filipino do not erase.docx

40
29 Yunit 1 Aralin 1 Parirala at Pangungusap………………………………3 Aralin 2 Bahagi ng Pangungusap at Ayos ng Pangungusap….3 Aralin 3 Kasarian ng Pangngalan………………………………4 Aralin 4 Apat na Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit………5 Aralin 5 Tatlong Kayarian ng Pangungusap………………….6 Aralin 6 Pangngalan at Uri ng Pangngalan…………………...7 Aralin 7 Kailanan ng Pangngalan…………………………. …..8 Aralin 8 Kaukulan at Gamit ng Pangngalan ………………....8 Yunit 2

Upload: katrina-pielago

Post on 06-Nov-2015

382 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Yunit 1Aralin 1 Parirala at Pangungusap3Aralin 2 Bahagi ng Pangungusap at Ayos ng Pangungusap.3Aralin 3 Kasarian ng Pangngalan4Aralin 4 Apat na Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit5Aralin 5 Tatlong Kayarian ng Pangungusap.6Aralin 6 Pangngalan at Uri ng Pangngalan...7Aralin 7 Kailanan ng Pangngalan...8Aralin 8 Kaukulan at Gamit ng Pangngalan ....8

Yunit 2Aralin 1 Panghalip Panao..10Aralin 2 Panghalip Pamatlig at Panaklaw...13Aralin 3 Panghalip Pananong...14Aralin 4 Pandiwa at Kayarian ng Pandiwa.15 Aralin 5 Aspekto ng Pandiwa...16Aralin 6 Tinig at Uri ng Pandiwa..17Aralin 7 Pokus ng Pandiwa18Yunit 3Aralin 1 Pang-uri..19 Aralin 2 Gamit ng Pang-uri...20 Aralin 3 Kayarian ng Paang-uri.21Aralin 4 Kaantasan ng Pang-uri.21 Aralin 5 Pang-uring Magkasingkahulugan at Magkasalungat..22 Aralin 6 Pang-abay at Uri ng Pang-abay.23

Yunit 4Aralin 1 Gamit ng Pang-angkop25Aralin 2 Wastong Gamit ng Ng at Nang26Aralin 3 Pang-ukol at Pangatnig..26Aralin 4 Talata27 Aralin 5 Liham27Aralin 6 Uri at Anyo ng Liham.29

Parirala at Pangungusap Parirala- lipon ng mga salitang walang buong diwa.Halimbawa: mahusay umawit masipag na bata masunuring anak sa barangay

Pangungusap- lipon ng mga salitang may buong diwa. Ito ay nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos sa isang bantas.Halimbawa: Si Fr. Augie ang kanilang kura-paroko. Bumili ng bagong kotse ang kanyang kapatid.

Mga Bahagi ng Pangungusap1. Simuno o paksa- ito ang bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan.

2. Panaguri- bahaging nagsasaad ng kilos o naglalarawan ng simuno. Ito ay maaari ring payak o buo.

Ang pangungusap ay maaaring may simunong di-lantad ngunit nananatiling buo ang diwa.

1. Pormulasyong Panlipunan- pagbati o pagbibigay galang na bahaging Kulturang Pilipino.Halimbawa- Magandang hapon po.

2. Sambitla- maikling pahayag na bugso ng damdamin.Halimbawa- Naku!

3. Penominal- nauukol sa panahon.Halimbawa- Kumukulog

4. Pandiwang Pautos- naglalahad ng utos kahit hindi binabanggit ang kausap.Halimbawa- Luhod

5. Eksistensyal- nagpapahayag ng pagkamayroon. Pinangungunahan ng may o mayroon.Halimbawa- May kuryente na.

Kasarian ng Pangngalan Ang pangngalan ay may apat na kasarian.

1. Panlalaki- ito ay nauukol o tumutukoy sa tao o hayop na lalaki.Mga Halimbawa: tatay tandang lolo tito tiyo

2. Pambabae- ito ay nauukol o tumutukoy sa tao o hayop na babae.Mga Halimbawa: nanay inahin lola tita tiya

3. Di-Tiyak- ito ay nauukol o tumutukoy sa tao o hayop na maaaring babae o lalaki.Mga Halimbawa: manok pusa guro magulang katekista

4. Walang Kasarian- ito ay nauukol o tumutukoy sa mga bagay na walang buhay.Mga Halimbawa: papel motor lapis aklat telebisyon

Apat na Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit1. Paturol- ito ay nagpapahayag ng kaisipan, nagsasaad ng katotohanano nagsasalaysay ng pangyayari. Nagtatapos ito sa tuldok (.).Halimbawa:a. Nagkaroon ng pagpupulong ang ibat ibang Samahang Pangsimbahan sa bayan ng Mendez.

2. Pautos- uri ng pangungusap na nagsasaad ng pag-uutos. Ito ay ginagamitan ng tuldok (.).Halimbawa:a. Ayusin mo ang mga gamit mo sa kwarto.

3. Pakiusap- pangungusap na nakikiusap at nagtatapos sa tuldok (.).Halimbawa:a. Pakiabot naman ng kanin.b. Pakisara ng bintana.

4. Patanong- pangungusap na nagtatanong. Ito ay nagtatapos sa tandang pananong (?).Halimbawa:a. Sino ang may-ari nitong aklat?b. Paano ba ito magagawa?Tatlong Kayarian ng Pangungusap1. Payak na Pangungusap- nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan lamang.Halimbawa:a. Si James Pielago ay anak ni Cai-Lian Pielago.b. Si Corazon Aquino ang kauna- unahang babaeng pangulo ng Pilipinas.

2. Tambalang Pangungusap- binubuo ng dalawa o higit pang buong kaisipan na pinag-uugnay ng mga pangatnig na at, o saka, ngunit, subalit, habang, datapwat, samantala, bagamat.Halimbawa:a. Maglilinis kayo o magtitiis kayo sa maruming kapaligiran.b. Dapat ay maglinis tayo habang wala pa ang guro.

3. Hugnayang Pangungusap- binubuo ng sugnaay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa. Ito ay pinag-uugnay ng mga pangatnig na kung, sapagkat, pag, kapag, nang, para, upang, at iba pa.Halimbawa:a. Mag-aral ka ng mabuti upang magkaroon ng magandang kinabukasan.b. Para makagawa ng damit, kailangan mo muna maghanda ng sinulid at karayom.

Pangngalan at Uri ng Pangngalan Pangngalan- ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook at pangyayari. Ito ay may dalawang uri.

1. Pambalana- tumutukoy sa karaniwang pangngalan ng tao, hayop, bagay, pook at pangyayari. Nagsisimula sa maliit na titik.Mga Halimbawa: paaralan daga damit dentist mata

Ang mga pangngalang pambalana ay maaaring:a. Tahas o konkreto- mga pangngalang nakikita at nahahawakan.Mga Halimbawa: bolpen mesa bola lobo laruan

b. Basal o di konkreto- mga pangngalang hindi nahahawakan at nananatili lamang sa isip, diwa o damdamin. Mga Halimbawa: pagkalungkot pagmamahal pagkagalit

c. Lansakan- mga pangngalang pinagsama-sama ngunit ang dami o bilang ay walang katiyakan.Mga Halimbawa: Bigkis batalyon buwig pulutong 2. Pantangi- tumutukoy sa tiyak na pangngalan ng tao, hayop, bagay, pook at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.Mga Halimbawa: Charity Hapon Enero Samsung Acer

Kailanan ng Pangngalan - Ang kailanan ay tumutukoy sa bilang o dami. May tatlong kailanan ng pangngalan.

1. Isahan- ito ay tumutukoy sa isa lamang pangngalan.Mga Halimbawa: isang kaibigan ang lapis si Jun

2. Dalawahan- tumutukoy sa pangngalang may dalawang bilang. Mga Halimbawa: magkapatid dalawang aklat kapit-bahay

3. Maramihan- tumutukoy sa pangngalang may bilang na maramihan. Ang pangngalan ay napaparami sa pamamagitan ng pagamit ng pantukoy, pang-uri, pamilang at panlapi.Mga Halimbawa: mga pusa maraming isda magkakapatid

Kaukulan o Gamit ng Pangngalan

Kaukulang Palagyo

1. Simuno o Paksa- tumutukoy sa pinag- uusapan.Halimbawa: Si Alex ay masunurin.

2. Kaganapang Pansimuno- nagsasabi ng tungkol sa simuno.Halimbawa: Mabait na guro si Bb. Gina.

3. Pamuno sa Paksa- pangngalang ipinupuno sa paksa.Halimbawa: Si Roy, ang aking pinsan ay nag- aaral sa Japan.

4. Pantawag o Tumutukoy- sa taong kinakausap.Halimbawa: Lucy, kalian mo ba ipapasa ang iyong proyekto?

Kaukulang Palayon

1. Tuwirang Layon- tagatanggap ng kilos sa isinasaad na pandiwa.Halimbawa: Tumawag ng pulong si Julius.

2. Di Tuwirang Layon- pinag- uukulan ito ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na para kanino.Halimbawa: Tumawag ng pulong si Julius sa mga layko.

