g9-filipino/unang markahan/aralin 2 · paghahawan ng sagabal (ikalawang pagsasanay) (gawain 1.37.1)...

17

Upload: others

Post on 12-Nov-2020

588 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung
Page 2: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

25 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: F9PT-Ic-d-40 Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda F9PN-Ic-d-40 Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela II. Paksang Aralin/Lunsaran: Timawa (Unang Kabanata) Panitikang Pilipino Agustin C. Fabian Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 9 Phoenix Publishing House pp. 36-48 III. Pamamaraan A. Pagsisimula ng Bagong Aralin (Gawain 1.1) Bago natin simulan ang pagtatalakay sa isang akda, atin munang alamin ang kaligirang pangkasaysayan nito. Basahin at unawain ang talata sa ibaba.

Ang akdang iyong mababasa ay mula sa Pilipinas na kilalá sa taguring "Perlas ng Silangan.” Ang bansang ito ay nahahati sa tatlong malalaking pulo-ang Luzon, Visayas, at Mindanao na binubuo ng humigit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Pilipino ang tawag sa mga mamamayan dito. Ang kanilang pambansang wika ay tinatawag na wikang Filipino na nabuo sa pamamagitan ng kanilang mayamangdiyalekto at wikang panrehiyon o panlalawigan mula sa iba't ibang panig ng bansa. Ito ay isa sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya na nagtataglay ng maipagkakapuring kagandahan at kayamanan. Ang kaugalian at kultura ng bansang ito ay mayaman din dahil sa paghahalo-halo ng mga kultura at paniniwala ng mga bansang sumakop

dito. Sa loob ng mahigit tatlong daang taon ay nasakop ang bansa ng mga Espanyol, kasunod ng pananakop ng mga Amerikano at ng bansang Hapon. Bunga rin ng pananakop sa bansa ay naging alipin at tagapaglingkod sa matagal na panahon ng mga dayuhan ang mga Pilipino. Ngunit dahil likas sa kanila ang pagiging matapang masipag, at masikap ay gumawa sila ng paraan upang di manatili sa abang kalagayan Tunghayan sa bahagi ng nobelang Timawa na isinulat ni Agustin Caralde Fabian ang isang bahagi ng buhay ng ordinaryong Pilipinong namulat sa kahirapan at kung paano siya nagsumikap upang malampasan ang matinding kahirapang minsang naging daan upang tawagin siyang "timawa”. Ang nobelang ito ay itinuturing na malapit sa puso ni Fabian dahil gaya ng pangunahing tauhan siya man ay nagtapos din ng pag-aaral sa Estados Unidos. Sarili niyang karanasan ang kanyang pinaghugutan ng inspirasyon dito, Mahigit 50 taon na siya nang sulatin at matapos ang nobela kaya't masasalamin dito ang kanyang malawak na kaalaman, karanasan, kaisipan, at damdaming pinanday pang lalo ng mga taon sa kanyang buhay.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Gawain 1.2)

Page 3: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

26 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

Ang akdang tatalakayin sa araling ito ay pinamagatang Timawa. Ilahad ang mahahalagang kaisipang maaari mong iugnay sa salitang ito batay sa pamagat. Gamitin ang represnetasyon sa ibaba at isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-

Nobela - Gawain 1.2

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain 1.3) Paghahawan ng Sagabal (Unang Pagsasanay) Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang italisado sa hanay A mula sa mga pagpipilian sa hanay B. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.3. A B ________________ 1. nakalilis ang mga manggas a. mahuhuli ________________ 2. maluwat nang magkaibigan b. matagal ________________ 3. maantala ang pagdating c. mahirap ________________ 4. dumating na humahangos d. nagmamadali ________________ 5. lalaking may pagkahampas-lupa e. nakatupi f. nakiumpo Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung magkasalungat. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.3.1. ________ 1. aalimurain – pupurihin ________ 6. paglalagalag – pagbubulakbol ________ 2. adhikain – pangarap ________ 7. huminto – nagpatuloy ________ 3. maluwat – saglit ________ 8. matanto – maunawaan ________ 4. bumababaw – lumalalim ________ 9. namamangha – nagtataka ________ 5. dungo – mahiyain ________ 10. makihalubilo – umiwas D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 (Gawain 1.4)

Timawa

Page 4: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

27 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

Pagtatalakay sa nobela. Basahin at unawain ang unang kabanata ng nobela na pinamagatang . . .

