musika iv 2nd rating

Upload: mytz-palatino

Post on 13-Oct-2015

332 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

music plan 4

TRANSCRIPT

MUSIKA IV

MUSIKA IV

I. Mga Layunin:

Nasasabi ang kahulugan at kahalagahan ng melodiya

Natutukoy ang matataas at mabababang nota

Natututuhan ang awit na "Up And Down"

II. Paksang-Aralin

Awit: Up and Down C 4/4 do TX P.30Mga Kagamitan:

Tsart ng Up and Down

III.Pamamaraan

A. Paghahanda

1. Magsimula sa pagsasanay sa tinig - (2 minuto)

2. Sabihin: Mga bata, paano ang huni ng lamok sa ating tainga?

Gayahin nga natin - "Nu _ _ _" (himig ng mataas na do)

Ulitin

Row One

Row Two

Lahat Tayo

(Maaring gumamit ang guro ng isa lamang tono,j ang mataas na do, sa pagbibigay ng mga panutong ito, kasabay ng paglalagay ng mga daliri sa bumbunan at iuunat ang kamay pataas sa pag-awit ng Nu _ _ _.)

B. Paglalahad1. Ituro ang "Up and Down" sa pamamaraang pagagad2. Sabihin:

Masdan ang iskor sa harapan habang inaawit ko.

Awitin ko ngayon ng payugto-yugto. Uulitin ninyo kapag ibinibigay ko ang senyas.

Tiyaking maganda ang tinig ninyo sa pag-awit3. Ipaawit na muli sa mga bata ang buong awit.

4. Ipaliwanag na ang mga awit ay binubuo ng mga simbolong inihanay sa limguhit.

5. Pag-usapan ang mga uri ng nota na ginamit sa awit.

6. Ipakilala sa mga bata ang salitang "melodiya". Sabihin sa kanila na ang himig na naririnig nila sa pag-awit ay tinatawag na "melodiya"

7. Ipaawit ang ilang bahagi ng awit bilang halimbawa

C. Paglalahat

1. Ganyakin ang klaseng magbigay ng paglalagom sa kanilang natutuhan sa aralin.2. Itanong:

a. Anu-anong uri ng nota ang matatagpuan sa awit?

b. Ano ang nagbibigay tono o himig sa awit?

c. Anu-anong uri ng nota ang bumubuo sa melodiya?

d. Ano ang melodiya?

e. Ano ang gamit ng melodiya?

D. Pagsasanay

1. Muling ipaawit ang "Up And Down".

2. Awitin ang melodiya sa pamamagitan ng pantig na . "ma".

IV. Pagtataya:

Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Up and Down"

V. Takdang Aralin:

Kabisaduhing mabuti ang awit na "Up and Down"

MUSIKA IV

I. Mga Layunin:

Naaawit ang so-fa silaba ng mga notang papataas, papababa, palaktaw na papataas at pababa at mga notang inuulit ang tunog ng awit na natutuhan na

Natutukoy ang matataas at mabababang nota

II. Paksang-Aralin

Awit: So-fa silaba

Mga Kagamitan:

Tsart - iskor ng So-fa silabaIII.Pamamaraan

A. Pagbabalik-aral

1. Bigyan ang mga bata ng pagsasanay sa tinig.

2. Ipaawit sa mga bata ang "Up And Down" at pag-usapan ang tungkol sa melodiya ng awit.

3. Itanong:

a. Ano ang meladiya?

b. Paana ita nabubua?

c. Magbigay nga ng halimbawa.

B. Paglalahad1. Ipaulit ang "Up and Down.

Tiyaking nakasulatsa ilalim ng bawat nota ang mga so-fa silaba.

Ito na ang simula ng pagpapakilala sa m:ga nota kasabay ang tono o himig na angkin ng mga ito.

2. Kapag natutuhan na ng mga bata ang awit ay ipaawit sa kanila ang mga so-fa silaba na nasa ibaba ng bawat nota.

3. Pasimulan ang pagpapakilala sa so-fa silaba.

4. Sabihin:

a. Ang so-fa silaba ay binubuo ng walong nota.

a. Ito ang papataas na himig ng so-fa silaba. (Ipakita ang tsart)

b. Ito ang pababang himig ng so-fa silaba. (Ipakita ang tsart)

C. Paglalahat

1. Iparinig sa mga bata ang papataas at pababang tono ng mga nota. (Guro lamang ang aawit).

2. Muling ipaawit sa mga bata ang mga titik at so-fa silaba ng "Up and Down" at pag:.usapan ang mga bagay na makakatulong upang makapagbigay ang mga bata ng kanilang konsepto tungkol sa so-fa silaba.

3. Itanong:

Awitin ang so-fa silaba sa unang sukat.

Awitin ang so-fa silaba sa huling sukat

Awitin ang so-fa silaba sa pangatlo. (atbp)

Anu-ano ang mga so-fa silaba na natatagpuan sa awit ng Up and Down

Ano ang so-fa silaba?

D. Pagsasanay

1. Muling ipaawit sa mga bata ang so-fa silaba ng natutuhang awit

IV. Pagtataya:

Pangkatin ang klase sa dalawa at ipaawit nang wasto ang awit na "So-fa Silaba

V. Takdang Aralin:

Kabisaduhing mabuti ang awit na "So-fa Silaba"

MUSIKA IV

I. Mga Layunin:

Nakaaawit nang maayos at wasto upang maunawaan at madama ang daloy ng himig .II. Paksang-Aralin

Direksyon at Galaw ng mga Nota TX p. 28

Mga Kagamitan:

Tsart - iskor ng awit na Up and Down

Tsart iskor ng awit na So-fa SilabaIII.Pamamaraan

A.Pagbabalik-aral

1.Bigyan ang mga bata ng pagsasanay sa tinig.

2.Magbalik-awit sa mga iskor na Up and Down

B.Paglalahad1.Ilahad and iskor at ipaaawit ang so-fa silaba ng awit na Up and Down2.Ipansin sa mga bata ang galaw at direksyon ng awit.

3.Sabihin:

Pansinin ang mga nota ng Up and Down Ano ang pinakamataas na nota? Ano ang pinakamababang nota? Awitin? Ano ang direksyon ng mga nota sa unang sukat? Mayroon pa bang ibang direksyon ang mga nota? Tukuyin mo nga at awitin.C.Paglalahat

1.Gumawa ng paglalagom sa aralin at magbuo ng konsepto.2.Itanong:

Ano ang masasabi ninyo sa direksyon at galaw ng mga nota?

3.Narito ang mga konsepto na inaasahang mabubuo sa araling ito.

Iba-iba ang mga ayos ng nota sa limguhit

May mga notang tumatas nag palaktaw, may mga tumatalon at mayroon inuulit.

E. Pagsasanay

1.Muling ipaawit sa mga bata ang Up and Down ng may tamang direksyon at galaw ng mga nota.IV. Pagtataya:

Pangkatin ang klase sa dalawa at ipaawit nang wasto ang awit na "So-fa Silaba ng awit na Up and Down ng may tamang direksyon at galaw ng mga nota.V. Takdang Aralin:

Kabisaduhing mabuti ang awit na "So-fa Silaba" ng awit na Up and Down ng may tamang direksyon at galaw ng mga nota.MUSIKA IV

I. Mga Layunin:

Natutukoy ang mga so-fa silaba ng iskalang pentatonic

Naaawit ang mga so-fa silaba ng iskalang pentatonic sa paraang pataas pababa inuulit palaktaw pahakbang

Naaawit nang wasto ang isang awit na nasa iskalang pentatonic

II. Paksang-Aralin

Iskalang Pentatonic

Awit: Ang Pamaypay

Mga Kagamitan:

Tsart - iskor ng "Ang Pamaypay"

Iskalang Pentatonic

III.Pamamaraan

A. Paghahanda

1. Magbigay ng pagsasanay na tinig ( 2 minuto)

2. Magbalik-awit sa Up and Down.

3. Pag-usapan ang mga direksyon at galaw ng mga nota at ipaawit ang mga sumusunod na sukat.

B. Paglalahad1. Ipaawit ang iksor ng awit na Ang Pamaypay at ituro ito sa pamamaraang pagagad.2. Awitin ang so-fa silaba ng Ang Pamaypay.3. Pag-usapan ng mga notang ginamit.

