isang tinig ang pagbibigay ng tamang instruksyon ni g. bryan pesigan (kanan) sa kanyang mga...

8
Isang Tinig Lathalain ng Atimonan One Energy, Inc. Tuwing ika-3 buwan •Bulto 5 Bilang 1• Marso 2018 Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 842-3786 Email: [email protected] Ang katatapos lang na kalsada buhat sa Ba- rangay Caridad Ilaya na umaabot hanggang Sitio Carinay sa Villa Ibaba ay nagiging tanyag sa mga taga-Quezon. Ang imprastrakturang ito ay proyekto na itina- guyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at suportado ng Atimonan One Energy(A1E) at Lo- kal na Pamahalaan ng Atimonan upang magsilbing daan patungo sa gagawing planta ng kuryente. Ito ay may layong umaabot ng 1.6 kilometro at nagka- kahalaga ng halos 200 milyong piso. Nagmimistulang pook-pasyalan at atraksyon ang kalsadang ito matapos buksan sa publiko ni- tong nakaraang Marso. Hindi magkamayaw ang mga lokal na residente at maging mga taga-karatig bayan sa pagpunta sa lugar na ito upang magpaku- ha ng litrato at maglibang habang nakaupo sa tapat ng baybaying dagat. Matagal nang pangarap ng mga taga baran- gay Villa Ibaba at Villa Ilaya na magkaroon ng kalsada patungo sa sentrong bayan upang mag- ing mabilis ang kanilang paglalakbay na dati ay gumugugol ng mahabang oras ng paglalakad o pagsakay sa bangka. Ngayon, mayroon nang se- mentado at ligtas na daan para sa kanila. Hindi na mahihirapan sa malayong lakbayin ang mga mag- aaral na dumarayo sa bayan; mga pasyenteng kail- angan isugod sa ospital; at mga maliliit na nego- syanteng nagbibiyahe ng kanilang mga kalakal at produkto sa bayan. Isa lamang ito sa mga proyektong pangako ng A1E na nagpapakita na kahit hindi pa nag- sisimula na ipatayo ang planta ay kaisa na ito sa patuloy na pagtataguyod ng kaunlaran sa bayan ng Atimonan. Ang dating pangarap, na ngayon ay reyalidad sa tulong ng proyekto ito. Bagong kalsada sa bayan ng Atimonan, dinarayo Hitsura ng 1.6 kilometrong kalsada mula sa himpapawid na binuksan kamakailan sa Brgy. Caridad Ilaya.

Upload: dinhngoc

Post on 30-May-2018

261 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Isang Tinig ang pagbibigay ng tamang instruksyon ni G. Bryan Pesigan (kanan) sa kanyang mga kasa-mahan na miyembro ng CSO upang matagumpay nilang matapos ang iniatas sa kanilang gawain

Isang TinigLathalain ng Atimonan One Energy, Inc. Tuwing ika-3 buwan •Bulto 5 Bilang 1• Marso 2018

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 842-3786 Email: [email protected]

Ang katatapos lang na kalsada buhat sa Ba-rangay Caridad Ilaya na umaabot hanggang Sitio Carinay sa Villa Ibaba ay nagiging tanyag sa mga taga-Quezon. Ang imprastrakturang ito ay proyekto na itina-guyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at suportado ng Atimonan One Energy(A1E) at Lo-kal na Pamahalaan ng Atimonan upang magsilbing daan patungo sa gagawing planta ng kuryente. Ito ay may layong umaabot ng 1.6 kilometro at nagka-kahalaga ng halos 200 milyong piso. Nagmimistulang pook-pasyalan at atraksyon ang kalsadang ito matapos buksan sa publiko ni-tong nakaraang Marso. Hindi magkamayaw ang mga lokal na residente at maging mga taga-karatig bayan sa pagpunta sa lugar na ito upang magpaku-ha ng litrato at maglibang habang nakaupo sa tapat ng baybaying dagat.

