dula

3
DULA - DULAAN Araw ng Sabado. Maagang – maaga pa ay nagtatawag ang Tatay upang mag – ani ng gulay at bungang kahoy sa bakuran nila. Sabi niya, “ Ang maagang lumusong, maaga ring aahon.” Nanaog na ang Nanay at ang magkakapatid na Celia at Mario. Dala nila ang bilao, basket at kahon.Narito ang nagiging usapan ng pamilya. Celia: Tay, paano ninyo nalaman na dapat nang anihin ang mga itinanim natin? Mario: Aba, may kalendaryo yata ang Tatay. Alam niya kung kailan itinanim at gaano katagal bago anihin. Tatay: Hindi lamang dahil sa kalendaryo. May talaan talaga kung gaano katagal bago anihin ang mga tanim. O, heto basahin basahin ninyo. Ilan lamang ito : letsugas – 60 – 70 araw pagkalipat ng punla ; mustasa at petsay – 20 – 30 araw pagkalipat ng punla ; kangkong – 25 araw pagkatanim ; spinach o kulitis – may taas na 15 – 20 sm ; gabi ( laman ) natutuyo na ang dahon ; kamote ( laman ) 3 – 5 buwan. At saka makikita naman , hindi ba? Tingan ninyo ang mga gulay. Malalaki na at matitingkad na ang pagkaberde. Magugulang na at dumidilaw ang unang dahon. Ang okra at talong ay katamtaman na ang laki ng bunga. Ang bungangkahoy naman ay marami nang nahihinog.Maaga nga pala tayong magsimula. Mas mainam ito para sa atin. Ang maagang lumusong , maagang aahon”. Isa pa , daig ng maagap ang masipag. At heto pa : ang ibong maaga , nauuna sa bunga. Hindi tayo mauunahan

Upload: crystal-diane-mercado

Post on 08-Dec-2015

48 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

dula

TRANSCRIPT

Page 1: Dula

DULA - DULAAN

Araw ng Sabado. Maagang – maaga pa ay nagtatawag ang Tatay upang mag – ani ng gulay at bungang kahoy sa bakuran nila. Sabi niya, “ Ang maagang lumusong, maaga ring aahon.” Nanaog na ang Nanay at ang magkakapatid na Celia at Mario. Dala nila ang bilao, basket at kahon.Narito ang nagiging usapan ng pamilya.

Celia: Tay, paano ninyo nalaman na dapat nang anihin ang mga itinanim natin?

Mario: Aba, may kalendaryo yata ang Tatay. Alam niya kung kailan itinanim at gaano katagal bago anihin.

Tatay: Hindi lamang dahil sa kalendaryo. May talaan talaga kung gaano katagal bago anihin ang mga tanim. O, heto basahin basahin ninyo. Ilan lamang ito : letsugas – 60 – 70 araw pagkalipat ng punla ; mustasa at petsay – 20 – 30 araw pagkalipat ng punla ; kangkong – 25 araw pagkatanim ; spinach o kulitis – may taas na 15 – 20 sm ; gabi ( laman ) natutuyo na ang dahon ; kamote ( laman ) 3 – 5 buwan. At saka makikita naman , hindi ba? Tingan ninyo ang mga gulay. Malalaki na at matitingkad na ang pagkaberde. Magugulang na at dumidilaw ang unang dahon. Ang okra at talong ay katamtaman na ang laki ng bunga. Ang bungangkahoy naman ay marami nang nahihinog.Maaga nga pala tayong magsimula. Mas mainam ito para sa atin. Ang maagang lumusong , maagang aahon”. Isa pa , daig ng maagap ang masipag. At heto pa : ang ibong maaga , nauuna sa bunga. Hindi tayo mauunahan ng ibon o pagbagsak ng bunga. At saka higit na sariwa ang aanihin sa umaga.

Nanay: Celia anak, halika dito tayo sa madaling anihin. Maingat nating hawakan ang buong tanim malapit sa ugat at bunutin. Gumamit ka ng pandukal kung kailangan. Pagkatapos ipagpag mo nang marahan ang mga nakuha mo upang maalis ang lupa.Putulin ang mga ugat at isa-isa itong hugasan. Pagkatapos ay ayusin natin ang paglalagay sa basket at bilao. Takpan mo ng basang tela o dahon ng saging para di malanta agad patungong palengke.

Tatay: Mario, dito ka at gumawa tayo ng panungkit.Gamitin natin itong mahabang kahoy. Lagyan natin ito ng kalawit at buslong maliit sa dulo tulad nito upang masalo ang bungang kakalawitin. Mag – iingat ka lamang , ha? Tandaan mo: “ Ang taong maingat malayo sa sugat.” Kapag nakakuha ka na ay ilagay mo na sa basket o kahit sa kaing o bilao na inihanda natin. May mga sapin nang dahon ng saging ang mga iyan.Ang medyo hilaw ay ibukod mo. Pangkat – pangkatin para walang mapisa.

Mario: Bakit po ba kailangang lagyan ng dahon ng saging ang mga paglalagyan natin ng bunga?

Tatay:Upang hindi magasgas ang mga mangga at atis. Ganoon din ang ginawa nila sa iba pang prutas. Sa ganitong paraan ang ating inaani ay

Page 2: Dula

nakararating nang maganda at maayos sa pamilihan. Hindi maitim , gasgas at maraming pasa.

Gayon na nga ang ginawa ng mag – anak. Nang ayos na samga lalagyan ay pinagtatakpan nila ang mga ito ng dahon ng saging. Masiglang nagtinda ang mga anak sa palengke. May dala silang timbangan at mga supot. Mainam na timbangin ang paninda upang walang lugi ang namimili at nagtitinda. Inaasahan nila na malaki ang kikitain nila dahil tinitingi nilang ipinagbibili ang mga ani nila.

Hindi nila ipinapakyaw sa mga tindera ang kanilang mga ani. Ipinagbili nila ang paninda sa presyong palengke rin o mababa pa nang kaunti dahil pagod lamang ang puhunan nila.