ilantad ang bulok, reaksyunaryo at hungkag na eleksyon!

5
KULTURA MARSO 2016 Pambansang walkout: RIP karapatan sa edukasyon Infographic: Neoliberal na Atake sa Edukasyong Pilipino Lumalawak na pagtutol sa tangka ng mga Marcos na manumbalik sa Malakanyang Return Service Obligation Program: Pseudo-makabayan, pabigat sa mag-aaral Marso 8: Pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan 3 4 6 7 8 >>>Ituloy sa p2 kanilang mga padrino para sa mga patalastas, makinarya sa halalan, panunuhol at pandarahas. Laganap ang pandaraya at pandarahas sa halalan — mula sa pagbili ng boto, panunuhol, pananakot at pagmamanupaktura ng resulta. Lalo pa itong tumindi sa pagpapatupad ng automated elections kung saan itinago pang higit sa publiko ang resulta ng bilangan ng boto kaya’t lalo pang pinatindi ang kontrol ng US sa resulta ng halalan. Siyempre pa, sinisiil at dinedehado ang mga tunay na kinatawan ng mamamayan sa halalan sa pamamagitan ng sistematikong pandarahas, terorismo ng estado, black propaganda ng burgis na mass media, pagkakait ng pondo sa kampanya, vote-buying at pandaraya. Ilantad ang bulok, reaksyunaryo at hungkag na eleksyon! Sa pagtodo-larga ng perya ng pangangampanya sa paglapit ng halalang 2016, tungkulin ng Anakbayan at mga makabayang kabataang Pilipino na ilantad ang bulok, reaksyunaryo at hungkag na eleksyon. Dapat gamitin ang pagkakataong ito para ihayag sa taumbayan na sa sama-samang paglaban, hindi sa bulok na halalan, makakamit ang tunay na pagbabago. gaya ng smuggling at iba pa na kanilang pinaglalawayan. Kaya hindi kataka- takang bilyon-bilyong piso ang ginagasta ng mga nangungunang kandidato at Walang maaasahang makabuluhang pagbabago ang mamamayan sa eleksyon. Ang halalan sa bansa ay kontrolado ng Estados Unidos (US) at ginagamit nito para panatilihin ang bulok na naghaharing sistema sa bansa. Pinalalabas na “demokratiko” at “malayang” proseso ang halalan pero sa totoo’y paligsahan ito ng mga kinatawan ng iba’t ibang paksyong pampulitika ng nagsasamantalang uri ng malaking komprador at panginoong maylupa. Nagkokompetensya sila para sa basbas at suporta ng imperyalismong US. Kapalit ng pagpapakatuta, ang pabuya ng US sa mga pinakatapat na burukrata-kapitalista ay kontrol sa malaking pera ng gubyerno, mga kontratang pangurakot, proteksyon sa mga kriminal na aktibidad

Upload: tranhuong

Post on 08-Dec-2016

275 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ilantad ang bulok, reaksyunaryo at hungkag na eleksyon!

KULTURA

MARSO 2016

Pambansang walkout: RIP karapatan sa edukasyon Infographic: Neoliberal na Atake sa Edukasyong Pilipino Lumalawak na pagtutol sa tangka ng mga Marcos na manumbalik sa Malakanyang Return Service Obligation Program: Pseudo-makabayan, pabigat sa mag-aaral Marso 8: Pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

3

4

6

7

8

>>>Ituloy sa p2

kanilang mga padrino para sa mga patalastas, makinarya sa halalan, panunuhol at pandarahas.

Laganap ang pandaraya at pandarahas sa halalan — mula sa pagbili ng boto, panunuhol, pananakot at pagmamanupaktura ng resulta. Lalo pa itong tumindi sa pagpapatupad ng automated elections kung saan itinago pang higit sa publiko ang resulta ng bilangan ng boto kaya’t lalo pang pinatindi ang kontrol ng US sa resulta ng halalan.

Siyempre pa, sinisiil at dinedehado ang mga tunay na kinatawan ng mamamayan sa halalan sa pamamagitan ng sistematikong pandarahas, terorismo ng estado, black propaganda ng burgis na mass media, pagkakait ng pondo sa kampanya, vote-buying at pandaraya.