Timawa

(Unang Kabanata) Agustin C. Fabian

Sabado noon at mag-iika-pito ng gabi. Si Andres Talon, na isang mahirap na estudyante, aykasalukuyang naghuhugas ng mga pinggang kinanan sa ladies dormitory, sa isang unibersidad saAmerika. Ito lamang ang paraan upang makapagtuloy siya ng pag-aaral sa kolehiyo ng medisina.Nakatali sa kanyang baywang ang isang tapi at nakalilis ang mga manggas ng kanyang kamisadentro.Nangingintab sa pawis ang kanyang kayumangging mukha. Ang bula sa sabong nakabalot sakanyang mga matipunong bisig ay umabot sa siko. At isinalaysay ni Andres na, wika nga, ay palagay ang loob niya sa kusina. Labing-anim nataon siya nang mamatay ang kanyang ama at lubusang maulila. Katatapos lamang niya ngintermedya. May kamag-anak naman siyang isang kusinero sa isang bapor na nagyayao’t dito saAmerika at sa Pilipinas. Sumama siya. “At anim na buwang singkad akong tagapagmasahe ng mga pinggan, kubyertos, at mga lutuansa bapor. Kaya hindi kayo dapat magtaka na ako’y eksperto sa mga gawaing iyan”, tapos ni Andres. “Usisera ka rin lamang, Alice”, ang biro naman ni Bill, “ang mabuti, itanong mo kay Andreskung anu-ano ang naging karanasan niya dito sa Amerika.” “Sige nga,” sang-ayon kapagdaka ni Alice. “Linggo rin lamang bukas. Hindi baleng tayo’ymapuyat.” “Alam niyo”, ani Andres na nagpapahid na ng kamay, “ako ay may pagkahampaslupa.” “Teka, teka”, hadlang ni Bill. “Ilalabas ko muna itong basura. Ibig kong marinig uli iyan.” Nang bumalik si Bill ay nakaupo na si Alice at Andres. Bumatak siya ng isang silya atnakiumpok sa dalawa. “Ngayon, simulan mo na”, sabi ni Bill na humilig mabuti sa kaniyang upuan. “Saan ninyo ako gustong magsimula?” “Nang dumating ka dito sa Amerika”, tugon ni Alice. Sa San Francisco bumaba si Andres at ang paghuhugas ng pinggan ang unang naginghanapbuhay. Naging manggagawa sa iba’t ibang bayan ng California. Namitas ng mansanas saOregon at Washington. Dalanghita sa Florida. Lalo na raw siyang umitim sa taniman ng kamatis,letsugas, repolyo, at iba pang gulay. Naging serbidor sa mga restawran. Naging utusan. Naglingkodsa salmunan sa Alaska. Nagpatag ng bato sa daang-tren sa Nevada. “Alin sa mga karanasan mo ang bumago sa takbo ng iyong buhay?” tanong ng dalagangAmerikano. Hindi kaagad tumugon si Andres. Tila tinitimbang niya sa marami niyang karanasan angpinakatampok. Ang totoo ay nag-aalangan si Andres na sariwain pa ang malungkot na bahagi ngkanyang buhay. “Halimbawa”, untag ni Alice, “bakit mo naisipan ang mag-aral? Bakit mo iniwan angpaglalagalag?” “Hindi nangyari sa Amerika ang karanasang bumago sa takbo ng aking buhay,” sa wakas aysinabi ni Andres. “Doon sa amin sa Pilipinas nangyari ito.” “Paano?” sabat ni Bill.

