bugtong at sawikain fil 14

23
SALIMBIBIG ang namamayaning paraan ng paglikha at pagpapatibay sa kamalayang kolektibo, ang prekolonyal na katumbas ng bayan. TRADISYONG PREKOLONYAL Dahil dito, itinatangi ng sambayanan ang mang-aawit ng panitikan. Itinuturing na banal ang sandali ng pagbigkas. Lubos ding mahalaga ang taimtim na pakikinig ng bawat isa.

Upload: jnatividad23

Post on 27-Oct-2014

2.212 views

Category:

Documents


13 download

DESCRIPTION

Bugton at Salawikain Presentation by Ms. Glenda Oris

TRANSCRIPT

Page 1: Bugtong at Sawikain Fil 14

SALIMBIBIG ang namamayaning paraan ng paglikha at pagpapatibay sa kamalayang kolektibo, ang prekolonyal na katumbas ng bayan.

TRADISYONG PREKOLONYAL

Dahil dito, itinatangi ng sambayanan ang mang-aawit ng panitikan.

Itinuturing na banal ang sandali ng pagbigkas.Lubos ding mahalaga ang taimtim na pakikinig ng bawat isa.

Page 2: Bugtong at Sawikain Fil 14

TEMA

kasaysayan ng pagsusumikap na pagtagumpayan ang masalimuot na paligid na pinaamo at hinuhubog ayon sa pangangailangan ng tao

kasaysayan ng organikong kapaligiran

Page 3: Bugtong at Sawikain Fil 14

Mga Anyong Pampanitikan

Bugtong Sawikain

Tagalog Poetry 1570-1898:Tradition and Influences in Its Development

Ni Bienvenido L. Lumbera

Vocabulario de la Lengua TagalaNina Juan de Noceda at Pedro de Sanlucar

Page 4: Bugtong at Sawikain Fil 14

Ang Tulang Tradisyonal

Mga Bukal o Pinagmulan

Bugtong Sawikain

Kinain na’t naubosNabubuo pang lubos

Ang lumakad nang matulinKung matinik ay malalim

Ano ngayon ang mga batas na isinalin ng dalawang ito sa larangan ng anyo, nilalaman, at bisa ng tula?

Page 5: Bugtong at Sawikain Fil 14

Mga Batas ng Anyo

Tugma

Kinain na’t naubosNabubuo pang lubos

Ang lumakad nang matulinKung matinik ay malalim

Pagkakapareho ng dulong tunog ng bawat taludtod sa isang saknong

tugma sa katinigmalakas

tugma sa patinig

a / e-i / o-umay impit

walang impit

b-k-d-g-p-s-t

mahinal-m-n-ng-r-w-y

Page 6: Bugtong at Sawikain Fil 14

Mga Batas ng Anyo

TugmaSukat

Kinain na’t naubosNabubuo pang lubos

Ang lumakad nang matulinKung matinik ay malalim

Pagkakapareho ng bilang ng pantig ng bawat taludtod sa isang saknong

gansal

pares

77

88

pipituhin

wawaluhin

Pagkakapareho ng dulong tunog ng bawat taludtod sa isang saknong

Page 7: Bugtong at Sawikain Fil 14

• walang tiyak na sukat/bilang ng pantig• karaniwang binubuo ng dalawang taludtod

lamang• assonantal rhyme• unang taludtod: pangkalahatang impresyon ng

paksa, imahen at talinghaga (metaphor)• ikalawang taludtod: pagbibigay ng mga

detalye/imahen na makatutulong upang sagutin ang misteryo ng unang taludtod ngunit lalo pa nga itong nakalilito sapagkat kadalasa’y naglalaman ito ng KABALINTUNAAN o PARIKALA (irony)

Mga Batas ng Anyo: BUGTONG

Page 8: Bugtong at Sawikain Fil 14

• fantastication of objects: eye for the marvelous• pattern: contradiction between the object allegedly

described and the assertion about the object• oppositional: itinataguyod ang kontradiksyon sa

pamamagitan ng pagsisingit ng mga detalye na tila walang kaugnayan o sumasalungat sa naunang bahagi ng bugtong

• non-oppositional: nagkakaroon ng pagkalito dahil nadaragdag ang mga detalyeng nagpapalubha sa misteryo ng bugtong