Ilantad ang bulok, reaksyunaryo at hungkag na eleksyon!Sa pagtodo-larga ng perya ng pangangampanya sa paglapit ng halalang 2016, tungkulin ng Anakbayan at mga makabayang kabataang Pilipino na ilantad ang bulok, reaksyunaryo at hungkag na eleksyon. Dapat gamitin ang pagkakataong ito para ihayag sa taumbayan na sa sama-samang paglaban, hindi sa bulok na halalan, makakamit ang tunay na pagbabago.

gaya ng smuggling at iba pa na kanilang pinaglalawayan. Kaya hindi kataka-takang bilyon-bilyong piso ang ginagasta ng mga nangungunang kandidato at

Walang maaasahang makabuluhang pagbabago ang mamamayan sa eleksyon. Ang halalan sa bansa ay kontrolado ng Estados Unidos (US) at ginagamit nito para panatilihin ang bulok na naghaharing sistema sa bansa.

Pinalalabas na “demokratiko” at “malayang” proseso ang halalan pero sa totoo’y paligsahan ito ng mga kinatawan ng iba’t ibang paksyong pampulitika ng nagsasamantalang uri ng malaking komprador at panginoong maylupa. Nagkokompetensya sila para sa basbas at suporta ng imperyalismong US.

Kapalit ng pagpapakatuta, ang pabuya ng US sa mga pinakatapat na burukrata-kapitalista ay kontrol sa malaking pera ng gubyerno, mga kontratang pangurakot, proteksyon sa mga kriminal na aktibidad

Page 2: Ilantad ang bulok, reaksyunaryo at hungkag na eleksyon!

2 3

Aquino. Ang pinakahuling biktima ay si Jessiven Lagatic ng Central Bicol State University of Agriculture na nagpatiwakal nito lamang Pebrero.

Pambansang ProtestaAng walkout nitong Marso 11 ay kasunod ng naunang pambansang walkout na ginanap noong Pebrero 24 na dinaluhan din ng libu-libong estudyante sa Metro Manila at maging sa Baguio, Los Baños, Cebu, at Davao.

Sa Metro Manila, sama-samang nag-walkout at nagmartsa ang mga mag-aaral ng PUP, UP Manila, UST, Far Eastern University, De La Salle University, at University of the East mula España hanggang Mendiola. Suot ng mga estudyante ang mga graduation cap at hawak ang mga hugis-ataol na karatulang nananawagan sa pagbasura ng mga bayarin.

Kasama rin ang mga estudyanteng hayskul mula sa Manuel Roxas High School, Batasan National High School, at North Fairview High School na kinukundena ang K-12. Ayon sa kanila, isinusulong ng K-12 ang pagtatrabaho imbis na ipagpatuloy ang edukasyon, upang ang mga mag-aaral ay maging susunod na Mary Jane Veloso na ipapaalila sa ibang bansa.

Nagkaroon din ng mga protesta sa Los Baños, Cebu, Iloilo, Davao, at Tacloban noong Marso 11. Mahigit isang libong estudyante ang nagwalkout mula sa iba’t ibang pamantasan sa Baguio.

TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MARSO 2016MARSO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN BALITAEDITORYAL

sa pagtaas ng matrikula, dahil sa buong buwan ng Pebrero ginaganap ang mga konsultasyon.

Ngunit hanggang ngayon, tikom pa rin ang bibig ng mga paaralan hinggil sa pagtaas ng matrikula.

Edukasyong nakakamataySa katunayan, hindi pa rin nagbabago ang nakakadismayang estado ng edukasyon, bagkus ay lalo itong lumalala habang patapos na ang administrasyong Aquino, ayon kay Christopher Tejada, ama ni Kristel Tejada, estudyante ng UP Manila na nagpatiwakal noong 2013 dahil hindi nakabayad ng matrikula.

“Para sa akin, kung meron namang budget para sa edukasyon, bakit hindi na lang gawing libre ang edukasyon dito sa atin sa Pilipinas?” ani Tejada.

Inalay din ang walkout para sa ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ni Kristel Tejada. Kinitil ni Kristel ang sarili niyang buhay noong 2013 nang hindi na siya pinayagang mag-enroll sa UP Manila dahil sa balanse niyang P10,000 para sa tuition.

