e s k w e l a n g p a m ily a c ha pt er g uide - sett i n g u p …€¦ · grade level (current)...

14
ESKWELANG PAMILYA CHAPTER GUIDE - SETTING UP MY OWN CHAPTER Gabay Para sa Pag-organisa ng Bagong Eskwelang Pamilya Chapter Welcome to AHA Eskwelang Pamilya! Magandang araw sa iyo, kaibigan! Welcome sa Eskwelang Pamilya . Sa gabay na ito, ibabahagi namin kung ano ang AHA! Learning Center, Eskwelang Pamilya, mga hakbang sa pagsisimula ng sarili mong Eskwelang Pamilya Chapter, at mga responsibilidad ng Community Manager na mamamahala ng iyong Eskwelang Pamilya Chapter sa iyong lugar. Sa munting gabay na ito, malalaman natin ang mga sumusunod: Ano ang AHA! Learning Center? Ano ang Eskwelang Pamilya? Mga Hakbang sa Pag-organisa ng Bagong Eskwelang Pamilya Chapter Eskwelang Pamilya Chapter at AHA! Learning Center Kasunduan Community Manager Training Pag-organisa ng mga Miyembro (Classroom, Enrollment, Orientation) Eskwelang Pamilya Content (Mga Aralin) Gabay para sa Community Manager Eskwelang Pamilya: Mga aralin at Content Calendar Mga Online Classroom at mga panuntunan sa loob Eskwela Pamilya Golden Rules Pamamahala ng Pang-araw-araw na Klase Documentation at weekly meetings AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 1

Upload: others

Post on 08-Jul-2020

0 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

 

ESKWELANG PAMILYA CHAPTER GUIDE - SETTING UP MY OWN CHAPTER Gabay Para sa Pag-organisa ng Bagong Eskwelang Pamilya Chapter 

 

Welcome to AHA Eskwelang Pamilya! 

 Magandang araw sa iyo, kaibigan!   Welcome sa Eskwelang Pamilya. Sa gabay na ito, ibabahagi namin kung ano ang AHA!                           Learning Center, Eskwelang Pamilya, mga hakbang sa pagsisimula ng sarili mong Eskwelang                       Pamilya Chapter, at mga responsibilidad ng Community Manager na mamamahala ng                     iyong Eskwelang Pamilya Chapter sa iyong lugar.  Sa munting gabay na ito, malalaman natin ang mga sumusunod:  

● Ano ang AHA! Learning Center? ● Ano ang Eskwelang Pamilya? ● Mga Hakbang sa Pag-organisa ng Bagong Eskwelang Pamilya Chapter 

○ Eskwelang Pamilya Chapter at AHA! Learning Center Kasunduan ○ Community Manager Training  ○ Pag-organisa ng mga Miyembro (Classroom, Enrollment, Orientation) ○ Eskwelang Pamilya Content (Mga Aralin) 

● Gabay para sa Community Manager 

○ Eskwelang Pamilya: Mga aralin at Content Calendar ○ Mga Online Classroom at mga panuntunan sa loob ○ Eskwela Pamilya Golden Rules ○ Pamamahala ng Pang-araw-araw na Klase ○ Documentation at weekly meetings 

 

     

  

AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 1 

Page 2: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

I. Ano ang AHA! Learning Center? 

● Ang AHA! Learning Center ay isang libreng after-school learning program para sa mga estudyante ng pampublikong paaralan sa Pilipinas. 

● Layunin namin ang bumuo ng mga modelong mag-aaral sa pampublikong paaralan at mga pinuno ng komunidad sa pamamagitan ng aming learning programs sa English, Math , problem-solving skills , at values formation. 

● Sa AHA, naniniwala kaming lahat ay may kapasidad na maging mahusay at maging Pilipinong ating pinapangarap -- ang maging pagbabagong ating hinihintay-- kailangan lamang ng ating mga mag-aaral at mga miyembro ng komunidad ang mabigyan ng oportunidad na matuto at maglingkod. 

 Sa mga oras na ito kung saan tayo ay lubos na hinihikayat na manatili sa ating mga tahanan at kung saan ang pagkakatuto ng ating mga anak ay tila naudlot-- aming ibinabahagi ang AHA ESKWELANG PAMILYA.   WELCOME PO SA AHA LEARNING CENTER FAMILY! 

