Download - Kultura Thesis
Mga Kulturang Pilipino na Masasalamin
sa mga Babasahing Popular (Pilipino Pocketbook):Isang Pagsusuri
Sulating Pananaliksik
na iniharap kay Prof. Juvy Irene Alforte
Fakulti ng Tanggapan ng Larangan ng Filipino
Institutes of Accounts, Business and Finance, Far Eastern University
Bilang Bahaging Pangangailangan sa Kursong
Filipino 2A- Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Ikalawang Semestre, 2014-2015
Ipinasa nina:
Edralyn C. Acejo
Erika T. Del Espiritu Santo
Jay M. Jerusalem
Clarissa Jem Pineda
Minella Joy Reyes
Lielanie Tuliao
IA14117
MGA NILALAMAN
PAHINA
PAHINA NG TITULO……………………………………………………………….
MGA NILALAMAN………………………………………………………………….
KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT SANDIGAN
Panimula………………………………………………………………………
Teoretikal na balangkas ……………………………………………………..
Paglalahad ng Suliranin……………………………………………………….
Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………….
Saklaw at Lawak ng Pag-aaral………………………………………………...
Depinisyon ng mga Termino…………………………………………………..
KABANATA 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
MGA KAUGNAY NA LITERATURA……………………………………...
MGA KAUGNAY SA PAG-AARAL………………………………………..
KABANATA 3 PAMAMARAAN NG PAG-AARAL
Paraan ng Pananaliksik………………………………………………………..
Paraan ng Pagsusuri…………………………………………………………...
KABANATA 4 PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGINTERPRETASYON NG
MGA DATOS
Pagsusuri at interpretasyon ng mga nobela...………………………………….
KABANATA 5 LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Lagom ng natuklasan…………………………………………………………..
Konklusyon…………………………………………………………………….
Rekomendasyon………………………………………………………………..
TALASANGGUNIAN………………………………………………………………....
APENDIKS……………………………………………………………………………...
CURRICULUM VITAE
Kabanata 1
Ang Suliranin at Sandigan
Sa pang-araw araw na gawain, hindi maiiwasan ng tao ang pagbabasa. Tila ba
ito ay naging parte na ng pamumuhay ng tao.
Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga makukulay na ideya at malawak
na kaisipan. Ito rin ay ang pag-unawa sa mensahe ng may akda sa pamamagitan ng
mga nakasulat na simbulo.
Ayon sa sinulat ni Dr. Seuss na “I Can Read With My Eyes Shut!” Nakasaad dito
na,“The more that you read, the more things you will know. The more that you learn, the
more places you'll go.” Wari nito na nakatutulong ang pagbasa upang madagdagan ang
kaalaman ng bawat mambabasa. Napayayaman din nito ang ating kaalaman at
napalalawak ang ating talasalitaan. Dahil dito, nararating natin ang mga lugar na hindi
pa natin napupuntahan. Ito ay sa tulong ng malawak na imahinasyon at sa
pamamagitan ng mga makukulay na salitang humuhubog sa ating kaisipan.
Ang tao ay may malawak kaisipan. May kapasidad tayong isabuhay ang mga
bagong kaalamang nakukuha sa pagbabasa. Dahil sa ating mga nakukuhang
impormasyon na nasasalamin sa pang-araw-araw nating pamumuhay o realidad,
nakatutulong ang pagbabasa sa pagbigay lunas sa mabibigat na suliranin. Ito ay
nagbibigay din ng inspirasyon sa iba’t ibang antas ng buhay at anyo sa daigdig.
Nagsisilbing kaibigan o libangan sa mga oras na walang magawa o matakbuhan
sapagkat ito ay walang pinipiling eksaktong oras o panahon.
Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa
Pilipinas bago pa man ito masakop ng ibang kultura. Nagbuhat ang panitikan ng
Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at pangkat ng mga taong dumating sa mga
kapuluan nito. Nabuo ang komiks na sadyang kinagiliwan ng mga tao. Maraming
tumatangkilik dito sa kadahilana na ito ay may larawan o litrato, kung saan mas
madaling nating naintindihan. Kaya naman tayong mga Pilipino’y masasabing nawili sa
pagbasa ng komiks. Ayon sa Wikipedia, Ang pagbabalik ng interest sa komiks ay
tumagal lamang hanggang sa simula ng 1990s kung kailan nagsimula nang
mahumaling ang mga Filipino sa ibang anyo ng paglilibang tulad ng video games,
karaoke, pocket book, cellphones, Internet at texting.
Noong 1984 isa sa mga uri ng libro na nailimbag ay ang tinatawag
nilang Pocketbook na kung saan ay ang Laman nito ay tungkol sa pagmamahalan ng
dalawang makasintahan. Nagkaroon ng iba’t ibang tingin ang tao sa pocketbook, ito
daw ay hindi maganda sa kabataan dahil sa mga salitang ginagamit ng awtor. Ayon din
kay Eros Atalia, isang sikat na manunulat, propesor at mananaliksik sa UST Center for
Creative Writing and Studies, “Hindi ito nababasa sa klasrum kaya nababansagan itong
hindi maganda, bilang dating manunulat ng nobelang romansa, ito ay naging bunga ng
simpatya ng manunulat sa karaniwang sentimiyento ng masa ang mga akdang ito.”
Ngunit hindi pa rin ito naging hadlang dahil nga sa ito ay nagbibigay aliw sa
mambabasa at bahagi na ng ating kultura ang pagbabasa noon pa man.
Nang lumaganap ang pocketbook, ito ay naging isa sa mga naging libangan ng
mga tao. Pabor ito sa mga taong mahilig sa kwento ng buhay pag-ibig. Ang tagalog
romance novels ay walang pasubaling tumatak na sa puso, isipan at panlasa ng
mambabasang Pinoy. Tuluyan nitong inakit ang kamalayan at puso ng bawat
mambabasang Pilipino.
Nababatid na maraming natutulungan ang isang munting pocketbook sa buhay
ng tao. Pero paano nga ba ito nangyayari? May iba’t ibang nilalaman ang babasahing
popular na ito na sadyang mailalapat sa buhay ng tao. Halos nakapaloob dito ang
realidad ng buhay, sa madaling sabi, masasalamin dito ang kultura nating mga Pilipino.
Dahil nakatuon lamang ang atensyon ng mambabasa sa daloy ng istorya,
layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga salik at elemento ng kulturang Pilipino na
matatagpuan sa babasahing popular, partikular na lamang sa Pilipino Pocketbooks.
Mahalagang malaman ng mga tao ang mga salik at elemento ng kulturang
Pilipino, kung saan ito ay aming bibigyang diin sa pagnanaliksik na ito. Ito ay
makakatulong upang mas maunawaan ng mga Pilipino na ang nilalaman ng
pocketbook. Na ito ay hindi lamang nakasentro sa kwentong pag-ibig, kundi mayroon
ding nakapaloob na mga bagay-bagay na bibihirang nabibigyan pansin ng isang
mambabasa.
Sa pagsusuring aming ilalahad sa mga susunod na pahina ay ibabahagi namin
ang mga bagay na malimit nating pagtuunan ng pansin.
Sa kabuuan, nais ng mga mananaliksik na ipaintindi sa mga tao na ang
pagbabasa ng pocketbook ay may mga mahahalagang bagay din na dapat bigyan ng
pansin, kung saan ito ay makatutulong sa mga mambabasa upang hubugin ang
kanilang isipan sa mabuting paraan na makatutulong sa kanila para maging mas
mabuting tao.
