faith that works part 6

11
Faith That Works (Paano Makinabang Sa Problema) Bible Text: James 1:1-6 Isa sa paraan na nasusukat ang maturity ng pananampalataya kung ito ay mature na (ibig sabihin kung banal at ganap na hinog na) ay kung matatag at hindi medaling mabuwag ng mga problema, o pagsubok sa buhay. Hindi lamang ito nakakatindig sa harap ng problema o pagsubok kundi napapakinabangan pa ang problema o pagsubok sa lalo at higit na paglago sa pananampalataya. Dito masasabi na gumagana talaga at hindi patay ang pananamapalataya. Masasabing patay o mahina ang pananampalataya kung nabubuwag o natutumba sa harap ng mga pagsubok. Ang Spiritual maturity ay hindi ikinukumpara sa kapwa believer. Hindi rin ikinukumpara sa mga nakaraang Kristiyano. Ikinukumpara ang maturity ng isang Kristiyano sa mga pahayag ng Biblia. Batay sa aklat na ating binasa… Marahil napansin ni James sa mga believers sa Jerusalem church kapag nahulog sa pagsubok o problema, naghihinagpis kaagad sila. Nag prepretend ang iba na walang problema. Ang iba naman ay tumatakas sa pagsubok. Ang iba ay nag papantasize marahil nang solusyon imbes na makagawa ng aksyon ugma sa isang believer. Nag ko-komplain naman ang iba. Nahihimutok, nanlulupaypay at derailed na ang buhay Kristiyano kung kaya ito

Upload: nely-shih

Post on 19-Mar-2016

246 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

faith that works

TRANSCRIPT

Page 1: Faith That works Part 6

Faith That Works

(Paano Makinabang Sa Problema)

Bible Text: James 1:1-6

Isa sa paraan na nasusukat ang maturity ng pananampalataya

kung ito ay mature na (ibig sabihin kung banal at ganap na hinog

na) ay kung matatag at hindi medaling mabuwag ng mga

problema, o pagsubok sa buhay. Hindi lamang ito nakakatindig sa

harap ng problema o pagsubok kundi napapakinabangan pa ang

problema o pagsubok sa lalo at higit na paglago sa

pananampalataya. Dito masasabi na gumagana talaga at hindi

patay ang pananamapalataya. Masasabing patay o mahina ang

pananampalataya kung nabubuwag o natutumba sa harap ng mga

pagsubok.

Ang Spiritual maturity ay hindi ikinukumpara sa kapwa believer.

Hindi rin ikinukumpara sa mga nakaraang Kristiyano.

Ikinukumpara ang maturity ng isang Kristiyano sa mga pahayag ng

Biblia. Batay sa aklat na ating binasa…

Marahil napansin ni James sa mga believers sa Jerusalem church

kapag nahulog sa pagsubok o problema, naghihinagpis kaagad

sila. Nag prepretend ang iba na walang problema. Ang iba naman

ay tumatakas sa pagsubok. Ang iba ay nag papantasize marahil

nang solusyon imbes na makagawa ng aksyon ugma sa isang

believer. Nag ko-komplain naman ang iba. Nahihimutok,

nanlulupaypay at derailed na ang buhay Kristiyano kung kaya ito

Page 2: Faith That works Part 6

ang binigyan niya ng pansin at solusyon galing sa Diyos sa kanyang

sulat. Sa tutuo lamang ay hindi na nagpatumpik tumpik si James.

Sa pambungad ng kanyang sulat ay ganito kaagad ang sinabi ni

James…

“Mga kapatid ko, ituring ninyong buong kagalakan kapag

dumaranas kayo ng iba't ibang uri ng pagsubok. Nalalaman ninyo

na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng

pagtitiis.”-v.2-3

Mayroon apat na Katotohanan sa buhay tungkol sa pagsubok o

problema:

1. Ang problema ay hindi maiiwasan. Kapag nahulog ka sa

isang problema o pagsubok, hindi mo ito plano. Basta’t

dumadating ang problema o pagsubok sa buhay. Pero hindi

maiiwasan na dumating ang problema sapagkat maraming

puedeng pagsimulan ang pagsubok. Maaaring mag- mula sa

kapamilya, ka-trabaho, kasama sa iglesya, at sa komunidad.

Puedeng gawa ng kalikasan-bagyo, lindol at iba pang sakuna.

