health-seeking behavior of indigenous women isang …
TRANSCRIPT
Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at Sining Padre Faura, Ermita, Maynila
HEALTH-SEEKING BEHAVIOR OF INDIGENOUS WOMEN Isang Kritikal na Pagsusuri sa Kaalaman, Aktitud, at Pananaw sa Pagkuha ng Serbisyong
Pangkalusugan ng mga Katutubong Kababaihang Mangyan ng Tribong Hanunuo
Isang Undergraduate Tesis na Iniharap sa Kagawaran ng Agham Panlipunan
Kolehiyo ng Agham at Sining Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Bilang Parsyal na Katuparan sa mga Rekisito sa Kurso na Batsilyer ng Sining sa Araling Pangkaunlaran
Ipinasa ni Charles Martin Santos Mariano
2012-10449
Ipinasa kay
Propesor Ida Marie T. Pantig, MPP Tagapayo
Mayo 2016
ii
PAHINA NG PAGPAPATIBAY
Ang tesis na ito na pinamagatang “HEALTH-SEEKING BEHAVIOR OF
INDIGENOUS WOMEN: Isang Kritikal na Pagsusuri sa Kaalaman, Aktitud, at
Pananaw sa Pagkuha ng Serbisyong Pangkalusugan ng mga Katutubong
Kababaihang Mangyan ng Tribong Hanunuo” na inihanda at isinumite ni Charles
Martin Santos Mariano bilang parsyal na katuparan sa mga rekisito sa Development
Studies 199.2 para sa pagkamit ng antas/titulong Batsilyer ng Sining sa Araling
Pangkalunlaran ay inirerekomenda ngayon para sa pagpapasiya.
Propesor Ida Marie T. Pantig, MPP Tagapayo sa Tesis
Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng pagtupad sa pangangailangan ng
kursong Batsilyer sa Sining sa Araling Pangkaunlaran.
Propesor Jerome A. Ong, MPA Tagapangulo
Departamento ng Agham Panlipunan Unibersidad ng Pilipinas Maynila
iii
para sa ala-ala ng aking mga kaibigan
† Therese Maria Marquez Cordero Setyembre 15, 1995 – Hunyo 12, 2014
†
Kristel Pilar Mariz Pangilinan Tejada Setyembre 8, 1996 – Marso 15, 2013
iv
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina ng Pagpapatibay
ii
Dedikasyon
iii
Talaan ng Nilalaman
iv
Mga Grapikong Pagsasalarawan
v
I. Introduksyon at Paghayag ng Problema
1
II. Layunin ng Pananaliksik
5
III. Kahalagahan ng Pananaliksik
6
IV. Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura
7
V. Balangkas Panteorya
17
VI. Balangkas Pangkonspeto
19
VII. Metodolohiya
24
VIII. Saklaw at Limitasyon
26
IX. Etika sa Pananaliksik
26
X. Pagpapakahulugan sa mga Termino
27
XI. Presentasyon ng mga Resulta at Diskusyon
28
XII. Buod ng mga Natuklasan sa Pagsisiyasat
49
XIII. Konklusyon
53
XIV. Rekomendasyon Bibliyograpiya
56 58
Apendiks
61
v
MGA GRAPIKONG PAGSASALARAWAN
Mga Salik na Nakakaapekto sa Health-seeking Behavior ng mga Katutubong Mangyan 23
Edad ng Populasyon 28
Katayuang Sibil ng Populasyon 28
Trabaho ng Populasyon 29
Pangunahing Pinagkukunan ng Serbisyong Pangkalusugan 31
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Manganganak 32
Bilang ng Araw na Inaantay Bago Kumuha ng Serbisyong Pangkalusugan 34
Pinagkukunan ng Panggastos sa Serbisyong Pangkalusugan 38
Transportasyon sa Pagkuha ng Katutubong Serbisyong Pangkalusugan 39
Transportasyon sa Pagkuha ng Biomedikal na Serbisyong Pangkalusugan 39
Oras na Inaantay sa Pasilidad ng Serbisyong Pangkalusugan na Biomedikal 40
Gumagawa ng Trabaho Kapag Kumukuha ng Serbisyong Pangkalusugan 41
Gumagawa ng Trabaho Kapag Kumukuha ng Serbisyong Pangkalusugan 41
Pakiramdam Pagkatapos Kumukuha ng Serbisyong Pangkalusugang Biomedikal 44
Pakiramdam Pagkatapos Kumukuha ng Serbisyong Pangkalusugang Katutubo 44
Nakaramdam ng Diskriminasyon sa Pagkuha ng Serbisyong Pangkalusugan 45
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag may Pangkaraniwang Ubo o Sipon 71
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag may Lagnat 71
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Masakit ang Tiyan 72
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Hinihika 72
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag may Trangkaso 73
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Kinukumbulsyon 73
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Nalason 74
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Napaso 74
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Hinimitay 75
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Nabagok ang Ulo 75
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Nahampas/Napuruhan ang Likod 76
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Nabalian ng Buto 76
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Nakagat ng Hayop 77
Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Nahiwa ng Malaki 77
- 1 -
I. INTRODUKSYON AT PAGHAYAG NG PROBLEMA
Walang sinuman ang nagnanais na magkasakit ngunit lahat ng tao ay mayroong
iba't-ibang mga pisikal at panlipunang kahinaan sa sakit pati na rin ang iba't-ibang mga
pansarili at pangpamilyang kapasidad upang makayanan ito. Malawak ang hanay ng mga
panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika na kadahilanan na mayroong direktang
impluwensya sa katayuan ng kalusugan ng mga tao. Ang mga determinants ng kalusugan
ay hindi lamang nakabatay sa mga serbisyong pangkalusugan sa pamayanan, bagkus ito
rin ay maaaring maiugnay pa sa mga iba’t-ibang panlipunan at pang-ekonomiyang mga
salik na karamihan sa mga sistemang pangkalusugan ay hindi pa inuugnay sa kalusugan ng
kanilang populasyon (Malanyaon, 1995).
Ang mababang antas ng kalusugan ang nananatiling isa sa mga nangungunang
problema ng 350 milyong katutubo ng mundo. Ang kondisyon ng kanilang pamumuhay at
ang katayuan ng kanilang kalusugan ay patuloy na sumasadsad at hindi na naging katumbas
ng sa pangkalahatang populasyon ng bansa. Ang “hindi sinasadyang pagpinsala” at ang
mga karahasan na natatangap ng mga katutubo ay ang mga tinatayang dahilan sa mga
pagbabagong kaugnay sa pamumuhay ng mga katutubong mamamayan na bunga ng
akulturasyon. Ang kanilang life expectancy sa kapanganakan ay 10 hanggang 20 taon mas
mababa kaysa sa pangkalahatang populasyon ng bansa (Alderete, 1999). Ang isang
malaking bahagdan ng mga katutubong mamamayan sa buong mundo ay patuloy na
apektado ng malnutrisyon at mga sakit na nakakahawa. Ang pagpapaalis sa kanilang
lupang ninuno at ang patuloy na paglason sa kanilang mga taniman ay labis na
nakakaapekto sa pinagkukunan ng pagkain ng mga katutubo na kalaunan ay mas
- 2 -
papaigtingin ang paglaganap ng malnutrisyon at pagkagutom. Ang katayuan ng kanilang
kalusugan ay malubhang apektado rin dahil sa mababang antas ng kita, at sa kawalan ng
malinis na tubig, pagkain, at akses sa mga serbisyong pangkalusugan.
Ang mga problema sa kalusugan at nutrisyon na dapat ay naiiwasan at nagagamot
na ay patuloy na nangyayari pa rin sa kanilang komunidad. Ito ay dahil sa hindi natitinag
na kawalan o kakulangan ng mga pangunahing pangangailangang pangkalusugan tulad ng
mga manggagawang pangkalusugan, mga pasilidad, at mga mapagkukunang impormasyon
ng mga katutubo. Ang kanilang limitado at hindi sapat na akses sa mga serbisyong
pangkalusugan na tumutulong sa pagpapaunlad ng kaalaman at pagsasawata sa mga sakit
ay sa kabuuan naglalarawan sa kalunos-lunos at mas mababa pa sa pambansang
pamantayan na sitwasyon ng mga katutubo.
Ang kanilang pagkahiwalay sa pangkalahatang populasyon dahil sa
pangheograpiya na konsidersyon ay pilit na pumipigil sa mga katutubo na magka-akses sa
mga pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan. Sa mga kaso na sila ay mayroong akses
sa mga pasilidad, haharapin naman nila ang problema ng hindi pagkakaroon ng pang-
ekonomiyang kapasidad na magbayad para sa mga serbisyo nito. Kaya sa halip na
magpagamot, mas ginugusto pa nila na magtrabaho at tiisin ang kanilang mga problema sa
kalusugan para lamang maka-ipon ng sapat na pera pampagamot.
Ang hindi pagtanggap sa kanilang katutubong mga gawi sa kalusugan, ang
pagkakaroon ng hadlang sa wika, ang hindi komportable at di-kaakit-akit na kapaligiran
- 3 -
ng mga ospital at klinika, at ang mga pagtatangi ng mga manggagawang pangkalusugan ay
patunay sa kakulangan ng cultural sensitivity at katumpakan ng sistema ng pangangalagang
pangkalusugan. Kaya naman ito rin ay nakakaapekto sa kanilang akses sa pangangalaga ng
kalusugan.
Ang konsepto ng pag-aaral sa health-seeking behavior ay umunlad na sa paglipas
ng panahon. Ito ay naging isang importanteng kasangkapan para sa pag-unawa kung paano
ginagamit ng tao ang mga sistema ng pangangalaga ng kalusugan sa kani-kanilang mga
panlipunan-pangkultura, pang-ekonomiya, at pandemograpikong mga kalagayan. Ang
paglikha ng kaalaman na ito ay nangangailangan ng pagtutulong-tulong ng iba’t-ibang mga
agham panlipunan at ng medisina. Ang lahat ng mga gawi at kaugalian na ito ay tutulong
sa pagtukoy ng panlipunang posisyon ng kalusugan at sa mas malalim na pag-unawa sa
proseso ng pagkakasakit (Andersen, 1995).
Dapat isaalang-alang ng mga manggagawang pangkalusugan, mga tagapamahala,
at mga gumagawa ng mga batas ang iba’t-ibang mga panlipunang salik ng paghahatid ng
serbisyong pangkalusugan sa mga dinidisenyo nilang mga pamamagitang pangkalusugan
at mga patakaran (Aday & Andersen, 1974). Sa kasamaang palad, ang mga manggagawang
pangkalusugan, mga tagapamahala, at mga gumagawa ng patakaran ay walang sapat na
oras upang talakayin ang mga panlipunang salik na ito sa pagbuo ng mga patakarang
pangkalusugan. Hindi sapat ang biomedikal na kaalaman para matiyak na mahusay ang
kalusugan sapagkat ang mga isyu na may kinalaman sa kalusugan ay mahirap unawain at
- 4 -
ito ay nangangailangan ng isang sistematikong kaalaman na mas higit na sasaklaw sa sektor
ng pangkalusugan (Malanyaon, 1995).
Humigit-kumulang 50% ng katutubong populasyon ay binubuo ng mga kababaihan
o nasa 185 milyon. Ang mga babaeng ito ay patuloy na nakararanas ng partikular na uri ng
diskriminasyon dahil sa intersectionality ng kanilang ekslusyon sa lipunan. Naiipit sila sa
pagiging katutubo at pagiging bahagi ng populasyon ng mga kababaihan.
Tulad sa ibang bahagi ng mundo, ang mga katutubong kababaihan ng Asya ay
nakararanas ng maraming uri ng diskriminasyon dahil sa kanilang katutubong
pagkakakilanlan, sa kanilang kasarian, at madalas rin dahil sa kahirapan (Tebtebba
Foundation, 2013). Ang kanilang mga karapatan bilang mga miyembro ng katutubong
mamamayan ay madalas na hindi kinikilala ng batas. Sa pagkakataon naman na ito’y
kinikilala, hindi naman nito tiyak na nasasaklawan ang mga karapatan nila bilang mga
kababaihan. Kaya naman dahil rito, maaari silang mapalayas sa kanilang mga lupang
ninuno, at ang mga likas yaman na mahalaga sa kanilang kalusugan at kultura ay madalas
na nalalagay sa marawal na kalagyan hanggang ito ay humantong sa tuluyan nitong
pagkawasak.
Samakatuwid, mayroong isang malakas na pangangailangan upang maunawaan
ang mga health-seeking behaviors ng mga pinakakakaibang sektor ng bansa upang
makabuo ng isang sistema ng pangangalagang pangkalusugan na mas sasaklaw sa kanilang
mga pangangailangan, at iyon ang tanging paraan upang maasahan ang mas maaayos na
pangkalahatang kalusugan.
- 5 -
II. LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Ang pagnanaliksik na ito, sa pangkalahatan, ay naglalayong tukuyin ang kaalaman,
aktitud, at pananaw ng mga katutubong kababaihang Mangyan ng tribong Hanunuo sa
pangangalagang pangkalusugan. Sa partikular, ang pag-aaral na ito ay naglalayong:
A. alamin ang demograpikong katangian ng mga katutubong kababaihang
Mangyan ng tribong Hanunuo;
B. tukuyin ang health-seeking behavior ng mga katutubong kababaihang Mangyan
ng tribong Hanunuo sa pamamagitan ng pagtingin nila sa:
1. konspeto ng kalusugan,
2. mga uri ng serbsiyong pangkalusugan,
3. distansya at transportasyon sa serbisyong pangkalusugan,
4. kalidad ng serbisyong pangkalusugan,
5. trato sa pagkuha ng serbisyong pangkalusugan, at
6. gastos at opportunity cost sa pagkuha ng serbisyong pangkalusugan;
C. aralin kung paano nakakaapekto ang kanilang pagkakakilanlan bilang isang
babae at katutubo sa kanilang health-seeking behavior; at
D. makapag-ambag pa ng kaalaman hingil sa health-seeking behavior ng mga
katutubong kababaihan para sa mga proyekto sa hinaharap hingil sa katutubong
pamamahalang pangkalusugan.
- 6 -
III. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang pag-unlad ng kaalaman hingil sa mga katutubong kababaihan ay napag-iwanan
na kumpara sa mga pananaliksik hingil sa mga katutubong kalalakihan. Ang mga
pananaliksik na sumusuri sa mga katotohanang nakapaloob sa kalusugan at karapatang
pantao ng mga katutubong kababaihan, at mga patakaran na kumakatawan sa kanilang
pangangailangan—kapwa bilang mga kababaihan at bilang katutubo—ay kulang na kulang
(International Indigenous Womens Forum, 2006). Ang limitadong mga sanggunian hingil
sa estado ng kalusugan ng mga katutubong kababaihan ay manipestasyon ng patuloy na
diskriminasyon na nararanasan ng mga katutubong kababaihan hanggang sa mga oras na
ito.
Samakatuwid, mahalagang hiwalay na pag-aralan ang health-seeking behavior ng
mga katutubong kababaihan upang magkaroon ng isang mas malalim na pang-unawa ng
kanilang sitwasyon at di-turingin na kapareho ng higit sa nakararaming mga di-katutubong
kababaihan. Bukod pa rito, ang tamang pag-unawa ng kanilang health-seeking behavior ay
maaaring makatulong sa pagpapabilis ng kanilang paggaling sa kanilang karamdaman,
pagpapabuti ng kanilang pagsunod sa mga pamamaraang pangkalusugan, at sa pagpapabuti
rin ng pagtataguyod ng pamahalaan sa mga programang pangkalusugan sa iba't-ibang mga
konteksto (MacKian, 2003) dahil ito ay hahalawin ng direkta sa mga pananaw ng mga
katutubong kababaihan. Ang mga dahilan na ito, sa kabuuan, ay sapat ng dahilan sa
kabuluhan ng pananaliksik na ito.
- 7 -
IV. PAGSUSURI NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA
A. Akses sa mga Pangangalagang Pangkalusugan sa mga Developing Countries
Maraming mga pag-aaral na ang nagpatunay na karamihan sa mga naninirahan sa
developing countries sa mundo ay halos walang akses sa mga serbisyong pangangalagang
pangkalusugan kahit na ito ay makikinabang ng malaki sa antas ng kanilang kalusugan.
Magpasahanggang ngayon, ang mga mahihirap na naninirahan sa mga developing
countries ay napakaliit pa rin ng probabilidad na makatanggap ng epektibong serbisyong
pangkalusugan kumpara sa mga higit na mayroong kakayahang pangpinansyal (Tipping,
2000).
Mayroong dalawang panig ang problema sa akses sa serbisyong pangkalusugan. Sa
panig ng supply, ang mahusay at epektibong pangangalagang pangkalusugan ay maaaring
hindi ipinagkakaloob sa mga nangangailangan nito (O’Donnell, 2007). Sa panig naman ng
demand, ang mga indibidwal naman na nangangailangan ay maaaring hindi gumagamit ng
mga serbisyo na kung saan sila ay maaaring makinabang (O’Donnell, 2007). Ang dalawang
panig na ito ay malinaw na magkaugnay. Ang hindi magandang kalidad ng pangangalagang
pangkalusugan ay maaaring hindi makapukaw masyado ng interes ng publiko. Ang isang
mataas na antas naman ng demand, na ginawang epektibo sa pamamagitan ng
kapangyarihan sa pagbili, ay nagreresulta sa pagkaloob ng mataas na kalidad ng
pangangalaga (O’Donnell, 2007). Kaya naman sa paglutas sa problema ng akses,
kinakailangang talakayin hindi lamang ang isyu sa panig ng demand kundi pati na rin ang
mga isyu sa panig ng supply.
