eduk sa pagpapakatao - lesson plan

8
Aralin 1: Pagiging Masunurin Upang maisakatuparan ang adhikaing ito, iminumungkahi ang sumusunod na tanong bilang patnubay sa pagtuturo sa araling ito. Mga patnubay na tanong: 1. Ano sa inyong palagay ang kahulugan ng pagiging masunurin? 2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa mga magulang at sa iba pang nakatatanda sa tahanan? 3. Sa anong paraan mo maipakikita ang iyong pagiging masunurin sa inyong tahanan? ALAMIN 1. Tanungin ang mga bata kung bakit kaya maraming mata ang pinya bago basahin sa kanila ang Alamat ng Pinya. Ipaalala ang tamang gawi sa pakikinig. 2. Talakayin ang kuwentong kanilang napakinggan. a. Bakit maraming mata ang pinya? b. Ano ang aral na iyong natutunan sa alamat na ito? ISAISIP 1. Iugnay ang Alamat ng Pinya sa Munting Gamo-gamo. a. Ano ang katangian ng munting gamo-gamo na katulad sa katangian ni Pina? Bakit mo ito nasabi? b. Kung ikaw si Pina o ang munting gamo-gamo, ano ang iyong gagawin? Bakit? 2. Pangkatin ang mga mag-aaral sa ___ pangkat. Tatalakayin nila ang sumusunod sa loob ng limang minute. Ipaalala ang mga tuntunin sa pangkatang-gawain. Halimbawa: Bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magsalita. Igalang ang opinyon ng iba. Mga gabay na tanong: a. Minsan ba ay nagging katulad ka ni Pina o ng munting gamo-gamo? Kung ang iyong sagot ay oo, ipaliwanag mo ito. Ganon din naman kung ang sagot mo ay hindi. b. Ano ang iyong dahilan kung bakit ito nangyari? c. Ano ang iyong natutunan matapos ang pangyayaring ito? 3. Matapos ang pangkatang- gawain, tumawag ng ilang mag-aaral mula sa mga pangkat upang ibahagi ang kanilang napag-usapan. 4. Gabayan ang mga bata upang makagawa ng kanilang paglalahat mula sa mga ibinigay na halimbawa. Inaasahang paglalahat: Mahalaga ang pagsunod s autos o bilin ng magulang. Ito ay para sa ating kabutihan at kaligtasan. ISAGAWA 1. Talakayin ang mga sagot na nakalap sa pamamagitan ng tsart (semantic differential) sa Gawain 1. Edukasyon sa Pagpapakatao December 04, 2012

Upload: richard-manongsong

Post on 13-Apr-2015

1.010 views

Category:

Documents


32 download

DESCRIPTION

FILIPINO

TRANSCRIPT

Page 1: Eduk Sa Pagpapakatao - Lesson Plan

Aralin 1: Pagiging Masunurin

Upang maisakatuparan ang adhikaing ito, iminumungkahi ang sumusunod na tanong bilang patnubay sa pagtuturo sa araling ito.

Mga patnubay na tanong:

1. Ano sa inyong palagay ang kahulugan ng pagiging masunurin?

2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa mga magulang at sa iba pang nakatatanda sa tahanan?

3. Sa anong paraan mo maipakikita ang iyong pagiging masunurin sa inyong tahanan?

ALAMIN

1. Tanungin ang mga bata kung bakit kaya maraming mata ang pinya bago basahin sa kanila ang Alamat ng Pinya. Ipaalala ang tamang gawi sa pakikinig.

2. Talakayin ang kuwentong kanilang napakinggan.a. Bakit maraming mata ang pinya?b. Ano ang aral na iyong natutunan sa

alamat na ito?

ISAISIP

1. Iugnay ang Alamat ng Pinya sa Munting Gamo-gamo.a. Ano ang katangian ng munting

gamo-gamo na katulad sa katangian ni Pina? Bakit mo ito nasabi?

b. Kung ikaw si Pina o ang munting gamo-gamo, ano ang iyong gagawin? Bakit?

2. Pangkatin ang mga mag-aaral sa ___ pangkat. Tatalakayin nila ang sumusunod sa loob ng limang minute. Ipaalala ang mga tuntunin sa pangkatang-gawain.

Halimbawa: Bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magsalita. Igalang ang opinyon ng iba.

