mga salitang magkasingkahulugan

15
Allysa Abbygail V. Gumarang IV - Love Filipino 4 Modyul Mga Salitang Magkasingkahulugan

Upload: ako-si-jho

Post on 11-Nov-2014

28.980 views

Category:

Education


79 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Mga salitang magkasingkahulugan

Allysa Abbygail V. GumarangIV - Love

Filipino 4

Modyul

Mga SalitangMagkasingkahulugan

Page 2: Mga salitang magkasingkahulugan

Tungkol saan ang modyul na ito?

Sa modyul na ito, matututuhan mo ang tungkol sa mga salitang magkasingkahulugan.

Naghanda ako ng mga halimbawa ng mga salitang magkasingkahulugan na makatutulong sa iyo upang lalo mong maintindihan ang paksa.

Mayroon din itong mga pagsasanay upang lalo kang humusay sa pagbuo at paggamit nito.

Ano ang matututunan mo?

Sa modyul na ito, inaasahang matututo ka ng mga kahulugan ng bawat salitang naglalarawan.

Lubos mong mauunawaan na ang mga pang-uri ay may mga kasingkahulugang salita.

Page 3: Mga salitang magkasingkahulugan

Magkasingkahulugan

Ang dalawang salita ay magkasingkahulugan kapag pareho ang kanilang ibig sabihin.

Mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita upang madaling maibigay ang kasingkahulugan nito.

Ang mga pang-uri ay may mga kasingkahulugan. Tingnan ang mga halimbawa.

1. maganda → marikit2. maliit → bansot3. masaya → maligaya4. malaki → maluwang5. mabango → masamyo

Ang mga salitang naglalarawan ay nagsasabi ng katangian gaya ng uri, anyo, kulay, laki, amoy, lasa at kayarian ng tao, hayop, bagay at pook.

Page 4: Mga salitang magkasingkahulugan

May mga salitang naglalarawan na angkop lamang gamitin sa tao, hayop, bagay, at pook.

Tao → maganda, mabait, masaya Hayop → maamo, mailap, maliit Bagay → mabango, maliit, puti Pook → malayo, malapit, tahimik

Mga Salitang Magkasingkahulugan

aksidente → sakuna

Page 5: Mga salitang magkasingkahulugan

aralin → leksiyon

away → laban, basag-ulo

bata → musmos, paslit

Page 6: Mga salitang magkasingkahulugan

hanapbuhay → trabaho, okupasyon`

dekorasyon → palamuti

kama → higaan

Page 7: Mga salitang magkasingkahulugan

magisip-isip → magmuni-muni

magmadali → mag-apura

paaralan → eskuwelahan

Page 8: Mga salitang magkasingkahulugan

prutas → bungang-kahoy

palingun-lingon → palinga-linga

tuwa → galak, saya, lugod

Page 9: Mga salitang magkasingkahulugan

tirahan → tahanan

ulam → putahe

upuan → silya

Page 10: Mga salitang magkasingkahulugan

Magsanay Tayo

Pagsasanay 1

Isulat ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit upang mabuo ang pangungusap.

1. Magiting si Jose Rizal. Siya ay ______.A. mabilisB. matapangC. mayaman

SagotB. matapang

2. Wasto ang iyong sulat. ________ ang iyong sagot.

D. TamaE. MaliF. Tuwid

SagotA. Tama

Page 11: Mga salitang magkasingkahulugan

3. Matangkad ang tatay ko kaya sabi nila ako rin ay magiging ________.

A. maliitB. mataasC. mataba

SagotB. mataas

4. Masarap ang luto ni Nanay. Ang fried chicken ay ________.

D. malinamnamE. matamisF. maalat

SagotA. malinamnam

5. Ang singsing ni nanay ay makislap. Ito ay ________.

G. madilimH. malaboI. makinang

SagotC. makinang

Page 12: Mga salitang magkasingkahulugan

Pagsasanay 2

Hanapin sa hanay B ang salitang kasingkahulugan ng salitang nasa hanay A.

A B1. makisali a. magpunta2. maliksi b. makupad3. inaaksaya c. mabilis4. mabagal d. sinasayang5. magtungo e. makisama

Sagot

6. e. makisama7. c. mabilis8. d. sinasayang9. b. makupad10.a. magpunta

Page 13: Mga salitang magkasingkahulugan

Pagsasanay 3

Lagyan ng ( √ ) ang patlang kung ang pares ng mga salita ay magkasingkahulugan at lagyan ng ( X ) kung ito ay magkasalungat.

___ 1. mabango → mabaho___ 2. marumi → marusing___ 3. tuwid → diretso___ 4. malamig → maginaw___ 5. marunong → matalino___ 6. malakas → mahina___ 7. magulo → malikot___ 8. magaling → mahusay___ 9. mahirap → dukha___ 10. makitid → malapad___ 11. asul → bughaw___ 12. mabilis → matulin___ 13. mataas → mababa___ 14. mataba → malusog___ 15. mabait → matapang

Page 14: Mga salitang magkasingkahulugan

Sagot

Pagsasanay 3

1. X2. √3. √4. √5. √6. X7. √8. √9. √10. X11. √12. √13. X14. √15. X

WAKAS

Page 15: Mga salitang magkasingkahulugan

Sanggunian

Hiyas sa Wika - Filipino 4 ( Pahina 112 )

Pagdiriwang ng Wikang Filipino 2 ( Pahina 64 )

http://www.thegomom.com/tag/kasingkahulugan-at-kasalungat-worksheet