filipino 12 crap

Upload: abby

Post on 06-Jan-2016

13 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

haha

TRANSCRIPT

Ang mga Kababaihan Ngayon

Ang mga kababaihan ngayon ay naiiba sa kababaihan dati. Ang kababaihan ngayon ay may trabaho na at kaya nang mabuhay mag-isa kahit wala na silang kasaman lalaki sa buhay nila, Ang kababaihan dati ay nasa bahay lamang at walang ginagawa kung hindi gawaing bahay at pag-aalaga ng anak at pinag babawalan sila sa pagkuha ng mga trabaho, At ang mga ibang babae ay ginagawa lang na parang ari-arian. Ang mga kababaihan ngayon ay nirerespeto na sa ating lipunan, pero hindi lahat ay sumasangayon dito.Ang kababaihan ngayon ay marami nang nagagampanang mga importanteng trabaho sa ating lipunan ngayon. Lahat ng trabaho ngayon na dati para sa kalalakihan lamang ay para sa kababaihan na rin, hindi man pantay ang dami ng dalawa nabubuhat pa nila ang kanilang trabaho. Ang kababaihan ngayon ay nagiging pinuno na, kagaya ni Cory Aquino o kaya si GMA at marami pang iba sa ibat-ibang sulok ng mundo. Sila ay gumagawa na ng labor work na kadalasan ay trabahong panglalaki. Minsan ang mga kababaihan na ngayon ang pinuno ng pamilya at ang kalalakihan naman ay ang nag-aalaga ng mga bata at gumagawa ng mga gawaing bahay.Sa tingin ko ngayon ang kababaihan ay pumapantay na sa kalalakihan dahil kahit na mas magaling ang mga lalaki sa ibat-ibang aspeto, mayroon din na mga bagay na mas magaling na magagawa ng kababaihan. Kaya dapat tayong lahat ay pantay-pantay dahil lahat naman tayo ay tao at tayong lahat ay may ibait-ibang kahinaan at kalakasan at tayo ring lahat ay hindi perpekto.

Educational Attainment Anong Natapos MoEdukasyon, Ito ba talaga ang nagbibigay ng halaga sa tao ? Bilang isang Claretiano sa tingin ko ang edukasyon ay importante para sa lahat pero hindi ito ang nag didikta kung sino ka o kunga nano ang halaga mo sa lipunan o sa iyong sarili. Sa tingin ko tama ang mga na sabi ko dahil dito sa Pilipinas maraming gustong mag-aral pero hindi nila kaya makapunta sa paaralan dahil wala silang pera. Sa panahon ngayon kunga wala kang edukasyon ikaw ay maghihirap dahil ditto sa Pilipinas kaunti lamang ang mga trabahong makukuha.Lahat tayo ay importante sa ating bansa nakatapos man ng edukasyon o hindi kaya tayo dapat ay pantay-pantay at hindi dapat tayo nag didiskrimina ng ibang tao dahil sa kanyang naabutan na edukasyon sa kanyang buhay. Dapat pantay-pantay ang oprtunidad ng mga tao at dapat lahat ay mayroong trabaho nakatapos man o hindi. Pero sa panahon ngayon mahalaga ang edukasyon dahil ito ang nag bibigay sa atin ng mga kakayahan para hindi tayo maloko ng mga tao. Kailangan din ito para makakuha ng mga magandang trabaho na nag babayad ng malaking halaga ng pera para maging maginhawa ang buhay mo.Importante ang edukasyon sa ating bansa, pero hindi dapat natin husgahan o babaan ang tingin natin sa mga taong hindi nakatapos sa kanilang edukasyon dahil hindi lahat ng tao ay mayroong oprtunidad na makapagtapos ng kanilang pag-aaral at tayo din naman lahat ay tao lamang. Dapat tayong lahat ay mabibigyan ng oprtunidad na makakuha ng maayos na trabaho na mayroong maayos na sahod para sa pangaraw-araw na gastusin at para hindi, makulangan ng pagkain at magutom. At dapat mayroong trabaho ang mga mayroong kakayahan na magtrabaho kahit hindi sila nakatapos, dahil masasayang lang ang kanilang kakayahan kung hindi ito magagamit dahil lang hindi sila nakatapos. Dapat din na maging mas mataas ang trato sa mga tao na hindi nakatapos ng kanilang edukasyon at mas lalo na huwag nating lokohin ang mga tao na hindi nakatapos, dahil tayo ang mas may alam sakanila. Kaya tayo dapat ang nagdadala sa kanila sa kaginhawaan ng buhay at tayo din dapat ang tumutulong sa mga problema nila. Dapat tayong lahat ay mayroong maayos na trabaho at dapat pantay-pantay ang pag-tingain natin sa isat-isa dahil tayo lahat ay tao lamang at tayo lahat ay may karapatang maging masaya at maginhawa ang buhay natin kahit sinoman tayo.

Claret School of Quezon CityU.P Village, Diliman, Quezon City

Performance Task

Para sa kabuohang katuparan ngFILIPINO 12

Ipinasa ni:16 Filarmeo, Patrick Gregory S.12- Saint John The Cross

September 21, 2015Ipinasa kay:G.Glen Agoncillio