hekasi-5-aral.1-32

110
___________________ ___________________ HEKASI V 8:10-8:50 Aralin 1:Ang Pamahalaang Barangay I.Layunin Nailalarawan ang pamahalaang barangay II.Paksang-aralin Ang Pamahalaang Barangay Sang:BEC-PELC I.A 1.1 Batayang Aklat sa HEKASI 5 Kagamitan:plaskard, tsart Pagpapahalaga Paggalang sa Namumuno III.Pamamaraan A.Panimulang Gawain 1.Balitaan Magbabalitaan ang mga bata tungkol sa mga pangyayari sa kanilang barangay. 2.Pagsasanay Ipaayos ang mga titik upang makabuo ng salita.Pagbigayin ang mga bata ng mga kabatiran tungkol ditto. a.N O U N I N (ninuno) b.I P O N L I P I (Pilipino) 3.Balik-aral Magbigay ng mga konseptong natutuhan ng mga bata nang sila ay nasa ikaapat na baitang.

Upload: antonia-lorena-lajara-bituin

Post on 19-Jan-2016

6.859 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: hekasi-5-aral.1-32

______________________________________

HEKASI V8:10-8:50

Aralin 1:Ang Pamahalaang Barangay

I.Layunin Nailalarawan ang pamahalaang barangayII.Paksang-aralin

Ang Pamahalaang BarangaySang:BEC-PELC I.A 1.1 Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan:plaskard, tsartPagpapahalaga Paggalang sa Namumuno

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain 1.Balitaan

Magbabalitaan ang mga bata tungkol sa mga pangyayari sa kanilang barangay. 2.Pagsasanay

Ipaayos ang mga titik upang makabuo ng salita.Pagbigayin ang mga bata ng mga kabatiran tungkol ditto.a.N O U N I N (ninuno)b.I P O N L I P I (Pilipino)

3.Balik-aralMagbigay ng mga konseptong natutuhan ng mga bata nang sila ay nasa ikaapat na baitang.

B.Panlinang na Gawain 1.Ipakita ang salitang PAMAHALAAN na nakasulat sa plaskard. 2.Ipabigay ang kahulugan nito. 3.Ipakita ang larawan ng balangay 4.Iugnay ito sa pamahalaang barangay. 5.Ipabuo ang suliranin.

Paano ang sistemang pamumuno ng mga unang Pilipino sa pamahalaang barangay.

6.Paglikom ng mga kaalaman sa mga sangguniang aklat.

Page 2: hekasi-5-aral.1-32

7.Pagtatalakayan Gamitin ang retrieval chart.

C. Pangwakas na Gawain

1.PaglalahatAng barangay ay ang payak na sistemang pamamahala ng unang mga Pilipino na

pinamumunuan ng datu na gumaganap ng ibat-ibang tungkulin. 2.Paglalapat

Sabihin sa mga bata na magdalawahan (diads).Ibahagi sa isat isa ang kanilang sagot sa mga sumusunod na tanong.a.Saang barangay ka kabilang?b.Kung ikaw ay isang datu,anu-anu ang iyong gagawin para sa ikabubuti ng iyong barangay?

IV. Pagtataya Punan ng wastong sagot ang bawat patlang.1.Pinamumunuan ang pamahalaang barangay nga isang_____________2.Gumaganap siya ng mga

tungkuling_______________,_____________,at__________.3.May tagahatid ng balita sa barangay na tinatawag nilang____________.4.Binubuo ang isang barangay ng mga___________mag-anak.5.Mula sa salitang balangay ang barangay na ang ibig sabihin ay__________.

V. Kasunduan

1.Gumupit ng mga salitang BARANGAY.Idikit ito sa putting papel.Bumuo ng akrostik tungkol ditto.2.Basahin sa inyong batayang aklat ang tungkol sa pamahalaang sultanato.Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.a.ILarawan ang pamahalaang sultannato.b.Saang panig ng Pilipinas may pamahalaang sultanato?

___________________

Page 3: hekasi-5-aral.1-32

___________________

HEKASI V8:10-8:50

ARALIN 2: ANG PAMAHALAANG SULTANATO

I.LayuninNailalarawan ang pamahalaang sultanato

II.Paksang-aralinAng Pamahalaang SultanatoSang:BEC-PELC I.A 1.2 Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan:larawan ng sultanPagpapahalaga Pakikibahagi nang maayos

III.PamamaraanA.Panimulang Gawain 1 .Balitaan

TV Patrol 2. Pagsasanay

Alam Mo Ba?a. Anong A ang gumagawa ng pag-aaral sa mga bagay na may kaugnayan sa

mga tao noong unang panahon?Sagot: arkeologo

b. Anong B ang malaking bangkang may layag na sinakyan ng mga Malay nang magputa sila sa Pilipinas?

Sagot: balangayc. Anong K ang binubuo ng mga bagay tulad ng

tirahan,kasuotan,kasangkapan,wika,kaugalian,at pamahalaan?Sagot: Kultura

3 .Balik-aral

Gamitin ang mapa ng Pilipinas.Muling pag-aralan ang kinalalagyang lugar na kung saan karaniwang matatagpuan ang mga muslim.

B.Panlinang na Gawain1.Ipakita ang larawan ng sultan.Pag-usapan ito2.Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng laro.Ipabuo ang salitang SULTANATO mula sa mga titik na nakahanay.Bubuuin ito ng dalawang pangkat.Unahan sila sa pagbuo.

3.Ipabuo ang suliranin.

Page 4: hekasi-5-aral.1-32

Paano ang paraan ng pamamamhala ng pamahalaang sultanato 4..Paglikom ng mga kaalaman sa mga sangguniang.5. Pagtatalakayan-Paggamit ng pamamaraang word splash.Mula sa salitang ito,bubuo ang mga bata ng kabatiran tungkol sa pamahalaang sultanato.

Mga inaasahang pahayag:1. Pamahalaan ng mga Muslim2. Pinamumunuan ng Sultan3. Tungkuling ipagtanggol

6. Magpabigay pa ng ibang kaalaman tungkol sa pamahalaang sultanato

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Pinamumunuan ng Sultan ang pamahalaang sultanato.Ang paraan ng pamamahala ay batay sa relihiyong Islam 2.Paglalapat

Pangkatin ang mga bata sa apat.Ipalarawan ang pamahalaang sultanato sa pamamagitan ng ibat-ibang Gawain tulad ng dula-dulaan,pagguhit ng larawan,paggawa ng akrostik,at talakayang panel.

IV.Pagtataya Basahin ang talatang naglalarawan sa pamahalaang sultanato.Punan ng wastong

salita ang mga patlang upang makabuo ng diwa ng pangungusap.Ang pamahalaang sultanato ay pinamumunuan ng_______.Ito ang uri ng

pamahalaan ng mga_______.Ang paraan ng pamamahala sa kanilang nasasakupan ay batay sa relihiyong_______.Tinatayang taong_______nang itatag ang kauna-unahang kahariang sultanato Sa_______.

V.KasunduanPag-aralan ang mapa ng Mindanao.Hanapin ang mga lugar na

ito:Sulu,Cotabato,Lanao,at Maguindanao.Ilarawan ang pangheograpiyang lokasyon ng mga ito.

______________________________________

HEKASI V8:10-8:50

Page 5: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 3: ANG PAMAHALAANG SULTANATO AT PAMAHALAANG BARANGAY

I. LayuninNaihahambing ang pamahalaang sultanato sa Pamahalaang Barangay

II. Paksang-aralinPaghahabing ng Pamahalaang Sultanato sa Pamahalaang BarangaySang:BEC-PELC I.A 1.3

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan:mga plaskard,Show Me Drill Board

PagpapahalagaMainam na paggamit ng kagamitan

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain 1.Balitaan: Magandang Umaga Bayan

Pumili ng mga balitang may kaugnayan sa paksa 2.Pagsasanay

Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa Show Me Drill Board.Bawat tanung ay ipapakita ang kanilang sagot upang maiwasto.Ididikta ng guro ang bawat bilang ng isa-isa.a. Pinuno ng barangayb. Tagapagbalita ng barangayc. Pinuno sa pamahalaang sultanatod. Katulong ng datu sa paglilitis sa mga nagkasalae. Lupong tagapayo ng sultan

3.Balik-arala.Paggunita sa paglalahat na nabuo sa nakaraang aralinb.Pagbibigay ng ilang mga kabatiran tungkol dito

B.Panlinang na Gawain1. Ipakita ang mapa ng Pilipinas.Ipaturo sa mga bata ang lugar na kung saan umiral

ang pamahalaang sultanato 2. Ipahanap din sa mapa ang ilang mga lalawigan sa Luzon at Visayas. 3. Ilahad ang paksang-aralin. 4. Ipabuo ang suliranin. 5. .Pagtatalakayan

Pag-uusapang muli ang paraan ng pamamahala sa pamahalaang barangay at pamahalaang sultanato.Gamitin ang network tree.(p.6)

6.Sa paghahambing gamintin ang Venn diagram

Page 6: hekasi-5-aral.1-32

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Ipasagot ang tanung upang mabuo ang paglalahat.Paano nagkaiba at nagkatulad ang pamahalaang barangay at pamahalaang sultanato?

2. Paglalapata. Pangkatin ang mga bata sa apat.Magpatanghal ng dula-dulaan tungkol sa paraan

ng pamamahala n gating mga ninuno.b. Maaring papiliin sila ng itatanghal.

Pangkat 1 at 2-pamahalaang sultanatoPangkat 3 at 4-pamahalaang barangay

IV.PagtatayaBuuin ang tsart sa paghahambing ng pamahalaang sultanato at pamahalaang

barangay.

Barangay Sultanato1. Pinuno2. Gawain ng Pinuno3. Katangian ng Pinuno

V.KasunduanSagutin ang mga sumusunod na mga tanong.1. Anu-anong mga batas ang itinakda ng ating mga ninuno2. Ano ang kahalagahan ng mga batas sa kanilang pag-uugnayan?

Sumangguni sa batayang aklat ng HEKASI

______________________________________

Pamahalaang Barangay

Pamahalaang SultanatoPagkakatulad

Page 7: hekasi-5-aral.1-32

HEKASI V8:10-8:50

ARALIN 4:KAHALAGAHAN NG BATAS SA PAG-UUGNAYAN NG MGA PILIPINOI. Layunin

Natatalakay ang kahalagahan ng batas sa pag-uugnayan ng mga PilpipinoII. Paksang-aralin

Kahalagahan ng Batas sa Pag-uugnayan ng mga PilpinoSang:BEC-PELC I.A 2

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan: letter fan,plaskard,tsart

PagpapahalagaPakikiisa

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain 1.Balitaan:

Magbalitaan ang mga bata tungkol sa mga batas na pinaiiral sa kanikanilang barangay

2.Pagsasanay:Letter fanBawat bata ay may hawak na letter fan.Ididikta ng guro ang bawat

tanong.Ipakikita ng bata ang kanilang sagot sa pamamagitan ng letterr fan.Ipakita ang titik ng tamang sagot.1. Ang pamahalaan ng mga unang Pilipino ay tinatawag na_______.

a. Barangay c. sultanatob. Monarkya d. aristokrasya

2. Ang barangay ay mula sa salitang balangay na isang uri ng_______ng mga unang Pilipino.a. Pagkain c. sasakyang panghimpapawidb. sasakyang pandagat d. sasakyang pandagat

3. Ang sultanato ay pamamahala ng mga _______________a. Cebuano c. Muslimb. Ilocano d. tagalong

4. Bakit naitatag ng mga unang Pilipino ang kalipunan ng mga barangay? Upang ___________a. Mapangalagaan ang isa’t isa laban sa mga kaawayb. Makabuo ng iba’t ibang pangkatc. Magkaroon ng maraming kaibigand. Makiisa sa ibang barangay

5. Ang mga unang Pilipino ay nagtatag ng kalipunan ng magkakalapit na barangay. Karaniwang nakikipagkalakalan at nakikipagtalastasan sila sa isa’t isa.Ano ang pinatutunayan nito?

Page 8: hekasi-5-aral.1-32

a. May ugnayan na ang mgs barangay noon pa mang unang panahon.b. Walang pag-uunawaan ang mga magkakalapit na barangayc. Nagkakaroon ng kumpetisyon ang mga barangayd. Magkakaibigan ang magkakalapit na barangay

3.Balik-aralPagbalik aralan ang mga kabatirang natutuhan tungkol sa pamahalaang barangay

at pamahalaang sultanato.

B.Panlinang na Gawain

1. Pag-usapan kung paano nag-uugnayan ang mga Pilipino. 2. Pabigyang halaga ang kanilang pag-uugnayan. 3. Magpabigay ng halimbawa ng mga batas na pinaiiral sa barangay. 4. Ipabuo ang suliranin. Bakit mahalaga ang mga batas sa pag-uugnayan ng mga Pilipino?

5. Pabuksan ang batayang aklat. Magpalikom mg datos tungkol sa paksang-aralin.6. Magdaos ng buzz session pagkatapos magsaliksik ng mga mag-aaral.7. Sa pagtatalakayan, maaaring gamitin ang circle web.

IV.Pagtataya

kahalagahan ng Batas sa

Pag-uugnayan ng mga Pilipino

_____________

_____________

_____________

_____________

Page 9: hekasi-5-aral.1-32

Basahin ang bawat aytem. Sipiin ang mga titik ng pangungusap na nagpapahayag ng kahalagahan ng mga batas sa pag-uugnayan ng mga Pilipino.

a. Naaayos ang alitan ng iba’t ibang barangay kaya nagkakaroon ng kapayapaanb. Nakatulong ang mga batas sa pagpaparusa ng kamatayan.c. Nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang iba’t ibang barangay.d. Nagkakanya-kanya ang mga datu kaya di nagkakaunawaan ang kanilang

nasasakupan.e. Nakakatulong ang mga batas sa higit na pag-uugnayan sapagkat kung may hidwaan

ay nalulunasan ito sa pamamagitan ng mga tinakdang alituntunin.f. Nagbibigay-daan ang mga batas sa pagkakawatak-watak ng mga Pilipino

V.Kasunduan 1. Magkunwaring isang pinuno ng barangay. Sumulat ng mga batas na iying ipapatupad upang higit na maging maayos at payapa ang iyong nasasakupan. 2. Gumuhit ng isang simbolo ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa pamayanan. Ipaliwanag ito.