Konseptuwal na balangkas
kulturang Pilipino
Mga magbabasang Pilipinopocket book
Paglalahad ng Suliranin
Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin ang mga salik at elemento ng kulturang
Pilipino na matatagpuan sa tatlong babasahing Popular (Pilipino Pocketbooks).
Kaugnay nito sasagutin sa pananaliksik ang mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mabubuting katangian ng tatlong salik ng kulturang Pilipino ang
masasalamin sa mga babasahing popular (Pilipino Pocketbooks) kaugnay ng
mga sumusunod:
1.1. Pamilya
1.2. Edukasyon
1.3. Lipunan
2. Paano inilalarawan ang mga salik ng kulturang Pilipino sa tulong ng mga
sumusunod na batayan:
2.1. Tauhan
2.2. Pangyayari
2.3. Mensahe
3. Paano makatutulong ang mga salik ng kulturang Pilipino na matatagpuan sa
tatlong nobela sa:
3.1. Mag-aaral/Estudyante
3.2. Isang mamamayan
Kahalagahan ng pag-aaral
Ang pagbabasa ng isang libro, partikular na halimbawa na lamang nito ay ang
pocket book, ay isa sa mga maganda at makatutulong na paraan upang tayo’y maaliw
at makapulot ng aral. Ang pagaaral na ito ay ginawa upang mabigyan at mapagtuunang
pansin ang magandang dulot sa pagbabasa ng Pocketbooks at mga elementong
nasasalalim sa kulturang Pilipino na maaring makatulong sa ating pamumuhay.
Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga
mababanggit na tao:
Para sa mga estudyante, tulad na lamang ng mga nag-aaral ng kursong
Journalism kung saan ang pagsusulat ay isang malaking parte sa kanilang buhay,
mahalaga sa kanila ang pag-aaral ng pocket book dahil sila ay mabibigyan ng mga
ideya sa iba’t-ibang bagay na maaaring makatulong sa kanilang pagsusulat.
Para sa mga magulang, ang pag-aaral ng pocket book ay makakatutulong
upang mas maunawaan ang mga bagay-bagay sa buhay, dahil ito ay sumasalamin sa
mga buhay ng mga tao. Makatutulong din ito upang bigyang gabay ang mga anak sa
pagpili ng mga babasahin.
Para sa mga guro, ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang sila ay
magkaroon ng panibagong pagsasaliksik na maaaring ibahagi sa kanilang estudyante
kapag sila ay nagtuturo.
Para sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay binubuo ng mga mabubuting
kultura na makatutulong upang maging isang mas mabuting mamamayan ng bansa
Para sa mga mananaliksik, ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay
nakatutulong upang mas maging malawak ang kaalaman para sa pocket book, at
upang maging gabay para sa mga susunod na pananaliksik.
Saklaw at lawak ng pag-aaral
Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga babasahing popular (Pilipino
Pocketbooks). Pokus ng pag-aaral na ito na suriin ang mga elemento ng kulturang
Pilipino na matatagpuan sa mga piniling nobela o pocket books tulad ng tauhan,
pangyayari at mensahe.
Binibigyan lamang ng pansin ang mabubuting salik ng kulturang Pilipino na
napapaloob sa tatlong nobela.
Saklaw ng pag-aaral na ito ay mga sumusunod na tatlong nobela:
1. MEANT TO BE
Divine Mangahas-Dillera
2013;
2. HE’S STILL THE ONE
Jessica Sanchez
2014;
3. SA LILIM NG LANGIT
Lhea Mercado
2014;
Depinisyon ng mga termino
Ang mga salitang napapaloob sa pag-aaral na ito ay binigyan ng kahulugan ayon
sa istandard na depinisyon o konsepto at operasyunal. Ang mga terminong ito ay
makakatulong sa mambabasa upang mas maunawaan nila ang tungkol dito at mas
lumawak pa ang kanilang talasalitaan upang maging pamilyar sa mga salitang ito.
Ang mga salitang naka-bold ay ang mga terminolohiya na binibigyan ng
kahulugan.
Pocket book. Ito ay isang uri ng nobela na nagdudulot ng malawakang
imahinasyon para sa mga mambabasa. Ito ay isang maliit na aklat na maaaring dalhin
sa bulsa.
Nobela. Ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang
kabanata. Ito ay may maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan.
Maraming din itong ligaw na tagpo at kaganapan. Ang balangkas ng mga pangyayari ay
tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari.
Kultura. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao.
Kabilang dito ang sining, wika, musika at panatikan. Kasama rin ang paninirahan,
pananamit, kaugalian, tradisyon at mga mahahalagang moral ng isang pangkat ng tao
Pilipino. Ito ay isang mamamayan ng Republika ng Pilipinas; Pilipino kung lalaki
o pangkalahatan, Pilipina naman kung babae (Ingles: Filipina).
Panitikan. Mula sa salitang latin na “litera” na ang ibig sabihin ay letra o titik.
Ito’y pagpapahayag sa makasining na paraan sa pamamagitan ng mga piling salita ng
mga kaisipan, damdamin, panaginip at karanasan ng isang lahi. Ito’y bungang- isip na
isinatitik. Sumasalamin sa kultura at pamumuhay ng ating mga ninuno.
Kabanata 2
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa panitikan at mga pag-aaral na may
kaugnayan sa pananaliksik. Kinabibilangan ito ng isang malawak na listahan ng mga
may katuturang mga ideya at mga pag-aaral na konektado sa pananaliksik na ginawa
upang tulungan ang mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral.
Kaugnay na Literatura
Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi
ng may-akda sa kanyang isinulat. Hindi lamang ito sumasaklaw sa pagkilala sa mga
titik, salita at pangungusap na matatagpuan sa tekstong binabasa kundi pati na rin sa
pag-unawa ng mensaheng napapaloob sa teksto.
Ayon nga kina Grabe at Staller (2002 sa Nunan, 1999)” Ang pagbabasa ay isang
kakayahang magbigay ng kahulugan sa mga nakalimbag na pahina at mabigyan ito ng
interpretasyon sa maayos na pamamaraan”. Sumangayon dito si Coady (1997) at
sinuportahan ang ideya nina Grabe at Staller na para sa lubusang pag-unawa ng
teskto, kakailanganin ng magbabasa ang dating kaalaman at karanasan nito.
‘’Dahil mababaw lamang ang napag-aralan ng masa, mababaw rin ang
pamantayan at sakop ng kanilang imahinasyon, dahil dito, iminumungkahi ko na mag-
aral, partikular na sa mga kumukuha ng kursong Panitikan at Peryodismo, na magbasa
kahit paano ng ganitong ng Panitikan. Isa itong paraan upang makapasok sila sa
sikolohika ng karaniwang tao. Bakit hindi natin unawain kung bakit nila ito binabasa?
Ano yung nakikita nila na hindi natin nakikita? Malamang ito ang sasagot para mapa-
unlad pa natin ang kultura ng pagbabasa.’’
-Eros Atalia(2009)
Ang pagbabasa ng pocketbook ay sinasabing nakakapurol daw ito ng
pagbabasa dahilsa nilalaman. May nagsasabi din na ang pocketbook ay masama sa
mga kabataan dahil sa malalaswang laman nito. Ngunit hindi mapipigilan ang pag-
usbong nito sa industriya, tulad ng sinabi ni Hania (2013), na kahit may masamang
epekto ang nobelang ito, ginagigiliwan pa rin at bakas sa mukha ng mamababasa ang
kasiyahan at kilig sa mga nobelang tila pabalat at pangalan lamang ng mga karakter
ang nagbabago. Kaya patuloy ang malakas ang pocketbook sa industriya.
