Download - Hunyo 2009
Hunyo 2009Hunyo 2009
Kataga Kataga ngng
BuhayBuhay
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa
kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa
kung kayo’y hiwalay sa akin.” (John 15:5)
Isipin ninyo ang isang sangang nakahiwalay sa
puno.
Wala itong hinaharap, walang pag-asa. Hindi ito mamumunga, at walang mangyayari maliban sa
matuyo at sunugin.
Isipin mo ang nakatakda nating kamatayang espiritwal bilang
Kristiyano kung hindi tayo mananatiling kaisa ni Kristo.
Nakakatakot isipin!
Hinding-hindi tayo mamumunga kahit pa magtrabaho tayong mabuti mula umaga
hanggang gabi, kahit pa isipin nating gumagawa tayo ng mabuti para sa lipunan,
kahit pa hinahangaan tayo ng ating mga kaibigan, kahit pa makaipon tayo ng
kayamanan, kahit pa gumawa tayo ng malalaking sakripisyo.
Lahat ng ito ay maaaring ikasiya dito sa lupa, ngunit wala itong halaga kay Kristo at sa
kabilang buhay. At iyon ang buhay na itinuturing na tunay na mahalaga.
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa
kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa
kung kayo’y hiwalay sa akin.”
Paano tayo mananatili kay Kristo at Siya sa atin?
Paano tayo mananatiling isang luntian at
masaganang sanga na ganap na nakakabit sa
puno?
Una sa lahat, dapat tayong sumampalataya kay Kristo. Ngunit hindi ito sapat. Ang
pananampalatayang ito ay dapat maging bahagi ng ating buhay. Dapat tayong mamuhay ayon sa
ating pananampalataya at isabuhay ang mga salita ni Jesus.
Kaya’t hindi natin maaaring isantabi ang mga paraang makalangit na ibinigay sa atin ni Kristo,
tulad ng mga sakramento. Iyon ay mga pamamaraan upang maganap ang ating
pakikipag-isa sa Kanya at makamit ito muli kung mangyaring mawala ito. Bukod dito, hindi
mararamdaman ni Kristo na ganap tayong kaisa Niya kung hindi tayo nagsisikap na maging
bahagi ng isang sambayanan, ng ating Simbahan.
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa
kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa
kung kayo’y hiwalay sa akin.”
“Ang nananatili sa akin at ako sa kanya...”
Binanggit ni Jesus hindi lang ang ating
pananatili sa Kanya, kundi pati rin ang
Kanyang pananatili sa atin. Kung tayo’y
nananatili sa Kanya, Siya ay nasa atin. Siya ay nasa pinakaibuturan
ng ating puso. Dito nagmumula ang isang
ugnayan, isang diyalogo ng pagmamahalan,
isang pagtutulungan ni Jesus at ng kanyang
alagad – ikaw! At ito ang kalalabasan:
mamumunga ito ng sagana tulad ng isang matibay na sanga na nakakabit sa puno.
“Mamumunga nang sagana.” Ang buhay mo ay magiging isang mabungang pagpapatotoo sa
kapwa. Mabubuksan mo ang mata ng marami sa kakaiba at radikal na mga salita ni Kristo. Maaari
mo silang bigyan ng lakas na sundan ang mga salitang ito.
Ibig din nitong sabihin ay dahil
sa mga handog ni Kristo sa iyo,
may kakayahan kang magsimula ng mga gawaing makakapagpagaan ng paghihirap
ng lipunan.
“Mamumunga nang sagana.” Ibig sabihin ay masagana, hindi kakaunti. Ibig sabihin ay
makakalikha ka sa paligid mo ng kabutihan, pagmamahalan at tunay na pagkakaisa.
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa
kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa
kung kayo’y hiwalay sa akin.”
Ngunit hindi lang tinutukoy ng “mamumunga ng sagana” ang kabutihang espiritwal at
materyal ng kapwa, ngunit ang iyo rin. Ang paglago mo sa buhay-espiritu at kabanalan ay
batay sa iyong pananatili kay Kristo.
Kabanalan. Kapag binanggit natin ang
kabanalan sa panahong ito,
maaaring isipin ng iba na hindi na ito
napapanahon, walang saysay at
masyadong mataas. Ngunit hindi. Lilipas ang panahong ito,
gayundin ang maiikli at maling pananaw. Mangingibabaw ang
katotohanan.
Mahigit ng dalawang libong
taon nang maliwanag na sinabi ni San Pablo na ang kabanalan ay kalooban ng
Diyos para sa lahat ng
Kristiyano.