Mga gabay na tanong:a. Minsan ba ay nagging katulad ka ni

Pina o ng munting gamo-gamo? Kung ang iyong sagot ay oo,

ipaliwanag mo ito. Ganon din naman kung ang sagot mo ay hindi.

b. Ano ang iyong dahilan kung bakit ito nangyari?

c. Ano ang iyong natutunan matapos ang pangyayaring ito?

3. Matapos ang pangkatang-gawain, tumawag ng ilang mag-aaral mula sa mga pangkat upang ibahagi ang kanilang napag-usapan.

4. Gabayan ang mga bata upang makagawa ng kanilang paglalahat mula sa mga ibinigay na halimbawa.

Inaasahang paglalahat: Mahalaga ang pagsunod s autos o bilin ng magulang. Ito ay para sa ating kabutihan at kaligtasan.

ISAGAWA

1. Talakayin ang mga sagot na nakalap sa pamamagitan ng tsart (semantic differential) sa Gawain 1.

Mga gabay na tanong:

a. Gaano kadalas ang ipinakikita ng iyong kamag-aaral ang kanyang pagkamasunurin?

b. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit may mga pagkakataong hindi niya ito naipakikita?

Sabihin sa mga mag-aara na muling bumalik sa kanilang pangkat upang mag-isip ng iba pang paraan upang maipakita ang pagiging masunurin.Bigyang diin din na maipakita nila ang mabuting maibubunga nito. Bigyan sila ng 5-7 minuto upang ito ay pag-usapan at kung sa paanong paraan nila ito ipakikita (halimbawa: role play, patula, etc.).Ipaalala na ang kanilang palabas ay tatagal lamang ng isa hanggang dalawang minute.

2. Talakayin ang mensahe ng bawat pangkat( Iminungkahi na talakayin agad ang ipinakita ng bawat pangkat.)

3. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang sagutan ang Gawain 2, Gawain 3, at Gawain 4. Talakayin ang mga sagot.

4. Batay sa mga Gawain, gabayan ang mga mag-aaral na masabi ang kahalagahan ng pagiging masunurin.

Edukasyon sa Pagpapakatao December 04, 20127:25-7:55 Tuesday

Page 2: Eduk Sa Pagpapakatao - Lesson Plan

ISAPUSO

1. Gabayan ang mga bata na maunawaan ang nakasulat sa TANDAAN.

2. Bigyan ng pagkakataon ang klase na pag-isipan at pagnilayan ang nilalaman nito.

3. Hikayating isulat o iguhit nila sa kanilang kuwarderno ang isang bagay na kanilang gagawin pag-uwi nila sa kanilang tahanan upang maipakita nila ang kanilang pagiging masunurin.

ISABUHAY

1. Kung may oras pa, ipagawa ang Gawain sa klase o gawin itong takdang-aralin.

2. Tmawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang ginawa. (Isapuso. Gawain3) na nagpapakita ng pagiging masunurin.

SUBUKIN

1. Pasagutan ang Gawain 1 hanggang Gawain 5 sa mga bata.

2. Pag-usapan ang kanilang mga sagot.

ARALIN 2: Pagpapahalaga sa Pagpapanatili sa Kaayusan at Kapayapaan

Iminumungkahi ang sumusunod na tanong bilang patnubay sa pagtuturo ng araling ito.

Mga patnubay na tanong:

1. Ano sa inyong palagay ang kahulugan ng kaayusan at kapayapaan?

2. Bakit mahalaga ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan?

3. Paano mo makakamit at mapapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng inyong tahanan.

ALAMIN

1. Ipaalam sa mga bata na may kaibigan kang may suliranin. Itanong sa kanila kung maaari bang tulungan nila ang kaibigan mo. Ipaskil ng maila paper sa pisara at sabihing makin silang mabuti sa babasahin mong liham mula sa iyong kaibigan.

2. Itanong ang sumusunod:a. Bakit ginabi sa pag-uwi ang

magkapatid?b. Bakit sumama ang loob ni Rufo sa

kanyang kambal?c. Ano ang nakaipit sa aklat ni Rufo?d. Ano ang nilalaman ng sulat?

3. Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha at pag-usapan ang kanilang opinion sa suliranin ni Rufo. Bigyan sila ng 2-3 minuto.

Mga gabay na tanong:a. Ano ang dapat gawin ni Rufo?b. Dapat ba niyang patawarin ang

kanyang kambal?4. Tumawag ng ilang mag-aaral upang

ibahagi sa klase ang kanilang sagot.5. Itanong sa klase kung sila ang kapatid ni

Rufo, ano ang kanilang dapat gawin matapos silang patawarin?

