epp vi 2nd rating

Upload: michael-joseph-santos

Post on 16-Jul-2015

13.490 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

EPP VIDate: ____________ I. Layunin: 1. Matukoy ang kahulugan ng paghahalaman. 2. Matalakay ang kabutihang dulot nito sa pamumuhay ng mag-anak.

II. Paksang Aralin: Ang Paghahalaman at Kabutihang Dulot sa Mag-anak a. Bilang ng araw - l b. Kagamitan - Mga larawan c. Sanggunian - Batayang Aklat, dahon 105 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagsasanay: Tukuyin ang inilala.awan ng bawat pangungusap. 1. Mga bagay na ginagamit ng tao at mag-anak upang mapaayos ang pamumuhay. 2. Mga hagay na galing sa kalikasan na ginagamit ng tao at mag-anak. 3. Mga yamang galing sa tao tulad ng lakas, talino, kalusugan at kaalarnan. 2. Balik-Aral: Ipaisa-isa ang kahalagahan ng mabisang pangangasiwa ng tahanan. B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Magpaskil ng larawan ng isang halamanan, iba't ibang gawain at pamamalakad sa paghahalaman. Ipasuri sa mga bata ang mga larawan at hayaan silang magbigay ng mga pangungusap hinggil dito. 2. Talasalitaan gugulin pagsugpo malayang oras polusyon

3. Pagbuo ng suliranin: Tingnan ang mga tanong sa "Alamin Mo," dahon 106 no Batayang Aklat. 4. Kasanasan sa Pagkatuto: 4.1 Sa tulong ng mga larawan talakayin ang kahulugan at mga kabutihang dulot ng paghahalaman. 4.2 Ipabasa ang Batayang Aklat dahon 105. 4.3 Papagkuwentuhin ang mga batang may karanasan sa pagtatanim ng halaman ng kanilang naramdaman. C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat: Masabi ng mga Bata ang nilalaman no "Tandaan Mo." dahon 105 ng Batayang Aklat. IV. Pagtataya: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mag-anak na may halamanan ay makatitipid sapagkat ___________. a. hindi na kailangang burnili ng gulay at prutas b. maipagbibili ang labis na ani c. mapagaganda nila ang paligid d. lahat ng nabanggit 2. Ang paghahalaman ay maaaring gawing __________. a. libangan c. hanapbuhay b. laruan d. a at c V. Takdang-Aralin: 1. Magsaliksik ng mga karagdagang impormasyon hinggil sa Paghahalaman. 2. Basahin ang Batayang Aklat, dahon 107-110.

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________

EPP VIDate: ____________ I. Layunin: 1. Maisa-isa ang mga kagarnitan sa Paghahalaman. 2. Matukoy ang gamit ng hawat isa. 3. Mapangalagaan ang mga kagamitan sa paghahalaman.

II. Paksang Aralin: Mga Kagamitan sa Paghahalaman a. Bilang ng araw - 1 b. Kagamitan - Aktuwal na inga kagamitan sa paghahalaman c. Sanggunian - Batayang Aklat, dahon 107-110 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagsasanay: Ibigay ang iba't ibang uri ng pinagkukunan at halimbawa nito bilang pagsasanay. 2. Balik-Aral: - Ano ang paghahalaman? - Bakit mahalaga ang paghahalaman? - Paano makatutulong ang paghahalaman sa mag-anak? sa bansa? B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Magpakita ng iba't ihang kagamitan sa paghahalaman. 2. Talasalitaan: kagannitan panghalili kasangkapan patapon

3. Pagbuo ng Suliranin: Tingnan ang mga tanong sa "Alamin Mo," dahon 110 ng Batayang Aklat. 4. Kasanayan sa Pagkatuto: 4.1 Bayaang kilalanin ng mga bata ang iba't ibang kagamitang itinanghal. 4.2 Ipatukoy sa kanila ang gamit ng bawat isa. 4.3 Gabayan ang mga bata sa paggawa ng panghaliling kagamitan. Sundin ang mga hakbang sa dahon 108-109 ng Batayang Aklat sa napiling kagarnitan. C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat: Masabi ng mga mag-aaral ang nilalaman ng "Tandaan Mo," dahon 110 ng Batayang Aklat. IV. Pagtataya: Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa puwang bago ang hilang.

