuan ang mga ito, dinala niya ang mga ito hanggang makarating siya sa Tihamah.

Dumalo siya sa Hajj at nanawagan sa mga Arabo na sambahin ang mga ito. Si ‘Awf bin ‘Uzrah ay tumugon at ibinigay niya ang diyus-diyusan na si Wadd na kanya naman itong tinanggap. Siya ay nakatira sa Wadi Al-Qura sa Dawma Al-Jandal. Tinawag ni ‘Awf ang kanyang anak na lalaki na ‘Abdu Wadd, na siyang unang tinawag sa ganito. Ang kanyang kaanak-anakan ay nagpatuloy na pinamahalaan ito hanggang sa pagdating ng Islam, ipinadala ng Mensahero ng Allah si Khalid Ibn Walid upang wasakin ito (Wadd). Ang Banu ‘Uzrah at Banu ‘Amir ay pumagitna sa pagitan niya at ng diyus-diyusan upang pigilan siya. Subali’t sila ay naglabanan at napatay sila ni Walid, pagkatapos ay pinagwawawasak niya ang mga ito at pinagdududurog.

Si Mudar bin Nizar ay tumugon din sa panawagan ni ‘Amr bin Luhayy. Iniharap niya sa isang lalaki mula sa Huzail ang diyus-diyusan na Suwa’.

Page 28: BTEC Sheera Level 0111

28

Ito ay nasa isang lugar na kilala bilang Wuhat sa Batn Nakhlah. Sinuman ang lumapit mula sa Mudar ay sasamba dito, at ang tungkol dito ay may

nabanggit:

Makikita mo sila na nakapalibot sa kanilang Qiblah sa pagsamba,Katulad ng palagiang pagsamba ng mga Hudhail kay Suwa’.

Si Mazhaj ay tumugon din sa kanya. Iniharap ni ‘Amr bin Luhayy kay Na’eem bin ‘Amr A’-Muradi ang diyus-diyusan na kilala bilang Yaghuth. Ito ay nasa Akmah sa Yemen at Mazhaj, ang kanilang mga kapanalig ay sumasamba dito.

Tumugon din ang Himyar sa kanyang panawagan at iniharap sa kanila ang diyus-diyusan na Nasr. Ito ay nasa lugar ng Saba’ (Sheba) at Himyar na ang kanilang mga kapanalig ay sumasamba dito.

Ang mga diyus-diyusan na mga ito ay patuloy na sinamba hanggang sa ipadala ng Allah ang Kanyang Mensahero at pinagwawawasak ang mga ito.

Maliwanag na naiulat sa kapahintulutan ni Abu Hurairah na ang Mensahero ng Allah ay nagsabi:

“Nakita ko sa aking panaginip si ‘Amr bin ‘Amr Al-Khuza’i na hila-hila ang kanyang mga bituka sa Apoy, at siya ang unang tao nagsagawa ng tradisyon na nagpapakawala ng mga hayop (para sa kanilang mga diyus-diyusan).”16

Sa ibang mga salaysay, siya ay nagsabi, “… at binago ang relihiyon ni Abraham.” At sa ibang salaysay naman ay naiulat mula kay Ibn Ishaq, “Siya ang kauna-unahan na nagbago ng relihiyon ni Abraham at nagtayo ng mga diyus-diyusan.”

Ang mga tao nang kamangmangan ay sinunod ito, subali’t mayroong mga natira mula sa kanila na mayroong mga bakas ang relihiyon ni Abraham, katulad ng pamimitagan sa Bahay (ng Allah) at ang pag-ikot dito, Hajj at Umrah, pananatili sa ‘Arafah at Muzdalifah at pag-aalay ng mga kamelyo. Kalimitang sinasabi ni Nizar, “Narito ako, sa paglilingkod sa Iyo, O Allah! Walang kang mga katambal maliban sa katambal na nabibilang sa iyo, Pag-aari Mo siya at ang lahat ng kanyang mga pag-aari.” Kaya’t inihayag ng Allah:

16 Iniulat ni Al-Bukhari

Page 29: BTEC Sheera Level 0111

29

كء ف يرمانكم من شا ملكتر أ نفسكمر هل لكم من م

ثل منر أ ضب لكم م

يات ل الر نفسكمر كذلك نفصنتمر فيه سواء تافونهمر كخيفتكمر أ

ما رزقرناكمر فأ

م يعرقلون لقور“Siya ay naghanda para sa iyo ng isang parabula mula sa inyong mga

sarili: Mayroon ka bang mga katambal mula sa kanila na pag-aari ng iyong kanang kamay (hal. ang iyong mga alipin) upang makibahagi ng pantay sa kayamanan na ipinagkaloob Namin sa inyo na inyong kinatatakutan

katulad ng pagkatakot ninyo sa bawa’t isa? Kung gayon, ipinaliwanag ba Namin ang mga palatandaan ng mabuti sa mga taong may pang-unawa?”

Surah Ar-Rum 30:28

Ang diyus-diyusang manat

Isa sa mga sinaunang diyus-diyusan ay si Manat, na itinayo sa tabing-dagat, sa rehiyon ng Qudaid, pagitan ng Makkah at Al-Madinah. Ang lahat ng mga Arabo ay dating sumasamba dito, subali’t hindi pa hihigit kaysa Al-Aws at Ak-Khazraj; dahil dito, ang Allah, ang Pinakamataas, ay inihayag:

ن تمر فل جناح عليره أ و اعر

يرت أ وة من شعآئر الل فمنر حج الر رمرر فا وال إن الص

وف بهما يط“Katiyakan, ang As-Safa at Al-Marwah (dalawang mga bundok sa Makkah)

ay mga Palatandaan ng Allah. Kaya’t hindi kasalanan sa kanya na nagsasagawa ng Hajj o ‘Umrah sa Bahay (Ka’bah sa Makkah) na gawin ang pagsulong (Tawaf) sa pagitan ng mga ito (As-Safa at Al-Marwah).”

Surah Al-Baqarah 2:158

Pagkatapos ay ipinadala ng Mensahero ng Allah si ‘Ali sa taon ng pananakop ng Makkah at winasak niya ito.

Ang diyus-diyusang Al-lat

At ginawa nilang diyus-diyusan si Al-Lat sa At-Ta’if na ang pinagmulan nito ay sa isang lalaki na palaging winawasak si Saweeq para sa mga

Page 30: BTEC Sheera Level 0111

30

naglalakbay at siya ay namatay, kaya’t sila ay nag-umpisang manambitan sa kanyang libingan, na natatakpan ng isang kuwadradong bato. Iniangat

ito ni Thaqeef at nagtayo sa ibabaw nito (ng rebulto). Lahat ng mga Arabo ay nakasanayang sumamba dito. Tinatawag ng mga Arabo ang kanilang mga sarili ng mga pangalang katulad ng Zaid Al-Lat at Taim Al-Lat. Ito ay nakatayo kung nasaan ngayon nakatayo ang minaret ng pangkasalukuyang masjid ng At-Ta’if.

Nang yumakap sa Islam si Thaqeef, ipinadala ng Mensahero ng Allah si Al-Mugherah na giniba niya ito at sinunog.

Ang diyus-diyusang Al-‘uzza

Pagkatapos ay hinirang nila si Al-‘Uzza bilang isang diyos, at naging mas madalas ito kaysa sa paghirang nila kay Al-Lat bilang isang diyos. Ito ay nakalagay sa Wadi Nakhlah, sa itaas ng Zat ‘Irq. Sila ay nagtayo ng isang gusali sa itaas nito at palagi silang nakaririnig ng tinig na nagmumula dito. Nakaugalian ng mga Quraish na sambahin ito at nang masakop ng Mensahero ng Allah ang Makkah, ipinadala niya si Khalid Ibn Al-Walid at kanya itong tinagpas. Mayroong tatlong puno at nang pinutol niya ang pangatlo, natagpuan niya ang kanyang sarili na nakaharap sa isang babae ng Abyssinia na ang dulo ng mga buhok ay nakatayo at ang mga kamay ay nakalagay sa kanyang mga balikat na nagngangalit ang mga ngipin, ang nasa likod nito ay ang kanyang tagapangalaga. Sinabi ni Khalid:

O ‘Azz! Hindi kami naniniwala sa iyo, at hindi ka namin niluluwalhati,Nakita ko na hinamak ka ng Allah,

Pagkatapos ay tinagpas niya ang babae at hinati ang kanyang bungo na kanyang ikinamatay, at saka niya pinatay ang tagapangalaga.

Ang diyus-diyusang hubal

Maraming mga diyus-diyusan ang mga Quraish sa loob ng Ka’bah na nakapalibot. Ang pinakamalaki sa mga ito ay si Hubal na gawa mula sa pulang carnelian sa hugis ng isang tao. Kapag mayroon silang hindi napagkakasunduan tungkol sa isang bagay o nagnanais na maglakbay, lalapit sila dito at magpapalabunutan kasama ng mga nagpapabanal na pana sa tabi nito. Ito ang diyus-diyusan na binanggit ni Abu Sufyan noong araw ng Uhud: “Aba Ginoong Hubal!” Ang Propeta ay nagsabi:

Page 31: BTEC Sheera Level 0111

31

“Sabihin: ‘Ang Allah ay mas mataas at mas makapangyarihan.”17

Mayroon din silang mga diyus-diyusan na isaf at na’ilah; ayon sa kuwento, si Isaf ay isang lalaki mula sa Jurhum at si Na’ilah naman ay isang babae mula sa kanila. Sila ay pumasok sa Sagradong Bahay at sila ay nakagawa nang ipinagbabawal na pagtatalik sa loob nito kaya’t ginawa sila ng Allah na mga bato at sila ay inilabas nila upang maging babala sa mga tao. Subali’t, makalipas ang mahabang panahon ang mga diyus-diyusan ay sinamba na kasama ang dalawang ito.

Ang diyus-diyusang dhul-khalasah

Ang Khath’am at Bajeelah ay may isang diyus-diyusan na tinatawag nilang Khalasah. Ito ay nakatayo sa pagitan ng Makkah at Al-Madinah. Sinabi ng Mensahero ng Allah kay Jarir bin ‘Abdullah Al-Bajali, “Hindi mo ba ako ipag-aadya kay Dhul-Khalasah.” Kaya’t siya ay nagpunta dito na may dalang sagisag at ang tribu ng Hamdan ay nakipaglaban sa kanya. Nailigaw niya sila at nawasak niya ito.

Ang mga tribu ng Qada’ah, Lakhm, Jadam ‘Amilah at Ghatafah ay mayroong diyus-diyusan na nasa bandang bahagi ng silangan ng Ash-Sham. At ang mga tao sa bawa’t lambak ng Makkah ay may kani-kaniyang diyus-diyusan. Sinuman ang magnais sa kanila na maglakbay, ang huling gagawin niya sa kanyang bahay ay ang humaplos dito.

Ang diyus-diyusang ‘Amm Anas

Si Ibn Ishaq ay nagsabi, “Ang mga Khawlan ay mayroong diyus-diyusan na tinatawag nilang ‘Amm Anas, inihayag ng Allah ang tungkol sa kanila:

مهمر وهـذا بزعر ر هـذا لل نرعام نصيبا فقالواررث واأل من الر

مما ذرأ ر لل وجعلوا

كآئهمر فهو يصل إل ش كآئهمر فل يصل إل الل وما كن لل كآئنا فما كن لش لشساء ما يركمون

Iniulat ni Al-Bukhari, sa kapahintulutan ni Al-Bara’ bin ‘Azib at ni Ahmad sa kapahintulutan ni 17

Abdullah bin ‘Abbas.

Page 32: BTEC Sheera Level 0111

32

“At naglaan sila para sa Allah ng bahagi ng kanilang ani at baka na likha ng Allah. Sila ay nagsasabi, ‘Ito ay para sa Allah,’ para lang

kanilang papaniwalain, ‘at ito ay para sa (Kanyang) mga katambal na may kinalaman sa amin.’ Magkagayon, kung alin ang (inilaan nila) para sa (Kanyang) mga katambal na may kinalaman sa kanila, ay hindi umaabot

sa Allah at kung alin ang (inilaan nila) para sa Allah, ay napunta sa (mga sinasabing) katambal. Kasamaan ang pamamaraan ng kanilang

pagpapasiya!” Surah Al-An’am 6:136

At nang ipadala ng Allah si Muhammad na may dalang (Mensahe ng) Tawhid, ang mga Quraish ay nagsabi:

ء عجاب لهة إلها واحدا إن هذا لشر جعل الرأ

“Pinagsama ba niya ang lahat ng mga diyos sa iisang Diyos (Allah)? Katiyakan, ito ay isang bagay na nakapagtataka.” Surah Sad 38:5

At katulad ng Ka’bah, pinagpitaganan din ng mga Quraish ang mga bahay ng Tawaghit (mga diyus-diyusan) katulad ng pamimitagan nila sa Ka’bah.

