faqs_bayani ofw savings

3
Frequently Asked Questions

Upload: trinhbao

Post on 12-Dec-2016

235 views

Category:

Documents

4 download

TRANSCRIPT

Frequently Asked Questions

FAQ

’s MGA KADALASANG TANONG (FAQS) TUNGKOL SA BAYANI OFW SAVINGS:

1. Ano ang Bayani OFW Savings?Ang Bayani OFW Savings ay isang natatanging account ng Sterling Bank para sa mga OFWs na gustong mag-ipon mula sa kanilang sahod sa abroad para sa paghahanda ng kanilang kinabukasan.

2. Anu-ano ang benepisyong matatanggap sa Bayani OFW Savings?

• Ang account ay mayroong kinikitang INTEREST. • Ang account ay mayroong VISA Debit Card. • Ang account ay WALANG MAINTAINING BALANCE.*

*Paalala: Kailangan na may foreign remittance ang isang Bayani OFW Savings depositor kahit isa (sa loob ng kada 12 buwan mula sa araw na binuksan ang account) upang ma-enjoy ang katangian ng produktong ito.

3. Paano ko makukuha ang kinita na interest ng aking ipon sa Bayani OFW Savings ko? Ang interest na kinita ng iyong ipon sa Bayani OFW Savings ay awtomatiko pinapasok sa iyong account pagkatapos ng isang buwan.

4. Saan ako maaaring mag-deposito ng aking ipon patungo sa aking Bayani OFW Savings?

• Kung ikaw ay nasa ibang bansa, maaari kang mag-padala ng pera patungo sa iyong Bayani OFW Savings Account sa alinmang iRemit offices na matatagpuan (Kalakip sa welcome kit ang mga bansang may iRemit offices).

• Kung ikaw ay nasa Pilipinas, maaari ka namang mag-deposito sa kahit sa alinmang Sterling Bank of Asia branches sa buong Pilipinas. Ihanda lang ang account number at ang pera na iyong gustong i-deposito.

5. Saan ako pwede mag-check ng balanse ng Bayani OFW Savings ko?

Kung ikaw ay nasa Pilipinas: Kung ikaw ay nasa labas ng Pilipinas: • Sa lahat ng Sterling Bank ATM Networks • VISA Plus ATM Network*• BancNet ATM Network* Kung Balance Inquiry Online:Mag log-in lang sa BancNet Online – at LIBRE ito!

*May kaukulang bawas na halaga depende sa bangko

6. Ano ang Bayani OFW Savings Debit Card?

• Ito ang iyong ATM Card upang makapag-withdraw ng pera mula sa iyong Bayani OFW Savings account. • Ito ang iyong Debit Card para sa pagba-bayad ng mga pinamili mula sa mga tindahan na tumatanggap ng VISA • Ito ang iyong Virtual Card bilang pambayad ng mga pinamili mula sa mga online internet stores na tumatanggap ng VISA*

7. Anong uri ng pera o ‘currency’ ang mawi-withdraw ko sa VISA PLUS ATMs? Ang uri ng pera na mawi-withdraw mo sa VISA Plus ATMs ay depende kung saan bansa ka nagwi-withdraw (May kaukulang bawas na halaga depende sa bangko).

8. Ano ang www.bancnetonline.com ? Ang www.bancnetonline.com ay isang internet facility na pwede mong i-access at gawin ang ilang transaksyon pinansyal katulad ng pag-inquire ng balanse, pagba-bayad ng mga bayarin at iba pa.

9. Paano ako magbabayad ng aking mga bayarin sa www.bancnetonline.com?

Madali lang! a. Mag log-in sa www.bancnetonline.com b. Piliin ang “Sterling Bank of Asia” logo c. Basahin ang terms and agreement sa paggamit ng pasilidad na ito at i-click ang “I Agree” kung sang ayon ka. d. I-click ang “Payment” e. I-type ang mga detalye ng iyong bayarin • Piliin ang pangalan ng institusyong iyong babayaran • I-type ang account number ng iyong babayarang bill • I-type ang 16-digit Bayani OFW Savings VISA card number (Makikita sa harapan ng card) • Piliin ang “Savings Account” sa Account Type • I-type ang halagang ibabayad mo f. I-type ang ATM PIN (Makikita sa kasamang PIN Mailer) g. I-click ang “Submit”

10. Mayroon bang kabawasan sa aking account tuwing magbabayad gamit ang www.bancnetonline.com ? Walang itong bayad kahit nasaang bansa ka man.

11. Ano ang kailangan para makapag-bukas ng Bayani OFW Savings Account? Kailangan lang magbigay ng kahit isang (1) Government issued valid ID na may litrato at lagda ng taong nag-a-apply

ng Bayani OFW Savings sa alinmang branch ng Sterling Bank of Asia.

12. Ano ang gagawin ko kung ang Bayani OFW Savings VISA card ko ay naipit sa ATM ? I-report agad ang naipit mong ATM card sa Sterling Bank Customer Service Helpline +632 721 6000 o mag-e-mail sa

[email protected].

13. Ano ang gagawin ko kung ang card ko ay nawala o nanakaw? I-report agad sa loob ng 24 oras ang nawalang card sa Sterling Bank Customer Service Helpline +632 721 6000.

14. Saan maaaring tumawag tungkol sa iba pang katanungan sa aking Bayani OFW Savings? • Tungkol sa mga remittances/padala, maaring tumawag sa opisina kung saan kayo nagpadala ng ipon mo. • Tungkol naman sa inyong Bayani OFW Savings, maaari nyong gawin ang mga sumusunod:

Tumawag sa Sterling Bank Customer Service Helpline +632 721-6000 (24 hours from Mondays to Friday / 8AM to 5PM on Weekends and Holidays - Philippine Time) o mag-email sa [email protected]

FAQ

’sMGA KADALASANG TANONG (FAQS) TUNGKOL SA BAYANI OFW SAVINGS: