filipino 3 tg draft complete

296
DRAFT April 10,2014 Patnubay ng Guro sa Filipino 3 2 Aralin 1 Ako Ito Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pinakinggan Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan Wikang Binibigkas Naisasagawa ang maayos na pagpapakilala ng sarili Gramatika Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay Pag-unawa sa Binasa Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan Kaalaman sa Aklat at Limbag Nahuhulaan ang nilalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pamagat Pagsulat at Pagbabaybay Nasisipi nang wasto at maayos ang mga salita Paunang Pagtataya Punan ng angkop na salita ang sumusunod na pangungusap upang mabuo ang talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Ang Batang Masipag Mag-aral Si Lilia ay isang batang masipag mag-aral.Bago siya matulog sa gabi muli niyang binabasa ang _______ na itinuro ng kaniyang _____ upang sa kinabukasan ay makasagot at makasali sa talakayan sa klase.Sa panahon ng pagsusulit, walang oras na hindi nag-aral si ______ dahil para sa kaniya makatutulong ito upang makakuha ng mataas na marka. Hindi rin siya nakalilimot na tumulong sa kaniyang_____ sa mga gawaing-bahay. Unang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong ayon sa napakinggang kuwento Naisasagawa nang may kaayusan ang pagpapakilala sa sarili Paksang-Aralin Pagpapakilala ng Sarili Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Hayaang ipakilala ng mga bata ang kanilang sarili. Tumawag ng mga volunteer para sa gawaing ito. 2. Paglalahad Anong karanasan sa unang araw ng pasukan ang hindi mo malilimutan? Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin. Ano kaya ang nangyari sa unang araw ng pasukan?

Upload: jmarie-fernandez

Post on 14-Aug-2015

404 views

Category:

Education


41 download

TRANSCRIPT

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

2

Aralin 1 Ako Ito

Lingguhang Layunin

Pag-unawa sa Pinakinggan

Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan

Wikang Binibigkas Naisasagawa ang maayos na pagpapakilala ng sarili

Gramatika

Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay

Pag-unawa sa Binasa

Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan

Kaalaman sa Aklat at Limbag Nahuhulaan ang nilalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pamagat

Pagsulat at Pagbabaybay Nasisipi nang wasto at maayos ang mga salita

Paunang Pagtataya

Punan ng angkop na salita ang sumusunod na pangungusap upang mabuo ang talata.

Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Batang Masipag Mag-aral

Si Lilia ay isang batang masipag mag-aral.Bago siya matulog sa gabi muli

niyang binabasa ang _______ na itinuro ng kaniyang _____ upang sa

kinabukasan ay makasagot at makasali sa talakayan sa klase.Sa panahon

ng pagsusulit, walang oras na hindi nag-aral si ______ dahil para sa kaniya

makatutulong ito upang makakuha ng mataas na marka. Hindi rin siya

nakalilimot na tumulong sa kaniyang_____ sa mga gawaing-bahay.

Unang Araw Layunin

Nasasagot ang mga tanong ayon sa napakinggang kuwento

Naisasagawa nang may kaayusan ang pagpapakilala sa sarili

Paksang-Aralin

Pagpapakilala ng Sarili

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Hayaang ipakilala ng mga bata ang kanilang sarili.

Tumawag ng mga volunteer para sa gawaing ito.

2. Paglalahad

Anong karanasan sa unang araw ng pasukan ang hindi mo malilimutan?

Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin.

Ano kaya ang nangyari sa unang araw ng pasukan?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

3

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Basahin nang malakas.

Unang Araw ng Pasukan

Itanong:

Ano ang nararamdaman ng mga bata sa unang araw ng pasukan?

Bakit masaya ang mga bata?

Bakit kakaiba ang nararamdaman ni Ella?

Bakit siya malungkot?

Ano kaya ang sumunod na nangyari?

Paano mo ipakikilala ang iyong sarili?

Basahin sa mga bata ang sinabi ng bagong kaibigan ni Ella.

Para sa Guro : Gumawa ng puppet upang magamit sa gawain na ito.

Ipakilala ang puppet na ginawa sa pamamagitan ng pagsasabi ng :

Ako si Marina.

Ako ay pitong taong gulang.

Nasa ikatlong baitang ako.

Nakatira ako sa Purok 4.

Itanong:

Ano ang unang sinabi ni Marina tungkol sa kaniyang sarili?

Ano-ano pa ang sinabi niya?

Ano ang dapat tandaan sa pagpapakilala ng kaniyang sarili sa kapwa bata?

Paano kung sa matanda siya magpapakilala?

4. Pagpapayamang Gawain

Maghanda ng isang musikang patutugtugin.

Iayos pabilog ang mga bata.Sabihin sa kanila na habang tumutugtog ang

musika ay ipapasa nila ang bola sa kanilang katabi sa kanan. Kung sino ang may

hawak ng bola paghinto ng tugtog ang siyang magpapakilala ng sarili sa

Unang araw ng pasukan sa Paaralang Elementarya ng Sta.

Clara.Makikita ang tuwa at galak sa bawat isa. Natutuwa ang lahat

na makitang muli ang mga kaklase at kaibigan. Abala ang lahat

sa paghahanap ng bagong silid-aralan , maliban sa isang batang si

Ella. Siya ay bagong mag-aaral sa paaralan. Bagong lipat lamang sila

sa lugar kaya wala pa siyang kakilala o kaibigan man lang. Palinga-

linga siya sa paglalakad. Pasilip-silip siya sa mga silid-aralan. Ang

takot niya ay pilit na itinatago hanggang sa mapaiyak na siya nang

tuluyan.Ilang saglit lang, isang maliit na boses ang kaniyang narinig.

“ Ano’ng pangalan mo?” Isang matamis na ngiti ang kaniyang

iginanti sabay sabing, “Ako si Ella. Ikaw?”

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

4

pamamagitan ng pagbuo ng mga pangungusap na nasa tsart . Ulitin ito hanggang

sa makapagpakilala ang lahat ng bata.

Ako si ________________

Ako ay _________ taong gulang.

Ipinanganak ako noong _______________.

Nakatira ako sa___________________________.

Ang aking mga magulang ay sina________________ .

5. Paglalahat

Itanong:

Ano ang dapat tandaan sa pagpapakilala ng sarili?

Pasagutan sa mga bata ang mga patlang sa ibaba upang higit na maunawaan ang

mga dapat tandaan sa pagpapakilala ng sarili.

Sa pagpapakilala ng aking sarili ay unang sinasabi ang aking _____.

Sinasabi din ang araw, buwan at taon ng aking ______.

Ang lugar kung saan ako nakatira ay tumutukoy sa aking _______.

Binabanggit din ang pangalan ng aking mga ______.

6. Karagdagang Pagsasanay

Tumawag ng ilang bata na magsasabi ng isang pangalan ng kaniyang kaklase at

ilang impormasyon na natatandaan niya tungkol sa tinukoy na kamag-aral. Ipaturo

din sa tinawag na bata ang inilalarawang kaklase.

Ikalawang Araw Layunin

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento

Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan

Paksang-Aralin

Pag-uugnay ng Karanasan sa Binasa

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Linangin ang salitang pista sa pamamagitan ng concept map.

Itanong: Nakadalo na ba kayo sa isang pista?

Ano-ano ang inyong nakita o naranasan?

Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa concept map.

Ano ang ibig sabihin ng salitang pista? Ipagamit ang bagong salita sa mga bata.

pista

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

5

2. Paglalahad

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Sabihin ang kahulugan ng may salungguhit na salita na matatagpuan din sa loob

ng pangungusap.

1. Si Kaka Felimon ang pinakamatanda sa pamilya kaya maraming humihingi ng

kaniyang payo.

2. Ipinagmamalaki ng mga Bikolano ang Bulkang Mayon sa kanilang lugar.

3. Ang pamahalaang lokal ay nagbigay ng mahalagang anunsiyo tungkol sa

padating na bagyo sa kanilang lugar.

4. Marami palang malilikhang kapaki-pakinabang na bagay mula sa indigenous

materials tulad ng basket na gawa sa kawayan.

Ipagamit sa mga bata ang mga bagong salita sa sariling pangungusap.

Itanong

Nakapunta ka na ba sa isang pistahan?

Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan.

Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin.

Itanong:

Ano ang nais ninyong malaman sa kuwento?

Isulat sa pisara ang mga tanong na ibibigay ng mga bata. Gabayan sila

upang makapagbigay ng tanong.

3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa “Ang Pistang Babalikan Ko” sa Alamin Natin, p. 2.

Balikan ang mga tanong na ginawa ng mga bata bago nila basahin ang kuwento.

Pasagutan ang mga ito sa kanila.

Itanong:

Ano ang pamagat ng kuwento?

Ano-ano ang pangyayari sa kuwentong binasa?

Ano ang katapusan ng kuwento?

Anong okasyon ang inilalarawan sa kuwento?

Ano-anong kaugaliang Pilipino ang nabanggit sa kuwento?

Ginagawa pa ba ang ganito sa inyong lugar?

Dapat pa ba ito ipagpatuloy? Bakit?

Paano natin mapapahalagahan ang mga kaugaliang sariling atin?

4. Pagpapayamang Gawain

Pasagutan ang Linangin Natin , p. 3.

5. Paglalahat

Pagawain ng kiping ang mga bata. Magpagupit ng isang dahon mula sa isang

berdeng papel. (Maaaring ipakita muna sa mga bata kung paano ito isagawa.)

Ipasipi at ipakumpleto sa mga bata ang pangungusap batay sa natutuhan niya sa

aralin.

Itanong:

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Pasagutan ang Pagyamanin Natin p. 4.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

6

Ikatlong Araw Layunin

Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, at bagay

sa paligid

Paksang-Aralin

Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Sabihin sa mga bata na magmasid sa paligid.

Itanong: Ano-ano ang nakikita ninyo sa paligid?

Gabayan ang mga bata na bumuo ng pangungusap tungkol sa nakita nila sa

paligid.

Itanong : Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa pangungusap?

2. Paglalahad

Itanong : Ano ang ginagawa mo kung malapit na ang pista sa inyong bayan?

3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa ang “Pista sa Aming Bayan” sa Alamin Natin, p. 4.

Itanong:

Ano ang magaganap sa bayan?

Ano-ano ang ginagawang paghahanda ng mga tao?

Ganito rin ba ang ginagawa sa inyong pamayanan tuwing sasapit ang kapistahan?

Anong kaugalian ang ipinakita sa talata?

Ano ang katangian ng mga tao na binanggit sa talata?

Dapat ba silang tularan? Paano mo sila tutularan?

Paano ka makatutulong kapag may okasyon sa inyong bahay?

Bigyan ang mga bata ng isang card. Ipasulat sa mga ito ang mga ngalan ng

tao/bagay/lugar/pangyayari sa talatang muling babasahin ng guro.

Ipadikit sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara.

Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Linangin ang bawat salita.

Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Alin-aling salita ang dapat magkakasama?

Pabigyang-katwiran ang ginawang pagsasama ng mga salita.

Paano isinulat ang mga salita sa bawat kategorya?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 5.

5. Paglalahat

Ipakumpleto ang pangungusap na makikita sa Tandaan Natin, p.5 .

Ano ang pangngalan?

Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook/lugar, o pangyayari.

6. Karagdagang Pagsasanay

Pasagutan ang Pagyamanin Natin, p. 5.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

7

Ikaapat na Araw Layunin

Nahuhulaan ang nilalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pamagat

Nasisipi nang maayos at wasto ang mga salita

Paksang-Aralin

Pagsipi ng mga Salita

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Magpaskil ng ilang salita sa paligid ng silid-aralan.

Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na makapag-ikot sa loob ng silid-aralan.

Ipasipi sa kanila ang limang salita na kanilang nababasa at nauunawaan ang

kahulugan.

Ipabasa sa mga bata ang kanilang ginawa.

Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara. Pag-usapan ang kahulugan ng bawat salita.

2. Paglalahad

Magpakita ng isang alkansiya.

Pag-usapan ito sa klase.

Sabihin ang pamagat ng kuwento.

Itanong: Ano kaya ang nangyari sa kuwento?

Isulat ang mga sagot ng mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa sa mga bata “ Ang Aking Alkansiya” na nasa Alamin Natin, p. 6.

Balikan ang mga hula ng mga bata sa simula tungkol sa mga mangyayari sa

kuwento.

Itanong: Tama ba ang hula mo?

Tungkol saan ang kuwento?

Ilarawan ang batang nagkukuwento.

Dapat ba siyang tularan? Bakit?

Ano-anong ginagawa niya na ginagawa mo rin?

Ipabasang muli ang kuwento sa mga bata.

Ipasipi sa mga bata ang mga salitang hindi nila nauunawaan.

Ipabasa ang mga ito.Linangin ang bawat salita.

Tama ba ang pagkakasipi ninyo?

Paano mo sinulat ang bawat salita?

May sapat bang layo ang mga letra sa isa’t isa?

Pantay-pantay ba ang pagkakasulat mo?

4. Kasanayang Pagpapayaman

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 6.

5. Paglalahat

Itanong: Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng ngalan ng tao? Bagay? Lugar?

Hayop?

Ipakumpleto sa mga bata ang pangungusap na makikita sa Tandaan Natin, p. 7.

6. Karagdagang Pagsasanay

Pasagutan ang Pagyamanin Natin, p. 7.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

8

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

Layunin

1. Makagawa ng sariling name tag

2. Maipakilala nang maayos ang sarili sa mga bagong kaklase

3. Masipi ang pangalan ng limang bagong kaklase

Gagampanan ng bawat mag-aaral

1. Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng sariling name tag sa loob ng 10 minuto.

2. Gamit ang name tag, ipapakilala ang sarili sa mga kaklase. Matapos ipakilala ang

sarili, isusulat ang nakalap na limang pangalan ng bagong kaklase at isasagawa ito

sa loob ng limang minuto.

3. Paupuin nang pabilog ang mga bata. Ihagis sa isang bata ang bolang hawak na

magsasabi ng pangalan ng dalawang pangalan ng kaniyang kaklase. Matapos ang

gawain, siya naman ang maghahagis ng bola upang sumunod sa kaniyang ginawa,

Kalagayan

Ang mga mag-aaral ay magpapakilala ng sarili at magkakaroon ng bagong mga

kakilala. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.

Bunga

Naipakilala ang sarili sa limang bagong kamag-aaral.

Pamantayan sa Pagsasagawa

4 3 2 1

Malinaw at wasto ang pagkakasulat ng pangalan

.

Malinaw at maayos ang pagpapakilala ng sarili sa ibang bata.

Nasipi nang may wastong baybay ang pangalan ng limang

kaklase.

Natapos ang gawain sa itinakdang oras.

Aralin 2

Pamilya Ko

Lingguhang Layunin

Pag-unawa sa Napakinggan

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan

Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag- unawa ng napakinggang

teksto

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

9

Pag-unawa sa Binasa

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tulang binasa

Kamalayang Ponolohiya

Natutukoy ang salitang magkakatugma

Gramatika Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay

sa paligid

Pagsulat at Pagbaybay Nasisipi nang wasto at maayos ang mga salitang magkakatugma

Estratehiya sa Pag-aaral

Nakikilala ang iba’t ibang bahagi ng aklat

Paunang Pagtataya

Sabihin ang bahagi ng aklat na tinutukoy sa bawat pangungusap.

Piliin ang inyong sagot sa kahon.

Paunang Salita Pahinang Pabalat

Karapatang Pag-aari Talaan ng Nilalaman

1. Talaan ito ng bilang at pamagat ng yunit, mga kuwento, tula at ang mga pahina

nito.

2. Makikita rito ang nagmamay-ari ng sinulat na aklat at ang naglathalang kompanya.

3. Ang pamagat ng aklat, ang pangalan ng mga may-akda at publikasyon ng aklat.

Unang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan

Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag- unawa ng napakinggang

teksto

Paksang-Aralin Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Tekstong Napakinggan

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Tumawag ng ilang bata upang magsabi ng pangalan ng kanilang kaklase at kung

ano ang natatandaan nila na ginawa nila noong nagdaang bakasyon kasama ang

kaniyang sariling pamilya.

2. Paglalahad

Sabihin ang pamagat ng kuwento.

Itanong:

Ganito rin ba ang pamilya mo?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Iparinig ang teksto.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

10

Ang Aming Simpleng Pamilya

Sa isang simpleng bahay kami nakatira ng aking Nanay at Tatay. Ang aking

Tatay Pio ay isang simpleng kawani ng gobyerno. At si Nanay Conching naman

ay isang guro sa paaralang aking pinapasukan.

Tatlo lamang kami sa aming bahay. Pero ang lahat ng gawain ay nagiging

madali dahil sa aming pagtutulungan. Ang aming hapag-kainan ay napupuno ng

tawanan sa pagkukuwentuhan namin ng mga pangyayari sa buong maghapon.

Kapag may libreng oras at may sobrang pera, namamasyal din kami sa kung

saan-saang lugar. Sa panahon naman na may problema, ito rin ay nagiging

magaan dahil na rin sa pagmamahalan namin sa isa’t isa at sa pagtitiwala sa

Poong Maykapal.

Itanong:

Tungkol saan ang talatang napakinggan?

Sino-sino ang bumubuo sa pamilya ni Mang Pio?

Ilarawan ang bawat isa.

Ano-ano ang masasayang sandali para sa kanila?

Ganito rin ba kayo sa inyong pamilya?

Ano-ano ang ginagawa ninyo kasama ang buong pamilya?

Ilarawan ang sariling pamilya.

Katulad din ba ito ng pamilya ni Mang Pio?

Ano ang kayamanan ng pamilya nila?

Ikaw, ano ang kayamanan mo? Ipaliwanag ang sagot.

4. Pagpapayamang Gawain

Pangkatin ang klase.

Ipakuwento sa bawat bata sa pangkat ang mga gawain ng kanilang sariling

pamilya.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Pagawain ang mga bata ng simpleng larawan ng pamilya sa pamamagitan

ng pagguhit.

Hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang ginawa at makapagkuwento sila

tungkol sa iginuhit.

Ikalawang Araw Layunin

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tulang binasa

Natutukoy ang mga salitang magkakatugma

Paksang-Aralin

Pagbibigay ng Kahulugan sa Binasang Tula

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Itanong Ano ang ginawa mo kagabi kasama ang pamilya mo?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

11

Pagbabahagi ng karanasan ng mga mag-aaral.

2. Paglalahad

Ipaawit: “Nasaan si Tatay?”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Basahin sa mga bata ang tulang “Ang Aming Mag-anak” sa Alamin Natin, p.7.

Itanong:

Ano ang pamagat ng tula?

Ilarawan ang pamilyang binanggit sa tula.

Paano ipinakita ng bawat isa ang pagtutulungan? Pagdadamayan?

Ganito rin ba ang iyong mag-anak?

Hayaang sagutin ito ng mga bata batay sa kanilang sariling karanasan.

Paano mo ipakikita ang pagmamahal at pagmamalaki sa sariling pamilya?

Ipabasang muli ang tula.

Ipasuri ang mga salitang may salungguhit.

Ipasulat ang mga ito sa pisara.

Ipabasa ang mga salita. Linangin ang bawat salita.

Itanong:

Aling mga salita ang dapat magkakasama?

Ipaliwanag ang ginawang pagsasama-sama ng mga salita.

Ano ang napansin mo sa hulihang tunog ng mga salita?

Aling mga salita ang magkakatugma?

4. Pagpapayamang Gawain

Gumawa ng isang puno ng mga salita. Isulat ang mga salita sa bawat dahon na

ididikit sa puno. Siguraduhin na may mga salitang magkakatugma. Ipagawa ang

Linangin Natin, p. 8.

5. Paglalahat

Ano-ano ang salitang magkakatugma?

Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 8.

6. Karagdagang Pagsasanay

Isulat ang ilang mga tugma sa isang malinis na papel. Siguraduhin sapat ang

laki ng mga ito upang mabasa ng lahat ng mag-aaral. Basahin ang mga

tugma kasama ang mga bata. Pasagutan ang Pagyamanin Natin, p. 9.

Ikatlong Araw Layunin

Nagagamit ang pangngalan sa pagsasabi ng mga pangalan ng mga tao, lugar,

at bagay sa paligid

Paksang-Aralin

Paggamit ng Pangngalan

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Sabihin sa mga bata na ipakilala ang bawat kasapi ng pamilya.

Bawat bata ay gagawa ng hand puppet.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

12

Sa bawat daliri ng puppet, isusulat ng mga bata ang ngalan ng bawat kasapi ng

kaniyang pamilya.

2. Paglalahad Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya?

Tumawag ng ilang bata upang ipakita ang ginawang puppet at magsabi ng ilang

bagay tungkol sa sariling pamilya.

Isulat sa pisara ang ngalan na babanggitin ng mga bata. Ipabasa ito sa mga bata.

3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga Ipabasa muli ang tula sa Alamin Natin, p. 8.

Sino-sino ang kasapi ng pamilyang binanggit sa tula?

Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara. Ipabasa ito. Tanungin ang mga bata ng iba

pa nilang alam/ginagamit na katawagan sa bawat kasapi ng pamilya.

Ano ang katangian ng bawat isa sa tula?

Ganito rin ba ang pamilya mo?

Paano mo pinahahalagahan ang mga ginagawa sa iyo ng ibang kasapi ng iyong

pamilya?

Ipabasa sa mga bata ang sinulat na mga pangngalan na hinango mula sa mga sagot

nila sa puppet at sa pagtalakay ng tula.

Ano ang tinutukoy ng bawat ngalan?

Ano ang tawag natin sa mga salitang ito.

4. Pagpapayamang Gawain

Ipabasang muli sa mga bata ang mga salitang inilista mula sa tula. Ipagawa ang

Linangin Natin, p. 8.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Maghanda ng ilang larawan tungkol sa pamilya. Ipakita ang bawat isa sa mga

bata. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 9.

Ikaapat na Araw Layunin

Nakikilala ang iba’t ibang bahagi ng aklat

Paksang-Aralin

Ang Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Ano-ano ang gawain ng bawat kasapi ng iyong pamilya?

Paano ka tinutulungan ng iyong pamilya sa mga gawain mo sa paaralan?

2. Paglalahad

Itanong: Ano-ano ang bahagi ng bawat aklat?

Ano ang gamit ng bawat isa?

Ipabasa ang tulang “Mga Bahagi ng Aklat” na nasa Alamin Natin, p. 9.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

13

Itanong:

Ano ang pamagat ng tula?

Ano-ano ang bahagi ng aklat?

Ano ang tungkulin ng bawat bahagi ng aklat?

Paano mo pangangalagaan ang bawat bahagi ng aklat?

Paano mo pahahalagahan ang gawain ng bawat kasapi ng iyong pamilya?

3. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, 9.

Ipakuha sa mga bata ng sariling aklat. Ipatukoy sa kanila ang bawat bahagi nito.

4. Paglalahat

Ano ang natutuhan ninyo sa aralin?

Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 10.

5. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.10.

Ipakuha ang gamit ng mga bata sa Art.

Gabayan ang bawat bata na makagawa ng dummy ng isang aklat.

Ipasulat ang ngalan ng bawat bahagi ng aklat.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

Layunin

Makalikha ng isang tula ukol sa sariling pamilya

Mabigyang- buhay ang tula sa malikhaing pamamaraan

Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral

1. Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Gagawa ang bawat pangkat ng

isang tula sa loob ng 15 minuto at karagdagang 10 minuto upang bigyang-buhay

ito sa malikhaing pamamaraan. (Maaaring kantahin, lagyan ng akmang kilos o

galaw at iba pa. Bigyang-laya ang mga mag-aaral sa kung paanong paraan nila ito

bibigyang-buhay. )

2. Pagtatanghal ng bawat pangkat.

Kalagayan

Ang mga mag-aaral ay gagawa ng tula ukol sa sariling pamilya. Lalapatan nila ito

ng sariling interprestasyon. Ito ay tatayain sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.

Bunga

Tula tungkol sa sariling pamilya

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

14

Pamantayan sa Pagsasagawa

4 3 2 1

Malalim at

Makahulugan

ang kabuuan ng

tula.

Makahulugan ang

kabuuan ng tula.

Bahagyang may

lalim ang kabuuan

ng tula.

Mababaw ang

kabuuan ng tula.

Piling-pili ang

mga salita at mga

parirala.

May ilang piling

salita at mga

parirala.

Ang mga salita ay

hindi gaanong

pinili.

Ang mga salita ay

hindi pinili.

Aralin 3

Pag-uugali Ko

Lingguhang Layunin

Pag-unawa sa Napakinggan

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento

Wikang Binibigkas

Nagagamit ang magalang na pananalita sa pagbati, pakikipag-usap at paghingi ng

paumanhin

Pag-unawa sa Binasa

Nakasusunod sa nakasulat na panuto

Pag-unlad ng Talasalitaan Nakikilala at napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga

salitang magkasingkahulugan

Gramatika

Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, at bagay sa

paligid

Palabigkasan at Pagkilala sa Salita

Nakababasa ng mga salitang may dalawa hanggang tatlong pantig

Komposisyon

Nasisipi nang wasto at maayos ang mga parirala

Paunang Pagtataya

Mag-usap tayo!

Pangkatin ang mga mag-aaral. Ang bawat pangkat ay muling hahatiin upang

makabuo ng tig-iisang pares.

Ipagawa sa mga mag-aaral ang usapan sa pamamaraang dyad .

Ano ang iyong sasabihin sa bawat sitwasyon?

Sitwasyon 1: Isang umaga, nakita mo ang nanay ng iyong kaibigan.

Inaasahang sagot: “Magandang umaga po, Gng. _____.”

Sitwasyon 2: Dinalaw mo ang iyong lolo at lola na matagal mo nang hindi nakikita.

Inaasahang sagot: “Kumusta po kayo Lolo at Lola?”

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

15

Pag-uulat ng bawat pangkat gamit ang gabay na katanungan:

1. Ilahad ang pagkakapareho at pagkakaiba-iba ng sagot ng bawat pares.

2. Anong karagdagang kaalaman ang natutuhan?

Unang Araw Layunin

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento

Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagbati, pakikipag-usap, at paghingi

ng paumanhin

Paksang-Aralin Paggamit ng Magagalang na Pananalita

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Ipalarawan sa mga bata ang kanilang lolo at lola.

Hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang karanasan tungkol sa kanilang lolo at

lola.

2. Paglalahad

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Piliin sa loob ng panaklong ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.

1. Dumalaw si Lea sa kaniyang kaibigang may-sakit.

( bumisita, nagtampo, nagpaalam )

2. Masarap tumira sa probinsiya dahil payak ang pamumuhay doon.

( maingay, simple, marumi)

3. Maraming magandang tanawin ang makikita sa probinsiya ng Ilocos.

( lungsod, bayan, lalawigan)

4. Sabi ng tatay ko, manang-mana ako sa kaniya dahil pareho kaming

mabait.

( magkaiba, magkatulad, magkabagay)

Sabihin ang pamagat ng babasahing teksto.

Itanong : Ano kaya ang nangyari kina Lolo at Lola?

Isulat ang hula ng mga bata sa pisara.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Basahin nang malakas sa mga bata.

Ang Mahal kong Lolo at Lola

Bakasyon nang dumalaw ang pamilya ni Benjie sa kaniyang Lolo Benny at

Lola Berna sa Bicol. Payak at masaya ang buhay ng kaniyang Lolo at Lola sa

probinsya kaya naman gustong-gusto ni Benjie ang magbakasyon sa kanila.

Lolo Benny: Salamat at dinalaw ninyo kami.

Benjie: Mano po, Lolo. Mano po, Lola. Magandang umaga po!

Nanay: Pasensiya na po kayo at ngayon lang kami nakadalaw.

Kumusta po?

Lola Berna: Ayos lang ‘yun, apo. Ang mahalaga andito ka na ngayon.

Saan mo ba gustong mamasyal?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

16

Benjie: Naku, Lola, gusto ko lang kayong makasama.Tutulungan ko kayo

sa inyong mga gawaing-bahay.

Lolo Benny: Ito talagang apo ko, manang-mana sa akin!

Lola Berna: Mana sa iyo o sa akin? (mapapaupo na parang nahihilo)

Benjie: O, Lola, ayos lang po ba kayo?

Lola Berna: Nahihilo lamang ako, dahil siguro sa panahon.

Lolo Benny: Dapat kasi ay hindi ka na masyadong nagkikikilos dito sa bahay.

Benjie: Tama po si Lolo Benny, Lola. Maari po bang ako na lang ang

gumawa ng gagawin ninyo? Ngayon na nandito po ako, ako muna

ang mag-aalaga sa inyo.

Lola Berna: Naku! Salamat, apo, pero huwag mo akong intindihin. Kaya ko pa

naman.

Lolo Benny: Hay ang apo ko talaga, mana sa akin. Napakabait!

Benjie: Salamat po!

Nagkatinginan ang Nanay at Lola Berna. At sila’y nagtawanan.

Itanong :

Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

Kailan dumalaw ang pamilya ni Benjie sa Bicol?

Bakit sinabi ng lolo na hindi na dapat kumikilos ang lola ni Benjie?

Paano mailalarawan ang batang si Benjie?

Ano-ano ang magagalang na pananalitang ginamit ni Benjie sa usapan?

Ano-ano ang magagalang na pananalitang ginagamit sa pagbati?

Ano ang dapat tandaan sa pakikipag-usap sa mga matatanda?

(Bigyang-diin na ang paggamit ng po at opo ay kaugalian lamang ng mga

Tagalog. Ang mga Bisaya at iba pang pangkat etniko ng Pilipinas ay hindi

gumagamit nito, at hindi ibig sabihin na sila ay hindi na magagalang na

Pilipino. Sa halip, sa tono, intonasyon at diskurso makikita ang paggalang.)

Paano pa maipakikita ang pagiging magalang sa mga nakatatanda?

Ano ang dapat sabihin kung nais humingi ng paumanhin?

4. Pagpapayamang Gawain

Pangkatin ang klase.

Magpagawa ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng

- magalang na pagbati

- pakikipag-usap sa nakatatanda

- pakikipag-usap sa mga hindi kakilala

- paghingi ng paumanhin

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang karanasan tungkol sa pagiging

magalang.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

17

Ikalawang Araw Layunin

Nakasusunod sa nakasulat na panuto

Nakikilala at napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng

mga salitang magkasingkahulugan

Paksang-Aralin Pagsunod sa Nakasulat na Panuto

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Isulat ang sumusunod na panuto sa isang malinis na papel at ipagawa ang mga ito

sa mga mag-aaral. Tingnan kung masusunod ang mga ito ng mga mag-aaral.

2. Paglalahad

Linangin ang salitang masipag.

Ipagamit ito sa sariling pangungusap.

Sabihin ang pamagat ng kuwento.

Itanong : Bakit kaya gustong-gusto ni Ian ang araw ng Sabado?

Isulat sa pisara ang hula ng mga bata.

Hula Ko Tunay na Nangyari

3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa sa mga bata ang “Ang Sarap Talaga” sa Alamin Natin, p.10.

Itanong:

Tama ba ang hulang ibinigay bago basahin ang kuwento?

(Balikan ang tsart na ginawa at lagyan ng sagot ang kolum ng tunay na nangyari.)

Sino ang bida sa kuwento?

Paano siya inilarawan sa kuwento?

Ano-ano ang patunay ng katangiang ito?

Bakit para kay Ian, masarap ang araw ng Sabado? Ganito rin ba ang pakiramdam

mo sa araw ng Sabado? Ipaliwanag ang sagot.

Dapat ba siyang tularan?

Ano-ano kaya ang mga tuntunin sa bahay nila na kaniyang sinunod?

Ipabasa sa mga bata ang mga nakasulat na panuto.

Ipagawa ang mga ito.

1. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito, isulat ang pangalan mo.

2. Sa kaliwa ng bilog, gumuhit ng isang puso. Kulayan ito ng pula.

3. Sa itaas ng bilog, gumuhit ng isang ulap. Isulat dito ang isang utos na

sinunod mo sa bahay.

1. Umupo nang maayos.

2. Itaas ang dalawang kamay.

3. Sabihin nang malakas ang iyong pangalan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

18

4. Sa kaliwa ng bilog, gumuhit ng isang parihaba. Isulat dito ang isang bagay

na ayaw mong gawin.

5. Sa ibaba ng bilog, gumuhit ng isang parihaba. Isulat dito ang “Ako ay

masunurin.”

Nasunod mo ba ang mga panuto?

Bakit? Bakit hindi?

4. Pagpapayamang Gawain

Maghanda ng ilang learning centers sa loob ng silid-aralan.

- Art Center (lagyan ng kagamitan sa art)

- Music center (lagyan ng cassette o radyo, tape o CD ng mga awit)

- Writing center (lagyan ng papel , lapis)

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 11.

Sabihin sa mga bata na pumili ng isang center na nais nilang puntahan.

Ipagawa ang nakasulat na mga panuto sa center na pupuntahan. Bigyan sila ng

ilang minuto upang maisagawa ang mga panuto sa pupuntahan. Matapos ang

nakalaang oras, hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang natapos na gawain at

pag-usapan ito sa klase.

- Art center – Gumuhit ng isang malaking puso. Magpunit ng maliliit na papel

mula sa colored magazine na makikita sa center. Idikit ito sa loob ng

malaking puso upang maging kulay nito.

- Music Center – Gumawa ng pangkat na may tatlong miyembro. Mag-aral ng

isang bagong awit.

- Writing center – Sumulat ng dalwang panuto na nais mong ipagawa sa ibang

kaklase.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Hayaang mamasyal ang mga bata sa loob ng silid-aralan .

Ipabasa at ipatala ang isang nakapaskil na panutong nasunod. Bigyan nang sapat

na oras ang mga bata na maisagawa ito. Matapos ang laang oras, ipabasa sa mga

bata ang nasunod nilang panuto.

Ikatlong Araw Layunin

Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa tao, lugar, at bagay sa

paligid

Paksang-Aralin

Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Bigyan ng flashcard ang bawat bata.

Pasulatin ang bawat bata sa hawak na card ng isang pangngalan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

19

Ipapasa ito sa kaklaseng nasa kanan, magpasulat sa kaniya ng isang salita tungkol

sa pangngalang nakasulat sa papel.

Ipasa muli sa kanan ang papel. Hayaang gumawa ng pangungusap gamit ang mga

salitang nakasulat sa card. Ibalik sa orihinal na may-ari ang papel.

Tumawag ng ilang bata upang ipabasa ang pangungusap na nasa card.

Ipapaskil ito sa pisara matapos basahin nang malakas.

2. Paglalahad

Ipabasang muli ang ”Ang Sarap Talaga” sa Alamin Natin, p.10.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Itanong:

Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa kuwento? Ipatala ang mga ito.

Ipabasa sa mga bata ang nakatalang pangngalan.

Alin-alin ang ngalan ng tao? Bagay? Pangyayari?

Papiliin ang mga bata ng isang pangngalan. Ipagamit ito sa sariling pangungusap

na nakabatay sa binasang kuwento.

Balikan ang mga pangungusap na nakasulat sa card sa unang gawain.

Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa bawat pangungusap?

Ipapangkat ang mga ito ayon sa kategorya.

Paano isinulat ang bawat pangngalan?

4. Pagpapayamang Gawain

Maghanda ng ilang mga larawan ng tao, bagay, hayop at pangyayari.

Ilagay ito sa isang malaking kahon.

Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 11.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 12.

Pakuhanin ang mga bata ng isang bagay mula sa hardin na ididikit sa kanilang

notebook. Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap tungkol dito.

Ikaapat na Araw Layunin

Nakababasa ng mga salitang may dalawa hanggang tatlong pantig

Nasisipi nang wasto at maayos ang mga parirala

Paksang-Aralin

Pagsipi ng mga Parirala

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Sumulat sa flashcard ng ilang salita na may dalawa at tatlong pantig.

Ipabasa ito sa mga bata.

2. Paglalahad

Ipabasa ang “Ang Sarap Talaga” sa Alamin Natin, p. 10.

3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga

Ipasipi sa mga bata ang mga salitang may dalawa at tatlong pantig.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

20

Gamitin ang format.

Dalawang Pantig Tatlong Pantig

Ipabasa ang mga salitang may dalawang/tatlong pantig.

Pag-usapan ang kahulugan ng bawat salita. Ipagamit ang mga ito sa pangungusap.

Ipasipi sa mga bata ang parirala na nagtataglay ng mga salita sa talaan.

Ipabasa ang mga parirala.

Itanong:

Ano ang mapapansin sa pagkakasulat ng parirala?

Ano ang pagkakaiba ng parirala sa pangungusap?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa sa mga bata ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 12.

5. Paglalahat

Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng parirala? Ipakumpleto ang pangungusap sa

Tandaan Natin, p. 12.

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipabasang muli ang “Ang Aking Alkansiya” sa Alamin Natin, p. 6.

Ipasipi ang mga parirala na nagpapakita ng mga laging ginagawa ng tauhan sa

kuwentong binasa.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

Layunin

Maipakita ang tamang paraan ng pagbati, pakikipag-usap at paghingi ng paumanhin

Gagampanan ng bawat pangkat ng mag-aaral

1. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa ilang pangkat. Ang bawat pangkat ay gagawa ng

isang usapan na kinapapalooban ng tamang pagbati, pakikipag-usap at paghingi ng

paumanhin sa loob ng 15 minuto at karagdagang 5 minuto upang makapag-ensayo.

(Bigyang-laya ang mga mag-aaral sa kung paanong paraan nila ito bibigyang-

buhay)

2. Pagtatanghal ng bawat pangkat.

Kalagayan

Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng usapan ukol sa tamang pagbati,

pakikipag-usap at paghingi ng paumanhin na sumasalamin sa tamang pag-uugali

o kaasalan. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.

Bunga

Usapang nagpapakita ng tamang pagbati, pakikipag-usap at paghingi ng

paumanhin

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

21

Pamantayan sa Pagsasagawa

4 3 2 1

Nagamit nang

wasto ang mga

natutuhang

magagalang na

pananalita.

May isang

magalang na

pananalita na hindi

angkop sa

sitwasyong

ipinakita.

May isa hanggang

dalawang

magagalang na

pananalita na hindi

angkop sa

sitwasyong

ipinakita.

Hindi gumamit ng

magagalang na

pananalita.

Naipahayag ang

ideya nang may

tama at wastong

lakas, bilis at diin

ng boses.

Naipahayag ang

ideya nang may

katamtamang lakas,

bilis at diin ng

boses.

Mahina ang boses. Halos hindi

napakinggan ang

usapan dahil sa

sobrang hina ng

boses.

Ang usapan ay

kaugnay ng

paksang ibinigay.

Ang usapan ay hindi

kaugnay ng paksang

ibinigay.

May iba’t ibang

paksa na

napakinggan sa

usapan.

Walang paksa ang

usapang ipinarinig

sa klase.

Aralin 4

Maglibang Tayo

Lingguhang Layunin

Pag-unawa sa Pinakinggan

Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan sa

pamamagitan ng larawan

Pag-unawa sa Binasa

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong binasa

Kamalayang Ponolohiya

Napapantig ang mga salita nang pabigkas

Pagsulat at Pagbabaybay

Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin

Gramatika

Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, at bagay

sa paligid

Estratehiya sa Pag-aaral

Nakakagamit ng diksiyunaryo

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

22

Paunang Pagtataya

Pangkatin ang klase.

Sa bawat pangkat, hatiin muli sa tigdadalawa (dyad) upang ipakilala ang sarili at

ikuwento kung anong ginagawa kapag bakanteng oras. Isagawa ito sa loo ng 2 minuto

at karagdagang 5 minuto upang ibahagi sa grupo ang narinig na kuwento.

Pag-uulat ng bawat pangkat gamit ang gabay na katanungan

1. Anong kasagutan ang magkakapareho? Magkakaiba?

2. Anong mensahe ang ipinararating nito?

Unang Araw Layunin

Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan sa

pamamagitan ng larawan

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan

Paksang-Aralin

Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Ipakita ang mga larawan.

Ipaayos ang mga larawan sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

Ipasalaysay sa mga bata ang kuwento na ipinakikita ng mga larawan.

Kailan nilalaro ang ipinakita sa larawan?

2. Paglalahad Ano ang ginagawa ninyong magkakaibigan o magkakapatid pagkatapos ng ulan?

Sabihin ang pamagat ng kuwento.

Itanong: Bakit mapalad si Isan?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas ang kuwento .

Mapalad si Isan

ni Josenette Pallaza Brana

Matapos ang isang linggong pag-ulan, sumikat din ang araw.

“ Isan! Isan!,” tawag ng mga kaibigan niya.

“Akyat tayo sa bundok, maglaro tayo doon!” Masarap magpadulas sa mga

damo.”

Mananakbong

bata na may

hawak na

medalya

Tumatakbong

mga bata

Mga

Mananakbong

bata sa starting

line

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

23

“Hintay lang! Magpapaalam ako kay Inay,”sigaw ni Isan.

“Huwag anak. Mapanganib ngayon ang umakyat sa bundok. Hindi kayo dapat

maglaro doon. Katatapos lamang ng bagyo. Baka kung ano ang mangyari sa inyo.

masyadong madulas ang daan,” sagot ng ina.

Hindi na nagpilit si Isan. Mabuti na lamang at sinunod niya ang kaniyang ina.

Bandang hapon nakarinig sila ng balita na may pagguho ng lupa sa karatig-pook nila.

Nabalitaan din ang nangyari sa mga batang umakyat sa bundok.

“Mapalad ako,” ang bulong ni Isan.

Itanong:

Sino-sino ang tauhan sa kuwento?

Ano ang ibig gawin ng mga kaklase ni Isan?

Bakit hindi pumayag ang ina ni Isan na sumama siya sa bundok?

Ano ang huling nangyari sa kuwento?

Ano kaya ang maaaring mangyari kung sumama si Isan?

Anong magandang pag-uugali ang ipinakita ni Isan?

Tama ba ang mga ipinakita niyang ito?

Sino sa mga tauhan ang nais mong tularan? Pangatwiranan ang sagot.

Kung ikaw si Isan, sino ang susundin mo: ang mga kaklase mo o ang iyong ina?

Pangatwiranan ang sagot.

Ano-ano ang libangan ninyong magkakapatid/magkakaibigan sa tuwing bakanteng

oras? Kung umuulan? Pagkatapos ng ulan? Kung mainit ang panahon?

4. Pagpapayamang Gawain

Maghanda ng mga larawan tungkol sa kuwentong binasa (nang malakas) sa mga

bata. Ipakita ang mga ito.

Pag-usapan ang bawat isa.

Sabihin sa mga bata na iayos ang mga larawan ayon sa tama nitong pagkakasunod-

sunod.

Tumawag ng ilang bata upang isalaysay muli ang napakinggang kuwento sa tulong

ng mga iniayos na larawan.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Pagawain ang mga bata ng filmstrip ng napakinggang kuwento.

Ipakita sa mga bata ang modelo ng filmstrip.

Ipaguhit sa bawat kahon ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento nang may

wastong pagkakasunod-sunod.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

24

Ikalawang Araw Layunin

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa

Paksang-Aralin

Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Binasa

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Ipakita ang ilang mga larawan tungkol sa laro ng lahi.

Ipatukoy sa mga bata ang ngalan ng bawat laro.

2. Paglalahad

Gumawa ng mini-survey sa klase tungkol sa kung ano ang nilalaro ng bawat bata.

Ipatanong : Ano ang paborito mong laro? Ipatala ang sagot sa tsart na nasa ibaba.

Laro Babae Lalaki Kabuuan

Tumawag ng ilang bata upang iulat ang nakalap na impormasyon.

Isulat sa pisara ang mga inulat na impormasyon ng mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa nang tahimik ang “Tara na, Laro Tayo!” sa Alamin Natin, p.13.

Itanong:

Ano ang pamagat ng talata?

Tungkol saan ito?

Ano-ano ang laro sa computer na alam mo?

Ano ang mga laro ng lahi na tinukoy sa talata? Alam mong laruin ang mga ito?

Ipasalaysay sa mga bata kung paano ito laruin.

Ano ang isinisimbulo ng mga laro ng lahi?

Ano ang magandang naidudulot ng paglalaro sa ating isip at sa ating katawan?

Dapat pa ba nating laruin ang mga laro ng lahi? Bakit?

Balikan ang mini-survey na isinagawa.

Itanong: Alin-alin dito ang laro ng lahi?

Ano-ano pang libangan ang mabuti sa ating isipan at pangangatawan?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 14.

Hatiin sa pangkat ang klase.

Isulat ang isang teksto at ilang katanungan para sa bawat pangkat.

Luksong tinik Tumbang

preso

Patintero Sungka

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

25

Ibigay ito sa bawat pangkat upang basahin at sagutan.

Pag-uulat ng bawat pangkat. Talakayin ang kanilang mga sagot.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan

Natin, p. 14.

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 14.

Ikatlong Araw Layunin

Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay

sa paligid Nahahati nang pabigkas ang isang salita ayon sa pantig

Nababaybay ang mga salitang natutuhan

Paksang-Aralin

Ang Gamit ng Pangngalan

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Ipakita ang ilang bagay tulad ng bola, sipa, sungka, lubid, at lata.

Itanong: Sa anong laro ito ginagamit?

2. Paglalahad

Sino-sino ang kasama mo tuwing maglalaro?

Saan kayo naglalaro?

Ipabasang muli ang “Tara na, Laro Tayo.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Pangkatin ang klase.

Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagsagot sa mga ibinigay na tanong.

Anong laro? Sino ang maglalaro? Kailan lalaruin? Saan nilalaro?

Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain.

Ipabasa sa mga bata ang mga salita sa bawat hanay.

Ano ang tinutukoy ng bawat salita sa unang hanay? Pangalawa? Pangatlo? Pang-

apat?

Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Tumawag ng ilang bata upang magsalaysay tungkol sa isang laro na nasa talaan.

4. Pagpapayamang Gawain

Pangkatin ang klase. Gumawa ng sarili at bagong laro na ipakikilala sa klase.

Talakayin ang kagamitang gagamitin; kung sino ang maglalaro gayundin

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

26

kung saan ito lalaruin; at kung paano ito lalaruin.

Ipagawa ang natapos na laro sa ibang pangkat.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipasalaysay sa mga bata ang isang laro na gustong-gusto nila. Pahulaan ito sa mga

kaklase. Ipatukoy din ang pangngalan na ginamit sa pagsasalaysay.

Ikaapat na Araw Layunin

Nakakagamit ng diksiyunaryo

Paksang-Aralin

Paggamit ng Diksiyunaryo

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Itanong :

Tuwing magbabasa ka, ano ang ginagawa mo kapag may salitang hindi

nauunawaan?

2. Paglalahad

Magpakita ng manipis o anumang diksiyunaryong magagamit.

Itanong:

Nakagamit na ba kayo ng diksiyunaryo?

Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang naging karanasan sa paggamit

nito.

Ipasuri ang isang pahina ng diksiyunaryo sa Alamin Natin, p.15.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ano ang pamatnubay na mga salita sa pahinang ito?

Ano-anong salita ang nakatala sa pahina?

Ano-ano ang iba’t ibang entry sa diksiyunaryo na makikita sa pahina?

Paano inayos ang mga salita sa diksiyunaryo ?

Paano ang tamang pagpapantig sa salitang pruweba ? Pukawin? Proyekto? Ano ang kahulugan ng salitang pruweba ? Pukawin? Proyekto?

Anong bahagi ng pananalita ang salitang pruweba ? Pukawin? Proyekto?

Ipakita sa mga bata ang tamang paggamit ng diksiyunaryo.

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 15.

5. Paglalahat

Paano ginagamit ang diksiyunaryo ? Ipakumpleto ang pangungusap sa p. 16.

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 16.

Pabalikan ang “Tara na,Laro Tayo” sa Alamin Natin, p. 13.

Ipatala sa mga bata ang mga salitang hindi nauunawaan.

Ipahanap at sipiin ang kahulugan ng mga ito gamit ang diksiyunaryo.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

27

Ikalimang Araw

Panlingguhang Pagtataya

Layunin

Makagawa ng collage na sumasalamin sa maganda o kaaya-ayang libangan ng mga

bata

Magamit ang pangngalan sa pagsasalaysay ng isang kuwentong may kaugnayan

sa natapos na collage

Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral

1. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa ilang pangkat.

2. Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang collage na nagpapakita ng isang kaaya-

ayang libangan. Magpakuha ng iba’t ibang gamit tulad ng papel, mga tuyong

dahon at maliliit na sanga, at plastic.

3. Gamit ang mga nakolektang kagamitan, ipagawa ang napagkasunduang larawan

ng kaaya-ayang libangan. Ipagawa ito sa kalahating bahagi ng isang manila paper.

4. Magpasulat ng isang talata na may apat hanggang limang pangungusap tungkol sa

natapos na collage. Paguhitan ang pangngalan na ginamit.

Kalagayan

Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang collage na nagpapakita ng maganda o

kaaya-ayang libangan ng mga bata gamit ang iba’t ibang bagay na matatagpuan sa

loob o labas ng silid-aralan. Matapos silang makagawa ng collage, gagamitin naman

nila ito upang makagawa ng kuwentong isasalaysay sa klase. Ito ay tatasahin sa

pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.

Bunga

Collage at kuwento hinggil dito na ginagamitan ng pangngalan.

Pamantayan sa Pagsasagawa

Pamantayan Inaasahang

Puntos

Nakuhang

Puntos

Naipakita nang malinaw at maayos ang ideya na

kaugnay ng paksang ibinigay.

5

Orihinal ang ideya na ipinakita. 5

Gumamit ng iba’t ibanbg texture sa paggawa ng

collage.

5

Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay

upang maipahayag nang wasto ang ideya.

5

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

28

Aralin 5

Pangarap Ko

Lingguhang Layunin

Pag-unawa sa Napakinggan

Naisasakilos ang tula na napakinggan

Pag-unawa sa Binasa

Naibibigay ang tauhan, tagpuan at banghay ng kuwento

Gramatika

Nagagamit ang mga salitang ako, ikaw at siya sa usapan at sitwasyon

Komposisyon

Nakasusulat ng may wastong baybay, bantas, gamit ang malaki at maliit na letra

upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang paksa o isyu

Paunang Pagtataya

A. Punan ng panghalip na ako, ikaw at siya ang patlang.

Ang Pangarap ni Ivy

Nasa bukuran ang magkaibigan. Pinanonod nila ang mga bituin.

Divine : Hayun, tingnan mo, may falling star.

Ivy : Yehey, nag-wish ako. Eh, _____ Divine ano ang wish mo?

Divine : Wish ko na makarating _____sa buwan. Anong wish mo?

Ivy : Makita kung sino ang nagpapadala ng mga falling stars.

Divine : Weh, tao ba yun?

Ivy : Kung sino man _____ay gusto ko siyang makita.

Divine : Bakit gusto mo siyang makita?

Ivy : Hihingi _____ng maraming bituin, para mas maraming

wishes.

Unang Araw Layunin

Naisasakilos ang tulang napakinggan

Paksang-Aralin

Pagsasakilos ng Tulang Napakinggan

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Ipalagay sa graphic organizer ang mga salitang may

kaugnayan sa salitang pangarap.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

29

2. Paglalahad

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa mga salitang nasa

loob ng panaklong.

1. Langhapin mo ang bango ng bulaklak.

(titigan, amuyin, hawakan)

2. Ang puno ay hitik sa bunga, lahat ay nais kumuha.

(marami, malaki, kokonti)

3. Ang kaniyang damit ay mamahalin;siguradong ginto ang halaga.

(murang halaga, mataas ang halaga, walang halaga)

4. Masarap maglakad sa baybayin at panoorin ang mga bangkang papalaot.

(tabi ng dagat, malayo sa dagat, ilalim ng dagat)

5. Makakamtan mo ang tagumpay kung ikaw ay magsisikap.

(magagawa,makakamit, malalagpasan)

Ipagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang may salungguhit.

Sabihin ang pamagat ng tula.

Magpagupit sa mga bata ng isang ulap. Ipasulat sa loob nito ang sagot sa

tanong na, “Ano ang pangarap mo sa buhay?”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Iparinig ang tula.

Pangarap Ko ni Elgee Ariniego

Pangarap ko’y magaganda ang mga bulaklak

Langhapin ang bango nito’t halimuyak.

Pangarap kong akyatin bundok na mataas

Sa puno na hitik ay makapamitas.

Pangarap kong sisirin dagat na malalim

Makakita ng mga perlas na mamahalin.

pangarap

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

30

Pangarap kong maglakad sa pinong baybayin

Habang ang alon sa paa ko’y dadamhin.

Pangarap kong ito ay pangarap lamang

Sa pagsisikap ko ito’y makakamtan.

Itanong:

Ano ang pamagat ng tula?

Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng tula?

Sino ang sumulat ng tula?

Ano-ano ang pangarap niya?

Paano niya ito makakamit?

Tama ba na mangarap ang isang batang tulad ni Elgee? Bakit?

Paano mo makakamit ang pangarap mo?

4. Pagpapayamang Gawain

Pangkatin ang mga mag-aaral. Bigyan ang bawat pangkat ng sipi ng tula.

Talakayin sa pangkat ang tula at hayaan silang gumawa ng pagsasakilos

tungkol dito.

Ipakita sa lahat ang inihandang pagsasakilos ng tula. Bigyang-halaga ang

ginawa ng bawat pangkat.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Padugtungan ang napakinggang tula sa pamamagitan ng pagsasakilos ng

kanilang pangarap.

Ikalawang Araw

Layunin

Naibibigay ang tauhan, tagpuan, at banghay ng kuwento

Paksang-Aralin

Ang mga Elemento ng Kuwento

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Linangin ang salitang pangarap.

Ano ang pangarap mo? Ano ang gagawin mo upang maabot ito?

2. Paglalahad

Sino-sino ang kaibigan mo?

Pare-pareho ba kayo ng pangarap? Ano-ano ang kanilang pangarap?

Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin.

Itanong : Ano ang pangarap ng magkakaibigan?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

31

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa sa mga bata ang kuwento na “Pulang Watawat” sa Alamin Natin, p.16.

Hatiin ang klase sa pangkat. Ipagawa sa bawat pangkat:

Pangkat I – Iguhit kung saan naglalaro ang mga bata

Pangkat II – Igawa ng name tag ang mga bata na naglalaro

Pangkat III – Isadula ang mga pangyayari sa kuwento

Itanong:

Ano ang pamagat ng kuwento?

Sino-sino ang tauhan sa kuwento?

(Tawagin ang Pangkat I)

Saan naganap ang kuwento?

(Tawagin ang Pangkat II)

Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?

(Tawagin ang Pangkat III)

Ano ang pangarap ng magkakaibigan?

Nakuha ba nila ito? Bakit hindi?

Tama ba ang ginawa ng magkakaibigan sa kuwento?

Kung ikaw si Anna, ano ang gagawin mo?

Gagawin mo rin ba ang ginawa ng magkakaibigan?

Ano ang dapat nating gawin upang maabot ang pangarap natin sa buhay?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 17.

5. Paglalahat

Ano-ano ang elemento ng kuwento?

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p. 18.

Ipabasa sa mga bata ang “Paglalakbay sa Baguio.” Ibigay ang hinihingi sa

organizer na nasa LM.

Ikatlong Araw Layunin

Nagagamit ang ako, ikaw, at siya sa usapan o sitwasyon

Paksang-Aralin

Gamit ng Ako, Ikaw at Siya

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Ipabasa sa mga bata ang mga salitang nakasulat sa flashcard.

ako ikaw siya

Ipagamit ang bawat salita sa sariling pangungusap.

Isulat sa pisara ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata.

2. Paglalahad

Ano-ano ang pangarap ng magulang mo para sa iyo?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

32

Ipantomina ito at pahulaan sa kaklase.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Tumawag ng tatlong bata na babasa at gaganap sa bawat tauhan sa usapan.

Habang binabasa ito ng tatlong bata, pasundan naman ang usapan sa Alamin

Natin, p. 17.

Itanong:

Ano ang pinagkuwentuhan ng magkakaibigan?

Ano ang pangarap ng bawat isa?

Sino ang tinutukoy ni Jacko nang sabihin niyang ikaw?

Sino ang tinutukoy ni Bobie nang sabihin niyang siya?

Sino ang nagsabi ng ako?

Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Kailan ginagamit ang ako? Ikaw? Siya?

Balikan ang mga pangungusap na ibinigay ng mga bata sa umpisa ng klase.

Tama ba ang pagkakagamit ng ako? Ikaw? Siya?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 19.

Pabuuin ang klase ng pangkat na may tatlong miyembro.

Pag-usapan ang pangarap ng bawat isa.

5. Paglalahat Kailan ginagamit ang panghalip na ako? Siya? Ikaw?

Pasagutan ang Tandaan Natin, p. 19.

Ginagamit ang panghalip na ako pamalit sa ngalan ng taong nagsasalita.

Ginagamit ang panghalip na ikaw sa ngalan ng taong kinakausap.

Ginagamit ang panghalip na siya pamalit sa ngalan ng taong pinag-uusapan.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.19.

Pasulatin ang mga bata ng isang maikling script na may gamit na ako, ikaw at

siya. Pag-usapan ang pangarap ng bawat isa.

Ikaapat na Araw Layunin

Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, gamit ang malaki at maliit na letra

upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang paksa o isyu

Paksang-Aralin

Pagsulat ng Talata

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Itanong:

Ano-ano ang paraan ng pag-abot sa pangarap?

Gumawa ng mini-survey tungkol dito. Ipahanda ang papel at kuhanin ang sagot sa

tanong ng limang kaklase.

Punan ang tsart.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

33

Mga paraan Bilang ng Lalaki Bilang ng Babae Kabuuan

Pag-usapan ang natapos na tsart.

2. Paglalahad

Itanong :

Ilang beses ka nang nakaliban sa klase?

Ano ang mangyayari kung lagi kang liban sa klase?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa ang talatang “Pag-abot sa Pangarap” na nasa Alamin Natin, p.19.

Itanong:

Ano ang pamagat ng talata?

Tungkol saan ito?

Ano-ano ang dahilan ng mga bata sa hindi nila pagpasok sa paaralan?

Kung lahat ng bata ay ganito, sa palagay mo ba maaabot nila ang kanilang

pangarap? Pangatwiranan ang sagot.

Paano mo mahihikayat ang mga kaklase na huwag lumiban sa klase?

Ipabasa muli ang talata.

Ano ang pamagat ng talata?

Paano isinulat ang pamagat? Talata?

Paano sinimulan ang pangungusap? Talata?

Ano-anong bantas ang ginamit sa pangungusap? Talata?

Ano ang ipinapahiwatig nito?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 20.

Itanong :

Sang-ayon ka ba sa mga sinabi sa talata? Sumulat ng pangungusap tungkol dito.

Ipabasa sa mga bata sa klase ang isinulat na pangungusap.

Isulat ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata sa anyong talata.

Ipabasa ang natapos na talata at pasulatin ang mga bata ng pamagat para dito.

Hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang isinulat na pamagat.

Tama ba ang pagkakasulat ninyo?

5. Paglalahat

Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang talata?

Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 20.

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipabasang muli ang talatang nagawa ng klase.

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 20.

Gabayan ang mga bata sa pagsusuri ng kanilang isinulat sa pamamagitan ng

sumusunod na tanong: (Isulat ito sa isang malinis na papel)

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

34

1. Paano isinulat ang pamagat?

2. Nakapasok ba ang unang pangungusap sa talata?

3. Paano sinimulan ang mga pangungusap?

4. Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangngalang pantangi at pambalana?

5. Tama ba ang ginamit na mga bantas?

6. Tama ba ang pagkakabaybay ng mga salita?

Ikalimang Araw

Panlingguhang Pagtataya

Layunin

Makagawa ng isang sulating pinamagatang “Ang Pangarap Ko” na binubuo ng

sampung pangungusap

Magamit ang tamang bantas at mga panghalip gaya ng ako, ikaw o siya

Gagampanan ng bawat mag-aaral

Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng isang sulatin na pinamagatang

“Ang Pangarap Ko” na binubuo ng tatlong pangungusap, at ginamitan ng tamang

bantas at panghalip gaya ng ako, ikaw o siya.

Kalagayan

Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang sulatin na pinamagatang “Ang Pangarap

Ko” na binubuo ng tatlong pangungusap, na ginagamitan ng tamang bantas at

panghalip gaya ng ako, ikaw o siya. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na

pamantayan.

Bunga

Sulating pinamagatang “Ang Pangarap Ko”

Pamantayan sa Pagsulat

PUNTOS PAMANTAYAN

12 Nakabuo ng isang sulatin na may sampung pangungusap na :

a) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng ako, ikaw o siya,

at b) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap.

9 Nakabuo ng isang sulatin na may walong pangungusap na:

a) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng ako o siya, at

b) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap.

6 Nakabuo ng isang sulatin na may limang pangungusap na:

a) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng ako, at

b) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap.

3 Nakabuo ng isang sulatin na may tatlong pangungusap na:

a) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng ako, at

b) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

35

Aralin 6

Kakayahan Ko

Lingguhang Layunin

Pag-unawa sa Napakinggan

Nakasusunod sa panutong may dalawa hanggang tatlong hakbang

Wikang Binibigkas

Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa matatanda at

hindi kakilala

Pag-unawa sa Binasa

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong procedural

Gramatika

Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila sa usapan at sitwasyon

Kamalayang Ponolohiya

Natutukoy ang mga salitang magkatugma

Pagsulat at Pagbaybay

Nababaybay nang wasto ang mga salitang di-kilala batay sa kanilang bigkas

Estratehiya sa Pag-aaral

Nabibigyang-kahulugan ang pictograph

Paunang Pagtataya

Pagpangkat-pangkatin ang klase .

Bigyan ang bawat pangkat ng kagamitan para sa paggawa ng banderitas.

Pagawain sila ng banderitas na may limang tatsulok.

Ipasulat sa bawat tatsulok ang isang pares ng mga salitang magkakatugma.

Ipatapos ang gawain sa loob ng 8 minuto.

Ipasabit sa mga bata ang natapos na banderitas at magsagawa ng gallery walk.

Ano-ano ang nabasang salitang magkakatugma?

Unang Araw Layunin

Nakasusunod sa panutong may dalawa hanggang tatlong hakbang

Paksang-Aralin

Pagsunod sa Panuto na may Dalawa hanggang Tatlong Hakbang

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Ipagawa sa mga bata.

Isulat ang buo mong pangalan sa isang malinis na papel.

Gumuhit ng isang malaking bilog na may bituin sa loob.

Kulayan ng pula ang bituin.

Pumalakpak ng tatlong beses.

Maupo nang maayos.

Itanong:Nasunod mo ba nang maayos ang mga panuto? Pangatwiranan ang sagot.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

36

2. Paglalahad

Magpatugtog ng isang bilang na maaaring sayawan.

Sabihin sa mga bata na sundan ang mga kilos na ipakikita sa kanila.

Tingnan kung nakasusunod ang lahat.

Itanong:

Nakasunod ka ba? Bakit? Bakit hindi?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipagawa sa mga bata.

1. Gumuhit ng isang parihaba. Sa loob nito iguhit ang kakayahan mo.

2. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito iguhit ang hindi mo kayang gawin.

3. Gumuhit ng dalawang tatsulok. Sa loob nito, isulat ang isang kakayahang nais

mo sana na mayroon ka.

Ipasa ang natapos na gawain sa kaklase sa kaliwa.

Basahing muli ang mga ibinigay na panuto.

Patingnan sa kaklase kung nakasunod nang maayos ang kaniyang kapareha.

Palagyan ng tsek kung nasunod at ekis kung hindi nasunod ang bawat panuto.

Ipabalik sa mga bata ang iniwastong papel ng kaklase.

Ano ang ginawa mo at nasunod mo ang lahat ng panutong ibinigay?

Bakit hindi?

Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mga utos/tuntunin?

Ano ang dapat gawin upang makasunod nang maayos sa mga nakasulat na

panuto/sinabing panuto?

Ano ang puwedeng mangyari kung hindi natin susundin ang mga nabasa o

napakinggang panuto?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa .

1.Gumuhit ng tatsulok at isulat sa loob nito ang nais mong maging paglaki.

2. Iguhit sa loob ng isang bilog ang isang taong iyong hinahangaan.

3. Isulat at guhitan ng dalawang beses ang gagawin mo upang maabot ang iyong

pangarap.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipalaro : “Ang Utos ng Hari”

Tumawag ng isang bata na tatayong “hari” na siyang magpapakita ng mga kilos

na gagayahin ng iba pang bata. Ang batang hindi makasusunod sa mga

ipinagagawa ng hari ang siyang susunod na maging “it” o taya.

Ikalawang Araw Layunin

Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong procedural

Paksang-Aralin

Pagsagot sa mga Tanong

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

37

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Ano ang isang proyekto sa Art na natapos na?

Paano ito isinagawa? Hayaang ibahagi ng mga bata ang mga hakbang na

kanilang sinunod?

2. Paglalahad

Ipakita ang isang tunay na alkansiya.

Itanong:

Ano ang gamit ng bagay na ito?

Paano kaya ito gawain?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa ang mga hakbang sa paggawa ng alkansiya sa Alamin Natin, p. 21.

Itanong:

Ano-ano ang kagamitang kailangan sa paggawa ng alkansiya?

Ano ang unang hakbang na ginawa? Pangalawa? Panghuli?

Ano kaya ang nangyari kung hindi mo sinunod ang mga nakasulat na hakbang?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p.21.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.22.

Ipaskil sa pisara ang paraan ng paggawa ng pinwheel. Maghanda rin ng

katanungan tungkol dito. Pasagutan ang mga ito sa mga bata.

Ikatlong Araw Layunin

Nagagamit nang wasto ang kami, tayo at sila sa usapan at sitwasyon

Nagagamit nang wasto ang magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa

nakatatanda at mga hindi kilala

Paksang-Aralin

Paggamit ng Kami, Tayo at Sila

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Tumawag ng ilang bata upang magkuwento tungkol sa mga ginagawa nilang

magkakaibigan upang makatulong sa mga nangangailangan?

Ano-ano ang panghalip na ginamit sa pagkukuwento?

Ano ang pinalitan ng mga ito?

2. Paglalahad

Pag-usapan ang mga nakitang pagtutulungan ng mga Pilipino nang maranasan ng

bansa ang hagupit ng bagyong Yolanda.

Paano mo ipinakita ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo o ng iba pang

kalamidad na nangyari sa bansa?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

38

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa ang usapang “Maliit Man ay Malaki Rin” sa Alamin Natin, p. 22.

Itanong:

Ano ang pamagat ng usapan?

Tungkol saan ang usapan?

Sino ang nag-uusap?

Ano ang ginawa ng bawat isa?

Tama ba ang ginawa ng magkakaibigan?

Dapat ba silang tularan?

Ipabasa sa mga bata ang mga pangungusap na may mga salungguhit na salita.

Sino ang tinutukoy ng kami? Tayo? Sila?

4. Pagpapayamang Gawain

Pasagutan ang Linangin Natin, p.23.

Sa tulong ng larawan, piliin ang angkop na pamalit sa ngalan ng tao sa

bawat pangungusap.

5. Paglalahat

Kailan ginagamit ang sila? Kami? Tayo? Ipatapos ang pangungusap sa p. 24.

Ang kami at tayo ay ginagamit sa unang panauhan upang tukuyin ang taong

nagsasalita sa pangungusap.

Ang kayo ay ginagamit sa ikalawang panauhan upang tukuyin ang taong

kinakausap.

Samantalang,ang sila ay ginagamit sa ikatlong panauhan upang tukuyin ang taong

pinag-uusapan.

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 24.

Pangkatin ang klase.

Pagawain ng isang usapan gamit ang kami, tayo at sila upang ipakita ang mga

kaya nilang gawin sa pagtulong sa kapwa.

Ikaapat na Araw

Layunin

Nabibigyang- kahulugan ang pictograph

Paksang-Aralin

Pagbibigay Kahulugan sa Pictograph

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Ano-ano ang ginagawa mo upang makatulong sa mga taong kailangan tulungan

mo?

2. Paglalahad

Paano tayo makatutulong sa mga biktima ng kalamidad?

Isulat ang sagot ng mga bata.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

39

Itanong: Ilan ang handang tumulong sa pamamagitan ng (Banggitin ang bawat

sagot ng bata sa unang tanong.) Itala ang bilang ng babae at lalaki na tutulong sa

paraang binanggit sa pamamagitan ng pictograph.

Gamitin ang tsart sa pagpapakita ng sagot ng mga bata.

Gawain sa

Pagtulong

Bilang ng mga Bata

Bago magsimula ang klase maghanda ng cut-outs ng batang babae at lalaki. Idikit

ang mga cut-out ng babae at lalaki sa tapat ng bawat paraan ng pagtulong na

binanggit nila.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Itanong:

Tungkol saan ang graph?

Ano-ano ang paraan ng pagtulong?

Aling paraan ang may pinakamaraming gumawa? Pinakakaunti?

Ano ang kabutihang dulot ng pagtutulungan?

Ano ang gagawin mo kung hindi mo kayang pumunta sa isang relief center para

tumulong sa pag-iimpake para sa mga biktima ng kalamidad?

Paano mo maipakikita ang pagtulong sa mga taong nangangailangan sa iyong

paligid?

4. Pagpapayamang Gawain

Hatiin ang klase at ipagawa ang Linangin Natin, p.24.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.24.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

Layunin

1. Makagawa ng isang isang liham pangkaibigan na kinapapalooban ng mga

pamamaraang (procedure) dapat sundin sa paggawa ng “Egg Sandwich”

2. Magamit ang tamang bantas at mga panghalip gaya ng kami o tayo o sila sa

pagbubuo ng pangungusap

Gagampanan ng bawat mag-aaral

1. Ang bawat mag-aaral ay susulat ng isang liham na pangkaibigan na

pumapaksa sa sumusunod na pamamaraan o procedure sa paggawa ng egg

sandwich.

1. Balatan ang isang nilagang itlog.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

40

2. Sa isang mangkok, durugin ang itlog gamit ang tinidor.

3. Lagyan ng limang kutsarang mayonnaise.

4. Lagyan ng sapat na dami ng asin upang magkalasa.

5. Haluin nang mabuti.

6. Kumuha ng isang tinapay at ilagay ang natapos na palaman.

2. Gagamitin ang tamang bantas at iba-ibang uri ng panghalip sa pagbuo ng

pangungusap.

3. Isasagawa ito sa loob ng 45 minuto.

Kalagayan

Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang liham na pangkaibigan na kinapapalooban

ng ng mga pamamaraang (procedure) dapat sundin sa paggawa ng “egg sandwich”

na ginagamitan ng tamang bantas at panghalip gaya ng kami, tayo o sila. Ito ay

tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.

Bunga

Liham Pangkaibigan

Pamantayan sa Pagsulat

PUNTOS PAMANTAYAN

12 Nakabuo ng isang liham na pangkaibigan na:

a) kinapapalooban ng lahat ng pamamaraang dapat sundin sa paggawa

ng egg sandwich; b) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng

kami o tayo o sila; at c) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng

pangungusap.

9 Nakabuo ng isang liham na pangkaibigan na: a) kinapapalooban ng pitong

pamamaraang dapat sundin sa paggawa ng egg sandwich; b) ginamitan ng

angkop na bantas; at c) at maliban sa isa may pagkakaugnay-ugnay ang

lahat ng pangungusap.

6 Nakabuo ng isang liham na pangkaibigan na: a) kinapapalooban ng pitong

pamamaraang dapat sundin sa paggawa ng egg sandwich; at b) ginamitan

ng angkop na bantas.

3 Nakabuo ng isang liham na pangkaibigan na: a) kinapapalooban ng pitong

pamamaraang dapat sundin sa paggawa ng egg sandwich

Aralin 7

Paniniwala Ko

Lingguhang Layunin

Pag-unawa sa Pakikinig Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng larawan

Pag-unlad ng Talasalitaan

Natutukoy ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga kasalungat na

mga salita

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

41

Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng mga tunog upang makabuo ng bagong salita

Pag-unawa sa Binasa

Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod

sa pamamagitan ng pangungusap

Gramatika

Nagagamit ang kami, tayo, kayo, at sila sa usapan at sitwasyon

Pagsulat at Pagbaybay

Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salita,

parirala at pangungusap na natutuhan sa aralin

Estratehiya sa Pag-aaral

Nakagagamit ng diksiyunaryo

Paunang Pagtataya

A. Bilugan ang magkasalungat na salita sa bawat pangungusap.

1. Ang pagdiriwang ng kapistahan ay tradisyon ng mga Pilipino. Sa loob at labas

man ng bansa ito ay ipinagdiriwang.

2. Mula pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, ang mag-anak ay abala sa

paghahanda ng mga pagkain para sa darating na mga bisita.

3. Si Rona ay masiglang bata samantalang si Jona naman ay matamlay.

4. Ang masipag na si Emma ay pinarangalan ng klase habang nakatingin nang may

panghihinayang ang tamad na si Mario.

5. Madali lang ang pagsusulit para kay Luisa dahil pinag-aralan niya ang mahirap

na aralin kagabi.

Unang Araw Layunin

Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng larawan

Natutukoy ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga kasalungat na

mga salita

Paksang-Aralin

Pagsasalaysay Muli

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Ipatala sa mga bata ang naaalala nila kapag naririnig ang salitang tradisyon.

Pag-usapan sa klase ang itinala ng mga bata.

2. Paglalahad

Pangkatin ang klase. Bigyan ng puzzle ang bawat pangkat.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

42

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Basahin nang malakas.

Pagdiriwang ng Pista

Tradisyon na ng mga Pilipino ang pagdiriwang ng kapistahan taon-taon.

Ang lahat ay nananabik sa pagdating ng araw ito. Panahon ito ng pagkikita-kita

ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, magkakakilala at magkakapamilya.

Halos lahat ay nagiging abala sa pag-aayos ng sari-sariling bahay. Ang

iba naman ay nagbibigay ng oras sa pagkakabit ng banderitas. Bawat pamilya,

mahirap man o mayaman ay may mga handang pagkain upang may maihain sa

panauhing darating.

Simple man o magarbong paghahanda tuwing kapistahan, ang diwa ng

pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyaya sa nagdaang taon ay hindi

mawawala sa puso ng bawat Pilipino.

Itanong:

Ano ang pagdiriwang na binanggit sa teksto?

Paano naghanda ang mga tao bago pa man sumapit ang araw ng pista?

Sa mismong araw ng pista? Pagkatapos ng pista?

Ganito rin ba ang ginagawa ninyong paghahanda?

Paano ipinapakita ang pagkakaisa sa pagdiriwang ng kapistahan?

Bakit nagdiriwang ng kapistahan?

Ano-ano ang paniniwala kung may pagdiriwang ng pista?

Magpakita ng mga larawan tungkol sa binasang talata.

Sabihin: Pagsunud-sunurin ang mga ito ayon sa napakinggan.

Larawan ng fiesta na ginawang

puzzle

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

43

payapa

Ipasalaysay muli ang napakinggan sa pamamagitan ng larawan.

Ipabasa at ipasuri sa mga bata ang sumusunod na pangungusap.

1. Simple man o magarbong paghahanda tuwing kapistahan, ang diwa ng

pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyaya sa nagdaang taon ay hindi

mawawala sa puso ng bawat Pilipino.

2. Bawat pamilya, mahirap man o mayaman ay may mga handang pagkain

upang may maihain sa panauhing darating.

Ano ang ibig sabihin ng magarbo? Mahirap?

Ipagamit ang mga salitang ito sa sariling pangungusap upang matiyak na

naunawaan ng mga bata ang kahulugan nito.

Ipabasa muli sa mga bata ang pangungusap. Tukuyin ang kasalungat na

salita ng magarbo/mahirap.

Ipakita ang graphic organizer.

Ano ang salitang kasalungat ng salitang nasa loob ng bilog? (Isulat sa organizer

ang sagot ng mga bata.)

* Ipalit ang bawat salitang nakalista na nasa loob ng bilog. Ano ang kasalungat na

salita ng bawat isa? Maaari rin namang gumamit ng ibang salita na natutuhan sa

nakaraang aralin.

mabango mabigat

madilim mataas

Ipagamit ang mga salita sa pangungusap upang maipakita ang pagiging

magkasalungat ng mga salita na binigyang-kahulugan.

4. Pagpapayamang Gawain Pangkatin ang klase.

Hayaang magkuwento ang isang bata sa pangkat.

Ipaguhit ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento.

Tumawag ng ibang bata upang isalaysay ang kuwento sa pamamagitan ng mga

iginuhit ng pangkat.

5. Paglalahat

Sa anong paraan pa maisalaysay muli ang isang kuwentong napakinggan?

Kailan nagiging magkasalungat ang mga salita?

6. Karagdagang Pagsasanay

Bumasa sa mga bata ng isang kuwentong hindi pa nagagamit sa klase.

Ipaguhit sa mga mag-aaral ang bahagi na nagustuhan nila.

Matapos ang ilang minuto, hayaang ipakita ng ilang bata ang kanilang natapos na

gawain at ipakuwento ang pangyayari sa iginuhit na bahagi ng napakinggang

kuwento.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

44

Ikalawang Araw Layunin

Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita

Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod

sa pamamagitan ng pangungusap

Paksang-Aralin

Pagsasalaysay Muli ng Binasang Teksto

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Itanong: Ano ang suliraning naranasan na ng inyong pamilya?

Ano ang ginawa ninyo nang ito ay maranasan?

Hayaang magbahagi ang mag-aaral ng karanasan tungkol dito.

2. Paglalahad

Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin.

Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng mga tanong na nais nilang masagot habang

binabasa ang kuwento.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa ang kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” sa Alamin Natin, p.25.

Itanong sa mga bata kung mayroon silang salita/mga salita na hindi naunawaan sa

kuwentong binasa. Itala ang sagot ng mga bata.

Linangin ang bawat salita.

Pabalikan ang mga tanong na ginawa bago bumasa. Pasagutan ito sa mga bata.

Ihanda ang sumusunod na tanong sa mga istrip ng cartolina.Ilagay ang mga ito sa

malaking kahon o basket. Magpatugtog ng musika habang umiikot ang basket ng

mga tanong. Pagtigil ng musika, ang batang may hawak ng basket ang siyang

bubunot ng tanong at sasagot nito.

Itanong :

Ano ang nangyari kay Mang Lando?

Bakit siya dinala sa ospital?

Ano ang naramdaman ng asawa at mga anak ni Mang Lando sa pangyayaring

naganap?

Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Gitnang pangyayari? Huling

pangyayari?

Isulat sa pisara ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata.

Ipabasa ang mga ito.

Iayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangungusap.

Hayaang isalaysay muli ng mga bata ang binasang kuwento sa pamamagitan

ng pangungusap.

Paano ipinakita ng pamilya ang labis nilang pananalig sa Panginoon?

Anong katangian mayroon ang pamilya?

Dapat ba natin silang tularan? Bakit?

Ipabasa ang mga salitang mula sa binasang kuwento.

- sapa - dama

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

45

Sabihin: Hanapin ang pangungusap kung saan ginamit ang mga salita.

Ano ang ibig sabihin ng salitang sapa? Dama?

Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.

Kung papalitan natin ang mga unang tunog ng bawat salita, ano ang bagong

salitang mabubuo?

Gamitin ang tsart sa pagtatala ng mga sagot.

Bagong Salita

sapa mapa, tapa, kapa

dama

Ngayon naman, padagdagan ng tunog o pantig ang mga salita.

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 26.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan sa aralin? Ipakumpleto ang Tandaan Natin p. 26.

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 26.

Matapos ang inilaang oras, ipabasa sa mga bata salitang itinala at mga nabuong

salita sa tulong ng kaklase.

Ikatlong Araw Layunin

Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila sa usapan at sitwasyon

Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salita,

parirala at pangungusap na natutuhan sa aralin

Paksang-Aralin

Gamit ng Kami, Tayo, Kayo, at Sila

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Basahin ang mga sitwasyon. Sagutin ang tanong.

1. Sina Mira at Maya ay may mabubuting kalooban. Sina Mira at Maya ay laging

tumutulong sa mga nangangailangan. Sina Mira at Maya ay laging bukas-

palad sa mga lumalapit sa kanila.

Anong salita ang maaaring ipalit sa pangalan nina Mira at Maya?

2. Ako, sina Paolo at Mark ay nakapulot ng pitaka na may lamang pera. Hinanap

ko, nina Paolo at Mark ang nagmamay-ari ng pitaka upang isauli ito.

Anong salita ang maaaring ipalit sa pangalan ko at nina Paolo at Mark?

2. Paglalahad

Pangkatin ang klase.

Sabihin sa mga bata na pag-uusapan sa pangkat ang kani-kanilang

pinaniniwalaan.

Papaghandain ang bawat pangkat upang iparinig ang usapang ginawa. Ipagamit

ang kami, tayo, sila at kayo.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

46

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.

Itanong :

Kailan ginagamit ang kayo? Sila? Kami? Tayo?

Ipasuri sa mga bata ang mga pangungusap sa Alamin Natin, p.27.

Ano ang salitang ipinanghalili sa ngalan nina Marco, Gab at ako? Peter, Gary,

ikaw at ako? Mang Carding, Aling Perla at ikaw? Carlos, Jenny at Edward?

4. Pagpapayamang Gawain

Magsagawa ng isang mini-interview sa loob ng klase.

Bawat bata ay magtatanong sa dalawa hanggang apat na kaklase ng kanilang

paniniwala tungkol sa multo, duwende, engkanto.

Matapos ang inilaang oras, ipagawa ang Linangin Natin, p. 27.

Pasulatin ang mga bata ng mga pangungusap tungkol sa nakalap na impormasyon.

Ipaalala sa mga bata na gamitin sa pangungusap ang sila, kayo, tayo at kami.

5. Paglalahat

Kailan ginagamit ang sila? Kami? Tayo? Kayo? Ipakumpleto ang pangungusap sa

Tandaan Natin, p. 27.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 27.

Bigyang-halaga ang gagawing pagtatanghal ng bawat pangkat.

Ikaapat na Araw Layunin

Nagagamit nang wasto ang diksiyunaryo

Paksang-Aralin

Wastong Paggamit ng Diksiyunaryo

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Paano gamitin ang diskyunaryo?

2. Paglalahad

Ipabasang muli ang “Huwag Mawalan ng Pag-asa” sa Alamin Natin, p. 24.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipatala sa mga bata ang mga salitang hindi nila nauunawaan mula sa binasang

teksto.

Ipasipi mula sa diksiyunaryo ang isang kahulugan nito.

Ipagamit sa mga bata ang format na ito.

Salitang Hindi Ko Maunawaan Kahulugan Mula sa Diksiyunaryo

Ano-ano ang salitang hindi nauunawaan mula sa binasa?

Itala sa pisara ang sagot ng mga bata.

Ipabasa ang mga ito.

Ano ang kahulugan ng bawat isa?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

47

Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 28.

5. Paglalahat

Paano gamitin ang diksiyunaryo?

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 28.

Ipatala sa mga bata ang tatlong salitang natutuhan mula sa mga nagdaaang aralin.

Ipasulat ang kahulugan ng bawat isa buhat sa diksiyunaryo.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

Layunin

Makagawa ng talaan ng talahuluganan ng mga salitang pinamagatang “ Ang Aking

Diksiyunaryo”

Magamit ang kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” sa pagsusulat ng tatlong

salitang natutuhan sa talahuluganan ng mga salita

Magamit ang dictionary entry bilang gabay sa paggawa ng talahuganan ng mga

salita

Gagampanan ng bawat mag-aaral

Makasulat ng tatlong salitang hindi nauunawaan sa kuwentong “Huwag Mawalan

ng Pag-asa” at makagawa ng “Aking Diksiyunaryo.”

Kalagayan

Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng talaan ng talahuluganan ng mga salitang

pinamagatang “Ang Aking Disyunaryo”. Gagamitin bilang sanggunian ang

kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” upang makabuo ng talahuluganan na may

tatlong salitang bibigyan ng kahulugan. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng

nakalakip na pamantayan.

Bunga

Ang Aking Diksiyunaryo

Pamantayan sa Pagsasagawa

PUNTOS PAMANTAYAN

12 Naisulat nang paalpabeto ang tatlong salita mula sa kuwentong “Huwag

Mawalan ng Pag-asa” sa “Ang Aking Diksiyunaryo.” Nabigyan ang

bawat isa nang wastong kahulugan. Nagamit ang dictionary entry bilang

gabay sa paggawa ng talahuluganan ng mga salita.

9 Naisulat nang paalpabeto ang tatlong salita mula sa kuwentong “Huwag

Mawalan ng Pag-asa” sa “Ang Aking Diksiyunaryo.” Nabigyan ang

dalawang salita ng wastong kahulugan. Nagamit ang dictionary entry

bilang gabay sa paggawa ng talahuluganan ng mga salita.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

48

6 Naisulat nang paalpabeto ang tatlong salita mula sa kuwentong “Huwag

Mawalan ng Pag-asa” sa “Ang Aking Diksiyunaryo.” Nabigyan ang

isang salita nang wastong kahulugan. Nagamit ang dictionary entry

bilang gabay sa paggawa ng talahuluganan ng mga salita..

3 Naisulat nang paalpabeto ang tatlong salita mula sa kuwentong “Huwag

Mawalan ng Pag-asa” sa “Ang Aking Diksiyunaryo.”

Aralin 8

Karapatan Ko

Lingguhang Layunin

Pag-unawa sa Napakinggan Naibibigay ang mensahe ng napakinggang kuwento

Pag-unawa sa Binasa

Nakapagbibigay ng wakas sa binasang kuwento

Wikang Binibigkas

Nagagamit ang magagalang na pananalita sa panghihiram ng gamit

Gramatika

Nagagamit ang panghalip na pamatlig na ito, iyan, at iyon

Komposisyon Nasisipi nang maayos at wasto ang mga salita mula sa tekstong binasa

Pagsulat at Pagbabaybay

Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo o apat na pantig

Estratehiya sa Pag-aaral

Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon

Paunang Pagtataya

Pangkatin ang klase at ipagawa ang isinasaad sa matatanggap na activity sheet.

Bigyan ang bawat pangkat ng activity sheet na nakasulat ang isa sa sumusunod.

Gawain 1 Naubos na ang berdeng krayola at nais ng buong

pangkat manghiram sa kabilang pangkat. Ipakita ang gagawin sa

pamamagitan ng isang dula-dulaan.

Gawain 2 Ano ang sasabihin mo kung manghihiram ka ng isang aklat sa

silid-aklatan? Isulat ang mga sasabihin.

Pagpapalahad ng sagot ng bawat pangkat.

Ano ang mga ginamit na salita upang ituro ang tinutukoy na mga bagay?

Unang Araw Layunin

Nasasagot ang mga tanong sa kuwento

Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang kuwento

Paksang-Aralin

Pag-unawa sa Napakinggang Kuwento

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

49

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ano-ano ang alam mong karapatan mo?

2. Paglalahad

Itanong:

Ano-ano ang mga salitang maiuugnay ninyo sa salitang mapalad?

Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin sa mga bata.

Ano kaya ang nangyari kay Marina? Isulat ang sagot ng mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Basahin ang kuwento.

Marinang Mapalad

Si Marina ay isang batang ulila. Bata pa siya ay namatay na ang kaniyang

mga magulang sa isang aksidente. Kaya nga’t siya ay kinupkop ng kaniyang

tiyahin na walang anak. Itinuring siya ay parang tunay na anak. Pinag-aral siya.

Ibinili ng lahat ng kaniyang pangangailangan. At higit sa lahat binigyan ng isang

pamilya na kaniyang matatawag. Tunay na mapalad si Marina.

Itanong

Sino ang inilalarawan sa kuwento?

Ano ang nangyari sa kaniya?

Bakit siya mapalad?

Ano-anong karapatan ang naibigay sa kaniya?

Ano-ano ang karapatang naibibigay sa iyo ngayon?

Paano mo pahahalagahan ang mga karapatang ito?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipakuha sa mga bata ng kagamitan para sa paggawa ng poster.

Ipaguhit ang mga dahilan ng pagiging mapalad ni Marina.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Magpagawa sa mga bata ng isang maikling liham ng pasasalamat sa magulang sa

pagbibigay-buhay at pagpapaaral sa kanila.

Ikalawang Araw Layunin

Nasasagot ang tanong tungkol sa binasang kuwento

Nakapagbibigay-wakas sa binasang kuwento

Paksang-Aralin Pagbibigay ng Wakas sa Binasang Kuwento

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang karanasan ng kanilang pamamasyal

kasama ang pamilya.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

50

2. Paglalahad Anong lugar sa Pilipinas ang nais mong mapuntahan?

Bakit gusto mong makarating dito?

Sabihin ang pamagat ng kuwento.

Itanong: Ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng limang tulog?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang kuwentong “Limang Tulog” sa Alamin Natin, p.28.

Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang

tapusin ang gawaing iaatas sa kanila.

Gawain 1 Isadula kung bakit excited si Flor.

Gawain 2 Iguhit ang mga naisip ni Flor.

Gawain 3 Isulat ang mga pangyayari sa kuwento.

Pagtatanghal ng bawat pangkat.

Balikan ang kasagutan sa pag-uumpisa ng klase.

Tama ba ang naging hula ninyo?

Bakit excited si Flor?

Ano ang nangyari sa kaniya?

Sa palagay mo, nakasama kaya siya? Bakit mo nasabi?

Ano ang gagawin mo kung hindi ka makakasama dahil may sakit ka?

Ano ang gusto mong maging wakas ng napakinggang kuwento?

Ano-anong karapatan ang tinamasa ni Flor sa kuwento?

Natatamasa mo rin ang mga ito?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 30.

Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ng sitwasyon ang bawat pangkat.

Atasan silang isadula ang sa palagay nila ay naging wakas ng napiling kuwento . 5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 30.

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 30.

Tumawag ng ilang bata at pabasa ang natapos na gawain.

Kunin ang papel na pinagsulatan ng mga bata ng kanilang sagot. Bigyan ng puna

kung paano isinulat ang talata. Matapos bigyan ng puna, ibalik ito sa mga bata

upang muling maisulat ang talata.

Ikatlong Araw Layunin

Nagagamit ang mga magagalang na pananalita sa panghihiram ng gamit

Nagagamit ang ito, iyan / iyon sa pangungusap

Paksang-Aralin

Gamit ng Ito, Iyan, at Iyon

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

51

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Itanong:

May ipinadadala ang iyong guro pero nakalimutan mo, ano ang gagawin mo?

2. Paglalahad

Ano ang nangyari kay Flor sa “Limang Tulog”?

Ipabasang muli ang kuwento sa Alamin Natin, p. 29.

Itanong:Ano kaya ang gagawin niya kung sa pasukan ay kulang ang kaniyang

gamit sa paaralan pero may pinaglumaan naman ang kaniyang ate o kuya?

Ano kaya ang sasabihin niya?

Isulat ang sasabihin ng mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa ang mga pangungusap na ibinigay ng mga bata.

Itanong:

Alin sa mga pangungusap ang tamang pagsasabi na nais mong manghiram ng

gamit?

Ipabasa ang usapan sa Alamin Natin, p. 30.

Bigyan ng pansin ang mga salita na nakasalungguhit sa usapan.

Itanong:

Ano-anong gamit ang hiniram ni Flor?

Ano-anong salita ang ginamit niya sa panghihiram?

Ano ang sasabihin mo kapag pinahiram ka?

Anong salita ang ginamit sa pagtuturo ng mga gamit sa usapan?

Ano ang tinukoy ng ito? Iyon? Iyan?

Kailan ginamit ang ito? Iyon? Iyan?

Nasaan ang bagay na itinuro nang gamitin ang ito? Iyon? Iyan?

Ano ang karapatan ni Flor ang naipakita sa kuwentong binasa?

Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa karapatan sa pag-aaral?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 31.

Pagawain ang bawat paresng bata ng isang usapan na gamit ang ito, iyan at iyon.

Pagtatanghal ng bawat pares ng bata.

Tama ba ang paggamit ng ito? Iyon? Iyan?

5. Paglalahat

Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan?

Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 31.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 31.

Humanap ng isang bagay na nakikita sa paligid.

Ituro ito gamit ang wastong pamatlig na ito, iyan at iyon.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

52

Ikaapat na Araw Layunin

Nasisipi ang mga salita mula sa tekstong binasa

Nababaybay at nasusulat nang wasto at maayos ang mga salita na may tatlo o

apat na pantig

Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon

Paksang-Aralin

Paggamit ng Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat

Paglinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Ipalaro : Pinoy Henyo

Pahulaan ang bahagi ng aklat na nakasulat sa papel.

2. Paglalahad

Ipaturo sa mga bata ang iba’t ibang bahagi ng aklat.

Pag-usapan ang kahalagahan ng bawat bahagi.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipagawa sa mga bata ang panuto na mababasa sa Alamin Natin, p. 31.

Pagtalakay sa mga sagot ng mga bata.

Gabayan ang mga bata kung may maling kasagutan.

Saan makikita ang pahina ng isang tekstong nais basahin?

Saan makikita ang “Talaan ng Nilalaman?”

Kung wala ang “Talaan ng Nilalaman,” ano pang bahagi ng aklat ang maaaring

pagkunan ng pahina ng isang tekstong kailangan?

Paano mo pangangalagaan ang mga aklat?

Anong karapatan ang natatamasa mo kung nagkakaroon ka ng pagkakataon na

makabasa ng aklat upang malibang? Upang makakuha ng impormasyon na

kailangan mo sa pag-aaral?

Ipabasa ang mga salitang inilista mula sa binasang akda. Ipasulat ito sa mga bata

sa pisara.

Ilang pantig mayroon ang bawat salita?

Linangin ang bawat salita at ipagamit sa sariling pangungusap.

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang mga panuto sa Linangin Natin, p. 32.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan

Natin, p. 32.

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 32.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

53

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

Layunin

Makagawa ng album tungkol sa karapatan ng mga bata

Magamit ang panghalip na ito, iyan o iyon

Gagampanan ng bawat mag-aaral

Ang bawat mag-aaral ay inaasahang makagawa ng album ng larawang

nagpapakita ng karapatan ng mga bata, at makasulat ng isang pangungusap tungkol

sa larawang ginupit at idinikit sa album.

Kalagayan

Ang mga mag-aaral ay gagawa ng album na may tatlong larawan na

nagpapakita ng karapatan ng mga bata. Inaasahan din na makasusulat sila ng isang

pangungusap tungkol sa bawat larawang idinikit sa album.

Bunga

Album ng mga Karapatan ng mga Bata

Pamantayan sa Pagsasagawa

PUNTOS PAMANTAYAN

12 Ang album ay malinis, maayos, makulay at naipakita ang mga larawan

sa malikhain at orihinal na pamamaraan. Naidikit ang tatlong larawan sa

isang malikhaing paraan at nalagyan ng angkop na pangungusap gamit

ang panghalip na ito , iyon o iyan.

9 Ang album ay malinis, maayos, at makulay. Naidikit ang mga larawan

nang maayos at nalagyan ng angkop na pangungusap gamit ang

panghalip na ito , iyon o iyan.

6 Ang album ay maayos at makulay. Nakapaglagay ng tatlong larawan at

nakasulat nang angkop na pangungusap gamit ang panghalip na ito o

iyon o iyan.

3 Ang album ay maayos at makulay. Nakapaglagay ng dalawang

larawan.

Aralin 9

Tungkulin Ko

Lingguhang Layunin

Pag-unawa sa Napakinggan

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto

Wikang Binibigkas

Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa pamayanan

Gramatika

Nagagamit ang panghalip na ito, iyan, at iyon

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

54

Pag-unlad ng Talasalitaan

Nakagagamit ng pahiwatig sa pag-alam ng kahulugan ng mga salita (tulad ng

paggamit ng mga salitang magkasalungat)

Pag-unawa sa Binasa

Nagbabago ang dating kaalaman batay sa mga natuklasang kaalaman sa binasang

teksto

Pagsulat at Pagbabaybay

Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga

parirala at pangungusap

Paunang Pagtataya

Basahin sa mga bata.

Galing sa tindahan si Terry. May nakasalubong siyang isang marungis na bata na

kasa-kasama ang kaniyang maliit na kapatid. Ilang araw na raw silang hindi kumakain.

Ipasulat sa mga bata ang sagot sa kanilang sagutang papel.

1. Sino ang nanggaling sa tindahan?

2. Ano ang nangyari sa magkapatid?

3. Ano kaya ang ginawa ni Terry?

Basahing muli ang sitwasyon at mga tanong.

Talakayin ang sagot sa bawat tanong.

Tama ba ang pagkakasulat mo sa ngalan ng tao? Sa pangungusap?

Unang Araw Layunin

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto

Naiuulat ang mga nasaksihang pangyayari sa pamayanan

Paksang-Aralin

Pag-unawa sa Napakinggang Teksto

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Maghanda ng mga larawan ng mga gawain sa bahay, paaralan, at pamayanan.

Ipakita ito sa mga bata.

Pag-usapan ang bawat larawan.

2. Paglalahad

Ipatala sa mga bata ang ginagawa nila sa bahay, paaralan, at sa pamayanan.

Ipagamit ang talaan na ito.

Ang mga ginagawa ko sa…

tahanan

paaralan

pamayanan

Ipabasa sa mga bata ang kanilang itinala.

Itanong: Bakit mo ginagawa ang mga ito?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

55

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Basahin nang malakas sa mga bata.

May mga tungkuling na dapat gampanan sa paaralan, tahanan, at

pamayanan.

Ang sumusunod ay tungkulin sa tahanan: sumunod sa utos ng mga

magulang, iayos at iligpit ang mga laruan pagkatapos maglaro; magpaalam sa

magulang kung aalis; tumulong sa mga gawaing-bahay; at igalang ang mga

magulang at kasama sa bahay. Tungkulin ng mga bata sa paaralan na: sumunod at

makinig sa guro, gumawa ng takdang-aralin, sumunod sa mga batas at alituntunin

sa paaralan katulad ng pagsusuot ng uniporme, paggalang sa watawat at pagpasok

sa tamang oras. May mga tungkulin din sa pamayanan. Ang mga ito ay pagsunod

sa batas trapiko, pakikiisa sa mga proyekto ng pamayanan, pagpapanatiling

malinis sa lugar, at pakikipagkasundo sa mga kapitbahay.

Mahalagang isagawa ang mga nabanggit na mga tungkulin para sa

ikabubuti ng mga bata. Lalaki silang maayos, may respeto at may pagmamahal sa

sarili, sa magulang at sa kanilang bayan. SES Teacher Nora

http://rosericnors.blogspot.com/2012/02/tungkulin-ng-mga-bata-sa-paaralan.html

Itanong:

Batay sa binasa, ano ang ibig sabihin ng salitang tungkulin?

Saan-saan may tungkulin na dapat gampanan ang bawat isa?

Ano-ano ang tungkulin sa bahay? Paaralan? Pamayanan?

Ginagawa mo ba ang mga tungkulin na nabanggit?

Bakit? Bakit hindi?

Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng karanasan sa pagtupag ng tungkulin.

Ano ang kabutihang dulot sa pagtupad ng mga tungkulin?

Ano ang mangyayari kung hindi naman tutuparin ang mga tungkulin?

Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng isang naobserbahang pangyayari sa

tahanan/paaralan/pamayanan na may kinalaman sa pagsunod sa isang tuntunin.

Ano ang dapat tandaan kung magsasalaysay ng isang pangyayari?

Ano ang dapat gawin kung magmamasid ng isang pangyayari upang iulat?

4. Pagpapayamang Gawain

Maghanda ng mga istrip ng papel na may nakasulat na mga karapatan ng mga

bata.

Pabunutin ang bawat pangkat ng isang istrip ng papel.

Ipatanghal sa bawat pangkat ang tungkulin na katapat ng karapatang mabubunot.

Tumawag ng isang bata upang isalaysay sa kaniyang sariling salita ang

naobserbahang pangyayari.

5. Paglalahat

Ano ang dapat tandaan sa pag-uulat ng isang pangyayaring naobserbahan?

6. Karagdagang Pagsasanay

Papikitin ang mga bata.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

56

Ipaisip sa kanila ang mga pangyayaring naobserbahan sa kanilang paglalakad o

habang patungo sila sa paaralan.

Ipamulat ang mga mata.

Tumawag ng ilang bata upang magsalaysay ng kanilang naobserbahan.

Itanong sa mga batang nakapakinig ng pag-uulat:

Tama ba ang paraan ng kaniyang pagkakaulat?

Ikalawang Araw Layunin

Nababago ang dating kaalaman batay sa mga natuklasang kaalaman sa binasang

teksto

Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng

paggamit ng mga kasalungat na salita

Paksang-Aralin

Paggamit ng mga Magkasalungat na Salita

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Maghanda ng larawan ng mga pagkain sa iba’t ibang pangkat ng pagkain.

Ibigay ang bawat larawan sa mga bata.

Ipadikit ang mga ito ayon sa kanilang tamang kategorya.

Suriin ang pagpapangkat na ginawa.

Ano ang go food? Grow food? Glow food?

2. Paglalahad

Pagpapalawak ng talasalitaan

Ipabigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

1. Maraming kumain ng kanin ang nanay ni Rolly, kaya mataas ang

cholesterol niya. Pinayuhan siyang kumain lamang ng kaunti upang maging

mababa ang kaniyang kolesterol. (kasalungat- mababa)

2. Matapos kong kumain ng maalat na pagkain , kumain naman ako ng matamis

na tsokolate. (kasalungat - maalat)

3. Nakakapagpapayat ang tsokolate, kabaliktaran sa pag-aakala ng marami na ito

ay nakakataba. (kasalungat – nakakataba)

4. Ang tsokolate ay may antioxidants na maaaring makapagpakinis ng

magaspang na kutis. (kasalungat – magaspang)

Ipagamit ang mga bagong salita sa pangungusap.

Mahilig ka ba sa tsokolate?

Hayaang ibahagi ang karanasan ng mga bata na may kinalaman sa pagkain ng

tsokolate.

Ano ang alam mo tungkol sa tsokolate?

Isulat sa tamang kolum ang sagot ng mga bata.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

57

ALAM KO NA NGAYON KO LANG NALAMAN

Ano pa ang nais ninyong malaman tungkol sa tsokolate?

Isulat sa tamang kolum ang sagot ng mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa nang tahimik ang teksto sa Alamin Natin, p. 32-33.

Matapos basahin ang teksto, ipasulat ang mga bagong natutunan tungkol sa

tsokolate.

Ipabasa ang kasagutan sa mga bata.

Ano-ano ang magagandang dulot ng pagkain ng tsokolate?

Kailan nagiging masama sa katawan ang pagkain ng tsokolate?

Ano-ano sa dating kaalaman mo sa tsokolate ang nagbago?

Ano ang tungkulin mo sa iyong sarili pagdating sa pagkain?

Paano mo maisasagawa ang tungkulin mo sa iyong sarili?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin,p. 34

Papunan ang tsart sa ibaba tungkol sa paniniwala mo tungkol sa tsokolate bago at

matapos basahin ang teksto.

NOON NGAYON

Masama sa katawan Mabuti sa katawan

* Siguraduhin na ang ilalagay ng mga bata ay magkakasalungat na ideya.

Ipabasa sa mga bata ang natapos na gawain.

Talakayin ang kanilang kasagutan.

5. Paglalahat

Ano-ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.34.

Magsagawa ng isang gallery walk na nagtatampok ng mga iginuhit ng mga bata.

Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat bata.

Ikatlong Araw Layunin

Nagagamit ang mga panghalip na ito, iyan, at iyon

Paksang-Aralin

Paggamit ng Panghalip na Ito, Iyan at Iyon

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Linangin ang salitang tungkulin.

2. Paglalahad

Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

58

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipasuri ang mga larawan na nasa Alamin Natin , p. 34.

Ano ang ginagawa ng bata sa bawat larawan?

Alin-aling larawan ang dapat magkakasama?

Hayaang pagpangkat-pangkatin ng mga bata ang mga larawan.

Tumawag ng ilang pares ng bata upang tukuyin ang mga larawan gamit ang

salitang ito, iyan, at iyon.

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 35.

Pabilugin ang mga bata.

Sabihin sa kanila na sa pagtigil ng tugtog, ang batang may hawak ng bola ang

magbibigay ng isang pangungusap na may gamit na ito, iyon at iyan.

5. Paglalahat

Kailan ginagamit ang ito? Iyan?Iyon?

6. Karagdagang Pagsasanay

Upang mapatibay at mapayaman ang nililinang na kasanayan, ipagawa ang

Pagyamanin Natin, p. 35.

Ikaapat na Araw Layunin

Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng parirala at

pangungusap.

Paksang-Aralin

Pagsulat ng mga Pangungusap

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Pasulatin ang mga bata ng ginawang tungkulin sa bahay nang nagdaang gabi.

Ipapaskil ito sa inilaang paskilan sa loob ng silid-aralan.

Bigyan ng tatlong minuto ang mga bata na makapaglibot sa loob ng silid upang

mabasa ang ginawa ng mga bata.

Matapos ang inilaang oras, itanong: Ano-ano ang ginawa ng mga kaklase ninyo?

Itala ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata.

Ipabasa ito .

2. Paglalahad

Ipakitang muli ang mga larawan na ginamit sa Ikatlong Araw.

Bigyan ng istrip ng papel ang mga bata. Pasulatin sila ng isang pangungusap

tungkol sa larawang ipinakita.

Bigyang muli ng panibagong istrip ng papel ang bawat bata.

Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap na nagpapahayag ng damdamin

tungkol sa larawang ipakikita ng guro.

Bigyan ng istrip ng papel ang mga bata upang isulat dito ang isang tanong tungkol

sa larawang ipakikita ng guro.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

59

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa ang mga nagawang pangungusap sa mga bata.

Ipapaskil ang mga pangungusap sa pisara.

Itanong:

Alin-aling pangungusap ang dapat magkakasama?

Ano ang napansin sa bawat pangkat ng pangungusap?

Paano sinimulan ang mga pangungusap?

Paano nagtapos ang pangungusap na nagsasalaysay? Nagsasaad ng damdamin?

Nagtatanong?

Anong tawag sa mga bantas na ginamit?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 36.

Matapos ang inilaang oras, ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara.

Tama ba ang pagkakasulat ng bawat pangungusap?

Paano iwawasto ang mali ang pagkakasulat?

5. Paglalahat

Kailan ginagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas?

Ginagamit ang malaking letra sa:

unang letra ng unang salita sa pangungusap

unang letra ng pangalan ng tao

unang letra ng tanging ngalan ng hayop, lugar at iba pa

Ginagamit ang maliit na letra sa karaniwang salita.

Ginagamit ang tuldok (.) sa hulihan ng pangungusap na pasalaysay.

Ginagamit ang panandang pananong (?) sa pangungusap na nagtatanong.

Ginagamit ang panandang padamdam (!) sa pangungusap na nagpapahayag ng

matinding damdamin.

Ginagamit ang kuwit (,) bilang tanda ng pahinga o paghihiwalay ng mga salita.

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 36.

Isulat nang wasto ang “Panatang Makabayan,” sa isang malinis na papel.

Matapos ang inilaang oras para sulatin ito ng mga bata nang walang huwaran,

ipakita sa mga bata ang wastong pagkakasulat nito.

Hayaang makipagpalit ng papel ang mga bata sa kanilang katabi. Palagyan ng

puna kung naisulat o hindi nang wasto ang teksto.

Ipabalik ang papel sa sumulat upang maiwastoito nang isinasaalang-alang ang

mga puna mula sa kaklase.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

A. Iparinig ang maikling talata. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang letra

ng tamang sagot.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

60

Isang maliit at magandang nayon ang aming lugar sa probinsiya. Sa bukid

nagtatrabaho ang aming mga magulang. Sila ay magsasaka. Nagtatanim sila ng

iba’t ibang uri ng mga halaman na ibinibenta sa bayan.

Isang araw, habang sila ay nasa bukid, naiwan kaming magkakapatid sa

bahay. “Ella, ikaw ang maghuhugas ng pinggan sa umaga at si Nico naman sa

gabi. Ako na ang magluluto ng ating pagkain,” wika ni Ate Lany.

Tulong-tulong ang magkakapatid sa mga gawain sa bahay, at ginagawa nila

nang maayos ang kani-kanilang tungkulin. Pag-uwi sa bahay ng mag-asawa ng

hapong iyon, nawika ng ina,“ Salamat mga anak, napapanatili ninyong malinis at

maayos ang ating tahanan.”

1. Sa bukid nagtatrabaho ang aming mga magulang, sila ay ___________.

A. mangingisda B. magsasaka C. magtotroso D. magkakaingin

2. Ang magkakapatid ay nagtutulong-tulong sa gawaing-bahay upang

A. mapanatili ang kalinisan C. matuwa ang magulang

B. papurihan sila D. mabigyan ng pabuya o regalo

3. Tama ba ang ginawang pagpapalaki ng mga magulang ni Nico sa kanila? Bakit?

A. Oo, dahil lalaki sila na responsableng mamamayan.

B. Oo, dahil palaging matutuwa ang kaniyang mga magulang.

C. Hindi, dahil inaabuso ng kaniyang mga magulang ang kanilang karapatan.

D. Hindi, dahil hindi makatarungan na sila ay pagtrabahuhin sa loob ng tahanan.

B. Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng salitang nakasalungguhit.

4. Isang maliit na nayon ang tirahan namin sa probinsiya.

5. Malumanay magsalita ang aking nanay.

6. Ang magkakapatid ay tulong-tulong sa mga gawain sa bahay.

7. Tungkulin ng bawat miyembro ng pamilya na magtulungan upang mapanatili ang

kaayusan.

8. Napapanatiling malinis at maayos ang ating tahanan kapag sama-sama.

C. Ipasulat muli ang talata gamit ang wastong bantas gayundin ang maliit at

malaking letra.

lunes maagang gumising si brille upang ihanda ang sarili sa pagpasok sa

eskwela matapos maligo dumiretso siya sa kusina at kumain busog nabusog si

brille sa napakasarap na umagahang inihanda ng ina humalik si brille sa pingi ng

ina at nagpaalam aalis na po ako inay masayang wika ni brille mag-iingat ka anak

ang tugon ng ina

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

61

Aralin 10

Buhay Ko

Lingguhang Layunin

Pag-unawa sa Pinakinggan

Nakabubuo ng isang kuwentong kahawig ng napakinggang kuwento

Pag-unawa sa Binasa Natutukoy ang mga elemento ng kuwento

Gramatika Nagagamit ang ito, iyon, at iyan

Pag-unlad ng Talasalitaan

Naibibigay ang kasingkahulugan ng salita

Komposisyon

Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napakinggan

Paunang Pagtataya

Basahin ang kuwento upang masagot ang mga tanong tungkol dito.

Nagmamadali Pa Naman

Tinanghali ng gising si Rosa. Dali-dali siyang naglinis ng katawan at nagbihis ng

uniporme. Patakbo siyang lumabas ng kanilang bahay. Tanghali na talaga siya.

Malapit na siya sa gate ng kanilang paaralan, nang bigla siyang tumawid.

Hindi na siya tumingin sa kaniyang kanan o kaliwa. Hindi na rin niya hinintay na

makarating siya sa tamang tawiran.

“Beep! Beep! Beep!” nagulat siya sa isang kotse na halos kadikit niya.

Muntik na siya.

Pagtapat niya sa gate ng kanilang paaralan, sarado ito. Wala pala silang pasok

nang araw na iyon. Nagmamadali pa naman siya. Ang dami pa naman niyang hindi

ginawa nang umagang iyon, lalong-lalo na ang pagsunod sa tuntunin sa pagtawid sa

kalsada.

Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

1. Sino ang tauhan sa kuwento?

2. Saan-saan naganap ang kuwento?

3. Ano ang mga tungkulin na hindi nagawa ni Rosa?

4. Ano ang nangyari nang hindi siya tumawid sa tamang tawiran?

5. Bakit nagmamadali si Rosa?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

62

Unang Araw Layunin

Nasasagot ang mga simpleng tanong tungkol sa napakinggang kuwento

Nakabubuo ng isang kuwentong kahawig ng napakinggang kuwento

Paksang-Aralin

Pagbibigay ng Kahawig na Kuwento

Paglinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Maghanda ng isang larawan tungkol sa pamumuhay sa lungsod o sa baryo.

Ipakita ito sa mga bata.

Pag-usapan ang larawan.

2. Paglalahad

papikitin ang mga bata. Kung maaari, magparinig ng musika sa

mga bata habang ipinaalala sa kanila ang nagdaang bakasyon.

Ipaguhit ang naalala noong nakaraang bakasyon.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Tumawag ng isang bata na magkukuwento sa buong klase ng sariling

karanasan gamit ang larawang iginuhit.

Pag-usapan ang napakinggang kuwento.

Bakit hindi malilimutan ang karanasang napakinggan?

Ano-ano ang kilos na ginawa sa kuwento?

Ano-ano ang damdamin na nasa kuwento?

May ganito ka rin bang karanasan?

4. Pagpapayamang Gawain

Tumawag pa ng ilang bata upang magbahagi rin ng katulad na karanasan.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Magparinig sa mga bata ng isang kuwento.

Hayaang magbigay ang mga bata ng orihinal na kuwento na may katulad na tema

nito. Tumawag ng ilang volunteer para magbahagi sa buong klase.

Ikalawang Araw Layunin Natutukoy ang mga elemento ng kuwento

Paksang-Aralin

Mga Elemento ng Kuwento

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Balikan ang napakinggang kuwento nang nagdaang unang araw.

Itanong:

Sino ang tauhan sa napakinggang kuwento?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

63

Saan ito nangyari?

2. Paglalahad

Ano ang napanaginipan mo nang nagdaang gabi?

Hayaang ikuwento ito ng mga bata.

Puwede kaya itong magkatotoo?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa ang kuwento sa Alamin Natin, p.37.

Pangkatin ang klase. Ipagawa ang isang gawain sa bawat pangkat.

Gawain 1 – Igawa ng stick puppet ang tauhan sa kuwento

Gawain 2 – Iguhit kung saan naganap ang kuwento

Gawain 3 – Isulat ang unang, panggitna, at panghuling pangyayari sa kuwento.

Itanong:

Tungkol saan ang kuwento?

Sino-sino ang tauhan sa kuwento?

(Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 1.)

Saan naganap ang kuwento?

(Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 2.)

Ano ang napanaginipan ng tauhan sa kuwento?

Ano-ano ang pangyayari sa kaniyang panaginip?

(Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 3.)

Ano ang isa mong panaginip na hindi mo malimutan?

Ipabahagi ito sa klase.

Nagkakatotoo ba ang panaginip?

Ano ang dapat gawin kung may masamang panaginip?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipabasa ang kuwento sa Linangin Natin, p.38 at pasagutan ang mga

tanong sa pamamagitan ng T-Model na nakasulat sa isang manila papel o sa

cartolina. Bigyan ang bawat pangkat ng klase upang dito isulat ang kanilang

sagot.

1. Ano ang pamagat ng kuwento

2. Sino-sino ang mga tauhan?

3. Saan ito naganap?

4. Kailan ito naganap?

5. Ano ang suliranin ng tauhan?

Ibahagi sa bawat pangkat ang kanilang sagot.

Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagtalakay sa kasagutan sa bawat

tanong.

5. Paglalahat

Ano-ano ang elemento ng kuwento?

Patnubay na Tanong Mga sagot

Wakas

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

64

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 39.

Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang natapos na balangkas.

Ikatlong Araw Layunin

Nagagamit ang panghalip na ito, iyan, at iyon

Paksang-Aralin

Paggamit ng Ito, Iyan at Iyon

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap gamit ang ito, iyan at iyon.

Itanong:

Kailan ginagamit ang ito? Iyan? Iyon?

2. Paglalahad

Ipabasa at ipagawa ang Alamin Natin, p. 39.

Ipaguhit sa mga bata ang mga bagay na nakita ni Bernardo sa kaniyang

panaginip.

Pasulatin ang mga bata ng pangungusap upang maipakita ang wastong gamit ng

ito, iyon at iyan.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa sa mga bata ang ginawang pangungusap.

Ipasulat ito sa pisara.

Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap?

Paano maiwawasto ang mga mali ng pagkakasulat?

Ano ang tinutukoy ng ito/iyon/iyan sa pangungusap?

Nasaan ang tinutukoy na bagay/lugar/tao?

Tama ba ang pagkakagamit ng ito? Iyan? Iyon?

Kung may mali, paano ito maiwawasto?

Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p.39.

Ipaskil sa pisara ang mga larawang ginamit sa gawaing ito.

Hayaang isulat ng mga bata ang pangungusap na ginawa nila sa tapat ng angkop

na larawan.

Ipabasa ito sa mga bata.

Suriin kung tama ang pagkakagamit ng ito, iyon at iyan.

5. Paglalahat

Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan?

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 40.

Pasulatin ang mga bata ng isang komik istrip gamit ang ito, iyan at iyon.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

65

Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng isang gallery walk upang makita ng

ibang bata ang ginawa ng kanilang kaklase at makapagbigay ng puna.

Bigyan din ng puna ang natapos na komiks ng mga bata. Ibalik ito sa mga bata

upang maisaayos ang mga pangungusap na nangangailagan ng rebisyon.

Ikaapat na Araw Layunin

Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napakinggan

Paksang-Aralin

Pagsulat ng Ulat

Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam

Ipabasa ang ilang pangungusap na nakasulat sa pisara. (Siguraduhin na isulat ang

ibang pangungusap na may kamalian.)

Sabihin kung tama o mali ang pagkakasulat ng bawat isa.

2. Paglalahad

Ipagawa ang nakasulat sa Alamin Natin, p. 40.

Pangkatin ang klase.

Hayaang pag-usapan sa pangkat ang isang pangyayaring nasaksihan ng bawat isa.

Papiliin ang pangkat ng pangyayaring isusulat.

Ipasulat ito sa manila paper.

Ipabasa ang natapos na talata sa klase.

Gawin ito hanggang sa matapos ang lahat ng pangkat.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.

Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap?

May pagkakaugnay-ugnay ba ang mga pangungusap?

Tama ba ang pagkakagamit ng malaki at maliit na letra?

Tama ba ang pagkakabaybay ng mga salita?

Tama ba ang mga bantas na ginamit?

Sapat ba ang pagkakalayo ng mga salita na ginamit sa pangungusap?

Pantay-pantay ba ang pagkakasulat ng mga salita?

Tungkol saan ang isinulat na teksto?

Ipabasang muli ang talatang isinulat.

May pagkakaugnay ba ang mga pangungusap?

Natukoy ba ang tauhan at tagpuan nito?

Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?

Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang ulat ng pangyayari?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 40

Ipasulat muli sa pangkat ang naunang talatang naisulat. Isasaalang-alang ngayon

ang mga nakitang pagkakamali habang tinatalakay ang naunang modelo ng talata

ng pag-uulat.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

66

5. Paglalahat

Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang pag-uulat?

6. Karagdagang Pagsasanay

Pasulatin ang mga bata ng isang talatang may tatlo hanggang limang pangungusap

tungkol sa isang pangyayaring personal na naobserbahan.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

Layunin

Nakabubuo ng kuwentong kahawig ng napakinggang kwento

Naisasadula ang nabuong kuwento sa malikhaing pamamaraan

Gagampanan ng bawat mag-aaral

Ang bawat mag-aaral ay susulat ng isang kuwento na kahawig ng napakinggang

kuwento na binasa ng guro.

Kalagayan

Ang mga mag-aaral ay susulat ng isang kuwento na kahawig ng napakinggang

kuwento at pagsasadula nito sa isang malikhaing pamamaraan.

Bunga

Pagbuo ng kuwentong kahawig ng napakinggang kuwento.

Ang Malaking Kahon

Maagang nagising ang batang si Maricar. Isang malaking kahon ang nakita

niya sa may pintuan ng kanilang bahay.

“Ano kaya ang laman nito?” ang tanong niya sa kaniyang sarili.

Pilit niyang sinisilip ang laman nito, pero talagang balot na balot ito.

Sinubukan niyang amuyin, pero wala naman itong amoy. Binuhat din niya, hindi

naman niya makaya.

“Ano kaya talaga ito? Para kanino ito?”

“Para sa iyo ang kahon na iyan,” ang sabi ng tinig sa kaniyang likuran.

Dali-dali niya itong binuksan. Tuwang-tuwa siya nang makita ang isang

napakalaki at napakagandang bahay-bahayan.

“Salamat ,Tatay. Salamat sa paggawa mo ng isang bahay-bahayan para sa

akin.” Pamantayan sa Pagsasagawa

PUNTOS PAMANTAYAN

12 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. May

pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari sa bawat isa. Nagamit ang

wika nang wasto at angkop sa bawat sitwasyon.

9 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. May

pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari maliban sa isa. May isang

salitang ginamit na hindi angkop sa sitwasyon.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

67

6 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. May

pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari ngunit may 2- 3 na walang

kaugnayan sa mga nauna.

3 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento.

