filipino lessons

13
Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000- 200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan Uri ng nobela 1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan 2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na 3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa 4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud- sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa 5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao 6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan 7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema Elemento ng nobela 1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan 2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela 3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela 4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda 5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela 6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari 7. pamamaraan - istilo ng manunulat 8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela 9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari Layunin Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento." Ang alamat ay iba sa nito at sa kasysayan bagamat may mga elemento ang dalawa. ang nito ay di-totoo . ang kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat may mga bahaging totoo at meron din naman na hindi totoo ang kwento ay kadalasang kwento tungkol sa mga diyosa na maganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon, ni research ni Junel Bari. Kayarian Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy- tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. ito ay napaka pnaget Mga Elemento Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento. Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan. Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan. Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. Kakalasan- Tulay sa wakas. Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento. Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.

Upload: randy

Post on 12-Jan-2016

814 views

Category:

Documents


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino Lessons

Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong

piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-

200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo

nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing

literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at

isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng

mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na

pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang

pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng

katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng

maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga

pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan

sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang

pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming

tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan

Uri ng nobela

1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan

2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring

nakalipas na

3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng

mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa

4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-

sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa

5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa

buhay ng tao

6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang

katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan,

sitwasyon, at pangangailangan

7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na

nakakapagpabago ng ating buhay o sistema

Elemento ng nobela

1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan

2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela

3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela

4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda

a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento

b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap

c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda

5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela

6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari

7. pamamaraan - istilo ng manunulat

8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela

9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao,

bagay at pangyayari

Layunin

Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang

maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring

kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o

impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng

nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad

ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring

naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang

tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

Ang alamat ay iba sa nito at sa kasysayan bagamat may mga

elemento ang dalawa. ang nito ay di-totoo . ang kasaysayan ay totoo,

samantalang ang alamat may mga bahaging totoo at meron din

naman na hindi totoo ang kwento ay kadalasang kwento tungkol sa

mga diyosa na maganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon, ni

research ni Junel Bari.

Kayarian

Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-

tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayari hango sa tunay na

buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling

panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o

impresyon sa isip ng mambabasa. ito ay napaka pnaget

Mga Elemento

Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito

rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.

Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng

mga tauhang masasangkot sa suliranin.

Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.

Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao

laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.

Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o

kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Kakalasan- Tulay sa wakas.

Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o

mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang

kuwento.

Page 2: Filipino Lessons

Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento.

kaisipan- mensahe ng kwento.

Banghay- pangyayari sa kwento.

Mga uri

May siyam na uri ng maikling kuwento:

Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring

pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng

kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at

mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at

hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Sa kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa

kasalukuyan ng buong bayan.

Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying

hindi kapanipaniwala.

Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring

kasindak-sindak.

Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang

kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o

nakapagbago sa tauhan.

Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang

damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.

Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may

kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari

ang interes ng kwento.

Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento

ng katatawanan.

Tema

Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling

kuwento. Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng

may-akda sa isang maikling kwento. At ang kaisipang ito ang

binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa.

Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga

naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol

sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang

tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang

dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang

tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

Mga Bahagi

Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:

Simula

At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang

haharapin ng pangunahing tauhan.

Gitna

Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.

Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo

ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang

bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng

pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan

ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan

ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing

tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. :P

Wakas

Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang

bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento

mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan

ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento.

Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa

pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung

minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento

para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano,

sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

1. TAUHAN

Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing

tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong

na tauhan.

Uri: BILOG: nagbabago ang katauhan

LAPAD: Hindi nagbabago ang katauhan

PROTOGONISTA:mabait/ pangunahing tauhan

ANTAGONISTA: masama

2. TAGPUAN/PANAHON

Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't

ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.

3. SAGLIT NA KASIGLAHAN

Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga

pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan

4. SULIRANIN O TUNGGALIAN

Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at

sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa

kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.

