[fildlar] final paper
TRANSCRIPT
Isang Paghahambing ng Elektrikong Sasakyan
at De-gasolinang Sasakyan
Ikalawang PangkatTerm 1 AY 2010 – 2011
Fildlar – C31
Mga Miyembro:
Abanador, Paul VincentDavantes, Kathrina
Macalinao, Jhon PhilemonMendiola, Simon Gerard
Tegio, Rose Ann - KoordineytorVentura, Rachael Geraldine
Guro:
Dr. Teresita Fortunato
Talaan ng Nilalaman
Pahina
I. INTRODUKSYON Ni Rose Ann Tegio …………………………………………………………...
II. PAKSA NG RISERTS ………………………………………………………
Pangunahing Suliranin at mga Tiyak na Suliranin ………………………
Anu-ano ang mga pinagkukunan ng gasolina na ginagamit sa mga sasakyan?Ni Simon Gerard Mendiola …………………………………………….
Paghambingin ang dalawang uri ng sasakyan batay sa kung alin ang mas episyente.Ni Rose Ann Tegio ……………………………………………………….
Paghambingin ang dalawang uri ng sasakyan batay sa kung alin ang mas tipid gamitin.Ni Kathrina Davantes ……………………………………………………
Paano mas nakabubuti sa kalikasan ang elektrikong sasakyan? Ang de-gasolinang sasakyan?Ni Rachael Geraldine Ventura …………………………………………
Paano nagiging bahagi ang gobyerno hinggil sa paksang ito?Ni Paul Vincent Abanador ………………………………………………
Paano magiging handa ang Pilipinas para sa mga elektrikong sasakyan?Ni Jhon Philemon Macalinao ……………………………………………
III. KONKLUSYONNi Rose Ann Tegio …………………………………………………………..
IV. REKOMENDASYONNi Rose Ann Tegio……………………………………………………………
V. SANGGUNIAN …………………………………………………………….
3
6
6
8
15
19
21
26
28
31
32
33
2
INTRODUKSYON
Hulyo 4, 2007 nang ipakilala sa publiko ang “e-jeepney”, isang pampasaherong jeep na
kuryente ang ginagamit upang umandar imbes na gasolina na siyang nakasanayan natin. Ito ay sa
ilalim ng Climate Friendly Cities Project ng Green Independent Power Producers (GRIPP) na
sinuportahan naman ng Greenpeace at ng Lungsod ng Makati.
Ang e-jeepney na nagkakahalaga ng humigit-kumulang na 500,000 piso ay may batirya
na siyang pinagkukunan nito ng enerhiya. Kaya nitong tumakbo nang hanggang 120 kilometro
matapos itong kargahan o i-charge ng walong oras.
Hangad ng proyektong ito na mabawasan ang paggamit ng fossil fuels na isa sa mga
dahilan ng pagbabago ng klima sa mundo o climate change at siya ring pinagkukunan ng
gasolinang ginagamit sa mga sasakyan. Nais din ng proyektong ito na mabawasan ang polusyon
sa hangin dulot ng ibinubugang usok ng mga sasakyan at mga solidong basura o solid wastes na
mula naman sa mga itinapong parte ng mga sasakyan (D. Yap, 2007).
Ang e-jeepney ay siyang kauna-unahang pampublikong sasakyan na elektriko sa buong
Timog-silangang Asya (Visaya, 2007).
Pinagmulan ng Elektrikong Sasakyan
Isang makabagong teknolohiya kung iisipin ang elektrikong sasakyan lalo na sa Pilipinas
sapagkat nasanay tayo sa mga de-gasolinang sasakyan. Ngunit, kung tutuusin, matagal nang
naimbento ang sasakyang elektriko.
3
Noong 1830’s, naimbento ni Sibrandus Stratingh, isang Olandes ang electromagnetic cart
na siyang pinagmulan ng mga elektrikong sasakyan. Dahil tahimik, malinis, madaling paganahin
at madaling panatilihin ang elektrikong sasakyan kumpara sa de-gasolinang sasayan, mas naging
popular ito at mas ginagamit ng nakararami kahit pa pang-malapitan lang ang biyahe nito
(Romero, 2009).
Subalit, ang popularidad ng mga elektrikong sasakyan ay hindi rin nagtagal. Pagdating
ng 1920’s, mayroon nang magandang sistema ng mga kalye lalo na sa Amerika na nagdudugtong
sa mga lungsod. Dahil dito, mas kinailangan na ng mga sasakyang makapaglalakbay ng malayo.
Natuklasan din ang krudo sa Texas na nakapagpababa ng presyo ng gasolina. Isa rin sa mga
dahilan ng paghina ng popularidad ng elektrikong sasakyan ang pagprodyus ni Henry Ford ng
napakaraming de-gasolinang sasakyan na mas mura kaysa sa elektrikong sasakyan. Dahil sa mga
sanhing nabanggit, tuluyan nang naglaho ang mga elektrikong sasakyan. (“The history,” n.d.)
Taong 1960 nang magbalik ang elektrikong sasakyan dahil sa tumataas na presyo ng
langis at sa takot na maubos ang pinagkukunan ng huli. Ngunit, hindi ito gaanong kinagat ng
sambayanan dahil sa mataas na presyo nito at dahil mas nasanay na ang madla sa mga de-
gasolinang sasakyan. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paggawa at pagpapabuti ng mga
elektrikong sasakyan para sa ikabubuti ng kalikasan lalo na ngayon na mainit ang isyu ng
pagbabago ng panahon at sa pangambang maubos na ang pinagkukunan ng langis (Romero,
2009).
4
Pinagmulan ng De-gasolinang Sasakyan
Sinasabing ang pinakaunang tala tungkol sa sasakyan ay noong ika-15 siglo. Gumuhit at
nagdisenyo si Leonardo Da Vinci ng mga modelo ng sasakyan ngunit hanggang doon lang iyon.
Hindi siya gumawa ng mismong sasakyan. Sina Nicolas-Joseph Cugnot, William Murdoch at
Richard Trevithick naman ang nakaimbento ng sasakyang umaandar gamit ang singaw o steam.
Malaki at mabigat ito kaya sa patag na kalsada lamang ito maaaring umandar (Car History,
2010).