Walang pagkakaugnay ang mga pangyayari sa bawat isa.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

68

Talaan ng Espesipikasyon sa Filipino 3

Unang Markahan

Mga Layunin

Bilang ng

Araw

Bilang ng

Aytem

Antas ng Pagtatasa

Kaalaman Proseso/ Kakayahan

Pang-unawa

Produkto/ Pagganap

Kinalalagyan ng Bilang

KAALAMAN

Pag-unawa sa Napakinggan

Nasasagot ang mga

tanong tungkol sa

napakinggang tula

2 2 2 -

2

Gramatika

Nagagamit ang

pangngalan sa

pagsasalaysay tungkol sa

mga tao, lugar at bagay

1 1 1 3

Nagagamit ang mga

salitang pamalit sa ngalan

ng tao

1 1 1 4

Pag-unawa sa Binasa

Nasasagot ang mga

tanong tungkol sa

binasang teksto

1 1 1 5

KAMALAYANG PONOLOHIYA

Napapantig nang

pabigkas ang mga salita

1 1 1 6

PROSESO

Pag-unawa sa Napakinggan

Nailalarawan ang mga

bahagi ng kuwento

2 1 1 7

Napagsusunod-sunod ang

mga pangyayari sa

napakinggang kuwento sa

tulong ng mga larawan

1 1 1 8

Gramatika

Nagagamit ang

pangngalan sa

pagsasalaysay tungkol sa

tao, bagay sa paligid

1 1 1 9

Nagagamit ang salitang

pamalit sa ngalan ng tao

sa usapan at sitwasyon

1 1 1 10

Kamalayang Ponolohiya

Natutukoy ang mga

salitang magkakatugma

1 1 1 11

Napapalitan at

nadaragdagan ang mga

pantig upang makabuo ng

mga bagong salita

1 1 1 12

Pag-unawa sa Binasa

Nasasagot ang mga

tanong tungkol sa

tekstong binasa

2 2 2 13-14

1-2

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

69

Mga Layunin

Bilang ng

Araw

Bilang ng

Aytem

Antas ng Pagtatasa

Kaalaman Proseso/

Kakayahan

Pang-

unawa

Produkto/

Pagganap

Kinalalagyan

ng Bilang

Estratehiya sa Pag-aaral

Nagagamit ang

diksiyunaryo

1 1 1 15

Nagagamit ang iba’t

ibang bahagi ng aklat sa

pagkalap ng

impormasyon

2 1 1 16

PAG-UNAWA

Pag-unawa sa Napakinggan

Nasasagot ang mga

tanong tungkol sa

napakinggang

kuwento/parabola

1 1 1 17

Nakasusunod sa mga

panutong may 2-3

hakbang

1 1 1 18

Gramatika

Nagagamit ang

pangngalan sa

pagsasalaysay tungkol sa

tao, lugar at bagay

1 1 1 19

Nagagamit ang mga

salitang pamalit sa ngalan

ng tao, lugar at bagay

1 1 1 20

Pag-unlad sa Talasalitaan

Nabibigyang-kahulugan

ang mga salitang kilala at

di-kilala sa pamamagitan

ng pagbibigay ng

kasingkahulugan at

kasalungat na salita

1 1 1 21

Kaalaman sa Limbag

Nahuhulaan ang

nilalaman/paksa ng aklat

sa pamamagitan ng

pamagat

1 1 1 22

Pag-unawa sa Binasa

Nasasagot ang mga

tanong tungkol sa

tekstong binasa

1 1 1 23

Pagsulat at Pagbabaybay

Nababaybay nang wasto

ang mga salitang

natutuhan sa aralin

1 1 1 24

Nagagamit ang malaki at

maliit na letra at mga

bantas sa pagsulat ng

mga salita, parirala at

pangungusap

1 1 1 25

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

70

Mga Layunin

Bilang ng

Araw

Bilang ng

Aytem

Antas ng Pagtatasa

Kaalaman Proseso/ Kakayahan

Pang-unawa

Produkto/ Pagganap

Kinalalagyan ng Bilang

Komposisyon

Nasisipi nang wasto at

maayos ang mga salita,

parirala at pangungusap

1 1 1 26

Nakasusulat ng

pangungusap nang may

wastong gamit ng malaki

at maliit na letra at mga

bantas

1 1 1 27

Estratehiya sa Pag-aaral

Nagagamit ang

diksiyunaryo

1 1 1 28

Produkto/Pagganap

Pag-unawa sa Napakinggan 29-40

Naisasakilos ang

napakinggang tugma o

tula

1 1 1

Wikang Binibigkas

Nakabubuo ng isang

kuwentong katumbas ng

napakinggang kuwento

1 1 1

Nagagamit ang

magagalang na pananalita

sa angkop na sitwasyon

2 2 2

Naisasagawa ang maayos

na pagpapakilala ng sarili

1 1 1

Naiuulat nang pasalita

ang mga naobserbahang

pangyayari

1 1 1

Gramatika

Nagagamit ang

pangngalan sa

pagsasalaysay tungkol sa

mga tao, lugar, at bagay

na makikita sa paligid

1 1 1

Nagagamit ang mga

salitang pamalit sa ngalan

ng tao, bagay, hayop at

lugar

1 1 1

Pag-unawa sa Binasa

Naiuugnay ang binasa sa

sariling karanasan

2 2 2

Nakapagbibigay ng

sariling wakas sa

binasang kuwento

1 1 1

Nagbabago ang dating

kaalaman base sa

natuklasang kaalaman

mula sa binasang teksto

1 1 1

KABUUAN 42 40 6 10 12 12 1-

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

71

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Basahin ang talata at sagutin ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Ang Halayang Ube ni Maya

ni Dolorosa S. de Castro

Maagang gumising si Maya upang tumulong sa inang si Aling Maria na abalang-

abala sa pagluluto ng halayang ube.

“Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo, Inay,” wika ni Maya habang

lumalakad palapit sa Ina.

“Pihadong matutuwa na naman ang mga suki ko kapag natikman nila iyan,” may

pagmamalaking wika ni Maya.

Napangiti si Aling Maria sa sinabi ni Maya.

“Salamat anak, natutuwa ako at nagugustuhan mo lahat ng niluluto ko,” wika ng

ina.

Matapos maihanda ni Aling Maria ang ilalakong halaya ni Maya, binilinan niya

itong mag-ingat. Kapag naubos nang maaga ang kaniyang paninda, umuuwi siya kaagad

upang makapagpahinga.

1. Ano ang uri ng kakanin na tinukoy sa kuwento?

A. bilo-bilo C. sinukmani

B. halayang ube D. sumang yakap

2. Sino ang matutuwa kapag natikman ito?

A. Maya C. mga kalaro ni Maya

B. suki D. mga kapitbahay ni Maya

3. Sino ang nagsabi? “Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo Inay?”

A. Aling Maria C. Maya

B. Hana D. Sonia

4. Maagang gumising si Maya upang tumulong sa inang si Aling Maria.

Anong salita ang maaaring gamiting pamalit sa salitang Maya?

A. ako C. kami

B. ibon D. siya

5. Bakit maagang gumising si Maya?

A. maglaro C. tumulong

B. magtinda D. umalis

6. Ilang pantig mayroon ang salitang halaya?

A. apat C. isa

B. dalawa D. tatlo

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

72

Ang Tula ni Emma

ni Dolorosa S. de Castro

“Yehey!” ang malakas na hiyaw ni Emma.

Nanalo kasi ang kaniyang entry sa paligsahan sa paggawa ng tula. Pinamagatan

niya itong Isko Palito. Kaliwa’t kanan ang sa kaniya ay bumabati.

“Ang galing mo Emma,”, ang bati sa kaniya ng mga kaibigan.

“Salamat, inspirado lang talaga ako habang gumagawa ng aking tula,” sagot ni

Emma sa kaibigan.

Bago igawad ang medalya, tinanong si Emma ng isa sa mga hurado, “Sino si Isko

Palito sa iyong buhay?”

“Siya ang superman ng aming buhay, ang aking ama. Hindi niya inaalintana ang

hirap ng buhay, maitaguyod lamang ang pangangailangan naming lahat,” ang matalinong

sagot ni Emma.

Labis na natuwa ang hurado sa kaniyang isinagot. Buong giliw niyang isinabit

ang medalya sa leeg ni Emma.

7. Saan naganap ang kuwento?

A. bahay C. parke

B. paaralan D. simbahan

8. Piliin ang pagkakasunod-sunod ayon sa pangyayari sa kuwento,

a b c d

A. abcd C. bcad

B. bacd D. bcda

9. Anong kategorya ng pangngalan ang inspirasyon ni Emma?

A. tao C. hayop

B. lugar D. pangyayari

10. Sa linyang,“Buong giliw niyang iniabot ang medalya,” anong salita ang maaaring

ipalit sa salitang medalya?

A. ito C. iyon

B. iyan D. diyan

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

73

11. Kung ang salitang katugma ng Lito ay palito, ano naman ang hurado?

A. barado C. largado

B. kandado D. pihado

12. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitang

malakas?

A. lumakas C. malasa

B. mabikas D. natakas

13. Ano ang unang ginawa ni Emma?

A. Gumawa ng tula.

B. Isinumite ang tulang ginawa.

C. Inalam kung kailan isasagawa ang patimpalak.

D. Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak.

14. Ano ang pangalawa sa huling ginawa ni Emma?

A. Inabot ang medalya.

B. Magpasalamat sa mga hurado.

C. Inalam kung kailan isasagawa ang patimpalak

D. Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak.

15. Alin sa sumusunod ang HINDI gamit ng diksiyunaryo?

A. Paghanap ng mapa o larawan.

B. Paghanap ng mga kahulugan ng salita.

C. Paghanap ng tamang baybay ng salita.

D. Paghanap ng kasalungat na kahulugan ng salita

16. Nais ni Emma na malaman kung saan siya makakakuha ng iba pang sanggunian.

Bukod sa aklat na kaniyang ginagamit, saang bahagi niya ito makikita?

A. indeks C. bibliograpiya

B. pabalat D. talaan ng nilalaman

Si Tok

ni Dolorosa S. de Castro

“Tiktilaok! Tiktilaok! Magandang umaga sa inyong lahat,” ang masayang bati ng

tandang na si Tok sa inaheng manok, baboy at baka. Iyan si Tok, masayahin, makulit

at palakaibigan. Isang kaugalian na lubos na kinagigiliwan ng kaniyang mga

kaibigan. Ang araw niya ay hindi makukumpleto kung hindi nakababati sa mga hayop

na nasa kamalig.

Isang araw, nagtaka ang lahat nang hindi nila narinig ang pagtilaok gayundin ang

masayang pagbati ni Tok. Nag-usap-usap ang mga hayop at hinanap si Tok. Nakita

nila si Tok sa dulong bahagi ng kamalig. Giniginaw at inaapoy ng lagnat.

Kani-kaniyang kilos sina inaheng manok, baboy at baka. Inalagaan nila si Tok

hanggang sa gumaling. Walang pagsidlan ang kaligayahan si Tok matapos makita at

maramdaman kung gaano siya pinahalagahan ng kaniyang mga kaibigan. Lubos na

pasasalamat ni Tok sa ginawa ng kaniyang mga kaibigan.

Nang gumaling si Tok hinigitan pa niya ang pakikisama at pagmamahal sa kanila.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

74

17. Ano ang nagtulak sa magkakaibigang baboy, baka at inaheng manok upang

hanapin si Tok?

A. Paghanga sa kaibigan. C. Pag-aalala sa kalagayan ng kaibigan.

B. Pagmamahal nila sa kaibigan. D. Pagtataka kung bakit wala si Tok.

18. Iguhit sa loob ng kahon ang pangunahing tauhan ng kuwento.

Isulat ang hinihinging kaisipan sa bawat patlang.

19-20. Ang ___________________ ang tagpuan sa kuwento ni Tok. __________

ang nagsilbing tahanan nilang magkakaibigan.

21. Si Tok ay kinagigiliwan ng kaniyang mga kaibigan. Kung ang kasingkahulugan

ng salitang may salungguhit ay nagugustuhan, ano naman ang kasalungat nito?

22. Ano ang nilalaman ng kuwentong “Si Tok?”

23. Kung ikaw si Tok, ano ang mararamdam mo sa pag-aalalang ipinakita ng iyong

mga kaibigan?

24. Isulat ng papantig ang salitang magkaibigan.

25. Isulat muli ang pangungusap.

nagpasalamat si tok sa mga kaibigan baboy baka at inaheng manok

26. Sipiin ang pangungusap.

“magandang umaga sa inyong lahat,” ang masayang bati ng tandang na si Tok.

27. Isulat ang buod ng kuwentong “Si Tok.”

28. Nagbabasa ka at may mga salitang hindi mo maunawaan ang kahulugan.

Ano ang gagawin mo?

Gawain sa Pagganap

Layunin

Makabuo ng isang kuwento na katumbas ng napakinggan o nabasang kuwento

Maipakitang kilos o maisadula ang nabuong kuwento

Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral

Babasahin ng bawat lider ng pangkat ang kuwento na pinamagatang “Aba!

Nasaan si Lola.” Sa loob ng limang minuto, iisip ng katumbas na kuwento ang bawat

pangkat. May karagdagang limang minuto upang ihanda ang kinakailangang gamit para

sa pagsasadula.

Kalagayan

Ang mga mag-aaral sa bawat pangkat ay makikinig ng isang kuwento, gagawa ng

isang katumbas na kuwento, magsasadula ng nagawang kuwento.

Bunga

Pagsasadula na katumbas ng napakinggang kuwento

* Gamitin ang rubrics na nasa pahina 66.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

75

Aba!Nasaan si Lola? ni Dolorosa S. de Castro

Isang umaga, binasag ang katahimikan nang malakas na tawag ni Ador sa Ina.

“Inay! Inay!” ang malakas na sigaw ni Ador habang patakbong lumalapit sa Ina.

“Inay, nawawala si Lola Agring,” nag-aalalang wika niya.

“Tiningnan mo na ba sa kuwarto? Sa salas? Sa kusina?” tanong ni Aling Lucia

sa kaniyang anak.

“Wala siya roon,” umiiling na wika ni Ador.

“Ganoon ba! Halika samahan mo ako. Hanapin natin si Lola Agring,” pagyaya ni

Aling Lucia sa anak.

Hinanap nila sa buong kabahayan subalit wala si Lola Agring. Nagpasya ang

mag-ina na maglakad-lakad hanggang sa makarating sila sa parke. Napangiti sila nang

makita ang maraming bata na naglalaro sa parke subalit gumuhit muli ang kalungkutan

nang maalala ang kanilang hinahanap.

Walang ano-ano, may narinig silang kumakanta.

“Arimunding-munding halina at magsayaw, arimunding-munding at pakunday-

kunday sa pag-indak-indak at sarap ng pag-imbay….”

“Inay,parang boses ni Lola iyon,” wika ni Ador.

“Oo nga, halika puntahan natin,” usal ni Aling Lucia.

Nang malapit na sila, laking tuwa ng mag-ina nang makita si Lola Agring na

masayang nakikipagkantahan at nakikipagsayawan sa mga bata.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

76

Susi sa Pagwawasto

1. B

2. B

3. C

4. D

5. C

6. D

7. B

8. D

9. A

10. A

11. A

12. C

13. C

14. A

15. A

16. C

17. B

18.

19. kamalig

20. Ito

21. kinaiiyamutan o kinaiinisan

22. kagbibigay halaga sa mga kaibigan

23. Kung ako si Tok lubos akong matutuwa sa aking mga kaibigan.

24. Mag-ka-i-bi-gan 25. Nagpasamat si Tok sa mga kaibigang baboy, baka, at inaheng manok.

26. “Magandang umaga sa inyong lahat,” ang masayang bati ng tandang na si Tok.

27. Si Tok ay likas na palakaibigan kaya lubos siyang kinagigiliwan ng kaniyang mga

kaibigan.

28. Titingnan ko ito sa diksiyunaryo

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 77 

  

Aralin 11 Magbakasyon Tayo Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan sa pamamagitan ng story pyramid Nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa kuwentong napakinggan Nakapagbibigay ng wakas sa isang kuwentong napakinggan Naisasadulang muli ang kuwentong napakinggan Palabigkasan at Pagkilala sa Salita Nagagamit sa pangungusap ang mga salitang natutuhan sa aralin Paglinang ng Talasalitaan Nagagamit ang mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng kasingkahulugan at kasalungat na mga salita Pag-unawa sa Binasa Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan Gramatika Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, pangyayari at bagay sa paligid Pagsulat Nakasusulat ng isang talata tungkol sa mga katulong ng pamayanan Paunang Pagtataya

Ipalarawan sa mga bata ang isang katulong sa pamayanan na kilala. Pahulaan sa ibang bata kung sino ang inilalarawan.

Unang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong napakinggan Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto

Nagagamit ang mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng kasingkahulugan at kasalungat na mga salita

Paksang-Aralin Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Kuwento Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Kukunin ng mga bata ng papel, pangkulay, at lapis. Iguguhit nila ang lugar na nais tirahan. Matapos ang ilang minuto, tumawag ng ilang bata upang ipakita at ipaliwanag ang iginuhit. Pag-usapan ang mga ipinakita at napakinggan mula sa mga tinawag na bata.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 78 

  

2. Paglalahad Pagpapalawak ng Talasalitaan

Linangin ang salitang baryo at lungsod . Ano ang naaalala ninyo sa salitang baryo? Lungsod? Iguguhit ng mga bata ang kanilang sagot. Pag-usapan ang mga iginuhit ng mga bata. Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.

Ibigay ang pamagat ng kuwento. Itanong : Tungkol saan kaya ang kuwento? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas ang kuwento. Magkaibang Mundo Tahimik at simple ang pamumuhay ni Nerry sa nakagisnan niyang baryo. Kung gusto niya ng sariwang gatas, pupunta lamang si Tatay sa bukid upang gatasan ang kanilang mga baka. Kung gusto niya ng pinakbet, pipitas lamang si Nanay ng mga gulay sa kanilang bakuran upang lutuin. Marami rin siyang kaibigan. Masaya at lagi silang sama-sama sa pagpasok sa paaralan, sa paghahabulan sa malawak na bukirin at sa paglalaro ng bahay-bahayan. Si Trining naman ay batang nakatira sa lungsod. Sa isang mataas na gusali nakatira si Trining at ang kaniyang pamilya. Kapag gusto niya ng gatas, pupunta lamang si Nanay niya sa groseri. Kapag gusto niyang maglaro, sasamahan siya ni Tatay sa isang mall. Marami rin siyang kaibigan pero hindi sila naglalaro. Sabay-sabay lamang sila sa pagpasok sa paaralan sakay ng isang dilaw na school service. Isang bakasyon, bumisita si Nerry sa kaniyang tiyahin na nasa lungsod. Si Trining naman ay nagpunta sa baryo upang dalawin ang kaniyang lola. Ano kaya ang nangyari sa kanilang bakasyon?

Itanong. Sino ang dalawang bata sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa. Gamitin ang Character Map sa bawat tauhan.

Pangalan ng tauhan

katangian

katangian

katangian

katangian

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 79 

  

Talakayin ang kuwentong napakinggan sa tulong ng Story Pyramid. Saan sila nakatira? Paghambingin ang dalawang lugar na ito sa pamamagitan ng Venn Diagram.

Ipasulat sa unang bilog ang mga katangian ng baryo at sa ikalawa naman ay sa lungsod. Sa nagtatagpong bahagi ng bilog, ipasulat ang mga katangian ng baryo na makikita rin sa lungsod, at ang katangian ng lungsod na nasa baryo rin. Ano ang masasabi mo sa baryo at lungsod? Saan mo ngayon nais manirahan? Ipaliwanag ang sagot.

Alin-alin sa salitang inilista ang magkasingkahulugan? Magkasalungat?

Paano mo nasabi na ang pares ng mga salita ay magkasingkahulugan? Magkasalungat?

Ano kaya ang nangyari sa pagbabakasyon ni Nerry? Ni Trining? Hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang ideya.

4. Pagpapayamang Gawain Basahin nang malakas ang isang maikling kuwento sa mga bata. Siguraduhing hindi pa nila ito nababasa o napapakinggan. (Gumamit ng isang story book sa silid-aklatan o sariling pag-aari.) Pasagutan sa mga bata ang isang Story Pyramid.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Hayaang humanap ng kapareha ang bawat bata. Magkukuwento ang bawat isa ng sariling karanasan. Maghahanda rin sila ng tatlong tanong na itatanong nila sa kanilang kapareha.

___________________ ______________________ ________________

Tatlong salita tungkol sa lugar at petsa ng pinangyarihan ng kuwento

____________ Pangalan ng tauhan

________________ _________________ Dalawang salita tungkol sa katangian ng tauhan

_____________ ______________ ____________ ____________ Apat na salita tungkol sa ikinilos ng tauhan sa kuwento

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 80 

  

Ikalawang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong batay sa tekstong nabasa Naiuugnay ang sariling karanasan sa binasang teksto Paksang-Aralin Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Binasang Teksto Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Sino-sino ang katulong ninyo sa pamayanan? Ipakilos sa mga bata ang kanilang sagot at pahulaan sa ibang kaklase. Balikan ang kuwentong “Magkaibang Mundo.” Sino-sinong katulong sa pamayanan ang nasa kuwento?

2. Paglalahad Ano ang nararamdaman mo kung baguhan ka o dayo sa isang lugar? Katulad din kaya ng bida sa ating kuwento? Ipabasa ang “Maling Akala” sa Alamin Natin, p. 42.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang damdamin na ipinakita sa unang bahagi ng kuwento? Sa huling bahagi? Ganito rin ba ang mararamdaman mo kung ikaw ang isa sa mga tauhan sa ating kuwento? Bakit nagbago ang damdaming ito? Sino-sinong katulong sa pamayanan ang binanggit? Ano ang ginagawa ng bawat isa? Mahalaga ba ang bawat isa sa kanila? Ano ang mangyayari kung wala ang isa sa kanila? Paano mo sila pahahalagahan? Sino ang gusto mong tularan sa kanila? Bakit? Sino-sino sa kanila ang nasa pamayanang kinabibilangan mo? Sa pamilya mo?

4. Pagpapayamang Gawain Paano mo pasasalamatan ang mga taong nakatutulong sa ating pamayanan? Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 43. Magpagawa ng card ng pasasalamat para sa isang taong nakatulong nang malaki sa kanilang pamayanan.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin ?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 43. Ipaguhit sa mga bata ang kanilang sarili sampung taon mula ngayon bilang isa na ring katulong sa pamayanan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 81 

  

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa tao, bagay, lugar, at pangyayari Paksang-Aralin Ang Pangngalan sa Pagsasalaysay Panlinang na Gawain

1. Tukoy – Alam Bigyan ang bawat bata ng card na may nakasulat na ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar. (Siguraduhin na ang pangngalan ay may pantangi at may pambalana) Sabihin sa kanila na sa pagsenyas mo, kailangan nilang hanapin ang kanilang kapangkat. Ipataas ang card ng mga bata bago umpisahan ang gawain. Ibigay ang senyas sa paghahanap ng kapangkat. Sabihing TIGIL. Tingnan kung nasa tamang pangkat ang bawat bata. Gabayan ang bata na makikitang wala sa tamang pangkat upang makita niya kung saang pangkat siya dapat. Sabihin sa mga bata na sa pagsenyas mo hanapin muli ang kapangkat. Sa pagkakataong ito susubukin ng mga bata ang kaalaman nila sa pagpapangkat ayon sa uri ng pangngalang pantangi at pangngalang pambalana. Gawin muli ang unang hakbang.

2. Paglalahad Ipakita ang larawan ng iba’t ibang lugar sa isang pamayanan. Tutukuyin mga bata ang mga katulong sa pamayanan na makikita rito.

Ipabasa nang malakas sa mga bata ang kuwento sa Alamin Natin, p. 42. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Sino-sino ang binanggit na katulong ng pamayanan dito? Ipasulat sa mga bata ang sagot nila sa unang kolum. Ipabasa ang mga salita. Ano ang tawag natin sa mga salitang ito? Tukoy ba ang tiyak nilang ngalan? Paano ito isinulat? Ano ang tawag natin dito kung hindi tiyak o tukoy ang ngalan? Ano ang pangalan ng bawat katulong sa pamayanan sa kuwento? Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa ikalawang kolum.

Katulong sa Pamayanan Tiyak na Ngalan

Ipabasa ang mga ngalan na inilista. Kilala mo na ba kung sino ang tinutukoy sa bawat ngalan?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 82 

  

Ano ang tawag sa mga salitang ito? Paano ito isinulat? Hayaang pumili ang mga bata ng pares ng pangngalan sa talaan. Ipagamit ito sa sariling pangungusap.

4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan ang Linangin Natin, p. 43. Tapusin ang talaan. Sa pangalawang kolum, ipasulat ang tiyak na ngalan ng pangngalang pambalana na nasa unang kolumn. Sa ikatlong kolum, ipasulat ang dalawang pangungusap gamit ang mga ngalan na nasa una at ikalawang kolum.

5. Paglalahat Ano ang pangngalang pambalana? Pantangi?

Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay at lugar samantalang ang pangngalang pambalana ay tumutukoy sa pangkalahatang pantawag sa tao, bagay at lugar.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 44.

Sabihin sa mga bata na makipanayam sa isang katulong sa paaralan. Pasulatin ang mga bata ng tatlong pangungusap tungkol sa mga araw-araw na gawain ng kinapanayam. (Bigyan ng puna ang mga isinulat ng mga bata. Ibalik ito sa mga bata upang maisulat muli nang wasto ayon sa mga punang ibinigay.)

Ikaapat ma Araw Layunin Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan tulad ng pagbibigay ng magkakasalungat na salita Paksang-Aralin Magkakasalungat na mga Salita Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipagawa ang kabaligtaran ng sumusunod. Gawin ang mga kilos na may kasabay na musika at pabilis nang pabilis. - Umupo - Ipikit ang mga mata. - Tumawa. - Itunghay ang ulo. - Humarap sa kanan. Itanong : Nakasunod ka ba? Bakit? Bakit hindi?

2. Paglalahad Ipabasang muli ang kuwento sa Alamin Natin, p. 42 Pagpangkat-pangkatin ang klase. Papiliin ang bawat pangkat ng isang katulong sa pamayanan mula sa binasa. Igagawa nila ng character map ang napili.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 83 

  

Character Map

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Batay sa binasang kuwento, ano ang katangian ng bawat katulong sa pamayanan na binanggit? Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang gawain. Dapat ba silang tularan? Bakit? Paano mo naman ilalarawan ang bawat isang katulong sa pamayanan na hindi dapat tularan? Ipagawa muli ang character map. Sa pagkakataong ito, isusulat ang kabaligtaran ng mga katangiang isinulat sa unang mapa. Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain.

Ipaskil ang mga mapa na ginawa ng bawat pangkat. Tutukuyin ng mga bata ang pares ng mga salita na magkasalungat ang kahulugan. Gagamitin nila sa sariling pangungusap ang mga salita upang maipakita nila na talagang nauunawaan ng mga bata ang kahulugan ng mga tinukoy na salita.

Paano ka magiging mabuting katulong sa pamayanan? 4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 44 Tutukuyin nila ang magkasalungat na mga salita sa pangungusap.

5. Paglalahat Kailan nagiging magkasalungat ang mga salita? Ang pares ng mga salita ay magkasalungat kung ito ay magkaiba o magkakontra ng kahulugan.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 44 Ipaguhit ang magkaiba nilang mundo.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 84 

  

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Basahin ang mga panuto. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Pumili ng isang pares ng magkasalungat na mga salita. mabilis mabagal mataba

makislap payat malabo matigas matamis maalat malambot wasto mali

2. Gamitin ang napiling pares ng salita sa isang pangungusap na maglalarawan sa isang katulong sa pamayanan mula sa talaan.

guro magsasaka modista nars pulis

Aralin 12 Mamasyal Tayo Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Binasa Nailalarawan ang mga bahagi ng kuwento Naisasadula ang mga mahahalagang pangyayari sa kuwento Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ayon sa kuwento Wikang Binibigkas Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon at pagpapaliwanag Kamalayang Ponolohiya Natutukoy ang mga salitang magkakatugma Kaalaman sa Aklat at Limbag Nahuhulaan ang nilalalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pagtingin sa mga larawan Pagsulat at Pagbabaybay Nasisipi nang wasto at maayos ang mga parirala at pangungusap Paunang Pagtataya

Ilagay ang sumusunod na sitwasyon sa ilalim ng upuan ng mga mag-aaral. Nais mong dumaan sa gitna ng dalawang taong nag-uusap. Isang umaga ay nakita mo ang Nanay o Tatay ng kaibigan mo. Tinulungan ka ng kaklase mong maglinis ng silid-aralan. Nakita mong nahulog ang cellphone ng kaeskwela mo. Niloloko ng mga bata ang matandang babaeng may kapansanan.

Sabihin sa mga bata na may nakasulat na sitwasyon sa ilalim ng kanilang upuan. Ipabasa ang makukuha ng bawat bata at tutukuyin nito kung ano ang kanilang gagawin.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 85 

  

Unang Araw Layunin Nahuhulaan ang nilalalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pagtingin sa mga larawan Nailalarawan ang mga bahagi ng kuwento Paksang-Aralin Pagsasabi ng Paksa ng Kuwento Batay sa Larawan Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita ang larawan ng mga magagandang tanawin sa bansa. Tutukuyin ng mga bata ang ngalan ng bawat isa. Alin sa mga lugar sa larawan ang nais mong marating?

2. Paglalahad Ipakita at pag-usapan ang larawan ng isang batang lalaki na excited.

Bakit kaya siya nasasabik? (Isulat ang sagot ng mga bata) 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Basahin nang malakas. Excited Kasi

Ilang tulog na lang at Linggo na. Sabik na sabik na si Fernando na dumating ang kaniyang araw na pinakahihintay. Mamamasyal kasi sila ng kaniyang pamilya.

Maagang nagising si Fernando. Naligo at naghanda para sa kanilang pag-alis. Paglabas niya ng bahay, napansin niyang napaaga siya ng gising.Tahimik pa ang paligid.Kaya’t kinuha niya ang kaniyang album sa klase at tiningnan ang mga larawan ng magagandang lugar na puwedeng pasyalan.

“Saan nga kaya sila pupunta ngayon?” Lalong nanabik si Fernando sa pamamasyal nila. Hindi niya tuloy namalayan ang paglabas ni Ate sa kaniyang silid.

“O, ang aga mo naman. Saan ba ang punta natin?” “Maiwan ka muna dito ha, pupunta kami ng ate mo sa palengke.

Mamimili kami ng babaunin natin para sa ating pamamasyal bukas,” ang bati naman ng kaniyang nanay.

Napakamot na lang ng ulo si Fernando. “Sabado pala ngayon. Bukas pala ang araw ng pamamasyal” bulong ni

Fernando sa sarili. Itanong:

Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Bakit excited si Fernando? Ano ang ginawa niya pagkagising? Saan pupunta ang kaniyang ate at nanay? Ano ang ibig sabihin nito? Bakit napakamot ng ulo si Fernando?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 86 

  

4. Pagpapayamang Gawain Basahing muli ang kuwento. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat. Pangkat 1 Ibigay ang hinihingi ng larawan.

Pangkat 2 Paguhitin ang mga bata ng magagandang lugar na maaaring pasyalan nina Fernando. Pangkat 3 Isadula ng mga bata ang mahahalagang bahagi ng kuwento. Pangkat 3 Sabihin sa mga bata na ayusin ang mga pangyayari ayon sa wasto nitong

pagkakasunod-sunod sa kuwentong napakinggan. Isulat ang sumusunod sa istrip ng papel o metacard.

Lumabas si Ate sa kaniyang silid. Naligo at naghanda na siya sa pag-alis. Napakamot ng ulo si Fernando. Sabik na sabik si Fernando na dumating ang araw na pinakahihintay niya. Maagang nagising si Fernando.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Magbasa muli ng kuwento sa mga bata. Siguraduhin na hindi pa nila ito naririnig o nababasa. Pasagutan ang graphic organizer na Bulaklak ng Kuwento.

      Tauhan 

Tagpuan

Mga Pangyayari  

Tinapay ng Kuwento

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 87 

  

Ikalawang Araw Layunin Natutukoy ang mga salitang magkakatugma Paksang-Aralin Salitang Magkakatugma Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipahanda sa mga bata ang kagamitan nila sa Art. Sabihin sa kanila na bakatin ang kanilang dalawang paa sa isang malinis na papel. Sumulat ng isang pares ng magkatugmang salita. Ipakita ang natapos na gawain sa mga kaklase. Tutukuyin ng mga bata kung tama ang pares na ginawa ng tinawag na bata.

2. Paglalahad Maghanda ng isang puzzle. Isulat ang bawat letra na bumubuo sa salitang Laguna sa malinis na papel. Pagpangkat-pangkatin ang klase at ibigay ang puzzle. Hayaang iayos ng pangkat ang mga pinaghalong letra. Pasulatin ang mga bata sa bawat pangkat ng mga salitang maiuugnay nila sa nabuong salita. Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang nabuong salita at ang word web na nagawa. Pag-usapan ang nabuong salita.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang “Biglaang Lakad” na nasa Alamin Natin, p. 45. Itanong: Saan naganap ang kuwento? Ano-ano ang nakita ng mag-anak sa mga lugar na pinuntahan nila? Ipaturo sa mga bata ang lalawigan ng Laguna sa mapa.

Pamagat

Tauhan

Mga Pangyayari

Bulaklak ng Kuwento

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 88 

  

Ano-ano pa ang lugar na puwedeng pasyalan dito? Bakit “Biglaang Lakad” ang pamagat ng kuwento? Nahikayat ka bang pumunta sa Laguna? Ipaliwanag ang sagot. Ano-ano ang mga salitang magkatugma ang ginamit sa kuwento? Linangin ang bawat isa. Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 46. 5. Paglalahat

Kailan nagiging magkatugma ang mga salita? Magkatugma ang mga salita kung magkapareho ang huling tunog ng mga salita.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 46.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang magalang na pananalita sa pagpapaliwanag Paksang-Aralin Paggamit ng Magagalang na Pananalita Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Itanong: Saan-saang lugar ka na nakapasyal? Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan.

2. Paglalahad Pangkatin ang klase. Ipabasang muli ang kuwento sa Alamin Natin, p. 45.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipakita ang mga larawan na may kinalaman sa Laguna. Pag-usapan ang bawat isa. Itanong: Bakit dapat mamasyal sa Laguna? Isulat ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang mga ito. Paano isinulat ang bawat pangungusap? Ano ang ipinahihiwatig ng bawat isa? Paano naipakita ang paggalang sa pagpapaliwanag na isinagawa? Paano mo mahihikayat ang iba na mamasyal sa Laguna?

4. Pagpapayamang Gawain Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng larawan ng isang magandang lugar sa Pilipinas. Pag-usapan sa pangkat.

- Saan ito matatagpuan? - Bakit magandang magpunta dito?

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 46.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 89 

  

Papaghandain ang bawat pangkat ng isang patalatastas na nagpapaliwanag kung bakit kailangang piliing pasyalan ang lugar na napatoka sa pangkat.

5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan kung nagbibigay ng paliwanag?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 47.

Ikaapat na Araw Layunin Nasisipi nang wasto at maayos ang mga parirala at pangungusap Paksang-Aralin Pagsipi ng Parirala at Pangungusap Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita ang larawan ng mga makasaysayang lugar sa Pilipinas. Idikit ang mga ito sa pisara at hayaang sumulat ang mga bata ng nalalaman nila tungkol sa bawat isa. Ipabasa ang mga naisulat ng mga bata.

2. Paglalahad Ipabasang muli ang “Biglaang Lakad.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Isulat sa papel na inistrip ang bawat tanong, bilutin ang papel. Ilagay sa isang kahon. Kalugin ito at saka pabunutin ang tatawaging bata.

Saan nagpunta ang mag-anak? Kailan itinayo ang mga gusali sa bayan ng Pila? Bukod sa mga lumang gusali, ano pa ang nakita ng mag-anak sa bayan ng Pila? Ano ang natuklasan nila tungkol sa Bundok Makiling?

Isulat sa pisara ang sagot sa mga tanong. Ipabasa ang mga ito. Alin sa mga nakasulat sa pisara ang kumpleto ang diwa? Ano ang tawag dito? Paano ito isinulat? Alin sa mga nakasulat sa pisara ang hindi kumpleto ang diwa? Ano ang tawag dito? Paano ito isinulat? Ipabasang muli ang mga isinulat ng mga bata sa unang gawain sa pagsisimula ng klase. Alin dito ang parirala? Ipasipi sa mga bata. Tama ba ang pagkakasipi mo? Ipasipi ang isang pangungusap. Tama ba ang pagkakasipi mo?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 47.

Ipabasang muli ang kuwentong “Limang Tulog na Lamang” sa p. 28.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 90 

  

5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng salita? Parirala? Pangungusap?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipakita ang talaan ng mga magagandang tanawin at makasaysayang lugar na ginamit sa buong linggo. Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 47.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Ipaguhit ang isang lugar na nais pasyalan. Kulayan ito. Magpasulat ng isa hanggang dalawang pangungusap kung bakit maganda itong pasyalan.               Aralin 13 Alagaan Natin Lingguhang Layunin Wikang Binibigkas Nakapakikinig at nakalalahok sa talakayan ng klase tungkol sa napakinggang tula Nakapagbabahagi ng sariling karanasan kaugnay ng tulang napakinggan Kamalayang Ponolohiya Natutukoy ang mga salitang magkakatugma Palabigkasan at Pagkilala sa Salita Nababasa ang mga salitang may klaster Pagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Gramatika Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa paligid Pag-unlad ng Talasalitaan Nakikilala at napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat Pag-unawa sa Binasa Nakasusunod sa nakasulat na panuto Paunang Pagtataya

Pangkatin ang klase. Bigyan ng tigdadalawang dilaw na meta cards at tigdadalawang berdeng meta card . Ipakita sa mga bata ang larawan ng maruming pamayanan. Ipasulat sa dilaw na card ang mga dahilan kung bakit marumi ang pamayanan na nasa larawan. Isulat sa berdeng card ang maaaring ibunga ng larawang ipinakita. Ipapaskil ang mga sinulat sa paligid ng larawan. Ipabasa ang mga ito.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 91 

  

Unang Araw Layunin Nakikinig at nakalalahok sa talakayan ng pangkat o klase sa pagbibigay ng pangunahing ideya ng tulang napakinggan Nakapagbabahagi ng sariling karanasan kaugnay ng tulang napakinggan Paksang-Aralin Pakikinig sa Tula Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Papikitin ang mga bata. Ipaisip sa kanila ang paborito nilang lugar. Ipaisip ang mga ginagawa nila. Ipaisip ang hitsura ng paboritong lugar kung magiging marumi ito. Pamulatin na ang mata ng mga bata. Itanong: Ano ang naramdaman mo? Bakit? Tumawag ng ilang bata upang magbahagi. Talakayin ng klase ang mga damdamin na ipinakita ng mga bata.

2. Paglalahad Pagpapalawak ng Talasalitaan Linangin ang salitang pamayanan at kayamanan. Isulat ang salitang pamayanan at kayamanan sa dalawang magkabukod na malaking papel. Sabihan ang mga bata na pumunta sa dalawang papel at iguhit nila ang nalalaman nila tungkol sa dalawang salita. Talakayin ang sagot ng mga bata. Ano ang ibig sabihin ng pamayanan? Kayamanan? Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa klase ang tula na “Ang Pamayanan ay Kayamanan,” Alamin Natin, p. 48. (Huwag pabubuksan ang Kagamitan ng Mag-aaral) Itanong: Tungkol saan ang tula? Ano-ano ang hilig gawin ng bata sa tula? Ano ang nasaksihan niya? Ano ang naging reaksiyon niya sa pangyayaring ito? Ano ang mangyayari kung magpapatuloy ang kaniyang nasaksihan?

4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa ang tula sa mga bata. Pabuksan ang Kagamitan ng Mag-aaral , p. 48 para sa kopya. Sa pagkakataong ito, unang babasahin ng guro ang linya na susundan ng mga bata. Matapos ito, pabayaan ang mga bata na sabay-sabay basahin ang naturang tula. Gabayan ang mga bata upang maiwasan ang pag-uuna-unahan sa pagbasa. Maaari ring tumawag ng ilang bata upang basahin ang tula nang nag-iisa.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 92 

  

Itanong : Bakit dapat alagaan at ingatan ang pamayanan? Paano ka makatutulong sa pangangalaga sa ating kapaligiran? Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan sa pagtulong sa pangangalaga sa kapaligiran. Ipabasa muli ang tula.

5. Paglalahat Ano ang mensahe ng tula?

6. Karagdagang Pagsasanay Pagawain ang mga bata ng isang poster tungkol sa “Ako at ang Pangangalaga ng Aking Kapaligiran.”

Ikalawang Araw Layunin Nakasusunod sa nakasulat na panuto Paksang-Aralin Pagsunod sa Nakasulat na Panuto Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Maghanda ng larawan ng mga babala o nakasulat na panuto na karaniwang makikita sa kapaligiran. Maaaring gamitin ang mga simbolong pantrapiko. Ipakita ang bawat larawan. Itanong sa mga bata kung ano ang gagawin nila kapag nakita ang mga larawang ipapaskil mo sa pisara.

2. Paglalahad Kung ang pamayanan ay kayamanan, ano ang gagawin mo upang hindi ito mawala? Ipabasa nang tahimik “Ang Pamayanan ay Kayamanan,” Alamin Natin, p. 48.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Tungkol saan ang tula? Ano ang mensahe nito? Maghanda ng isang mapa ng pamayanan. Isulat dito ang ilang panuto na may kinalaman sa pangngalaga sa kapaligiran tulad ng sumusunod :

Bawal Magkalat. Itapon ang basura sa tamang lagayan. Bawal pumitas ng bulaklak. Oras ng Pagtatapon ng Basura: 6:00 ng umaga

Dagdagan pa ang mga ito. Magsulat din ng mga panuto na nagpapakita ng hindi pangngalaga sa kapaligiran. Sabihin sa mga bata na magsasagawa ng “Maglakbay Tayo.” Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng mapa ng pamayanan. Pag-usapan sa pangkat kung paano nila mapapamalaging malinis ang pamayanan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 93 

  

Ipabasa ang mga panuto na makikita sa pamayanan. Pag-usapan ang gagawin ng bawat isa sa mga nabasang panuto. Pag-uulat ng bawat pangkat. Pag-usapan ang sagot ng bawat pangkat. Itanong Ano-ano ang isinagawa ninyo sa mga lugar na napuntahan ninyo? Ano ang dapat gawin kapag may nakita tayong nakasulat na panuto sa ating kapaligiran?

Ano ang mangyayari kung hindi natin ito susundin lalo’t ito ay paalaala? 4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 49. 5. Paglalahat

Paano ka makasusunod nang maayos sa mga nakasulat na panuto? Makasusunod nang maayos sa mga nakasulat na panuto kapag binasa at inunawa ang mga ito.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 49.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay Paksang-Aralin Paggamit ng Pangngalan Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Iparinig sa mga bata ang isang awitin tungkol sa kapaligiran. (Gamitin ang anumang mayroon ka. Mas mainam kung may video ang gagamiting awit. ) Kung may video ang ginamit: Ano-ano ang nakita sa video? Bakit kaya nagkaganito ang kapaligiran? Kung wala namang video: Ano ang naisip mo habang pinakikinggan ang awit? Ano-ano ang nakikita mo sa iyong kapaligiran? Isulat ang sagot sa pisara. Pag-usapan ang mga posibleng dahilan ng sitwasyon na nakita ng mga bata sa kanilang kapaligiran.

2. Paglalahad Pag-usapan ang larawan na nasa Alamin Natin, p. 50.

Isulat sa pisara ang mga pangungusap na isasagot ng mga bata. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa sa mga bata ang pangungusap na kanilang ibinigay. Ano ang isinasaad ng bawat pangungusap? Paano ito isinulat? Ano ang mga ngalan ng tao na ginamit sa mga pangungusap? Hayop? Bagay? Pangyayari? Lugar? Paano isinulat ang ngalan ng tao? Hayop? Bagay? Pangyayari? Lugar?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 94 

  

Bakit malaking letra ang ginamit? Bakit maliit na letra ang ginamit sa ilang ngalan? Ano ang tawag sa mga salitang ito? Balikan muli ang mga isinulat na pangungusap na ibinigay ng mga bata sa pag-uumpisa ng klase. Ipabasa ang mga ito. Tukuyin ang mga pangngalan na ginamit dito. Ipagamit ang mga salitang ito sa sariling pangungusap.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 50.

5. Paglalahat Ano ang pangngalan? Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o lugar at pangyayari.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 50. Pasulatin ang mga bata ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol sa isang larawan na mapipili. Tumawag ng ilang bata upang basahin nang malakas ang kanilang isinulat. Matapos ang inilaang oras, kung kaya pa ng oras, hayaang magpalitan ng papel ang magkatabing bata. Hayaang bigyang-puna ng bawat bata ang pagkakasulat ng talata sa tulong ng mga tanong na: Tama ba ang simula ng pangungusap? Wasto at angkop ba ang bantas na ginamit? Tama ba ang pagkakabaybay ng mga salita? Bigyan din ng puna ang pagkakasulat ng mga bata ng kanilang talata. Ibalik ito sa mga bata upang muling maisulat ito ayon sa mga puna na ibinigay.

Ikaapat na Araw Layunin Nabibigkas nang malinaw ang salitang may klaster Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan na Paksang-Aralin Mga Salitang may Klaster Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga card na may nakasulat na mga salitang natutuhan sa aralin at mga salitang may klaster. Idikit ang mga ito sa ilalim ng upuan at mesa ng mga bata sa loob ng silid-aralan. Ipahanap ang mga salitang nakadikit sa loob ng silid-aralan. Bigyan sila ng senyas upang isagawa ito. Ipapaskil sa mga bata ang card na nakuha sa tamang kolum.

Walang Klaster May Klaster

Ipabasa ang mga salita.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 95 

  

Tama ba ang pagkakapangkat ng mga salita? Ano ang klaster sa bawat salita na nasa ikalawang kolum?

2. Paglalahad Ipabasa sa mga bata ang kuwento sa Alamin Natin, p. 50- 51.

3. Pagtuturo at Pagpapahalaga Itanong: Saan naganap ang kuwento? Bakit nagpulong ang mga tao dito? Ano-ano ang gagawin ng bawat isa? Ano ang maaaring mangyari matapos ang pagpupulong na naganap? Ipabasang muli ang maikling kuwento. Ano-ano ang salitang may klaster sa binasa? Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara. Ipabasa ang mga ito. Linangin ang bawat isa. Ano ang napapansin sa mga salita? Ano ang tawag sa dalawang katinig na magkasunod? Gawing halimbawa ang salitang plastik. Ano ang klaster sa salitang ito? Ano ang mga katinig na bumubuo dito? (Isa-isahin ang mga bata sa pagsasabi ng tunog ng mga ito, KUNG KAYA ng oras. Kung hindi naman, tumawag ng ilang bata) Ano ang tunog ng bawat letra? Ano ang tunog ng pinagsamang katinig? (Isa-isahin ang mga bata sa pagsasabi ng tunog nito, KUNG KAYA ng oras. Kung hindi naman, tumawag ng ilang bata.) Gawin ang ganitong hakbang sa iba pang salitang may klaster na ginamit sa kuwento.

4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan sa mga bata ang crossword puzzle sa pamamagitan ng pagsulat ng mga ngalan ng mga larawan sa tamang kahon nito. Tingnan ito sa Linangin Natin, p. 51.

5. Paglalahat Ano ang salitang may klaster? Klaster ang tawag sa mga pinagsamang tunog ng dalawang katinig na maaaring sa unahan, gitna o hulihan ng isang salita.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 52. Ipahanap sa mga bata ang mga salitang may klaster sa loob ng kahon. Isulat nang wasto ang mga salitang makikita. Ipabasa sa mga bata ang mga salitang inilista. Ipagamit ito sa sariling pangungusap.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 96 

  

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

Pasulatin ang mga bata ng tatlong pangungusap na may klaster. Bilugan ang mga salitang may klaster. Pasalungguhitan ang mga pangngalan na ginamit.

Paksa : Paano mo pangangalagaan ang mga bagay sa iyong kapaligiran? Aralin 14 Magkaibigan Tayo! Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pinakinggan Naisasakilos ang napakinggang tula Kamalayang Ponolohiya Natutukoy ang salitang magkakatugma Pagpapaunlad ng Talasalitaan Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng katuturan o kahulugan ng salita Pag-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tulang binasa Pagsulat at Pagbabaybay Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga parirala at pangungusap Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon Paunang Pagtataya Ipaawit sa mga bata ang isang awit na alam nila. (Ito ay kailangang Filipino o kaya ay awitin na nasa Mother Tongue ng mga bata.) Ano-ano ang mga ginamit na salitang magkakatugma? Ipasulat ang mga ito sa show me board ng mga bata o sa isang malinis na papel. Ipabasa ang mga salitang inilista. Tutukuyin naman ng iba pang bata kung tama ang itinalang mga salitang magkakatugma. Unang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tula Naisasakilos ang tulang napakinggan Paksang-Aralin Pagsasakilos ng Tula

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 97 

  

Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam

Ipakita ang logo.

Pag-usapan ang kahulugan ng logo. Saan ito nakikita? Patingnan ang gamit ng mga bata kung nasa gamit nila ito? Ano ang ibig sabihin nito?

2. Paglalahad Itanong: Totoo bang may pera sa basura? Basahin nang malakas ang tula. Susundan ito nang tahimik na pagbasa ng mga bata sa tula na nakasulat sa isang malinis na papel. (Siguraduhin na sapat ang laki nito upang mabasa ng lahat sa klase.)

Pera at Basura

Ako’y munting bata Ng aming bayan

Ngunit maaasahan naman Sa kasinupan at kalinisan.

Tamang pagtatapon

Ng mga basura Lagi kong isinasagawa

At tunay kong pinahahalagahan.

Nabubulok at di nabubulok Aking pinaghihiwalay Bote, plastik at papel

Puwede pang pakinabangan.

Baka pagdating ng araw Ako ay yumaman

Nang dahil sa basura Na aking pinagtiyagaan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 98 

  

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano ang pamagat ng tula? Ilarawan ang bata sa tula. Paano pinaghihiwalay ang mga basura? Ano-ano ang ginagawa ng bata sa tula? Tama ba ang kaniyang ginagawa? Bakit? Paano siya yayaman nang dahil sa basura? Ipabasa sa mga bata ang tulang binasa kanina. Dapat mo ba siyang tularan? Bakit? Ano-ano ang puwedeng gawin sa mga bote? Plastik? Papel? Bakit kailangang i-segregate o pagbukod-bukurin ang mga basura? Ano ang mga puwede nating gawin sa mga bote? Plastik? Papel? Ano ang mangyayari kung mag re-recycle tayo ng mga basura? Ano ang nais iparating sa iyo ng tula?

4. Pagpapayamang Gawain Basahin muli nang malakas ang tula. Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng isang taludtod. Bigyan rin ang pangkat ng kopya nito. Bigyan ng oras ang pangkat upang makagawa ng kilos para sa nakatokang taludtod. Pagtatanghal ng bawat pangkat. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Palapatan ng tunog upang maging awit o rap ang tula na binasa sa mga bata.

Ikalawang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang tula Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng katuturan o kahulugan ng salita Natutukoy ang mga salitang magkakatugma Paksang-Aralin Mga Salitang Magkakatugma Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Iparinig muli sa mga bata ang “May Pera sa Basura.” Ipatala sa mga bata ang mga salitang magkakatugma. Ipabasa sa mga bata ang ginawang listahan. Tutukuyin nila kung tama o mali ang pares ng mga salitang magkakatugma.

2. Paglalahad Linangin ang salitang bilin.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 99 

  

Itanong: Ano ang pagkakaunawa mo sa salitang bilin? Ano ang tunay nitong kahulugan gamit ang diksiyunaryo? (Ipakuha ang diksyunaryo ng mga bata.) Ano-ano ang halimbawa ng bilin sa iyo ng magulang? Ng mga nakatatanda sa iyo? Ano-ano ang ilang halimbawa ng mga bagay na hindi bilin ng magulang? Ng mga nakatatanda sa iyo? Itala sa pisara ang sagot ng mga bata gamit ang Frayer Model.

Kahulugan Batay sa sariling pang-unawa

Tunay na Kahulugan

Mga Halimbawa Hindi Tamang Halimbawa

Basahin nang malakas ang tula sa Alamin Natin, p. 53. Pasundan ito ng tahimik na pagbasa ng mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Batay sa tula, ano ang ibig sabihin ng mag-aangkin? Modelo? Tuparin

Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap. Ipagawa nang pangkatan. Bigyan ng kahon na gagawin ang bawat pangkat. Isang kahon para sa isang pangkat. Pasagutan ito.

Pamagat ng Tula

Bilin ni Lola at Lola

Bilin ni Tatay at Nanay

Aral ng Tula

Bilin ng guro

bilin

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 100 

  

Itanong: Ano ang pamagat ng tula? (Tawagin ang pangkat na may hawak ng tanong. Matapos silang mag-ulat, idikit ang kahon na may sagot sa tama nitong lagayan sa organizer.) Ano-ano ang bilin ni lola at lolo? Tatay at Nanay? Guro? (Gawin uli ang isinagawa sa unang tanong) Ipabasang muli nang malakas ang tula. Ano ang aral ng tula? Ilarawan ang bata sa tula. Dapat ba siyang tularan? Pangatwiranan ang sagot. Ano ang posibleng mangyari kung susundin ng lahat ng bata ang mga bilin na sinabi sa tula? Ipabasang muli nang malakas ang tula.

Tutukuyin sa mga bata ang mga salitang magkakatugma sa tula. Bakit sinabing magkakatugma ang mga salitang tinukoy?

4. Pagpapayamang Gawain Ipalaro: Unahan Tayo! Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bawat pangkat ay mag-uunahan sa paghanap ng mga salitang magkakatugma na nasa loob ng kahon. Tingnan ang mga salita sa Linangin Natin, p. 54. Ipagamit ang pares ng mga salitang magkakatugma sa isang pangungusap o sa dalawang magkakaugnay na mga pangungusap.

5. Paglalahat Kailan nagiging magkatugma ang mga salita?

Nagiging magkatugma ang mga salita kung magkapareho ang huling tunog ng mga salita.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 54. Basahin muli sa mga bata ang “ May Pera sa Basura.” Pasulatin ang mga bata ng tatlong pares ng magkakatugmang salita. Ipabasa ang listahan na ginawa. Sasabihin ng ibang bata kung tama ang tinukoy na mga pares ng naunang kaklase.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng parirala at pangungusap Paksang-Aralin Pagsulat ng Parirala at Pangungusap Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Magdikta ng ilang parirala at mga pangungusap sa mga bata. Sabihin muna ang buong parirala o pangungusap na ipasusulat sa mga bata. Ulitin ito nang dahan-dahan upang maisulat nang tama ng mga bata.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 101 

  

Kung tapos na ang mga bata sa kanilang pagsulat, banggitin muli ang parirala at pangungusap na ipinasulat. Ito ay gagawin upang mabasa ng mga bata nang tahimik ang kanilang isinulat at maitama ang kanilang isinulat. Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara. Ipabasa ang mga ito.

2. Paglalahad Pangkatin ang klase. Pag-usapan ang mga bilin ng mga magulang sa kanila tungkol sa pagpili ng magiging kaibigan. Isulat ang mga ito sa isang malinis na papel. Pag-uulat ng bawat pangkat. Ipapaskil ng bawat pangkat ang mga isinulat.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang mga ginawa ng bawat pangkat. Ano-ano ang napapansin sa mga isinulat? Alin sa mga ito ang parirala? Ipabasa ang mga parirala. Paano isinusulat ang parirala? Ipabasa ang mga pangungusap. Paano isinusulat ang pangungusap? Sabihin sa mga bata na pansisin ang pagkakasulat ng mga letra at mga salita. Itanong: Tama ba ang pagkakasulat ng mga letra at ng mga salita? Tama ba ang pagkakagamit ng malalaki at maliliit na letra? Ano-anong bantas ang ginamit sa mga pangungusap? Tama ba ang pagkakagamit nito? Ano ang ipinahihiwatig ng bawat bantas sa mga pangungusap?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 54. Ipapaskil ang mga ginawa ng mga bata sa pisara. Hayaang bigyang-puna ito ng ibang kaklase. 5. Paglalahat

Ano ang dapat tandaan kung sumusulat ng parirala? Pangungusap? Ang parirala ay hindi nagsasaad ng buong diwa. Ang pangungusap ay sinisimulan sa malaking letra at nagtatapos sa bantas. Ito ay nagsasaad ng buong diwa.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 55. Bigyang-puna ang natapos na gawain ng mga bata. Bigyang-puna lamang kung paano isinulat ang parirala o ang pangungusap.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 102 

  

Ikaapat na Araw Layunin Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon Paksang-Aralin Paggamit ng mga Bahagi ng Aklat Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Magpakuha sa mga bata ng isang aklat. Siguraduhing hindi ito ang ginagamit sa araw-araw na aralin sa klase. Maaaring kunin ito sa mini-library ng silid-aralan o kung wala, maaaring manghiram ang guro sa silid-aklatan. Hayaang ipakita nila ang bahagi ng aklat na babanggitin ng guro. Mas mainam kung ang aralin na ito ay sa silid-aklatan gagawin. Talaan ng Nilalaman Pabalat Talahuluganan

2. Paglalahad Tutukuyin sa mga bata ang mga bahagi ng aklat at ang gamit ng bawat isa. Pagawain ang bawat pangkat ng isang malikhaing pagtatanghal tungkol dito.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang tulang “Mga Bahagi ng Aklat” sa Alamin Natin, p.8 Saan mo ito makikita? Pamagat ng Aklat Listahan ng mga aralin Listahan ng mga salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan nito.

Pagpangkat-pangkatin ang klase. Hayaang maghanap ang mga bata ng paksa tungkol sa kapaligiran na makikita sa aklat na gagamitin ng bawat pangkat. Gamitin ang format na ito sa pag-uulat.

Paksa/Pamagat ng Talata Bahagi ng Aklat na Nakita Ito

Pag-uulat ng bawat pangkat. Ano ang gamit ng bawat bahagi ng aklat? Paano mo aalagaan ang aklat?

4. Pagpapayamang Gawain Pagpangkat-pangkatin muli ang klase. Ipagawa ang Linangin Natin, p. 55.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo tungkol sa mga bahagi ng aklat?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 55. Ito ay hindi matatapos ng isang araw. Bigyan ang mga bata ng sapat na oras

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 103 

  

upang maisagawa ito. Matapos ang nakalaang araw, hayaang iulat ng mga bata ang kanilang karanasan sa paghanap ng impormasyong kailangan nila.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

1. Ipabasa sa mga bata ang tula. (Isulat ito sa tsart.)

Si Dolly Dolorosa S. de Castro

Ako ay may kaibigan Dolly ang pangalan Lagi kong kasama

Saan man magpunta

Araw at gabi Siya ay lagi kong katabi Sa pagkain at paglalaro Siya ang kasa- kasalo

Mundo ko’y sumasaya Puno ng kulay tuwina

Pagkat laging nandiyan Si Dolly kong kaibigan.

Kaya’t ating pahalagahan

Minamahal nating kaibigan Upang sa tuwina ay magkaunawaan

Mundo’y mapuno ng pagmamahalan. 2. Tutukuyin sa mga bata ang mga salitang magkakatugma. 3. Ipagawa: Ulan ng Magkakatugmang Salita

             

Magkakatugmang Salita

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 104 

  

a. Ipaguhit ang larawan sa isang malinis na papel. b. Ipasulat ang mga natukoy na magkakatugmang salita sa bawat patak ng

ulan. Isang patak ng ulan, isang salita. c. Pakulayan ang mga patak ng ulan. Magkakulay ang magkatugmang mga

salita. 4. Ipapaskil ang natapos na gawain ng mga bata, matapos ipakita at basahin sa

harap ng klase. 5. Bigyang-puna ang ginawa ng mga bata.

 

Aralin 15 Maglaro Tayo Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pinakinggan Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto Palabigkasan at Pagkilala sa Salita Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas Pag-unawa sa Binasa Nailalarawan ang mga bahagi ng kuwento: tauhan, tagpuan at banghay Kaalaman sa Aklat at Limbag Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho at pagkakaiba batay sa tauhan, tagpuan at banghay Wikang Binibigkas Naisasagawa ang maayos na pagpapakilala ng ibang tao Gramatika Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila sa usapan at sitwasyon Komposisyon Nakasusulat ng talata na may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang paksa Paunang Pagtataya Ihanda ito bago magsimula ang klase. Gawin na malaki ang mga kahon ng organizer upang magkasya ang mga isusulat ng mga bata.

Ipakita ang organizer sa mga bata. Pasulatin ang mga bata ng mga salita o parirala na angkop sa bawat kahon. Ipabasa ang mga naisulat.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 105 

  

Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap gamit ang isang tauhan, tagpuan at banghay na nakasulat sa organizer. Gamit ang natapos na organizer, hikayatin ang mga bata na buuin ang kuwento.

Unang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas Paksang-Aralin Pag-unawa sa Pinakinggan Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipabasa nang malakas ang mga salitang nakasulat sa card na ipapakita. Siguraduhin na ang mga salita ay natutuhan na sa mga nakaraang aralin.

2. Paglalahad Itanong : May liga ba sa inyong barangay? Linangin ang liga ng barangay. Gamitin ang “Ito ay… Ito ay Hindi”

Ito ay … Ito ay HINDI ….