Hindi bababa sa lima pang estudyante ang pinatay ng neoliberal na patakarang pang-edukasyon sa ilalim ng rehimeng

Ayon sa pag-aaral ng Kabataan Partylist, ang P30,000-P50,000 na bayarin kada taon noong 2010 ay dumoble sa P60,000-P100,000 para sa mga estudyante sa university belt mula nang maupo sa Malacañang si Aquino.

Hindi pa rito kasama ang kuwestiyonableng other school fees na ipinapatong ng mga unibersidad tulad ng mga singil para sa energy, athletics, sports, laboratory, facilities, late enrollment, registration, practicum, thesis, at marami pang iba.

Hindi rin ligtas ang state universities and colleges (SUCs) tulad ng University of the Philippines (UP) at Polytechnic University of the Philippines (PUP) na tadtad din sa bayarin dahil sa socialized tuition system (STS) at iba pang sinisingil sa mag-aaral.

Neoliberal na patakaranMariing tinututulan ng Anakbayan ang mga neoliberal na patakaran sa edukasyon na pinapatupad ng rehimeng Aquino upang higit na mangibabaw ang pribadong sektor upang magkamal ng sobrang tubo habang binabawasan ang papel at pondo ng gobyerno.

Ayon sa grupo, pinagkakakitaan ng mga pamantasan ang mga estudyante upang sila’y muling pagkakitaan bilang murang lakas-paggawa ng malalaking dayuhang korporasyon kapag natapos na sila sa kanilang pag-aaral.

“Kapag isinapribado mo at pinagkaloob mo sa pribado, sa mga negosyante ang mga serbisyo gaya ng edukasyon, transportasyon, kalusugan, pabahay, ang ultimong layunin ng mga negosyante [ay] hindi para magsilbi, kundi para kumita,” ani Anakbayan National Secretary General Einstein Recedes.

Idiniin ng Anakbayan ang Education Act of 1982 bilang pasimuno ng deregulasyon o pagtanggal ng kontrol sa pagtataas ng singilin sa mga pamantasan. Pinalala ito sa ilalim ng administrasyong Aquino nang ipinasa ang Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order no. 3 series of 2012 upang payagan ang mga pamantasan na dagdagan ang sinisingil nito sa kondisyon na magdaraos ang mga ito ng “konsultasyon” sa mga estudyante hinggil dito.

Depensa ng CHED ay “premature” o maaga pa para kumilos ang mga estudyante laban

Pambansang walkout: RIP karapatan sa edukasyonSigaw ng mga mag-aaral sa pambansang walkout noong Marso 11: ibasura ang taunang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin. Nagkaisa ang libu-libong estudyante sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ipakita ang mariing pagtuligsa sa pahirap na komersyalisadong edukasyon sa ilalim ng rehimeng Aquino.

PUNONG PATNUGOTKarlo Mikhail Mongaya

MGA KAWANIAlexia Fuentes, Andrea Lim, Edward Pastor, Issa Baguisi, Gem Aramil,

Eden Mae Galas, Gena Terre, James Relativo, Jackie Tan Gonzales, Jaque Eroles, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli, Nona Al-Raschid,

Uno Knobles, Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

www.anakbayan.org

facebook | Anakbayan Phils

twitter | @anakbayan_ph

Effigy ni Noynoy Aquino bilang #TuitionHikeKing. Photo Credits: College Editors Guild of the Philippines.

Mahigit isang libong estudyante ang nagwalkout sa Baguio noong Marso 11. Photo Credits: UP Baguio Outcrop.

Kaya naman hindi kataka-taka na ang mga plataporma at mga pangako ng mga nangungunang kandidato sa pagkapangulo sa kalakhan ay pagpapatuloy ng mga patakarang makadayuhan at kontra-mamamayan ng kasalukuyang rehimeng US-Aquino. Nagpapakitang-gilas ang mga kandidato sa US para iprisinta ang sarili na masugid na tagapagpatuloy ng mga neoliberal na mga patakaran.