ISAISIP

1. Iugnay ang mga sagot ng mag-aaral sa talakayan tungkolsa suliranin ni Rufo.

Mga gabay na tanong:a. Ano ang iyong gagawin kung may

nakasakit ng iyong damdamin? Bakit?

b. Kung ikaw naman ang nakasakit ng damdamin ng iba, ano naman ang iyong gagawin? Bakit?

c. Ano ang pakiramdam kung ikaw ay tumatanggap ng kapatawaran? Kung ikaw ay nagpapatawad?

d. Bakit mahalaga ang magpatawad?

2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng kahalagahan ng pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan.

Edukasyon sa Pagpapakatao December 05, 20127:25-7:55 Wednesday

Page 3: Eduk Sa Pagpapakatao - Lesson Plan

Gabay na tanong:a. Ano ang mangyayari kung ang lahat

ng mga kasapi ng mag-anak ay nagkakasundo? Isulat sa pisara ang kanilang mga sagot.Halimbawa:

Magiging masaya ang lahat, maiiwasan ang away.

3. Batay sa kanilang mga sagot, gabayan ang mga mag-aaral upang maibigay nila ang kahulugan ng kaayusan at kapayapaan. Isulat ito sa pisara.

4. Pangkatin ang klase sa ___. Sabihin sa klase na mag-isip ng mga paraan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan. Ipasulat ang mga ito sa manila paper. Ipaalala ang mga tuntunin sa pangkatang Gawain. Bigyan sila ng limang minute sa pagtalakay at paghahanda sa kanilang presentasyon. Gabayan sila sa pagsulat ng kanilang mga sagot.

5. Hayaang ibahagi sa klase ng bawat pangkat ang kanilang presentasyon. Iminumungkahi na talakayin agad ang mga sagot ng bawat pangkat bago talakayin ang susunod na pangkat.

6. Pagkatapos makapaglahad lahat ng pangkat, Hikayatin pa ang mga mag-aaral na magbigay ng ibang paraan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Gabayan ang mga bata sa iba pang halimbawa na makikita sa diyalogo na nasa yunit. Hikayatin silang magpaliwanag.

ISAGAWA

1. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga Gawain 1, 2, 3, at 4.

2. Talakayin ang sagot ng mga bata.

ISAPUSO

1. Gabayan ang mga mag-aaral na lubos na maunawaan ang nakasulat sa TANDAAN say unit.

2. Bilang karagdagang Gawain, ipaskil ang sagisag ng kapayapaan (kalapati o dove) sa gitna ng pisara. Itanong kung ano ang kanilang ideya sa isinasagisag nito. Kung wala silang ideya, sabihin kung ano ang sinasagisag nito.

3. Pangkatin ang mga bata. Pagkatapos, bigyan ang bawat pangkat ng manila paper at ipasulat ang kanilang maaaring gawin/ginagawa upang makamit at

mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan.Halimbawa: Isulat/iguhit sa manila paper ang mga ito. Sa paligid ay isusulat naman ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot.

Iiwasan ko ang mainggit sa aking kapatid.

Susundin ko ang mga tuntunin sa bahay.

4. Pagkatapos na makasulat ang mga bata, sabihing ibahagi naman sa ibang pangkat ang kanilang ginawa.

5. Hayaang pagnilayan ng mga bata ang kanilang ginawa. Maaaring ipaskil ang mga ito sa isang sulok ng silid-aralan o itabi upang maignay sa pagtalakay sa pagdiriwang ng United Nations.

ISABUHAY

Ipagawa ang Gawain 1. Ipabahagi sa klase ang kanilang napiling simbolo ng kapayapaan. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na ipakita kung ano ang napili nilang simbolo at bakit nila pinili ito.

SUBUKIN

1. Pasagutan ang Gawain 1, 2, 3, at 4.2. Talakayin ang sagot ng mga bata sa

iba’t-ibang gawain.

ARALIN 3: Pagkalinga sa Kapaligiran

Upang maisakatuparan ang adhikang ito, iminumungkahi ang sumusunod na tanong bilang patnubay sa pagtuturo sa araling ito.