Ipaguhit sa unang kolum ang nakikita kapag may liga ng barangay. Ipaguhit naman sa ikalawang kolum ang mga walang kaugnayan sa liga ng barangay. Pag-usapan ang mga iginuhit ng mga bata. Ano ang ibig sabihin ng liga ng barangay? Sabihin sa mga bata na may babasahin kang maikling talata tungkol sa liga ng barangay. Sabihin sa kanila na itaas ang kanilang kamay kapag may salitang hindi sila maunawaan. Kapag may nagtaas ng kamay, tumigil sa pagbasa at linangin ang salitang binanggit ng bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas ang kuwento.

Liga ng Barangay ni Louigrace Margallo

Puno ng tao ang plasa kung saan maglalaro ng basketbol ang kabataan ng aming barangay. Abala ang lahat maging ang puno ng aming barangay. Dumating na ang mga manlalaro kasama ang kanilang mga taga-suporta.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 106 

  

Nariyan na rin ang mga referee dala ang kanilang mga pito, gayundin ang mga cheering squad na pito ang miyembro bawat grupo.

Nagsimula na ang laro at naging mainit ang bawat tagpo. “Lamang na tayo!” sigaw ng isang manlalaro. “Margallo, bumutas ng tres,” tawag ng referee sabay tayo ng mga

tagapanood. Sa bawat bukas na pagkakataon ay pumapasok ang mga manlalaro para

makapuntos. Tila hindi na pantay ang sahig dahil sa umaatikabong takbuhan. Natapos

ang laro, panalo ang Barangay 2! Bagamat talo ang barangay namin sa larong ito, sinisiguro ng grupo na

babawi sila sa susunod na araw. Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang sumusunod. Pangkat 1- Ipakita sa pamamagitan ng piping palabas ang laro sa liga ng barangay Pangkat 2 – Iguhit ang mga taong nasa liga ng barangay Pangkat 3 - Isulat at ilagay sa frame ang ngalan ng nanalo sa laro Itanong: Ano ang naganap sa barangay? Ano ang laro dito? (Tawagin ang Pangkat 1.) Sino-sino ang nasa liga ng barangay? (Tawagin ang Pangkat 2.) Ano ang ginawa ng bawat isa? Sino ang nanalo sa laro? (Tawagin ang Pangkat 3.) Ano ang mga damdamin sa kuwento? Kailan ito naramdaman? Kung isa ka sa mga natalo, ano ang gagawin mo? Mararamdaman mo? Kung isa ka naman sa mga nanalo, ano ang gagawin mo? Mararamdaman mo? Ano ang magandang kaugaliang ipinakita sa kuwento? Dapat ba itong tularan? Ipabasa ang mga pangungusap mula sa kuwento. Puno ng tao ang plasa kung saan maglalaro ng basketbol ang kabataan ng aming barangay. Abala ang lahat, maging ang puno ng aming barangay. Nariyan na rin ang mga referee dala ang kanilang mga pito, gayon din ang mga cheering squad na pito ang miyembro bawat grupo. Ano ang napansin ninyo sa mga salitang ginamit sa bawat pangungusap? Ipabasa muli. Puno ng tao ang plasa kung saan maglalaro ng basketbol ang kabataan ng aming barangay. Abala ang lahat maging ang puno ng aming barangay.

Ano-ano ang salitang magkatulad sa mga pangungusap? Pasalungguhitan ang mga ito. Ano ang ibig sabihin ng puno sa unang pangungusap? Sa pangalawang

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 107 

  

pangungusap? Ipabigkas ang mga salitang magkatulad sa mga pangungusap na ito. Ano ang pagkakaiba ng mga salitang ito? Ano ang pagkakatulad ng mga salitang ito?

Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap. Ipabasa. Nariyan na rin ang mga referee dala ang kanilang mga pito, gayon din ang mga cheering squad na pito ang miyembro bawat grupo.

Ano-ano ang salitang magkatulad sa mga pangungusap? Pasalungguhitan ang mga ito. Ano ang ibig sabihin ng pito sa unang pangungusap? Sa pangalawang pangungusap? Ipabigkas ang mga salitang magkatulad sa mga pangungusap na ito. Ano ang pagkakaiba ng mga salitang ito? Ano ang pagkakatulad ng mga salitang ito? Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.

4. Pagpapayamang Gawain Ano ang ibig sabihin ng mga salitang may salungguhit sa bawat pares ng pangungusap? Isulat ang letra ng tamang sagot. 1. Umakyat ng ligaw ang binata sa dalaga mula sa kabilang bayan. ____

Ligaw ang laro ng aming koponan dahil wala ang aming captain ball. a. nanunuyo b. hindi maayos

2. Tumalsik ang tapon ng bote nang buksan niya ito. ____ Malayo ang tapon ng bolang inihagis ni Jeth. ____

a. hagis b. takip na yari sa cork 3. Mabilis gumaling ang paso niya sa braso. ____

Bumili ako ng limang malalaking paso. ____ a. sugat sanhi ng pagkasunog b. isang bagay na taniman ng halaman

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? May mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba nang bigkas at kahulugan.

6. Karagdagang Pagsasanay Papiliin ang bawat mag-aaral ng dalawang pares ng mga salita na iisa ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan. Ipagamit ang mga napiling salita sa sariling pangungusap.

daan pasa baka upo tala baka huli piko

bunot piko bunot tala upo pasa huli daan

Ipabahagi sa klase ang kanilang nagawa.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 108 

  

Ikalawang Araw Layunin Natutukoy ang bahagi ng kuwento Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho at pagkakaiba batay sa tauhan, tagpuan at banghay Paksang-Aralin Mga Bahagi ng Kuwento Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga card na may nakasulat na pangalan ng tao, lugar at mga pangyayari. Ilagay nang sama-sama ang magkakauring salita sa tatlong kahon. Sabihin sa mga bata na bubunot sila ng isang card sa bawat kahon. Ipagamit ang mga nabunot na salita upang makabuo ng isang maikling kuwento. Ipasulat ang nagawang kuwento sa isang papel at ipadikit sa pader. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na mabasa ang ginawang kuwento ng kaklase.

2. Paglalahad Nakaranas ka na bang makapaglaro ng tagu-taguan? Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan. Sabihin ang pamagat ng kuwento. Itanong: Ano kaya ang nangyari sa kuwento? Itala ang sagot ng mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang kuwento na nasa Alamin Natin, LM pp. 55 - 56. Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipakumpleto ang hinihingi ng story map.

Pamagat

Sino

Saan

Ano Bakit

Paano

Tanong ng Kuwento 

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 109 

  

Itanong: Ano ang pamagat ng kuwento?

Sino-sino ang tauhan ng kuwento? Saan ito naganap? Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Ano ang suliranin sa kuwento? Paano nalutas ang suliranin? Bakit nagtawanan sina Aiah? (Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang lugar sa graphic organizer.) Patingnan kung tama ang sagot sa organizer na ginawa ng pangkat. Ano kaya sa palagay mo ang naramdaman ni Von? Kung ikaw si Von, ano ang gagawin mo? Ano ang tawag sa bahagi ng kuwento na sinasagot ng tanong na sino? Saan?

Kailan? Ano-ano? Kumpletuhin ang Banig ng mga Kuwento. Sabihin sa mga bata na hatiin sa 16 na kahon ang isang pirasong papel.

Sa unang walong kahon, ipasulat ang hinihingi tungkol sa unang kuwento na binasa (“Liga sa Barangay”) at ang ikalawang pangkat ng walong kahon ay para sa ikalawang kuwento naman (“Tagu-taguan.”)

Pamagat Tagpuan Tauhan Pangyayari 1

Pangyayari 2

Pangyayari 3 

Pangyayari 4 

Pangyayari 5 

Pamagat Tagpuan Tauhan Pangyayari 1

Pangyayari 2 

Pangyayari 3 

Pangyayari 4 

Pangyayari 5 

Hayaang ipakita ng mga bata ang natapos na banig. Bigyang-halaga ang ginawa ng mga bata sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga sagot sa bawat kahon.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 56. Pumili ng isang kuwentong binasa mula sa mga nagdaang aralin. Gumawa ng Story Pie para dito.

5. Paglalahat Ano-ano ang bahagi ng kuwento? Ang mga bahagi ng kuwento ay pamagat, tauhan, tagpuan at banghay.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang panuto sa Pagyamanin Natin, p. 57.

Liga sa Barangay

Tagu-taguan

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 110 

  

Ikatlong Araw Layunin Naisasagawa ang maayos na pagpapakilala ng ibang tao Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila sa usapan at sitwasyon Paksang-Aralin Gamit ng Kami, Tayo at Sila Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Sabihin sa mga bata na ipakilala sa klase ang kasapi ng sariling pamilya sa pamamagitan ng pagkukuwento. Itanong: Ano-ano ang salitang ginamit sa pagpapakilala ng pamilya?

2. Paglalahad Paggawa ng quilt ng klase. Maghanda ng ginupit na papel na hugis parisukat. Bawat bata ay dapat may hawak nito. Bigyan nito ang bawat bata. Ipasulat ang kaniyang pangalan dito. Hayaang ipakilala ng bawat bata ang sarili sa klase. Matapos magpakilala, ipadikit sa kanila ang ginupit na papel sa isang malaking manila paper upang matapos ang quilt ng klase.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pagpangkat-pangkatin ang klase. Gawin ang panuto sa Alamin Natin, p. 58. Bigyan ng sapat na oras ang pangkat upang mapaghandaan ang sagot dito. Pagtatanghal ng bawat pangkat. Pag-usapan ang mga usapan na napakinggan. Paano ipinakilala ang sarili sa ibang tao? Ang kaklase sa ibang tao? Paano maipakikita ang paggalang sa pagpapakilala? Kailan ginamit ang kayo? Sila? Kami? Tayo?

3. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 58 Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang basahin ang kanilang pangungusap. Patnubayan ang mga bata na nagkamali sa paggamit ng mga panghalip na tinalakay.

4. Paglalahat Kailan ginagamit ang tayo? Kayo? Kami? Sila? Ginagamit ang tayo at kami kung tumutukoy sa mga taong nagsasalaysay. Ginagamit ang kayo kung nauukol sa mga taong kinakausap. Ginagamit ang sila kung nauukol sa mga taong pinag-uusapan.

5. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin , p. 58. Kung handa na ang mga bata sa kanilang pangungusap, pabilugin ang mga bata. Balikan ang ginawang quilt ng klase. Tumawag ng isang “it” upang mamili ng kaklaseng tatawagin upang basahin ang ginawang pangungusap. Papikitin ang mata ng “it” at ipaturo ang ngalan ng tatawagin. Maaari rin namang lagyan ng piring ang mata ng bata.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 111 

  

Ikaapat na Araw Layunin Nakasusulat ng talata nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang paksa o isyu Paksang-Aralin Pagsulat ng Talata Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Maghanda ng isang talata na may mga mali ang pagkakasulat at pagkakabaybay. (Maaaring gumamit ng anumang talata na nagamit na sa mga nagdaang aralin o isang talata na hindi pa nababasa ng mga bata.) Ipabasa ito sa mga bata. Ano ang napansin mo sa talata? Ano-ano ang mali dito?

2. Paglalahad Ihanda ang tatlong card na may mga bilog na katulad nito. Isa, Dalawa, Tatlo… Sabihin sa mga bata na kapag ipinakita ng guro ang card na may isang bilog, mag-iisip nang nag-iisa ang bata ng sagot sa tanong na ibibigay. Kapag nakita ang dalawang bilog, hahanap ng kapareha at ibahagi sa kaniya ang sagot sa tanong. Kapag tatlo naman ang nakitang bilog, bumalik na sa upuan at humanda sa pagbabahagi ng sagot sa buong klase. Itanong: Ano ang mararamdaman mo kung isang araw hindi ka paglaruin sa bahay ninyo? Sa paaralan?

Gamitin ang card para sa pagsagot ng mga bata.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 112 

  

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong muli. Ano ang mararamdaman mo kung isang araw hindi ka paglaruin sa bahay ninyo? Sa paaralan? Hayaang ibigay ng mga bata ang kanilang sagot sa tanong. Isulat sa pisara ang mga pangungusap na ibibigay ng bawat bata. Ipabasa ang mga pangungusap sa mga bata. Itanong: May gusto pa ba kayong idagdag? (Isulat kung may idinagdag.) May gusto pa ba kayong alisin sa ating mga pangungusap? (Kung mayroon, itanong ang dahilan at kailangan itong alisin. Pag-usapan ng klase kung dapat o hindi nga dapat alisin.) Ano ang magandang pamagat ng ating talata? Ipabasa ang naisulat ng klase. Itanong: Paano isinulat ang pamagat? Paano inumpisahan ang talata? Pangungusap? Paano tinapos ang pangungusap? Ano-anong salita ang isinulat gamit ang malalaking letra? Maliliit na letra? Paano isinulat ang mga salita? Ano-anong bantas ang ginamit sa talata? Balikan muli ang talata na ipinabasa sa pag-uumpisa ng klase. Itanong: Paano natin ito itatama? Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang kanilang sagot at ipagawa ito sa pisara o papel kung saan nakasulat ang talata. Ipabasa muli ang talata.

4. Pagpapayamang Gawain Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipabasa ang Alamin Natin, p. 59. Bigyan ang bawat pangkat ng sulatang papel. Pasulatin ang bawat pangkat ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong

pangungusap. Paksa: Bakit kailangang maglaro ang batang katulad mo?

5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 59. Itanong sa mga bata: Ano ang larong nais mong matutuhan? Bigyan ng paliwanag ang pagpili nito. (Bigyang-puna ang ginawa ng mga bata. Ibalik ito sa kanila upang maisulat nila ito nang wasto ayon sa mga punang ibinigay.)

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 113 

  

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Maghanda ng mga salita na may kaugnayan sa tauhan, lugar, araw, bagay, at

hayop. Isulat ang mga ito sa ilang roleta upang hindi magtagal ang mga bata sa paggamit nito.

Gumawa ng isang bilog para sa tauhan, lugar, araw, bagay at hayop. (Magkakaiba ang laki ng mga bilog na ito.)

Hatiin ito nang pantay-pantay at sapat upang maisulat ang mga salitang naunang inihanda. Pagpatung-patungin ang mga bagay at lagyan ng one-head fastener. Lagyan din ng panturo sa gitna .

Ipakita ang Roleta ng mga Salita sa mga bata. Hayaang paikutin ito ng bata upang makakuha ng isang ngalan ng tao, lugar,

araw, bagay, at hayop Ipagamit ang mga nakuhang ngalan sa pagpapaikot ng roleta upang makagawa

ng isang talata. Subukang gamitin ang kami, tayo, kayo at sila. Pasulatin ang mga bata ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong

pangungusap. Ipabasa muli sa mga bata ang mga tanong na ginamit sa mga nagdaang aralin

tungkol sa pagsulat ng talata. (Bigyan ng puna ang isinulat na talata ng mga bata. Ibalik ang papel na may

mga puna upang muling maisulat ng mga bata ang talata ayon sa patnubay ng mga puna na ito.)

Aralin 16 Magsama-sama Tayo Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng pamatnubay na tanong Pag-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang tekstong pang-impormasyon Pag-unlad ng Talasalitaan Nakagagamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan tulad ng sitwasyong pinaggamitan ng salita Pagsulat at Komposisyon Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Paunang Pagtataya Maghanda ng isang tekstong babasahin sa mga bata. Maaari rin naman na

magparinig ng isang balita sa radyo o kaya naman ay isang patalastas o drama. Kung wala pa rin ng mga ito, magparinig ng isang awit sa mga bata. Pag-usapan ang napakinggan ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tanong.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 114 

  

Obserbahan kung sino sa mga bata ang hindi makasagot sa mga tanong na ibinigay. Gabayan sila upang maunawaan ang teksto na napakinggan at maibigay ang tamang sagot sa tanong.

Unang Araw Layunin Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng pamatnubay na tanong Paksang-Aralin Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Teskto Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipalarawan ang isang bahagi ng paaralan o ng silid-aralan. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na pagandahin pa ito, ano-ano ang gagawin mo?

2. Paglalahad Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng isang malinis na papel. Itanong: Kung magkakaroon ka ng isang hardin, ano-ano ang nais mong ilagay dito? Pagawain ang bawat pangkat ng blueprint. Matapos ang inilaang oras, tawagin ang bawat pangkat upang ipakita ang ginawang plano ng kanilang hardin. Basahin nang malakas ang kuwento. Si Mang Lino ay isang mabait na matanda. Mayroon siyang malawak na bakuran na maraming nakatanim na malalaking puno. May puno ng mangga, saging, tsiko, papaya at santol. Marami ring ibon ang tumitigil sa kaniyang bakuran. Palipad-lipad at umaawit pa ang mga ito. At madalas ay dumadapo sa mga puno. Pati mga bata ay dumarayo rin sa kaniyang bakuran. Gustong-gusto nilang

maglaro dito. Tuwang-tuwa naman si Mang Lino na pagmasdan ang mga bata na nasa kaniyang hardin na tila paraiso. Isang araw, matagal nang naglalaro ang magkakaibigan, ngunit hindi pa rin siya lumalabas sa kaniyang bahay. Kaya’t naglakas loob ang magkakaibigan na katukin ang kaniyang pinto. May sakit pala si Mang Lino. Isa-isang lumabas ang magkakaibigan at humingi ng tulong sa kani-kanilang magulang. Nadala si Mang Lino sa ospital, naalagaan nang ayos at nakahigop ng mainit na sabaw.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ihanda ang Librong Parisukat. Gumupit ng isang papel at tupiin ang apat na dulo nito upang makagawa ng katulad ng nasa larawan. Sulatan ng bilang isa hanggang apat ang bawat sulok nito.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 115 

  

Bigyan ng Librong Parisukat ang bawat pangkat. Ipagawa sa bawat pangkat: 1. Isulat sa labas na bahagi ng libro.

a. Sa bilang 1, isulat ang pamagat ng kuwentong napakinggan. b. Sa bilang 2, isulat ang tagpuan ng kuwentong napakinggan. c. Sa bilang 3, isulat ang tauhan sa kuwentong napakinggan.

2. Isulat sa loob na bahagi a. Sa bilang 1, isulat ang unang pangyayari. b. Sa bilang 2, isulat ang suliranin. c. Sa bilang 3, isulat ang naging solusyon. d. Sa bilang 4, isulat ang naging katapusan ng kuwentong napakinggan.

Pag-uulat ng bawat pangkat sa natapos na gawain. (Gabayan ang mga pangkat na hindi tama ang sagot upang masabi nila ang tamang sagot sa bawat bahagi ng parisukat.) Ipabasa ang mga tanong na nakasulat sa bawat metacard. Sino ang nagmamay-ari ng bakuran? Ano-ano ang makikita sa kaniyang bakuran? Sino ang tumitigil sa kaniyang bakuran? Ano ang ginagawa ng mga ibon sa kaniyang mga puno? Sino ang dumarayo sa kaniyang bakuran? Ano ang gustong-gustong gawin ng mga bata sa kaniyang bakuran? Ano ang nangyari kay Mang Lino? Paano siya gumaling? Tumawag ng ilang mga bata upang isalaysay ang napakinggang kuwento sa tulong ng mga ibinigay na tanong.

4. Pagpapayamang Gawain Ipabasang muli ang mga tanong. Ipahanda ang kagamitan sa Art. Gabayan ang mga bata na makagawa ng sarili nilang picture book ng napakinggang kuwento. Ipaalala sa kanila na magiging gabay nila ang mga tanong na nakasulat sa metacard. Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng gallery walk para sa mga natapos na picture book.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Tumawag ng ilang bata. Papiliin sila ng isang picture book na ginawa ng kaklase. Ipasalaysay ang napakinggang kuwento sa tulong ng aklat. Itanong sa ibang bata kung tama ang pagkakasalaysay niya ng kuwento.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 116 

  

Ikalawang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang tekstong pang-impormasyon Paksang-Aralin Pagsagot sa mga Tanong Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipaawit: “Magtanim ay Di Biro” Itanong: Bakit hindi biro ang pagtatanim?

2. Paglalahad Pagpangkat-pangkatin ang klase. Papunan ang organizer sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bagay na kailangan sa pagtatanim. Maaaring magdagdag ang mga bata ng kahon kung kinakailangan. Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain. Talakayin ang mga sagot na ibinigay ng mga bata.

Ipabasa nang tahimik ang kuwento sa Alamin Natin, pp.59-60. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Maghanda ng dalawang malaking papel. Ipaskil ito sa pisara. Sulatan ng NOON ang isang papel at NGAYON ang isa namang papel. Ipaguhit ang larawan noon at ngayon ng bakanteng lugar sa barangay sa inihandang papel sa pisara. Pag-usapan ang iginuhit sa NOON at NGAYON. Paano gumanda ang bakanteng lote? Tumawag ng ilang bata upang ipakitang kilos ang bawat hakbang. Itanong pagkakatapos magpakitang-kilos ang isang bata: Ano ang ginawa niya? Isulat ang sagot ng mga bata sa baitang ng isang hagdan. Ipaskil ito sa pagitan ng NOON at NGAYON.

Kailangan sa Pagtatanim

 

 

 

Panghuli…

Sumunod …

Pangalawa …

Una …

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 117 

  

Ipabasa ang mga hakbang na isinulat sa pisara. Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga ito? Ano-anong salita ang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod na hakbang na isinagawa ng nagsasalita? Tumawag ng ilang bata upang maisalaysay ang nabasang teksto sa tulong ng mga sagot sa NOON at NGAYON.

4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa nang tahimik ang kuwento sa p. 60 at pasagutan ang mga tanong na kasunod nito.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Masasagot ang mga tanong tungkol sa binasa kung babasahin nang mabuti at nang may pang-unawa.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 61 Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang sitwasyong pinaggamitan ng mga salita sa pagtukoy ng kahulugan ng salita Paksang-Aralin Pagbibigay-Kahulugan ng mga Salita Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Saan ka nakatira? Ano-ano ang makikita rito?

2. Paglalahad Ano ang ibig sabihin ng bukid? Bigyan ang mga bata ng clay. Kung mayroon naman sila, ipakuha ito. Gamit ang clay, hayaang gumawa ang mga bata ng mga bagay na nakikita sa bukid. Pagpapakita ng natapos na bagay mula sa clay. Itanong: Nakikita ba ito sa bukid? Pagsama-samahin ang mga bagay na nabuo sa clay upang makagawa ng larawan ng isang bukid. Ano ang bukid? Ipagamit ang salita sa sariling pangungusap. Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain. Ano ang ibig sabihin ng bukid? Ipagamit ito sa sariling pangungusap. Basahin ang pamagat ng tula. Tungkol saan ang tula? Basahin nang malakas ang tula sa mga bata. (Sabihin sa mga bata na sundan ito nang tahimik gamit ang kopya ng tula na nasa p. 62.) Tumawag ng ilang bata upang basahin ito nang malakas.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 118 

  

Balikan ang mga hula na ginawa bago basahin ang tula. Tama ba ang mga ito?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasang muli ang tula sa mga bata. Ipapikit ang mata ng mga bata upang ma-visualize nila ang sinasabi sa tula. Itanong: Saan nais tumira ng nagsasalita sa tula? Paano inilarawan ang bukid sa unang taludtod? Paano binigyang-kahulugan ang palay sa tula? Anong salita ang pinatutungkulan ng pariralang/dalawang salitang walang amoy? Paano masasabing malinis ang tubig? Ano ang kahulugan ng sariwang prutas sa tula? Paano binigyang kahulugan ang mga salitang nakasalungguhit sa tula? Ikaw, nais mo rin bang tumira sa bukid? Bakit? Ipabasang muli ang tula. Tanungin ang mga bata kung may mga salita na hindi nila maunawaan. Linangin ang mga salitang sasabihin ng mga bata. Paano mo nasabi ang kahulugan ng mga salitang hindi nauunawaan ng kaklase? Ano-ano ang salitang may salungguhit sa tulang binasa? Ano ang ibig sabihin ng bawat isa? Itala at ipabasa sa mga bata ang kanilang sagot. Paano mo nasabi ang kahulugan ng bawat isa?

4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa at pasagutan ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 62.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Maaaring makapagbigay ng kahulugan ng salita sa pamamagitan ng sitwasyong pinaggamitan.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 63.

Ikaapat na Araw Layunin Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Paksang-Aralin Pagbabaybay ng mga Salita Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Magsagawa ng paligsahan sa pagbabaybay sa loob ng klase. Gamitin ang mga salitang natutuhan ng mga bata sa mga nagdaang aralin. Bigyang-halaga ang nanalo sa paligsahan. Sabihin nang dalawang beses ang salita. Bigyan ng sapat na oras ang mga bata na maisulat ito.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 119 

  

Sabihin muli ang salitang ipinababaybay. Ipataas ang papel na pinagsulatan ng mga bata ng kanilang sagot. Tingnan kung sino-sino ang tama, sino-sino ang mali. Bigyan ng puntos ang mga may tamang pagkakabaybay ng salita. Tumawag ng bata upang isulat ang salita sa pisara.

Ipabasa sa mga bata ang mga salitang nakasulat sa pisara. 2. Paglalahad

Ipabasang muli ang tula sa p. 62. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Takpan ang ilang salita sa tula. Ipabasang muli ang tula. Ano-ano ang salitang nawawala sa tula? Ipasulat ito sa pisara. Ipabasa ang isinulat sa ibang bata. Tama ba ang kaniyang pagkakabaybay? Tanggalin ang takip ng salitang pinahuhulaan upang malaman kung tama o mali ang mga bata. Gawin ito sa iba pang salita sa tula.

4. Pagpapayamang Gawain Maghanda ng mga card ng mga salitang natutuhan sa mga nagdaang aralin. Tiyakin na ang ibang salita ay mali ang pagkakabaybay. Ipabasa ang mga salita. Sabihin sa mga bata na isulat ang OK sa kanilang show-me-board (SMB) kung tama ang pagkakabaybay nito. Kung mali naman, ipasulat sa kanilang SMB ang wastong pagkakabaybay ng salitang ipinakita.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipabaybay ang sumusunod na salita. 1. kaibigan 2. bakuran 3. pamayanan 4. tahanan 5. barangay

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Basahin ang teksto upang masagot ang mga tanong tungkol dito.  

Ang Guro Dolorosa S. de Castro

  Maagang gumising si Anthony. Suot ang kaniyang pinakamaganda at pinakabagong damit, agad silang umalis ng kaniyang tatay.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 120 

  

Pagdating sa Bulwagan ng Kagitingan, sinamahan sila ng isang babae sa upuang nasa unahan ng malaking entablado. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang palatuntunang kaniyang pinanabikan. Malakas na palakpakan ang kaniyang narinig nang tawagin ang “Anthony Beltran.” Ito na ang pagkakataong kaniyang hinihintay. Taas-noo siyang umakyat ng entablado at nagsimulang magsalita. “Hindi naging hadlang ang paagkakaroon ng kapansanan upang marating ko ang mga pangarap sa buhay. Bulag man ako, nagkaroon ako ng maraming mata. Mga taong nakapaligid sa akin na nagsilbing aking inspirasyon. Una, ang aking mga magulang, na laging nasa tabi ko. Hindi nila hinayaan na matalo ako ng paminsan-minsan kong pagkaawa sa sarili. Nariyan din ang aking guro, si Titser Ruby. Pinaniwalaan niya ang mga kakayahan ko. Tinulungan niya ako na malinang ang aking talino at talento na naging susi sa tagumpay na mayroon ako ngayon. Sa kanila ko natutuhan na, sa kabila ng aking mga kahinaan, may mga kalakasan pa rin akong taglay na magagamit ko upang maging matagumpay at matulungan ang mga tao sa paligid ko. Ako ay ako ngayon, dahil sa inyo, Tatay at Titser Ruby, maraming salamat po. Para sa inyo po ang aking tagumpay.” Inimbitahan niya ang kaniyang tatay at si Titser Ruby na samahan siya sa entablado. Buong pagmamalaki niyang ipinakilala ang mga espesyal niyang guro. Malakas na palakpakan ang muli niyang napakinggan habang pinapahid ang luha na unti-unti nang pumapatak sa kaniyang mga mata.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 121 

  

Sagutan ang sumusunod na tanong na makikita sa loob ng bilog.

* Bigyan ang mga bata ng kopya nito.

Ano ang pamagat ng kuwento?

Saan naganap ang kuwento?

Sino-sino ang tauhan?

Ano ang unang nangyari?

Ano ang suliranin ?

Ano ang solusyon?

Ano ang huling pangyayari?

Ano ang aral ng kuwento?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 122 

  

             Aralin 17 Magtulungan Tayo Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pakikinig Nakasusunod sa panutong may dalawa hanggang tatlong hakbang Gramatika Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila Palabigkasan at Pagkilala sa Salita Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas Kaalaman sa Aklat at Limbag Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho at pagkakaiba batay sa tauhan at tagpuan Pag-unawa sa Binasa Naisasalaysay muli ang binasang teksto na may tamang pagkakasunod-sunod sa tulong ng pamatnubay na tanong Paunang Pagtataya Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng kami, sila tayo o kayo.

Sina Tinoy, Miguel, Lito, Nonong, at ako ay pupunta sa ilog. ____ay tutulong sa pag- aalis ng mga basura.

“_____ ba ni Tinoy ang magdadala ng kalaykay?” ang sabi ni Miguel kay Lito.

“Oo magdadala ____ ng kalaykay,” tugon ni Lito. “____nang tumulong sa ating kabarangay na maglinis ng ating ilog.

____ ay nauna na sa atin na pumunta doon ,” ang sabi ni Nonong. “Oo nga, sumunod na tayo sa kanila. Madaling matatapos ang

paglilinis kapag tulong-tulong ____.” Unang Araw Layunin Nakasusunod sa panutong may dalawa hanggang tatlong hakbang Paksang-Aralin Pagsunod sa Panuto Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Laro: Kapit-kamay Kaibigan Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral. Sabihin sa mga bata na kailangan nilang mag-unahang makagawa ng pinakamahabang linya gamit ang mga suot sa katawan at iba pang bagay na makikita sa loob ng silid-aralan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 123 

  

Kapag sinabi ng guro ang SIMULAN, ang lahat at magsisimulang gumawa ng linya. Kapag sinabi ng guro na TIGIL, kailangang huminto na ang bawat pangkat. Tapusin ang gawain sa loob ng 8 minuto. Itanong: Ano ang naramdaman ninyo habang isinasagawa ang gawain? Ano ang nagtulak sa inyo upang makabuo ng linya? Anong kaalaman ang natutuhan ninyo?

2. Paglalahad Ipakita ang ilang babala (traffic signs) na makikita sa kalsada. Ano ang gagawin mo kapag nakita ito?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipagawa sa mga bata ang sumusunod. Bigyan ng oras sa pagsasagawa nito. (Ito ay nakadepende sa kakayahan ng iyong mag-aaral) 1. Hatiin ang isang papel sa apat na bahagi. Lagyan ng guhit ang bawat tupi. 2. Isulat ang bilang isa hanggangg apat sa bawat kahon. 3. Iguhit sa unang kahon ang ginagawa ng inyong pamilya tuwing araw ng

Sabado. 4. Isulat sa ikalawang kahon ang pangalan ng bawat kasapi ng pamilya.

Guhitan ang pangalan ni Bunso. 5. Sa ikatlong kahon, iguhit ang mga ginagawa ninyong magkakaklase nang

tulong-tulong sa paaralan. 6. Sa ikaapat na kahon, isulat ang iyong pangalan. Bilugan ito. Matapos ang inilaang oras, hayaang ibahagi ng bawat bata ang kanilang natapos sa kaklase. Gamitin ang card ng Isa, Dalawa, Tatlo… na nasa p, 111. Pagtalakayan ang sagot sa bawat kahon.

4. Pagpapayamang Gawain Masunurin ka ba? 1 2 3 4 5 Pagsunod sa Panuto

Hindi ako nakinig nang mabuti sa ibinigay na panuto kaya hindi ko ito nagawa.

Hindi ko nasunod ang mga panuto. Lagi kong tinitingnan ang trabaho ng iba.

Nakasunod ako sa mga panuto pero lagi akong nagtatanong sa aking guro o kaklase ng gagawin.

Nakasunod ako sa lahat ng panuto at natapos ko sa takdang oras.

Nakasunod ako sa lahat ng panuto. Natapos ko sa takdang oras at nakatulong pa ako sa iba kong kaklase.

Ano ang naging puntos mo?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 124 

  

Ano ang ibig sabihin nito? Bakit kaya naging ganito ang iyong puntos?

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Paano mo mababago o mapapanatili ang iyong puntos sa natapos na rubric? Ipabakat ang isang kamay sa malinis na papel. Ipagupit ito. Sa palad ng kamay na ginupit, isulat ang iyong pangako. Sundan ang format: Mula ngayon, para makasunod ako sa mga panuto _________.

Ikalawang Araw Layunin Naisasalaysay muli ang binasang teksto na may tamang pagkakasunod-sunod (sa tulong ng pamatnubay na tanong)

Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas Paksang-Aralin Pagsasalaysay Muli ng Nabasang Kuwento Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Laro : Ikilos Mo at Huhulaan Ko Maghanda ng isang kahon na kinalalagyan ng mga metacard na may sulat ng ngalan ng katulong sa pamayanan. Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang kasapi na magsasakilos ng gawain ng katulong ng pamayanan na bubunutin sa kahong hawak ng guro. Mag-uunahan ang bawat pangkat sa pagsasabi kung sino sa mga katulong ng pamayanan ang inilalarawan. Ang pangkat na may pinakamataas na puntos ang panalo. Itanong: Madali ba ninyong natukoy ang tamang sagot? Sino-sino ang katulong ng pamayanan na pinahulaan? Ano ang naramdaman ninyo habang naglalaro? Paano ninyo natukoy ang tamang kasagutan?

2. Paglalahad Sabihin ang pamagat ng kuwento: “Si Arnold Magpapandesal.” Bago ipabasa ang kuwento, pagbigayin ng katanungan ang bawat mag-aaral na nais nilang masagot. Gabayan ang mga bata upang magawa ng tanong. Halimbawa: Sino-sino ang bumili ng pandesal kay Arnold? Ipabasa ang kuwento sa Alamin Natin, p. 64 - 65.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Balikan ang ibinigay na tanong ng mga bata bago basahin ang kuwento. Pasagutan ito sa mga mag-aaral. Gawin ang “Itanong Mo, Kuwento Ko.”

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 125 

  

Bago magsimula ang klase,ihanda ang mga tanong sa istrip ng papel. Idikit ito sa isang malaking filmstrip.

Ipasuri ang mga pangungusap. Inilabas ni Aling Celia, ang pinuno ng barangay, ang kaniyang pinunong alkansiya para idagdag sa pambili ng mga papremyo. May pitong makukulay na pito na binili para sa mga barangay tanod. Nakakita si Mark ng lumang pako sa may taniman ng pako. Itanong: Ano ang magkatulad na salita sa unang pangungusap? Pangalawang pangungusap? Pangatlong pangungusap? Paano sila nagkatulad? Ano ang ibig sabihin ng unang pinuno? Pangalawang pinuno? Unang pito? Pangalawang pito? Unang pako? Pangalawang pako? Pagbigayin ang mga bata ng pares ng salita na magkaiba ang bigkas pero iisa ang baybay. Ipagamit ang mga ito sa pangungusap.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 65- 66.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p. 66.

Gabayan ang mga bata sa paggawa ng album sa loob ng klase. Magbigay din ng sapat na oras upang matapos ang gawain.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang kami, tayo, kayo, at sila Paksang Aralin Gamit ng Kami, Tayo, Kayo at Sila Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap gamit ang kami, tayo, kayo, at sila. Isulat ang mga ito sa pisara. Ipabasa sa mga bata.

Ano ang unang ginawa ni Arnold?

Sino ang una niyang

pinuntahan?

Ano ang naging bonus

niya?

Sino-sino ang iba pa niyang pinuntahan?

Sino ang huli niyang

pinuntahan?

Bakit natigilan si Arnold?

Ano ang sumunod na nangyari?

Paano nagtapos ang kuwento?

Ano ang natutuhan sa

kuwento?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 126 

  

2. Paglalahad Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa sa bawat pangkat. Pangkat 1 – Gumawa ng isang simpleng saranggola. Pangkat 2 – Magpaguhit sa mga bata ng hugis ng saranggola na nais nila. Pangkat 3 – Kulayan ang ibibigay na saranggola. Pangkat 4 – Ipakitang kilos kung paano magpalipad ng saranggola. Pagpapakita ng pangkat ng natapos na gawain. Ipabasa “Ang Lihim sa Likod ng Saranggola” sa Alamin Natin, p.67.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang lihim ng saranggola? Sino-sino ang mga nag-uusap? Ilarawan ang bawat tauhan sa usapan. Dapat ba silang pamarisan? Bakit? Bakit hindi? Ano ang pinag-uusapan nila? Bakit maganda ang saranggola? Ipabasang muli ang usapan. Tutukuyin ang mga salitang may salungguhit. Itanong: Sino ang tinutukoy ng kayo? Sila? Kami? Tayo? Paano at kailan ito ginagamit? Balikan ang mga pangungusap na ibinigay ng mga bata sa pag-uumpisa ng klase. Ipasuri sa mga bata kung tama ang pagkakagamit ng kayo, sila, kami, at tayo.

4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa ang tanong at gawain sa Linangin Natin, p. 68. Matapos ang nakalaang oras, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang natapos na gawain. Bigyang halaga ang ginawa ng bawat pangkat.

5. Paglalahat Kailan ginagamit ang kami? Tayo? Sila? Kayo?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 67 - 68. Ikaapat na Araw Layunin Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagkakapareho at pagkakaiba batay sa tauhan Paksang-Aralin Ang mga Tauhan sa Kuwento Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Basahan nang malakas ang mga bata ng isang kuwentong hindi pa nila naririnig.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 127 

  

Maaaring gamitin kung ano ang mayroon ang guro, sa silid-aralan, sa silid-aklatan. Tutukuyin ang mga tauhan ng napakinggang kuwento.

2. Paglalahad Ipabasang muli “Si Arnold Magpapandesal” at “Ang Lihim sa Likod ng Saranggola.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ihanda ang organizer para sa pagtalakay ng mga binasang kuwento.

Pagkakaiba Si Arnold Magpapandesal

Pagkakaiba Ang Lihim sa Likod ng Saranggola

Pagkakapareho

Ipatapos ang organizer sa bawat pangkat. Pag-uulat ng bawat pangkat. Pag-usapan ang pagkakaiba/pagkakapareho ng dalawang kuwentong binasa. Sino sa mga tauhan ang nais mong tularan?Pangatwiranan ang sagot.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, pp. 68 - 69.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, pp. 69 - 70. Ipasulat sa kanang pakpak ang pamagat at mga tauhan ng isang kuwentong nabasa. Sa kabila namang pakpak isulat ang pamagat at mga tauhan ng ikalawang kuwento.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 128 

  

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

A. Alin sa mga larawan ang tumutukoy sa mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap? Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

a. b. c. d.

e. f. g. h.

1. Sa tindi ng pagbayo ng bagyong Yolanda maraming puno ang bumagsak. 2. “Anak kunin mo nga ang paso, maglilipat ako ng mga halaman.” 3. Masayang naglalaro si Arthur gamit ang kaniyang bagong kapa. 4. Nanalo sa takbuhan ni Paul dahil siya ay nakapaa. 5. Nakiisa sa panawagan ng pangulo ang masa.

B. Punan ng kami, tayo, kayo, o sila upang mabuo ang diwa ng pangungusap. 6. Balak ng pamilya Zuñiga na magbakasyon sa Romblon. ____ nais ninyo bang

sumama? 7. “Gusto namin, kaya lang pupunta ______ bukas sa Maynila.” 8. “Sayang! Mas masaya sana kung sama-sama _____.” 9. “Sa susunod na lang. Tanungin mo sina Amie, balita ko pupunta rin ____ .” 10. “Ganoon ba. Tatawagan ko_____ ngayon. Salamat.”

Basahin nang mabuti ang bawat panuto simula bilang 11hanggang 20. Gawin kung ano ang hinihingi nito.

11. Gamitin ang likurang bahagi ng sagutang papel sa pagsagot. 12. Sabihin ang: “Magandang umaga.” 13. Lagyan ng tsek (/) ang kanang bahagi ng sagutang papel. 14. Lumundag ng tatlong beses habang sumisigaw ng Yehey!

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 129 

  

15. Kantahin ang “Lupang Hinirang” nang may pagmamalaki. 16. Gumuhit ng tatlong bituin. 17. Tingnan kung nagawa na ng mga kasapi sa pangkat ang ika-11 hanggang ika-

16 na panuto. 18. Sabihin sa katabi na “Kaya mo iyan!” 19. Isulat ang: “Mabuhay! Tunay na henyo ka.” 20. Matapos mong mabasa ang lahat ng ito, isulat ang iyong pangalan sa kahit

saang bahagi ng sagutang papel. Aralin 18 Damdamin, Igalang Natin Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang kuwento Gramatika Nagagamit ang panghalip na kami, tayo, at kayo sa usapan at sitwasyon Kamalayang Ponolohiya Nahahati nang pabigkas ang isang salita ayon sa pantig Palabigkasan at Pagkilala sa mga Salita Nababasa ang mga salitang may klaster Pag-unlad ng Talasalitaan Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng magkasingkahulugan at magkasalungat na salita Pagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang hiram Estratehiya sa Pag-aaral Nabibigyang-kahulugan ang dayagram Paunang Pagtataya Basahin ang kuwento na nakasulat sa isang malinis na papel. (Siguraduhing malaki ang pagkakasulat ng mga salita upang mabasa ito ng lahat). Ipasipi ang mga salitang may klaster. Ipasulat ang sagot sa sagutang papel.

Tumbang Preso Dolorosa S. de Castro

“Cleto! Cleto! Cleto! Maglaro na tayo,” wika ni Trining.

“Sandali lang magpapaalam lamang ako kay Nanay,” sagot ni Cleto sa mga kalaro.

“Nanay, makikipaglaro lamang ako kina Trining, ” paalam niya sa Ina. “Sige pero huwag kang magtatagal, kakain na tayo ng hapunan,” bilin ng

Ina. “Ano ba ang lalaruin natin?” tanong ni Cleto sa mga kaibigan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 130 

  

“Ano pa? E di tumbang preso,” sagot ni Brille. “Uy! Masaya yan.Ako na lamang ang taya,” wika ni Cleto. “Pung!” Natamaan ni Brille ang lata. Sabay takbo. Maliksing naitayo ni Cleto

ang lata at mabilis na nahabol si Brille. “Taya!” hinahapo-hapong sabi ni Cleto. “Pung!” Natamaan ni Cleto ang lata. “Pung!” Natamaan ni Trining ang lata. Habol dito habol doon ang ginawa ni

Brille subalit talagang maliliksi ang kaniyang mga kaibigan. Matapos ang isang oras, kahit gustong-gusto pa niyang maglaro,

nagpaalam na si Cleto sa mga kaibigan sabay sabing, “Bukas uli ha?” Ipabasa sa mga bata ang kuwento. Tumawag ng ilang bata upang basahin ang kanilang naitala. Isulat sa pisara ang mga salita. Tama ba ang sagot ng bawat isa?

Unang Araw Layunin Nasasagot sa mga tiyak na tanong sa kuwento Naibibigay ang mensahe ng napakinggang kuwento Paksang-Aralin Pagbibigay ng Mensahe ng Napakinggang Kuwento Panlinang na Gawain

1. Tukoy-alam Ipakuha ang water color ng bata. Ano ang magiging kulay kapag pinagsama ang Pula at asul (lila) Pula at dilaw (kahel) Berde at asul (blue green) Pula at berde (brown) Asul at dilaw (berde) Tingnan kung nakukuha ng mga bata ang tamang kulay.

2. Paglalahad Ipapikit ang mga mata ng mga bata. Sabihing pumasok sa isang kuwarto na ang mga bagay ay walang kulay. Gusto mo ba dito? Bakit ? Basahin nang malakas ang kuwento sa mga bata. May Magic ang Basahan

Angelika D. Jabines

Matagal nang hindi bumibisita sina Nando sa bahay nina Lola Maring. (Itanong: Bakit kaya walang bumibisita sa bahay nina Lola Maring? )

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 131 

  

Bukod sa nag-aaral kasi silang magkakapatid ay malayo ang probinsiya ni Lola Maring. Ngunit, isang araw ng bakasyon, dinala ni Nanay Rosa si Nando sa bahay nina Lola Maring . (Itanong: Bakit kaya siya rinala dito? ) Siyempre excited si Nando. Tiyak masasarap ang pagkain at higit sa lahat makapaglalaro siya buong maghapon. Pagpasok niya ng pintuan ng bahay ni Lola Maring biglang nalungkot si Nando. (Itanong: Bakit kaya siya nalungkot?) Saan man siya tumingin, sa kanan , sa kaliwa, sa itaas, sa ibaba, kahit saan. Kahit aling bagay ay walang kulay. Nakakalungkot talaga. (Itanong: Bakit kaya walang kulay? Napaupo na lamang siya sa isang sulok. At sa sobrang lungkot hindi niya napansin na tumulo na pala ang kaniyang luha. Dali-dali niyang pinunasan ang patak ng kaniyang luha dahil sa takot na makita ito ng kaniyang Nanay. Pero laking gulat niya! (Itanong: Bakit siya nagulat?) May lumabas na kulay sa pagpunas niya ng ibabaw ng mesa. (Itanong: Ano kaya ang sumunod niyang ginawa?) Dali-dali siyang naghanap ng basahan, tubig at sabon. (Itanong: Ano ang gagawin niya?) Punas dito, punas doon, punas kahit saan. Salamat nagkaroon na rin ng kulay ang kaniyang paligid. Tiyak magiging masaya na rin ang kaniyang pagbabakasyon.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano ang pamagat ng kuwento? Saan naganap ang kuwento? Sino-sino ang tauhan? Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Ano ang nangyari sa unang araw ni Nando sa bahay ni Lola Maring? Gusto mo bang magbakasyon sa bahay ni Lola Maring? Bakit? Anong katangian ni Nando ang ipinakita sa kuwento? Kung ikaw si Nando, magpupunas ka rin ba ng mga gamit sa bahay? Ano kaya ang naramdaman ng lola at ng Nanay at ni Lola Maring? Talakayin sa klase ang tungkol sa kuwentong narinig. Bakit malungkot si Nando?

Ano ang katangian ni Nando na dapat nating taglayin? 4. Pagpapayamang Gawain

Ipaguhit sa mga bata ang isang bahagi ng bahay na paborito niya. Pakulayan ito. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita ang iginuhit at ipaliwanag kung bakit ito ang kanilang iginuhit.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 132 

  

6. Karagdagang Pagsasanay Sumulat ng dalawang pangungusap kung paano ka magiging malinis sa bahay. Ipabasa sa ilang bata ang naisulat na pangungusap. Bigyang-puna ang mga pangungusap. Ibalik ito sa mga bata upang muli nilang maisulat nang isinasaalang-alang ang mga punang ibinigay.

Ikalawang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong nabasa Nababasa ang mga salitang may klaster Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salita Paksang-Aralin Mga Salitang may Klaster Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Nagkaroon na ba kayo ng plano na hindi natuloy? Ano ang nangyari at hindi ito natuloy? Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng karanasan.

2. Paglalahad Sabihin ang pamagat ng kuwento, “Muntik nang Hindi Matuloy.” Pag-usapan ang pamagat ng kuwento. Bakit kaya muntik nang hindi matuloy ang kuwento? Isulat ang hula ng mga bata gamit ang prediction chart.

Hula Ko Tunay na Nangyari

Ipabasa ang kuwento na nasa Alamin Natin, p. 70 – 72.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Balikan ang mga hula na ibinigay bago basahin ang kuwento. Tama ba ang mga ito? Ano-ano ang tunay na nangyari sa kuwento? Isulat ang mga sagot sa tamang kolum. Ano-ano ang salitang hindi naunawaan sa binasang kuwento? Isulat ang mga ito sa pisara sa paraang:

Salitang Hindi Maunawaan

Salitang Kasingkahulugan

Salitang Kasalungat

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 133 

  

Basahin ang mga salitang hindi maunawaan. Linangin ang bawat salita sa talaan. Ano ang kasingkahulugan ng salitang ito? Kasalungat? Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap. Ipabasang muli ang kuwento. Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang sumusunod.

(Bigyan ang bawat pangkat na mabubuo ng isang gawain.) Gawain I Ibigay ang hinihingi.

Gawain 2 Gumawa ng puppet para sa bawat kasapi ng mag-anak sa kuwento. Gamitin ang carboard, yarn, plastic na baso. Isulat sa baso ang pangalan ng bawat miyembro ng pamilya.

(Inaasahang Produkto ng Pangkat)

Pamagat ng

Kuwento

Sino?

Saan?

Bakit? Ano?

Kailan?

Bituin ng Kuwento

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 134 

  

Gawain 3 Gumawa ng name tag para sa bawat ngalan ng mga larawan na nasa kuwento.

(Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan matapos ang inilaang oras para sa dalawang gawain. ) Itanong:

Ano-ano ang bahagi ng kuwentong binasa? (Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 1.) Tungkol saan ang kuwento? Bakit nalungkot ang mga bata? Paano napawi ang kanilang lungkot? Saan sila nagpunta matapos magawa ang dyip nila? Ano-anong katangian ang ipinakita ng bawat tauhan sa kuwento? Dapat ba silang tularan? Paano? Sino-sino ang bumubuo sa mag-anak sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 2.) Ano-ano ang ngalan ng mga larawan na nasa kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 3.) Ipabasa sa mga bata ang mga salitang isinulat sa Gawain 2 at 3. Ano ang napansin sa mga salita? Halimbawa: Troy Ipabasa ang salita. Ipapantig ang salita. Ilang pantig ang bumubuo dito? Itanong: Ano-anong letra ang bumubuo sa salita? Alin-alin ang katinig? Patinig? Pansinin ang unang pares ng letra sa simula ng ngalan. Anong uri ng letra ang mga ito? Ano ang tunog ng t? R? Ano ang nangyari sa tunog ng dalawang letra nang pagsamahin sila sa isang pantig? Ano ang tawag sa mga salitang ito? (Gawin ang proseso sa iba pang salita mula sa talaan. ) Kapag natapos na ang halos lahat ng salita, ipabasa muli ang mga salita.

4. Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang mga gawain sa Linangin Natin, p. 72.

5. Paglalahat Ano ang salitang may klaster? Ang klaster ay binubuo ng dalawang magkasunod na katinig sa loob ng isang pantig.

Kailan nagiging magkasingkahulugan/magkasalungat ang mga salita? 6. Karagdagang Pagsasanay

Ipahanap at ipasipi ang mga salitang may klaster sa loob ng kahon na makikita sa Pagyamanin Natin, p. 73. (plantsa, trak, klinika)

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 135 

  

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang kami, tayo, kayo, at sila sa usapan at sitwasyon Paksang-Aralin Gamit ng Kami, Tayo, Kayo, at Sila Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Pasagutan sa mga bata. Isulat ang kami, tayo, kayo at sila sa angkop na pangungusap.

Ako at ang aking mga kaibigan ay pupunta sa plasa. ____ ay maglalaro doon.

Si Kuya Eddie at Tatay Rogel ay nasa likod bahay. ____ ay gumagawa ng saranggola.

“ Tara na sa ilog at maligo _____ roon,” ang sabi ni Malou sa kaniyang mga kaibigan.

“_____ na lang ang magpunta sa palengke. Hindi na ako sasama,” ang wika ni Kathy sa Nanay at kapatid niya.

Ipabasa ang mga pangungusap. Pasagutan ito nang pabigkas at isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.

2. Paglalahad Balik-aralan ang mga pangyayari sa kuwentong “Muntik nang Hindi Matuloy.” Ipakita ang pinalaking mga larawan mula sa kuwento. Tutukuyin ng mga bata ang pangyayari/mga pangyayari sa kuwento na may kinalaman sa larawan. Ipabasa ang mga pangungusap sa Alamin Natin, p. 74.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Sino ang nagsabi ng unang pangungusap? Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat? Kanino kaya sinabi ang unang pangungusap? Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat? Ipabasa ang mga salitang may salungguhit. Sino ang tinutukoy ng kayo? Tayo? Kami? Sila? Kailan ginagamit ang kayo? Tayo? Kami? Sila? Balikan ang mga pangungusap sa paunang pagtataya. Ipabasang muli ang mga ito. Sabihin kung tama o mali ang pagkakagamit ng kayo, tayo, sila at kami.

4. Pagpapayamang Gawain Papunan ng kami, tayo, kayo at sila ang usapan sa Linangin Natin, p. 75.  

5. Paglalahat Kailan ginagamit ang kami? Tayo? Sila? Kayo?

Ang kami ay pamalit sa ako at mga kasama. Ang kayo ay pamalit sa ikaw at mga kasama. Ang tayo ay pamalit sa akin at mga kasama.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 136 

  

Ang sila ay pamalit sa siya at mga kasama. 6. Karagdagang Pagsasanay

Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang panuto sa Pagyamanin Natin p. 75.

Ikaapat na Araw Layunin Nababaybay nang wasto ang mga salitang hiram Nagagamit ang kaalaman sa pagbabaybay upang maisulat ang salita nang wasto Paksang-Aralin Pagsulat at Pagbabaybay ng mga Salitang Hiram Panlinang na Gawain

1. Tukoy-alam Ilagay ito sa tsart. Ipagawa : Unahan Tayo! Pagpangkat-pangkatin ang klase. Pabilugan ang may tamang baybay. (Sabihin sa mga bata na ito ay gagawin sa pamamagitan ng paligsahan.)

Miercoles Mierkoles Miyerkules Miyercules atencion attensyon atension atensyon Viernes Viernez Biyernes Biernes merienda miryenda miryinda meryenda zapatos sapatoz sapatos zapatoz Pagpapakita ng bawat pangkat ng kanilang mga sagot. (Ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang panalo) Ipabasa ang mga salitang tama ang pagkakabaybay.

2. Paglalahad Ipagawa ang Alamin Natin, p. 76. Ipabasa ang mga salitang nasa roleta. (Maaaring dagdagan pa ng ilan pang salitang hiram.)

      

                                                                                                 

 

Linangin ang bawat salita sa roleta sa pamamagitan ng pagkuha sa mga dating kaalaman/karanasan ng mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Tumawag ng bata upang magpaikot ng roleta. Ipabasa ang tinapatang salita. Ipagamit ito sa sariling pangungusap. Isulat ang mga pangungusap sa pisara.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 137 

  

Ipabasa ang mga pangungusap. Itanong: Ano ang napansin sa mga salita sa roleta? Ano ang tawag sa mga salitang ito? Paano ito binaybay? Alin-alin ang mabuti sa ating katawan? Alin-alin ang hindi? Pangatwiranan ang sagot.

4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa ang mga panuto sa Linangin Natin, p. 75. Basahin sa mga bata nang malakas. Sosorpresahin namin si Lola Susan. Birthday niya kaya’t ibinili namin siya ng cake. Pagdating naming doon, sa may gate pa lamang , dinig na namin ang lakas ng tugtog ng kaniyang radyo. Maraming pagkain sa mesa. At sa gitna nito ay may lechon pa. Kami at hindi si Lola ang nasorpresa. Ipasulat sa pisara ang mga salitang hiram na napakinggan. Tingnan kung tama ang kanilang pagkakabaybay. Kung mali, tulungan ang bata na makuha ang tamang pagkakabaybay sa pamamagitan ng dahan-dahang pag-uulit ng mga salita.

5. Paglalahat Paano binabaybay ang mga salitang hiram? Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ng salitang hiram.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipakuha ang gamit ng mga bata sa Art. Ipabasa ang Pagyamanin Natin, p. 75. Pagawain ang bawat isa ng Picture Dictionary ng mga Salitang Hiram. Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

A. Punan ang patlang ng kayo, tayo, sila at kami. 1. “Ikaw, si Myrna at si Janet ay dapat pumunta sa silid-aklatan.

Magsaliksik ___ doon ng tungkol sa Rehiyon II.” 2. Sina Iking, Erik at Fermin ay pumunta sa gym.

____ ay mag-eensayo para sa darating na liga ng basketball. 3. Sina Ramon at Honesto ay dadalo sa pansangay na pagsasanay sa

paggawa ng diyaryo sa Filipino samantalang ______ naman ay Ingles.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 138 

  

B. Bumuo ng 5 salitang may klaster sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga pantig na nasa loob ng kahon.

C. Babasahin ng guro ang talata nang malakas sa mga mag-aaral. Ipaguhit ang mensahe ng kuwentong narinig. Tasahin ito gamit ang nakalakip na pamantayan.

Madilim-dilim pa ay pumapadyak na si Mang Allan. Pag-uwi niya sa

bahay, masayang naghihintay ang kaniyang mga anak at asawa upang pagsaluhan ang masarap na hapunang inihanda ni Aling Jenny, ang kaniyang maybahay .

tra ma pa yek so

ra dya di ko to

to ka pro ket gu

le ba re gro ba

ma la ho ma kli

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 139 

  

Aralin 19 Magkuwentuhan Tayo Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang teksto Wikang Binibigkas Naiuulat nang pasalita ang mga nasaksihang pangyayari sa pamayanan Gramatika Nagagamit ang panghalip bilang pamalit sa pangngalang nito, niyan, noon, at niyon Kamalayang Ponolohiya Napapalitan at nadaragdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita Pag-unawa sa Binasa Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento Komposisyon Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring nasaksihan sa kapaligiran Paunang Pagtataya

A. Piliin ang ang angkop na panghalip sa mga may salungguhit na salita sa bawat pangungusap. 1. Mag-ingat ka sa paggamit ng kutsilyo baka ka masugatan. (nito, niyan,

niyon). 2. Edna, ‘ buti may pantasa ka. Puwede bang makahiram (nito, niyan, niyon)?

B. Palitan o dagdagan ang unahan o hulihang pantig ng salitang may salungguhit upang makabuo ng bagong salita 3. Anong salita ang mabubuo kapag idagdag mo ang pantig na /ma/ sa unahan ng salitang laki?

4. Anong bagong salita ang mabubuo kapag idadagdag mo sa hulihan ng salitang tala ang pantig na /ba/?

C. Isulat ang wakas. 5. Naglalakad pauwi ng bahay si Galileo. Biglang bumuhos ang malakas na

ulan. Unang Araw Layunin Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang kuwento Paksang-Aralin Pagtukoy sa Mensahe ng Kuwento Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Magparinig ng ilang tunog mula sa mekanikal na bagay/sasakyan/kalikasan. Halimbawa : sirena ng ambulansiya, kulog, tunog ng alarm clock Itanong: Ano ang mensahe ng bawat tunog na napakinggan?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 140 

  

2. Paglalahad Magpakita ng isang trumpo. (Maaaring tunay na bagay o larawan ang gamitin.)

Itanong ang nalalaman ng mga bata tungkol dito. Tumawag ng bata upang ipakita kung paano ito laruin.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas.

Araw ng Sabado. Walang pasok sa eskuwela. Matapos tumulong sa mga

gawain sa bahay, nagpaalam si Roy sa kaniyang Nanay upang pumunta sa bahay nina Rogel. (Itanong : Pinayagan kaya siya? Alamin ang hula ng mga bata.)

(Magpatuloy ng pagbasa.) Pagdating sa bahay nina Rogel, agad nitong ipinakita ang bago niyang

laruan. Isang makintab na trumpo. Pasalubong ito ng kaniyang Ate. (Itanong: Bakit kaya siya pinasalubungan?)

(Magpatuloy ng pagbasa.) Tinuruan ni Rogel ang kaniyang kaibigan kung paano ito laruin. Hindi

naman ito mahirap matutuhan kaya masaya silang naglaro nito. Nakakaaliw ang pag-iiba-iba ng mga kulay nito. Ang sarap pagmasdan

ang bilis ng pag-ikot nito!Nakakakaba kung gaano katagal ito iikot. Hanggang sa nakalimot ang dalawa sa oras.

Amoy nasusunog! Ano kaya iyon? (Itanong: Ano kaya ang nasusunog?) (Magpatuloy ng pagbasa.) Biglang, “Naku, ang sinaing. Nakalimutan ko.” (Itanong: Ano kaya ang

ginawa ng magkaibigan?) (Magpatuloy ng pagbasa.) Dali-daling pumunta ang magkaibigan sa kusina upang tingnan ang

sinaing. Siya namang pagdating ng Kuya galing sa palengke. (Itanong: Ano kaya ang sumunod na nangyari?)

4. Pagpapayamang Gawain Ano ang aral ng kuwento? Ipaguhit ang sagot sa mga bata. Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng mga bata ang natapos nilang gawain. Gamitin muli ang Card ng Pakikipagtalasan sa p. 111. Ano ang dapat tandaan kung may ipinagbilin sa atin ang ibang tao?