Habang nagbabatuhan ng putik sa kurapsyon, kwalipikasyon at kakayanan, nagkakasundo at pare-pareho naman ang tindig ng mga kandidato sa pagpapatuloy ng mga patakaran kagaya ng Public-Private Partnerships, Conditional Cash Transfers, programang K-12 at iba pa. Gayundin, itutuloy ang mga patakaran ng mababang pasahod, pleksibleng paggawa, kawalan ng lupa ng magsasaka, mapangwasak na pagmimina at iba pa.

Sa kabila ng pagiging kulelat at malawak na pagkamuhi ng bayan, nakasentro sa kandidato ng rehimeng US-Aquino na si Mar Roxas ang makinarya at pondo ng gubyerno at siya ring tumatayong pinakamasugid na tuta ng US. Takot makulong dahil sa kanyang mga krimen sa bayan, gagawin ng naghaharing paksyon sa pangunguna ni Aquino ang lahat para manalo ang pambato nito sa pamamagitan ng pandaraya at pandarahas.

Ang bagong reaksyunaryong gubyerno matapos ang Mayo ay tiyak na lalong magiging palaasa at sunud-sunuran sa dikta ng US. Iluluklok ng US ang nasisiguro nitong magpapatuloy ng mga patakarang papabor sa panghihimasok at pagbabaseng militar ng US at magsisilbi sa layuning palakasin ang pwersang militar nito at pangkalahatang mga patakarang pampulitika at pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko.

Sa ganito, malinaw na pagpapalit lamang ng mukha ng tuta ng US na nakaluklok ang halalan. Wala itong idudulot na saligang pagbabago sa sistema na tutugon sa mga pagbabagong nais ng mamamayan.

Dapat ilantad ang hungkag na halalan at isulong ang kilusang propaganda na naglalantad sa malakolonyal at malapyudal na sistema. Dapat ipalaganap sa mamamayan na ang pagbabagsak sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo — ang pambansa demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba — ang landas sa tunay na pagbabago.

Sa panahong nililinlang ang mamamayan sa mga repormista at hungkag na solusyon, dapat pag-ibayuhin ang mga pakikibakang masa at mga kampanya.

Kasabay nito, sinasamantala natin ang pagkakahati ng mga naghaharing uri sa panahon ng halalan para ihiwalay ang sagad-sagarang kontra-mamamayan, suportahan ang mga kandidatong alyado o malapit sa kilusan ng mamamayan at palaganapin ang mga panawagan ng mamamayan.

Ipalaganap natin sa pinakamalawak na bilang ng mamamayan na tanging sa landas ng pambansa-demokratikong pakikibaka — sa pagwasak ng estadong tuta at pagtapos sa dayuhang pagsasamantala — makakamit ng mamamayan ang tunay at makabuluhang panlipunang pagbabago.

Page 3: Ilantad ang bulok, reaksyunaryo at hungkag na eleksyon!

4 5MARSO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MARSO 2016INFOGRAPHIC

Page 4: Ilantad ang bulok, reaksyunaryo at hungkag na eleksyon!

6 7MARSO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANBALITA MARSO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANBALITA

CCT, pondo ng bayan, ginagamit pangkampanya ng LPSa desperasyong manalo ang kulelat na si Mar Roxas sa pagkapangulo, ginagamit ng administrasyong Aquino ang lahat ng rekursong mayroon sila para sa kampanya ng Liberal Party. Kabilang na dito ang Conditional Cash Transfer (CCT) o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ginagawang isang porma ng vote-buying.

Ginagamit ng rehimeng Aquino ang CCT sa pagbili ng boto at pagkuha ng suporta ng lokal na gobyerno para sa kampanya ni Roxas. Ang mga pagtitipon para sa 4Ps ay nagiging pagtitipong pang-eleksyon kung saan binabantaan ang mga benepisyaryo ng bawas sa kanilang makukuha kapag hindi nanalo sa pagkapangulo si Roxas.

Nauna nang pinuna ng Commission on Audit (COA) ang 4Ps dahil marami sa mga nakikinabang nito ay hindi naman talaga mahihirap habang bilyun-bilyong pondo ang hindi pa nalilikida.