Itanong:

Karaniwan ba ang himig ng awit?

Bakit? Saan mo naririnig ang ganitong tono?

Anu-ano ang mga notang ginagamit sa awit na ito?

Sabihin:

Ang awit na ito ay nasa iskalang pentatonic

Lima lamang ang nota sa iskalang tio.

Ang do-re-mi-so-la

4. Ipakita ang iskalang pentatonic

Sabinin:

Pakinggan ninyo at aawitin ko ang iskalang pentatonic.

Kayo namanC. Paglalahat

1. Ganyakin ang klase na magbigay ng paglalagom sa kanilang natutuhang aralin.2. Ipasagot ang mga sumusunod na tanong.

Ano ang iskalang pentatonic?

Ilang nota mayroon ang iskalang pentatonic?

Anu-ano ang mga notang nakapaloob dito?

IV. Pagtataya:

Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Ang Pamaypay".

V. Takdang Aralin:

Kabisaduhing mabuti ang awit na "Ang Pamaypay"

MUSIKA IV

I. Mga Layunin:

Natutukoy ang mga so-fa silaba ng iskalang pentatonic

Naaawit ang mga so-fa silaba ng iskalang pentatonic sa paraang pataas pababa inuulit palaktaw pahakbang

Naaawit nang wasto ang isang awit na nasa iskalang pentatonic

II. Paksang-Aralin

Iskalang Pentatonic

Direksyon at Galaw ng mga NotaMga Kagamitan:

Tsart - iskor ng "Ang Pamaypay"

Iskalang Pentatonic

III.Pamamaraan

A.Pagbabalik-aral

1.Pagsasanay sa tinig

2.Pag-awit ng "Ang Pamaypay" - titik at so-fa silaba

3.Pag-uusap tungkol sa iskalang pentatonic

B.Paglalahad1.Ipaawit sa mga bata ang iskalang pentatonic

2.Muling ipaawit ang so-fa silaba ng "Ang Pamaypay"

3.Pag-usapan ang direksyon at galaw ng mga nota sa awit. 4.Sabihin:a. Ipaliwanag ang direksyon ng mga nota:

sa unang sukat.

sa pangalawang sukat

sa pangatlong sukat

sa pang-apat na sukat

b. Awitin ang mga notang sumusunod:

___ pataas

___ pababa

___ inuulit

___ pataas / pababa

___ palaktaw

D. Paglalapat

Awitin ang mga sumusunod na so-fa silaba ng iskalang pentatonic at sabihin ang direksyon at galaw ng nota.

IV. Pagtataya:

Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Ang Pamaypay" na nasa wastong direksyon at galaw ng mga nota.V. Takdang Aralin:

Kabisaduhing mabuti ang awit na "Ang Pamaypay" na nasa wastong direksyon at galaw ng mga nota.

MUSIKA IV

I. Mga Layunin:

Natutukoy ang mga so-fa silaba ng iskalang mayor Naawit ang mga so-fa silaba ng iskalang mayor sa paraang: pataas, pababa, inuulit, palaktaw at pahakbangII. Paksang-Aralin

Iskalang Mayor

Awit: Love Mother EarthMga Kagamitan:

Tsart ng Iskalang Mayor

Tsart ng awit na "Love Mother Earth

III.Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagsasanay sa tinig - Ipaawit ang "ma ha ha ha ha"

2. Pagsasanay sa himig

3. Pag-awit ng iba't ibang direksyon at galaw ng mga nota sa iskalang mayor

B. Panlinang na Gawain1. Ipakita sa mga bata ang tsart ng iskalang mayor.2. Sabihin:

Ngayon naman ay iskalang mayor an gating pag-aaralan

Ang mga tono nito ang karaniwang ginagamit sa ating mga awit.

Makinig na mabuti at aawitin ko ang iksalang mayor.

3. Aawitin ng guro:4. Pag-usapan ang tungkol sa iskalang mayor.

5. Sabihin

Ilang nota mayroon ang iskalang mayor?