Nang masakop ng Mensahero ng Allah ang Makkah, natagpuan niya sa palibot ng Ka’bah ang tatlong daan at animnapung mga diyus-diyusan. Pinagsususundot niya ang mga mata at mukha ng mga ito at nagsabi:

اطل كن زهوقا اطل إن الر ق وزهق الر وقلر جاء الر“At sabihin, ‘Ang Katotohanan (hal. Islamikong paniniwala sa Kaisahan ng Allah, o ang Qur’an, o ang Jihad laban sa mga sumasamba sa mga

diyus-diyusan) ay dumating na at ang Batil (kasinungalingan) ay naglaho. Katiyakan na ang kasinungalingan ay palaging maglalaho.’”

Surah Al-Isra 17:81

at naglalagan ang mga ito na nauna ang mga ulo, pagkatapos ay iniutos niya na tanggalin ang mga ito mula sa masjid at sinunog.

Page 33: BTEC Sheera Level 0111

33

KABANATA - 7

Ang PAnimulA ng PAghAhAyAg

Maliwanag na naiulat sa kapahintulutan ni ‘A’isha na kanyang sinabi, “Ang panimula ng Banal na Inspirasyon sa Mensahero ng Allah ay sa anyo ng mga mabubuting panaginip na nagkatotoo katulad ng liwanag ng isang umaga. Sumunod dito ang pagnanais niya na mapag-isa ay ipinagkaloob sa kanya. Palagi siyang nagpupunta sa kuweba ng Hira upang mapag-isa kung saan niya nakaugalian na sambahin (ang Allah nang nag-iisa) nang tuluy-tuloy bago ang pagnanais niya na makita ang kanyang pamilya. Palagi siyang nagdadala ng pagkain sa kanyang paglalakbay para sa kanyang pananatili at pagkatapos ay magbabalik kay Khadijah (ang kanyang asawa) upang kumuha uli ng kanyang makakain. Hanggang sa bigla na lang bumaba sa kanya ang Katotohanan habang siya ay nasa kuweba ng Hira. Dumating sa kanya ang anghel at inuutusan siyang magbasa. Sumagot ang Propeta , “Hindi ako marunong magbasa.” Sinabi ng Propeta , “Niyakap ako ng anghel nang napakahigpit hangga’t sa hindi ko na ito makayanan. Pinakawalan niya ako at inutusan niya akong muli na magbasa, isinagot ko na, ‘Hindi ako marunong magbasa.’ Pagkasabi ko ay niyakap niya ako ng napakihigpit sa pangalawang pagkakataon hangga’t sa hindi ko na naman ito makayanan. Pinakawalan niya akong muli at inutusan na magbasa, isinagot ko uli na, “Hindi ako marunong magbasa. Pagkasabi ko ay niyakap niya ako ng napakihigpit sa pangatlong pagkakataon, at pinakawalan niya ako at nagsabi:

رم كر وربك األر

رنسان منر علق )٢( اقررأ

ي خلق )١( خلق الر م ربك ال باسرراقررأ

)٣(

“Basahin! Sa pangalan ng iyong Panginoon na Siyang lumikha (sa lahat ng nananatili). Nilikha niya ang tao mula sa isang namumuong dugo.

Basahin! At ang iyong Panginoon ang Pinakamapagbigay.” Surah Al-‘Alaq 96:1-3

Nagbalik ang Mensahero ng Allah na may dala-dalang Inspirasyon habang ang kanyang puso ay malubha ang pagtibok. Nagpunta siya kay Khadijah bin Khuwailid at nagsabi, “Kumutan mo ako! Kumutan mo ako!” Kinumutan nila ang Propeta hanggang sa humupa ang kanyang takot. Ikinuwento niya ang lahat ng nangyari at sinabi, “Natatakot ako na baka

Page 34: BTEC Sheera Level 0111

34

mayroong mangyari sa akin.” Sumagot si Khadijah, “Hindi kailanman! Sumpa man sa Allah, hindi ka ipahahamak ng Allah. Pinananatili mo ang

mabuting ugnayan sa iyong mga kamag-anak, tumutulong sa mga mahihirap at sawimpalad, pinaglilingkuran ang iyong mga panauhin ng napakahusay, at tinutulungan ang mga taong karapat-dapat na nasalanta ng kalamidad.”

Sinamahan siya ni Khadijah sa kanyang pinsan na si Waraqah bin Nawfal bin Asad bin ‘Abdul ‘Uzza, na noong kapanahunan bago sumapit ang Islam ay naging Kristiyano. Madalas siyang magsulat na gamit ang mga titik ng Ebreo. Magsusulat siya mula sa Ebanghelyo ng Ebreo hangga’t sa naisin ng Allah na kanyang isulat. Siya ay matanda na at nawalan ng paningin. Sinabi ni Khadijah kay Waraqah, “Makinig sa kuwento ni Muhammad, o aking pinsan!” Nagtanong si Waraqah, “O Muhammad! Ano ang iyong nakita?” Inilarawan ng Mensahero ng Allah kung ano ang kanyang nakita. Sinabi ni Waraqah, “Ito ay kahalintulad nang nagtatago ng mga lihim (anghel Gabriel) na ipinadala ng Allah kay Moises. Sana ay bata pa ako at mabubuhay pa hanggang sa ang iyong mga mamamayan ay iiwanan ka.” Nagtanong ang Mensahero ng Allah , “Palalayasin ba nila ako?” Sa Waraqah ay sumagot ng paayon at nagsabi, “Sinuman ang dumating na mayroong dala ng katulad ng iyong dinala ay kinakalaban ng mga tao; at kung mananatili akong buhay hanggang sa araw na ikaw ay kanilang itakwil, magkagayon ay ipagtatanggol kita ng lubos.” Pagkatapos ay binigkas ni Waraqah ang mga sumusunod na tula:

Ako ay nagsisikap at palaging nag-aalaala (sa Allah),O Allah! (Sa Iyo) ako’y nananawagan,Kapagdaka’y inilarawan ni Khadijah ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari (na naganap),Kay tagal kong naghintay, O Khadijah, sa pusod ng Makkah,Umaasa na maririnig ko ang katulad ng iyong sinabi,Na makikita ko siya na lalabas,Sang-ayon sa patunay na sinabi mo sa akin kung ano ang sinabi ng isang pari,-Kinasusuklaman ko na siya ay hindi matuwid-,Na si Muhammad ay magiging pinuno ng kanyang mga mamamayan,At yaong hindi sumasang-ayon sa kanya ay sasalungatin siya,Subali’t siya ay lilitaw sa isang bayan na tila isang liwanag na gumagabay,Ginagabayan ang mga tao sa kabutihan,Yaong kumakalaban sa kanya ay sasalubungin ng pagkatalo,Nguni’t yaong nagtatanggol sa kanya ay sasalubungin ng

Page 35: BTEC Sheera Level 0111

35

pagtatagumpay,Nais kong masaksihan ang araw na ito,At ako ang una sa kanila na papasok,Na pasukin kung ano ang kinamumuhian ng mga Quraish,Kahit na yaong mga nasa Makkah ay maingay na tumututol,Umaaasa ako na kung ano ang kinamumuhian nilang lahat ay makararating sa Allah,Ang Nagmamay-ari ng Trono, samantalang sila ay nasa kawalan-ng-dangal,Ano ang kanilang pananampalataya maliban sa di-paniniwala,Ihambing sa pananampalataya ng yaong abot ang mga bituin?

Subali’t sa maikling panahon matapos ito, binawian ng buhay si Waraqah at ang Kapahayagan ay panandaliang natigil, na ikinalungkot ng labis ng Mensahero ng Allah . Kahi’t na ang pag-akyat sa tuktok ng mga bundok, nag-iisip na magpatihulog mula sa mga ito. Si anghel Gabriel ay magpapakita sa kanya at magsasabi, “O Muhammad! Ikaw ay Mensahero ng Allah sa katotohanan,” at dahil dito ay mapapanatag ang kanyang puso at siya magbabalik sa kanyang tahanan. Sa tuwing ang panahon ng pagdating ng kapahayagan ay napahaba, gagawin niya ang tulad ng dati, subali’t kapag mararating na niya ang tuktok ng bundok, magpapakita sa kanya si anghel Gabriel at sasabihin sa kanya kung ano ang sinabi niya dati.

Hanggang sa isang araw nang siya ay naglalakad, nakarinig siya ng isang tinig mula sa kalangitan at siya ay nagsabi, “Kaya’t itinaas ko ang aking paningin at nakita ko ang anghel na lumapit sa akin sa kuweba ng Hira. Siya ay nakaupo sa isang trono sa pagitan ng langit at ng lupa. Natakot ako sa kanya at bumalik ako sa aking tahanan na nagsabi, ‘Kumutan ‘nyo ako! Kumutan ‘nyo ako!’” At pagkatapos ay inihayag ng Allah ang sumusunod na mga Talata (ng Qur’an):

نذرر )٢(ثر )١( قمر فأ رمد ها ال ي

يا أ

“O ikaw (Muhammad) na nakatalukbong ng kumot! Magbangon at magbigay babala!” Surah Al-Muddaththir 74:1-2

Matapos ito, ang Kapahayagan ay nagsimulang dumating nang napakalakas, madalas at palagian.”18

18 Iniulat ni Al-Bukhari, sa kapahintulutan ni ‘A’isha (na hindi kasama ang mga taludtud ng tula)

Page 36: BTEC Sheera Level 0111

36

mgA uri ng kAPAhAyAgAn

Ang Kapahayagan na dumarating sa Mensahero ng Allah ay sa iba’t ibang uri:

Ang una: Isang pangitain; si ‘Ubaid bin ‘Umair ay nagsabi, “Ang mga pangitain ng Propeta ay isang uri ng Kapahayagan.” Pagkatapos ay kanyang binigkas:

ذربكن أ

رمنام أ رى ف ال

إن أ

“Nakita ko sa aking panaginip na ikaw ay aking kinakatay (iniaalay ka sa isang pagsasakripisyo sa Allah).” Surah As-Saffat 37:102

Ang pangalawa: Kung ano ang inilalagay ng anghel (Gabriel) sa kanyang puso, na hindi siya nakikita ng Propeta , katulad ng kanyang sinabi:

“Ang Espiritu (anghel Gabriel) ay nagbulong sa aking puso, na walang kaluluwang mamamatay hanggang ang kanyang mga panustos at kanyang taning ay naganap, kaya’t katakutan ang Allah at humiling sa Kanya sa mabuting paraan at kung kayo ay maghihintay para sa panustos, huwag ninyo itong hayaan na maging dahilan sa inyo upang hanapin ito sa pamamagitan ng pagsuway sa Allah, sapagka’t kung ano nasa Allah ay hindi makakamit maliban lamang sa pamamagitan ng pagsunod.”19

Ang pangatlo: Na ang anghel ay nagpapakita sa kanya sa anyo ng isang lalaki at nakikipag-usap sa kanya; at sa ganitong anyo ay nakikita rin siya kapag minsan ng mga Sahaba.

Ang pang-apat: Na ito ay dumarating sa kanya na katulad ng ingay ng isang kalembang; at ito ang pinakamahirap sa lahat, sapagka’t ang anghel ay umaanib sa kanya hanggang sa siya ay pagpawisan sa kanyang nuo, kahit na ito ay isang napakalamig na umaga20 at kahit na ang kanyang kamelyo ay napapaluhod na kasama niya sa lupa. At sa isang pagkakataon, ito ay dumating sa kanya habang ang kanyang hita ay nasa hita ni Zaid bin Thabit, na halos ito ay mawasak.21

19 Iniulat ni Al-Bukhari, sa kapahintulutan ni ‘Ubaid bin ‘Umair; at At-Tirmidhi, sa kapahintulutan ni bin ‘Abbas.20 Iniulat ni Al-Bukhari, sa kapahintulutan ni ‘A’ishah.21 Iniulat ni An-Nasai’, sa kapahintulutan ni Zaid bin Thabit.

Page 37: BTEC Sheera Level 0111

37

Ang panglima: Na ang anghel ay darating sa kanya sa anyo ng pagkakalikha nito at ipahahayag sa kanya ang nais ng Allah. Nangyari ito sa dalawang pagkakataon, katulad ng binanggit ng Allah sa Surah An-Najm.

