epp vi 1st rating

62
EPP VI Date: I. Natatalakay ang kahalagahan ng pagpapanatiling maayos at mabikas na paggayak Pagpapahalaga: Pagiging maayos II. Paksang Aralin: Kahalagahan ng Maayos at Mabikas na Paggayak Sanggunian: PELC - A 1.1.1 ph. 1 Agap at Sikap TX, ph. 6 Kagamitan: Tsart, mga larawan III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Balik Aral Pagpapakita ng mga gamit sa pagaayos ng sarili. Paano ginagamit ang mga ito? 2. Pagganyak Pagtawag sa mga batang may maayos na paggayak. Ano ang masasabi ninyo sa mga bata sa inyong harapan? Ano ang kapansin-pansin sa kanila? B. Panlinang na Gawain: 1. Paglalahad Pagpapakita ng larawan ng isang batang may maayos na gayak o kaanyuan at ang isa ay hindi. Alin sa dalawa ang inyong nais parisan? Bakit? 2. Pagsusuri/Pagtatalakay Anu-ano ang mga katangian ng Isang taong may maayos na kaanyuan? Anu-ano ang mga kahalagahan ng pagpapanatiling maayos at mabikas na paggayak? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Bakit mahalagang panatilihin ang pagiging maayos at mabikas na paggayak? 2. Paglalapat Kayo ay sasama sa field trip ng inyong paaralan, ano ang dapat ninyong isuot at bakit?

Upload: paulman-manatad-paulo

Post on 16-Dec-2015

109 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

epp

TRANSCRIPT

EPP VI

Natatalakay ang kahalagahan ng pagpapanatiling maayos at mabikas na paggayak

Pagpapahalaga:Pagiging maayos

II. Paksang Aralin:Kahalagahan ng Maayos at Mabikas na Paggayak

Sanggunian:PELC - A 1.1.1 ph. 1 Agap at Sikap TX, ph. 6Kagamitan:Tsart, mga larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralPagpapakita ng mga gamit sa pagaayos ng sarili. Paano ginagamit ang mga ito?

2. PagganyakPagtawag sa mga batang may maayos na paggayak. Ano ang masasabi ninyo sa mga bata sa inyong harapan? Ano ang kapansin-pansin sa kanila?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadPagpapakita ng larawan ng isang batang may maayos na gayak o kaanyuan at ang isa ay hindi. Alin sa dalawa ang inyong nais parisan? Bakit?

2. Pagsusuri/Pagtatalakay Anu-ano ang mga katangian ng Isang taong may maayos na kaanyuan? Anu-ano ang mga kahalagahan ng pagpapanatiling maayos at mabikas na paggayak?

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatBakit mahalagang panatilihin ang pagiging maayos at mabikas na paggayak?

2. PaglalapatKayo ay sasama sa field trip ng inyong paaralan, ano ang dapat ninyong isuot at bakit?

IV. Pagtataya:Sagutin ang mga sumusunod na pangungusap ng Oo o Hindi. 1.Nakadaragdag ba sa personaiidad ng isang tao ang maayos at mabikas na paggayak? 2.Marami bang kaibigan ang isang batang may maayos at mabikas ang paggayak? 3.Magaan ba ang pakiramdam ng Tsang taong maayos at mabikas ang gayak?

V. Takdang-Aralin:Magbigay ng limang kahalagahan ng isang batang may mabikas at maayos na kaanyuan/gayak.

EPP VIDate: I.Layunin:

EPP VIDate: I.Layunin:

Natutukoy ang mga kailangan upang maging maayos at mabikas ang tindig

Pagpapahalaga:Pagiging maayos sa sarili

II. Paksang Aralin:Mga Kailangan Upang Maging Maayos at Mabikas ang Tindig

Sanggunian:PELC - A 1.1.2 ph. 1 Agap at Sikap, ph. 9Kagamitan:Larawan ng batang maayos at mabikas ang tindig at isang batang di maayos ang bikas at tindig

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik-aral:Ano ang mga kailangan upang magkaroon ng maayos at mabikas na pagganyak?

2, Pagganyak:Pagpapakita ng larawan ng isang batang maayos ang tindig at isang batang di maayos ang tindig.Ilarawan ang mga batang nasa larawan.

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadTatawag ng mga bata sa harapan na may mabikas na tindig. Paano sila tumayo, umupo at lumakad?

2. Pagsusuri/Pagtatalakay Ano sa palagay ninyo ang mga bagay na kailangan o makakatulong upang mgaing maayos ang kanilang tindig? Ano ang ibig sabihin ng wastong tindig? Ng pagiging maayos sa sarili o kaanyuan? Paano ito gagawin o ipakikita?

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatAnu-ano ang mga kailangan upang maging maayos at mabikas ang tindig?

2. PaglalapatIpakita sa wastong pagkilos ang mga sumusunod upang magkaroon ng wastong tindig.a. paglakadd. pagdampot ng mabigat na bagayb. pag-upoe.pagdampot ng maliit na bagayc. pagtayo

IV. Pagtataya:Sumulat ng limang bagay na nararapat gawin upang maging maayos ang bikas at tindig?

V. Takdang-Aralin:Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng maayos at mabikas na tindig.

Naipakikita ang maayos at mabikas na paggayak

Pagpapahalaga:Pagiging maayos

II. Paksang Aralin:Maayos at Mabikas na Paggayak

Sanggunian:PELC - A 1.1.3 ph. 1 Agap at Sikap, ph. 6-9Kagamitan:Larawan ng mga taong may ibat ibang uri ng kasuotan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralAnu-ano ang mga kailangan upang maging maayos at mabikas ang tindig? Bakit mahalagang magkaroon ng maayos at mabikas na tindig?

2. PagganyakGusto ba ninyong malaman ang mga damit na angkop sa lugar at okasyon na inyong pupuntahan? Bakit?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadNgayon ay humanda sa pagpapakita ng isang fashion show. Pumunta kayo sa inyong mga grupo at alamin sa inyong lider ang gagawin.Unang Grupo- yari ng damit para sa okasyon Pangalawang Grupo - kulay ng damit sa kulay ng kutis

2. Pagsusuri/PagtatalakayAnu-ano ang mga tuntunin na dapat isaalang-alang sa pamimili ng kasuotang nababagay sa kanya?

C. Pangwakas na Gawain1PaglalahatPaano mo matitiyak na maayos at mabikas ang inyong gayak?

2. PaglalapatPagpapamalas ng isang bata ng pampormal na kasuotan.

IV. Pagtataya:Sagutin ang pamantayan sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (^) sa tapat ng kolum. PamantayanOoPaminsan minsanHindi1. Nababagay ang yari ng damit sa okasyon2. Nababagay ang kulay ng damit sa kulay ng kutis3. Tama ang lapat at sukat

V. Takdang-Aralin:Laging magsuot ng maayos na angkop sa lugar at okasyon no pupuntahan.

Natatalakay ang pang-araw-araw no gawain sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan

Pagpapahalaga:Pagiging maingat sa mga kasuotan at kagamitan

II. Paksang Aralin:Pang-araw-araw na Pangangalaga sa Kasuotan at Kagamitan

Sanggunian:PELC -A 1.2.1 ph. 1 Agap at Sikap, ph. 16-19Kagamitan:Tsart, plaskard

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralSabihin kung ang mga sumusunod ay kagamitan o kasuotan.

abanikosinturonalahas

blusapantalonrelo

T-shirtpayongduster

2. PagganyakAno ang ginagawa ninyo sa inyong hinubad na damit upang maisuot na muli? Sa mga kagamitan upang magmukhang bago?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadTingnan/Masdan ang mga kasuotan at kagamitan sa ibabaw ng mesa na marumi, may punit, may butas at may tastas. Paano natin mapangangalagaan ang mga ito? Pagsulat sa pisara ng mga sagot ng bata.

2. Pagsusuri/Pagtatalakay Alin sa mga nakasulat sa pisara ang isinasagawa araw-araw at paminsan-minsan? Bakit kailangang isagawa ang wastong pangangalaga ng mga kasuotan at kagamitan arawaraw? Magbigay pa ng mga pang-araw-araw na gawain sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan.

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatBakit dapat pangalagaan ang mga kasuotan at kagamitan araw-araw?

2. PaglalapatPaano mo pinangangalagaan ang inyong kasuotan at kagamitan arawaraw?

IV. Pagtataya:Isulat kung anong pangangalaga sa kasuotan/kagamitan ang iyong magagawa sa mga sumusunod:1. nasabit sa pako ang laylayan ng palda at natastas2. nasunog sa plantsa ang iyong shorts

3. napasandal at naputikan ang iyong damit

V. Takdang-Aralin:Gumawa ng plano sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan.

Nakagagawa ng plano ng pang-araw-araw na gawain sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan

Pagpapahalaga:Pagiging masinop sa sariling kasuotan at kagamitan

II. Paksang Aralin:Plano sa Pangangalaga ng Kasuotan at Kagamitan

Sanggunian:PELC - A 1.1.1 ph. 1 Agap at Sikap TX, ph. 6Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan ph, 11-13Kagamitan:Larawan ng iba't ibang gawain sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralPaghula sa ginagawang pantomina ng guro.

EPP VIDate: I.Layunin:

naglalaba namamalantsa

nanunulsi ng damit naghahanger ng damit, atbp.

2. PagganyakAnu-ano ang mga dapat gawin upang mapangalagaang mabuti ang ating kasuotan at kagamitan arawaraw?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadPagpapakita ng larawan/tsart ng mga gawain sa pangangalaga ng kasuotan Alin sa mga gawaing to ang isinasagawa mo araw-araw?

2. Pagsusuri/Pagtatalakay Paano mo gagawin ang pangangalaga ng kasuotan at kagamitan ng hindi malilimutan? Paggawa ng pangkalahatang plano na dapat sundin araw-araw ng bawat pangkat. Pag-uulat ng bawat pangkat

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatBakit mahalagang mayroong plano sa pang-araw-araw na gawain sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan?

2. PaglalapatGumawa ng pansariling plano sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan.

IV. Pagtataya:Lagyan ng () ang araw kung kailang binabalak gawiang ang mga nakalistang gawaing.GawainLLMMHBS

1. Paglalaba2. Pananahi/Panunulsi3. Pag-aalis ng mantas4. Paglalaba ng panloob

V. Takdang-Aralin:Gumawa ng pampamilyang plano sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan. Magdala ng mga halimbawa ng pansariling kagamitan.

Nakasusunod sa plano ng paglilinis at pag-aayos ng mga kasuotan at kagamitan

Pagpapahalaga:Pagpapahalaga sa kasuotan

II. Paksang Aralin:Pangangalaga sa Kasuotan

Sanggunian:PELC - A 1.2.3 ph. 2;Agap at Sikap, ph. 20Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan, ph. 11-13Kagamitan:Larawan ng iba't ibang gawain sa paglilinis ng mga kasuotan at kagamitan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralBakit mahalagang mayroong plano sa pang-araw-araw na gawain sa pangangalaga ng kasuotan at kagamitan?

2. PagganyakKailangan ba nating pagplanuhan ang paglilinis at pag-aayos ng mga kasuotan at kagamitan?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadPagpapakita ng plano ng paglilinis at pag-aayos ng mga kasuotan at kagamitan. Alin sa mga ito ang isinasagawa mo araw-araw?

2. Pagsusuri/Pagtatalakay Paano mo pinaplano ang paglililnis at pag-aayos ng mga kasuotan at kagamitan? Paggawa ng pangkalahatang plano na dapat sundin araw-araw ng bawat pangkat.

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatBakit mahalagang magkaroon ng plano sa paglilinis at pag-aayos ng mga kasuotan at kagamitan?

2. PaglalapatGumawa ng pansariling plano sa paglilinis at pag-aayos ng mga kasuotan at kagamitan?

IV. Pagtataya:Lagyan ng tsek () kung tama ang pangungusap at ekis (x) kung mali. 1.Gamitin ang angkop na damit para sa panahon at okasyon. 2.Magpalit ng damit panloob araw-araw. 3.Maging maingat sa pagbibihis upang hindi mapunit.

V. Takdang-Aralin:Gumawa ng pansariling plano sa paglilinis at pag-aayos ng mga kasuotan at kagamitan

EPP VIDate: I.Layunin:

EPP VIDate: I.Layunin:

Nakasusunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paglilinis/pag-aayos ng kagamitan

Pagpapahalaga:Kalinisan ay kaayusan

II. Paksang Aralin:Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Paglilinis/Pag-aayos ng Kagamitan

Sanggunian:PELC - A 1.2.3 ph. 2 and 3 Agap at Sikap, ph. 19Kagamitan:Mga larawan/tunay na pansariling kagamitan tulad ng sapatos, sinturon, abaniko, atbp,

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralAnu-ano ang mga gawain ng pansariling kagamitan?

2. PagganyakMahalaga ba ito sa atin? Bakit?Magbigay ng isang pansariling kagamitan at sabihin ang kahalagahan nito.

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadIsa-isahin ang mga pansariling kagamitan na nasa harapan. Ano ang mga dapat gawin upang mapahalagahan ang mga ito?

2. Pagsusuri/Pagtatalakay Anu-ano ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paglilinis /pag-aayos ng kagamitan? Pagtawag sa mga bata at ipakita kung paano ang paglilinis at pagaayos ng pansariling kagamitan tulad ng bag, sapatos, belt, hair band, abaniko, atbp.

