ibon facts & figures - · pdf filesa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang...

14
IBON Facts & Figures F I L I P I N O ISSN 0115-8007 ABRIL 2009 TOMO 20, BLG. 4 Ang Maralitang Tagalungsod ng tawag sa kanila minsan ay iskwater – tinatawag din silang informal settlers at slum-dwellers. Sa katunayan kahit ang gubyerno ay ganito rin ang tawag sa kanila, na para bang sila ay dungis sa mukha ng animo’y lumalagong ekonomya at ng lumalapad na lungsod. Subalit ang maralitang tagalungsod ang magpapasinungaling sa sinasabing ‘lumalagong ekonomya’ – sila ay patuloy na nabubuhay sa kalagayan ng kawalan ng trabaho, kaseguruhan sa hanap-buhay, sapat na sahod, disenteng pabahay, at serbisyong panlipunan. Patuloy na dumadami ang bilang ng maralitang tagalungsod habang lumalala ang krisis pang-ekonomya at panlipunan sa ating bayan. A

Upload: vanphuc

Post on 10-Feb-2018

344 views

Category:

Documents


50 download

TRANSCRIPT

Page 1: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

IBONFacts & Figures F I L I P I N O

I SSN 0115-8007

ABRIL 2009TOMO 20, BLG. 4

Ang MaralitangTagalungsod

ng tawag sa kanila minsan ay iskwater – tinatawag din silanginformal settlers at slum-dwellers. Sa katunayan kahit anggubyerno ay ganito rin ang tawag sa kanila, na para bang sila ay

dungis sa mukha ng animo’y lumalagong ekonomya at ng lumalapad nalungsod. Subalit ang maralitang tagalungsod ang magpapasinungaling sasinasabing ‘lumalagong ekonomya’ – sila ay patuloy na nabubuhay sakalagayan ng kawalan ng trabaho, kaseguruhan sa hanap-buhay, sapatna sahod, disenteng pabahay, at serbisyong panlipunan. Patuloy nadumadami ang bilang ng maralitang tagalungsod habang lumalala angkrisis pang-ekonomya at panlipunan sa ating bayan.

A

Page 2: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

2 IBON FACTS AND FIGURES ABRIL 2009

‘Urbanisasyon’ atkahirapan

Sa loob ng mahigit tatlongdekada, mula 1960 hanggang1996, naging mabilis ang‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, nasinukat sa paglago ngpopulasyon sa kalunsurannang humigit-kumulang 5%kada taon. Pagdating ng2000, ang populasyon sakalunsuran ay lumalaki na ng 1milyon kada taon. Sa kabila ng‘pag-unlad’ na ito, angproporsyon ng mga pamilyangnasa kalunsuran nanalulugmok sa kahirapan, onasa ilalim ng sinasabingpoverty line o threshold (angminimum na halaga nakailangan ng isang pamilyapara masabing hindi silamahirap), ay 15 porsyento.[1] [2]

Lumala ang kahirapan sabansa sa kabila ng pahayagng gubyerno na may pag-unlad ang ekonomya atbumubuti ang kalagayan.Mismong ang datos nggubyerno ang magpapakita nanoong 2006 ay 4.7 milyongpamilyang Pilipino angmahirap, mula sa 3.6 milyongpamilya noong 2003. (Ayon saFamily Income andExpenditure Survey or FIESnoong 2006) Ang mukha ngkahirapan ay makikitasaanman—mula sa mgamagsasakang walang lupa sakanayunan, hanggang sa mgawalang-trabahong naninirahansa mga masisikip na eskinitasa kalunsuran—at

magpapatuloy ito at lalonglalala sa gitna ng pahayag niPresidente Arroyo ng malapadna base ng pag-unlad.

Pinagmulan bilang sektor

Ang maralitang tagalungsodang isa sa mga pinaka-apingsektor sa lipunang Pilipino.Ayon sa gubyerno, ang mgamaralitang tagalungsod ayyaong mga indibidwal opamilya na naninirahan sa mgasentrong urban at mga lugarsa kalunsuran; na ang mgasahod o pinagsamang sahodng pamilya ay mas mababakumpara sa itinakda nggubyerno na poverty line; at/o walang kakayanang tuluy-tuloy na itaguyod ang sarilingbatayang pangangailangan sapagkain, kalusugan,edukasyon, pabahay at ibapang mga pangunahingpangangailangan sa buhay.Ang hindi sinasabi sadepinisyong ito ng gubyernoay ang katotohanang angmaralitang tagalungsod ayhirap makakuha ng serbisyongpanlipunan.

Araw-araw aynakikipagsapalaran angmaralitang tagalungsod paramabuhay. Tinitiyaga niya ang

napakababang sahod bilangmanggagawang kontraktwal; okaya ay pumapasok sa kunganu-anong trabaho parakumita; at sa pinakamasaholay lumalahok sa mga gawaingantisosyal tulad ngpagnanakaw. Ito ay dahil saang ‘urbanisasyon’ sa bansaay dala ng malalang kahirapansa kanayunan na nagtulak samga mamamayan, partikularang mga magsasakangpamilya, na dumayo sa mgakalunsuran. At dahil nga ang‘urbanisasyon’ na ito aysimpleng nakabatay sapapalaking populasyon sa mgakalunsuran sa halip na sapagpapaunlad sa mgakalunsuran, ang mga lungsodat bayan ay hindi makaangkopsa papalaking bilang ng mgataong nawalan ng akses sarekurso sa kanayunan atnangangailangan ng trabaho,maayos na pabahay atserbisyong panlipunan.

Nagsimulang lumobo angbilang ng maralitangtagalungsod ng simulan nggubyernong Marcos angliberalisasyon ng ekonomyanoong dekada 1970. Noong1946, ang bilang ng maralitangtagalungsod ay 23,000lamang, subalit mahigit apatna beses itong lumakipagkatapos ng sampung taon.Dala ng pagsalakay ng masmatinding liberalisasyon ngekonomya at globalisasyonnoong 1995, umabot ng 18milyon ang populasyon ngmaralitang tagalungsod.Lalong nalublob sa kahirapan

Sino Sila

Page 3: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

3IBON FACTS AND FIGURES ABRIL 2009

ang mga magsasaka sakanayunan dala ng tumataasna gastusin sa produksyongagrikultural at tumitindingkumpetisyon sa mga importedna produkto, kasabay ngpatuloy na kawalan ng lupa,patuloy na mapagsamantalangrelasyon sa produksyonkatulad ng usura atpambabarat ng mgamangangalakal, at tumitindingmilitarisasyon. Wala silangmagawa kundi ang maghanapng ikabubuhay sa mgasumusulpot na sentrongurban. Karamihan ng mga

pamilyang magsasaka nanawalan ng kabuhayan aynamalagi sa mganakatiwangwang na lupa nggubyerno o ng pribadongindibidwal, yaong malalapit samga daang-tubig at iba pangpampublikong imprastrakturaat mga mapanganib na pook.

