dula ppt

63
Dula April M. Bagon- Faeldan

Upload: april-m-bagon-faeldan

Post on 22-Nov-2014

2.988 views

Category:

Documents


38 download

DESCRIPTION

compiled by aprilmbagon-faeldanfrom the book Bagong Filipino Ngayon nina Elizabeth Aguilar et,alPanitikang Filipino ni Jose Arrogante

TRANSCRIPT

Page 1: Dula PPT

Dula

April M. Bagon-Faeldan

Page 2: Dula PPT

Katuturan ng Dula

“Ang mundo ay isang teatro..” ayon na nga kay Shakespeare.

Ang dula, maging iisahin o tatluhang yugto ay isang genre ng panitikang kinagigiliwan ng marami, ito man ay binabasa lamang o itinatanghal. Ang kaugnayan ng dulang iisahing yugto sa dulang may tatlong yugto ay maihahalintulad marahil sa kaugnayan ng maikling kuwento sa nobela. Katulad ng maikling kuwento, ang dulang ito ay matipid, matiim at nag-iiwan ng isang bisang puno ng buhay o drama.

Page 3: Dula PPT

Dinarakip ng manunulat ang isang madulang bahagi ng buhay ng isang tao, sa isang pook, sa isang panahon at sa tulong ng iba pang sangkap na itinatanghal ngayon. Hindi ang manunulat ang magkukuwento kundi ang mismong dula; ito ay palaging nagaganap nagyon. Palaging ngayon ay nangyayari, palaging panahunang pangkasalukuyan, mula sa guniguni ng mambabasa o sa paningin at pandinig ng manonood. Ang mga nakaraan, gayundin ang mga hinaharap at dinaraan lamang sa mga pahiwatig.

Page 4: Dula PPT

Upang matamo ang iisang impresyon, kailangang iisang nangingibabaw ba paksa o tema ang namamayani. Ang krisis ay maaaring manggaling sa paglalaban ng tauhan o ng tauhan na magpapanatili sa kawilihan ng mga mambabasa o manonood sa loobng itatagal ng dula, na karaniwa’y mula sa kalahati hanggang isang oras humigit-kumulang.

Page 5: Dula PPT

Ang mga makatuturang dula mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling buhay; mula sa dula ng mga Griyego hanggang kina Shakespeare, hanggang kina Julian Cruz Balmaceda. Ang mga iyon ay higit pa sa kanilang ginamit na banghay, paksa, tauhan; ang mga iyo’y nag-iwan ng gayuma sa isipan at damdamin ng mga bumasa at nanood. Ang mga iyon ay lumikha ng maliwanag na pagkilala ng tao sa kanyang sarili.

Page 6: Dula PPT

Sinasabing kung ang isang manunulat ay nasa mood (sumpong, kondisyon, wastong kalooban), tuluy-tuloy ang daloy ng mabubuong dula. Sinasabi ring may tatlumpu’t anim na madudulang sitwasyon lamang, kaya anumang banghay ang mahubog, ito’y mapapabilang din sa isa sa naturang tatlumpu’t anim na madudulang sitwasyon. Maaaring manggaling halimbawa sa mitolohiya, sa Bibliya, sa pabula, sa kuwentong bayan, sa buhay ng kapwa manunulat, sa alinmang madulang bahagi ng pangyayari.

Page 7: Dula PPT

Sapagkat ang dulang iisahing yugto, katulad ng maikling kuwento, ay mabilis at hindi maaaring mapaliguy-ligoy, ang banghay nito ay dapat maging payak at ang mga pangyayari at usapan o diyalogo ay dapat makiisa sa paglutas sa suliraning hahangga sa kasukdulang susundan ng wakes. Ang denouement (pagkakalas ng buhol) ang kadalasang nananatili sa isipan at damdamin ng bumabasa o nanonood ng dula, at tumutulong sa pagbuo ng panloob na liwanag upang higit niyang makilala ang kanyang sarili.

Page 8: Dula PPT

Ang paglalarawan ng katauhan ay dapat magsimula sa simula pa lamang ng dula. Ito’y kailangang maging tuwiran at mabilis. Sa simula pa, ang tauhan ay dapat langkapan ng motibo o pagnanasa o dahilan na magpapakilos at magpapasalita sa kanya nang gayon. Katulad ng sa maikling kuwento, ang katauhan ay maaaring ilarawan sa iba’t ibang paraan, ngunit ang pinakamabisa ay ang mismong mga kilos, pagsasalita at reaksyon na rin ng tauhan, kasama na ang pag-aayos sa sarili. Ang mime (pantomime)niya ang pantulong sa paglalarawan.