Kapag de-gasolinang sasakyan naman ang pag-uusapan partikular na kung sino ang
unang nakaimbento, maraming pangalan ang nakakabit. Ilan sa mga nababanggit ay sina
Siegfried Marcus ng Austria, Etienne Lenoir ng Pransya, George Brayton ng Amerika, Enrico
Bernardi ng Italya, Gottlieb Daimler at Wilhelm Maybach ng Alemanya at Karl Benz na isa ring
Aleman. Sa kanilang lahat, si Karl Benz ang madalas na nababanggit dahil siya ang unang
nakapagpatente ng kanyang sasakyan noong 1886 at nakapagpatunay ng kakayahan ng kanyang
sasakyan partikular na sa malayuang biyahe. Siya rin ang unang nagprodyus ng de-gasolinang
sasakyan ng maramihan. (FirstCarNow.com, 2010)
Dahil sa kinakaharap na problema sa kalikasan ng mundo partikular na ng Pilipinas, may
ilang organisasyong naglunsad ng elektrikong sasakyan. Sapagkat pawang mga mag-aaral ng
kolehiyo ng siyensya ang mga risertser, minabuti ng mga huli na magsaliksik hinggil sa
elektrikong sasakyan at ihambing ito sa de-gasolinang sasakyan na siyang kasalukuyang
ginagamit ng mga Pilipino. Sa papel na ito, tinalakay ang pinagkukunan ng gasolina na siyang
ginagamit sa de-gasolinang sasakyan at ang pinagkukunan ng kuryente na siya namang
ginagamit sa elektrikong sasakyan. Pinaghambing din ang elektrikong sasakyan at de-gasolinang
5
sasakyan batay sa kung alin ang mas nakabubuti sa kalikasan. Sa panahon ngayon, mainit ang
isyu na may kinalaman sa malawakang pag-init ng mundo kaya naman maraming
environmentalist ang gumagawa ng hakbang upang mapangalagaan ang kalikasan. Dito sa
Pilipinas, isa sa mga hakbang na iyon ay ang paglulunsad ng e-jeepney. Ngunit, kailangan ding
isaalang-alang ang benepisyo o kapakinabangang maidudulot ng e-jeepney sa mga Pilipino kaya
naman pinaghambing din sa papel na ito ang pagiging episyente at pagiging matipid ng dalawang
uri ng sasakyang nabanggit. Binigyang diin din ang bahaging ginagampanan ng gobyerno hinggil
sa paksang ito at kung handa na ba ang Pilipinas sa elektrikong sasakyan.
6
PAKSA NG RISERTS
Pangunahing Suliranin
Ang pag-aaral sa paghahambing ng mga sasakyang gumagamit ng kuryente kumpara sa
gumagamit ng gasolina sa Lungsod ng Makati.
Mga Tiyak na Suliranin
1. Anu-ano ang mga pinagkukunan ng gasolina na ginagamit sa mga sasakyan?
2. Paghambingin ang dalawang uri ng sasakyan batay sa kung alin ang mas episyente.
3. Paghambingin ang dalawang uri ng sasakyan batay sa kung alin ang mas tipid gamitin.
4. Paano mas nakabubuti sa kalikasan ang elektrikong sasakyan? Ang de-gasolinang
sasakyan?
5. Paano nagiging bahagi ang gobyerno hinggil sa paksang ito?
6. Paano magiging handa ang Pilipinas para sa mga elektrikong sasakyan?
7
Anu-ano ang mga pinagkukunan ng gasolina na ginagamit sa mga sasakyan?Ni Simon Gerard Mendiola
Ang langis ay nakukuha mula sa mga labi (fossil remains) ng mga sinaunang halaman at
hayop. Ang mga labing ito ay higit sampung milyong taon nang nakaimbak sa mga bato sa ilalim
ng lupa. Karamihan ng langis ay nabubuo dahil sa mga labi ng mga maliliit na halaman at hayop
na galing sa mga katubigan. Ang tawag sa mga maliliit na organismong ito ay “plankton”. Kung
tatantyahin, ang dami ng sinaunang plankton sa bawat galon ng gasolina ay aabot ng siyam na
pung toneladang plankton bawat isang galon ng gasolina. At ang bigat na ito ay higit
dalawampu’t pitong libong beses (27,000x) ang bigat kumpara sa gasoline (Gorelick, 2010).
Kaya naman maraming eksperto ang nagsasabi na hindi maasahan ang ganitong yamang lupa
dahil matagal at marami ang kailangang sangkap upang mapalitan ito.
Nabanggit sa naungang talata na ang langis ay mula sa mga labi ng mga sinaunang
organismo1 na tinatawag ring “fossil fuels”. Subalit ang langis ay isang maliit na bahagi lamang
ng “fossil fuels”. Kung bibigyang kahulugan, ang fossil fuel ay isang yamang lupa na halos lahat
ay binubuo ng mga hydrogen at carbon (o hydrocarbon sa mas maikling termino) (Gorelick,
2010) na tumatagal ng ilang milyong taon upang magsamasama at makagawa ng mga timpla
(compound). Ang proseso ng pagsasamang ito ay nakakagawa ng iba’t ibang timpla na may
karampatng komposisyon at bigat. Lahat ng mga timplang ito ay naghahalo sa mga bukal o sa
mga lugar na matatagpuan sa ilalim ng lupa (Hal. oil well, natural gas well at coal bed). Ang
pagsasamang ito ay maaring matagpuan sa iba’t ibang anyo tulad ng uling (coal), natural gas o
likido (tinatawag ring krudo). At ang lahat ng ito ay ginagamit upang mapagkunan ng enerhiya
tulad ng init, kuryente at mosyon.
1.Mga bagay (buhay man o hindi) na pangunahing binubuo ng hydrogen at carbon.
8
Ayon sa Department of Energy (DOE), sa buong mundo isa ang uling sa
pinakamimithing yaman ng mga bansa, kasama na ang Pilipinas, dahil isa itong murang
mapagkukunan ng enerhiya. Taon-taon lumalakas ang konsumo ng uling sa Pilipinas dahil
ginagamit ito ng bansa para mapagkunan ng kuryente. Sa ngayon ang uling ay may dalawampu’t
pitong porsyentong (27%) kontribusyon sa suplay ng kuryente sa ating bansa (Department of
Energy-Coal, 2005). Ang walumpu’t tatlong porsyento (73%) na suplay ng kuryente naman ay
galing sa mga planta ng kuryente na gumagamit ng napapalitang enerhiya tulad ng init-
geothermal, tubig at hangin.
Sa kabilang banda, ayon din sa DOE, ang natural gas sa Pilipinas ay hindi pa lubusang
nagagamit sa produksyon ng kuryente dahil karamihan ng nakukuha sa Pilipinas ay gingawang
Liquefied Petroleum Gas (LPG). Kasalukuyan, maliit lamang ang kontribusyon ng natural gas
upang makagawa ng kuryente (2,760 Mega Watt) (DOE-Natural Gas, 2005).
Sa tatlong anyo nito, ang likido o krudong anyo ang pinaka-kapakikapakinabang dahil
hindi lang ito ginagamit para mapagkunan enrhiya kundi ginagamit din ito para sa imprastraktura
(kalsada) at kagamitan para sa mga makina at sasakyan (Hal. Pampadulas o lubricant at
Pangpakintab o wax).
Ang pokus ng seksyon na ito ay kung saan at paano nakakakuha ng gasolina at iba pang
katulad na produkto nito. Bago talakayin kung paano nakakakuha ang gasolina mahalaga
munang malaman kung ano ang pagkakaiba o relasyon ng petrolyo at langis. Ayon kay Steven
Gorelick, ang petrolyo ay hindi direktang kapareho ng langis. Ang petrolyo ay tumutukoy sa
hilaw na produkto tulad ng natural gas at krudo na nakuha mula sa mga Oil rig o minahan,
9
samantalang ang langis naman ay tumutukoy sa krudong dumaan na sa proseso ng paglalantay
upang makabuo ng gasolina, diesel, pampadulas, pangpakintab, atbp (Gorelick, 2010).
Saan nangagaling ang langis?