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatBakit dapat isaalang-alang ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paglilinis/ pag-aayos ng kagamitan?

2. PaglalapatPaglilinis at pag-aayos ng mga dalang pansariling kagamitan ng mga bata.

IV. Pagtataya:Paggamit ng tseklist.PamatayanOoPaminsan- minsanHindi1. Nailalagay ko ba sa tamang lalagyan ang tsinelas pagkahubad?2. Binabrush ko ba ang sapatos bago itago?3. Sinusuklay at pinananatiling maayos ang buhok

V. Takdang-Aralin:Gumawa ng talatakdaan sa pangangalaga ng pansariling kagamitan.

Naisasagawa ang wastong paglilinis / pagaayos ng kasuotan/kagamitan ayon sa plano/iskedyul

Pagpapahalaga:Pagpapahalaga sa kalinisan at kaayusan Pagkakaroon ng sariling talatakdaan ng mga gawain

II. Paksang Aralin:Wastong Paglilinis / Pag-aayos ng Kasuotan / Kagamitan ayon sa Plano / Iskedyul

Sanggunian:PELC - A-a.2.3.2 ph. 3; Agap at Sikap, ph. 20-21Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan ph. 11-12Kagamitan:Halimbawa ng plano sa pangangalaga ng kasuotan/kagamitan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralIpakita ang mga larawan ng gawain at sabihin kung ang gawain ay ginagampanan araw- araw, lingguhan, paminsan-minsan.

2. PagganyakIpakita ang tsart ng talatakdaan sa pangangalaga ng kasuotan kagamitan.

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadPangkatin ang mga bata at ibigay ang sitwasyon kung paano isasagawa ang wastong paglilinis / pag-aayos ng kasuotan/kagamitan ayon sa piano/iskedyul.

2. Pagsusuri/PagtatalakayPagsasagawa ng mga bata sa ibinigay na sitwasyon.Pagbibigay ulat ng bawat pangkat at isusulat sa pisara upang talakayin ng buong klase.

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatPaglalagay ng tsek () ang araw kung kailan dapat isagawa ang mga nakalaang gawain.

2. PaglalapatPaano mo isinasagawa ang wastong paglilinis/pag-aayosng kasuotan/kagamitan ayon sa plano/iskedyul?

IV. Pagtataya:Paggamit ng tseklist.PamatayanOoPaminsan-minsan1. Namamalantsa ba ako kung araw ng Linggo?2. Naglilinis ba ako ng sapatos kung araw ng Sabado?3. Nag-aayos ba ako ng bag pampaaralan araw-araw?

V. Takdang-Aralin:Isagawa ang wastong paglilinis/pag-aayos ng kasuotan/kagamitan ng ayon sa piano/iskedyul.

EPP VIDate: I.Layunin:

EPP VIDate: I.Layunin:

Natatalakay ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin at pananagutan ng ibang kasapi tungo sa kasiya-siyang pamumuhay ng mag-anak

Pagpapahalaga:Mapagmahal, magalang, matulungin at masunurin

II. Paksang Aralin:Kahalagahan ng Pagtupad sa Tungkulin at Pananagutan ng Kasapi ng Mag-anak

Sanggunian:PELC - A 2.1.1 ph. 3; Agap at Sikap, ph. 24-27Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan ph. 25-28Kagamitan:Mga larawan ng pamilya na nagtutulungan sa gawaing bahay, tsart, istrip ng papel

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralKumuha ng istrip sa kahon na may nakasulat na tungkulin ng bawat kasapi ng mag-anak. Sabihin kung sinong kasapi ang may tungkulin sa pagganap ng gawain.

2. PagganyakPagmasdan ang larawan ng isang pamilya na abala sa iba't ibang gawain sa loob at labas ng tahanan. Ano kaya ang magiging epekto nito sa maganak? Paano kung ang mga gawaing ito ay hindi magampanan?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadPagpapakita ng larawan (isang pamilyang maligaya at maakakasundo-sundo at ang isa ay magulo at nag-aaway)

2. Pagsusuri/Pagtatalakay Ano kaya ang dahilan kung bakit mayroong di-pagkakaunawaan ang mag-anak? Paano ninyo mapauunlad ang mabuting pagsasamahan ng mag-anak? Bakit mahalagang gampanan ng bawat kasapi ng mag-anak ang kanilang tungkulin? Anu- ano ang kahalagahan ng pagtupad ng tungkulin para sa kasiya-siyang pamumuhay ng mag-anak?

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatAnu-ano ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng bawat miyembro ng mag-anak?

2. PaglalapatIpakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang kahalagahan / kabutihang dulot ng pagganap sa mga tungkulin ng bawat kasapi ng mag-anak.

IV. Pagtataya:Lagyan ng tsek () ang bawat bilang kung ito ay nagsasaad ng kagandahang pagtupad sa tungkulin ng bawat kasapi ng mag-anak at ekis (x) kung hindi. 1.Naitaguyodang kasiya-siyang pagsasamahan ng mag-anak.

2.Nagkakaroon ang alitan at di pagkakaunawaan. 3.Lalong nagkakabuklod ang mag-anak.

V. Takdang-Aralin:Gumawa ng poster o islogan tungkol sa aralin.

Naipapakita ang wastong pagtupad ng tungkulin ng ibang kasapi ng mag-anak kapag kinakailangan tungo sa kasiya-siyang pamumuhay

Pagpapahalaga:Pagtupad sa tungkulin

II. Paksang Aralin:Pagtupad ng Tungkulin ng Ibang Kasapi ng Mag-anak

Sanggunian:Agap at Sikap, ph. 24-27Kagamitan:Istrips, dula-dulaan (role playing)

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralPaggamit ng plaskardSabihin kung kaninong tungkulin ang mga sumusunod: pamamahala ng gawaing bahay kumita ng pera para sa mag-anak mag-budget ng kita ng mag-anak tumulong sa mga gawaing bahay

2. PagganyakAnu-anong gawain ang kaya mong gampanan sa inyong tahanan?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadMagbigay ng mga pagkakataong di maiwasan sanhi ng di pagtupad sa tungkulin.Halimbawa:Biglang pagkakasakit

2. Pagsusuri/PagtatalakayPagro-role play ng iba't ibang sitwasyon tulad ng: Biglang pagpunta ng nanay mo sa probinsya, bilang panganay, ano ang gagawin mo? Nagkasakit ang iyong tatay at kinakailangang ,nagpahinga ng isang buwan. Bilang panganay na anak na lalaki, ano ang gagawin mo?

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatPaano mo maipakikta any wastong pagtupad ng tungkulin ng ibang kasapi ng mag-anak kapag kinakailangan tungo sa kasiya-siyang pamumuhay?