- 8 -
1. Hindi Ganap na Pagsamantala sa Epektibong Interbensiyon
Mayroong sapat na ebidensiya na nagpapatunay na ang akses sa epektibong pag-
aalaga ng kalusugan ay isang malaking problema sa mga developing countries (Dupas,
2011). Milyun-milyong mamamayan ang nagdurusa at namamatay sa mga kundisyon na
kung saan mayroong umiiral na mga epektibong serbisyong pangkalusugang pamamagitan.
Ang agwat sa pagitan ng mga potensyal at aktwal na mga benepisyo ng pangangalagang
pangkalusugan ay napakalaki rin (Dupas, 2011). Halimbawa, sa Timog Asya, mas mababa
sa kalahati ng mga buntis na kababaihan ang kumukuha ng mga check-up, at isang-kalima
lamang ng mga panganganak ang pinangangasiwaan ng isang tao na mayroong biomedikal
na pagsasanay. Dahil sa kabuuang kakulangan sa paggamit ng mga epektibong
pangangalagang pangkalusugan, napakalaki ng umiiral na unrealized health gains sa mga
developing countries (Dupas, 2011).
Isang kawan ng mga dahilan ang responsable sa mga hindi nagagamit na
pagkakataon upang mapagtanto ang pangunahing nadagdag sa kalusugan ng populasyon.
Sa panig ng demand, ang pangkultura at pang-edukasyon na mga dahilan ay maaaring
humarang sa pagkilala ng sakit at ang mga potensyal na mga benepisyo mula sa
pangangalaga ng kalusugan, habang ang mga hadlang pang-ekonomiya ay maaaring
sugpuin ang paggamit, kahit na ang mga benepisyo ay kinikilala (Dupas, 2011).
Sa panig ng supply, ang mga angkop na interbensiyon ay maaaring hindi ibigay sa
lahat, marahil dahil sa kakulangan ng mga resources. Ang malaking agwat na umiiral sa
pagitan ng aktwal na paggastos sa kalusugan ng maraming mga mahihirap na mga bansa
at ang paggasta na kinakailangan upang maibigay ang mga pundamental na mga serbisyong
- 9 -
pangkalusugan ay nagmumungkahi na ang kakulangan ang ugat ng problema sa maraming
mga pagkakataon (Dupas, 2011). Mahalagang kilalanin na maraming epektibong
interbensiyon ang hindi ganon kamahal, kahit na para sa mga pinaka-mahihirap na bansa
(Dupas, 2011).
Sa pagsasanay, ang supply at demand na panig ng isyu ay hindi madaling
paghiwalayin. Kung ang magagamit na pangangalagang pangkalusugan ay hindi gaano
kaganda ang kalidad, hindi nakakagulat na maliit ang magiging demand para dito. May
katibayan na ang demand ay mayroong direktang relasyon sa kalidad ng serbisyo (Dupas,
2011). Ayon sa isang detalyadong survey sa rural na rehiyon ng India, napakababa ng
paggamit ng mga pampublikong serbisyong pangkalusugan kahit pa ito’y libre. Ang
dahilan nito ay ang napakababang kalidad ng serbisyong pangkalusugan. Walang saysay
na bumuo at magpatupad ng mga patakaran na tatanggal sa hadlang sa demand para sa
epektibong pag-aalaga ng kalusugan kung ang mga naturang serbisyong pangkalusugan ay
kakaunti ang pag-asa na ito’y maibigay (Dupas, 2011). Ang mga interbensiyon sa
patakaran sa parehong panig ng demand at supply ay kinakailangang paunlarin ng sabay.
2. Kakaunting Paggamit ng Epektibong Interbensiyon
Ang unang katotohanan tungkol sa akses sa pangangalagang pangkalusugan sa mga
developing countries ay ang hindi paggamit ng mabuti ng mga epektibong pamamagitang
pangkalusugan (O’Donnell, 2007). Ang ikalawang katotohanan naman ay hinggil sa
mababang utilisasyon ng pamamagitang pangkalusugan ng mga wala gaanong
pangpinansyal na kakayahan (O’Donnell, 2007). Ito ay pag-aalala mula sa parehong
perspektibo ng kahusayan at katarungan. Ang mga mahihirap din ay madalas na hindi
- 10 -
maganda ang kalusugan kaya naman sila ang pinaka-malamang na pinaka-makikinabang
sa pangangalaga ng kalusugan. Ang pagbabagong kabuuang pagtaas ng kalusugan ay
maaaring makamit sa pamamagitan ng paglubos ng mga marginal resources sa paggamot
ng mga mahihirap (O’Donnell, 2007). Ang katotohanan na ang mga pinaka nasa laylayan
ng lipunan ang isa sa mga pinakamabababang gumagamit ng mga serbisyong
pangkalusugan ay malawak na itinuturing na hindi makatarungan. Ang ganitong mga
alalahanin ay kinakailangan para sa prayoritisasyon ng mga programang
pangangailangang pangangalagang pangkalusugan ng mga mahihirap tulad ng primary
care at child and maternal health interventions. Sa kasamaang palad, ipinapakita ng
ebidensiya na mayroong maka-mayamang pagtatangi sa pamamahagi ng mga benepisyong
pangkalusugan (O’Donnell, 2007).
Ang pampublikong pagpopondo ng mga pangangalagang pangkalusugan ay
karaniwang ipinapaliwanag sa isang distributional na batayan. Ang equity, kung ito ay
aangkin, ay hindi naaayon sa malayang distribusyon ng merkado sa pamamahagi ng mga
serbisyong pangangalagang pangkalusugan (O’Donnell, 2007). Maaaring mag-iba ang
opinyon hingil sa equity kung pagbabatayan ang posisyon na ito. Ipinakikita ng mga
katibayan na mayroong isang kapansin-pansin na antas ng hindi pagbabago na ang mga
mahihirap talaga ang nakatatanggap ng mas mababang bahagi pagdating sa pampublikong
gastusin sa kalusugan ng mga gobyerno sa mga paunlad pa lamang na mga bansa kumpara
sa mga mauunlad na bansa (O’Donnell, 2007).
- 11 -
3. Dahilan Kung Bakit Hindi Napapakinabangan ang mga Epektibong Interbensiyon
Maraming mga dahilan ang responsable sa hindi gaanong pagkuha ng epektibong
mga pamamagitang pangangalagang pangkalusugan sa mga paunlad pa lamang na mga
bansa. Ang economic resources ay madalas na hindi sapat upang suportahan ang
pagkakaloob ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan (O’Donnell, 2007). Ang
pangalawang problema ay ang mga mapagkukunang resources ay hindi inilalaan sa mga
pinaka-epektibong mga pamamagitan dahil ito ay puros sa mga malalaking lungsod imbes
na ito’y umabot sa mga mahihirap (O’Donnell, 2007). Sa kabila ng WHO Alma Ata
Declaration, malaking bulto ng pampublikong paggasta sa kalusugan ay patuloy na
nilalaan sa paghatid ng mga nakabase sa ospital na mga pangangalagang pangkalusugan
na malayo naman ang distansya mula sa mahihirap na rural na populasyon (Dupas, 2011).
Ang hindi sapat na mapagkukunan, hindi nararapat na alokasyon, at hindi sapat na
kalidad ay ang mga pangunahing mga hadlang sa paghahatid ng epektibong pag-aalaga sa
kalusugan na umaabot sa mahihirap (O’Donnell, 2007). Ang problema sa akses ay hindi
maaaring malutas kung hindi tatalakayin ang bawat pagkukulang nito. Dalawang hanay ng
mga salik ang maaaring makaapekto sa demand, ang paglimita ng kakayahang bumili at
ang pagbaba ng pagpayag na bumili. Ang mga hadlang naman ay tumutukoy sa kita ng
sambahayan, ang singil na ginawa para sa pangangalaga ng kalusugan, at mga gastos na
natamo upang maabot ang serbisyong pangkalusugan. Ang kagustuhan naman sa isang
banda ay naiimpluwensyahan ng kultura, kaalaman ng mga potensyal na mga benepisyo
ng pangangalagang pangkalusugan, at ang kalidad ng mga serbisyo na makukuha.
- 12 -
B. Ang Iba’t-ibang Uri ng Diskriminasyong Natatamasa ng mga Katutubong
Kababaihan
Ang katayuan ng mga katutubong kababaihan ay naiiba sa bawat komunidad at
rehiyon. Gayonpaman, ang kanilang mga alalahanin ay madalas nag-tutugma dahil sa
kanilang katayuan bilang isang katutubo. (Osteria & Jimenez, 1988). Ang mga karanasan
at ang mga hamong hinaharap ng mga katutubong kababaihan sa buong mundo ay madalas
na katulad ng sa problema sa kahirapan, paglabag sa karapatang pantao, kakulangan ng
akses sa edukasyon, pangangalagang pangkalusugan at problema sa sosyo-ekonomiko na
kaunlaran.
Ang mga katutubong kababaihan sa buong mundo ay kabilang sa mga pinaka-
mahihirap na sektor. Naapektuhan sila sa pamamagitan ng interseksyon ng maraming mga
paraan ng diskriminasyon batay sa kasarian, lahi/etnisidad, wika, kultura, relihiyon at antas
sa lipunan. Ang mga ito ay madalas na tinatawag na third class citizens sa ilang mga bansa
dahil sa kanilang mas mababang katayuan na may kaugnayan sa mga mamamayan doon at
sa mga taong di-katutubo.
Ang iba’t-ibang uri ng diskriminasyon tinatamasa ng mga kababaihan ay nagresulta
sa paglimita ng potensyal ng mga kababaihan na makamit ang buong kasiyahan at
karapatang iginawad sa kanila bilang tao at ang mga pangunahing kalayaan sa lahat ng
antas ng buhay (United Nations Office of the Special Adviser on Gender Issues and
Advancement of Women & Secretariat of the United Nations Permanent Forum on
Indigenous Issues, 2010). Kinikilala ng intersectional approach ng United Nations na ang
- 13 -
karanasan ng mga karapatang pantao ay kaakibat ng iba’t-ibang pagkakakilanan tulad ng
lahi, klase, relihiyon, sekswal na oryentasyon, kasarian, edad, kapansanan,
pagkamamamayan, pambansang pagkakakilanlan, geopolitikal na konteksto, at kalusugan.
Sa kaso ng mga katutubong kababaihan, ang magkasanib na diskriminasyon batay sa
kasarian, kalagayan sa buhay, at etnisidad ay nahahayag sa paglabag sa karapatang pantao
na nag-uugat sa (United Nations Office of the Special Adviser on Gender Issues and
Advancement of Women & Secretariat of the United Nations Permanent Forum on
Indigenous Issues, 2010):
1. development aggression;
2. armadong labanan at ang militarisasyon ng mga katutubong teritoryo;
3. pag-alis, pandarayuhan, at urbanisasyon;
4. pagtanggi ng mga pangunahing serbisyo, kabilang ang inter-cultural education,
kalinisan, at pangangalaga ng kalusugan;
5. fundamentalisms at "mapanganib na mga tradisyonal na kasanayan;"
6. at karahasan na naka base sa kasarian.
Ang kumplikadong ugnayan ng mga salik ng kolonyalismo, globalisasyon, nasyonalismo,
at top-down policies at paternalismong pamamaraan sa pag-unlad ay nagdulot ng isang
panlipunan at pang-ekonomiyang kapaligiran na mapagtakda para sa mga katutubong
kababaihan (Suzack, n.d.).
Sa karamihan ng mga katutubong komunidad, lubos na napakahalaga ng papel na
ginagampanan ng mga kababaihan sa reproduksyon. Kasabay nito, ang mga katutubong
- 14 -
kababaihan ay may kanila ring sariling mahahalagang ginagampanan, mula sa
pagsasagawa ng mga gawaing-bahay at pamamahala ng mga pangangailangan sa tahanan
hanggang sa pagtatrabaho ng arawan. Sa kabila ng kanilang mahalagang kontribusyon,
mataas pa rin ang hindi pagkapantay-pantay at diskriminasyon ng mga katutubong
kababaihan (Suzack, n.d.).
Araw-araw, ang mga katutubo ay nagdurusa sa karahasan at salungatan sa
maraming bahagi ng mundo. Ang mga katutubong kababaihan ay partikular na bulnerable
laban sa gayong karahasan hindi lamang sa loob ng kanilang sariling mga komunidad kundi
pati rin sa mas malawak na lipunan. Nakararanas ang mga katutubong kababaihan ng iba’t-
ibang uri ng karahasan sa panahon ng kapayapaan at digmaan, kabilang ang female genital
mutilation, sapilitang pagpapakasal, maagang pagpapakasal, poligamya, pambubugbog at
sapilitang paggawa (United Nations Office of the Special Adviser on Gender Issues and
Advancement of Women & Secretariat of the United Nations Permanent Forum on
Indigenous Issues, 2010). Bukod pa rito, ang mga katutubong kababaihan ay karaniwang
kinakalakal para sa prostitusyon at sapilitang paggawa. Sa ilang mga kaso, ang mga ito ay
itinuturing pa bilang mga exotic, pandekorasyon, sekswal na mga bagay, at mga study-
objects ng midya at ng komunikasyon (United Nations Office of the Special Adviser on
Gender Issues and Advancement of Women & Secretariat of the United Nations Permanent
Forum on Indigenous Issues, 2010).
Ang globalisasyon at pang-ekonomiyang liberalisasyon ay ang madalas na sanhi ng
pagkawasak ng pantawid-buhay na ekonomiya ng mga katutubo at ang pagpapalayas ng
- 15 -
mga katutubo mula sa kanilang sariling mga lupain. Maraming katutubong kababaihan ang
nawalan ng kanilang mga ikinabubuhay dahil sa epekto ng globalisasyon sa mga likas
yaman kaya naman ang kanilang mga produkto ay napapalitan na ng mga panindang
dayuhan. Ang kahirapan rin ay mayroong kontribusyon sa pag-aalis ng mga katutubo sa
kanilang mga komunidad. Tumataas na rin ang bilang ng mga nandadarayuhang mga
katutubong kababaihan sa pagnanais na makahanap ng mapapasukang hanapbuhay sa mga
lungsod. Sa kanilang paglipat sa lungsod ay mas tumataas ang panganib ng pagsasamantala
at di-makataong pagtrato. Ang mga katutubong kababaihan ay madalas na hindi alam ang
kanilang mga karapatan na maaari nilang gamitin. Kaya naman mas ginugusto nilang
magtrabaho malapit sa kanilang bahay o sa kanilang mga nayon kahit pa higit na mas
mababa ang sahod. Sa maraming mga bansa, ang mga katutubong mamamayan ay
sapilitang pinapalayas sa kanilang mga lupain dahil sa mga konstruksiyon ng mga highway,
mga dam, mga minahan, at ang pagtatatag ng mga pambansang parke. Ang sapilitang
migrasyon ay humahantong sa tuluyang pagkawasak ng mga katutubong pamumuhay
kasama ang iba pang mga problema na hinaharap ng mga katutubong kababaihan (United
Nations Office of the Special Adviser on Gender Issues and Advancement of Women &
Secretariat of the United Nations Permanent Forum on Indigenous Issues, 2010).
Madalas nakararanas ng diskriminasyon ang mga katutubong kababaihan na maka-
akses ng mga serbisyong pangangalagang pangkalusugan. Ang kanilang pag-akses sa mga
serbisyo at mga pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan ay limitado dahil ang mga
patakaran at programa sa pangangalaga ng kalusugan ay tinatrato ang mga katutubo at di-
katutubong mga kababaihan bilang isang homogenous group na pare-pareho lamang ang
- 16 -
pangangailangan (Suzack, n.d.). Ang mga makabagong serbisyo sa pangangalagang
pangkalusugan ay lampas sa kanilang kapasidad at hindi kayang marating dahil sa
kakulangan ng mga serbisyo sa kanilang mga komunidad, kawalan ng pang-ekonomiyang
kapasidad na makapagbayad sa mga gastos para sa mga naturang serbisyo, at ang
pagtatangi ng ilang mga manggagawang pangkalusugan. Higit na mas mataas ang kaso ng
diskriminasyon ng mga katutubong kababaihan sa mga serbisyong pangkalusugan
kumpara sa mga di-katutubong kababaihan kaya naman lalo silang bulnerable sa mga sakit,
at maternal mortality.
- 17 -
V. BALANGKAS PANTEORYA
Ang pagsusuri ng mga datos ay prinoseso sa pamamagitan ng Intersectional theory,
at Human Ecology Theory.
Ayon sa Intersectional theory, ang iba't-ibang mga biyolohikal, panlipunan, at
kultural na mga kategorya tulad ng kasarian, sekswal na oryentasyon, lahi, klase, relihiyon
at iba pang mga kategorya ng pagkakakilanlan ay magkakaugnay sa iba’t-ibang mga antas
kaya naman ito rin ay mayroong kaugnayan sa pang-aapi, dominasyon, at diskriminasyon.