A ______ 1. Kagamitang ginagainit sa pagbuhungkal ng lupa at pag-aayus ng kamang taniman. ______ 2. Pandilig ng mga tanim. ______ 3. Panghukay ng mga malalaking tipak ng lupa at ugat ng kahoy. ______ 4. Ginagamit sa pagtitipon ng kalat at tuyong damo. ______ 5. Ginagarnit sa paglilipat ng mga punla.

B a. dulos b. asarol c. kalaykay d. regadera e. Pala f. piko

V. Takdang-Aralin: 1. Ipasuri ang unga kagamitan sa paghahalaman na mayroon sa bahay. Kung may kulang na kagamitan gumawa ng panghalili. 2. Ipabasa ang Batayang Aklat, dahon 112-113.

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________

EPP VIDate: ____________ I. Layunin: 1. Matukoy ang iba't ibang pangkalusugan at pangkaligtasang panuntunan sa paghahalaman. 2. Masunod ang mga pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa paghahalaman.

II. Paksang Aralin: Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Paghahalaman a. Bilang ng araw - 1 b. Kagamitan - Mga larawan, tsart, flash cards c. Sanggunian - Batayang Aklat, dahon 112-113 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagsasanay: - Ibigay ang kahulugan ng paghahalaman. - Ibigay ang kahalagahan ng kaalaman sa paghahalaman sa sarili, mag-anak, at bansa. 2. Balik-Aral: Ipaisa-isa ang mga kagamitan sa paghahalaman at gamit ng bawat isa. B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Magpakita ng larawan ng isang bata na nagbubungkal ng lupa. Tanungin ang mga bata ng mga sumusunod: a. Ano ang ginagawa ng bata? b. Ano ang ginagamit niya sa pagbuhungkal? c. May nakikita ba kayong tao malapit sa kanya? Bakit kaya? 2. Talasalitaan: Pangkaligtasan pangkalusugan panuntunan

3. Pagbuo ng Suliranin: Basahin ang mga tanong sa "Alamin Mo, dahon 113 ng Batayang Aklat. 4. Kasanayan sa Pagkatuto: 4.1 Ipabasa ang Batayang Aklat dahon 112. 4.2 Talakayin ang paksa. 4.3 Ipalagom sa mga bata ang mga pangkalusugan at pangkaligtasang panuntunan sa paghahalaman. C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat: Masabi ng mga mag-aaral ang nilalarnan ng "Tandaan Mo," dahon 113 ng Batayang Aklat. IV. Pagtataya: Lagyan ng kung dapat gawin. x kung hindi dapat ang mga sumusunod na pangungusap. ______ 1. Gumamit ng angkop na kagamitan sa paggawa.

______ 2. Maligo at magpalit ng damit pagkatapos magbomba ng pataba at gamut na pamatay poste at kulisap. ______ 3. Gamitin ang mga kagamitan sa haghahalaman kahit sira na. V. Takdang-Aralin: Magsaliksik sa iba't ibang maka-agham na paraan ng paghahalaman. Ibahagi sa klase ang natuklasan.

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________

EPP VIDate: ____________ I. Layunin: 1. Matalakay ang isang maka-agham na gawaing pang-agrikultura tulad ng bio-intensive gardening. 2. Makapagplano ng isang maka-agham na gawaing pang-agrikultura tulad ng bio-intensive gardening. 3. Makasunod sa wastong paraan ng paggawa ng compost pit.

II. Paksang Aralin: Maka-agham na Gawaing Pang-agrikultura (Bio-intensive Gardening) a. Bilang ng araw - 1 b. Kagamitan - polycto, larawan, videotape o cd tungkol sa bio-intesive gardening c. Sanggunian - Batayang Aklat, dahon 115-118 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagsasanay: Ibigay ang iba't ibang kasangkapan sa paghahalaman at gamit nito. 2. Balik-Aral: Alalahanin ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahalaman. Halimbawa: Maglagay ng takip sa ilong at bibig kung nagbobomba ng pataba o pamatay kulisap. B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Tanungin ang mga bata kung ano ang maka-agham na pamamaraan ng pagtatanim. Alam ba ninyo ang ibig sabihin ng bio-intensive gardening? 2. Talasalitaan: bio-intensive gardening composting fish meal activator compost

3. Pagbuo ng Suliranin: Tingnan ang mga tanong sa "Alamin Mo," dahon 118 ng Batayang Aklat. 4. Kasanayan sa Pagkatuto: 4.1 Magkaroon ng film showing tungkol sa bio-intensive gardening o dili kaya papanoorin ang mga Bata ng wastong paggawa ng compost. Bigyan ang rnga bata ng gabay na mga tanong. 4.2 Talakayin ang kanilang napanood sa tulong ng mga gabay na tanong. 4.3 Ipabuod sa mga bata ang kanilang natutuhan. C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat: Hikayatin ang mga Bata na masabi ang nilalarnan ng "Tandaan Mo," dahon 118 ng Batayang Aklat.