2. PaglalapatBilang nakakatandang kapatid, ano ang gagawin ma kung biglang may pinuntahan ang nanay ma ng dalawang araw?

EPP VIDate: I.Layunin:

IV. Pagtataya:Isulat ang magagawa kung sakali't ang sumusunod na kasapi ay di makatupad sa kanilang tungkulin,1. ama2. ina3. katulong4. nakatatandang kapatid

V. Takdang-Aralin:Magdala ng iba't ibang larawan ng sanggol.

Naisasagawa ang wastong pangangalaga sa sanggol

Pagpapahalaga:Mapamaraan / Matiyaga

II. Paksang Aralin:Wastong Pamamaraan sa Pag-aalaga ng Sanggol

Sanggunian:Agap at Sikap, ph. 32-36Kagamitan:Manika, lampin, pardible, damit, gamit sa pagpapakain at pagpapaligo sa sanggol

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralPagpapakita sa aktwal na kagamitan ng sanggol at sabihin kung saan at paano ito ginagamit.

2. PagganyakSino sa inyo ang may kapatid na sanggol? Paano n'yo ito inaalagaan?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadPagpapakita ng larawan ng wasto at magiliw na pag-aalaga ng sanggol. Paano ipinapakita sa larawan ang wasto at magiliw na pag-aalaga sa sanggol?

2. Pagsusuri/Pagtatalakaya. Pagpapakitang turo at magiliw na pag-aalaga sa sanggol sa pamamagitan ng paggamit ng manika.

EPP VIDate: I.Layunin:

Pagpapakain sa sanggol Pagpapaligo Pagpapatulog Pagbibihis ng sanggol

b. Ano ang napapansin mo sa ginawang pakitang turo?

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatPagpapakitang gawa ng bang bata kung paano ang wastong pamamaraan ng pagpapaligo at pagbibihis ng sanggol.

2. PaglalapatPaano mo maipapakita ang wasto at magiliw na pag-aalaga sa sanggol?

IV. Pagtataya:Sagutin kung Tama o Mali. 1.Bigyan agad ng pagkain ang sanggol kung ito ay iiyak. 2.Palitan kaagad ang basang lampin ng sanggol. 3.Patulugin ang sanggol sa mahinay na tapik at himig.

V. Takdang-Aralin:Gumawa ng laruan para sa sanggol.

EPP VI

Date:

I. Layunin: Natutukoy ang pagkakaiba ng nnga katangian ng mga sanggol

Pagpapahalaga:Naipakikita ang pagpapahalaga sa katangian ng sanggol

II. Paksang Aralin:Mga Pisikal na Katangian ng Sanggol

Sanggunian:Agap at Sikap, ph. 29Kagamitan:Tsart, larawan ng sanggol, pagpapantomina, plaskard

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralPahulaanPagsasagawa ng tungkulin ng mga kasapi ng mga mag-anak sa pamamgitan ng pagpapantomina at sabihin kung ano ang isinasagawa.

2. PagganyakSinu-sinu ang may kapatid na sanggol? Anu-ano ang mga edad ng mga ito?Pare-pareho ba sila ng katangian? Bakit?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadPagpapakita ng larawan ng sanggol mula pagsilang hanggang labing limang buwan.

2. Pagsusuri/PagtatalakayPaglalarawan/ pagpapantomina sa mga katangian ng sanggol na nakasaad sa plaskard. Pagpapaliwanag ng guro sa mga katangian ng sanggol mula 1 hanggang 15 buwan, Paghahambing ng mga katangian ng sanggol sa isang apat na taong gulang na bata.

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatAno ang katangian ng mga sumusunod na sanggol:

1 hanggang 2 buwang sanggol 3 hanggang 4 na buwang sanggol 5 buwan 6 buwan 9 - 10 na buwan 12 - 15 na buwan

2. PaglalapatAno ang napansin ninyo sa inyong kapatid na sanggol na naiiba sa larawan?

IV. Pagtataya:Ibigay ang pagkakaiba ng katangiang pisikal ng sanggol sa edad mula 1 - 15 na buwan.

V. Takdang-Aralin:Magdala ng manika na katulad ng sanggol.

Date:

I. Layunin: Naipapakita ang wastong pamamaraan/panuntunang pangkalusugan, pangkaligtasan sa pag- aalaga ng sanggol

Pagpapahalaga:Naipakikita ang kakayahan sa pag-aalaga ng sanggol

II. Paksang Aralin:Wastong Pamamaraan/Panuntunang Pangkalusugan/Pankaligtasan sa Pag-aalaga ng Sanggol

Sanggunian:Agap at Sikap, ph. 35-36Kagamitan:Plaskard, manika, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralKumuha ng istrip sa pocket tsart at sabihin kung anong pisikal na katangian ng sanggol ang namamalas sa edad na nakasaad.

2. PagganyakSinu-sino ang may kapatid na sanggol? Tumutulong ba kayo sa pag-aalaga? Paano?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadMagbigay ng wastong pamamaraan na dapat isaisip kapag nag-aalaga ng sanggol. Isulat sa pisara ang sagot ng bata.Ipakita sa paggamit ng manika ang wstong pamamaraan/panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng sanggol.

2. Pagsusuri/PagtatalakaySabihin kung panuntunang pangkalusugan o pangkaligtasan sa wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng sanggol.

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatAnu-ano ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng sanggol?

2. PaglalapatKung may kapatid kang sanggol, paano mo maipakikita sa amin sa pamamagitan ng manika ang wastong pamamaraan sa pag- aalaga ng sanggol?

IV. Pagtataya:Isulat sa papel kung tama/mali ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap. 1.Painumin ng sariwang gatas ang sanggol. 2.Bihisan ng angkop na damit ang sanggol upang maginhawa siya sa pagkilos. 3.Iwasan ang paghalik sa bibig ng sanggol.

V. Takdang-Aralin:Magdala ng kagamitan ng sanggol.

EPP VI

EPP VIDate: I.Layunin:

Natatalakay ang mga salik na dapat isaalang-alang sa mabisang pangangasiwa sa mga gawaing pantahan.

Pagpapahalaga:Naipakikita ang pagpapahalaga sa pangangasiwa sa tahanan.

II. Paksang Aralin:Mga Salik na Dapat Isaalang-alang sa Mabisang Pangangasiwa sa mga Gawain sa Tahanan

Sanggunian:Agap at Sikap, ph. 38-41Kagamitan:Larawan ng pamilya/tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralUpang magkaroon ng kasiya-siyang pamumuhay sa loob ng tahanan, anong katangian ang dapat taglayin ng bawat kasapi ng maganak?

2. PagganyakPagpapakita ng larawan ng mag-anak na may kani-kanilang gawain. Ano ang ginagawa ng bawat kasapi ng mag-anak? Paano nila ginagawa ang kanilang tungkulin? Angkop ba ang gawain sa bawat isa?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadPag-usapan ang nakasulat satsart ng mga hakbang sa pangangasiwa sa gawaing pantahanan.