3. Pamuno- pangngalang ipinupuno sa tuwirang layon.Halimbawa: Tinawag ni Julius si kuya Robert, isang layko.

4. Layon ng Pang-ukol- pangngalang pinaglalaanan ng kilos.Halimbawa: Ang pulong ay para sa mga layko.

Panghalip PanaoAng panghalip ay mga salitang ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng tao, lunan, bagay o pangyayari.Panghalip panao ay ginagamit bilang panghalili sa ngalan ng tao. Ito ay may tatlong panauhan, kailanan at kaukulan.Panauhan ng Panghalip Unang Panauhan- tumutukoy sa taong nagsasalita.Halimbawa:a) Ako ay pupunta sa Maynila.b) Kami ay bibili ng mga basket.

Ikalawang Panauhan- tumutukoy sa taong kinakausap.Halimbawaa) Ikaw ang nanalo sa paligsahan!b) Kayo ba ang gumagawa ng mga ito?

Ikatlong Panauhan- tumutukoy sa taong pinag-uusapan.Halimbawa:a) Sila ang gumawa ng unang telebisyon.b) Sa kanila iyan na bahay.

Kailanan o Bilang ng Panghalip Panao Isahan- tumutukoy sa iisang tao. Dalawahan- tumutukoy sa dalawang tao. Maramihan- tumutukoy sa higit sa dalawang bilang ng mga tao.

Kaukulan ng Panghalip na Panao Kaukulang Palagyo- tumutukoy ito sa ngalan ng tao o mga taong gumagawa ng Gawain sa pangungusap.Halimbawa: Ikaw ang gagawa nito ngayon.

Kaukulang Paari- inihahalili ito sa ngalan ng taong nagmamay-ari sa isang bagay, gawain o anumang pangyayari.Halimbawa: Sa kanila ang pulang kotse na nasa tapat ng tindahan.

Kaukulang Paukol- inihahalili ito sa mga ngalan ng taong pinag-uusapan. Ginagamit itong layon ng pang-ukol.Halimbawa: May binigay sa akin ang kaibigan ng ate ko.

Pag-aralan ang tsart:

Panauhan/KailananKaukulan

PalagyoPaukolPaari

Isahan

UnaAkoKoAkin

IkalawaIkaw, kaMoIyo

IkatloSiyaniyaKanya

Dalawahan

UnaKami, tayoNatinAtin

IkalawaKayoNinyoInyo

IkatloSilaNilaKanila

Maramihan

UnaKami, tayoNaming, natinAtin, amin

IkalawaKayoNinyoInyo

IkatloSilaNilaKanila

Panghalip Pamatlig Ang panghalip na pamatlig ay inihahalili sa pangngalang itinuturo.Ang panghalip na pamatlig na paukol ay nagiging rito, riyan at roon kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y.Halimbawa: Dito nakatira noon si Dr. Jose Protacio Rizal. Diyan sa simbahan na yan si Dennise nabinyagan.

Pag-aralan ang tsart:

UriMalapit sa nagsasalitaMalapit sa kausapMalayo sa nag-uusap

Paturolito, ireiyan/yaaniyon/yaon

Paarinito, nireniyanniyon, noon

Paukoldito, dirediyandoon

Pahimatonito, hetoayan, hayanayun, hayun

Panlunannandito, naritonariyan,nandiyannandoon,naroon

Panghalip na Panaklaw Ang panghalip na panaklaw ay nagsasaad ng kaisahan, dami, bilang o kalahatan ng tao, bagay , hayop o pangyayari. Ito ay maaaring tiyakan o di-tiyakan. Tiyakan: isa, bawat, bawat isa, pulos, iba Di-tiyakan: anuman, kaninuman, kailanman Ang panghalip na panaklaw na di-tiyakan ay binubuo ng mga panghalip na pananong na dinudugtungan ng pangatnig na man.