Mga patnubay na tanong:

1. Ano sa iyong palagay ang kahulugan ng kapaligiran?

2. Bakit mahalaga na mapangalagaan ang kapaligiran?

Edukasyon sa Pagpapakatao December 06, 20127:25-7:55 Thursday

Page 4: Eduk Sa Pagpapakatao - Lesson Plan

3. Magbigay ng mga paraang iyong ginagawa upang mapangalagaan ang iyong kapaligiran.

ALAMIN

1. Sabihin sa mga mag-aaral na maglabas ng isang bagay mula sa kanilang bag o bulsa na sa kanilang palagay ay maituturing nilang basura.

2. Bigyan ang bawat isa ng kopya ng KWL chart (o pakopyahin ang KWL chart). Ipaliwanag ang mga bahagi nito.

Ano ang aking

nalalaman?

Ano ang nais ko pangMalaman?

Ano ang aking

Nalaman?

3. Ipasulat sa unang kolum kung ano ang alam nila tungkol sa salitang basura.

4. Ipagtambal ang mga mag-aaral at talakayin ang kanilang sagot. Bigyan sila ng 2-3 minuto.

5. Tumawag ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot.

6. Itanong sa mga mag-aaral kung ano pa ang nais nilang malaman tungkol sa basura. Ipasulat ito sa ikalawang kolum. Bigyan sila ng 2-3 minuto.

7. Sabihin sa mga mag-aaral na ibahagi sa kanilang kapareha ang kanilang sagot.

8. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang napag-usapan.

9. Sabihin na itabi muna ang kanilang KWL chart. Balikan ito matapos ang pagtalakay sa aralin ukol sa kapaligiran.

ISAISIP

1. Dalhin ang mga mag-aaral sa halamanan ng paaralan at hayaan silang magmasid sa paligid. Hikayating gamitin nila ang kanilang limang senses. Bigyan sila ng tatlong minuto.

2. Matapos ang kanilang pagmamasid, hikayatin ang mga mag-aaral na sabihin ang kanilang naobserbahan. Hayaang ilarawan nila ang mga ito.

3. Isulat ang kanilang mga sagot sa pisara. Hayaang sila ang magsabi na ang lahat ng ito ay makikita sa kanilang paligid. Gabayan ang mga mag-aaral na ibigay ang kahulugan ng kapaligiran.

Halimbawa: Gumuhit ang bata sa gitna at sa paligid niya ay isulat ang mga sagot ng mag-aaral.

4. Pangkatin ang mga bata. Talakayin ng bawat pangkat ang sumusunod na konsepto:a. Bilang kasapi ng mag-anak, paano

mo mapapangalagaan ang kapaligiran ng iyong tahanan?

b. Bakit mahalagang mapangalagaan ko an gaming kapaligiran?

(Bigyan sila ng 10 minuto sa pagtalakay at paghahanda sa kanilang presentasyon-role play, patula, atbp. At 2-3 minuto lamang ang ilalaan nila para sa presentasyon. Ipaalala ulit ang mga alituntunin sa pagsasagawa ng pangkatang Gawain.)

5. Presentasyon ng bawat pangkat

(*Iminumungkahi na talakayin agad ang mensahe ng bawat pangkat. Isulat ito sa pisara.)

6. Matapos ang lahat ng presentasyon, ibaling ang pansin ng bawat mag-aaral sa mga isinulat sa pisara. (halimbawa: Gumawa ng dalawang kolum gaya ng nasa ibaba.

Itatapon ang basura sa tamang lalagyan

Mapapanatiling malinis ang paligid

Isasara ang ilaw kung di ginagamit

Makakatipid ng kuryente

7. Gabayan ang mga mag-aaral upang sa kanila manggaling kung ano ang heading na ilalagay sa una at ikalawang kolum.

Gabay na tanong:Ano ang isinasaad ng mga

nakasulat sa unang kolum? Sa ikalawang kolum? Inaasahang sagot:

Mga paraan ng pagkalinga sa

kapaligiran

Epekto ng gawaing ito sa kapaligiran

8. Talakayin ang iba pang mahahalagang konseptong nasa yunit.

9. Balikang muli at talakayin ang ikatlong kolum ng KWL chart.

ISAGAWA

Page 5: Eduk Sa Pagpapakatao - Lesson Plan

1. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral na gawin ang iba’t-ibang gawain.