Ginamit ang balangkas na ito upang maunawaan kung paano nagaganap ang sistematikong
kawalan ng katarungan at panlipunang di-pagkakapantay-pantay na nagaganap sa isang
multi-dimensyonal na batayan. Pinagtitibay ng teoryang ito na ang klasikal na konsepto ng
pang-aapi sa loob ng lipunan, tulad ng pang-aaping may kinalaman sa etnisidad o racism,
pang-aaping may kinalaman sa kasarian o sexism, at pang-aaping may kinalaman sa antas
sa lipunan o classism, ay hindi kumikilos nang malaya sa bawat isa. Sa halip, ang mga
paraan ng pang-aapi ay magkakalakip, kaya naman nakakalikha ito ng isang malaking
sistema ng pang-aapi na sumasalamin sa interseksyon ng maraming mga paraan ng
diskriminasyon.
Tinitingnan naman ng Human Ecology theory sa kabilang banda ang mga
pakikipag-ugnayan ng mga indibidwal sa kanilang mga kapaligiran at itinuturing itong
isang sistema na may magkakalakip na relasyon. Sa ganitong balangkas panteorya, ang
biyolohikal, panlipunan, at pisikal na aspeto ng mga organismo ay naaapektuhan ng
konteksto ng kanilang kapaligiran. Sinasabi ng pangunahing pundasyon ng teoryang ito na
ang mga yamang makukuha sa mundo ay mayroong direktang kaugnayan sa lahat ng
- 18 -
mamamayang naninirahan dito. Ang kalusugan ng ekolohiya ng isang indibidwal ay
nakadepende sa mga desisyon at mga pagkilos na isinasagawa hindi lamang ng kanyang
sarili o sa mga tao sa paligid, kundi pati na rin sa mga bansa at sistema ng ekonomiya na
nakapalibot sa kanya. Ang balangkas panteorya na ito ay nagbibigay ng paraan upang
maisaalang-alang ang mga komplikado at maramihang antas ng mga relasyon at maisama
ang iba’t-ibang uri ng mga datos sa isang pag-aaral.
Ang kombinasyon ng mga teorya na ito ay hahantong sa mas malalim na pag-intindi
sa health-seeking behavior ng isang indibidwal dahil ito dapat ay hindi lamang tinitingnan
bilang isang resulta ng mga aksyon at desisyon ng isang indibidwal bagkus ito ay dapat na
kinukunsidera bilang isang produkto ng sosyo-kultural na puwersa ng umiiral na pang-
ekonomiyang kalagayan. Ang mga isyu ng mga katutubong kababaihan ay hindi hiwalay
sa mga isyu ng ekonomiya. Ang marawal na kalagayan ng kanilang kalusugan ay dinulot
ng kasakiman ng mga makakapangyarihang at mauunlad na bansa na kumita ng higit sa
kanilang kinakailangan sa kapinsalaan naman ng mga paunlad pa lamang na mga bansa.
Upang magsilbing danyos sa mga pinsalang hatid ng mga mauunlad na bansa, ang konsepto
ng biomedikal na medisina ay ipinanganak upang pagaanin ang mga kalusugan ng mga
paunlad pa lamang na mga bansa na kung titingan ay sila rin naman mismo ang naging
dahilan ng kanilang kalagayan.
- 19 -
VI. BALANGKAS PANGKONSEPTO
A. Health-seeking Behavior
Ang pag-aaral hingil sa health-seeking behavior ay lumalim na sa paglipas ng
panahon. Nakagawa na ng mga iba’t-ibang pag-aaral ang mga propesyonal ng agham
panlipunan upang mas maintindihan ang health-seeking behavior ng isang indibidwal.
Ngunit sa pag-aaral na ito gagamitin lamang ang health-seeking behavior model nila
Richard Andersen at Igun. Gagamitin ang mga naturang modelo upang mas maintindihan
kung paano, kelan, saan, at bakit kumukuha ng serbisyong pangkalusugan ang mga
katutubong kababaihan Mangyan ng tribong Hanunuo. Dagdag pa rito, magsisilbi rin itong
gabay kung paano inihahatid at ibinabagay ang mga serbisyong pangkalusugan sa
nagbabagong kundisyon ng mga katutubo. Kahit na mainam na suruin ang inidbidwal na
desisyon bilang batis sa health-seeking behavior ng mga katutubo, mas maganda pa rin
kung titingnan ang mas malaking perspektibo kung paano tumutugon ang komunidad
bilang isang grupo para sa mas malinaw na paglalarawan sa pagkakaiba ng akses.
B. Health-seeking Behavior Model ni Richard Andersen
Ang behavioral model ng mga serbisyong pangkalusugan na ginawa ni Andersen
ay nilikha upang masukat ang tiyak na mga dahilan sa paggamit ng acute care health
services. Ayon sa modelong ginawa ni Andersen, ang mga gawi at pag-uugali ay naka-
grupo sa tatlong kategorya na humahantong sa paggamit ng mga serbisyong
pangkalusugan. Ang unang kategorya ay ang predisposing characteristics o ang mga salik
panlipunan na nakakapaekto sa mga indibidwal o sa mga grupo na kumuha ng serbisyong
pangkalusugan (Andersen, 1995). Ang ikalawa naman ay ang enabling resources o ang
- 20 -
mga salik na hatid ng sistema ng serbisyong pangkalusugan; at ang ikatlo at panghuli ay
ang pangangailangan ng indibidwal o ng populasyon ng pag-aalaga, na mas kilala bilang
mga pangangailangan (Andersen, 1995) (sumangguni sa Apendiks B para sa karagdagang
impormasyon hingil sa Health-seeking Behavior Model ni Richard Andersen).
C. Antas ng Health-seeking Behavior ni U.A. Igun
Ang modelo ni Andersen ng mga serbisyong pangkalusugan ay susuportahan sa
pag-aaral na ito sa pamamagitan ng modelo ng mga antas ng health-seeking behavior ni
U.A. Igun upang magbigay ng isang mas kumpletong larawan ng paggamit ng mga
serbisyong pangkalusugan. Ang modelong binuo ni Igun ay naglalayong alamin kung
paano at bakit nagpapasya ang mga tao na kailangan nila ng serbisyong pangkalusugan.
Ayon kay Igun, ang mga yugto ng modelo ng kanyang health-seeking behavior ay
bunga ng iba’t-ibang mga modelo ng mga nauna sa kanya na pinagsama-sama upang
makalikha ng isang mas matatag na modelo ng health-seeking behavior. Hindi tulad ng
modelo ni Andersen na binubuo ng component variable, ang modelo ni Igun ay naka-duong
sa pagkakaiba sa pagitan ng symtomatic at asymptomatic health-seeking behavior. Isinaad
ni Igun na ang proseso ng health-seeking behavior ay nagsisimula sa pagdeklara ng
indibidwal sa kaniyang sarili na siya ay may sakit, at ang mga malalapit sa kanya o ang
mga indibidwal na nakakasalamuha niya ay tinatanggap na siya ay may sakit kaya naman
tinatrato siya ng mga ito nang naaayon sa kanyang kalagayan (Igun, 1979). Bukod pa rito,
mayroong anim na pagpapalagay na dapat ay isalugar (Igun, 1979):
- 21 -
1. Ang pagkakasakit ay isang hindi kanais-nais na estado kaya naman ang mga tao
ay mas gustong walang sakit.
2. Mayroong isang espesyal na eksplenasyon na nakalakip sa sakit na may
kaugnayan sa kultura ng pasyente at maaaring iba’t-iba sa bawat lipunan.
3. Ang pagkakasakit ay mayroong parehong personal at panlipunang kahalagahan.
4. Ang pangangailangan para sa serbisyong pangkalusugan ay subjective kumpara
sa objective na kadahilanan sa health-seeking behavior.
5. Ang mga taong may sakit ay maaaring magkaroon ng mga ideya ng paggamot o
pangangailangan na naiiba sa ideya ng mga propesyonal na kanilang kinukunsulta.
6. Ang mga tao ay may kakayahang magdesisyon kahit pa na ito ay may sakit, at
pag-aaralan nila ang serbisyong pangkalusugan batay sa pang-ekonomiyang
konsiderasyon at bisa nito gamit ang pinakamahusay na datos na makakalap nila sa
oras na iyon.
Ang modelo ni Igun hingil sa mga antas nga health-seeking behavior ay mayroong
sampung antas:
1. ang symptom-experience o ang pagkaramdam ng sintomas;
2. ang self-treatment o paunang panggagamot sa sarili;
3. ang pagpapaalam ng kanyang kalagayan sa mga taong malalapit sa kanya;
4. ang assessment of symptoms o ang pagsusuri ng mga nararamdamang sintomas;
5. ang assumption of sick-role o ang paggagampan ng katayuang pagkakasakit;
- 22 -
6. ang pagpapahayag ng pagkabahala sa kalagayan;
7. ang pagsusuri ng malamang bisa at kaangkupan ng pangagamot;
8. ang pagpili ng serbisyong pangkalusugan;
9. ang treatment o ang aktuwal na panggagamot; at
10. ang pagsusuri ng epekto ng serbisyong pangkakalusugan sa mga sintomas na
nararamdaman.
Ayon kay Igun, maaaring magsabay-sabay ang iba’t-ibang antas o hindi, at maaari rin na
hindi dumaan sa ibang mga antas base sa uri ng sakit o klase ng aksidente (sumangguni sa
Apendiks C para sa karagdagang impormasyon hingil sa Antas ng Health-seeking Behavior
ni U.A. Igun).
D. Pinagsamang Modelo ng Health-seeking Behavior ni Andersen at Igun
Ang ginawang modelo ni Andersen sa serbisyong pangkalusugan at ang proseso ng
health-seeking behavior ni Igun ang gumabay sa pagsisiyasat na ito ng health-seeking
behavior ng mga katutubong kababaihang Mangyan ng tribong Hanunuo. Ang modelo ni
Igun ay nagbigay ng isang isang mas malawak na pag-intindi sa proseso ng health-seeking
behavior habang ang modelo naman ni Andersen ang naglarawan ng iba’t-ibang mga salik
na nakaka-impluwensya sa proseso ng health-seeking. Parehong pinapayagan ng mga
naturang na modelo ang kultural na konsepto ng malapit na relasyon ng pamilya at ang
pagpili ng serbisyong pangkalusugan na hindi kanluraning ang konseptong pinagbasehan.
Isinaalang-alang ang mga ito sa pag-aaral ng health-seeking behavior ng mga katutubong
kababaihang Mangyan dahil ang mga ito, sa pamamagitan ng kahulugan, at sa sariling
pagpapasiya, ay mga katutubo. Naging mas mahalaga ang dalawang modelo na ito dahil sa
- 23 -
pinagsamang dalawang pangunahing paliwanag: ang katangian ng health-seeking at ang
mga katangian ng sistema ng kalusugan, upang sapat na maunawaan ang health-seeking
behavior at maipaliwanag ng maayos ang hindi pagkapantay-pantay sa akses.
Ipinapakita sa grapikong pagsasalarawan sa ibaba ang mga baryabol na isinaalang-
alang sa pag-aaral na ito. Ang katutubong kababaihang Mangyan, partikular ang tribong
Hanunuo, ang naging sentro ng pananaliksik na ito. Sinuri ang kanilang kalagayan sa
pamamagitan ng pagtingin sa kanilang health-seeking behavior.
Grapikong pagsasalarawan bilang 1: Mga salik na nakakaapekto sa health-seeking behavior ng mga katutubong Mangyan
Malayang Baryabol
Katutubong Kababaihang Mangyan ng Tribong Hanunuo
Predisposing characteristics
Enabling resources
Health status outcomes
Di-malayang Baryabol
Health-seeking Behavior
symptom-experience
self-treatment
pagpapaalam ng kanyang kalagayan ang sa mga taong malalapit
assessment of symptoms
pagpapahayag ng pagkabahala sa kalagayan
pagsusuri ng malamang bisa at kaangkupan ng pangagamot
pagpili ng serbisyong pangkalusugan
treatment o ang aktuwal na panggagamot
pagsusuri ng epekto ng serbisyong pangkakalusugan sa mga sintomas na nararamdaman
assumption of sick-role
Feedback mechanism
- 24 -
VII. METODOLOHIYA
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Participatory Action Research bilang punong
pamamaraan para kumuha ng mga datos tulad ng mga indibidwal na pakikipanayam, focus
group discussion (FGD), pulong-komunidad, at pakikihalubilo sa mga mamamayan.
Tiningnan ng pag-aaral na ito ang tatlong salik na sinukat ng mga sumusunod:
1. Batayang impormasyon ng katutubong komunidad
- Tumutukoy sa demograpikong katangian ng mga Mangyan ng tribong
Hanunuo sa Mindoro. Kabilang dito ang edad, katayuang sibil at mga
pinagkukunan ng kita ng mga tao sa komunidad. Kasama rin dito ang mga serbisyo
sa pangangalagang pangkalusugan at mga pasilidad at mga organisasyong umiiral
sa komunidad.
2. Pangkalusugang kaalaman, aktitud, at pananaw
- Tumutukoy sa mga kaalaman, aktitud, at pananaw sa mga serbisyong
pangkalusugan, mga manggagawang pangkalusugan at mga pasilidad sa mga
komunidad. Gagamitin ang mga modelong ginawa ni Andersen at Igun bilang
balangkas sa pagsusuri ng mga kaalaman, aktitud, at pananaw ng mga katutubong
kababaihan
3. Pananalaping panserbisyong pangkalusugan
- Tumutukoy sa iba't-ibang mga indibidwal o grupo panukala/ aksiyong
ginawa ng mga tao upang tustusan ang kanilang pangangailangan sa kalusugan.
- 25 -
Ang pagpili ng katutubong komunidad ng mga Mangyan para sa populasyon ng
pananaliksik ay nakabatay sa kusang-loob na pagpayag ng komunidad na lumahok dito, sa
bilang ng mga maaaring maging kontak sa komunidad, at ang antas ng organisasyon ng
komunidad. Ang mga katutubong komunidad ay pinili pagkatapos ng pag-uusap kasama
ang Samahan ng mga Magbubukid ng Kanlurang Mindoro (SAMAKAMI) at ang mga lider
ng mga naturang na tribo. Bago pinili ang mga katutubong komunidad, ang mananaliksik
ay nagsagawa ng panlipunang pagsisiyasat. Tiningnan ng mananaliksik ang panlipunan,
pang-ekonomiya at pampulitikang sitwasyon ng komunidad ng mga Mangyan.
Ginamit ang wikang Filipino bilang midyum sa mga kinapanayam at mga ginawang
census. Ang census na ginamit sa pananaliksik na ito ay binuo, dinesenyo, at pinagtibay sa
tulong ng sarbey na binuo ng mga naunang pananaliksik na inulunsad ng gobyenrno
tungkol sa health-seeking behavior.
Sa isinagawang census, lumahok lahat ang 66 kababaihang Mangyan ng tribong
Hanunuo na naninirahan sa Sitio Emok, Barangay Paklolo, Magsaysay, Occidental
Mindoro. Nagkaroon rin ng mga indibidwal na pakikipanayam kasama ang punong
barangay health worker (BHW) ng komunidad at ang pinakasikat na albularyo at
manghihilot ng tribo. Nagsagawa rin ng focus group discussion kasama ang pinuno ng
tribo, opisyal ng barangay, opisyal ng SAMAKAMI, at ilang mga kababaihan. Para naman
sa mga sekundaryong mga datos, ginamit ang mga lektyur ni Propesor Leonardo R. Estacio
Jr., Ph.D. tungkol sa antropolohiya ng medisina at mga libro at dokumento na nakuha sa
internet at mga aklatan.
- 26 -
VIII. SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay susuriin ang health-seeking behavior ng mga katutubong
kababaihan sa pamamagitan ng mga katutubong kababaihang Mangyan ng Pilipinas sa
Mindoro, partikular sa tribo ng mga Hanunuo.
Sasaklawin ng pag-aaral na ito kung paano, kailan, saan, at kung bakit kumukuha
at gumagamit ng serbisyong pangkalusugan ang mag katutubong kababaihan. Aalamin din
ng pag-aaral na ito kung paano nakakaapekto ang intersectionality ng kanilang kasarian at
etnisidad sa kanilang pag-uugali tungo sa kanilang kaalaman, aktitud, at pananaw sa
paghahanap ng mga serbisyong pangangalagang pangkalusugan.
IX. ETIKA SA PANANALIKSIK
Upang umayon alinsunod sa tamang pag-uugali ng isang agham panlipunang
pananaliksik, ang mga sumusunod na etikal na konsiderasyon ng boluntaryong pakikilahok
na hindi makakasama, pagsisiwalat, at pagkawala ng lagda at pagiging kompidensiyal ay
dapat ensayado sa buong pananaliksik. Kaalamang pahintulot ay hahangarin mula sa mga
kakapanayamin bago ang simula ng pakikipanayam. Isisiwalat sa kakapanayamin ang mga
layunin at ang likas na katangian ng pag-aaral na isinasagawa at mayroon silang karapatang
panatilihin ang kanilang sarili bilang kumpidensyal na batis.