 

I. Ano ang Eskwelang Pamilya? 

● Ang Eskwelang Pamilya ay isang home school program na hinihikayat ang gabay at partisipasyon ng magulang o tagapangalaga 

● Ito proyekto ng AHA! Learning Center na ikinabunga ng epekto ng COVID sa operasyon ng ating komunidad. Dahil sa lockdown, sa halip na sa loob ng classroom tayo matututo, dadalhin natin ang mga aralin sa Facebook messenger!  

● Ito ay text-based at hindi kailangan ng cellular data o magpa-load pa. ● Ang kailangan lang para sumali ay papel, notebook, at cellphone na may 

kakayahang magka-Facebook free. 

● Layunin ng proyektong ito ang: ○ Tulungan ang mga batang maging produktibo, masaya, at matuto pa rin 

kahit na sa panahon ng COVID; ○ Tulungan ang mga nanay at tatay magkaroon ng bonding at learning time 

kasama ng kanilang mga anak; ○ Malinawan kung paano maproprotektahan natin ang bawat bata laban sa 

COVID sa pisikal na aspeto, at bigyan ng bata ng suporta sa kaniyang mga mental nakakayanan 

○ Magkaroon ng lugar online, na puwede nilang puntahan kung nangaingailangan nila ng “safe space” 

 

  

AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 2 

Page 3: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

II. Mga Hakbang sa Pag-organisa ng Bagong Eskwelang Pamilya Chapter 

Nais mong magtaguyod ng sarili mong Eskwelang Pamilya Chapter sa iyong komunidad?                       Mahusay! Simple lang ang mga kailangan nating gawin:  

❏ Eskwelang Pamilya Chapter at AHA! Learning Center Memorandum of Agreement                   (para mapagpatuloy po namin ang pagsend ng mga lesson) 

❏ Community Manager Training ng Monday, Wednesday, Friday 2:00-3:00pm ❏ Pag-organisa ng mga Miyembro (Classroom, Enrollment, Orientation) ❏ Eskwelang Pamilya Content (Mga Aralin) 

 Muli, huwag mag-alala at gagabayan kita, kaibigan! 

  

STEP 1 - Eskwelang Pamilya Chapter at AHA! Learning Center Kasunduan 

Ang Eskwelang Pamilya ay libreng ibinabahagi ng AHA! Learning Center sa mga grupong                         nais magtaguyod ng sarili nilang chapters kapalit lamang ang angkop na dokumentasyon,                       community manager training, at regular meetings.   Sa pagpasok sa kasunduang ito, tayo ay sumasang-ayon sa mga sumusunod:  Tungkulin ng AHA! Learning Center ang:  

● Magbigay ng training sa naatasang community manager ng bagong Eskwelang                   Pamilya Chapter. 

● Magbigay ng mga araling mabuti sa loob ng sampung (10) linggo kasama ng                         content calendar.   

● Pahintulutan ang bagong chapter na (a) ibahin ang pangalan ng kanilang                     Eskwelang Pamilya chapter, (b) ibahin ang content ng lessons ayon sa kontekstong                       angkop sa iyong lugar, at (c) mag-ambag ng content o lessons at best practices  

● Gabayan ang community manager sa pamamagitan ng pagtitipon (online) bawat                   linggo 

 Tungkulin ng Eskwelang Pamilya Chapter ang:  

● Pangunahan ang enrollment sa kanilang chapter sa pamamagitan ng pagsagot ng                     kanilang mga miyembro sa online enrollment form (na makukuha natin pagkasign                     up) 

  

AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 3 

Page 4: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

● Pag-organisa ng kanilang miyembro sa online classrooms (Facebook messenger                 groups)  

● Pagbigay ng maikling orientation sa bagong miyembro ● Pamamahala ng pang-araw-araw na klase (paghatid ng aralin at pagsagot sa                     

mga katanungan ng mga estudyante at magulang) ● Makipagtipon kasama ang AHA (online) at magbigay ng dokumentasyon ng mga                     

aktibidad sa kanilang Eskwelang Pamilya classrooms bawat linggo (screenshots of                   activity submissions, reactions, and sharing) 

 Makipag-ugnayan sa AHA! Learning Center para sa pagtakda ng iba pang mga tiyak na                           detalyeng angkop para sa iyong Eskwelang Pamilya Chapter, at para sa pagpirma ng                         kasunduan. 