Higit walumpu’t limang porsyento
(>85%) ng suplay ng langis sa buong mundo ay
pinoproseso mula sa dalawampu’t isang bansa
(Figure 1) taon-taon. Nangunguna dito ang
Saudi Arabia na may higit labindalawang
porsyentong (>12%) kontribusyon sa
pandaigdigang suplay ng langis (Gorelick,
2010). Sinundan naman ito ng Russia at United
States na may labindalawang porsyento (12%)
at labingisa at kalahating porsyentong (11.5%)
kontribusyon. Karamihan ng mga prominente at
importranteng suplayer ng langis sa buong mundo kabilang sa rehiyon ng Gitnang Silangan at
ang mga bansang ito ay miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC)
(Gorelick, 2010). Sa dami ng nagagagawang langis taon-taon, higit kalahati nito ay nauubos
lamang ng mga bansang US, China, Japan, India, Russia at Germany. Ang natirang suplay ay
pinaghahatian ng iba pang mga bansa kasama na rito ang Pilipinas. Pagkatapos maangkat ang
langis, ito ay lalantayin sa loob ng bansa upang makagawa ng gasolina. Ang mga lantayan sa
Pilipinas ay pagmamayari ng mga kompanya ng langis tulad ng Shell, Petron at Chevron.
10
Figure 1. Dami ng produksyon ng bawat bansa na kabilang sa bumubuo ng 85% suplay ng langis sa buong mundo. (Gorelick, 2010)
Paano nakukuha ang gasolina at iba pang produkto mula sa krudo?
Sa pamamagitan ng paglalantay ng krudo nakakakuha ng iba’t ibang klase ng langis.
Gaya ng nabanggit kanina, and krudo ay binubuo ng pinagsamsamang timpla ng hydrogen at
carbon. Bawat timpla na nakapaloob sa krudo ay pinaghihiwalay sa pamamagitan ng paglalantay
o pagsasala. Sa proseso ng pagsasala o paglalantay, ang mga tipla (compound) na may parehong
komposisyon at bigat ay pinagsasama. Ang krudo ay una munang pinapainitan hanggang ito ay
maging singaw, pagkatapos ay pinapadaan ito sa isang moog o tore na may sisidlan bawat lebel.
Bawat lebel ng moog ay may
karampatang temperatura kung saan
ang may pinakamainit na temperatura
ay matatagpuan sa ilalim ng moog at
ang pinakamalamig naman ay
matatagpuan sa pinakataas ng moog
(Figure 2). Sa ganitong paraan
napaghihiwalay ang mga mas
magagaan na timpla mula sa mga
mabibigat na timpla. Base sa paraang ito, mapapansin na ang mga timpla na magagaan o
mabababa ang densidad ay napupunta sa pinaka-mataas na bahagi ng moog, samantala ang mga
timpla na mabibigat o matataas ang densidad naman ay napupunta sa ilalim na bahagi ng moog
(“The Greening,” 2000).
Habang pataas ang singaw sa loob ng tore, unti-unti itong namumuo at nagiging likido.
Ang singaw na unti unting nagiging likido ay naiipon sa mga sisidlan at yoon na ang pinal
produkto na tinatawag na langis. Mula sa pinaka-mataas na bahagi ng tore, ang nilalaman ng
11
Figure2. Skematik ng proseso ng paglalanatay. (Petrojam, 2009)
bawat sisidlan ay ang sumusunod: (1) Liquefied petroleum gas (LPG), (2) naphtha (lighter
fluid), (3) gasolina, (4) gaas (kerosene) at gasolina ng mga eroplano, (5) diesel, (6) pampadulas
(lubricant) at pangpakintab (wax), (7) langis para sa barko (bunker fuel), (8) latak at aspalto
(“The Greening,” 2000). (Figure 2)
Sa walong lebel ng paglalantay, ang pangatlong lebel ang may pinakamalaking demand
sa merkado dahil ito ang pangunahing sangkap upang umandar ang mga sasakyan o kotse.
Sa kabila ng dami ng pakinabang sa mga yamang ito, mayroon itong malaking problema
dahil pagkatapos gamitin ng langis ay malaki ang nababahagi nito sa polusyon tulad ng usok at
init. Kaya naman gumagawa na ng mga makabagong hakbang ang mga eksperto upang
mabawasan ang grabeng polusyon at mabawasan ang pag init ng mundo. Isa na sa mga hakbang
na gingawa ng mga eksperto ay ang paggamit ng kuryente upang magpatakbo ang mga sasakyan
(Hal. e-Jeepney). Kung iisipin malaking tipid ang hakbang na ito dahil mula sa mga fossil fuel ay
direkta na itong ginagawang kuryente at hindi na dumadaan sa paglalantay (Figure 3). Sa
ganitong paraan malaki ang nababawas na polusyon sa ating kapaligiran.
Sa kabuoan, ang seksyong ito ay maaring paikliin sa pamamagitan ng Figure 3. Mula sa mga
labi ng mga sinaunang organismo, ito ay miminahin o hahanguin sa ilalim ng lupa. Ang mga
nahango ay maaring nasa anyo ng uling, natural gas o krudo. Sa tatlong nabangit, ang uling at
natural gas ay ang yaman na pwedeng gamitin pagkatapos na pagkatapos hanguin mula sa ilalim
ng lupa bilang mapagkukunan ng kuryente sapagkat hindi na gaanong dumadaan sa masinsing
proseso ng pagsasala ang mga ito. Samantala, ang krudo naman ay kailangan pang lantayin
upang maging gasolina para magamit sa sasakyan. Bukod pa rito, sa paglalantay ng krudo bahagi
lamang nito ang nagiging gasolina. Kaya naman kung iisipin, ang produksyon ng gasolina ay
12
masyado ng kakaunti upang matugunan ang pangagailangan ng buong mundo. Mula sa Figure 3
makikita na malaki ang lamang ng elektrikong sasakyan mula sa mga de gasolinang sasakayan
dahil mas marami itong mapagkukunan ng enerhiya o kuryente tulad ng init-geothermal, hangin,
tubig, uling at natural gas. Sa ganitong paraan, mababawasan ang dagdag na polusyon sa hangin
dahil hindi na magbubuga ng usok ang mga sasakyan.
13
Planta ng KuryenteKuryente o Enerhiyang
napapalitan tulad ng init-
geothermal, Tubig at Hangin
Labi (Fossil) Minahan
Natutral GasKrudo
Butane
LPG
Gaas at gasolina ng eroplano
Gasolina
Pangpakintab at pampadulas
Langis ng Barko
Aspalto
Diesel
Lantayan
Elektrikong SasakyanDe-Gasolinang Sasakyan
Polusyon (basura,
usok at init)
Polusyon(usok at init)
Fig 3. Modelo ng Paglipat ng Enerhiya
sa mga Sasakyan
Uling
14
Paghambingin ang dalawang uri ng sasakyan batay sa kung alin ang mas episyente.Ni Rose Ann Tegio
Ang pagiging episyente o ang mabisang paggamit ng enerhiya ng isang sasakyan ay may
kaugnayan sa makinang nagpapaandar dito. Ang isang de-gasolinang sasakyan ay may tangke na
siyang nagbibigay ng gasolina sa makina. Ang makina ang nagpapaikot sa transmisyon na siya
namang nagpapagalaw sa sasakyan. Sa kabilang dako, ang isang elektrikong sasakyan ay may
mga batirya na siyang nagbibigay ng elektrisidad sa elektrikong motor. Ang elektrikong motor
ang siyang nagpapaikot sa transmisyon na siya namang nagpapagalaw sa sasakyan (Layton at
Nice, 2000).