Ano ang masasabi mo sa una at huling nota?

Anu-ano ang mga nota ng iskalang mayor?

Aawitin kong muli ang iskalang mayor? Sabihin ninyo kung ano ang direksyon ng tono?

Maari rin namang awitin ang iskalang mayor nang pababa.

Pakinggan ninyo.

6. Ilahad ang larawan ng mga pababang nota.7. Ituro ang mga so-fa silaba at himig ng iskalang mayor.

8. Ipaawit ang iksalang mayor sa pamamaraang Kodaly at Ward

C. Pangwakas na Gawain1.Pag-usapan ang direksyon at galaw ng mga nota sa iskala2.Ipaawit ang mga sumusunod na pariralang panghimig at sabihin ang galaw ng mga nota.

IV. Pagtataya:

Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na Love Mother Earth.V. Takdang Aralin:

Kabisaduhing mabuti ang awit na Love Mother Earth.

MUSIKA IV

I. Mga Layunin:

Naaawit ang Love Mother Earth at nasasabi ang lahat ng galaw at direksyon ng mga nota nito.II. Paksang-Aralin

Awit: Love Mother Earth

Direksyon ng mga Nota

Mga Kagamitan:

Tsart ng awit na "Love Mother Earth

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain1.Pagsasanay sa tinig - Ipaawit ang "ma ha ha ha ha"

(Isang tono pataas bawat bawat ulit)

2.Pagsasanay sa himig

- Iskalang mayor (pataas at pababa)

3.Pag-awit ng iba't ibang direksyon at galaw ng mga nota sa iskalang mayor

4.Pag-usapan tungkol sa kanilang natutuhan konsepto sa iskalang mayor.

B.Panlinang na Gawain1.Itanong kung ana ang kalagayan ng kapaligiran at mundo ayon sa napag-aralan nila sa "Science and Health".

2.Pag-usapan ang mga pamainaraan ng pangangalaga sa kapaligiran o sa mundo

3.Ilahad ang iskor ng awit na "Love MotherEarth"

4.Ituro ang awit sa pamamaraang pagagad.

5.Pagsanayang awitin ang awit.

C.Paglalahat

Itanong:

Ano ang iskalan mayor?

Paano mo masasabi na ang isang awit ay nasa iskala mayor?

D. Pangwakas na Gawain

1. Ganyakin ang mga bata na makagawa ng mga hulwarang panghimig na ginagamitan ng mga notang kumikilos at gumagalaw sa ibat ibang direksyon.

2. Ipaawit ang mga likhang himig.

E. Pagpapahalaga

Tingnan kung maayos na nagagawa ng mga bata ang sumusunod:

1. Naaawit ang so-fa silaba ng iskalang mayor na tama ang himig ng bawat nota

2. Nagagawa ang mga senyas nina Kodaly at Ward habang inaawit ang iskalang mayor

3. Naisusulat ang iskalang mayor nang walang tinutularan

4. Nagpapamalas ng pagmamahal sa sanlibutan at tumutulong sa pagtatanim ng puno at paglilinis ng kapaligiran

IV. Pagtataya:

Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na Love Mother Earth ng may tamang direksyon at galaw ng mga nota.V. Takdang Aralin:

Kabisaduhing mabuti ang awit na Love Mother EarthMUSIKA IV

I. Mga Layunin:

Natutukoy kung ano ang lundayang tonong do (home tone) ng iskalang mayor

II. Paksang-Aralin

Awit: Tayoy Magtipid

Mga Kagamitan:

Tsart - iskor ng awit na "Tayoy Magtipid"

Tsart ng iskalang mayorIII.Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagsasanay sa tinig - 2 minuto.

2. Pagsasanay sa himig - 4 na minuto.

3. Ipaawit ang iskalang mayor.

4. Ipaawit ang "Love Mother Earth".

Pag-usapan ang daloy at direksyon ng himig sa bawat sukat ng awit.