Ang maralitang tagalungsod,tulad ng iba pang bulnerablengsektor ng lipunan, aydumadanas ng matindingkaapihan: hindi silanababahaginan ngpagkukuhanan ng kabuhayan,

Talahanayan 1. Annual Per Capita Poverty Thresholds by Province, 2006 – 2007(preliminary estimates as of 02 March 2007)

Region / Province 2006 Poverty Threshold 2007 Poverty Threshold(in PhP) (in PhP)

All areas Urban All areas Urban

PHILIPPINES 1/ 14,405 16,429 14,866 16,936NCR 2/ 19,067 19,067 19,345 19,345Region I 15,171 15,788 15,562 16,286Region II 3/ 13,185 15,318 13,527 15,852Region III 16,241 17,304 16,654 17,785Region IV-A 16,487 17,308 16,866 17,761Region IV-B 3/ 13,852 15,163 14,215 15,653Region V 14,460 17,572 14,908 18,247Region VI 13,988 13,857 14,381 14,291Region VII 3/ 12,204 13,660 12,707 14,203Region VIII 3/ 13,013 13,969 13,515 14,460Region IX 13,048 15,762 13,608 16,414Region X 13,821 15,393 14,336 15,978Region XI 1/ 14,375 16,601 15,095 17,198Region XII 13,593 15,631 14,104 16,212CAR 3/ 16,225 17,284 16,721 17,916ARMM 14,494 15,930 14,845 16,436Caraga 14,430 16,912 15,079 17,641

Notes:F – final1 - The estimates for 2006 and 2007 are estimates generated from model-based estimation

methodology of food and poverty thresholds2 - Completely urban areas; no thresholds for rural areas3 - The provinces of Batanes, Marinduque, Siquijor, Southern Leyte and Abra were not considered

in the computation of the urban and rural food thresholds of their respective regions (Regions II,IV-B, VII, VIII, and CAR).

4 - Urban and rural food thresholds were not computed for the provinces of Batanes, Marinduque,Siquijor, Southern Leyte, and Abra. The 2003 Family Income and Expenditure Survey does notinclude any sample urban barangays from these provinces.

Source: National Statistical Coordination Board (NSCB)

ng mga komon na produktonglikha ng lipunan at ng mgaserbisyong panlipunan, atwalang silang pamamaraanupang lumikha ng mgaprodukto ng lipunan. Sila aymahirap hindi lamang dahil sahindi nakakaabot sa kanila angtinatawag na paglago ngekonomya, kundi dahil sila aypinagsasamantalahan ngsistema ng ekonomya napumapabor sa mgamayayaman, at pinapabayaanng pamahalaang walangpagpapahalaga sa mgamahihirap.

Page 4: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

4 IBON FACTS AND FIGURES ABRIL 2009

Ang maging mahirap salungsod

Sa bagong pamamaraan nggubyerno ng pagtataya sakahirapan, hindi pinag-iiba anglungsod at nayon. Ang ilan aymakatwirang nag-aalala naang nasabing pamamaraan aynagbubunga ng hindi kapani-paniwalang mababang povertyline, at kasunod nito aynagbubunga ng mababangpoverty incidence o tantos ngmahirap relatibo sapopulasyon. Gumagamit anggubyerno ng isang pangkat ngmga karapatan (tulad ngpagkain, damit, tahanan,edukasyon) at mgapalatandaan ng ibinunganito (tulad ng sapat nanutrisyon, at iba pa) upangsukatin ang kahirapan. Perotahimik ito sa usapin ng pag-abot at kontrol ngmamamayan sa pagkukuhananng ikabubuhay.

Ayon sa pagtataya nggubyerno, ang isang taongnaninirahan sa lungsod aydapat may Php16,936 kadataon upang hindi siya ituringna mahirap. (Tingnan angTalahanayan 1 sa pahina 3)Ang isang pamilyang nasalungsod (na may limangmyembro) ay dapat may Php84,680 sa isang isang taon, oPhp219.19 lamang sa isangaraw para hindi ituring namahirap. Sobrang baba angpoverty threshold na ito, namaski ang mga mahihirap ayhindi makapaniwala.

Ang FIES noong 2000 anghuling serye kung saan pinag-iba ang lungsod at nayon.Ipinapakita nito na lagpas 20%ng lahat ng sambahayan salungsod o 1.53 milyong pamilyaay nasa ilalim ng povertythreshold. Ito ay katumbas ng34.4% ng kabuuangpopulasyon ng bansa.

Talahanayan 2. Poverty Incidence and Magnitude of Poor Population, 2000 and 2003

Province Urban Poor

2000 2003

Total Poor Poverty Total Poor PovertyPopulation Incidence Population Incidence

Philippines 39,145,194 6,784,016 17.3 39,885,020 6,360,978 15.9

NCR 11,666,778 856,045 7.3 11,092,799 746,022 6.7Region I 1,355,918 286,926 21.2 1,560,428 390,581 25Region II 593,627 157,040 26.5 743,733 159,418 21.4Region III 4,350,792 666,927 15.3 5,505,973 868,223 15.8Region IVA 5,958,113 596,377 10 6,997,533 651,721 9.3Region IVB 632,606 217,945 34.5 755,743 304,577 40.3Region V 1,321,929 522,005 39.5 1,392,288 470,735 33.8Region VI 2,434,048 619,645 25.5 1,851,866 361,764 19.5Region VII 2,585,622 612,504 23.7 2,977,861 410,916 13.8Region VIII 1,056,802 241,592 22.9 784,371 224,396 28.6Region IX 883,989 191,234 21.6 642,446 137,860 21.5Region X 1,486,950 405,347 27.3 1,437,093 392,058 27.3Region XI 1,471,222 306,139 20.8 1,579,865 398,681 25.2Region XII 1,336,214 400,484 30 1,035,770 334,207 32.3CAR 508,588 48,819 9.6 399,082 30,871 7.7ARMM 736,496 373,470 50.7 426,265 187,150 43.9Caraga 765,500 281,518 36.8 701,905 291,800 41.6

