filipino bilang asignatura

31
Filipino bilang Asignatura

Upload: leif-jorran-jasareno

Post on 16-Oct-2014

3.707 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino bilang Asignatura

Filipino bilang

Asignatura

Page 2: Filipino bilang Asignatura

Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga

kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa,

pagsulat at pag iisip sa Filipino

Elementary

Page 3: Filipino bilang Asignatura

Saklaw ng mga kasanayan sa pakikinig

ang masusing pagkilatis at mabisang

pang-unawa.

Pakikinig

Page 4: Filipino bilang Asignatura

Sa pagsasalita naman , nahahasa ang wastong pagbigkas, paggamit ng

mga pahayag at istrukturang

panggramatiko.

Pagsasalita

Page 5: Filipino bilang Asignatura

Sa kasanayan sa pagbasa nalilinang ang husay sa

pagpapalawak ng talasalitaan, pagkilala sa mga salita, pag unawa at kasanayan sa pag-aaral at

pananaliksik.

Pagbasa

Page 6: Filipino bilang Asignatura

At sa pagsulat napapaganda ang sulat-kamay, naiaangat ang kasiglahan sa antas ng

pagkatha at kasiyasiyang kaayusang

pansulatin.

Pagsulat

Page 7: Filipino bilang Asignatura

Mga inaasahang bunga sa Filipino

(Elementarya)

Page 8: Filipino bilang Asignatura

Mithiin

Page 9: Filipino bilang Asignatura

Nagagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan (pagsalita at pagsulat); nag papamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa kapakipakinabang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Elementarya

Page 10: Filipino bilang Asignatura

Pagkatapos ng unang baitang, inaasahanng nabibigkas at nakakabasa ang mga mag aaral ng mga alpabeto at mga simpleng salita nang may wastong tunog; nakagagamit ng mgagalang na pagbati sa pang-araw-araw na pagusap; naisusulat ang sariling pangalan at nakakasulat ng payak na pangungusap.

Unang Baitang

Page 11: Filipino bilang Asignatura

Pagkatapos ng ikalawang baitang, nakapagsasabi ang mga mag-aaral ng pangunahing diwa ng napakinggan; nakapaglalarawan ng mga tao, bagay , pook; nakakabasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at nakasulat ng kabit-kabit na mga titik na gumagamit ng wastong bantas.

Ikalawang baitang

Page 12: Filipino bilang Asignatura

Pagkatapos ng ikatlong baitang, nakapagsasalaysay ang mag-aaral ng buod ng npakinggan/nabasa; naibibigay ang sariling palagay tungkol sa isyung pinaguusapan; nakababasa at naipapaliwanag ang kahulugan ng mga salita; natutukoy ang pag kakaiba ng opinion at katotohanan; nakababasa ng mga pag-unawa at naisusulat ang mga idiniktang iba’t ibang anyo ng teksto.

Ikatlong baitang

Page 13: Filipino bilang Asignatura

Pagkatapos ng ika apat na baitang, nakapag papahayag ang mag aaral ng sariling ideya at kaisipan tungkol sa mga narinig; nakapag bibigay rin ng matalinghagang salita at mga ekspresyong tuwiran at di tuwiran; natutukoy ang mga pangyayaring nag uugnay sa sanhi at bunga ng mga pangyayari at napag susunod-sunod ang mga ideya at sitwasyon; nakikilala ang iba’t ibang bahagi ng babasahin at nakasusulat na ng maikling komposisyon.

Ika apat na baitang

Page 14: Filipino bilang Asignatura

Pagkatapos ng ika limang baitan, nakapagbubuod ang mag-aaral ng nabasa at napakinggan; nakabubuo ng iba’t ibang pangungusap; nakakagamit ng iba’t ibang sanggunian sa paghahanap ng impormasyon at nakasusulat na ng iba’t ibang pahayag at sulatin na may 15-20 pangungusap.

Ika limang baitang

Page 15: Filipino bilang Asignatura

Pagkatapos ng ikaanim na baitang, nakapag-aayos ang mag aaral ng napakinggang teksto at nalilipat ang impormasyon tungo sa iba pang anyo ng pagpapahayag; nagagamit ang iba’t ibang pangungusap sa pagpapaliwanag, nakapagbibigay solusyon sa mga suliranin batay sa karanasan at mga natutuhang kaalaman sa ano mang sitwasyon at nakasusulat na ng ilang uri ng salaysay o dayalogo sa tulong ng mga ideya/tala na binuo ng klase.