Malinaw na bigo ang CCT sa pagpuksa sa kahirapan habang binabawasan naman nito sa pondong maaari sanang iukol sa serbisyong panlipunan. Tinatayang P64 bilyon ang ilalaan sa 4Ps ngayong 2016, mahigit ito sa kalahati ng P110.8 bilyong badyet ng DSWD.

Kinukundena rin ng Anakbayan ang paggamit ng mga sasakyan at iba pang pasilidad na pampubliko sa kampanyang Roxas. Kamakailan, maraming mapagbantay na netizen ang nagpaskil ng serye ng mga

expose sa social media laban sa talamak na pagwawaldas ng mga pampublikong pondo para sa eleksyon.

Kabilang sa mga ito ang mga larawan ng mga sasakyan ng gobyerno sa pagdidikit ng mga poster ni Mar Roxas sa Zamboanga Sibugay at mga pampamahalaang bus ng Dipolog City na ginagamit sa pagsalubong kay Roxas sa naturang syudad.

Nananawagan ang Anakbayan sa Comelec na i-diskwalipika ang mga kandidato ng Liberal Party na nagwawaldas sa pondong pampubliko, kabilang na si Mar Roxas. Tinatawagan ng grupo ang mga kandidato ngayong eleksyon 2016 na supilin ang CCT at itigil na ang programang 4P.

tumatalakay sa kanyang mga pang-aabuso sa “Araling Panlipunan I Modyul 17: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Batas Militar” mula sa website ng DepEd.

Pinalalabas ng modyul ng DepEd na may kaunlaran sa panahon ng Batas Militar. Samantalang walang ni isang kongkretong halimbawa o artikulasyon ng mga akto ng pasismo at panunupil. Wala ding pinagkaiba ang nilalaman ng maraming mga teksbuk para sa hayskul at elementarya.

Walang pinagkaibaKinwestyon din ng Anakbayan ang pagbubura ng rehimeng Aquino sa papel ng mamamayang Pilipino sa paglaban sa rehimeng Marcos habang pinapalabas na ang pakikibaka laban sa diktadura ay tungkol lamang kay Ninoy at Cory Aquino.

Ayon sa grupo, nakakaalarma kung paano binabago ang kasaysayan ng Pilipinas

Lumalawak na pagtutol sa tangka ng mga Marcos na manumbalik sa Malakanyang

Halos isang libong katao mula sa iba’t ibang sektor at bahagi ng bansa ang nagtipon sa Bahay ng Alumni, UP Diliman noong umaga ng Pebrero 22 upang ilunsad ang pambansang kampanya laban sa pagtangka ng mga Marcos na bumalik sa Malakanyang.

Binabatikos ng Campaign Against the Return of the Marcoses in Malacanang o CARMMA, na isang laro sa salitang karma o ang paniniwalang babalik sa’yo ang lahat ng ginawa mo, ang patuloy na kawalan ng hustisya para sa mga biktima ng diktadurang Marcos.

Ayon sa grupo, garapal na binabago ng mga Marcos ang kasaysayan upang palabasing maganda ang buhay sa ilalim ng Batas Militar upang lubos na makapanumbalik sa kapangyarihan ang mga Marcos tatlong dekada matapos silang mapatalsik sa Malakanyang sa pag-aalsang EDSA noong 1986.

Naging senador si Marcos, ang tanging anak na lalaki ng yumaong diktador, dahil sa patuloy na impluwensiya ng mga Marcos, lalo na sa Ilocos. Si Imelda, ang biyuda ni Marcos, ay kasalukuyang kongresista sa Ilocos Norte habang ang kanyang anak na babae na si Imee ay gobernador ng parehong probinsya.

Pagbubura ng kasaysayanKinukundena naman ng Anakbayan ang rehimeng Aquino dahil sa ipokrito nitong pakana na sakyan ang kampanya laban sa mga Marcos upang magpapogi samantalang ang mismong mga materyal ng Department of Education (DepEd) ang pinakamalaking salarin sa pagbubura ng madilim na bahagi ng Batas Militar sa kasaysayan.