“Meron bang aral na mapupulot? Nasa mambabasa na ‘yon kung handa s’yang
madumihan ang kamay sa pamumulot.”
-Bob Ong (2007)
Ayon sa mga ibang pag-aaral na ang mga pocketbooks o popular na babasahin
ay walang magandang epekto sa mga mambabasa lalo na sa mga kabataan na
nahihilig dito. Maaring kung susuriin nga ang mga ito ay may hindi kagandahan ang
nilalaman dahil sa mga salitang ginagamit at pati na rin ang mga malalaswang eksena
na nakapaloob dito na makakaimpluwensya sa mga nagbabasa. Ngunit sabi nga ni Bob
Ong nasa mga mambabasa kung paano gagamitin sa buhay ang kanilang nabasa or
kung gagamitin man nila ito. Maaring may masama mang epekto ang pocketbook sa
kabataan ngunit may maganda din itong dulot.
Kaugnay na Pag-aaral
Napakayaman ng ating kultura, mula sa iba’t ibang lahi na nagpakilala ng mga ito
sa ating bansa. Mahalaga ang kultura sa atin dahil ito’y minana pa natin sa ating mga
ninuno. Kaya marami ang may gustong ibalik o ipaalala ang mga ito lalo na sa
panahong sinasakop na tayo ng teknolohiya at unti-unti ng nawawala ang mga ating
nakagisnan. Marami rin ang nag-aaral tungkol sa kultura o mga tradisyon natin.
“Sa bansang Pilipinas, ang pagbabasa ay hindi na maaalis sa kanilang kultura.
Ito ay nagbibigay aliw sa mga ito… Sa panahon ngayon, ang hilig ng ibang kabataan na
nobelang Filipino ay ang pocketbooks na kung saan ay pumapatungkol sa romansa.
Minsan ito ay may pagka-malaswa depende sa kwento na pumapaloob dito. Ang
pagkakaiba nito sa ibang nobelang tagalog ay ang uri ng pagsulat ng awtor sa nasabing
aklat. Gumagamit ang awtor nito ng impormal na pagsulat sapagkat ito ay gumagamit
ng pabalbal na salita, minsan pa nga ay gumagamit ito ng mga hindi kanais-nais sa
mga mata kaya’t laging sinasabi ng mga matatanda na ang pocketbooks ay para
lamang sa mga matatanda at pinagbabawalan nito magbasa ang mga bata dahil sa
mga salita at eksenang pumapaloob sa nasabing aklat.”
-Hania (2013), mananaliksik ng paaralang Academia de San Lorezo
Ayon sa pag-aaral na ito ni Hania (2013), na ang mga pocketbook ay parte na ng
ating kultura. Ito ay kinahiligan na din ng mga kabataan dahil nagbibigay ito ng
kasiyahan at tumutukoy ito sa romansa. Sa panahon ngayon, ang kabataan ay mahilig
sa usapin o basahin tungkol sa pag-ibig dahil sila ay nakakasabay o nakakaugnay dito.
Ngunit sa kanyag pananaliksik ay napag-alaman na sa kabila ng pagkahilig ng mga
kabataan sa pocketbooks ay mas lalo silang nahihilig sa nobelang ingles.
‘’Dahil mababaw lamang ang napag-aralan ng masa, mababaw rin ang
pamantayan at sakop ng kanilang imahinasyon, dahil dito, iminumungkahi ko na mag-
aral, partikular na sa mga kumukuha ng kursong Panitikan at Peryodismo, na magbasa
kahit paano ng ganitong uri ng Panitikan. Isa itong paraan upang makapasok sila sa
sikolohika ng karaniwang tao. Bakit hindi natin unawain kung bakit nila ito binabasa?
Ano yung nakikita nila na hindi natin nakikita? Malamang ito ang sasagot para mapa-
unlad pa natin ang kultura ng pagbabasa.’’
-Eros Atalia
(2009)
Ang pagbabasa ng pocketbook ay sinasabing nakakapurol daw ito ng pagbabasa dahil
sa nilalaman. May nagsasabi din na ang pocketbook ay masama sa mga kabataan
dahil sa malalaswang nilalaman nito. Ngunit hindi mapipigilan ang pag-usbong nito sa
industriya, tulad ng sinabi ni Hania (2013), na kahit may masamang epekto ang
nobelang ito, kinagigiliwan pa rin at bakas sa mukha ng mamababasa ang kasiyahan at
kilig sa mga nobelang. tila pabalat at pangalan lamang ng mga karakter ang
nagbabago. Kaya patuloy ang malakas ang pocketbook sa industriya.
Si Mallapre (2004) ay gumawa ng pag-aaral tungkol sa “Mga Nobelang Popular:
Salamin ng mga Pagpapahalaga.” Sinuri at binigyang pagpapahalaga ang mga
nobelang may paksang-diwang nilahad ay pagsisikap na maiangat ang buhay na may
sab-tapik na: pagsusumikap at pagtitiyaga, pag-asa sa kapalaran, pagsalig sa kapwa;
pagkamatatag na may sab-tapik na: pagkamatatag sa pagharap sa problema sa
pamilya, pagkamatatag sa pagharap sa problemang kinasasangkutan ng sarili at
pagkamatatag sa pagharap sa nagawang kamalian; katangian ng pag-ibig na my sab-
tapik na pag-ibig na matiyaga at magandang loob, pag-ibig na mapang-unawa at hindi
makasarili at pag-ibig na mapagbata at puno ng pagsasakripisyo; pagpapahalagang
sosyal na may sab-tapik na: ugnayan sa pamilya, ugnayan sa kapwa at
pagpapahalagang katapatan sa pag-ibig. Na sa kabila ng masamang tingin sa
pocketbook mayroon pa rin magandang asal na matutunan tulad ng mga katangiang
nabanggit. At ang mga katangiang ito ay parte na ng ating kultura at patuloy na
napapaloob sa mga nobelang popular.
Kabanata 3
Pamamaraan ng Pananaliksik
Nakalahad sa kabantang ito ang pamamarang ng pananaliksik na ginamit at
paraan ng pagsusuri upang masagutan ang mga suliranin na inilahad para suriin ang
mga kulturang Pilipino na masasalamin sa pag-aaral ng pocket book.
Pamamaraan ng Pananaliksik
Mapanuring pagdulog ang ginamit sa pag-aaral upang mailarawan ang kulturang
Pilipino na masasalamin sa mga babasahing popular (Pocket book). Paglalarawang
pamamaraan ang ginagamit upang ito ay maisakatuparan. Nagsaliksik at nangalap ng
mga datos ang mananaliksik upang maisagawa ang pag-aaral naito.
Paraan ng Pagsusuri
Ang pamamarang paglalarawan ang ginagamit ng mananaliksik upang
palutangin at mabigyang kulay ay hugis sa sariling pagpapakahulugan sa pagsusuri.
Babasahin at susuriin ang tatlong nobela. Susuriin ang mga ito sa tulong ng
tauhan, pangyayari at mensahe upang matukoy ang mga kulturang Pilipino sa
pamamagitan ng tatlong salik: pamilya, edukasyon at lipunan.