Puede gawa ng ekonomikong situasyon. Puede pisikal

mgamula gaya ng sakit, dengue, cancer, diabetes, heart

failure…Puede gawa rin ng tao gaya ng giyera… at iba pa.

Hindi maiiwasan sa ayaw at sa gusto mo, dumarating ang

problema malaki o maliit.

Page 3: Faith That works Part 6

2. Ang Problema ay hindi mahuhulaan o inaasahan. Of course

may problema na alam mong darating at kailangan tugunin.

Example yung mga monthly bills. Alam mo na kapag inasikaso

mo ay hindi problema. Ngunit kung hindi ay magiging

problema. Predictable ito at may magagawa ka sa bagay na

ito in advance. Pero, ang pinatutungkulan natin ay ang mga

pagsubok o problema na sadyang dumarating na biglaan at

hindi mo inaasahan at mahulaan.

3. Ang problema ay iba-iba. Ang mga pagsubok o problema ay

hindi pare pareho. May major, may minor problems. May

longstanding at mayroon panandalian lamang. They also

come in different sizes.

4. Ang probema ay may layunin. Ano man ang mga ito ay may

halaga ang mga pagsubok sa buhay. May gamit din ito. May

itinuturo itong aralin na kung bibigyan natin ng tamang

pananaw ay makakatulong sa paglago ng ating

pananampalataya. Lalo na kung pagbubulayan natin kung ano

ang dalang aral ng mga ito.

Tatlong Kahalagahan ng Problema

Page 4: Faith That works Part 6

Sinabi ni James….“Ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay

nagbubunga ng pagtitiis. ……upang kayo ay maging ganap at buo.

Sa gayon, kayo ay maging ganap at lubos na walang anumang

kakulangan”. –v.3b-4

Paano tayo pinagaganap at binubuo ng problema o pagsubok?

1. Pinadadalisay ng problema ang pananampalataya. Hindi

mo alam ang kulay ng tsa-a o tea bag hanggat hindi mo ito

inihuhulog sa mainit na tubig. Malalaman mo ang tutuong

kulay ng iyong pananampalataya kung ito ay nasasalang sa

problema o pagsubok. Kapag may pagsubok sa buhay, duon

lilitaw ang tutuong pagkatao sapagkat tiyak mag –re-react sa

pagsubok. Ayon kay James, sa gana ng isang Kristiyano,

inilalagay tayo sa pagsubok upang padalisayin ang ating

pananalig sa Diyos. Para lalong kumapit sa Diyos, hindi sa

patalim, hindi sa pagbibiitiw kundi maranasan ang tunay na

pagsama nang Diyos. Kung hindi naranasan nina San Pedro,

San Pablo at ng mga alagad ni Jesus ang mga pagsubok sa

kanilang pananampalatay ay hindi nila nalaman kung gaano

kaigsi ang kanilang tiwala sa Diyos. Maalala na sa dagat ng

Galilee ay nasubok ang pananalig nila ng bumagyo. Lumabas

na maliit pala ang kanilang pananalig bagaman kasama na nila

si Jesus ay natakot at nagduda pa sila. Kaya sa isang

Page 5: Faith That works Part 6

Kristiyano, alam mo na may halaga at layunin ang pagsubok

kapag dumating.

2. Pinalalakas ng problema ang pagtitiis o pasensiya. Bakit

kailangan ni Manny Pacquiao na mag training na pahirapan

ang katawan at isubo ito sa suntok ng kasama? Bakit

kailangan patigasin ang mga muscles? Bakit kailangan na

tumakbo? Bakit kailangan kontrollin ang bigat? Ito ay upang

sa labanan ay manaig siya sa kalaban hindi lamang sa

punching power kundi sa endurance. Ano ang gamit ng

punching power kung wala namang endurance? Ganito rin

naman sa buhay sa pananampalataya, kailangan isubo ka sa

pagsubok upang manaig ka at tumagal sa mga darating pang

mas mabigat na problema kung meron man dahil nga hindi

mo inaasahan o hindi mo alam kailangan darating ito.

Kailangang maging handa ka at kaya nga pinalalakas ka ng

Diyos upang sa pagtupad mo ng misyon na inihabilin sa iyo ay

makatitindig ka sa mga persecution o pagsubok gaya ng mga

Apostol ni Jesus na kanyang sinanay. Sino ang kinomisyon ni

Jesus sa gawain ng Diyos sa lupa? Natural iyong mga sinanay

na niya. It takes time to be trained. Kapag novice o bagito pa

lamang na Kristiyano ang isinabak sa gawain ng Diyos, ano

ang usual na nangyayari? Sa konting pagsubok, natataranta

na at maaaring magkalat. Maikli ang pasensiya nito at ang

pagtitiis. Pasensiya sa mga kaluluwang dadalhin sa paanan ng

Page 6: Faith That works Part 6

Diyos. Maikli ang pagtitiyaga sa mga pasuway. Bagay na mga

kailangan upang maihango ang mga kaluluwa sa laot ng

kasalanan tungo sa kapatawaran at buhay na walang

hanggan.

