hekasi presentation

11
PILIPINAS Malaya ka na ba! Naisa-isa ang mga hakbang na ginawa ng Pamahalaan para sa unti-unting paglilipat sa mga Pilipino sa kapangyarihang mamahala. BEC PELC II.C.1

Upload: doris-ravara

Post on 19-Jan-2015

11.153 views

Category:

Documents


8 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Hekasi presentation

PILIPINAS Malaya ka na ba!

Naisa-isa ang mga hakbang na ginawa ng Pamahalaan para sa unti-unting paglilipat

sa mga Pilipino sa kapangyarihang mamahala.BEC PELC II.C.1

Page 2: Hekasi presentation

Guide Card

Pilipinas handa na ba kayong maglaro? Welcome kapamilya! Ngayong hapon nandito tayo sa silid aralan ng Pasig Elementary School upang malaman ang galing ng ating mga kontestants at makapasa sa ibat ibang round ng pagsubok tungkol sa mga mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa pagkakaroon ng malayang pamahalaan sa panahon ng Amerikano. Kaya nyo bang isa-isahin ang mga hakbang na ginawa ng pamahalaan para sa unti-unting paglilipat sa Pilipinas sa kapangyarihang mamahala?

PILIPINAS GAME KA NA BA? Tatalakayin dito ang mga ginawa ng mga pinunongPilipino, upang makamit ang kalayaan mula sa mananakop na Amerikano. Isinulong ngmga pinunong Pilipino ang mahinahong paraan sa halip na dahas. Nagsagawa ng

mgamisyon para sa kalayaan dito sa Pilipinas at sa Amerika, hanggang sa magbunga angkanilang mga pagsisikap – ang makapagtaguyod ng batas pangkalayaan

Page 3: Hekasi presentation

Hangarin ng nga Americano na sanaying ang mga Pilipino sa pagsasarili. Sa pagsasakatuparan nito, isinagawa nang dahan-dahan ang mga hakbang tulad pag pili ng mga Pilipinong may talino at kakayahang humawak ng mga tungkulin sa pamahalaan. Ang kongreso ng Estados Unidos ay nag patibay ng iba’t ibang mga batas na magbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na humawak ng mataas na katungkulan sa pamahalaan.

Tatalakayin dito ang mga ginawa ng mga pinunongPilipino, upang makamit ang kalayaan mula sa mananakop na Amerikano. Isinulong ngmga pinunong Pilipino ang mahinahong paraan sa halip na dahas. Nagsagawa ng mgamisyon para sa kalayaan dito sa Pilipinas at sa Amerika, hanggang sa magbunga angkanilang mga pagsisikap – ang makapagtaguyod ng batas pangkalayaan

Page 4: Hekasi presentation

Ang batas na ito ay inakda ni Kinatawan Henry Allen Cooper kayat tinawag ding “ Batas Cooper”. Pinagtibay noong 1902. Ito ang nagkaloob ng karapatan sa mga Pilipino at nagsilbing Batas Organiko ng Pilipinas. Ang pinakamahalagang tadhana ng batas na ito ay ang paglikha ng Lehislatura ng Pilipinas na may dalawang kapulungan. Ang Komisyon ng Pilipinas ang magiging mataas na kapulungan at ang Asembleya ng Pilipinas anf magiging mababang kapulungan na bubuin ng mga kinatawan na inihala ng mga taong bayan.

Page 5: Hekasi presentation

Alinsunod sa mga tadhana ng Batas Cooper. Idinaos ang halalan para sa asembleya noong Hulyo 1907. Ipinagkaloob ng mga mamayanan sa Partido Nacionalista ang malaking suporta at pagtitiwala. Sa 80 puwesto sa Asembleya, 59 ang nakuha ng mga Nacionalista, 16 sa mga Progresibo at 5 sa nga independiente .

Page 6: Hekasi presentation

Noong ika-3 Octubre 1916 nagkaroon ng halalan para sa Lehislatura ng Pilipinas. Sa halalang ito karamihan sa mga nagwagi ay mula sa Partido Nacionalista. Pormal na binuksan ang pulong ng Lehislatura noong Ocktubre 16, 1916. Si Manuel L. Quezon ang nahalal ng pangulo ng Senado at si Sergio Osmena naman ang nagging Ispiker ng kapulungan ng mga Kinatawan

Page 7: Hekasi presentation

Ang paghahangad ng mga Pilipino na lumaya ay hindi namatay nang isuko ang kanilang laban sa mga Amerikano. Pinatunayan ito ng mga pagkakapanalo ng mga Nacionalista sa Asembleya at sa Lehislatura ng Pilipinas. Dahil dito, lumikha ang lehislatura ng Komisyon sa Pagsasarili upang mangampanya sa Kongreso ng Amerika na bumuo ng batas para sa kalayaan ng Pilipinas. Maraming ipinadalang misyon ngunit walang nangyari. Subalit nanatiling tapat ang mga Pilipino sa pag -asa na sila’y magiging Malaya balang araw

Page 8: Hekasi presentation

Noong 1931 nagpadala si Manuel L. Quezon ng isa pang misyon sa Estados Unidos. Tinawang itong Misyong OS-ROX dahil pinamumunuan ito nina Sergio Osmena at Manuel Roxas. Dahil sa kanilang pagsisikap, pinagtibay ng Kongreso ng Amerika noong 1932 ang Batas Hare-Hawes-Cutting. Itinatadhana nito ang pagtatatag ng sampung taong pamahalaang Komonwelt at pagkatapos ay ipagkakaloob ang kalayaan ng Pilipinas. Ngunit hindi ito pinagtibay ng Lehislatura ng Pilipinas dahil maraming tadhana nahindi ayon sa interes ng mga Pilipino

Page 9: Hekasi presentation

Nang hindi maaprubahan ang Batas-Hare-Hawes-Cutting, tumulak si Manuel L Quezon sa Washington DC. Dahil sa maganda niyang talumpati sa Kongreso ng Amerika, Nahikayat niyang Bumuo muli ng isang batas para sa kalayaan ng Pilipinas. Ito ay isinulat ni Senador Tydings at Congresman McDuffie. Ang batas ay nilagdaan nina Pangulong Franklin Roosevelt noong Marso 24, 1934. Ito ay pinagtibay ng Lehislatura ng Pilipinas noong mayo 1 1934.

Page 10: Hekasi presentation

Gawain 1

Mga kapamilya Game ka na ba? Para sa ating elimination round , kilalanin ang mga nasa larawan na may kinalaman sa pagtataguyod ng kalayaan ng ating bansang Pilipinas sa Panahon ng Amerikano.

Page 11: Hekasi presentation

Mga kapamilya! para sa ating susunod na round sagutin kung anong mahalagang pangyayari ang tinutukoy.Pabilisan ang round na ito

Gawain 2

_________1. Ito ay itinatag bilang paghahanda sa pagsasarili._______2. Ang nagsilbing mataas na kapulungan ng asamblea ng Pilipinas._______3. Ang batas na ito’y nagsasaad ng pagkilala sa kalayaanngpilipinaskungito’y mayroong nang matatag na pamahalaan.______4. Misyong pangkalayaan kinatawan nina Sergio Osmena at Manuel Roxas.______5. Ito ang batas na pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt na sinunod sa pagbibigay ng kalayaan.