cellphone
TRANSCRIPT
EPEKTO NG PAGGAMIT NG “CELLPHONE” SA MGA PILING MAG AARAL NA NASA IKA-APAT NA TAON NG SICSICAN
NATIONAL HIGH SCHOOL-Sta. Monica AnnexSY 2012-2013
Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ngSicsican National High School ( Sta. Monica Annex)
Lungsod ng Puerto Princesa
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang Filipino -IV
Nina:
Carine IndingLorelyn LianeraCarla Joy Inding
Earl Ervin Dela Cruz
MARSO 2013
TALAAN NG NILALAMAN
APPROVAL SHEET
PAGPAPASALAMAT
PAGHAHANDOG
KABANATA I
Panimula
Paglalahad ng Suliranin
Saklaw at Limitasyon
Kahalagahan ng Pag-aaral
KABANATA II
Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura
KABANATA III
Paraan ng Pananaliksik na Ginamit
KABANATA IV
Presentasyon at Interpretasyon
KABANATA V
Lagom, Konklusyon Rekomendasyon
TALASALITAAN
BIBLIOGRAPHY
CURRICULUM VITAE
Republika ng PilipinasSicsican National High School (Sta.Monica Annex)
Puerto Princesa City
Approval Sheet
Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na ” EPEKTO NG PAGGAMIT NG “CELLPHONE” SA MGA PILING MAG AARAL NA NASA IKA-APAT NA TAON NG SICSICAN NATIONAL HIGH SCHOOL-Sta. Monica Annex,SY 2012-2013 ay inihanda at ipinasa nina Carine Inding, Lorelyn Lianera, Carla Joy Inding, Earl Ervin Dela Cruzbilang bahagi ng katuparan ng proyekto sa Filipino-IV.
Nirekomenda ni:Ginoong Jonathan B. Araya
Guro sa FILIPINO-1V
PAGPAPASALAMAT
Ang lahat ng bumubuo ng pag-aaral na ito ay lubos na nagpapasalamat sa
sumusunod na indibidwal sa bawat tulong na naiambag upang maisakatuparan ang
aming pag-aaral;
Sa aming guro sa katauhan ni Ginoong Jonathan B. Araya,sa kanyang mga
itinuro patungkol sa mga pamamaraan ng pananaliksik,sa pagkakataong kanyang
ibinigay upang magamit naming ang aming mga natutunan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng proyektong ito.Maraming salamat po!
Sa aming mga magulang,sa pagbibigay hindi lamang ng pinansyal maging ng
lakas ng loob at karagdagang tiwala sa sarili upang matapos ang aming pag-aaral.
Ganon din naman po an gaming pasasalamat sa aming mga nakatatandang
kapatid,sa aming mga Kuya at Ate sa kanilang mga kritisismo na siyang naging gabay
namin upang maitama ang ilan sa aming mga ginagawa,sa kanilang pagbabahagi ng
kanilang mga nalalaman patungkol sa pagbuo ng nasabing pag-aaral.
Itinataas din po namin ang aming pasasalamat sa ating Panginoon sa kanyang walang
sawang pag gabay at sa talinong ipinagkaloob sa bawat isa.
PAGHAHANDOG
Sa aming mga kapwa mag-aaral,ang pag-aaral pong ito ay aming inihahandog
sa inyo,sa dahilang kayo po ang aming naging insperasyon upang lalo pang pagbutihin
ang aming pag-aaral. Nais naming maimulat ang inyong mga isip sa mga maaaring
maging epekto ng ilang bagay sa ating paligid kung ito ay gagamitin natin ng walang
disiplina sa ating mga sarili.Ang mga makabagong kagamitan sana ay magsilbing isang
malaking tulong sa bawat isa at hindi magdulot ng pagkasira di lamang ng ating pag-
aaral maging ng magandang kinabukasan na naghihintay sa bawat isa sa atin.