Page 5: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

28 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

“Magsasaka ang aking ama. May isang kaugalian sa amin”, patuloy ni Andres. “Kung pista ngbayan, ang lahat ng magsasaka ay pumaparoon sa malaking bahay ng may-ari ng lupa at tumutulongsa karaniwang malaking handaan doon. Nagsisipagsaing, nagsisibak ng panggatong. Nagpapatay ngmanok, baboy, kambing, at baka. Sabihin pa, ang lahat ng tumulong ay doon kakain. “At isang pista nga ay isinama ako ng aking ama upang tumulong sa may-ari ng lupang amingsinasaka. May labintatlong gulang ako. Nang nagkakainan na ang mga nanunulungan ay dumatingang donyang asawa ng aming kasama, at pinagmumura ang mga nagsisikain. Hindi pa raw natataposkumain ang mga panauhin sa itaas ay inuuna na raw ang aming mga bituka. Lubha raw kaming mgatimawa. “Hindi ko agad naunawaan ang aking narinig,” patuloy ni Andres. “Noong papauwi nalamang kami at sabihin sa akin ni Amang ang kaniyang pagdaramdam, noon ko lamang lubos nanaunawaan ang kahulugan ng salitang timawa. Sinabi sa akin ni Ama na pagbutihin ko ang aking pag-aaral upang wag kong sapitin angkaapihang ganoon. Kung ako raw ay lalaking magsasaka at hindi akin ang sasakahing lupa, ayganoon din ang aking kapalaran. Aalimurain ng mayaman. Ang isang timawa, ay higit na pangitkaysa gutom. Ang timawa raw ay kahalintulad ng isang aso. Sagpang nang sagpang. Huwag dawakong mag-aksaya ng panahon. Gagawin niyang lahat ang kanyang makakaya upang ako matuto.” “Kay buti ng iyong ama”, ani Alice. “Halos ang gabi ay ginagawa niyang araw,” dugtong pa ni Andres. “Ibig niyang makaipon.Ang adhika niya ay maging isang manggagamot ako.” Huminto muna si Andres sa kaniyang pagsasalaysay. Nakatingin siya sa malayo na waringnakikitang muli ang kanyang ama. At pagkatapos ng ilang sandali ay napatuloy na naman sapagsasalita. “At nang ako ay nakatapos sa intermedya ay gayon na lamang ang galak niya. Ngunit anghumalili sa kagalakang iyan ay malagim na kalungkutan. Si ama’y inabutan ng ulan sa tanghalingsiya ay nagbubungkal ng lupa. Nagkasakit siya. Pulmunya. At . . . at . . . namatay.” Dinampi ni Alice ang kaniyang mata ng hawak niyang panyolito. Tumindig si Bill. Lumapitkay Andres at pinisil ang balikat ng kaibigang Pilipino. “Maupo ka, Bill”, sabi ni Andres. “Hindi pa ako natatapos.” Naupong muli si Bill, at muling nagsimula si Andres. “Naubos na lahat ,” aniya, “ang kaunting naiipon ni Ama. Ulila na akong lubos ay wala pa niisang sentimo. Subalit isinumpa ko sa aking sarili, sa harap ng bangkay ng aking ama, na ako ay pilitna mag-aaral, at ako ay magiging manggagamot. Hahanapin kong pilit ang tagumpay na siyangadhika niyang maging akin.” Maluwat ring walang umimik matapos ang pagsasalaysay ni Andres. Nadama ni Bill at ni Alice ang malaking kalungkutan ni Andres. Sa wakas ay nagsalita si Alice. “Nauunawaan kita ngayon,” paikli ni Bill. “Bakit? Ako ba ay naging isang hiwaga sa inyo? Tanong ni Andres at wala na sa kanyangtinig ang pagdaramdam at kalungkutan. “Oo, isang hiwaga ka sa akin,” tugon ni Alice. “Alam kong ikaw ay isang mabuting tao.Masipag ka. Matalino. Magalang. Nguni’t tila ayaw mong makihalubilo sa iba. Tila ayaw mong ikaway maabala. Ibinubukod mo ang iyong sarili. Tila may lihim kang lakad at ang lahat ng nasa paligidmo’y makaaabala sa iyo.” “Napapansin ko nga ,” tudyo na naman ni Bill, “na maluwat mo nang sinusubaybayan si

Page 6: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

29 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

“Ano ang masama riyan?” tanong ng dalaga. “Maluwat na nating kasama si Andy. Wari aymalayo siya. Gayung kay lapit ay kay layo. Mayroon ba namin gayung araw-araw aynagkakabungguan-balikat ay di mo matawag na kapalagayang-loob?” “Lumalabas pa yatang malaking tao ako?” tanong ng Pilipino. “O kaya’y dungo naman,” sundot ni Bill. “Hindi malaking tao o dungo ang ibig kong sabihin,” paliwanang ni Alice. “May anyo siAndy na nag-uudyok sa nagmamalas na mataho kung ano siya, pinipigil ang nagmamalas na iyannaman ng isang hindi maunawang kilos ni Andy. Tila hindi mahalaga kay Andy ang magkaroon ngmaraming kapalagayang-loob.” “Pinalalaki mo ang loob ko, Alice,” dampot ni Andres. “Diyata’t ako ang pinag-aaksayahanmo ng kuru-kuro?” “Hindi biro. Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ibinubukod mo ang iyong sarilisa karamihan.”“Ang karanasan ang nagturo sa akin niyan. Ang madalas na mauntog ay natututong yumuko.” “Naku, lumalalim ang salitaan at hindi bumababaw,” hadlang ni Bill. “Ang totoo, Andy, ayito: walang alinlangan mararating mo ang iyong patutunguhan. Ngunit mag-aliw-aliw ka naman.Mag-iibayo ang sigla mo kung sanda-sandali man lamang ay ilalayo mo ang iyong ilong sa iyong libro. Maaari ba namang ang isang malusog na gaya mo ay ay hindi maaakit ng mga dalaga? Hayansi Alice . . . ‘yang gandang ‘yan . . .”“Bakit ba si Alice ang binubuwisit mo?” hadlang ni Andres. “Kahit na sa biruan ay mayhangganan.” “Tigilan mo na si Andy,” pakli ng dalaga. “At huwag mo naman akong pag-ukulan. Ano angmalay mo kung si Andy mayroon nang itinatago,” at tumawa si Alice. “May itinatago si Andy?” pamanghang sabi ni Bill. “Walang maitatago sa akin iyan. Iyan angtinatawag na nauuhaw at ayaw makikiinom.” “At kung tanggihan ang nakikiinom?” tanong ni Andres. “Natatakot kang tanggihan kung ganoon. E, paano malalaman kung tatanggihan ka o kunghindi?” nakatawang tanong ni Alice. Tumindig na bigla si Andres. “Hatinggabi na, Bill”, aniya. “Mapupuyat na lubha si Alice. “Hayan ang sinasabi ko,” pakutyang pakli ni Bill,”ang magaling na kaibigan kong Pilipino aytakbuhin. Ngayon pa lamang sumasarap ang usapan,” tudyo niya, “ay saka pa tatalilis. Tayo na.Walang mangyayari sa akin kung ang manok ko ay takbuhin.” Naunang lumabas si Bill. Nagsuot si Andres ng kanyang amerikana at sumunod sa kaibigan.Inihatid siya ni Alice hanggang sa pintuang may kadiliman noon dahil sa bahagya nang abutin ngliwanag ng ilaw. “Aalis na kami, Alice. At maraming salamat sa iyong kagandahang-loob,” paalam ni Andres.“Hindi pangkaraniwang gabi ito sa gabi. Naramdaman na lamang ni Andres ang halik ni Alice sa kanyang pisngi . . . Nasiyahan ka ba sa iyong binasa? Naramdaman mo ba ang emosyong ipinadama ngmga tauhan ng akda? Kung binasa at inuunawa mong mabuti ang nobela, masasagutan mo ang mgagawaing inihanda ko para sa iyo. Unawain mong mabuti ang bawat panuto sa mga gawain. Huwagkang mag-alala, madali lang ito. Ang unang gawain ay pagpapaliwanag sa mga salitang may higit sa isang salitang kahulugan.

Mga Link:

Page 7: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

30 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

Pagbasa: https://www.facebook.com/notes/filipino-iv/timawakabanata-1ni-agustin fabian/310657448986634/

Panonood: https://www.youtube.com/watch?v=HHiqb0iSLto

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 (Gawain 1.5)

Sagutin ang mga tanong. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.5. 1. Paano napadpad s Andres Talon sa Amerika? Ilarawan ang kanyang naging buhay rito. 2. Bakit gayon na lamang ang paghanga ni Alice sa binate sa kalidad ng pagtratabaho nito? Isa-isahain ang mga trabahong pinasukan ng binate sa Amerika. 3. Bakit taglay ni Andres ang mabuting pag-uugali sa pagtratrabaho o work ethics? 4. Anong karanasan ang bumago sa takbo ng buhay ni Andres upang siya ay magsumikap na makaahon sa kahirapan? 5. Makatwiran bang pagwikaan ng masama o tawaging timawa ng donya ang mga taong nanunulungan at kumain sa handaan? Bakit? 6. Paano nakaapekto sa katauhan ni Andres ang mga katagang binitiwan ng donya na sila raw lubha pang masahol sa timawa? 7. Kung Ikaw ang nasa kalagayan ng binate, paano mo tatanggapin ang masasakit na pananalitang binitiwan ng donya sa kanila? 8. Masasalamin bas a katauhan ni Andres ang taong may matibay na paninindigan sa sarili para maabot ang kaniyang mga pangarap? Patunayan. 9. Kung ikaw ay makararanas ng matinding kahirapan sa buhay, paano mo ito haharapin? 10. Anong pagbabagong pangkaisipan at pandamdamin ang nangyari sa iyong pagkatao matapos mong mabasa ang akda? F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) (Gawain 1.6) Basahing mabuti ang mga pahiwatig na may salungguhit na ginamit sa akda. Ibigay ang iyong sariling interpretasyon sa mga ito. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela- Gawain 1.6. 1. Nangingintab sa pawis ang kayumangging mukha ni Andres habang naghuhugas ng pinggan. 2. Ang mga timawa, aniya, ay higit na pangit sa isang gutom. Ito raw ay kahalintulad ng isang aso, sagpang nang sagpang. 3. “Ang karanasan ang nagturo sa akin niyan. Ang madalas na mauntog ay natutong yumuko,” wika ni Andy. 4. “Hindi pangkaranuwang gabi ito sa akin,” wika ni Andres kay Alice. 5. “Maluwat na nating kasama si Andy. Wari ay malayo siya. Gayung kay lapit ay kay layo.” 6. “Walang maitatago sa akin iyan. Iyan ang tinatawag na nauuhaw at ayaw makiinom.” G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay (Gawain 1.7) Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.7.

Page 8: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

31 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

1. Bakit mahalagang bigyang-pansin ang mga aral at pangarap ng magulang para sa anak? 2. Paano ito magagamit upang magsumikap at maging magtagumpay sa buhay? H. Paglalahat ng Aralin (Gawain 1.8) Magbigay ng tatlong pangyayari sa akda at iugnay ito sa mga nangyayari sa kasalukuyan. Gamitin ang talahanayan at isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.9. 1.