Panghalip na Pananong Ang panghalip na pananong ay ginagamit sa pagtatanong ukol sa tao, pook, bagay o pangyayari. Ito ay maaaring isahan o maramihan. Sinasabi itong maramihan kapag inuulit ang mga panghalip pananong na isahan at nilalagyan ng gitling sa paghahati ng salita. Ang panghalip na pananong ay ginagamitan ng bantas na tandang pananong (?) sa hulihan ng pangungusap.

IsahanMaramihanUkol saan ang tinatanong

AnoAno-anobagay o pangyayari

SinoSino-sinotao

SaanSaan-saanlugar o pook

KaninoKani-kaninotao

AlinAlin-alinbagay

KailanKai-kailanpetsa ng pangyayari

GaanoGaa-gaanodami, sukat o timbang

PaanoPaa-paanoparaan

NinoNino-ninotaong nagmamay-ari

MagkanoMagka-magkanohalaga o pera

Pandiwa at Kayarian ng Pandiwa Ang pandiwa ay mga salitang nagpapahiwatig ng kilos o galaw. Itoy binubuo ng salitang-ugat at ng panlapi. May mga panlaping ginagamit sa pagbuo ng pandiwa. Ito ay tinatawag na panlaping makadiwa. Ang panlaping makadiwa ay may ibat ibang uri.

1. Unlapi- kung nasa unahan ng salitang-ugat ang panlapi.Halimbawa: umakyat maiguhit magsalita

2. Gitlapi- kung nasa gitna ng salitang-ugat ang panlapi.Halimbawa: sumigaw lumabas ginuhit

3. Hulapi- kung nasa hulihan ng salitang-ugat ang panlapi.Halimbawa: Tapakan kopyahan lunukin

4. Kabilaan- kung nasa unahan at hulihan ng salitang-ugat ang mga panlapi.Halimbawa: Magpalitan maghuntahan nasaraduhan

Pawatas ang tawag sa mga pandiwang binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa.

Aspekto ng PandiwaAng pandiwa ay may tatlong aspekto. Ito ay maaaring naganap na, ginaganap pa at gaganapin palang.

Ang aspekto ng pandiwa ay nagbabago ayon sa kung kalian ginaganap ang kilos.

Aspektong Naganap o Pangnagdaan- nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.Halimbawa: naligo binuksan niluwa nasaktan

Aspektong Nagaganap o Pangkasalukuyan- nagsasaad na kasalukuyang ginaganap ang kilos. Halimbawa: naliligo binubuksan niluluwa nasasaktan

Aspektong Magaganap o Panghinaharap- nagsasaad na gagawin pa lamang ang kilos.Halimbawa: Maliligo bubuksan luluwain masasaktan

Aspektong Kagaganap- ay walang pagbabanghay sa ginagawa sa pawatas maliban sa paglalagay ng panlaping ka at pag-uulit ng unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Tinig ng PandiwaA. Tahasan o Tukuyan- ang simuno sa pangungusap ang gumagawa ng kilos o galaw.Halimbawa: Si Rose ay naglalaba ng mga damit niya tuwing Sabado lamang. Ang mga tindera sa amin ay ang nagkikilo ng mga bigas.

B. Balintayak- ang nasa bahaging panaguri ang tagagawa ng kilos o galaw.Halimbawa: Si Aling Maria ay nagpagawa ng bagong sapatos. Ang bagong paaralan sa Subdivision ay ipinagawa ni Bb. Maria.

Uri ng PandiwaA. Pandiwang Katawanin- ay ang mga pandiwang nagpapahayag na buo o ganap na ang kilos na ginagawa ng simuno.Halimbawa: Ang mga estudyante ay nag-eehersisyo.

B. Pandiwang Palipat- ay ang mga pandiwang nangangailangan pa ng tuwirang layon upang mabuo ang kaisipang nais ipahayag nito.Halimbawa: Naglilinis ng hardin si Nena.

Pokus ng Pandiwa

1. Tagaganap o Aktor- ang simuno ang gumaganap ng kilos.Halimbawa: Si Reina ay nagtuturo.

2. Ganapan o Lokatib- ang paksa ang ganapan o lugar ng kilos.Halimbawa: Sa Bagumbayan binaril si Dr. Jose Rizal.

3. Layon o Gol- tuwirang layon ang simuno ng pangungusap.Halimbawa: Sinulatan ni Polo ang dingding.

4. Tagatanggap o Benepiktib- ang kaganapang pinaglalaanan ng kilos ang simuno.Halimbawa: Pinag-mamalasakitan ng may-ari ang mga kabataang nalulong sa paninigarilyo.