15
Tangke
Makina
TransmisyonTransmisyon
Elektrikong Motor
Batirya
Kung paghahambingin ang makina ng dalawang uri ng sasakyang nabanggit, masasabing
mas episyente ang elektrikong motor sapagkat hanggang 75% ang nagagamit nitong enerhiya
mula sa batirya at ang 25% ay napupunta sa transisyong mekanikal. Samantala, 20% lamang ng
enerhiyang nagmumula sa gasolina ang nagagamit ng de-gasolinang makina at ang 80% ay
napupunta lamang sa init, pagkikiskisan (friction), panginginig (vibration), transisyong
mekanikal at iba pa. Samakatuwid, hindi nasusulit ng de-gasolinang sasakyan ang enerhiya nito
kumpara sa elektrikong sasakyan. Nangangahulugan lamang ito na hindi episyente ang de-
gasolinang sasakyan pagdating sa paggamit ng enerhiya (W. Yap, 2010).
Ayon pa kay Panch Puckett, presidente ng Solar Electric Co. (Solarco), kapag nakahinto
ang isang elektrikong sasakyan, tumitigil din ang motor kaya walang nasasayang na enerhiya
mula sa batirya na siyang mainam kapag trapik, hindi tulad ng de-gasolinang sasakyan na
gumagana pa rin ang makina kahit na nakahinto ang sasakyan kaya nasasayang ang gasolina.
Bukod doon, tahimik ang makina nito at hindi nanginginig kaya kaaya-aya itong gamitin. Ang
mga unang nakapagmaneho nga ng mga e-jeepneys ay nanibago dahil sa sobrang tahimik nito.
Sa katunayan, may mga radyo sila upang i-tsek kung gumagana ang makina ng sasakyan. Ayon
din kay Bise-presidente Jejomar Binay na dating alkalde ng Makati, na nabigyan din ng
pagkakataon na magmaneho ng e-jeepney, mistulang golf car ang kanyang minaneho (D. Yap,
2007).
16
a b
Figure 4. Larawan ng sasakyan na nagpapakita ng parte ng de-gasolinang sasakyan (a), at ng elektrikong sasakyan (b).
Samantala, ang Tesla Motors Inc. ay nagsagawa ng sarili nilang pag-aaral hinggil sa
pagiging episyente ng iba’t ibang uri ng sasakyan sa kanilang whitepaper o ulat. Kinalkula nila
ang well-to-wheel energy efficiency ng iba’t ibang klase ng sasakyan kasama na ang de-
gasolinang sasakyan at ang elektrikong sasakyan. Sinisimulan ang pagkalkula ng well-to-wheel
energy efficiency sa enerhiyang taglay ng source fuel. Sinusubaybayan ang enerhiyang ito
hanggang sa ito ay maging gasolina o kuryente at ibinabawas ang enerhiyang kinailangan para
maihatid ang gasolina o kuryente sa sasakyan. Ang naiulat na fuel efficiency ng mismong
sasakyan ay kasama rin sa pagkalkula ng well-to-wheel energy efficiency. Ang kanilang resulta
ay ipinahayag nila batay sa kilometrong nalalakbay ng sasakyan sa bawat mega-joule ng source
fuel na nagamit (km/MJ) – mas mataas na resulta, mas mainam. Lumabas sa kanilang
kalkulasyon na ang may pinakamataas na well-to-wheel energy efficiency ay ang elektrikong
sasakyan sa halagang 1.14 km/MJ kumpara sa de-gasolinang sasakyan na 0.51 km/MJ lamang
ang pagiging episyente (Eberhard at Tarpenning, 2006).
17
Sa kabila ng pagiging episyente ng elektrikong sasakyan, mayroon pa rin itong kahinaan.
Nakakapaglakbay ang isang elektrikong sasakyan ng 50 hanggang 130 milya matapos itong
kargahan o i-charge ng walong oras. Hindi ito mainam gamitin sa malayuang biyahe lalo na sa
ngayon na bibihira pa lang ang mga charging stations. Hindi rin kaaya-aya na maghihintay ka pa
ng walong oras bago mo maipagpatuloy ang iyong biyahe. Mainam lang itong gamitin sa pang-
araw-araw na biyahe tulad ng pagpunta sa opisina, sa eskwelahan o bilang isang pampublikong
sasakyan.Bukod doon, nababawasan din ang performans ng elektrikong sasakyan kasabay ng
pagbawas ng enerhiya ng batirya nito hindi tulad ng de-gasolinang sasakyan na ganoon pa rin
ang performans kahit paubos na ang gasolina nito (Sallings, 2009; Writing, 2010).
Sa ngayon, mayroon nang elektrikong sasakyan na kinakargahan ng enerhiya ang batirya
sa loob lamang ng 3.5 hours – ang Tesla Roadster (Eberhard at Tarpenning, 2006). Isa itong
indikasyon na sa pagdaan ng panahon, marami pang pagbabago ang maaaring mangyari sa
elektrikong sasakyan na para na rin sa kapakinabangan ng tao.
18
Well-to-wheel energy efficiency ng ilang mga sasakyan. Mapapansin na ang Tesla Roadster na isang elektrikong sasakyan ang pinakaepisyente.
Figure 5. Resulta ng naging pag-aaral ng Tesla Motors Inc.
Paghambingin ang dalawang uri ng sasakyan batay sa kung alin ang mas tipid gamitin.Ni Kathrina Davantes
Sa paghahambing ng dalawang uri ng sasakayan alimin kung alin ang mas-tipid gamitin.
Ang elektrikong sasakyan ay gumagamit lamang ng elektrisidad para ito’y ay mapagana. Subalit
ang ordinaryong sasakyan naman ay gumagamit pa ng gasolinang mamahalin. Isang halimbawa
ng elektrikong sasakyan ay ang “Tesla Roadster” na maaring i-charge lamang ng 3.5 na oras
gamit and 220 V, 70 amp outlet sa bahay. Ang diesel na gasolina naman para sa ordinaryong
sasakyan ay pumapatak ng P33-P35 kada litro. Sa isang normal na bahay ang outlet ay 1.5 kW –
3 kW, o 110-230 V. Ang electricidad dito sa Luzon ay pumapatak ng P10.3 per kW/h kasama na
doon ang transmisyon, distribusyon at ang buwis na hinihingi ng gobyerno, kung ang elektrikong
sasakyan ay gumagamit lamang hangan 10-23 kW-h/100 km ito ay pumapatak ng P103-230/100
km. Ang de-gasolinang sasakyan naman ay pumapatak ng 12 km/Litro at ang isang Litro ng
Diesel gas ay nasa P33-36, o P274-300/100 km. Nakikita naman na mas mura ang gastusin sa
elektrikong sasakyan kaysa sa sasakyan na gumagamit ng gasolina. (Eberhard at Tarpenning,
2006)
19
Sa usapang pagpapanatili ng sasakyan, ang mga elektrikong sasakyan ay walang
“tailpipe” o emisyon dahil hindi ito gumagamit ng “fuel” o panggatong, kombusyon ng systema,
di tulad ng ibang sasakyan. Dahil sa mas onti ang gumagalaw na parte ng elektrikong sasakyan
hindi gaano kinakailangan pag-gastusan ang pagpapanatili ng kalagayan nito. Hindi ito
nangangailangan ng pagpalit ng oil, filters, mufflers, belts, o nangangailangan ng tune-ups, o
mga emisyon tests para manatiling episyente ang sasakyan. Di tulad ng ordinaryong sasakyan na
kailangan palitan ng oil, filters at iba pa. Gagastos lamang sa pagpalit ng batirya ng elektrikong
makalipas ng mga 5-7 na taon depende sa uri ng batirya ng gamit, mahal ang pagpalit ng batirya
pero sa 5-7 na taon na iyon malaki na ang nagastos sa pagpapanatili ng ordinaryong sasakyan.
