bugtong at kawikaan

Upload: faith-cortes

Post on 03-Mar-2016

167 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

Mother tongueprojectbugtongkawikaan

TRANSCRIPT

Proyekto sa Mother TongueSalawikain at Bugtong

Ipinasa ni: Jamew Matthew C. Avelino3 Einstein

Ipinasa kay:Bb. Romina Velasco

Salawikain

Ang ilog na tahimik ay malalim, ang ilog na maingay ay mababaw.

Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw. Kung may isinuksok, may madudukot.

Ang isip ay parang itak, sa hasa tumatalas.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. Kung ano ang buka ng bibig, siya ang nilalaman ng damdamin.

Kung sino ang unang pumutak, siya ang nangitlog. Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa. Kapag makitid ang kumot, matutong magtiis at mamaluktot.

Ang hipong pala-tulog, inaanod ng agos. Ang malinis na kalooban ay walang kinakatakutan.Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.

Bugtong

Takot sa isa, matapang sa dalawa.

Nagsaing si Insiong, sa ibabaw ang gatong.

Maliit pa si kumare, marunong nang humuni. Binili ko nang di kagustuhan, ginamit ng di nalalaman.

Isang reynang maraming mata, nasa gitna ang espada.Dalawang sundalo, pabalik-balik sa kampo.Dalawang magkaibigan, nag-uunahan.

Naabot na ng kamay, pinapapagawa pa sa tulay.

Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

Butot balat, lumilipad.Kay liit pa ni Neneng, marunong nang kumendeng.Maliit na bahay, puno ng mga patay.

Mga Kasagutan1. Tulay na kawayan2. Bibingka3. Kabaong4. Kuliglig5. Pinya6. Paa7. Sipon8. Kubyertos9. Kandila10. Posporo11. Bibe12. Saranggola