IV. Pagtataya: A. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Sa bio-intensive gardening binibigyang-diin ang ___________ a. paggawa ng compost b. paggamit ng rnga kasangkapan c. pag-aalaga ng hayop d. wala sa nahanggit 2. Ang activator na ihinahalo sa compost ay maaaring __________ a. dumi ng hayop c. titik a at b b. fish meal d. wala sa nabanggit V. Takdang-Aralin: Pagsaliksikin ang mga mag-aaral sa maka-agham na gawaing pang agrikultura para sa karagdagang impormasyon.

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________

EPP VIDate: ____________ I. Layunin: 1. Malinang ang kaalaman sa paghahanda ng lupang pagtataniman. 2. Makasunod sa wastong hakhang ng paghahanda ng lupang taniman. 3. Makagamit ng angkop na kagamitan at kasangkapan sa paghahanda ng lupang taniman. 4. Maisaalang-alang ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahalaman.

II. Paksang Aralin: Paghahanda ng Lupang Pagtataniman a. Bilang ng araw - 5 b. Kagainitan - Larawan, flash cards c. Sanggunian - Batayang Aklat, dahon 120 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagsasanay: Ipasagot ang pagsasanay sa pisara tungkol sa mga pangkaligtasan at pangkalusugang panuntunan sa paghahalaman. 2. Balik-Aral: Ipaisa-isa ang mga hakhang sa paggawa ng compost sa mga bata. B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Magpakita ng larawan na nagpapakita ng mga hakbang sa paghahanda ng lupang taniman at hayaang magbigay ng sariling palagay ang mga bata tungkol dito. 2. Talasalitaan: buhaghagin patagin bungkalin pino

3. Pagbuo ng Suliranin: Hayaang bumuo ng mga suliranin ang mga hata. Ihamhing ito sa mga tanong sa "Alamin Mo," dahon 121 ng Batayang Aklat. 4. Kasanayan sa Pagkatuto: 4.1 Hayaang basahin ng mga Bata ang dahon 120 ng Batayang Aklat. 4.2 Magtalakayan hinggil sa nabasang paksa. 4.3 Ipaayos sa mga bata ang wastong pagkakasunud-sunod ng nmga hakhang (Ilagay sa flash cards/strips). 4.4 Magpakitang gawa sa mga hakhang sa paghahanda ng lupang taniman. 4.5 Balik pakitang-gawa ng mga bata. 4.6 Paggawa ng mga Bata sa pagsubaybay ng guro (Pambatang Paggawa). C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat: Ipabasa ang "Tandaan Mo," dahon 120 ng Batayang Aklat.

IV. Pagtataya: Punan wastong salita ang bawat patlang. Sa paghahanda ng lupang pagtataniman ay mahalagang linisin muna ang (1) _________. Alisin ang mga batong nakahalo at mga hindi (2)_________bagay gaya ng plastik, lata, bubog, at iba pa. Ipunin naman ang mga nabubulok na bagay gaya ng damo, dahon, at balat ng prutas upang gawing (3) __________. Buhaghagin at bungkalin ang lupa sa pamamagitan ng (4) ___________. Gumawa ng sukat ng kamang taniinan ayon sa laki ng lugar at muling hukayin ang lupa hanggang mapino. Haluan ng pataba ang lupa at patagin saa pamamagitan ng paggamit ng (5)__________. Diligan ang lupang naihanda Bago taniman. V. Takdang-Aralin: Ipasulat sa mga mag-aaral ang mga hakbang na dapat sundin sa paghahanda ng lupang taniman, mga kagamitan, at kasangkapang kailangan at ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa. Ang sumusunod na balangkas ay maaaring gamitin. Ipasulat ito sa kanilang kuwaderno. Paghahanda ng Lupang Pagtataniman Mga Hakbang Kagamitan at Kasangkapang Kailangan Panuntunang Pangkalusugun at Pangkaligtasan

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________

EPP VIDate: ____________ I. Layunin: 1. Makilala at matukoy ang wastong pamamaraan ng pagtatanim. 2. Makasunod sa wastong pamamaraan ng pagtatanim. 3. Mapangalagaan ang mga punla sa wastong paraan.