Ang pang-anim: Kung ano ang inihayag ng Allah sa kanya sa itaas ng mga kalangitan noong Gabi ng Al-Miraj, kasama ang tungkulin sa pagdarasal at iba pang mga bagay.

Si Ibn Al-Qayyim – kalugdan nawa siya ng Allah – ay nagsabi, “Ang unang bagay na inihayag sa kanya ng kanyang Panginoon ay ang basahin sa Pangalan ng kanyang Panginoon na Siyang lumikha. At ito ang panimula ng kanyang Pagkapropeta. Iniutos Niya na bigkasin ito sa sarili niya at hindi Niya inutos sa kanya na ibahagi ito kahit kanino. At ang Allah, ang Pinakamataas ay inihayag sa kanya:

نذرر ٢ثر ١ قمر فأ رمد ها ال ي

يا أ

“O ikaw (Muhammad) na nakatalukbong ng kumot! Magbangon at magbigay babala!” Surah Al-Muddaththir 74:1-2

Sa gayon ay ipinabatid sa kanya (ang kanyang Pagkapropeta) sa pamamagitan ng “Basahin!” at ipinadala siya (upang magbabala) sa pamamagitan ng “O ikaw (Muhammad) na nakatalukbong ng kumot! Magbangon at magbigay babala!.” Ipinag-utos sa kanya na bigyang babala ang malapit niyang kamag-anak, ang kanyang mamamayan, ang mga nakapalibot sa kanya mula sa mga Arabo, lahat ng mga Arabo, ang buong mundo (ng sangkatauhan at Jinn).”

Nagpatuloy siya nang humigit sa sampung taon ng pagbibigay babala sa kanila sa pamamagitan ng pangangaral, na walang pakikipaglaban at pagpapataw ng Jizyah22 at iniutos ng Allah sa kanya na maging mahinahon at matiyagang magpunyagi. Pagkatapos ay pinahintulutan siya na lumikas (Hijrah) sa Al-Madinah at pinahintulutan na makipaglaban. Iniutos ng Allah sa kanya na labanan yaong mga nakikipaglaban sa kanya. Pinahintulutan siya na labanan ang mga sumasamba sa mga diyus-diyusan hanggang sa ang bawa’t pagsamba ay para na lamang sa Allah.

22 Jizyah: Isang alay na ibinabayad ng mga Hudyo, Kristiyano at mga Midyano na naninirahan sa ilalim ng pangangalaga ng mga Muslim.

Page 38: BTEC Sheera Level 0111

38

Ang unAng nAniwAlA

Nang manawagan ang Propeta na maniwala sa Allah, ang mga alipin ng Allah mula sa bawa’t tribu ay tumugon sa kanyang panawagan at ang una sa kanila ay si Abu Bakr, ang Siddeeq23 ng bansang ito. Tinulungan niya ang Propeta sa pagtatanggol ng relihiyon ng Allah at kasama siyang nanawagan para sa Allah. Kasama sa tumugon sa kanyang panawagan ay sina ‘Uthman, Talhah at Sa’d.

Isa pa sa maagang tumugon sa kanyang panawagan ay si As-Siddeeqah, Khadijah, gayundin si ‘Ali bin Abi Talib noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Sinasabi na siya ay mas matanda pa, habang siya ay nasa pangangalaga ng Mensahero ng Allah , na siya ay kinuha mula sa kanyang amain (Abu Talib).

Ang kuwento ni ZAid bin hArithAh

Si Zaid bin Harithah ay isa sa mga unang yumakap sa Islam; siya ay minamahal ng Mensahero ng Allah . Siya ay naging alipin ni Khadijah at ibinigay siya sa Mensahero ng Allah nang pakasalan niya ang Propeta . Ang kanyang ama, Haritha at kanyang amain ay nagpunta sa Propeta upang siya ay tubusin at sinabi nila sa Propeta , “O anak ng pinuno ng kanyang mga mamamayan! Kayo ang mga mamamayan ng Santuwaryo ng Allah at Kanyang pamamahala; pinalalaya ninyo yaong mga nagdurusa, pinakakain ninyo ang mga bihag, kaya’t kami ay nagtungo sa iyo tungkol sa aming anak, na iyong alipin, pakiusap na maging mabuti sa amin at tanggapin ang tubos para sa kanya.” Ang Propeta ay nagsabi:

“Maaari ba akong magmungkahi ng iba pa!”

Sila ay nagsabi, “At ano iyon?” Kanyang sinabi:

“Tatawagin ko siya at papipiliin; kung pipiliin niya kayo, kunin ‘nyo siya, subali’t kung pipiliin niya ako, sumpa man sa Allah, hindi ako pipili ng iba pa maliban sa isa na pinili ako.”

Sila ay nagsabi, “Sinagot mo kami sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin 23 Siddeeq: Ang tawag na ibinigay sa kanya ng Propeta dahil sa katotohanan na siya ay naniwala sa kuwento ng Propeta noong Gabi ng Paglalakbay (Al-Isra’) at ang pag-akyat sa mga kalangitan (Al-Miraj), samantala ang iba ay hindi naniwala.

Page 39: BTEC Sheera Level 0111

39

ng pagkakataon at mahusay ang pakikitungo mo sa amin.” Kaya’t tinawag niya si Zaid at kanyang tinanong: “Kilala mo ba ang mga taong ito?”

Siya ay sumagot, “Oo, (sila ay ang) aking ama at aking amain.” Kanyang sinabi:

“At kilala mo ako at alam mo kung paano kita pakitunguhan, kaya’t piliin mo ako o piliin mo sila.”

Kanyang sinabi, “Hindi ako pipili ng maliban sa iyo. Para sa akin, ikaw ay katulad ng isang ama at isang amain.” Sila ay nagsabi, “Nakakahiya ka Zaid! Pipiliin mo ba na maging isang alipin kaysa sa kalayaan at sa iyong ama, sa iyong amain at iyong pamilya?” Siya ay nagsabi, “Oo, nakita ko kung ano ang taong ito at hindi ako pipili ng iba pa maliban sa kanya.” Nang matunghayan ito ng Mensahero ng Allah , hinatak niya ito palabas ng Hijr Ismail24 at nagsabi:

“Kayo ang saksi na si Zaid ay aking anak; ako ang kanyang tagapagmana at siya ang aking tagapagmana.”

Nang marinig ito ng kanyang ama at amain, sila ay natuwa at lumisan. Siya ay tinawag na Zaid bin Muhammad hanggang sumapit ang Islam at ang sumusunod na talata ay inihayag:

قرسط عند اللادرعوهمر لبائهمر هو أ

“Tawagin sila (mga ampon) sa pamamagitan (ng pangalan) ng kanilang mga ama, ito ay mas makatarungan sa Allah.”

Surah Al-Ahzab 33:5

- matapos ito ay nakilala na siya bilang Zaid bin Harithah.25 Si Az-Zuhri ay nagsabi, “Wala kaming kilala na yumakap sa Islam bago si Zaid.”26

At si Waraqah bin Nawfal ay yumakap sa Islam; naiulat ito sa Jami ni At-Tirmidhi na nakita siya ng Propeta sa kanyang panaginip na nasa

24 Hijr Isma’il: Isang lugar malapit sa Ka’bah na pangkaraniwang ginagamit para sa pampublikong pagbabalita noong kapanahunan ng Propeta.25 Iniulat ni Al-Bukhari, sa kapahintulutan ni Ibn ‘Umar26 Iniulat ni ‘Abdur-Razzaq sa ‘Al-Musannaf

Page 40: BTEC Sheera Level 0111

40

mabuting mga katayuan.27

Ang mga tao ay nagsipasukan sa Islam ng isa-isa at hindi tumutol ang Quraish dito hanggang sa nagsimula siyang ituwid ang kanilang relihiyon at tutulan ang pagkilala sa kanilang (maling) mga diyus-diyusan.28 Sa puntong ito, nagsimula silang magpakita ng malubhang galit sa kanya at sa mga Sahaba. Pinangalagaan ng Allah ang Kanyang Mensahero sa pamamagitan ni Abu Talib, sapagka’t siya ay ginagalang at kinikilala nila. At ito ay mula sa Kaalaman ng Pinakamakatarungan sa mga hukom na siya ay manatili sa relihiyon ng kanyang mga mamamayan dahil sa mga pakinabang na makikita ng mga tao na nag-iisip tungkol sa kanila.

At para sa kanyang mga Sahaba, ang ilan sa kanila na nabibilang sa isang tribu na makapangangalaga sa kanila ay ligtas mula sa kanila, subali’t ang iba sa kanila ay inumpisahan nilang pahirapan, kasama si ‘Ammar, ang kanyang ina at mga miyembro ng kanyang pamilya. Sila ay pinahirapan dahil sa kanilang paniniwala sa Allah. At nang sila ay madaanan ng Mensahero ng Allah habang sila ay sinasaktan, siya ay nagsabi:

“Magtiis, O pamilya ni Yasir, sapagka’t katotohanan, kayo ay pinangakuan ng isang lugar sa Paraiso.”29

SumAyyAh, Ang unAng mArtir

Nadaanan ni Abu Jahl si Sumayyah, ang ina ni ‘Ammar habang siya ay pinahihirapan na kasama ng kanyang asawa at kanyang anak na lalaki. Tinusok ni Abu Jahl ng sibat ang ari ni Sumayyah at siya ay pinatay.

Sa tuwing si As-Siddeeq (Abu Bakr) ay makadadaan sa isang alipin na pinahihirapan, babayaran niya ito at kanyang palalayain. Kasama sa 27 Iniulat ni Tirmidhi at Ahmad28 Ang Mensahero ng Allah ay hindi kabilang sa mga nag-aalipusta, o di kaya ay naninira, o di kaya ay nagsusumpa at ito ay kung ano ang inihayag sa kanya (sa Surah Al-An’am 6:108): “At huwag hamakin ang kanilang sinasamba maliban sa Allah, magkagayon ay hahamakin nila ang Allah ng mali at walang nalalaman.” Binibigkas lamang niya sa kanila ang mga Talata na inihayag ng Allah sa kanya na nagpapakita ng katotohanan tungkol sa kanilang Awliya’ (kaibigan, tagapagtanggol, yaong kanilang inaasahan na mamamagitan sa Allah) at ang katotohanan na ang mga ito ay pawang mga kasinungalingan na ang mga demonyo mula sa sangkatauhan at mga Jinn ay itinanim sa isipan ng sangkatauhan upang sambahin lamang nila sila na ang pagsambang ito ay dapat na sa Allah lamang. Katunayan, nagbibigay sila ng mga katangian sa mga ito katulad ng mga Katangian ng Allah, na pinaniniwalaan nila na ang mga ito (diyus-diyusan) ay makagagawa ng lahat ng mga bagay na ang mga ito ay nakaririnig at makasasagot (ng panalangin) at iba pang mga bagay na nagiging sanhi upang sila ay manalangin sa mga ito, ang mangako ng mga panata sa mga ito, ang sumumpa sa pamamagitan ng mga ito, atbp. At nang bibigkasin ng Menshero ng Allah ang mga Talata sa kanila, ang kanilang mga tagapangalaga ay magkakalat ng mga kuwento na siya ay naninira ng kanilang mga diyus at kanyang inaalipusta.29 Iniulat ni Ibn Ishaq at At-Tabarani.

Page 41: BTEC Sheera Level 0111

41

kanyang mga binili at pinalaya ay si Bilal – sapagka’t siya ay binigyan ng malubhang pagpapahirap – kasama rin sina ‘Amir bin Fuhairah at isang babaeng alipin na pag-aari ng Banu ‘Adiyy. Palagi siyang pinahihirapan ni ‘Umar dahil sa pagyakap niya sa Islam, at si Abu Qahafah – si ‘Uthman bin ‘Amir – ay nagsabi sa kanyang anak na lalaki, Abu Bakr, “O aking anak! Nakikita ko na nagpapalaya ka ng mga mahihinang mga alipin; kung ikaw ay magpapalaya ng mga malalakas na tao, maaari ka nilang pangalagaan.” Kanyang isinagot, “Ito ang gusto ko.”

At mas mahirap ang nararanasan ni Bilal sa pagpaparusa sa kanya, mas malakas ang pagsasabi niya ng: “Ang Allah ay Nag-iisa! Ang Allah ay Nag-iisa!”