Pangyayari sa Akda Kaugnayan sa Kasalukuyan

2.

Pangyayari sa Akda Kaugnayan sa Kasalukuyan

3.

Pangyayari sa Akda Kaugnayan sa Kasalukuyan

I. Pagtataya ng Aralin (Gawain 1.10) Hanapin at sipiin sa nobelang binasa ang bahaging nagpapakita ng pinakamataas na katotohanan, kabutihan, at kagandahang nangyari sa akda. Gamitin ang talahanayan sa pagbibigay ng sagot at paliwanag. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.10.

Pinakamataas na Katotohanan sa Akda

Paliwanag

Kabutihang Nakita sa Akda Paliwanag

Kagandahang Nakita sa Akda Paliwanag

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: F9PD-Ic-d-40 Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan

F9PB-Ic-d-40 Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela F9PU-Ic-d-42 Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili

II. Paksang Aralin: Kahulugan at mga Tunggalian sa Nobela Lunsaran: Timawa (Unang Kabanata) Panitikang Pilipino Agustin C. Fabian Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 9

Page 9: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

32 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

Phoenix Publishing House pp. 45-59 III. Pamamaraan A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin (Gawain 1.11) Piliin kung anong katangian ng tauhan ang litaw na litaw sa mga aksiyong nakatala sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.11. 1. Mabilis si Andres sa kaniyang paggawa at wal siyang inaaksayang panahon. Si Andres ay… a. mapagkunwari c. malusog b. masikap d. maagap 2. Halos ang gabi ay ginagawang araw ng ama ni ndres upang makapag-ipon at makapagtapos ang anak sa pangarap na kursong medisina. Ang ama ni Andres ay… a. madisiplinang ama c. mapangaraping ama b. matapang na ama d. responsableng ama 3. Naging manggagawa sa iba’t ibang bayan sa California si Andres. Namitas siya ng mansanas sa Oregon at Washington… Naging serbidor sa mga restawran… Naging utusan… Nagpatag ng bato sa daang tren. Si Andres ay… a. maraming alam sa buhay c. masipag at matiyaga sa buhay b. papalit-palit ng trabaho d. walang permanenteng magawa 4. Pinagmumura ng donya ang mga magsasakang nagsikain at tumulong sa malaking handaan sa kanilang tahanan gayong may mga bisita pa raw silang hindi pa tapos kumain. Ang donya ay… a. madisiplina c. mahigpit b. maalalahanin d. matapobre 5. Naniniwala si Bill na maaabot ni Andy ang kanyang mga pangarap ngunit sinabihan niya ang binata na mag-aliw-aliw at sanda-sandaling ilayo ang ilong sa kaniang libro. Si Bill ay … a. mahilig magliwaliw c. mapagpayo sa kaibigan b. likas na masiyahing tao d. walang pangarap sa buhay

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Gawain 1.12)

Alam kong marami ka nang nabasang mga akda at talagang hanggang ngayon ay kabisado mo pa. Ngayon, maglahad ka ng mga pamagat ng akdang nabasa mo at isalaysay sa loob ng kahon kung ano ang naging suliranin o problema sa kuwento. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.12. Pamagat ng Kuwento Suliranin sa Kuwento 1. _______________________ 2. _______________________ 3. _______________________ C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain 1.13)

Page 10: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

33 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

Mula sa mga akdang inilahad mo sa itaas, isasalaysay mo naman ngayon kung paano nabigyan ng resolusyon ang mga naging suliranin sa kuwento. Isulat ang pamagat sa linyang inilaan at sa loob naman ng kahon ay isulat naman ang resolusyon ng kuwento. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela- Gawain 1.13.

Pamagat ng Kuwento Resolusyon ng Kuwento 1. _______________________ 2. _______________________ 3. _______________________

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 (Gawain 1.14)