KABANATA ISULIRANIN AT SANLIGANG PANGKASAYSAYAN
PANIMULA
Sa kasalukuyan nagiging mas modern na an gating panahon, kasabay nito
dumarami pa ng husto ang mga imbensyon n gating mga dalubhasa.Ang mga
imbensyon kagaya ng mga makabagong teknolohiya ay labis ang naitutulong o
pakinabang sa atin lalo na upang mapadali ang ating mga gawain,transaksyon at
marami pang iba.
Sa tulong ng makabagong teknolohiya na nalikha sa pamamagitan ng matalino
at malikhaing kaisipan ng tao masasabi nating ang lahat ng imposible ay possible na sa
kapanahunan sa ngayon. Ang cellphone na siyang lubos na tinatangkilik ng maraming
indibidwal sa ngayon bata man o matanda ang siyang pinakapatok na malamang sa
dinami dami ng makabagong teknolohiya.Ang kakayahan nitong magpadala ng
mensahe sa pamamagitan ng tinatawag na “text messaging” ang lalo pang kinahiligan
ng bawat indibidwal kaya nga ba lalong tumaas ang kompetisyon sa pagitan ng mga
kompanya na gumagawa nito.Sa dami ng nagkalat na kompanya na nagnanais na
kumita sa larangan ng paggawa ng cellphone mas lalo pang nagbabaan ang mga
halaga ng mga ito,ang kung sino mang gustong bumili ng kahit ilang cellphone kahit sa
ibat ibang modelo pa ay makakaya na.Ang mga bata na may gulang walo ay natututo
narin na gumamit ng nasabing teknolohiya.
Ang mga makabagong teknolohiya ay napakalaking tulong upang mas
mapagaan an gating pang araw araw na gawain,Ngunit sa kabilang banda ay maari din
na magdulot ng masamang epekto depende kung paano natin ito gagamitin.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pilipinas o ang ating bansa ang kasalukuyang nanguguna,ito ay kung ang
pagbabasehan ay ang dami ng bilang ng populasyon na gumagamit ng cellphone.Ang
mga Pilipino ay labis nan gang nahuhumaling sa paggamit nito.Ilang “text messages”
nga ba ang naipapadala ng bawat gumagamit ng cellphone sa ating bansa araw-araw?
Ang paggamit ng cellphone sa lahat ng pagkakataon kasabay ng mga
mahahalagang bagay tulad ng pag-aaral ay maituturing na adiksyon.Maoobserbahan
natin na kahit saan tayo pumunta sa mga lansangan,maging sa mga pang pasaherong
sasakyan,eskwelahan,pamilihan,terminal at marami pang iba ay angat parin ang bilang
ng gumagamit ng cellphone.
Ang teknolohiya na sanay nilikha upang mas mapabuti at magbigay ng kagaanan
sa bawat transakyon,magbigay ng bukas na komunikasyon sa ating mga pamilya sa
kabilang banda ay nagdudulot na rin ng masamang epekto lalo na sa ating mag-aaral
na walang disiplina sa paggamit nito.Sinasabing ang cellphone sa panahon ngayon ay
nagiging dahilan na rin upang magkaroon ng lugar ang pang-aabuso at,panloloko sa
ating lipunan.Maging ang atensyon ng mga mag-aaral na dapat ay nakatutok sa
kanilang pag-aaral ay naagaw na rin nito.
Ang sanay kabutihan na dala ng nasabing teknolohiya sa kabilang banda pala ay
nagiging banta na upang masira ang natatanging pangarap ng bawat magulang sa
kanilang mga anak,ang magkaroon ng magandang kinabukasan.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng paggamit ng
cellphone ng mga piling mag-aaral na nasa ika apat na taon sa sekondarya ng Sicsican
National High School(Sta. Monica Annex).
1.Malaman ang mga pananaw ng mga mag-aaral patungkol sa mga epekto ng
paggamit ng cellphone sa kanila bilang isang mag-aaral at gumagamit ng nasabing
teknolohiya.