Page 42: BTEC Sheera Level 0111

42

KABANATA - 8

Ang PAnimulA ng PAnAwAgAn (PArA SA AllAh)

Si Az-Zuhri ay nagsabi, “Nang dumating ang Islam, ilan sa mga di-mananampalataya mula sa mga Quraish ay nagtutungo sa mga mananampalataya at kanilang mga pamilya upang sila ay parusahan at ikulong, sa pagnanais na ilayo sila mula sa kanilang relihiyon. Si Al-Waqidi ay nagsabi, “Ako ay pinag-alaman ni Muhammad bin Saleh, sa kapahintulutan ni Saleh bin ‘Umar bin Qatadah, Yazeed bin Ruman at iba pa, na kanilang sinabi: “Ang Mensahero ng Allah ay nangaral ng palihim sa Makkah sa loob ng tatlong taon, pagkatapos ay lantaran siyang nangaral sa ikaapat na taon, nanawagan sa mga tao (para sa Allah) sa loob ng sampung taon, nagsasagawa ng paglalakbay (Hajj) sa tuwing sasapit ang panahon nito taun-taon, sumusunod sa mga tao sa kanilang mga hinihintuan at lumalahok sa mga pagdiriwang sa ‘Ukaz, Majannah at Dhul Majaz. Nananawagan sa kanila na pangalagaan siya upang maihatid niya ang mga Mensahe ng kanyang Panginoon. Ipinababatid sa kanila na bibiyayaan sila ng Paraiso, subali’t wala siyang nakita na umalalay o kumalinga sa kanya. Ipinagtatanong pa niya ang tungkol sa kanilang mga tribu at ang kanilang mga pinaghihintuang lugar sa bawa’t isa sa kanila at sinasabi sa kanila, “O mga tao! Sabihin: ‘La Ilaaha Ilallah’ (walang dapat sambahin maliban sa Allah) at kayo ay magtatagumpay at kayo ang mangunguna sa mga Arabo at ang mga hindi Arabo ay susunod sa inyo; at kung kayo ay mamamatay, magiging mga hari kayo ng Paraiso.”

At habang sinasabi niya ang mga salitang ito, si Abu Lahab ay nasa kanyang likuran na nagsasabi, “Huwag ninyo siyang sundin, siya ay isang Sabian30 at isang sinungaling.” Kaya’t sila naman ay magsasabi sa Mensahero ng Allah ng mga panlalait at pang-aabuso: “Mas kilala ka ng sarili mong pamilya, gayung hindi ka nila sinunod.”

At siya ay magsasabi ng:

“O Allah! Kung ninais Mo, hindi sila magiging ganyan.”

At nang inihayag ng Allah sa kanya:

قرربني نذرر عشريتك األر

وأ

30 Sabian – isang taong gumagawa ng pagbabago.

Page 43: BTEC Sheera Level 0111

43

“At bigyan ng babala ang iyong tribu (O Muhammad) na malapit na kamag-anak.” Surah Ash-Shu’ara’ 26:214

Umakyat siya sa As-Safa at nagsabi:

“Wa Sabaha!”31

At nang magtipon ang mga tao sa kanyang palibot, kanyang sinabi:

“Kung ipababatid ko ba sa inyo na mayroong mga mangangabayo na paparating sa palibot ng bundok upang kayo ay salakayin, paniniwalaan ‘nyo ba ako?”32

Sila’y nagsabi: “Oo. Hindi ka pa namin nakilalang nagsinungaling.” Kanyang sinabi:

“Magkagayon (sasabihin ko sa inyo na) ako ay isang tagapag-babala sa inyo ng isang malupit na kaparusahan.”

Si Abu Lahab ay sumagot: “Mamatay ka na sana! Tinipon mo ba kami ng walang kapararakan maliban dito?” Pagkatapos ay inihayag ng Allah:

ب لهب وتبن عنره مال وما كسب O تبتر يدا أ غر

ما أ

“Mawalan ng dalawang kamay si Abu Lahab at siya ay mamatay! Ang kanyang kayamanan at kanyang mga anak ay hindi niya pakikinabangan!”

Surah Al-Masad 111:1-2

Si Ibn Al-Qayyim – kahabagan nawa siya ng Allah – ay nagsabi: “Ang Mensahero ng Allah ay nanawagan para sa Allah ng palihim sa loob ng tatlong taon, pagkatapos ay inihayag sa kanya:

“Magkagayon ay hayagang magpahayag (sa Mensahe ng Allah – ang Kanyang Kaisahan) na ipinag-utos sa iyo, at umiwas mula sa Al-Mushrikun (politista, sumasamba sa mga diyus-diyusan, at mga di-nananampalataya).” Surah Al-Hijr 15:94

Ang unang pagdanak ng dugo

31 Wa Sabaha Ya Sabaha: Isang babala32 Iniulat ni Al-Bukhari, Muslim, At-Tirmidhi at An-Nasa’i – sa kapahintulutan ni Ibn ‘Abbas.

Page 44: BTEC Sheera Level 0111

44

Sa ikaapat na taon, tinaga ni Sa’d bin Abi Waqqas ang isang lalaki mula sa mga pagano at nabasag niya ang kanyang bungo; nangyari ito noong

ang mga Kasamahan ng Mensahero ng Allah ay huminto sa bundok na kanilang nadaanan at nagdasal, nang ang isang lalaki mula sa mga di-mananampalataya na may kasamang mga Quraish ang nakakita sa kanila at nagsimula silang pinagmumura, kaya’t tinaga ni si Sa’d bin Abi Waqqas ang isa sa kanila at ito ay duguan. Ito ang unang pagdanak ng dugo sa Islam.

Ang panunuya ng mga politista

Sa tuwing ang Propeta ay uupo na nakapalibot sa kanya ang bilang ng mga mahihina mula sa kanyang mga Kasamahan katulad nina ‘Ammar bin Yasir, Khabbab bin Al-Aratt, Suhaib Ar-Rumi, si Bilal at ang mga katulad nila, kapag sila ay nadaanan ng mga Quraish, sila ay nilalait ng mga ito at kanilang sasabihin: “Ang mga tao bang ito (mga nakapalibot sa kanya) ay kabilang sa atin na biniyayaan ng Allah?” Kaya’t inihayag ng Allah:

اكرين لم بالش عرليرس الل بأ

أ

“Hindi ba nababatid nang higit ng Allah yaong mga mapagpasalamat?” Surah Al-An’am 6:53

At naihayag din ang tungkol sa kanila:

ر الخرة جرنريا حسنة وأل ر نلبوئنهمر ف ادل ر ف الل من بعرد ما ظلموا ين هاجروا وال

ر يعرلمون ب لور كنوا كرأ

“At para sa mga nagsilikas para sa Allah, matapos na sila ay ginawan ng kamalian, katiyakan na pagkakalooban Namin sila ng mga mabubuting

matitirahan dito sa mundo, subali’t sa katotohanan ang biyaya sa Kabilang-buhay ay mas nakahihigit; kung kanila lamang nalalaman!”

Surah An-Nahl 16:41

Si Abu Jahl ay nagsabi: “Sumpa man sa Allah, kung makita ko si Muhammad, tiyak na bibigtiin ko ang kanyang leeg.” At naipabatid sa kanya na ang Mensahero ng Allah ay nagdarasal, at sinabi niya sa kanya: “Hindi ko ba ipinagbawal sa iyo ang pagdarasal?” Pinigilan siya ng Mensahero ng Allah at siya ay nagsabi: “Pipigilan mo ba ako, gayung ako ang pinakamakapangyarihan mula sa mga mamamayan ng Al-Batha?” At

Page 45: BTEC Sheera Level 0111

45

inihayag ng Allah:

ي ينره )٩( عبردا إذا صل )١٠( يرت الرأ

أ

“Nakita mo ba (O Muhammad) siya (Abu Jahl) na nagpipigil. Ang isang alipin (Muhammad) kapag siya ay nagdarasal.” Surah Al-‘Alaq 96:9-10

Sa ibang mga salaysay, naiulat na siya ay nagsabi: “Hindi ko ipinagbawal sa iyo? Sumpa man sa Allah, walang sinuman sa Makkah na ang kanyang kapulungan ay mas hihigit kaysa sa akin!”

Iniulat ni Muslim sa kapahintulutan ni Abu Hurairah na si Abu Jahl ay nagsabi: “Inilagay ba ni Muhammad ang kanyang mukha (sa lupa) sa iyong harapan.” Sinabi sa kanya: “Oo.” Kanyang sinabi: “Sumpa man kay Al-Lat at Al-Uzza, kung makikita ko siya na gagawin niya ito, aapakan ko ang kanyang leeg, o kaya ay hihilamusan ko ang kanyang mukha ng alikabok. Lumapit siya sa Mensahero ng Allah habang ito ay nagdadasal at naisip niya na apakan siya sa leeg (at ang mga tao ay nagsabi) na siya ay lumapit sa kanya subali’t siya ay tumalikod at sinubukang pigilan ang ibang bagay sa pamamagitan ng kanyang kamay at nagsabi: “Mayroong nasa pagitan ko at sa kanya na isang lagusan ng apoy ng sindak at mga sanga.” Dahil dito ay sinabi ng Mensahero ng Allah , “Kung siya ay nakalapit lamang sa akin, pipira-pirasuhin siya ng mga anghel.” Kapagdaka ay inihayag ng Allah ang talatang ito, siya (ang nag-ulat) ay nagsabi: “Hindi namin alam kung ang Hadith na ito ay naisalin kay Abu Hurairah o may iba pa na naghatid nito sa kanya mula sa iba.

غ )٧( نسان لطر تغرن )٦( كل إن الر آه اسر ن ر

أ

“O hindi! Katiyakan, ang tao ay naligaw (sa di-paniniwala at masamang gawa). Sapagka’t itinuturing niya ang kanyang sarili na kayang mag-isa.”

Surah Al-‘Alaq 96:6-7

Page 46: BTEC Sheera Level 0111

46

KABANATA – 9

Ang unAng PAglikAS SA AbySSiniA

Sa ikalimang taon, iniutos ng Propeta sa kanyang mga Kasamahan na lumikas patungong Abyssinia, nang ang pagpapahirap at pananakit ay lumubha, sa pagsasabi na:

“Mayroong isang tao na kapag siya ay naroroon ay walang naaapi.”

Ang Abyssinia ay dating lugar na pinaglalakuan ng mga Quraish. Ang mga una sa gumawa ng paglikas na ito ay binubuo ng labindalawang (12) mga kalalakihan at apat na kababaihan. Ang una sa kanila na lumikas dito ay sina Uthman bin ‘Affan na kasama ang kanyang maybahay na si Ruqayyah, ang anak ng Mensahero ng Allah at ilan sa mga taong inililihim ang kanilang pagpasok sa Islam (at nanatili sa Makkah).

Ang ilan sa mga naiwanan ay sina: Az-Zubair at Abdulrahman bin ‘Awf, Ibn Mas’ud, Abu Salamah at ang kanyang maybahay – kalugdan nawa silang lahat ng Allah – sila ay isa-isang lumisan ng palihim at pinagkalooban sila ng Allah ng tagumpay na matagpuan nila ang dalawang bangka nang sila ay makarating sa tabing-dagat, sila ay lulan nito patungo ng Abyssinia. Hinabol sila ng mga Quraish hanggang sa marating nila ang karagatan, subali’t wala silang nahuli sinuman sa kanila. Lumisan sila sa buwan ng Rajab at nanatili sa Abyssinia hanggang sumapit ang Sha’ban at Ramadhan. Sila ay nagbalik sa Makkah sa buwan ng Shawwal ng ang ulat ay nakarating sa kanila na ang mga Quraish ay nakipagkasundo na sa Mensahero ng Allah at tumigil sa paglalapastangan sa kanila.