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Itanong: Kung ikaw si Rogel, ano ang gagawin mo sa kuwento? Ipaguhit ang sagot sa tanong. Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng gallery walk. Bigyang-halaga ang ginawa ng mga bata.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 141 

  

Ikatlong

Pangyayari

Ikalawang

Pangyayari

Unang pangyayari

Ikalawang Araw Layunin Naiuulat nang pasalita ang mga nasaksihang pangyayari sa pamayanan Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring nasaksihan sa kapaligiran Paksang-Aralin Ulat sa Pangyayaring Nasaksihan Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Magpakita ng larawan ng namumulot ng basura. Pag-usapan ito. Hayaang makagawa ang mga bata ng kuwento tungkol dito.

2. Paglalahad Sabihin ang pamagat ng kuwento. Kung hindi basura, ano kaya ang napulot sa kuwento? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang mga ito. Ipabasa ang kuwentong “Hindi Basura” sa Alamin Natin, p.77.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Balikan ang hula ng mga bata.. Itanong: Tama ba ang hula ninyo? Ano ang pinupulot ng bata? Bakit siya namumulot ng basura? Ipakita sa mga bata ang Story Pyramid na ginawa (ng guro) bago pa man magsimula ang klase. Ano-ano ang nangyari sa kuwento?

Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot. Ipabasa ang mga naisulat sa pyramid. Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga ito?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 77.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 142 

  

Papiliin ang mga bata ng isang napakinggang pag-uulat na naibigan nila. Isulat ito sa pisara sa tulong ng mga bata. Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap tungkol sa mga pangyayari sa napakinggan nilang pag-uulat. Gabayan ang mga bata upang maibigay ang mga ito nang may wasto at tamang pagkakasunod-sunod. Matapos ang gawain, ipabasa ang natapos na pag-uulat. Paano ito isinulat? Ano-ano ang bantas na ginamit? Paano ito sinimulan? Paano isinulat ang mga pangngalan? Lugar? Pangyayari? Bagay? Paano sinimulan at tinapos ang mga pangungusap?

5. Paglalahat Ano ang natutuhan sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 78. Bigyang-puna ang natapos na sulatin ng mga bata. Ibalik ito sa kanila upang muling maisulat na isinasaalang-alang ang mga puna na ibinigay.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit nang wasto ang nito, niyan, at niyon Napapalitan o nadadagdagan ng tunog/pantig upang makabuo ng bagong salita Paksang-Aralin Gamit ng Nito, Niyan at Niyon Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Hayaang magbigay ang mga bata ng isang pangungusap gamit ang nito, niyan at niyon. isulat ang mga ito sa pisara. Ipabasa sa mga bata.

2. Paglalahad Nakatikim ka na ba ng buko pie? Ano ang lasa nito? Ipalarawan ang lasa nito sa malikhaing paraan. Ipalabas ang clay ng mga bata, at ipagawa ang kanilang sariling buko pie. Ipakita ang ginawa ng bawat isa at magbanggit ng isang pangungusap upang maibenta ito. Ipabasa ang usapan sa Alamin Natin, p. 78.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Sino-sino ang nag-uusap? Ano ang pinag-uusapan nila? Paano inilarawan ang buko pie? Ano ang sikreto sa lasa ng buko pie? Ipabasa muli ang usapan. Tumawag ng bata na gaganap at babasa ng sinabi ni Ren, Cindy at Aling Tess.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 143 

  

Ipabasa nang malakas ang mga pangungusap na ginamitan ng nito/niyan/niyon. Ano ang tinutukoy ng nito? Niyan?Niyon? Kailan ginamit ang nito? Niyan? Niyon? Balikan muli ang mga pangungusap na ibinigay sa pagsisimula ng klase. Ipabasa ang mga ito. Tama ba ang pagkakagamit ng nito? Niyan? Niyon? Paano maitatama ang maling gamit? Ipabasang muli ang mga pangungusap.

Ipabasang muli ang usapan. Ipabasa ang mga salita mula sa usapan.

bata lasa Ilang pantig mayroon sa salitang bata? Ano-ano ang pantig na bumubuo dito? Papalitan ang unang pantig ng salitang bata. Ano ang nabuo mong salita? Itala ang mga salitang ibibigay ng mga bata. Papalitan naman ang huling pantig ng salitang bata. Ano ang nabuo mong salita? Itala ang mga salitang ibibigay ng mga bata. Ipabasa ang mga salitang nabuo. Gawin ang prosesong natapos sa salitang lasa.

4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan ang Linangin Natin, p. 78. Ipabasa sa mga bata ang mga salitang kanilang nabuo.

5. Paglalahat Kailan ginagamit ang nito? Niyan? Niyon?

Ginagamit ang panghalip na nito kung malapit sa nagsasalita ang pinag- uusapan. Ginagamit ang panghalip na niyan kung malapit sa kinakausap ang pinag- uusapan. Ginagamit ang panghalip na niyon kung malayo sa nag-uusap ang pinag- uusapan.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 78

Ikaapat na Araw Layunin Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento Paksang-Aralin Wastong Wakas ng Kuwento Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ano kaya ang sumunod na nangyari matapos ang usapan nina Cindy? Paano mo nasabi?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 144 

  

2. Paglalahad Magpakita ng larawan ng isang balete. Idikit ito sa isang malaking papel. Sabihin sa mga bata na kumuha ng isang kulay ng krayola. Gamitin ito sa pagsulat ng kanilang kaalaman sa puno ng balete. Basahin ang mga isinulat ng mga bata. Kung may makitang kakaibang kaalaman, tanungin ang bata ng dahilan ng kanilang pagkakasulat ng salita. Sabihin ang pamagat ng kuwentong “Sinong Takot sa Punong Balete?” Ipabasa ang kuwento sa Alamin Natin, p. 79-80.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Bakit ayaw magbakasyon sa bahay ni Lola? Bakit pinakakinnatatakutan ang puno ng balete? Paano inilarawan ang balete? Tumawag ng ilang bata upang iguhit sa pisara ang dahilan ng pagkatakot sa puno ng balete? Ano ang sorpresa ng kaniyang lola? Ano-ano ang damdamin sa kuwento? Bakit nagbago ang damdamin ng bata sa kuwento? Ano kaya ang naging wakas ng kuwento?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 80.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 80-81.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Bigyan ng ilang minuto upang makalabas ng silid-aralan ang mga bata.

Hayaan silang magmasid sa kaniyang kapaligiran. Gabayan ang mga bata kung saan sila pupunta. (Huwag iiwan ang mga bata.)

Matapos ang inilaang oras, pabalikin na ang mga bata sa kanilang sariling upuan.

Paghandain ang mga bata ng isang maikling pag-uulat tungkol sa isang pangyayaring kanilang naobserbahan sa labas.

Pag-uulat ng bawat bata. Pamantayan sa Pagsasagawa

4 3 2 1 Pagiging Handa

Handang-handa sa pag-uulat na ginawa. Nag-ensayo nang mabuti

Kailangan pa ng ensayo upang maging maganda ang pag-uulat.

Medyo handa sa pag-uulat ngunit hindi nag-ensayo.

Walang kahandaan sa pag-uulat.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 145 

  

Talasalitaan Gumamit ng mga salitang angkop at nauunawaan ng mga tagapakinig.

Gumamit ng mga salitang angkop sa mga tagapakinig ngunit may isa hanggang dalawang salita na hindi nauunawaan ng tagapakinig.

Gumamit ng mga salitang angkop ngunit may tatlo hanggang limang salita na hindi nauunawaan ng tagapakinig.

Gumamit ng mahigit sa limang salita na hindi nauunawaan ng mga tagapakinig.

Nakatutok sa Paksa

100% na nasa paksa.

99-90% na nasa paksa.

89%-75% na nasa paksa.

Walang kaugnayan sa paksa ang iniulat.

Nilalaman Nagpakita ng lubos na pag-unawa sa paksa.

Nagpakita ng pag-unawa sa paksa.

Nagpakita ng napakaliit na pag-unawa sa paksa.

Hindi nauunawaan ang paksa.

Aralin 20 Magmahalan Tayo Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pinakinggan Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento Gramatika Nagagamit nang wasto ang nito/niyan/niyon Kamalayang Ponolohiya Napapalitan at nadadagdagan ang mga pantig upang makabuo ng bagong salita Pag-unlad ng Talasalitaan Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas Pag-unawa sa Binasa Nababago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto Estratehiya sa Pag-aaral Nabibigyang-kahulugan ang graph

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 146 

  

Paunang Pagtataya Punan ng nito, niyan, at niyon ang bawat pangungusap.

Corazon : Lily, mayroon ka na rin bang kopya _____ng kuwentong gagamitin natin sa dula-dulaan sa Huwebes?

Lily : Naku, wala pa nga. Sige, pahingi _______. Salamat.

Corazon : Walang anuman, sa uulitin. Ipabasang muli ang mga pangungusap. Tama kaya ang pagkakagamit ng nito/niyan/niyon? Unang Araw Layunin Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento Paksang-Aralin Pagbibigay ng Katumbas na Kuwento Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita ang larawan ng mga batang tumutulong sa kanilang pamayanan. Pag-usapan ang larawan. Itanong: Paano maipapakita ang pagmamahal sa sariling pamayanan? Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa papel na hugis puso. Ibahagi ang sagot sa mga kaklase.

2. Paglalahad Ikuwento sa mga bata ang kuwentong nasa baba. Gamitin ang CABLA- Kuwento. Sa paraang ito, isasakilos ng mga bata ang mga maririnig nilang salitang kilos.

Ganito Kami sa Pamayanan Sampung magkakaibigan (bigyan ng hudyat ang mga bata na magpangkat ng may tig-sampung miyembro) ang nag-usap-usap kung paano nila maipakikita ang kanilang pagmamahal sa kanilang pamayanan. Ang iba sa kanila ay nagwawalis ng bakuran. Ang iba naman ay namumulot ng basura sa tabing kalsada. Ang iba naman ay nagsabi na dapat rin pagbukod-bukurin ang mga basura. Mayroon din namang nagsabi na ilalagay na lang muna nila ang kanilang balat ng kendi sa kanilang bulsa kung walang makitang basura. Ganito sila sa kanilang pamayanan. Sa inyo ganito rin ba?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano ang pinag-usapan ng magkakaibigan? Ano-ano ang ginawa ng magkakaibigan upang maipakita ang pagmamahal sa kanilang pamayanan? Tama ba ang ginawa nila? Dapat ba silang tularan?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 147 

  

Ano ang iniwang katanungan sa atin? Pasagutan ito sa mga bata. Hayaang ibahagi ng mga bata ang ginagawa rin nilang pagtulong sa kanilang pamayanan. Kung hindi mo ba ito ginagawa, ibig bang sabihin ay hindi mo mahal ang iyong pamayanan?

4. Pagpapayamang Gawain Hayaang iguhit ng mga bata ang mga kaya pa nilang gawin upang maipakita ang pagmamahal sa pamayanan. Ipabahagi ang iginuhit sa mga kaklase. Hayaang ikuwento nila sa tatlo hanggang limang pangungusap ang nilalaman ng kanilang iginuhit.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Pagpangkat-pangkatin ang klase. Hayaang humanap ang bawat pangkat ng mga larawan sa lumang diyaryo o magasin na nagpapakita ng pagmamahal sa pamayanan. Gawin itong collage. Ipakita ang ginawa ng pangkat at hayaang ikuwento ng bata ang nasa larawan.

Ikalawang Araw Layunin Napapalitan at nadadagdagan ang mga pantig upang makabuo ng bagong salita Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas Paksang-Aralin Pagbubuo ng Bagong Salita Salitang Iisa ang Baybay Ngunit Magkaiba ang Bigkas Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipabuo ang puzzle na ibibigay. Matapos ang ilang minuto, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang nabuong puzzle. Ipasulat ang ngalan ng nabuong larawan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 148 

  

Ipabasa ang ngalan ng bawat larawan. Itanong: Ano ang napansin ninyo sa mga binasang salita?

2. Paglalahad Basahin nang malakas ang tula sa mga bata. Pasundan ito sa mga bata sa pamamagitan ng pagbasa nang tahimik ng kopya nito sa Alamin Natin, p 81- 82.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Sino ang mag-ina sa tula? Ano ang pinagkakakitaan ng mag-anak? Paano dinala ni Nanay ang kaniyang paninda sa palengke? Saan nakatira ang mag-anak? Paano mo nasabi ito? Ipabasang muli nang malakas ang tula. Anong kaugalian ang ipinakita sa tula? Paano mo ito matutularan? Ipabasang muli ang tula. Ipabasa at ipatala ang mga salitang naka-bold ang sulat. Itanong: Ano ang napansin sa bawat pares ng mga salita? Ano ang nangyari nang palitan ang pantig ng bawat salita? Ano ang mabubuo kung papalitan ang unahan/hulihang pantig ng mga salita sa bawat pares na itinala mula sa tula? Ipabasa ang pangungusap sa mga bata.

Tila matagal pa ang pagtila ng ulan. Ano ang napansin sa mga salita sa pangungusap? May mga salita ba na magkatulad ng baybay? Ano-ano ito? Ano ang kahulugan ng unang tila? Pangalawang tila? Hayaang magbigay ang mga bata ng salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba

ang bigkas na ginamit sa tula. 4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 82. Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang natapos na gawain. Tama ba ang mga salitang isinulat sa banderitas? Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 82-83.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 149 

  

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit nang wasto ang nito/niyan/niyon Paksang-Aralin Wastong Gamit ng Nito/Niyan/Niyon Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Tingnan ang larawan. Gamitin ang nito, niyan o niyon upang makabuo ng isang pangungusap na palagay mo ay sinabi ng babae.

2. Paglalahad Pagawain ang mga bata ng bangkang papel. Palagyan ito ng disenyo. Bigyan ng ilang minuto ang mga bata upang makapaglaro ng paligsahan ng mga bangkang papel. Matapos ang paligsahan, ano ang naramdaman mo? Ipabasa sa mga bata ang usapan sa Alamin Natin, p. 83-84.

3. Pagtalakay at Paglalarawan Itanong: Saan nagkakayayaan ang magkakaibigan? Ano ang ginawa nila? Ano-ano ang damdamin sa maikling kuwento? Paano ito ipinakita? Ano ang katangian ng magkakaibigan? Dapat ba silang tularan? Bakit? Ano ang pinagtakhan nila? Kanino nga kaya ang makulay na bangkang papel?

Basahin ang pangungusap sa unang larawan. Itanong: Ano ang itinuturo ng bata? Saan ito naroon? Anong salita ang ginamit upang ituro ang kinaroroonan ng tinutukoy na bagay? (Gawin ito hanggang sa mapag-usapan ang ikatlong larawan.) Kailan ginagamit ang nito? Niyan? Niyon?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 150 

  

4. Pagpapayaman ng Gawain Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang sinasabi sa Linangin Natin p. 82.

5. Paglalahat Kailan ginagamit ang nito? Niyan? Niyon?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 83.

Ikaapat na Araw Layunin Nababago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto Nabibigyang-kahulugan ang pictograph Paksang-Aralin Pagbibigay-Kahulugan sa Pictograph Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Itanong: Ano ang mga hilig ninyong laro? Bakit? Bigyan ng pagkakataon ang mga bata upang ipaliwanag ang kanilang sagot.

2. Paglalahad Itanong: Dapat bang maglaro ang mga bata? Pangatwiranan ang sagot. Bigyan ng pagkakataon na magbahagi ang mga bata ng kanilang sagot. Ipabasa ang maikling teksto sa Alamin Natin, p. 84.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Tungkol saan ang binasa? Ano-ano ang larong nabanggit sa seleksiyon? Bukod sa mga nabanggit, ano pang ibang laro ang inyong alam? Itala sa table ang sagot ng mga bata. Itanong kung ilan ang naglalaro ng mga binanggit na larong Pinoy. Ipaalala na pipili lamang ng isang laro. Gamit ang mga sagot ng bata, gumawa ng isang graph (maaaring bar graph o pictograph). Ipaliwanag din ang ilang bahagi ng graph tulad ng pamagat, label at legend. Itanong: Ano-ano ang larong Pinoy na nilalaro ng klase? Aling laro ang mas gusto ng mga lalaki? Mga babae? Aling laro ang hindi masyadong gusto ng mga lalaki? Mga babae? Ilan lahat ang mga bata sa klase?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa sa mga bata ang Linangin Natin, p. 85

5. Paglalahat Ano ang pictograph? Ang pictograph ay isang paraan ng paglalahad ng mahahalagang impormasyon o tala tungkol sa isang ulat sa pamamagitan ng larawan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 151 

  

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 86.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Sumulat ng isang pangungusap sa bawat larawan gamit ang nito, niyan, at niyon. Pumili ng isang pares ng salita na iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas at gamitin sa sariling pangungusap.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 152 

  

Suriin ang pictograph. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Paaralan Bilang ng Mag-aaral

Babae Lalaki

Paaralang Elementarya ng Magtalas

Sinukuan ES

Paaralang Elementarya ng Pinagpala

Paaralang Elementarya ng Itinalaga

1. Anong paaralan ang may pinakamataas na bilang ng mag-aaral? 2. Ano naman ang may pinakamababa? 3. Sa iyong palagay, may epekto ba ang bilang ng mag-aaral sa husay ng

paaralan? Patunayan ang iyong sagot sa tatlong pangungusap.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 153 

  

Talaan ng Espesipikasyon sa Filipino 3 Ikalawang Markahan

Mga Layunin

Bilang ng

Araw

Bilang

ng Aytem

Antas ng Pagtatasa Kaalaman Proseso/

Kakayahan Pang-unawa

Produkto/ Pagganap

Kinalalagyan ng Bilang

KAALAMAN

Pag-unawa sa Napakinggan

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tula/kuwento

2 2 2

Wikang Binibigkas

Nagagamit ang magagalang na pananalita sa angkop na sitwasyon sa pagpapaliwanag

1 1 1 3

Gramatika

Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao

1 1 1 4

Kamalayang Ponolohiya

Natutukoy ang mga salitang magkakatugma

1 1 1 5

Napapantig nang pabigkas ang mga salita

1 1 1 6

PROSESO/KAKAYAHAN

Pag-unawa sa Napakinggan

Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa sa napakinggang teksto

1 1 1 7

Gramatika

Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao

3 3 3 8-10

Kamalayang Ponolohiya

Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita

1 1 1 11

Pag-unlad ng Talasalitaan

Nagagamit ang mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng kasignkahulugan at kasalungat na mga salita

2 2 2 12-13

Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng magkasingkahulugan at magkasalungat na salita

1 1 1 14

1-2

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 154 

  

Mga Layunin

Bilang

ng Araw

Bilang

ng Aytem

Antas ng Pagtatasa Kaalaman Proseso/

Kakayahan Pang-unawa

Produkto/ Pagganap

Kinalalagyan ng Bilang

Pag-unawa sa Binasa

Nailalarawan ang mga bahagi ng kuwento

1 1 1 15

Naisasalaysay muli nang may wastong pagkakasunod-sunod ang napakinggang kuwento sa pamamagitan ng pamatnubay na tanong

1 1 1 16

Pag-unawa

Gramatika

Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa tao, bagay, at lugar sa paligid

2 2 2 17-18

Kaalaman sa Limbag

Nahuhulaan ang nilalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pagtingin sa mga larawan

1 1 1 19

Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho at pagkakaiba

1 1 1 20

Pag-unawa sa Binasa

Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan

1 1 1 21

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa

2 2 2 22-23

Pagsulat at Pagbabaybay

Nagagamit ang malaki at maliit na letra, at ang wastong bantas sa pagsulat ng salita, parirala, at pangungusap

1 1 1 24

Estratehiya sa Pag-aaral

Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian

1 1 1 25

Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon

1 1 1 26

Komposisyon

Nasisipi nang wasto ang parirala at pangungusap

1 1 1 27

Nakasusulat gamit ang wastong bantas, malaki at maliit na letra sa pagsulat ng pangungusap

1 1 1 28

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 155 

  

Mga Layunin

Bilang

ng Araw

Bilang

ng Aytem

Antas ng Pagtatasa Kaalaman Proseso/

Kakayahan Pang-unawa

Produkto/ Pagganap

Kinalalagyan ng Bilang

PRODUKTO/PAGGANAP 29-40

Pag-unawa sa Napakinggan

Naiguguhit o naibibigay ang mensahe ng napakinggang teksto

2 2 2

Nakasusunod sa mga panutong may 2-3 hakbang

1 1 1

Naisasakilos ang tulang napakinggan

Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase sa pagbibigay ng pangunahing ideya ng tulang napakinggan

Wikang Binibigkas

Naisasagawa nang maayos ang pagpapakilala ng ibang tao

Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa pamayanan

1 1 1

Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagpapaliwanag

1 1 1

Palabigkasan at Pagkilala sa Salita

Nababasa ang mga salitang may klaster

2 2 2

Pag-unawa sa Binasa

Nakasusunod sa nakasulat na panuto

1 1 1

Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod sa tulong ng pamatnubay na tanong

Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento

1 1 1

Nagbabago ang dating kaalaman base sa natuklasang kaalaman at binasang teksto

1 1 1

Pagsulat at Pagbabaybay

Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin

2 2 2

Estratehiya sa Pag-aaral

Nabibigyang-kahulugan ang graph

KABUUAN 40 40 6 10 12 12

 

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 156 

  

FILIPINO 3 IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang letra ng napili mong sagot.

Ang Aming Pamayanan Dolorosa S. de Castro

Halina’t ating balikan, malinis na kapaligiran.

Sagisag ng kaunlaran nitong ating inang bayan. Dito matatagpuan, bayang sinilangan,

Ng bayaning Dr. Jose Rizal ang ngalan.

Mga kaminero, pulis pantrapiko, arkitekto, Inhinyero at mga gurong dedikado

Patuloy na sumusuporta at nangangalaga Makamit lamang kaunlarang ninanasa.

Di pahuhuli mga kapitalista, mangingisda,

magsasaka at iba pang manggagawa Ang dito’y makikitang nakikiisa

Sa pagtataguyod ng bayang sinisinta.

1. Anong lugar ang tinutukoy sa tula?

A. Calamba, Laguna C. Luneta B. Dapitan, Zamboanga D. Tanauan

2. Ano ang kaugaliang ipinakikita sa ikatlong saknong upang maitaguyod ang bayang sinisinta? A. pagsunod C. pakikiisa B. pagsuporta D. pangangalaga

3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magalang na pagpapahayag ng kaisipan? A. Sino ka para sabihing dapat nating igalang ang paniniwala o prinsipyo ng

bawat tao? B. Masakit mang isipin subalit tama ba na igalang ang paniniwala o prinsipyo

ng bawat tao? C. Ano ba ang dahilan at kailangan nating igalang ang paniniwala o prinsipyo

ng bawat tao? D. Dapat nating igalang ang prinsipyo o paniniwala ng bawat tao upang

mapanatili ang kapayapaan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 157 

  

4. Ang mga kaminero ay sumusuporta sa pagpapaunlad ng bansa. ____ rin ay nangangalaga sa kalikasan. A. Kami B. Nila C. Sila D. Tayo

5. Sa ikalawang saknong, ano-ano ang salitang magkasintunog?

A. arkitekto- sumusuporta C. nangangalaga-ninanasa B. kaminero-inhinyero D. dedikado-pantrapiko

6. Ilang pantig mayroon ang salitang kapaligiran?

A. apat C. lima B. dalawa D. Tatlo

Basahin ang kuwento upang masagutan ang mga inihandang tanong tungkol dito.

Palaruan sa Liwasang-Bayan Dolorosa S. de Castro

“Ang palaruang ito ay atin. Ipinagawa ito hindi para lamang sa ating

kabataan kundi sa lahat upang may mapuntahan at makapaglibang nang libre. Ang hiling ko lamang sa inyo ay pakaingatan at alagaan ito,” wika ng Punong-Lungsod ng Agoncillo nang pasinayaan ang bagong liwasang-bayan sa kanilang lugar.

Tuwang-tuwa ang magkakaibigan na sina Anton, Jemar, Luisa at Angeline sa kanilang narinig. Sa wakas may palaruan na rin sa kanilang lugar. Hindi na sila tatambay sa mall na nasa kabilang bayan upang magpalipas ng oras.

“Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan namin ito,” ang kanilang nasambit nang makalapit sila sa Punong-Lungsod at makakamay sa kaniya.

7. Bakit nagpasalamat ang magkakaibigan sa Punong Lungsod?

A. may bagong palaruan sa kanilang bayan B. dumalo ang Punong Lungsod sa okasyon sa kanilang lugar C. may inilaang pondo ang pamahalaan para sa kabataan D. namigay siya ng tiket para sa libreng sine sa mall na malapit sa

kanilang lugar 8. Nagpunta ang magkakaibigang Anton, Jemar, Luisa at Angeline sa

liwasang-bayan. Natuwa ____ sa sinabi ng Punong-Lungsod. Anong salita ang angkop na ilagay sa patlang? A. kami B. sila C. sina D. tayo

9. Nanguna ang Punong-Lungsod sa pagpapasinaya ng bagong palaruan. Nagbigay _____ ng mensahe para sa lahat na ingatan ang palaruang para sa lahat. A. kami B. sila C. siya D. tayo

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 158 

  

10. “Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan naming ito.” Ano ang tinutukoy ng ito sa sinabi ng mga bata kay Mayor?

A. Liwasang-Bayan C. mall B. libreng laruan D. palaruan

11. Kapag pinalitan ang huling pantig ng salitang libre, ano ang bagong salitang mabubuo?

A. libri B. libro C. libru D. liblib 12. Nasaksihan ng magkakaibigan ang pagpapasinaya ng bagong palaruan.

Ano ang kasingkahulugan ng may salungguhit na salita. A. nabalitaan B. nalaman C. napanood D. napansin

13. Anong salita ang kasingkahulugan ng ingatan? A. alagaan C. makapaglibang B. makakamay D. mapuntahan

14. Ang magandang palaruan sa liwasang-bayan ay dating isang lugar na pangit sa paningin. Ano ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap na ito? A. liwasan-bayan C. maganda- pangit B. lugar-palaruan D. palaruan-liwasan

15. Alin sa sumusunod ang huling pangyayari sa kuwentong “Palaruan sa Liwasang Bayan?” A. Nagpasalamat ang magkakaibigan. B. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod. C. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan. D. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.

16. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa?

1. Nagpasalamat ang magkakaibigan. 2. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod. 3. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan. 4. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.

A. 3-1-4-2 B. 1-2-3-4 C. 3-1-2-4 D. 3-2-4-1 Basahin upang masagot ang mga tanong tungkol dito.

Ang Nawawalang Patak ng Tubig   Maagang nagising si Lilibeth upang maligo at tulungan ang kaniyang nanay sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke. Maaga rin ang kaniyang Kuya na tumutulong sa kanilang ama sa paglalagay ng mga paninda sa lumang jeep na nakaparada sa may tarangkahan. Pagpasok ni Lilibeth sa kanilang paliguan, “Tubig! Tubig! Wala na namang pumapatak sa gripo.” Sabay labas sa kanilang kusina. Dala ang timba, unti-unti siyang naghakot ng tubig mula sa dram ng tubig na inipon ng kaniyang nanay nang nagdaang gabi. “Talaga nga yatang nararamdaman na natin ang epekto ng pagkasira ng ating kapaligran. Bihira nang umulan kaya nagkukulang na ang tubig. Kailangan na nating bumili pa ng ilan pang ipunan ng tubig,” ang narinig niyang sabi ng kaniyang Tatay.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 159 

  

17. Ano ang gagawin ng mag-anak upang hindi maghirap sa kawalan ng tubig sa gripo? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

18. Sumasang-ayon ka ba sinabi ng Tatay sa kuwento? Suportahan ang iyong kasagutan.

19. Sumulat ng isang pangungusap na nagsasabi ng epekto ng mga gawain na ipinapakita ng sumusunod na larawan mula sa isang aklat.

20. Muling balikan ang mga kuwentong binasa sa pagsusulit na ito. Ibigay

ang hinihiling na impormasyon ng talaan na nasa ibaba. Pamagat Tauhan Tagpuan

21. Ano ang naramdaman mo matapos mong mabasa ang kuwento?

Bigyang-katwiran ang sagot.

22. Bakit naghakot ng tubig si Lilibeth?

23. Ano ang gagawin mo upang makatulong sa paglutas ng suliranin na ipinakita sa kuwentong “Ang Nawawalang Patak ng Tubig.”

24. Isulat nang wasto ang pangngusap. ang pag-abuso sa kalikasan ang nagiging sanhi ng ating kapahamakan

25. Nais mong malaman ang epekto ng climate change. Anong sanggunian ang gagamitin mo?

26. Hindi maunawaan ni Mark ang salitang climate change. Anong bahagi ng aklat niya makikita ang kahulugan nito?

27. Sipiin ang pangungusap. Tumulong si Lilibeth sa kaniyang nanay sap ag-iipon ng tubig sa kanilang bagong biling dram.

28. Sumulat ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol sa pangangalaga sa ating kalikasan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 160 

  

Susi ng Pagwawasto

1. A 2. B 3. D 4. C 5. B 6. C 7. A 8. B 9. C 10. D 11. B 12. C 13. A 14. C 15. A 16. D 17. Mag-iipon ng tubig sa dram at magtitipid sa paggamit nito. 18. (depende sa sagot ng mga bata) 19. Ang kalbong kagubatan ay nagdudulot ng baha sa pamayanan. 20.

PAMAGAT TAUHAN TAGPUAN Palaruan sa Liwasang Bayan

Anton, Jemar, Luisa at Angeline

liwasang bayan

Nawawalang Patak ng Tubig

Mark, Lilibeth, Nanay at Tatay

sa bahay nina Lilibeth

21. (depende sa sagot ng mga bata) 22. Walang pumapatak na tubig sa gripo. 23. (depende sa sagot ng mga bata) 24. (depende sa sagot ng mga bata) 25. Encyclopedia 26. Glossary o talahuganan 27. (depende sa sagot ng mga bata) 28. (depende sa sagot ng mga bata)

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 161 

  

Gawain sa Pagganap Layunin Makapagbigay ng sariling wakas sa binasang kuwento Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral

Babasahin ng bawat lider ng pangkat ang kuwento na nakasulat sa isang papel. Pag-uusapan ng bawat pangkat ang nais nilang maging wakas ng napakinggang kuwento. Matapos ang limang minute, maghahanda ang bawat pangkat ng isang dula-dulaan tungkol sa napagkasunduang wakas ng kuwento. Kalagayan

Magbibigay ang mga mag-aaral ng sariling wakas sa napakinggang kuwento. Pagkakasunduan sa pangkat ang isang wakas na napili ng pangkat upang isadula. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na rubric. Bunga

Maikling dula-dulaan ng sariling wakas ng napakinggang kuwento .

Pamantayan sa Pagsasagawa

4 3 2 1Malinaw at malakas ang boses. Nagampanan at naipakita nang maayos ang mga dapat gampanan ng mga tauhan sa pagtatanghal.

Malinaw na naipakita ang sariling wakas sa napakinggang kuwento. Nakuha at napanatili ang interes ng mga manonood.

Kamang Puti

Nagmamadaling umuwi si Andrew sa kanilang bahay upang sabihin sa kaniyang tatay ang isang magandang balita. Hindi niya tuloy napansin ang isang mabilis at paparating na sasakyan. Nasa isang puting kuwarto na nang siya ay magising. Nakahiga sa isang kamang puti at may kumot pang puti sa kaniyang katawan. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at naaninag ang isang babaeng nakaputi rin ng suot. Kukulbitin na niya ang babaeng nakaputi nang biglang pumasok ang pawisan at takot na takot niyang tatay. “Tatay, nasa langit na ba ako?” “Naku hindi. Naandito ka sa ospital.” Lumapit ang nars kay Andrew at iniabot ang isang maliit na kahon. Binuksan niya ito at kinuha ang laman. “Tatay, para sa iyo ang medalyang ito. Nanalo po ako sa paligsahan sa pagguhit.” Hindi napigilan ni Mang Ramon ang kaniyang luha at napayakap siya nang mahigpit sa kaniyang anak na nakahiga pa rin sa kamang puti.  

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 162  

 

Aralin 21 Kilalanin Natin Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan

Nagagamit ang dating kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto Gramatika

Nagagamit ang angkop na salita sa pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar, at pangyayari

Kamalayang Ponolohiya Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma Pag-unlad ng Talasalitaan Nagagamit ang mga salitang kasingkahulugan at kasalungat sa pagbibigay ng

kahulugan ng isang salita Pag-unawa sa Binasa Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan Pagsulat at Pagbabaybay Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata Paunang Pagtataya Palakihin ang mga larawan sa ibaba. (Maaari rin namang gumamit ng ibang larawan.) Ipakita sa mga bata ang mga larawan. Pagawain ang mga bata ng tanong tungkol sa bawat larawan. Ipabasa ang ginawang mga tanong sa mga bata. Isulat ito sa pisara. Tumawag ng batang sasagot sa mga ibinigay na tanong. Isulat din ang sagot sa tapat ng bawat tanong. Unang Araw Layunin Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto Nasasagot ang mga tanong ukol sa tekstong napakinggan Paksang-Aralin Pagbibigay ng Detalye ng Napakinggang Teksto Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipalaro ang “Ang Bangka ay Lumulubog.”

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 163  

 

Magbigay ng ilang mga kategorya na magiging batayan ng pagsasama-sama ng mga bata. Ihuli ang pagsasama-sama ayon sa buwan ng kanilang kaarawan.

2. Paglalahad Ano ang gusto mo sa susunod mong kaarawan? Basahin nang malakas sa mga bata. Pasagutan sa mga bata ang tanong matapos ang bawat linya ng kuwento. Tatlo… Walo… (Tungkol kaya saan ang kuwento?)

X… X… X… X… X…X… (Para saan ang X?) Isa, dalawa, tatlo… ( Ano kaya ang binibilang niya?) Pagkagising sa umaga, unang pupuntahan ni Jenny ang isang kalendaryo na malapit sa pintuan ng kanilang kuwarto. Kukunin ang pulang krayola at magsusulat ng isang malaking ekis. (Bakit niya sinusulatan ng X ang kalendaryo?) Bibilang ng isa… dalawa… tatlo… (Bakit kaya siya nagbibilang?) Dumating ang ikatlong araw. Wala nang susulatan. (Bakit wala nang susulatan?) Wala nang bibilangin. (Bakit wala nang bibilangin?) Dali-daling lumabas si Jenny sa kaniyang kuwarto. Wala si Tatay. Wala rin si Nanay. Wala si Ate. Wala si Kuya. (Nasaan kaya sila?) Isa.. dalawa… tatlo.. biglang pumatak ang kaniyang mga luha. Nang biglang, (Ano kaya ang nangyari?) “Maligayang Kaarawan, Jenny!” Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo. (Alin ang walo?) Walong kandila ang kaniyang hinipan. Walong halik. Walong yakap mula kay Tatay, Nanay, Ate, Kuya, Lola, Lolo, Tiyo at Tiya. Walong ensaymada na kanilang pinagsaluhan. (Ano ang okasyon?) Salamat Tatay. Salamat Nanay.

Salamat Ate. Salamat Kuya. Salamat Lola. Salamat Lolo.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano-ano ang nangyari bago sumapit ang kaarawan ni Jenny? Sa araw ng kaniyang kaarawan? Pangkat-pangkatin ang klase sa dalawa. Ipagawa sa bawat pangkat ang “Buhay na Larawan.” Tawagin ang unang pangkat. Kapag sinabi ng guro na action ang mga bata sa unang pangkat ay magpapakitang- kilos ng mga nangyari bago dumating ang kaarawan ni Jenny.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 164  

 

Kapag sinabi ang cut hihinto ang mga bata at ipi-freeze ang katawan sa kilos na huling isinagawa. Itanong : Ano-ano ang nangyari? Ipagawa naman sa susunod na pangkat ang mga nangyari sa araw ng kaarawan ni Jenny. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat. Anong pag-uugali mayroon si Jenny? Dapat ba siyang tularan? Bakit? Paano ka magiging Jenny sa bahay? Sa paaralan? Sa pamayanan?

4. Pagpapayamang Gawain Ipaguhit sa mga bata ang isang hindi malilimutang pagdiriwang ng kanilang kaarawan. Ipagawa ito sa isang malinis na papel. Magpasulat ng dalawang pangungusap tungkol dito.

5. Paglalahat Itanong: Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Magpaguhit ng isang cake sa mga bata. Lagyan ito ng disenyong nais para sa susunod na pagdiriwang ng kanilang kaarawan.

Ikalawang Araw Layunin Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma Nagagamit ang mga salitang kasingkahulugan at kasalungat sa pagbibigay-kahulugan sa isang salita Paksang-Aralin Salitang Magkakatugma Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita

Ihanda ang mga larawan sa ibaba at ipakita sa mga bata. Tukuyin nila ang ngalan ng bawat isa. Pagsamahin ang mga larawan na magkakatugma. Magbigay ng isang pangungusap tungkol sa bawat larawan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 165  

 

(Dagdagan pa ang mga larawan, lalo na kung makikita na marami pang bata ang may maling kasagutan.)

2. Paglalahad Ilarawan ang isa sa mga kaibigan mo. Taglay mo ba ang katangian ng isang Pilipino? Pasagutan ang tseklist na ito. Lagi Minsan Hindi

kailanman 1. Nagpapasalamat ako araw-

araw sa Maykapal.

2. Ipinaghahanda ko ng miryenda ang mga nagiging panauhin sa aming bahay.

3. Tinutulungan ko ang aking mga magulang at mga kapatid sa mga gawain sa bahay.

4. Iginagalang ko ang mga nakatatanda sa akin.

Talakayin ang sagot ng mga bata sa bawat criterion. 3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa Basahin nang malakas ang “ Si Linong Pilipino” sa Alamin Natin, p. 87.

Pasundan ito nang tahimik na pagbasa sa mga bata. Itanong: Sino ang inilalarawan sa tula? Paano siya inilarawan? Ano-ano ang bilin ng kaniyang mga magulang? Paano niya pinagmamalaki na siya ay Pilipino? Ipabasang muli ang tula.

Ano-ano ang katangian ng isang Pilipino? Itala ang mga sagot ng bata. Itanong: Taglay mo ba ang mga katangiang ito? Paano mo maipagmamalaki na ikaw ay isang Pilipino? Ipabasang muli nang malakas ang tula. Basahin ang mga salitang magkakatugma na ginamit sa tula. Paano sila naging magkatugma? Ipabasa muli sa mga bata ang mga salitang magkakatugma. Papiliin ng isang pares ng salita ang mga bata.

Hayaang magbigay sila ng mga salitang katugma ng napili.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 166  

 

Ipasuri ang mga pangungusap. Kayumanggi si Lino. Hindi siya kaputian sa pamilya. Isa siyang Pilipino. Nakatira siya sa Pilipinas.

Itanong: Ano-ano ang salitang may salungguhit? Ano ang ibig sabihin ng kayumanggi? Ng Pilipino? Saan mo nakuha ang kahulugan ng mga salitang ito? Ano ang salita o mga salita sa kasunod na pangungusap na nagsasabi ng kahulugan ng kayumanggi? Pilipino? Kasalungat ba ito o kasingkahulugan?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p.88. Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang sagot. Talakayin kung tama o mali ang kanilang kasagutan.

5. Paglalahat Itanong: Kailan nagiging magkatugma ang mga salita? Magkatugma ang mga salita kung magkapareho ng huling tunog.

6. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang Pagyamanin Natin, LM p 88. Magsagawa ng isang gallery walk upang makita ang mga natapos na gawain ng kaklase. Pabigyang-puna ang mga natapos na trabaho ng kaklase. Pag-usapan ang mga salitang nakasulat sa bawat kulay ng bahaghari. Kung kaya pa ng oras, pag-usapan kung bakit may bahaghari.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa tao, bagay, lugar, at pangyayari Paksang-Aralin Pagtatanong Tungkol sa Tao, Bagay, Lugar at Pangyayari Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipabasang muli ang tula sa Alamin Natin sa p. 87. Hayaang gumawa ang mga bata ng ilang tanong tungkol sa binasa. Ipabasa at ipasulat sa mga bata ang kanilang ginawang tanong sa pisara.

2. Paglalahad Itanong: Sino-sino ang Pilipino? Ipakita ang ilang larawan ng mga Pilipino. Tukuyin kung sino ang nasa larawan. (Pangkat-etniko) Saan sila nakatira? Ituturo sa mapa kung saan nakatira ang tinukoy na Pilipino.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang talata na “Pilipino Sila” sa Alamin Natin, p. 88.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 167  

 

Pangkatin ang klase. Pasagutan ang sumusunod na tanong:

- Ano ang pangkat-etniko? - Saan-saan makikita ang pangkat-etniko? - Sino-sino ang pangkat-etniko? - Ano-ano ang pagkakatulad nila? - Ano ang mga pagkakaiba-iba nila?

Pag-uulat ng bawat pangkat sa kanilang sagot sa bawat tanong. Isulat sa pisara ang sagot sa bawat tanong. Paano mo ipakikita ang pagpapahalaga sa mga pangkat-etniko? Dapat ba silang ikahiya? Bakit? Saang pangkat ka kabilang? Paano mo ipagmamalaki ang pagiging Pilipino? Balikan ang mga tanong at sagot sa naunang gawain. Paano isinusulat ang tanong? Ano ang tinutukoy ng tanong na ano? Saan? Sino? Kailan ginagamit ang ano-ano? Sino-sino? Saan-saan? Ipabasang muli ang mga tanong at sagot na ginawa sa bahaging paglalahad. Tama ba ang mga sagot sa bawat tanong?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 89. Ipabasa sa mga bata ang mga tanong na isinulat. Itanong: Tama ba ang mga ginawang tanong? Kung mali, paano natin ito iwawasto?

5. Paglalahat Kailan ginagamit ang ano? Sino? Saan? Kailan? Ginagamit ang sino kung ang itinatanong ay ngalan ng tao. Ginagamit ang ano kung ang itinatanong ay bagay, hayop at pangyayari. Ginagamit ang saan kung ang itinatanong ay lugar. Ginagamit ang kailan kung ang itinatanong ay panahon.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 89. Ipabasa ang mga tanong na isinulat. Pag-usapan kung tama ang mga tanong na ginawa ng mga batang nagbasa ng kanilang isinulat.

Ikaapat na Araw Layunin Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata Paksang-Aralin Pagsipi ng Talata Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap tungkol sa natutuhan nila sa “Pilipino Sila.” Ipasulat ito sa show-me-board.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 168  

 

Ipataas sa mga bata ang natapos na pangungusap. Umikot upang tingnan kung sino ang tama at sino ang mali ang pagkakasulat. Tumawag ng ilang bata upang isulat ang kanilang pangungusap sa pisara. (Huwag iwawasto ang mga nakitang mali ang pagkakasulat)

2. Paglalahad Ipabasang muli ang “ Pilipino Sila, p. 88.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano ang bumubuo sa isang talata? Paano isinulat ang simula ng pangungusap? Paano ito tinapos? Ilang talata mayroon sa binasang teksto? Paano isinulat ang bawat talata? Ano-anong bantas ang ginamit? Ano-ano pa ang dapat tandaaan sa pagsulat ng isang talata? (Margin)

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 90. Matapos ang inilaang oras, ipasuri sa mga bata ang natapos na sulatin. Ipagamit ang rubric sa pagsusuri ng natapos na gawain.

1 2 3 4 Hindi nakapasok ang simulang pangungusap.

Hindi nakapasok ang simulang pangungusap.

Nakapasok ang simulang pangungusap.

Nakapasok ang simulang pangungusap.

Maraming mali sa pagkakabaybay ng mga salita.

May 3- 4 salita na mali ang pagkakabaybay.

May 1-2 salita na mali ang pagkakabaybay.

Walang mali sa pagkakabaybay.

Maraming mali sa paggamit ng malaking letra.

May 3- 4 salita na mali ang paggamit ng malaking letra.

May 1-2 salita na mali ang paggamit ng malaking letra.

Walang mali sa pagkakagamit ng malaking letra.

Maraming mali sa pagkakagamit ng bantas.

May 3- 4 na pangungusap na mali ang pagkakagamit ng bantas.

May 1-2 na pangungusap na mali ang pagkakagamit ng bantas.

Walang mali sa pagkakaganit ng bantas.

Ipapasa ang sulatin ng mga bata, at pagkaraan, bigyang-puna ang mga ito. 5. Paglalahat

Itanong: Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng isang talata? Inaasahang sagot: Sa pagsipi ng talata, dapat na tandaan ang sumusunod: - tamang pagkakabaybay ng mga salita - wastong pagkakalagay ng mga bantas - nakapasok ang unang pangungusap ng talata - sapat na layo ng mga salita sa isa’t isa

- pantay na pagkakasulat

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 169  

 

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 90.

Ikalimang Araw Panligguhang Pagtataya

Mula sa mga nabasang talata sa LM, papiliin ang mga bata ng isang talata na may mga salitang magkatugma. Ipasipi ito sa malinis na papel.

Bilugan at pag-ugnayin ang mga salitang magkakatugma. Ipagamit muli ang rubric sa pagsusuri ng siniping talata. Hayaang magpalitan ang

mga bata ng kanilang papel para sa gawaing ito. Ipawasto sa mga bata ang mga nakitang pagkakamali sa kanilang sulatin.

Bigyan ng puna ang ipapasang sulatin ng mga bata upang maisulat muli ito.

Aralin 22 Pangalagaan Natin

Mga Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang Gramatika

Nagagamit ang angkop na pagtatanong gamit ang ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano, sino-sino

Pag-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong nagbibigay-paliwanag Pagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Komposisyon Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan Paunang Pagtataya Ipakita ang larawan. Pagawain ang mga bata ng dalawa hanggang tatlong tanong tungkol dito.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 170  

 

Matapos ang inilaang oras, ipabasa sa mga bata ang ginawang tanong. Tumawag ng ibang bata na sasagot sa bawat tanong na binasa. Unang Araw Layunin Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang Paksang-Aralin Pagsunod sa Panutong may Tatlo hanggang Apat na Hakbang Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipaturo ang kaliwang kamay ng mga bata sa kaliwang bahagi ng silid-aralan. Itanong: Ano ang nasa kaliwa ninyo? Ipaturo naman ang kanang kamay ng mga bata sa kanang bahagi ng silid-aralan. Itanong: Ano ang nasa kanan mo?

2. Paglalahad Pangkat-pangkatin ang klase. Ipaguhit sa bawat pangkat ang mapa ng sariling silid-aralan. (Ipagawa ito sa manila paper o sa isang malaking papel.)

3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga Gamit ang mapang natapos gawin, ipagawa sa bawat pangkat ang sumusunod: - Lagyan ng tsek (/) ang pintuan. Kulayan ng berde ang pintuang may nakasulat

na seksyon ng klase. - Lagyan ng palaso ( ) ang bintana. Guhitan ito ng kurtinang kulay berde. - Lagyan ng dalawang guhit ang mesa ng mga bata. Bilugan at isulat ang ngalan

ng guro sa isang mesang kulay dilaw. - Lagyan ng dalawang guhit na pahilis ang pisara. Isulat din dito ang ngalan ng

paaralan. Bigyan ng pagkakataon na ipakita ng bawat pangkat ang mga natapos na gawain. Tumawag ng ilang volunteer upang magwasto ng mga sagot ng bawat pangkat. (Tiyakin na ang magwawasto sa isang gawain ay hindi kabilang sa pangkat na nagpakita ng gawa.) Banggiting muli nang isa-isa ang mga panutong ibinigay. Itanong: Tama ba ang sagot ng bawat pangkat? (Bigyan ng isang puntos ang bawat tamang sagot.) (Gawin ang proseso hanggang sa matapos lahat ang mga panutong ibinigay.) (Ang may pinakamaraming puntos ang mananalo.) Nagawa ba nang maayos ng bawat pangkat ang mga panutong ibinigay? Bakit oo? Bakit hindi? Ano ang ginawa ng pangkat upang maayos at wastong masunod ang mga napakinggang panuto? Paano natin pangangalagaan ang ating silid-aralan?

4. Pagpapayamang Gawain Itanong : Paano ba natin pangangalagaan ang mga ilog sa ating kapaligiran? Bigyan ng kopya ng larawan ang bawat pangkat. O kaya naman ay magpaguhit ng limang puno sa isang malinis na papel.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 171  

 

1.

Basahin nang malakas ang panuto. Ulitin nang dalawang beses upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang dapat gawin. Maglaan ng ilang minuto para maisagawa nila ang binanggit na panuto bago ibigay ang susunod. 1. Gumuhit ng isang parisukat. Isulat dito na BAWAL MAGTAPON NG

BASURA. 2. Lagyan ng tree guard ang bawat puno. Kulayan ito ng pula.

5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan upang makasunod sa mga panutong pabigkas? Upang makasunod sa mga panutong pabigkas, dapat na pakinggan at unawain nang mabuti ang mga panuto.

6. Karagdagang Pagsasanay Bigyan ang bawat mag-aaral ng sipi ng larawang ito.

Basahin nang malakas sa mga bata ang sumusunod na panuto. Ulitin nang dalawang beses.

1. Iguhit kung paano mo aalagaan ang mga tanim na halaman. 2. Iguhit kung ano ang gagawin ni Tatay upang mapangalagaan ang bahay.

IMCS Image Bank

IMCS Image Bank

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 172  

 

3. Kulayan ang bubong ng bahay at isulat dito ang apelyido mo. 4. Bilugan ang mga halamang inaalagaan mo. Kulayan ang mga maaari nang

anihin. 5. Iguhit ang mga kapatid mo na naglilinis ng kapaligiran. 6. Iguhit at kulayan ang araw.

Ikalawang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong nagpapaliwanag Paksang-Aralin Pag-unawa sa mga Tekstong Nagpapaliwanag Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita ang mga larawang ito. Tukuyin sa mga bata kung ano ang ginagawa nila sa dalawang panahong ito.

2. Paglalahad Pasagutan sa mga bata ang KWL Chart.

K W L Ano-ano ang uri ng klima sa Pilipinas?

Ano ang nais mong malaman sa “Ang Klima at ang Aking Bansa?”

Ipasulat sa mga bata ang kanilang mga nalalaman sa K na kolum. Ipasulat sa mga bata ang nais nilang malaman tungkol sa klima sa W na kolum. Ipabasa sa mga bata ang talata sa Alamin Natin p. 90. Habang binabasa, ipasulat sa L na kolum ang mga natutuhan sa sanaysay.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang mga isinulat sa W na kolum. Nasagot ba ang mga ito sa pagbasa ng sanaysay? Ano-ano ang natutuhan mo sa sanaysay? Ipabasa ang mga isinulat sa L na kolum. Tungkol saan ang binasang talata? Bakit hindi katulad ng sa ibang bansa ang klima sa Pilipinas? Bakit may tag-ulan? Bakit may tag-araw? Ano-ano ang puwede mong gawin kung tag-ulan? Kung tag-araw? Paano mo mapapangalagaan ang iyong sarili kung panahon ng tag-ulan? Tag-araw?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 173  

 

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 91. Pasulatin ang mga bata ng isang tanong tungkol sa iginuhit. Ipabasa ito sa mga bata at tumawag ng ibang sasagot nito.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

Natutuhan ko sa araling ito na masasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong nagpapaliwanag sa pamamagitan ng pag-unawa nang mabuti sa nilalaman ng binasang teksto.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipabasa sa mga bata ang talata sa Pagyamanin Natin p. 91.

Pasulatin ang mga bata ng isang tanong tungkol sa isinulat. Ipabasa ito sa mga bata at tumawag ng ibang sasagot nito.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit nang angkop ang ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano, at sino-sino Paksang-Aralin Ano, Sino, Ilan at Saan, Kailan, Ano-ano, at Sino-sino Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita ang larawan sa mga bata. Hayaang gumawa ang mga bata ng tanong tungkol sa larawan. Ipabasa at ipasulat sa pisara ang tanong na ginawa ng mga bata.

2. Paglalahad Ipabasang muli ang teksto sa Alamin Natin , p. 90.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga (Isulat ang mga tanong na ito sa istrip ng papel. Ipaskil ang mga ito matapos itanong sa mga bata. Isulat sa tapat nito ang sagot na ibibigay ng mga bata.)

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 174  

 

Itanong: Ilan ang klima sa Pilipinas? Ano-ano ito? Ilan sa ibang bansa? Ano-ano ito? Kailan ang tag-ulan sa Pilipinas? Sa ibang bansa? Kailan ang tag-araw sa Pilipinas? Sa ibang bansa? Ano-ano ang puwedeng gawin sa tag-ulan? Sa tag-araw? Ipabasa ang mga tanong sa mga bata. Itanong: Paano isinulat ang mga tanong? Ipabasa ang mga sagot ng mga bata. Itanong: Anong impormasyon ang ibinibigay sa tanong na ilan? Kailan? Saan? Ano? Ano-ano? Sino-sino? Alin sa mga salitang ginagamit sa pagtatanong ang tumutukoy ng isahan? Pangmaramihan? Paano mo pangangalagaan ang sarili mo kung tag-ulan? Kung tag-araw?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 91. Tukuyin sa mga bata kung tama ang mga ibinigay na mga tanong. Bago magsimula ang klase, gumawa ng isang malaking dice. Isulat sa bawat mukha nito ang mga tanong na ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano, at sino-sino. Ihanda rin ang istrip ng mga papel na kinasusulatan ng pangalan ng lahat ng bata sa klase. Ihagis ang dice upang malaman kung anong tanong ang ibibigay ng bata tungkol sa paksa. Bumunot ng isang pangalan ng bata upang siya ang magbigay ng tanong. Gawin ito hanggang sa ang lahat ay makapagbigay ng tanong.

5. Paglalahat Ano ang sagot sa tanong na ano? Sino? Saan? Ilan? Kailan? Ilan? Ano-ano? Sino-sino? Ginagamit ang ano sa pagtatanong tungkol sa isang bagay. Ginagamit ang sino sa pagtatanong tungkol sa tao. Ginagamit ang saan sa pagtatanong tungkol sa lugar. Ginagamit ang kailan sa pagtatanong tungkol sa araw, linggo, buwan, oras, at taon. Ginagamit ang ilan sa pagtatanong tungkol sa bilang. Ginagamit ang ano-ano sa pagtatanong tungkol sa maraming bagay.

6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata upang maisagawa ang Pagyamanin Natin, p. 91.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 175  

 

Ikaapat na Araw Layunin Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan Paksang-Aralin Pagsulat ng Talata Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Itanong sa mga bata kung ano ang gagawin nila sa sumusunod na sitwasyon. - May nakita kang basura sa dadaanan mo. - Tinatapakan ng kaibiganmo ang bagong sibol na halaman. - Itinapon kung saan ng kaibigan mo ang balat ng kendi na kaniyang kinain.

2. Paglalahad Itanong: Ano-ano ang ginagawa sa inyong pamayanan upang pangalagaan ang kalikasan? Gamitin ang “Isa, Dalawa, Tatlo” sa p. 111.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Bago magsimula ang klase maghanda ng mga papel na kulay pula, kahel at berde, at Traffic Light Chart.

Ipaliwanag sa mga bata na ang kulay berdeng papel ay para sa paksang pangungusap; kahel na papel para sa mga sumusuportang pangungusap; at pulang para sa katapusang pangungusap.

Balikan ang tanong na sinagot sa bahaging paglalahad. Ang sagot ng mga bata sa gawaing ito ang gagamitin sa susunod na gawain.

Ano ang magiging paksang pangungusap natin? Isulat ito sa kulay berdeng papel sa Traffic Light Chart.

Ano-ano ang pangungusap na maaari nating isuporta sa naunang pangungusap? Isulat ang mga ito sa kahel na papel. (Isang papel, isang pangungusap.)

Ano ang magiging katapusang pangungusap? (Isulat sa pulang papel.) Ipabasa ang natapos na talata. Itanong: May nais pa ba kayong idagdag? (Isulat kung may ibibigay pa ang mga bata.) May nais ba kayong alisin? (Alisin kung may napagkasunduang alisin.) Tama ba ang pagkakasunod-sunod natin ng mga pangungusap na nakasulat sa kahel na papel? (Isaayos ang mga ito sa paraang napagkasunduan.) Basahin muli sa mga bata ang mga pangungusap. Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap? Ng mga salita? Paano natin isasaayos ang mga ito sa anyong talata? Hayaang galawin ang mga papel upang maidikit ito sa anyong talata. Ipaalala sa mga bata na hindi puwedeng baguhin ang puwesto ng pula at berdeng mga papel. Ipabasang muli ang nagawang talata. Tama ba ang pagkakaayos ng mga pangungusap? Ano ang dapat tandaan upang maging maganda at maayos ang talatang susulatin? Paano natin pangangalagaan ang ating paaralan?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 176  

 

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin p. 92. Ipagawa ito sa Traffic Light Chart ng bawat pangkat. Pagbasa ng mga naisulat ng bawat pangkat. Pabigyang-puna ang natapos na sulatin sa ibang pangkat. Gamitin ang rubric na naunang ginamit.

5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata? Sa pagsulat ng talata, dapat na tandaan ang wastong baybay ng mga salita, at ang wastong gamit ng bantas, at malaki at maliit na letra. Nakapasok ang unang pangungusap, nagsisimula sa malaking letra ang unang salita at nagtatapos sa tamang bantas.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 93.

Ikalimang Araw Panligguhang Pagtataya

Gamit ang Traffic Light Chart, pasulatin ang bawat bata ng isang talata tungkol sa mga gawain ng bawat kasapi ng pamilya sa pangangalaga ng kalikasan.

Matapos ang inilaang oras, ipagamit ang rubric upang masuri ang sariling sulatin. Ipasulat muli ang talata at iwasto ang nakitang kamalian. Bigyang-puna ang ipinasang papel ng mga bata. Isauli ito upang maisulat nila ang

talata ayon sa ibinigay na puna.

Aralin 23

Pagyamanin Natin Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Nasasagot ang tanong tungkol sa nabasang balita/anunsyo Kamalayang Ponolohiya Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma Pagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Gramatika Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayanan Pag-unlad ng Talasalitaan Nakikilala na ang tambalang salita na nananatili ang kahulugan Pag-unawa sa Binasa Nababago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto Estratehiya sa Pag-aaral Nabibigyang-kahulugan ang graph

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 177  

 

Paunang Pagtataya Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa nagdaang pagdiriwang na ginanap sa sariling bahay. Ipabasa sa mga bata ang natapos na sulatin. Tutukuyin din ang mga pang-uring ginamit.

Unang Araw Layunin Nasasagot ang tanong tungkol sa napakinggang balita/anunsyo Nakikilala na ang tambalang salita na nananatili ang kahulugan Paksang-Aralin Pakikinig ng Balita Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Itanong: Anong balita ang inyong napakinggan ? Hikayatin ang mga batang ibahagi ito sa katabi.

Tumawag ng ilang batang magbabahagi nito sa harap ng klase. 2. Paglalahad

Magsagawa ng isang karera ng mga bangka. Pag-usapan ang palagay at damdamin ng mga bata tungkol sa karanasang ito.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa mga bata. Tinanghal na namang kampeon si G. Eric Latoza sa katatapos lamang na Karera ng Bangka sa bayan ng San Ildefonso. Ito ay taunang paligsahan upang bigyan ng pagkilala ang hanapbuhay sa bayan na malaki ang naitutulong sa pag-unlad ng naturang bayan. Madaling-araw pa lamang ng Lunes, ang dalawampung bangkero na kasali sa naturang paligsahan ay nagtipon-tipon na sa pantalan ng naturang bayan. Sakay ng kanilang naggagandahan at mga bagong bangka, nagsimula ang karera sa ganap na 5:00 ng umaga. Samantala, tila tumigil ang mundo sa naturang bayan dahil sa ang lahat ng magkakapitbahay ay nakaabang sa kung sino ang unang makararating sa pantalan. Tumagal din ng mahigit isang oras bago tinanghal ang Bangkero ng Taon. Ang kampeon sa taong ito ay tumanggap ng cash prize at ang disenyo ng kaniyang bangka ay gagawing modelo ng isang malaking kumpanya na gumagawa at nagdidisenyo ng mga bangka na ikakalakal sa ibang bansa.

Itanong: Tungkol saan ang balita? Bakit ipinagdiriwang ang Karera ng Bangka? Sino ang naging kampeon? Bakit siya tinanghal na kampeon? Ano-ano ang naging gamtimpala niya?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 178  

 

Paano natin pahahalagahan ang mga pagdiriwang sa ating pamayanan? Nakasali ka na ba sa isang paligsahan? Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan. Ipabasa ang ilang mga salita buhat sa napakinggang balita: - hanapbuhay -kapitbahay Linangin ang mga salita. Ano ang kahulugan ng hanapbuhay? Ng kapitbahay? Ano ang napansin sa mga salita? Ano-anong salita ang bumubuo sa hanapbuhay? Sa kapitbahay? Ano ang nangyari sa kahulugan ng mga salitang pinagsama? Ano ang tawag sa mga salitang ito?