II. Paksang Aralin: Wastong Pamamaraan ng Pagtatanim a. Bilang ng araw - 6 b. Kagamitan - Larawan c. Sanggunian - Batayang Aklat, dahon 122-123 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagsasanay: Ipahigay sa mga bata ang gamit ng mga sumusunod: dulos pala regadera asarol piko pruning scissors 2. Balik-Aral: Ipaisa-isa ang mga hakhang sa paghahanda ng lupang taniman. Tawagin isa-isa ang mga bata. B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Magpakita ng larawan ng isang batang nagtatanim. Tanungin ang mga bata kung ano ang ginagawa ng batang nasa larawan. 2. Talasalitaan: tuwiran di-tuwiran

3. Pagbuo ng Suliranin: 3.1 Ano ang dalawang paraan ng pagtatanim? 3.2 Paano isinasagawa ang bawat pamamaraan? 3.3 Paano ang wastong pangangalaga ng mga punla? 3.4 Bakit dapat pangalagaan ang mga punla? 4. Kasanayan sa Pagkatuto: 4.1 Ipabasa ang Batayang Aklat, Dahon 122-123. 4.2 Talakayin ang wastong pamamaran ng pagtatanim. 4.3 Magpakitang turo hinggil sa mga hakhang sa tuwiran at dituwirang pagtatanim. C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat: Basahin at isaulo ang "Tandaan Mo," dahon 123 ng Batayang Aklat.

IV. Pagtataya:

Pangkatin ang mga bata at bigyan ng kaukulang uri ng halaman na kanilang itatanin sa pamamagitan ng dituwirang pagtatanim. Subayhayan at patnubayan ang gawain ng bawat pangkat. bigyang-pansin ang wastong pangangalaga sa mga punla at mga dapat isaalang-alangg bago ito ilipat. V. Takdang-Aralin: Ipasulat sa mga rnag-aaral ang mga hakhang na ginawa sa paglilipat ng punla at ipaulat sa klase ang resulta ng kanilang gawain.

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________

EPP VIDate: ____________ I. Layunin: 1. Maisa-isa ang mga paraan ng pangangalaga sa mga pananirn. 2. Mapangalagaan ang lupa at mga pananim sa wastong paraan. 3. Maisaalang-alang ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pangangalaga ng mga pananirn.

II. Paksang Aralin: Pangangalaga ng Lupa at Halaman a. Bilang ng araw - 2 b. Kagamitan - Mga kasangkapan at kagaruitan sa paghahalaman, halimhawa ng herbicide at insecticide, tsart, at iba pa. c. Sanggunian - Batayang Aklat, dahon 126-129 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagsasanay: Pagbigayin ang mga bata ng mga kailangan ng halaman upang mabuhay at lumusog. 2. Balik-Aral: Ipaisa-isa ang mga paraan ng pangangalaga ng punla. Tawagin isa-isa ang mga bata. B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Isama ang mga bata sa halamanan. Ipasuri sa mga bata ang kalagayan ng lupa at mga pananim. 2. Talasalitaan: pataba side band broadcast

3. Pagbuo ng Suliranin: Basahin ang mga tanong sa "Alamin Mo," dahon 129-130 ng Batayang Aklat. 4. Kasanayan sa Pagkatuto: 4.1 Ipabasa sa mga bata ang dahon 126-129 ng Batayang Aklat. 4.2 Talakayin ang paksa sa pamamagitan rig iba't ibang larawan ng mga paraan ng paglalagay ng pataba at insecticide. 4.3 Pagpapakitang-turo ng guro/taong sanggunian kung paano ang wastong paglalagay ng pataba sa halaman. 4.4 Balik pakitang-gawa ng ilang bata kung paano ang paglalagay ng pataba. 4.5 Subaybayan at gabayan ang mga hata sa kanilang isasagawang pangangalaga sa mga taninam. Ipaalala ang mga pangkaligtasan at pangkalusugang gawi sa paggamit ng pataba at pesticide. C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat: Masabi ng mag-aaral ang laman ng ""Tandaan Mo," Dahon 129 ng Batayang Aklat.