Ika anim na baitang

Page 16: Filipino bilang Asignatura

Filipino

Sekondari

Page 17: Filipino bilang Asignatura

Mga batayang

konseptwal

Page 18: Filipino bilang Asignatura

Itinuturo ito bilang sabjek pang wika.

Una

Page 19: Filipino bilang Asignatura

Upang magamit ang wikang ito bilang pangklasrum sa iba pang sabjek na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo.

Pangalawa

Page 20: Filipino bilang Asignatura

Mithiin

Page 21: Filipino bilang Asignatura

Bilang isang larangan ng pagkatuto sa level sekondari, ang pangunahing mithiin ng Filipino ay makadevelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino. Upang masabing komyunikeytor sa Filipino, kinakailangang taglay niya ang mga pangangailangang kasanayang makro – ang pagbasa, pag sasalita at pakikinig.Bilang isang sanay sa komunikatibong pakikipagtalastasan, nararapat na may kbatiran at kasanayan siya sa apat na component ng kasanayang komunikatibo tulad ng diskorsal, gramatikal, sosyolingwistik, at istratejik.

Sekondari

Page 22: Filipino bilang Asignatura

Kontent

Page 23: Filipino bilang Asignatura

Bilang isang larangan ng pagkatuto at pantulong na

sabjek sa level ng sekondari, makilala ang Filipino bilang

FILIPINO SA ISKOLARLING PAKIKIPAGTALASTASAN.

Page 24: Filipino bilang Asignatura

Ang bibigyan ng focus ay ang masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga tiyak na istrukturang gramatikal ng Filipino bilang isang wika kasabay sa pagtatamo ng wastong kasanayan sa maunawang pagbasa.

Sa unang dalawang taon (una at ikalawang taon)

Page 25: Filipino bilang Asignatura

Ang focus ay ay ang pagtatamo ng mapanuring pag iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbabasa at pag unawa sa iba’t ibang genre ng panitikang (lokal at rehyunal, nasyunal at Asyano) nakasalin sa Filipino.

Sa huling dalawang taon (ikatlo at ikaapat na taon)

Page 26: Filipino bilang Asignatura

Mananatili ang pag bibigay ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pagsulat na komunikasyon sa pamamagitan ng exposyur sa iba’t ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat.Ito ay pagtutuunan ng isang linggong sesyon sa bawat markahan.

Sa Bawat taon

Page 27: Filipino bilang Asignatura

Mga Inaasahang Bunga sa Bawat

Taon

Page 28: Filipino bilang Asignatura

Sa pag tatapos ng unang taon, ang isang mag-aaral ay nararapat na nag tataglay na ng sapat na kasanayan at kaalamang magamit ng wasto ang mga angkop na istrukturang gramatikal sa isang iskolarling pakikipagtalastasan sa tulong ng mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng texto.

Unang Taon

Page 29: Filipino bilang Asignatura

Sa pagtatapos ng ikalawang taon, ang isang mag-aaral ay dapat na nagtataglay ng kognitivong kasanayan at kahusayan sa maunawang pagbasa ng iba’t ibang texto at nagagamit nang wasto ang angkop na strukturang gramatikal sa isang akademikong pakikipagtalastasan.

Pangalawang taon

Page 30: Filipino bilang Asignatura

Pagkatapos ng ikatlong taon, ang isang mag-aaral ay dapat na nag tataglay na ng kahusayan, kaalaman at angkop na kamalayan sa pagsasagawa ng kritikal pagpapasya upang mabigyang – halaga ang ating pambansang panitikan batay sa umiiral at tiyak na pamantayan, istandard at teoryang pampanitikan.

Pangatlong taon

Page 31: Filipino bilang Asignatura

Pagkatapos ng ikaapat na taon, ang gradweyt ay nagtataglay ng kahusayan, kaalaman, at angkop na kamalayan sa pagsasagawa ng mapanuring paghuhusga sa kagandahan at sining ng panitikan batay na rin sa mga tanggap na pamantayan , istandard at teorya ng pamumuna. (sa tulong ng mga akdang rehyunal at Asyanong nakasalin sa Filipino).

Ikaapat na taon