______________________________________

HEKASI V8:10-8:50

ARALIN 5: PAGBUBUO NG KONKLUSYONI. Layunin

Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa paraan ng pamamahala ng mga unang PilipinoII. Paksang-aralin

Pagbubuo ng Konklusyon tungkol sa Paraan ng Pamamahala ng mga unang Pilipino

Sang:BEC-PELC I.A 3 Batayang Aklat sa HEKASI 5

Kagamitan:mga larawan ng mga gawain sa pamahalaang barangay at pamahalaang Sultanato, activity cardsPagpapahalaga

Pakikiisa sa mga gawainIII. Pamamaraan

A.Panimulang Gawain

Page 10: hekasi-5-aral.1-32

Activity card 1Gawin ang mga sumusunod:Gumupit ng mga titik ng salitang PAMAHALAANGumawa ng akrostik tungkol sa pamahalaan ng mga unang Pilipino.

Activity card 2Magpakita ng isang skit kung paano ginawa ng mga unang Pilipino ang mga batas na kanilang ipinatupad.

Activity card 3Lumikha ng isang awit. Lapatan ito ng titik na ang tema ay tungkol sa pamamahala ng mga unang Pilipino.

1. Magpakita ng larawan ng mga Gawain sa pamahalaang barangay at sultanato. Pag-usapan ito. 2. Magpabigay ng mga konseptong natutunan sa aralin 1 at 2. B.Panlinang na Gawain 1. Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Bigyan sila ng activity cards.

2. Bigyan ng sapat na panahon ang mga batang maisagawa ang kani-kanilang mga Gawain.

3. Gawaing Kolaborativoa. Pagpapakita ng inihandang mga pangkatang Gawain.b. Pagtatalakay tungkol dito.

C.Pangwakas na Gawain 1. Pagbubuo ng konklusyon tungkol sa paraan ng pamamahala ng mga unang Pilipino.

Itanong: Batay sa mga konseptong tinalakay natin, ano ang mabubuo ninyong konklusyon tungkolsa pamamahala ng mga unang Pilipino?

2. PaglalapatAnu-anong mga pag-uugali mayroon ang mga unang Pilipino na maaaring nating

bigyang halaga? Ipaliwanag.IV.Pagtataya

A. Buuin ang salitang tinutukoy.1. Namumuno sa pamahalaang sultanato. S_ _ T_ _2. Payak na pamahalaan ng mga unang Pilipino. B_ _ _ _ _ _ Y3. Mga alituntuning isinagawa upang maiwasan ang pagkakagulo _ A _ _ S4. Isinasagawa sa pamamagitan ng palitan ng mga produkto.5. Batayan ng mga panininwala at batas ng Islam.

Page 11: hekasi-5-aral.1-32

B. Isa-isahin ang mga sumusunod:1-3 Mga tungkulin ng datu sa barangay4-5 Mga tungkulin ng sultan6-7 Pagkakaiba ng pamahalaang baranngay sa pamahalaang sultanato8-10 Kahalagahan ng batas sa pag-uugnayn ng mga Pilipino

V. Kasunduan Sipiin ang tseklist na ito sa kwaderno. Lagyan ng tsek ang hanay ng iyong sagot.

Mga Gawain Madalas Minsan Hindi Ginagawa

1. Nakikiisa ka bas a mga Gawain sa inyong barangay?

2. Sumusunod ka bas a mga batas na pinaiiral sa paaralan?

3. Nakikipagkaibigan ka ban g maayos?4. Tinutularan mo ba ang mabubuting pag-uugali

na minana natin sa mga unang Pilipino?5. Sinusunod mo ba ang mga tagubilin ng iyong

magulang?

______________________________________

HEKASI V8:10-8:50

ARALIN 6: MGA BAGAY NA MAY KINALAMN SA PAMUMUHAY NA PANLIPUNANI. Layunin

Naiisa-isa ang mga bagay na may kinalaman sa pamumuhay na panlipunan.II. Paksang-aralin

Mga Bagay na may Kinalaman sa Pamumuhay na PanlipunanSang:BEC-PELC I. B 1.1

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan:roleta ng mga titik, akordyon ng mga larawan

PagpapahalagaPakikilahok sa talakayan nang masigla

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain1. Balitaan

Magpabalita ng tungkol sa nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan 2.Pagsasanay

Page 12: hekasi-5-aral.1-32

Maghanda ng roleta ng titik. Paikutin ang roleta. Kung saang titik huminto, magbibigay ang mga bata ng mga salitang nagsisimula sa titik na ito at ipaliliwanag.Hal. B- Barangay-Ang barangay ay isang uri ng pamahalaan ng mga ninunong Pilipino. 3.Balik-aral Magbigay ng mga kaalaman o kabatirang natutuhan sa mga naunang aralin tungkol sa kalagayang pampulitika ng mga ninunong Pilipino. B.Panlinang na Gawain 1. Ipabasa ang salitang LIPUNAN.Itanong ang kahulugan nito sa mga bata. 2. Ipakita ang akordyon ng mga larawan tungkol sa iba’t ibang kalagayang panlipunan. Pag-usapan ang mga ito. 3. Ilahad ang paksa. 4. Ipabuo ang suliranin. Anu-ano ang mga bagay na may kinalaman sa pamumuhay na panlipunan? 5.Pabuksan ang mga sangguniang aklat. Magpalikom ng mga datos. 6. Magdaos ng brainstorming session tungkol sa paksa. C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ipaisa-isa ang mga bagay na may kinalaman sa pamumuhay na panlipunan. 2.Paglalapat Anu-ano ang mga bagay na bumubuo sa kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa kasalukuyan? IV.Pagtataya Ipataya ang iba’t ibang bagay tungkol sa pamumuhay na panlipunan ng mga ninunong

Pilipino.V. Kasunduan Basahin ang tungkol sa antas ng katayuan sa lipunan ng mga Pilipino. Isa-isahin ang mga ito at ipaliwanag. Sumangguni sa mga batayang aklat sa HEKASI.

Page 13: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 7: ANTAS NG KATAYUAN SA LIPUNANI. Layunin

Natatalakay ang iba’t ibang antas ng katayuan sa lipunanII. Paksang-aralin

Antas ng katayuan sa LipunanSang: BEC-PELC I.B2 Batayang aklat

Kagamitan:Larawan ng mga taong nabibilang sa iba’t ibang antas ng lipunan Pagpapahalaga:

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balitaan Jr. Patrol

2. Pagsasanay

Pantay-pantay na pagtingin sa iba’t ibang antas ng tao sa lipunan

Page 14: hekasi-5-aral.1-32

Antas ng Katayuan sa Lipunan ng mga Unang Pilipino

Luzon Visayas Mindanao

Maharlika

Timawa

alipin Datu

Timawa

Alipin Malai-i-bangsa

Mabubai-bangsa

Alipin

Punan ng wastong titik ang bawat patlang upang mabuo ang salitang tinutukoy.1. Uri ng pamahalaan ng mga muslim

____________________________2. Mga dapat sundin sa barangay

____________________________3. Payak na pamahalaan ng mga Pilipino.

______________________________4. Paglagda ng kasunduan

_____________________________5. Tagapagbalita sa buong barangay

_____________________________3. Balik-aral

Ipaisa-isa ang mga bagay na may kinalaman sa pamumuhay na panlipunan.B. Panlinang na Gawain

1. Magpakita ng mga larawan ng mga tsong may iba’t ibang antas ng katayuan sa lipunan tulad ng: mga maykaya/ may katamtamang antas ng pamumuhay/mahihirap ang pamumuhay

2. Pag-usapan ang mga nakalarawan.3. Sabihing ang pag-aaralan sa araw na ito ay ,tungkol sa antas ng katayuan sa

lipunan ng mga unang Pilipino.4. Ipabuo ang suliranin.

Anu-ano ang antas ng katayuan sa lipunan ng mga unang Pilipino?5. Pangkatin ang mga bata sa tatlo.

Pangkat 1- Mga Uri ng Tao sa LuzonPangkat 2- Mga Uri ng Tao sa VisayasPangkat 3- Mga Uri ng Tao sa Mindanao

6. Bigyan ng iba’t ibang sanggunian ang mga bata. Magpalikom ng mga datos.7. Gawaing Kolaborativ

Ipaulat ang nalikom na mga kaalaman ng bawat pangkat.8. Pagtatalakayan

Page 15: hekasi-5-aral.1-32

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat

Balikan ang suliranin. Ipasagot ito.2. Paglalapat

Anu-ano ang antas ng katayuan sa pamumuhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan? Ihambing mo ito sa panahon ng mga ninuno.

IV. PagtatayaPunan ng wastong sagot ang bawat patlang.1. Ang tatlong uri ng tao sa Luzon ay ang __________, __________,

____________.2. Ang tawag ng mga taga-Visayas sa alipin ay ___________________.3. Ang kumakatawan sa mga ugnayang pambarangayay ang ________________.4. Ang pangkaraniwang pangkat ng tao sa lipunan ng mga taga-Mindanao ay

tinatawag na ____________.5. Ang pinakamababang pangkat ng mga tao sa lipunuan ay ang

_________________.V. Kasunduan

1. Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit ang iba’t ibang antas ng katayuan sa lipunan ng mga unang Pilipino.

2. Basahin ang tungkol sa pagpapahalaga sa mga kababaihan. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong;a. Paano pinapahalagahan ng mga ninuno ang mga kababaihan?b. Magbigay ng mga sitwasyon kung paano nila ito ipinakita. Sumangguni sa

mga batayang aklat.

Page 16: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 8: PAGPAPAHALAGA SA KABABAIHANI. Layunin

Naipapaliwanag kung paano pinahalagahan ng mga unang Pilipino ang mga kababaihan

II. Paksang-aralinPagpapahalaga sa mga KababaihanSang: BEC-PELC I.B 3 Batayang aklat

Kagamitan:Larawan ,plaskard Pagpapahalaga:

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balitaan Magbalitaan tungkol sa mga kababaihan sa Pilipinas na may natatanging nagawa para sa bansa.Hal. Corazon Aquino Gabriela Silang

2. Pagsasanay

Pagiging magalang

Page 17: hekasi-5-aral.1-32

Pumili ng samoung bata. Sabihing sasayaw sila habang umiikot sa mesa na may plaskard. Paghinto ng tugtog, dadampot sila ng isang plaskard. Ipapaliwanag nila ang kanilang nakuhang salita.

Barangay sultanato panglima sultanDatu batas pandita Umalohokan sandugo ruma bechara

3. Balik-aralMagpabigay ng mga kabatiran o konseptong natutuhan sa nakaraang aralin.

B. Panlinang na Gawain1. Magpakita ng mga larawang iginagalang ang mga kababaihan. Pag-usapan

ito.2. Magpasalaysay sa mga bata ng kanilang namasid o nagawa tungkol sa

paggalang o pagmamahal sa mga kababaihan.3. Sabihing ang kanilang tatalakayin ay tungkol sa pagpapahalaga ng mga

unang Pilipino sa mga kababaihan.4. Ipabuo ang suliranin.

Paano pinapahalagahan ng mga unang Pilipino ang mga kababaihan?5. Magpasaliksik ng mga datos sa sanggunian.6. Magdaos mg brainstorming session. Ipatalakayang paksa sa pamamagitan

ng pagbuo ng flower web.

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat Patnubayan ang mga bata sa pagbuo ng paglalahat.2. Paglalapat Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Bigyan ang bawat pangkat ng activity card.

Activity card 1

Gumuhit ng larawang nagpapakita ng paggalang sa mga kababaihan.

Activity card 2

Gawin ang retrieval chart na ito.

Paggalang sa mga KababaihanNoon Ngayon

Page 18: hekasi-5-aral.1-32

b.Ipatanghal ang natapos na Gawain.

IV. Pagtataya Sagutin ang mga sumusunod:1. May mataas na pagtingin sa kababaihan ang mga unang Pilipino. Magbigay ng

tatlong patunay sa inihahayag ng pangungusap na ito.a.b.c.

2. Anu-ano ang mga karapatan ng mga babae noon? Magbigay ng dalawang kasagutan. a.

b.V. Kasunduan

1. Magsaliksik tungkol sa mga natatanging kababaihan sa Pilipinas. Alamin ang kanilang katangi-tanging nagawa para sa bayan.

2. Magbasa tungkol sa edukasyon ng mga unang Pilipino.

Activity Card 3

Lumikha ng awit o tula tungkol sa pagbibigay-halaga sa mga kababaihan.

Page 19: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 9: URI NG EDUKASYON NG MGA UNANG PILIPINO

I. LayuninNatatalakay ang uri ng edukasyon ng mga unang Pilipino

II. Paksang-aralinUri ng Edukasyon ng mga Unang PilipinoSang:BEC-PELC I. B 4

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan: mga larawan,flaglets

PagpapahalagaPagbibigay halaga sa pagkakagamit ng edukasyon

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain1. Balitaan

Magpakita ng isang drama batay sa napapanahong balita ukol sa edukasyon.Pag-usapan ito.

2.Pagsasanay Itaas ang pualng bandila kung totoo ang isinasaad sa pangungusap, asul na bandila kung hindi.a. Malaki ang pagpapahalaga ng mga unang Pilipino sa mga kababaihan.b. May pamahalaan na an gating mga ninuno bago pa man dumating ang mga

mananakop sa ating bansa.