Ang iyong binasa ay isang bahagi o kabanata pa lamang ng nobelang Timawa. Sa unang bahagi pa lamang ng nobela ay makikita na sa akda ang pagkamakulay, pagkamayaman, at pagkamakabuluhan nito bilang isang akdang tuluyan. Ang mga pangyayari rito ay parang buháy na nakikita dahil karaniwang namamalas sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Ang isang nobela ay nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo. lto ay may mahabang kawing ng panahon at ginagalawan ng maraming mga tauhan. Kung hindi pagtutuonan ng pansin, di gaya ng maikling kuwento, ito ay hindi mabilis na mababasa sa isang upuan lamang. Ang nobela gaya ng maikling kuwento ay kakikitaan ng tunggaliang pumupukaw sa damdamin ng mambabasa. Ang nobela ay hindi magkakaroon ng buhay kung walang tunggalian. Ito ay isang elementong nakapaloob sa banghay. Ito ay ang labanan sa pagitan ng magkakasalungat na puwersa. 1. Pisikal (tao laban sa kalikasan) - Ang tunggaliang ito ay tumutukoy sa tao laban sa mga elemento at puwersa ng kalikasan. Ito ay maaaring ulan, init, lamig, bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan, at iba pa. 2. Panlipunan (tao laban sa kapwa tao)- Ang tao ay laban sa kapwa tao o ang tao laban sa lipunang kanyang ginagalawan. Ibig sabihin, ang kanyang problema o kasawian ay dulot ng iba o ng bagay na may kaugnayan sa lipunan gaya ng diskriminasyon o iba pang bagay na tila di makatarungang nagaganap sa lipunan. 3. Panloob o sikolohikal (tao laban sa sarili)-Ito ay tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili. Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng isang tao.

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 (Gawain 1.15)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.15.

Page 11: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

34 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

1. Ano ang nobela? Ibigay ang pagkakatulad at kaibahan nito sa maikling kuwento. 2. Nakita mo ba sa binasang akdang “Timawa” ang katangian ng isang nobela bagama’t isang kabanata o bahagi lamang ito? Patunayan ang iyong sagot sa pamamagitan ng mga patunay na hango sa akdang binasa. 3. Ano-ano ang mga tunggaliang makikita sa nobela o maging sa maikling kuwento? Isa-isahin ang mga ito. 4. Sa iyong palagay, gaano ba kahalaga ang tunggalian sa isang nobela? 5. Ano kaya ang posibleng mangyari kung walang tunggalian ang isang akda?

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) (Gawain 1.16)

Ang akdang “Timawa” ay kakikitaan ng mga tunggaliang higit na nagbibigay-kulay sa akda. Tukuyin ang iba’t ibang tunggaliang nangyayari sa akda at ipaliwanag ang mga ito. Gamitin ang graphic organizer na makikita sa ibaba. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.16.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay (Gawain1.17) Sagutin ang tanong. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.17. Bakit mahalagang pag-aralan ang nobela bilang isang akdang pampanitikan at mga tunggaliang makikita rito? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ H. Paglalahat ng Aralin (Gawain 1.18) Sa kasalukuyan ay nauso sa telebisyon ang mga teleserye. May mga teleseryeng orihinal na Pilipino at may mga teleseryeng mapapanood sa kasalukuyang galing sa ibang bansa sa Asya gaya ng Korea, Hapon, at Taiwan.

Page 12: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

35 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

Bigyang-pansin ang isa sa mga ito at gumawa ng pagsusuring magpapakita ng tunggalian ng tauhang nakita rito. Gawin ang pagsusuri batay sa pamantayang ito. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.18.

Mga Pamantayan Laang Puntos

Aking Puntos

1. Nakapagsuri ng isang teleseryeng Asyano 5

2. Wasto ang tunggaliang nakita o nasuri mula sa teleseryeng napanood

5

3. Nakapagbigay ng patunay sa pagsusuri

Kabuuang Puntos 15

5- Napakahusay 4- Mahusay 3- Katamtaman 2- Sadyang Di mahusay 1- Di gaanong Mahusay

Dito isulat ang pagsusuri:

• Pamagat ng Teleserye: _____________________________________________

• Bansa sa Asyang Pinanggalingan Nito: ________________________________

• Mga Tunggaliang Nakita sa Teleserye: _________________________________

Pisikal/Panlipunan /Sikolohikal na Tunggalian

I. Pagtataya ng Aralin (Gawain 1.19) Magsaliksik ng iba pang nobela mula sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito ay maaaring buod ng nobela o isang kabanata o bahagi lamang ng nobela. Gumawa ng maikling buod tungkol dito. Pagkatapos ay sumulat ng pangyayaring nangpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili batay sa nobela o maaaring may kaugnayan lamang sa paksa nito upang maipakita ang nabanggit na tunggalian kung hindi ito makikita sa nobela. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.19. Sundin ang pamantayan at balangkas sa ibaba para sa gawaing ito. Pamagat ng Nobela: _____________________________________________________ May-Akda: _____________________________________________________________ Bansang Pinagmulan: ___________________________________________________ Buod: ________________________________________________________________ Tunggaliang Tao vs Sariling Nakita sa Akda: _________________________________

Mga Pamantayan Laang Puntos

Aking Puntos

1. Nakapagsaliksik ng isang nobela (maaaring buod o kabanata lamang) mula sa Timog-Silangang Asya

5

Page 13: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

36 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

2. Nakasulat ng simpleng buod mula sa nasaliksik 5

3. Nakapagsulat ng isang pangyayaring nagpapakita ng tunggaliang tao vs sarili

Kabuuang Puntos 15

5- Napakahusay 4- Mahusay 3- Katamtaman 2- Sadyang Di mahusay 1- Di gaanong Mahusay