Page 3: Filipino Lessons

5. KASUKDULAN

Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng

bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y

mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.

6. KAKALASAN

Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa

kasukdulan.

7. WAKAS

Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay

humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing

tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap

subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting

tauhan.

Mga Elemento ng Tula

1. Sukat

2. Saknong

3. Tugma

4. Kariktan

5. Talinhaga

6. Anyo

7. Tono/Indayog

8. Persona

Sukat

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo

sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Halimbawa:

isda – is da – ito ay may dalawang pantig

is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig

Mga uri ng sukat

1. Wawaluhin –

Halimbawa:

Isda ko sa Mariveles

Nasa loob ang kaliskis

2. Lalabindalawahin –

Halimbawa:

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad

Sa bait at muni, sa hatol ay salat

3. Lalabing-animin –

Halimbawa:

Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis

Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

4. Lalabingwaluhin –

Halimbawa:

Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay

Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Saknong

Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o

maraming linya (taludtod).

2 linya - couplet

3 linya - tercet

4 linya - quatrain

5 linya – quintet

6 linya - sestet

7 linya - septet

8 linya - octave

Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa

mga tula.

Tugma

Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan.

Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling

salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga-

ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin

nitong himig o indayog.

Mga Uri ng Tugma

1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng

tunog na kung

saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.

Halimbawa:

Mahirap sumaya

Ang taong may sala

Kapagka ang tao sa saya’y nagawi

Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang

patinig sa loob ng

isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.

Halimbawa:

a a a

a a i

a i a

a i i

2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na

kung saan

ang salita ay nagtatapos sa katinig.

a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t

Halimbawa:

Page 4: Filipino Lessons

Malungkot balikan ang taong lumipas

Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y

Halimbawa:

Sapupo ang noo ng kaliwang kamay

Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Kariktan

Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan

ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Talinghaga

Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang

ilang paraan

upang ilantad ang talinghaga sa tula

Anyo

Porma ng tula.

Tono/Indayog

Diwa ng tula.

Persona

Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na

bumubuo sa isang saknong.

Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na

may dalawa o maraming linya o taludtod.

Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling

pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.

Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita

upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang

damdamin at kawilihan.

Talinhaga- Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong

kahuluganng tula.

Tayutay

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin

ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na

gumamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng

pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang saloobin.

1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang

magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris

ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.

Ito ay tinatawag naSimile sa Ingles.

Halimbawa:

Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.

2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na

ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na

nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na

inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

Halimbawa:

Siya'y langit na di kayang abutin nino man.

3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang bigyang-

buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang

mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang

nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.

'PERSONIFICATION' sa Ingles.

Halimbawa:

Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang

bagay na tila ito ay isang tao.

Halimbawa:

Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip,

nang sa layon di malihis.

6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang

pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay,

pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o

katayuan.

Halimbawa:

Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.

7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang

kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.ONOMATOPOEIA sa Ingles

Halimbawa:

Page 5: Filipino Lessons

Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong

hangin, ay bulong ng kalikasan.

9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay, konsepto kaisipan,

isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Halimbawa:

Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.

10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-

katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na

ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:

Patay tayo dun.

APAT NA URI NG TULA 1.Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) ± tulad ng isang soneto o ng isangoda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulangliriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulangliriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sakarakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyangsariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Uri ng Tulang Liriko Awit ± Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtodang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at angtradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting atingnaririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga. Soneto ± Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, maymalinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. Oda ± Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado saisang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda. Elehiya

± Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan. Dalit ± isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para salayunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o saisang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay. Halimbawa ng Tulang Liriko: Sa Dalampasigan ni Teodoro A. Agoncillo I. O mumunting alon! Buhat sa magalas na batong tuntungan, Namamalas kitang tumatakbo-takbo’t sumasayaw-sayaw Bago ka humalik sa dalampasigan. Sa sinasayaw-sayaw, sa tinakbu-takbo ikaw ay kundimang Namadmad sa labi ng isang kariktan! Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan, Titik kang masigla ng luma ng talindaw. O mumunting alon! Buhat sa magalas na aking tapakan, Ikaw ay piraso’t nagkadurog-durog na sultanang buwan! II Buhat sa malayo, Ikaw’y dambuhalang busilak ng bagwis, Na kung ibuka mo’y parang niwawalat ang pinto ng langit, Sa pananambulat ng iyong tilamsik Ay nasaksihan ko ang pagkadurog-durog ng mga daigdig! Habang sa malayo ikaw ay mabagsik, Maamung-maamo, mayuming-mayumi ikaw kung lumapit! Sa buhanging tuyo’t may kislap na init, Marahang-mabining idinarampi mo ang wagas na halik! III Lumapit-lumayo Ay pinapawi mo ang kayraming bakas Na sa buhangina’y limbag na balita ng gabing lumipas, Aywan kung ang mga magkatabing yapak Ay pinawi mo rin sa bisa ng iyong pagliyag Kung magkagayon man, nais kong isulat Na “ibig ko na ring ako’y maging isang dagat na malawak; Ako, sa ganito, ay magkakapalad Maging kahalikan ng tuyong buhangin sa tabi ng dagat! Sa ganya’y lagi nang mayroong kabulungan at kayakap-yakap!” IV At ang mga bulong Sa aki’y di ingay kundi mga awit Ng pag-aanasan at pagsusumpaan ng lupa at tubig! At sa paanan ko kung aking mamasid Ang paghahabulan ng along animo’y kumakabang dibdib Ng isang dalagang bago pang ninibig Nais kong mawala, matunaw at muling iluwal ng langit,

Page 6: Filipino Lessons

Nang di ko madama yaring tinitiis! Sa aki’y di ingay ang naririnig ko- kundi mga tinig Niring kaluluwang di man lumuluha’y may piping hinagpis! 2. Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry) ± isang tula na may balangkas. Ang tula aymaaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring magingsimple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentongtula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays. Uri ng Tulang Pasalaysay a.Epiko ± ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa nanaglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang saisang kultura o bansa. b. Awit at kurido ± ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walongsukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa saEuropa tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Angtanyag na kurido ay ang Ibong Adarna. c. Karaniwang Tulang Pasalaysay ± Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari saaraw-araw na buhay. Halimbwa ng Tulang Pasalaysay: Ang Pagbabalik Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan, Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan; Isang panyong puti ang ikinakaway, Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan: Sa gayong kalungkot na paghihiwalay, Mamatay ako, siya’y nalulumbay! Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!” Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!” Nakangiti akong luha’y nalaglag... At ako’y umalis, tinunton ang landas, Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak; Lubog na ang araw, kalat na ang dilim, At ang buwan nama’y ibig nang magningning: Maka orasyon na noong aking datnin,

Ang pinagsadya kong malayang lupain: Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim, Ang nagsisalubong sa aking pagdating. Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok, Pinatuloy ako ng magandang loob; Kumain ng konti, natulog sa lungkot, Ang puso kong tila ayaw nang tumibok; Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot, Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!” Nang kinabukasang magawak ang dilim, Araw’y namimintanang mata’y nagniningning; Sinimulan ko na ang dapat kong gawin: Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim; Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin, Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin. At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat, Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas; Bulaklak na damo sa gilid ng landas, Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag; Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak... O, marahil ngayon, siya’y magagalak! At ako’y lumakad, halos lakad takbo, Sa may dakong ami’y meron pang musiko, Ang aming tahana’y masayang totoo At nagkakagulo ang maraming tao... “Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko, “Nalalaman nila na darating ako.” At ako’y tumuloy... pinto ng mabuksan, Mata’y napapikit sa aking namasdan; Apat na kandila ang nangagbabantay; Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay; Mukha nakangiti at nang aking hagkan; Para pang sinabi “Irog ko, paalam!” 3. Tulang Patnigan (Joustic Poetry) ± Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan. a.Balagtasan ± Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Itoy sa karangalan ni Francisco ³Balagtas´ Baltazar. b. Karagatan ± Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang satinatawag na

Page 7: Filipino Lessons

libangang itinatanghal´ na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isangalamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. c. Duplo ± Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain atmga kasabihan. 4. Tulang Pantanghalan o Padula ± karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulangibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isangawitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, odili kayay naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang saloobin.

1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.

Halimbawa:

1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.

2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.

3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.

4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.

5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.

6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.

2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

Halimbawa:

1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.

2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.

3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.

5. Ahas siya sa grupong iyan.

3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.

Halimbawa:

1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.

2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.

3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.

4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.

4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

Halimbawa:

1. O tukso! Layuan mo ako!

2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.

3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.

4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.

5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihis.

6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Halimbawa:

1. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.

2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.

3. BUmabaha ng dugo sa lansangan.

Page 8: Filipino Lessons

4. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.

7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles

Halimbawa:

1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.

2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.

3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.

9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Halimbawa:

1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.

2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.

3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.

4. Hingin mo ang kaniyang kamay.

10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:

1. Patay tayo dun.

Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat. Ilang Uri ng Tayutay 1. Pagtutulad (simile) - isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita't pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki'y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp. Hal. Para ng halamang lumaki sa tubig, Dahon ay nalalanta munting di madilig -Francisco Baltazar, Florante at Laura 2. Paghahalintulad (Analohiya) - isang uring tambalan ng pagtutulad. Ipinahahayag ng paghahalintulad ang pagkamagkatulad ng isang kaugnayan sa ibang kaugnayan. Hal. Ang tingin ng bubuyog sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga.

3. Pagwawangis (Metapora) - isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing. Hal. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay. 4. Pagtatao (Personipikasyon) - tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan. Hal. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino. 5. Pamamalabis (Eksaherasyon) - isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan. Hal. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka. 6. Pagpapalit-tawag (Metonymy) - isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay. Hal. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol. 7. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) - pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi. Hal. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak. 8. Panawagan (Apostrophe) - ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman. Hal. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento. 9. Tanong Retorikal - hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan. Hal. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak? 10. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. Hal. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay. 11. Talinghaga (Allegory) - isa itong salaysay ng mga kinathang pangyayari na ang hangarin ay magbigay-kahulugan sa nga mahahalagang katunayan. Ang talinghaga ay "salaysay" at kauri nito ang tinatawag na parabula (na ang karamihan ay galling kay Kristo). Isa ittong kinathang salaysay na may mga pangyayaring maaaring nangyari sa katutubong buhay ng tao, ngunit kinatha upang maglarawan ng isang aral hinggil sa kalinisan ng pamumuhay at mabuting pakikipagkapwa. Hal. "Ang Mabuting Samaritano" "Ang Alibughang Anak"

Page 9: Filipino Lessons

TAYUTAY - ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.Sinasadya ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin...", MGA URI NG TAYUTAY 1. SIMILI o Pagtutulad - Di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.Ginagamitan ito ng mga salitang:tulad,paris ng,kawangis ng,sing-,sim-,magkasing- at iba pa. =halimbawa= 1.sasakyang parang ipu-ipo sa bilis 2.babaeng parang pagong sa bagal 3.lalakeng tila hari kung mag-utos 4.batang mukhang higante sa laki 5.aleng parang reyna kung mag-kumpas 2. METAPORA o pagwawangis - tiyak na paghahambing hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahabing na nakalapat sa mga pangalan,gawain,tawag o katangian ng bagay na inihahambing. =halimbawa= 1.ipu-ipong sasakyan 2.babaeng pagong 3.batang higante 4.perlas na ngipin 5.ting-ting n balerina 6.palasyong bahay 7.kutis porselana 8.paraisong lugar 3. PERSONIPIKASYON o pagtatao - Ginagamit i2 upang bigyang-buhay,pagtaglayin ng mga katangiang pantaong-tilino,gawi,kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa at pangngalang-diwa. =halimbawa= 1.tik-tak ng orasan ay nag hahabulan 2.masayang umihip ang hanging amihan 3.hayu't nagagalit ang araw sa silanga 4.ang nagtatampong aso,tingnan mo't malungkot 5.batong nagkalat sa mga lansangan ay mgasasaktan kung tinatapakan