Page 20: hekasi-5-aral.1-32

c. Pinakamababang pangkat ng tao sa lipunan ang timwa.d. Sultanato ang tawag sa pamahalaan ng mga taga-Visayas.e. May iba’ibang tungkulinng ginagampanan ang mga datu.

(Isa-isang ididkta ng gro ang bawat tanung.) 3.Balik-aral

Magdalawahan (diads). Ibahagi sa isa’t isa ang natipong kaalaman tungkol sa mga katangi-tanging kababaihan sa lipunan.

B.Panlinang na Gawain 1. Isulat ang salitang edukasyon.Ipabigay ang kahulugan nito. 2. Magpakita ng mga larawan katulad ng sumusunod:

a.mga batang tinuturuan ng mga kagulang sa kani-kanilang tahanan. b. mga batang tinuturuan ng paghahabi,pananahi,pagluluto,pag-aalaga ng hayop, at mga

gawaing-bahay. c. alpabeto ng mga unang Pilipino.3. Pag-usapan ang isinasaad ng mga larawan.4. Ilahad ang paksa.5. Ipabuo ang suliranin.

Ano ang uri ng edukasyon ng mga unang Pilipino?Paano tinuturuan ang mga bata?6. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat upang makalikom ng mga kaalaman sa mga

sanggunian.Bigyan sila ng manila paper at pentel pen.Ganyakin sila na makabuo ng iba’t ibang graphic organizer sa pagsulatng kanilang sagot.

Pangkat 1-Network

Pangkat 2- Discussion Web

Page 21: hekasi-5-aral.1-32

Pangkat 3-Cluster Organizer

Pangkat 4-Flower Web

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Bigyan ng patnubay na tanong ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. 2.Paglalapat

Page 22: hekasi-5-aral.1-32

a. Anong uri ng edukasyon ang meron sa kasalukuyan? b.Ipaliwanag,”Mas maganda ang kinabukasan kung may pinag-aralan”IV.Pagtataya

Iguhit ang kung ang ihinahayag ng pangungusap ay wasto at kung di-wasto. 1. May sariling pamamaraan ng pagbiang at pagkwenta ang mga ninunong Pilipino.2. Di-pormal ang uri ng edukasyon ng mga ninunong Pilipino.3. May paaralan sa Panay na tinatawag na Bothoan.4. May sistema ng edukasyon ang unang Pilipino bago pa man dumating ang mga

Espanol5. Tinuruan ng pagbasa at pagbilang ang mga bata sa loob ng malalaking paaralan.

V. Kasunduan 1. Sumulat ng tugma o mga salawikain tungkol sa edukasyon.Ilagay ito sa portfolio ng kaalaman. 2. Basahin ang unang relihiyon ng mga unang Pilipino.Alamin ang paraan ng kanilang pananampalataya.Sumangguni sa mga batayang aklat sa HEKASI.

Page 23: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 10: PAGANISMO AT ISLAMI. Layunin

1. Nailalarawan ang relihiyong Paganismo at Islam2. Nahihinuha kung paano lumaganap sa ilang bahagi ng bansa ang relihiyong

islam.3. Natatalunton sa mapa ang pinagmulan at ang paglaganap ng relihiyong Islam sa ilang bahagi ng bansa

II. Paksang-aralinAng Relihiyong Paganismo at IslamSang: BEC-PELC I.B 5-7

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan: mga larawan,manila paper, pentel pen

Pagpapahalaga:Paggalang sa relihiyon ng iba

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain 1. Balitaan

Mapagbalita ng mga kaugnayan sa paksang-aralin 2. Pagsasanay-word puzzel

Hanapin ang mga salitang nakapaloob sa sa mga titik na nasa parisukat.Magbigay ng mga kaalaman tungkol dito.

B O A L I B A T A

D R D A T U E P O

B I G A Y K A Y A

L P T I M A W A B

Page 24: hekasi-5-aral.1-32

M U A L I P I N K

A N I T O N R S T

3. Balik-aralGunitaing muli ang paglalahat na nabuo sa nakaraang aralin.Magbigay ng tanung tungkol dito.

B.Panlinang na Gawain

1. Magpabigay ng mga halimbawa ng iba’t ibang uri ng relihiyon sa kasalukuyan.Ipalaran ang paraan ng kanilang pagsamba.

2. Ipakita ang paraan ng pagsamba ng mga ninuno at Muslim.Pag-usapan ito. 3. Sabihing ang pag-aaralan nila ngaon ay tungkol sa relihiyon ng mga ninunong

Pilipino,ang relihiyong Paganismo at Islam. 4. Ipabuo ang suliranin.

a. Ano ang relihiyong Paganismo at Islam?b. Paano lumaganap sa ilang bahagi ng bansa ang relihiyong Islam?

5. .Pangkatin ang mga bata upang makalikom ng mga datos.Pangkat 1- Paglalarawan sa relihiyong PaganismoPangkat 2- Paglalarawan sa relihiyong Islam

Pangkat 3- Paghihinuha kung paano lumagap sa ilang bahagi ng bansa angrelihiyong Islam.

Pangkat 4- Pagtalunton sa mapa ng pinagmulan at ang paglaganap ng relihiyong Islam.

6. Bigyan ng manila paper ang bawat pangkat upang ditto nila isulat ang kanilang mga sagot.

7. Bigyan ng sapat na panahon ang mga bata sapaghahanda ng kanilang iuulat. 8. Gawaing kolaborativ

Ipalahad sa klase ang nalikom na mga datos.Ipaulat sa lider ng bawat Pangkat.

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

a. Anu-ano ang relihiyo ng mga ninunong Pilipino? Paano ang paraan ng kanilangpananampalataya?b. Saan nagmula ang relihiyong Islam at paano ito lumaganap sa ibang bahagi ng bansa?

2. PaglalapatIpaguhit ang balangkas na mapa ng Pilipinas.Palagyan ng tuldok ang mga lugar na kung saan lumaganap ang Islam sa bansa.

IV.Pagtataya

Page 25: hekasi-5-aral.1-32

Sipiin ang mga titik ng mga tamang sagot sa sagutang papel.1. Alin sa mga sumusunod na paglalarawan ang tungkol sa Paganismo?

a. Pinaniniwalaan nila ang mga espiritu sa kapaligiran na nagpaparusa o tumutulong sa mga ninuno.

b. Pinaniniwalaan na mayroong kabilang buhay at ang kaluluwa ng tao ay hindi namamatay.

c. Nagdaraos ng misa at prusisyon tuwing kapitahan ng mga santo.

2. Alin sa mga sumusunod na paglalarawan ang tungkol sa Islam?a. Allah ang tawag nila sa kanilang panginoon at Koran ang kanilang banal na aklat.b. Pagbibigay ng Zakat o ang ikasampung bahagi ng kita ay isa sa limang tungkulin

sa kanilang relihiyon.c. Tungkulin din ng relihiyong ito na manalangin, mag-ayuno, at maglakbay sa

Mecca.d. Bibliya ang tawag sa kanilang banal na aklat.

V.KasunduanSagutin ang mga sumusunod.1. Paano lumaganap ang Islam sa ilang bahagi n gating bansa?2. Paano natin maipapakita an gating paggalang sa mga tao na naiiba ang

paniniwala at pananampalataya?3. Ano ang masasabi ninyo sa kalagayang panlipunan ng mga unang Pilipino?

Page 26: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 11: PAGBUBUO NG KONKLUSYONI. Layunin

Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa kalagayang panlipunan ng mga unang Pilipino.

II. Paksang-aralinPagbubuo ng Konklusyon tungkol sa Kalagayang Panlipunan ng mga Unang PilipinoSang:BEC-PELC I.B 8

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan: tandang pananong, activity cards

PagpapahalagaPakikipagtulungan at pagkakaisa

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain

Magpaskil ng isang malaking tandang pananong sa pisara na may nakalagay na tanong.Pakuhanin ditto ang mga bata.Ipabasa at ipasagot ang tanong na nakasulat sa isang pirasong papel.

(Tingnan ang ilustrasyon)

Page 27: hekasi-5-aral.1-32

1. Anu-ano ang mga antas ng katayuan sa lipunan ng mga unang Pilipino?2. Ano ang ibigsabihin ng Islam?3. Anu-ano ang limang bahagi ng Islam?4. Paano nagkakaiba at nagkakatulad ang katayuan ng lipunan ng mga Pilipino?5. Sinu-sino ang mga naging bahagi ng paglaganap ng Islam sa Plipinas?

B.Panlinang na Gawain1. Pangkatin ang mga bata sa apat.Bigyan sila ng activity cards.

Activity Card 1Gawin ang mga sumusunod:

a. Gumupit ng mga titik ng salitang PAGANISMO.b. Gumawa ng akrostik tungkol sa pananampalatayang ito n gating mga

ninuno.

Activity Card 2

a. Gagarin ang paraan ng pagsamba ng mga muslimb. Ipaliwanag ito

Activity Card 3

Isalaysay kung paano lumaganap ang Islam sa Luzon, Visayas, at Mindanao

Page 28: hekasi-5-aral.1-32

Activity Card 4Gumamit ng mapa ng Asya.Taluntunin ang paglaganap ng islam sa ilang

bahagi ng Pilipinas.

2. Bigyan ng sapat na panahon ang mga batang maihanda ang kanilang mga ginawa. 3. Gawaing kolaborativ

Pagpapakitang mga Gawain ng bawat pangakat. 4. Bigyang halaga ang ginawa ng bawat pangkat.

a. Magpabigay ng mga natutuhan sa iniulat.b. Pabigyang puna sa mga mag-aaral ang ginawang pag-uulat.

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Ipabuo ang konklusyon tungkol sa tungkol sa kalagayang panlipunan ng mga unang Pilipino.Itanung: Batay sa mga konseptong natutuhan natin, ano ang masasabi ninyo sa kalagayang panlipunan ng mga unang Pilipino

2. PaglalapatPag-usapan ang mga ugaling natutuhan tungkol sa kalagayang panlipunan

ng mga unang Pilipino.Ipatalakay kung dapat panatilihin ang mga ito at bakit? IV.Pagtataya

Magbigay ng lagumang pagsusulit tungkol sa kalagayang panlipunan ng mga unang Pilipino.

V.KasunduanGawaing kolaborativ

Pangkatin ang mga bata sa apat.Ganyakin silang mag-usap-usap upang makagawa ng portfolio ng kaalaman tungkol sa kalagayang panlipunan ng mga unang Pilipino.

Page 29: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 12: ANG PINAGKUKUNANG YAMAN SA HANAP BUHAY NG MGA UNANG PILIPINO

I. LayuninNaibibigay ang kahalagahan ng pinagkukunang yaman sa hanapbuhay ng mga

unang Pilipino

II. Paksang-aralinKahalagahan ng Pinagkukunang Yaman sa Hanapbuhay ng mga Unang PilipinoSang: BEC-PELC I. C 1

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan: Show Me Drill Board,mapang pangkabuhayan,mga larawan

PagpapahalagaPangangalaga ng pinagkukunang yaman

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain 1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa kalagayan ng kabuhayan n gating bansa sa kasalukuyan. 2. Pagsasanay

Ipahanda ang Show Me Drill Board.Ipasulat ang sagot sa sumusunod na tanong.a. Ano ang kahulugan ng Islam?b. Ano ang uri ng edukasyon ng unang mga Pilipino?

Page 30: hekasi-5-aral.1-32

c. Paano lumaganap ang Islam sa Pilipinas?d. Paano pinahalagahan ng mga unang Pilipino ang mga kababaihan?e. Anu-ano ang antas ng katayuan sa lipunan ng mga unang Pilipino?

3.Balik-aralIhanda ang roleta ng karunungan.

RRe

Ipaikot ang roleta. Kung saang paksa ito huminto, magpabigay sa mga bata ng mga natutunan nila tungkol ditto. B.Panlinang na Gawain

1. Ipakita ang larawan ng mga likas na yaman ng bansa.Pagusapan ito.Ipakita rin ang mapang pangkabuhayan ng bansa.Ipaturo rito ang mga likas na yaman sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

2. Ilahad ang paksang tatalakayin. 3. Ipabuo ang suliranin.

Ano ang kahalagahan ng pinagkukunang yaman sa hanapbuhay ng mga unang Pilipino?

4. Paglikom ng mga kaalaman sa mga sanggunian.Gawing patnubay ang retrieval chart na ito.

Mga Naging Hanapbuhay ng mga Ninuno Batay sa Likas na Yaman ng Bansa

Iloa, dagat bundok, bulkan

kagubatan kapatagan

Relihiyon

Antas ng Katayuan sa Lipunan

Pagpapahalga sa Kababaihan

Pagpapalaganap ng Islam Edukasyon

Page 31: hekasi-5-aral.1-32

5. Ipatalakay ang naipong datos, Bigyang diin ang kahalagahan ng pinagkukunang yaman sa hanapbuhay ng mga ninuno.

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Bakit mahalaga ang pinagkukunang yaman sa hanapbuhay ng mga ninunong Pilipino?

2. PaglalapatMahalaga ba ang pinagkukunang yaman sa pamumuhay ng mga Pilipino?

Bakit?Ipaliwanag.IV.Pagtataya

Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa kahalagahan ng pinagkukunang yaman sa hanapbuhay ng mga ninunong Pilipino.

V.Kasunduan1. Gumuhit ng isang halimbawa ng likas na yaman.Isulat kung paano makakatulong sa pamumuhay ng mga Pilipino.2. Paano natin pangangalagaan ang ating mga pinagkukunang yaman?3. Basahin ang tungkol sa tekmolohiyang ginamit ng mga unang Pilipino sa iba’t ibang sanggunian

Page 32: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 13: TEKNOLOHIYA NG MGA UNANG PILIPINOI. Layunin

Nailalarawan ang unang teknolohiyang ginamit ng mga unang Pilipino sa panahon ng bato at panahon ng metal.