Ang dahilan nito ay nang bigkasin ng Mensahero ng Allah ang Surah An-Najm at siya ay umabot sa Salitang:

رى )٢٠( خر ى )١٩( ومناة الالة األر ت والرعز يرتم الل

فرأ

أ

“Itinuring mo na ba si Al-Lat, at Al-‘Uzza (dalawang mga diyus-diyusan ng mga Arabong pagano), at Manat (isa pang diyus-diyusan ng mga

paganong Arabo), na bahagi ng tatlo?” Surah An-Najm 53:19-20

Inilagay ng demonyo sa kanyang bibig na sabihin: “Yaon ay mga dakilang Gharaneeq na ang kanilang pamamagitan ay hahangarin.” Pagkatapos

Page 47: BTEC Sheera Level 0111

47

ay sinabi ng mga politista na: “Wala siyang sinabi na mabuti tungkol sa aming mga diyos maliban lamang ngayon, at alam namin na ang Allah ang lumilikha, nagpapanatili, nagbibigay buhay at nagbibigay sanhi ng kamatayan, subali’t ang aming mga diyos ang namamagitan sa Kanya.” At nang marating niya ang Sajdah (pagpapatirapa), ang lahat ng mga Muslim at mga pagano ay nagsipagpatirapa na kasama niya maliban lamang sa isang matandang lalaki mula sa Quraish, na nagtaas ng isang dakot na mga bato sa kanyang nuo at nagpatirapa dito na nagsasabi: “Ito ay sapat na para sa akin.”33 At ang Mensahero ng Allah ay labis na naging malungkot at lalong natakot sa Allah kaya’t Kanyang inihayag:

نيته فينسخ مريرطان ف أ لرق الش

ررسلرنا من قبرلك من رسول ول نب إل إذا تمن أ

وما أ

عليم حكيم آياته والل يرطان ثم يركم الل ما يلرق الش الل“Hindi Kami nagpadala ng isang Mensahero o isang Propeta bago ka, na kung kanyang binigkas ang Kapahayagan o nagsalaysay o nagsalita, si

Satanas ay naghahalo (ng ilang mga kasinungalingan) mula dito. Subali’t pinuksa ng Allah kung ano ang mga inihahalo ni Satanas. At pagkatapos

ay itinataguyod ng Allah ang Kanyang Kapahayagan.”Surah Al-Hajj 22:52

At nang nagpatuloy ang Mensahero ng Allah sa pagpuna sa kanilang mga diyos, sila ay nanumbalik sa dati nilang mga pag-uugali, naging mas masahol pa kaysa dati at dinagdagan pa nila ang pang-aalipusta sa mga yumakap sa Islam.

Ang PAngAlAwAng PAglikAS SA AbySSiniA

Nang ang mga nagsilikas sa Abyssinia ay nakarating sa Makkah at ang mga balita tungkol sa kanilang mga kalagayan ay naihatid sa kanila, sila ay nag-alangan na pumasok, at ang bawa’t isa sa kanila ay pumasok sa ilalim ng pangangalaga ng isang lalaki mula sa Quraish. Matapos ito, ang mga pagsubok at pagpapahirap ay nadagdagan at ang kanilang mga pamilya ay nagsikap na mamagitan para sa kanila. Napakahirap para sa kanila na

33 Tiniyak ng mga iskolar ng Hadith na ang kuwento ng Gharaneeq ay walang batayan. Si al-Qasi ‘Ayyad ay nagsabi: “Ang mga nag-ulat nito mula sa mga iskolar ng Tafsir at iba pa ay hindi naglahad ng daloy ng mga tagapagsalaysay para dito at hindi nila ito inakibat sa isang Sahabi, maliban kay Al-Bazzar at nilinaw niya na ito ay hindi nalalaman mula sa anumang pinahihintulutang pinagkunan maliban lamang sa isa na kanyang nabanggit at (sa katotohanan) mayroong ilang mga depekto mula dito.” Ang mga pagano ay nagpatirapa lamang sapagka’t sila ay nadala sa kadakilaan ng Qur’an, ang kapangyarihan ng istilong panitikan nito, ang kagandahan ng mga Talata nito, ang pinahihintulutang mahika nito, ang pang-akit ng mga salita nito at ang mga matatamis na panghalina nito.

Page 48: BTEC Sheera Level 0111

48

mapag-alaman ang tungkol sa ligtas na lugar na inaalok para sa kanila ng Negus ng Abyssinia, kaya’t sila ay pinahintulutan ng Mensahero ng Allah na lumikas na muli patungo ng Abyssinia sa ikalawang pagkakataon, at sila ay lumisan.

Ang bilang ng mga nagsi-lisan sa pagkakataong ito ay walumpu’t tatlong mga kalalakihan – ipinapalagay na si ‘Ammar bin Yasir ay isa sa kanila – at labing-siyam na mga kababaihan.

Nang mabalitaan nila ang paglikas ng Mensahero ng Allah patungo ng Al-Madinah, tatlumpu’t tatlong mga kalalakihan at walong mga kababaihan mula sa kanila ang nagbalik at dalawang lalaki mula sa kanila ang binawian ng buhay sa Makkah, samantala pito naman ang nabilanggo; at dalawampu’t apat na mga kalalakihan mula sa kanila ang nakilahok sa labanan ng Bader.

Ang liham ng Mensahero ng Allah para sa Negus, hinihiling sa kanya na ipagkaloob si Habibah upang kanyang mapakasalan:

Sa buwan ng Rabi’, noong ikapitong taon makalipas ang Hijrah, ang Mensahero ng Allah ay lumiham sa Negus na nanawagan sa kanya sa Islam at hinihiling na mapakasalan niya si Umm Habibah bint Abi Sufyan. Siya ay lumikas sa Abyssinia na kasama ang kanyang asawa na si Ubaidullah bin Jahsh na tumanggap ng Islam doon at binawian ng buhay bilang isang Kristiyano.

At lumiham din siya na humihiling sa kanya na pabalikin ang kanyang mga Sahabah na nanatili sa kanya. Nang mabasa ng Negus ang liham, siya ay tumanggap ng Islam at nagsabi: “Kung makapupunta lamang ako sa kanya, pupuntahan ko siya.” At ipinakasal niya si Umm Habibah sa kanya at siya ay nagbayad ng dote na umabot sa apat na raang dinar at pinabalik ang natitira sa kanyang mga Sahabah sa dalawang bangka. Sila ay dumating matapos ang labanan ng Khaibar, nang masakop na ito ng Mensahero ng Allah .

Nagpadala ng kahilingan ang Quraish sa Negus para sa pagbabalik ng mga Muslim

Matapos ang labanan ng Bader, nagpulong ang mga Quraish sa kanilang bulwagan (Dar An-Nadwah) at nagsabi: “Maaari tayong makaganti sa mga Muslim sa pamamagitan ng Negus, kaya’t magtipon ng pera at ipadala ito sa Negus bilang regalo, kaya’t baka sakali na ipadala niya yaong nasa

Page 49: BTEC Sheera Level 0111

49

kanya. Magtalaga tayo ng dalawang kinatawan na gagawa nito mula sa mga taong mayroong parehong pananaw na katulad ng sa inyo.” Ipinadala nila sina ‘Amr bin Al-’As at ‘Imarah bin Al-Walid na may dalang regalo na tumawid ng karagatan. Nang sila ay pumasok sa lugar na kinaroroonan ng Negus, sila ay nagpatirapa sa kanyang harapan at binati siya ng kapayapaan at nagsabi: “Ang aming mga mamamayan ay mga matatapat na lingkod mo at kami ay ipinadala sa iyo upang bigyan ka ng babala tungkol sa mga taong ito na nagtungo sa iyo, sapagka’t sila’y mga taong sumunod sa isang taong sinungaling. Siya ay humarap sa amin at nag-aangkin na siya ay Mensahero ng Allah subali’t walang sumunod sa kanya maliban sa mga hangal na tao. Hindi namin sila tinigilan at pinalayas namin sila hanggang sa sila ay mapadpad sa bangin sa aming lupain kung saan ay walang pinahintulutan na makisama sa kanila at walang pinahintulutan na pakawalan sila hanggang sa ang gutom at uhaw ay pumatay sa kanila. At nang naging mahirap sa kanila ang mga bagay, ipinadala niya ang kanyang pinsan sa iyo upang maghasik ng katiwalian sa inyong relihiyon at inyong kaharian. Kaya’t mag-ingat sa kanila at ipadala ‘nyo sila sa amin at kami na ang bahala sa kanila para sa inyo. At ang patunay (ang katotohanan ng mga sinabi namin) nito ay kapag sila ay haharap sa iyo, hindi sila magpapatirapa sa iyo, o di kaya ay batiin ka nila na kung papaano ka dapat batiin, sapagka’t itinatatwa nila ang inyong relihiyon.”

Kaya’t ipinatawag sila ng Negus at nang sila ay dumating, si Ja’far bin Abi Talib ang nanawagan sa may pintuan: “Ang panig ng Allah ay humihiling ng iyong pahintulot sa pagpasok.” Ang Negus ay nagsabi: “Lapitan ang nanawagan at sabihin mo na ulitin ang kanyang sinabi.” Inulit niya ito at ang Negus ay nagsabi: “Oo, hayaan silang pumasok sa kapahintulutan ng Allah at sa ilalim ng Kanyang pangangalaga.” Kaya’t sila ay pumasok na hindi sila nagpatirapa sa kanya. Siya ay nagtanong: “Anong pumipigil sa inyo na magpatirapa sa akin?” Sila ay nagsabi: “Sa Allah lamang kami nagpapatirapa na Siyang lumikha sa iyo at sa iyong kaharian. Nagamit lamang namin ang ganitong uri ng pagbati noong kami ay sumasamba pa sa mga diyus-diyusan hanggang sa ipadala ng Allah sa amin ang makatotohanang Propeta. Ipinag-utos niya sa amin na magbatian sa bawa’t isa ng pagbati na kalugud-lugod sa Allah at ito ang “As-Salam”, ang pagbabatian ng mga tao ng Paraiso.”

Napag-isip ng Negus na ito ay totoo at ito ay nasa Torah at sa Injil (ang kapahayagan na ibinigay kay Hesus). Ang Negus ay nagtanong, “Sino sa inyo ang nanawagan na humingi ng pahintulot na makapasok?” Sinabi ni Ja’far, “Ako ‘yon.” Ang Negus ay nagsabi, “Kung gayon ay magsalita ka.”

Page 50: BTEC Sheera Level 0111

50

Siya ay nagsabi: “Ikaw ay isang hari na hindi tumatanggap ng labis na pananalita o di kaya’y pang-aabuso at nais kong sumagot sampu ng aking

mga kasamahan, kaya’t pag-utusan ang isa sa dalawang lalaking ito na magsalita at pagkatapos ay pakinggan ang aming paliwanag.”

Sinabi ni ‘Amr kay Ja’far: “Magsalita ka.” Kaya’t sinabi ni Ja’far kay Negus: “Katulad niya kung kami ay mga alipin, o mga malayang tao, at kung kami ay mga alipin na tumakas mula sa kanilang mga panginoon, kung gayon ay ibalik mo kami sa kanila.” Si ‘Amr ay nagsabi: “Hindi, sila ay mga kagalang-galang na mga taong malalaya.” Siya ay nagtanong: “Kami ba ay lumabag sa batas sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo kaya’t kinakailangan kaming parusahan?” Si ‘Amr ay sumagot: “Wala ni isang patak.” Siya ay nagtanong: “Kami ba ay lumabag sa batas sa pamamagitan ng pagkuha ng kayamanan ng mga tao kaya’t kinakailangan kaming magbayad para rito?” Si ‘Amr ay nagsabi: “Wala ni isang kusing.” Ang Negus ay nagtanong: “Kung gayon ay ano ang nais ninyo sa kanila?” Siya ay nagsabi: “Dati kaming magkakabuklod sa iisang bagay, ang relihiyon ng aming mga ninuno, iniwanan nila ito at sumunod sa iba.” Ang Negus ay nagtanong: “Ano ang dati ninyong sinusunod at ano ang inyong sinunod? Magsalita, sabihin sa akin ang katotohanan.” Si Ja’far ay sumagot: “Para sa dati naming sinusunod, iniwanan namin ito dahil ito ay relihiyon ng Satanas. Dati kaming hindi naniniwala sa Allah at sinasamba namin ang mga bato. At para sa aming sinunod, ito ang relihiyon ng Allah, ang Islam. Isang Mensahero ang dumating sa amin mula sa Allah na kasama nito na may dalang Aklat na katulad ng Aklat ng anak ni Maria, na nagpapatunay dito.” Siya ay nagsabi: “Ikaw ay nagsasabi ng dakilang bagay, dahan-dahanin mo.” At kanyang ipinag-utos na kalembangin ang kampana at ang lahat ng mga pari at monghe ay nagtipon sa kanya. At kanyang sinabi sa kanila: “Nakikiusap ako sa inyo sa pamamagitan ng Allah, na naghayag ng Injil kay Hesus, mayroon ba kayong nakita (anuman dito) tungkol sa isang Propeta na nasa pagitan ni Hesus at ng Araw ng Pagbabangong Muli?” Sila ay nagsabi: “Sumpa man sa Allah, oo; ipinabatid ito ni Hesus sa amin at siya ay nagsabi: “Sinuman ang naniwala sa kanya ay naniwala sa akin at sinuman ang hindi naniwala sa kanya ay hindi naniwala sa akin.”