Si Santa Teresa ng Avila, isang
doktor sa Simbahan, ay
nakakatiyak na maaabot ng
bawat tao ang pinakamataas na
pagninilay.
Ipinahayag din ng Ikalawang Konsilyo ng Ipinahayag din ng Ikalawang Konsilyo ng Vatican na lahat na nananalig ay tinatawag sa Vatican na lahat na nananalig ay tinatawag sa
kabanalan. Mapagkakatiwalaan ang mga kabanalan. Mapagkakatiwalaan ang mga nagsabi nito. Kumilos tayo upang tayo din ay nagsabi nito. Kumilos tayo upang tayo din ay
“mamunga” ng kabanalan, isang bagay na “mamunga” ng kabanalan, isang bagay na ating makakamit kung tayo ay kaisa ni Kristo.ating makakamit kung tayo ay kaisa ni Kristo.
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa
kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa
kung kayo’y hiwalay sa akin.”
Napansin mo ba na hindi tahasang hinihingi ni Jesus ang bunga? Ngunit tinitingnan Niya
ito bilang resulta na ating pananatili sa Kanya.
Maaaring ang ilan sa atin ay magkamali tulad ng maraming Kristiyano na
naniniwala na higit na mahalaga ang pagiging aktibo at ang gumawa ng
maraming bagay para sa kabutihan ng kapwa, ngunit hindi isinasaalang-alang kung siya ay ganap na kaisa ni Kristo.
Isa itong pagkakamali. Palagay nila ay
namumunga sila, ngunit napakalayo nito sa
maaaring bunga kung si Kristo ay nananatili sa iyo
at kaisa ka Niya. Kung nais nating magkaroon ng bunga na magtatagal at
may makalangit na tandâ, dapat tayong manatiling
kaisa ni Kristo. Kapag tayo’y higit na kaisa ni Kristo, higit na marami
ang ating magiging bunga. Ginamit ang
salitang “mananatili” upang ilarawan na ang pamumunga ay hindi
pansamantala, bagkus ay isang permanenteng
kalagayan.
Kung may kakilala kang namumuhay nang ganito, mapapansin mo na sila ay nakakaantig ng puso, kahit ito ay isa lamang ngiti, salita,
simpleng pangkaraniwang pagkilos, o pagharap sa isang sitwasyon. Nagagawa nilang dalhin muli
ang ibang tao sa Diyos.
Ganito ang buhay ng mga santo.
Ngunit kahit hindi tayo mga banal, hindi tayo dapat mawalan ng pag-
asa. Lahat ng Kristiyano ay may
kakayahang magbunga.
Nangyari ito sa Portugal. Nasa isang unibersidad si Maria do Socorro at mahirap ang kalagayan doon.
Marami sa mga estudyante ang bahagi ng mga alitan sa politiko, may kanya-kanyang ideyolohiya. Bawat isa’y nagnanais maakit ang mga estudyante
na wala pang kinabibilangang samahan.
Alam ni Maria ang nais niyang
gawin, kahit hindi ito madaling ipaliwanag sa kanyang mga kaibigan. Nais
niyang sumunod kay Kristo at
manatili sa Kanya.
Minsan ay nahihirapan siya kung paano kikilos kapag nakita siyang papasok sa simbahan,
ngunit nagpapatuloy pa rin siya dahil pakiramdam niya ay dapat siyang manatili kay
Jesus.
Ang mga kasamahan niya na walang alam
tungkol sa kanyang mga pananaw ay
sinimulan siyang taguriang
walang layunin sa buhay.
Malapit na ang Pasko. Alam ni Maria na ilan sa
mga kaibigan niya ay hindi makakauwi sa kanilang pamilya
dahil malayo ang kanilang bayan.
Iminungkahi niya sa iba na magsama-sama at bigyan sila ng regalo. Nagulat siya nang sumang-ayon agad silang
lahat.
Pagkatapos ay nagkaroon ng halalan sa paaralan at anong laking gulat niya nang siya ay nahalal na
kinatawan ng klase. Higit ang kanyang pagkagulat nang sinabi ng kanyang mga kaibigan, “Nararapat
lamang na ikaw ang mahalal. Ikaw lamang ang nagpakita ng maliwanag na prinsipyo. Alam mo ang
gusto mo, at alam mo kung paano ito maaabot.”
Ngayon ay ilan sa kanila ang nagnananis na makilala ang kanyang pamumuhay at
mamuhay tulad niya. Ito ang bunga ng pagpupunyagi ni Maria do Socorro na
manatili kay Jesus.
Sinulat ni Chiara Lubich
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang
siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.”