4. Pagpapayamang Gawain Pangkat-pangkatin ang klase. Pagawain ng isang pagbabalita (live reporting) ang bawat pangkat tungkol sa isang nasaksihang pagdiriwang. Talakayin sa klase ang napakinggang pag-uulat ng bawat pangkat.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Pumili ng kapartner. Gumawa ng sariling balita tungkol sa ginawang pagdiriwang sa inyong lugar.

Ikalawang Araw Layunin Nasasabi ang mga pangyayari sa balitang binasa Nakapagbabahagi ng sariling kuwento kaugnay ng binasang balita Paksang-Aralin Pagbasa ng Balita Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Magsagawa ng munting balitaan tungkol sa napakinggang balita ng mga bata.

2. Paglalahad Itanong: Ano-ano ang ginagawa ninyo sa pagsalubong sa Bagong Taon?

Tama pa bang ipagpatuloy ito? Bakit? 3. Pagtuturo at Paglalarawan

Ipabasa ang “Kultura sa pagsalubong sa Bagong Taon palitan na – DOH” sa Alamin Natin, p. 93. Pangkatin ang klase. Pasagutan ang organizer sa bawat pangkat.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 179  

 

Bigyan ng pagkakataong mag-ulat ang bawat pangkat.

Tungkol saan ang balita? May ganito ka rin bang karanasan tuwing Bagong Taon? Pagbabahagi ng mga bata ng sariling karanasan. Sang-ayon ka ba sa nais ng Department of Health? Ipaliwanag ang sagot.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 94. Isulat ang planner na ito sa malaking papel. Ito ang magiging gabay ng mga bata sa pagbabahaging gagawin nila.

Pamagat : __________________ Panimula : Sino, ano, saan, kailan Una kong naobserbahan : __________________ Pangalawa : __________________ Sumunod : __________________ Panghuli : __________________

5. Paglalahat Itanong: Ano ang natutuhan mo sa aralin? Dapat basahin nang mabuti ang isang balita upang maibahagi ito sa iba.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 96.

Ikatlong Araw Layunin Nailalarawan ang tao, bagay, hayop, at lugar Nababaybay ang mga salitang natutuhan sa tekstong binasa Paksang-Aralin Salitang Naglalarawan Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Hayaang magmasid ang mga bata sa kanilang paligid.

Paksa

Tungkol kanino? Anong nangyari?

Kailan ito nangyari? Saan ito nangyari?

Bakit mahalaga ang balitang ito?

Bakit ito nangyari?

Paano ito nakaapekto sa mga tao/pamayanan?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 180  

 

Ipalarawan ang isang nakita (gamit ng mag-aaral, gamit ng guro, gamit sa pagkain) at pahulaan ito sa kaklase.

2. Paglalahad Ipabasang muli ang balita sa Alamin Natin, p. 93. Ipatala ang mga pangngalan na ginamit dito. Sa tapat nito, isulat ang salita na naglalarawan nito.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang pagdiriwang na binanggit sa balita? (Isulat sa bilog sa loob.) Ilarawan kung paano ito ipinagdiriwang? (Isulat sa bilog sa labas.) Gamitin ang “Loob, Labas na Bilog” para dito. Ano ang salitang ginamit? Sino ang nabibiktima ng paggamit ng paputok? Ilarawan ang nabibiktima. (Gamitin ulit ang “Loob, Labas na Bilog.”) Ano ang bagay na ginagamit sa pagdiriwang ng Bagong Taon? Ilarawan ito. (Gamitin ulit ang “Loob, Labas na Bilog.”) Ipabasa ang mga salita sa labas na bilog. Ano ang tawag sa mga ito? Papiliin ang mga bata ng isang salita at ipagamit sa sariling pangungusap. Ano ang gagawin mo upang hindi mapahamak tuwing darating ang pagsalubong sa Bagong Taon?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 94-95. Pagbabahagi ng natapos na gawain.

5. Paglalahat Itanong: Ano ang pang-uri? Ang pang-uri ay salitang naglalarawan ng tao, hayop, bagay o pook.

6. Karagdagang Pagsasanay Basahin nang malakas ang isang teksto sa mga bata. Gamitin kung ano ang naririyan. Tiyakin na may mga pang-uring ginamit. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 95.

Bagong Taon

 

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 181  

 

Ikaapat na Araw Layunin Nabibigyang-kahulugan ang isang graph Nagagamit ang graph sa pagpapakita ng isang impormasyong nakalap Paksang-Aralin Pagbibigay-Kahulugan sa Graph Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipatala sa mga bata ang ginagawa tuwing sasapit ang Bagong Taon. Ipabasa sa mga bata ang natapos na talaan.

2. Paglalahad Itanong sa mga bata kung ilan ang gumagamit ng paputok at ilan ang hindi sa pagsapit ng Bagong Taon. Gumawa ng graph tungkol sa makakalap na impormasyon mula sa mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Tungkol saan ang graph? Ilang babae ang gumagamit ng paputok? Hindi gumagamit? Ilang lalaki ang gumagamit ng paputok? Hindi gumagamit? Ano ang kaalamang nakuha mo sa graph na ipinakita?

4. Pagpapayamang Gawain Pangkat-pangkatin ang klase. Sa loob ng pangkat, magsagawa ng isang mini-survey tungkol sa mga okasyong ipinagdiriwang ng bawat pamilya. Ipakita ang impormasyong nakalap sa pamamagitan ng isang graph. Maghanda ng tatlong tanong tungkol sa graph na ginawa. Matapos ang inilaang oras, ipakita sa klase ang graph at sabihin ang mga tanong na ginawa. Tumawag ng ibang bata para sumagot sa mga tanong.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Pagawain ang mga bata ng isang survey. Magtanong sa limang kaklase upang makagawa ng isang graph. Maghanda rin ng tatlong tanong tungkol sa graph na ginawa. Ano ang handa ninyong pagkain tuwing Bagong Taon? Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita sa klase ang natapos na gawain.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Ibalik sa mga bata ang natapos na gawain na binigyang-puna. Ipasulat nang muli ito. Ipaalala sa mga bata na isaalang-alang ang mga ibinigay na puna.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 182  

 

Aralin 24

Tangkilikin Natin Linguhang Layunin Wikang Binibigkas Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu Gramatika Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayanan Pagpapaunlad ng Talasalitaan Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghanap ng maikling salita na matatagpuan sa loob ng isang mahabang salita Pag-unawa sa Binasa Nasasabi ang paksa o tema ng binasang teksto Pagsulat at Pagbabaybay Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang natutuhan sa aralin (mga salitang dinaglat) Komposisyon Nasisipi nang wasto at maayos ang isang liham Paunang Pagtataya Papiliin ang mga bata ng isang gamit o bagay na makikita sa loob ng kanilang bag. Pagawain ang mga bata ng isang pangungusap tungkol sa napiling gamit o bagay. Tukuyin ang pang-uri. Unang Araw Layunin Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu Nasasagot ang mga tanong tungkol sa isyung napakinggan Paksang-Aralin Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita ang isang larawan. (Gumamit ng isang larawan na nakahanda na. Tiyakin na may suliranin/isyu ang larawang ipakikita.) Kunin ang reaksyon ng mg bata sa ipinakitang larawan.

2. Paglalahad Pangkat-pangkatin ang mga bata batay sa nais nilang awit: Ingles o Filipino. Paghandain ang bawat pangkat na iparirinig sa klase. Bigyang halaga ang ginawang pag-awit ng mga bata. Alin ang mas masarap pakinggan?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin sa mga bata.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 183  

 

Papahinang Tinig ng Musika Tunay ngang ang musika ay parte ng buhay ng bawat Pilipino. Ano man ang

okasyon may katapat na awitin. Sa panliligaw, sa pagpapakasal, sa pagsilang ng sanggol, sa pagpapatulog ng bata, lahat may katumbas na awit. Maging sa kasayahan o sa kalungkutan, sa iba’t ibang gawain o sa iba’t ibang kahilingan, may awit din. Pero ang tanong alam mo ba ang mga ito? May alam ka bang awitin para sa isa sa mga okasyong ito?

Ano nga ba ang mas inaawit mo ngayon? Ano ang mas nais mong pakinggan? O kaya naman ay sabayan ng sayaw? Para sa iba ang mga awiting Pilipino ay para lamang sa mga may edad, para lamang sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Sa panahon natin sikat na sikat ang mga dayuhang mang-aawit. Dahil na rin sa impluwensiya ng ibang kultura, mas nakikilala ang mga dayuhang awitin na para sa ilang kabataan ay mas madaling matutuhan at masabayan ng indak ng katawan. Kaya nga ang mga manunulat ng musikang Pilipino ay muling isinasabuhay ang mga lumang musika o kaya naman ay isinasalin na lamang ang mga awiting Ingles upang tumama sa panlasa ng mga Pilipino.

Kung magpapatuloy ang ganito sa ating bansa, baka dumating ang panahon na ang tinig ng musikang Pilipino ay unti-unting manghina.

Itanong: Ano ang pamagat ng napakinggang teksto? Tungkol saan ito? Ano ang pinagkukumpara? Ano ang sinabi tungkol sa musikang Pilipino? Sa dayuhang musika? Bakit ito nangyayari sa bansa? Ano ang nangyari sa musikang Pilipino? Sang-ayon ka ba dito? Ipaliwanag ang sagot. Bakit pinamagatan itong “Papahinang Tinig ng Pilipino?” Paano mo maipakikita ang pagtangkilik sa musikang Pilipino?

4. Pagpapayamang Gawain Pangkat-pangkatin ang klase. Hayaang magpahayag ang bawat kasapi sa pangkat ng kanilang reaksyon sa: Aling awitin ang mas dapat ilagay sa iyong mp3, dayuhan o Pilipino? Pagbabahagi ng napag-usapan sa buong klase.

5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng reaksyon sa isang isyu?

6. Karagdagang Pagsasanay Hayaang magbigay ng kanilang reaksyon ang mga bata tungkol sa pagtangkilik ng mga Pilipino, partikular na ang mga kabataan, sa mga musikang dayuhan.

Ikalawang Araw Layunin Nasasabi ang paksa o tema ng binasang teksto Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghahanap ng maikling salita na matatagpuan sa loob ng isang mahabang salita

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 184  

 

Paksang-Aralin Paksa ng Isang Teksto Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita ang larawan ng mga produktong gawa sa Pilipinas. Hayaang magbigay ng kanilang nalalaman ang mga bata tungkol sa larawang ipakikita.

2. Paglalahad Patingnan sa mga bata kung saan gawa ang mga gamit nila. Ipatala ang gamit at kung saan ito gawa. Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang sagot. Magpakita ng ilang bagay na Made in ______ (ibang bansa) at Made in the Philippines. Papiliin ang mga bata ng gusto nila. Itanong kung bakit gayon ang kanilang pagpili. - tsokolate - laruan - pagkain (prutas)

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang talatang “Tatak Pinoy” sa Alamin Natin, p. 95. Itanong ang sumusunod matapos basahin ng mga bata ang talata. Ano ang tinatalakay sa teksto? Ano-ano ang produkto ng Pilipinas na binanggit? Paano ito inilarawan? Dapat bang tangkilikin ang mga ito? Bakit? Paano mo tatangkilikin ang mga produkto ng Pilipinas? Ipabasa nang muli ang teksto. Itanong: Tungkol saan ang teksto? Ilang talata mayroon ang teksto? Ano ang paksa ng unang talata? Ng pangalawa? Pangatlo? Pang-apat? Ipabasa ang ilang salita buhat sa binasang talata.

- sasabayan - matamis - manggagawa

Linangin ang bawat salita. Ipagamit sa sariling pangungusap. Ipabasa ang salitang sasabayan. Ano-anong salita ang mabubuo sa salitang ito?

Isulat ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang mahabang salitang pinagkunan ng mga salita. Ipabasa ang mga salitang ibinigay ng mga bata. Gawin ang proseso para sa salitang matamis at manggagawa.

4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa ang mga talata sa Linangin Natin, p. 96. Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang natapos na gawain.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 185  

 

5. Paglalahat Ano ang paksa ng isang teksto? Paksa ang tawag sa pinag-uusapan sa teksto.

6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata upang maisagawa ang Pagyamanin Natin p. 96-97.

Ikatlong Araw Layunin Nailalarawan ang mga bagay, tao, at lugar sa pamayanan Paksang-Aralin Paglalarawan ng Bagay, Tao, at Lugar Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipaskil ang ilang larawan sa pisara. Hayaang sumulat ang mga bata ng isang salitang maglalarawan dito. I

Ipabasa ang mga salitang itinala. Angkop ba ang mga ito sa bawat larawan? Ano ang tawag sa mga salitang ito?

2. Paglalahad Itanong: Tungkol saan ang binasang teksto noong ikalawang araw? Ipabasang muli ang “Tatak Pinoy.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pasagutan ang sumusunod. Ipasulat ang sagot sa talaan. Ano-ano ang produkto ng Pilipinas na binanggit? Ano-ano ang pagkaing binanggit? Paano ito inilarawan?

Produkto Pang-uring Ginamit

Tumawag ng ilang bata upang iulat ang natapos na gawain. Itala sa katulad din na talaan ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang mga salita sa unang hanay. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Ipabasa ang mga salita sa ikalawang hanay. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Ipagamit ang pares ng mga salita sa talaan sa sariling pangungusap.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 186  

 

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin p. 97. Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng isang gallery walk. Pabigyang-puna kung tama o angkop ang salitang ginamit sa paglalarawan.

5. Paglalahat Ano ang pang-uri? Ang pang-uri ay salitang naglalarawan ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari.

6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata upang maisagawa nang wasto ang Pagyamanin Natin p. 97.

Ikaapat na Araw Layunin

Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang dinaglat Nasisipi ang isang liham

Paksang-Aralin Pagsulat ng Salitang Dinaglat Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipabasa ang ilang salitang dinaglat na nakasulat sa flash card. Gawin ito sa pamamagitan ng isang paligsahan.

2. Paglalahad Ilarawan ang pamayanang kinabibilangan. Ano-ano ang pang-uring ginamit? Child-friendly ba ang barangay na iyong kinabibilangan?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang isang liham na nasa Alamin Natin, p. 97- 98. Itanong: Para kanino ang liham? Sino ang sumulat nito? Ano ang laman ng sulat? Sino-sino ang dumalo sa pagtitipon? (Isulat nang padaglat ang sagot ng mga bata.) Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Bakit ito dinaglat? Paano isinusulat ang mga salitang dinaglat? Ipabasa muli ang liham. Ano-ano ang bahagi ng liham? Paano isinusulat ang liham?

4. Pagpapayamang Gawain Ipasipi sa mga bata ang liham na nasa Alamin Natin p. 98.

Ipagamit sa mga bata ang rubric upang masuri ang siniping liham.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 187  

 

5. Paglalahat Itanong: Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng isang liham at sa pagsulat ng mga salitang dinaglat? Sa pagsipi ng liham at pagsulat ng mga salitang dinaglat, dapat tandaan ko ang paggamit ng wastong bantas, malaki at maliit na letra.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipasulat muli ang siniping liham. Ipasaalang-alang ang mga sagot sa pamatnubay na mga tanong.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Ibalik sa mga bata ang siniping liham na binigyang-puna. Ipasulat nang muli ito. Ipaalala sa mga bata na isaalang-alang ang mga ibinigay na puna.

Aralin 25 Ipagtatanggol Natin Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan Gramatika Nagagamit ang tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasan Pag-unlad ng Talasalitaan Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan ng mga salita batay sa pinaggamitan Pag-unawa sa Binasa Naibibigay ang mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan ng tekstong binasa

4 3 2 1 Bahagi ng Liham

Naisulat lahat ng bahagi ng liham.

May isang mali ang pagkakasulat.

May dalawang mali ang pagkakasulat.

May tatlong mali ang pagkakasulat.

Paggamit ng Malaking Letra at Bantas

Walang mali sa paggamit ng malaking letra at mga bantas.

May isang mali ang pagkakagamit.

May dalawang mali ang pagkakagamit.

May tatlong mali ang pagkakagamit.

Pagbabaybay Walang salita na mali ang pagkakabaybay.

May isang salita na mali ang pagkakabaybay.

May dalawang salita na mali ang pagkakabaybay.

May tatlong salita na mali ang pagkakabaybay.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 188  

 

Estratehiya sa Pag-aaral Nabibigyang-kahulugan ang graph Paunang Pagtataya Ipabasa “Ang Klima at ang Aking Bansa.” Sipiin ang dalawang pangungusap na sumusuporta sa pangunahing kaisipan nito. Unang Araw Layunin Naibibigay ang paksa ng kuwentong napakinggan Paksang-Aralin Pagbibigay ng Paksa ng Kuwentong Napakinggan Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Itanong: Para sa iyo, ano ang super hero?

Ipaguhit ang sagot dito. Tumawag ng ilang bata upang ipakita ang natapos na gawain at ipaliwanag ang iginuhit.

2. Paglalahad May superpowers ka ba? Gusto mo bang magkaroon nito? Bakit? Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin. Itanong: Tungkol saan ang kuwento?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa mga bata.

Super Pinoy

Jezreel M. Margallo

Wooshhh. Kablam. Pow. Blag. Ito ang mga naririnig ko sa tuwing panonoorin ko ang paborito kong superheroes.

Pero may isa akong pinakapaborito sa lahat ng superheroes. Kakaiba ang kapangyarihan niya. Superpinoy ang tawag ko sa kaniya. Kakaiba siya sa lahat ng superheroes na napapanood ko.

Kapag kailangan ko ng tulong sa aking takdang-aralin, nariyan siya palagi. Kapag nagugutom ako, isang magic lang niya ay may pagkain sa mesa namin. Kapag maraming kalat sa bahay, ang kaniyang mahiwagang walis ang katu-katulong ko.

Kapag may naririnig siyang umiiyak na bata, simbilis ng kidlat, nariyan siya para patahanin ito. Kapag may nagugutom , kakainin na lang niya ibinibigay pa. Kapag inaawit ang Pambansang Awit sa aming paaralan, isang senyas lang niya titigil ang lahat sa paglalakad. Siya si Rufino, ang aking tatay. Ang aking Super Pinoy.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 189  

 

Itanong: Ano ang pamagat ng kuwento? Tungkol saan ang kuwento? Sino ang tinutukoy na superhero sa kuwento? Bakit siya naging superhero? Katulad din ba niya ang tatay mo? Paano? Sino ang superhero para sa iyo? Paano ka magiging superhero? Paano mo ipagtatanggol ang ibang bata? Ang ibang tao?

4. Pagpapayamang Gawain Pangkat-pangkatin ang klase. Paghandain ang bawat pangkat ng piping palabas tungkol sa powers ni Super Pinoy. Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang inihanda.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipaguhit sa mga bata ang ilang paraan na kaya nilang gawain upang maging superhero. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang natapos na gawain.

Ikalawang Araw Layunin Naibibigay ang mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan ng tekstong binasa Natutukoy ang kahulugan ng salita ayon sa mga sitwasyong pinaggamitan Paksang-Aralin Mga Sumusuportang Kaisipan Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Maghanda ng larawan ng mga pangunahing pangangailangan ng bata tulad ng pagkain, bahay, damit. Ipakita ang bawat isa sa mga bata. Pag-usapan kung natatamasa ito ng mga bata o hindi. Sino ang nagbibigay nito sa inyo? Bakit ito ibinibigay?

2. Paglalahad Linangin ang salitang karapatan. Ano-ano ang karapatan mo? Ipasulat ang sagot sa isang sagutang papel. Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang kanilang sagot at ipapaskil sa pisara.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 190  

 

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang “Ang Batang may K” sa Alamin Natin, p. 99.

Ipabasa sa mga bata ang mga salitang hindi nila nauunawaan sa talata. Isulat ang mga ito sa pisara. Ipabasa ang mga naitalang salita. Linangin ang bawat salitang sasabihin ng mga bata. Ipabasa sa mga bata ang pangungusap kung saan ginamit ang tinukoy na salita.

Batay sa pangungusap, ano ang ibig sabihin ng salitang naulila? Ng Bahay ampunan?

Itanong: Ano ang pamagat? Ano ang pinag-uusapan dito? Ano ang karapatan na ipinakita sa kuwento? Ano-ano ang karapatan ng mga batang Pilipino? Balikan ang sagot ng mga bata sa naunang gawain. Ipabasa ang mga ipinaskil na karapatan ng mga bata. Tukuyin kung alin sa mga ito ang tama at alin ang hindi. Natatamasa mo ba ang mga ito? Ano ang gagawin mo upang maipagtanggol ang karapatan ng bawat bata? Paano mo mahihikayat ang ibang tao na igalang ang karapatan ng mga bata? Ipabasang muli ang talata. Ano ang paksa ng talata? Ano ang pangungusap na nagsasabi ng paksa ng talata?

Ano-ano ang pangungusap na sumusuporta sa paksa ng talata? Ipabasa ito sa mga bata. Isulat ang sagot ng mga bata gamit ang organizer. Ipabasa at pag-usapan ang laman ng organizer.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 100. Ipagamit ang organizer. Ipasulat ang paksa sa upuan at sa mga paa nito, isulat naman ang sumusuportang kaisipan.

Paksa

Sumusuportang kaisipan

Sumusuportang kaisipan

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 191  

 

Pag-uulat ng bawat pangkat ng natapos na organizer. Pag-usapan ang sagot ng bawat pangkat.

5. Paglalahat Ano ang sumusuportang kaisipan sa isang talata? Ito ay ang mga pangungusap na kaugnay ng paksa ng isang talata.

6. Karagdagang Pagsasanay Bigyan ng sapat na oras ang mga bata na magawa ang Pagyamanin Natin, p.100. Ipabasa sa mga bata ang natapos na sulatin. Bigyang-puna ang natapos na sulatin. Ibalik sa mga bata upang muling maisulat ito nang wasto.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang tamang salitang kilos o pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasan Paksang-Aralin Mga Salitang Kilos Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipabasa ang liham sa p. 98. Sipiin ang mga pandiwa na ginamit dito. Ipabasa ang sagot ng mga bata. Ipatukoy sa mga bata kung tama o mali ang sagot ng tinawag na bata.

2. Paglalahad Ipatanghal sa mga mag-aaral ang karapatan ng mga bata. Tukuyin sa iba ang isinakilos na karapatan. Ipabasa muli ang Alamin Natin, p. 99. Pangkat-pangkatin ang klase.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang mga salitang kilos na ginamit sa kuwento? Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.

Paksa

Sumusuportang kaisipan

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 192  

 

Ipabasa ang lahat ng mga salitang isinulat sa pisara. Itanong: Kailan ginawa ang bawat kilos? Alin-alin ang mga salitang kilos na tapos na? Gagawin pa lamang? Ginagawa pa lamang? Pumili ng isang salitang kilos na ginamit sa kuwento. Paano sasabihin ang pandiwang ito kung tapos nang gawin? Ginagawa na ? Gagawin pa lamang?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 100. Ipabasa sa klase ang ginawang pangungusap.

5. Paglalahat Ano ang pandiwa? Pandiwa ang tawag sa mga salitang kilos sa pangungusap. Ito ay may tatlong panahunan – pangnagdaan, pangkasalukuyan at panghinaharap.

6. Karagdagang Pagsasanay Tumawag ng ilang bata upang magkuwento ng isang personal na karanasan na may kinalaman sa pagtatamasa ng karapatan. Ipagawa sa mga makikinig ang Pagyamanin Natin, p. 100.

Ikaapat na Araw Layunin Nabibigyang-kahulugan ang graph Paksang-Aralin Pagbibigay-Kahulugan sa Graph Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita muli ang graph na nasa p. 85 ng LM. Ano ang impormasyong makikita sa graph? Anong karapatan ang tinatamasa rito ng mga bata?

2. Paglalahad Itanong: Ilan na sa inyo ang naospital? Bakit kayo dinala sa ospital? Hayaang magbahagi ng karanasan ang mga bata.

3. Pagtalakay/Pagpapahalaga Ipasuri ang graph na makikita sa Alamin Natin, p. 101. Itanong: Ano-ano ang naging sakit ng mga bata? Ano ang nangungunang sakit ng mga bata ayon sa graph? Ano ang masasabi mo sa bilang ng mga babae kumpara sa bilang ng mga lalaking nagkakasakit? Ano ang impormasyong makikita sa graph?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 193  

 

4. Pagpapayamang Gawain Pangkat-pangkatin ang klase at ipagawa ang Linangin Natin, p. 101. Pagpapakita ng bawat pangkat ng natapos na graph. Ano ang impormasyong ipinapakita ng graph na ibinahagi ng pangkat?

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Mabibigyang-kahulugan ang graph sa pamamagitan ng pag-unawa sa legend at pagsagot sa mga tanong tungkol dito.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 101. Ipabasa sa mga bata ang nasulat na pangungusap. Pag-usapan ang sagot ng mga bata.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Pasulatin ang mga bata ng isang talata na may tatlo hanggangg limang pangungusap tungkol sa isang karanasan na siya ay dinala sa ospital. Tukuyin sa talata ang karapatan na natamasa. Bilugan ng kulay pula ang mga pandiwa sa pangnagdaang panahunan, berde sa pangkasaluluyan at asul sa panghinaharap. Gamitin ang rubric sa pagmamarka ng natapos na sulatin. Ipaliwanag ito sa mga bata bago pa man sila magsimula ng pagsulat. 4 3 2 1 Paksa Malinaw na

naipahayag ang paksa ng talata.

Hindi masyadong malinaw ang paksang pangungusap.

Hindi malinaw ang paksang pangungusap.

Walang paksang pangungusap.

Sumusuportang kaisipan

May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangungusap sa bawat isa at sa paksang pangungusap.

May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangungusap, maliban sa isa na walang kaugnayan sa paksa.

May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangungusap, maliban sa dalawa hanggang tatlo na walang kaugnayan sa paksa.

Walang kaugnayan ang mga pangungusap sa bawat isa.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 194  

 

Paggamit ng malaki at maliit na letra, bantas

Naisulat ang mga salita nang may wastong gamit ng malaki at maliit na letra at mga bantas.

May isang mali sa pagkakagamit ng malaki o maliit na letra at bantas.

May isa hanggang dalawang mali sa pagkakagamit ng malaki o maliit na letra at bantas.

May tatlo hanggang apat na mali sa pagkakagamit ng malaki o maliit na letra at bantas.

Aralin 26 Pahalagahan Natin Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Naibibigay ang sariling hinuha bago, habang, at pagkatapos mapakinggan ang teksto Wikang Binibigkas Nagagamit ang pananalita ng paggalang sa pag-aanyaya Pag-unawa sa Binasa Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang teksto Gramatika Nagagamit ang tamang salitang kilos (pandiwa) sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasan Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit nang wasto ang mga nakalimbag na kagamitan sa silid-aklatan Pagsulat at Pagbabaybay Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napanood Paunang Pagtataya Pasagutan sa mga bata ang organizer. Kumpletuhin ang kaisipan sa mga speech bubble tungkol larawan na nakakahon.

Sa Palagay Ko…

Kapag nakakakita ako ng ganito… Naiisip ko na….

dahil …..

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 195  

 

Unang Araw Layunin Naibibigay ang sariling hinuha bago, habang, at pagkatapos mapakinggan ang teksto Paksang-Aralin Pagbibigay-Hinuha Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita ang isang larawan. Itanong: Ano kaya ang susunod na mangyayari dito?

2. Paglalahad Saan mo inilalagay ang balat ng iyong kinain na kendi? Ipakita ang larawan ni Rumi. Ano kaya ang sumunod na nangyari sa kuwento sa larawan?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas ang bawat linya ng kuwento. Basahin din ang tanong matapos ang bawat linya. Tumawag ng ilang bata upang sumagot. Magpatuloy ng pagkukuwento.

Si Rumi ay mahilig magtapon ng basura kung saan-saan. Kahit may basurahan na sa tabi niya, hindi pa rin niya ito ginagamit. (Ano kaya ang mangyayari?) Bumara tuloy ang kanal sa kanilang lugar. (Ano ang susunod na mangyayari?)

Isang gabi, habang siya ay mahimbing na natutulog, bumuhos ang napakalakas na ulan. (Ano kaya ang mangyayari?) Paggising niya, laking gulat

IMCS Image Bank

IMCS Image Bank

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 196  

 

niya. (Bakit siya nagulat?) Ang mga basura niyang itinapon, nakita niya sa loob ng kanilang bahay.

Paghupa ng baha, (Ano kaya ang ginawa ni Rumi?) kinuha ni Rumi ang walis at tumulong sa paglilinis ng kanilang bahay at ng kanilang barangay.

Mula noon, hindi na siya nagtapon ng basura kung saan-saan. http://sherinabarcelona.blogspot.com/2011

Itanong: Tama ba ang mga hula mo sa mga itinanong habang binabasa ang kuwento? Balikan ang tanong bago basahin ang kuwento. Tama ba ang sagot mo? Sino si Rumi? Ilarawan siya. Ano ang nagpabago sa kaniya?

Kung maraming bata ang katulad ni Rumi, ano ang mangyayari sa ating pamayanan? Tama ba ang tularan siya? Bakit?

4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan ang organizer na ito, matapos basahin nang malakas ang kuwento ni Rumi.

Tumawag ng bata upang ibahagi ang kanilang natapos na organizer. 5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay

Ipakumpleto ang organizer. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng sagot.

Tanong Mula sa aralin…

Mula sa akin… Kaya nga…

Bakit bumabaha sa pamayanan tuwing umuulan?

Natutuhan ko mula sa aking binasa na …

Sa pagkakaalam ko…

Kaya…

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 197  

 

Ikalawang Araw Layunin Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang teksto Paksang-Aralin Pagbibigay ng Angkop na Pamagat Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Magpaguhit sa mga bata ng isang bagay na nais nilang mangyari sa kanilang kapaligiran. Palagyan ito ng pamagat. Ipakita sa klase ang natapos na gawain. Ipaliwanag kung bakit iyon ang pamagat na napili.

2. Paglalahad Ano-ano ang kayamanan ng Pilipinas?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang teksto sa Alamin Natin, p. 102. Itanong: Tungkol saan ang binasa?

Ano ang paksa ng unang talata? Ikalawang talata? Pangatlo? Ikalima? Panghuling talata?

Bakit mayaman ang Pilipinas? Paano mo pahahalagahan ang yaman ng bansa? Ano ang angkop na pamagat sa binasang talata?

Ipaliwanag kung bakit iyon ang pamagat na napili. Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng pamagat sa isang talata o kuwento?

4. Pagpapayamang Gawain Ipabasang muli ang teskto sa p. 102 upang magawa ang Linangin Natin, p. 103. Magsagawa ng gallery walk upang makita ang mga pamagat na ibinigay ng bawat bata. Matapos ito, magsagawa ng botohan kung alin ang may pinakamagandang pamagat para sa talatang binasa.

5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng pamagat?

6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata sa paggawa ng Pagyamanin Natin, p. 103.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasan Paksang-Aralin Paggamit ng Pandiwa Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga ginupit na dahon na sapat para sa lahat ng mga bata sa klase.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 198  

 

Isulat sa ilang dahon ang isang pandiwa. At ang iba naman ay sulatan ng pangngalan. Idikit ito sa ilalim ng upuan ng mga bata. Sabihin sa mga bata na hanapin sa loob ng klase ang mga dahon na may nakasulat na pandiwa. Sabihin sa mga bata na ang sinumang makakakuha ng dahon na may pandiwa ay maghahanda ng isang pangungusap na magsasabi ng personal na karanasan gamit ang pandiwang nakuha. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng pangungusap. Tukuyin sa ibang bata ang pandiwang ginamit.

2. Paglalahad Itanong:

Ano-ano ang yaman ng Pilipinas? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Itanong: Paano mo pahahalagahan ang likas na yaman ng bansa? Pagawain ang mga bata ng pangungusap na sasagot sa ibinigay na tanong. Ipabasa sa mga bata ang isinulat na pangungusap. Ipasulat o ipapaskil sa pisara ang pangungusap nila. Ipabasa ito sa buong klase. Tutukuyin nila ang pandiwa na ginamit sa ibinigay na pangungusap. Nasa anong panahunan ito? Ipabasa ang lahat ng mga nakapaskil na pangungusap. Itanong sa mga bata kung paano nila aayusin ang mga pangungusap upang makabuo ng isang talata. Ipabasa ang nabuong talata at pabigyan sa mga bata ng pamagat.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 103.

5. Paglalahat Ano-ano ang iba’t ibang panahunan ng pandiwa? Ang pandiwa ay nasa pangnagdaan kung ginawa na,pangkasalukuyan kung ginagawa pa lamang at panghinaharap kung gagawin pa lamang.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, 104. Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang natapos na gawain. Bigyang-puna ang natapos na gawain ng bawat bata.

Ikaapat na Araw Layunin Nagagamit nang wasto ang mga nakalimbag na kagamitan sa silid-aklatan Paksang-Aralin Paggamit ng mga Nakalimbag na Kagamitan

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 199  

 

Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam

Ano ang mga dapat tandaan sa paggamit ng silid-aklatan? Dalhin ang mga bata sa silid-aklatan (kung mayroon) at dito magklase.

2. Paglalahad Ano-ano ang makikitang kagamitan sa silid-aklatan? Magpakita ng mga nakalimbag na kagamitan sa silid-aklatan. Tukuyin kung saan at paano ito ginagamit.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng paksa para sa pagsasaliksik. - Yamang Lupa - Yamang Tubig - Yamang Tao Hayaang pumili ang bawat pangkat ng kakailanganin nilang kagamitan (atlas, encyclopedia, mga aklat, magasin, news clips) Gamitin ang format na ibibigay para sa pagtatala ng mga impormasyon. Pag-uulat ng bawat pangkat sa natapos na gawain. Ano ang ginamit ng pangkat upang makakuha ng impormasyong kinakailangan sa paksang napili? Hayaang ipakita ito at ipaliwanag kung paano nila ito nahanap at ginamit sa pagsasaliksik. Paano natin pangangalagaan ang mga gamit sa loob ng silid-aklatan?

4. Pagpapayamang Gawain Magbasa tungkol sa yaman ng Pilipinas. Gamitin ang format sa pagsulat ng mga impormasyon na makukuha sa kagamitan na mapipili. Pag-uulat ng bawat pangkat.

Paksa Sanggunian Mga Impormasyon na Nakalap

Paksa

Detalye

Detalye Detalye

Detalye

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 200  

 

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Magsaliksik tungkol sa climate change.

Ikalimang Araw Layunin Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan Paksang-Aralin Pagsulat ng Isang Ulat Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ano-ano ang nakita mong mga pangyayari sa iyong paligid? Hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang mga nasaksihan.

2. Paglalahad Ano-ano ang makukuha natin sa puno?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang “Bataan, Nilinis, Tinamnan ng Puno” na nasa Alamin Natin, p. 104. Itanong: Ano ang laman ng balita? Ano-anong tanong ang sinasagot ng balitang nabasa? Ganito rin ba ang ginagawa sa inyo? Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang pangyayaring naobserbahan sa sariling pamayanan. Isulat ito sa pisara. Ipabasa ang mga pangungusap sa pisara.

Kahulugan Sanhi

Epekto Solusyon Climate Change

Paksa/ Ano 

Sino, Saan at Kailan

Unang Pangyayari

Sumunod na Pangyayari

Huling Pangyayari

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 201  

 

Ipabasa ang mga detalye sa organizer. Paano natin ito isusulat nang patalata? Gamitin ang organizer na ito: Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang ulat o balita?

4. Pagpapayamang Gawain Bigyan ng ilang minuto ang mga bata upang alalahanin ang mga nasaksihan nilang pangyayari sa pamayanan na may kaugnayan sa paglilinis nito. Bigyan ng oras ang mga bata na makasulat ng isang ulat tungkol sa nasaksihang pangyayari. Ipabasa ang sulatin na natapos. Gamitin ang rubric sa p. 31.

5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang balita o ulat?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipasulat muli ang talata. Isaalang-alang ang mga puna na nakuha sa ginamit na rubrics at sa mga ibibigay ng guro.

Aralin 27 Paunlarin Natin! Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pakikinig Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong napakinggan Gramatika Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi Kamalayang Ponolohiya Napapalitan at nadaragdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita Pag-unlad ng Talasalitaan Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita Pag-unawa sa Binasa Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod sa tulong ng timeline Pagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang salitang dinaglat at ang salitang hiram Paunang Pagtataya

A. Palitan ng angkop na pang-abay ang mga salitang may salungguhit. 1. Mabilis umalis ang magkakaibigan. 2. Lumalakad nang mabagal ang mga bata papasok sa paaralan. 3. Nagsasalita siya nang marahan. 4. Masayang umaawit ang mga ibon sa parang. 5. Malimit silang mamasyal sa parke.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 202  

 

B. Isulat nang padaglat ang mga salitang may salungguhit. Bumisita sa aming paaralan kahapon si Gobernador Ruiz. Kasama niya sina Attorney Cruz at Ginoong Salazar. Sinalubong sila ng aming punungguro na si Ginang Reyes. Sila ay nag-usap tungkol sa ipatatayong karagdagang gusali.

Unang Araw Layunin Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan Paksang-Aralin Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipaguhit sa mga bata ang pagkakaiba ng siyudad at ng baryo.

2. Paglalahad Itanong: Saan mo nais manirahan? Bakit?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin sa mga bata ang maikling kuwento.

Doon na Lamang Buo na ang desisyon ni Doding Daga. Gusto niyang subukan ang buhay sa

siyudad. Para naman maiba. Baka doon magbabago ang buhay. Kinuha niya ang maliit na lagayan ng damit at nag-umpisa siyang maglakad.

Hindi nagtagal, sinapit niya ang dati’y tinatanaw lamang na lugar. Madilim na noon kaya humanga si Dodi sa mga naggagandahan at nagkikislapang ilaw. Dahil wala pa naman siyang matutuluyan, nagpasya na muna siyang matulog sa isang maliit na upuan sa tabi ng kalsada.

Hindi pa nagtatagal sa kaniyang pagtulog bigla siyang nagising. Isang malakas na sigawan ang kaniyang narinig. Mga katulad niya ang nagtatakbuhan at nag-aagawan sa pagkaing nakalagay sa isang malaking plastic bag.

Nagpasiya si Dodi na maghanap ng trabaho. Nakakita siya ng isang malaking gusali. Dito siya magbabaka-sakali. Pero kinailangan niyang makipagpatintero sa mga sasakyan para lang makarating dito. Nakakabinging busina ang narinig niya mula sa mga naiinis na tsuper.

Muntik na siyang maipit ng otomatikong pintuan nang papasukin siya ng guwardiya kahit wala siyang ID. Matapos makipag-usap sa isang kahon na nagsasalita, pinaakyat siya sa ikalawang palapag. Kahit takot ay sumakay pa rin siya sa gumagalaw na hagdan.

Hapon na ngunit wala pa siyang trabaho. Hapon na pero wala pa siyang bahay. At hapon na ay wala pa siyang pagkain.

Sa kaniyang pag-upo sa ilalim ng puno, muli niyang nasulyapan ang mundong kaniyang pinanggalingan.

“Doon na lamang ako. May trabaho. May bahay. May pagkain.”

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 203  

 

Itanong: Ano ang pamagat ng kuwento? Sino ang tauhan sa kuwento? Saan ito naganap? Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Ipasulat ang sagot ng mga bata sa metacard. Ipabasa ang mga pangungusap na nakasulat sa metacard. Ipaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento.

4. Pagpapayamang Gawain Gamit ang iniayos na mga pangungusap, muling ipasalaysay ang napakinggang kuwento.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Gumawa ng filmstrip para sa kuwentong muling isinalaysay.

Ikalawang Araw Layunin Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod sa tulong ng timeline Paksang-Aralin Muling Pagsasalaysay Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ano-ano ang ginagawa mo pagkagising at bago pumasok sa eskuwela? Iayos ang mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod. (Ipaskil ang mga larawan sa pisara. Maghanda ng isang timeline upang doon idikit ng mga bata ang mga larawan.) Hayaang isalaysay ng mga bata ang kuwento mula sa mga larawang isinaayos.

2. Paglalahad Ano ang magagawa mo upang makatulong sa pagpapaunlad ng inyong pamayanan? Pag-usapan ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang “Doon na Lamang,” p. 106

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang pamagat ng kuwento? Sino ang tauhan dito? Ilarawan siya.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 204  

 

Ano-ano ang mga pangyayari sa kuwento? Isulat ang pangyayari sa bawat kahon ng organizer.

Tumawag ng mag-aaral na muling magsasalaysay ng kuwento gamit ang timeline na natapos.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p.110. Tumawag ng ilang bata upang isalaysay ang binasang kuwento gamit ang natapos na timeline.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata na magawa ang mga panuto sa Pagyamanin Natin, pp. 108.

Ikatlong Araw Lingguhang Layunin Layunin Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi Paksang-Aralin Pang-abay Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Papunan ang puwang ng mga angkop na salitang naglalarawan upang mabuo ang bawat pangungusap. 1. Si Dickson ay __________ na sumagot sa tanong ng guro. 2. __________ na nagpaliwanag si Lee sa kaniyang ina. 3. Ang pagong ay __________ na naglakad patungo sa dagat. 4. Magluluto nang ___________ ang lola sa pagdating ng kaniyang mga apo.

2. Paglalahad Ipabasang muli ang “Kailangan Lima,”sa Alamin Natin, p. 108

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano-ano ang pandiwang ginamit sa kuwento? Ipasulat ang sagot sa pisara. Ipabasa ang mga salitang nasa pisara. Ano-anong salita ang naglalarawan sa bawat kilos sa kuwento?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 205  

 

Ipasulat ang mga ito sa pisara. Ipabasa ang mga ito. Ano ang tawag sa mga salitang ito?

4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan ang pagsasanay sa Linangin Natin, p.109.

5. Paglalahat Ano ang pang-abay? Ang pang-abay ay salitang naglalarawan ng kilos.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p. 109.

Ikaapat na Araw Layunin Nababaybay nang wasto ang salitang dinaglat Paksang-Aralin Mga Salitang Dinaglat Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita ang larawan ng mga katulong sa pamayanan. Pagbigayin ang mga bata ng pangngalang pantangi sa bawat isa. Isulat ang sagot ng mga bata sa tapat ng bawat larawan na nakapaskil sa pisara. Ipabasa ang isinagot ng mga bata.

2. Paglalahad Sino-sino ang magkakaibigan sa “Kailangan Lima?” Kilalanin ang mga ito matapos ang ilang taon. Ipabasa ang Alamin Natin, p. 109-110.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang naging hanapbuhay ng bawat tauhan sa kuwento?

Isulat ang sagot sa pisara. Ipabasa ang mga ito. Paano ito isusulat nang padaglat? Ipabasa ang mga salitang dinaglat. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Paano ito isinusulat? Ano ang ginagawa ng bawat isa sa pagpapaunlad ng pamayanan? Sino ang wala sa magkakaibigan? Kung ikaw si Rose, ano ang gusto mong maging paglaki mo? Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot gamit ang salitang dinaglat.

4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 110

5. Paglalahat Itanong: Paano isinusulat ang salitang dinaglat? Inaasahang sagot: Ang mga salitang dinaglat ay isinusulat nang pinaikli, pero pareho pa rin ng ibig sabihin nito.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 206  

 

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin , p. 110.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

Pasulatin ang mga bata ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap. Ikuwento dito ang isang pangyayaring naobserbahan na may kinalaman sa isang katulong sa pamayanan.

Bilugan ang mga pang-abay na ginamit. Guhitan ang salitang dinaglat sa talata.

Matapos ang inilaang oras, bigyang-puna ang natapos na sulatin upang maisulat muli ito nang wasto.

Aralin 28 Mahalin Natin Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng timeline Gramatika Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi Pag-unawa sa Binasa Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang teksto Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang mga nakalarawang balangkas sa pagtatala ng impormasyong kailangan Paunang Pagtataya Ipasuri ang larawan. Ano kaya ang sanhi nito? Ang bunga? Pasulatin ang mga bata ng pangungusap na sagot sa mga tanong na ibinigay. Ipabasa ang mga pangungusap.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 207  

 

Unang Araw Layunin Naisasalaysay ang napakinggang teksto sa tulong ng timeline Paksa Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Teksto Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga papel na nakasulat ang bawat letra na bumubuo sa salitang Filipino. Bigyan ng hudyat ang mga pangkat upang isaayos ang papel at mabuo ang inaasahang salita. Ano ang nabuong salita? Ipasulat sa paligid nito ang nalalaman nila sa salitang Filipino. Ipaulat ang natapos na gawain.

2. Paglalahad Ano ang gagawin mo kung hindi mo maintindihan ang wikang ginagamit ng kausap mo? Ipakita ang larawan ng isang tagak. Pag-usapan ito. Ipagawa sa mga bata ang tunog na nagagawa nito. Basahin nang malakas sa mga bata.

Si Gandang Tagak May isang tagak. Siya ang pinakamagandang tagak sa kaniyang lugar. Lahat ay gusto siyang maging kaibigan. Lahat ay gusto siyang makasama. Isang araw, nakasalubong siya ni Bibe. Binati siya nito ngunit hindi niya pinansin. Ganoon din ang ginawa niya kina Gansa at Pugo. “Ano kaya ang kaniyang problema?” ang sabi ng dalawang magkaibigan. Minsan, nagkaroon ng pagtitipon ang lahat ng mga ibon sa kanilang lugar. Isang gabi iyon para sa mga ibon na mula pa sa silangan kaya hindi nag-atubili si Tagak na dumalo. Suot niya ang pinakamagandang damit at ang pinakamahal na mga alahas kaya lahat ay napalingon sa pagdating ni Tagak sa pagtitipon.

Umupo siya sa tabi ng isang grupo ng mga ibon at nagsimulang makipagkuwentuhan. Tawa dito. Ngiti dito. Tango doon. Nang magsimula na siyang magsalita gamit ang wikang kanina pa niya naririnig, biglang nagtawanan ang mga kausap niya. At sabay-sabay na nag-alisan sa kaniyang tabi. Sa hiya ni Tagak, patakbo siyang umalis sa lugar na iyon. At nakasalubong niya sina Bibe, Gansa at Pugo na yumakap sa kaniya nang mahigpit. Sabay-sabay nilang sinabi, “Tayo nang umuwi, kaibigan.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Tungkol saan ang napakinggang kuwento? Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan siya.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 208  

 

Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Isulat ang mga pangayayari gamit ang organizer . (Isulat ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa loob ng bawat kahon.) Ipakuwento nang muli ang napakinggan gamit ang natapos na organizer.

4. Pagpapayamang Gawain Alisin sa pisara ang natapos na timeline. Magpagawa sa mga bata ng sariling timeline ng napakinggang kuwento. Ipasalaysay ang napkinggang kuwento gamit ang natapos na timeline. Gamitin ang rubric para sa pagmamarka.

4 3 2 1

- May umpisa, gitna at katapusan

- Nailarawan nang kumpleto ang tagpuan

- Nailarawan nang maayos ang mga tauhan

- Natukoy ang suliranin

- Naisalaysay nang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

- Naipaliwanag nang maayos ang solusyon sa suliranin sa kuwento

- Hindi nangailangan ng tulong upang maalala ang mga bahagi ng kuwento 

- May umpisa, gitna at katapusan

- Nailarawan nang kumpleto ang tagpuan

- Nailarawan nang maayos ang mga tauhan

- Natukoy ang suliranin

- Naisalaysay nang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

- Naipaliwanag nang maayos ang solusyon sa suliranin sa kuwento

- Nangailangan ng 1-2 na tulong upang maalala ang mga bahagi ng kuwento 

- May mga nabanggit na detalye na wala sa orihinal na kuwento

- Hindi naibigay nang wasto ang mga detalye sa tauhan, tagpuan ng kuwento

- Wala sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari na nabanggit - Nangailangan ng 3-4 na tulong upang maalala ang mga bahagi ng kuwento 

- Hindi malinaw ang mga pangyayari sa kuwento

- Nagbigay ng kakaunting detalye sa kuwento

- Ang pagtulong na ibinigay ay hindi sapat upang maisalaysay nang ayos at wasto ang napakinggang kuwento  

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 209  

 

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Gumawa ng timeline ng isang napakinggang kuwento. Ipakita ito sa kaklase at hayaang isalaysay niya ang mga ito nang may wastong pagkakasunod-sunod.

Ikalawang Araw Layunin Napag-uugnay ang sanhi at bunga sa mga pangyayari sa binasang talata Paksang-Aralin Sanhi at Bunga Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Itanong sa mga bata ang dahilan kung bakit nagiging makalat sa loob ng silid-aralan. Itanong din sa kanila ang magiging bunga kung hindi lilinisin ang mga kalat na ito.

2. Paglalahad Itanong: Ano ang pumapasok sa isipan sa salitang ilog? Bakit dapat mapanatiling malinis ang ating mga ilog? Ipabasa ang kuwento ni “Mariang Tilapya” sa Alamin Natin, p. 111.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano ang pamagat ng kuwento? Sino ang may-akda nito? Saan naganap ang kuwento? Sino-sino ang tauhan? Ilarawan ang bawat isa. Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Ano ang sumunod na pangyayari? Ano ang huling pangyayari sa kuwento? Ipagawa nang pangkatan. Bigyan ang bawat pangkat ng organizer.

Ano ang suliranin

nina Mariang Tilapya?

Sanhi

Sanhi Bunga

Bunga

Sanhi Bunga

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 210  

 

Pag-uulat ng bawat pangkat. Ano ang ibig sabihin ng sanhi? Bunga?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin p. 112. Matapos ang nakalaang oras, ipaulat sa bawat pangkat ang sagot sa natapos na gawain. Ano-ano ang kilos na naganap sa kuwento? Ano ang dahilan ng bawat pagkilos? Ano ang naging sanhi nito?

5. Paglalahat Ano ang sanhi? Ano ang bunga? Ang sanhi ay ang dahilan ng kilos o pangyayaring naganap. Ang bunga naman ay ang epekto ng kilos o pangyayaring naganap.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 113. Pag-uulat ng sagot sa natapos na gawain.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi Paksang-Aralin Pang-abay Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Itanong: Ano-ano ang ginagawa mo sa bahay? Ipagawa sa mga bata sa pamamagitan ng pagkilos ang sagot sa tanong. Itanong habang isinasagawa ng ibang bata ang kilos. Paano isinagawa ang kilos?

2. Paglalahad Ano ang problema ni Mariang Tilapya? Nabigyan ba ito ng solusyon? Paano? Ipabasang muli ang kuwentong “Si Mariang Tilapya” sa p. 111.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano-ano ang salitang kilos na ginamit sa kuwentong binasa?

Paano nasolusyonan ang suliranin nina Mariang Tilapya?

Sanhi

Sanhi Bunga

Bunga

Sanhi Bunga

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 211  

 

Ipatala ang mga sagot sa pisara. Paano ito isinagawa sa kuwento? Ipabasa ang mga itinalang salita. Alin sa mga ito ang nagsasabi ng kilos? Naglalarawan ng kilos? Ipahanap sa kuwento ang sasagot sa: Anong salita ang naglalarawan kung paano - naglakad si Rosa? - hinanap ni Rosa ang munting tinig? - nagising si Rosa? - napangiti si Rosa? Ipabasa ang mga salitang isinagot sa mga tanong na ibinigay. Ano ang ginagawa ng mga salitang ito sa pangungusap? Sa pandiwa? Ano ang tawag sa mga salitang ito?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 114. Isunod ang pag-uulat sa natapos na gawain. Ano-anong pang-abay ang ginamit sa kuwento?

5. Paglalahat Ano ang pang-abay? Ang pang-abay ay salitang naglalarawan sa kilos o gawi.

6. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 117. Ipasuri ang mga larawan. Pagawain ang mga bata ng isang pangungusap na maglalarawan ng kilos sa larawan. Ipabasa sa mga bata ang ginawang pangungusap.

Ikaapat na Araw Layunin Nagagamit ang mga nakalarawang balangkas sa pagtatala ng impormasyon o datos na kailangan Paksang-Aralin Paggamit ng Balangkas sa Pagtatala ng Impormasyon Panlinang na Gawain

1. Tukoy-alam Magparinig ng isang balita sa mga bata. Ano-ano ang mahahalagang detalye na napakinggan? Paano mo ito natandaan?

2. Paglalahad Pangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang nakasulat sa activity sheet na matatanggap. Punan ang hinihingi ng graphic organizer batay sa kuwentong “Mariang Tilapya.”

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 212  

 

I – II –

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pag-uulat ng bawat pangkat. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng nakalarawang balangkas sa pagtatala ng mga impormasyong kailangan?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, 115. Ipatala ang mahahalagang impormasyon na makukuha dito. Pag-uulat ng sagot sa natapos na gawain.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ang nakalarawang balangkas ay ginagamit sa pagtatala ng impormasyon o datos na kailangan.

6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata sa paggawa ng Pagyamanin Natin, p. 116.

Unang Pangyayari

Huling Pangyayari

Gitnang Pangyayari

Pamagat

Pamagat

Tagpuan

Tauhan

Suliranin

Solusyon

Aral

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 213  

 

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Salungguhitan ng isa ang bahaging nagpapahayag ng sanhi at dalawa ang nagpapahayag ng bunga sa mga pangyayari.

1. Dahil sa walang tigil na pag-ulan kaya bumaha sa kapatagan. 2. Mataas ang marka ni Harold dahil masipag siyang mag-aral. 3. Nabali ang sanga ng mga puno sa lakas ng hangin kahapon. 4. Masayang umuwi ang mga manlalaro dahil nanalo sila. 5. Nabusog ang mga bata sa masarap na handa ng kaniyang kamag-aaral.

Bilugan ang pang-abay sa pangungusap.

6. Siya ay mabagal kumilos kaya naiwan ng barkada niya. 7. Pasuray-suray lumakad ang lasing na nakita ko. 8. Sumagot sila nang pasigaw sa guro kaya naparusahan. 9. Kami ay payukong lumakad para hindi mauntog. 10. Ang mga bata ay matuling umakyat sa puno ng bayabas.

Aralin 29 Ipagmalaki Natin Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pinakinggan Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento Naiuulat nang pasalita ang mga napakinggang balita Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento Gramatika Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na laban sa, ayon sa, at para sa Pag-unawa sa Binasa Nababasa ang mga salitang klaster at may diptonggo

Nakikilala na ang dalawang salita ay maaaring maging tambalang salita na nananatili ang kahulugan

Komposisyon Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang katutubo, salitang hiram, mga salitang dinaglat Nakasusulat ng isang talata nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang paksa, isyu

Paunang Pagtataya Ano ang naramdaman mo sa pagbasa ng kuwento ni “Mariang Tilapya?” Sumulat ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol dito.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 214  

 

Unang Araw Layunin Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento Naiuulat nang pasalita ang mga napakinggang balita Paksang-Aralin Pagbibigay ng Sariling Wakas sa Napakinggang Kuwento Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita ang magagandang tanawin. Papiliin ang mga bata kung aling tanawin ang nais nilang puntahan. Sabihin kung bakit nila nais itong puntahan.

Ano-ano ang magagandang tanawin na makikita sa ating bansa? Ipabigay pa ang ibang nalalaman ng ibang bata.

2. Paglalahad Itanong: Anong lugar na ang napasyalan mo? Hayaang magbahagi ang ilang bata ng kanilang karanasan. Sabihin ang pamagat ng kuwento. Bakit kaya lakbay-aral? Isulat ang mga sagot ng mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa mga bata.

Lakbay-Aral ni Florenda B. Cardinoza

Oktubre 19, 2013 ang araw na pinakahihintay ni Marc. Pinayagan siya ng

kanyang ina na sumama sa field trip ng kanilang paaralan. “Marc matulog ka na ngayon at huwag mong kalilimutang isuot ang iyong

pajama. Maaga kayong aalis bukas,” wika ng kanyang ina. “Opo, Inay” ang mahinahong sagot niya. Kinabukasan, maagang gumising si Marc. Inihanda na ng kaniyang ina ang

dadalhin niyang mga baon tulad ng spaghetti, sandwich na may palaman na keso. Pinadala rin ang cellphone niya.

“Marc mag-ingat ka at huwag lalayo sa mga kaklase mo, ” ang bilin at paalala ng kaniyang ina.

“Opo, Inay, iingatan ko po ang aking sarili,” ang sagot ni Marc. Una nilang pinuntahan ang Pambansang Museo at dito niya nakita ang

magagandang tanawin sa ating bansa. Habang sila ay naglalakad, natanaw niya ang malalaking picture frame na nakasabit at may nakaukit.

“Wow! Ang ganda talaga ng Pilipinas!” wika ni Marc. “Dito matatagpuan ang Bulkang Mayon, Boracay na may pinong buhangin,

Hagdan-hagdang Palayan na ginawa ng mga ninuno, Underground River sa Palawan, at marami pang iba. Narito rin ang iba’t ibang pera ng ating bansa na may mga larawan ng mga taong nagbigay ng karangalan sa ating bansa tulad nina Juan Luna, Sen. Ninoy Aquino at kaniyang asawa na si Pang. Cory Aquino, Jose Rizal, Emilio Aguinaldo, at marami pang iba.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 215  

 

“Dapat nating ingatan at ipagmalaki sa iba,” wika ni Dino, ang kaniyang kaklase.

“Oo nga, bukod sa mga magagandang tanawin na iyan at kilalang Pilipino,” napatigil si Marc sa paglalakad at napabuntong-hininga naalaala pala niya ang kaniyang ama.

“Marami na ring mga Pilipino ang nagbigay ng karangalan sa ating bansa, tulad ng tatay ko na nagtatrabaho sa ibang bansa. Saludo ako sa kaniya,” wika ni Marc. Balikan ang tanong na ibinigay bago basahin ng guro ang kuwento. Ipabasa ang mga sagot ng mga bata. Itanong: Tama ba ang hula mo? Ipagawa nang pangkatan. I – Iguhit ang mga lugar na binanggit sa kuwento II – Isadula ang wakas ng kuwento III – Kumpletuhin ang graphic organizer. Itanong: Ano ang pamagat ng kuwento? (Tawagin ang pangkat na sumagot nito.) Saan naganap ang kuwento? (Tawagin ang pangkat na sumagot nito.) Sino-sino ang tauhan sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na sumagot nito.) Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Panggitna? Panghuli? (Tawagin ang pangkat na sumagot nito.) Ano-anong mga lugar ang nabanggit sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na sumagot nito.) Sino-sino ang mga nabanggit na Pilipino sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na sumagot nito.) Dapat ba silang ipagmalaki? Bakit?

Ano-ano pa ang dapat nating ipagmalaki sa ating bansa? Paano mo ipagmamalaki ang ating bansa?

Simula

Gitna

Wakas

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 216  

 

4. Pagpapayamang Gawain Ipasadula sa bawat pangkat ang napagkasunduang wakas ng napakinggang kuwento. Pagsasadula ng bawat pangkat. Talakayin ang ipinakita ng bawat pangkat.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Sabihin din sa kanila na humanda para ipakita ito sa harap ng klase. Pangkat-pangkatin ang klase. Tumawag ng isang bata at ipakuwento ang karanasan niya sa lakbay-aral. Ano-ano ang nararamdaman ng isang taong nakapagbigay ng karangalan sa ating bansa? Kung ikaw ay hindi pa nakaranas na ipagmalaki ang bansang Pilipinas sa iba, ano ang gagawin mo?

Ikalawang Araw Layunin Nababasa ang mga salitang klaster at may diptonggo Paksang-Aralin Mga Salitang may Klaster at Diptonggo Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Dugtungan. Sabihin... Pinayagan si Marc na sumama sa field trip. Tumawag ng ilang bata na magdudugtong sa kuwento hanggang sa matapos ito.

2. Paglalahad Saan-saang lugar sa Pilipinas ang nais mong marating? Bakit nais mong makarating dito? Ipabasa “ Sakay Na,” pp. 116 – 117.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Bakit “Sakay Na” ang pamagat ng teksto? Saan-saang lugar nagpunta ang dyip? Ilarawan ang bawat lugar na binanggit. Ipaturo ito sa mapa. Ipakita ang mga inihandang larawan ng mga lugar na nabanggit. Pag-usapan ang mga makikita sa larawan. Alin sa mga ito ang nais mong marating? Ipaliwanag ang dahilan. Ipabasa muli ang teksto. Ipatala ang mga salitang may klaster at diptonggo. Ipabasa ang mga itinalang salita. Ipasulat ito sa pisara. Ipabasa ang mga salita sa pisara. Ano-ano ang salitang may klaster? May diptonggo?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin p. 117-118.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 217  

 

5. Paglalahat Ano ang salitang may klaster? May diptonggo?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin p 119. Bigyang-puna ang natapos na sulatin. Ibalik ito sa mga bata upang muling maisulat nang wasto.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na tungkol sa, tungkol kay, ayon kay, at ayon sa Paksang-Aralin Wastong Gamit ng tungkol sa, tungkol kay, ayon kay, at ayon sa Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita ang mga salitang tungkol sa, tungkol kay, ayon kay at ayon sa na nakasulat sa flash card. Ipabasa ang mga ito. Pasulatin ang mga bata ng pangungusap gamit ang mga ito. Ipabasa ang naisulat na pangungusap.