Mga Uri ng Tayutay

Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.

Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.

Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

Pag-uulit ** Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-

pareho. o Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan

ng isang pahayag o ng isang sugnay. o Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa

hulihan ng pahayag o sugnay. o Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa

hulihan ng sunud-sunod na taludtod. o Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang

pagbaliktad ng mga pahayag. o Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang

panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.

Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.

Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.

Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.

Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.

Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

KAHULUGAN NG PANITIKAN : • Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, relihiyon at mga karanasang nakukulayan ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot at pangamba. MGA IBA’T IBANG KATUTURAN NG PANITIKAN : • Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao. • Ang panitikan ay pag-aaral ng kariktan at kahulugan ng buhay at pamumuhay na nagmumulat sa bayan upang paglirip-liripin ng balana ang maraming palaisipan dumarating sa buhay ng bawat nilalang. • Ang panitikan ay talaan ng buhay. • Bungang – isp na isinatitik. • Ito ay yaong nagpapahayg ng kaisipan, damdamin, panaginip at karanasan nng sangkatauhang nasusulat sa

Page 10: Filipino Lessons

maganda, makahulugan at masining na mga pahayag. • Ito ay kabuuuan ng mga kaisipan, karanasan ng isang bansa, paniniwala, pamahiin at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at makasining na paraan. • Kathang pampanitikang nag-iiwan ng bisa sa isip at puso ng mambabasa IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN SA BUHAY NG TAO : Ang panitikan ay may dalang mahahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng tao at ito’y may dalawang kalagayan ; 1. Ito’y nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng panitikan. 2. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin at kaisipan, nagkakaunawaan at nagkakatulungan. Maraming ang mga akdang pampanitikan nagdadala ng malaking impluwensiya sa daigdig.Ang ilan sa mga ito’y ang mga sumusunod : 1. Banal na Kasulatan – nagiging batayan ng pananampalatayang Kristiyano 2. Koran – (Arabia) Bibliya ng mga Muslim 3. Iliad at Odyssey – ni Homer – (Gresya) –siyang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya 4. Maha-Bharatas - (Indiya)- kasaysayan ng pananampalataya 5. Divina Comedia - ni Dante – (Italya) – nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano

Iba't ibang kahulugan ng Panitikan:

Ang panitikan ay nagmula sa salitang "titik", ibig sabihin ay letra.

"Panitik" o pantitik na ang ibig sabihin ay ginagamit sa pagbuo ng mga

titik na magkakaroon ng buhay bilang mga salitang magiging bahagi

ng sistemang makabubuo sa iba't ibang anyo ng akda na maglalaman

ng kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. (see

http://sarisaringngiti.weebly.com/ for free Filipino reference)

(ang kasaysayan ng panitikan ay nahahalintulad sa kasay sayan ng

isang bagay lahi o bansa)

Ang panitikan ay nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan,

hangarin at diwa ng mga tao.

Talaan ng buhay.

Nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng isang bansa na

nasusulat na makahulugan, maganda at masining na paglalahad.

Masasalamin ito ayon sa ideya, damdamin at isipan ng tao tulad ng

pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, galit, pagka-awa, paghihiganti at

iba pa.

Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,

pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng

damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,

pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Ang panitikang Filipino ay isang uri ng panitikan na gumagamit ng

wikang Filipino at inoobserbahan ang mga tamang pagbaybay,

paganism as mga panache,paggamit ng tamang uri ng mga salita o

masabi ang paramagnetism o ang reasonably..