B. Panlinang na Gawain1. Pag-usapan ang mga kilos at galaw ng katawan kapag sumasayaw.

2. Ituro ang awit na "Tayo'y Magtipid" sa pamamaraang pagagad. Pasayawin ang mga bata kapag natutuhan na ang awit.

3. Isa-isang suriin ang bawat sukat ng awit at pag-usapan ang galaw at direksyon ng mga nota.

4. Tawagin ang pansin ng mga bata sa huling tono at ipakilala ang Lundayang Tono.

5. Sabihin:

a. Sa anong nota nagtatapos ang awit na "Tayo'y Magtipid"?

b. Ang awit na ito ay nasa lundayang tonong "do ". c. Bakit kaya tinawag ang awit no, ito na nasa lundayang tonong "do"?

C. Paglalahat

Itanong:

Ano ang lundayang tonong "do"?

Paano mo masasabi na ang isang awit ay nasa lundayang tonong "do"?

D. Pangwakas na GawainMuling ipaawit sa mga bata ang "Tayo'y Magtipid"

Ipakita sa mga bata ang.mga tsart ng mga natutuhang awit at tukuyin ang mga awit na nasa lundayang tonong "do"

Ipaawit samga bata ang naturang mga awitin E. Pagpapahalaga

1. Natutukoy ba ng mga bata ang iba pang mga awit na nasa lun

2. Wasto ba ang pagkakaawit ng himig?

3. Maayos ba ang kanilang pag-upo o pagtayo kapag umaawit?

4. Napahalagahan ba nilalaman ng awit?

IV. Pagtataya:

Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Tayoy Magtipid

V. Takdang Aralin:

Kabisaduhing mabuti ang awit na "Tayoy Magtipid

MUSIKA IV

I. Mga Layunin:

Naaawit nang wasto ang awit na "Tayo'y Magtipid"

II. Paksang-Aralin

Awit: Tayoy MagtipidMga Kagamitan:

Tsart - iskor ng awit na "Tayoy Magtipid"

Tsart ng iskalang mayorIII.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain

1.Pagsasanay sa tinig - 2 minuto.

2.Pagsasanay sa himig - 4 na minuto.

3.Ipaawit ang iskalang mayor.

4.Ipaawit ang "Love Mother Earth". B.Panlinang na Gawain1.Pag-usapan ang mga kilos at galaw ng katawan kapag sumasayaw.

2.Ituro ang awit na "Tayo'y Magtipid" sa pamamaraang pagagad. Pasayawin ang mga bata 3.kapag natutuhan na ang awit.

3.Isa-isang suriin ang bawat sukat ng awit at pag-usapan ang galaw at direksyon ng mga nota.

4.Tawagin ang pansin ng mga bata sa huling tono at ipakilala ang Lundayang Tono.

5.Sabihin:

Sa anong nota nagtatapos ang awit na "Tayo'y Magtipid"?

Ang awit na ito ay nasa lundayang tonong "do ". Bakit kaya tinawag ang awit no, ito na nasa lundayang tonong "do"?

C.Paglalahat

Itanong:

Ano ang lundayang tonong "do"?

Paano mo masasabi na ang isang awit ay nasa lundayang tonong "do"? D.Paglalapat

1.Muling ipaawit sa mga bata ang "Tayo'y Magtipid"

2.Ipakita sa mga bata ang.mga tsart ng mga natutuhang awit at tukuyin ang mga awit na nasa lundayang tonong "do"

3.Ipaawit samga bata ang naturang mga awitin E.Pagpapahalaga

1.Natutukoy ba ng mga bata ang iba pang mga awit na nasa lun

2.Wasto ba ang pagkakaawit ng himig?

3.Maayos ba ang kanilang pag-upo o pagtayo kapag umaawit?

4.Napahalagahan ba nilalaman ng awit?

IV. Pagtataya:

Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Tayoy Magtipid

V. Takdang Aralin:

Kabisaduhing mabuti ang awit na "Tayoy Magtipid

MUSIKA IV

I. Mga Layunin:

Natutukoy ang ngalang pantono ng mga guhit at puwang ng limguhit. II. Paksang-Aralin

Mga Ngalang Pantono

Mga Kagamitan:

Larawan ng Limguhit

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain

1. Ipaawit sa mga bata ang "Dance and Sing"

2. Pag-usapan kung ano ang lundayang tonong "do"

3. Pag-usapan ang mga katangian at gamit ng limguhit.

4. Sabihin:

Ano ito? (Ipakita ang larawan ng limguhit?