2. Talakayin ang mga sagot sa bawat gawain.

ISAPUSO

1. Gabayan ang mga bata na maunawaan ang nakasulat sa TANDAAN.

2. Bigyan ng pagkakataon ang klase na pag-isipan at pagnilayan ang nilalaman nito.

ISABUHAY

1. Pag-usapan ang mga sitwasyon na nasa yunit upang maunawaan ng mga bata ang kanilang gagawin.

2. Gabayan ang mga bata habang sinasagutan ang gawain.

3. Ipaliwanag kung ano ang gagawin ng nanay o tatay sa kanilang sagot sa gawain.

SUBUKIN

1. Gabayan ang mga bata sa pagsagot sa Gawain 1, 2, 3, 4 at 5.

2. Pag-usapan ang kanilang mga sagot sa bawat gawain.

CULMINATING ACTIVITY

Sa mga gawaing ito ay binigyang-diin ang mga konseptong tinalakay sa Aralin 1, 2, at 3.

I. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang magawa nila ang bookmark na matatagpuan say unit. Ito ay maaaring ibigay nila sa isang tao na kanilang nasaktan ang damdamin. Ang mga ito, kasama ng mga ginawa nilang mga gamit nan i-recycle ay maaaring isama sa exhibit sa Earth Day Celebration.

II. Maglaro TayoGumawa ng isang board game gamit ang isang manila paper at pentel pen katulad ng nasa ibaba.

Layunin: Makarating mula sa starting line hanggang sa finish line. Kung sino sa mga manlalaro ang unang makarating sa finish line ay siyang itatanghal na panalo.

Bilang ng manlalaro: 2 hanggang 5Mga kaibigan: 2-5 tansan (bilang pamato), 1 dice

Paraan:1. Maglalaro muna ng “gunting-papel-

bato” upang malaman ang pagkakasunod-sunod ng maglalaro.

2. Ihahagis ng unang manlalaro ang dice upang malaman kung ilang hakbang ang kanyang gagawin. Maaring sumulong o manatili sa kinalalagyan ang pamato ayon sa bilang na makikita sa dice.

3. Susunod na maglalaro ang ikalawang bata at gagawin ang mga naunang hakbang hanggang matapos ang laro.

Mga nilalaman ng board game:

Paalala: Maaring i-modify/simplify sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga kahon.

1. Humingi ng paumanhin sa aking nanay. (3 hakbang pasulong)

2. Maingay kaming naglaro ng aking kapatid kahit alam naming natutulog pa ang tatay. (5 hakbang pabalik)

3. Tumulong akong magtanim ng mga bulaklak sa bakanteng lote n gaming bakuran. (2 hakbang pasulong)

4. Nang aking marinig ang tawag ng lolo ay agad akong sumagot. (1 hakbang pasulong)

5. Padabog akong sumunod s autos ni tatay. (Bumalik sa starting line)

6. Hindi ko kinibo ang tiyo dahil si kuya lang ang ibinili niya ng bagong laruan. Kaarawan kasi ni kuya, (3 hakbang pabalik)

7. Gumawa ako ng lalagyan ng aking mga gamit tulad ng gunting, ruler, at lapis mula sa lumang kahon ng sapatos. (3 hakbang pasulong)

8. Binato naming magkakapatid ang mga ibon sa aming bintana.(2 hakbang pabalik)

9. Palagi akong nagpapaalam sa nanay kung hindi ako makakauwi sa oras. (2 hakbang pasulong.)

10. Hinahayaan kong nakabukas ang telebisyon kahit na ako ay naglalaro. (manatili)

Edukasyon sa Pagpapakatao December 07, 20127:25-7:55 Friday

Page 6: Eduk Sa Pagpapakatao - Lesson Plan

11. Ginagamit ko ang bag ni Ate kahit walang paalam (3 hakbang pabalik)

12. Kung sira an gaming gripo ipinapaalam ko sa tatay. (2 hakbang pasulong)

13. Gumamit ako ng malinis na tubig sa paglilinis ng aking laruan kahit may tubig mula sa pinagbanlawan ng mga damit. (manatili)

14. Umaalis ako sa bahay kapag alam kong maglilinis na kami n gaming silid ni Kuya. I3 hakbang pabalik)

15. Sa pagtatapon ng basura ay nilalaro koi to ng parang basketball. (2 hakbang pabalik)

Mga Mungkahi:

1. Maaring gumawa ng 4 na board game para sa apat na pangkat. Maaari rin naming hikayatin ang mga bata na gumawa ng sarili nilang board game. Matapos laruin ang kanilang board game ay maaaring makipagpalitan sa ibang pangkat.

2. Ipaalala ang mga alituntunin sa paglalaro. (Halimbawa: Maglaro ng tapat. Bigyan ng pagkakataon ang lahat upang makapaglaro.)