2.Upang alamin kung naiimpluwensyahan ba ang wika at abilidad sa tamang pag
“spelling” ng mga mag-aaral sa paggamit ng cellphone.
3.Malaman kung ano ang pangunahing gamit at kadahilanan kung bakit labis na
naiinganyo ang mga mag-aaral sa paggamit ng cellphone.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay lubhang mahalaga sapagkat ito ay maaring maging
gabay o instrument ng bawat isa lalo na ng mga mag-aaral.Maaaring magbigay
kaalaman ito sa kanila upang lalo pa nilang maunawaan ang maaring maging epekto ng
kawalang disiplina sa paggamit nito. Ito rin ay magsisilbing babala upang ang maling
paggamit o labis na adiksyon sa cellphone ay maiwasan habang hindi pa ganon ka laki
ang masamang epektong naidudulot nito sa kanila.
SAKLAW AT DELIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay may paksang” EPEKTO NG PAGGAMIT NG
“CELLPHONE” SA MGA PILING MAG AARAL NA NASA IKA-APAT NA TAON NG
SICSICAN NATIONAL HIGH SCHOOL-Sta. Monica Annex,SY 2012-2013.Ito ay
naglalayon na alamin kung mabuti o masama ang naiduldulot ng paggamit ng cellphone
sa mga mag-aaral partikular sa napiling dalampung (20) taga tugon mula sa ika apat na
taon ng sekondarya ng paaralang Sicsican National High School ( Sta. Monica Annex).
KABANATA IIMGA KAUGNAYAN NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Sa kasalukuyan nagkalat ang ibat-ibang imbensyon. Mga makabagong
kagamitan na nagiging daan upang maging mas komportable ang pamumuhay ng mga
tao.Ang cellphone ay isa sa pinakapatok na imbensyon na bentang benta sa mga
panahong ito.
Maraming pakinabang sa tao ang paggamit ng cellphone sinasabi sa isang pahayagan
na kung walang cellphone hindi tayo maaring magkaroon ng tuloy tuloy na
komunikasyon sa ating mga kaibigan at kapamilya,maaaring hindi rin natin magawang
gumising ng maaga dahil sa panahon ngayon ang cellphone ay malimit na nagsisilbing
alarm clock sa atin,maaaring hindi rin malalaman n gating mga kaklase kung bakit tayo
nahuli sa pagpasok kung walang cellphone,maging ang mga pangyayaring mahahalaga
sa ating pang araw –araw na buhay ay hindi rin natin maipapaabot sa ating mga
kapamilya na nasa malalayong lugar,higit sa lahat kung tayo ay nasa gitna ng
napakaraming tao maaring hindi rin tayo matutunton n gating mga kasama.Ang mga
nabanggit ay ilan pa lamang sa mga mahahalagang bagay na naitutulong ng
makabagong imbensyon,ang cellphone.
Ayon sa ginawang sarbey ng “Ipsos Media Atlas Philippines Nationwide Urban
2011-2012” pinpakita sa kanilang sarbey na nasa 22% ang gumagamit ng cellphone sa
games,25% ay ginagamit ito bilang camera,habang nasa 23% naman ang gumagamit
nito bilang audio player.Ayon pa kay Ginoong Steve Garten, Executive Director ng
Ipsos Media Atlas Philippines ,ang mga tao sa kasalukuyan ay hindi na kayang
mabuhay ng walang cellphone,nakakasanayan na ng mga tao ang paggamit nito ng
mas madalas.
Ang cellphone ay nagiging instrumento din upang mabilis na maka konekta sa
mga Social Networking Websites, makapag send ng email at makapag chat,
makapangalap ng impormasyon sa internet,makapanuod ng video,at makapag
download at upload.
Mas nagiging mas masusi pa ang ginagawang pag-aaral sa mga panahong ito
upang maging mas higit na kapaki pakinabang pa sa bawat tao ang cellphone.