Source: National Statistical Coordination Board (NSCB)

Ang mas bagong pagtataya nggubyerno (gamit angtinatawag na extrapolatedna datos o lampas napagtantya) ay nagpapakita nanabawasan ang laki ngmaralitang tagalungsod.Noong 2003, mayroong 6.4milyong Pilipinong naninirahansa kalunsuran na itinuturing namahirap, o katumbas ngpoverty incidence na 16porsyento. Ang mga sentrongurban sa ARMM ang nagtalang pinakamataas na povertyincidence na 44%, kasunod ngCARAGA na may 42% mahirapsa mga sentrong urban.Samantala, ang NationalCapital Region (NCR), angrehiyon na may pinakamataasna bilang ng maralitangtagalungsod, ang maypinakamababang povertyincidence. (Tingnan angTalahanayan 2)

Page 5: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

5IBON FACTS AND FIGURES ABRIL 2009

awalan ng disentengtahanan

Ang maralitangtagalungsod ay natitipon sa600 komunidad na mga slumsat iskuwater sa buong bansakung saan nararanasan nilaang aba at di-makataongkalagayan sa pamumuhay. AngWorld Organization AgainstTorture, isang internasyunalna NGO, ay nagpahayag nalagpas sa sangkatlo ngpopulasyon ng mga kalunsuranay namumuhay sa mgainformal settlements o yaongmga tirahan na walangtitulong hawak ang mgamaralita at hindi ligal napinahihintulutang matirahan.[3] Kabilang sa mga rehiyonna may magagamit na datosat maliban sa NCR, ang RegionIV ang may pinakamalakingbilang ng pamilyangnaninirahan sa mga informalsettlements. [5] (Tingnan

Abang Kalagayan

ang Talahanayan 3)Kalakhan ng mga informalsettlers ay nagtatayo ngkanilang mga tahanan sanakatiwangwang na lupa nggubyerno habang ang ibanaman ay nagtatayo ng mgabahay sa mga imprastrakturang pambansa at lokal nagubyerno tulad ng ilalim ngtulay o sa highway, at sa mgamapapanganib na lugar tuladng estero, riles ng tren at ilog,at sa mga pribadong lupa.

Ang rehiyon na maypinakamataas na bilang ngmaralitang tagalungsod at

may pinakamataas na bilangng informal settlers ay angNCR o Metro Manila. Angkalakhan ng mga informalsettlers sa Metro Manila aymakikita sa tiwangwang nalupa ng gubyerno, habang angiba naman ay nakatira sa samga pribadong lupa atmapapanganib na mga lugar.(Tingnan ang Talahanayan4) Batay sa isang di-lathalang ulat ng Housing andUrban Development andCoordinating Council (HUDCC)noong 2002, ang 73% ngkabuuang sambahayan sasyudad ng Pasay at kalahating sambahayan sa syudad ngMuntinlupa ay mga informalsettlers at tinuturing na mgasambahayan na mahihirap.

Walang kaseguruhan sakabuhayan

Hirap ang maralitangtagalungsod na abutin kahit

K

Talahanayan 3. Informal Settlements in Key Urban Areas

Number of Informal Settler Families

Region Total National LocalGov’t Danger Gov’t PrivateGov’t Infra Infra Areas Land Land

CAR 22418 3200 12210 7008Region I 6495 100 1090 2200 3105Region II 2773 468 997 167 1141Region III 54360 9461 707 14328 6071 23793Region IV 179100 43796 2728 63011 28583 41011Region V 19076 47 5740 314 12975Region VI 38195 4227 2378 17499 7893 6198Region VII 47311 1840 3146 9719 20282 12324Region VIII 12611 1537 934 3755 2676 3709

Note: The PCUP in Mindanao does not have data on informal settlers

Source: Presidential Commission for the Urban Poor from NHA data

Page 6: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

6 IBON FACTS AND FIGURES ABRIL 2009

ang mababang poverty line nggubyerno. Nawala angkanilang kakayanang bumili, sasaligan ay dahil sanagpapatuloy na mataas natantos ng disempleyo simula2001. Ang kasalukuyangtantos ng disempleyo ay

Talahanayan 4. Magnitude of Informal Settlersin Metro Manila (by area)

Location Numberof families

Danger Areas 110,826Waterways 72,102Railroad Tracks 28,993Pasig River 9,731Gov’t Infrastructure 94,241Right of Way 72,836Public Utilities 29,405Government Owned Lands 315,406Private Lands 110,956Tourism Areas 5,650Designated Housing Sites 66,869Areas for Priority Development 22,960Grand Total 726,908

Source: Presidential Commission for the Urban Poorculled from NHA Survey, April 2000

Talahanayan 5. Families Engaged in Any Economic ActivityBy Income Stratum and Urban-Rural Residence in the National Capital Region: 2002

Type of Economic Activity

Number (Percent to Row Total)

Income of Families Family Net Entre- Wages andStratum Reporting Sustenance Sharing preneurial Salary

(‘000) Activity of Crops Activity Employment

PHILIPPINES 15,354 46.9 6.1 65.1 67.2Lowest 40% 6,190 76.6 6.7 74.2 53.5Highest 60% 9,163 26.9 5.7 58.9 76.5

Urban 7,502 20.4 4.7 53.6 76Lowest 40% 1,443 51 5.7 61.8 59.5Highest 60% 6,059 13.1 4.5 51.6 79.9

Rural 7,851 72.3 7.5 76 58.9Lowest 40% 4,747 84.3 7.1 77.9 51.6Highest 60% 3,104 53.8 8.1 73.1 70

National Capital Region 2,119 0.7 1.2 40.7 82.8Lowest 40% 91 0.9 0.7 43.5 65.5Highest 60% 2,028 0.7 1.3 40.6 83.6

Note: A respondent may engage in more than one economic activity. Percentages do not add up to 100.

Source: National Statistics Office, 2002 Annual Poverty Indicators Survey (APIS)

10.3%, samantalang angtantos ng underemployed oyaong mga may trabaho perohindi aabot sa walong oras, ay20 porsyento. [4]

Simula nang dumagsa ang mgamahihirap ng kanayunan tungo

sa mga sentrong urban, angmga komunidad ng maralitangtagalungsod ay naging balonng sobrang lakas-paggawa nainabuso ng mga kapitalista.Noong 2002, 62% ng mgapinakamahihirap na 40% namga pamilya sa NCR aylumahok sa iba’t ibang klaseng hanap-buhay, mula sapagtitinda ng kung anu-anohanggang sa pagtatayo ngmaliliit na negosyongpampamilya. Ang 60% aynagtatrabaho nang maysahod, ngunit ang mga ito aytrabahong may kaunti owalang kaseguruhan atnapakaliit ang sahod. Dagdagpa, isa sa bawat dalawangmahirap na pamilya ay

nakakaraos lamang sa bawataraw, o tinatawag na “isangkahig-isang tuka”. (Tingnanang Talahanayan 5) Kaya’thindi nakakapagtaka kungbakit milyong Pilipino angnapipilitang mangibang bansaupang maghanap ng trabaho,

Page 7: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

7IBON FACTS AND FIGURES ABRIL 2009

Talahanayan 6. Current Nominal and Real Wage1 vs FamilyLiving Wage2, By RegionNon-Agriculture, December 2007(2000 = 100)

Region Family Living Nominal Real Nominal WageWage Wage a/ Wage b/ As % Of

Family Living Wage

NCR 806.00 362 235.42 44.91CAR 760.00 235 160.96 30.92I 747.00 230 157.21 30.79II 657.00 223 159.63 33.94III 682.00 287 202.83 42.08IV-A 707.00 300 208.33 42.43IV-B NA 237 167.37 NAV 678.00 226 156.73 33.33VI 592.00 235 166.43 39.70VII 766.00 250 168.46 32.64VIII 502.00 228 161.59 45.42IX 710.00 215 149.72 30.28X 683.00 244 164.31 35.72XI 664.00 250 168.92 37.65XII 647.00 229.5 163.00 35.47XIII 1096.00 220 152.35 20.07ARMM NA 200 128.45 NA

Notes: 1 - includes Cost of Living Allowances, 2 – average

Source: DOLE and NWPC

o sa pinakamasahol, aylumahok sa mga antisosyal nagawi.

Hindi rin masasabing masmabuti ang kalagayan ng mgatumatanggap ng suweldo atsahod. Ang minimum na sahodna tinakda ng gubyerno parasa mga trabahong di-agrikultural ay nakakatugonlamang sa 45% ng halaga paramakapamuhay nang disentena tinakda rin naman nggubyerno. (Tingnan angTalahanayan 6) Halimbawa,sa Region XIII ang mgasumasahod ng minimum nasahod ay nakakatanggaplamang ng Php200 bawataraw, kahit pa ang isangpamilya ay nangangailanganng PhP1,096 para mabuhaynang disente. Ang malakingagwat sa pagitan ng minimumwage at ng family living wageay lalong pinalalala ng walangpuknat na pagtaas ng presyong mga batayang kalakal,tulad ng pagkain at kuryente.

Malubhang di-pagkakapantay

Noong 2002, ipinakita ngAnnual Poverty IndicatorsSurvey (APIS) na 91% ngpinakamababang 40% napamilya sa kalunsuran aytinuturing ang kanilang mgasarili na mas mahirap o maskawawa, o ang kanilangkalagayan ay hindi bumuti. Sakabilang banda, ang 19% ngpanggitna at nakataaas na60% na pamilya ay nakitangmas bumuti ang kanilangkalagayan kumpara sanakaraang taon. (Tingnanang Talahanayan 7)

Talahanayan 7. Families by Their Perception on Present SituationCompared to that in the Last 12 Months, by Income Stratum,Region and Urban-Rural Residence: 2002

Region and Number ofFamilies’ Present Situation

Income FamiliesCompared in Last 12

Stratum (‘000)Months (Percent Distribution)

Better Off Worse Off Same

PHILIPPINES 15,925 15.3 30.8 53.9Lowest 40% 6,370 9.4 35.7 55Highest 60% 9,555 19.3 27.5 53.2

Urban 7,949 17 30.5 52.5Lowest 40% 1,553 9.2 40.1 50.7Highest 60% 6,396 18.9 28.1 53Rural 7,976 13.6 31.1 55.3Lowest 40% 4,817 9.4 34.2 56.4Highest 60% 3,159 20 26.3 53.8

NCR 2,318 15.6 28.9 55.5Lowest 40% 123 1.3 45.8 52.9Highest 60% 2,194 16.4 28 55.7

Source: National Statistics Office, 2002 Annual Poverty Indicators Survey(APIS)

Page 8: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

8 IBON FACTS AND FIGURES ABRIL 2009

alakihangdemolisyon

Sa usaping ito, palagina lamang ibinubunton nggubyerno ang sisi sa mgamaralitang tagalungsod. Bukodsa tinuturing silang pampasirasa magandang tanawin sakalunsuran, inilalarawan dinsila na nakatira sa o malapitsa mababahong estero, sapaat maduduming ilog, kaya’t silaay dapat idemolis.

Ang Urban Development andHousing Act na isinabatasnoong 1992 ay ipinapalagayna tutugon sa kalagayan ngmga nakatira sa slums at ibapang maralitang tagalungsod,pero lalo lang lumala angkanilang kalagayan at patuloysilang humaharap sa banta ngpagpapalayas at demolisyonkapwa mula sa gubyerno atpribadong panginoongmaylupa.

Ang ilan sa mga kaso aykasangkot ng mga‘beautification projects’:katulad ng 72 kaso ngdemolisyong isinagawa noong1996 na nagpalayas sa halos7,000 pamilya para lamangpagandahin ang Metro Manilasa mata ng mga dayuhangopisyales na dadalo sa pulongnoon ng Asia-Pacific EconomicCooperation (APEC); at noong2006 nang 600 bahay angdinemolis sa mga syudad ngMandaue at Lapu-lapu bilangbahagi ng paghahanda sapulong ng Association ofSoutheast Asian Nations

Kaunlaran sa Kalunsuran?

(ASEAN), at kung saan 100pamilya lamang ang nailipat salugar ng relokasyon na walangbatayang serbisyo tulad ngkuryente at tubig.

Tumitindi ang banta sa mgainformal settlements sa ilalimng tinatawag na ‘urbandevelopment projects’ sailalim ng administrasyongArroyo, kung hindi man sapamamagitan ng unti-untingpagdemolis (tinaguriangpocket demolitions), ay sapamamagitan naman ngmalakihang demolisyon sailalim ng pangangasiwa ng mgapambansang ahensya tulad ngHUDCC, National HousingAuthority (NHA), Metro ManilaDevelopment Authority(MMDA) o mga lokal na yunitng pamahalaan. Ang laki atproporsyon ng mga demolisyonkamakailan lang ay wala pangkapantay sa kasaysayan. Angmga prayoridad na proyektosa imprastraktura nggubyernong Arroyo aynagbigay daan sa sunud-sunod na demolisyon ng mgatahanan ng maralitangtagalungsod, habang napipintoang pagdemolis ng libo pangiba, hindi lang sa sentrongbayan kundi sa iba pangsentrong urban sa bansa.