IV. Pagtataya: Ipasagot ang score card upang pahalagahan ang natapos na gawain. Scorecard sa Wastong Pangangalaga ng Halamang Tanim Mga Batayan 1. Wasto at maayos na pagdilig ng pananim. 2. Nasunod ang wastong pamamaraan ng pagbubungkal ng lupa. 3. Palagian ang pagbubunot ng mga ligaw na damo. 4. Tama sa panahong paglalagay ng pataba sa lupa. 5. Maingat na pagpuksa ng mga peste at kulisap. 5 3 1

V. Takdang-Aralin: Magpasaliksik tungkol sa wastong paraan ng pangangalaga sa mga halamang tanim. Ipaulat sa harap ng klase at ipahambing sa araling tinatalakay.

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________

EPP VIDate: ____________ I. Layunin: 1. Maisagawa at inaipakita ang angkop at maayos na paraan ng pagaani ng tanim o produkto. 2. Masunod ang wastong pamamahala sa mga inani sa pamamagitan ng maayos at wastong paraan ng pag-iiinbak sa mga inaning produkto. 3. Masunod ang wastong paraan ng pagsasapamilihan ng inani. 4. Makapagtuos ng nagastos at kinita sa pagtatanim ayon sa iniingatang talaan.

II. Paksang Aralin: Pag-aani at Pagsasapamilihan ng mga Pananim a. Bilang ng araw - 3 b. Kagamitan - Mga larawan ng gulay, realia c. Sanggunian - Batayang Aklat, dahon 132-135 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagsasanay: Isa-isang pakuhanin ng gulay ang mga bata sa basket. Ipalarawan ang gulay na kinuha ng bawat isa. Tanungin ang bata kung bakit iyon ang kaniyang pinili. 2. Balik-Aral: Ipabigay ang kahalagahan ng wastong pangangalaga ng pananim. B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Ipasyal ang buong klase sa halamanan at bisitahin ang mga alagang tanim. Ipatala sa mga bata ang kanilang napansin sa kanilang mga tanim. 2. Talasalitaan: pag-aani mamukadkad panahon maagap magulang

3. Pagbuo ng Suliranin: Basahin ang mga tanong sa "Alamin Mo," dahon 136 ng Batayang Aklat. 4. Kasanayan sa Pagkatuto: 4.1 Ipakita ang mga inihandang gulay, prutas, bulaklak. Hayaang maghigay ng mga palagay ang mga bata kung kailan ito dapat anihin. 4.2 Pangkatin ang klase sa dalawa. Ang isang pangkat ay magsasaliksik kung kailan dapat anihin ang gulay, prutas, at bulaklak at ang isang pangkat naman ay magsaliksik kung paano ipagbihili ang mga inaning gulay, prutas, at halaman. 4.3 Ipabasa ang Batayang Aklat dahon 132-135. Gabayan ang mga bata sa ginagawang pagsasaliksik. C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat: Masabi ng mga mag-aaral ang nilalaman ng Tandaan Mo, dahon 135 ng Batayang Aklat.

IV. Pagtataya: Punan ng wastong salita ang bawat patlang. Piliin ang tamang sagot sa lupon ng salita sa ibaba. kaing mamumukadkad punong namumunga hapon umaga lasa 1. Ang pag-aaning gulay ay kadalasang ginagawa sa ________bago dalhin sa pamilihan. 2. Ang mga bulaklak naman ay inaani kapag _____________ na. 3. Inaani ang mga __________ kapag magulang na. 4. Ang mga prutas na inaani ay iniimhak at inilalagay sa __________ o kahon upang hindi malamog o mabugbog. 5. Ang mga gulay at prutas na pinitas na wala sa panahon ay walang ________. V. Takdang-Aralin: Magpagawa ng album tungkol sa iba't ibang pananim na inaani at kung paano ang wastong paraan ng pag-iimbak sa bawat produkto.

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________

EPP VIDate: ____________ I. Layunin: 1. Matalakay ang kahalagahan ng talaan ng gastusin sa isang hanaphuhay. 2. Makapagtuos ng kita ng isang gawaing pangkabuhayan. 3. Makadama ng kawilihan at kasiyahan sa ginagawa.