Sapagkat dito natin naipapahayag ng ating mga

kaisipan,saloobin,mga ideya,kahusayan,talento,diwa at maibahagi ang

ating mga kaalaman.

Ang panitikang Filipino ay isang uri ng panitikan na gumagamit ng

wikang Filipino at inoobserbahan ang mga tamang

pagbaybay,paggamit sa mga pananda,paggamit ng tamang uri ng

mga salita upang maipakita o masabi ang nararamdaman o ang

reaksyon..

May dalawang pangunahing anyo ang panitikan: 1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag. 2. patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong. ------------------------------ * Mga akdang tuluyan o Alamat o Anekdota o Nobela o Pabula o Parabula o Maikling kwento o Dula o Sanaysay o Talambuhay o Talumpati o Balita o kwentong bayan * Mga akdang patula o Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan. + Awit at Korido + Epiko + Balad + Sawikain

Page 11: Filipino Lessons

+ Salawikain + Bugtong + Kantahin + Tanaga

Another Answer:

Anyo at Uri ng Panitikan

1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng

mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang

takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

a. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga

pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang

nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na

mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay

ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

b. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba

o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o

tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong

buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga

ginagawa ng mga tao.

c. Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong piksyon na

binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita

o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang

pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon,

ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o

maraming tiyak na istilo.

d. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga

hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga

tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at

kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula,

sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang

mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral

e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o

prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang

pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o

relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang

inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa

kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.

f. maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang

maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring

kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o

impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng

nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad

ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring

naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

g. Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na

maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa

isang tanghalan o entablado.

h. sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman

ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

i. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan

ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o

impormasyon.

j. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na

pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin

nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o

impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng

komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na

binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

k. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na

mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng

matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na

babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na

pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at

mga mito

l. Balita

-SOURCE: http://www.pinoyhenyo.com/Uri_ng_Panitikan-

20081010224915497.html

Another Answer:

ang uri ng panitikan ay..........

Tuluyan - ang mga akdang nasusulat sa normal na daloy ng mga

pangungusap

Pabula - kwento tungkol sa mga hayop na nagsasalita

Parabula - Mga kwentong hinango sa bibliya

Nobela - akdang binubuo ng mga kabanata

Patula - ang mga akdang nasusulat na may himig at aliw

Dula - akdang pangtanghalan

Fiksyon - ang mga akdang likhang-isip

Pasalaysay - tulang nagkukuwento

Sanaysay- - isang uri ng akdang naglalahad.

Page 12: Filipino Lessons

Liriko - tulang inaawit

Alamat - kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay

Di-fiksyon - akda hango sa tunay na pangyayari

Maikling-kuwento - ito'y binubuo ng 2,500 - 5,000 salita

1. Bibliya

2. Koran

3. Iliad at Odyssey

4. Mahabharata

5. Canterbury Tales

6. Uncle Tom's Cabin

7. Devine Comedia

8. El Cid Compeador

9. Awit ni Rolando

10. Aklat ng mga Patay

11. Aklat ng Mga Araw

12. Isang Libo't Isang Gabi

13. Ang Kasayahan at Ang Kalungkutan

Nakapangyayari sa Panitikan Ang Klima - Malaki ang nagagawa ng init

o lamig , bagyo o unos, baha at ulan sa isipan at damdamin ng tao.