II. Paksang-aralinTeknolohiyang Ginamit ng mga Unang PilipinoSang: BEC-PELC I. C 2

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan:mga larawan, flaglets

PagpapahalagaPagkakaisa at pagtutlunganIII. Pamamaraan

A.Panimulang Gawain 1. Balitaan

Magpatanghal sa SAKSI. Magpaulat ng mga balita tungkol sa mga makabagong teknolohiyang ginagamit sa kabuhayan.

2. Pagsasanay Ipahanda ang flaglets ng mga bata.

Panuto: Itaas ang pulang flaglets kung ang inahahayag ng pangungusap ay totoo at asul na flaglets kung di-totoo.Katolisismo ang uri ng relihiyon ng mga unang Pilipino.Barangay ang tawag sa uri ng pamahalaan sa ating mga ninuno.Lumaganap ang Islam sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa kalakalan.May pormal na edukasyon ang ating mga ninuno.Iba’t iba ang antas ng katayuan sa lipunan ng mga unang Pilipino.

Page 33: hekasi-5-aral.1-32

Teknolohiya

Noon Ngayon

Balik-aralPagbuuin ng tatluhan(triads) ang mga bata.Ipabahagi ang kanilang ginawang kasunduan tungkol sa mga pinagkukunang yaman ng bansa.

B.Panlinang na Gawain1. Magpakita ng mga larawan ng mga iba’t ibang kagamitan.Pag-usapan ang pagkakayari ng mga ito.Ipabigay ang kahulugan ng teknolohiya.

2. Ilahad ang paksang.

3. Ipabuo ang suliraninAnu-ano ang teknolohiyang ginamit ng mga unang Pilipino sa panahon ng lumang bato,

bagong bato, at metal?4. Pangkatin ang mga bata sa apat.Magpalikom ng mga datos tungkol sa paksa.Ibigay ang patnubay na tsart na ito.

Mga Kagamitang Ginamit ng mga Ninuno sa Panahon ng :

Lumang Bato Bagong Bato Metal

5. Ipaulat ang nalikom na kaalaman ng bawat pangkat.6. Paglalagom: gamitin ang Network Tree

Network Tree(p.29)

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Gabayan ang mga batang makabuo ng paglalahat. 2. Paglalapat

a. Ipahambing ang teknolohiya noon sa uri ng teknolohiya sa kasalukuyan.b.Pangkatin ang mga bata.Ipaliwanag ang grapikong presentasyon sa ibaba.

Teknolohiya

Page 34: hekasi-5-aral.1-32

IV.PagtatayaIsulat ang PLB kung ang teknolohiyang inilalarawan ay sa Panahon ng

Lumang Bato, PBB kung Panahon ng Bagong Bato, at Pm kung panahon ng Metal._________1. Nakagawa ng batong pampukpok at pamana_________2. Nalinang ang paraan ng pagpapanday_________3. Sinimulan ang paggamit ng mga kagamitang yari samalalaki at magagaspang na

bato._________4. Nalinang ang halaga ng kristal._________5. Sinimulan ang paghahabi at paggawa ng palayok.

V.Kasunduan

Gumuhit o gumupit ng mga larawan tungkol sa pagbabago ng teknolohiya ng mga unang Pilipino sa iba’t ibang panahon.Ilarawan ito.Basahin ang tungkol sa pagmamay-ari ng lupa n gating mga ninuno.Magbigay ng paliwanag tungkol ditto.Sumangguni sa mga batayang aklat sa HEKASI.

Page 35: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 14: PARAAN NG PAGMAMAY-ARI NG LUPAI. Layunin

Nsusuri ang paraan ng pagmamay-ari ng lupa ng mga unang Pilipino.II. Paksang-aralin

Paraan ng Pagmamay-ari ng Lupa ng mga Unang PilipinoSang: BEC-PELC I. C 3

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan:letter fan, tsart

PagpapahalagaPagsisikap at pagpupunyagi

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain 1. Balitaan

Magpaulat ng isang balita na may kaugnayan sa paksa. 2. Pagsasanay

Ipahanda ang letter fan. Ipasagot ang sumusunod na tanong.1. Ang balanghay ay isang uri ng _________.

a. Sasakyan c. kagamitanb. Lupain d. bahay

2. Ang banal na aklat ng mga Muslim ay tinatawag na ______________. a.Bibliya c. balarila b. Koran d. Islam

3.Ang gumawa ng hagdan-hagdang palayan sa Banawe ay ang mga _____________. a. Cebuano c. Ifuga b. Ilokano d. Muslim 4.Ang nakatulong sa pag-unlad ng pagsasaka n gating mga ninuno ay ang paggamit ng _____________. a. traktora c.kariton b. kalabaw d. makabagong paraan 5. Ang Paganismo ay paniniwala sa _______________ a.santo at santa c. Poong Maykapal b. espiritu d. lakas tao

3. Balik-aral Anu-anong uri ng teknolohiyang ginamit ng mga ninuno sa panahon ng lumang bato, bagong bato at metal?

Page 36: hekasi-5-aral.1-32

B.Panlinang na Gawain

1. Magsagawa ng survey sa mga batang mag-aaral sa loob ng klase. Bilangin ang mga batang: a. may bahay na nakatayo sa sariling lupa b. may sariling lupa sa lalawigan o sa lungsod c. umuupa ng bahay 2. Pag-usapan kung paano nakapagmay-ari ng lupa at bahay ang kanilang pamilya. 3. Ilahad ang paksang tatalakayin. Pagmamay-ari ng Lupa ng mga Ninuno

4. Ipabuo ang suliraninPaano nakapagmamay-ari ng lupa ang mga ninuno?

5. Pagsasaliksik sa batayang aklat.6. Talakayan tungkol sa nalikom na kaalaman.

(p.32)

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Ang paraan ng pagmamay-ari ng lupa ng mga ninuno ay maaaring pambarangay o pampribado.

2. Paglalapata. Ipahambing ang pagmamay-ari ng lupa ng mga Pilipino noon at sa kasalukuyan. Gamitin ang grapikong representasyon na katulad ng nasa paglalapat ng Aralin 13.

IV.PagtatayaIsulat ang PB kung ang lupang tinutukoy ay pambarangay at PP kung

pampribado._________1. Minana sa mga magulang_________2. Maaaring gamitin ng lahat ng nakatira sa barangay_________3binubungkal ng mga alipin para sa datu_________4. Binili sa nagmamay-ari_________5. Di matataba at di nalilinang

V.Kasunduan Ano ang iyong gagawin?

1. Nais mong magkaroon ng ari-arian sa hinaharap tulad ng lupa.2. May mga kagamitan kang mahalaga.

Page 37: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 15: PAGBUBUO NG KONKLUSYON TUNGKOL SA PARAAN NG PAGHAHANAPBUHAY NG MGA UNANG PILIPINO

I. LayuninNakabubuo ng konklusyon tungkol sa paraan ng paghahanapbuhay ng mga unang

PilipinoII. Paksang-aralin

Pagbubuo ng Konklusyon tungkol sa Paraan ng Paghahanapbuhay ng mga Unang Pilipino

Sang: BEC-PELC I. C 4 Batayang Aklat sa HEKASI 5

Kagamitan:roleta ng titikPagpapahalaga

Pagiging maparaanIII. Pamamaraan

A.Panimulang Gawain 1. Balitaan

Magpahanda ng isang balitang maaaring ipaulat sa pamamagitan ng pagsasadula na may kaugnayan sa aralin.

2. PagsasanayGamitin ang roleta ng mga titik.

Paikutin ang roleta, kung saang titik huminto, pagbigayin ang mga bata ng salita na nagmumula sa titik na ito at ibigay ang kahukugan. Hal. I- Islam Ang Islam ay relihiyon ng mga Muslim.

1. Balik-aralPagbalik-aralan ang mga paglalahat na nabuo mula sa Aralin 12 hanggang Aralin 14. Magpabigay ng ilang konsepting natutunan sa mga paksang tinalakay

B.Panlinang na Gawain 1. Pangkatin ang mga bata sa apat at bigyan sila ng activity cards.

Activity Card 1

Magtanal ng isang dula-dulaan tungkol sa kahalagahan nh pinagkukunang-yaman sa hanapbuhay ng mha unang Pilipino.

Page 38: hekasi-5-aral.1-32

2.Bigyan ng sapat na panahon ang mga batang maihanda ang kanilang mga Gawain. 3. Gawaing Kolaborativ a. Presentasyon ng mga Gawain ng bawat pangkat b. Pagbibigay halaga sa mga pangkatang Gawain

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Ipabuo ang konklusyon batay sa mga konseptong natutuhan. Ano ang masasabi ninyo sa paraan ng paghahanapbuhay ng mga unang Pilipino?

2. Paglalapat

Activity Card 2

Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit at pagkukulay ang mga pagbabagong naganap sa teknolohiyang ginamit ng mga unang Pilipino sa panahon ng bato at ng metal.

Activity Card 3

Magtanghal ng talakayang panel, Ituon ang paksa sa paraan ng pagmamay-ari ng lupa ng mga unang Pilipino.

Activity Card 4

Ipakta sa pamamagitan ng icon map sng pamamaraan ng paghahanapbuhay ng mga unang Pilipino.

Page 39: hekasi-5-aral.1-32

May kahalagahan ba ang paraan ng paghahanapbuhay ng mga unang Pilipino sa paraan ng paghahanapbuhay ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon? Pangatwiranan ang inyong sagot.

Gamitin ditto ang Think-Pair-Share na teknik

IV.PagtatayaMagbigay ng lagumang pagsusulit tungkol sa pangkabuhayang pamumuhay ng mga unang Pilipino.

V.Kasunduan

Basahin ang tungkol sa paraan ng pamamahala ng mga Espanyol sa bansa. Paano pinamhahalaan ng mga Espanyol ang Pilipinas?

Page 40: hekasi-5-aral.1-32

YUNIT II: ANG MGA PILIPINO SA PANAHON NG ESPANYOLARALIN 16: ANG PAMAHALAANG SENTRAL AT PAMAHALAANG LOKAL

I. LayuninNatutukoy ang uri ng pamahalaang sentral at pamahalaang lokal

II. Paksang-aralinAng pamahalaang Sentral at Pamahalaang LokalSang: BEC-PELC I. C

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan:balangkas

Pagpapahalaga:Nakapaghihintay ng pagkakataon sa pagsagot sa klase

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain 1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa mahahalagang pangyayari sa pamahalaang local.

2. PagsasanayGame Ka Na ba? (pangkatang laro)

Bawat pangkat ay may kalahok na isang bata, subalit lahat ng bata ay sasagit din sa kanliang upuan. Magbibigay ng limang tanong ang guro na maaaring manggaling sa lipunan, pamahalaan, at sa kabuhayan ng mga ninuno.

a. Ang namumuno sa barangay ay _____________(datu)b. Kauna-unahang babae sa mundo na isang mambabatas.__________(lubluban)c. Ang matulis na instrumentong ginamit na panulat n gating mga ninuno ay tinatawag

na _____________(sipol)d. Ang tawag sa kataas taasang Diyos n gating mga ninuno._____________ (bathala)e. Ito ang sistema ng pamahalaan n gating mga ninuno. (barangay)

3.Balik-aralMagpabigay ng paglalahat. Magtanong ng ilang mga konseptong natutuhan sa mga tinalakay na aralin.

B.Panlinang na Gawain

Page 41: hekasi-5-aral.1-32

1. Iparinig sa mga bata ang kasaysayan ng pagdating ng mga Espanyol sa bansa na nakarecord. 2. Isa-Isahin ang mga pangyayaring naganap sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. 3. Ilahad ang paksang aralin. 4. Ipabuo ang suliranin. 5. Ipakita ang balangkas na nasa pahina 37 6. Itanong ang mga sumusunod: a. Ano ang dalawang uri ng pamamahala ng mga Espanyol? b. Anu-ano ang bumubuo sa pamahalaang local? Anu-ano ang tawag sa bawat isa? c. Ano ang kaugnayan ng pamahalaang sentral sa amhalaang local? 7. Pabuksan ang batayang aklat para sa karagdagang kaalaman.

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Magbigay ng patnubay na tanong batay sa paksang aralin upang makabuo ng paglalahat ang mga bata.

2. Paglalapat Anu-ano ang mga pagbabago o pagkakatulad sa paraan ng pamamahala ng

mga Espanyol at ng mga ninunong Pilipino?

IV.Pagtataya Isulat ang T kuna ang ipinapahayag ng pangungusap ay Tama at DT kung di tama.

1. Ang pamahalaang Sentral ang may hawak ng lahat ng kapangyarihang pampamahalaan.

2. Ang pamahalaang panlalawigan ay may dalawang uri ng pangangasiwa.3. Ang pinakamaliit nay unit ng pamahalaan ay ang Pueblo.4. Ang kautusang ipinatutupad sa pamahalaang local ay nanggagaling sa

pamahalaang sentral.5. Ang alcalde mayor ay isang panlalawigang pamahalaan.

V.Kasunduan

Basahin ang tungkol sa mga opisyales ng pamahalaan sa panahon ng Espanyol. Itala ang kanilang mga tungkulin. Sumangguni sa mga batayang aklat sa HEKASI.

Page 42: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 17: MGA OPISYALES NG PAMAHALAAN

I. LayuninNaiisa-isa ang mga opisyales at ang kanilang tungkulin

II. Paksang-aralinMga Opisyales at ang Kanilang TungkulinSang: BEC-PELC II.A 2

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan:BINGO Cards

Pagpapahalaga:Maayos na pagganap sa tungkulin

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain 1. Pangkatin ang mga bata sa apat. Bigyan ang bawat pangkat ng BINGO card tulad

nito. Maghanda ng malalaking BINGO cards.