5. Gamit o Instrumental- ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.Halimbawa: Ang ruler ay ginamit upang mapantay ang linya.

6. Sanhi o Kawsatib- ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.Halimbawa: Ang kapabayaan ng ina ang ikinamatay ng anak.

7. Direksyunal- pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutungo sa kilos.Halimbawa: Pinuntahan nila ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas, ang Mt. Apo.

Pang-uri Pang-uri- salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip. Mga Halimbawa: masunuring bata malinaw na mata

Mga Uri ng Pang-uri:1. Pang-uring Panlarawan- ginagamit sa paglalarawan sa katangian ng tao, bagay, hayop at iba pa.

Ito ay nahahati sa ibat ibang uri:a. Patakaran- karaniwang paraan ng pagbilang.Mga Halimbawa: 6- anim na pato 11- labing-isang tuldok

b. Panunuran- nagsasaad ng pagkakasunod-sunod. Mga Halimbawa: Ika-pito pangalawa ikalawa ikasampu

c. Pahalaga- nagsasaad ng halaga o presyo.Mga Halimbawa: Mamiso tiglilimampiso tigwawalo

d. Pamahagi- ginamit sa pagbabahagi ng kabuuan.Mga Halimbawa: Isat kalahati isangkatlo kalahatiGamit ng Pang-uri

1. Simuno- ito ay nasa bahaging pinag-uusapan sa pangungusap.Halimbawa:a. Ang taong matiyaga ay magtatagumpay.b. Ang tahanang marangya ay magandang tingnan.

2. Kaganapang Pansimuno- bahaging ngsasabi tungkol sa simuno at nakikita pagkatapos ng panandang ay. Halimbawa:a. Si Maria ay maganda sumayaw.b. Siya ay anim na taong gulang palang.

3. Tuwirang Layon- pang-uring tagatanggap ng kilos; sumasagot sa tanong na ano. Halimbawa:a. Nagpakita ng mayamang kultura ang kanilang lalawigan.b. Kumain ng mga masusustansiyang nang maging malusog ang katawan.

4. Layon ng Pang-ukol- ito ay sumusunod sa isang pang-ukol. Halimbawa:a. Ang papuri ay para sa mga magagalang na mga bata.b. Totoo daw ang mga paniniwala ayon sa mga matatandang mga ninuno natin.

Kayarian ng Pang-uri1. Payak- binubuo ng salitang-ugat lamang.Halimbawa: puting mesa gutom na pusa berdeng lapis

2. Maylapi- binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.Halimbawa:matalinong bata masipag na mga manggagawa

3. Inuulit- binubuo ng salitang inuulit.Halimbawa:madulas na madulas gulat na gulat

4. Tambalan- binubuo ng dalawang magkaibang salita.Halimbawa:mamatay-mabuhay na kandila sunog-kilay sa pag-aaral

Kaantasan ng Pang-uri1. Lantay- naglalarawan sa isa o isang pangkat ng tao, bagay, o pangyayari.Halimbawa:a. Nabighani ako sa kagandahan ng lugar na ito.b. Masagana ang ani ng palay sa taong ito.

2. Pahambing- nagtutulad o naghahambing ng dalawang tao, bagay, o pangyayari.Ang pahambing ay maaaring:

a. Pahambing na magkatulad nagtataglay ng pagkakatulad na katangian. Ginagamitan ito ng mga panandang sing, kasing, at magsing, magkasing.Halimbawa:- Magsing-talino sina Felix Irving at Andrela.-Sintanda ng aking ate ang guro ko sa musika.

b. Pahambing na di- magkatulad (pasahol)-Kung hindi magkapantay ang katangian ng isang bagay na itinutulad sa iba. Ginagamitan ito ng mga pananda tulad ng salitang di-gaano, di- gasino, higit, o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ito ng tulad, gaya o kaysa.Halimbawa Di- gaanong magkapalad naging karanasan ni Alvin sa ibang kabataan. Di-gasinong matamis ang mangga rito na gaya sa Guimaras.3. Pasukdol paghahambing ng tatlo o higit pang pangngalan o panghalip. Nagpapahiwatig ito ng kahigitan o pamumukod. Halimbawa:a. Pinakamasipag sa buong klase namin si Jules Albert.b. Ang pinakamatiyaga sa magkakapatid ay ang panganay na si Luisa.

Pang-uring Magkasingkahulugan at Magkasalungat1. Pang-uring magkasingkahulugan- ito ay mga salitang may iisa o parehas na kahulugan.Halimbawa: Tuyot tigang makupad mabagal

2. Pang-uring magkasalungat- ito ay mga salitang may magkabaliktad na kahulugan.Halimbawa: Matanda bata mabagal mabilis Pang-abay at ang mga Uri ng Pang-abayPang-abay- ay mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.Mga Uri:1. Pang-abay na pamaraan- sumasagot sa tanong na paano.Halimbawa: Si Henry ay tumakbo ng paluhod. 2. Pang-abay na panlunan- sumasagot sa tanong na saan.Halimbawa: Sa ilalim ng kama si Max tumago.

3. Pang-abay na pamanahon- sumasagot sa tanong na kalian.Halimbawa: Kami ay pupunta sa Naga sa susunod na Linggo.

4. Pang-abay na panggaano- ito ay nagsasaad ng saklaw na dami, sukat o timbang.Halimbawa: Kulang ang mga nadala kong aklat.

5. Pang-abay na panulad- ito ay ginagamit sa paghahambing.Halimbawa: Di-gaanong matrapik sa mga probinsya.

6. Pang-abay na panunuran- nagsasaad ng ayos o kalagayan.Halimbawa: Sabay-sabay nalang tayo tumawid.

7. Pang-abay na pang-agam- ito ay nagpapahayag ng di katiyakan.Halimbawa: Siguro ay titigil din ang ulan maya-maya.

8. Pang-abay na panang-ayon- ito ay nagpapahayag ng pagpapayag.Halimbawa: Sige, papunta na ako diyan!

9. Pang-abay na pananggi- ito ay nagsasabi ng pagsalungat.Halimbawa: Hindi muna ako papasok sa paaralan dahil nahihilo ako.

10. Pang-abay na panuring- ito ay nagsasaad ng pasasalamat.Halimbawa: Maraming salamat sa mga prutas na ibinigay mo.

11. Inklitik- nakatutulong ito upang higit na mapalinaw ang pagpapahayag sa pangungusap.Ang mga sumusunod ay mga inklitik: Ba din/rin daw/raw man muna Kasi kaya sana pa lamang/lang Na naman pala nga yata

Gamit ng Pang-angkopPang-angkop ang tawag sa katagang nag-uugnay sa dalawang salitang magkasunod upang maging isang parirala. Ang mga pang-angkop ay na at ng. Na- ay ginagamit kapag ang unang salita na iniuugnay ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.Halimbawa: Mahalimuyak na bulaklak asul na baso malinis na kwarto

Ng- ay ginagamit kung ang unang salitang iniuugnay ay nagtatapos sa patinig.Halimbawa: Lumang bag mabahong basura berdeng salaminSa mga salitang tulad ng bayan, halaman, balon, sabon, ang titik na n ay inaalis at pinapalitan ng pang-angkop na ng.Halimbawa: Salaming malinaw bituing kumikislap-kislap

Wastong Gamit ng Ng at NangAng ng ay ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pandiwa o panghalip na paano sa kauulang paari.Halimbawa: -Ipinagbabawal ang pagsiga ng basura. Ang nang ay ginagamit kapag sinusundan ito ng pang-abay at pandiwa kung itinutumbas sa upang at noon.Halimbawa: -Nasanay na sila Paul at Reine na kumain nang paluhod.

Pang-ukol at Pangatnig Ang pang-ukol ay sangkap o bahagi ng pananalitang ginagamit upang iugnay ang pandiwa, pang-abay o pangngalan sa pinag-uukulang tao, pook, bagay o pangyayari. Ito ay maaaring kataga, salita o parirala.Halimbawa: -Para kay May ang mga gamit na hawak hawak ko.

Ang pangatnig ay kataga, salita o pangkat ng mga salita na nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita sa isa pang salita at ng isipan sa isa pang isipan. Tulad ng pang-ukol, ito rin ay pang-ugnay.Halimbawa: -Si Mary ay hindi pumasok ngayon dahil maysakit siya na lagnat.