Pagbabalak Pagbuo at pagtatalaga ng tungkulin Pagsasagawa at pamamtnubay Pagpapahalaga

2. Pagsusuri/Pagtatalakay Paano isinasagawa ang mga gawain sa tahanan? Anu-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa mabisang pangangasiwa ng gawaing pantahanan? Isulat sa pisara ang sagot.

1. pangangailangan2. kakayahan3. gulang4. panahon

Bakit kailangang malaman o isaalang-alang ang mga salik sa pangangasiwa ng gawaing pantahan?

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatBakit kailangang pahalagahan ang mga salik sa pagbibigay ng gawain sa miyembro ng mag-anak?

2. PaglalapatPaano magiging mabisa ang pangangasiwa ng magulang sa mga gawain sa inyong tahanan?

IV. Pagtataya:Bakit kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod na salik sa pangangasiwa ng gawain sa inyong tahanan?gulang kalusugan pangangailangan panahon kakayahan

V. Takdang-Aralin:Sumulat ng karaniwang pinagkukunan ng mag-anak.

Natatalakay ang mga paraan sa paggawa sa tahanan at mga pinagkukunan ng kailangan

Pagpapahalaga:Pagiging maagap

II. Paksang Aralin:Lawak: Pangangasiwa ng mga Gawain sa Tahanan at mga PinagkukunanAralin: Talatakdaan ng mga Gawain at mga Pinagkukunan

Sanggunian:PELC 2.2.2.2;Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 pp. 41-50; 53-55 Manwal ng Guro sa UP 5 pp. 30-31; pp. 43-45Kagamitan:Tsart ng huwarang talatakdaan, larawan ng isang pamilya na may iba't ibang gawain, iskor kardSaloobin:Pagtutulungan, Pagkakaisa, Pagkamasunurin

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Paghahanda2. PagsasanaySinu-sino ang bumubuo sa isang pamilya? Anu-ano ang tungkulin ng bawat isa?

3. Balik AralIguhit ang mukhang masaya kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at mukhang malungkot kung mali ang pangungusap sa bawat bilang. 1.Ang lahat ng kagamitan ng sanggol ay dapat na malinis. 2.Dapat na matitigas ang mga pagkaing ibibigay sa sanggol. 3.Walang masamang idudulot ang pagkabasa ng pusod ng isang sanggol.

B. Panlinang na Gawain:1. PangganyakPagpapakita ng larawan ng isang mag-anak na may iba't ibang gawain gayundin ang huwarang talatakdaang pangmag-anak sa tsart. Pag-uusap tungkol dito.

2. SuliraninPaano ang wastong paggawa ng pansariling talatakdaan at pangmaganak na talatakdaan?

3. Pag-aalis ng Sagabal talatakdaan pansariling talatakdaanpangmag-anak na talatakdaan

4. Karanasan sa Pagkatutoa. Pagbibigay ng pamantayan sa pagbasa ng tahimikb. Pagbasa ng tahimik sa teksto.c. Pagsagot sa mga tanong sa Alamin mo.d. Pagsagot 'sa suliranin.

EPP VIDate: I.Layunin:

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat Ang talatakdaan ay talaan ng mga gawain na dapat gampanan sa takdang oras at panahon. Ang paghahati-hati ng mga gawain sa tahanan ay dapat ibatay sa kakayahan, kalusugan at oras na bagay o angkop sa taong gaganap nito. Ang paggawa at pagsunod sa talatakdaan ay magpapagaan at magpapabilis ng paggawa.

2. PaglalapatPagpangkat-pangkatin ang klase sa lima. Papagbuuin sila ng pangmag-anak na talatakdaan na may 5 kasapi para sa araw ng Linggo.

IV. Pagtataya:Iskor Kard sa Pagmamarka ng GawainPamantayanOoHindi1. Inilista ba namin ng maayos ang lahat ng gawaing dapat isagawa ng isang mag-anak sa araw ng Linggo?2. Sapat ba ang oras na itinakda namin para sa bawat gawain?3. sinaalang-alang ko ba ang kakayahan at karanasan ng mga taong nakatakdang gumawa?

V. Takdang-Aralin:Gumawa ng inyong pansariling talatakdaan para sa araw ng Lunes. Tiyakin na sapat ang pagkakahati-hati ninyo ng oras para sa bawat gawain.

Nakasusunod ang talatakdaan ng mga gawain sa maayos at matipid na pangangasiwa ng mga gawaing pantahanan at ang panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan.

Pagpapahalaga:Pagsunod sa plano ng gawain

II. Paksang Aralin:Lawak:Pangangasiwa ng mga Gawain sa TahananAralin:Pagsasagawa ng mga Talatakdaan ng mga Gawain at Pangkalusugan at Pangkaligtasang Panuntunan sa Paggawa sa Tahanan

Sanggunian:PELC 2.2.2.3Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 pp. 43-45 Umunlad sa Paggawa pp. 43-45Kagamitan:Tsart ng mga ginawang talatakdaan ng mga bataSaloobin:Pakikiisa, Pagkamasunurin

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Paghahanda2. PagsasanayPunan ang patlang ng pinakatamang sagot. atetataykuyananaybunso1. Angay siyang tagapaghanapbuhay sa pamilya.2. Angay siyang tagapangasiwa ng lahat ng mga gawain sa tahanan.3. Siang nag-aalaga sa kanyang bunsong kapatid.

3. Balik AralPagbibigay puna ng mga bata sa huwarang talatakdaan at ang kahalagahan nito.

B. Panlinang na Gawain:1. PangganyakBakit mahalaga ang magkaroon tayo ng talatakdaan ng mga gawain? Sinu-sino sa inyo ang susunod sa inyong pansariling talatakdaan at pangmag-anak na talatakdaan?

2. SuliraninPaano mo masusunod ang talatakdaan ng mga gawain upang maging maayos at matipid ka sa pangangasiwa ng mga gawaing pantahanan?

3. Pag-aalis ng Balakidaksidenteregulatorasonoctopus plug

4. Karanasan sa Pagkatutoa. Tumawag ng ilang bata na magbabasa ng kanilang pansariling talatakdaan na kanilang ginawa.

EPP VIDate: I.Layunin:

b. Pagtatanong sa mga bata kung paano nila masusunod ang kanilang pansariling talatakdaang ginawa.c. Pagtatalakayan sa mga pangkalusugan at pangkaligtasang panuntunan sa paggawa sa tahanan.d. Pagsagot sa mga pangganyak na tanong at ang mga tanong sa Alamin Mo.

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatMakatitipid ng oras, lakas at panahon sa paggawa kung susundin ng maayos ang tamang oras na itinakda sa talatakdaan ng mga gawain.Dapat isaalang-alang ang pangkaligtasan at pangkalusugang gawi habang gumagawa upang maging ligtas ang paggawa.