Matagal nang pangarap ng mga taga baran-gay Villa Ibaba at Villa Ilaya na magkaroon ng kalsada patungo sa sentrong bayan upang mag-ing mabilis ang kanilang paglalakbay na dati ay gumugugol ng mahabang oras ng paglalakad o pagsakay sa bangka. Ngayon, mayroon nang se-mentado at ligtas na daan para sa kanila. Hindi na mahihirapan sa malayong lakbayin ang mga mag-aaral na dumarayo sa bayan; mga pasyenteng kail-angan isugod sa ospital; at mga maliliit na nego-syanteng nagbibiyahe ng kanilang mga kalakal at produkto sa bayan. Isa lamang ito sa mga proyektong pangako ng A1E na nagpapakita na kahit hindi pa nag-sisimula na ipatayo ang planta ay kaisa na ito sa patuloy na pagtataguyod ng kaunlaran sa bayan ng Atimonan. Ang dating pangarap, na ngayon ay reyalidad sa tulong ng proyekto ito.

Bagong kalsada sa bayan ng Atimonan, dinarayo

Hitsura ng 1.6 kilometrong kalsada mula sa himpapawid na binuksan kamakailan sa Brgy. Caridad Ilaya.

Page 2: Isang Tinig ang pagbibigay ng tamang instruksyon ni G. Bryan Pesigan (kanan) sa kanyang mga kasa-mahan na miyembro ng CSO upang matagumpay nilang matapos ang iniatas sa kanilang gawain

Isang Tinig 2

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 842-3786 Email: [email protected]

Isang Tinig

Lupong Patnugutan

Litz Santana Chris ChuaTagapayong Patnugot

Cynthia PardoPatnugot

Claire FelicianoKasangguni sa Editoryal

Jester Querubin Fhilip Santander Patrick Collantes

Grupong Editoryal

Address: 2/f Parco Building, Jose Rizal cor. Quezon St. Brgy. Zone 1 Atimonan Quezon 4331

Tel.No.: +63 42 795-5831Email: [email protected]

Bloodletting activity, isinagawa sa Atimonan

Umabot sa 60 na residente ng Atimonan ang nakiisa sa kauna-unahang bloodletting activity na isinagawa noon Pe-brero 27 sa Balagtas Sports Complex. Ang programa na may temang “Dugong Handog Mo, Kaligtasan ng Buhay Ko” ay naglalayaon na matugunan ang pangangailangan ng dugo sa Quezon ang 80% ng nakolek-tang dugo ay dadalhin sa Provincial Health Office at 20% ay ibinigay sa bayan ng Atimonan. Umabot sa 21 supot ng dugo na may daming 450 mil-

igram ang nakolekta mula sa mga kwalipi-kadong blood donors. Ang programang ito ay nailunsad sa pagtutulungan ng iba’t-ibang grupo kabil-ang ang Atimonan One Energy, Inc., Rotary Club Atimonan-Lakambini, Quezon Medi-cal Society, Red Cross, RAKK Hospital, Ru-ral Heath Unit.

“Tatak Atimonanin, ating Taglayin; Ipagdi-wang Kulturang Sariling Atin”. Ito ang tema na naging saligan ng pagdiriwang ng ika-410 taon na pagkakatatag ng Bayan ng Atimonan na idinaos noong Pebrero 1 hang-gang Pebrero 4. Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Atimonan, iba’t-ibang mga programa ang isinagawa na nagbigay kasiyahan sa mga residente. Naging kabahagi ang mga empleyado ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) sa pagdiriwang na ito. Nakiisa ang kumpanya sa paradang bayan noong ika-4 ng Pebre-ro. Pinangunahan ito ni Mayor Rustico Joven Mendoza at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan at dinaluhan rin ng iba’t ibang pribado at pampublikong paaralan, local government units, non-government organizations, at il-ang grupo ng civil societies. Naging bahagi din si Gng. Cynthia N. Pardo, Exter-nal Affairs Manager ng A1E, bilang isa sa mga hurado sa Mutya ng Atimonan na nakatuon sa proyektong pang-tur-ismo na maaaring gawin ng mga kalahok sa kani-kanilang barangay.