MHalimbawa, sa ilalim ngNorthrail-Southrail LinkageProject (NSLP) ay sapilitangpalalayasin at palilipatin ang80,000 pamilya (o 400,000katao)—sinasabing ito angpinakamalaking panukala ngsapilitang pagpapalipat ngmga tao sa kasaysayan ngPilipinas. Sa Metro Manilalamang, sa pagitan ng Enero2006 at Setyembre 2007,isinagawa ang mga malakihangdemolisyon na nagpalayas sa14,468 pamilya. Umaabot nasa 11.85 kilometro ngmaralitang komunidad ngTondo, Sta. Cruz, Sampaloc,Sta. Mesa, Pandacan, Paco atSan Andres and apektado.Simula noong nailunsad angclearing operations noong2005, 55,000 pamilya na angsapilitang lumikas sa kanilangmga tahanan na giniba nggubyerno.

Ang gubyerno ay bumuo ngmga pakana upang pabilisinang pagsasakatuparan ng mgaproyekto, katulad ngtinatawag na ‘voluntarydemolition or eviction’. Sailalim ng pakanang ito, lalo nasa kaso ng NSLP, ang mgapalalayasin ay bibigyan ng 10araw para itayo ang mgabahay nila sa erya ng

Page 9: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

9IBON FACTS AND FIGURES ABRIL 2009

relokasyon at boluntaryonggibain ang kanilang mgabarung-barong sa riles. Angpakanang ito ay tinawag ngmga lider ng maralitangtagalungsod na mapanghatingtaktika na nagpapahina nglaban habang pinapadali angpag-giba ng mga bahay. Sakabilang banda, yaong mgaboluntaryong gumiba ngkanilang sariling tahanan aynaloko ng gobyerno namayroong disenteng lugarpara sa relokasyon kahit wala.Ganito ang nangyari sa mgaiskwater na nirelokeyt saTowerville, Bulacan.

Walang pabahay para samahirap

Wala sa prayoridad nggubyerno ang pagtustos sapabahay para sa mahihirapdahil 0.3% lamang ngpambansang badyet mula2001 hanggang 2006 angnakalaan para sa pabahay atpagpapaunlad ng komunidad.Ito ay sangkatlo lamang nginilaan para sa panahon ng1995-2000. Ang mga proyektosa pabahay ng gubyernongArroyo ay hindi serbisyongpanlipunan kundi bahagi ngmga prayoridad na programasa imprastraktura na nakaasasa dayuhang pautang atpamumuhunan.

Ang HUDCC at iba pangahensyang may kinalaman sapabahay ay kumakatig sa mgamay kakayanang magbayad sausapin ng pagkakaloob ngpabahay. Noong 2006, angadministrasyong Arroyo aynasiyahan dahil sapamamagitan ng mga‘mapanlikang iskemangpampinansya’ at mabilis napanahon ng pagpoproseso,sila ay nakatulong sa 742,392sambahayan sa usapin ngpabahay at tiyak na

pagmamay-ari. Para sagubyerno, ang pinakamalakingtagumpay ay nakamit sapamamagitan ng pagbenta ngbahay. Ipinapalagay na147,755 sambahayan angnakinabang sa aktwal naproduksyon sa pabahay,ngunit lagpas 50% dito ayyaong mga napalayas dahil saNorthrail project. Anupaman,tinataya pa rin gubyernongArroyo ang gahigantengpangangailangan sa pabahayna aabot sa 3.8 milyon parasa panahong 2005-2010, dahilsa backlog na 984,466 atbagong pangangailangan sapabahay na 2.6 milyon.(Tingnan ang Talahanayan 8)

pinagbabayad para makamitang kanilang batayangkarapatan. (Tingnan angTalahanayan 9)

Ang isang halimbawa ay angCommunity Mortgage Program(CMP). Ang maralitangtagalungsod ay kailangangmagbayad ng mataas naamortisasyon sa lupangkanilang tinitirahan dahil angmga ito ay binili sa mgapribadong may-ari. AngKalipunan ng DamayangMahihirap o Kadamay aynagpahayag na maraming kasong foreclosure dahil bukod samismong lupa ang ginagamitna kolateral sa utang, hirap pa

Talahanayan 8. Housing Need, 2005-2010

Category Total

Housing Backlog 984,466Doubled-Up Housing 387,315Replacement/Informal Settlers 588,853Homeless 8,298Substandard (Upgrading) 186,334New Households 2,585,272Total 3,756,072

Source: MTPDP 2004-2010

Hindi sapat at hindinakapaglingkod sapinakamahihirap ang programasa pabahay ng gubyerno. AngMedium Term PhilippineDevelopment Plan (MTPDP) sapabahay ay walang dudangnagpapatampok sa papel ngpribadong sektor sapagkakaloob ng pabahay. Angdominasyon ng pribadongsektor, katulad ng mgakorporasyon sa real estate nabinibigyang diin sa MTPDP, aynagpapatunay na ang mgaprayoridad na programa nggubyerno ay yaong mga maytubo o kita, habang ang mgamaralitang tagalungsod ay

sa pagbayad o kaya ay di natalaga mabayaran ang utang.

Samantala, ang murangpabahay ng NHA ay paralamang sa mga kumikita ngkahit Php6,000 kada buwan;kasapi ng SSS o GSIS at Pag-ibig; at bahagi ng lehitimongorganisasyong nakarehistro saSecurities and ExchangeCommission (SEC) dahilkailangan silang magbayad ngmataas na interes sa loob ng25-30 taon at magbayad pang upa sa loob ng 5 taon. Sakabilang banda, ang iskema ngrelokasyon para sa mganaapektuhan ng NSLP ay

Page 10: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

10 IBON FACTS AND FIGURES ABRIL 2009

Talahanayan 9. Existing Programs for Slum Dwellers

Program Number of Household Beneficiaries

2001 2002 2003 Total

HUDCC Asset Reform Program 133,900 68,820 1,000 203,720NHA Housing Programs 47,771 25,356 15,205 88,332NHMFC Community Mortgage Program (CMP) 28,474 19,529 11,453 59,456National Government Center (NGC) East-West Project 8,739 2,049 410 11,198North and South Rail Relocation — 7,350 3,250 10,600Gawad Kalinga (GK 777) 1,000 1,032 2,963 4,995Habitat for Humanity 1,878 1,087 1,019 3,984Total 221,762 125,223 35,300 382,285

Source: 2004-2010 Medium-Term Philippine Development Plan

nagtatakda ng pautang sabawat pamilya sa interes na6-9% kada taon, nababayaran sa loob ng 25-30taon. Ang pautang naumaabot sa US$500 hanggangUS$4000 bawat pamilya ayhindi na nga sapat paraipagpatayo ng bahay, ay hindipa kayang bayaran ng mgamahihirap na pamilya nawalang disenteng sahod atkabuhayan.