Page 9: Dula PPT

May mga katauhang kulang sa lalim; sapat na ito sa mga taong pansamantala lamang nilang makakaugnay. Ngunit sa panghabangbuhay na kasama, mapalilitaw ng mahusay na manunulat ang lalim ng katauhan.

Ang uri ng pakikibaka ng tauhan sa iba’t ibang tauhan sa dula ay magbubunyag ng kanyang buong katauhan, pang-ibabaw man at pang-ilalim din.

Page 10: Dula PPT

Sa isang dula, maaaring ang banghay ng kuwento at ang paksa o tema ay di-gaanong mangingibabaw sa bumabasa o manonood, ngunit ang paglalarawang- katauhan o karaterisasyon ay tiyak na lulutang sapagkat sadyang iba’t iba. Ang paglinang ng katauhan sa dula ang nagbibigay-halaga rito, ang mananatili nang matagal sa kalooban ng mambabasa o manonood.

Page 11: Dula PPT

May mga katauhang hindi nagbabago hanggang magwakas ang dula. May nagbabago sa negatibong paraan; ang positibong paraan ng pagbabasa ang kanais-nais, ngunit ito’y dapat maging kapani-paniwala bunga ng mga pangyayari. Ang pagbabago nang walang sapat na dahilan ay ex-machina, artipisyal; magiging kapansin-pansin ito sa bumabasa o nanonood na paraan lamang ng manunulat upang makamtan ang pagwawakas na kanyang ninanais.

Page 12: Dula PPT

Maliwanag na isang paraan ng paglalarawan ng katauhan ay ang pagsasalita. Ang usapan o dayalogo sa dula ay hindi lamang nagpapasulong sa kuwentong napapaloob dito; ito ay mayayamang batis na titghaw sa uhaw ng bumabasa o nanonood ng dula sa iba’t ibang uri ng katauhang mabubunyag; walang-malay, malisyoso, mapagkunwari at iba pa.

Page 13: Dula PPT

Ang tono ng tinig, ang talasalitaang ginagamit, ang mga speeh mannerisms o pinagkaugaliang gamitin sa pagsasalita, ay mga bahaging lahat ng usapan o dayalogo. Ang tono ng tinig ng isang madreng mula sa pagkabata’y lumaki sa kumbento ay inaasahang maiiba ang tono ng tinig isang kristo sa sabungan. (Pinapatay na ngayon ang tawag na kristo sa sabungan; dapat naman!).

Page 14: Dula PPT

Ang talasalitaang ginagamit ng isang batang-lansangan ay aasahan nating naiiba sa gagamitin ng isang propesor. May mga tauhang may speech mannerisms o pinagkaugaliang ibudbod sa kanilang pakikipag-usap, gaya ng: ee..e..e..; dib a; kuwan; naku; ha; este at iba pa.

Anuman ang uri ng pagsasalita ng isang tauhan sa dula, ito’y dapat maging kapani-paniwala sa bumabasa o nanonood, at di dapat magpabagu-bago.

Page 15: Dula PPT

May mga mandudulang gumagamit ng sagisag o simbolismo sa kanilang akda. Ito’y hindi lamang nagpapayaman sa panoorin kundi tumitinag pa rin at lumilinang ng guniguni o imahinasyon ng bumabasa o nanonood. Ang magulong tagpuan sa tanghalan ay maaring sumagisag sa kaguluhang gumagapi sa mga tauhan, na unit-unting mahahawan, patungo sa kanais-nais na paglutas sa suliranin at sa maayos na tanghalan.

Page 16: Dula PPT

Ang isang larawan ng bagyo sa mayamang salas ng isang mansion ay maaaring sumasagisag sa lihim na suliraning nagbabalang magwasak sa pagsasama ng mag-asawa. Ang isang tauhan o kahit ang buong dula ay maaaring gamiting sagisag.