• tono: may siste (humorous, playful, tempered with reality)

Mga Batas ng Anyo: BUGTONG

Page 9: Bugtong at Sawikain Fil 14

Mga Batas ng Anyo: SAWIKAIN, SALAWIKAIN KAWIKAAN• heptasyllabic o octosyllabic meter• assonantal rhyme• karaniwang binubuo ng isa o dalawang taludtod

lamang• Nakalakip ang mga realistikong imahen na

pinagtatagis sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagbabalintuna

Page 10: Bugtong at Sawikain Fil 14

• Tono: seryoso, malalim• Positibong konstruksiyon: paggamit ng humour

upang timpiin ang tapang ng aral, nang sa gayon maitawid ang aral nang hindi nakasasakit ng damdamin ng tagapakinig• Talinhaga: naglalahad ng piling detalye (hindi

abstrakto), tumutukso sa isipan hanggang makarating sa malalim na pag-unawa (insight)

Mga Batas ng Anyo: SAWIKAIN, SALAWIKAIN KAWIKAAN

Page 11: Bugtong at Sawikain Fil 14

Ang Tulang TradisyonalTula

Gaya ng lahat ng ibang sining, may pagpapahalaga sa pluralidad ng kahulugan at determinasyon ng ganda

Gaya ng lahat ng ibang panitikan, gumagamit ito ng salita

Paano naman ito naiiba sa iba pang anyong pampanitikan?Ang yunit ng pagpapahayag sa tula ay nasa taludtod o linya

Page 12: Bugtong at Sawikain Fil 14

Ang Tulang Tradisyonal

Mga Batas ng Anyo

Paalala

Dahil ilan sa mga tulang tradisyonal sa Hulagpos/Paghulagpos ay salin mula sa ibang wika sa Pilipinas gaya ng Cebuano at Hiligaynon, hindi laging naisasaalang-alang ang mga batas ng anyo sa pagsasalin.

Page 13: Bugtong at Sawikain Fil 14

Ang Tulang Tradisyonal

Mga Batas ng Anyo

Sumiksik ang araw sa kahit anumanPati sa hamog sa ating damuhanAt ang mga ibo’y may huning masigla,Doon sa kahuyang tigib ng saya.

- Mula sa “Araw” ni Francisco Alvarado

aa

b

b

Ito ang tinatawag ni V. S. Almario na sunuran

Mayroon ding mga salitan a-b-a-b

at inipitan a-b-b-a

Page 14: Bugtong at Sawikain Fil 14

Ang Tulang Tradisyonal

Mga Batas ng Anyo

Paalala

Ang sinusunod na tugmaan ng mga taludtod na nagtatapos sa salitang may pang-angkop o pangatnig ay ang dulong tunog ng salitang nilagyan ng pang-angkop o pangatnig. Halimbawa:

nakita’t ako’y mahalagang

Page 15: Bugtong at Sawikain Fil 14

Ang Tulang Tradisyonal

Mga Katangian ng Nilalaman

Kinain na’t naubosNabubuo pang lubos

Ang lumakad nang matulinKung matinik ay malalim

Talinghaga

misteryo o hiwaga

pagtingin sa isang bagay bilang iba pang bagay

Kakabaak na niyogMagdamang inilibot.

kalikasan ang pangunahing bukal ng pananalinghagatayutay naman ang pangunahing kasangkapan sa pananalinghaga

metapora

simili

personipikasyon

apostrope

sinekdoke

Page 16: Bugtong at Sawikain Fil 14

Ang Tulang Tradisyonal

Mga Katangian ng Nilalaman

kasaysayan ng organikong kapaligiran kasaysayan ng pagsusumikap na

pagtagumpayan ang masalimuot na paligid na pinaamo at hinuhubog ayon sa pangangailangan ng tao

Batay sa mga Bugtong at Sawikain

Page 17: Bugtong at Sawikain Fil 14

Ang Tulang Tradisyonal

Mga Katangian ng Nilalaman

Subalit may mga katangian ang nilalaman ng tula na hindi hayag na hayag sa bugtong at sawikain:

Dramatikong sitwasyon

Tinig / Persona

“Kung Tag-ani”

“Tatandaan Ko Na!”