A1E kabahagi sa ika-410 taon na pagkakatatag ng Bayan ng Atimonan

Pag-tanggap ni Gng. Cynthia Pardo A1E-External Affairs Manager (gitna) ng sertipiko ng pagsuporta ng A1E sa anibersayo ng Atimonan na iginawad ni Mayor Rustico Joven Mendoza (kaliwa) at ng kanyang may bahay Mrs. Aurelia Mendoza (kanan).

Maingat ang pagkuha ng dugo sa mga mamamayan ng Atimonan na bulontaryong pumunta upang makat-ulong sa mga kapos palad na nangangailangan ng dugo.

Page 3: Isang Tinig ang pagbibigay ng tamang instruksyon ni G. Bryan Pesigan (kanan) sa kanyang mga kasa-mahan na miyembro ng CSO upang matagumpay nilang matapos ang iniatas sa kanilang gawain

Isang Tinig 3

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 842-3786 Email: [email protected]

May kasabihan na ang kasaysayan ay isa sa mga ya-man ng bayan. Sa diwang ito, inilunsad ang proyektong Simeona Mangaba Sympo-sium. Ito ay pagtuklas ng ka-saysayan ng Atimonan sa pamamagitan ng pinagsan-ib na puwersa ng Atimonan One Energy, Inc.(A1E), Public Relations and Infor-mation Office (PRIO), at Municipal Tourism Office (MTO) ng Atimonan noong ika-28 ng Pebrero sa Men-doza Pavilion, Brgy. Zone II

A1E nakiisa sa pagtuklas ng kasaysayan ng Atimonan

Pagbabalik-tanaw sa nakaraan at pagbibigay ng magandang lathalain upang mabigyan ng magandang kulay ang kasaysayan ng Ati-monan, Iyan ang panuntunan na nais ilahad ng mga kabataan sa ginanap na Simeona Mangaba Symposium.

Poblacion. Ito ay dinaluhan ng 65 delegado na mga guro ng Araling Panlipunan at mga piling mag-aaral buhat sa pribado at pampublikong paaraalan ng elementarya at sekundarya. Ang programang ito ay naglalayon na maihabi sa masining na paraan ang kasaysayan ng Atimonan buhat sa mga makasaysayang patoto (landmarks), mga monumento at sinaunang mga gusali, mga bayani at mga taong nag-iwan ng malaking ambag sa pagkakatatag ng naturang bayan. Ayon kay Nesler Louies C. Almagro, Designated Tourism Officer ng Bayan ng Atimonan, magandang hakbang ito upang mas matalastas ng bagong henerasyon ang mga kaganapan at ng mga nakalipas na taon. Naging pangunahing tagapagsalita si Rodrigo Reyes, isang historian at punong-guro sa Paaralang Elemen-tarya ng Buhangin. Nagbalik-tanaw siya sa mga makasasayang pook, pangyayari at ilang mga dakilang bayani na nagsilbing ugat at haligi ng bayan ng Atimonan. Sa huling bahagi ng gawain ay nag-karoon ng maikli at kakatwang pagsasad-ula at talakayan ang mga delegado bilang pagtataya sa mga natutunan. Namaha-gi rin ng training kit ang A1E sa lahat ng dumalo. Mithiin din ng gawaing ito na maka-pagpatayo ng isang museyo na paglalaga-kan ng mga artifacts, dokumento, larawan, pagkain at produkto na tatak Atimonan at makabuo ng isang maikling pelikulang magsasalaysay ng mga kuwento sa pagka-katatag ng bayan ng Atimonan.

Masusing tinatalakay ng mga guro at mag-aaral ang mga hakbang na gagawin upang maisadula nila ng maayos nga pangyayari ayun sa kasaysayan ng Atimonan.

