filipino 505- katuturan ng dula

10
KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG DULA Ulat ni Bb. Fely N. Vicente MAEd-Filipino Bb. Erna Salas Guro sa Filipino 505 Pamantasan ng Xavier-Ateneo De Cagayan Kolehiyo ng Sining at Agham Departamento ng Filipino

Upload: fely-vicente

Post on 18-Apr-2015

1.413 views

Category:

Documents


13 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino 505- Katuturan Ng Dula

KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG DULA

Ulat ni Bb. Fely N. Vicente

MAEd-Filipino

Bb. Erna SalasGuro sa Filipino 505

Pamantasan ng Xavier-Ateneo De CagayanKolehiyo ng Sining at Agham

Departamento ng Filipino

Page 2: Filipino 505- Katuturan Ng Dula

“Ang mundo ay isang teatro…”

-Shakespeare

Katuturan at Kahalagahan ng Dula 1

Page 3: Filipino 505- Katuturan Ng Dula

Ang dula ayon kina:

Shakespeare

- Maging iisahin o tatluhang yugto ay isang genreng panitikang kinagigiliwan ng marami, ito man ay binabasa o itinatanghal.

Aristotle

- isang imitasyon o panggagagad ng buhay. Kaya inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin.

Katuturan at Kahalagahan ng Dula 2

Page 4: Filipino 505- Katuturan Ng Dula

Rubel

- isa sa maraming paraan ng pagkukwento. Ito’y may tawag na hango sa salitang Griyego-drama-na nangangahulugang gawin o ikilos.

Sauco

- isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood o mambabasa sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto na kaugnay ng sining na ito.

Katuturan at Kahalagahan ng Dula 3

Page 5: Filipino 505- Katuturan Ng Dula

Schiller at Madame De Staele

- isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan. Parang buhay na inilalarawan dito sa atin ang buti at sama ng isang bayan; ang mabuti ay upang pulutin at masama ay upang iwasan at di gawin.

Casanova

- isa sa mga anyo ng panitikang naglalarawan ng mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan ng bayan.

Katuturan at Kahalagahan ng Dula 4

Page 6: Filipino 505- Katuturan Ng Dula

Lachica

- uri ng akdang inilalarawan ng mga artista sa ibabaw ng tanghalan o entablado ang kaisipan at damdamin ng may-akda.

- Ito’y nagbibigay ng kasagutan sa isang

malalim na suliraning naglalarawan ng kalikasan ng tao, at nagtatanghal ng tunggalian ng mga kalooban at damdamin ng mga nagsisiganap

Semorlan, Rubin at Casanova

Katuturan at Kahalagahan ng Dula 5

Page 7: Filipino 505- Katuturan Ng Dula

Katuturan at Kahalagahan ng Dula 6

Iba pang katuturan…

- Isang katha na ang layunin ay ilarawan sa tanghalan sa pamamagitan ng kilos at galaw ang isang kapana-panabik na bahagi ng buhay.

- Ito ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at mayang isipan.

Page 8: Filipino 505- Katuturan Ng Dula

Katuturan at Kahalagahan ng Dula 7

- Anyo ng panitikang naglalarawan ng mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan ng bayan.

- Sumasalamin sa totoong nangyayari sa lipunan maging ng tradisyon.

- itinatanghal ayon sa nakasulat na dula na tinatawag na iskrip.

Page 9: Filipino 505- Katuturan Ng Dula

- katulad ng maikling kwento ang iisahing yugto ng dula ay matipid, matiim at nag-iiwan ng isang bisang punong buhay o drama.

- madulang bahagi ng buhay ng isang tao, sa isang pook, sa isang panahon at sa tulong ng iba pang sangkap na itinatanghal ngayon.

- hindi ang manunulat ang magkukuwento kundi ang mismong dula. Ito ay palaging nagaganap ngayon o panauhang pangkasalukuyan.

Katuturan at Kahalagahan ng Dula 8

Page 10: Filipino 505- Katuturan Ng Dula

Katuturan at Kahalagahan ng Dula 9

- ang krisis ay maaaring manggaling sa paglalaban ng tauhan na magpapanatili sa kawilihan nh mga mambabasa o manonood.

- ito’y nag-iiwan ng gayuma sa isipan at damdamin.

- paglalarawan ng buhay. Maaaring likas o likha ang mga suliranin.