Walang relokasyon

Ang suliranin ng relokasyon aybatbat ng maraming usapin,ilan dito ang kawalan ngkabuhayan at batayangserbisyo sa mga tinukoy nalugar ng relokasyon. Angresulta ng pag-aaral ngCenter on Housing Rights andEvictions (COHRE) aynagpapakita na ang kalagayansa pamumuhay sa kalakhan ngmga relocations sites aynakakabagabag dahil sakawalan ng tubig na maiinom,kuryente, at sanitasyon.Dagdag pa, ginagamit nggubyerno ang salitang‘professional squatters’ parahuwag maisama sa relokasyonat kompensasyon kahit angmga karapat-dapat, tulad ngmga nagbenta, nagpaupa onaglipat ng ipinagkaloob napabahay. Ang kategoryang ito

ay nagtatanggal sa lahat nginformal settlers sa kanilangkarapatan sa pabahay, dahilmaraming mahirap na pamilyaang iniiwan ang resettlementsites dahil sa kawalan ngoportunidad sa kabuhayan atbatayang serbisyo.

Gayunpaman, ang sentral nausapin ay ang pagpapaunladsa mga kalunsuran na dinakabatay sa relokasyon ngmga maralitang tagalungsod,kundi sa pagpapaunlad ngkanilang buhay kung saan mansila naroon; kasama angbuong pakete ng pagkakaloobng pabahay, serbisyongpanlipunan at pagkakataon sapaghahanap-buhay.

Ang kampanya ng gubyernosa imprastraktura

Ang katwiran ng gobyerno,ang daan tungo sa

modernisasyon atpagpapaunlad ng mgakalunsuran ay linisin angsyudad ng mga informalsettlers. Ang patakarang itoay nakasentro sa MTPDP nggubyernong Arroyo nanakatutok sa pagkuha ngdayuhang puhunan at pag-pump prime sa ekonomya.

Sa ilalim ng MTPDP, tinatayang gubyerno na kailangan ngPhp19 milyon para pondohanang Housing Sector PriorityRelocation Program. Paradiumano ito sa 108,358pamilyang mapapalayas ngNorthrail-Southrail Project,Pasig River RehabilitationProgram at EsterosProgram.Ang pinakamalakingalokasyon ay mapupunta sapaglilinis ng riles para saproyektong modernisasyon ngPhilippine National Railways(PNR). Sa ilalim ng prayoridadna programang ito aymarerelokeyt ang 108,358pamilyang nakatira sa mgalugar na tinukoy para sapagpapaunlad ng gubyerno ong pribadong grupo. (Tingnanang Talahanayan 10)

Nademolis na ang mga bahaysa tabi ng riles sa Makati,Pasay at Maynila at ang mgapamilya ay nalipat na saLaguna, Bulacan, Cavite at

Page 11: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

11IBON FACTS AND FIGURES ABRIL 2009

Talahanayan 10. Housing Sector Priority Relocation Program

Number of FundingProgram Families Requirement

to be (P Million)Relocated

North Rail Relocation Program 37,850 7,736Phase 1 Section 1 19,953 4,167Caloocan North - 127Malabon 3,399 688Valenzuela 4,102 831Bulacan (Meycauayan to Malolos) 12,452 2,521Phase 1 Section 2 17,627 3,569Calumpit, BulacanSan FernandoClark, AngelesSouth Rail Relocation Program 42,929 8,286Caloocan South 1,223 226Manila 8,597 1,590Makati 2,843 578Taguig 2,633 487Parañaque 1,279 237Muntinlupa 10,561 1,954Laguna 15,793 3,214Pasig River Rehabilitation Program 6,802 756Esteros Program 21,047 2,253Total 108,358 19,031

Source: MTPDP 2004-2010

kung saan pa. Ang pondo aymalinaw na inaasahangmagmumula sa dayuhangpautang mula sa mgainternasyunal na institusyongpampinansya tulad ng AsianDevelopment Bank (ADB) atWorld Bank, at dayuhangpamumuhunan mula sa mgadayuhang korporasyon(TNCs). Hindi inaasahangmagmula ang pondo sapambansang badyet dahil angpabahay para sa maralitangtagalungsod ay hindikailanman naging prayoridadng gobyerno.

Ang maralitang tagalungsod,laluna ang mga informalsettlers, ay sapilitangnapalipat ng tahanan bungang iba’t ibang programa parasa imprastraktura nakaramihan ay pinondohan ngmga pautang ng mgainternasyunal na institusyongpampinansya. Ang mgaproyektong ito, kasalukuyanmang ipinapatupad o plano palamang, ay makakaapekto satinatayang 361,100 pamilya.Ang mga pinaka-ambisyoso samga proyektong ito ay angPayatas Estate AreaDevelopment, ang C-5development, at ang PNRModernization Project.(Tingnan ang Talahanayan11)

Ang C-5 link ay isang 22-kilometrong kalsada namagdudugtong sa NorthExpressway (NLEX) at SouthExpressway (SLEX) na ayonsa Gabriela Women’s Party aymagpapalayas ng 40,000pamilya o 200,000 maralita saQuezon City at Valenzuela.Maapektuhan naman ang350,000 na pamilya saproyektong Payatas EstateArea Development napinopondahan ng AsianDevelopment Bank.