Page 4: Isang Tinig ang pagbibigay ng tamang instruksyon ni G. Bryan Pesigan (kanan) sa kanyang mga kasa-mahan na miyembro ng CSO upang matagumpay nilang matapos ang iniatas sa kanilang gawain

Isang Tinig 4

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 842-3786 Email: [email protected]

Nagsagawa ng dalawang araw na team building ac-tivity ang Atimonan One Energy, Inc. (A1E) at Philip-pine Business for Social Progress (PBSP) noong ika-5 ng Marso. Naging kalahok sa naturang aktibidad ang mga opisyales ng New Carinay Home Owners Association (NCHOA), ilang miyembro ng Villa Ibaba Multi-Purpose Cooperative at maging ng Sangguniang Barangay ng Vil-la Ibaba na ginanap sa housing site, Purok Balite, Sitio Tabuan na sakop din ng nasabing barangay. Tampok ang iba’t-ibang aktibidad na pinanguna-han nina Ryan Q. Abarquez at Elizabeth Secretario ng PBSP at mga miyembro ng Corporate Social Re-sponsibility (CSR) Team ng A1E. Naging aktibo ang mga dumalo at ganadong nakipagtagisan sa mga ak-tibidad ng araw na iyon. Ang gawaing ito ay bunsod ng adhikain ng kumpanya na mapagbuklod-buklod ang lupong ito upang magkaroon ng iisang hakbang patun-go sa mas progresibong pamayanan at magkaroon ng pagpapahalaga at malasakit sa bawat isa bilang bahagi ng isang komunidad. Samantalang sumunod na araw, ika-6 ng Marso, su-mailalim naman sa parehong aktibidad ang Civil Society Organizations (CSO) na kinabibilingan ng iba’t-ibang non-government organizations (NGOs) at umabot sa may 40 na kalahok. Naging pangunahing tagapagsalita dito si Reynalita Santana na Vice-President sa Meral-co Powergen at nagpaabot siya ng pasasalamat sa mga

dumalo at nagpaliwanag ng kahalagahan ng pagsasagawa ng team building sa isang or-ganisasyon. Binigyan din naman ni Mayor Rusti-co Joven Mendoza ang kahalagahan ng iba’t ibang industriya sa ekonomiya ng Atimonan at ang malaking maiaambag ng A1E sa pag-asenso ng bayan. Dagdag pa niya, ang paglilingkod patungo sa pag-un-lad ay kailangang may pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan. Naging daan itong aktibidad na ito ng upang makita ng kumpanya at ng lo-kal na pamahalaan ang ilang mga aspeto na dapat pagtuunan ng atensyon sa pag-balangkas ng mga programang pangkabu-hayan, pangkalusugan, edukasyon, pan-gangalaga sa likas na yaman at kahandaan sa mga sakuna. Makikita sa mga mukha ng mga dele-gado ang kasiyahan at kagalakan matapos ang maghapong gawain bagama’t pagod ngunit masaya ang kalooban matapos na maipamalas ang kanilang pakikibahagi sa bawat laro at muling naramdaman ang ka-halagahan ng pagkakaisa at tagumpay. Sa kabuuan ay naging matagumpay ang takbo ng programa sa dalawang magkasu-nod na araw at naging daan ng patuloy na pagkakabigkis-bigkis, pag-uunawaan, pag-tutulungan, malasakit at pagmamahalan bil-ang magkakababayan.

ANCHS, A1E: magkabalikat sa pagsugpo sa malnutrisyon

Maingat ang pagbibigay ng tamang instruksyon ni G. Bryan Pesigan (kanan) sa kanyang mga kasa-mahan na miyembro ng CSO upang matagumpay nilang matapos ang iniatas sa kanilang gawain.

Maingat na konsentrasyon ang ginagawa ni Gng. Amelita Espinosa (gitna) upang tamaan ang mga maliliit ng pigura bilang puntos sa kanilang grupo.