TalataAng talata ay grupo ng mga pangungusap na naglalahad ng tungkol sa iisang ideya.a. Pamaksang Pangungusap- ay nagsasalaysay ng pangunahing paksa ng talata. Ito ay karaniwang unang pangungusap.b. Panggitnang Pangungusap- ay tumatalakay o nagpapalawig sa pamaksang pangungusap.c. Pangwakas na Pangungusap- ay nagbibigay ng isang kaisipan ayon sa pinag-uusapan.

Halimbawa ng talata:

Pagtitiwala Ang pagtitiwala ay mahirap makamit mula sa ibang tao. Itoy nangangailangan nang lubos na pagkilala. Mahalagang pakiramdaman at pag-aralan ang mga ikinikilos kung kinakailangan upang makasiguro na itoy nagsasabi ng tapat at hindi nanloloko. Mahirap ding magbintang sa ating kapwa lalo na kung hindi nakita ng ating dalawang mata dahil nakakasakit tayo ng damdamin at pinabababa natin ag kanilang moralidad bilang tao.

LihamAng liham ay isang mabisang paraan ng pagpapahatid ng balita, impormasyon, at kaalaman ukol sa ibat ibang bagay at pangyayari.May dalawang anyo ang liham: Liham Pangkaibaigan at Liham Pangangalakal.

1. Liham Pangkaibigan- ay isang pangkaraniwang paraan ng pakikipagtalatastasan sa isang kaibigan, kakilala o mahal sa buhay.2. Liham Pangangalakal- ay isang pormal na paraan ng pakikipagtalastasan tungkol sa mga bagay o transaksiyong may kinalaman sa kalakal sa mga tanggapan.

Mga Bahagi ng Liham:1. Pamuhatan: isinusulat sa dakong itaas sa gawing kanan ng liham. Inilalahad dito ang pinagmulan o tirahan ng sumulat at ang petsa kung kalian ito ginawa.Halimbawa:B4 L3 Lotus 150 Alegre St.San Miguel Bulacan Sorsogon, Sorsogon CityIka-08 ng Disyembre, 2013 Ika-1 ng Marso, 2014

2. Bating Panimula- isinusulat sa kaliwang bahagi ng liham, isinasaad dito ang maikling pagbati sa taong sinusulatan.Halimbawa:Mahal kong Eloisa, Mahal kong Tess,

3. Katawan ng Liham- inilalahad dito ang mga balitang nais ipaabot o dahilan ng pagsulat.

4. Bating Pangwakas- inilalahad ang isang magalang na pamamaalam at kung ano ang kaugnayan ng sumulat sa sinulatan.Halimbawa:Gumagalang, Nagmamahal,

5. Lagda- isinusulatsa ilalim ng bating pangwakas at nakalinya rin ito o kayay sa pinakagitna sa ilalim ang pangngalan o palayaw ng sumulat.Halimbawa:Gng. Maria Deladia Rhea Sanchez

Uri at Anyo ng Liham

Mga uri ng liham pangkaibigan: Liham Pagbati- ay naglalaman ng pagbati sa isang may kaarawan, nanalo sa isang paligsahan o kompetisyon, o may nakamit na karangalan. Liham Pasasalamat- ay naglalahd ng pasasalamat. Liham Paanyaya- ay naglalahad ng imbitasyon o paanyaya. Liham Pagtanggap sa Paanyaya- ay nagsasaad ng pagtatanggap sa isang paanyaya o imbitasyon. Liham ng Pagtanggi ng Paanyaya- ay nagsasaad ng hindi pagtatanggap sa isang paanyaya o imbitasyon. Liham Pakikisimpatiya o Pakikiramay- ay nagsasaad ng pakikiramay sa isang kamag-anak, kakilala o kaibigan na nakaranas ng isang malungkot na pangyayari sa buhay. Liham Paghingi ng Paumanhin o Kapatawaran- ay nagsasaad ng paliwanag at paghingi sa kapatawaran dahil sa pagkakamaling nagawa. Liham ng Pagkukuwento o Pagbabalita- ay nagsasaad ng isang mahalagang impormasyon o balita ng gustong iparating. Liham Pangungumusta- ay nagsasaad upang malaman ang kalagayan ng isang tao.

Uri ng Liham Pangangalakal:1. Liham na humihingi/ nag-aaplay ng mapapasukan2. Liham paanyaya sa panauhing tagapagsalita3. Liham sa paghingi ng tulong4. Liham na humihingi ng pahintulot

3 Anyo ng Liham

1. Blak 2. Ganap na Blak 3. Semi Blak