2. PaglalapatPagbibigay ng ilang sitwasyon sa mga bata at pagtatanong kung ano ang higit nilang pahahalagahan at bakit?

IV. Pagtataya:Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.1. Nakalimutan mong iligpit ang iyong higaan. Nakalampas na ang takdang oras ng iyong pagliligpit, ano ang marapat mong gawin?a. Pabayaan na lang.b. Ligpitin ito ng madalian.c. Ipaligpit ito sa iyong nanay.d. Isara ang kuwarto nang hindi makita ng iyong nanay.2. Tinanghali ka ng gising kung kaya't hul ka na sa pagpasok sa paaralan. Ano ang mabuti mong gawin?a. Papasok ako sa klase kahit ako ay huli na.b. Bukas na lang ako papasok.c. Itutuloy ko na lang ang aking tulog.d. Makikipaglaro na lang ako at hindi na papasok.

V. Takdang-Aralin:Magtala ng mga pangkalusugan at pangkaligtasang gawi na inyo nang naisagawa sa bahay kung kaya't naiwasan ang aksidente.

Nailalapat ang mga paraan ng mabisang pangangasiwa sa gawaing pantahanan

Pagpapahalaga:Pagiging mapamaraan

II. Paksang Aralin:Lawak: Pangangasiwa ng TahananAralin: Matalinong Pangangaasiwa ng mga Pinagkukunan

Sanggunian:PELC 2.2.2.4 - RBECMakabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 pp. 56-59 Kagamitan:Halimbawang badyet ng isang pamilya na nakasulat sa tsart, buzz session Saloobin:Pagtitipid, Pagkamatalino

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Paghahanda2. PagsasanayIguhit ang mukhang masaya kung wasto ang pangungusap at mukhang malungkot kung mali ang pangungusap. 1.Hayaang nakakalat ang posporo kahit saan. 2.Lagyan ng pangalan ang iba't ibang sangkap ng pagkain sa bahay upang maiwasan ang aksidente. 3.Laging bunutin ang plug ng mga kuryenteng hindi ginagamit.

3. Balik AralPanuto: Punuan ang patlang ng tamang sagot. Pumili sa mga salita sa ibaba.

EPP VIDate: I.Layunin:

matalinong pagpapahalaga ligtas

talatakdaan pinagkukunan

1. Angay talaan ng mga gawain na dapat gampanan sa takdang panahon.2. Angpangangasiwa ay mahalaga upang maging maayos ang paggawa.3. Ang mgaay mga bagay na ginagamit ng tao at mag-anak upang mapabuti at mapaayos ang kanilang pamumuhay

B. Panlinang na Gawain:1. PangganyakSino ang tagapangasiwa ng tahanan? Anu-anong mga pinagkukunan ang kanyang pinangangasiwaan? Bakit mahalaga ang matalinong pangangasiwa ng mga pinagkukunan?

2. SuliraninPaano ang mabisang pangangasiwa ng (a) oras, lakas at panahon (b) pera at kita ng mag- anak (c) kagamitan at panustos?Paano ginagawa ang badyet ng mag-anak?

3. Paghawan ng Balakidpangangasiwaperabadyetpangangailangan

4. Karanasan sa Pagkatutoa. Hayaang mag-usap-usap ang bawat pangkat (buzz session) tungkol sa kanilang palagay o opinyon sa matalinong pagbabadyet ng pera ng maganak.b. Pag-uulat ng bawat lider ng pangkat sa kanilang nabuong kaisipan.c. Pagbasa nang tahimik sa aklat pp. 56-59.d. Paghahambing sa kanilang nabuong kaisipan at ang nakasulat sa aklat.e. Pagbibigay-lagom sa suliranin.

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatMahalaga ang mabisa at mahusay na pangangasiwa ng mga pinagkukunan upang mapaunlad ang kabuhayan ng mag-anak at bansa.Ang badyet ay ang matalinong paghahati-hati ng salapi at kita ng mag-anak.

2. PaglalapatPagawin ang bawat pangkat ng badyet para sa isang buong mag-anak na may 3 anak. Ang kita ng mag-anak ay P10 000 kada buwan. Ipapaliwanag ang pagkakahati-hati o bahagdan ng badyet na kanilang ginawa.

BahagdanPera

Pagkain

Kuryente

Tubig

Edukasyon

Damit

Ipon

Iba pang gastusin

IV. Pagtataya:Lagyan ng tsek () ang patlang kung matalinong pangangasiwa at ekis (x) kung maling pangangasiwa ang ipinahihiwatig sa bawat pangungusap. 1.Napanis ang pagkain sa dahilang maraming ulam ang iniluto ng kanyang nanay. 2.Nagahol sa oras ng pagluluto si nanay sa dahilang napasarap siya ng kuwentuhan sa kanyang kumare. 3.Natapos sa takdang oras ng paglalaba si ate sapagkat maliksi siya sa kanyang pagkusot

V. Takdang-Aralin:Gumawa ng badyet ng inyong baon batay sa napag-aralan. Humanda sa pagpapaliwanag nito bukas.Kabuuang Baon P

BahagdanPera

Meryenda Pamasahe Ipon

Natatalakay ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagbabalak ng pagkaing angkop sa iba't bang okasyon

Pagpapahalaga:Pagiging malikhain

II. Paksang Aralin:Lawak: Ang Mag-anak sa Pagdiriwang ng Iba't Ibang OkasyonAralin: Mga Salik sa Pagbabalak ng Pagkaing Angkop sa Iba't Ibang Okasyon

Sanggunian:PELC 2.2.3.1 - RBECMakabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 pp. 65-66Kagamitan:Larawan ng isang mag-anak na may idinadaos na okasyon, mga tunay na kagamitan sa bahay, iskor kardSaloobin:Pakikiisa, Pagtutulungan, Pagmamahal sa Pamilya

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Paghahanda2. PagsasanayTama o Mali 1. Gumamit ng talatakdaan ng mga gawain upang makatipid ng oras, lakas at panahon, 2. Ilagay ang mga kasangkapan kahit saan. 3. Ang pera ay hindi kailangang ibadyet.

B. Panlinang na Gawain:1. PangganyakIpakita ang larawan ng isang pamilya n nagdiriwang ng isang okasyon. Pag-usapan Ito.

2. SuliraninAnu-ano ang mga salik sa pagbabalak ng mga pagkaing angkop sa iba't bang okasyon?

3. Paghawan ng Balakidsalikkaugalianpagdiriwangbisita

4. Karanasan sa Pagkatutoa. Pagbibigay-pamantayan pagbasa nang tahimik.b. Pagbasa nang tahimik sa aklat.c. Pagtatalakayan sa bawat salik na dapat isaalang-a!ang sa pagbabalak ng mga pagkaing angkop sa iba't ibang okasyon.d. Pagsagot sa Alamin Mo at sa Suliranin.

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatAng pagbabalak ng pagkain ay nangagnailangan ng masusing pag-aaral upang matugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng mag-anak.

EPP VIDate: I.Layunin:

Ang ikapagtatagumpay ng isang okasyon ay nakasalalay sa maingat na pagbabalak, paghahanda at pagdudulot ng pagkain na pinagtulungang gawin ng mag-anak.

2. PaglalapatPangkatin ang mga bata sa lima. Bumuo ng isang payak na piano para sa isang simpleng okasyon na isinasaalang-alang ang mga salik sa pagbabalak ng pagkaing angkop sa iba't ibang okasyon.

IV. Pagtataya:Ang bawat pangkat ay magmamarka sa kanilang ginawa batay sa mga sumusunod na tanong.OoHindi1. Ang ginawa ba naming plano ay angkop sa uri ng okasyon o pagtitipon?2. Ang dami ba ng pagkaing ihahanda ay kakasya sa dami ng bisitang darating?1. Ang mga uri ba ng pagkaing ihahanda ay masarap at masustansiya?

V. Takdang-Aralin:Magbalak ng isang simpleng "Dinner Party" para sa iyong pamilya. Isaalang-alang ang mga salik sa pagbabalak ng pagkaing angkop sa iba't ibang okasyon. Humanda sa pagpapaliwanag nito bukas.

Nakapagbabalak ng masusutaqnsya, mura at sapat na pagkaing angkop sa okasyon.

Pagpapahalaga:Pagiging masinop

II. Paksang Aralin:Lawak:Pagkaing KakaininAralin:Pagbabalak ng Pagkain - Pagkaing Angkop para sa Meryenda

Sanggunian:PELC 2.2.3.2 - RBECMakabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 pp. 65-66; pp. 189-190 Umunlad sa Paggawa 5 pp. 70-73Kagamitan:Tsart ng isang huwarang banghaygawain, iskor kardSaloobin:Pagkamatipid, Pagkamalusog

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. PaghahandaPagtsetsek ng bawat lider sa isang bahagi ng katawan ng isang bata bilang gawaing pangkalusugan.

2. PagsasanayPagsunud-sunurin ang mga bahagi ng isang banghay-gawain. Lagyan ng bilang 1 5. Pagpapahalaga Layunin Pangalan ng Proyekto Mga Sangkap at Kagamitan Pamamaraan

3. Balik-aralAnu-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagbabalak ng pagkaing angkop sa iba't ibang okasyon?

B. Panlinang na Gawain:1. PangganyakPagpapakita ng mga tunay na sangkap na gagamitin para sa lulutuing Ginataang Halu- halo. Paguusap tungkol dito.

2. SuliraninPaano ang wastong paraan sa paggawa ng banghay-gawain sa lulutuing Ginataang Halu- halo?

3. Paghawan ng Balakidmapamaraanbalinghoykakang gatagalapong

4. Karanasan sa Pagkatutoa. Paggunita sa iba't ibang bahagi ng balangkas ng isang banghay gawain.

EPP VIDate: I.Layunin:

b. Pagpapakita ng isang huwarang banghay-gawain.c. Pagpapaliwanag sa bawat bahagi ng banghay-gawain.

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatAng pagbabalak ng pagkain ng mag-anak ay mahalaga upang makatipid ng lakas, panahon at pera sa pamimili at paghahanda nito.Ang mga salik sa pagbabalak ng pagkaing angkop sa iba't ibang okasyon ay dapat isaalang-alang upang maging matagumpay sa anumang banghay-gawain na nais isagawa.Ang banghay-gawain sa pagluluto ng Ginataang Halu-halo ay binubuo ng pangalang ng proyekto, layunin, kagamitang sangkap at dami, pamamaraan at pagpapahalaga.

IV. Pagtataya:Bawat pangkat ay magbibigay ng marka sa kanilang ginawa batay sa mga sumusunod na kiteryobnSagot

OoHindi

1. Nakibahagi ba ang lahat ng kasapi sa paggawa ng plano?2. Makabuluhan ba ang mga kaisipang ipinahayag ng bawat isa?3. Nakapagsalita ba sila ng malinaw at maayos?

Antas ng Kahusayan5-100%

4-90%

3-80%

2-70%

1-60%

V. Takdang-Aralin:1. Pag-aralang maigi ang natapos na banghay-gawain at ihanda ang mga sarili sa pagsasagawa nito bukas2. Dalhin ang mga sangkap at kagamitan sa pagluluto bukas.

Nailalapat ang kaalaman sa matalinong pamimili

Pagpapahalaga:Matalinong pamimili

II. Paksang Aralin:Paglalapat ng Kaalaman sa Matalinong Pamimili

Sanggunian:RBEC -A 2.2.3.3 ph. 59Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 ph. 173-175Kagamitan:Tsart ng gabay sa pamimili, mga sariwang pagkain

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralAnu-ano ang mga dapat isaalangalang sa pagpili ng masustansiya, mura at sapat na pagkaing angkop sa okasyon?2. PagganyakSinu-sino sa inyo ang may karanasan sa pamimili ng pagkain / sangkap sa palengke? Sino ang inyong kasama?Anong oras kayo namili? Paano ninyo pinipili ang inyong binibili?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadPagpapakita ng tray na may lamang sariwang prutas, gulay, karne, itlog atbp. Paano natin pinipili ang mga ito kung tayo ay namimili?

2. Pagtalakay Ano any mga dapat tandaan sa matalinong pamimili? Anu-ano ang mga tuntuning dapat malaman sa pamimili ng iba't ibang uri ng pagkain sa pamilihan? Bakit dapat maghanda ng listahan sa pamimili? Anu-ano ang mga wastong gawi na dapat ipakita kapag pumipili?

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatAno ang dapat gawin/malaman upang mailapat ang kaalaman sa matalinong pamimili?

2. PaglalapatIkaw ay naatasang mamili ng pagkaing ihahanda para sa iyong kaarawan. Ano ang mahalagang kasanayang natutuhan mo ang ilalapat sa pamimili?Paano mo maipapakita na ikaw ay matalinong mamimili?

IV. Pagtataya:Punan ng tamang salita ang mga patlang sa sumusunod na mga pangungusap.1. Kailangang maghanda ng _bago pumunta sa palengke upang mamili.2. ang dapat gamitin at hindi damdamin kapag namimili upang hindi masira ang badyet.3. Malambot na buto sang manok na pamprito.