NCHOA, Kooperatiba ng Villa Ibaba, Sangguniang Barangay at CSOs nagkabigkis-bigkis sa dalawang araw na team building

Page 5: Isang Tinig ang pagbibigay ng tamang instruksyon ni G. Bryan Pesigan (kanan) sa kanyang mga kasa-mahan na miyembro ng CSO upang matagumpay nilang matapos ang iniatas sa kanilang gawain

Isang Tinig 5

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 842-3786 Email: [email protected]

Dalawampu’t limang kabataan ang patuloy na naki-kinabang sa programang pangkalusugan na ginanap noong ika-20 ng Pebrero sa Brgy. Villa Ibaba. Pinamagatang “Busog Kaalaman, Lusog ng Katawan”, ang programa ay pinangunahan ng mga mag-aaral ng Ati-monan National Comprehensive High School (ANCHS) na nasa ika-12 baitang kasama si Gng. Aira Gonzales, Dalubguro II, at suportado ng Atimonan One Energy (A1E). Pinakamahalagang bahagi ng aktibidad na ito ang feed-ing program para sa mga mag-aaral mula sa Villa Ibaba Ele-mentary School na nakakaranas ng malnutrisyon. Nagbahagi rin ng kaalaman at personal na karanasan ang mga mag-aaral mula sa ANCHS at nagbigay din ng aliw sa pamamagitan ng palaro at papremyo na kanilang inihanda.

Ipinamalas ng mga magaaral ng Atimonan Na-tional Comprehensive High School (ANCHS) ang kanilang taos-pusong pagtulong sa mga kapos-pal-ad noong ika-14 ng Pebrero sa Bahay Pulungan ng Barangay Sapaan bayan ng Atimonan. Taunan itong isinasagawa ng mga mag-aaral ng ANCHS sa ibat-ibang Barangay sa Atimonan upang maibalik ang kanilang natatamasang biyaya sa mga taong nangangailangan, at maiparamdam ang diwa ng Araw ng mga Puso. Nagkaisa ang mga mag-aaral na miyembro ng EsP (Edukasyon sa Pagpapahalaga) Club at mga guro sa pangunguna ni Dr. Jessie Quesea (Punong Guro), Gng. Marina Dalay (Head Teacher) upang maisakatuparan ang kawang gawa na ito at maka-lipon ng ibat-ibang pambigay katulad ng bigas, de lata, kape, damit at noodles. Nagbigay rin ng 30 kls. na bigas sa Atimonan One Energy, Inc.(A1E) bil-ang pakikiisa sa programang ito.

Pagtulong sa kapwa isinagawa ng mga mag-aaral sa Araw ng mga Puso

ANCHS, A1E: magkabalikat sa pagsugpo sa malnutrisyon

Nasa 94 pamilya na kapos palad ang napama-hagihan sa Barangay Sapaan at taos pusong nag-pasalamat sa kaunting pamigay na ito. Natapos ang programang ito na ang lahat ay may galak sa puso. Inaasahan ng ANCHS na susuporta ang mga emp-leyado ng A1E sa susunod pa nilang programa ta-on-taon.

Hindi lamang nakatuon ang pro-grama sa pagpapakain sa mga mag-aaral, kundi nakatulong din ito upang mab-igyan sila ng mga kaalaman tungkol sa wasto at masusustansyang pagkain. Mahalaga ang wastong nutrisyon sa bawat mag-aaral. Isa itong makabu-luhang salik na dapat pagtuunan dahil nakaaapekto ito sa kanilang pag-aaral at pagpasok sa klase. Ang feeding pro-gram ay naging daan upang tulungang masugpo ang malnutrisyon at mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral sa wastong pagkain at pangangalaga ng kalusugan. Ang tagumpay ng programa ay hindi maisasakatuparan kung wala ang tulong at suporta ng mga guro ng senior high school sa ANCHS, Sangguniaang Barangay ng Villa Ibaba sa pangunguna ni Kapitan Johnny Ambon, mga baran-gay health workers, guro at mag-aaral sa Villa Ibaba Elementary School sa pa-ngunguna ni G. Ricardo Saniel (Ulong Guro), mga magulang at ang suporta at tulong ng A1E

Kasama ang mga mag-aaral at guro ng ANCHS(likod), Kgd. Rogelio Balinsayo(kanan)at mga BHW(kaliwa) sa pagpapakain sa mga bata(harapan) upang matiyak na lahat ay maganang kumakain.