BI N GO

1 2 3

4 FREE 5

6 7 8

Sa BINGO card isusulat ng bawat pangkat ang kanilang sagot sa walonh tanong na

ibibigay ng guro.1. Ano ang dalawang uri ng pamahalaan sa panahon ng Espanyol?2. Alin ang pinakamaliit nay unit ng pamahalaan?3. Saan nanggagaling ang lahat ng kautusang ipinatutupad ng pamahalaan?4. Ano ang tawag sa pamahalaang panlalawigan?5. Ano ang tawag sa lalawigang hindi pa lubusang naangkin ng mga banyaga?6. Ano ang ginawang punong lubgsod ni Legaspi sa buong kapuluan?7. Ano ang itinawag sa pamahalaang pambayan?8. Ano ang dalawang pangunahing tungkulin ng pamahalaang sentral?

Page 43: hekasi-5-aral.1-32

2. Ipawasto ang sagot sa bawat pangkat. BINGO ang pangkat na wastong lahat ang sagot. B.Panlinang na Gawain 1. Balikan ang balangkas na tinalakay sa Aralin 16. 2. Ilahad ang paksa. Mga Opisyales ng Pamahalaan at kanilang mga Tungkulin 3.Pagbuo ng suliranin a. Sinu-sino ang mga opisyales ng pamahalaan sa panahon ng Espanyol? b. Anu-ano ang kanilang mga tungkulin? 4. Pabuksan ang batayang aklat upang makalikom ng mga datos. Ounan ng sago tang retrieval chart na ito.

Mga Opisyales ng Pamahalaan at Kanilang TungkulinOpisyales o Pinuno Mga Tungkulin

a. Gobernador-heneralb. Alcalde mayorc. Corregidord. Alcaldee. Gobernadorcillof. Cabeza de Barangay

5.Ipatalakay ang sagot ng mga bata.

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Patnubay ang mga batang makabuo ng paglalahat kaugnay ng paksa. 2. Paglalapat

Ipahambing ang mga tungkulin ng mga opisyales ng pamahalaan sa panahon ng Espanyol sa kasalukuyang panahon.

IV.Pagtataya Itambal ang mga opisyales na nasa hanay A sa kanilang mga tungkulin na nasa hanay

B.Hanay A

________1. Gobernadorcillo________2. Gobernador-heneral________3. Alcalde-mayor________4. Cabeza de Barangay________5. Corregidor

Hanay Ba. Puno ng bawat barangayb. Namamahala sa lalawiganc. Nangangasiwa sa paglikom

ng buwis sa pueblod. D. namumuno sa

corrigimientoe. Pinakamataas na pinuno na

hinirang hari ng espanyaf. Kagawad ng barangay

Page 44: hekasi-5-aral.1-32

Gobernador-heneral

gobernadorcillo

Cabeza de barangay

Alcalde mayor

V.Kasunduan1. Sagutin:

Kung ikaw ay isang opisyales ng pamahalaan, paano mo gagampanan ang iyong mga tungkulin?

2. Basahin ang tungkol sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol. Itala kung anu-anong pagbabago ang naganap sa panahanan sa panahong ito.

3. ARALIN 18:URI NG PANAHANAN NG MGA PILIPINO SA PANAHON NH ESPANYOL

I. LayuninNailalarawan ang iba’t ibang uri ng panahanan

II. Paksang-aralinUri ng Panahanan ng mga PilipinoSang: BEC-PELC II.B 1.1

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan: balangkas, mga larawan

Pagpapahalaga:Kalinisan

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain

1. Balitaan Magbabalitaan ang bata tungkol sa mga proyektong pabahay ng pamahalaan.

2.Pagsasanay Isulat ang Tkung ang ipinahahayag sa pangungusap ay totoo at HT kung Hindi Totoo.

_________a. Ang pagkakaingin ay isang dahilan ng paghihiwa-hiwalay ng panahanan ng mga unang Pilipino._________b. Pare-pareho ang laki ng panahanan ng mga unang Pilipino._________c. Ang paglalakbay ay isa ring batayan ng mga ninuno sa pagpili ng panahanan._________d. Ang paniniwala sa mga espiritu o anito ay isa ring dahilan ng pagkakaroon ng pahany na tirahan ng mga unang Pilipino._________e. Pinili ng marami sa ating mga ninuno ant tabing-dagat o ilig dahil nakakukuha sila rito ng kanilang pagkain at hanapbuhay.

4. Balik-aral Anu-ano ang mga tungkulin ng sumusunod na mga opisyales?

Page 45: hekasi-5-aral.1-32

Mga Panahanan sa Panahon ng Espanyol

Pueblo alcaldia syudad

Pinagsanib-sanib na barangay

Sampung ulit ang laki kaysa sa dating barangay

Pinagsanib-sanib na pueblo

Ang pinakamaunlad na pueblo rito ang ginagawang kabisera

Nakapaligid ang simbahan, gusaling pampamilihan, paaralang pamparokya, pagamutan,sementeryo

Pinamamahalaan ng gobernadorcillo Sa kabisera nakatayo ang kapitolyo

May gusaling pampamahalaan, liwasang bayan,simbahan ng parokya, paaralang pambayan, at pamparokya

Itinatag ni Gobernador-heneral Miguel Lopez de Legaspi ang syudad ng Maynila

Nasa bunganga ng ilog pasig ang syudad ng maynila. Isinunod ang kaauysan nito sa mga syudad sa Europa.

B.Panlinang na Gawain 1. Pag-usapang muli ang uri ng pamahalaan ng mga unang Pilipino. 2. Magpakita ng mga larawan ng panahanan sa panahon ng mga Espanyol. Pag-usapan ito. 3. Ipabuo ang suliranin. Anu-ano ang uri ng panahanan sa panahon ng espanyol?

4.Magpalikom ng mga kaalaman tungkol sa uri ng panahanan sa panahon ng mga Espanyol sa mga sanggunian. 5.Ipatala ang mga kasagutan sa suliranin 6. Magdaos ng brainstorming sesyon ukol sa paksa. 7. Pagbubuod.

Page 46: hekasi-5-aral.1-32

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Balikan ang tinalakay na paksa sa pamamagitan ng grapikong presentasyon. Batay rito, ipabuo ang paglalahat.

2. PaglalapatMay pagkakaiba ba o pagkakatulad ang panahanan sa panahon ng mga Espanyol sa

panahanan ng mga ninunong Pilipino?Ipaliwanag ang iyong sagot.IV.Pagtataya

Isulat ang tsek sa mga pangungusap na naglalarawan sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol at ekis kung hindi.

____1. Naninirahan ang mga Pilipino sa mga yungib o kweba. _____2. Pinagsanib-sanib ang mga barangay at bumuo ng pueblo. _____3. May mga gusaling pampamahalaan na kung saan matatagpuan ang mga pinunong tagapamahala. _____4. Palipa-lipat ng tirahan ang mga Pilipino upang humanap ng ikabubuhay. _____5. Matatagpuan sa paligid ng panahanan ang mga paaralang pambayan at pamparokya.V.Kasunduan

1. Ilarawan ang iyong panahanan.

Paano mo ito pananatiling malinis?2. Anu-ano ang naging dahilan ng mga pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa

panahon ng espanyol? Hanapin ang sagot sa sangguniang aklat.

Page 47: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 19: MGA DAHILAN NG PAGBABAGO SA PANAHANAN

I. LayuninNaipaliliwanag ang naging dahilan ng mga pagbabago sa panahanan

II. Paksang-aralinMga Dahilan ng Pagbabago ng PanahananSang:BEC-PELC II. B 1.2

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan: Show Me Drill Board

PagpapahalagaPakikilahok sa mga talakayan nang masigla

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa pagdami ng mga iskwater sa iba’t ibang panig ng bansa.

2.Pagsasanay Isulat ang sagot sa Show Me Drill Board.

a. Kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinasb. Namumuno sa Puebloc. Isang panlalawigang pamahalaand. Pinakamaliit nay unit ng pamahalaang lungsod

3.Balik-aral Ano ang mga uri ng panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol?

B.Panlinang na Gawain 1. Isulat ang salitang pagbabago. Ipabigay ang kahulugan nito.

Page 48: hekasi-5-aral.1-32

Mga Dahilan ng Pagbabago sa Panahanan sa Panahon ng espanyol

Naging suliranin ng mga misyonero ang pagpapalaganap ng Kristyanismo dahil sa layu-layong panahanan.__________________________________________________________________________________________________________________

.

2.Ipaisa-isa ang mga pagbabagong naganap sa mga panahanan sa panahon ng Espanyol. 3. Ilahad ang paksang-aralin. 4. Ipabuo ang suliranin. a. Bakit nagbago ang panahanan sa panahon ng Espanyol? b. anu-ano ang mga naging dahilan? 5. Magpalikom ng mga kaalaman tungkol sa paksang-aralin sa mga sanggunian. 6. Ipatala ang mga sagot. 7. magsagawa ng brainstorming sesyon ukol sa paksa.

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

pagbabago

Page 49: hekasi-5-aral.1-32

May iba’t ibang dahilan ang mga Espanyol kaya nagkaroon ng pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino. 2.Paglalapat Anu-ano ang mga dahilan ng pagbabago sa panahanan sa kasalukuyang panahon?IV.Pagtataya

Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng pagbabago sa panahanan noong panahon ng mga Espanyol? Pumili ng lima. Isulat lamang ang titik.

a. naging mabilis ang paglikom ng buwisb. naging mabisa at mabilis ang pagtuturo ng relihiyon at katesismo.c. Naging madali ang pamamahala sa mga nasasakupan d. Matagal matipon ang mga polistae. Maagang pagsensus sa mga binyagan at di binyaganf. Narrating kaagad ng mga pinuno ang kanilang mga nasasakupan.

V.Kasunduan Sagutin: Paano iniangkop ng mga Pilipino ang kanilang panahanan sa patakaran ng mga espanyol? Sumangguni sa mga batayang aklat.

Page 50: hekasi-5-aral.1-32

Mga dahilan ng pagbabago sa panahanan sa panahon ng Espanyol

ARALIN 20: PAG-AANGKOP NG MGA PILIPINO NG KANILANG PANAHANAN NG MGA ESPANYOL

I. LayuninNatatalakay ang ginawang pag-aangkop ng mga Pilipino ng kanilang panahanan sa

patakaran ng mga EspanyolII. Paksang-aralin

Pag-aangkop ng mga Pilipino ng Kanilang Panahanan sa Patakaran ng mga Espanyol

Sang:BEC-PELC II. B 1.3 Batayang Aklat sa HEKASI 5

Kagamitan: Show Me Drill BoardPagpapahalaga

PakikibagayIII. Pamamaraan

A.Panimulang Gawain1. Balitaan

Pag-usapan ang mga patakarang pinaiiral ng pamahalaan tungkol sa panahanan ng mga mamamayan sa kasalukuyan.

2.Pagsasanay Isulat ang sagot sa Show Me Drill Board.

a. tanging mga dugong Espanyol lamang ang tinanggap na manirahan sa __________

b. halos sampung ulit ang laki ng pueblo sa dating ___________c. ang pinagsanib-sanib na pueblo ay binuong lalawigan o _____________d. sa mga panahanang _____________ nakatira ang mga katutubong naging

mabalasik sa mga Espanyol.e. Ang pinakamaunlad na pueblo sa alcaldia ay ginawang ___________.

3.Balik-aralAnu-ano ang mga dahilan ng pagbabago sa panahanan sa panahon ng Espanyol?

B.Panlinang na Gawain

Page 51: hekasi-5-aral.1-32

Pag-aangkop ng mga Pilipino ng Kanilang panahanan sa Patakaran ng mga Espnyol

1. Ipakita ang salitang pag-aangkop. Ipabigay sa mga bata kung ano ang kanilang pagkakaunawa sa salitang ito. 2. Iugnay ito sa paksang tatalakayin. 3. Ipabuo ang suliranin. Paano iniangkop ng mga Pilipino ang kanilang panahanan sa patakaran ng mga Espanyol? 4.magpalikom ng mga kaalaman ukol sa paksa. 5. Pagtatalakayan ukol sa nalikom na mga kaalaman.

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Paano iniangkop ng mga Pilipino ang kanilang panahanan sa patakaran ng mga Espanyol? 2.Paglalapat Ipahambing ang ginawang pag-aangkop ng mga ninuno sa kanilang panahanan sa ginawang pag-aangkop ng mga Pilipino sa kanilang panahanan sa panahon ng mga Espanyol/IV.Pagtataya

Punan ng wastong sagot.

Patakaran ng mga Espanyol Pag-aangkop na Ginawa ng mga Pilipino

Page 52: hekasi-5-aral.1-32

V.Kasunduan Sagutin: Anu-ano ang bahaging ginagampanan ng simbahan sa pagpapalaganap ng Kristyanismo at sa pamamahala ng bansa?

ARALIN 21: ANG SIMBAHAN SA PAGPAPALAGANAP NG KRISTYANISMO AT SA PAMAMAHALA NG BANSA

Page 53: hekasi-5-aral.1-32

I. Layunin Nasasabi ang bahaging ginampanan ng simbahan sa pagpapalaganap ng

Kristyanismo at sa pamamahala ng bansa.II. Paksang-aralin

Bahaging Ginampanan ng Simbahan sa Pagpapalaganap ng Kristyanismo at sa Pamamahala ng Bansa

Sang:BEC-PELC II. B 2.1 Batayang Aklat sa HEKASI 5

Kagamitan: roleta ng titik, larawanPagpapahalaga

Pagtupad sa mga tungkulinIII. Pamamaraan

A.Panimulang Gawain1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa mga pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa paksa

2.Pagsasanay Gamiting mulia ang roleta ng mga titik. Paikutin ito kung saang titik huminto, pagbigayin ang mga bata ng mga salitang nagsisimula ito at kanilang ipaliliwanag.

3.Balik-aral Paano iniangkop ng mga Pilipino ang kanilang panahanan sa mga patakaran ng mga Es.panyol?