Talahanayan 11. Major Infrastructure Projects Underwayor Soon to be Constructed in Metro Manila

Project Families Affected

C-5 40,000PNR Modernization Project 39,000Home Along the Floodway 25,000North Harbor Modernization 28,000Welfareville Privatization 24,000Tala Leprosarium Privatization 6,000Payatas Estate Area Development 150,000QC Business Hub - North Triangle 10,000PNR-FTI 3,000NBP 3,000Lawa (Taguig-Muntinlupa) 20,000Bliss-Makati 500R-10 6,000Tipa de Galinga (Pasay) 600Laperal 5,000Malabon 1,000Total 361,100

Source: Demolition Watch website

Page 12: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

12 IBON FACTS AND FIGURES ABRIL 2009

Talahanayan 12. Communities and Families Affected by theImplementation of the QCBD

Affected Communities No. of affected Families

San Roque 16,000Brgy. Central 5,000San Isidro 500Brgy. Pinyahan 2,000Palanas 1000Total 24,000

Source: Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)

Samantala, ang PNRModernization Project namanay tinataya ng gubyerno namagpapalayas ng 81,000 napamilya na sasagasaan ngdalawang bahagi nito: angNorth Rail at South RailPrograms. (Tingnan ang Boxsa ibaba)

Dagdag pa rito ang QuezonCity Central Business District(QCBD) ay nangungunangproyektong imprastraktura niPresidente Arroyo at ng lokalna pamahalaan ng QuezonCity na pinopondohan ng ADBat ng World Bank. Angproyektong ito na sasaklaw ng250 ektarya ay sinasabingmagpapaunlad ng

nakatiwangwang na lupa nggubyerno upang likhain angpinakamalaking sentro ngpangangalakal at pamahayansa bansa. Ang proyekto ay

sapilitang magpapalipat sa24,000 pamilya ng maralitangtagalungsod mula sa tatlongbarangay. (Tingnan angTalahanayan 12)

Ang PNR Modernization and Rehabilitation Program ay binubuo ng Northrail o ang Manila-Clark Railway

System (na tatakbo mula sa Caloocan hanggang ClarkAirbase tungo sa Subic Freeport zone, na may dugtongmula Clark tungo sa Poro Point, La Union) at Southrail oang South Manila Communter Rail Project (na tatakbomula Caloocan tungong Alabang at Calamba, na maydugtong mula Calamba tungong Batangas InternationalPort at isa pang dugtong tungong Quezon at Bicol). Angpondo ay uutangin ng gubyerno ng Pilipinas: $503 milyonmula sa Tsina para sa Northrail at $50.42 milyon mula saTimog Korea para sa Southrail.

Ang Northrail-Southrail Linkage Project (NSLP) ay bahaging PNR-MRP na mag-uugnay sa dalawang mayor naproyektong perokaril. Ang NSLP ay popondohan ng utangna ipagkakaloob ng gubyerno ng Korea. Ang NSLP PhaseI ay magkakahalaga ng US$50.42 milyon at sasaklaw sahalos 40 kilometro mula sa Caloocan hanggang Alabang.Ang Phase 2 nito ay tinatayang magkakahalaga ng US$70milyon na mag-uugnay sa modernong perokaril mula saAlabang tungong Calamba, Laguna sa Timog Luzon.Babayaran ng gubyerno ang utang sa loob ng 20 taon, sainteres na 2.5% kada taon. Nitong Marso, inaprubahan nggubyerno ang pangungutang para sa karagdagang badyetna nagkakahalaga ng Php 645 milyon.

Ang NSLP ang humahawak ng rekord bilangpinakamalaking proyekto na sapilitang magpapalayas atmagpapalipat sa malaking bilang ng mamamayan, sakasaysayan ng Pilipinas. Noong Nobyembre 2007 lamang,halos 29,000 pamilya (o 145,000 indibidwal) ang pinalipat samga lugar na may kalayuan sa mga syudad atpagkukuhanan ng ikabubuhay. Ang mga bahay sarelokasyon ay may sahig lamang at walang bubong.

Dumoble ang insidente ng pagkagutom sa mga lugar ngrelokasyon, kumpara sa karanasan ng mga komunidad nanakatira sa riles. Anim na sanggol mula sa relokasyon ngSouthville ang namatay sa penumonia, sepsis at diarrhea.Anim na bata din ang namatay sa pagkalat ng dengue,habang 18 pa ang may impeksyon dahil sa seryosongpanganib sa kalusugan na dala ng malapit na tambakan ngbasura, kawalan ng malinis na inuming tubig, madumingkanal, at di mahusay na pasilidad sa sanitasyon.

Northrail-Southrail: Ang Suliranin ng Maralitang Tagalungsod sa Metro Manila

Page 13: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

13IBON FACTS AND FIGURES ABRIL 2009

a paglala ng kalagayanng paggawa sa bansa,ang hanay ngmaralitang tagalungsod

ay patuloy na lumalaki. Lalongdumadami ang mga lokal naempresa na nababangkrap okaya ay nagbabawas ngtrabahador dahil sapagsalakay ng liberalisasyon.Noong 2007, tinatayangumabot sa kabuuang bilang na51,125 na manggagawa angnatanggal sa trabaho dahil sapagsasara ng pagawaan atpagbabawas ng manggagawa.(Tingnan ang Talahanayan13)

Papalala ang sitwasyon dahilsa malawakang tanggalannitong huling kwarto ng 2008,laluna sa mga exportprocessing zones dahil sapagtitipid ng mga dayuhangkumpanya. Sa unang anim nabuwan ng 2009, tinataya ngDOLE na aabot sa 200,000obrero ang mawawalan ngtrabaho.

Mas maraming lokal nakumpanya ang inaasahangmagbabawas ng manggagawa

o kaya’y magsasara pa dahilhindi nila kayangmakipagkumpetensya sa mgaTNC na naglilipat o nagluluwasng bahagi ng kanilangoperasyon sa mga bansangkatulad ng Pilipinas kung saannapakamura ng lakas-paggawa. Noong 2007, 2,468empresa ang nagsara onagbawas ng manggagawadahil sa pagkalugi at iba pangpampinansyang kadahilanan.Ang lahat ng ito ay maymaliwanag at malalangimplikasyon para sa kalagayanng maralitang tagalungsod.

Ang kalagayan ng maralitangtagalungsod ay lalong lumalakahit pa ipinapahayag angpaglago ng ekonomya atmodernisasyon ng kalunsuran.Sa gitna ng kumportablengpamumuhay ng iilan sakalunsuran, makikita angkahabag-habag na kahirapanat kawalan ng pagkakapantaypara sa milyong pamilyang

mahihirap na nakikipagsapalaranaraw-araw para mabuhay atpangalagaan ang kanilang mgatahanan.