“The likely hood of your typical electric car cell battery life to be anywhere in the 130,000 to
150,000 mile range. Considering you don't have to perform regular maintenance like oil and air
filter changes, over the life of the vehicle the cost of replacing the battery would be far under gas
engine maintenance costs.” (Christopher, 2008)
Subalit ang elektrikong sasakyan ay hindi maaasahan sa mga biyaheng malayauan dahil
sa maaaring mawalan ng batirya at matirikan sa daan. Bago gumamit o bumili ng elektrikong
sasakyan dapat ay alamin ang mga limitasyon nito. Hindi ito magandang patakbuhin ng sobrang
bilis dahil mabilis rin siyang mauubusan ng batterya, kaya naman ay madalas lang ginagamit ang
elektrikong sasakyan sa ciudad o pang araw-araw na biyahe sa trabaho. Mas matipid at maasahan
gamitin ang ordinaryong sasakyan sa malayuan na biyahe dahil dito nakakasigurado na
mararating ang pupuntahan, dahil kung mawalan man ng gasolina laging may nakahandang
estasyon ng gas sa mga daanan dito sa Pilipinas. Pero sa ibang bansa tulad ng Amerika mayroon
na rin silang mga “charging station” para sa mga elektrikong sasakyan. Kung magkakaroon
20
lamang ng mga “charging stations” dito sa Pilipinas, marami ang makaka-tipid sa paggamit ng
elektrikong sasakyan at ang pollusyon sa bansa ay mababawasan din.
21
Paano mas nakabubuti sa kalikasan ang elektrikong sasakyan? Ang de-gasolinang sasakyan?
Ni Rachael Geraldine Ventura
Araw-araw, ang negosyo, mga personal na mga user at ang pangkalahatang publiko ay
gumagamit ng mga sasakyan para pumunta sa trabaho at paaralan, gumawa ng mga transaksyon
at masiyahan sa buhay. Hindi lang nila alam na sa dami ng mga de-gasolinang sasakyan sa
Pilipinas, ang ating kapaligiran ay nagdurusa sa polusyon.
Ang sabi ni Von Hernandez, ang Executive Director ng Greenpeace Southeast Asia,
“Jeepneys and the transport sector are responsible for Metro Manila's pollution problems. 50
percent are attributed to the public transport sector and the majority of them are running on
diesel powered jeepneys. So if you can transform that one sector, think of the transformation that
can take place.” Ano nga ba ang pinagkaiba ng isang elektrikong sasakyan sa de-gasolinang
sasakyan sa konteksto ng pangangalaga sa kalikasan? (Visaya, 2010)
Ang mga elektrikong sasakyan ay mas nakakabuti sa kalikasan dahil hindi ito nagbibigay
kontribusyon sa polusyon tulad ng usok, init at ingay na maaring magdulot ng sakit tulad ng sakit
sa baga. Nakakabuti ito sa kalikasan dahil sa mga sumusunod; (1) pinanggagalingan ng enerhiya
ng elektrikong sasakyan, (2)walang usok na binubuga, (3) mayroong episyenteng motor, (4)
hindi gumagawa ng ingay, (5) may episyenteng batirya, at (6) minsan lang ang pagpapapalit ng
mga piyesa. Lahat ng ito ay isa-isang tatalakayin.
22
(1.) Pinanggagalingan ng enerhiya ng sasakyan
Nabanggit na sa naunang seksyon na ang langis na krudo ay ginagamit upang paandarin
ang mga sasakyan na gumagamit ng gas. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paggawa ng
butas sa ibabaw ng mundo na nagiging sanhi ng depormasyon o deformation sa lupa.
Samantala, napipinsala lamang ng mga elektrikong sasakyan ang kalikasan dahil sa
pinagkukunan nito ng kuryente – ang coal-burning power plants. Subalit, sa buong mundo
ang mga tao ay nagpasimula ng iba't-ibang mga paraan ng pagkuha ng enerhiya at gawin
itong kuryente. Ang mga ito ay ginawa gamit ang hangin, enerhiyang nagmumula sa araw at
enerhiyang nagmumula sa tubig para makagawa ng alternatibong kuryente na mas
nakabubuti sa kapaligiran. (Hartman, 2010)
(2.) Walang usok na binubuga.
Ang elektrikong sasakyan ay mas nakakabuti sa kalikasan dahil hindi ito nagbubuga ng
usok na naglalaman ng maliliit na parikulo na pangunahing sanhi ng sakit sa baga (Hal.
hika). Bukod pa riyan, ang mga lumulutang na partikulong
ito ay maaring manatili bilang buo o likidong partikulo
(Green Facts, 2005). Tulad ng nabangit kanina, dahil hindi
ngbubuga ng usok ang mga elektrikong sasakyan maiiwasan
ang mga mapapanganib usok tulad ng carbon dioxide, sulfur,
nitrous oxide at iba pang “green house gas” na pumapatay sa kalikasan. Kaya naman sa
katagalan, malaking tipid ang makukuha mula sa paggamit ng elektrikong sasakyan dahil
hindi na nito kailangan dumaan sa mga eksaminasyon tulad ng “Smoke Emission Testing”.
(Types of Energy, 2009)
23
(3.) mayroong episyenteng motor
May malaking pagkakaiba ang mga motor na de-kuryente at de-gasolinang makina sa
aspeto ng episyensi. Mas episyente ang motor ng elektrikong sasakyan dahil napakakaunting
init ang nilalabas nito kumpara sa mga de-gasolinang makina. Sa katunayan, dalawampung
porsyento (20%) lamang ng kabuuang langis ng de-gasolinang sasakyan ang nagagamit
upang mapatakbo ito at ang natitirang walumpung porsyento (80%) nito ay nagiging init
lamang. (Weather Imagery, 2007)
Dahil sa laki ng init na nilalabas ng mga de-gasolinang makina, nangagailangan ito ng
mga iba pang mga piyesa upang mapalamig ang makina. Ang mga piyesang ito ay binubuo
ng radyeytor na nagdadala ng tubig o kemikal na pampalamig (coolant) sa makina at
bentilador na nagbubuga ng hangin sa radyeytor para hindi ito uminit. Makikita na napaka
komplikado ng sistema ng pagpapatakbo ng isang de-gasolinang sasakyan at napakaraming
materyales ang kailangan para mapagana ito. Kaya naman kung elektrikong sasakyan na
itinampok sa riserts na ito ang gagamitin, malaki ang matitipid at maiaalis nito ang
pangangailangan ng mga piyesa para mapalamig ang motor. (Weather Imagery, 2007)
Isa pang dahilan kaya episyente ang elektrikong sasakyan
ay dahil hindi ito nag-lalabas ng enerhiya o init kapag ito ay
nakahinto dahil hindi tumatakbo ang motor nito. Hindi
katulad ng mga de-gasolinang sasakyan na kahit na nakahinto
(litrato sa kanan) ay patuloy na umaandar ang makina nito.