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: F9WG-Ic-d-42Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-opinyon (sa tiingin/ akala/ pahayag/ ko, iba pa) II. Paksang Aralin: Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon Lunsaran: Timawa (Unang Kabanata) Panitikang Pilipino Agustin C. Fabian Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 9 Phoenix Publishing House pp. 54-58 III. Pamamaraan A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin (Gawain 1.20) Ipakita sa loob ng tatlong bilog ang pagkakaiba ng tinalakay na tatlong tunggalian sa nobela sa pamamagitan ng pagbibigay sa kahulugan ng mga ito. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.20.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin Gawain 1.21)

Page 14: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

37 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

Natanto mo sa araling ito na ang naging daan upang mabago ang takbo ng buhay ni Andres ay ang kanyang karanasan noong siya ay bata pa lamang lalong-lalo na ang pangaral at pangarap ng kanyang ama para sa kanya. Ipinangako niya sa sariling tutuparin niya ang pangarap ng kanyang amang siya ay maging isang manggagamot. Ang karanasang ito ni Andres ay isang pagpapatunay sa impluwensiyang magulang upang lumaking mabuti ang isang tao. Basahin at suriin angtalata sa ibaba upang mabigyan ng ilang kaalaman tungkol sa magandang paraan ng pagpapalaki sa anak.

Noon ay katanggap-tanggap ang estriktong pagdidisiplina sa mga pamilyang Pilipino. Ang boses ng ama ang siyang nasusunod at nagdedesisyon para sa lahat. Ngunit ang ganitong kaisipan ay hindi na gaanong makikita sa pamilyang Pilipino sa kasalukuyan. Halos pantay na ang karapatang ibinibigay sa magulang sa pagpapalaki sa mga anak. May mga batas ding nagbibigay-proteksiyon sa mga anak o mga bata mula sa maling paraan ng pagdidisiplina. Ayon nga sa pagsasaliksik ng mga taga-Harvard University, ang mabuting pagpapalaki sa mga anak ay kailanman hindi magbabago. Narito ang sa aking palagay ay tatlong paraan ng mabuting pagpapalaki sa anak.

1. Manalangin o ipanalangin ang anak araw-araw. Labis akong naninindigan na ito ang pangunahing paraan upang madisiplina ang anak. Ang gabay at biyaya ng Panginoon ang siyang magsisilbing pundasyon upang upang maisabuhay ang anumang aral o paalala ng magulang sa anak.

2. Bigyan ng makabuluhang oras ang mga anak. Kumbinsido akong ang mahusay na paggamit ng oras kasama ang mga anak gaya ng simpleng pamamasyal, pagsisimba tuwing Linggo, at nmaging ang pagkain nang sabay-sabay sa hapag, at maging ang pagpapanatili na may bukas na komunikasyon sa pagitan ng magulang at mga anak ay mahusay na paraan ng pagtatatag ng pundasyon ng mabuting relasyon sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilya.

3. Ituro ang hangganan ng kanilang puwedeng gawin. Magbigay ng limitasyon sa mga anak kung ano ang maaari at di maaaring gawin. Kailangan ang matinding paninindigan ng magulang sa bagay na ito upang hanggang sa paglaki ay madala ng mga batà ang ganitong kaisipan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.21.

1. Sang-ayon ka ba sa tatlong paraan ng pagpapalaki sa mga anak? 2. Kung ikaw ang tatanungin, anong paraan ang nais mong gawin pa ng iyong magulang

upang mapalaki ka nang mabuti? 3. Kung sakaling maibigay sa iyo ng iyong magulang ang lahat ng ito, paano mo sila

susuklian sa lahat ng ito? C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain 1.22) Balikan ang binasa tungkol sa pagpapalaki ng anak. Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Anong napansin mo sa mga salitang ito? Kailan at saan ginagamit ang mga ito? Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.22.

Page 15: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

38 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 (Gawain 1.23)

Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon Bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ang pagbibigay ng opinyon sa mga pangyayaring nagaganap o namamalas sa paligid. Sa pagbibigay ng opinyon, makabubuti kung tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing mapagtimbang-timbang ang mga bagay- bagay at maging katanggap-tangap ang ating mga opinyon. Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon. Pagbibigay ng Matatag na Opinyon

Buong igting kong sinusuportahan ang.. Labis akong naninindigan na... Kumbinsido akong.. Lubos kong pinaniniwalaan..

Pagbibigay ng Neutral na Opinyon Kung ako ang tatanungin .. Sa aking pananaw. Kung hindi ako nagkakamali... Sa ganang sarili... Sa aking pagsusuri... Sa tingin ko… Sa aking palagay… Sa totoo lang...