3. Pinababanal ng problema ang karatkter/ugali. Nang

tinawag tayo ng Diyos kay Cristo Jesus at napatawad sa

kasalanan at nahango sa putikan ng mga makamundong

pagnanasa, baluktot na kaispan at kaignorantehan sa malinis

na pamumuhay, kinakailangan tayong ituwid. Ang problema

at pagsubok ang siyang instrument ng Diyos upang i-ayos an

gating karakter at baluktot at saliwang mga pag-uugali. Gaya

ng mga criminal na ikinulong sa penitentiary. Penitentiary

comes from the word penitent meaning magsisi o pagsisisi.

Ikukulong sila duon upang mabigyan ng panahon maisip ang

kanilang mga kasalanan at ma-rehabilitate o pagbabago ng

buhay. Gayun din naman, ini-expose ka sa pagsubok upang

ngayon sa tulong ng Banal na Espirito na ipinagkaloob sa iyo

ng Diyos matapos na ikaw ay manalig at magtiwala kay Jesu

Cristo bilang sarili mong tagapagligtas at Panginoon ay hindi

lamang ma-rehabilitate kundi ma-transform ang iyong buhay.

Tutuong binagong buhay ka na –ipinanganak na muli,

meaning ipinanganak sa spirito (John 3:3). Kaya ang mga

pagsubok ay stimulus to see your transformation in Christ

come to effect. Sa Christian parlance, ito ay tinatawag na

Page 7: Faith That works Part 6

sanctification o pinapagbanal. Ang dating pusakal na

makasalanan sa mundo ay bumabanal na. Kung dati hindi

masikmura ang iyong ugali dahil nakakalason, ngayon ay

medyo maasim na lamang sapagkat bubot pa. Ang layunin ay

tumamis o umalat para maging malasa at masarap nang

kainin ang iyong buhay. Mapakinabangan ng Diyos at umani

ng marami. Kaya, matutuo tayo sa tulong ng Spirito ng Diyos

na harapin ang pagsubok sa pananampalataya. Tignan mo

ang sarili kung nakakalason ka ban g ibang tao? Naasiman bas

a iyo ang ibang tao? O matamis o maalat kang kasama? Yung

alat ay nag prepreserve na huwag mabilasa ang isda, ibig

sabihin pinananatiling fresh ang buhay. Ang matamis ay

nagbibigay ng gana at sarap sa buhay. Alin ka sa mga ito?

Ang sukdulan layunin ng Diyos sa ating buhay ay maitatag ang

karakter ni Cristo sa ating buhay. Nais ng Diyos maging kagaya

tayo sa karakter n gating Panginoon Jesu Cristo. Ano ang gagawin

para mangyari na mahubog tayo sa karakter ni Jesu Cristo?

Paano haharapin ang problema o pagsubok

1. Magalak sa problema.

Hindi sinabi na magalak dahil may problema. Of course may baliw

lamang marahil ang natutuwang magkaproblema o masubok.

Page 8: Faith That works Part 6

Isipin mo kaya ang taong galak na galak na may problema siya.

Tumatalon pa sa galak, “ay may problema na naman ako,

hahahahah. Dagdagan pa sana ako ng pagsubok at

problema…hahaha.” Ano ang iisipin mo sa taong gayon? Hindi

iyon ang sinasabi ni James. Hindi rin sinasabi na ignorin ang

problema at mag pretend na walang problema o pagsubok kahit

meron talaga. Hindi nais ni James na i-deny na may problema.

Hindi rin sinasabi na tumakbo sa problema o pagsubok. Ang

sinasabi ni James ay magalak sa gitna ng problema. Sinabi rin ni

Apostol Pablo…

“Magpasalamat kayo patungkol sa lahat ng bagay sapagkat ito

ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo”-1 Thess. 5:18

Ang dahilan kung bakit mayroon dahilan na magalak kung

dumating o magkaroon ng problema at pasalamatan ito ay

sapagkat kinaloob ito ng Diyos sapagkat may layunin ang Diyos sa

pagkakaloob nito sa ating buhay. Ang kaibahan nuong hindi mo

kilala ang Diyos, kapag may pagsubok, ikaw lamang ang haharap

at mag reresolba nito at walang kang tulong sa Diyos o wisdom na

harapin ito sapagkat putol pa nuon ang iyong relasyon sa Diyos.