2. Paglalahad Magpakita ng isang puting sobre. Ano kaya ang laman nito? Pahulaan sa mga bata at isulat ang kanilang sagot sa pisara. Ipabasa “Puting Sobre, “ pp. 118-119.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang laman ng sobre? Tama ba ang hula ninyo? Kilalanin ang mga tama ang hula. Sino ang sumulat ng liham? Kanino ito ipinadala? Bakit sumulat si Maricel? Ano ang ibinalita niya? Pansinin ang pagkakagamit ng tungkol sa, tungkol kay, ayon kay at ayon sa. Paano ginagamit ang tungkol sa, tungkol kay, ayon kay at ayon sa

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin p. 119. Ipabasa sa mga bata ang sulat na ginawa nila. Bigyang puna ang pagkakagamit ng mga pang-ukol. Kung may nakitang mali, itanong sa mga bata kung paano ito iwawasto.

5. Paglalahat Ano ang pang-ukol? Pang-ukol ang tawag sa mga salitang kataga, salita, o pariralang nagsasaad ng kaugnayan ng pangngalan sa iba pang bahagi ng pangungusap.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin p. 119.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 218  

 

Ikaapat na Araw Layunin

Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang hiram Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang paksa o isyu

Paksang-Aralin Pagsulat ng Salitang Hiram at Talata Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Pasulatin ang mga bata ng limang salitang may salitang katutubo, salitang hiram, mga salitang dinaglat natutuhan sa naunang aralin. Ipagawa ito sa show-me-board. Ipabasa ang ginawang talaaan. Pabigyang puna sa ibang bata ang ipinakitang gawain ng kaklase.

2. Paglalahad Ipabasa ang “Puting Sobre.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipatala sa mga bata ang mga salitang hiram na ginamit dito. Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Isulat sa pisara nang may wastong baybay. Linangin ang bawat salita. Ipagamit sa sariling pangungusap ang bawat salita. Ipabasang muli ang mga salita. Itanong: Paano binibigkas ang mga hiram na salita? Paano isinusulat ang mga hiram na salita? Ipabasang muli ang “Puting Sobre.” Paano isinulat ang talata? Paano isinulat ang pangungusap? Ano-anong bantas ang ginamit? Ano ang ipinahihiwatig nito?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 120.

5. Paglalahat Paano isinusulat ang mga hiram na salita? Binibigkas ang mga salitang ito ayon sa bigkas sa wikang Ingles. Isinusulat ang mga salitang hiram sa dating alpabeto at marami ring salitang hiram na hindi binabago ang baybay.

6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata sa paggawa ng Pagyamanin Natin, p. 120.

Ikalimang Araw Panligguhang Pagtataya

Pasulatin ang mga bata ng isang talata tungkol sa isang karanasan sa paglalakbay o pamamasyal. Paguhitan ang mga salitang may klaster. Bilugan ang salitang hiram.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 219  

 

Aralin 30

Ikarangal Natin Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pinakinggan Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento Gramatika Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na laban sa, ayon sa, at para sa Pag-unawa sa Binasa Naibibigay ang lagom ng binasang teksto Kasanayan sa Aklat at Limbag Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho at pagkakaiba batay sa tema Komposisyon Nakasusulat ng isang talatang nagsasalaysay Paunang Pagtataya Ipabasa ang “Mariang Tilapya.” Magpasulat ng isang talata na may dalawa hanggang apat na pangungusap bilang buod nito. Unang Araw Layunin Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento Paksang-Aralin Pagbibigay ng Katumbas ng Napakinggang Kuwento Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipagawa sa mga bata ang Travel Planner. Ipasulat sa isang papel ang limang lugar sa Pilipinas na nais nilang puntahan. Ipabasa sa mga bata ang ginawang talaan. Ipaturo sa mapa ng Pilipinas kung saan makikita ang mga tinukoy na lugar. (Gabayan ang mga bata sa pagtukoy ng lokasyon ng mga piniling lugar.)

2. Paglalahad Itanong: Anong lugar na ang napasyalan mo? Hayaang magbahagi ang ilang mga bata ng kanilang karanasan. Sabihin ang pamagat ng kuwento. Itanong: Bakit kaya kakaibang paglalakbay ang pamagat ng kuwento? Isulat ang mga sagot ng mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa mga bata.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 220  

 

Kakaibang Paglalakbay Angelika D. Jabines

Magmula nang magkaisip ako, lagi kong nakikita si Tatay na pumupunta sa

aming bodega sa likod-bahay. Pero hindi ako nagtanong kung bakit siya laging naroon. Ang natatandaan ko lang, sa araw ding iyon, magkukuwento siya sa akin tungkol sa magagandang lugar, natatanging tao, mga kaugalian at kung ano-ano pang tungkol sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Dahil sa kaniya, nalaman ko tuloy ang mas maraming kuwento tungkol sa Pagsanjan Falls sa Laguna, sa Maria Cristina Falls sa Mindanao, sa Krus ni Magellan sa Cebu at marami pang lugar sa bansa.

Ikinuwento rin niya sa akin tungkol sa hari ng Pinoy Komiks na si Carlo Caparas, kay Nick Joaquin na ating Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura at marami pang Pilipinong may katangi-tanging ambag sa ating bansa.

Sa kaniya ko rin nakilala ang iba’t ibang sayaw, laro, okasyon, kaugalian na hindi pa naituturo ni Teacher.

Ang dami talagang nalalaman ni Tatay! Pero halos mag-iisang buwan na, hindi ko na nakikita si Tatay sa bodega.

Hindi na rin siya nagkukuwento. Dinapuan kasi siya ng sakit at kailangan niyang tumigil sa ospital. Miss na miss ko na si Tatay.

Sa pag-uwi ni Nanay pagkagaling ng ospital, may bilin daw sa akin si Tatay. Kaya pumunta ako sa bodega. Sa lugar kung saan laging pumupunta si

Tatay. Doon ko nakita ang isang kahon na may nakalagay na pangalan ko. Binuksan ko ito. Ang daming selyo. Iba’t ibang selyo ng Pilipinas at ng ibang bansa.

Binuklat ko ito isa-isa. Dito pala kumukuha ng kuwento si Tatay. At ngayon parang katabi ko pa rin si Tatay hanggang sa aking pagtulog. Balikan ang tanong na ibinigay bago basahin ng guro ang kuwento. Ipabasa ang mga sagot ng mga bata. Itanong: Tama ba ang hula mo? Ipagawa nang pangkatan. I – Iguhit ang mga lugar na binanggit sa kuwento. II – Gumawa ng name tag ng mga tao na nabanggit sa kuwento. III – Kumpletuhin ang graphic organizer.

Pamagat Tagpuan Mga Tauhan

Mga Pangyayari

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 221  

 

Itanong Ano ang pamagat ng kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa nito.) Saan naganap ang kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa nito.) Sino-sino ang tauhan sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa nito.) Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Panggitna? Panghuli? (Tawagin ang pangkat na gumawa nito.) Ano-anong mga lugar ang nabanggit sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa nito.) Saan makikita ang bawat isa? Ipaturo sa mga bata ang lokasyon nito sa mapa ng Pilipinas. Ipadikit sa mga bata ang iginuhit na larawan sa tamang lokasyon nito sa mapa. Sino-sino ang mga nabanggit na Pilipino sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa nito.) Dapat ba silang ipagmalaki? Bakit? Ano-ano pa ang dapat nating ipagmalaki sa ating bansa? Paano mo ipagmamalaki ang ating bansa?

4. Pagpapayamang Gawain Pangkat-pangkatin ang klase. Pabilugin ang mga bata kasama ang kanilang pangkat. Bigyan ang bawat isa ng oras upang makapagkuwento sa mga kasama ng isang karanasang hindi niya malilimutan tungkol sa kaniya at sa sinumang miyembro ng kaniyang pamilya.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Sabihin sa mga bata na magbabahagi sila ng isang karanasan nila sa pamamasyal sa isang magandang lugar sa pamamagitan ng pagguhit. Sabihin din sa kanila na humandang ipakita ito sa harap ng klase.

Ikalawang Araw Layunin Naibibigay ang buod ng binasang teksto Paksang-Aralin Pagbubuod ng Binasang Teksto Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakuwento sa mga bata ang napakinggang kuwento noong unang araw sa pamamagitan ng tatlo hanggang apat na pangungusap.

2. Paglalahad Paano mo ipinagmamalaki na ikaw ay isang Pilipino?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang “Kayamanan sa Pagsulat,” p. 120.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 222  

 

Itanong: Ano ang pinag-uusapan sa teksto? Saan-saan ginagamit ang tula? Paano naisasalin sa mga bata ang kultura sa pamamagitan ng tula? Paano mo ikararangal ang pagiging mayaman ng Pilipinas? Ano ang pangunahing ideya ng teksto? Ano-ano ang mahahalagang impormasyon na nakuha sa teksto? Ipatala ang mga ito sa mga bata. Ipabasa ang mga pangungusap na isinulat. Sa pamamagitan ng mga pangungusap, gabayan ang mga bata na makagawa ng isang paglalagom tungkol sa binasang teksto. Pasundan ang pattern. Ang ____________ ay tungkol sa ____________________. Ayon sa teksto, ang _____________________________, ______________________, _______________ at _______________________.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa sa mga bata ang Linangin Natin, p. 121. Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng natapos na gawain.

5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng buod ng isang teksto?

Ang buod ng isang teksto ay ang pinaikling nilalaman ng isang kuwento o babasahin. Ito ay maaaring tatlo o higit pang pangungusap.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 121. Matapos ang inilaang oras, ipabahagi ang buod na natapos. Bigyang-puna ang pagkakasulat nito. Ibalik sa mga bata upang muling maisulat.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na laban sa, ayon sa, at para sa Paksang-Aralin Wastong Gamit ng laban sa, Ayon sa, at Para sa Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Kailan ginagamit ang laban sa? Ayon sa? Para sa? Pasulatin ang mga bata ng pangungusap gamit ang mga ito.

2. Paglalahad Ipabasang muli ang “Kayamanan sa Lapis.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pasulatin ang mga bata ng mga pangungusap batay sa binasang teksto. Ipagamit ang laban sa, ayon sa, at para sa? Ipabasa sa mga bata ang sinulat na pangungusap. Itanong: Tama ba ang pagkakagamit ng laban sa? Ayon sa? Para sa? Kailan ginagamit ang laban sa? Ayon sa? Para sa?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 223  

 

Ipabasang muli ang mga pangungusap na ginamit sa pag-uumpisa ng klase. Tama ba ang pagkakagamit ng pang-ukol? Paano iwawasto ang mga mali?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 122. Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng sagot.

5. Paglalahat Kailan ginagamit ang laban sa? Ayon sa? Para sa?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang dugtungan sa Pagyamanin Natin, p. 122.

Ikaapat na Araw Layunin Napagsasama ang mga dalawang pantig upang makabuo ng salitang may klaster Nakasusulat ng isang talatang nagsasalaysay Paksang-Aralin Mga Salitang May Klaster Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Pasulatin ang mga bata ng limang salitang may klaster. Ipabasa ang ginawang talaaan. Itanong: Ano ang klaster sa bawat salita?

2. Paglalahad Ipabasa ang “Kayamanan sa Pagsulat.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipatala sa mga bata ang mga salitang may klaster na ginamit sa teksto. Linangin ang bawat salita. Ipagamit sa sariling pangungusap ang bawat salita. Ipabasang muli ang mga salita. Itanong: Ilang pantig ang bumubuo sa bawat salita? Ano-anong pantig ang bumubuo sa bawat salita? Ano ang klaster sa bawat salita?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 122. Bigyang-puna ang naisulat na talata matapos itong maibahagi sa klase.

5. Paglalahat Ano ang salitang may klaster? Ang klaster ay dalawang katinig na magkadikit sa isang pantig. Ito ay tinatawag ding kambal-katinig.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 123.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 224  

 

Ikalimang Araw Panligguhang Pagtataya Ipasipi sa mga bata at paguhitan ang lahat na pang-ukol na ginamit. Lahat ng bata ay kinukumbinsi ng kanilang mga magulang at guro na mag-aral upang magkaroon ng maayos na buhay. Batay sa datos ng pamahalaan hindi lahat ng bata sa ngayon ay nagsisikap makapag-aral dahil sa kahirapan ng buhay ng iba nating mamamayan. Sa kabila nito maraming programa laban sa kahirapan ang patuloy na ipinapatupad ng ating pamahalaan kaya ang mga bata ay nagsusumikap din ayon sa kanilang kakayahan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 225  

 

TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON IKATLONG MARKAHAN

Mga Layunin

Bilang

ng Araw

Bilang

ng Aytem

Antas ng Pagtatasa Kaalaman Proseso/

Kakayahan Pang-unawa

Produkto/ Pagganap

Kinalalagyan ng Bilang

KAALAMAN

Pag-unawa sa Napakinggan

Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa napakinggang teksto

1 1 1

Gramatika

Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa tao, bagay, lugar, at pangyayari

2 2 2 2-3

Pag-unlad sa Talasalitaan

Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita (context clues)

1 1 1 4

Kaalaman sa Aklat at Limbag

Nahuhulaan ang nilalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa

1 1 1 5

Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan

Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin, at kultura ng may-akda ng tekstong napakinggan o nabasa

2 2 2 6-7

Proseso/Kakayahan

Gramatika

Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari

1 1 1 8

Pag-unawa sa Binasa

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang tekstong pang-impormasyon

1 1 1 9

Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan

Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan o sitwasyon

1 1 1 10

1

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 226  

 

Mga Layunin

Bilang

ng Araw

Bilang

ng Aytem

Antas ng Pagtatasa Kaalaman Proseso/

Kakayahan Pang-unawa

Produkto/ Pagganap

Kinalalagyan ng Bilang

Pag-unlad ng Talasalitaan

Nakikilala na ang dalawang salita ay maaaring maging tambalang salita na nananatili ang kahulugan

1 1 1

Pag-unawa sa Binasa

Nasasabi ang paksa o tema ng binasang teksto

1 1 1 12

Pagsulat at Komposisyon

Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat

1 1 1 13

Pag-unawa sa Napakinggan

Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang

1 1 1 14

Pang-unawa

Pagpapahalaga sa Wika at Literasi

Nakadarama ng pagbabago sa sariling damdamin ay pananaw batay sa binasang teksto

2 1 1 15

Pag-unawa sa Napakinggan

Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang

1 1 1 16

Kamalayang Ponolohiya

Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma

1 1 1 17

Pag-unlad ng Talasalitaan

Nakagagamit ng mga palatandaang nagbibigay ng pahiwatig (context clues) upang maibigay ang kahulugan ng salita

1 1 1 18

Pag-unawa sa Binasa

Naibibigay ang mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan ng binasang teksto

1 1 1 19

Pagsulat at Pagbabaybay

Nagagamit ang wastong bantas, malaki at maliit na letra sa pagsulat

1 1 1 20

Pag-unawa sa Napakinggan

Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong napakinggan

2 4 4 21-24

Antas ng Pagtatasa

11

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 227  

 

Mga Layunin Bilang ng

Araw

Bilang ng

Aytem

Kaalaman Proseso/ Kakayahan

Pang-unawa

Produkto/ Pagganap

Kinalalagyan ng Bilang

Produkto/Pagganap

Komposisyon

Nakasusulat ng isang tula na may tamang tema at tugma

3 8 8

Pag-unawa sa Napakinggan

Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento

4 8 8 33-40

KABUUAN 35 40 40

25-32

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 228  

 

Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng sagot.

Pag-aalaga ng mga Hayop Modesta R. Jaurigue

Sabado ng umaga, nagmamadaling bumaba ng bahay si Mang Carlos upang pumunta sa likod-bahay. Doon, makikita ang kaniyang inaalagaang iba’t ibang alagang hayop. May mga bibe, manok, kambing at mga baboy. Ito ang nagsisilbi niyang libangan mula nang tumigil siya sa pagiging kawani ng gobyerno sa edad na animnapu at lima. Dito lumalakas ang kaniyang katawan at nagsisilbing ehersisyo sa araw-araw. Bukod dito, nagsisilbi pang hanapbuhay na may malaking kita.

1. Ano ang nagsisilbing libangan ni Mang Carlos? A. Paghahalaman C. Pagtitinda B. Paghahayupan D. Pangingisda

2. Saan makikita ang mga alagang hayop ni Mang Carlos? A. sa harapan ng bahay C. sa likuran ng bahay B. sa may bakanteng lote D. sa may tumana

3. Pag-aalaga ng hayop ang nagsilbing libangan ni ______. A. Mang Oscar C. Mang Rey B. Mang Carlos D. Mang Cesar

4. Bukod dito, nagsisilbi pang hanapbuhay na may malaking kita. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay _____. A. trabaho/ pinagkakakitaan C. ehersisyo B. libangan D. aralin

5. Ang paksa ng talata ay ______. A. paghahanapbuhay C. pangingisda B. pagtitinda ng mga Produkto D. pag-aalaga ng hayop

6. Anong ugali ang ipinakita ni Mang Carlos sa kuwento? A. Pagkamatapat C. Pagkamaalaga B. Pagkamapagbigay D. Pagkamapagkakatiwalaan

7. Paano kaya inaalagan ni Mang Carlos ang kaniyang mga hayop? A. pinakakain nang mabuti C. nililinis na mabuti ang tirahan nito B. pinaiinum nang tama D. lahat ng nabanggit

Pagtupad sa Pangarap ni Modesta R. Jaurigue

Bata pa lamang si Marlon ay pangarap na niyang makatapos ng kursong inhinyero. Bagamat ulila na siya sa mga magulang ay hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral. Nagtatrabaho siya sa yelohan sa piyer simula dapithapon hanggang alas 8:00 ng gabi at babalik ng alas 4:00 ng madaling-araw hanggang alas 6:00 ng umaga. Hindi kaagad siya pinag-aral ng kaniyang mga magulang kaya sa gulang na labindalawa ay nasa ikatlong baitang pa siya pero hindi niya ito ikinahihiya bagkus mas lalo pa siyang nagiging pursigido sa pag-aaral.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 229  

 

8. Anong uri ng mag-aaral si Marlon? A. masikap C. magalang B. matapat D. maalalahanin

9. Bakit kaya hindi pinag-aral agad si Marlon ng kanyang mga magulang? A. Mag-aalaga sa mga kapatid C. Kapos sa pera B. Dahil hindi pa handang mag-aral D. Hindi sila bilib kay Marlon

10. Kung ikaw si Marlon, ano ang gagawin mo? A. Magtatrabaho na lamang upang kumita ng pera B. Ipagpapatuloy ang pag-aaral habang nagtatrabaho C. Tumigil muna sa pag-aaral. D. Humanap ng taong susuporta sa pag-aaral.

11. Ikahon ang dalawang tambalang-salita mababasa sa pangungusap. Nagtatrabaho siya sa yelohan sa piyer simula dapit-hapon hanggang alas

8:00 ng gabi at babalik ng alas 4:00 ng madaling-araw hanggang alas 6:00 ng umaga.

12. Ang talata ay tungkol sa ______.

A. Pagtatrabaho ni Marlon C. Pagsisikap sa pag-aaral B. Pagiging ulila sa magulang D. Pagsuko sa buhay

13. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa isang tao? A. Nakatutulong sa pag-unlad ng tao C.Nagkakaroon ng magandang trabaho B. Nabubuo ang tiwala sa sarili D.Lahat ng nabanggit

14. Sundin ang panuto: Magdrowing ng dalawang bilog Sa isang bilog isulat ang pangarap ni Marlon. Sa pangalawang bilog naman ay ang dapat niyang gawin upang matupad iyon.

15. Bakit dapat pangalagaan ang kalikasan? A. Nagbibigay ganda sa kapaligiran C. Regalo ito ng Diyos B. Nagdudulot ng yaman sa mga tao D. lahat ng nabanggit

Biyaya ng Maykapal ni Modesta R. Jaurigue

Kay gandang pagmasdan, nitong kalikasan, Lalo’t mga tao’y tulong-tulong sa kalinisan, Nagbibigay-halaga sa kagandahang taglay, At dulot nitong yaman sa bawat nilalang.

Atin laging isaisip, kapakanan ng kapaligiran, Upang tayo’y makinabang, pagdating ng araw,

Iya’y adhikain ng Poong Maykapal, Ang maibigay sa atin, biyaya ng kalikasan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 230  

 

16. Gumuhit ng isang bilog at isulat sa gitna ang biyayang ating natatanggap sa kalikasan.

17. Guhitan ang katugma sa ikalawang linya ng salitang may salungguhit

Kay gandang pagmasdan, nitong kalikasan, Lalo’t mga tao’y tulong-tulong sa kalinisan.

18. Iya’y adhikain ng Poong Maykapal. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay: A. layunin C. pangako B. dasal D. sumpa

19. Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong mo sa ating kalikasan? A. Pagtatapon ng basura kahit saan C. Pagtatanim ng puno at

halaman B. Pagsusunog ng mga plastik, styro at iba pa D. Paggamit ng plastik

20. Isulat ng tama ang lipon ng mga salita na may wastong bantas. aba kaygandang pagmasdan na ating kalikasan

21-24 Pagsunud-sunurin ang mga ideya tungkol sa pagtatanim ng halaman. Isulat na muli sa patlang.

A. Itanim ang halaman sa parteng hapon upang hindi malanta. B. Haluan ng pataba ang lupa bago ito tamnan. C. Diligan kaagad ang halaman pagkatapos itanim at takpan ng saha ng saging

kung araw. D. Bungkalin ang pagtataniman ng lupa at pinuhin ito.

PRODUKTO/ PAGGANAP

Gumawa ng isang talata na may tatlo hanggang apat na pangungusap matapos basahin ang kuwento.

Ang Magkakaibigan Magsasaliksik ang magkakaibigan na Criselle, Dexter, Brando, at Gracia. Sumakay

sila sa dyip ni Mang Primo. “Mamang Primo, para na po diyan sa tapat ng Premiere Restaurant.” Nang pumasok sila sa computer shop, maraming estudyante ang gumagamit ng

computer. Sa isang tabi, nakita nila si Trisha na nagpi-print ng pina-scan ng isang mag-aaral.

“Oy mga bata, nandito pala kayo. Ano ba ang gagawin ninyo?” tanong ni Aling Gloria. “Magre-research po kami,” wika ni Gracia.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 231  

 

Pamantayan sa Pagsulat

2 5 8

Walang paksang pangungusap.

Hindi malinaw ang pagkakasulat ng paksang pangungusap.

Kumpleto at malinaw ang paksang pangungusap.

Hindi magkakaugnay ang mga pangungusap.

May isang pangungusap na walang kaugnayan sa paksang pangungusap.

May pagkakaugnay ang mga pangungusap.

May 3- 4 na salita na mali ang pagkakabaybay, pagkakagamit ng mga malaking letra at bantas.

May 1- 2 na salita na mali ang pagkakabaybay, pagkakagamit ng mga malaking letra at bantas.

Walang mali ang pagkakabaybay, pagkakagamit ng mga malaking letra at bantas.

Gawaing Pagganap

Makapagbigay ng orihinal o sariling wakas sa napakinggang kuwentong “Ang Magkakaibigan” sa pasalitang pamamaraan. Gagampanan ng bawat pangkat na may 10 mag-aaral. Babasahin ng bawat lider ng pangkat ang kuwento na pinamagatang “Ang Magkakaibigan”. Sa loob ng 5 minuto, mag-iisip ang bawat pangkat ng wakas ng kuwento. Pamantayan sa Pagsasagawa PUNTOS PAMANTAYAN

8 Nakapagbibigay ng orihinal o sariling wakas sa napakinggang kuwento sa pasalitang pamamaraan. Nakagagamit ng malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang katutubo o salitang hiram. Nakagagamit ng mga salitang klaster o may diptonggo.

5

Nakapagbibigay ng orihinal o sariling wakas sa napakinggang kuwento sa pasalitang pamamaraan. Nakagagamit nang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang katutubo o salitang hiram.

2

Nakapagbibigay ng orihinal o sariling wakas sa napakinggang kuwento sa pasalitang pamamaraan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   

 232  

 

madaling‐araw 

SUSI SA PAGWAWASTO

1. B 2. C 3. B 4. A 5. D 6. C 7. D 8. A 9. C 10. B

11. dapithapon

12. C

13. D

14.

o puwedeng tumanggap ng malapit na kasagutan 15. D 16. o puwedeng tumanggap ng ibang kasagutan

17. kalikasan, kalinisan 18. A 19. C 20. Aba! Kay gandang pagmasdan ng ating kalikasan. 21-24.

a. Bungkalin ang lupa na pagtataniman at pinuhin ito. b. Haluan ng pataba ang lupa bago ito tamnan. c. Itanim ang halaman ng parteng hapon upang hindi malanta. d. Diligan kaagad ang halaman pagkatapos itanim at takpan ng saha ng saging

kung araw.

inhinyero  Magsisikap 

pagkain 

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 233 

   

Aralin 31 Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Nasasagot ang mga tanong ukol sa napakinggang usapan Gramatika Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar, at pangyayari Pag-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa balitang binasa Komposisyon Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian batay sa pangangailangan Paunang Pagtataya Ipasuri ang larawan. (Ilagay ito sa isang malaking papel o kaya naman ay iguhit ang larawang ito o gumamit ng anumang larawan na may katulad na paksa.) Pasulatin ang mga bata ng dalawang tanong tungkol sa larawan. Ipabasa ang isinulat na mga tanong. Ipaskil ang mga papel na pinagsulatan ng mga bata ng tanong upang sila na rin ang magsuri kung tama o mali ang mga ito sa susunod na aralin. Unang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang usapan Paksang-Aralin Pakikinig sa Isang Usapan

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 234 

   

Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam

Tutukuyin ng mga bata kung kaya o hindi nila kayang gawin ang makikita sa mga larawang ipakikita. Kung kaya, tumayo sa tapat ng paskil na KAYA KO at kung hindi naman ay sa tapat ng HINDI KO KAYA. Gamitin ang mga larawan na sumusunod. Maaari rin naman na gumamit ng mga larawan na mayroon na.

2. Paglalahad

Linangin ang salitang talento. Tumawag ng ilang bata upang magpakita ng kanilang talento. Ano ang ibig sabihin ng salitang talento?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa mga bata. Si Thea

Tuwang-tuwa ang lahat ng mga bata sa bahay-ampunan. Dumating na ang mga mag-aaral sa kalapit na paaralan upang magkaroon ng isang maikling palatuntunan.

Ilang minuto na lang magsisimula na ang palabas, pero hindi pa rin dumarating si Nerry. Siya pa naman ang unang kakanta bilang pambukas ng palatuntunan.

Bb. Hilario : Naku, nasaan na kaya si Nerry? Magsisimula na tayo, naiinip na ang mga bata.

Bunny : Opo nga, e. Andito na ang lahat ng magsisiganap at ang lahat ay handa na. Si Nerry na lang talaga ang kulang.

Bb. Hilario : Ano ba ang maganda nating gawin? Trining : Alam ko na po, baka puwedeng si Thea na ang

gumanap ng parte ni Nerry. Pag nag-eensayo kasi tayo lagi ko siyang nakikitang nakikisabay kay Nerry sa pag-awit.

Malugod na tinanggap ni Thea ang alok ng kaniyang guro at mga

kaibigan. Buong husay siyang umawit sa harap ng mga bata. Lalo siyang

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 235 

   

ginanahan nang makita niya na tuwang-tuwa ang lahat ng mga bata sa loob ng bulwagan.

Sino-sino ang nag-uusap? Ano ang pinagkakaabalahan ng lahat? Ano ang naging suliranin nila? Ano sa palagay mo ang nangyari kay Nerry? Paano nabigyan ng solusyon ang kanilang suliranin? Paano mo ilalarawan si Thea? Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Thea? Ipaliwanag ang sagot. Paano mo ibabahagi sa iba ang iyong talento?

4. Pagpapayamang Gawain Pangkat-pangkatin ang klase. Paghandain ang bawat pangkat ng isang usapan tungkol sa kani-kanilang talento o kakayahan. Tawagin ang bawat pangkat upang iparinig ang kanilang usapan. Magtanong sa mga bata tungkol sa napakinggang usapan.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Natutuhan ko sa araling ito ang pagsagot nang wasto sa mga tanong tungkol sa napakinggang usapan.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipaulat ang isang usapang napakinggan mula sa mga kaibigan.

Ikalawang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa Paksang-Aralin Pag-unawa sa Binasa Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ano-ano ang kaya mong gawin? Hayaang ipakitang-kilos ito ng mga bata. Tutukuyin ng mga bata ang kilos na ipinakita ng kaklase. Itanong: Nagagawa ninyo rin ba ito?

2. Paglalahad Ipasulat sa mga bata sa mapa na nasa pisara ang naaalala nila sa salitang kariton.

kariton

Ano? Sino? Iguhit

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 236 

   

Ipabasa at pag-usapan ang mga salitang naisulat ng mga bata sa mapa. Ipabasa ang pamagat ng teksto sa Alamin Natin, p. 125. Bakit “Natatanging Regalo” ang pamagat ng teksto? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang “Natatanging Regalo” sa p. 125.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Tungkol saan ang balitang binasa? Bakit “Natatanging Regalo” ang pamagat ng teksto? Ano ang regalong binanggit sa teksto? Paano ito dapat gamitin? Ano ang ibubunga kung gagamitin ito nang tama sa sarili? Sa kapwa? Sa bansa? Ilarawan ang Pilipino na binanggit sa teksto. Bakit siya dapat tularan? Paano mo siya matutularan? Bakit siya dapat ipagmalaki? Ano-ano ang kakayahan mo na dapat mo ring ibahagi sa iba? Paano?

4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan sa pangkat ang organizer na makikita sa Linangin Natin, p. 126. Pag-uulat ng bawat pangkat. Talakayin sa klase ang tamang sagot sa mga tanong na makikita sa organizer.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Natutuhan ko sa araling ito na masasagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa aking binasa kung uunawain nang mabuti ang nilalaman nito at tatandaan ang mahahalagang impormasyon na nakapaloob dito.

6. Karagdagang Pagsasanay Gumawa ng ilang news room sa loob ng silid-aklatan. Gumupit ng ilang kopya ng balita. Idikit ito sa manila paper at sulatan ng limang tanong. Ipaskil ang mga ito sa loob ng silid. Pangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 126. Papiliin sila ng isang news room. Ipabasa ang balitang nakapaskil dito at pasagutan din ang inihandang katanungan. Matapos ang ilang minuto, bigyan ng hudyat ang bawat pangkat na makapunta naman sa ibang news room. Gawin ito hanggang sa makabalik sa orihinal na news room ang bawat pangkat. Matapos ang inilaang oras, ipaulat sa bawat pangkat ang sagot sa mga tanong na binasa sa news room na unang napuntahan. Pag-usapan ang sagot ng mga bata.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 237 

   

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari Paksang-Aralin Wastong Pagtatanong Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Hayaang pumili ang mga bata ng isang bagay o larawan mula sa kanilang gamit. Pagbigayin sila ng isang tanong at pasagutan sa isang kaklase. Isulat sa pisara ang tanong na ibibigay ng mga bata. Ipabasa ang mga tanong na isinulat sa pisara.

2. Paglalahad Ipabasang muli ang teskto na nasa Alamin Natin, p. 125.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang tanong na ginawa ng mga bata tungkol sa kanilang binasa. Isulat ang mga ito sa pisara at ipabasa sa mga bata. Paano sinimulan ang mga tanong? Paano ito tinapos? Ano-anong salita ang ginamit upang simulan ang tanong? Kailan ginagamit ang ano? Saan? Sino? Kailan? Ilan? Ano ang sagot na ibinibigay sa tanong na nagsisimula sa ano? Saan? Sino? Kailan? Ilan? Ano ang ibig sabihin kapag ang ano/saan/sino ay inuulit? Balikan ang mga tanong na ibinigay sa pag-uumpisa ng klase. Tama ba ang pagkakagawa ng mga ito? Ano ang dapat tandaan kapag magtatanong sa ibang tao?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 127. Ipabasa ang mga ito at tumawag ng ibang bata upang sagutin ito. Talakayin kung tama ang pagkakagawa ng mga tanong.

5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagtatanong?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.127. Pag-uulat ng sagot sa pagsasanay. Pabigyang-puna ang ginawang tanong ng mga bata sa kanilang kaklase.

Ikaapat na Araw Layunin Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian batay sa pangangailangan

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 238 

   

Paksang-Aralin Pagsipi ng mga Talata Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ano-ano ang pangkalahatang sanggunian? Anong impormasyon ang makukuha sa bawat isa?

2. Paglalahad Ipabasang muli ang talata sa Pagyamanin Natin, p. 131.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang tinutukoy na natatanging regalo? Paano ito dapat gamitin? Bakit kailangang ibahagi ang mga ito? Paano mo mapapaunlad ang kakayahan mo? Ipabasa muli ang “Natatanging Regalo.” Ano ang pamagat nito? Paano ito isinulat? Ilang talata ang bumubuo dito? Paano sinisimulan ang talata? Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 127. Ipasuri ang natapos na gawain gamit ang rubric sa Patnubay ng Guro, p. 170.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin p. 128. Bigyan ng sapat na oras ang mga bata upang maisagawa ang mga ito. Matapos ito, bigyang-puna ang sagot na ipapasa ng mga bata.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

Magpatukoy ng isang natatanging Pilipino na nais makapanayam ng mga bata. Bigyan ng ilang minuto ang mga bata upang magbasa tungkol sa napiling

natatanging Pilipino. Magpagawa ng tatlong tanong na nais ibigay ng mga bata sa natatanging Pilipinong nais nilang makapanayam. Ipagamit ang format na ito.

Pamagat ng Binasa Sanggunian

Siniping talata mula sa binasa

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 239 

   

Aralin 32 Batang Pinoy Ako, Matatag Ako Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento Gramatika Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar, at pangyayari Pag-unawa sa Binasa Nasasagot ang tanong na bakit at paano Pagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Komposisyon Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan Paunang Pagtataya Pag-usapan ang larawan na nasa gitna. Pasulatin ang mga bata ng tanong na nagsisimula sa paano at bakit. Ipabasa sa mga bata ang nakasulat na mga tanong. Unang Araw Layunin Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento Paksang-Aralin Pagbuo ng Katumbas na Kuwento Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam A. Magdikta ng mga limang salita na natutuhan ng mga bata sa mga aralin.

Tingnan kung tama ang pagkakabaybay nila. (Gawin ang Horn Method sa linggong ito. Bago simulan ang klase sa araw-araw. Lunes – pre-test Martes – ituro ang mga salita

Paano? Bakit?

 

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 240 

   

Hula  Hula 

 

Hula  Hula

 

Miyerkules – test Huwebes – muling ituro ang mga salita sa unang araw Biyernes – mastery test)

B. Nakaranas ka na hindi makasali sa isang paglalaro ng mga kaibigan? Ano ang naramdaman mo nang mangyari ito?

2. Paglalahad Sabihin ang pamagat ng kuwento. Ano kaya ang nangyari sa kuwento? Isulat sa pisara ang magiging sagot ng mga bata. Basahin ang kuwento sa mga bata.

Pastol Man ay Mabuti Rin (Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 3, St. Mary’s Publishing House)

“Juan, bakit ka masaya?” tanong ng kaniyang nanay nang umuwi si Juan isang hapong iyon.

“Kasali po ako sa dula-dulaan namin sa paaralan para sa Pasko,” sagot ni Juan.

“Anong papel ang iyong gagampanan sa dula-dulaan?” tanong ng Nanay.

“Hindi ko po alam. Bukas pa po ibibigay ng guro ang aming mga papel.”

Masayang-masaya si Juan nang matulog. Sabik na sabik siyang malaman ang papel na kaniyang gagampanan sa dula-dulaan.

Kinabukasan, maaga siyang gumising at naghanda sa pagpasok. Masigla siyang nagpaalam sa kaniyang nanay at saka tumungo sa paaralan. Natutuwa rin ang kaniyang nanay.

Ngunit malungkot nang umuwi si Juan noong hapong iyon. Matamlay siyang lumapit sa kaniyang nanay.

“Anong nangyari, Juan? Wala ka bang papel sa dula?” “Mayroon po, Nanay.”

Tunay na Nangyari

Tunay na Nangyari

Tunay na Nangyari

Tunay na Nangyari

Hula Ko…

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 241 

   

“Ganoon naman pala. Bakit ka malungkot?” “Mangyari po, isang pastol ang ibinigay sa aking papel. Ayaw ko po

ng papel na pastol. Ang gusto ko po ay maging anghel. Hindi nila ako binigyan ng papel na anghel.”

“Alam mo, Juan, hindi natin laging natatamo ang lahat ng ating naisin. At mainam naman ang papel ng pastol. Mahalaga ang ginampanang papel ng mga pastol. Hindi ba mga pastol ang nakakita sa tala at sila ang unang pumunta sa sanggol na Jesus?”

Napangiti si Juan. “Siyanga po pala, Nanay. Mainam nga ang papel na pastol.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Balikan ang organizer na “Hula Ko.” Ano-ano ang tunay na nangyari sa kuwento? Pasagutan muli sa mga bata ang organizer. Ano ang pamagat ng kuwento? Sino-sino ang tauhan? Tungkol saan ang kuwento? Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Bakit mahalaga ang mga pastol? Ano ang nangyari kay Juan sa kuwento?

Ano-ano ang damdamin ni Juan sa kuwento? Ano ang dahilan ng kaniyang mga naging damdamin sa kuwento?

Tama ba ang nagiging damdamin niya? Paano nagbago ang kaniyang damdamin?

Ano ang mensahe ng kuwento? Paano mo dapat tanggapin ang pagkabigo?

4. Pagpapayamang Gawain May karanasan ka bang tulad ng kay Juan? Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng sariling karanasan na katumbas ng napakinggang kuwento.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Iguhit ang tauhan na nais mong gampanan sa dula-dulaan na sinalihan ni Juan. Matapos ang ilang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita ang iginuhit at bigyan ng paliwanag ang ginawa.

Ikalawang Araw Layunin Nasasagot ang tanong na bakit at paano tungkol sa binasang teksto Paksang-Aralin Pagsagot ng bakit at paano Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Balikan ang kuwento na ipinarinig sa mga bata noong unang araw.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 242 

   

Itanong: Bakit masaya si Juan? Bakit nalungkot si Juan? Paano napawi ang kaniyang lungkot?

2. Paglalahad Ipakuwento sa mga bata ang pag-aalagang ginagawa sa kanila ng mga magulang. Ipabasa sa mga bata ang kuwento sa Alamin Natin, p. 128-129.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Sino ang bida sa teksto? Ilarawan siya. Ano ang katangian ni Kano?

Dapat ba siyang tularan? Paano ka magiging isa ring Kano? Isulat ang mga tanong na ito sa pisara. Ipabasa sa mga bata. Sa tapat nito, isulat ang sagot na ibibigay ng mga bata. Ipabasa ito sa mga bata. Bakit siya naging inspirasyon sa buhay ni Titser Blu? Paano naging matatag si Kano sa kabila ng mga paghihirap niya? Ano ang isinasagot sa tanong na bakit? Paano?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 134. Tumawag ng ilang bata upang basahin ang kanilang mga ginawang tanong. Tama ba ang pagkakagamit ng bakit at paano?

5. Paglalahat Ano ang sagot sa tanong na bakit? Paano?

6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata na maisagawa ang Pagyamanin Natin, p. 129. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita at ipaliwanag ang kanilang ginawa.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari Paksang-Aralin Paggamit ng Angkop na Pagtatanong Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga papel na may nakasulat na mga salitang natutuhan sa aralin. Ipalaro sa mga bata ang “Pinoy Henyo.” Gabayan ang mga bata na makapagtanong nang maayos upang mahulaan ang nakasulat sa papel.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 243 

   

2. Paglalahad Ipagawa ang organizer na makikita sa Alamin Natin, p. 130. Ipabasang muli ang kuwento ni Kano. Ipatapos ang organizer na unang ginawa.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pagawain ang bawat pangkat ng klase ng mga tanong tungkol sa binasang kuwento. Ipabasa sa bawat pangkat ang ginawa nilang katanungan. Pasagutan sa ibang pangkat ang ginawang mga tanong. Ano-anong salita ang ginagamit sa pagtatanong? Kailan ginagamit ang ano-ano? Sino-sino? Saan-saan? Kailan? Ilan? Ano pa ang mga salitang ginagamit sa pagtatanong? Kailan ito ginagamit?

4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa ang mga tanong na ginawa ng mga bata. Pabigyang-puna ito sa ibang bata. Ipasulat muli ang nagawang tanong. Ipagawa ang Linangin Natin, p. 130.

5. Paglalahat Kailan ginagamit ang ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano at sino-sino?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 130. Bigyang-puna ang ginawa ng mga bata upang maisulat muli ang mga ito nang wasto at tama.

Ikaapat na Araw Layunin Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan Paksang-Aralin Paggamit ng mga Salitang Natutuhan sa Talata Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Magdikta ng mga salitang natutuhan ng mga bata kuwento ni Kano. Ipasulat sa pisara ang mga idiniktang salita. Tingnan kung tama ang pagkakasulat ng mga ito.

2. Paglalahad Dalhin ang mga bata sa labas ng silid-aralan. Papaglaruin ang mga bata ng larong takbuhan.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pagbalik sa loob ng silid-aralan, pag-usapan ang natapos na gawain. Isulat ang mga pangungusap sa pisara hanggang sa makagawa ng isang talata. Matapos isulat ang talata, itanong: May nais pa ba kayong idagdag? Alisin? Paano isinusulat ang isang talata?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 244 

   

Ano-anong bantas ang ginamit sa talata? Ano ang ipinahihiwatig ng mga bantas na ginamit?

4. Pagpapayamang Gawain Pasulatin ang mga bata ng sariling talata tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan sa natapos na paglalaro ng klase sa labas ng silid-aralan. Bigyang-puna ito gamit ang rubric na nasa p. 195.

5. Paglalahat Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipasulat muli sa mga bata ang talata na binigyang-puna ng guro.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Inaasahang hindi matatapos ang mga gawain sa Ikaapat na araw. Ipagpatuloy ang mga hindi natapos.

Aralin 33 Pilipino Ako May Mayamang Kultura Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa sa napakinggang teksto Wikang Binibigkas Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu Pagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Gramatika Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayanan Pag-unawa sa Binasa Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan Estratehiya sa Pag-aaral Nabibigyang-kahulugan ang graph Paunang Pagtataya Sumulat ng tatlong pangungusap na naglalarawan ng isang pagdiriwang na nasaksihan sa sariling pamayanan. Salungguhitan ang ginamit na pang-uri. Unang araw Layunin Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa sa napakinggang teksto Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 245 

   

Paksang-Aralin Pagbibigay-Reaksyon sa Napakinggan Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Palakihin ang larawan sa ibaba. Kung hindi naman kaya, gumamit ng larawan na may katulad na tema. Ipakita at pag-usapan ito. Kunin ang reaksyon ng mga bata sa ipinakikita ng larawan.

2. Paglalahad Linangin ang salitang kultura. Ipaguhit sa mga bata ang pagkakaunawa sa salita. Tumawag ng ilang bata upang magpakita ng iginuhit. Pag-usapan ang mga ipinakita ng mga bata. Ano ang ibig sabihin ng salitang kultura? Basahin nang malakas.

Kulturang Pilipino Ma. Luisa O. Felicia

http://www.emanilapoetry.com

Ang bansa nati’y mayaman sa katutubong wika Kaya mamamayan nati’y iba-iba ang salita

Ngunit bawat isa nito’y dapat bigyang-halaga Upang bansa nati’y magkaunawa at lumigaya.

Kung ang bawat Pilipino’y may pagpapahalaga

Sa mga kulturang Pilipinong ating minana Sa mga ninunong sinauna

Tiyak na lalago ang ating kultura.

Hindi ko naman sinasabing mabubuti ang lahat nito Ngunit manahin sana natin ang makabubuti sa ating pagkatao

At iwaglit naman ang hindi makabubuti sa tao Upang sumulong din ang bansa nating mga Pilipino.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 246 

   

Ang salitang opo ay nakakalimutan na Pati na rin ang pagmamano sa mga nakatatanda

Ngunit mga kagawiang ito'y napakaganda Maipamulat sana natin sa mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Anong mga salita ang hindi nauunawaan sa napakinggang tula? Linangin ang bawat salita na mangggagaling sa mga bata. Ano ang tinatalakay sa napakinggang tula? Ano ang isinasaad ng unang taludtod? Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat? Saan mayaman ang Pilipinas? Ano-ano ang kultura ng mga Pilipino? Ano ang mangyayari kung pahahalagahan natin ang ating kultura? Paano natin mapahahalagahan ang ating kultura? Ano-anong kultura natin ang nakabubuti sa pag-unlad ng bayan?

4. Pagpapayamang Gawain Pag-usapan ang sagot nang pangkatan. Totoo ba na nakalimutan mo na ang paggamit ng po o opo? Pag-uulat ng bawat pangkat sa napag-usapan sa pangkat. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.

5. Paglalahat Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng reaksyon sa isang paksa o isyu?

6. Karagdagang Pagsasanay Balikan ang naibigay na reaksyon sa simula ng klase. Palagyan sa mga bata ng marka ang kani-kanilang sarili. Gamitin ang rubric na ito.   4 3 2 Naipahayag nang wasto ang damdamin.

   

Naipakita ang kaalaman sa isyu o paksa na pinag-uusapan.

   

Nagamit nang wasto ang wika sa pagpapahayag ng sariling kaisipan.

   

Ano ang marka na ibinigay mo sa sarili? Hayaang ipaliwanag ng mga bata ang dahilan sa pagbibigay ng marka sa sarili.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 247 

   

Ikalawang Araw Layunin Nasasabi ang mga pangyayari sa usapang binasa Nakapagbabahagi ng sariling kuwento kaugnay ng binasang usapan Paksang-Aralin Mga Pangyayari sa Isang Usapan Panlinang na Gawain

1. Tukoy-alam Nakasali ka na ba sa Santacruzan o sa isang reynahan? Hayaang pag-usapan ng mga bata ang kanilang karanasan.

2. Paglalahad Linangin ang salitang Santacruzan. Ikuwento kung bakit ito ipinagdiriwang. Ipakita ang larawan ni Reyna Elena at ni Prinsipe Konstantino. Sabihin sa mga bata ang mahalagang ginagampanan ng mga ito sa Santacruzan. Ipabasa sa mga bata ang usapan sa p. 131.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Bakit kakaiba si Prinsipe Konstantino? Sino-sino ang nag-uusap? Ano ang pinag-uusapan nila? Bakit pinakahihintay ng lahat ang Mayo 31? Ano-ano ang pangyayari sa usapang napakinggan? Dapat pa bang ipagpatuloy ang kaugaliang ito? Pabigyan ng katwiran ang sagot na ibibigay ng bawat bata na tatawagin. Paano mo pahahalagahan ang mga pagdiriwang sa bansa na tulad nito?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 132. Pag-usapan ang ibinigay na pangungusap ng tinawag na mga bata.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 132. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita ang iginuhit. Ipabasa rin ang pangungusap na nasulat.

Ikatlong Araw Layunin Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, at lugar sa pamayanan Paksang-Aralin Pang-uri

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 248 

   

Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam

Maghanda ng flashcard ng mga salita. Siguraduhin na may nakasulat na mga pang-uri. Ipabasa ito sa mga bata at tutukuyin din nila kung pang-uri o hindi ang bawat salita.

2. Paglalahad Pangkat-pangkatin ang klase. Ipaguhit sa isang pangkat ang damit para kay Angela at sa isang pangkat naman ay ang korona na kaniyang gagamitin. Pagpapakita ng natapos na gawain. Ipalarawan sa ibang bata ang ipinakitang damit at korona. Ano ang pang-uri? Ipagawa ang panuto sa Alamin Natin, p. 132.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano-ano ang pang-uri na ginamit sa usapan? Itala ang sagot ng mga bata. Ano ang inilarawan ng bawat isa? Ipabasang muli ang inilistang mga salita. Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap. Tama ba ang pagkakagamit ng pang-uri?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 132.

Pag-uulat ng bawat pangkat. Ano-ano ang pang-uring ginamit?

5. Paglalahat Ano ang pang-uri?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 133. Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng gallery walk. Pag-usapan ang mga nakita. Magpabigay ng isang pang-uri para sa isang pangngalan na nakita mula sa mga iginuhit.

Ikaapat na Araw Layunin Nabibigyang-kahulugan ang graph Nakabubuo ng sariling graph upang maibigay ang impormasyon na nakalap Paksang-Aralin Pagbibigay-kahulugan sa graph Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipaawit: “Lubi-lubi” Pag-usapan ang awit.

2. Paglalahad Ipabasa muli ang usapan nina Angela at Aiah.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 249 

   

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Sino sa mga tauhan dito ang nais mong tularan? Pabigyang-katwiran ang pagpili na ginawa. Maghanda ng cut out ng simbolo para sa mga babae at para sa mga lalaki. (Malaya sa pagpili kung ano ito. ) Itanong muli: Sino sa mga tauhan sa usapan ang nais mong tularan? Igawa ng graph ang makukuhang impormasyon . Ipakita sa mga bata ang paggawa ng pictograph. Ano ang ipinakikita ng graph?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 133. Tumawag ng bata upang magbahagi ng kaniyang isinulat na pangungusap.

5. Paglalahat Ano ang pictograph?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 133. Pag-uulat ng natapos na gawain. Tumawag ng ilang bata upang magsabi kung ano ang natutuhan nila sa nakitang pictograph.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtayaya

Sumulat ng tatlong pangungusap na maglalarawan ng isang prusisyon, reynahan o parada na maaaring nasaksihan o nasalihan. Ilarawan ito at guhitan ang pang-uri na ginamit. Aralin 34 Bata Man Ako, Kaya kong Maging Hero Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan Gramatika Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayanan Kamalayang Ponolohiya Nakapagbibigay ng salitang magkakatugma Pag-unawa sa Binasa Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto Pagsulat atPagbabaybay Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang natutuhan

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 250 

   

Komposisyon Nakakasulat ng isang talata Paunang Pagtataya Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap na may magkatugmang salita. Bilugan ang mga magkakatugmang salita na ginamit. Ipabasa at ipasulat sa pisara ang natapos na pangungusap. Unang Araw Layunin Naibibigay ang paksa ng tekstong napakinggan Paksang-Aralin Paksa ng Tekstong Napakinggan Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita ang ilang larawan ng mga bayani. Bakit sila naging bayani?

2. Paglalahad Paano magiging bayani ang isang bata? Basahin nang malakas.

Grade 5 pupil, Pinarangalan Online Balita; Dec. 12, 2011

Itinuring na bayani ang isang Grade V pupil sa nangyaring pagbagsak ng light cargo plane na ikinamatay ng 14 katao at ikinasugat ng maraming iba pa sa Brgy. Don Bosco, Parañaque City.

Ang pagkilala ay ginawa ni Pangulong Benigno S. Aquino III at Department of Education (DepEd) matapos nitong iligtas ang isang bata habang nagaganap ang sunog.

Dinalaw ni DepEd Secretary Armin Luistro sa Makati Medical Center (MMC) ang estudyanteng si Rodielyn Molina na una nang kinilala ng Pangulo.

Sinasabing nagtamo ng second-degree burn si Molina habang isinasalba ang isang bata sa nasusunog na bahay.

Si Rodielyn, 11, ay mag-aaral ng F. Serrano Elementary School na kasamang naabo sa sunog bunga ng pagbagsak ng eroplano.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pangkat-pangkatin ang klase at pasagutan ang organizer na nasa ibaba.

Paksa

Mga Pangyayari

Saan, Kailan at Ano ang Nangyari?

Pangunahing Tauhan

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 251 

   

Pag-uulat ng bawat pangkat ng sagot sa natapos na gawain. Sino ang tinukoy na bayani sa balita? Bakit siya itinuring na isang bayani? Paano binigyang-halaga ang kaniyang ginawa? Kung ikaw si Rodielyn, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Ipaliwanag ang sagot. Paano ka magiging munting bayani?

4. Pagpapayamang Gawain Maghanda ng isang puzzle na katulad ng nasa ibaba. Siguraduhin na ang bahagi ng puzzle ay katumbas ng bilang ng mga bata na nasa klase. Bigyan ang bawat bata ng bahagi ng puzzle upang isulat dito ang paksa ng napakinggang balita. Tumawag ng bata upang basahin ang isinulat at ipadikit sa tamang puwesto nito sa puzzle.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Magpagawa sa mga bata ng isang poster na nagpapakita kung paano maiiwasan ang paksa sa napakinggang balita.

Ikalawang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa Nakapagbibigay ng mga salitang magkatugma Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto Paksang-Aralin Pag-unawa sa Tekstong Binasa Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Pasulatin ang mga bata ng pares ng salitang magkatugma. Ipabasa ito sa mga bata. Itanong sa mga bata kung tama o mali ang pares na ibinigay ng tinawag na kaklase.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 252 

   

2. Paglalahad Sino ang bayani sa napakinggang balita sa unang araw? Bakit siya naging bayani? Kaya mo ba siyang tularan? Pangatwiranan ang ibinigay na sagot. Ipabasa sa mga bata ang tula sa Alamin Natin, p. 134.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang pamagat ng tula? Bakit itinulad ang mga bayani sa mga bulaklak? Saan-saan makikita ang mga bayani ng bayan? Ano ang kabayanihan nilang ginagawa? Paano maging bayani? Bilang isang bata, paano ka magiging isang bayani? Ano ngayon ang pakahulugan mo sa kabayanihan? Ipabasang muli ang tula. Magpasulat ng dalawang pares ng mga salitang magkakatugma na ginamit sa tula. Hayaang magbigay ang mga bata ng katugmang salita ng bawat pares na unang tinukoy. Kailan sinasabing magkatugma ang mga salita?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 135. Ipabasa sa mga bata ang sagot sa Tanikala ng mga Magkakatugmang Salita.

5. Paglalahat Kailan nagiging magkatugma ang mga salita?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 135. Ipabasa sa mga bata ang naisulat na pangungusap. Bigyang-puna ang ibinigay na mga pangungusap at salitang magkakatugma.

Ikatlong Araw Layunin Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, lugar at pangyayari Paksang-Aralin Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, Lugar at Pangyayari Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ano-ano ang nasa paligid mo? Pumili ng isa. Ilarawan ito at pahulaan sa klase. Ano-anong pang-uri ang ginamit sa paglalalarawan na isinagawa?

2. Paglalahad Ipabasang muli ang “Kabayanihan” sa Alamin Natin p. 136. Ipagawa sa mga bata ang panuto na nakasulat dito.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa tula?

Ano ang pang-uring ginamit sa bawat salita?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 253 

   

Ipagamit ang mga tinukoy na pang-uri sa sariling pangungusap. Ipabasa muli ang mga pangngalan na naitala. Ipahambing ito sa isa/dalawa o higit pang pangngalan gamit ang angkop na pang-uri. Ano ang nangyayari sa pang-uri kapag dalawa/higit sa dalawa ang pinaghahambing?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 136. Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang sagot sa pagsasanay. Bigyang-halaga ang ginawa ng mga bata.

5. Paglalahat Kailan ginagamit ang pang-uri?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 136. Bigyang-puna ang isinulat ng mga bata. Ipasulat muli ang mga ito nang isinasaalang-alang ang mga puna na ibinigay ng guro.

Ikaapat na Araw Layunin Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang natutuhan Nakakasulat ng isang talata Paksang-Aralin Pagsulat ng Talata Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipakita ang larawan ng isang bayaning Pilipino. Tutukuyin ng sa mga bata ang ngalan nito at ang kabayanihang nagawa.

2. Paglalahad Linangin ang salitang bayani. Paano ka naging bayani? Itala ang mga kaisipang ibibigay ng mga bata. Ipabasa ang mga ito.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Gamit ang mga kaisipang nakatala sa pisara, hayaang sumulat ng talata na may apat hanggang limang pangungusap ang mga bata. Bigyan ang mga bata ng sapat na oras para sa gawaing ito.

4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa nang mahina ang natapos na talata. Pabigyang-puna ang pagkakabaybay ng mga salita, ang pagkakagamit ng mga bantas, ang pagkakasulat ng talata. Sabihin sa mga bata na makipagpalit ng papel sa kaklase. Pabigyang-puna ang natapos na sulatin ng kaklase.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 254 

   

5. Paglalahat Ano ang natutuhan sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipasulat muli ang talata na binigyang puna ng kaklase at guro.

Ikalimang Araw Panligguhang Pagtataya

Inaasahang hindi matatapos ng mga bata ang mga gawain sa Ikaapat na Araw kaya’t ipagpatuloy ito. Pabilugan ang mga pang-uri na ginamit sa talata. Aralin 35 Karapatan Mo, Karapatan Ko, Pantay Tayo Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pinakinggan Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan Wikang Binibigkas Naiuulat nang pasalita ang mga napanood na patalastas Gramatika Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan Pag-unawa sa Binasa Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod sa tulong ng balangkas Pagsulat at Pagbabaybay Nasisipi nang wasto at maayos ang liham Paunang Pagtataya Ipasulat ang mga gawain sa araw-araw. Ipagamit ang format na nasa ibaba. Pabilugan ang pandiwa na ginamit sa pangungusap.

Araw Gawain

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 255 

   

Unang Araw Layunin Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan Paksang-Aralin Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari ng Kuwentong Napakinggan Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga larawang nagpapakita ng mga karapatan ng batang Pilipino. Ipakita sa mga bata at tukuyin ng ang bawat isa. Ano-ano ang karapatan ng isang batang Pilipino? Alin sa mga ito ang natatamasa mo?

2. Paglalahad Ano ang gagawin mo kung walang gamit na katulad ng sa iyo ang kapatid mo? Sabihin ang pamagat ng kuwento. Bakit kaya “Isa…. Isa…. Isa…. Isa….” ang pamagat ng kuwento? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata. Basahin sa mga bata. Isa…. Isa…. Isa…. Isa…. Angelika D. Jabines Sa murang edad ay naulila na agad ang batang si Myrna. Kaya inaruga siya ng mga magulang ni Luz. Isang araw, dumating ang ninang ni Luz. May dala itong malaking kahon para kay Luz. Agad-agad niya itong binuksan.

Isang bestida. Isang bestida. Isang manika. Isang manika. Isang aklat. Isang aklat. Isang tsokolate. Isang tsokolate. Isang pares ng sapatos. Isang pares ng sapatos. Isang kahon ng pangkulay. Isang kahon ng pangkulay.

Nagtataka tuloy na lumapit ang kaniyang ninang. “Bakit pinagbubukod mo ang mga dala ko sa iyo?” “Ito pong isa sa akin, ito naman pong isa para kay Myrna. Pagdating niya

po ibibigay ko ito sa kaniya. Dapat kasi lagi kaming hati.” 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ano ang pamagat ng kuwento? Bakit “Isa…. Isa…. Isa…. Isa….” ang pamagat ng kuwento? Balikan ang isinagot ng mga bata bago basahin ang kuwento. Tama ba ang hula ninyo? Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa. Kung ikaw si Luz, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Isulat ang sagot ng mga bata sa organizer na nasa susunod na pahina.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 256 

   

4. Pagpapayamang Gawain Ipasalaysay muli sa mga bata ang napakinggang kuwento nang may wastong pagkakasunod-sunod sa tulong ng nakalarawang balangkas.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Kadena ng Kuwento. Pangkat-pangkatin ang klase. Paupuin nang pabilog ang bawat pangkat. Magtalaga ng Simula na bata sa bawat pangkat. Siya ang magsisimula ng pagsasalaysay ng kuwentong napakinggan. Susundan siya ng bata sa kaniyang kanan sa pagsasabi ng sunod na pangyayari sa kuwento. Ipagawa ito hanggang sa matapos ng pangkat ang pagsasalaysay ng napakinggang kuwento.

Ikalawang Araw Layunin Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod sa tulong ng balangkas Paksang-Aralin Pagsasalaysay sa Tulong ng Balangkas Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga metacard na nakasulat ang sumusunod:

- Isa... Isa... Isa... - Luz - Myrna - Ninang

Pamagat

Tagpuan

Mga Pangyayari

Mga Pangyayari

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 257 

   

- Dumating ang ninang. - Naulila si Myrna. - Binuksan at pinagbukod-bukod ni Luz ang mga dala ng

kaniyang ninang. - Inalagaan ng mga magulang ni Luz si Myrna. - Nagtaka ang ninang ni Luz sa kaniyang ginagawa.

Ipabasa ang bawat isa sa mga bata. Ipapaskil ang bawat metacard sa wasto nitong label. (Pamagat, Tauhan, Pangyayari) Ipasalaysay muli ang kuwento sa pamamagitan ng natapos na gawain.