- 27 -
X. PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA TERMINO
Health-seeking Behavior – tumutukoy sa aksyong ginawa upang mapangalagaan,
magpanatili, at maitaguyod ang sariling kalusugan, kahit na ano pa ang kasalukuyang
katayuan ng kalusugan (Bausell, 1987). Kabilang dito, ngunit hindi limitado sa,
pangkalahatang pagsusulong ng kalusugan kasanayan, tulad ng pagpili ng malulusog na
mga pagkain, regular na pisikal na ehersisyo at aktibidad, paglahok sa pagsusulong ng
programang pang-edukasyon hingil sa kalusugan at, pag-akses sa mga pangontra-sakit na
mga serbisyong pangkalusugan.
Katutubong kababaihan – ang mga babae sa mga grupo ng mga tao na mga
kaapu-apuhan ng mga orihinal na mga naninirahan sa isang tinukoy na teritoryo;
nasasaklawan ng natatanging kultura pati na rin ang panlipunan, pang-ekonomiya at
pampulitikang sistema at institusyon; at nagnanais na panatilihin ang kanilang natatanging
mga pagkakakilanlan na bukod sa mainstream (Tebtebba Foundation, 2013).
Serbisyong pangkalusugan – ang pagpapanatili at pagpapanumbalik ng kalusugan
sa pamamagitan ng panggagamot at pag-iwas sa sakit (MacKian, 2003) hindi lamang sa
mga sinanay at lisensiyadong mga propesyonal na mga doktor (biomedikal na serbisyong
pangkalusugan), ngunit pati na rin sa mga manghihilot at albularyo (katutubong serbisyong
pangkalusugan).
- 28 -
Grapikong pagsasalarawan bilang 2: Edad ng Populasyon
Batis: ang pananaliksik na ito
XI. PRESENTASYON NG MGA RESULTA AT DISKUSYON
Ang lupang ninuno ng mga katutubong Mangyan ng tribong Hanunuo ay
matatagpuan sa bulubunduking lugar ng Sitio Emok, Barangay Paklolo, Magsaysay,
Occidental Mindoro.
A. Demograpiko
Ang mga lumahok sa pagsagot ng naturang na sarbey ay nasa pagitan ng edad 17
hanggang 90 taong gulang. Ang pinakamataas na konsentrasyon ng mga lumahok sa sarbey
ay nasa edad 17 hanggang 26 na taong gulang (grapikong pagsasalarawan bilang 2).
Marami sa mga sumagot ay may-asawa na o nagsasama sa iisang bubong (92%) at kakaunti
lang ang walang asawa (3%), biyuda (2%), at hiwalay na (3%) (grapikong pagsasalarawan
bilang 3).
Ang nangingibabaw na pangunahing trabaho ng mga kababaihan ay ang
pangangasiwa ng bahay (46%) at pag-uuling (44%). Ang pagsasaka (5%) at paghahayupan
(5%) naman ang mga hanapbuhay na di-gaanong popular sa mga kababaihan (grapikong
pagsasalarawan bilang 4).
walangasawa
3%
mayasawa
92%
hiwalay
3%
biyuda
2%
edad17-26
43%
edad27-36
30%
edad37-46
9%
edad47-56
9%
edad57pataas
9%
Grapikong pagsasalarawan bilang 3: Katayuang Sibil ng Populasyon
Batis: ang pananaliksik na ito
- 29 -
Grapikong pagsasalarawan bilang 4: Trabaho ng Populasyon
Batis: ang pananaliksik na ito
B. Konsepto ng Kalusugan
Ang pagtingin sa kalusugan ng mahigit sa sangkatlo o 36% ng mga kababaihang
Mangyan ay hindi lamang nakabatay sa simpleng kawalan ng nararamdamang sakit ng
isang tao, bagkus isinasaalang-alang rin nila ang kabuuang kalusugang pangkaisipan,
pangkultura, panlipunan, at pangpulitika na kagalingan o kaginhawaan. Ang kanilang
konsepto naman ng mga serbisyong pangkalusugan ay pawang curative sa halip na
preventive dahil 80% sa kanila ay mas pinipiling magpunta sa isang manggagawang
pangkalusugan kung may nararamdaman ng sintomas ng sakit. Ang mga problemang
pangkalusugan naman na kanilang nararamdan ayon sa 91% ng mga kababaihan ay hindi
na iba sa mga problemang pangkalusugan ng mga di-katutubo. Malaking porsyento sa
kanila ay naniniwala na dahil sa epekto ng akulturasyon, pati ang sakit ng sibilisasyon ay
nagiging sakit na rin nila.
C. Pagpili ng Uri ng Serbisyong Pangkalusugan
Ang pagpili ng mga serbisyong pangkalusugan ay isang komplikadong desisyon.
Para sa anumang pag-aaral tungkol sa mga dahilan sa pagpili ng isang serbisyong
pangangasiwa
ngbahay
46%pag-uuling
44%
pagsasaka
5%paghahayupan
5%
- 30 -
pangkalusugan, mahalagang maipakita kung ano ang madalas na serbisyong
pangkalusugang pinipili ng isang indibidwal. Ang mga katutubong kababaihang Mangyan
ng tribong Hanunuo ay may akses sa maraming mga serbisyong pangkalusugan kabilang
na ang mga albularyo, manghihilot, barangay health worker o BHW, at mga doktor. Ayon
sa 68% ng mga kababaihan, kuntento na sila sa kasalukuyang mga serbisyong
pangkalusugang maaari nilang makuha sa kanilang pamayanan.
Ang mga pasilidad ng biomedikal na serbisyong pangkalusugan ay Barangay
Paklolo Health Center, Magsaysay Rural Health Unit, at San Jose District Hospital. Lahat
ng ito ay pagmamay-ari at pinapatakbo ng pamahalaan ng Pilipinas. Sa tatlong biomedikal
na serbisyong pangkalusugang ito, ang Magsaysay Rural Health Unit at San Jose District
Hospital ang pinaka-popular na nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan ngunit ang San
Jose District Hospital naman ang pinakamalaki at pinakakumpleto sa pasilidad. Ang
Magsaysay Rural Health Unit ay nauuri bilang isang pangunahing nagbibigay ng
pangangalagang pangkalusugan habang ang San Jose District Hospital naman ay nauuri
bilang isang sekundaryong nagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan.
Marami ring pinupuntahang mga katutubong serbisyong pangkalusugan sa
baranggay Paklolo ngunit ang pinakamadalas na pinupuntahan ng mga kababaihang
katutubo ay ang albularyo at manghihilot na sina Lolo Bistre at Aling Linda. Walang
espesyal na pasilidad ang mga mangagawang pangkalusugang ito at tanging sa kanilang
mga tahanan lang nila isinasagawa ang serbisyong pangkalusugan. Ang tanging
pagkakaiba lang ni Aling Linda kay Lolo Bistre ay siya ay isang katutubong Mangyan
habang si Lolo Bistre naman ay nagmula sa Visayas at nangibang-bayan na lamang para
permanenteng manirahan sa lugar ng mga Mangyan.
- 31 -
Grapikong pagsasalarawan bilang 5: Pangunahing Pinagkukunan ng Serbisyong Pangkalusugan
Batis: ang pananaliksik na ito
Para sa karamihan ng mga kababaihan, ang kanilang pinaka prayoridad sa pagpili
ng serbisyong pangkalusugan ay ang pinakamalapit sa kanilang bahay (42%), at ang may
pinakakumpletong gamot (24%). Nakakagulat na walang sumagot na kanilang prayoridad
ay gastos sa serbisyong pangkalusugan. Nagpapahiwatig ito na ang mga indibidwal ay
hindi lamang madalas pumupunta sa pinakamalapit at sa pinakamurang serbisyong
pangkalusugan. Nabanggit ng mga kababaihan na kahit ang Barangay Pakalolo Health
Center ang pinakamalapit sa kanilang mga bahay, hindi nila ito madalas pinipiling
puntahan dahil sa kakulangan nito ng mga kagamitan, gamot, at mga pangkalusugang
manggagawa. Dahil ang porsyento ng mga indibidwal na naghahanap ng pinakamalapit at
pinakamurang serbisyong pangkalusugan ay hindi 100%, tila ba higit pa sa lapit at gastos
ang nakakaapekto sa desisyon ng mga kababaihan sa pagpili nila ng serbisyong
pangkalusugan.
Ang mga katutubong kababaihan ay tiyak ngang sinusuri ang mga maaaring kunin
na serbisyong pangkalusugan sa kanyang kapaligiran. 97% ng mga lumahok sa sarbey ay
nakapagpakunsulta o nakapagpagamot na sa ibang serbisyong pangkalusugan maliban sa
kanyang karaniwang pinupuntahan. Kabilang sa mga serbisyong pangkalusugang ito ang
mga doktor (35%), albularyo (59%), manghihilot (3%), at barangay health worker (3%)
albularyo
59%
doktor
35%
manghihilot
3%
BHW
3%
- 32 -
(grapikong pagsasalarawan bilang 5). Halos lahat ng mga katutubong kababaihan ay
parehong nakapagpakunsulta o nakapagpagamot na sa mga katutubong manggagamot at sa
mga biomedikal na manggagamot para sa pangangalaga ng kanilang kalusugan
(sumangguni sa Apendiks D para sa karagdagang impormasyon).
doktor,14%
doktor,20%
doktor,33%
doktor,83%
doktor,83%
manghihilot,14%
manghihilot,15%
manghihilot,0%
manghihilot,50%
manghihilot,17%
kumadrona,61%
kumadrona,30%
kumadrona,33%
kumadrona,0%
kumadrona,0%
sarili,11%
sarili,35%
sarili,33%
sarili,17%
17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 6: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Manganganak
Batis: ang pananaliksik na ito
- 33 -
Ang mga katutubong kababaihan pagdating naman sa panganganak ay mayroong
apat na uri ng pagkuha ng serbisyong pangkalusugan. Ang mga ito ay ang pagpunta sa
doktor, manghihilot, kumadrona, at sariling panganganak ng walang anumang gabay ng
isang manggagawang pangkalusugan. Ayon sa mga katutubong kababaihan, ang
panganganak ng sarili ay isinasagawa sa pamamagitan ng simpleng pag-ire sa kanilang
mga kabahayan habang nakahiga ito. Ang isang miyembro naman ng pamilya na kadalasan
ay ang asawa ang nakatoka sa pagsalo ng ulo ng bata habang umiire ang nanay. Ang
gantong pamamaraan ng panganganak ay tinuturing na karaniwan sa kanilang komunidad.
Ang mga kababaihang edad 17 hanggang 36 ay mas sumasandig sa mga katutubong
pamamaraan ng panganganak tulad ng mga kumadrona at pagpapaanak ng sarili kumpara
sa mga kababaihang edad 47 hanggang 90. Sa kabilang banda naman ang mga kababaihang
47 hanggang 90 ay mas nagbibigay ng tiwala sa biomedikal na serbisyong pangkalusugan
pagdating sa panganganak. Para naman sa mga may edad 37 hanggang 46, balanseng
nahahati ang populasyon sa pagpapanganak gamit ang katutubo at biomedikal na paraan
(grapikong pagsasalarawan bilang 6).
Ang desisyon sa pagpili ng serbisyong pangkalusugan ay hindi lamang nakabatay
kung biomedikal o katutubo ang nagbibigay nito. Mayroon ring aspeto ng oras na
nakapaloob dito. Anumang dagdag na oras ng paghihintay ay mayroon ding kaukulang
dagdag sa kabuuang halaga ng pagkuha ng serbisyong pangkalusugan dahil bawat oras na
ginugugol rito ay nawawalan sila ng kita mula sa trabaho, at ang kanilang kondisyon ay
lumalala. 6% ng mga kababaihan ang kumukuha ng serbisyong pangkalusugan sa unang
araw na lumitaw ang sintomas ng sakit. 42% naman ang naghihintay ng dalawang araw,
habang 31% ang naghihintay ng tatlong araw. Tig-6% naman ang nagsasabing mag-aantay
- 34 -
sila ng apat o limang araw, habang 1% ang sa anim na araw. Ang nagsabing mag-aantay
ng isang linggo bago magpakonsulta ay nasa 8% naman (grapikong pagsasalarawan bilang
7). Ang desisyon na ito ay mayroon ding kalakip na maraming mga dahilan, tulad ng
kalubhaan ng sakit at oras ng operasyon ng mga nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan.
Mayroong positibong ugnayan rin sa pagitan ng kalidad ng mga kalsada at sa tagal ng
inaantay bago kumuha ng serbisyong pangkalasugan. Ito ay may mahalagang implikasyon
sa sistemang pangkalusugan ng mga katutubong Mangyan sa pangkalahatan at sa partikular
naman sa pasilidad pangkalusugan.
Ang pagiging maagap sa pagkuha ng biomedikal na serbisyong pangkalusugan ay
inversely proportional sa layo ng pasilidad ng serbisyong pangkalusugan. Halimbawa, ang
mga indibidwal na pangunahing kumukuha ng serbisyong pangkalusugan sa Barangay
Paklolo Health Center ay mas matagal ang inaantay bago magtungo sa ospital kapag
nagkaroon ng senyales ng pagkakasakit kumpara sa mga indibidwal na pangunahing
humihingi ng serbisyong pangkalusugan sa San Jose District Hospital. Ang isang
pinaghihinalaang dahilan ay kapag higit na mas malayo ang pangunahing pinagkukunan
ng serbisyong pangkalusugan ng isang indibidwal, mas kaunti ang araw na aantayin niya
1araw
6%
2araw
42%
3araw
31%
4araw
6%
5araw
6%
6araw
1%
7araw
8%
Grapikong pagsasalarawan bilang 7: Bilang ng Araw na Inaantay Bago Kumuha ng Serbisyong Pangkalusugan
Batis: ang pananaliksik na ito
- 35 -
bago siya kumuha ng serbisyong pangkalusugan. Ang mga kababaihan na pangunahing
kumukuha ng serbisyong pangkalusugan sa San Jose District Hospital ay kumkuha ng
serbisyong pangkalusugan ng mas maaga dahil ang dadaanang 24 na kilometrong kalsada
upang marating ang ospital ay hindi pa sementado at sub-standard pa ang pagkakagawa ng
sementadong parte ng ilang mga kalsada. Bukod pa rito, kailangan pa rin nilang bagtasin
ang gitna ng komersyo ng lungsod ng San Jose, Occidental Mindoro na karaniwan ay
punong-puno pa ng sasakyan. Mas gusgustuhin pa nilang magpunta ng maaga upang
maagapan agad ang sakit dahil dagdag na gastos pa to kung ito ay lumala. Kapag mas
mabilis na nagamot ang sakit, mas mabuti ang kalalabasan; ang istatistikang ito,
samakatuwid, ay may mahalagang implikasyon para sa mga nagbibigay ng serbisyong
pangkalusugan at sa pangkalahatang sistema na rin ng kalusugan.
D. Gastos sa Pagkuha ng Serbisyong Pangkalusugan
Ang gastos sa paghahanap ng serbisyong pangkalusugan ay hindi lamang
nagtatapos sa gastos sa konsultasyon at gamot dahil mayroon pa itong mga nakatagong
mga gastos na nakapaloob. Ang mga gastos na ito ay ang tinatawag na mga opportunity
cost sa pagkuha ng serbisyong pangkalusugan. Ang naturang gastos sa serbisyong
pangkalusugan, ang oras na ginugol upang maghanap ng serbisyong pangkalusugan, at ang
pagkawala ng kita dahil sa hindi pagtatrabaho habang kumukuha ng serbisyong
pangkalusugan ay ilan lamang sa mga gastos na maaaring makaapekto sa health-seeking
behavior ng isang indibidwal.
Ang unang gastos ay ang mismong gastos sa isang serbisyong pangkalusugan.
Kasama sa naturang gastos na ito ang gastos sa konsultasyon, ilang mga pagsususri at
- 36 -
pamamaraang pangkalusugang isinagawa at ang mga kinailangang gamot upang gumaling.
Ang kabuuang gastos sa pinakahuling bisita ng mga kababaihan para kumuha ng
biomedikal na serbisyong pangkalusugan, ay PHP 0.00. Wala silang ginastos sa
konsultasyon at sa mga isinagawang pagsusuri at pamamamarang pangkalusugan. Ang
naturang serbisyo, ayon sa kanila, ay libre para sa mga katutubong mamamayang Mangyan.
Kinakailangan lamang nilang magpakita ng isang Philhealth kard na proyekto ng
Department of Health (DOH) upang ang kanilang pagkakakilanlan bilang isang lehitimong
katutubo ay mapatunayan. Ang proyektong ito ay ipinatupad ng mayroong buong
pahintulot ng lider ng mga katutubong tribong Mangyan.