Page 17: Dula PPT

Ang katuturan at kaganapan sa pagtatanghal ng isang ng dula ay magiging buo sapagkat iniuungkat na rito ang mga mahahalagang kakailanganin sa isang dula. Una, ang teatro o tanghalan- ang pinaglalabasan o kung saan ipinakikita sa mga tao o pinanonood na tao ang dula. Ito’y maaaring sa bakuran lamang, maaari ring sa lansangan, at pwede rin sa loob ng bahay. Ang dula kung ibabase sa pinagtatanghalan ay mauuri sa panlansangan, pambakuran at pantahanan.

Page 18: Dula PPT

Pangalawa, ang mga tauhan- ang mga gumaganap ng mahahalagang papel sa dula, ang dinadaluyan ng mga suliranin at mga pangyayari, ang gumagawa ng aksyon at resolusyon sa buhay. Pangatlo, ang iskrip – ang mga nakasulat na magkakasunod na mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan na may simula, gitna at wakas. Pang-apat ang dretor o tagadrehe- ang nag-uutos o nagpapasunod ng mga dapat na gawin ng mga tauhan na naaayon sa kanyang ginagampanang papel.

Page 19: Dula PPT

Ang dula, samakatuwid, sa masining at maagham nitong katuturan na sa Gresya pa pinasisimulan ng mga batikan at klasikong dramaturgong dina Aeschylus, Sophocles at Euripedes, ayon na rink ay Aristotle, ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita ng kalikasan ng buhay.

Page 20: Dula PPT

Ang dula ay kinakatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay-sa wika, sa kilos, sa damdamin, sa sining upang makaaliw, makapagturo o makapagbigay-mensahe o basta makaantig ng damdamin at makapukaw ng isip.

Page 21: Dula PPT

Apat na Kombensyon

ng Dula

Page 22: Dula PPT

Ang dula ay isang kathang ang layunin ay ilarawan sa isang tanghalan, sa pamamagitan ng kilos at galaw, ang isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng isang kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Bagamat sinasabing ang dula ay “imitasyon ng buhay” hindi pa rin maikakailang mahirap talagang mailarawan ang imitasyong ito sa isang dulang nasusulat o isang dulang itinatanghal. May kasangkapang gingamit ang isang manunulat ng dula bilang pamalit sa realidad .

Page 23: Dula PPT

Ang Kombensyon sa Panahon- naniniwala o kunwa’y ang manonood sa loob ng ilang oras ay nabubuhay siya sa loob ng isang araw, lingo o buwan o taon, na kasa-kasama ng mga tauhang kanyang pinanonood sa tanghalan.

Page 24: Dula PPT

Ang Kombensyon sa Ikaapat na Dingding-tinatanggap ng manonood na tulad sa isang tanghalan, sa totoong buhay ay may tatlong dingding lamang ang isang bahay. Ang ikaapat na dingding ay bukas kayat namamalas at naririnig niya ang lahat ng sinasabi at ikinikilos ng mga nasa loob ng bahay na nasa kanyang harapan.

Page 25: Dula PPT

Ang Kombensyon ng Pananalita o Wika- tinatanggap ng manonood na kung ano ang pananalitang binibigkas ng mga tauhan sa dula ay gayon ding pananalita ang kanilang binibigkas at ginagamit sa tunay na buhay.

Page 26: Dula PPT

Ang Kombensyon ng Pagsasalita sa Sarili- ang pagsasalita na parang sa sarili lamang ng tauhan, ay tinatanggap ng manonood na kailangan o mahalaga upang malaman niya ang iniisip ng isang gumaganap sa tanghalan at upang maunawaan niya ang ilang pangyayaring hindi maaaring ipakita o itanghal. Litinuturing ng manonood na normal lamang sa totoong buhay ang kausapin ng isang tao ang kanyang sarili o kaya nama’y nagsasalita siya sa harap ng ibang tao nang wala naming tuwirang kinakausap o pinagtutungkulan sa kanyang sinasabi.

Page 27: Dula PPT

Dahil sa ang bawat manonood ng dula ay may mga ekspektasyon sa dulang kanyang pinanonood, madalas na nabibigo siya pagkatapos ng pagtatanghal kung hindi naabot ng dula ang mga ekswpektasyong ito. Dito pumapasok ang kahalagahan ng kumbensyon ng dula. Dapat malaman at maunawaan ng manonood ng dula na hindi dapat manaig ang kanyang mga ekspektasyon sapagkat may mga kombensyon o kasunduan sa pagtatanghal ng isang dula. Kung may sapat na kabatiran ang isang manonood sa kombensyong ito, higit na magiging kasiya-siya at makabuluhan ang panonood niya ng dula.