II. Paksang Aralin: Pagtutuos ng Gastos at Kita sa Paghahalaman a. Bilang ng araw - 1 b. Kagamitan - Halimbawa ng talaan ng gastusin at pinagbilihan c. Sanggunian - Batayang Aklat, dahon 138-139 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagsasanay: Sanayin ang mga bata sa iba't ibang kagamitan sa paghahalaman sa pamamagitan ng larong "Sino Ako?" 2. Balik-Aral: Ipatukoy sa mga mag-aaral kung anu-ano ang kailangan sa paglalagay ng presyo ng produktong ipagbibili. B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Tanungin ang mga bata kung paano nila nilagyan ng presyo/halaga ang kanilang produkto o ani. 2. Talasalitaan: talaan ng gastusin bahagdang idadagdag talaan ng pinagbilihan tubo

3. Pagbuo ng Suliranin: 3.1 Bakit mahalaga ang pagbuo ng talaan? 3.2 Paano ang pagtutuos ng gastos at kita ng paghahalaman? 4. Kasanayan sa Pagkatuto: 4.1 Talakayin ang paksa sa tulong ng kaalaman sa paglalagay ng presyo ng paninda. 4.2 Ipakita sa mga bata kung paano ang wastong pagtutuos ng kita. 4.3 Bigyan ng karagdagang pagsasanay ang mga bata sa pagtutuos ng kita/tubo. C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat: Bayaang bumuo ng paglalahat ang mga bata. Ipahambing ito sa mga kaalaman sa "Tandaan Mo," dahon 139 ng Batayang Aklat. IV. Pagtataya: Ipatuos sa mga bata ang kita ayon sa sumusunod na talaan.

Talaan ng Gastos Halaga ng punla Halaga ng pataba at gamot Halaga ng serhisyo Iba pang gastusin Halaga rig Pinagbililtan 10 pirasong punlang tsiko 5 pirasong punlang lansones 5 pirasong punlang kalamansi

-

P P P P P P P P P

500.00 300.00 500.00 150.00 1,450.00 Kabuuan 800.00 750.00 250.00 1,800.00

V. Takdang-Aralin: Magsaliksik ng iba't ibang uri ng halamang matatagpuan sa narseri.

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________

EPP VIDate: ____________ I. Layunin: 1. Maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pagsunod sa makaagham na pamamaraan ng pagnanarseri. 2. Maisa-isa at matukoy ang raga kahutihang dulot ng maka-agham na pagnanarseri.

II. Paksang Aralin: Kahalagahan ng Maka-agham na Pagnanarseri a. Bilang ng araw - 1 b. Kagamitan - Mga larawan at bahasahin tungkol sa pagnanarseri c. Sanggunian - Batayang Aklat, dahon 141-145 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagsasanay: Magkaroon ng paligsahan tungkol sa iba't ibang uri ng gulay at ornamental na halarnan na kilala ng mga bata. 2. Balik-Aral: Pagbigayin ang mga bata ng mga kabutihang dulot ng paghahalaman sa sarili, mag-anak, at bansa. B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Ipasyal ang mga mag-aaral sa isang halamanan o narseri. Bigyang-laya ang mga bata na makapagmasid sa narseri. Hikayatin ang mga bata na magtala ng mahahalagang datos. 2. Talasalitaan: narseri pagpaparami sekswal asekswal

3. Pagbuo ng Suliranin: Tingnan ang mga tanong sa "Alamin Mo," dahon 146 ng Batayang Aklat. 4. Kasanayan sa Pagkatuto: 4.1 Ipabasa sa mga Bata ang Batayang Aklat dahon 141-145. Bigyan ng gabay na tanong ang mga bata sa gagawing pagsasaliksik. 4.2 Talakayin ang paksa sa tulong ng mga nasaliksik ng mga bata. 4.3 Bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga bata hinggil sa kahalagahan ng maka -agham na pagnanarseri. C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat: Patingnan at ipasaulo ang nilalaman ng "Tandaan Mo," dahon 145 ng Batayang Aklat. IV. Pagtataya: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang rnabuo ang bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa mga salita sa loob ng kahon sa ihaha.

kalusugan

bumabaha

pagkakitaan

nakalilihang

turimataas

punla

Ang narseri ay isang lugar kung; saan inaalagaan ang mga (1) __________ ng halamang gulay, ornamental at punungkahoy. Sa pamamagitan ng narseri ay (2) __________ang uri ng mga punungkahoy dahil sa mas maagang panahon ay nakapamumunga ang mga ito ng mlalaki at magaganda. V. Takdang-Aralin: Pakipagpanayamin ang mga mag-aaral sa isang nagnanarseri. Ipatanong ang mga kabutihang naidudulot nito sa kabuhayan ng mag-anak at pamayanan. Ipatanong din kung anong pamamaraan ang ginagamit. Ipasulat sa isang malinis na papel ang mga mipormasyong nalikom at ipahamhing sa araling tinalakay.