Sinabi ng Negus kay Ja’far: “Ano ang sinasabi ng taong ito sa inyo at ano ang ipinag-uutos sa inyo na gawin, ano naman ang ipinagbabawal niya sa inyong gawin?” Si Ja’far ay sumagot: “Binasa niya sa amin ang Aklat ng Allah at ipinag-utos niya sa amin ang Al-Ma’ruf (Islamikong paniniwala sa kaisahan ng Diyos at ang lahat ng mga kabutihan). Inutos niya sa amin na maging matapat sa aming pakikipagkasundo ng pangangalaga, panatilihin

Page 51: BTEC Sheera Level 0111

51

ang ugnayang pampamilya, maging mapagbigay sa mga ulila, at iniutos niya sa amin na sambahin lamang ang Allah na walang pagtatambal sa Kanya.”

Ang Negus ay nagsabi: “Basahin ‘nyo ang anuman na binabasa niya sa inyo.” Kaya’t kanyang binasa ang Surah Al-‘Ankabut at Surah Ar-Rum, kung saan ang mata ng Negus ay napuno ng luha at siya ay nagsabi: “Basahin ‘nyo para sa amin ang ilan pa sa magagandang salita nito.” Kaya’t binasa niya sa kanila ang Surah Al-Kahf.

Ninais ni ‘Amr na magalit ang Negus kaya’t kanyang sinabi na: “Sinaraan nila si Hesus at ang kanyang ina.” Siya ay nagtanong: “Ano ang masasabi ninyo tungkol kay Hesus at sa kanyang ina?” Kaya’t binasa niya sa kanila ang Surah Maryam at nang dumating sa bahagi na binabanggit si Hesus at ang kanyang ina, umangat ang nahati mula sa siwak ng Negus na ang sukat nito ay maaaring makatusok sa mata at siya ay nagsabi: “Sumpa man sa Allah, ang Messiah ay hindi lumabis ng isang tuldok sa mga sinabi ninyo.”

At ang tungkol sa Negus, inihayag ng Allah:

ق ر من الر ا عرفوا ع مم مر ينهمر تفيض من ادل عرنزل إل الرسول ترى أ

ر ما أ إوذا سمعوا

اهدين )٨٣( وما نلا ل نؤرمن بالل وما جاءنا من تبرنا مع الش يقولون ربنا آمنا فاكرالني )٨٤( خلنا ربنا مع الرقورم الص ن يدر

مع أ ق ونطر الر

“At nang sila (na tinatawag ang kanilang mga sarili na Kristiyano) ay

nakinig sa kung ano ang ibinaba sa Mensahero (Muhammad), makikita ninyo ang kanilang mga mata na dumadaloy ang mga luha dahil sa katotohanan na kanilang napag-alaman. Sila ay nagsabi: “Aming

Panginoon! Kami ay naniniwala; kaya’t ibilang kami sa mga nakasaksi. “At bakit kami hindi maniniwala sa Allah at sa dumating sa amin na

katotohanan.” Surah Al-Ma’idah 5:83-84

At nilapitan ng Negus si Ja’far at kanyang sinabi: “Humayo kayo, sapagka’t kayo ay Suyum (nangangahulugan na ligtas) sa aking lupain at sinuman ang manakit sa inyo ay pagbabayaran ito. Kaya walang pahintulot ngayon kahit na kanino laban sa panig ni Abraham.”

Page 52: BTEC Sheera Level 0111

52

Ang kAmAtAyAn ng neguS

Nang mamatay ang Negus, lumabas ang Mensahero ng Allah at nag-alay ng pagdarasal para sa kanya katulad ng pag-aalay ng isa sa pagdarasal sa isang patay. Ang mga taong mapagkunwari ay nagsabi: “Ipinagdarasal niya ang isang hindi mananampalataya na namatay sa Abyssinia.” Kaya’t inihayag ng Allah:

نزل إلرهمر خاشعني نزل إلركمر ومآ أ

ل الركتاب لمن يؤرمن بالل وما أ هر

إون منر أ

رهمر عند ربهمر إن الل سيع جرلـئك لهمر أ ور

ون بآيات الل ثمنا قليل أ ت ل يشر لل

ساب الر“At katiyakan na mayroong mula sa angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano), yaong mga naniniwala sa Allah at sa kung ano ang inihayag sa iyo, at sa kung ano ang inihayag sa kanila, nagpapakumbaba para sa Allah.” Surah Al-‘Imran 3:199

Nabanggit din na ang mga Quraish ay nagpadala ng mga mensahero upang hilingin ang kanilang pagbabalik bago ang Hijrah sa Al-Madinah.

At sa ikalimang taon ng Pagkapropeta, ang Mensahero ng Allah ay

Page 53: BTEC Sheera Level 0111

53

nagtago sa bahay ni Al-Arqam Ibn Al-Arqam.KABANATA – 10

yumAkAP SA iSlAm Si hAmZAh bin ‘Abdil muttAlib

Sa ikaanim na taon, sina Hamzah bin ‘Abdil Muttalib at ‘Umar ay yumakap sa Islam.

Sinabi ni Ibn Ishaq: “Si Abu Jahl ay dumaan sa Mensahero ng Allah sa As-Safa at nilusob siya at sinaktan, subali’t nanatiling tahimik ang Mensahero ng Allah , pagkatapos ay tumayo siya at pumasok sa Masjid. Isang aliping babae na pag-aaari ni ‘Abdullah bin Jud’an ay nasa kanyang tahanan sa As-Safa at narinig niya kung ano ang sinabi ni Abu Jahl. Dumating si Hamzah mula sa pangangaso na sukbit ang kanyang pana sa balikat – at siya ay kilala bilang: A’azzu Quraish (ang pinakamagiting sa Quraish) – at nang ipinabatid sa kanya ng aliping babae ni Ibn Jud’an kung ano ang kanyang narinig mula kay Abu Jahl, siya ay nagalit at pumasok sa Masjid na naabutan niya si Abu Jahl na nakaupo kasama ang kanyang mga tauhan, sinabi niya sa kanya: “O ikaw na isang duwag! Lalaitin mo ba ang aking pamangkin gayung sinunod ko ang kanyang relihiyon?” Hinataw niya ng kanyang pana si Abu Jahl at nasugatan sa kanyang ulo upang ipakita niya ang kanyang punto. Ang ilan sa Banu Makhzum ay tumayo upang ipagtanggol siya at ang ilan din sa Banu Hashim ay tumayo, subali’t si Abu Jahl ay nagsabi: “Hayaan ‘nyo siya Abu ‘Imarah, nilait ko ang kanyang pamangkin sa pinakapangit na paraan.” Matapos ito, napag-alaman ng mga Quraish na naging matatag ang Mensahero ng Allah at sila ay tumigil mula sa pananakit sa kanya katulad ng ginagawa nila nuon.

yumAkAP SA iSlAm Si ‘umAr

Naiulat sa kapahintulutan ni Ibn ‘Umar na ang Mensahero ng Allah ay nagsabi:

“O Allah! Palakasin ang Islam sa pamamagitan ng sinuman sa dalawang taong ito ang pinakamahal sa Iyo: Maaring si ‘Umar bin Al-Khattab o si Abu Jahl bin Hisham.”

At ang mas mahal ng Allah sa dalawa ay si ‘Umar.34 34 Iniulat ni Ahmad sa kanyang Musnad at sa pamamagitan ni At-Tirmidhi at bin Sa’d Al-Baihaqi sa anyo ng

Page 54: BTEC Sheera Level 0111

54

Naiulat din sa kapahintulutan ni Ibn ‘Abbas na kanyang sinabi kay ‘Umar: “Bakit ka tinawag na Al-Faruq?” Siya ay sumagot: “Si Hamzah ay yumakap sa Islam tatlong araw bago ako, pagkatapos ay binuksan ng Allah ang aking puso sa Islam at ang unang bagay na aking narinig mula sa Qur’an ay:

ن سر ماء الر سر ل إل إل هو ل األر الل

“Allah! La ilaha illa Huwa (walang may karapatan sa pagsamba maliban sa Kanya)! Sa Kanya nabibilang ang Pinakamagandang mga Pangalan.”

Surah Ta Ha 20:8

Ngayon ay walang kaluluwa sa mundo na mas malapit sa akin kaysa sa Mensahero ng Allah . Ako ay nagtanong tungkol sa kanya at sinabi sa akin: “Siya ay nasa Dar Al-Arqam35.” Kaya’t nagtungo ako duon at naabutan ko si Hamzah na nakaupo na kasama ang kanyang mga kasamahan na kasama roon ang Mensahero ng Allah . Kumatok ako sa pinto at ang mga tao ay nakinig at si Hamzah ay nagsabi: “Ano ‘yon?” Sila ay nagsabi: “Si ‘Umar.” Pagkatapos ay lumabas ang Mensahero ng Allah at hinatak ako sa aking kuwelyo, binuno niya ako ng malakas sa paraan na hindi na ako makakilos, hanggang sa pinilit niya akong mapaluhod at saka sinabi sa akin: “Hindi ka ba titigil, ‘Umar?” Siya ay nagsabi: “Ako ay sumasaksi na walang dapat sambahin maliban sa Allah at ikaw ay Mensahero ng Allah.” At ang mga tao sa loob ng bahay ay nagsabi: “Allahu Akbar!” (ang Allah ay Dakila) na napakalakas na narinig ito ng mga tao sa Masjid. Pagkatapos ay aking sinabi: “O Mensahero ng Allah! Hindi ba natin sinusunod ang katotohanan, maging tayo man ay mabuhay o mamatay?” Siya ay sumagot: “Oo.” Kaya’t aking sinabi: “Kung gayon ay ano ang dahilan ng pagtatago? Sumpa man sa Kanya na nagsugo sa iyo ng may katotohanan, nararapat tayong lumabas.” Kami ay nagsilabas na dalawang hanay, si Hamzah sa isang hanay at ako sa isa – at mabigat ang kanyang mga hakbang, kasintunog ng panggiling ng arina – at pinasok namin ang Masjid at nang makita ako ng Quraish sila ay nakaramdam ng pagkabigo na ang katulad nito ay hindi pa nangyari sa kanila. Kaya’t ang Mensahero ng Allah ay pinangalanan akong Al-Faruq.”

Si Suhaib ay nagsabi: “Nang yakapin ni ‘Umar ang Islam, umupo kami sa palibot ng Ka’bah na paikot. Inikot namin ang Ka’bah at kami ay naghiganti laban sa mga nananakit sa amin.”

Marfu’, katulad ng nabanggit sa Kash Al-Khafa.35 Dar Al-Arqam: ang tahanan sa Makkah na pag-aari ni Al-Arqam bin Abi Al-Arqam, na ginagawang masjid, paaralan at lugar ng pagpupulong para sa mga Muslim.

Page 55: BTEC Sheera Level 0111

55

Ang PAngAngAlAgA ni Abu tAlib SA menSAhero ng AllAh

Nang makita ng Quraish na ang relihiyon ng Mensahero ng Allah ay lumalaganap at nagkakaroon ng puwersa at nakikita nila kung ano ang ginagawa ni Abu Talib para sa kanya, sila ay nagpunta sa kanya na kasama si ‘Imarah bin Al-Walid at sila ay nagsabi: “O Abu Talib! Ito ang pinakamahusay na bata sa Quraish at ang pinakamakisig, kaya’t kunin mo siya at isauli ang taong ito na sumasalungat sa inyong relihiyon at dapat natin siyang patayin, iisa lamang ang taong ito kapalit ng iba.” Siya ay sumagot: “Napakasama naman ng kasunduan na inihahain mo sa akin, Ibinibigay mo ang iyong anak upang mapalaki ko at ibibigay ko ang anak ko sa iyo upang iyong mapatay!” Si Al-Mut’im bin ‘Adiyy bin Nawfal ay nagsabi: “O Abu Talib! Ang iyong mga mamamayan ay naging tapat sa iyo at nagsikap na mapalaya ka (mula sa kanya) sa anumang maaaring paraan.” Siya ay nagsabi: “Sumpa man sa Allah, hindi kayo naging makatarungan sa akin, subali’t kayo ay nagkaisa upang pabayaan ako, kaya’t gawin kung ano ang sa palagay ninyo ay mabuti para sa inyo.”