Page 28: Dula PPT

• Dahil sa ang bawat manonood ng dula ay

may mga ekspektasyon sa dulang kanyang pinanonood, madalas na nabibigo siya pagkatapos ng pagtatanghal kung hindi naabot ng dula ang mga ekspektasyong ito. Dito pumapasok ang kahalagahan ng kumbensyon ng dula.

Page 29: Dula PPT

Dapat malaman at maunawaan ng manonood ng dula na hindi dapat manaig ang kanyang mga ekspektasyon sapagkat may mga kombensyon o kasunduan sa pagtatanghal ng isang dula. Kung may sapat na kabatiran ang isang manonood sa kombensyong ito, higit na magiging kasiya-siya at makabuluhan ang panonood niya ng dula.

Page 30: Dula PPT

Mga Uri ng Dula

Page 31: Dula PPT

• Komedya – ito’y katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.

• Trahedya – ang tema nito’y mabigat o nakakapagpasama ng loob kaya nakakaiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwan silang nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot.

• Melodrama o Soap Opera – ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala nng masayang bahagi sa buhay ng tauhan kundi pawing problema na lamang ang nagyayari sa araw-araw.

Page 32: Dula PPT

• Parsa – Ang dulang ito ay kaiba sa sa nabanggit na, pagkat ang layunin ay magpatawa sa pamamagitan ng katawa-tawang kilos o pananalita ng mga tauhan.

• Saynete – Ito’y katawatawang dula na karaniwang pinapaksa ang katawa-tawang ugali ng tauhan.

• Tragikomedya – kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa banding huli ay magiging malungkot na dahil masasawi o namamatay ang bida o mag bida.

Page 33: Dula PPT

Mga Sangkap ng Dula

Page 34: Dula PPT

• Balangkas o BanghayTumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa dula. Ang kumbenyunal na kwento sa dula ay may simula, gitna at wakas. Subalit maaari ding magsimula sa gitna o wakas muna bago simulan ang dula. Ito’y depende sa estilo ng direktor.

• PaglalahadSa paglalahad ng dula, nililinaw na ng may-akda o ng direktor

ang ilang mahahalagang impormasyon sa kwento ng dula:– Ang mga tauhan; ang kaugnayan nila sa isa’t isa– Ang lugar na pinagyayarihan ng kuwento– Ang panahon , at iba pa na makatutulong nang malaki upang

higit na maakit ang manonood sa dula.

Page 35: Dula PPT

• Suliranin o Pagtutunggali• Tungkol saan? Sa madaling sabi ito ay tema.

Nakapokus dito ang lahat ng kilos at usapan sa kabuuan ng dula.

• Pagsasalungatan ng mga tauhan, o kaya’y suliranin ng tauhan na sarili niyang likha o gawa bilang tauhan sa dula.

• Pagpapahiwatig • Makatwirang paglalahad ng mga pangyayari na

dapat maging kasiya-siya.

Page 36: Dula PPT

• Paglalarawan ng Tauhan-Sa tulong ng kilos, pagsasalita at

reaksyon ng mga tauahn sa mga pangyayari, ay lalong nakikilala ng mga manonood ang mga tauhan.

• Salitaan-Kailangang maging natural at

makatotohanan ang salitaan.

Page 37: Dula PPT

• KilosDahil sa ang dula ay salamin ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao, dapat ang kilos ng mga artista sa tanghalan ay maging natural at makatotohanan din. Ang ekspresyon ng mukha ay dapat umaayon kung ano ang ikinikilos ng artista sa tanghalan. Dito nakatuon ang paningin ng mga manonood.

• PaksaPumili ng paksang napapanahon at mga problemang panlipunan kung saan ang mga manonood ay maaaring maka-releyt. Iwasan ang mga paksang nakakabagot o wala sa interes ng mga manonood.

Page 38: Dula PPT

Pagsulat ng Isang Dulang May Isang

Yugto o Pagsasadula ng Isang Kuwento

Page 39: Dula PPT

Kakaunti na marahil ang mag-aaral sa isang klase na mapapabilang sa pangkat na ito. Ito ay mangangailangan ng may kakayahang hindi lamang sa wastong pamamaraan o technique ng dula kundi ng kakayahan din sa masining na pagsulat ng may-uring panitikan, lalo na ng maikling kwento.Mangangailangan din ang baguhan ng tagapayo na may malawak na karanasan sa genre ng dulang may iisang yugto.