B.Panlinang na Gawain 1. Itanong sa mga bata kung ano ang naging mahalagang kontribusyon ng mga Espanyol sa ating bansa. 2. Ipakita ang unang larawan ng unang binyagang naganap sa bansa. Pag-uasapan ito. 3. Magpabigay ng mga halimbawa ng mga tumgkulin ng mga pari at ng mga namumuno sa bansa. Iugnay ito sa paksang-aralin. 4. Ipabuo ang suliranin. Anu-no ang bahaging ginampanan ng simbahan sa pagpapalaganap ng Kristyanismo at sa pamamahala ng bansa?

5.Pangkatin ang mga bata sa apat. Bigyan sila ng manila paper at pentel pen.

Page 54: hekasi-5-aral.1-32

Bahaging Ginampanan ng Simbahan sa---

Pagpapalaganap ng Kristyanismo Pamamahala sa bansa

6. bigyan sila ng sapat na panahon sa ppaglikom ng kaalaman sa mga sanggunian. 7. Gawaing Kolaborativ a. ipaulat ang naitala ng bawat pangkat. b. pagtatalakayan sa naiulat. 8. gawing patnubay sa talakayan ang grapikong presentasyong ito.

C.Pangwakas na Gawai n 1. Paglalahat May mga bahaging ginagampanan ang simbahan sa pagpapalaganap ng kristyanismo at sa pamamahala ng bansa sa panahon ng Espanyol. 2.Paglalapat Pag-usapan ang bahaging ginagampanan ng simbahan sa kasalukuyang panahon. May pagkakatulad ba o pagkakaiba?IV.Pagtataya

Isulat ang T kung ipinahahayg sa pangungusap at tama at DT kung hindi. ________1. Naghahatid ng misyon sa iba’t ibang dako ng bansa ang mga parong misyonero. ________2. Karaniwang mga kura paroko ang pumapalit muna sa opisyal na umalis. ________3. Nangngil ng buwis sa parokya ang mga pari. ________4. Nagturo ng mga gawaing manwal ang mga misyonero. ________5. Sumubaybay ang mga pari sa mga Gawain sa paaralan.

V.Kasunduan Anu-anong mga paaralan ang itinatag ng mga pari at misyonero sa bansa?ARALIN 22: MGA PAARALANG ITINATAG NG MGA PARI AT MISYONERO

I. Layunin Nailalarawan ang mga paaralang itinatag ng mga pari at misyonero.

Page 55: hekasi-5-aral.1-32

II. Paksang-aralin Mga Paaralang Itinatag ng mga Pari at MisyoneroSang:BEC-PELC II. B 3.1

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan: maliit na bayong, mga larawan

PagpapahalagaKahalagahan ng Edukasyon

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain

1. Balitaan Magpabalita ng mga kasalukuyang pangyayari sa larangan ng edukasyon.

2.Pagsasanay: Bayong ng Karunungan

3.Balik-aral Gamitin ang istratehiyang circular response. Sa istratehiyang ito, paupuin ang mga bata na pabolog ang ayos. Unang pagsalitain an glider at susunod na magsasalita ang nasa kanyang kanan. Magbibigay ng kuru-kuro ang mga bata hanggang sa makapagsalita silang lahat.

Ilagay sa loob ng bayong ang mga binalot na papel na may mga tanong. Pumili ng sampung bata. Ihanay sila sa dalawa. Basahin ang mga tanong nang isa-isa. Ang hanay ng mga batang may pinakamaraming tamang sago tang panalo.

Page 56: hekasi-5-aral.1-32

Isyu: naging mabisa ba ang paraan ng pagpapalaganap at pagpapanatili ng Kristyanismo sa panahon ng Espanyol? Paano nalinang ng mga misyonero ang pagpapahalagang espiritwal? B.Panlinang na Gawain 1. Pag-usapan ang iba’t ibang uri ng paaralan sa Pilipinas. Linangin ang kahulugan ng mga sumusunod: Paaralang publiko o pambayan Paaralang pribado Mababang paaralan o elementarya Mataas na paaralan o sekundarya Kolehiyo at unibersidad Bokasyunal

2.Magpakita ng mga larawan ng mga paaralang itinatag ng mga Espanyol tulad ng UST, Ateneo, Letran atbp.3. ilahad ang paksang aralin4. Ipabuo ang suliranin. Anu-ano ang mga paaralang itinatag ng mga pari at misyonero sa bansa?

5.Pangkatin ang mga bata sa apat sa paglikom ng mga kaalaman. Bigyan sila ng manila paper at pentel pen. 6. ipakita ang retrieval chart. Papunan ito ng sagot.

Mga Paaralang Itinatag ng mga Pari at Misyoneroa. Parokyal Layunin Mga Itinuturo

b. Pambayan

c. Sekundarya

d. Normal

e. Pamantasan

f. Bokasyunal

Page 57: hekasi-5-aral.1-32

7.Ipaulat ang naitalang sagot.8. Itanong kung alin-alin pa sa mga paaralang ito ang nakikita nila sa kasalukuyan.

C.Pangwakas na Gawai n 1. Paglalahat May iba’t ibang uri ng paaralan ang naitatag ng mga pari at misyonero sa bansa na may mga tiyak na layunin at asignaturang itinuturo. 2.Paglalapat Ipahambing ang mga paaralang naitatag sa panahon ng Espanyol sa kasalukuyangpanahon.Anong makabagong teknolohiya mayroon tayo sa kasalukuyan?

IV.Pagtataya

Hanay A

1. Itinatag ito para sa mga nais maging guro

2. Dito nagpapatuloy sa pag-aaral ang mga nagtapos sa mga sekundaryang paaralan.

3. Itinuturo ditto ang pamumuhay ng isang Kristyano.

4. Ito ang mga paaralang unang naitatag.5. Walang bayad at sapilitan ang

pagpasok sa mga paaralang ito.

Hanay B

a. Paaralang bayan

b. Pamantasan

c. Normal

d. Sekundarya

e. Parokyal

f. bokasyunal

V.Kasunduan 1. Magtipon ng mga larawan ng mga paaralang naitatag sa panahon ng mga Espanyol. Ilarawan ang mga ito. 2. Sagutin: Ano ang epekto ng edukasyong kolonyal sa pagpapahalaga ng mga Pilipino?

Page 58: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 23: EPEKTO NG EDUKASYONG KOLONYAL

I. LayuninNaipaliliwanag angepekto ng edukasyong kolonyal sa pagpapahalaga ng mga Pilipino

II. Paksang-aralinEpekto ng Edukasyong Kolonyal sa Pagpapahalaga ng mga Pilipino

Page 59: hekasi-5-aral.1-32

Sang: BEC-PELC II. B 3.2Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan: Show Me Drill Board

PagpapahalagaPagiging mabuting mag-aaral.

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain

1. Balitaan Balitaan tungkol sa mga pag-uugali ng mga mag-aaral sa kasalukuyan. Paano

nila pinahahalagahan ang kanilang pag-aaral?2. Pagsasanay

Isulat ang sagot sa Show Me Drill Boarda. Pinalaganap ng mga Espanyol sa bansa.b. Pamahalaang itinatag ng mga Espanyol.c. Mga taong nagpalaganap ng kanilang relihiyon.d. Pagsamba sa kalikasan at mga kaluluwae. Namamahala sa pueblo

3. Balik-aralIpasagot ang mga sumusunod na mga tanong:a. Anu-anong mga paaralang sekundarya ang naitatag ng mga Espanyol sa

bansa?b. Bakit itinatag ang mga paaralang normal?c. Anu-anong mga paaralang pambabae ang naitatag sa bansa?d. Kailan naitatag ang mga paaralang bayan? Sino ang nangasiwarito?e. Anu-anong mga asignatura ang itinuro sa mga paaralan?

B. Panlinang na Gawain1. Itanong a mga bata kung ano ang pagkaunawa nila sa edukasyong kolonyal.2. Pag-usapan ang impluwensya ng mga Espanyol sa edukasyon ng mga Pilipino.3. Iugnay ito sa paksang-aralin.4. Ipabuo and suliranin.

Ano ang epekto ng edukasyong kolonyal sa pagpapahalaga ng mga Pilipino?5. Magpasangguni sa batayang aklat.6. Magsagawa ng brainstorming sa pagtakay sa paksa. Gamitin and discussion web.

Epekto ng

Edukasyong

Page 60: hekasi-5-aral.1-32

Kolonyal sa Pagpapahalaga ng

Pilipino

C.Pangwakas na Gawai n 1. Paglalahat

Gabayan ang mga batang mabuo ang paglalahat tungkol sa aralin.Pabigyang pansin ang ginawa sa talakayan.

2. Paglalapat Sabihin sa mga batang bumuo ng apatan. Ibahagi ang kani-kanilang reaksyon sa

tanong na ito: Dapat bang ikahiya ang mgagawaing manwal? Bakit?

IV.PagtatayaSumulat ng talata ukol sa temang Naging Epekto ng Edukasyong Kolonyal sa

Pagpapahalaga ng mga Pilipino.

V.KasunduanSagutin:

Anu-ano ang mga tradisyonal at di-tradisyunal na bahaging ginagampanan ng mga kababaihan sa lipunan?

ARALIN 24: MGA TRADISYUNAL AT DI-TRADISYUNAL BA BAHAGING GINAGAMPANAN NG BABAE SA LIPUNAN

I. Layunin1. Napaghahambingang mga tradisyunal at di-tradisyunal na bahaging ginagampanan ng babae sa lipunan2. Natatalakay and pangangailangan sa pgpapabuti ng katayuan ng mga babae

II. Paksang-aralin

Page 61: hekasi-5-aral.1-32

Mga bahaging Ginagampanan ng Babae sa LipunanSang: BEC-PELC II.B 3.3 at 3.4Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan letter fan, mga larawan

PagpapahalagaPagmamalaki sa natatanging Gawain ng mga kababaihan

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. BalitaanMagbalitaan tungkol sa mga bahaging gigampanan ng mga kilalalng

kababaihan sa lipunan tulad nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Senadora Miriam Defensor Santiago.2. Pagsasanay

Ganitin ang letter fan.1. Itinatag ng mga misyonero ang mga kolehiyo at unibersidad sa kahilingan ng haring

ituro sa mga tao ang ___________.a. Katolisismo c. Budismob. Paganismo d. Protestantismo

2. Binuksan ang Paaralang Normal noong 1871 upang sanayin ang mga kababaihan sa pagiging __________.a. guro b. nars c. doktora d. abogado

3. Itinatag noong 1565 ng mga misyonerong Agustino ang kauna-unahang paaralang __________.a. pambayan c. bokasyunalb. pamparokya d. teknikal

4. Ang isang palatandaang tinanggap ng mga Pilipino ang Kristyanismo ay ang ________.a. pag-aayuno c. paglilingkod sa kumbentob. pagpapabinyag d. pakikinig sa sermon

5. Noong 1900 nagtatag ang pamahalaang Espanyol ng mga paaralang bokasyunal sa Pilipinas. Dahil dito and mga Pilipino ay __________.a. naging makasining at makabayanb. kinilala at iginalang sa pamayananc. natutong sining sa pagpipinta, paglilok, at pagsulatd. naging mga guro at pari

3. Balik-aralMagpabigay ng mga konseptong natutuhan tungkol sa nakaraang aralin.

B. Panlinang na Gawain1. Magpakita ng larawan ng iba’t ibang Gawain ng mga kababaihan.

Page 62: hekasi-5-aral.1-32

2. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng tradisyunal at di-tradisyunal.3. Ipahambing ang mga tradisyunal at di-tradisyunal na bahaging ginagampanan ng mga

babae sa lipunan. Gamitin ang H-diagram.

Tradisyunal Di-tradisyunal

Mga Bahaging Ginagampanan

ng Babae saLipunan

4. Pagtalakayan ang pangangailangan sa pagpapabuti ng katayuan ng mga babae.C.Pangwakas na Gawai n

1. PaglalahatGabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat tungkol sa paksang-aralin.

2. PaglalapatMaraming mga kababaihan sa Pilipinas ang nakagawa ng kanutihan para sa bansa.

Sino sa kanila ang iyong hinahangaan? Bakit?

IV.PagtatayaIpaisa-isa ang mga tradisyunal at di-tradisyunal na gawaing ginagampanan ng mga babae

sa lipunan.

V. Kasunsduan1. Magtipon ng mga kliping tungkol sa mga kababaihan sa Pilipinas na kinilala sa loob at

labas ng bansa dahil sa kanilang mabubuting gawain.2. Magbasa ng tungkol sa pag-angkop na gawain ng mga Pilipino sa kulturang ipinakilala

ng Espanyol.

ARALIN 25: EPEKTO NG KULTURANG ESPANYOL SA KULTURANG PILIPINO

I. Layunin1. Naipaliliwanag ang epekto ng kulturang Espanyol sa kulturang Pilipino2. Nasusuri ang ginawang pag-aangkop ng mga Pilipino sa kulturang ipinakilala ng Espnyol.

II. Paksang-aralinEpekto ng Kulturang Espanyol sa Kulturang PilipinoSang: BEC-PELC II. B 4 at 4.1

Page 63: hekasi-5-aral.1-32

KULTURA

Batayan Aklat sa HEKASI 5Kaganitan: activity cards, plaskard

PagpapahalagaPagkilala sa kulturang Pilipino

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Isulat sa pisara ang salitang kultura. Itanong sa mga bata kung ano ang naiisip nila kapag nababanggit ito.

2. Magpabigay ng mga halimbawa ng impluwensya ng mga Espanyol sa ating:- relihiyon- pananamit- misuka- sining- panahanan

3. Sabihing nagkaroon ng epekto ito sa kulturang Pilipino.4. Ipabuo ang suliranin.

a. Paano nakaapekto sa kulturang Pilipino ang kulturang Espanyol?b. Paano iniangkop ng mga Pilipino ang kanilang kultura sa kulturang ipinakilala ng

mga Espanyol?

B. Panlinang na Gawain

1. Pangkatin ang mga bata sa apat. Bigyan sila ng activity card.2. Maaaring magpaawit habang pumupunta sila sa kani-kanilang pangkat.