Ang mga kilalang tao sa Makkah ay nagsabi kay Abu Talib: “Maaaring iwanan mo siya sa amin at kami na ang bahala sa kanya para sa iyo, sa ganitong paraan ay masusunod mo kung ano ang aming sinusunod, o maghanda ka sa pakikipaglaban sa amin, sapagka’t hindi namin hahayaan ang anak ng iyong kapatid na magpatuloy sa ganitong paraan hanggang sa siya ay mapatay namin o maitigil niya ang ginagawa niyang labag sa amin. Ginawa na namin ang bawa’t paraan na aming maisip upang maiwasan lamang ang makipaglaban sa iyo.”

Si Abu Talib ay nagsugo para sa Mensahero ng Allah at sinabi niya sa kanya: “O anak ng aking kapatid! Ang iyong mga mamamayan ay nagtungo sa akin at nagsabi ng kung anu-ano… kaya’t hayaan mo ako at ang iyong sarili at huwag mo akong alalahanin ng higit sa kung ano ang makakaya mo o makakaya ko. Iwasan mo ang pagsasabi ng mga bagay na hindi nais marinig ng iyong mga mamamayan.” Ang Propeta ay sumagot:

“Sumpa man sa Allah, kahit na ilagay pa nila ang araw sa kanang kamay ko at ang buwan sa kaliwang kamay ko, hindi ako titigil sa pagpapalaganap ng relihiyong ito hangga’t sa pangyarihin ng Allah na ito ay mangibabaw sa lahat ng mga relihiyon, o kaya ay mamatay ako sa pagsasagawa nito.”

Page 56: BTEC Sheera Level 0111

56

Kaya’t kanyang sinabi: “Ituloy mo ang iyong misyon, sumpa man sa Allah, hindi kita ibibigay sa mga Quraish.”

Pagkatapos ay nanawagan siya sa kanyang mga kamag-anakan upang siya ay suportahan. Ang Banu Hashim at Banu Al-Muttalib ay tumugon, maliban kay Abu Lahab, si Abu Talib ay nagsabi:

Sumpa man sa Allah, hindi nila aabutin ang inyong mga bilang,Hanggang sa ako ay malibing at masaraduhan sa aking libingan.Magpatuloy sa inyong layunin na hindi sinisisi,Na dito ay inihahatid ko sa inyo ang magandang balita, makasisiguro dito,Inanyayahan ‘nyo ako, at katiyakan, alam ko na pinapayuhan ninyo ako,Sinabi ninyo ang katotohanan at kayo ay mga mapagkakatiwalaan,At ipinakita ninyo sa akin ang relihiyon na sa katiyakan ay aking nababatid, Ang pinakamahusay na inihayag sa sangkatauhan,Na kung hindi dahil dito ako ay haharap sa pag-uusig o pang-aabuso,

Page 57: BTEC Sheera Level 0111

57

Makikita ninyo akong malayang tinatanggap ito.KABANATA – 11

Ang boykot ng bAnu hAShim SA mAy bAngin

Nang sila – ang parehong Mananampalataya at di-mananampalataya – ay nagkasundo na pangalagaan ang Mensahero ng Allah , ang mga Quraish ay nagtipon at nagkaisa na hindi sila makikisama sa kanila, o di kaya ay makikipagkasundo sa kanila, o kaya’y pumasok sa kanilang mga tahanan hangga’t hindi sila sumasang-ayon na ang Mensahero ng Allah ay patayin. Bunga nito ay gumawa sila ng isang kasulatan na kung saan ay mayroong mga kasunduan at pangako na huwag tumanggap ng anumang pakikipagkasundo sa mga Banu Hashim, o di kaya ay magpakita sa kanila ng kabutihan o habag hangga’t hindi nila isinusuko ang Mensahero ng Allah sa kanila upang patayin. Kaya’t ipinag-utos sa kanila ni Abu Talib na pumunta sa bangin na kanyang pag-aari at sila ay nanatili roon sa loob ng tatlong taon habang ang mga paghihirap na kanilang dinaranas ay lumulubha. Isinarado nila ang mga pamilihan para sa kanila at hindi nila pinahihintulutan na maipasok ng Makkah ang kanilang mga pagkain o di kaya ay mailako roon maliban na ito ay kanilang bilhin. Hindi nila pahihintulutan ang anuman sa mga ito na makarating sa Banu Hashim upang nang sa gayon ay marinig ang tinig ng mga kababaihan na lagpas sa bangin na sumisigaw sa gutom. Dinagdagan pa nila ang pagpapahirap sa mga yumakap sa Islam na hindi nanatili sa bangin at ginawa nilang mga bilanggo. Ang pagpapahirap ay napakalubha na labis nilang dinamdam. Kapag sumasapit ang gabi at ang mga tao ay magkakanya-kanya na sa pagtulog, ipag-uutos ni Abu Talib sa Mensahero ng Allah na matulog sa kanyang higaan upang sa gayon ay makita ito ng kahit na sino na nagnanais na paslangin siya. At kapag tulog na ang mga tao, ipag-uutos niya sa isa sa kanyang mga anak, kanyang mga kapatid o kanyang mga pamangkin na matulog sa higaan ng Mensahero ng Allah at ipag-uutos sa kanya na matulog sa isa sa kanilang mga higaan.

Dahil dito, si Abu Talib ay nakabuo ng ilang mga talata ng tula na kilala bilang ‘Qaseedah Al-Lamiyyah’ na naging tanyag:

Nang makita ko ang mga tao na walang pagmamahalAt pinutol nila ang lahat ng paraan ng pakikipag-ugnayan,At nagpahayag ng pakikipag-away at pananakitAt sinunod ang mga utos ng kalaban,Ako ay nagtimpi sa kanila at naging mabait at naging maunawain katulad

Page 58: BTEC Sheera Level 0111

58

ng inaasahan mula sa aming kultura.Inilapit ko ang aking pamilya sa Bahay ng Allah,

At pinanindigan ang takip (ng Ka’bah) upang iugnay (sa Allah),Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng sangkatauhan mula sa kasamaan ng bawa’t mapanirang-puri,At sa bawa’t tao na magdudulot sa amin ng mga mungkahing masama,At mula sa isang nagpapakita ng kanyang galit at poot para sa amin,At para sa isa na nagtatangi ng relihiyon na kung saan ay hindi bahagi nito,Sa pamamagitan ng (Bundok ng) Thawr at sa Kanya na naglagay ng (Bundok ng) Thabir sa lugar nito,At sa kanya na umakyat at bumaba mula sa Hira’,At sa pamamagitan ng Bahay (ng Allah) – sa pamamagitan ng karapatan ng Bahay na nasa gitna ng Makkah,At sumusumpa ako sa pamamagitan ng Allah, ang Allah ay hindi nagbabalewala,At (sumusumpa ako) sa pamamagitan ng Itim na Bato kapag kanila itong pinunasan,At ikutan ito sa tanghali at sa hapon,At (sumusumpa ako) sa pamamagitan ng bakas ng paa ni Abraham sa putik,Na ginawa niyang tumindig ng nakayapak, na magkapantay,At (sumusumpa ako) sa mga pagligid sa pagitan ng As-Safa at Al-Marwah,At sa mga larawan at rebulto na naroroon,At sa pamamagitan ng pinakamalayong himpilan kapag sila’y pabalik mula rito,At sa pamamagitan ng bawa’t manlalakbay sa Bahay ng Allah,Kasama na ang bawa’t mangangabayo, bawa’t taong nagpupuno ng isang pangako at bawa’t naglalakad,At sa pamamagitan ng gabi ng pagtitipon at ang mga himpilan sa daanan ng Mina,Mayroon pa bang higit na sagrado at mas mataas na kalagayan?At matapos (ang panunumpa sa pamamagitan) ng mga bagay na ito,Mayroon pa bang hihigit na kanlungan sa pamamagitan ng mga bagay na ito?At ang isa ba na naghahangad ng kanlungan at natatakot sa Allah ay makatarungan?Kayo (O Quraish) ay nagsinungaling, sa pamamagitan ng Bahay ng Allah, hindi namin lilisanin ang Makkah,At magsihayo, sapagka’t ang inyong pamamahala ay nakalilito,

Page 59: BTEC Sheera Level 0111

59

Nagsinungaling kayo, sumusumpa kami sa pamamagitan ng Bahay ng Allah, hindi namin pababayaan si Muhammad,Pangangalagaan namin siya at makikipaglaban para sa kanya,At hindi namin siya isusuko sa inyo hanggang sa kami ay mamatay na nakapalibot sa kanya,Kahit na mapabayaan namin ang aming mga anak at mga asawa,Ang aming mga tao ay lalaban sa inyo na may dalang bakal (espada, atbp.)Itataas ang mga bandila (ng digmaan) sa ibabaw ng nagkakalampagang mga baluti.

At kami ay nangangako, sumpa man sa Allah, na kung maganap ang aking inaasahan,Ipaghahalo namin ang aming mga espada sa aming mga kalaban,Sa mga kamay ng isang kabataan na isang bulalakaw…Ang aking kapatid ay makatotohanan, nangangalaga sa katotohanan at isang matapang,Walang bansa na magpapabaya sa isang pinunoNa nangangalaga sa dangal maliban sa yaong naghiwalay sa kanya o di kaya ay naiiba,

Walang-bahid at kagalang-galang, naghahangad ng ulan sa pamamagitan ng kanyang paninindigan,Kaibigan ng mga ulila at tagapangalaga ng mga balo,Ang natatakot at mahina mula sa angkan ng Hashim ay tumatakbo sa kanya,Sa kanyang paningin sila ay pinagpipitaganan at iginagalang,

‘Utbah, huwag makinig sa sinasabi ng aming kalaban tungkol sa amin,Paninibugho, hindi makatotohanan, pagkapoot at pagiging taksil,Dinaanan ako ni Abu Sufyan ng may paghamak,Gayundin ang mga pinuno mula sa mga mahilig makipagtalo,Tumakbo kayo sa Najd at doo’y malamig ang tubig,At iniisip mo na hindi ko alam ang tungkol sa iyo,Si Mut’im, sinabi ng mga tao sa iyo ang kanilang pakay,Subali’t kung ako’y masasakmal, hindi mo kakainin ang hain,Gantimpalaan nawa ng Allah sina ‘Abdu Shams at NawfalPara sa ginawa nila laban sa amin, ng isang malupit na kaparusahan sa

Page 60: BTEC Sheera Level 0111

60

nalalapit sa halip ng pagkalipas,‘Abdu Manaf, ikaw ang pinakahigit sa iyong mamamayan,

Kaya’t huwag iuugnay ang bawa’t makasalanan bilang katambal ng inyong relihiyon,Hanggang kamakailan, ikaw ang panggatong para sa palayok,At ngayon ikaw ang tagapagdala ng panggatong para sa mga palayok at kaldero,Sa bawa’t kaibigan at kaanak na inaasahan natin ng tulong,Subali’t sa pagdating ng huli, nakita namin na ito ay walang pakinabang,Maliban na ang pangkat mula kay Kilab bin Murrah,Ay nagpahayag na sila ay walang kinalaman sa mga taong nagpabaya sa amin,

Anong husay na tao ang pamangkin ng tribu, na hindi nagsisinungaling,Zuhair, isang kakaibang espada mula sa …Sa pamamagitan ng aking buhay, pinagkalooban ako ng mahirap na tungkulin sa pag-aalagaSapagka’t si Ahmad at ang kanyang mga kapatid (sa pananampalataya),(Siya ay) ang landas ng kanilang pagmamahal na nagpapanatili ng malapit na mga ugnayan,Sino kaya ang makatutulad niya na maaari naming asahan sa aming mga pag-asa,Kung ang mga hurado ay ihahambing siya sa mga iba?(Siya ay) mabait, mahal at makatarungan – hindi salawahan,Naniniwala siya sa isang Diyos na hindi nagpapabaya,Sumpa man sa Allah, kung hindi lamang ako magdurusa ng panlalait,Mula sa aming nakatatanda sa mga lugar ng tagpuan,Susundan ko siya sa lahat ng pagkakataon,Sa lahat ng sandali sa lahat ng kapahamakan,Alam nila na ang aming mga anak ay pinalaki namin na maging makatotohanan,At hindi siya nababahala sa sinasabing mali ng mga tao,Binantayan ko siya at pinangalagaan ko siya,At ipinagtanggol siya kasama ng aking pamilya at ng aming mga buhay.