Page 40: Dula PPT

Ang Dulang Pasalaysay (Chamber Theater)

Page 41: Dula PPT

Ito ay tulad ng isang tunay na dula na binibigyang-buhay ng mga tauhan sa pamamagitan ng mga usapan, kilos o galaw. Ang ikinaiba nito sa tunay na dula ay ang pagkakaroon ng bahaging pagsasalaysay . Ikinukuwento ng bawat tauhan sa mga manonood ang kanilang ginagawa at gagawin. Ang mga aktor ay hindi lamang tagaganap kundi tagapagsalaysay din.

Page 42: Dula PPT

Maliban sa mga aktor/tagapagsalaysay ay mayroon ding tagapagsalaysay ng kuwento na nasa isang panig ng tanghalan. Tungkulin niyang simulan at ipagpatuloy ang paglalahad ng kuwento, tagpo, panahon at mahahalagang pangyayari para sa kapakanan ng manonood.•

Page 43: Dula PPT

Paghahanda ng Isang Dulang Pasalaysay

Page 44: Dula PPT

• Pumili ng pyesa (maaaring kwento, parabola, pabula, alamat, bahagi ng nobela o dula) na angkop sa layunin ng pagtatanghal, sitwasyon at manonood. Ito ay dapat maikli lamang.

• Igawa ng iskrip ang pyesa at tiyaking ang mga dayalog at pagsasalaysay ng bawat aktor ay madula.

• Pumili ng mga tauhang nababagay sa papel na kanilang gagampanan. Kailangang angkop ang kanilang tinig, kilos at kaanyuan sa karakter na gagampanan.

Page 45: Dula PPT

• Ihanda ang mga bagay at iba pang kagamitang kakailanganin sa pagtatanghal. Sa dulang pasalaysay, hindi gaanong marami ang mga props na dapat gamitin, sapagkat maaaring ilarawan na lamang ng aktor o tagapagsalaysay ang iba pang kagamitan.

• Magsagawa ng puspusang pagsasanay upang maging mabisa at makatotohanan ang pagganap at pagsasalaysay ng mga detalye at pangyayari sa dula.

• Tandaan na ang mga actor ay tuwirang nakikipag-usap sa mga manonood, kaya’t maging masigla at kawili-wili dapat ang pagtatanghal.

Page 46: Dula PPT

Pagbasang Pandulaan

Page 47: Dula PPT

Ito ay isang pangkatang pagbasa ng pyesang pandulaan. Ang pangkat na nagbabasa ay maaaring magsalaysay ng mga pangyayari sa paraang isahan o pangkatan. May mga kasapi sa pangkat na gumaganap sa papel ng mga tauhan sa kuwento. Kung ang tauhan ay kailangang maglarawan ng isang tagpo, ito ay iaarte sa tanghalan habang patuloy ang pagsasalaysay ng iba pang kasali sa pangkat.

Page 48: Dula PPT

Kung may mga tauhan sa pyesa na kailangang maghabulan, halimbawa ay isang bruha at prinsesa, ipakikita ang kilos na ito sa mga manonood. Ang mga kasapi sa pangkat na may ginagampanang papel ay kailangang may anyo at kilos na hinihingi ng sitwasyon.

Page 49: Dula PPT

Mga Dapat Tandaan sa Pagbasang Pandulaan

Page 50: Dula PPT

• Ang dami o bilang ng mga magbabasa ay depende sa pangangailangan ng pyesa.• Ang pyesa ay kailangang hawak ng

pangkat at nakikita ng mga manonood ang kanilang pagbabasa.• Ang ikagaganda ng pagtatanghal ay

nasa sabay-sabay , malinaw at madulang pagbasa ng pyesa.

Page 51: Dula PPT

• Maaring tumalikod sa madla ang mga nagbabasa o ang tauhang gumaganap kung tapos na ang bahaging kanilang isinasalaysay at muling humarap at bumasa kapag kailangan nang ituloy ang pagsasalaysay.• Maaaring ihinto ang pagsasalaysay

kung may bahaging ginagampanan ang ilang tauhan.