Ibig sabihin, ang mga de-gasolinang sasakyan ay patuloy pa ring komukunsumo ng gasolina
at lumilikha ng polusyon kahit ito ay nakahinto. (Weather Imagery, 2007)
24
(4.) Hindi gumagawa ng ingay
Kapag tumatakbo ang elektrikong sasakyan, ito ay tahimik lamang dahil kakaunting
bahagi nito ang gumgalaw. Hindi katulad ng degasolinang sasakyan na napakadaming
bahaging gumagalaw lalong lalo na sa bahagi ng makina. Ipinapakita sa ibang riserts na ang
tahimik na katangian ng mga sasakyang de kuryente ay nagreresulta sa pagkakaroon ng mas
mahusay na produksyon ng tanim at malaki ang naitutulong nito upang mabawasan ang
ingay-polusyon. (Hyneman, 2008)
(5.) may episyenteng batirya
Ang parehong uri ng mga sasakyan (de-gasolina at
elektriko) ay gumagamit ng mga batirya (Hyneman,
2008). Ngunit, ang batirya ng isang de-gasolinang
sasakyan ay gawa sa “heavy lead-acid” na tumatagal
lamang ng maiksing panahon at kung kakagargahan
naman, tumatagal ito ng ilang oras bago mapuno ito
ng karga. Samantala ang elektrikong sasakyan naman
ay gumagamit ng batirya na gawa sa “lithium-ion”.
Ang mga ganitong mga batirya ay mas magaan at
mas maliit kaysa sa mga batirya na gawa sa “heavy
lead-acid”. Episyente ang mga batiryang gawa sa
“lithium-ion” dahil mas maraming kuryente ang
nakakarga dito mas matagal ang buhay nito. Isang halimbawa ng sasakyan na gumagamit ng
nasabing batirya ay ang Tesla Roadster Sports Coupe. Ito ay isang elektroniklong sasakyan
25
Batiryang gawa sa “heavy lead-acid”
Batiryang gawa sa lithium-ion
na lulumulubos sa gamit ng isang “lithium-ion” na batirya. Kung ang batiryang ito ay
kakargahan sa loob ng tatlo at kalahating oras, maari itong bumyahe ng 245 milya nang
walang tigil. Ngunit ang mga bateiryang ito (“heavy lead-acid” at “lithium-ion”) ay
nakakalason kaya naman dapat sundin ang wastong pagtapon ng mga ito. (Weather Imagery,
2007)
(6) Minsanang pagpapapalit ng mga piyesa.
Isa pang bentahe ng mga elektrikong sasakyan ay
ang madalang na pagpapalit ng mga piyesa nito
(Weather Imagery, 2007). Ang mga ganitong sasakyan
ay gumagamit ng elektrikong motor. Samakatuwid,
hindi na nito kailangan ng bomba ng langis, radyeytor,
tambutso, pansala ng langis, karburador, langis para sa
makina at iba pa. Kaya naman malaking tipid nito sa
materyales at malaki rin ang naitutulong nito para
mabawasan ang basura. Sa paggamit din ng ganitong
sasakyan, maiiwasan na madumihan ang mga ktubigan
dahil walang langis na tumatagas rito.Tanging batirya
lamang at iba pang maliliit at tipical na piyesa tulad ng
pedal, elektroniks, gulong, atbp. ang pinapalitan sa mga
elektroniklong sasakyan. At ang buhay ng bawat importanteng piyesa ng elektronikong
sasakyan ay hindi bababa ng limang taon. (Hartman, 2008)
26
Radyeytor
Karburador
Sa katunayan, sinasabi na ang mga elektrikong sasakyan ay isa sa mga maaaring lumutas
sa problema ng polusyon sa Maynila. Sa Makati lamang, mayroon mga 777,000 sasakyan na
umiikot sa lungsod araw-araw, sabi ni Mayor Jejomar C. Binay. Kung ang lahat ng mga jeepneys
at iba pang mga sasakyan ay tumatakbo sa elektrikong motor, mangyayari na magkakaroon ng
isang malaking pagbawas sa lebel ng polusyon ng hangin ang bansa. Kung mangyayari ito,
magkakaroon ng masmalinis na hangin, masmalusog na populasyon, mas mahusay na
pamamahala ng basura at positibong epekto sa climate change. (Green Car Congress, 2007)
27
Paano nagiging bahagi ang gobyerno hinggil sa paksang ito?
Ni Paul Vincent Abanador
Malaking hamon para sa Pilipinas ang pagpapatupad ng mga polisiyang magpapalaganap
ng paggamit ng elektrikong sasakyan. Ang paglipat sa elektronikanong sasakyan mula sa
tradisyonal sa sasakyan ay malaking pagbabago para sa mga tao. Kaya naman, napakahalaga ng
papel ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga batas na magpapalaganap sa paggamit ng mga
sasakyan na gumagamit ng green energy. Katulad ng sinasaad ng American Physical Society,
mahalaga ang papel ng gobyerno dahil ito rin ang tutulong gawing katanggap-tanggap sa lipunan
ang paggamit ng green energy tulad ng elektrikong sasakyan (Reyes, 2010).
Kung susuriin ang unang ang paglulunsad ng elektrikong sasakyan sa Makati noong 2007
sa pamumuno ni noong Mayor Jejomar Binay, naging mabagal ang pagproseso ng Land
Transportation Office (LTO) sa rehistrasyon ng mga elektrikong sasakyan. Ayon sa mga opisyal
ng Green Indpendent Power Producer (GRIPP) at Greenpeace, hindi kaagad nagamit sa mga
pampublikong daanan ang mga eletronikong sasakyan dahil hindi pa ito naklasipika ng LTO.
Kinailangan pang kumuha mula sa Department of Science and Technology (DOST) ng
sertipikasyon tungkol sa mga espesipikasyon ng mga e-jeepney bago makabuo ng mga
alituntunin sa klasipikasyon ng ganitong uri ng sasakyan. Ayon sa GRIPP at Greenpeace, dapat
magbuo ang pamahalaan ng mabilisang proseso ng klasipikasyon at rehistrasyon ng mga
elektrikong sasakyan upang magawa ng tamang balangkas upang masimulang palaganapin ang
paggamit ng elektrikong sasakyan sa mga lunsod (Aning 2007).