Kabanata 4
Paglalahad, Pagsusuri, at Interpretasyon ng mga Datos
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng pagsusuri ng mga kulturang Pilipino na
masasalamin sa tatlong piling babasahing Pocketbook. Ang mga impormasyon at
detalye ng mga nobela ay sinuri at hinimay ayon sa suliraning inilahad sa ika-unang
kabanata ng pagsasalik na ito. Isa-isang sinagot ng mananaliksik ang mga sumusunod
na mga katanungan sa bawat akdang tinalakay.
1. Anu-anong mga mabubuting katangian ng kulturang Pilipino ang nananatili at
masasalamin sa mga babasahing popular (Pilipino Pocketbooks), kaugnay sa
mga sumusunod na salik:
1.1PAMILYA
1.1.1 Pagpapahalaga sa pamilya
SA LILIM NG LANGIT
Lhea Mercado
Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang
mapagpahalaga sa kanilang pamilya, kabilang dito ang
pagbibigay ng kagustuhan ng isang miyembro ng pamilya. Kaya
minsan, kung ano ang mahalaga para sa isa, ay sinusuportahan
din naman ng lahat, lalo na kung ito ay makabubuti.
Bilang Panganay, iniisip rin niya ang problema nila. Kung
siya, Papayag naman siyang iwanan na lang ang lugar na
ito .Pero naaawa siya sa kanyang mga magulang na minahal na
ng lugar na ito. (p. 9)
1.1.2 Matatag sa buhay
MEANT TO BE
Divine Mangahas-Dillera
Kaugalian na ng mga Pilipino na sa tuwing nililisan ng
kapareha o asawa na maging matatag alang-alang sa kanyang
pamilya. Si Dra. Venera ang nagtaguyod sa kanyang mga anak
bilang ilaw ng tahanan pati na din ang pagiging padre de
pamilya.
Hiwalay sa asawa halos limang taon na ang nakalipas.
Dapat ay maging bitter ito sa buhay, subalit nanatiling matatag
ang paninindigan ng doktora. (p. 8)
1.1.3 Maalalahanin
SA LILIM NG LANGIT
Lhea Mercado
Bilang isang Pilipino, likas sa atin na pahalagahan ang ating
pamilya. Ayaw nating nalulungkot at nag-aalala sila.May
pagkaktaon pa ngang nanaisin na lamang natin na dumanas ng
mga pagsubok at hirap ng buhay huwag lamang sila. lalo na
kung ikasasama ito ng myembro ng iyong pamilaya. Bawat isa
sa atin ay may kanya kanyang resposibilidad na kailangang
gampanan ngunit pagdating sa iyong mga mahal sa buhay ay
handa kang gawin lahat para lamang sa kanila.
Hindi siya mapakali sa kanyang pagkakahiga sa kanyang
silid. Bilang panganay,iniisip rin niya ang problema nila. Kung
siya, papayag naman siyang iwanan na lamang ang bahay na
ito. Pero, naaawa siya sa kanyang mga magulang na minahal na
ang lugar na ito.(p.9)
SA LILIM NG LANGIT
Lhea Mercado
Ang mga Pilipino ay likas na maaalalahanin sa kanyang
pamilya. Partikular na lamang ang pagiging maalalahanin ng
isang magulang sa kanyang mga anak. Hindi maiiwasan ang
pag-aalala ng isang magulang sa kanyang anak dahil lubos niya
itong mahal, ayaw niya na may mangyaring masama dito. At
hindi kailanman ito magbabago. Magkaroon man ng samaan ng
loob, hindi magagawang magtanim ng magulang ng sama ng
loob sa mga anak nito.
“Isa lang ang kinatatakutan ko, deklara ng kanyang ama,
ang may mangyari sainyo.” (p.13)
1.1.4 Maaruga
HE’S STILL THE ONE
Jessica Sanchez
Kahit saan man sulok ng mundo ang mga Pilipino naroon
hinding-hindi pa rin makalimutan nito ang pag-aalala sa kanilang
pamilya. Lalong-lalo na kapag nabalitaang ito ay may sakit o
malubhang karamdaman nadarama. Gumagawa o naghahanap
sila ng paraan makauwi lamang upang masilayan ang
minamahal na nagdurusa. Si Lauren ay umuwi sa kanilang
probinsya upang dalawin ang kanyang lolo na may malubhang
sakit. Hindi niya iniisip ang mga lalaking nanliligaw sa kanya
sapagkat ang tanging rason at pinagtunuan ng pansin ang
paguwi niya ay ang kanyang lolo waring mamamatay na.
“Sabi ko naman sa iyo, naparito ako para dalawin si lolo,
hindi para magpaligaw!” (p.27)
SA LILIM NG LANGIT
Lhea Mercado
Ang mga Pilipino ay sadyang maaruga sa kanyang pamilya.
Lahat ay gagawin ng magulang para sa kanyang pamilya / mga
anak, kaya naman sinasakripisyo ng magulang kung ano man
ang mayroon siya alang-alang sa ikabubuti ng kanyang pamilya.
Is aito s amga katangian na makikita sa atin. Handang
mahirapan ang magulang para lamang sa kanyang mga anak.
“tutulong ako sainyo. Hindi na ako mamamasada,
ipapaboundary ko na lamang ang aking sasakyan”(p.16)
1.1.5 Respeto sa magulang
SA LILIM NG LANGIT
Lhea Mercado
Ang mga Pilipino ay maryoong mga salita na ang ibigsabihin
ay nagbibigay galang, tulad na lamang ng mga “Ho/Po”,
“Oho/Opo”. Kadalasan, ito ay ginagamit sa mga nakatatanda,
kaya naman itong mga salitang ito ay ginagamit ng mga Pilipino
sa mga taong mas nakatatanda sa kanyang pamilya o di kaya ay
sa ibang tao kung saan ito ay nagpapahiwatig na siya ay
nagbibigay ng respeto.
“oho, hindi na ho mauulit, sige ho, mamamalengke na ako.”
(p.30)
1.2 EDUKASYON
1.2.1 Matiyaga sa pag-aaral
HE’S STILL THE ONE
Jessica Sanchez
Para sa pananaw at paniniwala ng mga Pilipino, edukasyon
ang susi sa buhay upang magkaroon ng magandang
kinabukasan. Nagsumikap si Adam sa kanyang pag-aaral, gamit
ang kanyang talino at determinasyon, siya ay nakapagtapos ng
kursong Agricultural Engineering. Siya ay nagkaroon ng sariling
bahay, lupa at magandang buhay.
….. Dahil sa sipag niya sa pag-aaral, nakatapos siya ng
kurso niyang Agricultural Engineering. … Hanggang
makapagtayo siya ng post-harvest facility. Kaya hayan,
nakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay. …. (p.29)
1.2.2 Pagpapahalaga sa talento
MEANT TO BE
Divine Mangahas-Dillera
Tayong mga Pilipino ay likas na may itinatagong kani-
kaniyang kakayahan o talento. Buhat sa pagiging talentado,
ugali na din nating pagyamanin ang mga ito. Sa pamamagitan ng
edukasyon mas lalo nabibigyan ng halaga ang mga ito. Si
Serena, bilang isang Pilipina, sinikap niyang gamitin at palawakin
ang pagiging magaling niya sa pagguhit.Hindi alintana ang
estado sa buhay, bagkus ay ito pa ang daan niya para siya ay
magsumikap sa pag-aaral. Elementarya pa lamang ay hilig na
niya ang pagguhit at hindi siya nag-aalinlangang ipakita ang
kanyang natatanging talento sa kapwa mag-aaral. Hanggang sa
siya ay umakyat sa Sekondarya patungong Kolehiyo, bitbit pa
din niya ang tiyaga sa buhay para sa kanya gustong propesyon.