Ano ang gamit ng limguhit?

Ilang linya mayroon ang limguhit?

Ilang puwang mayroon ang limguhit?

Ano ang gamit ng limguhit?

Anu-ano ang inilalagay sa limguhit? B.Panlinang na Gawain1. Ipakilala ang mga ngalang pantono sa limguhit. 2.Sabihin: Bawat puwang ng limguhit ay may kaukulang pangalang titik, ang F, A, C, E.

3.Isulat ang mga titik sa mga puwang ng limguhit.

Sabihin:

Kung babasahin mula sa unang puwang pataas ay "FACE".

Ang bawat linya ng limguhit ay mayroon ding

kaukulang titik, ang "E, G, B, D, F"4.Isulat ang mga titik sa mga puwang ng limguhit.

5.Itanong:

Anu-ano ang mga ngalang pantono ng bawat puwang

Ituro sa limguhit

Anu-ano ang mga ngalang pantono ng bawat limguhit

Ituro sa limguhit

6.Sabihin: Kung babasahin mo nang sunud-sunod ang mga ngalang pantono ng bawat linya at espasyo ay mapapansin mo ang pagkakasunod-sunod ng mga titik sa alpabeto A hanggang GC.Paglalahat

Itanong:

a. Ano ang ngalang pantono?

b. Saan ginagamit ang mga ito?

c. Anu-ano ang ngalang pantono ng bawat linya?

d. Anu-ano ang ngalang pantano ng bawat puwang?

e. Ano ang leger line?

IV. Pagtataya:

Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit sa mga bata ang Dance and Sing

V. Takdang Aralin:

Gumawa ng paglalagom tungkol sa kanilang natutuhan sa limguhit.

MUSIKA IV

I. Mga Layunin:

Nasasabi kung ano ang ngalang pantono

II. Paksang-Aralin

Mga Ngalang Pantono

Mga Kagamitan:

Larawan ng Limguhit

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain

1.Ipaawit sa mga bata ang "Dance and Sing"

2.Pag-usapan kung ano ang lundayang tonong "do"

3.Pag-usapan ang mga katangian at gamit ng limguhit.

4.Sabihin:

Ano ito? (Ipakita ang larawan ng limguhit?

Ano ang gamit ng limguhit?

Ilang linya mayroon ang limguhit?

Ilang puwang mayroon ang limguhit?

Ano ang gamit ng limguhit?

Anu-ano ang inilalagay sa limguhit? B.Panlinang na Gawain1.Ipakilala ang mga ngalang pantono sa limguhit. 2.Sabihin: Bawat puwang ng limguhit ay may kaukulang pangalang titik, ang F, A, C, E.

3.Isulat ang mga titik sa mga puwang ng limguhit.

Sabihin:

Kung babasahin mula sa unang puwang pataas ay "FACE".

Ang bawat linya ng limguhit ay mayroon ding

kaukulang titik, ang "E, G, B, D, F"4.Isulat ang mga titik sa mga puwang ng limguhit.

5.Itanong:

Anu-ano ang mga ngalang pantono ng bawat puwang

Ituro sa limguhit

Anu-ano ang mga ngalang pantono ng bawat limguhit

Ituro sa limguhit

6.Sabihin: Kung babasahin mo nang sunud-sunod ang mga ngalang pantono ng bawat linya at espasyo ay mapapansin mo ang pagkakasunod-sunod ng mga titik sa alpabeto A hanggang G

C.Paglalahat

Itanong:

Ano ang ngalang pantono?

Saan ginagamit ang mga ito?

Anu-ano ang ngalang pantono ng bawat linya?

Anu-ano ang ngalang pantano ng bawat puwang?

Ano ang leger line?

IV. Pagtataya:

Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit sa mga bata ang Dance and Sing

V. Takdang Aralin:

Gumawa ng paglalagom tungkol sa kanilang natutuhan sa limguhit.