Ang programang ito ay nakapaloob sa proyekto ng DOH na Universal Health Care
(UHC) at Geographically-isolated and Disadvantaged Health Systems Development
(GIDA HSD) na ipinapatupad sa tulong ng Department of Interior and Local Government
(DILG) at National Commision on Indigenous People (NCIP). Naglalayon ang
programang ito na pagbutihin ang kasalukuyang sistema ng kalusugan sa pamamagitan ng
pagtuon ng pansin sa di pagkapantay-pantay ng kalusugan sa mga GIDAs at mas mapabuti
pa ang akses sa mga kaalaman at serbisyong pangkalusugan. Ang mga katutubo ay
automatikong isasama sa programa ng Philhealth kaya naman makakatanggap sila ng
libreng konsultasyon at iba pang mga serbisyong pangkalusugan. Ang tanging hindi lang
kasama sa nasabing programa o ang mga out-of-pocket expenses na ng mga katutubo ay
ang mga gastusin sa mga gamot, pamasahe sa transportasyon sa pasilidad pangkalusugan,
living allowance ng bantay ng pasyente sa ospital at marami pang iba (sumangguni sa
Apendiks E para sa karagdagang impormasyon hingil sa DOH-NCIP-DILG JOINT
- 37 -
MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2013-01: Guidelines on the Delivery of Basic Health
Services for Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples).
Ang mga gastos sa mga gamot ay karaniwang umaabot ng PHP 10.00 hanggang
PHP 7,000.00 ayon sa pinakahuling konsultasyon nila. Ang mga numerong ito, bagamat
batay lamang sa mga katutubong Mangyan ng tribong Hanunuo, ay nagpapakita na ang
mga katutubo sa mga komunidad ay naghihintay pang magkaroon ng sakit bago kumuha
ng serbisyong pangkalusugan, na madalas dahil sa mga komplikasyon ay nagreresulta sa
mas mataas na gastos. Isa pang salik na nagpapataas sa gastos sa gamot ay ang maling
paggamit at pag-inom nito. 55% ng mga kababaihan ang naniniwalang kapag gumaling na
ang pasyente, maaari na nilang itigil ang pag-inom ng gamot kahit na hindi pa ubos ang
naireseta. Delikado ang gawaing ito dahil malaki ang tiyansa na ang sakit ay di pa tuluyang
magaling at magresulta pa sa mas komplikadong mga sakit. Sa aspeto naman ng pag-inom
ng mga dati nang nairesetang gamot tulad ng antibiotics para sa sakit na katulad ng dati,
55% ang nagsabing hindi dapat ito gawin dahil kinakailangan munang magpareseta muli
ng bago. Magandang senyales ito sa tamang paggamit ng mga gamot dahil mas pinapababa
nito ang posibilidad na magkaroon pa ng mas malaking gastos dahil sa komplikasyon.
Sa kabilang dako naman, sa mga kumukuha ng katutubong serbisyong
pangkalusugan, ang kabuuang binabayaran ng mga pasyente para sa buong serbisyo,
kabilang na ang kanilang mga gamot, ay naglalaro sa PHP 0.00 hanggang PHP 100.00.
Ayon sa mga albularyo at mga manghihilot, libre ang serbisyong ito at ipinagkakaloob
kanino man. Sadyang dala lamang ng pasasalamat ng kanilang mga pasyente para sa
- 38 -
paggamot ng kanilang sakit kaya sila nakakatanggap ng donasyon sa porma ng pera at
anumang bagay. Kahit mas mura ang gastos sa mga gamot sa katuutbong serbisyong
pangkalusugan, 53% ang nagsasabing mas pipiliin nila ang mga gamot na binigay ng
biomedikal na serbisyong pangkalusugan dahil ito raw ay mas mabisa. Patunay ulit ito
hindi lang gastos ang tinitingnan sa pagpili ng serbisyong pangkalusugan. Kahit na mas
mataas ang ginagastos ng mga kumukuha ng biomedikal na serbisyong pangkalusugan,
mas pinipili pa rin nila ito.
Ang pinagtutustos naman sa mga serbisyong pangkalusugan ay karaniwang
nanggagaling sa sariling bulsa (54%). Marami ring nagsasabi na kanila itong inuutang sa
kamag-anak o kaibigan (21%), at ihinihingi ng tulong sa mga pulitiko (12%). Kakaunti
alamang ang nagsabi na ito’y kanilang nakukuha sa pagbebenta ng mga alagang hayop o
ari-arian (9%), binabawas sa suweldo (2%), at sa Insurance (2%) (grapikong
pagsasalarawan bilang 8).
Isa pang importanteng gastos na kailangang isa-alang-alang ay ang gastos sa
Grapikong pagsasalarawan bilang 8: Pinagkukunan ng Panggastos sa Serbisyong
Pangkalusugan Batis: ang pananaliksik na ito
sarilingbulsa
54%
utangsakaibigano
kakilala
21%
hingingtulong
sapulitiko
12%
bentangari-arian/alagang
hayop
9%
bawassa
suweldo
2%
insurance
2%
- 39 -
paggamit ng transportasyon papunta sa pasilidad ng serbisyong pangkalusugan. Ang
pinaka-karaniwang paraan ng transportasyon sa mga kumukuha ng serbisyong
pangkalusugang katutubo ay ang paglalakad (78%) at pagmomotor (22%) (grapikong
pagsasalarawan bilang 9). Sa serbisyong pangkalusugan namang biomedikal ang
karamihan ay nagmomotor (42%), na sinusundan ng pagsakay ng jeep (40%), at paglalakad
(18%) (grapikong pagsasalarawan bilang 10). Ang jeep ay madalas inaarkila ng buo
sapagkat madalang ang pampasaherong jeep na dumadaan sa lugar at kung mayroon man,
mag-aantay pa ng matagal hanggang sa ito ay mapuno. Ang motor naman ang pangunahin
nilang sinasakyan sa oras ng kagipitan dahil mas marami ito kumpara sa mga jeep.
Ang karaniwang gastos sa transportasyon papunta sa isang katutubong serbisyong
pangkalusugan sa pamamagitan ng pagsakay ng motor ay PHP 15 bawat tao. Ang
karaniwang gastos naman ng mga taong nagpupunta sa Barangay Paklolo Health Center sa
pamamagitan ng motor ay PHP 15 bawat tao rin. Ang mga taong kumukuha naman ng
motor upang maabot ang Magsaysay Rural Health Unit ay nagbabayad ng PHP 40 bawat
lakad
78%
motor
22%
Grapikong pagsasalarawan bilang 9: Transportasyon sa Pagkuha ng Katutubong
Serbisyong Pangkalusugan Batis: ang pananaliksik na ito
motor
42%
jeep
40%
lakad
18%
Grapikong pagsasalarawan bilang 10: Transportasyon sa Pagkuha ng Biomedikal na
Serbisyong Pangkalusugan Batis: ang pananaliksik na ito
- 40 -
tao habang ang mga kumuha naman ng jeep ay nagbabayaad ng PHP 30 bawat tao. Kung
ang mga ito ay aarkila ng buong motor na kadalasang nangyayari sa oras ng kagipitan,
kinakailangan nilang magbabayad ng halos PHP 200 para makarating. Ang pagpunta sa
San Jose District Hospital gamit ang motor ay nasa PHP 100 kada tao at sa pamamagitan
naman ng jeep ay nasa PHP 40 bawat tao. Ang pag-upa ng buong jeep sa mga oras ng
kagiptan ay nasa PHP 500 naman. Ang lahat ng presyong ito ay one-way pa lamang ng
transportasyon. Ang datos na ito ay nagpapahiwatig na ang mga indibidwal mula sa mga
liblib na lugar sa kanayunan ay gumastos ng malaki upang makarating sa pasilidad.
Ang oras na ginugugol sa pag-aantay sa pasilidad ng pinagkukunan ng sebrisyong
pangkalusugan isa ring mahalagang opportunity cost na kailangan isaalang-alang. 58% ng
mga katutubong kababaihan ay nagbibigyan ng serbisyong pangkalusugan sa loob ng
unang 30 minuto, habang 15% naman ang nag-aantay pa ng isang oras. Ang susunod na
11% ay dalawang oras naman ang inaantay at ang huling 16% ay nabibigyan ng serbisyo
pagkatapos ng tatlo o higit pang oras (grapikong pagsasalarawan bilang 11). Ang numerong
30minuto
pababa
58%1oras
15%
2oras
11%
3oraspataas
16%
Grapikong pagsasalarawan bilang 11: Oras na Inaantay sa Pasilidad ng Serbisyong
Pangkalusugan na Biomedikal Batis: ang pananaliksik na ito
- 41 -
ito ay depende pa rin, gayunpaman, ang mga indibidwal na kumukuha ng katutubong
serbisyong pangkalusugan kay Lolo Bistre at Aling Linda (mas mababa sa 10 minuto) ay
higit na mas maikli ang oras na inaantay kumpara sa mga kumukuha ng biomedical na
serbisyong pangkalusugan. Ang karaniwang oras ng paghihintay sa San Jose District
Hospital ay nasa 64 minuto, habang ang karaniwang oras ng paghihintay naman sa
Magsaysay Rural Health Unit ay 69 minuto. Ang Barangay Pakalolo Health Center sa
kabilang banda naman ay may karaniwang oras ng 79 minuto ng paghihintay.
Isa pang mahalagang opportunity cost na nakakaapekto sa pagkuha ng serbisyong
pangkalusugan ay ang pagkawala ng kita nila sa hindi pagtatrabaho ng isang araw. Ang
karaniwang suweldo sa buong araw na pagtatrabaho sa kanilang komunidad ay 150 piso
bagkus, ito ang halagang mawawala sa kanila kapag hindi sila nakapagtrabaho. Gamit ang
pinagsamang oras sa transportasyon papunta at pabalik sa pasilidad ng serbisyong
pangkalusugan, pati na rin ang oras na ginugol sa pag-aantay sa pasilidad, ang isang
pagkuha lang ng serbisyong pangkalusugan ay lubos ng makakaapekto sa buhay ng isang
katutubong kababaihan dahil sa mawawalang suweldo sa pagtatrabaho at ang karagdagang
gastos na hatid nito. Maraming indibidwal ang pilit na nagtatrabaho kahit na may sakit,
walang
humahalili
40%
mayroong
humahalili
60%
walang
humahalili
33%
mayroong
humahalili
67%
Grapikong pagsasalarawan bilang 12: Gumagawa ng Trabaho Kapag Kumukuha ng
Serbisyong Pangkalusugan Batis: ang pananaliksik na ito
Grapikong pagsasalarawan bilang 13: Gumagawa ng Gawaing Bahay Kapag
Kumukuha ng Serbisyong Pangkalusugan Batis: ang pananaliksik na ito
- 42 -
kaya ang tanging oras na sila’y itigil sa pagtatrabaho ay kapag kukuha na sila ng serbisyong
pangkalusugan. Sa mga sumagot ng sarbey, 40% ang nagsabing wala ni isang hahalili sa
kanilang trabaho kapag sila ay kumukuha ng serbisyong pangkalusugan. Sa 60% naman na
mayroong hahalili, ang lahat ng mga ito gagawin ang trabaho ng walang kapalit (grapikong
pagsasalarawan bilang 12).
33% ng mga katutubong kababaihan ay walang kahit sino na mapagiiwanan ng mga
gawaing bahay habang ang mga ito ay nasa pasilidad ng serbisyong pangkalusugan. Sa
67% na mayroong humahalili, madalas na isang miyembro ng pamilya ang umaako nito
(grapikong pagsasalarawan bilang 13). Ang mga nakatagong gastos na ito ng pagpunta sa
isang serbisyong pangkalusugan ay maaaring maging malakas na puwersa na kailangang
kunsiderahin sa paghahanap ng pangangalagang pangkalusugan.
E. Distansya sa Serbisyong Pangkalusugan
Isang mahalagang salik sa health-seeking behavior ng isang indibidwal ay ang oras
na ginugugol nila sa paglalakbay papuntay sa serbisyong pangkalusugan. Ang katutubong
serbisyong pangkalusugan nina Lolo Bistre at Aling Linda ang pinakamalapit na
mapagkukunan ng serbisyong pangkalusugan dahil wala pa sa isang daang talampakan (5
minuto) ang layo nito sa mga kabahayan. Ang mga pasilidad ng biomedikal na serbisyong
pangkalusugan na Barangay Paklolo Health Center, Magsaysay Rural Health Unit, at San
Jose District Hospital ay limang kilometro, 16 kilometro, at 24 kilometro ang layo sa sitio.
Ang layo ng Barangay Pakalolo Health Center sa sitio ay 30 minuto. Ang oras naman ay
tumatagal para sa mga indibidwal na nagpupunta sa Magsaysay Rural Health Unit (1 oras)
at San Jose District Hospital (1 oras at 30 minuto) dahil sa di-gaano kagandang mga kalsada
- 43 -
papunta sa pasilidad pangkalusugan. Kinakailangan ng mga katutubong Mangyan na
kababaihan ng mas matagal na oras upang makakuha ng serbisyong pangkalusugan. Dahil
sa ‘di magandang kondisyon ng mga kalsada, karamihan sa mga indibidwal na ito ay
natatagtag sa byahe kaya naman maaari itong makapinsala lalo sa kanilang ‘di na
magandang kondisyon ng katawan.
Ang distansya ay maaaring maging isang makabuluhang salik sa health-seeking
behavior ng isang indibidwal. Ang salik na ito ay maaaring pumigil sa mga indibidwal sa
rural na komunidad, na huwag kumuha ng preventive na serbisyong pangkalusugan
kumpara sa mga indibidwal na nakatira sa mas malapit at mas maayos na serbisyong
pangkalusugan. Batay sa katunayan na ang mga pasyente na lubhang mas malapit ang
tirahan sa mga serbisyong pangkalusugan ay mas mura ang kakailanganing gastusin hingil
sa transportasyon kumpara sa mga nakatira sa mga liblib na lugar na mas malayo at mas
mahal ang gagastusin sa transportasyon. Ang mga katutubong kababaihan ay maaaring
antayin na lamang lumitaw at lumala ang karamdaman bago pumunta at gumastos ng pera
at maglakbay ng malayo. Ito ay isang relasyon na nararapat na bigyan pa ng higit na pansin,
dahil ang pagsusuri na ito ay hindi sapat para mapatunayan na ang distansya ay mayroong
negatibong epekto sa health-seeking behavior ng isang indibidwal.
F. Kalidad ng Serbisyong Pangkalusugan
Malaki rin ang ginagampanan ng kalidad ng serbisyong pangkalusugan dahil ang
isang indibidwal ay pupunta lamang sa isang serbisyong pangkalusugan na tingin niya ay
mataas ang kalidad nito. Ang paglipat ng 97% ng mga katutubong kababaihan sa ibang
serbisyong pangkalusugan maliban sa pangunahin nilang pinupuntahan ay karagdagang
- 44 -
katibayan na ang kalidad ay isang mahalagang dahilang kailangang suriin.
Ang mga nagpupunta sa biomedikal na serbisyong pangkalusugan ay nagsasabing
33% sa kanila ay “lubos na bumuti” ang pakiramdam, at 66% naman ang nagsasabing
“bumuti” ang kanilang pakiramdam. Tanging 3% ng mga katutubong kababaihan ang
nagsabing “walang pinagbago” ang kanilang pakiramdam pagkatapos ng pagkuha ng
serbisyong pangkalusugan (grapikong pagsasalarawan bilang 14). Para naman sa mga
kumukuha ng serbisyong pangkalusugang katutubo, 20% ang nagsabing “lubos na bumuti”
ang kanilang pakiramdam habang 75% naman ang nagsabing “bumuti” ang kanilang
kalagayan. 5% lang ang nagsabing “walang pinagbago” sa kanilang pagpapagmot rito
(grapikong pagsasalarawan bilang 15).