Dahil sa hirap ng buhay, kinailangan niyang lumipat sa
paaralang mas mababa ang tuition, para lamang makapagtapos
sa kursong Fine Arts. Likas sa kanya ang pagpapahalaga sa
edukasyon at pangarap kahit ano man ang daanin niya.
Bata pa siya'y mahilig na siyang gumuhit ng kung anu-ano
sa mga papel…, hindi nawaglit ang hilig na iyon sa kanya.
Noong highschool … miminsan siyang sumali sa mga art contest
at pinalad naman manalo. Kaya nang mag-kolehiyo ay sinikap
niyang makapasok sa isang unibersided ng may kursong fine
arts. Suwerteng nakapasa siya sa UST pero nang nasa
ikalawang taon na ay nagpa-transfer siya sa UP dahil hamak
mas mababa ang tuition doon kumpara sa UST. (p.13)
1.2.3 Determinasyon sa buhay
SA LILIM NG LANGIT
Lhea Mercado
Isa sa mga hinaing ng mga mag-aaral sa panahon ngayon
ay ang pagiging salat sa pera kaya’t hindi lahat ay mapalad na
nakakapagtuloy sa kolehiyo. Gayunpaman ay may iilan pa ring
na nagsususmikap at hindi tumitigil sa pagawa ng paraan upang
makamit ang kani-kanilang mga pangarap. Si Jeena bagamat
hindi gaanong salat sa buhay ay minsang nagpakita ng pagiging
matyaga at determinasyon upang makaptapos ng pag-aaral. Ang
kanyang paghihrap ay nagbunga at siya’y nakapagtapos sa
kursong Bachelor of Science in Business Administration. Ang
pagkakaroon ng ganitong ugali ng mga Pilipino ang siyang
makapagpapatunay na pinahahalagahan ang edukasyon.
Sa isang banda, hindi naman talaga sila mahirap na
mahirap.Katunayan ay nakapagtapos siya ng Business
Administration, hindi pa lang nga siya nakakakita ng trabaho.Ang
tatlo niyang mga kapatid ay nakapag-aaral naman .Pangako niya
sa sarili na tutulungan niya ang mga itong makapagtapos oras
na magkaroon na siya ng trabaho (p.10)
1.2.4 Pagpapahalaga sa propesyun
MEANT TO BE
Divine Mangahas-Dillera
Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang
pagpapahalaga sa kanilang mga propesyun o tungkulin. Lahat
ay handa nilang gawin para lamang mapaglikuran ang bayan at
gawin ang katungtungkulang pinagsumpaan. Madalas pa nga ay
kaya nilang isantabi ang mga panuhing pangangailangan para
lamang magampanan ng tama ang katungkulan. Si Eliseo ay
isang sundalo na mas piniling tulungan ang babaeng nasa
panganib kesa sa anak nitong nagdiriwang ng kaarawan. Dahil
sa isang sundalo siya responsibilidad niyang ligtas ang mga
mamayan na nasasangkot sa krimen.
“papunta na dito ang isa ko pang kasama… hihintayin ko
lang siya at aalis na rin ako.” At saka dinugtong. “kanina pa
naghihintay ang anak at asawa ko. It’s my son’s birthday.”(p.19)
1.2.5 Pagsasabuhay ng pinag-aaralan
MEANT TO BE
Divine Mangahas-Dillera
Sa paaralan may mga bagay-bagay na tinuturo sa atin
upang malagpasan ang mga hamon sa buhay. Ang
pagsasabuhay ng mga pinag-aralan ay masasabing isa sa mga
katangian ng mga Pilipino. Sapagkat hindi lamang sa
pagpapahalaga nakatuon ang mga Pilipino kundi pati na rin kung
papaano ito makakatulong o magagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Tulad na lamang ni Ronel isinsababuhay niya ang
mga panutong natutunan sa training ng pagsusundalo na kung
saan totoo nga naming nakatutulong sa buhay.
“Hindi ka kasi nagiingat” he said sharply. “Sa military,
number one rule, obey first before you complain. Rule number
two, sobrang pag-iingat sa bawat pag-iingat sa bawat kilos at
galaw.”(p.25)
1.3 LIPUNAN
1.3.1 Matulungin
MEANT TO BE
Divine Mangahas-Dillera
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin sa
kapwa maging sa ating mga kaibigan. Handang bigyan ni Dra. si
Serena ng trabaho kung sakaling wala itong mapasukan.
“Kung wala kang mapapasukan, just call me. Ipapasok kita
sa isang kasamahan kong doctor…..” (p.10)
1.3.2 Maalalahanin
SA LILIM NG LANGIT
Lhea Mercado
Ang pagpapakita sa kaibigan ng kabutihan ay nasa ating
mga Pilipino. Handang tumulong hangga’t makakya. Handang
ibigay ang pag-aalala sa ano mang pagkakataon. Ito ay
pagpapakita ng aruga o bugay tulong para sa ikabubuti ng
kapwa tao.
“Okay, bibigyan kita ng recommendation sa company ni
daddy para makapasok kana “
1.3.3 Tapat na pagmamahal sa kasintahan
SA LILIM NG LANGIT
Lhea Mercado
Ang pagmamahal ng isang tao ay hindi dahil sa kung ano
ang estado ng kanyang buhay, bagkus sa kung ano talaga ang
nararamdaman mo at tanggap mo ang iyong minamahal maging
sino at kung ano man siya. Kaya naman kadalasan ang mga
Pilipino ay hindi itinimbang ang kanyang pagmamahal sa isang
tao base sa yaman o itsura nito.
“Mahal ko ho si Keiv,Hindi ko na siguro kailangan maging
mayaman para magkagusto sakanya. Mahal ko ho siya , hindi
dahil sa anu-ano man.” (p.126)
1.3.4 Malasakit sa kapwa
MEANT TO BE
Divine Mangahas-Dillera
Sa kabila ng lahat, tunay na masasabing mapagmalasakit
ang mga Pilipino. Kahit may kakayahan o kapangyarihan itong
magyabang o makagawa ng masama. Mas pinapairal parin ng
mga Pilipino ang kaling malasakit sa kapwa tao. Tulad na
lamang ni Ronel, Isa siya sundalo na may kakayahan pumatay
ng tao ngunit hindi niya ito ginamit sa masasamang
pamamaraan. At kahit may pagkakataon siya patayin ang mga
criminal mas pinili niyo itong mabuhay.
He may be soldier that kills many. Pero sa nakita niyang
ugali nito, responsible ito trabaho. At hindi papatay kung hindi rin
lang kinakailangan. Tulad na lang nang panatilihin nitong nuhay
ang dalawang holdaper na marami na palang nabiktima.(p.28-
29)
“but I don’t kill innocents,serena.iyan ang bagay na tinitiyak
ko sa iyo at sa lahat ng nakkakilala sa akin. I kill those who kill
innocents. Hindi kasama sa sinumpaan kong tungklin ang
pumatay ng walang dahilan at hindi naaayon sa batas.”(p.49)
1.3.5 May Paninindigan
SA LILIM NG LANGIT
Lhea Mercado
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matatatag at may
paninindigan sa buhay. Sa katunayan, kahit gaano pa kabigat
ang problema o unos na dumatin, hinding hindi ito susukuan ng
mga Pilipino, bagkus patuloy na haharapin at lalabanan ang mga
problemang ito para sa pakanan ng pamilya, mapalipunan man o
kapwa tao. Hindi kailanman magpapatalo hangga’t makakaya.