KABANATA IIIDISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Disenyo ng pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskripto-analitik
na pamamaraan. Tatangkaing ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang “Epekto ng
paggamit ng cellphone sa mga piling mag-aaral na nasa ika-apat na taon ng Sicsican
National High School- Sta. Monica Annex.
Respondente
Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang dalawpu (20) na mag-aaral na nasa
ika-apat na taon ng Sicsican National High School- Sta. Monica Annex.
Ang dalawampu na estudyante na napili upang maging taga tugon ay kinuha sa
pamamagitan ng pure random sampling.
Talahanayan I
Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian
BILANG NG RESPONDENTENG
BABAE
BILANG NG RESPONDENTENG
LALAKI
KABUUANG BILANG NG RESPONDENTE
13 7 20
Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay nagmula sa ika apat na taon ng
sekondarya ng Sicsican National High School- Sta Monica Annex.
Instrumento ng pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa papamagitan ng pagsasarbey. Ang mga
mananaliksik ay maghahanda ng sarbey kwenstyuner na naglalayong makahanap ng mga
datos upang malaman ang Epekto ng paggamit ng cellphone sa mga mag-aaral ng
Sicsican National High School- Sta Monica Annex.
Magsasagawa din ng pangangalap ng mga impormasyong ang mga mananaliksik sa
iba’t ibang hanguan, sa aklatan tulad ng mga aklat, dyaryo, magasin, at pamanahunang
papel. Kukuha din ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON
Ang kabanatang ito ay naglalarawan kung paano nakuha ang mga datos na
nailahad.
Natuklasan sa aming pag-aaral ang mga sumusunod na datos at impormasyon:
1. Gumagamit ka ba ng cellphone?
A OO 20 100%
B HINDI 0 0%
2. Mayroon ka bang sariling cellphone?
A OO 19 95%
B HINDI 1 5%
3. Gaano kadalas ang paggamit mo ng cellphone?A madalas,minu-minuto sa
tuwing may mag tetext7 35%
B pag may importante lamang na itetext o tatawagan
7 35%
C minsan lamang pag gusto. 6 30%
4. Anu- ano ang iyong pangunahing dahilan sa paggamit ng cellphone?
A panliligaw o komunikasyon sa Gf/ Bf.
0 0%
B textmate 0 0%
C paglalaro ng mga mobile games 2 10%
D Komunikasyon sa pamilya at kaibigan.
18 90%
E iba pa: 0 0%
5. Sa iyong pananaw naapektuhan n ga paggamit ng cellphone n gating wika?
A OO 20 100%
B HINDI 0 0%
C MEDYO LANG 0 0%
D WALANG PAKIALAM 0 0%
6. Naapektuhan ba ang iyong abilidan sa pag “spelling” dahil sa nauusong mali-maling spelling sa pagtetext?
A OO 13 65%
B HINDI 7 35%
7. Nakikipagkita ka ba sa mga taong nakilala lamang sa pamamagitan ng cellphone?
A OO 3 15%
B HINDI 17 85%
8. Bilang mag-aaral, sa iyong pananaw ano ang epekto sau ng paggamit ng cellphone, pagdating sa iyong pag-aaral?
A nakakasama 15 75%
B nakakabuti 5 25%
9. Kung nakakasama, BAKIT?
Nakakaligtaan ang pagreview ng mga aralin.Naapektuhan nito ang kakayahan sa pag spelling ng tama.Nakakawala ng konsentrasyon sa pag-aaral sa tuwing tumutunog ang cellphone.