 

 

STEP 2 - Community Manager Training 

 Matapos ang kasunduan, kailangang mag-atas ng community manager na                 mangangasiwa ng pang-araw-araw na operasyon ng iyong Eskwelang Pamilya chapter.                   Ang community manager mo ay tatanggap ng training mula sa AHA! Learning Center--                         ang kagandahan dito, online at magagawa sa ilang oras lamang! Madali lang, hindi ba?   Sa training na ito, asahang talakayin ang mga sumusunod:  

● Gabay sa mga Aralin ● Tungkulin sa online community (pang-araw-araw na pangangasiwa sa classrooms                 

at community groups); ● Tungkulin sa AHA! Learning Center (lingguhang pagtitipon at mga dokumentasyon);                   

at ● Online Class Demo and Observation  

 Sa susunod na seksyon, may Community Manager Guide, na iyong magiging gabay para                         sa pamamahala ng online Eskwelang Pamilya community ng iyong chapter at iba pang                         mga tungkulin. 

      

  

AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 4 

Page 5: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

STEP 3 - Pag-organisa ng mga Miyembro (Classroom, Enrollment, Orientation) 

 Ngayong handa na ang community manager mo, ihanda naman natin ang iyong mga                         miyembro. Kailangan lang natin ay: (1) Online Classroom Setup (Facebook messenger                     group), (2) Enrollment, at (3) Orientation. Madali lang ‘to, kayang-kaya mo!    Online Classroom Setup (Facebook messenger group) Simple lang ang pag-setup ng group sa messenger-- magdagdag ka lang ng higit sa                           limang miyembro sa loob! Huwag kalimutang pangalanan ang group para madaling                     mahanap ito; maaari rin atasan ng chat group photo ang iyong classroom para mas                           malinaw!     Enrollment Lahat ng Grades 1-10 public school students ay maaaring i-enroll sa Eskwelang Pamilya. Ang                           enrollment ng bagong miyembro sa iyong chapter ay sa pamamagitan ng online                       enrollment form sa ibaba.   Chapter Member Enrollment Form: (Ibibigay po sa inyo ang chapter enrollment form ng AHA member na nag-imbita sa inyo.                             Kung hindi ninyo pa nakuha, maaaring mag-email kay [email protected], o                   [email protected])  Para mas madaling maintindihan, ito ang step-by-step na proseso ng enrollment para sa                         mga bagong miyembro ng chapter mo. Naghanda kami ng proseso para sa community                         manager at proseso para sa miyembro-- sana makatulong!  

Proseso para sa Community Manager  

1. Pasagutan ang online enrollment form sa miyembro at pasalihin sa core EP group sa Facebook, AHA Eskwelang Pamilya Enrollment. para sa mga announcements.   Kung walang access ang miyembro sa form, kunin ang mga sumusunod na detalye at personal na ipasok ang miyembro sa database gamit ang online form.   

● Pangalan ng Estudyante 

  

AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 5 

Page 6: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

● Grade Level (current) ● Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) 

● Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga  ● Facebook account na gagamitin para sa Eskwelang Pamilya 

 2. Idagdag ang mga miyembro sa online classroom at simulan ang aralin! 

  

Proseso Para sa Bagong Miyembro ng Chapter  

1. Sagutan ang online chapter member enrollment form.   Kung walang access sa online form, magpalista sa community manager kasama ang mga impormasyon sa ibaba at ang community manager ang magpapasok sa database.  

● Pangalan ng Estudyante ● Grade Level (current) ● Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) 

● Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga  ● Facebook account na gagamitin para sa Eskwelang Pamilya 

 2. Sumali sa core Eskwelang Pamilya group sa Facebook, AHA Eskwelang 

Pamilya Enrollment. Markahang sumasali ka bilang Chapter Member (hindi na kailangan sagutin pa ang ibang tanong)  

3. Hintayin ang community manager na isali sa online classroom at simulan ang aralin!  

  Orientation Para sa Bagong Miyembro Tungkulin ng chapter ang maghatid ng maikling orientation sa kanilang mga bagong                       miyembro. Maaaring tumukoy sa New Chapter Members Orientation file para rito. 

      

  

AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 6 

Page 7: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

STEP 4 - Eskwelang Pamilya Content (Mga Aralin) 

 Kasunduan, check! Community Manager training, check! Classroom, Enrollment, at                 Orientation, check! Kaunti na lang at handa ka na para simulan ang klase sa iyong                             Eskwelang Pamilya chapter-- ang kulang na lang ay ang mga aralin!   Mga Aralin Ang AHA! Learning Center ay magbibigay ng libreng content sa mga sumusunod na aralin                           o sessions na mabuti sa loob ng sampung (10) linggo, matapos maitaguyod ang                         kasunduan sa pagitan ng bagong chapter at AHA. Ito ay ihahatid sa porma ng PDF files na                                 maaaring ma-access sa Eskwelang Pamilya Google Drive o direktang ipadala sa email.                       Ang mga ito ay sasamahan din ng content calendar.  