Yan ang mga Pilipino.
“OO, aalis tayo rito, pero, hindi ko pa rin isusuko ang
karapatan natin sa loteng ito”(p.13)
1.3.6 Pagpapahalaga sa kaibigan
HE’S STILL THE ONE
Jessica Sanchez
Likas na sa mga Pilipino ang pagdadamayan sa tuwing
nakakaranas ng pagdadalamhati ang ating mga kaibigan.
Magkababata sina Adam at Lauren, simula ng namatay ang lolo
ni Lauren ay dinamayan ni adam ang dalaga upang hindi siya
nagiisa.
Nagpasama siya kay Adam sa sementeryo nang umagang
iyon para dalawin ang puntod ng kanyang lolo …… Nag-alay
siya ng bulaklak sa puntod ng kanyang lolo. Saka siya taimtim na
nanalangin. (p.51)
2. Paano inilarawan ang mga salik ng kulturang Pilipino sa tulong ng mga
batayang sumusunod:
2.1 TAUHAN
MEANT TO BE
A. Serena
Natural na sa ating mga Pilipino ang pagiging mapagparaya
pagdating sa kapamilya. Anak si Serena sa labas. Kabit ang kaniyang
ina kaya naman galit na galit sa kanilang mag-ina ang mga kaanak
nito sa ama, subalit hindi ito nagtulak sa kanya para paghigantihan
ang mga ito. Sa kabila nito ay pilit niyang iniintindi ang mga ito at
iniiwasan na lamang para makaiwas sa gulo.
B. Dra. Venera
Ang mga Pilipino ay handang tumulong sa kanilang mga
kaibigan lalo na kung nangangailangan. Ipinakita ni Dr. Venera ang
pagiging mabuting kaibigan kay Serena. Handa siyang magbigay ng
tulong kung sakaling wala itong mahanap na papasukan. Isa siyang
matulungin na tao.
C. Aldwin
Para sa mga Pilipino, isang napakahalagang bagay ang buhay
ng tao. Si aldwin ang taong nagligtas kay Serena nang ito ay nasa
kapahamakan. Dahil siya ay isang sundalo at propesyunal na sniper,
ginamit niya ang kanyang kasanayan sa tamang pamamaraan. Pinili
niyang buhayin ang dalawang hostage taker kesa ito ay patayin para
iligtas si Serena sa kamay ng mga ito. Ipinakita niya ang ang kanyang
pusong-makatao.
HE’S STILL THE ONE
A. Lauren
Sa buhay ng tao ay maraming mga pangyayaring hindi inaasahan.
Ang mga Pilipino ay may kanya kanyang pag-uugali at pagkakaroon ng
pagpapahalaga sa mga ating minamahal. Si Lauen ay may pusong bato
ngunit simula ng nagkakilala ulit sila ng kababata niyang si Adam ay
nagkaroon ulit siya ng mabuting puso. Hindi siya nawalan ng pag-asa na
muling mabuhay.
B. Adam
Ang pagpapahalaga sa ibang tao ay katulad na rin ng pagpapakita
ng respeto. Si Adam ay isang binata na binigyan ng pagpapahalaga ang
pagkakaibigan nila ni Lauren. Binigyan niya muli ng pag-asa si Lauren sa
buhay. Ipinadarama niya at ipinakita ang paggiging malaskit at pagmamahal
niya sa mga taong nakapaligid sa kanya.
SA ILALIM NG LANGIT
A. Jeena
Hindi madali ang mabuhay ng salat sa pera ngunit nagpakita ng
Katapangan si Jeena para lamang sa ikabubuti ng kanyang pamilya. Si
Jeena ay ang panganay na anak, kung kaya’t siya ang inaasahan ng mga
kapatid nito, maging ang mga magulang nito. Kahit mababang uri ang
trabaho ay kanyang papasukan upang mabawi lamang ang lupang dapat
ay sa kanila. Lubos na makikita ang katapangan at determinasyon ng
isang tao sa katangian ni Jeena
B. Mang Dioniso
Ang pagiging mabuting ama ang siyang magiging gabay ng
kanyang anak sa pagdaan ng mga hamon ng kanilang buhay. Si Mang
Dionisio ang ama ni Jeena, nariyan palagi, giangabayan ang mga anak.
Ang pangaral niya ang nagsilbing tulay ng kanyang anak upang maabot
ang kani-kanilang mga pangarap.Ipinakita ni mang Dionisio ang
pagmamahal at pagsusumikap ng tunay na haligi ng tahanan.
2.2 PANGYAYARI
MEANT TO BE
Likas sa ating mga Pilipino ang pagtulong sa ‘ting kapwa, may
kapalit man o wala. Basta’t dumating sa puntong may nangangailangan
ng tulong, handang magbigay ng tulong ang sino man sa atin hangga’t
may pagkakataon o hangga’t makakaya.
Sa panahon ng pangangailangan ni Serena, lalong-lalo na may
nagbabanta sa buhay nito, hindi na pinag-isipan pa ni Aldwin ang
pagtulong sa dalaga. Ibinigay nito ang calling card para kung sakali may
masama mang mangyari sa dalaga at kailangan nito ng tulong ay
tawagan lamang siya. Agad-agad namang nagtungo ang binata sa
tuwing tumatawag ang dalaga. Walang pag-aalinlangan ang pagtulong
ng lalaki kay Serena.
Ipinapakita dito ang pagiging matulungin at pagmamagandang
loob sa kapwa, matagal man nang magkakilala o hindi.
HE’S STILL THE ONE
Sa pagkabisita ni Lauren sa kanilang probinsya ay hindi inaasahan
na pumanaw na ang kanyang lolo. Simula noon ay mayroong ng mga
nangyayaring trahedya sa kanyang buhay. Ngunit ang kababata nitong si
Adam ay parating nasa tabi niya. Sinamahan siya nito sa anumang
pagsubok at ipinagtangtanggol sa mga taong handang manakit.
Ipinapakita sa pangyayaring ito na sa kabila ng hirap at ginhawa sa
buhay tao, tayo ay hindi nag-iisa. Laging may isa o higit ang handang
magmalasakit o makiramay sa kapwa.
SA ILALIM NG LANGIT
Pagsususmikap at pagtityaga sa buhay ang nagsilbing gabay ni Jeena
upang harapin ang bawat unos na dumating sa kanyang buhay, hindi man ito
naging madali para sakanya sa huli, nakamit niya ang kanyang nais. Si Jeena
ang panganay na anak nina Mang Dionisio kaya’t nakay Jeena nakasandal
ang pangunahing responsibilidad. Dahil sa kahirapan at pagkamatay ng tunay
na may ari ng tinitirihan ng pamilya ni mang Dionisio, binabawi muli ito sa
kanila. Salat sila sakayamanan kaya't hindi naging madali para sakanila na
mabawi ang kanilang pinaghirapang ari-arian .Para sa mag asawang
Dionision, ang bahay na ito'y hindi lamang isang bagay ngunit isang tahanan
na maraming masasaya at mahahalagang ala-ala sakanila. Kaya’t si Jeena ay
nagsumikap at hinarap ang kanyang kapalaran sa kabila ng mga pagsubok na
dumating s kanyang buhay.
2.3 MENSAHE
MEANT TO BE
Minsan ang pagpaparaya ay may magandang bunga. Kung mawala
man ang isa sa pinakamahalagang bagay sa ating buhay, asahan na
lamang na may darating na mas maganda pa. At ang pagtulong sa kapwa
ay ang may pinakamagandang dulot sa ating buhay.