Taos pusong pagkakawang gawa ang nais ipakita ng mga guro ng ANCHS(kanan papun-tang gitna) sa mga kapos palad upang iparamdam nila ang diwa ng araw ng mga puso.

sa panulat ni Ylia Mariz Precioso (ANCHS Student)

sa panulat ni Kristine Joy Salamat (ANCHS student)

Page 6: Isang Tinig ang pagbibigay ng tamang instruksyon ni G. Bryan Pesigan (kanan) sa kanyang mga kasa-mahan na miyembro ng CSO upang matagumpay nilang matapos ang iniatas sa kanilang gawain

Isang Tinig 6

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 842-3786 Email: [email protected]

Isa sa adbokasiya ng New Carinay Homeowners’ Association, Inc. (NCHOA) ang mapanatili na malinis ang kanilang kapaligiran at ito ay nais nilang simulan sa pamamagitan ng wastong pamamahala sa basura. Isang Information Education and Communication Campaign (IEC) ang isinigawa noong ika-10 ng Ene-ro sa New Carinay Multi-Purpose Hall ng A1E upang maipaliwanag ang lahat ng alituntunin at nilalaman ng batas sa wastong pamamahala sa basura at ang mga pamamaraan sa pagpapatupad nito. Ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 o RA. 9003 ay isang batas na nagnanais na maba-

wasan at isaayos ang itinatapong basura ng bawat bahay sa pamamagitan ng pag-hihiwahiwalay, pag-reresik-lo at pag-kokompost. Dinaluhan ito ng 37 miyembro ng New Carinay sa pangunguna ng mga direktor at limang miyembro ng Sangguniang Barangay ng Villa Ibaba na pinangunahan ni Kapitan Johnny Ambon. Isang Materials Recovery Facility Booth ang pinagtulungang gawin ng mga miyembro ng NCHOA upang pansamantalang lagakan ng mga hiwa-hiwalay na basura at paglagyan ng kanilang kompost na si-yang magsisilbing pataba sa kanilang mga taniman.

Wastong pamamahala sa basura isinasagawa na ng New Carinay

IEC-Dalaw Turo sa mga barangay, tuluy-tuloy Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng Information, Education and Commu-nication (IEC) Campaigns sa bayan ng Atimonan sa pamumuno ng grupo ng DENR Dalaw Turo, Municipal Environ-ment and Natural Resource Office - Ati-monan (MENRO) at Atimonan One En-ergy (A1E). Ang nakaraang mga IEC ay ginanap sa mga sumusunod na barangay: Talaba at Malusak (Pebrero 16); Lakip at

Ponon (Pebrero 17); San Isidro (Marso 9); at Sapaan at Tagbakin (Marso 16). Ang IEC ay isang paraan upang lubos na maipaliwanag ang itatayong coal-fired power plant ng A1E ang makabagong teknolohiya, mga benepisyo buhat sa mga ibabayad na buwis at ER 1-94 at mga paraan na ginagawa ng kumpanya upang masiguro na magiging maayos ang pamamalakad mula konstruksyon hanggang sa ito ay gumana. Sa IEC din nalalaman na pare-pareho lang ang problemang kasalukuyang kinakaharap ng bawat barangay tulad ng problema sa basura, baha, pagguho ng lupa bunsod ng “quar-ry” at walang tapos na pagputol ng puno sa kagubatan, kawalan ng maayos na material recovery facility (MRF) at mga hindi nakataling aso. Inilahad din sa talakayan ang mga alintuntuning dapat sundin ng bawat residente hinggil sa wastong pangangalaga at paggamit ng likas na yaman. Ipinapaalam din ng mga kinatawan ng A1E ang mga Corporate Social Responsibility activites na isinasagawa ng kumpanya tulad ng: (1) scholarship sa kursong Electrical Maintenance and Installation, (2) mga pagsasanay sa pagluluto, reflexology atbp, (3) Medical at dental mission at (4) patuloy na coastal cleanup. Naging tulay din ang aktibidad na ito upang mabigyang kasagutan ng kumpanya ang mga kata-nungan ng mga tao at maitama ang kanilang pananaw mula sa maling impormasyon hinggil sa plantang itatayo lalo na sa usapin ng polusyon at trabaho. Muling iikot ang pangkat ng Dalaw Turo team kasama ang A1E para sa patuloy na IEC sa iba’t-ibang barangay upang patuloy na mabigyan ng tamang impor-masyon ang mga mamamayan.