Kung ikukumpara ang implementasyon ng paggamit ng mga elektrikong sasakyan sa
ibang bansa, marami pa ang kailangang mga patakarang dapat ipatupad ng pamahalaan ng
28
Pilipinas. Halimbawa, sa Taipei, Taiwan, nagpaplanong magbigay ang pamahalaan para sa mga
gagamit ng mga elektrikong sasakyan ng subsidiya na bawat isa ay nagkakahalagang US$20,000
hanggang US$50,000. Bukod dito, plano nilang magpokus sa edukasyon tungkol sa elektrikong
sasakyan sa sampung iba’t-ibang lugar sa Taipei sa loob ng tatlong taon bago ito tuluyang
gawing electronic car zones (Tan, 2010). Sunod, sa UK naman, ang pamahalaan ay magbibigay
ng US$8,000 sa bawat isang bibili ng elektrikong sasakyan (katumbas ng halos 25% ng presyo
ng isang kotseng eletroniko) mula Enero 2011 hanggang March 2012 (Chestney, 2010).
Samantala sa China, ang pamahalaan ay mamuhunan ng US$14.7 bilyon para sa industriya ng
elektrikong sasakyan upang tulungan ang mga kumpanya mababawas ang kanilang mga gastos.
Ito ang tutulong maibaba ang presyo ng mga elektrikong sasakyan (Kurtenbach, 2010).
Samakatuwid, kung nais ng pamahalaan napalaganap ang paggamit ng elektrikong
sasakyan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, dapat ito magawa at magpatupad ng mga polisiyang
bubuo ng epektibong balangkas. Una, dapat magsimula ng mabilisang sistema ng pagpoproseso
ng rehistrasyon ng mga elektrikong sasakyan. Pangalawa, dapat magbigay ng mga training at iba
pang anyo ng edukasyon upang lalong matutunan at matanggap ng mga Pilipino ang ganitong uri
ng transportasyon. Huli, dapat magbigay ng mga subsidiya at insentibo para sa mga kumpanya at
mga tagapamili na makikilahok sa pagpalaganap ng paggamit ng mga elektrikong sasakyan.
29
Paano magiging handa ang Pilipinas para sa mga elektrikong sasakyan? Ni Jhon Philemon Macalinao
Marami na sa ating mga karatig bansa ang gumagamit ng sasakyang hindi umaandar sa
krudo. Karamihan sa mga ito ay umaandar lamang sa batirya. Ang halimbawa ng mga sasakyang
ito na umaandar sa kuryente ay mga tricycle at jeep.
Marami na ang lumabas na “electric cars” ngunit ang mga ito ay mga hybrid at
naglalabas pa rin ng mga greenhouse gases. Ang Canada, Denmark, USA, UK ay ilan lamang sa
mga bansa na gumagamit ng mga sasakyang ito (“All-Electric Mini,” n.d.; “Study: Electric,”
n.d.). Kung mapapansin natin batay sa ekonomiya, maganda ang kalagayan ng mga nasabing
bansa na ito. Maaring magbigay kahulugan itong obserbasyon na ito sa aplikasyon ng mga
electric cars sa ating bansa.
Sa ngayon, sa lungsod lang ng Makati at Taguig, Fort Bonifacio, makikita ang mga
“electric cars”. Ito ang mga sasakyang umaandar lamang sa batirya. Dapat ang ganitong uri ng
pampublikong transportasyon ay kalat na sa buong bansa at hindi lamang sa mga lugar na ito
dahil malaki ang maitutulong nito sa kalikasan.
30
Figure 6. Carbon emissions per capita for Philippines (metric tons carbon) – Oak Ridge National Laboratory
Batay sa tsart (Figure 6) na ipinakita, patuloy na tumataas ang Carbon dioxide emissions
sa ating bansa (“Graph: Carbon,” n.d.) Dapat ay mabigyan aksyon ang pangyayaring ito dahil
matindi ang magiging epekto nito sa ating kalusugan at kapaligiran.
Bago mabigyan aksyon ang suliranin na ito, dapat suriin muna natin kung handa na nga
ba ang bansa sa mga elektrikong sasakyan. Sa kasalukuyan, madalas nagaganap ang tinatawag na
blackout rotation (“Rotating brownouts,” n.d.). Ito ang pagkawala ng kuryente sa isang lugar sa
bansa sa panandaliang panahon at muling babalik at mawawalan naman ng enerhiya sa iba pang
31
lugar. Ang dahilan dito ay ang pagkakulang sa produksyon ng enerhiya. At kung gagamit pa ang
bansa ng elektrikong sasakyan, mas malaki pa ang kakailanganing enerhiyang kuryente.
Isa pang dapat bigyan pansin ay ang presyo ng mga sasakyang ito. Mas mahal ang mga
elektrikong sasakyan kaysa sa mga kapareha ng mga sasakyan na ito na umaandar sa krudo.
Malaking puhunan ang kailngang gugulin para dito (Figure 7).
Dahil mahal ang mga sasakyang ito, hindi ito basta basta mabibili ng ordinaryong
mamamayan (“2011 Electric,” n.d.). Pero sa pampublikong transportasyon, magagamit na ito
dahil sa mga tulong, cooperasyon, subsidiya mula sa lokal na pamahalaan at mga organisasyong
tulad ng Green Peace.
Figure 7. Nissan Leaf – Li-ion battery $26,000 (“2011 Electric,” n.d.).
Sa dalawang pagsusuri na ating tinignan, masasabi na hindi pa handa ang Pilipinas sa
electric cars bilang kapalit sa mga pribadong sasakyan ngunit handa na ito para sa pampublikong
transportasyon. Sa kasalukuyan may ilang sasakyang kuryente, hindi pa rin ito magagmit para sa
mga iba pang sektor ng bansa dahil sa kalagayang ekonomikal ng mga lugar na ito. Maganda
ang magiging epekto nito sa kalidad ng hanging sumisimoy kung magkakalat ang gamit ng
sasakyan na ito pero hindi pa ito ngayon, dahil sa problema sa ekonomiya at ang produksyon ng
enerhiya.
32
Kung nakamit na ang magandang ekonomiya, at kinakailangang enerhiya, ang kailangan
na lamang ang pag-tangkilik ng tao dito. Dapat makita ng mga mamayan ang magandang epekto
nito. Marahil mahal ngunit babalik naman ito sa ating kalusugan. Kung magagawa ito,
makakamit rin natin ang maganda at malinis na simoy ng hangin.
33
KONKLUSYON
Base sa riserts na isinagawa ng grupo, masasabi na mas nakalalamang ang elektrikong
sasakyan kaysa sa de-gasolinang sasakyan kung ang pagbabasehan ay ang episyensi, pagiging
matipid at ang pagiging maalaga sa kalikasan.
Sa isang banda, mas nakalalamang naman ang de-gasolinang sasakyan kung malayuang
biyahe ang pag-uusapan. Ngunit, sa pagdaan ng panahon at pagiging moderno nito, mas
mapahuhusay pa ang mga katangian at kakayahan ng elektrikong sasakyan at maaring
matumbasan na rin nito ang de-gasolinang sasakyan.