EPP VIDate: I.Layunin:

V. Takdang-Aralin:Magdala ng mga larawan ng iba't ibang pamamaraan sa paghahanda ng pagkain.

Nasusunod ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng pagkaing angkop sa okasyon

Pagpapahalaga:Pagtutulungan at pakikiisa

II. Paksang Aralin:Wastong Pamamaraan sa Paghahanda ng Pagkaing Angkop sa Okasyon

Sanggunian:RBEC - A 2.2.3.4 ph. 59Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 ph. 178-180Kagamitan:Tsart ng katawagan sa paghahanda ng pagkain, mga kasangkapan at kagamitan sa paghahanda ng pagkain

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralAnu-ano ang mga dapat tandaan sa matalinong pamimili?

2. PagganyakAnu-ano ang mga ginagawa sa pagkain pagkatapos bilhin at bago ito bilhin?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadPagpapakita ng ibat ibang kagamitan at kasangkapan na ginagamit sa paghahanda ng pagkain?Paano natin ginagamit ang mga ito?

2. Pagtatalakay Pagbasa at pagpapaliwanag ng mga gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain. Pagpapakitang-turo ng guro ng mga gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain. Paghahanda ng bawat pangkat ng mga gawaing itinakda sa kanila. Pangkat 1-pagtatalop, pagbabalat, paghihiwaPangkat 2-paghihimay, pagtatadtad, pagdidikdik Pangkat 3-pagbabati, pagsasalaPangkat 4-pagkukudkod, pagsusukat Pangkat 5-pagkakaliskis, paghihiwa

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatAnu-ano ang mga wastong pamamaraan ng paghahanda ng pagkaing angkop sa okasyon?

2. PaglalapatPagsasagawa sa itinakdang gawain ng bawat pangkat. Bilang miyembro ng pangkat, ano ang dapat mong gawin?

IV. Pagtataya:Tseklist sa wastong pamamaraan ng paghahanda ng pagkain.

EPP VIDate: I.Layunin:

Sagot

OoHindi

1. Naghugas ng kamay bago hawakan ang pagkain.2. Maingat sa paghawak ng mga kasangkapan3. Naglaan ng supot na paglalagyan ng pinagbalatan.

V. Takdang-Aralin:Tumulong sa nanay sa paghahanda ng pagkain at itala ang mga pamamaraang ginamitsa paghahanda.Ihandang iulat sa klase.

Nakapagdudulot ng pagkaing angkop sa okasyo' sa wastong paraan

Pagpapahalaga:Maayos na pagdudulot ng pagkain

II. Paksang Aralin:Pagdudulot ng Pagkain sa Wastong Paraan

Sanggunian:RBEC - A 2.2.3.5 ph. 59 Umunlad sa Paggawa ph. 84-86Kagamitan:Mga kasangkapan sa pagdudulot ng pagkain, larawan ng Isang cover menu, istilo ng pagdudulot ng pagkain

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralAnu-ano ang mga wastong pamamaraan sa paghahanda ng pagkain?

2. PagganyakNaimbitahan na ba kayo sa iba't ibang handaan?Ano ang masasabi o napansin ninyo sa pagdudulot ng pagkain?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadPaGpapakita ng mga larawan ng iba't ibang ayos ng hapag-kainan.

2. Pagtatalakaya. Pagbasa ng tsart ng iba't ibang istilo sa pagdudulot at iugnay sa ipinakitang larawan.

EPP VIDate: I.Layunin:

Family style Russian style Compromise style Buffet style

Paano natin inaayos ang hapag-kainan? Paano inilalagay ang mga palamuti sa mesa?b. Pagpapakitang-turo sa wastong paraan ng pag-aayos ng isang cover at ang mga uri ng pagdudulot ng pagkain sa hapag-kainanc. Pagpapakitang-gawa ng mga bata (pangkatan).

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatPaano ninyo idinudulot ang pagkain sa angkop na okasyon sa wastong paraan?

2. PaglalapatKung kayo ang naatasang magdulot ng pagkain sa isang handaan, paano ninyo Ito idudulot? binyagan kasalan kaarawan

IV. Pagtataya:Batay sa ipinakitang pagdudulot ng bawat pangkat, gamitin ang iskor kard sa pagmamarka.

SukatanPuntos

1. Kumpleto ang kagamitan sa pag-aayos ng cover2. Wasto at masining ang pag-aayos ng hapag-kainan.3. Kaakit-akit ang mga palamuting inilagay.

V. Takdang-Aralin:Gumawa ng mga listahan ng mga karaniwang natitirang pagkain.

Naipakikita ang wastong paraan ng pagliligpit ng mga tirang pagkain upang mapakinabangan

Pagpapahalaga:Pagtitipid at maparaan

II. Paksang Aralin:Paraan ng Pagliligpit ng Tirang Pagkain

Sanggunian:RBEC - A 2.2.3.6 ph. 59Kagamitan:Tsart, mga sangkap sa pagluluto ng "Isdang may sarsang kamatis", kagamitan sa pagluluto

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik AralAnu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa paghahanda at pagdudulot ng pagkain?

2. PagganyakNasubukan ninyo na bang dumalo sa isang okasyon? Ano ang napapansin sa mga hapag-kainan?

B. Panlinang na Gawain:1. PaglalahadAno kaya ang dapat gawin sa mga natirang pagkain upang mapakinabangan pang muli?Pagtalakaysaparaanogawainsapagliligpitngnatitirangpagkainupang mapakinabangan pa.

2. PagtatalakayMagpakita ng isang hapag na may tirang mga pritong isda. Mga piling mag-aaral ay hayaang iligpit ang mga tirang pritong isda sa hapag-kainan at ipakitang-turo ang paghahanda ng "Isdang may sarsang kamatis". Bigyan ng gawain ang bawat pangkat.Pangkat 1paghahanda ng mga kagamitan at sangkap Pangkat 2-aktuwal na pagsasagawa sa pagsubaybay ng guro Pangkat 3pagliligpit ng mga kasangkapang ginamitAnong sangkap ang inihalo sa "Isdang may sarsang kamatis"? Maayos ba ang inyong pagkakagawa? Nasunod ba ang mga hakbang? Nagustuhan ba ninyo ang gawain?

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatMayroon bang paraan upang mapakinabangan pa ang natitirang pagkain? Paano maiiwasan ang pagtatapon ng mga pagkaing natira?

2. PaglalapatAno ang dapat gawin sa mga pagkaing natira?Mayroon pa ba kayong alam na paraan maliban sa "Isdang may sarsang kamatis'? Anu-anong paraan?

EPP VIDate: I.Layunin:

IV. Pagtataya:1. PasalitaAnu-ano ang mga sangkap na ginamit sa pagluluto ng "Isdang may sarsang kamatis"?

2. Aktuwal na Pagsasagawaa. Ipaalala angpamantayang pangkaligtasanb. Magsasagawa ng pagluluto ng "Isdang may sarsang kamatis".

V. Takdang-Aralin:Mamili ng isang paraan ng pagliligpit ng tirang pagkain at iulat sa klase ang hakbang na isinagawa.