Ang PAgPAPAwAlAng-biSA ng kASulAtAn

Matapos ito, si Hisham bin ‘Amr mula sa tribu ng Banu ‘Amr bin Lu’ayy – na palaging nakikipagtagpo ng palihim kung gabi sa mga Banu Hashim sa may

Page 61: BTEC Sheera Level 0111

61

bangin na may dalang pagkain – ay nagpunta kay Zuhair bin Abi Umayyah Al-Makhzumi – na ang kanyang ina ay si ‘Atikah bint ‘Abdul Muttalib – at nagsabi: “O Zuhair! Masaya ka ba na kumain at uminom gayung ang iyong mga amain ay nasa mga kalagayan na iyong nababatid?” Kanyang sinabi: “Mahiya ka! Anong magagawa ko kung nag-iisa lamang ako? Subali’t sumpa man sa Allah, kung mayroon lamang isang tao na kasama ko ay kikilos ako na mapawalang-bisa ito.” Siya (hal. Hisham) ay nagsabi: “Ako (ang pangalawa).” Siya ay nagsabi: “Kailangan natin ng pangatlo.” Si Hisham ay nagsabi: “(Ano kaya si) Abul Bakhtari bin Hisham?” Siya ay nagsabi: “Kailangan natin ng pang-apat.” Si Hisham ay nagmungkahi: “Si Al-Mut’im bin ‘Adiyy.” Siya ay nagsabi: “Kung gayon ay magtipon sa Al-Hajun (isa sa mga pasukan ng Makkah) at gumawa ng kasunduan na itaguyod ang pagpapawalang-bisa ng kasulatan.” Si Zuhair ay nagsabi: “Pangungunahan ko ito.” Kaya’t sila ay nagtungo sa Ka’bah at natagpuan ang mga Quraish na nakaupo sa palibot nito. Nanawagan si Zuhair: “O mamamayan ng Makkah, kumakain tayo ng ating pagkain, umiinom ng ating mga inumin, at nagsusuot ng ating mga damit samantala ang Banu Hashim ay namamatay; sumpa man sa Allah, hindi ako titigil hanggang hindi napapawalang-bisa ang di-makatarungang kasulatan ng boykot na ito.”

Si Abu Jahl ay sumagot: “Nagsisinungaling ka! Sumpa man sa Allah hindi ito mapapawalang-bisa!” Si Zam’ah ay nagsabi: “Ikaw, sumpa man sa Allah, ay mas malaking sinungaling! Hindi kami sumang-ayon dito na ito ay isulat noong panahon na inyong itinakda.”

Si Abul Bakhtari ay nagsabi: “Si Zam’ah ay nagsasabi ng katotohanan. Hindi namin tinatanggap ang nasasaad dito o di kaya kinikilala namin ito.”

Si Al-Mut’im bin ‘Adiyy ay nagsabi: “Kayo (Zam’ah at Abul Bakhtari) ay nagsabi ng katotohanan at sinuman na iba ang sabihin ay nagsinungaling. Ipinahahayag namin sa Allah ang aming kawalang-malay dito at sa mga nilalaman nito.” At si Hisham bin ‘Amr ay nagsabi din ng gayon.

Sumagot si Abu Jahl: “Ang usaping ito ay napagkasunduan matapos ang gabi ng sanggunian sa isang pook maliban dito.”

Pagkatapos ay nagpadala ang Allah ng mga anay upang kainin ang kanilang kasulatan at kinain ng mga ito ang lahat ng mga Pangalan ng Allah na walang tinira maliban lamang sa mga salitang Shirk, di-makatarungan at boykot. Pagkatapos ay ipinabatid ng Allah sa Kanyang Mensahero kung ano ang nangyari sa kanilang kasulatan at binanggit niya ito sa kanyang amain na nagsabi: “Hindi, sa pamamagitan ng mga bituin, hindi ka nagsinungaling

Page 62: BTEC Sheera Level 0111

62

sa akin.”Kaya’t siya ay lumisan kasama ang isang pangkat mula sa Banu ‘Abdil

Muttalib at nagtuloy sa Masjid na natagpuan itong puno ng mga Quraish; nang sila ay kanilang makita, inakala nila na kanilang kinalimutan ang paghihirap dulot ng boykot at nagpunta upang isuko ang Mensahero ng Allah sa kanila. Nagsalita si Abu Talib: “May isang bagay na nangyari na maaaring mag-ayos sa pagitan namin at ninyo, ilabas ang inyong kasulatan.” Sinabi niya ito nang may pangangamba na maaaring tingnan muna nila ito bago nila ilabas at kung gayon ay hindi na nila ilalabas. Ito ay kanilang inilabas ng may pagmamalaki at pagyayabang, walang pag-aalinlangan na ang Mensahero ng Allah ay isusuko sa kanila. Sila ay nagsabi: “Dumating na ang takdang panahon sa inyo na magbalik sapagka’t mayroong panganib na ang inyong mamamayan ay maglaho.” Si Abu Talib ay nagsabi: “Bibigyan ko kayo ng isang mainam na mungkahi: Ipinabatid sa akin ng aking anak (hal. ang Propeta ) – at hindi siya nagsinungaling sa akin – na ang Allah, ang Makapangyarihan, ay walang kinalaman sa kasulatang ito na nasa inyong mga kamay, na Kanyang binura ang lahat ng Kanyang mga Pangalan mula dito at iniwan lamang Niya ang mga salita ng inyong mga kataksilan at boykot. Sa gayon kung ang sinasabi niya ay totoo, hindi namin siya isusuko sa inyo hangga’t may nabubuhay sa amin. Subali’t kung ang sinasabi niya ay hindi totoo, isusuko namin siya sa inyo at maaari ‘nyo siyang patayin o hayaang mabuhay.”

Kanilang sinabi: “Tinatanggap namin.” At nang buksan nila ang kasulatan, natagpuan nila ito kung papaano niya ito ipinabatid sa kanila, sila ay nagsabi: “Ito ay isang pangungulam mula sa inyong kasama (Muhammad).” Sila ay nasawata dahil dito subali’t di nagtagal ay nagbalik kaagad sa kanilang mga masasamang gawa.

At yaong mga nakipagkasundo (upang mapawalang-bisa ang kasulatan) ay nagsalita – katulad ng nabanggit – at si Abu Talib ay bumigkas ng ilang tula ng pagpuri sa mga taong gumawa ng kasunduan na ipawalang-bisa ang kasulatan:

Gantimpalaan nawa ng Allah ang pangkat sa Al-Hajun,Na nagtulungan sa bawa’t isa,Hanggang sa makaharap nila ang mga tao,Ginabayan sa pamamagitan ng tibay ng loob,Sila’y umupo sa Al-Hajun,Na para bang nakikipagpulong,Subali’t sa katotohanan, sila’y kasama sa isang layon,

Page 63: BTEC Sheera Level 0111

63

Higit na dakila at mas kapuri-puri kaysa rito.Kaya’t nilisan ng Banu Hashim ang kanilang bangin at malayang nakihalubilo sa mga tao; ang kanilang paglisan dito ay nasa ikasampung taon ng Pagkapropeta at si Abu Talib ay binawian ng buhay anim na buwan matapos ang lahat nang ito.

Page 64: BTEC Sheera Level 0111

64

KABANATA – 12

Ang kAmAtAyAn ni khAdijAh At Abu tAlib

Si Khadijah, ang Ina ng mga Mananampalataya ay binawian ng buhay ilang araw matapos si Abu Talib. Ang mga pang-aapi na ipinadarama nila sa Mensahero ng Allah ay nadagdagan matapos ang kanilang kamatayan. Sila ay nagpapakita ng kasamaan ng ugali sa kanya at nagpapakita ng karahasan laban sa kanya. Pinagtangkaan nilang patayin ang Mensahero ng Allah subali’t pinigilan sila ng Allah na gawin ito. Si ‘Abdullah bin ‘Amr bin Al-‘As ay nagsabi: “Pinuntahan ko sila at natagpuan ko na ang mga kilala mula sa kanila ay nagtipon sa Al-Hijr na binabanggit ang pangalan ng Mensahero ng Allah : ‘Ang pasensiya namin sa kanya ay hindi na mapapantayan: Hinamak niya ang aming pasensiya at pagtitimpi, nilait ang aming mga ninuno at pinaghiwalay ang aming lipunan…’ at habang sinasabi nila ito, siya ay dumating at humipo sa panulukan ng Yemeni at nang mapadaan siya sa kanila, nagsimula silang sumulyap sa kanya.”

Naiulat sa isang Hadith na sinabi niya sa kanila sa pangalawang pag-ikot: “Binabalaan ko kayo ng kamatayan.” Sinabi nila sa kanya: “O Abul Qasim! Hindi ka isang mangmang na tao (na sabihin kung ano ang sinabi mo), kaya’t umalis ka nang maayos.”

Sila ay nagtipon ng sumunod na araw at nagsabi: “Sinabi mo ang sinabi mo hanggang sa siya ay dumating sa iyo kung ano ang iyong kinasusuklaman at pagkatapos ikaw ay tumigil.” Habang sila ay magkakaharap, siya ay nagpakita sa kanila at nagsabi: “Puntahan mo siya ng nag-iisa sapagka’t nakita ko si ‘Uqbah bin Abu ‘Uqbah bin Abu Mu’ait na hinahawakan ang kanyang laylayan…” si Abu Bakr ay tumayo sa tabi niya na umiiyak habang nagsasabi na: “Papatayin mo ba ang isang taong nagsasabi: Ang aking Panginoon ay ang Allah.

At sa Hadith ni Asma’, nasabi na: “Sinigawan ng mga tao si Abu Bakr: ‘Puntahan mo ang iyong mga kasama!’ Kaya’t iniwanan niya kami, siya ay may apat na tirintas sa kanyang ulo. Umalis siya na nagsasabi: ‘Kapighatian sa inyo! Papatayin ‘nyo ba ang taong nagsasabi na: “Ang Allah ang aking Panginoon”? Kaya’t iniwanan siya nila at nagtungo kay Abu Bakr, siya ay nagbalik sa amin na nangangakong hindi niya gagalawin ang tirintas ng kanyang buhok hangga’t hindi siya bumabalik na kasama niya.”

Page 65: BTEC Sheera Level 0111

65

Sa ibang pagkakataon, siya ay nagdarasal malapit sa Bahay nang ang grupo ng mga kilalang tao sa kanila ay nakita siya at ang isa sa kanila ay lumapit sa kanya na may dalang mga bituka ng kinatay na hayop at inihahagis sa kanyang likuran.

Alam nila ang kanyang pagiging makatotohanan at ang kanyang katapatan na ang kanyang dala ay katotohanan subali’t katulad ng tinuran ng Allah:

المني بآيات الل بونك ولكن الظ ي يقولون فإنهمر ل يكذ زنك ال قدر نعرلم إنه لحريرحدون

“Hindi kayo ang kanilang itinatatwa, subali’t ito ang mga talata (sa Qur’an) ng Allah na itinatatwa ng mga Dhalimun (mga sumasamba sa diyus-

diyusan at mapaggawa ng masama).” Surah Al-An’am 6:33

Si Az-Zuhri ay nag-ulat na si Abu Jahl at ang pangkat ng kanyang tagatangkilik – kasama na si Al-Akhnas bin Sharif – isang gabi ay narinig niya ang pagbigkas ng Mensahero ng Allah at siya ay nagsabi kay Abu Jahl: “O Abul Hakam! Ano sa palagay mo ang tungkol sa narinig mo mula kay Muhammad?” Siya ay nagsabi: “Kami at ang Banu ‘Abdi Manaf Ash-Sharaf ay nagpaligsahan sa isa’t isa: Kami ay nagpakain at sila ay nagpakain, kami ay tumulong at sila ay tumulong, kami ay nagbigay at sila ay nagbigay hanggang sa kami ay nagsiluhod at para kaming dalawang mga kabayo sa isang karerahan at kanilang sinabi: “Mayroong isang Propeta na mula sa amin na sa kanya ay dumating ang Kapahayagan mula sa langit!” Papaano kami makikipagdaigan kung ganito? Sumpa man sa Allah, hindi kami makikinig sa kanya at hindi kami maniniwala sa kanya!”

Sa ibang salaysay, nasabi na: “Katiyakan, alam ko na ang kanyang sinasabi ay katotohanan, subali’t ang Banu Qusai ay nagsabi: “Wala ba tayong (Dar) An-Nadwah?” Kami ay nagsabi: “Oo.” Sila ay nagsabi: “At wala ba tayong Hijabah?” Kami ay nagsabi: “Oo.” Sila ay nagsabi: “At wala ba tayong Saqayah?” Kami ay nagsabi: “Oo.” at ipinagpatuloy niya ang nalalabi sa Hadith.”