Ang Hanapbuhay o Tungkulin ng mga Tao - Ang mga salita at

pahayag sa panitikan ay kaugnayan ng hanapbuhay ng mga

mamamayan. Ang Pook o Kinatitirhan - Ang hiyograpiya ay malaki ang

nagagawang implwensiya sa isipan at damdamin ng tao. Kung ang

pook na kinatitirhan ng tao ay may magagandang tanawin ,

mabundok, madagat, sagana sa kabukirin at mga halaman , ang mga

ito ay siyang magiging laman ng panitikan ng mga taong doo'y

naninirahan. Lipunan at Politika - Ang sistema ng pamahalaan, ang

idelohiya at ugaling panlipunan gayon din ang kultura ng mga tao ay

nasasalamin sa panitikan ng bansa. Edukasyon at Pananampalataya -

Ang saklaw at laman ng panitikan ay naayon sa edukasyon at

pananampalataya ng mga mamamayan. Kung busog an gang isipan ,

dala ng malawak na edukasyon natutuhan, ang mga ito'y mababakas

sa panitikan ng lahi. Gayon din naman ang pananampalataya , itoy

laging pinapaksa ng mga kilalang manunulat. Mga layunin sa Pag-

aaral ng Panitikang Pilipino Upang matanto ang kalinangang Pilipino,

ang henyo ng ating lahi at ang mga minanang yaman ng kaisipan.

Upang alaming tayo'y may marangal na tradisyon katulad sa ibang

lahi. Upang matalos ang mga kapintasan at kakulangan ng ating

panitikan at mapag-aralang ito'y maituwid. Upang makilala ang ating

mga kahusayan sa panitikan at ang mga itoy lalong mapaningning at

mapayaman. Sapagkat tayo'y mga Pilipino , kailangan tayo'y

magmalasakit at tumangkilik sa sariling atin

MGA BATAYANG TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Realismo

Tinatalakay ang problema sa lipunan ng isang tiyak na panahon

olugar. Sinisiyasat ang mga sistema, pwersang panlipunan na patuloy

na nagpapahirap sa isang tao. Ang tunay na larawan ng daigdig ang

panag-uukulan ng pansin.

Teoryang Humanismo

Nagbibigay halaga sa tao sa paniniwala na ang tao ang sentro ng

daigdig, ang taga-buo ng sarili niyang kapalaran. Kailangan ang

pagharap sa mga suliranin at pagtugon sa mga nangangailangan.

Teoryang Naturalismo

Pinahahalagahan ng mga tagapagtaguyod ng teoryang ito ang

kalikasan ng di-sakdal na tao, anupat binibigyan-diin hindi ang moral

na kayarian ng tao kundi ang pisikal. Inilalarawan ang buhay sa isang

gubat, marumi, kasuklam-suklam, at walang awa.

Teoryang Formalistiko

Matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarain at paraan ng

pagkakasulat ng isang akda. Naniniwala na ang kariktan ng isang

akda ay nasa anyo o porma nito. Walang kaugnayan ang pinagmulan,

pagkatao at mga karanasan sa buhay ng isang akda sa pagkakabuo

ng isang panitikan. Bawat isa sa mga elemento ng akda ay magkaka-

ugnay

Teoryang Imahismo

Naniniwala na ang pinakamalinaw na pagsulat(Ultimate Clarity) ay

makakamit lamang sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak at

eksaktong mga imahen. Salungat sa teoryang romantisismo sa

kalabisan at sa kasalimuotan ng mga elemento. Mga paksain ay

angkop sa tunay na buhay at pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang

kapwa at lipunan.

Teoryang Romantesismo

Umiinog sa wagas na pag-iibigan ng nag-iibigang pangunahing

tauhan. Ang pag-iibigan ay may pagsubok o may balakid.

Teoryang Sosyolohikal

Sinusuri ang panitikan ayon sa panahong kinamulatan o

pinangyarihan nito. Hindi hiwalay sa lipunan ang diwa.

Teoryang Eksistensyalismo

Nauugnay sa kaisipang indibidwalism ang teoryang ito. Ang tao ay

dapat mabuhay bilang tao, may kamalayan at bawat suliranin niya ay

siya lamang ang makalulutas nito. Ang pagiging tao(being) ang

mahalaga at hindi ang sistema ng paniniwala.

Page 13: Filipino Lessons