decklamasyon

34
Ano nga ba ang Deklamasyon?

Upload: shekainalea

Post on 22-Jan-2018

454 views

Category:

Education


12 download

TRANSCRIPT

Page 1: Decklamasyon

Ano nga ba ang

Deklamasyon?

Page 2: Decklamasyon

Ano nga ba ang Deklamasyon?

Ito ay pagsasalaysay ng isang

kabisadong tulang pasalaysay.

Ang taguring deklamasyon ay

nagmula sa salitang Griyego

na melete na

nangangahulugan na payak na

pagsasanay na may masidhing

damdaming makulay.

Page 3: Decklamasyon

Mga Layunin ngDeklamasyon

Page 4: Decklamasyon

Layunin ng

Deklamasyon

1. Layunin ng deklamasyon na

humikayat, tumugon,

mangatwiran o maglahad ng

isang paniniwala.

2. Dapat magpakita ng

pananabik na magsalita ang

bumibigkas.

Page 5: Decklamasyon

Layunin ngDeklamasyon

3. Kailangan kumilos ng tama

ngunit mahinahon. Ang tinig

ay dapat lumikha ng

kawilihan.

4. Simulan sa kawi-wiling tinig

ang pagsasalita upang

makaakit ng tagapakinig.

Page 6: Decklamasyon

Layunin ngDeklamasyon

5. Ipadama sa mga tagapakinig

na sila ay kasama o kabahagi

sa pagsasalita o pagtitipon.

6. Huwag tumingin sa isang

dako lamang, pagalain ang

mga paningin.

Page 7: Decklamasyon

Layunin ngDeklamasyon

7. Umisip ng mga salita na

makapagbibigay ningning sa

deklamasyon.

8. Maging maingat sa

pagsasalita. Dapat tumpak

ang mga pananalita at ayon sa

tuntuning pambalarila.

Page 8: Decklamasyon

Layunin ngDeklamasyon

9. Huminto sandali sa wakas ng

deklamasyon bago bumalik sa

upuan subalit taglay ang

katauhang binibigyang buhay.

Page 9: Decklamasyon

Ang tamang Pagdeklamasyon

Page 10: Decklamasyon

Ang tamang

Pagdeklamasyon

a. Unawain at isaulo ang

piyesa.

b. Pag-aralan ang kultura ng

mga taong manonood, ang

okasyon at lunan ng

patimpalak.

Page 11: Decklamasyon

Ang tamang

Pagdeklamasyon

c. Magsimula at magtapos ng

maayos.

d. Huwag isakripisyo ang

tamang pagbigkas ng mga

salita para sa pag-arte.

Page 12: Decklamasyon

Ang tamang

Pagdeklamasyon

e. Bumigkas ng maayos at

malinaw.

f. Huwag sumigaw sa lahat ng

pagkakataon.

Page 13: Decklamasyon

Ang tamang

Pagdeklamasyon

g. Maging makatotohanan sa

gagawin interpretasyon.

h. Ang pagtingin sa madla (eye

contact), ekspresyon ng

mukha, kumpas at galaw ay

kinakailangang

magkakaugnay sa isa’t – isa.

Page 14: Decklamasyon

Ang tamang

Pagdeklamasyon

i. Magsuot ng angkop na

kasuotan ayon sa isasabuhay

sa katauhan.

j. Iwasan ang kalabisan sa pag

– arte, magkaroon ng control

sa iyong emahinasyon.

Page 15: Decklamasyon

Pamantayan para sa

Deklamasyon

• Pamantayan para sa Paghuhusga:

Delivery of Speech ---------------- 30%Enunciation ---------------- -------- 20%Voice quality ----------------------- 20%Gestures/deportment/stage presence ---------------------------- 20%Memory ---------------- ------------ 5%Costume/Props ------------------- 5%

Kabuuan----------------------------100%

Page 16: Decklamasyon

Ang Sining ngPagbigkas ng

Isahan

Page 17: Decklamasyon

Ang Tula at ang Makata

Bawat makata o kritiko

ng panulaang Filipino ay

may iba’t ibang pagpapa-

kahulugan sa tula gaya

ng mga sumusunod:

Page 18: Decklamasyon

Ayon kay Alip

“ Ang tula ay napagmamasdan

mula sa kulay at galaw ng lalong

kaaya-ayang likha ng kamay ni

Bathala; nakikita at pinapanood

natin sa mga likha ng sining ng

tao; nararamdaman natin sa

mga malalalim na simbuyo ng

damdamin at isip; sa kasayahan

at kalungkutan, sa kaginhawaan

Page 19: Decklamasyon

Ayon kay Alip

at sa karalitaan; sa pag-ibig, sa

pagmamahal, sa duyan ng isang

sanggol at sa sapot ng isang

libingan. Maaring di-

mapagmamasdan sa

pamamagitan ng ilaw ng mga

mata, ngunit nakikita sa ilaw ng

pag-iisip. Kaya tumpak na

sabihing ang tula ay kagandahan.