● Bata, may tanong ka ba sa COVID? ● Wellness in times of COVID ● Creative Writing  ● Reading Short Stories  ● Games 

 Matapos matanggap ng community manager ang mga aralin, tungkulin niyang ihatid ang                       mga aralin sa kanilang online classrooms at pamahalaan ang pang-araw-araw na                     aktibidad dito.  

  

IV. Gabay para sa Community Manager 

Sa mga susunod na seksyon ng gabay na ito, tatalakayin natin ang mga detalyeng                           kailangan natin malaman sa pagpapatakbo ng Eskwelang Pamilya sessions. Madali lang                     ‘to, kayang-kaya mo!   

● Eskwelang Pamilya: Mga Aralin at Content Calendar ● Ang Online Classroom at mga Panuntunan sa Loob ● Eskwelang Pamilya Golden Rules ● Pamamahala ng Pang-araw-araw na Klase ● Documentation and Weekly Meetings 

 

  

AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 7 

Page 8: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

Sa community manager training, mayroon din online class demo at observation upang                       mapanood nang aktwal ang karaniwang kaganapan sa loob ng Eskwelang Pamilya                     classes.  

 

Eskwelang Pamilya: Mga Aralin at Content Calendar 

 Para sa Eskwelang Pamilya chapters, ang AHA! Learning Center ay magbibigay ng libreng                         content sa mga sumusunod na aralin o sessions na mabuti sa loob ng sampung (10)                             linggo, matapos maitaguyod ang kasunduan sa pagitan ng bagong chapter at AHA.                       Inyong desisyon kung paano gagamitin itong mga lessons po na ito.   Kayo po ang nakakaalam kung ano lessons ang kailangan ng inyong komunidad.  Dahil sa mga issue sa copyright, hindi namin mabigay ang lahat katulad ng Little Prince,                             ang maari lang naman ishare sa ganitong oras, ay 250 lessons.   

● Bata, may tanong ka ba sa COVID? (30 lessons) ● Wellness in times of COVID (30 lessons) ● Creative Writing (30 lessons)  ● Reading Short Stories (60 lessons)  ● Games (30 lessons) ● Daily Devotional (70- still updating) 

 Ang ibang lessons na hindi namin sinama ang tagalog version ng “Recipes for Well-being (41 lessons)” na para sa mga volunteers, at ang “Human Rights during the time of Covid” (9 lessons),   Ito ay ihahatid sa porma ng PDF files na maaaring ma-access sa AHA Learning Center                             website. Merong maikling website na may maikling form na kailangang ninyong sagutan.                       Bibigyan ng AHA Learning Center contact ninyo ang password para madownload ang files.  Sinama po namin ang “content calendar template” na magiging gabay ng community                       manager sa paghatid ng mga aralin-- dito, malalaman kung ano ang mga araling                         nakatakda para sa tiyak na araw at oras. Kayo po bahala gumawa ng schedule ninyo.   Ang content calendar na ibabahagi ng AHA ay maaaring ibahin ng community manager                         ayon sa naaangkop na mga aralin at schedule para sa kanilang chapter. Makikita sa ibaba                             ang halimbawa ng content calendar.  

  

AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 8 

Page 9: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

 

 Halimbawa ng Content Calendar 

 Para sa original na AHA Eskwelang Pamilya, na aming ginagawa sa AHA Makati ang mga                             aralin ay mula Lunes hanggang Linggo, ito ang sample ng schedule po namin.. 

 ● Monday-Saturday 

○ 9:00 AM - Daily Devotion ○ 10:00 AM - Little Prince/ Games ○ 11:00 AM - Bata, May Tanong ka ba sa COVID-19/ Wellness in the time of 

COVID-19 ○ 1:00 PM - Creative Writing/ Reading ○ 3:00 PM - Story Time with Tito J ○ 4:00 PM - Super Nanay and Tatay Kumustahan ○ 4:30-5:30 PM - Online Doctor Consultation 

 ● Sunday 

○ Bible Lessons and Sunday Reflections   Inuulit ko po, kayo po bahala sa schedule ninyo. Matapos matanggap ng community                         manager ang mga aralin, tungkulin niyang ihatid ang mga ito sa kanilang online                         classrooms at pamahalaan ang pang-araw-araw na aktibidad dito. Mahalaga na                   sumusunod sa karagadang oras ang pagpost ng community manager. 