Ang 67% ng mga katutubong kababaihan ang nagsasabing trinatrato sila ng maayos
sa lugar ng pinagkukunan ng serbisyong pangkalusugang biomedikal habang ang 33%
naman ay nakakaramdam ng pagtatangi at diskriminasyon (grapikong pagsasalarawan
bilang 16). Batay sa panayam, pagdating pa lamang ng mga katutubo sa pasilidad
Grapikong pagsasalarawan bilang 14: Pakiramdam Pagkatapos Kumukuha ng Serbisyong Pangkalusugang Biomedikal
Batis: ang pananaliksik na ito
Grapikong pagsasalarawan bilang 15: Pakiramdam Pagkatapos Kumukuha ng Serbisyong Pangkalusugang Katutubo
Batis: ang pananaliksik na ito
lubosna
bumuti
32%
bumuti
65%
walang
pinagbago
3%
walang
humahalili
20%
bumuti
75%
walang
pinagbago
5%
- 45 -
pangkalusugang Magsaysay Rural Health Unit at San Jose District Hospital, hinihiwalay
na agad sila sa mga di-katutubong nagpapagamot. Mayroong hiwalay na kwarto ang mga
katutubo at tanging doon lamang sila maaaring kumuha at bigyan ng serbisyong
pangkalusugan. Paliwanag ng mga opisyal ng ospital, kaya inihihiwalay ang mga katutubo
ay dahil para raw malaman nila kung sino ang mga pasok sa libreng konsultasyon at
pagpapagamot na iginagawad lamang sa mga katutubo. Mayroong ding mga reklamo hingil
sa pagdiskrimina sa kanila base sa kanilang itsura at pananamit. Nag-iiba ang pakitungo sa
kanila pag nalaman at nakita na sila ay katutubo. Di sila gaanong inaasikaso at
pinababayaan kumpara sa mga di katutubo na nagpapagamot. Nagiging mas prayoridad ng
mga mangagawang pangkalusugan ang mga may pera at maayos ang itsura. Mayroong
pang mga insidente na kung saan nakikita nilang umiiral pa rin ang “padrino system” sa
mga ospital ng gobyerno. Sa kabilang banda naman, walang nagsabi na sila ay sekswal na
inabuso ng mga manggagawang pangkalusugan.
dinakaramdan
67%
nakaramdam
33%
Grapikong pagsasalarawan bilang 16: Nakaramdam ng Diskriminasyon sa Pagkuha ng
Serbisyong Pangkalusugan Batis: ang pananaliksik na ito
- 46 -
G. Pagkakakilanlan Bilang Babae at Katutubo
Patuloy pa ring patreyarkal ang pamumuhay ng mga katutubong Mangyan ng
tribong Hanunuo. Ang mga lalaki ang bahala sa pagtatrabaho at pagbuhay sa pamilya. Sila
ang tumatayong lider di lamang sa pamilya kundi pati na rin sa komunidad. Tanging
pinakamatandang lalaki lamang ang maaaring maging lider ng tribo kahit pa mayroong
mas matanda rito na babae. Ang kababaihan naman kadalasan ang naiiwan sa mga tahanan
bilang punong-abala sa pangangalaga ng mga anak at pagsisilbi sa asawa. Sila rin ang
namamahala sa mga gawaing bahay na kailangang gawin araw-araw. Bukod pa rito,
nagtatrabaho pa sila kadalasan at nakikipag-arawan upang makadagdag sa pang-araw-araw
nilang gastusin. Kahit pa nakakaramdam na ng sintomas, hindi nagagamapanan ng mga
katutubong kababaihan ang katayuang pagkakasakit o ang assumption of sick-role na
importante sa proseso ng paggaling. Hindi rin nila maipaalam ang kanilang kalagayan sa
mga taong malalapit sa kanya dahil sa marami nilang tungkuling kailangan pangatawanan.
Hindi lang tulad sa mga lalaki na ang maiiwang trabaho sa pag-aarawan lang ang magiging
hadlang kundi pati na rin ang maiiwang pamilya at gawaing bahay na pareho nilang
obligasyon. Tinatago at tinitiis na lamang nila ito dahil sa maraming salik na maaepktuhan
kaya pati ang kanilang mental at emosyonal na kalagayan ay naapektuhan na rin. Ang mga
bagay na ito ang lalong nagpapakumplikado at mas nagpapahirap ng pagkuha ng
serbisyong pangkalusugan ng mga kababaihan sa mga komunidad at tahanan kaya ang
kanilang kalusugan ay naisasang-tabi at karaniwang nagiging mas salat pa kesa sa mga
kalalakihan.
Ang diskriminasyon na kanilang nakukuha sa pagiging katutubo, babae at, mahirap
ay di nagtatapos sa tahanan at komunidad. Ito’y higit na nakakaapekto pag sila ay
- 47 -
kumukuha na ng serbisyong pangkalusugan sa mga ospital na biomedikal. Ang pagiging
katutubo ay naiihalintulad na sa pagiging mahirap o salat kaya naman kung titingnan ng
mabuti pagdating sa mga ospital, karaniwang hindi sila dinidiskrimina talaga dahil sa
kanilang pagkakakilanlan na isang katutubo kundi sa paghalintulad ng salitang katutubo sa
kawalan ng pang-ekonomiyang kakayahang magbayad sa mga serbisyong pangkalusugan.
Hindi lang iyon ang nangyayari dahil dagdag pa rito, ang diskriminasyong natatanggap nila
sa pagkakakilanlan na pagiging babaeng Mangyan, na sa isang patriyarkal na lipunan tulad
ng mga ospital, ay mas madaling itaboy at walang kapangyarihan masyado kumpara sa
mga kalalakihan na lumalaban para sa kanilang karapatang pangkalusugan. Likas sa mga
Mangyan ang pamumuhay ng mapayapa hindi tulad ng mga katutubo sa hilagang parte ng
Pilipinas na sumasabak sa mga katutubong gera at pag pugot ng ulo. Hanggat maaari,
pinapangalagaan ng kanilang sistemang moral ang kapayapaan kahit ano pa man ang
mangyari. Kitang-kita sa kasaysayan nila ang pag-iwas nila lagi sa gulo at ang kanilang
mapayapang pagsuko sa mga mananakop, misyonaryo, nangangalakal, at sa mga opisyal
ng gobyerno. Ang kanilang kabaitang ito kadalas ay sinasamantala at inaabuso ng mga
mangagawang pangkalusugang biomedikal.
Isa pang popular na salitang inihahalintulad ng mga di katutubo sa mga Mangyan
ay ang pagiging mang-mang o walang alam. Madalas niloloko at sinasamantala ang mga
Mangyan dahil sa maliit na kapasidad nito sa pag-intindi ng mga sistema ng serbisyong
pangkalusugan. Walang kalaban-laban ang mga ito sa mapagsamantala at mapamintas na
mga di katutubo.
- 48 -
Ang mga bagay na ito ay mayroong pangmatagalang epekto hindi lamang sa
indibidwal na iyon kundi sa buong komunidad na kanyang kinasasapian dahil pagdating sa
yugto ng pagsusuri ng epekto ng serbisyong pangkakalusugan, lilitaw ang isyu hingil sa
diskriminasyon na pipigil sa hinaharap na kumuha muli ng mga serbisyong
pangkalusugang biomedikal. Kung inyong titingnan, mapanganib ang health-seeking
behavior na ito dahil ang mga katutubong serbisyong pangkalusugan, ayon sa mga
nagbibigay nito, ay di kakayanin mag-isa ang lahat ng mga sakit. Hindi sapat ang
katutubong serbisyong pangkalusugan lamang ang mangagamot sa sakit dahil tulad ng
biomedikal na serbisyong pangkaluusgan, kinakailangan nila ang isa’t-isa upang mas
mapaigting ang kalusugan ng isang indibidwal. Hindi kakayaning ng isang sistema kung
wala ang tulong ng isang sistema. Ang relasyong ito ay hindi lamang angkop sa katutubong
serbisyong pangkalusugan kundi pati na rin sa biomedikal na serbisyong pangkalusugan.
- 49 -
XII. BUOD NG MGA NATUKLASAN SA PAGSISIYASAT
Kaalaman ng mga Katututbong Kababaihang Mangyan
Ang konsepto nila ng kalusugan ay pawang curative sa halip na preventive.
Mayroong tatlong pinagkukunan ng biomedikal na serbisyong pangkalusugan ang mga
Mangyan at dalawang pinakapopular na katutubong manggagamot.
Ang konsultasyon at iba pang mga pamamaraang serbisyong pangakalusugan sa
mga pasilidad ng biomedikal na serbisyong pangkalusugan ay karaniwang libre kaya
naman marami sa mga kababaihan ang kumukuha ng biomedikal na serbisyong
pangkalusugan. Tanging gamot lamang ang binabayaran ng mga katutubo at mga gastos sa
transportasyon.
Kahit sa gitna ng modernong panahon, ang mga kababaihan ay nakasandig pa rin
sa paniniwala na ang karaniwang dahilan ng pagkakasakit ay dahil sa sabid o nabati ng
mga supernatural na mga indibidwal o mangkukulam. Malawak ang kaalaman ng mga
kababaihan hingil sa mga katutubong mga gamot na makukuha sa kagubatan sa kanilang
kapaligiran
Aktitud ng mga Katututbong Kababaihang Mangyan
Ang mga katutubong kababaihang Mangyan ng tribong Hanunuo ay maagang nag-
aasawa at nagkakaanak. Kalakip ng pagiging isang babae sa kanilang kultura ang
tungkuling alagaan ang kalusugan di lamang ng kanyang sarili kundi ng kanyang buong
pamilya. Siya ang pangunahing nasusunod pagdating sa mga aspeto ng kalusugan habang
- 50 -
ang lalaki naman ang bahala kung paano mamateryalisa ang mga bagay na iyon.
Ayon pa sa pagsusuri, mas kumikiling na ang mga katutubong kababaihan sa mga
biomedikal na serbisyong pangkalusugan dahil sa mas mabisa ito ayon sa kanila. Kahit na
higit na mas mataas ang gastos sa transportasyon at gamot, mas pinupuntahan nila ang mga
serbisyong pangkalusugang biomedikal. Maaga rin nagpupunta sa mga serbisyong
pangkalusugan ang mga katutubo. Karaniwang nasa dalawa o tatlong araw pa lamang ay
nagpupunta na sila.
Ang pagiging maagap sa pagkuha ng biomedikal na serbisyong pangkalusugan ay
inversely proportional sa layo ng pasilidad ng serbisyong pangkalusugan. Kapag higit na
mas malayo ang pangunahing pinagkukunan ng serbisyong pangkalusugan ng isang
indibidwal, mas kaunti ang araw na aantayin niya bago siya kumuha ng serbisyong
pangkalusugan. Mas gusgustuhin pa nilang magpunta ng maaga upang maagapan agad ang
sakit dahil dagdag na gastos pa to kung ito ay lumala. Kapag mas mabilis na nagamot ang
sakit, mas mabuti ang kalalabasan.
Ang mga katutubo ay tiyak ngang sinusuri ang mga maaring kuning serbisyong
pangkalusugan sa kanyang paliigd. Halos lahat ng mga katutubong kababaihan ay
nakapagkonsulta na sa ibang serbisyong pangkalusugan bukod sa kanyang karaninwang
pinupuntahan. Ang karaniwang unang pinupuntahan ng mga katutubo ay ang mga
albularyo bago magpunta sa mga biomedikal na serbisyong pangkalusugan.
Malaki rin ang nagagastos ng mga katutubo sa gamot. Patunay ulit ito na inaantay
pa nilang maging komplikado ang sakit bago ito kumuha ng serbisyong pangkalusugan.
- 51 -
Nanggagaling sa bulsa at inuutang ang pinambabayad sa mga gastos sa pagkuha ng
serbisyong pangkalusugan. Mababa ang sahod ng mga katutubo sa kanilang komunidad.
Pumapatak lamang sa PHP 150 kada araw ang kanilang nakukuha. Kulang na kulang ito
sa mga pangangailangan nila pagkumukuha sila ng serbisyong pangkalusugan. Kaya
naman karaniwang nagtitiis lagi ang mga kababaihan na wag na lamang kumuha ng
serbisyong pangkalusugan dahil higit na mas kailangan ito ng kanilang anak kesa sa kanila.
Karaniwan sa kanila ang nagtatrabaho kahit pa di maganda ang kanilang pakiramdam.
Pananaw ng mga Katututbong Kababaihang Mangyan
Ang pinakaprayoridad nila sa pagpili ng serbisyong pangkalusugan ay ang
pinakamalapit na pasilidad na mayroong pinakakumpletong gamot ngunit ang karaniwan
nilang pinupuntahan ay 16-24 na kilometro ang layo sa kanilang sityo.
Rasyonal ang karamihan sa mga katutubo sa tamang paggamit ng mga gamot na
biomedikal. Tanging nagkaproblema lamang sila sa aspeto ng paghinto ng pag-inom ng
gamot kapag wala ng nararamdamang sakit kahit di pa ubos ang naireseta. Mas pinipili ng
mga katutubo ang gamot na binigay ng mga biomedikal na serbisyong pangkalusugan dahil
higit na mabisa ito ayon sa kanila.
Ang transportasyon ang kalimitang problema ng mga katutubo dahil sa kakaunting
mga pampasaherong transportasyon at sira-sirang mga daan. Mahabang oras rin ang
ginugugol ng mga katutubo sa pagkuha ng serbisyong pangkalausugan dahil sa pinagsama-
samang mahabang oras ng transportasyon at pag-aantay sa pasilidad ng serbisyong
pangkalusugan.
- 52 -
Mas maraming ring nagsasabi na higit na bumubuti ang kanilang kalusugan sa mga
biomedikal na serbisyong pangkalusugan kumpara sa mga katutubong serbisyong
pangkalusugan.
Tatlo sa sampung mga katutubong kababaihan naman ang nakakaranas ng
diskriminasyon sa pagkuha ng serbisyong pangkalusugang biomedikal. Hinihiwalay ang
mga katutubo sa mga pasilidad ng serbisyong pangkalusugang biomedikal. Karaniwan
pang hindi pinapansin at inaasikaso ang mga katutubong kababaihan dahil sa kanilang
pagkakakilanlan na isang babae, isang katutubo, at isang mahirap.
- 53 -
XIII. KONKLUSYON
Parami nang parami ang mga katutubong kababaihang Mangyan ang nagiging mas
bukas ang isip sa paggamit ng biomedikal na serbisyong pangkalusugan. Patuloy ang
kanilang paghahanap para sa iba pang mga alternatibong pamamaraan para sa
pagpapanatili ng kanilang kalusugan. Ngunit kaakibat ng pagtangkilik ng mga katutubo sa
biomedikal na serbisyong pangkalusugan ang kapinsalaan naman ng katutubong sistemang
pangkalusugan. Ang pagkilala ng mga katutubo sa halaga ng kanilang mga katutubong
sistemang pangkalusugan ay patuloy na sumasadsad kasabay ng paglakas ng suporta at
pag-unlad ng mga biomedikal na programang pangkalusugan sa kanilang komunidad.
Ang patuloy na pagkawasak ng mga lupang ninuno ng mga Mangyan dahil sa mga
nagbabadyang pagmimina sa kanilang komunidad ay kritikal na ikinokompromiso ang
akses ng mga katutubo sa kanilang mga halamang gamot, at sa kabuuan ang katutubong
sistemang pangkalusugan mismo dahil malaking pundasyon ng kaalaman nito ay higit na
nakasalalay sa kapaligiran. Ang katutubong gawi ng panggagamot ay nakasandig sa mga
paniniwalang umiiral na bago pa ang pag-unlad at pagkalat ng modernong agham ng
panggagamot. Ang katutubong serbisyong pangkalusugan ay bahagi ng tradisyon ng bawat
katutubo at sumasalamin sa kasanayan na ipinasa-pasa sa bawat henerasyon sa
pamamagitan ng mga tradisyong sinusulat o ikinukwento.
Kahit pa pilit na inaalagaan ng mga Mangyan ang sistema ng kanilang kultura sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng ilang mga tradisyunal na kaugalian, kabilang na ang mga
katutubong serbisyong pangkalusugan, hindi nila maaaring ibukod ang kanilang sarili mula
sa mga di-katutubong panlipunan, pangkultura, pang-ekonomiya, at pampulitikang
- 54 -
impluwensya na nagpapakilala ng mga bagong ideya o alternatibong pagtingin sa mga
bagay-bagay. Sa higit na pagrami ng eksposur ng mga katutubong Mangyan sa mga
biomedikal na serbisyong pangkalusugan, tulad ng mga aktwal na pagbisita nila sa mga
pasilidad nito sa bayan o sa pamamagitan ng mga medical mission na nagpupunta sa
kanilang mga komunidad, mas lumalawak ang kanilang pang-unawa sa iba pang
alternatibong mga paraan ng pagpapagamot. Ang akses sa mga modernong kagamitan sa
kalusugan at ang mas mabisang mga modernong gamot ay lalong nagtulak sa mga
katutubong kababaihan upang sumandig sa biomedikal sa halip ng mga katutubong
serbisyong pangkalusugan. Kaya naman tumataas na ang paggamit ng mga biomedikal na
serbisyong pangkalusugan bilang mga "alternatibo" na solusyon sa kanilang mga problema
sa kalusugan.
Malinaw rin na hindi lamang ang isyu ng bisa ng mga katutubong serbisyong
pangkalusugan ang dahilan sa pagpanig ng mga katutubo sa biomedikal na serbisyong
pangkalusugan. Marahil na isa pang mahalagang dahilan ay ang kaaalaman ng karamihan
na mayroong taglay na mga limitasyon ang bawat bagay o sa aspeto na ito, ang isang uri
ng serbisyong pangkalusugan. Maaari o hindi maaari ring hindi nasisiyahan ang isang tao
sa isang uri ng serbisyong pangkalusugan lamang kaya ito kumukuha ng iba pa. Maaari rin
na ang pinaghihinalaang kalikasan ng problema ay nangangailangan ng iba't-ibang mga
serbsiyong pangkalusugan. Kaya naman ang pagkakaroon ng iba't-ibang uri ng serbsiyong
pangkalusugang ay nagbibigay sa mga indibidwal ng iba pang mga pagpipilian sa usapin
ng kalusugan at sakit. Nagbibigay rin ito ng pakiramdam ng pagiging protektado sa
kanilang kalusugan at sa kanilang buhay.