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 (Gawain 1.24) Basahin at unawain ang Pagpapahalagang Pilipino sa loob ng kahon. Bagaman malaki na ang pagbabagong naganap sa mga kabataan sa panahong ito ay may mga tradisyonal na pagpapahalagang Pilipino pa rin ang dapat maituro at mapanatili sa kanilang makatutulong nang malaki upang maipakita ang kanilang pagiging isang natatangi at mabuting Pilipino. F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) (Gawain 1.25)

1. Pagpapahalaga sa pamilya - Sadyang mahigpit ang pagkakabigkis ng pamilyarng Pilipino. Masasalamin ito sa kanilang pagpapahalaga bilang magkakasama sa hirap man o ginhawa. Madalas sa isang tahanan ay kasama ng mag-asawa at ng kanilang mga anak ang ilang kamag-anak tulad ng kapatid, tiya, tiyo, lolo, lola, at iba pa. Hindi nila basta pinababayaan ang kanilang mga kamag-anak na walang matutuluyan.

2. Paggalang sa mga nakatatanda - Ang pagmamano, paghalik sa pisngi, at pagbati ay ilan lamang sa mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda. Ang mga Pilipino ay gumagamit din ng magagalang na pananalita kung sila y nakikipag-usap sa mga nakatatanda. Ito ang mga salitang po, opo, ho, at oho.

3. Magiliw na pagtanggap sa mga bisita - Magiliw o hospitable ang mga Pilipino sa mga panauhin maging sila man ay kamag-anak, kakilala, o dayuhan. Kapag may pagdiriwang o pagtitipon sa tahanan ay sinisikap nilang masiyahan ang lahat. Lubos nating pinahahalagahan ang pagdalaw ng mga panauhin sa ating tahanan.

4. Pagiging matulungin sa kapwa - Sa oras ng sakuna at kahirapan ang mga Pilipino ay laging handa sa pagtulong sa kapwa. Kung may namatayan ay taos-puso silang nakikiramay. Sa mga nagiging biktima ng iba't ibang kalamidad gaya ng sunog, bagyo, lindol, at pagbaha, ang pagtulong ng mga Pilipino ay maaasahan. Bukod sa pagiging matulungin ng mga Pilipino ay marunong din silang tumanaw ng utang na loob.

5. Pagpapahalaga sa edukasyon - Sa mga bagay ang higit na binibigyan ng pagpapahalaga ng mga Pilipino ay ang edukasyon. Para sa marami ang edukasyon ay susi upang maahon sa kahirapan ang maraming Pilipino. Dahil dito, maraming mga magulang ang nagsisikap nang mabuti mapag-aral lamang ang kanilang mga anak.

Page 16: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

39 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

Mula sa mga pagpapahalagang Pilipino na nabasa loob ng kahon, sumulat ng iyong opinyon kung ito ba ay iyong namamalas pa sa kasalukuyan at kung paano ito makatutulong upang mapalaki kang isang mabuting tao at isang mabuting Pilipino. Gumamit ng mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.25.

• Pagbibigay ng Matatag na Opinyon 1._____________________________________________________________________ 2._____________________________________________________________________

• Pagbibigay ng Neutral na Opinyon 1._____________________________________________________________________ 2. ____________________________________________________________________

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-Araw na Buhay (Gawain 1.26) Bilang isang kabataang Pilipino, paano mo maipakikita ang pagpapahalagang Pilipino sa panahon ng Pandemya. Gamitin ang loob ng puso upang maipakita ang sagot. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.26.

H. Paglalahat ng Aralin (Gawain 1.27) Lagyan ng mukhang nakangiti ( ) ang bilog kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng opinyon o ng mukhang malungkot ( ) kung hindi. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela - Gawain 1.27.

1. A, basta naniniwala ako sa inyong lahat!

Page 17: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 · Paghahawan ng Sagabal (Ikalawang Pagsasanay) (Gawain 1.37.1) Isulat ang KH kung dalawang salitang magkatambal ay magkasingkahulugan at KS kung

40 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 2 – Nobela

2. Kumbinsido akong lalaking mabubuting bata ang may tamang paggabay ng magulang. 3. Labis akong naninindigan sa sinabi ng Bibliya tungkol sa pagpapalaki ng anak. 4. Sa tingin ko ay dapat din nating isaalang-alang ang mga turo sa Koran tungkol sa tamang pagpapalaki sa anak. 5. Totoo lahat ang aking nabasa tungkol sa mga kabataang Pilipino.

I. Pagtataya ng Aralin (Gawain 1.28) Sumulat ng iyong opinyon batay sa editorial cartoon na makikita sa ibaba. Suriin kung ano ang ipinahihiwatig ng editorial cartoon na ito. Gumamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Nobela- Gawain 1.28.