Sa ngayon, bago pa lang ang konsepto ng elektrikong sasakyan dito sa Pilipinas. Upang
mas mapadali at mapabilis ang pagtanggap ng mga Pilipino sa ganitong uri ng sasakyan, may
mga hakbang na dapat gawin ang pamahalaan. Una, dapat ay patatagin muna ng pamahalaan ang
ekonomiya ng bansa. Nararapat din na magkaroon ng sapat na enerhiyang pagkukunan ang
bansa. Ikalawa, dapat ay magkaroon din ng training at edukasyon tungkol sa elektrikong
sasakyan. Huli, mas mainam kung magbibigay ang pamahalaan ng subsidiya at insentibo sa mga
mamumuhunan at bibili upang mahikayat ang mga Pilipino na tangkilikin ang elektrikong
sasakyan.
34
REKOMENDASYON
Ang riserts na ito ay nakapokus lamang sa e-jeepney ng Makati at ng elektrikong
sasakyan sa kabuuan. Dito sa Pilipinas, mayroon na ring mga lugar na gumagamit ng elektrikong
sasakyan tulad ng Taguig na mayroong e-tricycle. Inirerekomenda ng grupo na pag-aralan din o
gumawa rin ng riserts tungkol sa iba pang elektrikong sasakyan dito sa Pilipinas.
Mainam din na hingin ang opinyon ng mga Pilipino hinggil sa elektrikong sasakyan –
kung sa tingin nila ay makabubuti ito sa kanila, sa kalikasan at maging sa buong bansa.
35
SANGGUNIAN
2011 Electric Cars in the USA: Here’s the Lineup. Retrieved from http://www.practicalenvironmentalist.com/automobiles/2011-electric-cars-usa.htm
All-Electric Mini Coooper Spotted for First Time. Retrieved from http://www.worldcarfans.com/108092596/all-electric-mini-cooper-spotted-for-first-time
Aning, J. (2007, November 20). Electronic car debuts in Makati City. Retrieved from http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20071120-102189/Electric_car_debuts_in_Makati_City
Car History. (2010, March 28). A brief history of the automobile. Retrieved from http://www.car-history.org/a_brief_history_of_the_automobile/
Chestney, N. (2010, July 28). Government pledges ₤43 million in electric car subsidies. Retrieved from http://uk.reuters.com/article/idUKTRE66R1JO2
Chrisopher (2008), Battery Life In Electric Cars. Retrieved from http://the-grayline.com/2008/11/12/battery-life-in-electric-cars/
Dennis Hartman (April 27, 2010). Gas Powered Cars Vs. Electric-Powered Cars. Retrieved from http://www.ehow.com/about_6392356_gas_powered-cars-vs_-electric_powered-cars.html
Department of Energy (2005). Coal. Retrieved from http://www.doe.gov.ph/ER/Coal.htm
Department of Energy (2005). Natural Gas. Retrieved from http://www.doe.gov.ph/ER/Natgas.htm
Eberhard, M. and Tarpenning, M. (2006, July 19). The 21st century electric car. Retrieved from www.veva.bc.ca/wtw/Tesla_20060719.pdf
FirstCarNow.com. (2010). First gasoline car. Retrieved from http://www.firstcarnow.com/first-gasoline-car.htm
Gorelick, M. (2010). Oil Panic and The Global Crisis: Prediction and Myths. Chichester: Wiley-Blackwell Publishing.
Graph: Carbon dioxide emissions for Philippines. Retrieved from http://rainforests.mongabay.com/carbon-emissions/philippines.html
Green Car Congress (2007). Electric Jeepney Trials in the Philippines. Retrieved from http://www.greencarcongress.com/2007/07/electric-jeepne.html
36
Green Facts (2005). Scientific Facts on Air Pollution. Retrieved from http://www.greenfacts.org/en/particulate-matter-pm/index.htm
Kurtenbach, E. (2010, August 19). China electric car makers plan standards, research. Retrieved from http://ph.news.yahoo.com/ap/20100819/tbs-as-china-electric-vehicles-618743b.html
Jamie Hyneman (May 19, 2008). MythBuster: Why Electric Vehicles Beat Gas in 5 Extreme Tests. Retrieved from http://www.popularmechanics.com/science/mythbusters/projects/4264025
Nice, K. and Layton J. (2000, July 20). How Hybrid Cars Work. HowStuffWorks.com. Retrieved from http://auto.howstuffworks.com/hybrid-car.htm
Petrojam (2009). What We Do. Petrojam Refinery. Retrieved from http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://www.petrojam.com/files/images/refining-process.jpg&imgrefurl=http://www.petrojam.com/index.php%3Fq%3Dpetrojam-refinery&usg=__s0SoYdRszTthdcx_cdN716fU2N4=&h=1038&w=1026&sz=111&hl=tl&start=5&zoom=1&tbnid=5Vwz87IQ3LK5DM:&tbnh=150&tbnw=148&prev=/images%3Fq%3Drefining%26um%3D1%26hl%3Dtl%26biw%3D1230%26bih%3D784%26tbs%3Disch:1&um=1&itbs=1
Reyes, R. R. (2010, January 3). E-vehicles: batteries should be included in R&D. Retrieved from http://www.ejeepney.org/content/e-vehicles-batteries-should-be-included-rd
Romero, F. (2009, January 13). A brief history of the electric car. Time. Retrieved from http://www.time.com/time/business/article/0,8599,1871282,00.html
Rotating brownouts worsen in Metro. Retrieved from http://article.wn.com/view/2010/04/08/Rotating_brownouts_worsen_in_Metro/
Sallings, L. (2009, September 25). Electric vs. gas cars. eHow.com. Retrieved from http://www.ehow.com/about_5456046_electric-vs-gas-cars.html
Sokoken, P.L. & Canare, T. A. (2010). The peso and the price of electricity. Retrieved from http://www.bworldonline.com/main/content.php?id=13886
Study: Electric cars not as green as you think. Retrieved from http://news.cnet.com/8301-11128_3-10231102-54.html
Tan, J. (2010, January 5). Government mulling electric car subsidy package. Retrived from http://www.taipeitimes.com/News/biz/archives/2010/01/05
The Greening Earth Society (2000). Oil Processing. Retrieved from http://www.bydesign.com/fossilfuels/links/html/oil/oil_process.html.
The history of electric cars. (n.d.) Retrieved from avt.inel.gov/pdf/fsev/history.pdf
37
Types of Energy (2010). Electric Vehicles and the Environment. Retrieved from http://www.typesofenergy.co.uk/electric-vehicles-environment.html
Visaya, M. (2007, July 14). Electric jeepneys take centerstage in Makati's major avenues. Asianjournal. Retrieved from http://fuel-efficient-vehicles.org/energy-news/?p=600&cpage=1
Weather Imagery. (Dec. 13, 2007). Electric Vs. Gasoline Vehicles: Which is Better? from http://www.weatherimagery.com/blog/electric-vs-gasoline-vehicle/
Writing, A. (2010, March 20). Disadvantages and benefits of electric cars. eHow.com. Retrieved from http://www.ehow.com/list_6106903_disadvantages-benefits-electric-cars.html
Yap, D. (2007, July 5). E-jeepney electrifies Makati folk. Philippine Daily Inquirer. Retrieved from http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20070705-74910/E-jeepney_electrifies_Makati_folk
Yap, W. (2010, July 21). Pure plug-in electric car - The benefits of electric vehicle. Retrieved from http://www.articlealley.com/article_1666970_31.html
38