Ngayon ay meron ka ng tulong, kapangyarihan, karunungan at

suporta sa Diyos kung kaya may dahilan kang magalak na harapin

ang mga ito. May bunga at mabuting resulta na lalabas sa

pagsubok na ito. Kung nuon, walang bunga kundi konsumisyon at

pagdadalamhati at pagkabigo ang nararansan kung may

Page 9: Faith That works Part 6

pagsubok, hindi na sa ngayon sa ilalim ng pagiging anak ng Diyos.

Ngayon, paano haharapin ng may kagalakan ang pagsubok?

2. Manalangin.

Ito ang pahayag ni James….“ Kung ang sinuman sa inyo ay kulang

sa karunungan, humingi siya sa Diyos at iyon ay ibibigay sa

kaniya. Ang Diyos ay nagbibigay nang masagana sa lahat at hindi

nagagalit.”-v.5

See, may tulong na makakamtan sa gitna ng pagsubok bagay na

dapat ikagalak. Dati nga kasi ay walang mahihingan ng tulong.

Ang tulong ay hihingin sa Diyos. Mag-ingat kung saan hihingi ng

tulong. Una sa Diyos, at i-ga-guide ka ng Diyos. Bibigyan ka ng

tamang talino at pag-iisip upang mairesolba mo ang pagsubok.

Dati ay natutuliro at nakukurta ang isipan. Ngayon ay

matutulungan ka ng Diyos kung hihingi ka. Tandaan na kailangang

humingi ka sa Diyos sa panalangin. Huwag mong susulohin.

Minsan kasi dahil nagmamalaki tayo porke maliit ang pagsubok ay

hindi na tayo nanalangin., Bira tayo ng bira. Minsan pa, imbes na

sa Diyos, sa kaibigan tayo kumukunsulta. Hindi masama kung

spiritual yung kaibigan at idudulog ka sa Diyos. Paano kung ibulid

ka sa tsismis at kamalian. Unahin lagi sa Diyos lumapit sa

panalangin. Ngayon,….

Page 10: Faith That works Part 6

Ano ang ipapanalangin?

Ang sabi ni James ay Karunungan para lumago ka sa katatagan at

kaalaman sa pagharap sa mga pagsubok. Ang taong dependent sa

Diyos sa pananalangin lagi ay lumalakas at tumatatag. Sa

panalangin kasi, Diyos ang hinahayaan mong gumiya sa gagawin

at mangyayari lalo na sa peligrong situasyon. Maaalala si Haring

Jehoshapat ay pinalakas ng Diyos sa kabila ng sila ay napapaliran

ng mga kaaway at maaaring ubusin na sila at mawala sa mapa.

Ngunit sa panalangin sa gitna ng gayung pagsubok at kabaliktaran

ang nangyari. Kaaway nila ang nalagas. The fear of the Lord is the

beginning of wisdom. The source of wisdom.

3. Sumandal sa Pangako ng Diyos

Tagubilin ni James na dapat segurhin nino man tungkol sa

pananalangin…“ Ngunit kapag siya ay humingi, humingi siyang

may pananampalataya at walang pag-aalinlangan”-v.6

PANAPOS: Pagdating ng Problema o pagsubok, upang

pakinabangan ang pagsubok, magalak, manalangin na may

pananampalatayang lubos. Pansinin na yung level ng tiwala sa

kapangyarihan ng Diyos ang nagdadala ng katatagan sa believer.

Sa lakas ng tiwala sa Diyos ang nagdadala ng buhay at tunay na

gumagana at napapakinabangang pananampalataya.

Page 11: Faith That works Part 6

Manalangin tayo: O Diyos na Banal, salamat sa aral na iyong

ibinahagi sa amin. Matutuo nga kaming makibang pagdating ng

pagsubok . Turuan mo kaming magalak, manalangin na may

malalim na pananampalataya sa iyo sa gitna ng mga pagsubok at

maging gumagana an gaming pananampalataya na may malaking

pakinabang sa gawain ng iyong kaharian sa lupa. Sa Pangalan ni

Jesus, Amen.