Pagkakaisa at pagbabayanihan yan ang ipinamalas ng mga miyembro ng New Carinay Homeowners’ habang gumagawa ng MRF Booth na lagakan ng kanilang mga hiwahiwa-lay na basura.

Isa-isa at detalyadong ipinapaliwanag ng DENR-Dalaw Turo Team sa mamamayan ng Brgy. Sapaan ang mga impormasyon na dapat nilang malaman sa wastong pangangalaga ng kalikasan.

Page 7: Isang Tinig ang pagbibigay ng tamang instruksyon ni G. Bryan Pesigan (kanan) sa kanyang mga kasa-mahan na miyembro ng CSO upang matagumpay nilang matapos ang iniatas sa kanilang gawain

Isang Tinig 7

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 842-3786 Email: [email protected]

Isang Coastal Cleanup ang pinangunahan ng Atimonan One Energy. Inc. (A1E) noong ika-24 ng Marso. Nakipagtulungan rin ang Sangguni-ang Barangay ng Caridad Ilaya sa pamumuno ni Kapitan Carlos Ros, mga kaaalakbay na 4Ps at lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources (MENRO). Ang ini-syatibong ito ay nagsimula sa ganap na ika-6 ng umaga sa baybaying dagat ng naturang barangay partikular sa lugar na kung saan dumadaong ang mga bangka upang magsakay at magbaba ng pasahero. Aabot sa 150 residente ang nagtutulong tulong upang linisin ang nasabing lugar. Samantalang mayroong 329 kilo ng plastik ang nakuha at itinapon sa Sanitary Landfill ng Atimonan. Ang lugar kung saan ginanap ang coastal cleanup ay sumasakop sa ba-

Mga kawani ng A1E nanguna sa Coastal Cleanup

Mga donasyon ng A1E mula Enero hanggang Marso

Kahit malakas ang hangin at umaambon patuloy sa paglilinis ang mga miyembro ng 4Ps, empleyado ng A1E at Sangguni-ang Barangay ng Caridad Ilaya upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa kalikasan.

gong kalsada na nagsisilbing bagong atraksyon sa Ati-monan at patuloy na dina-rayo maging ng mga turista buhat sa ibang lugar. Inilun-sad ang aktibidad na ito upa-ng mas maging kaakit-akit sa maraming tao na naisin pa na bumalik sa lugar na ito dahil sa angking kagandahan at kalinisan kasama na ang baybayin ng dagat. Tunay na noon pa lang ay malaking pangunahing tunguhin na ng A1E ang pangangalaga sa inang ka-likasan at kapaligiran. Na-katakda din sana na mag coastal cleanup sa bahagi ng baybayin ng New Carinay sa Villa Ibaba nang araw ding iyon na pangungunahan din ng A1E ngunit naantala da-hil sa masamang lagay ng panahon subalit ipagpapa-tuloy pa din sa susunod na buwan.

Barangay/Organisasyon: Aktibidad o Gawain Donasyon Petsa

New Carinay Homeowners' Association Inc. Construction of MRF Booth MRF Booth Materials January 11, 2018

Atimonan National Comprehensive High School Gift Giving Six (6) 5kg sacks of Rice February 14, 2018

Brgy. Lakip Brgy. Lakip Street Light Bulb 10 pcs. LED Light Bulbs February 26, 2018

Rotary Club Lakambini Blood Letting 100 pax Snacks, Lunch and Tarpaulin February 27, 2018

LGU-Atimonan Simeona Mangaba History Symposium55pc ballpen, 55 pcs notebook, 55 clear

envelopeFebruary 28, 2018

New Carinay Homeowners' Association Inc. Nursery Development50 Sacks of LGU-AtimonanOrganic Fertilizers/Nursery