Ang mismong mga modyul ng DepEd na makukuha sa website nito ay nagpapakita ng parehong pagpupuri sa panahon ng diktadura. Makikita ang pagkakaiba ng mahabang listahan ng mga diumanong katuparan ni Marcos at ang iilang talata na

Lumalawak ang hanay ng mga mamamayang tumutuol sa pagtakbo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bise-presidente sa eleksyong 2016 at iginigiit ang pagpaparusa sa mga Marcos para sa kanilang mga karumaldumal na krimen sa panahon ng diktadurang US-Marcos noong 1972 hanggang 1986.

bilang istorya ng dalawang angkan at iilang makapangyarihang personalidad. Iginiit ng Anakbayan na hindi nito papayagan ang mga Marcos at mga Aquino na baguhin ang kasaysayan bilang naratibo ng kapalaran ng nasabing mga distanya.

Sa katunayan, walang esensyal na pinagkaiba ang rehimeng Aquino sa diktadurang Marcos. Patuloy na naghahasik ng lagim ang AFP, paramilitar, at pulis sa buong kapuluan sa pamamagitan ng kontra-insurhensyang Oplan Bayanihan ni Aquino.

Hindi naman mapagtatakpan ng gasgas na islogang “matuwid na daan” ang lumalalang korapsyon sa ilalim ng rehimeng Aquino sa pamamagitan ng diskresyonaryong lump sums sa porma ng PDAF at DAP at lantarang pagpapabor sa mga alyado nito.

Dapat singilin ng mamamayang Pilipino ang lahat ng rehimeng naupo matapos ang pag-aalsang EDSA ng 1986 sa kabiguan nila sa pagpapanagot sa mga Marcos. Dapat biguin ang pagtatangka ng mga Marcos na lubos na makapanumbalik sa Malakanyang at pagtakpan ang mga krimen ng Batas Militar.

mangibang bayan. Sadyang itinutuon din ng patakaran ng labor export ng gubyerno ang marami sa mga trabaho sa sektor ng kalusugan gaya ng nursing at medisina para sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Kamakailan, ipinasa sa UPM ang mga makadayuhang “reporma” sa kurikulum na lalong nagpapatindi ng kolonyal na oryentasyon ng edukasyong nakatuon sa paglikha ng skilled na paggawa at propesyunal para sa mga dayuhan.

Lalo pang malalantad ang kabalintunaan ng programa, kung titignan ang bulok na sistema ng kalusugan sa bansa. Sinasabing layon ng programa na paramihin ang mga doktor at mga kawaning pangkalusugan sa bansa pero patuloy namang pinagkakait ang serbisyong pangkalusugan sa mas

Ayon sa administrasyon ng UPM, para ito sugpuin ang brain drain o ang pag-alis sa bansa ng mga mag-aaral para magtrabaho matapos grumadeyt. Sinasabing sa pamamagitan ng programa, mapaparami ang mga doktor at mga manggagawang pangkalusugan na maglilingkod sa bayan sa halip na humanap ng trabaho sa ibang bansa.

Makabayan?Sa kabila ng sinasabing “makabayang” layunin, ang totoo’y hindi hinaharap ng patakaran ang tunay na dahilan kung bakit lumalabas sa bansa ang maraming nagsipagtapos: kawalan ng disenteng trabaho sa bansa, kolonyal na oryentasyon ng edukasyon, at komersyalisadong sistemang pangkalusugan.

Ang kawalan ng disenteng trabaho sa bansa ay nagtutulak sa mga kabataan na

Ang Return Service Obligation Program (RSOP) ay patakarang ipinatutupad sa karamihan ng mga kolehiyo sa University of the Philippines-Manila (UPM) kabilang ang medisina, nursing, dentistry, public health at iba pa. Inoobliga nito ang mga mag-aaral na magtrabaho ng ‘di bababa sa 2 taon sa bansa matapos nilang magtapos, kung hindi, babayaran nila ng doble ang halaga ng kabuuang gastos sa pag-aaral.

maraming Pilipino. Pinipribatisa ang mga ospital at ginagawang negosyo, sa halip na serbisyo ang kalusugan.