2. Paglalahad Ipakita ang larawan ng isang silid-aklatan. Ano-ano ang ginagawa ninyo sa lugar na ito? Ipakita ang sagot sa pamamagitan ng Piping Palabas. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga nakitang kilos. Sabihin ang pamagat ng kuwento. Ano kaya ang nangyari sa kuwento? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang mga naisulat. Ipabasa ang “Si Chelly at ang Aklat” sa pp. 136 – 137.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang pamagat ng kuwento? (Isulat ang sagot sa tamang lagayan.) Tungkol saan ang unang talata? Pangalawang talata? (Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang kalalagyan sa balangkas.) Ano ang sumusuporta sa kaisipan sa unang talata? Pangalawang talata? (Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang kalalagyan sa balangkas.)

Pamagat _________________ I. ______________________________

a. ___________________________ b. ___________________________ c. ___________________________

II. ______________________________ a. ___________________________ b. ___________________________ c. ___________________________

Ipasalaysay muli ang nabasang teksto sa tulong ng natapos na balangkas. 4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p. 137. Tumawag ng ilang bata upang magsalaysay muli ng napakinggang kuwento sa tulong ng balangkas. Kung kaya ng panahon, tawagin ang lahat ng bata. Gamitin ang rubric sa pagmamarka.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 258 

   

4 3 2 1 Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari

Naisalaysay ang napakinggang kuwento nang wasto at may tamang pagkakasunod-sunod ng lahat ng mga pangyayari Nailalarawan ang tagpuan at ang lahat ng tagpuan

Naisalaysay ang napakinggang kuwento nang wasto at may tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ngunit may isa na hindi nabanggit

Naisalaysay ang napakinggang kuwento nang wasto at may tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ngunit may dalawa hanggang tatlo na hindi nabanggit

Naisalaysay ang napakinggang kuwento nang hindi ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari

Tauhan at Tagpuan

Nailalarawan ang tagpuan at ang lahat ng tagpuan

Nailalarawan ang lahat ng tauhan

Nailalarawan ang tagpuan ngunit hindi lahat ng tauhan

Hindi nabanggit ang tauhan at tagpuan ng napakinggang kuwento

Paggamit ng Balangkas

Nagamit nang wasto ang balangkas sa pagsasalaysay

May isang datos sa balangkas na hindi nabanggit

Binasa lamang ang balangkas

Hindi nagamit ang balangkas sa pagsasalaysay

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 137.

Ikatlong Araw Layunin Naiuulat nang pasalita ang mga napanood na patalastas Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan Paksang-Aralin Paggamit ng Pandiwa Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ano ang mga patalastas sa TV na inyong napapanood? Alin ang inyong paboritong patalastas? Bakit ninyo ito paborito?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 259 

   

(o kaya naman) Maghanda ng isang larawan ng patalastas na ginupit sa dyaryo o magasin. Ipakita at pag-usapan ito sa klase.

2. Paglalahad Dapat bang tularan si Chelly? Bakit? Ipagawa sa mga bata ang Alamin Natin, p. 38. Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat ng klase upang maisagawa ang panuto dito.

3. Pagtalakay Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat. Ano ang paksa ng mga patalastas na napanood? Ano-ano ang kilos na ipinakita sa bawat patalastas? Itala ito sa pisara at ipabasa sa mga bata. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Ano ang kahalagahan ng pagbabasa? Paano mo mahihikayat ang ibang bata na magbasa ng aklat?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 138. Ipabasa sa mga bata ang naisulat na pangungusap.

5. Paglalahat Ano ang pandiwa?

6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata sa Pagyamanin Natin, p. 138. Matapos ang inilaang oras, hayaang ibahagi ng mga bata ang isinulat na mga pangungusap.

Ikaapat na Araw Layunin Nasisipi nang wasto at maayos ang liham Pakasang Aralin Wastong Pagsipi ng Liham Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Nakatanggap ka na ba ng isang liham? Ano ang nilalaman nito? Ipakita ang balangkas ng liham. Palagyan ng label sa mga bata ang bawat bahagi nito.

2. Paglalahad Ipakita muli ang balangkas ng kuwentong “Si Chelly at ang mga Aklat.” Ipasalaysay muli ang kuwentong ito sa tulong ng balangkas. Ipagawa ang Alamin Natin, p. 138.

3. Pagtalakay/Pagpapahalaga Sama-samang paggawa ng liham para sa isang kaibigan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 260 

   

Saan kaya nakatira si Chelly? (Isulat ang pamuhatan.) Sino ang susulatan niya? (Isulat ang bating panimula.) Ano-ano ang laman ng kaniyang sulat? (Isulat ang laman ng liham) Ano-ano ang nais ninyong sabihin kay Chelly? Isulat ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata. Ipabasa ang mga pangungusap. Alin sa mga ito ang una nating isusulat sa pag-uumpisa? Alin ang susunod? (Gawin ito hanggang sa matapos ang lahat ng mga pangungusap na ibinigay.) Paano niya wawakasan ang kaniyang sulat? (Isulat ang bating pangwakas.) (Isulat ang lagda.) Ano-ano ang bahagi ng liham? Paano isinusulat ang liham?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 138. Bago ipapasa ang papel ng mga bata. Itanong ang sumusunod: Kumpleto ba ang mga bahagi ng aking liham? Tama ba ang pagkakasipi ko ng ngalan ng mga lugar, bagay, at tao? Tama ba ang mga bantas?

5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng isang liham?

6. Karagadagang Gawain Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 138. Ipaalala sa mga bata na bigyang pansin ang mga puna na ibinigay ng guro.

Ikalimang Araw Panligguhang Pagtataya

Pasulatin ang mga bata ng isang maikling liham na may tatlo hanggang apat na pangungusap. Ikuwento sa kaibigan ang mga ginagawa ng mga tao sa sariling tahanan, paaralan o pamayanan sa pangangalaga sa iyong karapatan. Paguhitan ang pandiwa na ginamit.

Gamitin ang KKK sa pagmamarka ng natapos na gawain. Kalinisan – limang puntos Kumpleto – limang puntos Kawastuhan – limang puntos

Aralin 36 Pamilyang Pinoy, May Pananagutan Lingguhang Layunun Pag-unawa sa Napakinggan Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang Pag-unawa sa Binasa Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 261 

   

Gramatika Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan Pagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Komposisyon Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay Paunang Pagtataya Ipasulat sa mga bata ang mga gawain nila sa paghahanda sa paaralan sa anyong patalata. Pasalungguhitan ang mga pandiwang ginamit. Tumawag ng ilang bata upang basahin ang natapos nilang talata. Unang Araw Layunin Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang Paksang-Aralin Pagsunod sa Panuto Panlinang ng Gawain

1. Tukoy-Alam Magsagawa ng isang maikling ehersisyo. Maaaring gamitin ang warm-up exercise na ginagamit sa Physical Education na klase. Obserbahan ang mga bata kung sino ang nakasusunod at kung sino ang hindi.

2. Paglalahad Nakasunod ka ba sa isinagawang ehersisyo? Bakit ? Bakit hindi? Ibigay ang sumusunod na panuto: 1. Gumuhit ng isang hugis na may tatlong sulok. Pumadyak. Pumalakpak ng

tatlong beses. 2. Ipakita ang pinakamaliit na daliri sa kanang kamay. Ikaway ang kaliwang

kamay at pumadyak ng dalawang beses. 3. Sabihin nang malakas ang pangalan ng nanay mo. Sabihin nang mahina

ang pangalan ng tatay mo. Ibulong ang pangalan mo. 4. Umikot ng tatlong beses. Bumalik sa sariling upuan at maupo nang

tahimik. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Nasunod mo ba ang mga ibinigay na panuto? Bakit nasunod ang lahat ng mga ibinigay? Bakit hindi? Anong katangian ang ipinapakita kung sinusunod mo ang lahat ng mga panuto na ibinigay sa iyo o kaya ay napakinggan o nabasa? Paano mo maipakikita ang pagiging masunurin sa tahanan? Paaralan? Sariling pamayanan?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 262 

   

4. Pagpapayamang Gawain Maghanda ng limang panuto na nais ipagawa sa bawat pangkat. (Maging malaya sa paggawa nito.) Ibigay sa bawat pangkat ang kopya ng mga panuto. Ipabasa sa pinuno ng bawat pangkat ang nakasulat na mga panuto. Matapos ang inilaang oras, sabihin sa mga bata na bigyan ng marka ang kanilang natapos na gawain.

5 4 3 2 1 Nasunod ko nang wasto ang lahat ng mga panuto. Tumulong pa ako sa aking kaklase na hindi alam ang gagawin.

Nasunod ko nang wasto ang lahat ng mga panuto.

Nasunod ko nang wasto ang mga panuto ngunit kailangan ko pa itong ipaulit muli sa aking leader.

Hindi ko nasunod nang wasto ang mga panuto.

Hindi ako nakinig sa aking leader kaya hindi ako nakasunod sa mga panutong kaniyang ibinigay.

5. Paglalahat

Ano-ano ang dapat tandaaan upang makasunod sa mga panuto? 6. Karagdagang Pagsasanay

Ulitin ang warm up exercise na ginawa sa simula ng klase. Gamitin ang rubric na nasa itaas upang bigyan ng marka ang ginawa ng kaklase.

Ikalawang Araw Layunin Nakapagbibigay ng wakas ng binasang teskto Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga bagong salita mula sa isang salitang-ugat Paksang-Aralin Pagbibigay ng Wakas Panlinang ng Gawain

1. Tukoy-Alam Ilarawan ang sariling pamilya. Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang karanasang hindi nila malilimutan kasama ang sariling pamilya.

2. Paglalahad Ano ang ibig sabihin ng huwarang pamilya? Pag-usapan ang mga ibibigay na sagot ng mga bata. Ipagamit sa sariling pangungusap ang huwarang pamilya. Ipabasa ang “Huwarang Pamilya” sa p. 139.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Tungkol saan ang binasang tula? Sino-sino ang binanggit sa tula?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 263 

   

Ilarawan ang bawat isa. Bakit sinabing huwaran ang kanilang pamilya? Paano magiging huwarang anak? Paano magiging huwaran ang sariling pamilya? Ipabasang muli ang tula. Pangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng katulad ng nasa ibaba. Ipasulat ang hinihingi ng organizer.

   

Pag-uulat ng bawat pangkat. Ano kaya ang nangyari sa huwarang pamilya?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 140. Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang sagot.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 140. Magsagawa ng gallery walk upang makita ang natapos ng mga bata.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang mga salitang kilos sa pagtalakay ng iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan Paksang-Aralin Pandiwa Panlinang ng Gawain

1. Tukoy-Alam Ipasuri ang larawan. Pagawain ang mga bata ng pangungusap tungkol sa kilos ng bawat kasapi ng mag-anak sa larawan.

Pangalan ng Kasapi ng Pamilya

Posibleng Mangyari

batay sa tula

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 264 

   

2. Paglalahad Ipabasang muli ang “Huwarang Pamilya.” Itala ang mga salitang nagpapakita ng kilos.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Sino-sino ang kasapi ng pamilya? Ano ang ginagawa ng bawat kasapi? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata. Saan nila ito ginagawa? Ano ang dapat nating gawin sa mga tungkulin at gawain natin? Paano tayo magiging huwaran sa ating sariling tahanan? Paaralan? Pamayanan? Ipabasang muli ang talaan ng mga gawain ng bawat kasapi ng pamilya. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap. Ipabasang muli ang pangungusap na isinulat sa simula ng klase. Ano-anong pandiwa ang ginamit?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 140. Tumawag ng bata upang magbahagi ng sagot.

5. Paglalahat Ano ang pandiwa?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p. 141. Tumawag ng bata upang magbahagi ng sagot.

Ikaapat na Araw Layunin Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay Paksang-Aralin Pagsulat ng Talatang Nagsasalaysay Panlinang ng Gawain

1. Tukoy-Alam Ano-ano ang tungkulin mo sa bahay? Sa paaralan? Sa pamayanan?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 265 

   

2. Paglalahad Kumuha ng kapareha. Ipakita at pag-usapan ang ginawang talaan ng mga gawain nang nakaraang araw. Bigyan ng sapat na oras ang mga bata na makagawa ng isang talatang nagsasalaysay ng kanilang karanasan sa pagtupad ng mga gawain sa tahanan/bahay/paaralan na naitala sa natapos na talaan.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang natapos na sulatin. Ipasagot sa mga bata habang hawak ang kanilang natapos na sulatin.

- Paano mo isinulat ang pamagat ng iyong talata? - Paano mo sinimulan ang talata? - Paano ito winakasan? - Paano mo isinulat ang mga ngalan ng tao/bagay/hayop/lugar?

Tumawag ng bata upang magbigay ng isang pangungusap mula sa sulatin. Isulat ito sa pisara at ipabasa sa mga bata. Paano pa ito mapapabuti? Gabayan ang mga bata para makagawa ng isang mabuting pangungusap. Gawin ito sa iba pang pangungusap.

4. Pagpapayamang Gawain Makipagpalit ng papel sa kaklase. Bigyang-puna ang sulating isinulat ng bawat isa.

5. Paglalahat Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipasulat muli ang talatang ginawa. Ipasaalang-alang ang mga puna na ibinigay ng guro at ng kaklase.

Ikalimang Araw

Inaasahang hindi matatapos ang mga gawain sa Ikaapat na Araw, kaya’t ipagpapatuloy ito.

Aralin 37

Kaligtasan Ko, Kaligtasan Mo, Atin Ito Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pakikinig Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento Wikang Binibigkas Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagtanggap ng panauhin Gramatika Nagagamit nang wasto ang pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi Pag-unawa sa Binasa Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho at pagkakaiba nito

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 266 

   

Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit nang wasto ang electronic na kagamitan sa silid aklatan Paunang Pagtataya Ipasulat sa mga bata sa isang malinis ang kanilang sagot sa tanong na: Ano ang gagawin mo kung may dumating na panauhin sa inyong bahay at ikaw ang nakapagbukas ng pintuan? Pagbabahagi ng mga bata ng kanilang sagot. Unang Araw Layunin Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang teksto Paksang-Aralin Pagbibigay ng Wakas Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Maghanda ng larawan ng mga traffic sign. Itanong sa mga bata kung ano ang gagawin nila kapag nakita ang bawat larawan.

2. Paglalahad Paano magiging ligtas sa kalsada? Basahin nang malakas sa mga bata.

Kaligtasan sa mga Kalsada, Tiniyak Online Balita; June 12, 2013

SAN FERNANDO CITY, La Union – Pinaigting ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Region I ang pagsasaayos sa mga kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at pedestrian, partikular ang mga mag-aaral, sa mga lugar na malapit sa mga eskuwelahan.

Sa pahayag ni Esperanza Tinaza, Information Officer II ng DPWH 1, kasabay ng pagbubukas ng klase ay magkakabit at magpipinta ng mga guardrail, lilinawan ang centerline pedestrian crossing/lane marking, at paluluwangin ang mga entrance sa mga paaralan, partikular sa LaregLareg National High School sa Villasis-Malasiqui-San Carlos Road sa Malasiqui, Pangasinan.

Pinatag din ang mga lubak, inaspalto ang mga kalsada, nilinis ang mga daluyan, binaklas ang mga delikadong billboard at signage at nagkabit ng mga warning sign sa mga pangunahing kalsada sa buong Region 1.

– Liezle Basa Iñigo

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano ang nilalaman ng teksto? Saan ito naganap?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 267 

   

Ano-ano ang ginawa upang maging ligtas ang kalsada? Sino-sino ang makikinabang sa sinabing proyekto? Ano ang mangyayari sa mga bata matapos ang proyekto? Sa mga matatanda? Sa iba pang tao sa pamayanan? Ano ang gagawin bago magsimula ang klase? Ano ang susunod na mangyayari dito? Ano ang magiging wakas ng mga pangyayaring nabanggit? Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang bahagi ng organizer.

4. Pagpapayamang Gawain Sabihin ang maaaring mangyari kung hindi susundin ang mga makikitang babala.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay  Ipakita ang larawan sa ibaba. Ano ang susunod na mangyayari?

Simula Gitna Wakas

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 268 

   

Ikalawang Araw Layunin

Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho at pagkakaiba nito

Paksang-Aralin Ang Mga Kuwentong Nabasa Ko Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Hayaang magbahagi ang mga bata ng karanasan na may kinalaman sa bagyo.

2. Paglalahad Ano-ano ang dapat gawin kapag may parating na bagyo? Ipabasa ang mga kuwento sa Alamin Natin, p. 141-142.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong:

Tungkol saan ang kuwento? Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa. Ano ang ginawa ng bawat tauhan sa kuwento? Ano ang katapusan ng kuwento? Tama ba ang ginawa ng mag-anak sa kuwento? Ano ang mangyayari kung hindi ginawa ng isang kasapi ng mag-anak ang dapat niyang gawin sa kuwento? Ano ang natutuhan mo sa kuwento? Ano ang dapat gawin kung may paparating na bagyo? Kapag may bagyo? Pagkatapos ng bagyo?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 142. Tumawag ng bata upang ibahagi ang sagot.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 143. Ipabahagi sa mga bata ang natapos na gawain.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos o gawi Paksang-Aralin Pang-abay na Naglalarawan ng Kilos o Gawi Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Tumawag ng ilang bata upang magpakitang-kilos ng mga paghahandang dapat gawin para makaiwas sa sakuna kapag may kalamidad tulad ng bagyo. Pahulaan sa ibang bata ang pandiwa na ipinakita.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 269 

   

Ipalarawan ang kilos na ginawa ng kaklase. Itala ito sa pisara at ipabasa sa mga bata.

2. Paglalahad Dapat bang tularan ang pamilya ni Mang Romy? Paano mo mahihikayat ang sarili mong pamilya na maging katulad nila? Ipabasang muli ang “Laging Handa.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano-ano ang dapat gawin upang makaiwas sa sakuna? Ano-ano ang kilos na ginawa sa kuwento? Sino ang nagsagawa nito? Bakit niya ito ginawa? Ano ang posibleng nangyari kung hindi niya ito ginawa? Paano niya ito isinagawa? Itala sa pisara ang mga sagot at ipabasa ito. Ano ang tawag sa mga salitang ito?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 143. Pag-uulat ng bawat pangkat ng natapos na gawain. Ano-ano ang pandiwang ginamit? Pang-abay?

5. Paglalahat Kailan ginagamit ang pang-abay?

6. Kasanayang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 143. Matapos ang inilaang oras, ipadikit ang pangakong ginawa sa isang ginupit na papel na hugis puso. Ipabasa muna sa harap ng klase bago ito ipadikit.

Ikaapat na Araw Layunin Nagagamit nang wasto ang kagamitang electronic sa silid- aklatan Paksa Kagamitang Electronic sa Silid-Aklatan Panlinang na Gawain

1. Tukoy –Alam Ano ang gagawin mo kung hindi mo makita sa nakalimbag na kagamitan ang iyong kailangang impormasyon?

2. Paglalahad Linangin ang salitang electronic. Magbigay ng ilang kagamitang electronic sa bahay/ silid-aralan. Ipakita rin ang mga electronic na kagamitan sa silid-aklatan.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Magtalakayan sa klase kung paano gamitin ang bawat kagamitang electronic. Ano ang dapat tandaaan sa pagsasaliksik gamit ang kagamitang electronic?

4. Pagpayamang Gawain Gumawa ng isang flyer tungkol sa paghahanda sa sakuna. Gumamit ng kagamitang electronic sa pagsasaliksik ng mga datos na ilalagay sa flyer.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 270 

   

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Gamit ang kagamitang electronic, ipaayos pa ang ginawang flyer.

Ikalimang Araw Panligguhang Pagtataya

Ipakita sa klase ang natapos na flyer. Kung hindi pa tapos ang ibang bata, bigyan pa sila ng sapat na oras.

Pabigyan ng puna ang ginawa ng kaklase. Gamitin ang rubric sa pagmamarka.

4 3 2 1 Panuto Nasunod lahat

ng mga panutong ibinigay.

May isang panutong hindi nasunod.

May dalawa hanggang tatlong panutong hindi nasunod.

Walang panutong nasunod.

Lay out Malinis, malinaw at madaling basahin at unawain ang nilalaman.

Malinis at malinaw.

Hindi malinaw ang nilalaman.

May kaguluhan ang pagkakalahad ng nilalaman.

Nilalaman Naipahayag nang wasto ang lahat ng dapat na paghahanda para sa kalamidad.

May isang kaisipan na hindi masyadong naipaliwanag.

May dalawa hanggang tatlong kaisipan na hindi masyadong naipaliwanag.

Hindi naipahayag nang maayos ang lahat ng nais sabihin.

Aralin 38 Ang Teknolohiya at Ako Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng balangkas Gramatika Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi Pagpapaunlad ng Talasalitaan Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita Pag-unawa sa Binasa Nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa suliraning nabasa sa isang teksto

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 271 

   

Paunang Pagtataya Sumulat ng isang pangungusap gamit ang tambalang salita. Ipabasa sa mga bata ang ginawang pangungusap at Tutukuyin ng ang ginamit ng tambalang salita. Isulat ang mga ito sa pisara. Ano ang kahulugan ng bawat tambalang salita?

Unang Araw Layunin Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng balangkas Paksa Muling Pagsasalaysay ng Tekstong Napakinggan Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Hayaang magbahagi ang mga bata ng napakinggang balita sa radyo o telebisyon.

2. Paglalahad Itanong sa mga bata kung nakagamit na sila ng cellphone /cellular phone/mobile phone? Internet? Chat?laptop? Wifi? Pagbabahagi ng mga bata ng kanilang karanasan. (Kung hindi pa nakakaranas makagamit ang mga bata nito, magkuwento tungkol sa mga ito o kung may celfone /cellular phone/mobile phone, internet o laptop, ipakita ito sa klase kung paano gamitin.) Linangin ang salitang internet. Ipagamit ang salita sa sariling pangungusap. Basahin sa mga bata nang malakas. Si Mimi at ang Internet

Lumipat ang pinsan kong si Mimi sa Amerika noong isang taon. Nakakausap ko na lamang siya sa telepono.

Isang araw, sinabi sa akin ni Mama na makakausap at makikita ko raw si Mimi! Sabik na sabik akong sumunod kay Mama. Inisip ko na maaaring umuwi na si Mimi bilang sorpresa.

Pinaupo niya ako sa harap ng computer. Teka, paano ko makikita at makakausap si Mimi dito?

Maya-maya pa, biglang lumabas si Mimi sa monitor! “Totoo ba ito? Bakit nasa telebisyon si Mimi? Artista na ba ang pinsan ko? Hindi pala!” Nalaman kong nakakausap ko pala siya sa pamamagitan ng internet.

At siya ay gumagamit ng web cam para makita ko siya sa monitor. Maaari na palang makausap nang harapan ang isang taong nasa

malayo sa pamamagitan ng computer at internet.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 272 

   

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Tungkol saan ang kuwento? Nasaan ang bawat tauhan sa kuwento? Paano nagkakausap ang magpinsan? Bakit nasabik ang nagkukuwento? Ano ang natutuhan niya sa karanasan niya? Ano ang dapat tandaan sa paggamit ng internet sa pakikipag-usap sa ibang tao? Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Isulat ito sa anyong balangkas.

Pamagat _________________ I. ______________________________

a. ___________________________ b. ___________________________ c. ___________________________

II. ______________________________ a. ___________________________ b. ___________________________ c. ___________________________

Ipabasa ang balangkas.

4. Pagpapayamang Gawain Tumawag ng bata na magsasalaysay muli ng kuwento sa tulong ng natapos na balangkas.

5. Paglalahat Ano ang balangkas?

6. Karagdagang Pagsasanay Magpaguhit sa mga bata ng tatlong kahon. Sa loob nito, ipaguhit ang mga pangyayari sa kuwentong napakinggan. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng bata upang magbahagi ng natapos na gawain.

Ikalawang Araw Layunin Nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa suliraning nabasa sa isang teksto Paksa Pagbibigay ng Solusyon Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ipatala sa mga bata ang salitang maiuugnay nila sa salitang teknolohiya. Pag-usapan ang sagot ng mga bata. Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan sa paggamit ng teknolohiya sa bahay o sa paaralan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 273 

   

2. Paglalahad Ipakita ang larawan na ito. Bakit kaya ganito ang kaniyang hitsura? Gusto mo bang maging katulad niya? Pangatwiranan ang sagot. Ipabasa “Nakatulong nga Ba?” sa p. 144.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Tungkol saan ang binasang teksto? Sino ang panauhin sa kuwento? Ilarawan siya. Ano-ano ang ginawa niya sa kuwento? Tama ba ang mga ito? Bakit? Bakit hindi? Ano ang suliranin sa kuwento? Ano ang dapat niyang ginawa sa kuwento? Ano ang dapat nating gamitin sa paggamit ng teknolohiya?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 145.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 145. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng bata upang magbahagi ng natapos na talaan.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng isang kilos o gawi Paksa Paggamit ng Pang-abay Panlinang na Gawain

1. Tukoy-alam Gawin ang “Buhay na Larawan.”

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 274 

   

Sa paghudyat ng guto, magsisimulang ipakita ng pangkat ang mga ginawa ni Galileo sa kuwento. Kapag sinabi ng guro na “TIGIL” hihinto ang mga kasapi ng pangkat. Tutukuyin ng sa mga nanood ang mga kilos na ipinakita ng bawat pangkat.

2. Paglalahad Sino si Galileo? Sama-samang pagguhit ng mga bata sa hitsura ni Galileo. Ipabasang muli ang “Nakatulong nga Ba?”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano-ano ang katangian ni Galileo na dapat tularan? Hindi dapat tularan? Ano-ano ang salitang kilos na ginamit sa kuwento? Paano ito isinagawa? Itala sa pisara ang magiging sagot ng mga bata. Saan ito isinagawa? Kailan ito isinagawa? Ipabasa ang mga ito. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Ipagamit ang mga tinukoy na pang-abay sa sariling pangungusap.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 146 Tumawag ng bata na magbabahagi ng karanasan.

5. Paglalahat Kailan ginagamit ang bawat uri ng pang-abay?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 147. Tumawag ng bata na magbabahagi ng sagot sa natapos na gawain.

Ikaapat na Araw Layunin Natutukoy ang kahulugan ng mga salitang tambalan Paksang-Aralin Mga Salitang Tambalan Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Magpatukoy sa mga bata ng mga bagay na laging magkatambal. Saan ito makikita? Ginagamit?

2. Paglalahad Ano-ano ang mga pangyayari sa kuwento ni Galileo? Ipabasa ang “Nakatulong nga Ba?”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Saan gumamit si Galileo ng computer? Isulat ito sa pisara. Anong oras nakatapos sa mga gawain si Galileo? Isulat sa pisara ang sagot. Bakit ganitong oras na siya nakatapos? Paano sana niya ito maiiwasan? Ipabasang muli ang mga sagot na isinulat sa pisara.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 275 

   

Ano ang mapapansin sa mga salitang ito? Ilang salita ang bumubuo dito? Linangin ang mga salitang bumubuo dito. Ano ang nangyari sa mga kahulugan nito nang pagsamahin ang mga ito?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 147. Tumawag ng bata na magbabahagi ng sagot.

5. Paglalahat Ano ang tambalang salita?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 148. Tumawag ng bata na magbabahagi ng sagot.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

Gumawa ng sariling diksyunaryo ng tatlong tambalang salita. Sundan ang format na ito.

Unang Salita Pangalawang Salita Tambalang Salita Kahulugan

Aralin 39 Pagpapaunlad ng Bansa Ko, Kaisa Ako Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pinakinggan Naiuulat nang pasalita ang naobserbahang pangyayari Gramatika Nagagamit nang wasto ang pang-ukol Pag-unawa sa Binasa Naibibigay ang buod o lagom ng tekstong binasa Estratehiya sa Pag-aaral Nabibigyang-kahulugan ang graph

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 276 

   

Paunang Pagtataya Sa isa hanggang dalawang pangungusap, ibigay ang buod ng larawan. Unang Araw Layunin Naiuulat nang pasalita ang naobserbahang pangyayari Paksang-Aralin Pag-uulat ng Naobserbahang Pangyayari Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Pag-usapan ang ipakikitang mga larawan.

2. Paglalahad Magpakita ng isang buto ng puno. Itanong kung ano ang naaalala ng mga bata sa tuwing makakakita nito. Sabihin ang pamagat ng kuwento. Ano kaya ang nangyari sa kuwento? Basahin nang malakas ang kuwento.

Saan Kaya Napunta?

Masayang sinalubong ni Dennis ang kaniyang tatay na kagagaling lamang sa kaniyang trabaho. Iniabot nito sa kaniya ang isang supot. (Ano kaya ang laman nito?)

IMCS Image Bank

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 277 

   

Agad itong binuksan ni Dennis. Isang maliit na pakete na may nakaguhit na mga kamatis ang laman nito. Malulungkot na sana si Dennis nang lumapit ang kaniyang tatay. (Bakit kaya lumapit ang Tatay?)

Niyakag siya sa likod-bahay. Nagdukal ng lupa. Kinuha ang pakete na hawak ni Dennis. Hindi nagtagal tumulong na rin si Dennis sa ginagawa ng kaniyang ama.

Binilinan siya ng Tatay na diligan ito at alagaan. Kinabukasan, maagang nagising si Dennis. Pinuntahan niya ang lugar na

pinagbaunan nilang mag-ama ng mga buto. Takang-takang siya. Wala siyang kamatis na nakita. Saan kaya napunta ang mga buto?

(Bakit wala siyang nakitang kamatis?) Sumunod na araw. Ganoon pa rin. Wala pa rin. Araw-araw, wala. Hanggang sa napagod na sa paghihintay si Dennis. Makaraan ang ilan pang araw nagulat na lamang si Dennis nang mula sa

malayo ay may matanaw maliliit na kulay berde sa lugar na kanilang pinagbaunan. (Ano kaya ang natanaw niya?)

Dali-dali siyang pumunta rito. Tuwang-tuwa siya nang makita nga na may mga bagong dahon na lumalabas mula sa ilalim ng lupa.

Lalo siyang nasabik kaya tuwing umaga, binibisita niya ito at kung tuyo na ang lupa, agad niya itong dinidiligan.

Ilan pang araw, lumaki na ang halaman. Namulaklak. Namunga. Pinagtulungan nilang mag-ama ang pangunguha ng naglalakihan at

nagpupulahang mga kamatis mula sa hardin ni Dennis. Masayang binilang ni Dennis ang natira niyang pera matapos bumili ng

tinapay para sa kaniyang ina at mga kapatid.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang pamagat ng kuwento? Tungkol saan ang kuwento? Ano ang pasalubong ng Tatay ni Dennis? Bakit nainip si Dennis? Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Anong katangian ang ipinakita ni Dennis? Ano ang naging bunga nito? Ano ang magiging bunga kung lahat ay magiging katulad ni Dennis?

4. Pagpapayamang Gawain Pangkat-pangkatin ang klase. Pag-usapan sa pangkat ang mga naobserbahang pangyayari na may kinalaman sa pagtutulungan sa pamilya, paaralan o sa pamayanan. Tumawag ng pangkat upang iulat ang mga napag-usapan sa pangkat.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Tumawag ng bata upang iulat ang mga naobserbahan sa natapos na pangkatang gawain.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 278 

   

Ikalawang Araw Layunin Naibibigay ang buod o lagom ng tekstong binasa Paksang-Aralin Buod o Lagom ng Teksto Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Maghanda ng ilang malalaking papel. Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Tumawag ng bata upang iguhit ito sa inihandang malaking papel. (Gawin ito hanggang sa matapos ang kuwento.) Ipasalaysay sa mga bata ang napakinggang kuwento sa tulong ng natapos na mga larawan ng kuwento.

2. Paglalahad Ipakita ang larawang ito. Tulungan ang batang babae na makarating sa kabila ng ilog. Tumawag ng bata upang magbahagi ng kanilang gagawing pagtulong. Banggitin ang pamagat ng kuwentong ipababasa. Para saan kaya ang tulay na kahoy? Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara. Ipabasa ang “Tulay na Kahoy” sa pp. 149-150.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Para saan ang tulay na kahoy? Balikan ang mga naitalang sagot ng mga bata. Tutukuyin ng kung alin sa mga ito ang sagot sa tanong na ibinigay. Bakit nawala ang tulay sa bayan nina Pipoy Pagong? Paano nakatulong si Pipoy sa kaniyang kababaryo? Sino si Kulas Kuneho? Ano-ano ang ginawa niya sa kuwento? Paano niya natutuhan ang kaniyang leksyon? Paano siya bumawi kay Pipoy? Sino ka sa dalawang tauhan ng kuwento? Pangatwiranan ang ginawang pagpili. Ano-ano ang kaya mong gawin upang makatulong sa kapwa mo? Sa pagpapaunlad ng pamayanan?

IMCS Image Bank

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 279 

   

Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa kuwento? Isulat ang sagot sa format na ito.

Pamagat _________________ I. ______________________________

a. ___________________________ b. ___________________________ c. ___________________________

II. ______________________________ a. ___________________________ b. ___________________________ c. ___________________________

Ipabasa sa mga bata ang natapos na balangkas.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, pp. 150-151. Ipabasa sa mga bata ang natapos na buod ng binasang kuwento.

5. Paglalahat Paano nakagagawa ng buod ng isang talata o kuwento? Upang makuha ang buod o lagom ng binasa, kailangang alamin ang paksa ng bawat talatang bumubuo ng seleksyon. Sa tulong ng mga paksang ito, makukuha ang diwa ng binasa.

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 151. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng bata upang magbahagi ng natapos na gawain. Bigyang-puna ang nakasulat na buod ng mga bata. Ibalik ito sa kanila upang maisulat muli nang wasto.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit nang wasto ang pang-ukol Paksang-Aralin Wastong Gamit ng Pang-ukol Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Magpabigay ng isang pangungusap tungkol sa kuwento nina Pipoy at Kulas. Ipabasa ito sa mga bata. Ano ang pang-ukol na ginamit?

2. Paglalahad Ipagawa ang gawain sa Alamin Natin, p. 152. Ipabasa sa mga bata ang mga tinapos na pangungusap sa Alamin Natin. Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara. Ipabasa ang mga ito sa klase.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 280 

   

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano-ano ang salitang ginamit upang mag-ugnay sa pangungusap? Ano-ano ang pinag-ugnay sa bawat pangungusap? Kailan ginagamit ang tungkol sa? Para sa? Ayon kay?

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 152. Tumawag ng bata upang magbahagi ng sagot. Ano-anong pang-ukol ang ginamit sa mga pangungusap na ibinigay?

5. Paglalahat Kailan ginagamit ang pang-ukol?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 152. Ipabasa ito sa tatawaging bata. Bigyang-puna ang isinulat na talata. Ibalik ang papel sa bata upang muli nila itong maisulat.

Ikaapat na Araw Layunin Nabibigyang-kahulugan ang graph Paksang-Aralin Pagbibigay-Kahulugan sa Graph Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa.

2. Paglalahad Ipabasa muli ang “Tulay na Kahoy.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Tama ba ang paglalarawang ginawa sa bawat tauhan ng kuwento? Sino ka sa dalawang tauhan? Pangatwiranan ang ginawang pagpili ng mga bata. Gumawa ng graph na tulad ng nasa susunod na pahina upang maipakita ang pinili ng mga bata. Mga Tauhan Bilang ng Babae Bilang ng Lalaki Pipoy Pong Kulas Kuneho (Ilagay sa tamang hanay ang bilang ng babae/lalaki na magsasabi na sila ay si Pipoy o Kulas sa kuwento.) Ilan ang pumili kay Pipoy? Kay Kulas? Magbigay ng isang pangungusap tungkol sa natutuhan mo mula sa graph na natapos.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 152 – 153. Sagutan nang sama-sama ang mga tanong na nakasulat dito.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 281 

   

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 154. Ipabasa sa mga bata ang naisulat na mga pangungusap.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya

Ipakumpleto sa mga bata ang mga pangungusap tungkol sa mga natutuhan sa aralin sa linggong ito. Ngayong linggong ito, natutuhan ko _________________________. Hindi ko masyadong maunawaan ang ________________________. Nais ko sana ng dagdag na paliwanag tungkol sa _______________.

Aralin 40 Panatag na Buhay, Kayamanan Ko Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pinakinggan Naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan Gramatika Nagagamit nang wasto ang pang-ukol Komposisyon Nakasusulat ng liham pangangalakal Paunang Pagtataya Isulat ang mga bahagi ng liham pangangalakal sa metacards. Ipabasa ang bawat bahagi. Ipasipi at ipasaayos nang wasto ang bawat bahagi ng liham ng pangangalakal sa isang malinis na papel.

Pebrero 3, 2013  

Mahal na G. Cruz  

Lubos na gumagalang

Marissa Santer Aplikante

G. Nardo Cruz Personnel Officer FBC Publishing House 2453 Rosal St., Mandaluyong City

Katawan ng liham

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 282 

   

Unang Araw Layunin Naibibigay ang paksa ng talatang napakinggan Paksang-Aralin Pagbibigay ng Paksa ng Talata Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ano ang paksa ng larawan?

2. Paglalahad Ano ang pangarap mo sa buhay? Ano-ano ang dapat mong gawin upang maabot ito? Sabihin ang pamagat ng kuwento. Ano ang naging sagabal sa pangarap ni Marissa? Basahin sa mga bata. Matutupad Na

Hindi pa sumisikat ang araw, gising na si Maritess. Kahit gusto pa niyang matulog, kailangan na talaga niyang bumangon at maligo kahit malamig ang tubig na inipon niya nang nagdaang gabi. Hihigop lamang ng mainit na gatas at lalakad na siya.

“Pandesal, pandesal kayo riyan!” Ito ang kaniyang laging sigaw na nagsisilbing orasan ng kaniyang mga suki.

Malapit nang sumikat ang araw. Malapit na rin namang maubos ang kaniyang panindang pandesal. May lima pa para kay Bb. Vasquez, ang dati niyang guro.

Katulad ng mga nagdaang mga araw, dumaan muli siya sa paaralan na malapit sa kanilang bahay. Iniabot ang natitirang pandesal sa kaniyang dating guro. Dala rin niya ang mga gawain sa paaralan na kaniyang tinapos nang ilang araw.

May isang oras ding magkatabi sa upuan ang dalawa. Matiyaga niyang pinakinggan ang mga itinuturo sa kaniya ng kaniyang guro. Matapos ito, masaya nilang pinagsaluhan ang limang pandesal na kaniyang dala. Pag-uwi niya may dala na naman siyang mga bagong gawain.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 283 

   

Bago tuluyang maghiwalay, iniabot sa kaniya ni Bb. Vasquez ang isang maliit na papel.

“ Gusto mo bang maabot ang iyong pangarap? Ikaw ang aming hanap!” Napayakap nang maghigpit si Marissa sa kaniyang guro.

“Salamat po, makababalik na rin ako sa paaralan. Matutupad ko na ang aking pangarap.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ano ang pamagat ng napakinggan? Saan ito naganap? Sino-sino ang mga tauhan ng kuwento? Ilarawan ang bawat isa. Ano ang pangarap ni Marissa? Bakit muntik nang hindi ito matupad? Paano niya ito matutupad?

Anong katangian ni Marissa ang dapat mong tularan? Ipaliwanag ang sagot. 4. Pagpapayamang Gawain

Hayaang magbigay ang mga bata ng isang pangungusap tungkol sa napakinggang kuwento.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Iguhit ang sarili mong pangarap. Ilagay din kung paano mo ito maaabot.

Ikalawang Araw Layunin Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho nito Paksang-Aralin Paghahambing ng mga Kuwento Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Maghanda ng isang malaking dice. Isulat sa bawat mukha nito ang salitang pamagat, tagpuan, tauhan, at pangyayari. Tumawag ng isang bata upang ibato ang dice. Ipabigay ang hinihingi ng mukha ng dice tungkol sa napakinggang kuwento nang unang araw.

2. Paglalahad Ano kaya ang sunod na ginawa ni Marissa matapos mabasa ang ibinigay ni Bb. Vasquez? Ipabasa ang Alamin Natin, p. 154-155.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang ginawa ni Marissa? Ano ang inilagay niya sa sulat? Tama ba ang kaniyang ginawa?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 284 

   

Gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Pabigyang paliwanag ang sagot na ibinigay. Gamitin muli ang dice na ginamit sa simula ng klase upang matukoy ang mga elemento ng kuwento.

4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 155. Tumawag ng bata upang magbahagi ng kanilang sagot sa natapos na gawain.

5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa at gabayan ang mga bata sa paggawa ng gawain sa Pagyamanin Natin, p. 156. Matapos ang inilaang oras, hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang sagot.

Ikatlong Araw Layunin Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na tungkol sa Paksang-Aralin Pang-ukol Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Tungkol saan ang larawan? Ipakita sa mga bata ang larawan.

Ano-ano ang pang-ukol na ginamit? 2. Paglalahad

Ano ang pangarap ni Marissa? Paano niya ito matutupad? Ipabasang muli ang liham ni Marissa.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano-ano ang nilalaman ng liham ni Marissa? Isulat sa pisara ang pangungusap na ibibigay ng mga bata. Ipabasa ang mga ito. Ano-anong pang-ukol ang ginamit? Ano ang pinag-ugnay ng bawat isa?

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 285 

   

4. Pagpapayaman ng Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 156. Tumawag ng magbabahagi ng sagot.

5. Paglalahat Kailan ginagamit ang pang-ukol?

6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa ng Pagyamanin Natin, p. 157. Matapos ang inilaang oras, ipabahagi sa mga bata ang natapos na gawain.

Ikaapat na Araw Layunin Nakasusulat ng liham pangangalakal Paksang-Aralin Liham Pangangalakal Panlinang na Gawain

1. Tukoy-Alam Ano-ano ang nilalaman ng isang liham?

2. Paglalahad Ipabasa ang liham ni Marissa.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang nilalaman ng liham ni Marissa? Kanino siya sumulat? Kailan siya sumulat? Paano isinusulat ang liham pangangalakal? Ano-ano ang bahagi nito? Ano-ano ang dapat nilalaman ng isang liham pangangalakal ? Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng liham pangangalakal? Balikan ang mga bahagi ng liham na iniwasto sa paunang pagtataya. Tama ba ang pagkakalagay ninyo ng bawat bahagi? Paano itatama ang mga mali ang pagkakalagay?

4. Pagpapayaman ng Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 157. Ipabasa sa mga bata ang ginawang liham. Bigyang-puna ang naisulat na liham ng mga bata.

5. Paglalahat Paano isinusulat ang liham pangangalakal?

6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 157.

Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Pasulatin ang mga bata ng isang liham para sa guro. Ipalagay ang mga natutuhan sa buong linggo.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 286 

   

* Basahin ang liham na ginawa ng mga bata upang malaman ang mga natutuhan nila sa buong linggo at kung paano pa sila matutulungan para sa mga aralin ng linggo na hindi nila masyadong naunawaan. Hindi bibigyang ng puna ang isinulat na liham ng mga bata. Ipaalala sa mga bata na maging makatotohanan sa pagsasabi ng mga natutuhan sa linggo.  

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 287 

   

TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON IKAAPAT NA MARKAHAN

Mga Layunin

Bilang ng

Araw

Bilang

ng Aytem

Antas ng Pagtatasa Kaalaman Proseso/

Kakayahan Pang-unawa

Produkto/ Pagganap

Kinalalagyan ng Bilang

KAALAMAN

Pag-unawa sa Napakinggan

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang usapan

1 2 2

Gramatika

Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa tao, bagay, lugar, at pangyayari

1 1 1 3

Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan

1 1 1 4

Pag-unawa sa Binasa

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa

2 2 2 5-6

Kamalayang Ponolohiya

Napagsasama-sama ang mga tunog upang makabuo ng bagong salitang may diptonggo

1 1 1 7

Proseso/Kakayahan

Pag-unawa sa Napakinggan

Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan

1 1 1 8

Gramatika

Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa tao, bagay, lugar, at pangyayari

1 1 1 9

Nagagamit ang mga salitang kilos sap ag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan

1 1 1 10

Kamalayang Ponolohiya

Napapalitan at nadaragdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita

1 1 1 11

Pag-unawa sa Binasa

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto

2 2 2 12-13

1-2

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 288 

   

Mga Layunin

Bilang

ng Araw

Bilang

ng Aytem

Antas ng Pagtatasa Kaalaman Proseso/

Kakayahan Pang-unawa

Produkto/ Pagganap

Kinalalagyan ng Bilang

Estratehiya sa Pag-aaral

Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian batay sa pangangailangan

1 1 1

Pang-unawa

Pag-unawa sa Napakinggan

Nasasagot ang mga tanong sa napakinggang usapan

1 1 1 15

Nakasusunod sa panutong mag tatlo hanggang apat na hakbang

1 1 1 16

Gramatika

Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa tao, bagay, lugar, at pangyayari

1 1 1 17

Nagagamit nang wasto ang pang-abay

1 1 1 18

Pag-unlad ng Talasalitaan

Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng isang salita

2 2 1 19-20

Kaalaman sa Limbag at Aklat

Naikukumpara ang mga teksto sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito

1 1 1 21

Pag-unawa sa Binasa

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto

2 2 2 22-23

Pagsulat at Pagbabaybay

Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin

1 1 1 24

Nagagamit ang wastong bantas, malaki at maliit na letra sa pagsulat

2 2 2 25-26

Komposisyon

Nakasusulat ng isang talata

1 1 1 27

Estratehiya sa Pag-aaral

Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian batay sa pangangailangan

2 2 2 28-29

14

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 289 

   

Mga Layunin

Bilang

ng Araw

Bilang

ng Aytem

Antas ng Pagtatasa Kaalaman Proseso/

Kakayahan Pang-unawa

Produkto/ Pagganap

Kinalalagyan ng Bilang

PRODUKTO/PAGGANAP

Wikang Binibigkas

Naibibigay ang paksa ng kuwento o tekstong napakinggan

1 1 1

Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng balangkas

1 1 1

Gramatika

Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa tao, bagay, lugar, at pangyayari

2 2 2 32-33

Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan

1 1 1 34

Pag-unawa sa Binasa

Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan

1 1 1 35

Nagbabago ang dating kaalaman base sa natuklasang kaalaman sa binasang teksto

1 1 1 36

Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento

1 1 1 37

Pag-unawa sa Napakinggan

Naisasakilos ang usapang napakinggan

1 1 1 38

Wikang Binibigkas

Nakabubuo ng isang katumbas ng napakinggang kuwento

1 1 1 39

Nagagamit ang dating kaalaman sa pag-unawa ng napakinggang kuwento

1 1 1 40

KABUUAN 40 40 40

30

31

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 290 

   

Basahin ang usapan at sagutin ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang dahilan ng pagpunta ng mga mag-aaral kay Gng. Jessica Lavarez? a. magtatanong kung saan ang papuntang silid-aklatan b. manghihiram ng aklat c. bibili ng pagkain d. magbibigay ng proyekto

2. Sino ang nagsabi ng “Ibig po naming manghiram ng mga aklat upang magbasa.” a. Cha b. Che c. Theo d. Sid

3. Saan po ang papuntang silid-aklatan ? Anong panghalip pananong ang ginamit ? a. po b. papunta c. saan d. silid-aklatan

4. “Ibig po naming manghiram ng aklat.”Anong salitang kilos ang ginamit sa pangungusap? a. aklat b. ibig c. namin d.

manghiram

Tamang Gawi sa Pagtatanong at Pakikipag-usap Modesta R. Jaurigue Tunghayan ang pakikipag-usap ng mga mag-aaral sa kanilang guro. Cha at Che : Magandang umaga po, Gng. Jessica Lavarez. May sadya po kami sa inyo. Gng. Lavarez : Magandang umaga naman. Maupo kayo. Theo : Ma’am,bago po lamang kami sa paaralang ito. Ibig po sana naming malaman kung saan po ang daan papuntang silid-aklatan . Sid : Ibig po naming manghiram ng mga aklat upang magbasa. Gng. Lavarez : Ganoon ba? Magandang hakbang ang inyong gagawin na pagpunta sa silid- aklatan. Makatutulong ito sa inyong pag-aaral at makapagpapaunlad sa pagbasa nang mabilis.Ang silid-aklatan ay katapat ng silid ng ikatlong baitang. Mga Mag-aaral : Maraming salamat po Ma’am.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 291 

   

Basahin ang talaa upang masagot ang mga tanong tungkol dito.

5. Anong pagkain ang nakapagpapatibay ng resistensya? a. french fries b. gulay c. sitsirya d. popcorn

6. Ano ang dapat gawin upang lumusog ang katawan? a. Kumain ng tamang pagkain. b. Kumain ng maling pagkain c. Maglaro maghapon. d. Magbasa ng aralin.

7. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitang lumakas ? a. lumabas b. lumayo c. malakas d. malaya

8. Piliin ang pagkakasunod-sunod ayon sa pangyayari sa talata. 1.

2.

3.

4.

a. 4, 3, 2, 1 c. 2, 1, 3, 4 b. 1, 2, 3, 4 d. 3, 1, 4, 2

Mahalaga ang Pagkain nang Tama Modesta R. Jaurigue

Ang pagkain ng gulay, karne, isda, itlog, prutas, kanin, tinapay at iba pa at ang pag-inom ng gatas ay nagpapalakas ng katawan at nakapagpapatibay ng resistensiya upang tuluyang makaiwas sa anomang karamdaman at tumutulong sa paglaki.

Upang maging masigla, malakas at puno ng enerhiya sa buong maghapon,kinakailangang kumain ng tatlong beses sa isang araw: agahan,tanghalian at hapunan. Mahalaga ang pagkain nang tama sapagkat nagiging malusog ang katawan.

Upang maging masigla, malakas at puno ng enerhiya sa buong maghapon.

Ang pagkain ng gulay, karne, isda, itlog, prutas, kanin, tinapay at iba pa at ang pag-inom ng gatas ay nagpapalakas ng katawan at nakapagpapatibay ng resistensiya upang tuluyang makaiwas sa anomang karamdaman at tumutulong sa paglaki.

kinakailangang kumain ng tatlong beses sa isang araw: agahan,tanghalian at hapunan.

Mahalaga ang pagkain nang tama sapagkat nagiging malusog ang katawan.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 292 

   

9. Ano ang kailangan natin upang maging malakas at puno ng enerhiya? a. kumain b. maglaro c. magsayaw d. mamasyal

10. Sa inyong palagay ano ang maidudulot ng pagkain ng agahan? a. Magiging alisto sa klase. b. Hindi mahuhuli sa klase. c. Magkakaroon ng bagong laruan. d. Matatapos nang maaga ang mga gawain.

11. Itinapon ang mga papel sa basurahan. Anong salitang kilos ang ginamit sa pangungusap? a. basurahan b. itinapon c. mga d. papel

12. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitang nagamit ? a. naayos b. nagalit c. natuwa d. nawala

13. Saan inilagay ni Tom ang mga papel na kinuha sa basurahan? a. sa basurahan b. sa envelope c. sa ilalim ng bangko d. sa bag

14. Ano ang ginawa ni Tom nang marinig ang tunog ng bell? a. Inayos ang gamit c. tumakbo b. Nakipag-usap sa kaklase d. tumayo

15. Ano ang sinabi ni Tom sa kaklase na nagtapon ng papel sa basurahan? a. Bakit ninyo itinapon ang mga papel na wala pang sulat sayang naman. b. Bakit mali ang itinapon ninyo sa basurahan? c. Bakit hindi ninyo itabi ang mga di- nagamit na papel. d. Bakit kayo tumakbo agad?

16. Alin sa sumusunod ang HINDI dapat gawin sa pagtitipid ng sulatang papel? a. Itabi ang sulatang papel na hindi pa nagagamit o nasusulatan. b.Itapon ang gusto na papel. c. Maglagay ng karton sa ilalim ng papel upang di bumakat ang kasunod na

susulatan. d.Burahin ang namaling sulat sa papel at ipagpatuloy ang pagsusulat.

Si Tom Modesta R. Jaurigue

Kring…….”Yehey! Labasan na “. Sigaw ng mga mag-aaral ng Ikatlong Baitang. Lahat ay nagmamadaling nagligpit ng mga gamit . Nakita ni Tom na itinapon ng mga kaklase ang mga papel sa basurahan.” Bakit itinapon ninyo ang mga papel na wala pang sulat, sayang naman” ang sabi ni Tom. ”Bibili na lang kami bukas at saka yukos na ang mga yan “ ang sagot ni Cloe. Kinuha ni Tom ang mga papel na itinapon ng mga kaklase at inilagay sa envelope. Nagtasa ng kanyang lapis at inilagay sa lagayan ng mga lapis at ng makita na maayos na ang kanyang mga gamit saka tumayo at inihanda ang sarili sa pag-uwi

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 293 

   

17. Saan nangyari ang kuwento ? a. hardin b. klinika c. palaruan d. silid-aralan

18. Ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang ay______________ ng mga gamit. Punan ng wastong pang- abay na may kilos upang mabuo ang pangungusap

a. Nagmamadaling nagligpit b. Umalis ng maingay c. Itinapon ang papel d. Inayos ng mabuti

19. Kring… Labasan na”, sigaw ng mga mag-aaral sa Ikatlong baitang. Anong salita ang maaaring ipalit sa salitang labasan na ? a. Pasukan na. b. Uwian na. c. Rises na. d. Maglalaro na.

20. ”Bibili na lang kami ng papel bukas at saka gusot na ang mga iyan.” Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. Ayos b. punit c. puti d. sira

21. “Bibili na lang kami bukas at saka yukos na ang mga iyan,” ang sagot ni Cloe. Inayos ni Tom ang mga aklat at inilagay sa envelope ang sulatang papel na di-nagamit. Ano ang pagkakaibang gawi ni Cloe at ni Tom sa pagliligpit ng sulatang papel?

a. Si Tom ay matipid samantalang si Cloe ay hindi matipid sa sulatang papel. b. Si Tom ay hindi matipid samantalang si Cloe ay matipid sa sulatang papel. c. Si Cloe at si Tom ay matipid sa sulatang papel. d. Si Cloe at si Tom ay parehong hindi matipid sa sulatang papel.

22. Ano ang alaga na nabanggit sa talata?

a. agila b. aso c. kambing d. pusa 23. Ilan ang anak ni Puti ?

a. isa b. tatlo c. apat d. wala 24. “Ako ay may alagang aso, Puti ang tawag ko”.

Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay __. a. Kulay asul b. kulay berde c. kulay bulak d. kulay itim

25. Nakakatuwa ang aking alagang aso ! Anong bantas ang ginamit sa katapusan ng pangungusap ? a. kuwit b. padamdam c. pananong d. tuldok

Si Puti Modesta R. Jaurigue

Ako ay may alagang aso, puti ang tawag ko sa kaniya.May apat na anak. Kulot na kulot at puting-puti ang balahibo niya.Masarap siyang kalaro.Tinuturuan ko siya ng ibat ibang tricks tulad ng pag-upo,paglundag at pagkuha ng tsinelas.

Nakatutuwa ang aking alagang aso!

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 294 

   

26. Tinuturuan ko siya ng ibat ibang tricks tulad ng pag-upo,paglundag at pagkuha

ng tsinelas. Anong salitang hiram ang ginamit sa pangungusap? a. pag-upo b. tricks c. tinuruan d. tulad

27. Sumulat ng talata na kahalintulad ng paksa ng kuwentong “Si Puti.” 28. Alin sa sumusunod ang HINDI gamit ng sangguniang aklat?

a. Paghanap ng mabibili. b. Paghanap sa kahulugan ng salita c. Paghanap sa araling pinag-aralan d. Paghanap sa mga takdang aralin.

29. Nais ni Rosheen malaman kung saan siya makakakuha ng iba pang sanggunian maliban sa aklat na kaniyang ginagamit, sa iyong palagay saan siya makakikita? a. diksyunaryo b. indeks c. pabalat d. talaan ng nilalaman

30. Ibigay ang paksa ng kuwento . 31. Gumawa ng balangkas ng binasang kuwento. 32. Ano ang nilalaman ng kuwento ?? 33. Anong magandang ugali ni Maria ang nagustuhan mo ? 34. Ano ang magandang gawi ang ipinakita ni Maria nang humingi ang mga

batang nagugutom ? 35. Nakapagbigay ka na rin ba tulad ni Maria, ano ang naibigay mo na?

Isulat ito sa isang pangungusap. 36. Kung ikaw si Maria, ano ang mararamdaman mo sa mga nanghihingi ng

bunga ng kaimito? Isulat sa isang pangungusap ang kasagutan. 37. Sumulat ng isang pangungusap sa naging wakas ng kuwento.

Ang Batang si Maria Modesta R. Jaurigue

Sina Maria ay naninirahan sa tabi ng ilog. Marami silang tanim sa

paligid ng kanilang bahay. Siya ay mabait, masunurin, masipag at matulungin. Kapag araw ng Sabado, tumutulong siya sa gawaing bahay at sumisimba naman tuwing araw ng Linggo kasama ang kaniyang ama’t ina.

Isang araw, habang si Maria ay nagwawalis ng kanilang bakuran, may lumapit na mga batang naglalaro.

“Maria , nagugutom kami, maaari bang makahingi ng bunga ng puno ng kaimito?”

Aba!Oo kumuha na kayo pero mag-ingat kayo baka kayo ay mahulog,” ang sagot ni Maria .

Maraming bata at matanda ang humihingi kay Maria ng prutas. Binibigyan niya ito at hindi pinagdadamutan kahit kailan.

“Talagang mapagbigay na bata si Maria,” wika ng mga tao.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 295 

   

38-40

Gawaing Pagganap Layunin

1. Makabuo ng isang kuwento na katumbas ng napakinggan o nabasang kwento 2. Maipakitang kilos o pagsasatao ng nabuong kuwento

Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral Babasahin ng bawat lider ng pangkat ang kuwento na pinamagatang “ Ang Miryenda ni Nicole.” Sa loob ng 5 minuto,iisip ng katumbas na kuwento ang bawat isa. Karagdagang 5 minuto upang ihanda ang kinakailangang gamit para sa pagsasadula o pagsasatao. Kalagayan Magsasagawa ang mga mag-aaral ng gawain, pagsasadula o pagsasatao na katumbas ng napakinggang kuwento. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan. Pamantayan sa Pagsulat

PUNTOS PAMANTAYAN

12 Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakingang kuwento. Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto .Naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan.

9 Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakingang kuwento. Hindi nagamit ang naunang kaalaman o karananasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto .Naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan.

6 Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakingang kuwento. Hindi nagamit ang naunang kaalaman o karananasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto at di- naibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan.

3 Hindi nakabuo ng isang kuwentong katumbas ng napakingang kuwento. Hindi nagamit ang naunang kaalaman o karananasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto at di-naibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan.

Ang Miryenda ni Nicole

Modesta R. Jaurigue Ang paboritong miryenda ni Nicole ay instant noodles at ang baon niya sa

paaralan ay chips at kendi.Hindi siya mahilig uminom ng tubig. Wala siyang hilig sa prutas at gulay.

Isang gabi, binasag ang katahimikan nang malakas na sigaw ni Nicole.

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 296 

   

“ Inay! Inay!” ang malakas na tawag ni Nicole habang namimilipit sa sakit at hawak-hawak ang tiyan.

“Tayo sa ospital at dadalhin kita ng malaman natin kung bakit sumasakit ang tiyan mo,” ang wika ng nanay ni Nicole.

“Ayaw ko po Inay. Takot ako sa turok at gamot,” iyak ni Nicole. “ Hindi puwede kapag hindi natin pinatingnan ang sakit mo, maaaring

maghina ka at mawalan ng malay,” sambit ni Aling Mameng. Walang nagawa si Nicole kundi ang sumama siya sa ina.Habang nasa

sasakyan papuntang ospital, panay ang dasal at pagsisisi ni Nicole,naiisip niya kasi na ang lagi niyang miryenda ay mga pagkaing walang sustansya.

“Hmm..Sobrang pagkain at dhindi natunawan ang anak ninyo. Huwag kayong mag-alala, okey na po siya,” ang wika ng doktor.

“Salamat naman po, akala ko po ay grabe na ang sakit ng anak ko,”,ang pasasalamat ni Aling Mameng.

Nalaman ni Nicole ang kaniyang pagkakamali at nasambit na magbabago na siya.

SUSI SA PAGWAWASTO

1. A 2. D 3. A 4. C 5. A 6. A 7. C 8. D 9. A 10. A 11. C 12. A 13. B 14. B 15. A 16. A 17. B 18. A 19. B 20. C 21. A 22. A 23. C 24. C

DRAFT April 10,2014

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  

 297 

   

25. D 26. D 27. 28. A 29. A 30. Si Maria ang batang mapagbigay 31. Ang Batang si Maria

I. Ang pakikisama ni Maria sa mga tao A. Mabait B. Masunurin C. Masipag D. Matulungin II. Ang mga gawain ni Maria

A. Palasimba B. Masipag magwalis C. Tumutulong sa gawaing Bahay

32. Huwarang Bata 33. Matulungin 34. Mapagbigay 35. Oo nagbibigay ng pagkain,papel sa mga kaklase 36. Maawa dahil sila ay nagugutom. 37. Bibiyayaan ng magandang buhay si Maria sa pagiging mapagbigay niya.