Page 20: Decklamasyon

Alejandro at Pineda

“Ang tula ay isang pagbabagong

hugis ng buhay na hinango sa

guniguni, na ipinararating sa

ating damdamin at

ipinapahayag sa pananalitang

nag-aangkin ng tumpak na

aliw-iw at lalong mainam kung

sa mga sukat at taludtod.

Page 21: Decklamasyon

Monleon

“ Ang tula ang siyang

lumalagom sa kabilang

daigdig at iniuugnay ito sa

ibang mga sining”

Page 22: Decklamasyon

Del Mundo

“ Ang tunay na tula ay

kailangan managano sa “

masidhing damdamin”.

Page 23: Decklamasyon

Samantala, ang makata ay

manlilikha. Ang kanyang

nililikha ay salamisim na

hininog ng kanyang talas ng

isip, tayog ng talino, kislap ng

diwa, at pusok ng damdamin.

Page 24: Decklamasyon

Monleon

Ang diwa ng isang makata ay isang

batis na kadluan ng tubig na

tulain. Walang pagkatuyo! Iyan

ay isang dinsulang kailanma’y di

mauubusan ng laman. Anumang

oras na naibibigay isawak ang

panulat ay maaari. Sa lahat ng

sandali ay maaaring kumadlo ng

tubig… umiinom… at

magpalamig ng puso at dibdib.

Page 25: Decklamasyon

Monleon

Datapwat kailangan ang

mauhaw. Kailangan ang

sibulan ng maidhing

pagnanasang magamit sa may

kapaparakang bagay ang

diwang manunula. Kailangang

magkaroon ng tinatawag na

sagimsim.

Page 26: Decklamasyon

Ricarte

“Bagamat ang makata ay manlilikha, ang kanyangpaglikha ay hindi katulad ngsa Diyos. Ang tula ay hindinilikha buhay sa wala o saisang vacuum. Alinmang, tulaay hindi nawawalan ngkasasaligan o pinagsisimulangtunay na bagay o aktwal napangyayari.

Page 27: Decklamasyon

Ben Johnson

Ang isang makata ay ginawa at,

gayundin ipinapanganak.

Page 28: Decklamasyon

Paano nga ba

inilalarawan

ng makata ang

kapwa makata?

Page 29: Decklamasyon

Ricarte (1970)

sa simula, ang makata ay kaisa

ng daigdig.

Tagapagsalaysay ng maaalat na

kapaniwalaan

Tagapagsalita ng relihiyon at

kagandahang-asal

Tagapamansag ng pambansang

kaisipan

Page 30: Decklamasyon

Ricarte (1970)

Ngunit ang sining ay isangpatuloy na paghahanap. Angmakata, sa kanyang laginguhaw na kaluluwa, ay hindihabang panahong masisiyahansa piling ng daigdig. Maghahanap siya sa mgakakulangan nito; makadaramang kabiguan at kawalang-katapatan nito

Page 31: Decklamasyon

Ricarte (1970)

ng pagkawala sa masalimuot

na kalagayang hatid ng

mekanisasyon at kaunlaran;

maghihimgsik sa nakatatag na

mga kapaniwalaan at

alituntunin.

Page 32: Decklamasyon

Ang makata ay manlilikhang

sining. Dahil dito, kailangang

hindi lamang damdamin ang

pumupukaw sa kanyang

kabuun. Kailangan niyang

makasulat ng tulang

nagtataglay ng tinatawag ni

Ricarte na mga

arkitektonikong sangkap.

Page 33: Decklamasyon

Mga arkitektonikongsangkap

Ritmo

Imahen

Tono

Diwa atb.

Page 34: Decklamasyon

Ngunit hindi sa pagbabasa,

hindi sa pagkilala sa mga

arkitekonikong sangkap at

lalaong hindi sa pagtuklas sa

kaisipang hatid ng tula lamang

nagwawakas ang pagkilala sa

tula. Higit na mahalaga ang

pagsasabihauy noto o ang

pagbibigay-kulay sa bawat

tunog, titik, salita, pahayag,

pangungusap, taludtud, at

saknong ng tula.