  

 AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 

Page 10: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

 

Ang Online Classrooms at mga Panuntunan sa Loob 

Ang mga aralin sa Eskwelang Pamilya ay inihahatid araw-araw sa bawat online classroom                         na nasa porma ng Facebook messenger groups. Sa online classrooms inaasahang                     magsumite ng mga gawain ang mga estudyante gayun na rin ng kanilang mga                         katanungan at mga ideya. Sa ibaba ay halimbawa ng online classroom. Mahalaga na                         gumawa ng isang core group classroom na nandun lahat ng enrollees ninyo para madali                           lang magka-announcements. Kung maliit kayong grupo (5-50), maaring isang classroom                   o Facebook messenger lang ang inyong pamamahalaan.   Ang bawat miyembro ng komunidad ay hinihikayat din sundin ang mga sumusunod na                         panuntunan tuwing nasa loob ng online classrooms:   

● Maging magalang at mabait 

Tratuhin ang lahat nang may paggalang. Ang             mga malulusog na debate ay natural, ngunit             kinakailangan ang kabaitan.  

● Walang hate speech o bullying 

Siguraduhin ligtas ang lahat. Ang pambu-bully           ng anumang uri ay hindi pinahihintulutan, at             ang nagpapahiwatig ng mga puna tungkol sa             mga bagay tulad ng lahi, relihiyon, kultura,             sekswal na oryentasyon, kasarian o         pagkakakilanlan ay hindi papayagan.   

● Walang di-kaugnay na promosyon o spam  

Hindi pinahihintulutan ang mga di-kaugnay na promosyon, links, at spam. Bawal rin                       po maglagay ng mga bastos, o adult na jokes, dahil marami pong bata ang                           nagbabasa ng mga chat natin.  

● Igalang ang pagkapribado ng lahat 

Ang pagiging bahagi ng pangkat na ito ay nangangailangan ng tiwala sa isa't isa.                           Ang mga ibinahagi sa grupong ito ay dapat manatili sa grupo. 

  

 AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 

10 

Page 11: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

Eskwelang Pamilya Golden Rules 

Bukod sa pangkalahatang panuntunan sa loob ng online classrooms, hinihikayat ang bawat                       tahanang magkaroon ng kanilang Eskwelang Pamilya Golden Rules.   Sa AHA! Learning Center, upang maging mabisa ang bawat klase, ang bawat estudyante ay                           may sinusunod na Golden Rules.   Ano ang AHA Golden Rules?  

● Sa AHA, ang bawat mag-aaral ay natututunan ang AHA Golden Rules kung saan                         binubuo nito ang iba’t ibang pangakong ating pinagkakasunduang sundin sa loob                     at labas ng AHA. 

● Mga sample na GOLDEN RULES ng iba’t ibang grupo: 

○ Bawal magsalita ng sabay-sabay  ○ Gawin ang homework 

● Sa Eswkelang Pamilya, bilang ang tahanan ang magsisilbing eskwela sa oras na ito,                         tanungin din ninyo ang inyong komunidad kung ano ang suhestiyon nila; madalas                       na sila ang may mga pinakamagandang suhestiyon! 

 

Parent-Child Activity: And Aming Eskwelang Pamilya Golden Rules 

● Kasama ng iyong anak, bumuo ng limang (5) pangako na susundin ng parehong                         magulang at anak sa loob ng mga oras ng Eskwelang Pamilya sessions. 

○ Halimbawa ay, “nangangako akong tapusin ang mga activities sa Eskwelang                   Pamilya” o “nangangako akong ibigay ang aking buong atensyon sa                   Eskwelang Pamilya.” 

● Nanay/ Tatay Tip: Upang hindi makalimutan ang mga napagkasunduang Golden                   Rules, maaaring isulat ito sa papel at ipaskil o idikit sa parte ng tahanang madaling                             makita.  