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________

EPP VIDate: ____________ I. Layunin: 1. Maisa-isa ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagbabalak at pagtatayo ng isang narseri. 2. Maisaalang-alang ang mga salik sa pagbabalak at pagtatayo ng isang narseri. 3. Maipamalas ang kawilihan sa pagpaplano at pagtatayo ng isang narseri.

II. Paksang Aralin: Pagbabalak at Pagtatayo ng Isang Narseri a. Bilang rig araw - 1 b. Kagamitan - Larawan, strips c. Sanggunian - Batayang Ak.lat, dahon 148-149 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagsasanay: Magpaligsahan tungkol sa pagtukoy sa mga pangangailangan ng mga pananim. Maaaring gumarnit ng mga larawan at ipatambal ito sa mga salitang nakasulat sa strips. 2. Balik-Aral: Tanungin ang mga bata sa kahalagahan ng pagnanarseri sa kabuhayan ng mag-anak at pamayanan. B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Magpakita ng larawan ng isang narseri. Ganyakin ang mga bata na sila ay magkaroon ng pagkakataong magtayo ng narseri sa kanilang paaralan o likod-bahay. 2. Talasalitaan: loam panustos pagsisilungan

3. Pagbuo ng Suliranin: 3.1 Anu-ano ang dapat isaalang-alang sa pagbabalak at pagtatayo ng narseri? 3.2 Bakit rnahalaga ang pagbahalak? 4. Kasanayan sa Pagkatuto: 4.1 Tal.tkayin ang iha't ihang salik sa pagtatayo ng narseri. 4.2 Magpakita ng balangkas ng isang plano ng proyekto. 4.3 Sa tulong ng balangkas. Bumuo ng isang plano ng proyekto sa pagtatayo ng narseri. 4.4 Ipasipi sa mga bata ang planong nabuo. C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat: Basaliin at isaulo ang nilalaman ng "Tandaan Mo," dahon 150 ng Batayang Aklat. IV. Pagtataya: Lagyan ng tsek () ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagnanarseri at ekis (x) ang hindi. 1. Lugar na pagtatayuan ng narseri. 2. Sapat na patubig at mayos na daluyan ng tubig.

3. Uri ng lupang pagtataniman. 4. Pabilog na hugis ng bahay narseri. 5. Mga uri at pagpapangkat-pangkat ng mga punlang itatanim. V. Takdang-Aralin: Ipasulat sa kuwaderno ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagbabalak at pagtatayo ng isang narseri. Magpagawa ng tseklis at pahalagahan ang ginawang pagpaplano at pagtatayo ng narseri ng bawat pangkat. Tseklis sa Pagtatayo ng Narseri Lagyan ng ang hanay ng inyong sagot Oo 1. 2. 3. 4. Ang lugar ba ng narseri ay madaling makita at maabot? Ang lupa ba ay angkop para sa halaman/paghahalaman? May angkop bang daluyan ng tubig? May sapat ba at angkop na kasangkapan, kagamitan, at panustos sa paghahalaman? 5. May silungan ba para sa punla? Hindi

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________

EPP VIDate: ____________ I. Layunin: 1. Makapaglagay ng tamang halaga sa mga tanim na ipagbibili. 2. Matalakay ang paraan ng pagbebenta ng mga pananim. 3. Makadama ng kasiyahan sa gawain.

II. Paksang Aralin: Wastong Paraan ng Pagbibili ng mga Tanim a. Bilang ng araw - 1 b. Kaganmitan - mga larawan c. Sanggunian - Batayang Aklat, dahon 152 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagsasanay: Pasagutan ang "Suhukan Mo," dahon 147 ng Batayang Aklat. 2. Balik-Aral: "Ano ang nilalam