Maliwanag na tunay na maraming umiiral na mga sistema na mahalaga sa iba't-
- 55 -
ibang mga sektor ng populasyon, na kung saan ito’y nag-aalok naman ng iba pang mga
potensyal na alternatibo sa pangangalaga ng kalusugan. Bilang ang populasyon ay hindi
naman magkakamukha, may mga iba't-ibang interpretasyon ng kultura kung ano ang
bumubuo sa kalusugan at pagkakasakit. Nagbabago ang mga Mangyan sa maraming mga
paraan, kaya naman minsan, sa sobrang pagbabago ng kanilang pamumuhay, ang kanilang
pagtingin sa pagbabago ay isang bagay na kinakailangan ng mga tiga-labas at hindi ng
kanilang mga sarili. Ang iba pang mga dahilan sa pagkaunti ng pagtangkilik sa mga
katutubong serbisyong pangkalusugan ay ang pagkawala ng interes ng mga makabagong
henerasyon ng mga Mangyan upang malaman ang mga tradisyunal na panggagamot, at ang
kabiguan ng pamahalaang bantayan ang katutubong kaalaman ng kanyang mga tao.
- 56 -
XIV. REKOMENDASYON
Upang palakasin at gawing mas epektibo ang isang maka-mahirap, maka-katutubo,
at maka-kababaihang sistemang pangkalusugan, dapat hinihikayat ng mga mangagawang
pangangalagang pangkalusugan na mas paigtingin ang pagtaguyod ng preventive na mga
serbisyong pangkalusugan sa mga rural na komunidad sa pamamagitan ng mga edukasyong
pangakalusugang mga programa.
Mas malalalim na pag-aaral hinggil sa mga mas espesipikong mga gastos sa
serbisyong pangkaluusgan ay maaari ring isagawa upang matiyak na ang sistema ng health
insurance ng pamahalaan ay mahusay at epektibong napapa-abot sa mga katutubong
indibidwal. Ang mga tao sa lehislatura ay dapat isinasaalang-alang ang dagdag na pasaning
hinaharap ng mga indibidwal na higit na malayo sa mga pasilidad ng serbisyong
pangkalusugan. Ang pagsasa-ayos ng mga pampasaherong mga transportasyon at mas
maayos na pagkakagawa ng mga kalsada ay mga bagay na higit na kinakailangang upang
mapabuti ang kanilang kalagayan. Ang mga ito ay mas papagandahin at papadaliin ang
akses ng mga rural na komunidad upang kumuha ng serbisyong pangangalagang
pangkalusugan dahil binabawasan ang mga hadlang na dulot ng asepto ng pananalapi.
Dapat magsikap pa lalo ang pamahalaan sa paghimok ng mga manggagawnag
pangkalusugan na magtrabaho sa mga kanayunan ng Pilipinas at sa pagpapatupad ng mga
pana-panahong pagsasanay para sa mga manggagawang pangkalusugan. Maraming mga
katutubo ang nakakaramdam ng diskriminasyon at ekslusyon ng mga manggagawang
pangkalusugan kaya naman kinakailangang bigyang-pansin sa mga pagsasanay na
isasagawa ang mga panlipunang aspeto ng pangangalang pangkalusugan.
- 57 -
Makaktulong rin ang mga karagdagang pag-aaral ng mga komunidad na malapit sa
mga nasabing ospital at mga pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan upang
makapagbigay ito ng karagdagang liwanag sa papel na ginagampanan ng distansya sa
health-seeking behavior. Maaari ring gumawa ng mga pag-aaral ukol sa mga salik na
nakapaloob sa self-medication at ang koneksyon nito sa lipunan. Ang mga ito ay mga
malalaking hakbang tungo sa mas malalim na pag-unawa sa health-seeking behavior ng
mga katutubong kababaihan.
- 58 -
BIBLIYOGRAPIYA
Aday, L., & Andersen, R. (1974). A Framework for the Study of Access to Medical Care.
Health Services Research, (Fall), 208–220.
Alderete, E. (1999). The Health of Indigenous Peoples. World Health Organization.
Andersen, R. (n.d.). Revisiting the Behavioral Model and Access to Medical Care: Does it
Matter? Journal of Health and Social Behavior, 36.
Asia Indigenous Peoples Pact. (2013, March). Briefing Paper on the Rights of Indigenous
Women to their Lands, Territories and Resources in Asia. Asia Indigenous Peoples
Pact. Retrieved from http://www.iwgia.org/iwgia_files_publications_files/0660_o
men_briefing.pdf
Estacio, L. (2016). Course lecture. University of the Philippines Manila. Manila, NCR.
Department of Health, National Commission on Indigenous Peoples, & Department of
Interior and Local Government (2013). DOH-NCIP-DILG JOINT
MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2013-01: Guidelines on the Delivery of Basic
Health Services for Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples.
Retrieved April 27, 2016, from http://www.dilg.gov.ph/PDF_File/issuances/joint_
circulars/DILG-Joint_Circulars-20131115-0f68323c2f.pdf
Dupas, P. (2011). Health Behavior in Developing Countries. Los Angeles: Annual Review
of Economics.
IBON Foundation Inc. (2008). Chronically Ill: An Overview of the Philippine Health
Sector. Quezon City: IBON Books.
Igun, U. (1979). Stages in health seeking: A descriptive model. Social Science and
- 59 -
Medicine, 13A, 445–456.
International Indigenous Women’s Forum. (2006). Mairin Iwanka Raya Indigenous
Women Stand against Violence. Foro Internacional de Mujeres Indígenas.
Retrieved from http://www.un.org/esa/socdev/unpfii/documents/vaiwreport06.pdf
International Work Group for Indigenous Affairs. (n.d.). Briefing Paper: Indigenous
Women in Asia - Challenges in their access to justice. Retrieved October 20, 2015,
from http://www.iwgia.org/publications/search-pubs?publication_id=660
Jesusa, M. (1993). The Health and Nutrition Situation of Children and Women in
Indigenous Communities: A Preliminary Review (Technical Report). DLSU-Social
Development Research Center.
Karkal, M. (1991). Global Solidarity on Women’s Health. Economic and Political Weekly,
26(15), 953.
MacKian, S. (n.d.). A review of health seeking behaviour: problems and prospects.
University of Manchester Health Systems Development Programme.
Malanyaon, O. (1995). Health-Seeking Behavior of Urban Poor Communities. Philippine
Institute for Development Studies.
O'Donnell, O. (2007). Access to health care in developing countries: breaking down
demand side barriers. Cadernos de Saúde Pública, 23(12), 2820-
2834. https://dx.doi.org/10.1590/S0102-311X2007001200003
Osteria, T., & Jimenez, Pi. (1988). Women in Health Development: Mobilization of
Women for Health Care Delivery in a Philippine Community. Sojourn: Journal of
Social Issues in Southeast Asia, 3(2), 217–235.
Singson, M. (2014, January 9). Indigenous Women Struggle Against Development
- 60 -
Aggression. Asia Pacific Forum on Women, Law and Development. Retrieved from
http://apwld.org/indigenous-women-struggle-against-development-aggression/
State of the World’s Indigenous Peoples. (2013) (Vol. 2). United Nations. Retrieved from
http://www.un.org/esa/socdev/unpfii/documents/SOWIP/en/SOWIP_web.pdf
Suzack, C. (n.d.). Indigenous Women and Transnational Feminist Struggle: Theorizing the
Politics of Compromise and Care. CR: The New Centennial Review, 10(1), 179–
193.
Tebtebba Foundation. (2013). Realizing Indigenous Women’s Rights: A Handbook on the
CEDAW. Baguio City: Valley Printing Specialist.
Tipping, G. (2000). Health Seeking Behavior in Asian Transitional Economies. Institute of
Development Studies. Sussex: Department of Internaitonal Development.
UN Children’s Fund. (n.d.). Refworld | Breaking the Silence on Violence against
Indigenous Girls, Adolescents and Young Women. Retrieved December 2, 2015,
from http://www.refworld.org/cgibin/texis/vtx/rwmain?page=search&docid
=52fcce2c4&skip=0&query=indigenous&coi=PHL
United Nations Office of the Special Adviser on Gender Issues and Advancement of
Women, & Secretariat of the United Nations Permanent Forum on Indigenous
Issues. (2010). Gender and Indigenous Peoples. New York: United Nations.
Yubia, M. (n.d.). Maternal Health-seeking Behaviors Of Young Women In The
Philippines. Retrieved October 31, 2015, from http://web.kssp.upd.edu.ph/thesis-
dissertation-abstracts/academic-year-2011/29-maternal-health-seeking-behaviors-
of-young-women-in-the-philippines
- 61 -
APENDIKS A
MgaGawiatKaugaliansaKalusuganngmgaKatutubongKababaihanHumihingikamingkauntingorasninyoparasagutanangilansamgakatanungantungkolsaiyongpagtinginsakalusuganatangtamangpangagalaganito.Anginyongmgaibabahagisapagsisiyasatnaitoaygagagamitinlamangparasapang-akademikonglayunin.Anginyongkatauhanaymananatilingkompidensyal.Maramingsalamatsainyongpartisipasyon.
BatayangImpormasyon
Tribo Edad KatayuangSibil Trabaho
Babasahinkoangilangmgapangungusap.Kungsang-ayonkayo,sumagotng“Oo.”Kunghindinamanpakisabing“Hindi.”
A.KonseptongKalusugan
A.1.Angtaongmalusogayhindinagkakasakitngmahabangpanahon.
¨Oo¨Hindi
A.2.Angkalusuganngisangtaoayhindilamangnakabataysapisikalkundipatinarinsapangkaisipan,pangkultura,panlipunan,atpangpulitikanakagalingan/kaginhawaan
¨Oo¨Hindi
A.3.Kumukunsultalamangsaalbularyo/manghihilot/doktorkapagmaykaramdamanna.
¨Oo¨Hindi
A.4.Parehoangproblemangpangkalusuganngmgakatutuboatdi-katutubo.A.4.1Kunghindi,paanonagkakaiba?______________________________________________________________
¨Oo¨Hindi
B.ManggagawangPangkalusugan
B.1.Mahusayatmaaasahanangmgaalbularyo/manghihilotpagdatingsausapinngpangangalagangpangkalusugan.
¨Oo¨Hindi
B.2.Mahusayatmaaasahanangdoktorpagdatingsausapinngpangangalagangpangkalusugan.
¨Oo¨Hindi
B.3.Kapaghindigumalingangisangtaosaisangmanggagamot,dapatsiyanglumipatsaibangmanggagamot(albularyo/manghihilotpapuntangdoktoroangkabaliktaran)paragumaling.B.3.1Kaninokayounangdumudulogkapagmaykaramdaman?______________________________________________________
¨Oo¨Hindi
- 62 -
C.UringSerbisyongPangkalusugansaamingPamayanan
C.1.Sapatangmgaserbisyongpangkalusugansaamingpamayanan.C.1.1Sapaanongdahilanitonagingsapat?___________________
¨Oo¨Hindi
C.2.Kasinghusayngmgadoktorsagobyernoangmgaherbularyo/manghihilot.
¨Oo¨Hindi
C.3.Pantay-pantayangpagtinginngdoktorsakanyangmgapasyentenakatutuboatdi-katutubo.C.3.1.Kunghindi,sapaanongparaanitonatatangi?_____________________________________________
¨Oo¨Hindi
D.GamitngSerbisyongPangkalusugan
D.1.Kungangtaoay(basahinangnasaibabaatihanaykungkaninoipagkakatiwalaangkaramdaman)
ipagkakatiwalakosiyasadoktor/nars/BHW
ipagkakatiwalakosiyasaalbularyo/
manghihilot
hindiniyakailanganngmanggagamot
D.1.1.maypangkaraniwangubo/sipon______
D.1.2.maylagnat______
D.1.3.masakitangtiyan______
D.1.4.hinihika______
D.1.5.maytrangkaso______
D.1.6.kinukumbulsyon______
D.1.7.nalason______
D.1.8.paso______
D.1.9.hinimatay______
D.1.10.nabagokangulo______
D.1.11.nahampas/napuruhananglikod______
D.1.12.nabalianngbuto______
D.1.13.nakagatnghayop______
D.1.14.nahiwangmalaki______
- 63 -
D.1.15.manganganak______
SerbisyongPangkalusuganngDoktor/Nars/BHW
D.2.Nasubukanniyonabamagpagamot/magpakonsultasadoktor/nars/BHW?
¨Oo¨Hindi(>>D.3.)
D.2.1Saankayokadalasangnagpupuntaparamakakuhangserbisyongpangkalusuganngdoktor/nars/BHW?
D.2.2.Gaanoitokalayoatgaanokatagalbagomakaratingdito?
D.2.3.Anoangmodangtransportasyonparamakaratingdito?(tukuyinkungmagkano)
D.2.4.Bakitmaspiniliniyoangserbisyongpangkalusugannaitokumparasaiba?
¨Lokasyonngpagamutan¨Maayosnatrato¨Kumpletoangpasilidad¨Mabilisnaserbisyo¨Kumpletoangmgagamit¨Walangibangpagpipilian¨Gastossaserbisyongpangkalusugan¨Ibapa
D.2.5.Kungkayoaymaysakit,ilangarawanginyongaantayinbagokayomagpagamot/magpakonsultarito?
¨1¨2¨3¨4¨5¨6¨7¨8ohigitpa
D.2.6.Magkanoangnagastosninyosapinakahulingbisitaninyorito?(hindikasamaangtransportasyon)
Konsultasyon:Pagsusuri/Pamamaraan:Gamot:
D.2.7.Saankinuhaangpinangtustossapagpapagamot/pagpapakonsultaniyorito?
¨Sarilingbulsa¨Bawassasuweldo¨Utangsakamag-anak/kaibigan
¨Utangsamgaserbisyongpinansiyal___________________¨Insurance¨Nagsanla
¨Nagbentangari-arian/alaganghayop¨Tulongmulasaiba___________________
D.2.8.Gaanokatagalkayongnag-antaybagonakapagpagamot/nakapagpakonsultasalugarngpagamutan?
¨<30minuto¨1oras¨2oras¨3orasohigitpa
D.2.9.Kamustakadalasanangpakiramdampagkataposngpagpapagamot/pagpapakonsultarito?
¨Lubosnabumuti¨Bumuti¨Walangpinagbago¨Lumala¨Lalonglumala
- 64 -
SerbisyongPangkalusuganngAlbularyo/Manghihilot
D.3.Nasubukanniyonabamagpagamot/magpakonsultasaalbularyo/manghihilot?
¨Oo¨Hindi(>>D.4.)
D.3.1.Saankayokadalasangnagpupuntaparamakakuhangserbisyongpangkalusuganngalbularyo/manghihilot?
D.3.2.Gaanoitokalayoatgaanokatagalbagomakaratingdito?
D.3.3.Anoangmodangtransportasyonparamakaratingdito?(tukuyinkungmagkano)
D.3.4.Anoangdahilankungbakitkayonagpupuntasaalbularyo/manghihilot?
D.3.5.Ano/magkanoangkaraniwangbayad/donasyonkapagnagpapagamot/nagpapakonsultarito?
D.3.6.Saankinuhaangpinangtustossapagpapagamot/pagpapakonsultaniyorito?
D.3.7.Maayosbaangpakikitungongmgaalbularyo/manghihilot?Sapaanongparaan?
D.3.8.Kamustakadalasanangpakiramdampagkataposngpagpapagamot/pagpapakonsultarito?
¨Lubosnabumuti¨Bumuti¨Walangpinagbago¨Lumala¨Lalonglumala
EpektongPaggamitngSerbisyongPangkalusugan
D.4.Sinoanggumagawanginyongtrabahopagkayoaynagpapagamot/nagpapakonsulta?
¨walanggumagawa¨mayroonghumahalilinglibre¨mayroonghumahalilingunitmaybayadnapera¨mayroonghumahalilingunitmaybayadnagamit
D.4.1.Magkanooanoangnawawalapaghindinakakapagtrabahopagikawaynagpapagamot/nagpapakonsulta?
- 65 -
D.5.Sinoanggumagawanggawaingbahaypagkayoaynagpapagamot/nagpapakonsulta?
¨walanggumagawa¨mayroonghumahalili
E.GamotatPreskripsyon
E.1.Kunggumalingangpasyente,maaarinangitigilangpag-inomnggamotkahitnahindipaubosangnaireseta.
¨Oo¨Hindi
E.2.Maaaringgamitinangdatinangnairesetanggamotparasaisangsakitnakamukhangdatingsakitnagumalingna.
¨Oo¨Hindi
E.3.Dapatlamanguminomkaagadngantibioticskapagmaykaramdamankahitpawalangnireseta.
¨Oo¨Hindi
E.4.Dapatsundin/gawinangbinigay/sinabinagamotngdoktor.E.4.1.Kunghindi,bakit?_____________________________________________________
¨Oo¨Hindi
E.5.Dapatgawingprayoridadangpagbilinggamotkesasapagkain.