HE’S STILL THE ONE
Sa buhay ay may mga oras talagang nawawalan tayo ng pag-asa.
Ngunit hinding-hindi tayo pinabayaan ng Diyos upang magkaroon muli ng
liwanag at kulay ang ating buhay. Lahat tayo ay may pag-asa sa buhay.
SA ILALIM NG LANGIT
Hindi na maiiwasan sa buhay ng tao ang mga problem. Ito ay
nagsisilbing patunay at patuloy na nagpapatatag sa buhay ng isang tao.
Kahit gaano pa kalaki ang iyong hinuha sa isang unos ay magiging
matagumpay ito kapag pinagsumikapan. Tiyaga at kasipagan ang ilan sa
mga kasangkapang magpapasarap at magpapagaan sa kinabukasan ng
isang isang tao.
Kabanata 5
Layon ng mga Natuklasan, Koklusyon at Rekomendasyon
Ang kabanatang ito ay kinabibilangan ng mga konklusyon at mga
rekomendasyon na ginawa ng mga mananaliksik. Kabuuan ito ng masusing pag- aaral
o pagsusuri ng mga mananaliksik na isinasagawa.Ito ay matukoy kung nakamit ba o
hindi ng mga mananaliksik ang kanilang mga layunin na sagutin ang mga
katanungan pumapatungkol sa mga kulturang Pilipino na masasalamin sa
babasahing popular (Pocketbooks).
1. Anu-anong mga mabubuting katangian ng kulturang Pilipino ang nananatili at
masasalamin sa mga babasahing popular (Pilipino Pocketbooks), kaugnay sa mga
sumusunod na salik.
1.1 Pamilya
Ang pamilya ang sandalan ng bawat miyembro ng lipunan.
Pagpapahalaga sa bawat kasapi at pagtutulungan sa oras ng pangangailangan.
Ito ay katangiang natural na sa ating mga Pilipino. Mga pag-uugaling nasalin
mula sa ating mga ninuno.Sa mga nagdaang henerasyon, masasabing may
mga pagbabagong nagaganap sa iba’t ibang pamilya. Kung ating iisiping mabuti,
hindi na ito maiiwasan dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa ating mundo.
Subalit hindi na rin natin maitatanggi na may mga pamilya paring tumatangkilik
sa kalse ng pamilyangatingkinagisnan. Napatunayan ng sa aming maingat na
pagsusuri na may mga katangiang taglay pa rin ang pamilyang Pilipino tulad ng
mga sumusunod:
Pagiging mapagmahal sa Pamilya;
Matatag sa buhay;
Maaalalahanin
Maaruga
Pagbibigay respeto sa Pamilya
Naipakita sa mga kaugaliang ito na ang bawat pamilya ay may kani-
kanilang kagalingan sa pagpupundar ng isang magandang modelo para sa mga
susunod na henerasyon. Nais din na ipabatid na kahit mawala man sa ibang
pamilya ang mga kaugaliang ito, hindi pa din maitatanggi na pamilya pa din ang
siyang sandalan ng buhay na ito.
1.2 Edukasyon
Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang
kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kahihinatnan nito dito sa mundo. Ito
ang ating sandata upang magkaroon ng maganda at payak na pamumuhay. Ang
edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang
kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na
malalim: ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.
Napatunayan na may mga pilipinong nagpapakita ng pagpapahalaga sa
edukasyon, tulad ng mga sumusunod na katangian:
Matiyaga sa pag-aaral
Pagpapahalaga sa talento
Determinasyon sa buhay
Pagpapahalaga sa propesyon
Pagsasabuhay ng pinag-aralan
Ayon sa resulta ng pananaliksik, ang edukasyon ay mahalaga sa ating
mga Pilipino. Hindi dapat natin itong baliwalain, dahil ito ang magpapaganda sa
ating kinabuksan. Dapat isaisip natin na tayo ang makikinabang sa lahat ng hirap
na dinadanas nagayon. Dahil tayo lang ang makakatulong sa ating sarili. Hindi sa
lahat ng bagay ay may mga tanong nariyan para sumuporta sa buhay. Maging
matiyaga at determinado sa buhay upang sa ganoon makapagtapos ng pag-aaral.
1.3 Lipunan
Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o
paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi
ang naiibang kultura. Dito nakabatay kung anong klaseng lipunan mayroon sa
isang partikular na lugar. Bilang mamamayan ng lipunang ito, nasalamin ang
katangi-tanging kultura nating mga Pilipino sa babasahing Popular. Pinakikita sa
babasahing ito kung anong lipunan ang atin gingalawan. Sa pagsasaliksik na ito,
natagpuan ang mga tinataglay na positibong katangian ng mga Pilipino sa kabila
ng problema sa lipunan, ang mga mga katangiang ito ay:
Matulungin
Maalalahanin
Matiyaga
Malasakit sa kapwa
May Panindigan
Pagpapahalaga sa kaibigan
Tayong mga Pilipino ay mayroong mga katangiang tinataglay ng isang
mabuting tao. Ipinakita dito ang mga natural nating katangian sa kabila ng lipunang
ating ginagalawan. Sa likod ng kahirapan, hindi nawawala ang mga mabubuting
taglay natin o ng bawat isa.
2. Paano inilarawan ang mga salik ng kulturang Pilipino sa tulong ng mga batayang
sumusunod:
2.1 Tauhan
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pagsubok na ginagampanan at
mga karanasan na nagsilbing gabay sa pangaraw-araw na buhay. Ang isang istorya
ay patuloy na nabubuhay dahil sa mga gumaganap dito. Ito ay tinatawag na tauhan
o ang mga karakter. Sa katunayan, sa kanila tumatakbo ang ikot ng pangyayari sa
isang kwento. Halimbawa na lamang ng mga ito ay sina Serena, Jeena, Adam ,
Mang Dionisio at Lauren, na nag mula sa aming tatlong piling pocket books na
ginamit sa pananaliksik. Ang mga ito ay nagpamalas ng tatag ng loob,
pagsusumikap at determinasyon sasarili upang malagpasan ang anumang
pagsubok ng buhay. Iba-iba man ang storya at pangyayaring nagaganap sa
kanilang buhay, masasabi na sila ay ilan sa mga halimbawa ng mga tauhan na
nagpapakilala ng tunay na pagiging Pilipino.
2.2 Pangyayari
Sa bawat istorya o maging sa realidad ng buhay ay masasalamin ang iba’t
ibang pangyayari. Masama man ito o mabuti, mahalaga pa rin ito sa ating buhay.
Bawat isa sa mga ito ay nagtataglay ng mga aral na makatutulong sa hinaharap.
Ang mga aral na ito ay maaari makita at taglayin ng mga akdang pampanitikan tulad
na lamang ng pocket books. Halimbawa na lamang ay ang pangyayaring naganap
sa librong “Meant to Be,”Sa Lilim ng Langit” at “He’s Still the One”. Datapwat
magkakaiba-iba ang mga takbo pangyayaring ng bawat kwento nakapaloob pa rin
dito ang pagkakahalintulad ng mga pinapakitang kulturang Pilipino. Hindi lamang sa
mga bagay na nakasanayan nating gawing ngunit maging ang mga pag-uugaling
dapat natin ipagmalaki. May mga pangyayari sa nobela na nagpakita ng mga
katangian Pilipino bilang matulungin, matiyaga, marespeto at palaban. Sa pocket
book na “Mean to Be”, ang pagiging matulungin ay nailarawan ng tulungan ni Adam
ang isang babaeng hindi niya kilala, sa istorya namang “Sa lilim ng Langit”,
nagpakita si Jeena ng pagiging matiyaga at determinasyon ng humanap siya ng
trabaho maging sa ibang bansa matulungan lamang ang kanyang mga magulang at
sa “He still the one” naman ay naipakita ang pagdamay ni Adam kay Lauren ng
mamatay ang lolo nito ay matatawag rin na pagiging matulungin ng Pilipino. Ilan
lamang ang mga ito sa mga pangyayaring tunay ngang karapat dapat nating
Ipagmalaki.