Page 18: Bugtong at Sawikain Fil 14

Ang Tulang Tradisyonal

Mga Bisa ng Tradisyon sa Tula

Kinain na’t naubosNabubuo pang lubos

Ang lumakad nang matulinKung matinik ay malalim

palaisipanpaaralang-bayan pilosopiyang prekolonyal

Page 19: Bugtong at Sawikain Fil 14

Ang Tulang Tradisyonal

Mga Bisa ng Prekolonyal na Tradisyon sa Tula

Batay sa BUGTONG

pagsubok sa talino at talas ng pag-iisip ng tagapakinig praktikal na pagtatasa ng alaala pamilyaridad sa paligid at lipunan paaralang-bayan libangan

Page 20: Bugtong at Sawikain Fil 14

Ang Tulang Tradisyonal

Mga Bisa ng Tradisyon sa Tula

Batay sa SALAWIKAIN, KAWIKAAN, SAWIKAIN

praktikal na gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay, maaaring gamitin sa iba’t ibang kalagayan

didaktiko – may ibinabahaging aral binibigyang-halaga ang mga penomenon ng kalikasan at

itinutumbas ang mga ito sa kolektibong sitwasyon, kalagayan o damdamin

matitipid at matalinhagang ekspresyon ng pilosopiyang prekolonyal – okasyon ang pagbigkas sa sawikain para dumukal ng paraan upang pakiharapan ang buhay

Page 21: Bugtong at Sawikain Fil 14

Leron leron sinta, umakyat sa papayaDala-dala’y buslo, sisidlan ng sintaPagdating sa dulo, nabali ang sangaKapus-kapalaran, humanap ng iba

Page 22: Bugtong at Sawikain Fil 14

Florentino Hornedo, “Bugtong sa Panulaang Tradisyunal” mula sa Ang mga Daloy ng Makasaysayang Sangkap ng Oratura at Literatura ng Filipinas

“… Ito’y halimbawa ng isang tradisyunal na tula (at awitin din) na sa unang tingin ay tulang pambata o nursery rime, ngunit kung titingnan sa higit na mapanuring pagtingin ay may pagkabugtong – maraming bagay ang dapat alamin o liwanagin. Tunay bang papaya ang inakyat? Bakit “sinta” ang ilalagay sa “buslo”? Kung hindi tunay na puno ng papaya ang inakyat, ano? Nang mabali ang sanga, may kinapos-palad. Sino siya? At dahil sa kasamaang-palad na nangyari, may “maghahanap ng iba.” Sino ang maghahanap, at sino itong ibang hahanapin? Mahirap sagutin ito ng tagalabas, ngunit ang katutubo sa bayang pinagmulan nito, malamang ay hindi mahihirapan sapagkat ang pinagsamahang karanasan at kasaysayan ng mga mamamayan doon ang pumupuno sa mga puwang na pinagmumulan ng mga naunang nabanggit na tanong.”

Page 23: Bugtong at Sawikain Fil 14

Florentino Hornedo, “Bugtong sa Panulaang Tradisyunal” mula sa Ang mga Daloy ng Makasaysayang Sangkap ng Oratura at Literatura ng Filipinas

“Hindi kaya awitin ito tungkol sa isang mangingibig na umakyat ng ligaw (“dala-dala’y buslo, sisidlan ng sinta”) na hindi nagtagumpay (“pagdating sa dulo, nabali ang sanga”), kaya kailangang “humanap ng iba”? Seryoso kaya ang tono ng tulang ito? O pabiro na ang layunin ay pagtawanan ang kabiguan ng iba tulad ng madalas mangyari sa maliit na bayan – na walang tagumpay o kabiguan na maitatago sa pag-usyoso ng mapanudyo, at madalas ay mapagbirong bayan? Hindi ba’t ito ang dahilan kung bakit ang musika nito ay allegretto? …

Ang lahat ng oratura sa mga tradisyonal na pamayanang ito ay walang iba kundi mga ekstensiyon lamang ng pang-araw-araw na komunikasyon at pakikipaglabanan sa isa’t isa ng mga mamamayan. Kaya ang panulaang tradisyonal ay isinisilang mula sa sinapupunan ng lipunan at hindi sa kapirasong papel na nakipagtalik sa pluma.”