dental health month

1
Magandang Umaga sa inyong lahat! Nandito po tayong lahat muli. Isa sa pinakamahalagang parte ng katawan natin dahil sa madalas natin itong ginagamit ay ang ating ngipin. Mula sa pagnguya, pagkagat hangang sa pagngiti. Ang kahalagahan nito ay hindi lang nabibilang sa paggamit natin dito sa ating pagkain kaya kung ating mapapansin ang itsura nito, ang kulay ang porma at kalagayang pangkalusugan ay ating mabusising pinapahalagahan. Ang pagpapahalaga sa dental health ng isang indibidual ay pagpapahalagang pangkabuuan. Pag ating inaalagaan kase ang ating mga ngipin, nangangahulugan nito na iniingatan natin ang ating buong katawan. Pinipili natin ang ating kinakain, binabantayan natin ang mga bagay na makakasama saatin at minamatyagan natin ng mabuti ang itsura natin pagkaharap ang ibang tao. Ang pagdiriwang ng dental health month ay isang importanteng pagtitipon upang magbigay ng pansin ang bahagi ng katawan na isa sa pinakamadalas nating ginagamit. Dahil ayon sa statistics 1 sa bawat tatlong mag-aaral ng elementarya ng Pilipinas ay nakaranas ng dental health problem, mula sa pagkabulok ng ngipin hangang sa pagkakaroon ng mahinang ngipin. Ang pagkakaroon ng problema sa ngipin mula sa pagkabata ayon sa isang pagaaral ay bumubunga sa sanga sangang problema pagtanda. Paghina ng resistensya, problema sa puso hangang sa pagkakaroon ng mababang self esteem. Mahalagang salik ang pangangalaga sa kalusugan ang ating mga ngipin, kaya sa ngalan ng lahat ng naglilingkod sa bayan aking binibigyan ng malaking suporta ang mga programang pangkalusugan tulad ng Dental Health month. Katuwang ng lungsod Quezon, Importante sa aming lingkod niyo ang inyong magagandang ngiti, dahil ito ay nagsisilbing indikasyon ng magandang kalagayan ng serbisyong pangkalusugan na natatanggap niyo mula sa ating lungsod. Ating palaganapin ang tamang pangangalaga sa ating mga ngipin, tayo ay magtulungan na ang bawat isa ay magkakaroon ng maayos na kalusugan, na ang lahat ay makakangiti ng hindi nahihiya, na ang lahat ay magkaroon ng maayos na kalusugan at self esteem. Maraming salamat sa inyong lahat! Mabuhay kayo!

Upload: ramir-famorcan

Post on 05-Nov-2015

8 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

Speech

TRANSCRIPT

  • Magandang Umaga sa inyong lahat! Nandito po tayong lahat muli.

    Isa sa pinakamahalagang parte ng katawan natin dahil sa madalas natin itong ginagamit ay ang ating

    ngipin. Mula sa pagnguya, pagkagat hangang sa pagngiti. Ang kahalagahan nito ay hindi lang nabibilang

    sa paggamit natin dito sa ating pagkain kaya kung ating mapapansin ang itsura nito, ang kulay ang

    porma at kalagayang pangkalusugan ay ating mabusising pinapahalagahan.

    Ang pagpapahalaga sa dental health ng isang indibidual ay pagpapahalagang pangkabuuan. Pag ating

    inaalagaan kase ang ating mga ngipin, nangangahulugan nito na iniingatan natin ang ating buong

    katawan. Pinipili natin ang ating kinakain, binabantayan natin ang mga bagay na makakasama saatin at

    minamatyagan natin ng mabuti ang itsura natin pagkaharap ang ibang tao.

    Ang pagdiriwang ng dental health month ay isang importanteng pagtitipon upang magbigay ng pansin

    ang bahagi ng katawan na isa sa pinakamadalas nating ginagamit. Dahil ayon sa statistics 1 sa bawat

    tatlong mag-aaral ng elementarya ng Pilipinas ay nakaranas ng dental health problem, mula sa

    pagkabulok ng ngipin hangang sa pagkakaroon ng mahinang ngipin. Ang pagkakaroon ng problema sa

    ngipin mula sa pagkabata ayon sa isang pagaaral ay bumubunga sa sanga sangang problema pagtanda.

    Paghina ng resistensya, problema sa puso hangang sa pagkakaroon ng mababang self esteem.

    Mahalagang salik ang pangangalaga sa kalusugan ang ating mga ngipin, kaya sa ngalan ng lahat ng

    naglilingkod sa bayan aking binibigyan ng malaking suporta ang mga programang pangkalusugan tulad

    ng Dental Health month.

    Katuwang ng lungsod Quezon, Importante sa aming lingkod niyo ang inyong magagandang ngiti, dahil ito

    ay nagsisilbing indikasyon ng magandang kalagayan ng serbisyong pangkalusugan na natatanggap niyo

    mula sa ating lungsod. Ating palaganapin ang tamang pangangalaga sa ating mga ngipin, tayo ay

    magtulungan na ang bawat isa ay magkakaroon ng maayos na kalusugan, na ang lahat ay makakangiti ng

    hindi nahihiya, na ang lahat ay magkaroon ng maayos na kalusugan at self esteem.

    Maraming salamat sa inyong lahat! Mabuhay kayo!