¨Oo¨Hindi
E.6.Dapatsundin/gawinangbinigay/sinabinagamotngmanghihilot/albularyo.E.6.1.Kunghindi,bakit?_____________________________________________________
¨Oo¨Hindi
E.7.Pareholangangbisanggamotnabinigay/niresetangmgadoktoratmgakatutubonggamotnabinigay/sinabingmgamanghihilot/albularyo.E.7.1.Kunghindi,bakit?_____________________________________________________
¨Oo¨Hindi
- 66 -
APENDIKS B
Health-seeking Behavior Model ni Richard Andersen
1. Predisposing characteristics Ang pangunahing elemento ng modelo nilikha ni Andersen ay nanatiling pareho
kahit pa ito ay nakaranas ng malaking pagbabago sa mga nakalipas na mga taon. Kabilang sa mga pangunahing elemento nito ay ang predisposing charactersistics ng indibidwal man o ng populasyon. Kasama rito ang mga demograpikong katangian (tulad ng edad, katayuang sibil, at kasarian), istraktura ng lipunan (tulad ng katayuan o ang panlipunang lokasyon sa komunidad, at ang kakayahan na kayanin ang problemang kinakaharap kasabay ang kakayahang pagdesisyunan ang mga likas yaman para ayusin ang mga problema sa loob ng pisikal na kapaligiran ng mga indibidwal o ng komunidad), at ang paniniwalang pangkalusugan ng indibidwal o ng populasyon (kabilang ang kaalaman, aktitud, at pananaw ng mga tao tungkol sa kalusugan at mga serbisyong pangkalusugan na maaaring o hindi maaaring maka-impluwensya sa kanilang pinaghahandaang pangangailangan ng paggamit ng mga serbisyo) (Andersen, 1995).
Sa mga tuntunin naman ng predisposing characteristics, ang modelo ni Andersen
ay pinuna sa hindi sapat na pagtalakay sa pangangalaga ng mga benepisyong pangkalusugan. Samakatuwid, hindi nito masyadong sinuri ang mga panlipunang koneksyon, pakikipag-ugnayan, at kultura. Tinangka ni Andersen ayusin ang mga puna sa kanya sa pamamagitan ng pagsasama ng mas maraming mga pangkalusugang pag-uugali ng mga indibidwal at populasyon sa pamamagitan ng pagkilala ng panlabas na mga bahagi tulad ng sa kapaligiran at ng mga pampulitikang kalagayan na may mahalagang papel sa paggamit ng serbisyo (Andersen 1995). Subalit, ang modelo ay may kakulangan pa rin upang sapat na masuri ang epekto ng konteksto ng mga indibidwal na mga buhay at ang epekto ng ganitong konteksto sa paggamit ng serbisyong pangkalusugan. 2. Enabling resources
Ang pinakamahalagang aspeto ng modelo ni Andersen ay ang pangangailangan o need. Pinuna si Andersen sa hindi gaanong pagdiin sa pangangailangan bilang batayan para sa paggamit ng mga serbisyong pangkalusugan bunga ng mga paniniwala sa kalusugan at panlipunang istraktura (Andersen, 1995). Ipinaglaban naman ni Andersen sa kanyang tugon na dapat isaalang-alang sa pagtingin sa modelo kung paano tinitingnan ng mga tao ang kanilang sariling kalusugan. Dapat matukoy ng mga indibidwal ang kanilang alalahanin sa sariling kalusugan na isang sapat na dahilan upang sila ay maghanap ng serbisyong pangkalusugan. Idinagdag pa ni Anderson na ang pangangailangan ay isang natural na pangyayari na hindi maaaring hindi isama sa kontekstong panlipunan kung saan ang mga tao ay nakatira. Gayunpaman, mas idiniin niya na sa mga hangganan ng predisposing factors na mayroong isang biological imperative na dahilan kung bakit sila kumukuha ng serbisyong pangkalusugan at gumagamit ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng higit pa sa iba (Andersen, 1995). 3. Health status outcomes
- 67 -
Dahil sa pangangailangan ng mga serbisyong pangkalusugan upang mapabuti ang kalagayan ng kalusugan ng populasyon, idinagdag ni Andersen ang health status outcomes bilang isang salik ng kanyang modelo at tinangka niyang isama ang iba pang dimensyon na mahalaga sa pag-unlad ng patakarang pangkalusugan. Ang pangunahing mga bahagi nito ay ang effective access at ang efficient access. Ang effective access ay natutukoy sa pamamagitan ng pagsukat ng pagbuti ng katayuan ng kalusugan at ang kasiyahan ng mga kumukuha nito tulad ng pag-aalis ng mga di pagkapantay-pantay sa kalusugan (Andersen, 1995). Ang efficient access naman sa kabilang banda ay ang halaga ng pagtaas ng kasiyahan o ang pagbuti sa katayuan ng kalusugan kapag inihambing na ito sa halaga ng mga serbisyong pangkalusugan na ginagamit o ang cost benefit ration ng pagbibigay ng serbisyo (Andersen, 1995). 4. Feedback mechanism
Sa ikatlong bersyon ng modelo, sinama ni Andersen ang feedback mechanism upang maipakita na ang kalalabasan ay tuluyang makakaapekto sa predisposing factors at sa pinaghahandaang pangangailangan ng serbisyong pangkalusugan (Andersen 1995). Pinatili ni Andersen na ang isang feedback mechanism ay kinakailangan dahil sa mabilis na pagbago at pabago-bagong katangian ng mga serbisyong pangkalusugan. Marami ang sumang-ayon na ang karagdagan na ito ay nagbibigay ng isang mas malawak na pag-intindi ng behavioral model ng paggamit ng serbisyong pangkalusugan.
- 68 -
APENDIKS C
Antas ng Health-seeking Behavior ni U.A. Igun A. Yugto ng Pagkaramdam ng Sintomas Ang yugtong ito ay mayroong apat na aspeto:
1. Ang pisikal na karanasan, kasama ang sakit, kakulangan sa ginhawa, pagbabago ng anyo, at pagkawala ng silbi.
2. Ang proseso ng paghudyat, na maaaring maging isang patuloy na proseso ng mga pangyayari o isang kaganapan na aalerto sa mga tao na mayroong mali sa kanilang kalusugan. Sa pagdating ng isang traumatikong kaganapan, ito ay nangyayari ng sabay-sabay kasama ang paglitaw ng mga pisikal na sintomas.
3. Ang cognitive aspect, na iba pa sa proseso ng paghudyat dahil dito nakadugtong ang aktwal na kahulugan sa sakit.
4. Ang emosyonal na tugon, na tugon ng takot o pagkabalisa sa nangyayari; kasabay ang pisikal na sintomas, proseso ng paghudyat, at ang cognitive na interpretasyon. Ito ang pakiramdam na nararamdaman kapag binigyan na ng ibigsabihin ang sakit. Kapag mas malubha ang pagtingin sa sakit, magiging mas mataas ang pakiramdam ng pagkabalisa.
Sa pagtatapos ng yugtong ito, ang indibidwal ay handa ng lumipat sa paunang panggagamot ng sarili o ang pagpapaalam ng kanyang kalagayan sa mga taong malalapit sa kanya (Igun, 1979). B. Yugto ng Paunang Panggagamot sa Sarili
Kapag ang indibidwal ay lumipat na sa yugtong ito, dalawang aspeto ang magbabago sa kaniyang pang-unawa at pantawag sa mga sintomas. Ang pagtingin niya sa mga sintomas ay bababa at titingnan niya ito na hindi ganon ka lubha katulad ng dati kaya naman ito ay maaaring gamutin na lamang ng sarili imbis na magpunta pa sa pangkalusugang mangagawa (Igun, 1979). Ngunit ang indibidwal ay maaaring hindi dumaan sa yugtong ito kung ang dalawang aspeto ay hindi pa nalalaman o kaya naman kung nabigo ang paunang panggamot sa sarili. C. Yugto ng Pagpapaalam ng Kanyang Kalagayan sa mga Taong Malalapit sa Kanya
Ang komunikasyon ay maaaring berbal o di-berbal. Sa kaso ng berbal na komunikasyon, ang taong may-sakit ay ikakalat ang impormasyon sa kanyang paligid na hindi maganda ang kanyang pakiramdam at siya ay may sakit. Sa kaso naman ng di-berbal na komunikasyon, ang mga taong malalapit sa kanya ay maaaring makaramdam ng hindi karaniwan sa naturang indibidwal kaya naman isiipin nila na ito ay mayroong sakit. Ang yugtong ito ay maaaring maging kasabay ng yugto ng pagsusuri ng mga nararamdamang sintomas (Igun, 1979).
- 69 -
D. Yugto ng Pagsusuri ng mga Nararamdamang Sintomas
Dalawang aspeto ang maaaring malaman sa yugtong ito: kung ang isang tao ay ganap na isasaad na siya ay nasa isang kalagayang pagkakasakit at kung ano ang paunang diagnosis sa kalagayan ng kanyang sakit. Sa dulo ng yugtong ito, ang isang indibidwal ay maaaring tuluyan ng gagampanan ang katayuang pagkakasakit (Igun, 1979).
E. Yugto ng Paggagampan ng Katayuang Pagkakasakit
Sa yugtong ito, ang indibidwal ay lehitimo ng gagawaran ng lipunan ng katayuang pagkakasakit (Igun, 1979). Ayon kay Frankenberg (1968), maraming apektadong panlipunang mga relasyon sa yugto na ito, kabilang ang pamilya, kamag-anak, at iba pang mga panlipunang grupo kasama na grupo sa trabaho. F. Yugto ng Pagpapahayag ng Pagkabahala sa Kalagayan (ng pamilya, kaibigan, at mga kapitbahay)
Ito ang simula ng pormal na pagkakilala ng pagkakasakit ng mga malalapit sa indibidwal. Sa oras na ito, ang mga tao sa kanyang paligid ay maaaring magbigay ng mga opinyon tungkol sa mga maaaring kuhaning mga serbisyong pangkalusugan (Igun, 1979). Karaniwang sabay na nangyayari ang yugtong ito kasabay ng susunod na yugto. G. Yugto ng Pagsusuri ng Malamang Bisa at Kaangkupan ng Pangagamot
Ang lenguahe ng sakit ay karaniwang nasasabak sa yugto na ito. Ang eksplenasyon ng sakit na base sa konteksto ng kultura kung saan nakatira ang indibidwal ay karaniwang nakakaapekto sa aspeto ng pagpili ng serbisyong pangkalusugan (Igun, 1979). H. Yugto ng Pagpili ng Serbisyong Pangkalusugan
Sa yugtong ito nagaganap ang pagpili ng serbisyong pangkalusugang kukunin. Ang mga gastos at benepisyong makukuha sa serbisyong pangkalusugan ay titingnan. Ayon kay Igun, ang pang-ekonomiyang konsiderasyon ng serbisyong pangkalusugan ay laging kinukunsidera bilang isang aktibong kumpunyente na kasama sa pagdedesisyon sa pagpili ng serbisyong pangkalusugan (Igun, 1979). I. Yugto ng Aktwal na Pagpapagamot
Sa yugtong ito, ang proseso ng pagpapagamot ay nagsimula na. Ito ay maaaring isang pagpakonsulta sa isang pangunahing tiga-bigay ng pangangalagang pangkalusugan, pagbisita sa ospital, o pagkuha ng isang gamot na maaaring mabili sa tindahan. Depende sa sakit, ang yugtong ito ay maaaring humantong sa tuluyang pagkamatay o ang pinakahuling yugto ng pagsusuri (Igun, 1979). J. Yugto ng Pagsusuri ng Epekto ng Serbisyong Pangkakalusugan sa mga Sintomas na Nararamdaman
Ang yugtong ito ay karaniwang kasabay ng yugto ng aktwal na pagpapagamot. Sa yugtong ito, ang lahat ng apektado sa pagkakasakit ng indibidwal ay susuriin ang naturang serbisyong panggagamot at pagdedesisyunan ang bisa nito. Kung hindi maganda ang kinalabasan ng pagsusuri, ang indibidwal na may sakit ay babalik uli sa pagsusuri ng mga sintomas para ulitin muli ang pagpapagamot. Kapag nangyari ito, mayroong tiyansa na
- 70 -
magkaroon ng pagbabago ng pangalan ng sakit o ng serbisyong pangkalusugan (Igun, 1979)
- 71 -
APENDIKS D
Gamit ng Serbisyong Pangkalusugan ng mga Katutubong Kababaihang Mangyan ng Tribong Hanunuo
biomedikal,54%
biomedikal,50%
biomedikal,33%
biomedikal,0%
biomedikal,0%
katutubo,7%
katutubo,5%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,33%
sarili,39%
sarili,45%
sarili,67%
sarili,100%
sarili,67%
17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
biomedikal,39%
biomedikal,35%
biomedikal,17%
biomedikal,33%
biomedikal,0%
katutubo,7%
katutubo,10%
katutubo,17%
katutubo,0%
katutubo,17%
sarili,54%
sarili,55%
sarili,67%
sarili,67%
sarili,83%
17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 18: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag may Lagnat
Batis: ang pananaliksik na ito
Grapikong pagsasalarawan bilang 17: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag may Pangkaraniwang Ubo o
Sipon Batis: ang pananaliksik na ito
- 72 -
biomedikal,11%
biomedikal,0%
biomedikal,0%
biomedikal,17%
biomedikal,0%
katutubo,7%
katutubo,0%
katutubo,17%
katutubo,0%
katutubo,17%
sarili,82%
sarili,100%
sarili,83%
sarili,83%
sarili,83%17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 19: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Masakit ang Tiyan
Batis: ang pananaliksik na ito
biomedikal,61%
biomedikal,70%
biomedikal,67%
biomedikal,83%
biomedikal,33%
katutubo,11%
katutubo,10%
katutubo,17%
katutubo,0%
katutubo,33%
sarili,29%
sarili,20%
sarili,17%
sarili,17%
sarili,33%
17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 20: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Hinihika
Batis: ang pananaliksik na ito
- 73 -
biomedikal,25%
biomedikal,30%
biomedikal,33%
biomedikal,50%
biomedikal,0%
katutubo,18%
katutubo,5%
katutubo,0%
katutubo,17%
katutubo,50%
sarili,57%
sarili,65%
sarili,67%
sarili,33%
sarili,50%
17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 21: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag may Trangkaso
Batis: ang pananaliksik na ito
biomedikal,68%
biomedikal,55%
biomedikal,67%
biomedikal,50%
biomedikal,50%
katutubo,4%
katutubo,5%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,33%
sarili,29%
sarili,40%
sarili,33%
sarili,50%
sarili,17%
17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 22: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Kinukumbulsyon
Batis: ang pananaliksik na ito
- 74 -
1araw
6%
2araw
42%
3araw
31%
4araw
6%
5araw
6%
6araw
1%
7araw
8%
biomedikal,82%
biomedikal,70%
biomedikal,100%
biomedikal,83%
biomedikal,67%
katutubo,4%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,17%
sarili,14%
sarili,30%
sarili,0%
sarili,17%
sarili,17%17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 23: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Nalason
Batis: ang pananaliksik na ito
biomedikal,50%
biomedikal,60%
biomedikal,67%
biomedikal,50%
biomedikal,33%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,17%
sarili,50%
sarili,40%
sarili,33%
sarili,50%
sarili,50%
17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 24: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Napaso
Batis: ang pananaliksik na ito
- 75 -
biomedikal,53%
biomedikal,45%
biomedikal,83%
biomedikal,50%
biomedikal,33%
katutubo,4%
katutubo,10%
katutubo,17%
katutubo,17%
katutubo,33%
sarili,43%
sarili,45%
sarili,0%
sarili,33%
sarili,33%17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 25: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Hinimitay
Batis: ang pananaliksik na ito
biomedikal,100%
biomedikal,90%
biomedikal,83%
biomedikal,100%
biomedikal,67%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,33%
sarili,0%
sarili,10%
sarili,17%
sarili,0%
sarili,0%
17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 26: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Nabagok ang Ulo
Batis: ang pananaliksik na ito
- 76 -
biomedikal,46%
biomedikal,50%
biomedikal,83%
biomedikal,67%
biomedikal,33%
katutubo,54%
katutubo,45%
katutubo,17%
katutubo,33%
katutubo,67%
sarili,0%
sarili,5%
sarili,0%
sarili,0%
sarili,0%
17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 27: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Nahampas/Napuruhan ang Likod
Batis: ang pananaliksik na ito
biomedikal,46%
biomedikal,35%
biomedikal,0%
biomedikal,0%
biomedikal,50%
katutubo,54%
katutubo,60%
katutubo,100%
katutubo,83%
katutubo,50%
sarili,0%
sarili,5%
sarili,0%
sarili,17%
sarili,0%
17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 28: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Nabalian ng Buto
Batis: ang pananaliksik na ito
- 77 -
biomedikal,89%
biomedikal,85%
biomedikal,83%
biomedikal,100%
biomedikal,67%
katutubo,4%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,17%
sarili,7%
sarili,15%
sarili,17%
sarili,0%
sarili,16%17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 29: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Nakagat ng Hayop
Batis: ang pananaliksik na ito
biomedikal,93%
biomedikal,80%
biomedikal,83%
biomedikal,83%
biomedikal,83%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,0%
katutubo,17%
sarili,7%
sarili,20%
sarili,17%
sarili,17%
sarili,0%
17-26
27-36
37-46
47-56
57-90
EDAD
Grapikong pagsasalarawan bilang 30: Serbisyong Pangkalusugan Pinupuntahan Kapag Nahiwa ng Malaki
Batis: ang pananaliksik na ito
- 78 -
APENDIKS E
- 79 -
- 80 -
- 81 -
- 82 -
- 83 -
- 84 -
- 85 -
- 86 -
- 87 -
- 88 -
- 89 -
- 90 -
- 91 -
- 92 -
- 93 -
- 94 -
- 95 -