Kahit pa ang sektor ngmaralitang tagalungsod ayinaapi at pinagsasamantalahan,marami sa kanila ay hindipumapayag sa ganitongkapalaran. Inorganisa nila angkanilang mga sarili paratutulan ang mga patakaran nggubyerno na alam nilanglumalabag sa kanilangbatayang karapatang pang-ekonomya at panlipunan.Halimbawa, ang mga grupo ngmaralitang tagalungsod tuladng Pagkakaisa ng Mamamayansa Riles (PAMARIL) atKadamay ay kinampanya angmga opisyal ng lokal napamahalaan para itigil angmga demolisyon. Ang ilan aynag-organisa ng mga gawaingpang-edukasyon atnagkampanya ng bahay-bahaypara ipaalam sa kanilang mgakapitbahay ang kalagayan athimukin silang lumaban para sakanilang karapatan sadisenteng pabahay,hanapbuhay at serbisyong

S

Ligalig sa lipunan

OO NGA!!!

SOBRA NATALAGANG KAAPIHAN

ANG DINADANAS NG MGAMAMAMAYANG NAKATIRA

SA TABI NG RILESNG TREN!

MALAKING PAKINABANGSA MAMAMAYAN!

MAGKANOINTERES!

MAGKANO ATIN....

HATI-HATI....HETO SA ‘YO..

Pinagkakitaanang kahirapan!

Page 14: IBON Facts & Figures - · PDF fileSa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang ‘urbanisasyon’ sa Pilipinas, na sinukat sa paglago ng populasyon

14 IBON FACTS AND FIGURES ABRIL 2009

IBON Foundation Inc.Rosario Bella Guzman (Executive Editor); Jose Enrique Africa(Research Head); Luis Salvador M. Jorque (Art Editor)

IBON Foundation, Inc. holds the rights to the content of this publication. The publication may be cited in part as long as IBON is properly acknowledged as the source and IBON is furnished copies of the final work where the quotation or citation appears.

Published Monhtly by IBON Foundation, Inc. with office at IBON Center, 114 Timog Avenue,Quezon City l P.O. Box 1172, Quezon City Central Post Office, 1151 Quezon City, Philippines

Tel. Nos. (+632)9277060 to 62 and (+632)9277059 (Circulation) ��� Fax (+632)9292496E-mail: [email protected] ���[email protected]. ��[email protected].��� Website: http://www.ibon.orgEntered fortnightly as first class mail matter at the Quezon City Central Office .

panlipunan. Ang iba pa ayipinagtanggol ang kanilangmga tahanan laban sa mgademolition teams, gamit angsariling mga bisig.

Ang isang makatarungan atmapagkakatiwalaang gubyernoay dapat kagyat na ipatigilang pagpapatupad ngmalalaking proyektongimprastraktura na walangibang nakikinabang kundi angmga dayuhang nagpapautangat namumuhan at ilang lokalna opisyal, habang sapilitangpinapalipat ang mgakomunidad. Dapat itongmagkaloob ng mga trabaho atpagkakakitaan at serbisyongpanlipunan upang iangat angkalagayan ng maralitangtagalungsod mula sa kahirapanat kawalang pag-asa. Higit salahat, dapat nitong mulingpag-isipan ang MTPDP, at sakabilang banda ay tumutok satunay na repormang agraryo atpambansang industriyalisasyonbilang tunay na batayan ng

Talahanayan 13. Establishments Resorting To Permanent Closure/RetrenchmentDue To Economic Reasons and Workers DisplacedPhilippines: 2000 - June 2008Last updated: January 22, 2009

INDICATOR 2000 2001 2002 2003 2004 2005 2006 20072008

(Jan-June)**

A. Establishment 2,258 2,859 3,403 3,262 2,008 2,943 2,979 2,468 1,164 Reporting* - Closure 494 617 762 577 443 538 520 427 159 - Reduction of Workforce 1,788 2,276 2,702 2,710 1,585 2,428 2,482 2,063 1,013

B. Workers Displaced* 67,624 71,864 80,091 67,977 36,163 57,594 59,376 51,125 22,610 - Closure 21,367 25,468 25,240 24,638 13,829 15,029 19,587 17,633 6,640 - Reduction of Workforce 46,257 46,396 54,851 43,339 22,334 42,565 39,789 33,492 15,970

* details may not add up to total due to multiple reporting** preliminary data

Source: (DOLE)

pag-unlad sa kalunsuran at saekonomya.

Ngunit sa kasawiampalad, angbansa ay may gobyerno nayumayakap sa globalisasyon.Kung walang mga batayangpagbabago sa ekonomya at

Pinaghalawan:1. Asian Development Bank,

Responding to Urban Growth andPoverty, undated, accessed at http://www.adb.org/Documents/Books/City_Devt_Strategies/urban_growth.pdf

2. Guzman, Rosario Bella. FilipinosDeep in Poverty, IBON Facts andFigures, March 2007

3. OMCT or World OrganizationsAgainst Torture is a coalition ofinternational non-governmentalorganizations (NGO) fighting againsttorture, summary executions,enforced disappearances and allother cruel, inhuman or degradingtreatment. It submitted a report tothe United Nations Committee onEconomic, Social and Cultural Rights(UN CESR) Universal PeriodicReview (UPR) of the Philippines in2008.

4. IBON computation based on LaborForce Survey data

5. The Presidential Commission of theUrban Poor cites the absence of data

gubyerno, ang maralitangtagalungsod ay walang ibangmagagawa kundi sumama samga magsasaka, manggagawaat malawak na mamamayangnaghahangad atnakikipaglaban para sakatarungang panlipunan. �

on informal settlers for Mindanaobecause of lack of submission by thePCUP-Mindanao office as of April10, 2008

6. The Center on Housing Rights andEvictions (COHRE) based in Geneva,Switzerland submitted a report to theOffice of the High Commissioner onHuman Rights to assist in the UNCESCR UPR.

7. “Gov’t only committed on eradicatingurban poor shelters, not poverty –Kadamay,” article by Mong Palatino,June 22, 2006.

8. Summary prepared by the Office ofthe High Commissioner for HumanRights for the Universal PeriodicReview on the Philippines, February25, 2008, accessed at http://l ib.ohchr.org/HRBodies/UPR/Documents/Session1/PH/A_HRC_WG6_1_PHL_3_Philippines_summary.pdf

9. COHRE Factsheet on thePhil ippines, 2007.

10. Urban Poor Groups Assert Rightto Abode, www.bulatlat.com, June18-24, 2006.