2.3 Mensahe
Ang pagbabasa ay kapupulutan ng mga aral o mensahe na mayroong
magandang maidudulot sa bawat tao. Sa mga piling babasahin na pocketbook, ang
mga kwento nito ay mayroong nais iparating na mensahe, tulad na lamang ng mga
sumusunod: 1) May mga oras na ang pagkawala ng isang bagay, ay mayroong
magandang kapalit, 2) Ang Diyos ay lagi nating kasama para bigyan tayo ng pag-
asa. 3) At Ang tiyaga at kasipagan ay ilan sa mga susi para sa paglutas ng mga
problema. Ang mga aral o mensahe na matatagpuan sa isang babasahin ay
maaring magsilbing inspirasyon sa isang tao at gabay sa maayos at marangyang
pamumuhay.
3.
3.1 Isang Estudyante
Ayon saming masuring pagsusuring napagtanto o natuklasan na
makapagdudulot ng aral ang babasahing popular upang palawakin pa ang mga
bagay na ating hindi pa natutuklasan, hindi lamang sa ating paligid kundi na rin sa
ating pagbabasa ng mga babasahing popular. Bilang estudyante, ang pagbabasa
ay isang mabuting pagi-ehersisyo sa ating utak. Dahil sa pagbabasa ay mas
mapipilitan tayong gumawa ng naratibo at mag-imagine. Sa pagbabasa kasi, mas
may oras tayong mag-isip. Kumbaga maaari tayong huminto para sa pag-intindi at
pagkuha sa tunay na kahulugan at implikasyon ng ating binasa. Ang pagbabasa ay
nakatutulong din sa concentration at attention skills. Sa pagkaintindi natin sa ating
mga binasa ay mauunawaan natin ang mga salitang bago pa lamang sa atin. At sa
mga bagong kaalaman na ating matututunan maari na din nating itong gamitin o
gawing instrumento sa takbo ng buhay. Upang makamit natin ang magandang
kinabukasan.
3.2 Isang Mamamayan
Bilang mamamayan, at mambabasa, natuklasan naming ang pagbasa ay
isang mahalagang gawi para sa ating mga tao. Nagdudulot ito ng mga positibong
bagay sa ating lipunan pati na din sa ating mga mamamayan. Tulad na lamang ng
pagtulong nito sa atin na maging imahinatibo o pagkakaroon ng malikhaing pag-
iisip. Nakapagbibigay din ito ng dagdag kaalaman o aral. Nagbabasa tayo upang
makaagapay sa daloy ng panahon. Tulad din ng nabanggit, ito’y napupulutan ng
aral sapagkat nadadagdagan ang mga mambabasa ng tiwala sa sarili. Dahil sa
tuwing tayo ay nagbabasa, nadadagdagan ang ating bokabularyo at nabibigyan
natin ng kasagutan ang mga bagay-bagay tungkol sa lipunan na ating ginagalawan.
Mahalaga din ang pagbabasa sa kadahilanang nae-ehersisyo nito ang ating utak
upang makisabay s amga pagbabagong nagaganap sa ating paligid.
Konklusyon
Base sa mga resulta mula sa istriko at masusing pag-aaral na isinagawa ng
mananaliksik, ang mga sumusunod na konklusyon ay aming nakuha:
1. Napatunayan na maraming pa ring mabubuting kulturang Pilipino ang
matatagpuan sa mga babasahing popular. Kahit marami ng nagbago sa panahon
ngayon, napanatili pa rin nitong ipakita o ilarawan sa mga akdang pampanitikan
ang mga kinaugalian pamumuhay ng mga Pilipino na nagmula pa sa ating mga
ninuno. Pinatunayan na kahit gaano katagal o karami ang magbago may
mananatili pa rin mga katangian na hindi basta-bastang mawawala. Lalong-lalo
ang mga magagandang katangian na dapat taglayin ng bawat Pilipino
2. Napatunayan na maingat ang paggamit ng mga elemento at salik na
binubuo ng isang nobela, tulad na lamang ng tauhan, pangyayari at mensahe.
Sinigurado ng manunulat na ang mga elemento at salik na ito ay tunay na
nagpapakita ng totoong kulay at kultura ng isang Pilipino. Halimbawa na lamang
ang tauhan, nagawang iparating ng manunulat ang mga pag uugaling taglay ng
isang Pilipino sa mga katagian ipinapakita ng mga tauhan sa kwento. At sa
pangyayari, nailahad ng manunulat ang kadalasan takbo ng pamumuhay ng mga
Pilipino. Nailalarawan niya kung paano mag-isip at magbigay-reaksyon ang mga
Pilipino sa mga naturang sitwasyon o kaganapan sa buhay. Maayos rin ang
pagkalahad ng mga mensaheng nais iparating ng awtor na para naman sa
ikabubuti at ikauunlad ng mga Pilipino.
3. Maraming naidulot ng mabubuting aral sa mga mambabasa lalo na bilang
isang estudyante at mamayang pilipino. Binibigyan ng mga aral na ito ng gabay
at tamang gawi na dapat maipamalas ng isang Pilipino. Sa pamamagitan ng mga
aral na ito mas lalong mapapaunlad ang ating mga kaalaman sa pamumuhay.
Makatutulong ito sa paglutas ng mga problema sa hinaharap. Maari tayo nitong
bigyan ng mga tamang ideya o solusyon sa mga problema. Sa tulong ng mga ito
mas mapapadali na ang takbo ng ating buhay at mas may alam tayo sa mga
maaring kahihinatnan ng mga bagay-bagay sa pagdedesisyon.
Rekomendasyon
Ang mga sumusunod na mga rekomendasyon ay inaalok bilang mga posibleng
paraan upang mapabuti ang pag-aaral na ito.
1. Sa mga manunulat hinihikayat naming na maglathala pa ng napakaraming
babasahing popular tulad na ito na napapalood o nasasalamin ang mga
kulturang Pilipino. Nang sa ganoong paraan mas magkaroon ang mga
modernong tao sa mga kaugalian at katangian na dapat taglayin ng isang
mamamayang Pilipino
2. Sa mga manunulat, sana naman panatiliin nila ang magandang at mataas
na kalidad ng paggamit sa mga salik at element ng kwento. Sana ay hindi ito
basta- basta gagawin na lamang. Sana ay mabigyan nila ito ng magandang
representasyon at kahulugan.
3. Sa mga mag-aaral isang magandang katangian taglayin ang malalim na pag-
unawa sa ating mga binabasa. Sapagkat mahalaga sa ating ang pagbabasa at
pagkuha ng imporsyon dito. Kaya naman hinihikayat naming mananalasik sa
mga susunod na mag-aaral na gagawa ng pananaliksik na ito, na mas bigyan
ninyo ng mas malalalim na pag-aaral na ito. Sana ay mapagtuunan ninyo ang
mga ibang salik o bagay na hindi na banggit sa pag-aaral na ito.