Equipment/ SeedlingsMarch 07, 2018

Atimonan National Comprehensive High School

Building Camaraderie and Unity through Sports One (1) Large Tarpaulin March 15, 2018

Brgy. Lumutan Barangay Assembly Meeting Three (3) 5kg Sacks of Rice March 24, 2018

Brgy. Villa Ibaba Barangay Assembly Meeting Five (5) 5kg Sacks of Rice, and Snacks for 250 Pax March 24, 2018

Brgy. Montes Balaon Barangay Assembly Meeting Three (3) 5kg Sacks of Rice March 28, 2018

Page 8: Isang Tinig ang pagbibigay ng tamang instruksyon ni G. Bryan Pesigan (kanan) sa kanyang mga kasa-mahan na miyembro ng CSO upang matagumpay nilang matapos ang iniatas sa kanilang gawain

Isang Tinig 8

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 842-3786 Email: [email protected]

Isang taong anibersaryo ng New Carinay

Sama-samang ipinagdiwang ng 47 na pamilya ang unang taon nila sa New Carinay Housing Project sa Barangay Villa Iba-ba. Matatandaang ipinagkaloob sa kanila ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) noong ika-7 ng Marso ng nakaraang taon ang libre, bago at desenteng proyektong pabahay na ito. Nagsagawa ng maikling programa sa housing project na pinangunahan ng mga ipinadalang kinatawan ng A1E Corporate Social Responsibility / External Affairs Team. Ipinaabot ng kumpanya sa pamamamagitan ni CSR Officer Jester Querubin ang pagbati sa mga pamilyang napagkalooban ng proyektong ito. Inilahad din niya ang mga nakalinyang kasanayan at pro-gramang pangkabuhayan kagaya ng tamang paghahanda at paglu-luto ng pagkain, pagtatanim ng halaman, pagmamasahe at pan-gangalaga sa kuko na kasalukuyang pinag-aaralan ng A1E upang maisakatuparan sa lalong madaling panahon. Binigyang diin din ang pagsasabuhay ng mga natutunan sa inilunsad na team build-ing sa kanilang pamayanan na magiging kalasag upang patuloy na humakbang tungo sa minimithing kaunlaran. Dumalo rin sa nasabing pagdiriwang ang mga miyembro ng Sangguniang Ba-rangay ng Villa Ibaba. Isinabay din sa nasabing pagdiriwang ang pagkakaloob sa New Carinay Homeowners’ Association sa pamumuno ng komite ng Nursery plant ang 50 sakong organic fertilizers, plant-ing bags at mga pananim na kagaya ng pechay, mustasa, pipino, upo, labanos at kamatis. Ang mga ito ay galing sa Atimonan Mu-

nicipal Agriculture Office kaugnay ng progamang Gulayan sa Bakuran. Dito hinikayat na magtanim ang bawat pam-ilya sa kanilang bakuran. Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng A1E sa tang-gapan ng agrikultura sa ating lokal na pamahalaan upang madagdagan ng iba pang uri ng pananim ang ibibigay sa mga residente. Sa huling bahagi ng programa ay pinapanood sa mga dumalo ang isang bidyo na nagkuwento ng mga kaga-napan at aktibidad sa New Carinay sa loob ng isang taon upang mag-iwan ng isang buhay na pangarap at pag-asa sa bawat isa.

Taos pusong pasasalamat ang nais iparating ng mga miyembro ng direktoryo NCHOA sa pangunguna ng kanilang Pangulo Manuel Trapalgar(gitna) at mga kasamahan nito (gitna pakali-wa) habang iniaabot ni G. Jester Querubin (pangalawa sa kanan) kasama si G. Fhilip Santander (kanan) ang mga pananim upang madagdagan ang kanilang kabuhayan.

Isang buong letson na inihahanda ni G. Marvin Espinosa (kaliwa) isang handog ng A1E sa pagdiriwang ng ika-isang taon ng New Carinay sa kanilang paglipat sa Housing Project.