Activity Card 1

Gawin ang sumusunod:a. Buksan and batayang aklat. Basahin ang tungkol sa musika.b. Sagutin:

1. Anu-anong gawain ang natutuhan ng mga Pilipino?2. Anu-ano ang mga uri ng instrumentong pangmusika ang ginamit ng mga

Pilipino?3. Ano ang epekto ng musikang Espanyol sa ating musika?

c. Gamitin ang flower web sa pag-uulat.

Page 64: hekasi-5-aral.1-32

3. Pag-ulatin ang bawat pangkat.4. Pagtatalakayan sa naiulat

C. Pangwakas na Gawai n 1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat tungkol sa natalakay na paksa.2. Paglalapat: mag-isp, magpares, magbahagi

Sang-ayon ka bang malaki ang naging epekto ng kulturang Espanyol sa kulturang Pilipino? Ipaliwang ang iyong sagot.

IV. Pagtataya

Activity Card 2

Gawin ang sumusunod:a. Buksan and batayang aklat. Basahin ang tungkol sa sining.b. Sagutin:

1. Anu-anong mga disenyo ang natutuhan ng mga Pilipino?2. Paano naipapakita ng mga Pilipino ang kanilang pagkamalikhain?3. Ano ang naging epekto ng sining sa kultura ng mga Pilipino?

c. Gamitin ang flower web sa pag-uulat.

Activity Card 4

Gawin ang sumusunod:a. Buksan and batayang aklat. Basahin ang tungkol sa kulturang ipinakilala ng mga Espanyol sa mg Pilipino.b. Sagutin:

Anu-ano ang ginawang pag-aangkop ng mga Pilipinosa kulturang ipinakilala ng mga Espanyol?

c. Gamitin ang circle websa pag-uulat

Activity Card 3

Gawin ang sumusunod:a. Buksan and batayang aklat. Basahin ang tungkol sa panitikan.b. Sagutin:

1. Anu-anong mga babasahin ang nailimbag sa panahon ng Espanyol?2. Tungkol saan ang tema ng mga babasahin?3. Ano ang nging epekto ng mga babasahing ito sa pamumuhay ng mga

Pilipino?c. Gamitin ang facstorming web sa pag-uulat.

Page 65: hekasi-5-aral.1-32

Isulat ang ME kung ang pangungusap ay nagsasabi tungkol sa epekto ng kulturang Espanyol sa kulturang Pilipino at WE kung wala._____ 1. Ang paksa ng panitikan ay halos sa sistema ng pananampalataya._____ 2. Ang mga Pilipino ay nanatili sa kanilang mga natutuhan sa mga ninuno._____ 3. Ang inilalarawan sa pagpipinta ay hari at gobernador-heneral._____ 4. Ang mga awiting may kinalaman sa relihiyon ay nakaapekto sa ating musika._____ 5. Ang mga instrumentong pangmusika tulad ng plawta at piano ang natutuhang

tugtugin ng mga Pilipino.V. Kasunduan

1. Sinu-sino ang mga Pilipinong kilala sa musika, sining, at paitikan?2. Anu-ano ang kanilang nagawa? Gawing sanggunian ang batayang aklat.

ARALIN 26: PAGKAMALIKHAIN NG MGA PILIPINO

I. Layunin1. Nakapagbibigay ng katibayan sa pagkamalikhain ng mga Plipino sa musika, sining,

at panitikan2. Naiisa-isa ang mga Pilipinong kilala sa musika, sining, at panitikan

II. Paksang-aralinPagkamilkhain ng mga PilipinoSang: BEC-PELC II.B 5 at 5.1Batayan Aklat sa HEKASI 5

Page 66: hekasi-5-aral.1-32

Kagamitan: cassette recorder, tsartPagpapahalaga

Pagiging malikhainIII. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain1. Pagbalik-aralan ang epekto ng kulturang Espanyol sa kulturang Pilipino.2. Iparinig ang awiting Cariñosa. Itanong sa mga bata kung ano ang alam nila sa awiting ito.3. Ipakita ang salitang . Itanong sa mga bata ang kahulugan nito.4. Magpabigay ng halimbawa ng mga Pilipinong nagpakita ng pagkamalikhain sa iba’t

ibang larangan.5. Sabihing ito ang kanilang paksang aralin sa araw na ito.6. Ipabuo ang suliranin.

Sinu-sino ang mga Pilipinong kilala sa musika, sining, at panitikan?

B. Paglinang na Gawain1. Ipakita ang tsart na ito.

Mga Pilipinong kilala sa:

Musika Sining Panitikan

2. Pabuksan ang batayang aklat. Ipatala ang mga sagot. Gawing patnubay ang tsart.3. Papunan ng sagot ang retrieval chart.4. Ipabigay ang mahahalagang nagawa ng mga Pilipinong ito sa misika/sining.panitikan.5. Itanong sa mga bata kung sila’y maari ring maging malikhain. Pabigyang paliwanag ang

kanilang sagot.

C. Pangwakas na Gawai n 1. Paglalahat

Inaasahang sagot: May iba’t ibang malikhaing Pilipino na napatanyag sa larangan ng musika, sining, at panitikan.

2. Paglalapat

MALIKHAIN

Page 67: hekasi-5-aral.1-32

Ipagawa sa mga bata.Subukin ang kanilang pagkamalikhain. Pumili ng gawain sa mga sumusunod:a. Lumikha ng isang awit na may kinalaman sa buhay ng mga Pilipino.b. Gumuhit ng larawang ipinakikita ang pagmamalaki sa pagiging Pilipino.c. Sumulat ng tula o tugma ukol sa sambayanang Pilipino.

IV. PagtatayaNaririto ang mga Pilipinong ipinagmamalaki natin. Isulat ang M kung napatanyag sa

larangan ng musika, S sa sining, at P sa panitikan._____ 1. Francisco Balagtas_____ 2. Pedro Bukaneg_____ 3. Damian Domingo_____ 4. Marcelo Adonay_____ 5. Juan Luna

V. Kasunduan1. Gumawa ng akordyon ng mga larawan ng mga Pilipinong napatanyag sa larangan ng musika, sining, at panitikan.2. Magbasa ng tungkol sa patakarang pangkabuhayang pinaiiral ng mga Espanyol sa bansa. Itala ang mga ito. Sumangguni sa mga batayang aklat sa HEKASI.

ARALIN 27: PATAKARANG PANGKABUHAYAN NG MGA ESPANYOL

I. LayuninNaiisa-isa ang mga patakarang pangkabuhayan ng mga Espanyol

II. Paksang-aralinMga Patakarang Pangkabuhayan ng mga EspanyolSang: BEC-PELC II. C. 1Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan: palaisipan, maliit na bola, bubble map

PagpapahalagaPagsunod sa mga patakaran

III. Pamamaraan

Page 68: hekasi-5-aral.1-32

Patakaran

A. Panimulang Gawain1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa kalagayn ng kabuhayan sa bansa.2. Pagsasanay

Hanapin sa palaisipan ang mga salitang may kaugnayan sa panlipunang kalagayan ng mga Pilipino. Itala ang mga ito at bigyang kahulugan.

P A N A H A N A N S I M

A B I R E M U T L I M A

G A T M U S I K A M A L

A L I B A T A G A B R I

A A S I N I N G H A I K

N O R M A L I I T H K H

G A W A I N N I L A I A

K U L T U R A N G N T I

O W A E D U K A S Y O N

P A M A H A L A A N O P

3. Balik-aralLaro: Hagis-Bola

Ihagis ang bola. Ang batang makasalo ang siyang sasagot sa katanungan. Ang sumagot ang siya namangmaghahagis ng bola at ang makakasalo ang siya namang susunod na sasagot. (Ulitin ang paraan hanggang sa huling katanungan).a. Anu-ano ang naging dahilan ng mga pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino?b. Ilarawan ang uri ng panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol.c. Ano ang naging epekto ng kulturang Espanyol sa kulturang Pilipino?d. Bakit masasabing malikhain ang mga Pilipino sa musika, sining, at panitikan?e. Magbigay ng halimbawa ng mga Pilipinong kilala sa musika, sining, at panitikan.

B. Panlinang na Gawain1. Ipakita ang salitang patakaran. Ipabigay ang kahulugan nito.

Page 69: hekasi-5-aral.1-32

Polo Y Servicios

Pamarang Encomienda

Pagbubuw

is

Sistemang Kasama

Monopolyo sa Tabako

Patakarang Pang-AgrikulturaMga Patakarang Pangkabuhayan ng mga Espanyol

2. Magpabigay ng mga halimbawa ng patakarang pinaiiral sa paaralan/pamayanan.3. Sabihing sa panahon ng mga Espanyol, my pinaiiral na mga patakarang nauukol sa

kabuhayan ng mga Pilipino.4. Patnubayan ang mga batang makabuo ng tanong.

Anu-ano ang mga patakarang pangkabuhayang pinaiiral ng mga Espanyol sa bansa?5. Magpalikom ng mga kaalaman sa mga sanggunian.6. Ipatala ang iba’t ibang patakarang pangkabuhayang pinaiiral sa bansa.7. Sa talakayan gamitin ang bubble map.

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat

Gabayan ang mga bata na masabing, “May iba’t ibang patakarang pangkabuhayan ang pinairal ang mga Espanyol sa bansa.”

2. PaglalapatNarito ang ilan sa mga patakarang pangkabuhayang pinairal sa bansa sa panahon ng Espanyol. Ibigay ang iyong reaksyon tungkol ditto.a. Pinagbayad ng buwis na nagkakahalga ng walong reales ang bawat mag-anak.b. Ginamtimpalaan ni Gobernador Jose Basco ang mga magsasakang mahusay

sa paggawa ng produktong tulad ng bulak, lubid na abaka, at linen.c. Pinag-alaga ng labindalawang inahing manok, isang tandang, at isang inahing

baboy ang bawat mag-anak.IV. Pagtataya

Page 70: hekasi-5-aral.1-32

Isulat ang sagot sa sumusunod na mga tanong.1. Anu-ano ang mga patakarang pangkabuhayang pinairal ng mga Espanyol sa bansa?2. Sinong gobernador-heneral ang nagpanukala ng:

a. Monopoly sa tabakob. Pag-aalaga ng labindalawang inahing manok, isang tandang, at isang inahing baboy

ng bawat mag-anakV.Kasunduan Basahin ang tungkol sa sistemang kasama.

1. Ipaliwanag kung ano ang sistemang ito.2. Ipaliwanag din kung ano ang epekto nito sa pamumuhay ng mga magsasaka. Sumangguni

sa mga batayang aklat sa HEKASI.

ARALIN 28: ANG SISTEMANG KASAMA

I. LayuninNaipaliliwanag ang sistemang kasama at ang epekto nito sa pamumuhay ng mga

magsasakaII. Paksang-aralin

Ang Sistemang KasamaSang: BEC-PELC II.C 2Batayan Aklat sa HEKASI 5Kagamitan: cassette recorder, flaglets,concept map

PagpapahalagaPagmamalasakit

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balitaan

Page 71: hekasi-5-aral.1-32

Pagbabalitaan tungkol sa kalagayang pang-agrikultura ng bansa.2. Pagsasanay

Itaas ang pulang bandila kung ang ipinapahayag ng pangungusap ay may katotohanan at asul na bandila kung walang katotohanan.

a.Nagkaroon ng epekto sa kultura ng mga Pilipino ang matagal na pananakop ng Espanya sa Pilipinas.

b. Mga misyonero ang naging unang guro ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol.

c.Napatunayang malikhain ang mga Pilipino sa larangan ng musika, sining, at panitikan.d. Layunin ng mga paaralang pambabae na ihanda sila sa pakikipaglaban.e.Puro paralang pampribado ang binuksan ng mga Espanyol para sa mga Pilipino.

3. Balik-aral Ipakita ang mga sumusunod na mga patakarang pangkabuhayan. Ganyakin ang mga

batang magbigay ng ilang kaalaman tungkol ditto.

B. Panlinang na Gawain1. Ipataas ang kamay ng mga batang may:

a. lupang sakahan sa lalawigan b. ama o kamag-anak na magsasaka 2. Ipasalaysay ang pamamaraan ng pagsasaka sa kani-kanilang lugar. 3. Ipakita ang salitang KASAMA . Ipasabi sa mga bata kung ano ang alm nila rito. 4. Sabihin sa mga bata ang kanilng pag-aralan ngayon ay tungkolsa sistemang kasama at ang epekto nito sa magsasaka. 5. Gabayan ang mga batang bumuo ng suliranin. a. Ano ang sistemang kasama? b. Paano ito nakaapekto sa magsasaka? 6. Sabihin sa mga batang makikinig sila sa isang taong sangguniian hinggil sa sistemang kasama na nakarecord. a. Magtakda ng pamantayan sa pakikinig. b. Magpatala ng mga mahahalagang bagay. 7. Pagtatalakayan Concept Mapping

Pamaraang encomienda

Patakaran ni Gobernador Raon

Monopoly sa tabako

pagbubuwis

Page 72: hekasi-5-aral.1-32

C. Pangwakas na Gawain1. PaglalahatGabayan ang mga batang makabuo ng paglalahat tungkol sa aralin.2. Paglalapat

Ibig mo bang manatili ang ganitong sistema para sa mga magsasaka?Ipaliwanag ang sagot.

IV. Pagtataya Sa sariling pangungusap, ipaliwanag kung ano ang sistemang kasama at ano ang naging epekto nito sa pamumuhay ang magsasaka. (5 puntos) V.Kasunduan 1. Basahin ang tungkol sa polo y servicios. 2. Sagutin: Ano ang polo y servicios? Ano ang epekto nito sa mga Pilipino?

ARALIN 29: ANG POLO Y SERVICIOS

I. Layunin1. Nailalarawan ang polo y servicios o sapilitang paggawa

2. Natatalakay ang epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino

II. Paksang-aralinAng Polo y ServiciosSang: BEC-PELC II. C3 at 4Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan: mga larawan, plaskard

PagpapahalagaPagbibigay-halaga sa paggawa

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

Ang Sistemang Kasama

Epekto sa mga Magsasaka

Page 73: hekasi-5-aral.1-32

1. BalitaanPagbabalitaan tungkol sa mga patakarang pinaiiral para sa kapakanan ng mga

manggagawa sa bansa.2. Pagsasanay

Alam Mo Ba?a. Anong E ang binubuo ng isang pirasong

lupa kasama ng mga taong naninirahan dito?Sagot: encomienda

b. Anong P ang pamayanan sa pamamahalaan ng pari?Sagot: parokya

c. Anong A ang malawak na lupaing ang nagmamay-ari ay isang tao o angkan?Sagot: Asyenda

d. Anong B ang halagang ipinapataw ng pamahalaan sa kita o paglilingkod ng mga tao?Sagot: buwis

e. anong K ang teritoryong nasakop ng isang bansa?Sagot: kolonyo

3. Balik-aral a. Ano ang sistemang kasama?

b. Ano ang naging epekto nito sa pamumuhay ng magsasaka?

B. Panlinang na Gawain1. Magpakita ng larawan ng mga lalaking nagbubuhat ng malalaking bato at iba pang

kasangkapan. Pag-usapan ito. 2. Iugnay ang ipinakitang larawan sa paksang tatalakayin. 3. Ipakita ang mga salitang polo y servicios. 4. Itanong sa mga bata kung ano ang pagkaunawa nila rito. 5. Ipabuo ang suliranin. a. Ano ang polo y servicios? b. Ano ang epekto nito sa mga Pilipino? 6. Magpalikom ng mga kaalaman sa sanggunian. 7. Talakayin.

C. Pangwakas na Gawain

Polo y servicios o sapilitang paggawa

Epekto

Page 74: hekasi-5-aral.1-32

1. PaglalahatAng polo y servicios ay sapilitang paglilingkod ng lahat ng mga lalaking may gulang na 16 hanggang 60 sa lahat ng mga lugar na sakop ng mga Espanyol. Nagkaroon ng epekto ito sa buhay ng mga Pilipino.

2. PaglalapatMaraming Pilipino ang umiwas sa sapilitang paggawa. Tama ba sila? Bakit?

IV. PagtatayaA.Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa polo y servicios o sapilitang paggawa? Isulat ang tsek kung naglalarawan at ekis kung hindi.____1. Sapilitang paggawa ng mga lalaking may gulang na 16hanggang 60.____2. Mga polista ang tawag sa mga lalaking naglilingkod dito.____3. Falla ang tawag sa ibinabayad ng mga lalaking umiiwas sa paggawa.____4.Nagkakaroon ng pagbabago sa pagmamay-ari ng lupa.____5. Sapilitng pinagagawa ang mga polista sa loob ng apatnapung araw sa isang buong taon.B. Sumulat ng limang epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino.

V.Kasunduan Anu-ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa mga patakarang pangkabuhayan na pinairal ng mga Espanyol sa bansa? Sumangguni sa mga batayang aklat sa HEKASI.

ARALIN 30: REAKSYON NG MGA PILIPINO

I. Layunin Naipaliliwanag ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa mga patakarang pangkabuhayan ng mga EspanyolII. Paksang-aralin Reaksyon ng mga Pilipino Sang:BEC-PELC II. C 5 Kagamitan: mga titik, cactus webIII. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain1. BalitaanMagbalitaan tungkol sa mga programa o proyekto ng pamahalaan na may kaugnayan sa kabuhayan ng bansa.

Page 75: hekasi-5-aral.1-32

Sapilitang paggawa ng m

ga lalaking 16-60 taong gulang

Mabibigat ang mga ibinibigay na trabaho

Umaabot ng 40 araw ang sapilitang paggawa

Pinadadala sa malalayong pook upang magtrabaho

Naghahakot ng mga bato at buhangin

POLO Y SERVICIOS

2. PagsasanayPangkatang Gawain.Ipaayos ang mga titik upang mabuo ang mga salita. Magpabigay sa mga bata ng mga konseptong natutuhan tungkol sa mga salitang nabuo.

BUBUIWPASG Sagot: pagbubuwis

MAKASA Sagot: kasama

COEADENIMN Sagot: encomienda

RAGARILKULTU Sagot: agrikultura

3.Balik-aral Ano an ganging epekto ng sapilitang paggawa samga Pilipino?

B. Panlinang na Gawain1. Ipabigay muli ang mga natutuhang kabatiran tungkol sa polo yservicios.

Gamitin ang cactus web.

Page 76: hekasi-5-aral.1-32

Reaksyon ng mga Pilipino sa sapilitang Paggawa

2. Sabihing ang pagpapatupad ng sapilitang paggawa ay nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Pilipino. Itanong sa mga bata kung ano ang ibig sabihin ng reaksyon.3. Ilahad ang paksa.4. Ipabuo ang suliranin. Paano ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang reaksyon sa ipinatupad na sapilitang paggawa?

5.Paglikom ng kaalamn sa pamamgitan ng pakikinig sa taong sanggunian . a. Magtakda ng pamantayan sa pakikinig. b. Magpatala ang mahahalagang bagay tungkol sa paksang-aralin. 6. Pagtatalakayan tungkol sa paksa

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat

Gabayan ang mga batang makabuo ng paglalahat tungkol sa paksang tinalakay.2. Paglalapat

Sang-ayon ka bas a sapilitang pagpapatupad ng mga patakaran sa pagpapaunlad ng kabuhayan? Bakit?

IV. PagtatayaAlin sa mga sumusunod ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa sapilitang paggawa? Isulat ang mga titik ng wastong sagot? (1-5)a.Gumawa sila ng mga paraan upang makaiwas dito. b. Iniwan nila ang kanilang mga gawain upang makasunod sila sa sistemang polo.c.Marami ang natuwa sa pagpapairal nito.d. Nagbayad sila ng falla upang makligtas dito.e.Hindi naibigan ng maraming polista ang mga gawaing ipinatupad sa kanila.

V. KasunduanMagbasa ng tungkol sa kalakalang galyon. Alamin kung ano ang kaugnayan nito sa paraan ng pangangakal sa kolonyang Pilipinas.

Page 77: hekasi-5-aral.1-32

ARALIN 31: ANG KALAKALANG GALYON

I. Layunin1. Nasusuri ang kaugnayan ng kalakalang galyon sa paraan ng pangangalakal sa kolonyang Pilipinas.2. Nahihinuha ang epekto sa kalakalan ng pagbubukas ng daungan ng Maynila.3. Nakapagbibigay ng reaksyon tungkol sa epekto ng kalakalang galyon sa pamumuhay ng mga Pilipino.

II. Paksang-aralinAng Kalakalang GalyonSang:BEC-PELC C 6,6.1 at 6.2

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan: letter fan, mapa ng Metro Manila, larawan ng galyon

PagpapahalagaPaggalang sa opinion ng iba

III. Pamamaraan

Page 78: hekasi-5-aral.1-32

A.Panimulang Gawain1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa mga uri ng kalakal sa bansa. 2.Pagsasanay Ipakita ang titik ng wastong sagot sa pamamagitan ng letter fan.

1. Ang polo y servicios ay ________a. Sapilitang paggawa c. pagpapataw ng parusab. Kusang loob na paglilingkod d. Pangungulekta ng buwis

2. Itinatag ni Jose Basco ang monopoly sa tabako upang __________a. Mapalaki ang kita ng pamahalaanb. Umunlad ang produksyon ng pagkainc. Tuamnyag siyad. Dumami ang trabaho

3. Ang epekto ng sistemang kasama sa pamumuhay ng mga magsasaka ay _________.a. Ang pag-unlad ng kanilang buhayb. Paglaki ng kanilang kiatc. Simula ng alitan o pag-aaway ng umupa at kasamad. Ang pagiging maligaya ng kanilang pamilya

4. Ang pagtatanim ng produktong bagay sa klima ay inilunsad ni ________a. Jose Bascob. Jose Raonc. Miguel Lopez de Legaspid. Sebastian de Corcuerra

5. Ang unang hakbang na gianwa ng mga Espanyol sa papapaunlad n gating bansa ay pagpapasagana ng __________.a. Pagkainb. Salapic. Likas na yamand. Tabako

3.Balik-aral Ipabigay ang nabuong paglalahat sa nakaraang aralin. Magtanong ng ilang kaalaman tunkol dito.

B.Panlinang na Gawain 1. Ipakita ang mapa ng Metro Manila. Ipahanap ang kinalalagyan ng Maynila. Ituro ang daungan nito. (look ng Maynila) 2. Magpakita ng larawan ng galyon. Magbigay ng ilang pangungusap tungkol dito. 3. Iugnay ang mga ito sa paksang-aralin. 4. Magpabuo ng mga suliranin

Page 79: hekasi-5-aral.1-32

a. Ano ang kalakalang galyon? Ano ang kaugnayan nito sa paraan ng pangangalakal sa ating bansa? b. Ano sa palagay mo ang naging epekto sa kalakalan ng pagbubukas ngdaungan ng Maynila? c. Anu-ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa epekto ng kalakalang galyon sa kanilang pamumuhay? 5. Pangkatin ang mga bata sa apat. Pabunutin sila ng paksang tatalakayin. Pangkat 1- Ang Kalakalang Galyon Pangkat 2- Pagubukas ng Daungan ng Maynila Pangkat 3- Paghihinuha sa epekto sa Kalakalan ng Pagbubukas ng Daungan ng Maynila

6. Pabuksan ang batayang aklat. Magpalikom mg mga datos.7. Bigyan ng sapat na panahon ang mga batang maihanda ang pangkatang Gawain.8. Gawaing Kolaborativ

Pag-uulat ng bawat pangkata. Magpatal ng mahahalagang bagay sa inuulat ng bawat pangkat.b. Pabigyang halaga ang ipinakitang mga pangkatang gawain.

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Gabayan ang mga bata sa pagbubuong paglalahat tunkol sa paksang-aralin 2.Paglalapat

Nakabubuti

IV. Pagtataya1. Sumulat ng dalawang kalagayang maaaring mangyari sa pagbubukas ng daungan ng

Maynila.2. Sumulat ng tatlong epekto ng kalakalang galyon sa pamumuhay ng mga Pilipino.

V.Kasunduan

ISYU

Nakabuti ba o di-nakabuti

ang kalakalng galyon sa

pangangalakal ng mga

Pilipino?

Di-Nakabubuti

Page 80: hekasi-5-aral.1-32

Maghanda sa lagumang pagsusulit. Pagbalik-aralan ang mga konseptong natutuhan.

ARALIN 32: PAMAHALAANG MILITAR AT PAMAHALAANG SIBIL

I. LayuninNatatalakay ang uri pamahalaang military at pamahalaang sibil

II. Paksang-aralinAng Pamahalaang Militar at Pamahalaang SibilSang:BEC-PELCIII. A 1

Batayang Aklat sa HEKASI 5Kagamitan:plaskard,retrieval chart

PagpapahalagaPagtutulungan

III. PamamaraanA.Panimulang Gawain1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa mga pangyayari sa hukbong military ng bansa. 2.Pagsasanay

Magpabigay ng mga kaalaman tungkol sa sumusunod na mga salita.

Polo y servicios

Page 81: hekasi-5-aral.1-32

3.Balik-aral Paano nakaapekto ang kalakalng galyon sa pamumuhay ng mga Pilipino? B.Panlinang na Gawain 1. Isalaysay ang katapusan ng pananakop ng mga Espanyol at simula ng pananakop ng mga Amerikano. 2. Sabihing ang unang ginawa ng mga Amerikano matapos na mabawi sa mga Espanyol ang Maynila noong Agosto 13, 1898 (Battle of Manila) ay ang magtatag ng pamahalaan. 3. Ilahad ang paksang-aralin. 4. Ipabuo ang suliranin. Paano ang paraan ng pamamahala sa pamahalaang military at pamahalaang sibil? 5.Magpalikom ng mga kaalaman sa mga sanggunian. 6. Pangkatin ang mga bata sa apat sa paglikom ng mga datos. Ipakita ang retrieval chart n magiging patnubay nila sa pagsasaliksik.

Pamahalaang Militar

Pamahalaang Sibil

a. Paraan ng pamamahala

b. Petsa ng pagkakatatag

c. Tagapamahalad. Mga tungkuline. Mga pagbabgong

naganap

7.Bigyan ng sapat na panahon ang mga bata sa kanilang paglikom ng mga kaalaman.8. Ipaulat ang mga naitalang datos.9. Magbigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa paksa.

C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Bigyan ng gabay na tanong ang mga bata upang mabuo ang paglalhat. 2.Paglalapat

Pamahalaang sultanato

Kalakalang galyon

Pamahalaang barangay

Pamahalaang sentralisado

Page 82: hekasi-5-aral.1-32

Ipahambing ang pamhalaang Militar at pamahalaang sibil sa pamamgitan ng paggamit ng Venn Diagram.

IV. Pagtataya Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.1. Ang Pamahalaang militar ay naitatag noong Agosto 14, 1898 sa utos ng pangulo ng Estados

Unidos na si ________________.2. Ang nahirang na unang gobernador-militar ng Pilipinas ay si __________________3. Nasa kanya ang kapangyarihang tagapagpaganap, tagapagbatas, at _______________.4. Ang pamahalaang sibil ay naitatag noong ___________.5. Ang kauna-unahang gobernador-sibil ay si _____________.

V.Kasunduan Anu-ano ang mga hakbang na ginawa ng pamahalaan para sa unti-unting paglilipat sa mga Pilipino ng kapangyarihang mamahala? Magbasa ng tungkol ditto sa sangguniang aklat.

Pamahalaang Militar

Pamahalaang Sibil

Pagkakatulad

Page 83: hekasi-5-aral.1-32