10. Kung nakakabuti, BAKIT?
Malaking tulong sa kumunikasyon sa pamilya at kaibiganMaaring gamitin pang camera at pang soundtripMaaaring gamitin pag kalap ng impormasyonMadali lamang naipapaabot ang mga mensahe na nais ipaabot
KABANATA V
LAGOM,KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
LAGOM
Ang pag-aaral na ito ay magbabahagi sa bawat mambabasa ng kaalaman
patungkol sa mga benipisyo na maaaring maidulot ng cellphone sa bawat indibidwal
na gumagamit nito.Bagama’t alam natin ang benipisyo at ang mga negatibong epekto
nito ay nakadepende parin sa kung paano ang gingawang paggamit natin dito sa pang
araw-araw nating buhay.Sa paglipas ng panahon masasabi nating lalo pang
nakakainganyo ang mga “feature” ng mga cellphone kung dati ay nagiging daan lamang
ito upang makapagpadala ng mga mensahe o ang tinatawag na “text messaging” at
“call” ngayon ay maari na itong gamitin pang internet,upang makapag
research,makapanuod ng videos,at gayundin nagagamit na ito upang makapaglaro ng
mga mobile games.Nakakaaliw ang mga bagong hatid ng mga makabagong kagamitan
kaya marahil paminsan hindi na natin mamalayan na ang ating oras pala ay halos
maubos na natin sa paggamit nito,nakakaligtaan na ang ilan pa sa mga mahahalagang
bagay na dapat na gawin pa.
KONKLUSYON
as
REKOMENDASYON
Imunumungkahi ng mga mananaliksik na higit na mapaghusay pa ang kanilang pag-aaral
sa larangan ng Social Networking sa kadahilanang nais pa nilang higit na maunawaan ang mga
mabubuting implikasyon na Social networking. Nais din irekomenda ng mga mananaliksik ang
ilang mga dapat na gawin upang makaiwas sa mga manloloko. Isa sa mga dapat gawin dito ay
ang pag-iingat sa mga impormasyon na nilalathala sa iyong network. Ito ay makakatulong upang
higit na mas mapaganda ang pag gamit ng social networking. Para higit na mas mpagtibay ang
mga datos na nakalap, dapat din tangalin ang limitasyon sa mga tagatugon. Sa mga gusto pang
ipag patuloy ang pag-aaral tungkol sa social networking, nais ng mga manunulat na payuhan ang
mga magaaral na huwag limitahan ang social networking sa isang aspekto lamang at huwag din
limitahan ang kanilang mga tagatugon.
APENDIKS -1
Sarbey:
Pangalan: (opsyonal)________________________________________________Kasarian: ( ) babae ( ) lalakiPanuto: Pumili lamang ng isa sa bawat pagpipilian,lagyan ng tsek ang iyong sagot.
1. Gumagamit ka ba ng cellphone?( ) OO ( ) HINDI
2. Mayroon ka bang sariling cellphone?( ) OO ( ) HINDI
3. Gaano kadalas ang paggamit mo ng cellphone?( ) madalas,minu-minuto sa tuwing may mag tetext.( ) pag may importante lamang na itetext o tatawagan( ) minsan lamang pag gusto.
4. Anu- ano ang iyong pangunahing dahilan sa paggamit ng cellphone?( ) panliligaw o komunikasyon sa Gf/ Bf.( ) textmate( ) paglalaro ng mga mobile games( ) komunikasyon sa pamilya at kaibigan.( ) iba pa: ________________________
5. Sa iyong pananaw naapektuhan ban g paggamit ng cellphone an gating wika?( ) OO ( ) HINDI ( ) MEDYO LANG ( ) WALANG PAKIALAM
6. Naapektuhan ba ang iyong abilidan sa pag “spelling” dahil sa nauusong mali-maling spelling sa pagtetext?
( ) OO ( ) HINDI
7. Nakikipagkita k aba sa mga taong nakilala lamang sa pamamagitan ng cellphone?
( ) OO ( ) HINDI
8. Bilang mag-aaral, sa iyong pananaw ano ang epekto sau ng paggamit ng cellphone,pagdating sa iyong pag-aaral?
( ) nakakasama( ) nakakabuti
9. Kung nakakasama,BAKIT?____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
10.Kung nakakabuti,BAKIT?_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
APENDIKS -2
Mahal naming respondente;
Maalab na pagbati!
Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino IV na kasalukuyang nagsusulat ng isang pamanahong papel patungkol sa pananaw, reaksyon, kaalaman at saloobin ng mga mag-aaral mula sa seksyon Amethyst ng Sicsican National High School ( Sta. Monica Annex) hinggil sa mabuting epekto ng pagsali ng mga mag-aaral sa mga Social Networking Sites . Kaugnay po nito inihanda namin ang kwestyoneyr na ito upang makapangalap ng mga datos na kailangan namin sa aming pananaliksik.
Kung gayon, mangyari po lamang na sagutan ng buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging kumpidensyal na impormasyon ang inyong mga kasagutan.
Marami pong salamat!
-MANANALIKSIK
BIBLIOGRAPHY
Acquisti, A., & Gross, R. (2006). Imagined communities: Awareness, information
sharing, and privacy on the Facebook. In P. Golle & G. Danezis (Eds.), Proceedings of
6th Workshop on Privacy Enhancing Technologies (pp. 36-58). Cambridge, UK:
Robinson College.
Wikipedia
http://en.wikipedia.org/wiki/Computer
http://en.wikipedia.org/wiki/Internet
http://en.wikipedia.org/wiki/E-mail
http://en.wikipedia.org/wiki/Multiply.com
http://multiply.com/info/about
Health and Home (2007-2008)
KURIKULUM BITEY
Pangalan: Lorelyn Llanera
Kapanganakan: July 31, 1997
Lugar ng kapanganakan: Barangay San Jose,Puerto Princesa City Palawan
Mga Magulang : Rolly LlaneraJane Llanera
Mga Paaralang pinag-aaralan:
Sta. Monica Elementary SchoolSicsican National High School -Sta. Monica Annex
Pangalan: Carla Joy Inding
Kapanganakan: March 11, 1996
Lugar ng kapanganakan: Barangay Sta. Monica,Puerto Princesa City Palawan
Mga Magulang : Elpidio G. Inding Sr.Alma G. Inding
Mga Paaralang pinag-aaralan:
Sta. Monica Elementary SchoolSicsican National High School -Sta. Monica Annex
Pangalan: Carine Inding
Kapanganakan: June 11,1997
Lugar ng kapanganakan: Barangay Sta. Monica ,Puerto Princesa City Palawan
Mga Magulang : Elpidio G. Inding Sr.Alma G. Inding
Mga Paaralang pinag-aaralan:
Sta. Monica Elementary SchoolSicsican National High School -Sta. Monica Annex
Pangalan: Earl Ervin A. Dela Cruz
Kapanganakan: December 18,1993
Lugar ng kapanganakan: Barangay Sta. Monica,Puerto Princesa City Palawan
Mga Magulang : Warlito A. Dela cruz
Analiza A. Dela cruz
Mga Paaralang pinag-aaralan:
Sta. Monica Elementary SchoolSicsican National High School-Sta. Monica Annex
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON
Ang kabanatang ito ay naglalarawan kung paano nakuha ang mga datos na
nailahad.
Natuklasan sa aming pag-aaral ang mga sumusunod na datos at impormasyon:
EPEKTO NG SOCIAL NETWORKING SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTENGNASA IKA APAT NA TAON SA SEKONDARYA NG SICSICAN NATIONAL HIGH
SCHOOL (Sta.Monica Annex)
ISANG PAG-AARAL NA INIHARAP SA KAGURUAN
MITHIIN NG GURO
ISANG PAG-AARAL BILANG BAHAGI NGMITHIIN NG GURO SA
FILIPINO-1V
IPINASA NINA:JERNALYN C. DUMANDAN
MARILYN MAGBANUAEYRA EVE ABIS
GLENN ROXIM ALIPIT
MARSO 2013