MUSIKA IV

I. Mga Layunin:

Nababasa ang mga nota sa tunugang "C"

II. Paksang-Aralin

Tunugang CMga Kagamitan:

Iskalang Mayor

Tsart ni WardIII.Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1.Paghahanda1.Magbigay ng pagsasanay sa tinig. "nu" sa tono ng mataas na "do"

2.Bigyan ang mga bata ng pagsasanay sa himig ng "Iskalang Mayor"

3.Gamitin ang pamamaraang Kodaly sa pag-awit ng mga nota. Narito ang mga hulwarang panghimig na maaaring pagsanayan. 2.Pagbabalik-aral1.Pag-usapan ang mga konseptong natutuhan tungkol sa mga ngalang pantono sa limguhin.

2.Itanong:

Ano ang mga ngalang pantono ng bawat puwang sa limguhit

Ano ang mga ngalang pantono sa bawat guhit?

Awitin ang mga notang katumbas ng mga ngalang pantonoB. Panlinang na Gawain 1. Ipakilala sa mga bata ang tandang tunugan

2. Ilahad ang iskor ng Martsa

3. Ipaawit sa mga bata ang iskala sa tunugang "e"

4. Ituro ang awit na "Martsa" sapamamaraang "sight reading" o pagbasa ng so-fa silaba.

5. Ipakilala sa mga bata ang nota sa "leger line"

6. Ipaawit sa mga bata ang titik ng buong awit.

7. Pag-usapan ang nilalaman ng awit.

8. Ipakilala sa mga bata ang doblihang panghati na tanda ng pagtatapos ng awit.

C. Paglalahat

1. Ganyakin ang mga bata na masabi ang kanilang kaisipan tungkol sa Tunugang C.

2. Itanong:

a. Ano ang tunugang G?

b. Paano mo masasabi na ang isang awit ay nasa tunugang G?

IV. Pagtataya:

Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na Martsa

V. Takdang Aralin:

Kabisaduhing mabuti ang awit na Martsa

MUSIKA IV

I. Mga Layunin:

Naaawit nang wasto ang himig ng awit na "Martsa" PAKSA Tunugang C

II. Paksang-Aralin

Tunugang CMga Kagamitan:

Tsart ng iskor ng awit na Martsa

Iskalang Mayor

Tsart ni WardIII.Pamamaraan

D. Panimulang Gawain

1.Paghahanda1.Magbigay ng pagsasanay sa tinig. "nu" sa tono ng mataas na "do"

2.Bigyan ang mga bata ng pagsasanay sa himig ng "Iskalang Mayor"

3.Gamitin ang pamamaraang Kodaly sa pag-awit ng mga nota. Narito ang mga hulwarang panghimig na maaaring pagsanayan. 2.Pagbabalik-aral1.Pag-usapan ang mga konseptong natutuhan tungkol sa mga ngalang pantono sa limguhin.

2.Itanong:

Ano ang mga ngalang pantono ng bawat puwang sa limguhit

Ano ang mga ngalang pantono sa bawat guhit?

Awitin ang mga notang katumbas ng mga ngalang pantono

B.Panlinang na Gawain 1.Ipakilala sa mga bata ang tandang tunugan

2.Ilahad ang iskor ng Martsa

3.Ipaawit sa mga bata ang iskala sa tunugang "e"

4.Ituro ang awit na "Martsa" sapamamaraang "sight reading" o pagbasa ng so-fa silaba.

5.Ipakilala sa mga bata ang nota sa "leger line"

6.Ipaawit sa mga bata ang titik ng buong awit.

7.Pag-usapan ang nilalaman ng awit.

6.Ipakilala sa mga bata ang doblihang panghati na tanda ng pagtatapos ng awit.

C.Paglalahat

1. Ganyakin ang mga bata na masabi ang kanilang kaisipan tungkol sa Tunugang C.

2. Itanong:

Ano ang tunugang G?

Paano mo masasabi na ang isang awit ay nasa tunugang G?

IV. Pagtataya:

Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na Martsa

V. Takdang Aralin:

Kabisaduhing mabuti ang awit na Martsa