Pabigat sa mag-aaralDahil dito, hindi katakatakang marami, kahit na nais maglingkod sa bansa, ay mapipilitan na lamang na magbayad para malagpasan ang obligasyon. Bukod dito, magiging dagdag pabigat ito sa mga mag-aaral at pamilya, lalo na ng mahihirap, na umaasang makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sa balangkas ng papatinding komersyalisasyon sa edukasyon at mga dagdag singilin na ipinapataw sa UP, hindi katakatakang magiging instrumento din ang patakaran para gatasan pa ang mga mag-aaral na magtatapos.

Marami rin ang nagrereklamo na walang konsultasyon sa mga mag-aaral sa pagpapasa ng mga amyenda rito kamakailan, na nagtatanggal pa sa mga eksempsyon at nagpasahol sa programa.

Labanan ang RSOPSa ganitong balangkas, makatwirang labanan ang RSOP kasabay ng paglaban sa mga patakaran ng tumitinding komersyalisasyon gaya ng STS at other school fees at mga makadayuhang reporma sa UP.

Dapat tumindig ang kabataan para sa edukasyon na tunay na makabayan, siyentipiko at pangmasa. Dapat ding kumilos para sa sistemang pangkalusugan na para sa mamamayan at labanan ang pribatisasyon ng mga pampublikong ospital. Dapat hamunin ang mga mag-aaral sa kalusugan na tumungo sa batayang masa at gamutin din ang kanser ng lipunan. Dapat palakasin ang pagkilos para sa tunay na kalayaan at itindig ang isang lipunang may tunay na pag-unlad para sa mamamayan.

Pagtindig laban sa imperyalistang US at Tsina Mariing kinundena ng Anakbayan ang napabalitang pagkubkob ng Tsina sa Quirino o Jackson Atoll. Ang Atoll, na kilala bilang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino, ay may layo lamang na 140 milyang pandagat mula sa baybayin ng Palawan.

Patuloy ang panggigipit ng imperyalistang Tsina sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga militar at malalaking sasakyang pandagat sa ating teritoryo. Kamakailan lamang ay nagpadala ito ng missile system sa Woody Island na parte ng

Paracel Island chain, ang mga insidenteng ito ang nagpapataas ng tensyon sa pinag-aagawang mga teritoryo.

Sinagot ng Anakbayan ng protesta ang panggigipit ng imperyalistang Tsina sa ating bansa. Ipinanawagan ng grupo sa bansang Tsina na payapang tapusin ang usapin sa teritoryo sa pamamagitang ng diplomatikong pag-uusap at respetuhin ang desisyon ng International Arbitration.

Mahigpit ding kinundena ang paggamit ng administrasyong Aquino sa sigalot laban sa Tsina upang palusutin ang pagpapadala ng

mga tropang Amerikano sa bansa na hindi naman nakatutulong sa pagtatanggol mula sa pangangamkam ng Imperyalistang Tsina sa mga isla ng Pilipinas.

Ang mga imperyalistang US at Tsina ay patuloy na nagtutunggali para sa kanilang interes sa mga teritoryo ng Pilipinas. Ayon sa Anakbayan, nakahihiya na ang administrasyong Aquino ay taos-pusong isinusuko sa imperyalistang US ang soberanya ng bansa, samantalang wala naman itong ginagawa upang mapatigil ang panggigipit ng Tsina.

Return Service Obligation Program: Pseudo-makabayan, pabigat sa mag-aaral

www.anakbayan.orgbisitahin ang

#NoMoreMarcos ang sigaw ng mga delegado sa pagtitipon ng Campaign Against the Return of the Marcoses in Malacanang (CARMMA) sa UP Diliman Bahay ng Alumni noong Pebrero 22.

Page 5: Ilantad ang bulok, reaksyunaryo at hungkag na eleksyon!

8 KULTURA MARSO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Martsa ng KababaihanA capella:Ang Buhay ay laging nakalaanSambayana’y , handang paglingkuran...