Page 52: Dula PPT

• Ang pagkilos, kasuotan, kagamitan sa tanghalan at limitado at simple lamang.• Pumili ng mga kuwentong

maraming usapan at igawa ng iskrip na angkop sa pagbabasang pandulaan.

Page 53: Dula PPT

Pamumuna sa Dula

Page 54: Dula PPT

Isa sa pinakakinagigiliwang uri ng panitikan ay dulang pantanghalan o stage play. Higit nating nakikita nang malinaw ang istorya, pagkat buhay na kumikilos at nagsasalita ang mga tauhan. Bukod dito, pinatitingkad ng isang dula ang mga pagpapahayag ng mensahe sa manonood sa pamamagitan ng ilang kagamitan o props, at ng angkop na himig at musika.

Page 55: Dula PPT

Sa panunuri ng ganitong panitikan ay isinasaalang-alang natin ang mga sumusunod na pamantayan.

1. Batay sa mga Katangian• Matatagpuan ba ditto ang mga kinakailangang

elemento ng uri o estilo nito?• May kaganyakang universal kaya rito?• May kakanyahan ba at makabagong estilo?• Malinaw ba ang pagkakabuo ng mga pangyayari

tungo sa kasukdulan?

Page 56: Dula PPT

• Makatotohanan at malinaw ba ang paglalarawang-tauhan na gumigising sa damdamin ng mga manonood?

• Mahusay at makatotohanan ba ang diyalogo o usapan?

• May kaisahang bisa ba na nagbibigay ng interes sa pamamagitan ng pag-iiba-iba?

• Nagpapahiwatig ban g katimpian?• May pagkakatimbang-timbang ba ng bugso

ng damdamin?

Page 57: Dula PPT

2. Batay sa Pagganap (Acting)– Kapani-paniwala ba ang bawat pagganap ng

tauhan?– Nababagay bas a tauhan ang mga katangian ng

interpretasyon at pagsasalita (projection)? Natatamo bas a pagpapahayag ng linya at “cue pick-up” ang tamang tempo at ritmo?

– Ang kilos, senyas, at galaw ba ay nakagaganyak, malinaw, may pagkakaiba-iba at naaangkop?

– Kasiya-siya ba ang masining na pamamaraan ng pagganap?

Page 58: Dula PPT

– Ang kapangyarihan at damdamin ng tauhan ay kapwa ba magkatugma? Makatotohanan ba ang reaksyon o pagtugon? Ang himig (mood) ba ay napanatili? Ang kasukdulan ba ay natamo?

– Ang mga tauhan ba ay nakapagpahayag sa pamamagitan ng oral at biswal sa mga manonood? Sila ba ay malinaw, mapagtimpi, nakakaganyak at matipid sa pagpapahayag?

Page 59: Dula PPT

3. Batay sa Awtor• Ang lahat ba ng aspekto ng pagkakaisa ay

tunay sa nagging layunin ng awtor?• Ang kabuuan ban g tanghalan ay naging

epektibo sa emfasis, pagkakatugma at pagkakaiba-iba?

• Ang ritmo at tempo ba ay nagdulot ng tamang himig na angkop sa kasukdulan at tamang eksena at yugto?

• May tama bang pagkakatimbang ang damdamin at panlasa sa kagandahan o sining?

Page 60: Dula PPT

4.Ayon sa Pagtatanghal (Staging)• Ang mga ilaw ba ay nakapagtatag ng

tamang panoorin, empasis at himig?• Angkop ba ang tagpuan o tanawin?• Ang costume o make-up ba ay may

pagkakaayon sa tauhan, panahon, himig at estilo?• Naging epektibo ba ang musika, tunog,

kurtina atb.? Naging mabilis at matahimik ba ang pagpapalit ng eksena?

Page 61: Dula PPT

5. Ayon sa Reaksyon ng mga Manonood• May reaksyon ba mula sa mga manonood?• Patuloy bang nagpapakita ng damdamin sa

layunin ng dula ang mga manonood-tumatawa at umiiyak ba sa tamang oras?

• Nagging mabisa ba ang mga dramatikong eksena dahil sa magagandang salitaan o pahayag?

• Taos ba sa puso ng mga manonood ang patuloy na palakpak?

• Pinag-uusapan o tinatalakay ba ang dula sa intermisyon at pagkatapos ng dula?

Page 62: Dula PPT
Page 63: Dula PPT