 

Pamamahala ng Pang-araw-araw na Klase 

Sa oras ng klase, tungkulin ng community manager ang maging epektibo sa pamamahala;                         layunin ay mapadali ang karanasan ng bawat estudyante at magulang na kasapi sa                         online classrooms. Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng epektibong pag-facilitate ng                       sessions sa Eskwelang Pamilya-- mayroong (1) pagbabahagi ng daily preview bago                     magsimula ang araw, (2) paghahatid ng mga aralin at gumagamit ng boses na                         nakalulugod, (3) pagsagot sa mga isinumite ng mga estudyante at paggabay, at (4)                         pagpapaalala ng schedule tuwing oras ng break. 

  

AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 11 

Page 12: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

  

      

             

               Panoorin ang aktwal na kaganapan sa online classroom demo at observation (parte ng community manager training)  

  

 AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 

12 

Page 13: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

Documentation and Weekly Meetings 

Bilang ulat o rekord ng mga pangyayari sa loob ng Eskwelang Pamilya classrooms, ang                           community manager ay inaatasang mangolekta ng dokumentasyon ng mga pangyayari                   sa loob. Simple lang-- ito ay screenshots lamang ng mga sagot, reaksyon, at sharing ng                             mga estudyante at magulang sa araw-araw; kasama ng maikling debrief. Sa weekly                       debrief, kailangan lamang iulat-- what worked (best practices), what could work better (for                         improvement), at mga rekomendasyon.  Ang impact na ating sinusukat ay ang (1) engagement ng mga bata sa lesson (2) ang                               mental at emotional na feedback nila sa mga klase at ang (3) ang kanilang output. Kahit                               tinatawag natin na “Eskwela” ang proyektong ito, mahalagang maalala natin na maraming                       pinagdadaanan ang ating mga kasama, at maaring may mga araw na pipiliin nilang                         huminga. Mahalaga lang na alam ng mga bata ang mga magulang na nariyan ka para sa                               kanila.  Ang mga dokumentasyong ito (screenshots at debrief) ay ibinabahagi sa AHA! Learning                       Center linggo-linggo sa weekly meetings (Mondays or Wednesdays).  

 

Quick Recap ng Gabay para sa Community Manager 

 1. Ang mga aralin ay libreng ibabahagi ng AHA! Learning Center-- nasa pormang text 

na at handang ihatid sa bawat classroom. 2. Sa content calendar malalaman kung anong aralin ang ihahatid sa tiyak na araw 

at oras. Maaaring ibahin ang pagkasunod-sunod ng aralin pati na rin ang schedule (o oras) ayon sa naaangkop para sa chapter.  

3. Tungkulin ng community manager ang mapadali ang karanasan ng bawat estudyante at magulang sa loob ng classroom sa pamamagitan ng epektibong pamamahala o pag-facilitate (panoorin ang aktwal na kaganapan sa online classroom demo at observation na parte ng community manager training) 

4. Kasama sa tungkulin ng community manager ang dokumentasyon ng mga aktibidad sa Eskwelang Pamilya-- ito ay simpleng screenshots lamang ng mga sagot, reaksyon, at sharing ng mga estudyante at magulang sa araw-araw. 

5. Ang mga nakolektang screenshots ay ibabahagi sa AHA! Learning Center bawat linggo; ideyal na ito ay ipasa sa lingguhang pagtitipon (weekly meeting) 

6. Ang community manager ay makikipagtipon (online) kasama ang AHA bawat linggo bilang check up at pagbabahagi ng mga concerns, wins, at best practices 

  

 AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 

13 

Page 14: E S K W E L A N G P A M ILY A C HA PT ER G UIDE - SETT I N G U P …€¦ · Grade Level (current) Paaralan (at Lungsod na Kinabibilangan) Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga Facebook

 

Pasasalamat 

 Malaking pasasalamat sa mga bumubuo ng AHA! Learning Center sa 

pagbuo ng Eskwelang Pamilya, kabilang sina:  

 Hamiñia De Leon 

April Grace Garcia Robyn Jereza 

AJ Lapira Ruth Ann Quema 

Beena Khemani Uttam Jhaline Villapando 

Jaton Zulueta  

 Gayun na rin sa aming mga kasangga sa misyong ito kabilang sina 

Sabrina Ongkiko at ang Adarna House, na kung wala sila ay hindi makukumpleto ang proyektong ito. 

 

  

Kung may mga katanungan, huwag mag-atubiling kumunekta sa amin:   

Jaton Zulueta Founder and Executive Director [email protected] 

 AJ Lapira 

Assistant Director [email protected] 

  

AHA! Learning Center - Eskwelang Pamilya Chapters New Chapter Setup Guide 14