Pasalye: C-G-F-G

1st verse: C-Am C-AmKababaihan, gumising ka F DmLumaban at magkaisa Gm F Buong tapang at giting humarap ka G C-G Sa unos ng pakikibaka

2nd verse: C-Am C-AmItaguyod ang himagsikan F DmSa ilalim ng bandilang pula Gm FIwaksi ang maling kaisipan G C-GWakasan ang kahirapan

Chorus: Am E Am Ang tatag sa pakikipaglaban C G C-C7Panahon na upang ‘yong patunayan F G C AmAng buhay ay laging nakalaan D-D7 G-G7Sambayana’y handang (laging) paglingkuran

3rd verse: C-Am C-AmKababaihan, tumindig ka F DmMagbangon at makiisa Gm FSa hanay ng nakikibakang G C-GManggagawa at magsasaka

4th verse: C-Am C-AmKilalanin ang tunay na kalaban F DmMga buhong at taksil sa bayan Gm FMay araw ding mangingibabaw G C-GAng tagumpay ng kasaysayan

*Ulitin ang Koro, ikaapat at ikalimang saknong

biktima ng prostitusyon at trafficking sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Inaasahan ding mas titindi pa ang aping kalagayan ng kababaihang Pilipino sa harap ng mas pinatinding panghihimasok ng mga pwersang militar ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pagpapatupad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Sa harap ng lahat ng ito, isang malaking kasinungalingan ang ibinabandera ng gubyernong Aquino na pagkamit diumano

Marso 8: Pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

Idineklara ang Marso 8 bilang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ng mga partidong sosyalista noong 1911 upang bigyan ng pagkilala ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa paglaban ng inaapi at pinagsasamantalahang mamamayan.

Naghalaw ito ng inspirasyon sa dambuhalang protesta ng libu-libong kababaihang manggagawa sa pabrika ng damit sa Europa at Estados Unidos noong Marso 8, 1857 laban sa mababang sahod, 12-oras na pagtatrabaho, di-makataong kundisyon sa paggawa, at pagkitil sa kanilang paglahok sa pulitika.

Nananatiling makabuluhan ang araw na ito sa harap ng patung-patong na mga pahirap na pinapataw ng bulok na kaayusan sa kababaihang Pilipino. Talamak pa rin ang pagturing sa kababaihan na para sa bahay lamang o mga bagay na pang-aliw, palamuti at kalakal. Patuloy na pinapalaganap ang ganitong diskriminasyon sa masmidya at mga paaralan.

Ang mga kababaihang naghahanapbuhay ay karaniwang pumapasan pa rin ng domestikong papel sa tahanan. Dagdag pa na pahirap ang pagkakait ng gubyernong Aquino sa kababaihan ng serbisyong pangkalusugan at iba pang pampublikong serbisyo.

Pinakaapektado ang mga manggagawang kababaihan sa malaganap na kontraktwalisasyon na tumutulak pababa sa sahod, nagpapahaba sa oras ng paggawa, tumatanggal sa mga benepisyo, at kumikitil sa karapatan na mag-organisa, magtayo ng unyon, at magprotesta.

Ibayong kahirapan din ang dinaranas ng mga kababaihang magsasaka dahil sa kawalan ng lupang masasaka at kababaihang nagtatrabaho sa impormal na sektor na ginigipit ng kawalan ng hanapbuhay.

Dahil sa hirap ng buhay sa sariling bayan, maraming kababaihan ang napipilitang magtungo sa ibang bansa bilang overseas contract workers na may mababang sahod at bulnerable sa pang-aabuso. Libu-libong kababaihang Pilipino ang

Kaisa ang mga progresibong kabataan sa pangunguna ng Anakbayan sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong Marso 8. Sa araw na iyon, nagmartsa ang libu-libong kababaihan at mamamayan mula sa Liwasang Bonifacio patungong Mendiola.

ng pagkakapantay-pantay at pagwakas ng diskriminisasyon laban sa kababaihan.

Ibinitbit ng protesta nitong Marso 8 ang samu’t-saring isyu ng mamamayan, mula sa dumaraming kaso ng karahasan laban sa kababaihan hanggang sa lumalalang kahirapan na lalong pinatitindi ng mga neoliberal na patakaran na isinusulong ng rehimeng Aquino.

Pagpapatuloy ito sa mapangahas at militanteng diwa ng mga kababaihang nag-alsa sa panahon ng bagong usbong na sistemang kapitalista. Pagpapatunay din ito na ang mga kababaihan ay hindi lamang para sa tahanan, kalakal na binebenta, o mga bagay na pang-aliw.

Chords at Lyrics