k-12 aralin 6 produksyon
TRANSCRIPT
Aralin 6
ProduksyonAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Balik-aral:
Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na
paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng
walang katapusang kagustuhan at
pangangailangan ng tao.
Bakit mahalaga ang pagpapasya sa
pagtugon sa kagustuhan ng tao?
Produksyon
Paglikha ng kalakal o serbisyo na tumutugon samga pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Proseso kung saanpinagsasama ang mgasalik ng produksyon(input) upang mabuo angisang produkto (output).
INPUT OUTPUTPROCESS
Ibigay ang mga sangkap na ginamit sa pagluluto
ng mga sumusunod na pagkain
Ibigay ang mga sangkap na ginamit sa pagluluto
ng mga sumusunod na pagkain
Ibigay ang mga sangkap na ginamit sa pagluluto
ng mga sumusunod na pagkain
Salik ng Produksyon
Tumutukoy sa mga sangkap sa paggawa ng isang
kalakal. Hindi mabubuo ang isang kalakal kung wala
ang kahit isa sa mga ito.
lupa
paggawa
kapital
entreprenyur
Produkto
Lupa
Lahat ng bagay na
may pakinabang sa
tao na mula sa
kalikasan.
Pinakagamit sa lahat
ng uri ng
pinagkukunang-
yaman.
Paggawa (Labor)
Tumutukoy sa mga taong
nag-uukol ng lakas na
pisikal at mental sa
paglikha ng mga kalakal
o paglilingkod
Sila ang gumagamit at
nagpapaunlad ng
pinagkukunang yaman
upang magkaroon ng
kapakinabangan
Mga Uri ng Lakas-Paggawa
Propesyunal – mga nakapagtapos ng kolehiyo
Manggagawa
Skilled – may mataas na antas ng kaalaman,
kasanayan at karanasan
Semi-skilled – ang kasanayan, kaalaman at karanasan
ay higit na mababa kaysa sanay na manggagawa
(skilled workers)
Unskilled – mga taong walang kaalaman, kasanayan at
karanasanSOURCE: DOLE
Kapital
Mga bagay na gawa ng tao na ginagamit sa
paglikha ng mga kalakal at paglilingkod.
Uri ng Kapital ayon sa Pagpapalit Anyo
Circulating Capital – kapital na mabilis magpalit-anyo
at mabilis maubos (hal. langis, kuryente, asukal).
Fixed Capital – kapital na hindi mabilis magpalit ng
anyo at matagal ang gamit (hal. gusali, makinarya,
sasakyan).
Entreprenyur
Tumutukoy sa mga taong namamahala sa ibang
salik ng produksyon (lupa,paggawa at kapital) upang
makalikha ng kalakal o serbisyo.
Tinatawag din sila bilang mga negosyante.
Mga Antas ng Produksyon
Ang produksyon ng kahit na anong kalakal ay
dumadaan sa sa iba’t ibang antas:
Primary stage – pagkalap ng mga hilaw na
sangkap (raw materials)
Secondary Stage – pagproproseso ng hilaw na
sangkap (refining process)
Final Stage – pagsasa-ayos ng mga tapos na
produkto (packaging, labeling and distribution)
para mapakinabangan ng tao.
Primary Secondary Final
Halaga ng produksyon
Tumutukoy sa halagang
ginagastos upang
makalikha ng kalakal.
Ang halaga ng
produksyon ang
nagiging batayan sa
pagtatakda ng presyo
ng isang kalakal.
Halaga ng produksyon
renta sahod Interest tubo
Halagang
kalakal
lupa paggawa kapital entreprenyur
Uri ng Halaga ng Produksyon
Fixed Cost (FC) – mga gastusin na hindi nagbabagokahit mataas o walang produksyon (hal. fire insurance, interest ng utang, upa sa gusali).
Variable Cost (VC) – mga gastusin na nagbabagohabang tumataas ang produksyon (hal. kuryente, office supplies, pasahod sa mga manggagawa).
Total Cost (TC) – kabuuang gastusin ng produksyon. Ito ang nagiging batayan ng presyo ng kalakal
TC=FC+VC
Marginal Cost
Ito ay tumutukoy sa karagdagang gastos-
pamproduksyon sa paglikha ng dagdag na yunit ng
produkto o serbisyo.
Gastusin sa Produksyon ng Tinapay
Dami ng
Produkto
(Q)
Fixed Cost
(FC)
Variable
Cost
(VC)
Total Cost
(TC)
Marginal
Cost
(MC)
0 50 0 50 0
1 50 80 130 80
2 50 110 160 30
3 50 150
4 50 210
5 50 290
Iba pang Pormula
Average Variable
Cost
Average Fixed
Cost
Average Cost
Gastusin sa Produksyon ng Tinapay
Q FC VC TC MC AFC AVC AC
0 50 0 50 0 0 0 0
1 50 80 130 80 50 80 130
2 50 110 160 30 25 55 80
3 50 150 200 40 16.67 50 66.67
4 50 210 260 60
5 50 290 340 80
BUOD:
Ang produksyon ay ang paglikhang mga kalakal gamit angpinagsama-samang salik nito.
Ang produksyon ay isangirreversible na proseso.
Tanda ng paglago ng ekonomiyaang pagtaas ng antas ngproduksyon.
• Ano sa inyong palagay ang kalakal na dapat
maging priyoridad ng produksyon ng
ekonomiya.
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
References:
EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong
at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI